ANG YABANG PINOY MAGAZINE
THE GLOBAL PINOY BAZAAR ISSUE FILIPINO PRODUCTS MADE WITH PRIDE
+
WHAT YABANG PINOY IS, ITS ADVOCACY CAMPAIGNS & PROJECTS
TAKATAK Tak. Yosi? Ka. Dyaryo? Tak. Kendi? Takatakatakatakatak. YosiDyaryoKendiYosiDyaryoKendiYosiDyaryoKendi. Sa simpleng tunog na ginagawa ng isang takatak boy sa kanyang bitbit na kahon, naipararating niya ang mensaheng nais niyang sabihin. Takatakatakatakatak. (Tumatatak talaga sa utak.) Bukod sa pagiging agaw-pansin, alam mo na rin agad ang kanyang mga bilihin. YosiDyaryoKendiYosiDyaryoKendiYosiDyaryoKendi. Sa special issue na ‘to ng MAG YP, tampok ang ilan sa matutunog na Filipino brands na nagbabadyang gumawa ng ingay sa local at global market. Takatakatakatakatak. No Fortune because of the so-called global recession? K lang, there’s Hope.
MGA
NILALAMAN 4 YABANG PINOY
6 YABANG PINOY ADVOCACY
CAMPAIGNS & AWARDS
8 YABANG PINOY PROJECTS 11 GLOBAL PINOY BAZAAR
MGA SIGA
Ali Sangalang EDITOR-IN-CHIEF
Mica Ferrer ART EDITOR
Maricris Sarino MANAGING EDITOR
MGA TAMBAY Andrew Ilagan Zander Lino Mark Tan
Karapatang-ari © 2009 ng Yabang Pinoy. Reserbado ang lahat ng karapatan sa reproduksiyon at paggamit sa anumang anyo at paraan maliban kung may nakasulat na pahintulot sa mga may hawak ng karapatang-ari. Inilathala sa Pilipinas ng Yabang Pinoy. Yabang Pinoy 21B Apostol St., Bgy. San Lorenzo Metro Manila, Philippines 1200 email: ypmagazine@gmail.com http://www.yabangpinoy.com http://www.twitter.com/yabangpinoy http://yabangpinoys.multiply.com
Yabang Pinoy is a group of like-minded individuals passionate about being Filipino and believing in Filipino. Its advocates and volunteers are the young and idealistic Filipinos who spearheaded change in the mindsets of their countrymen. They want to convert “closet� Pinoys into Shouting Proud Pinoys, Filipinos who share the impassioned spirit and love for their country with fellow Filipinos and people from around the world. This change, they believe, will happen because they are starting it now. We are the change we want to be. Yabang Pinoy understands that this progressive change is gradual change: one day at a time, one Filipino at a time. They are aware of their internal conflicts and discuss them among themselves to be aware of what they can do as part of nation-building. They develop fun, unique, and effective programs and activities for other Filipinos to catch the epidemic.
WHAT WE
DO
WHATWE WANT YABANG PINOY ADVOCATES &VOLUNTEERS TO DO
Yabang Pinoy encourages its volunteers to live happy, passionate, and meaningful Filipino lives by effecting positive social change. The organization hopes every Filipino will realize the greatness in bearing the citizenship. If Filipinos will be conscious of the small great changes they can do, they will understand the purchasing power of P1. For every foreign product in the market, there are comparable local options. If Filipinos continue to look more to them for consumption, demand will make better the economy. Yabang Pinoy also hopes its volunteers will influence their own social circles to spread the word about thinking Filipino. To be infectious, they must always be ready to address negative comments or news about the Philippines and the Filipino people.
4 YABANG PINOY
“Sir, can I order one tall heated soy pudding with tapioca and two scoops of syrup? To go.”
[
Sa madaling sabi:
]
Manong, puwede pong pabili ng isang malaking taho? Benta talaga ‘pag Pinoy.
Yabang Pinoy’s campaigns share common threads. These projects create awareness among Filipinos of their culture, traditions and innate qualities and aim to go beyond social barriers, with simple and fun activities that leave a lasting impression.
LINGGO NG WIKA
“KULANG TALAGA ANG ISANG LINGGO. IBAGSAK ANG IISANG LINGGO NG WIKA DAHIL HINDI KA LANG PITONG ARAW PINOY.”
