Mag YP 5th Issue: Manila

Page 1


MANILA


MANILA, YOU KNOW. Manila is the capital of the Philippines. Manila is located in the Eastern shore of Manila Bay in Southwestern Luzon. Manila is home to historical places such as Intramuros, Fort Santiago, and Rizal Park. Manila is a beer. Manila, Manila, I keep coming back to Manila. Teka, alam mo na ata ang mga ‘yan. Baka na-search mo na ang “Manila” sa Google at nabasa sa Wikipedia. O baka napilit nang ipabasa sa’yo noon ng teacher mo sa Araling Panlipunan o sa Sibika at Kultura. O baka nakita mo na kung saan, o nalaman kung kanino. E ano-ano pa nga ba’ng kailangang malaman tungkol sa Manila? Ano nga ba’ng meron sa Manila? Iyan din ang mga tanong namin sa Yabang Pinoy; iyan din ang aming tinuklas at patuloy pang tinutuklas.

Bukod sa mga tipikal na imaheng naiisip kapag nababanggit ang Manila— jeepney, kalesa, sampaguita, mga sinaunang gusali— natitiyak naming marami pang natatagong hiwaga ang mga sulok at eskinita ng Maynila. Sa ikalimang issue na ito ng MAG YP, nais naming ipasilip ang Manila mula sa iba’t ibang perspektiba, sa iba’t ibang media tulad ng dibuho, literatura, retrato, at iba pa. Pagkatapos mo’ng bagtasin ang bawat pahina ng magasing ito, ang simpleng hamon ng Yabang Pinoy: tunguhin mo at kilalanin nang personal ang Maynila. Sa papaanong paraan? Maglakad-lakad ka sa kalsada, makinig ka sa tunog-kalye, kumuha ka ng mga retrato, tumikim ka ng iba’t ibang putahe, makipag-kwentuhan ka kay Ate at Kuya— You know, ikaw ang bahala.

Panulat ni Ali Sangalang


NILALAMAN

MGA



TUNOG MAYNILA May bumubusina. May kumakanta. May kumakahol. Iba’t ibang tunog ang maririnig sa Maynila, at may maririnig ka ring iba’t ibang salita. Para hindi ka masyadong malito, heto:

KULIGLIG BAYWALK -- de-motor na behikulong alapedicab na ginagamit bilang transportasyong pampubliko; hango sa pangalan ng brand ng motor na “Cricket” na kadalasang ginagamit pang-araro; naglipana sa mga eskinita ng Maynila, subalit endangered species na ngayon dahil sa pag-ban sa kanila ng gobyerno

-- tabing kalsada kung saan tanaw ang Manila Bay mula Roxas Boulevard; kilalang pasyalan ng mga mangingibig lalo na kapag takipsilim (o pagkagat ng dilim); kung saan rumampa nang nakahubo ang mga sexy starlets na tinawag ang kanilang grupong “Baywalk Bodies”

U-BELT

o University Belt

-- distrito ng San Miguel, Sampaloc, Quiapo, at Santa Cruz, kung saan matatagpuan ang mga magkakatabing pamantasan at kolehiyo sa Maynila

6 // Bukambibig


-- tinatayang pinakamalaking shopping center sa buong Asya; madalas mapagkamalang bahagi ng Maynila pero sakop ito ng Pasay City

MOA

o Mall of Asia

LRT

o Light Rail Transit System

TRANVIA

-- sa Maynila matatagpuan ang unang linya nito--ang LRT 1 o ang Yellow Line na binuksan sa commuters noong 1984 at may 18 estasyon mula Monumento hanggang Baclaran; ang mas bago at moderno namang LRT 2 o ang Purple Line ay may 11 estasyon mula Santolan hanggang Recto

o Trambiya

-- ninuno ng LRT; mga cable car na nagtagni sa Maynila noong panahon ng Amerikano at Hapon; unang pinatakbo sa Maynila noong 1905

CHINATOWN

-- tawag sa distrito ng Binondo; pinakamatandang Chinatown sa mundo, na itinatag pa noong 1594; distrito ng mga Manilenyong Tsinoy

