LARAWAn ng usA PuB/ MArA eLAIzA A. fLOreS
AugustiniAn the
MA PA G T UG ON
•
M APA G -UNL A D•
Ang Opisyal na Pahayagan ng Unibersidad ng San Agustin
. Lungsod ng iloilo, Pilipinas
MA PA G S I YA S AT Tomo LXI Bilang 1
. Agosto 28, 2015
PlaZa DE San aguSTIn
Produkto ng butihing kamay, isip at puso
PANG ABI-ABI 2015 Pinahabang selebrasyon ng pagsalubong taong-panuruan 2015-2016
EDITORIAL Isyu sa Iglesia ni Cristo at ang panig ng gobyerno sa iginigiit na kakulangan
DUGONG PILIPINO Higit pa sa wika at nasyonalidad ang taglay ng isang totoong Pilipino
Augustinian the
THE
M A PA G T U G O N
Ang Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral ng Unibersidad ng San Agustin Lungsod ng Iloilo, Pilipinas
MGA PUNONG PATNUGOT
Erika Danielle M. Pepito Frennie M. Tababa Trishia Mae C. Molinos
MGA PANGALAWANG PATNUGOT
Gizelle Anne D. Villa Edcel B. Fajutag
MGA PATNUGOT NG PANITIKAN
. Lungsod ng Iloilo, Pilipinas
M A PA G S IYA S AT Tomo LXI Bilang 1
. Agosto 28, 2015
PLAZA DE SAN AGUSTIN
Produkto ng butihing kamay, isip at puso
PANG ABI-ABI 2015 Pinahabang selebrasyon ng pagsalubong taong-panuruan 2015-2016
EDITORIAL Isyu sa Iglesia ni Cristo at ang panig ng gobyerno sa iginigiit na kakulangan
Tungkol Sa Pabalat Bumalik na sa tradisyunal na pagsalubong sa mga estudyante ang Unibersidad ng San Agustin. Sa tulong ng mga butihing alumni, guro, estudyante, at ng administrasyon, mas naipakita ang ganda ng Unibersidad sa pagpapabuti ng serbisyo sa mga Agustino. Sa panibagong Akademikong Taon ay buong-puso na sinasalubong ang mga mag-aaral ng pagbabago at pag-unlad ng mga gusali at pasilidad. Dekalidad na edukasyon ang inaalay ng Unibersidad sa pamamagitan ng mga programa, aktibidades, at panibagong inobasyon.
DUGONG PILIPINO Higit pa sa wika at nasyonalidad ang taglay ng isang totoong Pilipino
SALITA NG MGA EDITOR
Frennie M. Tababa
PATNUGOT NG WALLNEWS
Anne Catherine D. Malazarte DIREKTOR NG SINING
Mara Elaiza A. Flores
PATNUGOT NG RETRATO
Jordan C. Galache
TAGAPAMAHALA NG SIRKULASYON
Kristin Joseff R. Gagajena Resty John L. Palete Gizelle Anne D. Villa Marie Julienne V. Caballete RJ J. Remo
M A PA G - U N L A D •
Edcel B. Fajutag
TAGAPAMAHALANG PATNUGOT
•
Ang Opisyal na Pahayagan ng Unibersidad ng San Agustin
LARAWAN NG USA PUB/ MARA ELAIZA FLORES
Stephanie Kay L. Urquiola Kevin Jerrol C. Erebaren
AUGUSTINIAN
MGA PUNONG MANUNULAT
Wilkienson C. Muro Armie Therese C. Penuela Jecel T. Buenavides Rochelle Mae M. Muzones MGA MANUNULAT
Daryl S. Selerio Herod A. Montiel Ronnyl D. Bulahan ARTISTS
Mary Johsyen T. Pabalinas John Elmer J. Balan Clyde Allen E. Sollesta
PAGPATULOY sa dekalidad na serbisyo bilang manunulat.
Hindi naging madali ang proseso ng pagpili ng mga magiging manunulat para sa taong ito; kinakailangan naming matutong makisama at umayon sa ugali ng isa’t isa. Panibagong mga mukha ang aming nakasalamuha at hindi lingid sa aming kaalaman na napakalaki ng posibilidad na hindi namin mapapantayan ang ekspektasyon ng mga nagtitiwala at naniniwala sa amin. Aminado kami na malayo pa ang aming lalakbayin para maabot ang mga layuning itinakda para sa aming organisasyon at mga sarili ngunit kasabay sa pag-aalinlangan na ito ay ang tiwala sa isa’t isa at sa aming mga sarili. Kami ay naniniwala sa kakayahan ng mga miyembro ng USA Publications para ipagpatuloy ang dekalidad na serbisyo na inihahandog sa mga mambabasa. Hatid namin sa inyo ang unang isyu ng The Augustinian, isang newsletter. Ikaapat na beses na ito ng pag-imprinta sa ganitong anyo upang matugunan ang aming adbokasiya na pagbawas sa gamit ng papel at makahikayat ng mga mambabasa sa pamamagitan ng disenyo at kalidad ng mga artikulo. Hindi lamang ito isang awtput na handog para sa tinataguriang Buwan ng Wika pero pati na rin sa wikang Filipino. Dala sana ng babasahing ito ay ang leksyon ng pagpapahalaga sa ating sariling wika, pagmamahal ng sariling atin, at ang pagmamalaki sa ating kultura. Higit pa sa pagiging isang Pilipino ay pagiging makatao at pagrespeto sa mga kulturang naiiba sa ating kinalakihan. Nakapaloob dito ang mga kaganapan sa Unibersidad kasama ang mga panayam sa mga awtoridad. Sinisiguro namin na ang lahat ng naisulat ay totoo, balanse at may pinagbasihan. Sana maihatid namin sa inyo ang mga impormasyon na gusto ninyong malaman. Tara, suriin ang bawat pahina, buksan ang isip sa realidad at paganahin ang imahinasyon. Masayang pagbasa!
MGA TAGAKUHA NG RETRATO
Aimee Andrea D. Gaje Nicole Ailice F. Serisola Andrea Nicole C. Parce Melky B. Arboleda Jessa Madeleine P. Gange Philip Robert C. Alaban
MGA APPRENDIS NA MANUNULAT
May Anne T. Jaro TAGAPAYO
Dr. Erwin S. Sustento LANGUAGE KRITIK
COLOPONO Ang newsletter na ito ay ginawa sa kompyuter gamit ang InDesign CS5, Adobe Photoshop CS5, at Adobe Illustrator CS5. Ang mga font na ginamit dito ay Optima, Cambria, at Helvetica. DISENYO NG NEWSLETTER Stephanie Kay L. Urquiola
Ang THE AUGUSTINIAN ay ang opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng San Agustin. Inilathala ito sa patnubay at superbisyon ng USA Publications. Sa mga interesadong magbahagi ng kanilang komento, suhestyon, at kontribusyon, mangyaring makipag-ugnayan sa lupon ng mga patnugot. Walang anumang parte ng phayagang ito ang pwedeng makopya sa kahit anong paraan kung walang pormal na pahintulot mul sa USA Pzublications at sa mga nagmamayari ng artikulo, grapiks, o larawan. OPISINA 2/F Alumni Building, University of San Agustin General Luna Street, Ililo City, Philippines 5000 Pwedeng basahin ang online edition ng THE AUGUSTINIAN sa aming website. I-scan lang ang QR Code na ito gamit ang inyong device.
TELEPONO (+63-33) 337-48-41 to 44 local number 189 EMAIL usapublications1@gmail.com WEBSITE www.usa-pub.blogspot.com BLOGSITE www.usa-publications.journ.ph
Augustinian the
Balita .
