MULING PAMAMAYAGPAG NG PAMAMAHAYAG!
ni: Irish M. Renoballes Ang District Schools Press Conference (DSPC) sa Marikina na isa sa pinaka inaabangan taon-taon ay muling idinaos ngayong Sabado, Pebrero 24, 2024. Isang taon matapos ang 22nd DSPC ay ang panibagong panahon ng pagpapakitang gilas at husay ang nabigyang pagkakataon gamit ang kanilang mga boses, lapis at papel
para ibahagi ang mga napapanahong kaganapan. Ang muling pamamayagpag ng mga mamamahayag ay inabangan at nasaksihan lalo na ng mga piling mag-aaral sa kani-kanilang paaralan na muling ipinamalas ang kanilang galing sa pagsulat at pag-uulat.
Pambungad na programa at
saglit na pagtitipon sa munting pasilyo ng Sto. Niño Elementary School ang opisyal na nagpasimula sa laban. Ilan sa mga kategorya ay ang; Pagsulat ng Balita/News Writing, Pagsulat ng Lathalain/Feature Writing, Pagsulat ng kolum/ Column Writing, Pagsulat ng Editoryal/Editorial Writing, Pagsulat ng Balitang Isports/ Sports Writing, Pagkakartun/ Cartooning, Pagwawasto at Pag-uulo/ Copy Reading and Headlining, Pagkuha at Pagsasaayos ng Larawan/Photojournalism, Pagsulat ng Agham at Teknolohiya/Science and Technology Writing, at iba pa.
Debuhomulasanakaraang23rdDivisionSchools PressConferencengMarikinaCity
DepEd Matatag: Kaisa ang bawat
Marikeño sa Pagsulong sa dekalidad na Edukasyon
Pinasimulan ni Bise Presidente at Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon Sara Z. Duterte ang DepEd Matatag Curriculum upang mapabuti at maging dekalidad ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa ating bansa. Gayundin ang kung ano ang tunay na pangangailangan ng mga mag-aaral na Pilipino sa kasalukuyang panahon.
Dahil sa naging kahinaan sa Matematika at Agham ng mga magaaral na Pilipino, maraming hindi makaunawa sa asignaturang ito, kaya naman bumaba ang naging assessment sa nasabing larangan. Gayunpaman, kaisa ang dibisyon ng Marikina sa pagsulong ng dekalidad na edukasyon upang mapataas ang antas na kaala-
man ng mga mag-aaral na Marikeño hinggil sa bagong Curriculum.
Ninanais ng ating kalihim na si Sara Duterte ang kalidad na edukasyon para sa mga mag-aaral sa Pilipinas. Pinagtibay din ito ng ating butihing Mayor Marcy Teodoro katuwang ang kanyang maybahay at Congresswom an Maan Teodoro na walang sawang pagsuporta sa lahat ng mga gawaing pampaaralan sa ating lungsod. Pag bibigay ng pangangailangan upang mapabilis at mapabuti ang kahusay an ng mga mag-aaral at maging ang nga guro sa Marikina. Tunay na hindi matatawaran pagbibigay tulong ng mga namumuno sa Lungsod ng Marikina.
THE SPECTRUM EDITORIAL BOARD 2023-2024
Tagapayo ng Publikasyon: G. Erwin L. San Juan
Punong Patnugot: Zyrel Anrei Gerolaga
Kapatnugot: Kim Jasmine C. San Jose
Tagapamahalang Patnugot: Shannen Jhoril F. Orlino
Patnugot sa Serkulasyon: Gabriel Urbino
Patnugot sa bawat Seksyon: Paul Andrei E. Responte
Representante ng PTA: Maybel Aguilar
KONTRIBUTOR:
1. Bb. Pearl Ponsal-Guro sa Filipino 10
2. G. Erwin L. San Juan-Guro sa Filipino 7
3. G. John Riz Ibesate
4. Bb. Yassi San Jose
Princess Kristile Y. Asis Kimberly Nicole C. Estillero
Irish M. Renoballes Aubrey Mae Suarez
Aeisha Talamayan Harrah Cryshyne F. Fausto
Faisah Burar Nathan Sta. Romana
Samantha M. Battung Darlin Dequit
Samantha Joy Del Rosario Emmanuel S. Cervantes
Louise Mhaffrey J. Daileg Lorie Zen A. Manuel
Reign Zel Candido Arañez Franchezka Bernal TAGAPAYO NG PUBLIKASYON PUNONGGURO
G. Erwin L. San Juan (Filipino) Dr, Gemo D. Parajas Bb. Yasmin A. San Jose (English)
Ni: Kimberly Nicole C. Estillero
Mahalaga ang naging papel ng Senior High School para sa maraming estudyante dahil sa benepisyong pagbibigay ng dagdag kaalaman at paghahanda para sa kolehiyo. Dahil dito, maraming samo’t saring reaksyon mula sa mga estudyante sa inanunsyo ng Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte na pag-alis ng Senior High School sa mga unibersidad. Pero dapat pa nga bang alisin?