RAON

-- dating tawag sa kalsada ng G. Puyat sa Quiapo, mula sa Kastilang Gobernador-Heneral na si Jose Raon; muling pinalitan ang pangalan ng kalye at naging Gonzalo Puyat, na isang tanyag na furniture maker; ngayo’y nasa distrito na ng Sta. Cruz, Manila, at kahit iba na ang pangalan ng kalye ay kilala at dinadayo pa rin bilang bentahan at bagsakan ng electronic parts at equipment Bukambibig // 7


8 // Literatura


Literatura // 9


ASC Ref. No. L055N041811L



PULUTAN: MULA SA KUSINA NG MGA SUNDALO //

ELMER D. CRUZ, EMERSON R. ROSALES

Siguro hindi mo kilala ang mga may akda, pero kapag nalaman mong kabilang sila sa grupong Magdalo, alam mo kung nasaan na sila ngayon. Ang librong ito ay bahagyang produkto ng pagkakapiit ng mga sundalong kasama sa Oakwood Mutiny. Hindi kanais-nais na kalagayan, pero patunay itong mayroon pang magandang pwedeng mangyari kahit sa mga hindi inaasahang pagkakataon. Aba, kung hindi dahil sa kanila, e di wala sana tayong mga kakaibang pagkaing maihahain sa susunod nating inuman! - Mark Tan 12 // Literatura

LOOKING BACK // AMBETH OCAMPO

Ito ay isang history book, oo. Pero hindi tulad ng iba, ang paksa ng Looking Back ay ang mga detalyeng, malamang, hindi alam ng karamihan tungkol sa ating kasaysayan—tulad na lang ng personal na buhay ng mga bayani, o mga pinagmulan ng mga pangalan at salitang Filipino. Bilang isang koleksyon ng mga columns niya sa dyaryong Philippines Daily Globe noong 1980s, ang mga maliliit na kwento ay isinusulat ni Ocampo na may mabusising pagkalap ng impormasyon, at may boses ng isang may tunay na interes sa kasaysayan, at pagnanais na maipasa ang interes na ito sa lahat ng magbabasa. - Mark Tan


PASINTABI //

TULDOK ANIMATION, 2010

COLORUM //

STEFFAN BALLESTEROS

Matapos mabilanggo sa loob ng mahabang panahon, pauwi ang sitenta anyos na si Pedro sa piling ng kanyang pamilya sa probinsya. Sa kanyang paghahanap ng terminal patungong Leyte ay nakilala niya si Simon, isang pulis na may extra raket na pamamasada ng kolorum na FX Taxi. Dito nagsimulang gumulong ang ilang tagpo ng pagkabigo, pagbabago, at muling pagtayo habang tinatahak nila ang daan pauwi ng probinsya. Hindi man purong joyride ang kanilang biyahe, nagbigay-daan ang mga stop-over na ito sa mga pagdedesisyong yumugyog o humubog sa kanilang mga buhay. - JM Jose

“Tabi-tabi po!� ang marahil nais sambitin ng pelikulang Pasintabi sa mga banyagang animation films. Produkto ng tatlong taong pagsisikap ng Tuldok Animation, sa tulong din ng NCCA at ng CICT, uminog ang kwento sa isang batang Pinoy at sa kanyang lolong may paniniwala sa mga engkanto. Sa kabilang banda, ipinapakita rin nito ang potensyal ng local animation industry: na May Yabang ang Pinoy Animation; na kayang makagawa ng Pinoy artists ng makabuluhang kwentong may de-kalidad na sining biswal. Hindi ito sabi-sabi o kuro-kuro: mula sa itsura ng mga tauhan, hanggang sa diyalogo, hanggang kabuuan ng kwento— ang pelikulang Pasintabi ay Pilipinong-Pilipino, at tunay nating maipagyayabang sa mundo. Magemail sa thvhhvuldokanimation@ gmail.com para mapanood ang Pasintabi, or bisitahin ang tuldokanimation.com. - Mark Tan Pelikula // 13




16 // Dibuho


Mga kalye, gusali, katawang-tubig, at iba pa: Samahan ninyo kaming silipin ang samu’t saring mukha ng sityudad ng Maynila at tawirin ang imahinasyon ng ilang mga Filipino artists.