Ang Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral ng Unibersidad ng San Agustin Lungsod ng Iloilo, Pilipinas
Tomo LXI Bilang 1
. Agosto 28, 2015
Plaza de San Agustin, isinapubliko na
Paggunita sa buhay ni San Agustin. Malugod na sinasalubong ng 13-talampakang istatwa ang mga mag-aaral at dumarayong bisita sa pagpasok sa Unibersidad. (LARAWAN NG USA PUB/ MARA ELAIZA A. FLORES) NIna Stephanie Kay L. Urquiola at Rj J. Remo
BUMUNGAD sa 9,956 na estudyante ng Unibersidad ng San Agustin (USA) ang bagong disenyo ng Plaza de San Agustin na itinampok sa pamamagitan ng isang programa kung saan isang selebrasyon kasama ang USA Band habang papasok ang mga estudyante sa unang araw ng klase, ika-15 ng Hunyo, bahagi ng pagbubukas ng taong-panuruan 2015-16. Isinagawa ang pagpapasaayos ng plaza na kasalukuyang kinatatayuan ng tansong istatwa ni St. Augustine the Scholar gamit ang laryong inangkat mula sa bansang Tsina na bumuo sa disenyo ni Architect Wilfredo S. Sy ng College of Engineering and Architecture (CEA). Narito ang pahayag ni Eric Divinagracia, Direktor ng Student Affairs and Welfare Office, aniya, “It’s symbolic because the renovation is an expression of building the University ‘brick by brick’. It’s a campaign initiated by the Philanthropic office last year to have a brick named per donor. The University is a product of several hands, minds and hearts giving to and giving back to the University. Of course, at the
heart of the Plaza is St. Augustine the scholar. [Ito ay makabuluhan dahil ang pagkukumpuni ay isang pagpapahayag ng pagbuo ng Unibersidad sa pamamagitan ng mga “bricks”. Ito ay isang kampanya na sinimulan ng mga matulunging opisina nang nakaraang taon upang magkaroon ng isang ladrilyo na nakapangalan sa donante. Ang Unibersidad ay isang produkto ng ilang mga butihing kamay, isip at puso ng mga taong nagbigay at patuloy na nagbibigay sa Unibersidad. Siyempre, sa puso ng nasabing Plaza ay si St. Augustine the Scholar.]” Nasimulan ang istatwa ni San Agustin mula sa pondong nakalap noong USA 110th anniversary na tinawag na ‘Raise to 110M: Building the University Brick by Brick’ kung saan mayroong 1.2 milyong pledges ang nakalap para sa Scholarship Trust Fund at para na rin sa pagpapaganda ng Unibersidad. Dagdag pa niya, “It was great to open the gates again because it went back to the roots when the students were welcomed by Saint Augustine. Augustinians have this tradition of making the sign of the cross and going up to St. Augustine and I think that statue was made to 1
welcome. [Ikinasaya namin na nabuksang muli ang mga entrada dahil ito ay bumalik sa mga panahong ang mga mag-aaral ay sinasalubong ni Saint Augustine. Ang mga Agustino ay may tradisyon sa paggawa ng antimana ng krus at paglapit sa rebulto ni San Agustin na sa paningin ko ay ipinatayo para sumalubong.]” Iuukit sa laryo na idadagdag sa Plaza ang mga pangalan ng miyembro ng Alumni na nagbigay ng abisong tulong sa nasabing proyekto. “Mas naging kanais-nais ang kinalabasan ng proyektong ito, pero plano pa namin itong pagandahin kung saan magkakaroon ng mga benches na mauupuan ang mga estudyante at isang fountain sa harap ng USA Chapel. Kasalukuyan din kaming nagsasaliksik sa paraan ng pag-ukit ng pangalan ng mga donante,” buong katiyakang sinabi ni Fr. Williener Jack Luna, OSA, Direktor ng Philantrophic, External, and Alumni Affairs. Ang monumento ni St. Augustine the Scholar ay hinango sa Bernini statue at si St. Augustine the Bishop ay kasalakuyang inilipat sa loob ng USA Chapel.
Balita
Augustinian the
Tomo LXI Bilang 1
. Agosto 28, 2015
CCTV, sumailalim sa proseso ng pagpapabuti NIna Resty John L. Palete at Philip Robert c. Alaban
WALUMPU’T walong porsiyento ng mga Closed Circuit Television Cameras (CCTV), o 154 sa 176, ay gumagana at bagamat hindi pa pormal na nailipat sa administrasyon ng Unibersidad ng San Agustin, ay nakatulong na sa paglutas ng ilang mga kaso at suliranin.
Nananatili pa rin sa proseso ng pagsasaayos at pagpapabuti sa pagtipon ng mga impormasyon ang pag-install ng CCTV sa Unibersidad upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral at ng buong Agustinong komunidad. Inihayag ni Dante D. Bretaña, Officer-inCharge USA Security Office, sa wikang Ingles na, “Ang CCTV project ay ang pinakamahusay na paraan upang mabawasan at malutasan ang
BANTAY SARADO. Masusing binabantayan sa Security Office ang bawat galaw sa loob ng Unibersidad sa tulong ng mga CCTV cameras. (LARAWAN NG USA PUB/ MARA ELAIZA A. FLORES)
mga kaso tulad ng paninira, pagnanakaw at pagkawala ng mga ari-arian. Dahil sa CCTV, malay ang mga estudyante na anumang paglabag ay posibleng makasisira ng kanilang pangalan.” Ang paglagay ng CCTV’s ang iminungkahi ng marami na mabisang paraan sa pagsubaybay at pagtala ng mga kaganapan sa unibersidad nang walang operator. Ibinahagi ni Artem Ron Raymundo, AB Political Science 4 na, “Noong mga nakaraang taon, maging mabagal ang paglutas mga reklamo ng mga estudyante. Maliban dito, halos hindi masawala ang paninira ng mga ari-arian ng paaralan. Samantala, nang nasa kamalayan na ng mga estudyante ang pagkakaroon ng CCTV, ang lahat ng bagay ay ginawang mas madali, mas mabilis at mas naramdaman ang pagtutok ng Unibersidad sa problema naming mga estudyante.” Matatagpuan sa Securty Office sa Herrera Hall ang lahat ng mga CCTV’s para sa pagsubaybay at pagtatala ng mga footages ng pangkalahatang paggalaw ng buong Unibersidad. “Ang seguridad at ang kaligtasan ng lahat ay isa sa pangunahing prayoridad ng Unibersidad para lubos na maranasan ng mga Agustino ang dekalidad na edukasyon.” dagdag pa ni Bretaña.
Injap Continuing Education Building, patapos na NIna Kristin Joseff R. Gagajena at Armie Therese C. Penuela
INAASAHAN na matatapos ngayong taon nang nagsimula noong 2013 ang ipinapatayong Continuing Education Building (CEB), handog ni Dr. Edgar “Injap” Sia II, alumni ng Unibersidad ng San Agustin, bilang bahagi ng pasasalamat. Ang Continuing Education Building ay inaasahang makukumpleto na kung ipapadala na ng nasabing donor ang mga kinakailangang pasilidad at sa pagtapos nito’y magiging tahanan ng apat na sektor ng pag-unlad na kinabibilangan ng pananaliksik at mga publikasyon, mga pagbabago, propesyonal na pagpapaunlad at mga espesyal na proyekto. “The Continuing Education Building’s original intention is for use by Graduate School but we planned to reconstruct the University and adopt a vertical system of education by closing the graduate school and integrating graduate studies into the different departments. We decided that the purpose should be for continuing education and the building now will serve as a venue for seminars, trainings, and workshops [Ang orihinal na intensiyon ng Continuing Education Building ay para magamit ng Graduate School ngunit napagplanuhan naming baguhin ang istraktura ng pamantasan
at sundin ang bertikal na sistema ng edukasyon sa pamamagitan ng pagsara ng Graduate School at pagsamahin ang mga graduate studies sa iba’t-ibang departamento. Napagkasunduan namin na ang layunin ng nasabing gusali ay magsilbing darausan ng mga palihan, gawaan, at pagsasanay], “ wika ni Jigger Latoza, Direktor ng Center for Research, Innovation and Development. Ang mga estudyante ay maari ring makabenepisyo sa nasabing gusali dahil ang
MALAPIT NA. Hinihintay ng publiko ang pagbukas ng Injap building para sa mga bagong mag-aaral (LARAWAN NG USA PUB/ JOHN ELMER J. BALAN)
2
mga nabanggit na mga sektor ay magsisilbi sa mga mag-aaral sa pamamaraang katulad ng pagkuha ng research grants, publikasyon ng thesis o iba pang mga uri ng pananaliksik, mga pagkakataon na magbibigay opurtunidad sa mga mag-aaral upang matutunan ang mga bagay na hindi kabilang sa kanilang kurikulum, atbp. Dagdag pa rito, ang unang palapag ng nasabing gusali ay bubuksan at pauupahan upang maging kaakibat sa mga gastusin sa pagpapanatili at nang sa ganoon ay mabigyan ng pagkakataon ang komersiyo upang makipagtulungan kasama ang Agustinong komunidad. “Our perspective is to open the building to public access. This is a metaphor for our University opening its doors to serve the public and reach out to the larger community. Our University exists not only to provide education but also serve society [Ang aming perspektibo ay buksan ang gusali sa publiko. Isa itong metapora ng pagbubukas ng pinto ng ating Unibersidad upang maglingkod sa publiko at makipagtulungan sa mas malawak na saklaw. Ang ating Unibersidad ay nanatili hindi lamang upang makapagbigay ng edukasyon kundi magsilbi rin sa lipunan], “dagdag pa ni Latoza.