Nagkaroon ng dalawang dagdag na taon ang mga High School students upang makatulong na mapalawak at mas maging bihasa sa kursong kukunin para sa kolehiyo. Nais ng program ana matulungan ang lahat ng estudyante, ngunit kapos pa noon ang maraming pampublikong paaralan at hindi pa kaya ang maraming estudyante. Ang naging solusyon ng DepEd para magkasya ay magkaroon din ng Senior High School (SHS) para sa mga unibersidad.
Hanggang ngayon problema pa rin ng Department of Education (DepEd) ang kakulangan sa paaralan. Mayroon pa rin kakulangan sa mga silid-aralan ang mga pampublikong paaralaan, dahil dito mataas ang posibilidad na maraming estudyanteng magsisiksikan. Magreresulta ng overcrowded ang mga silid-aralan dahil daragsa ang maraming mga estudyante sa Senior High School. Idagdag pa na hindi lahat ng paaralan mayroon strand nan ais ng mga estudyante.
Tunay ng ana Malaki ang magiging epekto ng pag-alis ng Senior High School (SHS) sa mga unibersidad, lalo na sa mga estudyante, Kailangan maging handa ang DepEd sa maraming estudyanteng daragsa, sapat ang mga kagamitan at kayang suportahan ang lahat ng mga estudyante. Dapat na pag-usapan at hindi madaliin ang tuluyan na pag-alis ng Senior High School sa unibersidad.
Ipinatupad naman ang Catch-up Friday bilang bahagi ng Learning Recovery Program dahil sa kagustuhang makabawi sa sector ng eukasyon ang bansa. Makikita naman sa layunin ang maaaring benepisyo na maibibigay nito sa atin.
Sa ngayon, hindi pa nakikita ang mga benepisyo ng programang Catchup Friday dahil kakaumpisa pa lamang nito. Makikita naman kung epektibo nga ba talaga ang programang ito o hindi, kung natutulungan nga ba talaga ang mga estudyante o hindi. Kung may mga estudyanteng pabor sa Catch-up Friday, meron din namang hindi pabor.
Iilan sa mga estudyante ay hindi pabor sa programang ito. Oo, mayroon siyang magandang madudulot ngunit mayroon din na hindi maganda. Isa sa maraming rason ng mga mag-aaral ay naaapektuhan ang mga lessons bawat subject, alam natin na napabilis na ang pagtatapos ng school year na ito kaya naghahagol ang mga estudyante
ngayon, pero sa susunod malalaman at malalaman natin ito. Ang journal naman ng mga estudyante ang magsisilbing gabay ng mga guro patungo sa magandang kalidad ng edukasyon.
Sa pagtatapos, marami man ang dumaing sa programang Catchup Friday kailangan parin ipagpatuloy ang pagsasagawa nito. Hindi lang iskwelahan natin ang matutulungan kundi buong bansa. Magagamit din naman natin ang benepisyo nito sa hinaharap, at onti-onti rin na makakapag-adjust ang mga mag-aaral at guro sa set-up na ito. Maraming naghahangad ng kalidad na edukasyon kaya sa pamamagitan ng pagtutulungan at sa pagsasagawa ng programang ito ay maiaangat, at maaayos natin ang edukasyon ng Pilipinas.
Pangalawa, may mga praktikal na aspeto na dapat isaalang-alang, tulad ng bakasyon at pamilya. Ang mas maa-
pasan natin ang mga hamong ito at makamit ang layunin ng pinabuting kalidad ng edukasyon para sa lahat.