Dibuho // 17


18 // Dibuho


Dibuho // 19


20 // Dibuho


Dibuho // 21


22 // Dibuho


Dibuho // 23


24 // Dibuho


Dibuho // 25


26 // Dibuho


Dibuho // 27


28 // Dibuho


Dibuho // 29


30 // Dibuho


Dibuho // 31






TOP

Hindi lang mga boy scout ang dapat laging handa—dapat ikaw rin. Sa pagtambay, pagsabak, pagtuklas sa Maynila, heto ang ilang gamit na nirereto ng Yabang Pinoy:

From clockwise: 1. Sagada Pottery mug approx. Php500 // 2. Fino double-flap coin purse Php1,150 // 3. Take Note journal Php350 // 4. Mongol pencil Php16.75 for 3 pcs. // 5. Treehugger ballpen, Haribon Php35 // 6. Neo 10.1� Basic B3380 (Netbook Series) laptop Php15,999 // 7. Weewilldoodle wrist watch Php379.75 // 8. MyPhone Q21 Duo Php4,950 //

36 // Reto


Reto // 37




40 // Pagkain


Hindi ko maipinta ang mukha ng nanay ko nang mahuli niya akong kumakain ng fishball at isaw sa kanto. Mahigpit niyang ipinagbawal ang pagbili ng pagkain sa gilid-gilid, masama raw para sa’kin. Pero...masarap talaga ang bawal. Kinalakihan nating lahat ang linamnam ng pagkaing bangketa; at sa Ortigas, tuwing Biyernes, ‘pag patak ng alas-dose ng hatinggabi ay may isang pagdiriwang ng pina-sosyal na pagkaing bangketa: ang Banchetto. Ang Banchetto (ban-ke-to) ay isang samahan ng mga negosyanteng kadalasa’y nagsisimula pa lang sa pagnenegosyo. Samu’tsaring mga putahe, kutkutin at panghimagas ang kanilang inihahain. Mula tapsilog, mga keyk, hanggang sa mga pinakamamahal nating mga ihaw-ihaw at lamanloob: kumpleto ang pagkaing bangketa rito. Mahilig ka man, o baguhan pa lang sa pagkaing tulad ng mga ito, ang payo ko: subukin mong dumaan sa Banchetto. Yayain mo na rin ang nanay mo. Panulat ni Dan Napa Retrato ni Eric Siy Pagkain // 41




44 // Pinasport


Pinasport // 45


46 // Pinasport


gulong and winding road.

Pinasport // 47


48 // Pinasport


buhangin boulevard.

Pinasport // 49


1

3

2 50 // Pinasport


4

1. 2. 3. 4.

akyat attire // ano bato // kuha-kuha // tawid na daan //

Pinasport // 51


52 // Pinasport


bigger and boulder.

Pinasport // 53


54 // Pinasport

1


3

2

5

4

1. stone temple pile // 2. sling shot // 3. biak-na-bato // 4. YPeep // 5. lakbayan //

Pinasport // 55


Start Trek

56 // Pinasport


Pinasport // 57


1

2

1. backseat boys // 2. cadillacad // 3. paanan // 58 // Pinasport

3


Pinasport // 59


60 // Pinasport


the majestic.

Pinasport // 61


62 // Pinasport

1


3 2 4

1. lake gatorade // 2. oy! langoy! // 3. hello, baybay // 4. ano dawdaw? //

Pinasport // 63


64 // Pinasport


pinatubo.