Tomo LXI Bilang 1
. Agosto 28, 2015
Augustinian the
Siyam na alumni, ginawaran ng parangal
Balita
Tatak Agustino, pinatingkad NIna Aimee Andrea D. Gaje at Wilkienson C. Muro
Pinarangalang Alumni. Kinilala ang siyam na alumni para sa kanilang mga serbisyo sa Unibersdad at komunidad. (LARAWAN NG USA PUB/ MARA ELAIZA A. FLORES) NIna Frennie m. Tababa at Jessa Madeleine P. Gange
UPANG mabigyan nang lubos na pagkilala ang mga propesyonal na nagsipagtagumpay sa mga larangang tinahak, ginawaran ang siyam na alumni ng unibersidad sa ginanap na 111th Alumni Homecoming, ika-16 ng Hunyo. Matapos ang masusing pagpipili ng lupon mula sa General Advisory Council, siyam na mga kalahok ang pinarangalan sa walong kategorya; sila ay sina Dr. Erwin S. Sustento (Education), Dr. Jonel P. Saludes (Environment, Science & Technology), Atty. Alfredo P. Javellana II at Engr. John E. Tampo (Entrepreneurship & Management), Mr. George C. Canicula (Culture and Arts- Posthumous), Judge Marie Yvette Dedel-Go (Law), Doralyn S. Dalisay (Medicine and Health Sciences), Dr. Erlinda G. De Los Reyes (Public and Community Services), at Rodolfo P. Gonzales (Sports). “Ang Unibersidad ay nakalikha na ng maraming alumni na nakaimpluwensya nang malaki sa ating lipunan. Sa pamamagitan ng pagkilala ng kanilang natatanging nagawa at kontribusyon, inaasahan na ang ating mga magaaral ay mahikayat upang ituloy ang kahusayan sa kani-kanilang larangang pinili,” pahayag ni Fr. Williener Jack E. Luna, OSA, Direktor ng External at Alumni Relations.
Kinabibilangan ng mga sumusunod ang batayan sa pagpili ng Alumni Achievement Awardee 2015: dapat ay nagpakita ng kapuripuring gawain sa propesyon o napiling larangan, pagiging tapat sa mga mithiin ng Unibersidad, serbisyo sa komunidad at integridad. “Labis akong natuwa dahil nabigyan ng halaga ang dedikasyong iniambag ko para makatungtong ako kung saan man ako ngayon,” sabi ni Rodolfo P. Gonzales, Sports Awardee. Dahil sa mga parangal at kaalamang natanggap ng mga kinilala, hindi maiaalis sa kanila na tulungan ang Unibersidad na naging bahagi ng kanilang tagumpay. “Para sa iyong kaalaman, sa ngayon ako ang namumuno sa Pharmacy department kaya gagamitin ko ang aking koneksiyon sa US para mahasa ang mga estudyante na maging dalubhasa at gusto kong bumuti ang pagkakakilanlan ng departamento,” wika ni Doralyn S. Dalisay, Medicine and Health Sciences Awardee. Ayon naman kay Dr. Erlinda G. De Los Reyes, Public and Community Service Awardee, ang Unibersidad ang nagpakilala sa kanya ng kawanggawa sa pagsali niya sa mga organisasyon. Parte ito ng layunin ng Unibersidad para makilala ang mga Agustinong hindi lamang sa Unibersidad naglaan ng kanilang kaalaman at abilidad, pero pati na rin sa komunidad.
3
“Sila ay ating hikayatin. Sariling atin, ipagmalaki natin, San Agustin!” ITO ang mga salitang binitawan ni Lloyd Celis, Marketing and Communications Assistant ng Unibersidad ng San Agustin sa kanyang panayam sa The Augustinian alinsunod sa pagpapalabas ng mga bagong kalakal ngayong pasukan, Hulyo 29, 2015. Nito lamang nakaraang Hunyo 25, 2015 ay itinampok ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga model ang mga piling kalakal na nagtataglay ng tatak ng Unibersida; payong na nagkakahalaga ng Php 200.00, mga notebook planners Php 400.00 na halaga, mga USA t-shirts sa halagang Php 250.00, hoodies sa Php 850.00 na halaga at premium hoodies sa Php 1,500.00. Ang mga nabanggit na kalakal ay mabibili sa bookstore ng Unibersidad at hinihikayat na bilhin ng mga estudyante ng pamantasan. “Sa ngayon, nagpapalabas lang muna kami ng 50-100 na produkto sa bawat disenyo. Hindi kami makapaniwala na madaling naubos ang mga ito sa loob lamang ng isa o dalawang linggo at mayroon pang mga naghihintay para sa susunod na ipapalabas namin.” tugon ni Celis. Dagdag pa niya na mas madali raw silang nakabebenta dahil sa tulong ng social media accounts ng Unibersidad sa Facebook, Twitter, at Instagram. “Nakita ko ang kaklase ko na suot ang hoodie na may pangalan ng Unibersidad,” saad ni Kevin Mercado, BS Civil Engineering 5, nang tinanong kung saan niya nakuha ang ideya sa pagbili. Lingid sa kaalaman ng nakararami, may mga ilang kalakal na ngayon ay ipinaplano ng opisina gaya ng flash drives, lanyards, foldable fans, ball pens, at mga ballers na ilalabas sa itinakdang panahon. “Ito ay mga bagay para ibahagi ang tatak at identidad ng mga Agustino. Sa pamamagitan ng mga produktong ito, maitataguyod natin ang ating sariling Unibersidad sa paglipas ng mga taon,” pagmamalaking sabi ni Celis sa kanyang panayam.
Balita
Libreng Photocopy Stubs, Ipinamahagi
. Augustinian PANAYlaytay, boses ng Panay the
Tomo LXI Bilang 1
Agosto 28, 2015
NI Melky B. Arboleda
PARA sa libreng photocopy ng mga estudyante, namahagi ang University of San Agustin Student Council (USASC) ng stubs bilang isang bahagi ng kanilang mga proyekto para sa Akademikong Taon ng 2015-2016. Sa pangunguna ni Sheen Marie Mabilog, presidente ng USASC, naniniwala siyang makatutulong ang mga simpleng proyekto upang mapagaan ang mga pasanin ng mga Agustinong mag-aaral sa mga gastusin sa iba’t iba nilang pangangailangan sa pag- aaral. “Ang pangunahing layunin namin ngayon ay masagot ang mga hinaing at pangangailangan ng mga estudyante sa Unibersidad,” pahayag ni Mabilog. Maliban sa libreng photocopy, nais din ipatupad ng USASC ang libreng printing ng mga kahingian sa klase at ang pagtatag ng isang text line kung saan maaring magpadala ng mensahe ang mga mag-aaral sa council para sa mga komento o suhestyon. Ayon kay Mabilog, “Hindi madali ang pagpapatupad ng mga proyekto. Ang pagbabalanse ng oras at ang kooperasyon ng mga taong pinamumunuan mo ay kailangan din upang maging matagumpay ano man ang iyong layunin.” Dagdag pa ni Mabilog na maliban sa mga proyekto na kanilang ipapatupad ngayong taon, unti-unti na rin nilang tinutugunan ang mga karaniwang daing ng mga estudyante sa unibersidad. “Dahil sa libreng photocopy, mas makakatipid ako lalo na tuwing exam. Ang kaunting salapi na maiipon ko ay magagamit ko pa sa ibang bagay,” pagbabahagi ni Ina Loren Calucab, isang mag-aaral ng Bachelor of Science in Foreign Service. Sa huli, ibinahagi ni Mabilog sa The Augustinian na ang kanilang proyekto ay suportado ng administrasyon at kaagapay nila ito sa pagtupad ng mga proyekto na makabubuti para sa kapakanan ng mga Agustino.