“Ang Kahalagahan ng Kalinisan”
Ni: Reign Zel Candido Arañez
Bakit ng aba mahalaga ang kalinisan? Paano naman natin mapapanatili ang kalinisan? Napansin mo na ba na mas masayang mamuhay sa isang malinis at malusog na kapaligiran? Isa itong karaniwang kaamalan, kung ang ating paligid ay maayos at malinis mapapanatili natin ang kaligtasan natin sa mga kumakalat na sakit, ito rin ay tumutulong sa atin na mapanatili ang positibo at produktibong pag-iisip. Ang kalinisan at hindi lamang tungkol sa malinis na lugar, ito ay tungkol rin sa pagpapanatili ng malusog na resistensya at pag-iisip. Tayo ay may iba’t ibang paraan kung paano mapapanatili ang kalinisan base sa ating kultura at kasabihan. Maaari nating mapanatili ang ating kalinisan una, sa ating tah-
anan at pangalawa, sa ating paaralan. Maraming pamamaraan upang ating simulant ang pagkakaroon ng disiplina sa ating sarili. Maging disiplinado at responsableng mag-aaral/mamamayan. Sa pamamagitan nito makakamit natin ang maayos, malinis at kaayaayang kapaligiran at higit sa lahat tayo ay magiging ligtas sa anumang sakit.
Sa kongklusyon, ang kalinisan ay sadyang napakahalaga sa ating kalusugan at kalusugan ng kapaligirang ating ginagalawa. Responsibilidad nating kumilos at panatilihing malinis ang kapaligiransa pamamagitan ng pagtutulungan at pagturo sa ating sarili, makagagawa tayo ng positibong epekto sa mundo at makalilikha tayo ng mas malinis at malusog na kapaligiran para sa lahat.
ARTIFICIAL INTELLEGENCE(AI): Ang Mapanlikha’t Mapanganib na Kasangkapan
Ang paglaganap ng teknolohiya sa ating mundo ay kasabay din ng pagkakaroon ng mga Artificial Intelligence (AI) na karaniwang ginagamit natin sa pang-araw araw na buhay. Tinutulungan tayo nito lalo na't sa pagkuha ng mga impormasyon o pagtulong sa mga estudyante. Ngunit, dahil din sa rason na ito ay ang pangamba na isip ng bawat tao. Tama nga lang ba ang patuloy nating paggamit ng AI o dapat na itong itigil?
Ayon kay Dr. Ethel Ong, ang AI ay namimic o ginagaya ang kilos at kakayahan ng tao. Sa panggagaya nila ay may kakayahan na silang gawin ang trabaho ng isang tao, mas mabilis, epektibo, at nang walang pagod. Nagagamit din ito upang makagawa ng mga pang-akademikong gawain kung kaya’t umaasa na lang dito ang mga estudyante para sa kanilang mga gawain. Dahil dito, marami ang nababahala sa posibilidad na mawalan sila ng tra-
TAkoT Ay ALIsIN, e-BIke Ay kILALANIN
Ni: Irish Renoballes
Laganap sa panahon ngayon ang mga makabago at mas pinaunlad ng teknolohiya na transportasyon. Kabilang na rito ang mga e-bike na mas nakilala at tinangkilik noong panahon ng pandemya na talagang nakatulong sa ating pamumuhay.
Ang e-bike ay isang uri ng bisikleta na de-kuryente na maaaring may dalawa hanggang apat na gulong. Ito ay mayroong rechargeable batteries na nagsisilbing enerhiya o power ng e-bike para gumana at magamit kaya naman ay ginamit lalo ng mga mamamayan ang e-bike dahil sa hindi na nito kailangang gamitan ng gas para umandar ngunit kaya na makaabot nang ilang milya.
Bukod pa rito ay budget friendly ang mga e-bike na mas kayang bilhin ng mga tao
kaysa sa mga sasakyan o motor na madalas ay binibili ng bawat indibidwal. Gayunpaman, sa kabila ng magandang dulot nito ay nakapagbibigay alala at alarma ang paggamit ng e-bike lalo na para sa mga kabataan dahil hindi ito kinakailangan o hinahanapan ng lisensya para lamang magamit na siyang nagreresulta ng kabi-kabilang trapiko at aksidente dahil sa paggamit nito.
Sa kabuuan, ang e-bike ay isang uri ng transportasyon na talagang nakatutulong sa bawat mamamayan mula sa abot kayang halaga hanggang sa serbisyo at benepisyong dala nito sa ating buhay. Mayroon mang banta na dala ang e-bike ay nakadepende pa rin sa bawat indibidwal ang kanyang magiging kapalaran na siyang makapag-aalis ng pangamba ng bawat isa.
DebuhoNi:DanielFulleros Bata, Bata, Paano Ka Ginawa?