Pinasport // 65


1

66 // Pinasport


3

2

1. akyat-bundok gang // 2. [(4x4) x 4] x 4 // 3. beepbeepjeep //

Pinasport // 67




70 // Portfolio


Heto na, trip mo nang bumiyahe at magikot ikot sa Maynila. Ang tanong: saan ba okay pumunta? Kelan at sino ang dapat kasama? Ano’ng okay suotin at dalhin? Paano pumunta ‘dun? Ano’ng ‘di dapat palampasin? Hindi naman sa sinasabi naming “maging maarte ka,” pero nasa mga susunod na pahina ang ilang payo ng YP, para sa paggala mo sa Maynila, mas handa ka na. Panulat ni Ali Sangalang Portfolio // 71


PUMUNTA KA RITO KAPAG: food trip ang tema / sawa ka na siomai sa MRT

PUMUNTA KA RITO NANG: merienda time / Kung Hei Fat Choi

MAGSUOT KA NG:

garterized pants / maluwang na damit

MAGBAON KA NG:

tissue / Good Morning towel

72 // Portfolio


Retrato ni Bobbit Lim

ISAMA MO SI/NA:

kung may pang-kkb ka, barkada / kung wala kang pera, pamilya

ALAM MONG NANDITO KA NA KAPAG: ganito na ang nakikita mo—

MAGHANDA KA DAHIL: mapipigtas ang sinturon mo

‘WAG KANG AALIS HANGGA’T: hindi ka nakakadaan sa President Teahouse o sa Wai Ying Fastfood Portfolio // 73


74 // Portfolio

Retrato ni Bobbit Lim


PUMUNTA KA RITO KAPAG:

feel mong sumabak sa shopping kasi feeling mo may pera ka.

PUMUNTA KA RITO NANG:

maaga, bago humiyaw ang mangtataho

MAGSUOT KA NG:

pambahay—t-shirt; shorts; tsinelas / hubarin mo ang mga bling-bling mo

MAGBAON KA NG:

luma mong cellphone / calculator (hindi ng bago mong cellphone) / tawad skills

ISAMA MO SI/NA:

kaibigan mong magaling mambola o tumawad o malaki ang braso

ALAM MONG NANDITO KA NA KAPAG: nakakakita ka na nang karatulang 3 for P100 / PISO ISANG DAKOT

MAGHANDA KA DAHIL:

maraming snatcher / mapapamura ka sa mura sa 168 / puputok ang biceps mo

‘WAG KANG AALIS HANGGA’T: may pera ka pa

Portfolio // 75


PUMUNTA KA RITO KAPAG:

kailangan mo ng himala / naghahanap ka ng bisikleta o SLR / may gusto kang gayumahin / Pista ng Nazareno

PUMUNTA KA RITO: kung kelan mo feel

MAGSUOT KA NG:

kung ano ang trip mo, depende sa dami ng pwedeng gawin dito

76 // Portfolio

MAGBAON KA NG:

bimpo (Good Morning towel) / pamaypay


Retrato ni Erick Cusi

ISAMA MO ANG:

kaibigan mong nag-aaral sa mga skwela sa U-Belt

ALAM MONG NANDITO KA NA KAPAG: nakita mo na si Carl E. Balita o si Joel Cruz o ang malaking Mercury Drug

MAGHANDA KA DAHIL: pinapanood ka ni Carl E. Balita

‘WAG KANG AALIS HANGGA’T: hindi mo nakikita si Carl E. Balita

Portfolio // 77


PUMUNTA KA RITO KAPAG:

field trip / may umuwing balikbayan / may kakilala kang ikakasal sa Manila Cathedral

PUMUNTA KA RITO NANG: hapon

MAGSUOT KA NG:

sandals o tsinelas/ sombrero

MAGBAON KA NG:

78 // Portfolio

camera (hindi sa bago mong cellphone)


Retrato ni Eric Siy

ISAMA MO SI : Carlos Celdran

ALAM MONG NANDITO KA NA KAPAG: may mga Katipunero nang umaaligid

MAGHANDA KA DAHIL: mainit

‘WAG KANG AALIS HANGGA’T:

hindi mo napapangiti ang mga Katipunero / hindi mo nabibilang ang yapak ni Rizal Portfolio // 79


PUMUNTA KA RITO KAPAG: nanliligaw ka at naniniwala kang hindi nadadaan sa sandamukal na pera ang pag-ibig