PAGBIBIGAY-BUHAY. Ang pagsasadula sa ‘Binukot’ ng Panay na ginampanan ni Bb. Mona Pico. (LARAWAN NG USA PUB/ MARA ELAIZA A. FLORES) Nina Frennie M. Tababa at Daryl S. Selerio
PARA ipaalam ang kaakuhan at pagkakakilanlan sa Panay, ang pamantasan ay naglunsad ng isang naratibo sa ginanap na PANAYlaytay, ika12 hanggang 30 ng Hunyo. Dahil sa pagtutulungan ng estudyante ng Fine arts, USA Little Theater, USA Troubadours, at ilang boluntaryong estudyante at guro, narinig ang iba’t-ibang boses ng kababaihan ng Panay, mga boses sa pagdating ni Yolanda at mga boses ng pagbati. “Pinagsama-samang ideya ng mga propesyonal sa larangan ng sining mula sa iba’tibang Unibersidad, lokal, at internasyonal ang mga nagsa-konsepto at ito ay isang pribilehiyo na aming ikinagagalak,” pahayag ni Eric Divinagracia, Direktor ng USA Little Theater. Nakita din ang ganda ng kalikasan tungo sa mga litratong nakapaskil sa mga bulwagan, sa kwarto ng eksibit at sa Bintana Okil ng cafeteria. Matapos ang kalahating oras na pagganap at pagtanaw, nasubaybayan ang daang tinahak ng Panay mula sa pagbuo (Pagpanday), PROSCRIBED Pahina 5
Libre. Namigay ng stubs ang Student Council Officer sa estudyante. (LARAWAN NG USA PUB/ MARY JOHSYEN T. PABALINAS)
pinanghahawakan dito sa mundong ibabaw. Ito’y isang regalong malayang inihahandog ng Diyos. Hindi ito nagagalak sa pagsalansang, kundi nagagalak sa katotohanan. Ngunit batid natin na ang bawat bagay ay may kaukulang sukdulan at hangganan. Bagamat ito’y isang damdaming hindi magawang hadlangan, ito ay nangangailangan ng higit na pagsasaalangalang. 4
pagkabuhay (Pagbanhaw), paghasa (Paghangkat), at paggawa (Pagpasad). “Naibahagi nilang mabuti ang mensahe, maganda ang kinalabasan, at nagganapan nang mahusay ng mga aktor ang kanilang bahagi. Sa pangkalahatan, “amazing,” komento ni Joseph William Albaña, panauhin at propesor sa UP Visayas. Idinagdag pa niya na masaya siya na pumunta para makita ang palabas. Hindi lamang mga ordinaryong tao ang nakibahagi kundi pati na rin ang mga ambassador mula sa iba’t-ibang bansa na kagagaling lang sa Santa Barbara, Iloilo dahil sa pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan. “Isang karangalan para sa amin ang maging bahagi ng PANAYlaytay. Ang makapaghandog ng mga awiting repleksyon ng ating kultura bilang Ilongo at bilang Pilino sa harap ng mga ambassador ay bagay na aming pinagmamalaki,” sabi ni Rose Ann Dagunan, miyembro ng USA Troubadours. Dahil sa boses, naipaalam ang kalagayan ng Panay. Ilang boses pa kaya ang maririnig? DESIREUX Pahina 6
Sa pangkalahatan, ang isang maiging pamamahala, tapat na paghawak ng posisyon at mabuting sistema ng pagpapagalaw ng mga tao ang ilang mga nakikitang kalakasan ng gobyerno ng lungsod upang masiguro ang paghahanda para sa pandaigdigang pagtitipong ito. Ngunit, kung ikaw ba ang tatanungin, handa na ba o hindi pa?
Augustinian Balita Pang Abi-Abi 2015, pinahabang selebrasyon Tomo LXI Bilang 1
the
. Agosto 28, 2015
Nina Marie Julienne V. Caballete at Andrea Nicole C. Parce
INILUNSAD sa Unibersidad ng San Agustin (USA) ang bago at kakaibang paraan ng pagsalubong sa mga estudyante sa dalawang linggong selebrasyon ng Pang Abi-abi na idinaos noong Hunyo 15 hanggang 27. Ang Pagbubukas ng Plaza de San Agustin, departmental at orientasyon para sa mga freshmen, pangkalahatang eleksyon kasama ang panunumpa ng mga classroom officers at Freshmen Night ang mga naging aktibidades sa nasabing selebrasyon. “Mula ito sa ideya ni Sir Eric Divinagracia at opisina ng Vice President for Academic Affairs (VPAA). Iminungkahi nila na sa unang araw ito gawin upang mahikayat ang mga estudyante na pumasok sa Unibersidad at baliin ang nakasanayang pagpasok na dalawang linggo matapos ang opisyal na pagbubukas ng mga klase,” pagbubunyag ni Sheen Marie Mabilog, pangulo ng USA Student Council. Bukod sa mga nabanggit na mga aktibidad, bumisita rin ang mga Freshmen sa adopted community ng Unibersidad na matatagpuan sa Brgy. Nabitasan, Leganes. “Hindi lamang sa loob ang naging pokus nang Pangabi-abi dahil nagkaroon ang mga estudyante ng pagkakataong lumabas sa apat na sulok ng Unibersidad at sila mismo ang gumalaw para makatulong sa paglinis ng komunidad sa Leganes,” pagmamalaking
ibinanggit ni Mabilog sa The Augustinian. Sa kabuuang pagsasagawa ng pang abiabi, kapansin-pansin ang paglutang ng core value ng Unibersidad na UNITAS. “Sa loob ng dalawang linggong selebrasyon ng Pang Abi-abi, ninais naming ipakita na ang buong Unibersidad ay nagkakaisa at sumasabuhay sa tema ngayong taon, ONE MIND, ONE HEART, ONE SAN AGUSTIN,” paglalahad ni Sir Eric Divinagracia, direktor ng Student Affairs and Welfare Office (SAWO). Ipinahayag ng administrasyon at ng
student council ang kanilang lubos na pasasalamat sa lahat ng mga tumulong upang maging matagumpay ang Pang Abi-abi. “Gusto naming pasalamatan ang lahat ng naging parte ng pagsasakonsepto at pagsasabuhay ng Pang Abi-abi kabilang na ang suporta ng administrasyon, mga student leaders at lalong lalo na ang mga estudyante. Kami ay labis na nagagalak na naiparamdam namin sa mga bagong estudyante ang mainit na pagsalubong,” kapwa pahayag ni Divinagracia at Mabilog.
mula sa puso. Buong-pusong sinawayan ng mga miyembro ng UNISTARS ang mga estudyante sa panggabing selebrasyon ng Pang Abi-abi 2015/ (LARAWAN NG USA PUB/ MARA ELAIZA
A. FLORES)
Bilang ng mga gurong may master’s degree, tumaas Nina Edcel B. Fajutag at Erika Danielle M. Pepito
TUMAAS ng 9.44 na porsyento ang bilang ng mga guro sa Unibersidad na nakapagtapos na ng master’s degree, Hulyo 2015. Base sa naitalang istatistika ng Human Resources Management Office (HRMO), mayroong 54.35 na porsyento (275) sa 506 na manunuro ang nakapagtapos na ng kanilang MA degree kumpara sa 44.91 porsyentong naitala noong ikalawang semestro ng Akademikong Taon 2013 – 2014. Ang pagtaas sa bilang nito ay bunga ng scholarship na binibigay ng Human Resource Development Program sa mga guro ng Unibersidad kaugnay sa mandato ng Commission on Higher Education (CHED) Memorandum Order (CMO) no. 46 seksyon 23.3 na nagsasaad na, “Ang mga Unibersidad ay nararapat na may mga manunurong nauugnay ang digri sa kanilang mga lugar ng kadalubhasaan at may komprehensibong saklaw ng mga programa ng mga digri sa lahat ng antas, mula sa basic post-secondary
hanggang doctoral programs.” “Kasabay ng pagtaas ng porsyento nito ay ang pagdagdag rin ng bilang ng populasyon ng mga estudyante sa Unibersidad kung kaya’t tayo ay nagsusumikap na magbigay ng master’s program sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga propesyonal mula sa Maynila upang tulungan ang ating mga guro ,” saad ni Fr. Rommel D. Par, OSA, direktor ng Vice President for Academic Affairs (VPAA) ng Unibersidad. Samantala, mayroong 36.76 na porsyento (186) ng mga guro ang kasalukuyang nakapagtapos na sa kanilang post-baccalaureate degree at 8.89 na porsyento (45) naman ang nakapagwakas na sa kanilang doctorate degree. “Ang ating intensiyon ay ang mas mapabuti ang kuwalipikasyon ng ating mga manunuro at kung posible ay makamit ang 100 na porsyento ng mga gurong may master’s degree at dapat ring tumaas ang porsyento ng mga gurong may doctorate degree sa Unibersidad,” pahayag ni Par. Ninanais rin ng Unibersidad na magkaroon ng mga gurong hindi lang nakapagtapos sa kanilang mga antas kundi bihasa rin sa kanilang 5
mga larangan. Dagdag pa niya, “Hindi dapat tayo makuntento sa kung ano na ang narating ng ating institusyon. Dapat tayong magsumikap pa upang mas mapabuti ang sistema ng ating edukusyon.”