Tigmak sa luha, ngunit may mga ngiti sa labi ng ating mga Ina nang tayo’s isilang at matunghayan. May pintig, may pulso, may buhay.
Madalas nating maitanong sa ating mga sarili ang
ni: Bb. Yassi San
halaga ng eksistensya natin sa mundo at bakit tayo naririto. Bakit nga ba? Bago natin sagutin ang napakahirap na tanong na ito, atin munang alamin kung paano ba nagsimula ang lahat sa buhay ng isang batang katulad mo.
ni: Adrian Salobaho at pagkakakitaan kung sakaling tuluyan na ngang palitan ang mga tao ng AI sa trabaho at patuloy na abusuhin sa paraang pang-akademiko. Gayunpaman, sa kabila ng mga negatibong komento at hinaing ng bawat tao, hindi natin maitatanggi na napakalaki rin ng tulong ng AI sa atin. Napapadali ang ating gawain at nagagamit din ito upang mapabilis ang pagkuha ng mga impormasyon na ating kinakailangan. Ang AI
rin ay maaaring gamitin sa pang-akademiko upang mas mapadali ang ating pagkakaintindi sa iba’t ibang paksa, hindi lamang sa pandaraya.
Sa bawat paggamit ng AI, dapat tandaan ang katagang “know your limits”, tiyakin na alam kung kailan hindi ito dapat gamitin o kung kailan dapat tumigil. Oo nga’t mapapadali ang ating buhay ngunit, huwag nating abusuhin ang paggamit nito. Lalo na kung ang AI ay ginagamit lamang
Ayon sa pananaliksik na ginawa ni E. San Juan Jr. na may pamagat na, “Sexual Politics and the Problem of Gender in Lualhati Bautista’s Bata Bata . . . Pa’no Ka Ginawa?” Ito ang ilan sa mga konteksto na galing sa kilalang mga manunulat:
Maghunos-dili nga tayo, at imulat natin ang mata, lalong-lalo na kayong mga babai, sapagkat kayo ang nagbubukas ng loob nga tao . . . Malaki ngang di bahagya, ang katungkulang gaganapin ng babai, sa pagkabihis ng hirap ng bayan, ngunit ang lahat ng ito’y di hihigit sa lakas at loob ng babaying tagalog. Talastas ng lahat ang kapangyarihan at galing ng babayi sa Filipinas . . .
—Jose Rizal, “Sa mga Kababayang Dalaga ng Malolos”
Sa mitolohiyang, Griyego, . . . babae ang tagapangalaga ng mga hayop at halaman, ang tagapagkalinga ng kalikasan. Babae ang nagluluwal sa mga supling na hindi nangangailangan ng mga ama; .mga anak na babae na hindi mangagailangan ng asawa. Ngunit ang
sa masamang bagay o gawain.
Sa kabuuan, walang mali sa paggamit ng AI dahil nga’t mas napapadali ang ating buhay. Sa tulong ng AI ay naipapakita na patuloy ang pag progreso ng ating bansa. Ngunit, dapat alam natin ang ating limitasyon sa paggamit ng AI lalo na’t kung ito ay para mandaya, manakit, at gumawa ng masama sa iyong kapwa.
babae’y pinalapastangan sa isang lalaki—nakakilala ng karahasan ang mga supling; di malirip na hapis ang dinanas ng mga ina hanggang humulagpos ang bait nila . . .
—Ruth Elynia Mabanglo, “Ang Babae sa Loob ng Bote”
Ano ang isang ina? Mayamang hapag ng gutom na sanggol / Kumot sa gabing maginaw / Matamis na uyayi / Tubig sa naghahapding sugat / Ngunit ano ang isang komunistang Ina? / Maapoy na tanglaw tungo sa liwayway / Sandigang bato / Lupang bukal ng lakas sa digma, katabi sa labanan at alalay sa tagumpay / ang ina ko.
—Maria Lorena Barros, “Ina“
Sa ating mga nabasa, napag alamang napakalaki ng gampanin ng isang babae sa atin bilang isang tao bago magkaroon ng gampanin sa lipunan. May apat na kabanata ang ating pagkakayari sa mundong ito ayon sa Mediko. ph. Una, Ang Pagbibinata at Pagdadalaga, Ikalawa, Ang Pakikipagtalik, Ikatlo ay ang Paglilihi at Pagbubuntis at ang Ikaapat ay ang Panganganak.