PUMUNTA KA RITO NANG: 2AM-3AM, habang sariwa pa ang mga bulaklak at mahimbing pang natutulog ang nililigawan mo

MAGSUOT KA NG:

polo, shorts, at tsinelas

MAGBAON KA NG: liham / paso

80 // Portfolio


ISAMA MO SI/NA: dating Mayor Lito Atienza

ALAM MONG NANDITO KA NA KAPAG: mabango na ang halimuyak ng hangin / kapag may mga nang-aabot na sa’yo ng bulaklak kahit di mo naman kilala at wala namang gusto sa’yo

MAGHANDA KA DAHIL:

pwede ka pa ring ma-basted kahit gaano kaganda ang bulaklak dahil hindi lahat ng kababaihan nadadaan sa mumurahing bulaklak

‘WAG KANG AALIS HANGGA’T: wala kang nabibili

Retrato ni Eric Siy Portfolio // 81


PUMUNTA KA RITO KAPAG:

trip mong mag nature-tripping, gusto mong mag-reminisce sa panahon ng Kastila

PUMUNTA KA RITO NANG: hapon

MAGSUOT KA NG: saktong casual lang

MAGBAON KA NG: camera (kahit sa cellphone, pwede na), snacks (basta itapon ang basura sa tamang lagayan), payong kapag makulimlim ang kalangitan 82 // Portfolio


Retrato ni Eric Siy

ISAMA MO ANG:

pamilya mo o pamilya ng kasintahan mo

ALAM MONG NANDITO KA NA KAPAG: marami nang puno, feeling mo Espanyol ka na

MAGHANDA KA DAHIL: baka umulan

‘WAG KANG AALIS HANGGA’T:

hindi mo nakikita ‘yung marker kung saan dating nakahimlay ang puntod ni Rizal

Portfolio // 83


PUMUNTA KA RITO KAPAG:

may mga kaibigan kang turista / gusto mong magpalipad ng saranggola

PUMUNTA KA RITO: bago abutin ng gabi

MAGSUOT KA NG:

t-shirt na favorite color ng ka-date mo

MAGBAON KA NG: 84 // Portfolio

camera / Good Morning towel na ginamit noong pumunta ka ng Binondo


Retrato ni Joseph Raphael Azagra

ISAMA MO ANG:

kaibigan o ka-ibigan mo

ALAM MONG NANDITO KA NA KAPAG: nakakita ka na ng malaking choo-choo train

MAGHANDA KA DAHIL:

maninigas ka sa inggit kung wala kang ka-HHWW

‘WAG KANG AALIS HANGGA’T:

hindi mo nakikita ang bagong estatwa ni Cardinal Sin / hindi mo naaabutan ang dapithapon / marami ka nang naka-holding hands

Portfolio // 85



Tatak Manila. Kilalanin ang Manila.




YABANG PINOY GOES TO UST Kapag sinabing “OT,” ‘di ba ang agad mong naiisip: Overtime? Puwes, ibahin mo ‘to. Nitong Pebrero 26, 2011, halos 400 Filipino OT o Occupational Therapy students mula

90 // Events


sa iba’t ibang skwela sa Pilipinas ang nagtipon sa Quadricentennial Square ng UST para sa kaunaunahang OTZibit 2011: An Assistive Device-Making Contest for Filipino OT Students. Inihanda ng Occupational Therapists Student Assembly (OTSA), sa pakikiisa ng Yabang

Pinoy, ipinamalas sa paligsahang ito ang talento at talino ng mga Pinoy OT students sa paggawa ng mga kasangkapang kapaki-pakinabang sa kanilang mga pasyente. Congrats sa mga nanalo! May Yabang ang Pinoy OT students at ang mga Tomasino! - JM Jose

Events // 91


YABANG PINOY GOES TO UE Kilala ang mga mag-aaral ng University of the East bilang Warriors. Pero noong Enero 29, 2011, sa kanilang campus sa Recto, kakaibang himagsikan ang kanilang dinaluhan. Sa pangunguna ng Team Pinoy Inc. ni Atty. Alex Lacson, katuwang ang Kabayanihan Foundation, UE Manila, at Yabang Pinoy, ipinakilala nila sa halos isanlibong mga estudyante at batang propesyunal mula sa iba’t ibang