August
th
Adan at Adan, Eba at Eba: Tama bang Magsama? proscribed
Trishia Mae C. Molinos
“ ”
Ang Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral ng Unibersid
Ang pag-ibig ay isang salitang may malawak at malayang sakop na pinanghahawakan dito sa mundong ibabaw.
Parang lintang kumalat sa social media ang samu’t saring litratong mayroong kulay ng bahaghari bilang pagpapahayag ng kalayaan mula sa kadena ng mapanghusga at makiling na lipunan kaugnay sa isyu ng kasarian. Ito ay kasunod ng balitang lumabas noong Hunyo ukol sa pag-aapruba ng Korte Suprema ng Estados Unidos na gawing legal ang “samesex marriage” sa 50 estado nito. Isa na ngayon ang U.S sa 20 bansang lantarang sumusuporta at lubos na kumikilala sa “same-sex marriage” sa buong mundo. Kaugnay nito, binaha ng samu’t saring opinyon ang social media lalo na sa Twitter at Facebook na kadalasa’y nagpapahayag ng pagsuporta sa naturang isyu. Gamit ang #LoveWins, isinulong ng netizens ang kanilang pagsuporta at pagtaguyod ng pantay na karapatan sa pagpapakasal. Ngunit sa kabila nito, hindi rin maiiwasang matapakan ang moral na paniniwala at paninindigan ng nakararami sa atin. Oo nga’t naroon na tayo sa katotohanang kinakailangan ng bawat isa ang pantay na pagtingin sa lipunan, magkaroon ng pantay na pagpapatupad ng karapatan, at pantay na pagtrato at pagtanggap. Ngunit kung i-uugnay ang isyung ito, tila nalalagay tayo sa sitwasyong nangangailangan ng muling pagkonsidera. Makatarungan nga bang maituturing ang pag-apruba sa isang bagay na lubos na hindi ikinalulugod ng Diyos? Mas mahalaga pa ba sa atin ang pagsunod sa pamantayan ng sosyedad higit sa pamantayang inilahad ng Bibliya? Hindi natin maikakaila na sa pagkalat ng samu’t saring kampanya kaugnay sa “samesex marriage”, tayo man ay nadadala sa tinatawag na “trend” ng kasalukuyan. Dito na pumapasok ang usapin ng respeto, karapatan, at kalayaan na higit na ipinaglalaban ang mga taong direktang maaapektuhan nito. Ngunit kung ating titimbangin at titingnan sa moral na pananaw, ito ay isang maliit na hakbang tungo sa malaking pagbabago sa lipunang ating ginagalawan. Sa pagkakaroon ng bukas na tarangkahan sa pagpapakasal, kahit na ano pa mang kasarian ay malaya nang makakabuo ng pamilyang katulad ng pamilyang binubuo ng iba. Malaya na silang ipangalandakan sa mundo na sila ay hindi na bilanggo ng komunidad. Normal na lamang tayong makatatanaw ng mag-
Opin
asawang magkatulad nang isilang, namumuhay nang tulad sa kahit na sinong magkapareha sa buhay. Ang lipunang ating ginagalawan ay isa nang malayang lipunang tahanan ng mga mag-asawang binuklod ng batas na binuo at pinatupad ng tao. Mag-iiba na rin nang tuluyan ang prinsipyo at pananaw sa usapin ng kasal, sa pamilya, at pag-ibig. Anu’t-ano pa man, tayo ay nasa kalagitnaan ng modernong mundong tila nakaligtaan na ang tunay na batayan sa pagbubuklod ng dalawang nilalang na higit na nag-iibigan. Ang mga susunod na henerasyo’y mamumulat na sa makabagong larawan ng mag-anak na magmula sa pamilyang mayroong ina at ama ay humantong na sa pamilyang binubuo ng isang ina at ina, o isang ama at ama. Ayon sa isang sarbey na inilabas ng The Standard Poll, halos 70% ng mga Pilipino ang higit na tumututol sa pagpasa ng batas na nagpapahintulot ng same-sex marriage sa bansa. Sa Pilipinas, hindi pa nailalagay sa konsiderasyon o mga usapin ang isyu ng same-sex marriage. Tayong mga Pilipino ay nagsisilbi lamang na tagamasid ng kakaibang pangyayaring nagaganap sa ibang panig ng mundo. Ngunit maging sa lipunan dito sa bansa, laganap na rin ang mga taong pumapasok sa isang relasyon kung saan ang kapareha nila’y kapwa nila babae o lalaki dulot ng nakikita sa telebisyon, sa social media o maging sa aktwal at pang araw-araw na pamumuhay. Ayon sa Simbahang Katoliko sa Pilipinas, ang pag-aapruba sa “same –sex marriage” ay isang lantarang paglapastangan sa Salita at kautusan ng Diyos. Malinaw na ipinapahayag sa Leviticus na ang lalaki ay nilikha para sa babae at ang babae ay nilikha para sa lalaki. Ito ay isang hubad na katotohanang pilit na ikinukubli at pilit na iwinawasto ng nakararaming sumasang-ayon sa batas na nasabi. Ano pa bang ibang batayang mas matimbang sa Bibliya ang higit na makapaglalahad ng katotohanan dito sa mundong pilit na itinutuwid ang mga baluktot na paniniwala masunod lang ang sariling kasiyahan? Ang pag-ibig ay isang salitang may malawak at malayang sakop na PROSCRIBED Pahina 4 6
editoryal
Sisihan at Turuan
Sa pagkakataong ito, pinagbuklod ang simbahan at ang estado. Nang ipinatupad, ang dalawang ito ay patuloy na humaharap sa sunod-sunod na isyu. Ang pagkilala sa kagustuhang maging pribado at sa desisyon ng bawat isa ay isang paraan para respetuhin ang mga kaganapan sa panloob na gawain. Ngunit sadyang may mga pagkakataon na ang dalawang panig ay kinakailangang mangialam sa mga pangyayaring maaaring makaapekto sa taumbayan at ang magkabilang dako ay kinakailangang humingi ng tulong at kumonsulta sa karunungan na idinudulot lamang ng kabilang panig. Ang problema ngayon ay umiikot sa sinasabing ‘pagkukulang’ ng gobyerno para masolusyunan ang mga problemang nakapalibot sa Iglesia ni Cristo (INC) tulad ng hindi agarang pagresponde sa di umano’y hostage taking. Ang tanong: “Kasalanan na naman ba ng gobyerno?” Ang sagot ay hindi. Ibinigay ng gobyerno sa Iglesia ni Cristo ang lahat ng maaaring maitulong sa paglutas ng mga legal at panghukuman na problema na lumitaw noong panahon ng sinasabing pandurukot sa mga opisyal ng INC. Ibinalita na ang mga opisyal ng naturang samahan ang naging rason sa likod ng kanilang pagkakakuha. Agad na nagpadala ang gobyerno ng pulisya at mga kinauukulan para rumesponde sa nasabing sitwasyon. Nang mapatunayan na hindi totoo ang sinasabing kaganapan, hindi pa rin umalis ang awtoridad at humingi pa ng pahintulot kay Angel Manalo, kapatid ng punong ministro ng INC, para pumasok sa compound ng INC at suriin ang sitwasyon, ngunit tumanggi si Manalo dahil
tinian
he
nyon
dad ng San Agustin
Handa na ba o Hindi pa? Tomo LXI Bilang 1
. Agosto 28, 2015
ito ay “napagod” at nirespeto naman ng mga awtoridad ang kanyang kahilingan. Sa Malacañang, ang Palace Communications Secretary na si Herminio Coloma Jr. ay nagsaad na sapagkat ang pangyayari sa INC ay isang panloob na isyu, nagpadala pa rin ng mga opisyal ng pulis para masiguro ang “kaligtasan ng lahat ng kasangkot”. Malinaw na pinakita ng gobyerno na hindi ito nagkulang sa pagtugon sa pangangailangan ng INC sa kabila ng kanilang limitadong pagkilos sa lugar na kanila lamang nasasakupan at hindi rin kinalimutang galangin at respetuhin ang pagka-pribado ng nasabing sektor. Ang Iglesia ni Cristo ay isang matatag at nagkakaisang sektor na sumasailalim sa isang mahigpit na kamay ng diktador, kung saan ang lahat ng tao ay sumusunod sa mga tagubilin ng kanilang mga opisyal at ministro. Kaso ng katiwalian ang itinuturong dahilan na ginawa ng ilang mataas na opisyal ng simbahan. Maaari ngang totoo na anumang organisasyon ay hindi makakaiwas sa anumang uri ng problema, ngunit ang ganitong klase ng isyu ay sarado sana sa publiko kung agad itong nasolusyunan bilang isang organisasyon. Dapat lang ba nating maisip ang gobyerno sa panahon ng sisihan at turuan? Sa dalawang organisasyong may kanya-kanyang hurisdiksyon sa bansa, bakit pa sisisihin ng isang panig ang kabila sa isyu na hindi naman nila nasasakupan? Ganito ba dapat ang ipinapakita ng dalawa sa mga pinakamalaking organisasyon sa ating lipunan? Saan ba tutungo ang INC pagkatapos nila lutasin ang suliraning hinaharap nila? Hanggang sisihan at turuan na lamang ba ito?
desireux
“ ”
Edcel B. Fajutag
Gaano na ba kahanda ang ating lungsod para sa mga malawakang pagtitipon tulad nito?