Bilang mga Kristyano, Muslim, o Hudyo , Naguumpisa ang pagbubuntis sa sandaling i-fertilize ng isang sperm cell ang isang egg cell sa loob ng katawan ng isang babae. Sa sandaling iyon, nabubuo ang isang embryo. Sa loob ng ilang araw, kakapit ang embryo sa matris ng babae at maguumpisang mabuo at lumaki. Para sa mga tao, ang pagbubuntis ay karaniwang nagtatagal ng 280 araw o 36 linggo. Dahil dumadami ang tao sa pamamagitan ng pagbubuntis, ayon sa pagpapala at utos ng Diyos sa Genesis 1:28, dapat nating asahan na may sinasabi ang Bibliya patungkol sa isyung ito.
Muli, Bata, Bata, Paano Ka Ginawa? Ikaw ay galing sa masalimuot na pundasyon ng iyong Ama at Ina.
Marahil hindi pa mauunawaan nang lubusan ng iyong isipan ngunit ang iyong pagkakayari ay may mabigat na dahilan.
Bata, Bata, Paano Ka Ginawa?
-Mula sa pagmamahalan ng dalawang nilalang, ika’y isinilang.
-Mula sa milagrong hatid ng kalikasan ng ating mga katawan.
-Mula sa pinagsamang bahagi ng kaloob-looban, hatid ay milagrong hindi mapapantayan.
Bata, Bata, bilang ikaw ay isang nilikha, Ano ang iyong magagawa upang masuklian ang lahat at nang higit pa sa inaasahan?
"Sa Tunog ng Martilyo"
Ni: G. John Riz Ibesate-Guro sa ESP 10
Nabasag ang katahimikan ng umaga At bumalik ang isipan sa paglalayag Sa 'di masukat na kalawakan.
Hinanap ko ang istorbo.
Kapitbahay palang nag-aayos ng bubong
Ng bahay nilang yero't plywood na tinagpi.
'Pag walang tibay, baka tangayin.
Naririnig ko ang tunog ng martilyo, "Pok, Pok, Pok."
Napapanatag ba ang damdaming may digma
Kung kapayapaan na mismo ang mailap
At bait ko na ang nawawalay?
Hirap pag walang trabaho.
Makatitindig ba ang mga paang putol?
Itong mga binti kong wala namang silbi?
'Pag gan'to, mahirap ang maaliw.
Naririnig ko ang tunog ng martilyo, "Pok, Pok, Pok."
Nakauwi na rin ang aking esposa. Uwing bigas at ulam muna ang nilapag Bago 'ko niyakap at hinagkan.
Gabi kung magbanat - buto.
Yaring sampal sa pagkalalake kong kulong
Sa selda ng awa, ang kinitang salapi Ng babaeng 'di ko alam kung akin.
Lalo' naaalala ko't
Naririnig ang tunog ng martilyo, "Pok, Pok, Pok."
Unang araw ng DSPC, Matagumpay na Naihayag!
ni: Franchezka Bernal
Ang Larong Sepak Takraw
ni: Bb. Yassi San
Ang Sepak Takraw sa Ingles ay “Kick Volleyball”. “Sepak” ang salitang Malay para sa sipa at “takraw” ang salitang Thai para sa bolang yantok; samakatuwid ang literal na kahulugan ng sepak takraw ay “sumipa ng bola” Ito ay isang laro ng pampalakasan ng katutubo sa Timog-Silangang Asya noong 1960 at unang ginanap sa Southeast Asian Games noong 1965 sa Kuala Lumpur. Ang larong ito ay maaaring laruin ng babae o lalake . Sa larong ito, dalawa, tatlo o apat ang maaaring maging kasapi. Ang sepaktakraw ay isang laro na kailangan mong sipain ang bola papunta sa iyong katunggali na hindi dapat na tumama at lumabas sa net. Ang larong sepaktakraw ay ang larong nanggaling talaga
sa ating bansa isa itong laro na ginawa ng ating mga ninuno noong panahon ng 17th na siglo dati simple lang itong nilalaro at parang maliit na bersyon ng larong soccer sa America.
Ngunit pagdating ng ilang mga taon ay unti-unting nabago ang larong ito sa mga kagamitan at pati sa paglalaro dati kailangan mo itong ipasok sa butas ngunit ngayon kailangan mong ipasa ito sa iyong katunggali na pinapagitnaan ng isang net.
May mga grupo na nagturo kung paano laruin ang kakaibang larong ito at may mga koponan din na nagsasanay nang libre para sa mga batang gustong matuto kung paano ito laruin.
Source: https://isports2016blog.wordpress.