Yabang Pinoy’s Linggo ng Wika campaign aims to create awareness on the lack of knowledge and concern of Filipinos on their own language. Through radio advertisements and interactive shirts, it challenges every Filipino to enrich their knowledge of the Filipino language.
SALAWIKAIN “SARIWAIN ANG SALAWIKIAN. SALAIN ANG SARILI SA WIKA.” “Bato-bato sa langit, ang tamaan huwag magagalit.”
THE MARK PECKSON PROJECT
Yabang Pinoy’s Salawikain Campaign aims to reintroduce Filipino idioms to the consciousness of today’s youth. Through posters, stickers and shirts, it encourages every Filipino to delve into the wonders of the Filipino language. “KULANG TALAGA ANG ISANG BUWAN. IBAGSAK ANG IISANG BUWAN NG WIKA DAHIL HINDI KA LANG PANANDALIANG PINOY.”
Uhmm, yeah, bale, ‘twaslike, basically, parang, ganito: The Mark Peckson Project is a series of 5-minute reality webisodes that trails the bold attempt of Mark Peckson to straighten his Tagalog in a month’s time. The interesting part lies here: 1) Mark is already 29-years old 2) He has been in the Philppines for 11 years 3) He loves his country 4) (but) He couldn’t even utter or form a complete sentence in Filipino. In his blog at http://pecksonpinoy.ph, he will post his videos and write about his experiences on the project (yes, in Filipino). Will he be able to make it? Let’s see na lang.
YABANG PINOY 6
AWARDS
2006 Org that Clicks (2BU!, Inquirer) 2008 Activisionary Award (Supreme, Philippine Star) 2008 PLATINUM Award for Linggo ng Wika Campaign (Araw Values Awards) 2008 BRONZE Award for Design for Linggo ng Wika Campaign (Kidlat Awards, Creative Guild of the Philippines)
“Miss, can I purchase water encased in a tubular plastic bag chilled to a little above 0° Celcius?”
[
Sa madaling sabi:
]
Manang, puwede pong pabili ng isang ice tubig? Benta talaga ‘pag Pinoy.
YABANG
PINOY
PROJECTS
YAMANG DAGAT
Yamang Dagat sa Calatagan
Alam mo ba na ang Pilipinas ay itinuturing na sentro ng marine biodiversity sa buong mundo? Sa programang ito, ipinakikilala ang samu’t saring mga yamang dagat na matatagpuan sa ating bansa.
YAMANG PINOY
Kung hindi ka pa rin sinasagot ng nililigawan mo, bigyan mo ng Uruy—ang pinakamalaking bulaklak sa buong mundo—baka sakaling marinig mo na ang inaasam mong matamis na “Oo.” Sa programang Yamang Pinoy, ipinakikilala ang mga katangi-tanging hayop at halaman na sa Pilipinas lamang matatagpuan.
YAMANG ISIP Sa ISIP, sa salita, at sa gawa. Ipinaaalala ng programang ito ang kahalagahan ng malikhaing pagiisip, imahinasyon, at pagkakaroon ng sariling aspirasyon. Gamit at alay ang mga instrumentong tulad ng mga libro, journal notebooks, at mga kagamitang pang-sining, pinatitibay ng Yamang Isip ang paniniwala at pagtitiwala ng mga Pilipino sa kanilang mga pansariling ideya at konsepto. 8 YABANG PINOY PROJECTS
BONG BULATE AT KUMANDER KUHOL
Atteeeeeeeeen…syon! Ipinakikilala sina Bong Bulate at Kumander Kuhol, ang mga henyo ng ating kapaligiran! Itinuturo nila ang Reduce, Reuse, at Recycle upang mapanatili ang kalinisan at mapangalagaan ang ating kalikasan. Bong Bulate at Kumander Kuhol sa Lipa, Batangas
SINO SI POGI? Psst, pogi! Oo, ikaw nga. Lumingon ka lang sa paligid (o kung gusto mo, sa salamin), makikita mo na agad ang mga pogi at magagandang Pilipino. Iniaangat ng programang ito ang “pogi pose” at itinataguyod ito bilang simbolo ng pagiging matikas, masayahin, at maganda (sa panloob at panlabas na anyo) ng mga Pilipino.