92 // Events

organisasyon at sektor ang “Cultural Revolution.” Ayon kay Atty. Lacson, ito ay ang pagiging isang mabuting mamamayan mula sa mga simpleng kilos ng kabayanihan. Sa pamamagitan ng mga talumpati at isang roundtable discussion mula sa ilang propesyunal, tinalakay nila ang halaga ng nasyonalismo at ng pagtataya ng sarili upang buohin ang isang bansang nais natin para sa mga Pilipino. - JM Jose


Events // 93


2ND PINAKAMAHABANG TODO PATINTERO 2011 Pahaba na nang pahaba. Pabilis na nang pabilis. Patindi na nang patindi. Muli na namang naganap ang Pinakamahabang Todo Patintero sa

94 // Events


UP Sunken Garden nitong Pebrero 20, 2011. Sa kooperasyon ng UP-ABAM, mahigit 300 katao ang nagtipon, naglaro at nagsaya sa paboritong larong-kalyeng ito ng mga Pilipino. Taon-taon, layon ng Yabang Pinoy na higitan pa ang haba at dami ng mga manlalaro nito. Ang target ng grupo:

maipasara ang Ayala Avenue, at sabaysabay na mapalaro sa kahabaan ng kalye ang libo-libong mga Pilipino. Imposible? Hindi, kung itotodo! - JM Jose

Events // 95


Y.A.B.A.N.G. CAMP 2011:

Youth Achievers Building a Nation of Greatness

May Yabang ka ba? Ito ang patuloy na tanong ng Yabang Pinoy sa kabataang Pilipino. At nitong Abril 15 hanggang 17, sa Forest Club Eco Resort, Laguna, labing-siyam na kabataan ang sumagot sa hamon na ito. Inilunsad ng YP ang kaunaunahan nitong YABANG Camp, o Youth Achievers Building A Nation of Greatness Camp, kung saan tatlong

96 // Events

araw na nagtipon, nagpalitan ng mga ideya, nagsaya at natuto sa usaping Filipino pride at nation-building ang mga napiling campers. Pinatunayan nila: totoong may Yabang ang kabataan ngayon—ipinagmamalaki, ipinagsisigawan ang kanilang lahi, at handang tumayo at kumilos para makatulong sa pag-unlad ng lipunan. Congratulations sa pioneer batch, YC 001 – Gilas Lahi. Astig kayo! Antabayanan ang susunod na YABANG Camp. Yebah! - JM Jose


Events // 97




add m o

Mobile: +63922 8649862 +63917 9643517 +63922 8790623 info@ilovebabinski.com www.ilovebabinski.com

AD mo

dit o!

T/F: (632)7250368 sales@colevintage.com www.colevintage.com

http://fashionpill.multiply.com

http://www.facebook.com/people/DFab-Shop/

http://suelasonline.com 100 // Classifieds


M: +63920 4315650 F: +632 2424093 hello@theoandphilo.com www.theoandphilo.com

M: +63927 3489276 http://www.chocolatedebatirol.com

baublesbanglesnbeads.multiply.com

T: (632) 5069922 M: +63917 8780001 http://dragonflydesserts.multiply.com

Kape Kahit Saan, Kahit Kailan kapenijuan@gmail.com | (0917) 824 0213 G/F BMG Centre Paseo del Magallanes Makati City Find us in Facebook: Kape Ni Juan

T: (632) 341 2238 // M: (+63922) 8822194 http://simplypie.multiply.com www.facebook.com/simplypie

T: (632) 5564655 info@shopartwine.com

http://michaelamccc.multiply.com/

Classifieds // 101


ADD mo

T: (632) 7722792 T/F: (632) 7723631 mail@creativetwo.com www.creativetwo.com

M: +63927 2519190 | sinagshine@gmail.com

AD mo dito

info@prettyuseful.biz | Prettyuseful.biz

www.punchdrunkpanda.com

add mo ad mo dito!