Mapapansin ang naging paghahanda ng lungsod ng Iloilo nitong mga taon para sa ilulunsad na Asia-Pacific Economic Cooperation summit o mas tanyag sa tawag na APEC 2015 na may temang “Building Inclusive Economies, Building a Better World”. Ang siyudad ay napiling sentro ng mahalagang usapan ng limang kategorya ng pagtitipon na dadaluhan ng higit kumulang 3000 katao mula sa 21 na bansang kasapi nito. Ngunit ang tanong, gaano na ba kahanda ang ating lungsod para sa mga malawakang pagtitipon tulad nito? Noong ika-23 at ika-24 ng Hulyo nitong taon ay una nang ginanap ang unang bugso ng mga nasabing pulong na pinamagatang “Strengthening the Capital Markets, Infrastructure Development and Financing” na isinagawa sa Royal Garden Convention Center. Ngunit, bago pa man ganapin ang unang pagtitipon ay dumagsa ang animo’y agamagam na maaring hindi matuloy ang nasabing paghawak ng ating lungsod sa iilan pang pagtitipon na nabibilang sa mga programang ilulunsad sa bansa bilang Hosting Economy ng APEC 2015. Ilan sa mga kadahilanang nakikita ay ang konstruksyon ng Iloilo Convention Center o ICC na siyang nakatakdang maging lugal ng mga gaganaping miting ngunit hanggang sa ngayon ay patuloy pa ring ginaganap ang paggawa nito. Isa ring dahilan sa pagkaluwat ng konstruksyon ay ang paglilitis tungkol sa di-umano’y overpricing ng nasabing establisyemento. Ang lungsod ay nakatadhanang maging punongabala ng iba pang pagpupulong na siyang tinatakdang isagawa sa ICC ngayong taon. Kabilang dito ay ang mga paksa tungkol sa Small and Medium Enterprise o SME sa darating na ika-21 hanggang ika-25 ng Sityembre at Food Security sa ika-28 hanggang ika-6 ng Oktubre. Ayon kay Rey Delfin, tagapagsalita ni Mayor Jed Patrick E. Mabilog, kung maaring hindi matuloy ang pag-organisa ng siyudad sa dalawang nasabing pulong ay hindi dadapyas sa 225 milyong pisong rentas internas ang hindi mapapasakamay ng lungsod. Kung susumahin, isang malaking pagkakataon ang maaaring mawala sa 7
lungsod kung hindi man matuloy ang mga pagpupulong na ito. Hindi lang ang malaking kita ang magiging kahina-hinayang kundi pati na rin ang pagkakataong mas mapaigi pa ang mga sistema ng ating lungsod tungkol sa mga topikong tatalakayin sa mga nasabing miting. Bumaling tayo sa mga usaping maaring ihatid ng pagtitipong ito. Ang APEC 2015 ay nasesentro sa pagpupulong ng mga paksa tungkol sa pagpapa-unlad ng iba’t ibang aspeto ng isang bansa. Ito ma’y nasa pokus ng negosyo,seguridad, trabaho, edukasyon at iba pa. Bilang isa sa mga nakatakdang tagahawak ng mga pagtitipong ito, hahayaan ba nating mawala ang malaking opurtunidad na sa atin ay minsan lang napagkakaloob? Ito ay hindi lamang naging isang daan upang ating mapabuti ang mukha ng ating lungsod. Higit pa rito, ito ay magbibigay ng pagkakataong ating ihanay ang ating mga kadalubhasaan at pamantayan hindi lang sa loob ng ating bansa kundi na rin sa pandaigdigang pagsasanay. Sa kabilang dako, atin ring maibabahagi ang ating mga hinaing kaugnay sa pagpapaunlad pa ng ating siyudad at maibalik ang titulong “Queen City of the South” na siyang minsang nakakabit sa ating pagkakakilanlan. Aminin man nating pansin ang ilan pang mga problema na makikita sa ating napaliligiran tulad ng mabagal na usad ng trapiko, binabahang daan, at hindi sapat na suplay ng tubig ngunit sadyang kapansin-pansin pa rin ang aktibong pagpapasaayos ng ating lungsod na pawang hindi natin hahayaang mawala lang nang parang bula ang pagkakataong ito. Kahit sa anumang bandang tingnan, ang lungsod ay makikitang naging aktibo sa pagbabalangkas para sa dakilang pangyayaring ito. Nitong ika-6 lang ng Hulyo nang ginawaran ng National Competetiveness Council o NCC ang lungsod bilang may pinakamahusay na pamamalakad ng gobyerno at siya ring hinirang ng Philippine Daily Inquirer bilang Most Liveable City sa APEC Venue Category. Ilan lamang ito sa mga magiging patunay na hindi nagkulang ang ating gobyerno sa paghahanda at pagpapaunlad ng ating siyudad. DESIREUX Pahina 4
Augustinian the
Lathalain .
Ang Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral ng Unibersidad ng San Agustin Lungsod ng Iloilo, Pilipinas
Tomo LXI Bilang 1
/Doo-gawng Pi-li-pee-noh/
. Agosto 28, 2015
Pagiging Pilipino sa isip, sa salita, at sa gawa
GRAPIKS NG USA PUB/ RONNYL D. BULAHAN
Nina Jecel T. Buenavides at Erika Danielle M. Pepito
P
agkatapos ng ilang minutong pagtatambay sa daanan habang sumisilip sa silid-aralan, natapos din ang paghihintay. Heto na, walang urungan! Unti-unti akong lumapit sa isang estudyante na kasingtangkad ng kisame na hindi ko kailanmang maaabot. Nang napansin niya ang aking presensya, ngumiti ako, at ngumiti rin siya.
8
“Hello! I’m from the USA Publications. We are writing an article about foreigners speaking our very own language. If it’s okay with you may I ask you some important questions? It won’t take long,” sabi ko, fingers crossed pa yan ha, sana hindi ako mapapahiya. “Ano tani mga pamangkot mo aw? Pila man lang na kabilog guro a. Pwede man subong na lang kay wala man ko klase.” Napatigil ako at bahagyang napanganga. Yung feeling na ume-English-English ka na halos mabulol ka sa iyong mga pinagsasabi at gustong sabihin na parang kinakain mo na ang lahat nang mga salitang sinasabi mo hanggang hindi mo na alam kung tumatama pa ba o maling-mali na ang iyong gramatika, pagsalita at pagbigkas mo. Marunong naman pala siyang magHiligaynon. “Ah sige, subong ta na lang ka interbyuhon,” ang sabi ko, sabay kamot sa batok at habang namumula yung pisngi sa hiya. Hindi maikakaila na maraming mga banyaga na nagmula pa sa mga iba’t ibang bansa tulad nang Korea, Tsina, Estados Unidos ang tumutungo dito sa Pilipinas upang manatili at matuto rito. Dahil dito at sa tagal nang kaniling pananatili ay naging parte na rin ng kanilang pangaraw-araw na buhay ang pagsasalita ng wikang Filipino at ng iba pang mga diyalekto kung saan sila tinanim at nagtubo. Ibang-iba nga naman talaga ang epekto ng globalisasyon dala nang modernization. Mas mabilis na transportasyon na kahit saan pwede nang puntahan, mapatubig man o himpapawid na nagbigay daan sa mas malawak na pananaw sa mundo. Bahagi na dito ang Internet na naging medyum sa lahat nang tao na mapalawak nila ang kanilang mga hangganan lalong lalo na para sa ating henerasyon. Klik dito, klik doon. Malaki ang naging impluwensya ng Internet dahil tumutulong ito na maipadala ang iba’t ibang idelohiya at mga ideyang nagbibigay daan na ipahiwatig at magtulong napaluwagin ang posibilidad na mapaunahan at maumpisahan ang pagbabago na nagmula sa iba’t ibang bansa patungo sa mga karatig-bayan. Dahil sa makabagong teknolohiya ngayon, naging mas madali at mapadali na ang lahat lalo na ang pagdaloy at kaluwagan sa patag ng komunikasyon. Isa ito sa mga mahahalagang sangkap na magbibigay daan sa lahat upang makakabuo ng hindi matitibag na koneksyon sa isa’t isa saanmang sulok ng mundo, kahit ano
Tomo LXI Bilang 1 . Agosto 28, 2015
Ngiting Pinoy. Taas noong isinusuot nina Elizah Beth Dorgu (kaliwa) at Rebecca Dorgu (kanan) ang kanilang uniporme bilang pakikiisa sa Agustinong komunidad.
