TUKLAS: Sa tanaw at pananaw ng buwan ng Marso at Abril 2024, saksihan ang kasaysayan at kuwento ng mga pangyayari sa pamayanan ng AdZU-SHS at ang iilan pa ay mga okurensiyang naganap sa labas nito. Kaya naman, halina't magbalik-tanaw sa iba't ibang aspeto ng buhay sa pamamagitan ng pinal na isyu ng kalatas-balita para sa tomo 7 na handog ng Vista de Aguila.
Basahin at tingnan ang samu't saring balita, opinyon, lathalain, guhit, at mga litrato na nagbibigay-inspirasyon sa ating araw-araw na pamumuhay. Sa bawat pahina, magbubukas ang mga pintuan patungo sa kaalaman, pag-unawa, at katotohanan sa mga kaganapan. Tahanan ng aming kalatas-balita ang iba't ibang perspektibo at saloobin.
Nawa'y maging gabay at kaagapay ninyo ang aming mga salita sa pagharap sa mga hamon at tagumpay ng ating lipunan.
Tuklasin at buklatin. Basahin at maging mulat, Atenista!