ADD MO 4374 m 917 793 M: +63 son@yahoo.co picsea

mo DIT O


add mo

www.tweeshopmanila.com

TROPICAL

D Amo

dito

www.koiswimwear.com

add mo

AD

mo tropilokal outdoor dito apparel www.agospilipinas.com http://tunicproject.multiply.com

Add mo

puruntong kahapon, ngayon, at bukas. M: (0917) 8240213 dodonglovesbebang@gmail.com

Ad Mo Dito

Nov. 5-6, 2011

For inquiries email us at bazaar.globalpinoy@gmail.com or contact us at (0927) 826-3926


MUSIKA

GMA NEWS TV

WEEKEND WEEKEND GETAWAY GETAWAY

TEAM

104 // Featured Advocates


Sina Giovanni, Marvin, Batoy, Jec, Joemar, Dea at Ipe—sila ang mga tunay na warriors sa likod ng programang Weekend Getaway. Isang reality-travel show ng GMA News TV, binibigyang-pagkakataon ng Weekend Getaway ang mga regular na empleyadong Pinoy na makalabas sa kulob at kwadrado nilang opisina—ang makalakbay sa isang kakaibang weekend adventure sa iba’t ibang destinasyon sa Pilipinas o Asya. Tulad ng Yabang Pinoy team, ang mensahe nila sa bawat Pilipino: sa likod ng toxic na schedule sa trabaho, sa likod ng kapiranggot na sweldo—isang matinding Weekend Getaway lang ang kailangan mo. May Yabang ang Weekend Getaway Team!

Featured Advocates // 105


GUSTO MONG MAKI-RIDE? Mag-contribute ng inyong Tula, Kwento, Sining, Musika, Ideya, o kung ano pang nais ninyong ibahagi sa MAG YP. Pwede rin kayong mag-advertise ng inyong local brand dito. Pumunta lang sa www.yabangpinoy.com o mag-email sa ypmagazine@gmail.com.


HALA, ANG

PITONG TAON NA!




SANGALANG Editor Concept & Copy Paboritong Salita: Ikaw

FERRER

Editor Concept & Design Paboritong Salita: Haraya

SARINO

Marketing Paboritong Salita: Mithi

TAN

Features Writer Paboritong Salita: Galing

DE LOS SANTOS

Graphic Designer / Illustrator Paboritong Salita: Ayos

JOSE

Research / Features Writer Paboritong Salita: Grabe

NAPA

Photographer / Features Writer Paboritong Salita: Kiliti

SIY

Photographer Paboritong Salita: Naiiba *COVER IMAGE from www.probertencyclopaedia.com *BUKAMBIBIG IMAGE SOURCES: (1) Kuliglig - http://members.virtualtourist.com/m/p/m/4d6682/ ; (2) Baywalk http://cdn.wn.com/pd/d6/22/37e01768cd0c05644d4e2d415486_grande.jpg ; (3) U-Belt - http://en.wikipedia.org/wiki/ University_Belt ; (4) MOA - http://i66.photobucket.com/albums/h274/ofwempowerment/moa.jpg ; (5) LRT - http:// talakayanatkalusugan.com/wp-content/uploads/2010/10/talakayan-at-kalusugan-MRT.jpg ; (6) Tranvia - http://4. bp.blogspot.com/_hac0Jx4d5lY/Rt6i9MUfBUI/AAAAAAAAAOg/EAhxoeu3w5w/s400/IMG_1188.JPG ; (7) Chinatown Retrato ni Bobbit Lim; (8) Raon - http://img.photobucket.com/albums/v153/dennice143/DSC_00113copy.jpg Karapatang-ari Š 2011 ng Yabang Pinoy. Reserbado ang lahat ng karapatan sa reproduksiyon at paggamit sa anumang anyo at paraan maliban kung may nakasulat na pahintulot sa mga may hawak ng karapatang-ari. Inilathala sa Pilipinas ng Yabang Pinoy. www.yabangpinoy.com // ypmagazine@gmail.com


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.