The Spectrum (Filipino)

Page 1

MULING PAMAMAYAGPAG NG PAMAMAHAYAG!

ni: Irish M. Renoballes Ang District Schools Press Conference (DSPC) sa Marikina na isa sa pinaka inaabangan taon-taon ay muling idinaos ngayong Sabado, Pebrero 24, 2024. Isang taon matapos ang 22nd DSPC ay ang panibagong panahon ng pagpapakitang gilas at husay ang nabigyang pagkakataon gamit ang kanilang mga boses, lapis at papel

para ibahagi ang mga napapanahong kaganapan. Ang muling pamamayagpag ng mga mamamahayag ay inabangan at nasaksihan lalo na ng mga piling mag-aaral sa kani-kanilang paaralan na muling ipinamalas ang kanilang galing sa pagsulat at pag-uulat.

Pambungad na programa at

saglit na pagtitipon sa munting pasilyo ng Sto. Niño Elementary School ang opisyal na nagpasimula sa laban. Ilan sa mga kategorya ay ang; Pagsulat ng Balita/News Writing, Pagsulat ng Lathalain/Feature Writing, Pagsulat ng kolum/ Column Writing, Pagsulat ng Editoryal/Editorial Writing, Pagsulat ng Balitang Isports/ Sports Writing, Pagkakartun/ Cartooning, Pagwawasto at Pag-uulo/ Copy Reading and Headlining, Pagkuha at Pagsasaayos ng Larawan/Photojournalism, Pagsulat ng Agham at Teknolohiya/Science and Technology Writing, at iba pa.

Debuhomulasanakaraang23rdDivisionSchools PressConferencengMarikinaCity

Tingnan p. 4 DEAR Program ng p.6 Sa Likod ng Mga Tala p.11honder Gonzales,

ARTIFICIAL INTELLEGENCE(AI): Ang Mapanlikha’t Mapanganib na Kasangkapan

Ang paglaganap ng teknolohiya sa ating mundo ay kasabay din ng pagkakaroon ng mga Artificial Intelligence (AI) na karaniwang ginagamit natin sa pang-araw araw na buhay. Tinutulungan tayo nito lalo na't sa pagkuha ng mga impormasyon o pagtulong sa mga estudyante. Ngunit, dahil din sa rason na ito ay ang pangamba na isip ng bawat tao. Tama nga lang ba ang patuloy nating paggamit ng AI o dapat na itong itigil?

Ayon kay Dr. Ethel Ong, ang AI ay namimic o ginagaya ang kilos at kakayahan ng tao. Sa panggagaya nila ay may kakayahan na silang gawin ang trabaho ng isang tao, mas mabilis, epektibo, at nang walang pagod. Nagagamit din ito upang makagawa ng mga pang-akademikong gawain kung kaya’t umaasa na lang dito ang mga estudyante para sa kanilang mga gawain. Dahil dito, marami ang nababahala sa posibilidad na mawalan sila ng tra-

TAkoT Ay ALIsIN, e-BIke Ay kILALANIN

Ni: Irish Renoballes

Laganap sa panahon ngayon ang mga makabago at mas pinaunlad ng teknolohiya na transportasyon. Kabilang na rito ang mga e-bike na mas nakilala at tinangkilik noong panahon ng pandemya na talagang nakatulong sa ating pamumuhay.

Ang e-bike ay isang uri ng bisikleta na de-kuryente na maaaring may dalawa hanggang apat na gulong. Ito ay mayroong rechargeable batteries na nagsisilbing enerhiya o power ng e-bike para gumana at magamit kaya naman ay ginamit lalo ng mga mamamayan ang e-bike dahil sa hindi na nito kailangang gamitan ng gas para umandar ngunit kaya na makaabot nang ilang milya.

Bukod pa rito ay budget friendly ang mga e-bike na mas kayang bilhin ng mga tao

kaysa sa mga sasakyan o motor na madalas ay binibili ng bawat indibidwal. Gayunpaman, sa kabila ng magandang dulot nito ay nakapagbibigay alala at alarma ang paggamit ng e-bike lalo na para sa mga kabataan dahil hindi ito kinakailangan o hinahanapan ng lisensya para lamang magamit na siyang nagreresulta ng kabi-kabilang trapiko at aksidente dahil sa paggamit nito.

Sa kabuuan, ang e-bike ay isang uri ng transportasyon na talagang nakatutulong sa bawat mamamayan mula sa abot kayang halaga hanggang sa serbisyo at benepisyong dala nito sa ating buhay. Mayroon mang banta na dala ang e-bike ay nakadepende pa rin sa bawat indibidwal ang kanyang magiging kapalaran na siyang makapag-aalis ng pangamba ng bawat isa.

ni: Adrian Salo

baho at pagkakakitaan kung sakaling tuluyan na ngang palitan ang mga tao ng AI sa trabaho at patuloy na abusuhin sa paraang pang-akademiko.

