Mula sa hiram na salita sa Espanyol na “De la Muerte”, nangangahulugang araw ng mga patay, at “Las Flores Florecen”, nangangahulugang namumulaklak na mga bulaklak, ang “De la Muerte, Las Flores Florecen” ay ang bunga ng pagsasama ng dalawang magkasalungat na salita upang makabuo ng kahulugan na; sa bawat bagay o panahon na natatapos, may panibagong talulot na namumulaklak o lumalago. Sa kabuoan, tinatampok ng magasin ang iba’t ibang mga lugar, kaganapan, at likhang sining na ipinagmamalaki ng Zamboanga, na karamihan ay hindi pa nababatid ng madla.
Kaya, malugod na inihahandog ng Vista de Aguila ang opisyal na Magasing Lathalain para sa taong panuruan 2022-2023 na pinamagatang, “De la Muerte, Las Flores Florecen” na nagpapakilala ng mayaman na kultura at likhang sining ng Lungsod. Sama-sama nating tuklasin ang bukod-tanging hiwaga at alindog ng Zamboanga!