pa ang kulay nang dugo at pagkatao mo. Ito din ay magsisilbing daan upang ating masaksihan nang personal at buong buo ang di simpleng makita and mahanap na mga natatagong kultura at yaman ng isang bansa. Isa na rito ang wika na kumakatawan at sumisimbolo ng ating pagkatao at pinagmulan. Nakakadagdag sa kinang ng ating pagkaPilipino ang malaman na malaking numero ng mga dayuhan ang tumatangkilik sa wikang Filipino at iba pa nating mga diyalekto. Nagsisilbi itong inspirasyon at hamon na marapat lamang nating payabungin ang sariling atin. Kung nagagawa itong mahalin ng mga dayuhan, ano
Augustinian the
pa kaya tayo na mga Pilipino mismo? Naging usap-usapan sa mga social media sites ang “Hey Joe” videos. Isa itong grupo ng mga banyagang mula sa Estados Unidos na kung kumilos at magsalita ay aakalain mong mga Pilipino. Bihasang- bihasa sila sa pagsasalita ng Bisaya na ikalawa sa pinakaginagamit na wika sa Pilipinas. Tunay na nakamamangha at nakalalambot ng puso ang pagmamahal na ibinibigay nila sa ating wika. Ang magkapatid na sina Elizah Beth Dorgu at Rebecca Dorgu ay dalawa lamang sa mga dayuhan (Nigerian) na bihasa na sa pagsasalita ng wikang Hiligaynon. Sa kanilang mga matang kasinbilog ng holen, mga pilik mata na na animo’y along paagos-agos, malamanikang tindig at kutis na parang langit sa kagabihan na punong- puno ng mga bituin na nagkikislapan, hindi mo aakalaing nakagawian na nilang maghiligaynon. “Indi man mabudlay tun-an ang Hiligaynon kay kaayo kag kabuot sang mga Ilonggo,” sambit ni Rebecca na may galak sa kanyang mga mata. “Nakuha gid sang mga tinaga nga palangga kag Ginoo ang akun tagipusuon,” dagdag pa ni Elizah Beth na abot hanggang tenga ang ngiti Ang mga salitang ito ay pangkalahatan nang ginagamit pero mahalaga at makabuluhan daw ito para sa magkapatid. Isa rin sa mga nakakuha ng pansin ng mga taga-Nigeria ay ang matatag na pundasyon ng pamilya ng mga Pilipino. Malaki rin daw ang naging papel ng pasasalita ng Hiligaynon sa pag-usbong ng relasyon nila sa mga Pilipino. Ayon sa mga datos na nailikom ng Kawanihan ng Imigrasyon, na nagmula sa talaan ng mga foreign students na nag-aaral sa iba’t ibang paaralan at pamantasan para taong 2014, nanguna ang mga taga-Korea (1,530), na sinundan ng mga taga-India (1,069). Ikatatlo ang mga taga-Iran (1,032), ikaapat naman ang
Irong -irong 10 tumatanggap ng kontribusyon BUKAS na para sa kontribusyon ang Irongirong 10, ang opisyal na literaturang diyurnal ng Unibersidad ng San Agustin. Mga kasaysayan, tula, at sining tungkol sa ‘Confessions and Revelations’ o mga gawang inilalathala ang katotohanan sa mga pangyayari ng bawat isa. Ang tema ay humihingi ng mga pag-aamin mula sa mga manunulat – pag-amin ng pagmamahal, kahihiyan, galit at lungkot. Hinihikayat ng organisasyon ang lahat ng mga mag-aaral at guro na suportahan ang nasabing diyurnal. Tinitiyak ng USA Publications ang pagtago ng mga pagkakakilanlan ng mga may-akda kung gustuhin mang hindi lagdaan ang kanilang gawa.
Anumang dyanra o topiko katugma sa pagkamalikhain ng awtor, sa medium na Filipino, Ingles o kaya’y Hiligaynon man, ay malayang pinahihintulutan. Lahat ng mga kontribusyon ay dapat makinilyado at ipasa bago ang ika-11 ng Setyembre 2015 sa irongirong10@gmail.com. Para sa pagsusumite, katanungan at paglilinaw, mangyaring makipag-ugnay kay Gizelle Villa o Edcel Fajutag sa (033)3374841 local 189, usapublications1@gmail.com, o bumisita sa Facebook page ng USA Publications sa facebook.com/usa.publications. Maaari ring mabisita ang opisina ng USA Publications sa ikalawang palapag ng Alumni Hall. 9
Lathalain
mga taga-China (1,000), ikalima ang mga tagaNepal (561) at ang mga taga-Nigeria (527). Ang pagtangkilik ng mga banyaga sa ating mga wika ay katibayan sa patuloy na pagusbong nito. Isa rin itong patunay na karapatdapat nating pahalagahan ang sarili nating wika dahil ito ay ang puso at kaluluwa ng Pilipinas. Itinuturing din itong pundasyon ng ating kultura at kasaysayan. Malaki ang naging papel ng Filipino sa atin, lalong lalo na sa pagbubuklod sa atin bilang isang lipunan. Bilang mga Pilipino, inaasahan na tayo mismo ang magpapaunlad, magbibigay-buhay at magtataguyod sa wikang Filipino. Hindi lamang pisikal na aspeto ang batayan sa pagiging Pilipino – mas nakakatiyak ang ating pagkaPilipino kapag binubuhay natin ang wikang Filipino sa pangaraw-araw nating gawain. Mananatiling buhay ang wikang Filipino kapag parati natin itong ginagamit. Sumasalamin sa bawat pagsambit ng ating mga sariling salita ang ating pagmamahal sa wika, pagmamalaki sa ating kultura at pagpapasalamat sa mga ninuno nating may iniambag sa pagtataguyod ng wikang pambansa. AKO AY PILIPINO! Taas-noo natin itong ipagsisigawan sa buong mundo, ipagmamalaki, at lubos na ikagagalak. Dapat nating ibandera ang katotohanang ang pagkatao bilang isang Pilipino ay di lamang masusukatan sa kulay, kutis o alinmang istruktura ng mukha kung binubuhay mo sa sarili mo ang pinakadiwa at kaluluwa na kahit saan ka man tingnan mula man yan sa puso at isisp ay Pilipino ka. Sa pamamagitan ng pagsasalita ng ating sariling wika, binubuhay natin muli ang ating kultura, ang ating pinagmulan, at ang ating pagkakakilanlan. Dahil ang Pilipino ay isang idelohiya. Isang uri nang pagkatao... Ang pagkataong nabubuhay sa isip, sa salita, at sa gawa.
AugustiniAn the
Lathalain
Tomo LXI Bilang 1
Dub dub, Dub dub:
. Agosto 28, 2015
Bagong tinitibok ng puso ng Pinoy
DIBUHO NG USA PUB/ HEROD A. MONTIEL
ni STePHAnIe KAy L. UrqUIOLA
h
indi maikakaila ang hilig ng Pinoy makiuso at magpasikat. Mula sa Ice Bucket Challenge hanggang sa Charlie Charlie, pagsunod sa iba’t ibang trends ang nagiging libangan ng halos bawat Pinoy.