Gayunpaman, sa kabila ng mga negatibong komento at hinaing ng bawat tao, hindi natin maitatanggi na napakalaki rin ng tulong ng AI sa atin. Napapadali ang ating gawain at nagagamit din ito upang mapabilis ang pagkuha ng mga impormasyon na ating kinakailangan. Ang AI

rin ay maaaring gamitin sa pang-akademiko upang mas mapadali ang ating pagkakaintindi sa iba’t ibang paksa, hindi lamang sa pandaraya.

Sa bawat paggamit ng AI, dapat tandaan ang katagang “know your limits”, tiyakin na alam kung kailan hindi ito dapat gamitin o kung kailan dapat tumigil. Oo nga’t mapapadali ang ating buhay ngunit, huwag nating abusuhin ang paggamit nito. Lalo na kung ang AI ay ginagamit lamang

Ayon sa pananaliksik na ginawa ni E. San Juan Jr. na may pamagat na, “Sexual Politics and the Problem of Gender in Lualhati Bautista’s Bata Bata Pa’no Ka Ginawa?” Ito ang ilan sa mga konteksto na galing sa kilalang mga manunulat:

babae’y pinalapastangan sa isang lalaki—nakakilala ng karahasan ang mga supling; di malirip na hapis ang dinanas ng mga ina hanggang humulagpos ang bait nila .

—Ruth Elynia Mabanglo, “Ang Babae sa Loob ng Bote”

sa masamang bagay o gawain.

Sa kabuuan, walang mali sa paggamit ng AI dahil nga’t mas napapadali ang ating buhay. Sa tulong ng AI ay naipapakita na patuloy ang pag progreso ng ating bansa. Ngunit, dapat alam natin ang ating limitasyon sa paggamit ng AI lalo na’t kung ito ay para mandaya, manakit, at gumawa ng masama sa iyong kapwa.

Bilang mga Kristyano, Muslim, o Hudyo , Naguumpisa ang pagbubuntis sa sandaling i-fertilize ng isang sperm cell ang isang egg cell sa loob ng katawan ng isang babae. Sa sandaling iyon, nabubuo ang isang embryo. Sa loob ng ilang araw, kakapit ang embryo sa matris ng babae at maguumpisang mabuo at lumaki. Para sa mga tao, ang pagbubuntis ay karaniwang nagtatagal ng 280 araw o 36 linggo. Dahil dumadami ang tao sa pamamagitan ng pagbubuntis, ayon sa pagpapala at utos ng Diyos sa Genesis 1:28, dapat nating asahan na may sinasabi ang Bibliya patungkol sa isyung ito.

Muli, Bata, Bata, Paano Ka Ginawa? Ikaw ay galing sa masalimuot na pundasyon ng iyong Ama at Ina.

Maghunos-dili nga tayo, at imulat natin ang mata, lalong-lalo na kayong mga babai, sapagkat kayo ang nagbubukas ng loob nga tao . Malaki ngang di bahagya, ang katungkulang gaganapin ng babai, sa pagkabihis ng hirap ng bayan, ngunit ang lahat ng ito’y di hihigit sa lakas at loob ng babaying tagalog. Talastas ng lahat ang kapangyarihan at galing ng babayi sa Filipinas . . .

Ano ang isang ina? Mayamang hapag ng gutom na sanggol / Kumot sa gabing maginaw / Matamis na uyayi / Tubig sa naghahapding sugat / Ngunit ano ang isang komunistang Ina? / Maapoy na tanglaw tungo sa liwayway / Sandigang bato / Lupang bukal ng lakas sa digma, katabi sa labanan at alalay sa tagumpay / ang ina ko.

—Maria Lorena Barros, “Ina“

Marahil hindi pa mauunawaan nang lubusan ng iyong isipan ngunit ang iyong pagkakayari ay may mabigat na dahilan.

Bata, Bata, Paano Ka Ginawa?

-Mula sa pagmamahalan ng dalawang nilalang, ika’y isinilang.

DebuhoNi:DanielFulleros

Bata, Bata, Paano Ka Ginawa?

ni: Bb. Yassi San Tigmak sa luha, ngunit may mga ngiti sa labi ng ating mga Ina nang tayo’s isilang at matunghayan. May pintig, may pulso, may buhay.

halaga ng eksistensya natin sa mundo at bakit tayo naririto. Bakit nga ba? Bago natin sagutin ang napakahirap na tanong na ito, atin munang alamin kung paano ba nagsimula ang lahat sa buhay ng isang batang katulad mo.