ABAKAYA
May mga taong mahirap ispelengin. Pero ang mga salitang Filipino? Sisiw lang yan! Sa programang Abakaya, sinusubok ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbabaybay ng mga salitang Filipino. Pagkatapos ng programa, inaasahan ng Yabang Pinoy na marinig ang linyang “Aba, kayang-kaya ko pala!”
YABANG GOES TO SCHOOL May pasok ba? Meron man o wala, hindi aabsent ang Yabang Pinoy volunteers sa pagkakalat ng yabang sa iba’t ibang eskwela sa bansa. Sa Yabang Goes to School, layon ng programa na maibahagi ang mensahe ng kampanya sa mga Pilipino, lalo na sa mga kabataan. Ilan sa mga kwelang aktibidad na isinasagawa rito ay ang Todo Patintero, Magyabangan Tayo Debate at Abakaya.
MAGYABANGAN TAYO DEBATE
Balut o Penoy? Beer o Hard? Jeep o Tricycle? Kanya-kanya yan e…pero syempre, kailangan mo ring maglatag ng dahilan. Sa isang impormal na paraan ng pagtatagisang-bibig sa mga paksang Pinoy na ito, ineengganyo ng Yabang Pinoy ang mga kabataan na gamitin ang talas ng kanilang pag-iisip at kakayahan sa pakikipagtalastasan.
Pinakamahabang Todo Patintero sa U.P. Diliman
TODO PATINTERO Todo harang. Todo bilis. Todo pawis. Todo
gulo. Todo Patintero! Sa simpleng paglalaro ng patintero, sinusubok ibalik ng Yabang Pinoy sa kamalayan ng kabataan ang kahalagahan at kasiyahan ng mga larong Pinoy na tulad nito. Bawat taon, sinusubok ng grupo na maitala ang “Pinakamahabang Todo Patintero.” Magyabangan Tayo Debate sa Ateneo
YABANG PINOY PROJECTS 9
PINASPORT
Nakabiyahe ka na ba sa 7,107 nating mga isla? Nakisaya ka na ba sa natatangi nating mga pista? Ang Pinasport ay isang Philippine travelogue na layong ipakita at ipahayag ang kagandahan ng Pilipinas. Sa paglalakbay sa mga lokal na destinasyon at sa pagdodokumento ng mga ito, inaanyaya at ineengganyo ng YP advocates ang mga Pilipino na bumiyahe sa ating mga rehiyon.
7107
7 indibidwal na may yabang. 10 ideya, konsepto, o kwento. 7 minuto. High tide man o low tide, lilitaw at lilitaw ang mga Pilipinong nagsisilbing inspirasyon sa marami. Sa pagtitipong ito, layon ng programang impluwensiyahan at hikayatin ang mga Pilipino, lalo na ang mga kabataan, na maging malikhain at magkaroon ng rubdob sa kani-kanilang mga gawain o kakayanan.
LIBRO / PELIKULA / MUSIKA / WIKA / PRODUKTO / PAHAYAG NA MAY YABANG
Marami tayong maipagyayabang bilang mga Pilipino. Sa programang ito, nililikom at ibinabahagi ang mga pahayag, libro, musika, pelikula, wika, at produktong may yabang upang himukin ang mga Pilipino na tangkilikin at ipagmalaki ang mga ito. Pinasport Guimaras 10
November 14-15, 2009 / Rockwell Tent, Makati
TAMBAYAN NG MGA PRODU KTONG MAY YABAN G
Taon-taong nagtitipon ang mga Pilipino, negosyante man o mamimili, sa Global Pinoy Bazaar upang ipamalas at ipagdiwang ang galing ng mga produktong Pilipino. Sa pangunguna ng Yabang Pinoy, paunang isinusulong ng Global Pinoy Bazaar ang Filipino Consumer Revolution kung saan hinihikayat ang mga Pilipino na makiisa sa nation-building sa pamamagitan ng pagtangkilik sa mga lokal na konsepto, talento, serbisyo at produkto. GLOBAL PINOY BAZAAR 11
12
13
14
15
Anumang piling abaka ay wala ring lakas kung nag-iisa.
www.yabangpinoy.com