Ang application na Dubsmash ay nakonsepto sa Germany nina Jonas Drüppel, Roland Grenke at Daniel Taschik na lumabas noong ika-19 ng Nobyembre ng nakaraang taon. Sa isang henerasyon na pinapangunahan ng Facebook at iba pang social media networks, hindi nakapagtataka na agad na nag-klik sa lasa ng masa ang panibagong inobasyon na ito kung saan ang video ng gumagamit ay pwedeng mag-lip sync sa napiling audio. Sikat
na linya at musika ang karaniwang background sa nasabing video. Kasalakuyang may higit 50 milyong downloads na ito. Inilikha sa Europa ang video app na ito pero walang duda na ang korona ay napunta sa mga Pinoy pagdating sa kagalingan sa pagpapasikat gamit ang app na ito. Mismong mga artista ay nawili at nasisisiyahan gumawa at ipakita ito sa kani-kanilang mga tagahanga. Marami-rami na rin ang nagpakita ng kanilang 10
pagka-malikhain sa at tunay na personalidad sa pamamagitan nito. ‘siKat na aKo!’ Si Nicomaine Dei “Maine” Mendoza, o mas kilala ngayon bilang si Yaya Dub ay produkto ng kasikatan ng nasabing app. Kasalakuyang nasa sikat na noontime show na Eat Bulaga si Maine at parte ng sumisikat na ‘kalyeserye’ na nagsisimulang magpasikat ng
Tomo LXI Bilang 1
. Agosto 28, 2015
‘Hanggang saan aabot ang Dubsmash video mo?’ Sa kabila ng kasikatan ng nasabing video na ito, maraming ang bumabatikos sa magiging epekto na naman ng trend na ito sa mga manggagamit. “If a person is habitually uploading videos, three to four times a day, clearly, something’s not right. Because if we spend too much time on a particular activity to the point our social interactions with others are affected, from a mental point of view, I think it’s unhealthy. [Kung ang isang tao ay laging nag-uupload ng mga video na tatlo o apat na beses sa isang araw, masasabi talaga nating may hindi tama. Sapagkat kung gastusan ng masyadong maraming panahon ang isang partikular na aktibidad sa punto na ang mga pakikipagugnayan sa iba ay apektado, mula sa isang psychological na pananaw, sa tingin ko ito ay masama sa katawan.]” Dagdag ni Dr. Zahari sa panayam. Ipinapakita lang ng pangingibabaw ng social media sa ating buhay na ang tao ay umaayon sa kanilang paligid pagdating sa kanikanilang mga aksyon. Si Dr. Gregory Berns, isang propesor sa Emory University, ay nagsagawa ng isang experimento kung saan sinubukan ang isang piling partisipante na may mga kasabwat sa grupo kung susunod ba ito sa maling sagot ng mga kasabwat kahit siya mismo ay nakikita na mali ito. Ang amygdala, o ang parte ng utak na may kinalaman sa ating mga kinatatakutan ang nakita na kaniyang ginagamit habang
GRAPIKS NG USA PUB/ DARYL S. SELERIO
tambalang #AlDub. Napansin si Maine nang siya ay nagsimulang mag-share ng kaniyang mga Dubsmash videos kung saan ikinatuwa ng mga netizens ang kaniyang pagiging kwela at abilidad na gumamit ng iba’t ibang wacky faces. “Nakakatuwa panoorin na ang isang Dubsmasher ay kaya ring magpatawa sa telebisyon. Pinapakita lang nito ang pagiging talentado ng mga Pinoy, gamitin man nila ang boses nila o hindi.” Ani ni Norie Bion, isang 4th year ma estudyante sa Unibersidad ng San Agustin. Pati ang mga kilalang personalidad sa industriya ay gumagawa ng mga video gaya nila Georgina Wilson kasama si Solenn Heusaff at Iya Villania. Isa sa mga pinakasikat na audio background ay ang boses ni Kris Aquino kasabay ng paggaya ng kaniyang mga facial expression. Iilang kanta ng mga sikat na personalidad galing sa ibang bansa ang mas nabigyan ng atensyon katulad nalang ng kantang ‘Twerk It Like Miley’. “It’s a form of socializing but through videos or through online content, and some people do prefer expressing themselves through this method. Plus, images and videos are more memorable for us human beings. [Ito ay isang anyo ng pakikisalamuha ngunit sa pamamagitan ng mga video, at may mga tao na mas pinipili ang ganitong paraan ng pagpapahayag ng kanilang mga sarili. At saka, mas memorable para sa ating mga tao ang paggamit ng imahe at video.]” saad ni Dr. Zahari, psychiatrist, sa isang panayam sa Malaysian Digest.
Augustinian the
11
Lathalain
sumasagot. Kumbaga, isa rin sa rason bakit patuloy na sumusunod ang tao sa mga trends ay dahil natatakot sila sa iisipin ng iba kung sila ay mahuli at hindi makisama sa uso. “What people tell you – if enough people are telling you – can actually get mixed in with what your own eyes are telling you. [Kung ano ang sinasabi ng iba sayo – kung marami ang nagsasabi – ay humahalo sa iyong nakikita.]” Ang tao ay sumusunod sa uso kahit na nakikita nila mismo ang magiging negatibong epekto nito dahil ang mismong mga utak natin ay naguguluhan sa ating personal na opinyon sa isang bagay at sa opinyon ng iba na ating naririnig. Maaari ring may katotohanan na ang paggamit ng app na ito ay nagpapakita ng pagkahumaling sa kanilang mga sarili. Binansagang panibagong klase ng mga selfies ang Dubsmash. Iginigiit ng iba na kung nasa oras at nasa lugar naman ang paggamit, hindi naman ito magkakaroon ng negatibong dulot. Ang mga Pinoy ay mahilig sumabay sa kung ano man ang pumapatok sa ibang bansa, napaka-imposible na sa panahon ngayon isipin na nagpapahuli ang mga Pilipino. Ngunit pakatandaan sana ang nagiging epekto nito sa ating mga sarili, lalo na kung ito ay wala na sa linya. Sa pagkakataong ito, ang Dubsmash ay nagiging isang paraan para makilala ang mga Pinoy; mapabata, mapamatanda, artista, mayaman, mahirap o kahit tambay, walang puso ang hindi napapatibok ng Dub dub, dub dub.
Augustinian the
Pasundayag .
Ang Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral ng Unibersidad ng San Agustin Lungsod ng Iloilo, Pilipinas
teleserye
Pangako Sa’Yo
Tomo LXI Bilang 1
. Agosto 28, 2015
Gabi-gabi ay sinusubaybayan ang 2015 remake ng teleseryeng Pangako Sa’yo na unang ipinalabas sa Philippine television noong taong 2000. Una itong pinagbidahan ng sikat na tambalang Jericho Rosales at Kristine Hermosa na sa kasalukuyan ay binibigyang buhay nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Labinlimang taon ang pagitan ng orihinal sa kasalukuyang bersyon kaya’t hindi nakapagtataka na mayroong mga pagbabago ang kanilang direktor na si Olivia Lamasan para ito ay maayon sa mga manunuod. Si Amor de Jesus (Jodi Sta. Maria) at ang binatang si Eduardo Buenavista (Ian Veneracion) ay pinaglaruan ng tadhana matapos silang ikulong sa kasinungalingan at manipulasyon ng kani-kanilang pamilya. Tila namana ng kanilang mga anak na si Yna Macaspac (Kathryn Bernardo) at Angelo Buenavista (Daniel Padilla) ang kapalarang natamo ng kanilang mga magulang. Hindi maiiwasang ikumpara sa orihinal na
LARAWAN NG ABS-CBN NETWORK
nI JESSA MADELEINE P. GANGE
bersyon ang kasalukuyang pagbibigay-buhay sa aspeto palang ng tambalang Kristine-Jericho sa pagpapaantig ng puso kaysa sa KathNiel. Samantalang nakagugulat ang karakter nina Ian at Jodi na hindi inaasahang magiging patok sa mga manunuod, mapabata man o matanda.
SELPI SELPI
Ang tanong, mapapanatili pa kaya ng teleserye ang pamantayang naitalaga ng unang bersyon o malalampasan nila ang ekspektasyon ng mga manunuod? Mabibigyan kaya nila ng kakaibang depinasyon ang salitang pag-ibig? Saan kaya sila dadalhin ng kanilang pangako? nI rONNYL D. BULAHAN
ANG BREAK-UP PLAYLIST
nI DARYL S. SELERIO
12
GRAPIKS NG USA PUB/ ANNE CATHERINE D. MALAZARTE AT NICOLE F. SERISOLA
Augustinian the
Retrato .
Ang Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral ng Unibersidad ng San Agustin Lungsod ng Iloilo, Pilipinas
Tomo LXI Bilang 1
. Agosto 28, 2015
ang pag-unlad ng UNIBERSIDAD NG SAN AGUSTIN nIna Mara Elaiza A. Flores at John elmer j. balan
14