—Jose Rizal, “Sa mga Kababayang Dalaga ng Malolos”

Sa mitolohiyang, Griyego, . . babae ang tagapangalaga ng mga hayop at halaman, ang tagapagkalinga ng kalikasan. Babae ang nagluluwal sa mga supling na hindi nangangailangan ng mga ama; .mga anak na babae na hindi mangagailangan ng asawa. Ngunit ang

Madalas nating maitanong sa ating mga sarili ang

Sa ating mga nabasa, napag alamang napakalaki ng gampanin ng isang babae sa atin bilang isang tao bago magkaroon ng gampanin sa lipunan. May apat na kabanata ang ating pagkakayari sa mundong ito ayon sa Mediko. ph. Una, Ang Pagbibinata at Pagdadalaga, Ikalawa, Ang Pakikipagtalik, Ikatlo ay ang Paglilihi at Pagbubuntis at ang Ikaapat ay ang Panganganak.

-Mula sa milagrong hatid ng kalikasan ng ating mga katawan.

-Mula sa pinagsamang bahagi ng kaloob-looban, hatid ay milagrong hindi mapapantayan.

Bata, Bata, bilang ikaw ay isang nilikha, Ano ang iyong magagawa upang masuklian ang lahat at nang higit pa sa inaasahan?

"Sa Tunog ng Martilyo"

Ni: G. John Riz Ibesate-Guro sa ESP 10

Nabasag ang katahimikan ng umaga

At bumalik ang isipan sa paglalayag Sa 'di masukat na kalawakan.

Hinanap ko ang istorbo.

Kapitbahay palang nag-aayos ng bubong

Ng bahay nilang yero't plywood na tinagpi.

'Pag walang tibay, baka tangayin.

Naririnig ko ang tunog ng martilyo, "Pok, Pok, Pok."

Napapanatag ba ang damdaming may digma

Kung kapayapaan na mismo ang mailap

At bait ko na ang nawawalay?

Hirap pag walang trabaho.

Makatitindig ba ang mga paang putol?

Itong mga binti kong wala namang silbi?

'Pag gan'to, mahirap ang maaliw.

Naririnig ko ang tunog ng martilyo, "Pok, Pok, Pok."

Nakauwi na rin ang aking esposa. Uwing bigas at ulam muna ang nilapag Bago 'ko niyakap at hinagkan.

Gabi kung magbanat - buto.

Yaring sampal sa pagkalalake kong kulong

Sa selda ng awa, ang kinitang salapi

Ng babaeng 'di ko alam kung akin.

Lalo' naaalala ko't

Naririnig ang tunog ng martilyo, "Pok, Pok, Pok."

Unang araw ng DSPC, Matagumpay na Naihayag!

ni: Franchezka Bernal

Ang Larong Sepak Takraw

ni: Bb. Yassi San

Ang Sepak Takraw sa Ingles ay “Kick Volleyball”. “Sepak” ang salitang Malay para sa sipa at “takraw” ang salitang Thai para sa bolang yantok; samakatuwid ang literal na kahulugan ng sepak takraw ay “sumipa ng bola” Ito ay isang laro ng pampalakasan ng katutubo sa Timog-Silangang Asya noong 1960 at unang ginanap sa Southeast Asian Games noong 1965 sa Kuala Lumpur. Ang larong ito ay maaaring laruin ng babae o lalake . Sa larong ito, dalawa, tatlo o apat ang maaaring maging kasapi. Ang sepaktakraw ay isang laro na kailangan mong sipain ang bola papunta sa iyong katunggali na hindi dapat na tumama at lumabas sa net. Ang larong sepaktakraw ay ang larong nanggaling talaga

sa ating bansa isa itong laro na ginawa ng ating mga ninuno noong panahon ng 17th na siglo dati simple lang itong nilalaro at parang maliit na bersyon ng larong soccer sa America.

Ngunit pagdating ng ilang mga taon ay unti-unting nabago ang larong ito sa mga kagamitan at pati sa paglalaro dati kailangan mo itong ipasok sa butas ngunit ngayon kailangan mong ipasa ito sa iyong katunggali na pinapagitnaan ng isang net.

May mga grupo na nagturo kung paano laruin ang kakaibang larong ito at may mga koponan din na nagsasanay nang libre para sa mga batang gustong matuto kung paano ito laruin.

Source: https://isports2016blog.wordpress.

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.