YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
1
FIRST QUARTER
Module 1:
Ang mga Pabula at ang Wika sa Kanilang Pag-usbong
A. Pagbasa Ang Pabula
Ang pabula ay isang akdang pampanitikan na nasang uring tuluyan. Ang akdang tuluyan ay marami. Kinabibilangan ito ng nobela at kathambuhay, maikling kwento, mga dula sa kasalukuyang panahon, mga alamat, sanaysay, talambuhay, balita, talumpati at iba pa.
Sinasalamin ng mga akdang ito ang damdamin ng mga tao sa lipunan, sa pamahalaan, sa kapaligiran, sa kapwa at sa Dakilang Lumikha. Anumang bagay na naisatitik, basa may kaugnayan sa pag-iisip at damdamin ng tao, maging ito ay totoo, kathang-isip o bungang-tulog lamang ay maaaring tawaging panitikan. Sinasabing ang panitikan at kasaysayan ay malalim na magkaugnay. Sa talakayan hinggil sa kasaysayan, natitiyak na kasama rito ang kaugalian o tradisyon ng lahi, ang damdamin at saloobin na kapag ang lahat ng ito ay naisatitik, ito ay tinatawag na panitikan. At dahil sa ang kasaysayan ay naisatitik, ito ay maaaring tawaging makatotohanang panitikan. Samakatwid bahagi ng panitikan ang kasaysayan.
Sa kabilang banda, nagkakaiba rin ang panitikan at kasaysayan. Ito ay dahil sa ang panitikan ay maaaring likhang-isip o bungang-isip lamang o mga pangyayaring hubad sa katotohanan na naitala samantalang ang kasaysayan ay pawang mga pangyayaring tunay na naganap.
Sa kabuuan, napakahalagang basahin ang panitikan dahil dito ay makikilala natin an gating sarili bilang isang Pilipino.
YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
2
B. Wika
Pagtatanong at Pagsagot sa mga Tanong
Narito ang ilan sa maaayos na paraan ng pagtatanong at pagsagot sa mga tanong upang makakuha ng wasto at makabuluhang impormasyon hinggil sa isang paksa.
1. Mga tanong na humihingi ng limitadong sagot na oo o hindi
Sa wikang Filipino, karaniwan ang ganitong uri ng tanong. Maaaring tumaas o bumaba ang intonasyon sa katapusan ng tanong. Ang sagot dito ay maikli at hindi na nangangailangan ng pagbuo ng isang pangungusap.
Halimbawa:
Tanong:
Naunawaan mo ba ang ipinahayag sa akda?
Sagot:
Oo (naunawaan ko).
2. Mga tanong na masasagot ng mayroon, wala, oo, hindi, ayaw ko/ayoko, ewan/aywan, siguro/marahil at iba pa na may tonong naiinis, naiinip, natutuwa, walang gana at iba pa.
Malalaman mo sa tono o intonasyon ang inihahayag ng damdamin.
Halimbawa:
Tanong:
May pabula bang nabuo sa inyong rehiyon?
Sagot:
Ewan. Malay ko.
YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
3
3. Mga tanong na binubuo ng pangungusap na sinusundan ng hindi/di ba upang matiyak ang katotohanan (o kamalian) ng sinasabi ng pangungusap.
Masasagot din ng oo/opo, hindi/hindi po o ewan/aywan/ewan ko po, siguro at iba pa ang ganitong tanong.
Halimbawa:
Tanong:
Kapupulutan ba ng aral ang pabula?
Sagot:
Aba, oo/opo.
Hindi.
Ewan.
Siguro.
Baybayin o Alibata
Bago dumating ang mananakop sa Pilipinas, ang mga Pilipino ay may sariling wika at panulat. Baybayin ang pangalan ng panulat na ito. Ito ay galing sa salitang baybay na ang ibig sabihin ay spell sa English o kaya ay bokstavera sa Swedish.
Ayon kay David Direnger, kilalang eksperto sa matatandang panulat, ang Baybayin ay maaaring naggaling sa matandang panulat na Kavi ng Java, Indonesia.
Ang isa pang pangalan ng Baybayin ay Alibata. Ang katawagang ito ay inimbento ni Dean Paul Verzosa ng Pamantasan ng Maynila noong 1914. Ito ay galing sa ALIF, BA at TA, na mga unang titik ng diyalektong Arabo ng Maguindanao. Hindi niya ipinaliwanag kung bakit niya ito pinili. Ito ay walang kaugnayan sa Baybayin.
Ang Baybayin at Alibata ay nakasulat sa mga dahon.
Kasaysayan ng Tagalog
Ang aklat na Doctrina Cristiana ang unang isinulat sa Baybayin o Alibata. Ang aklat na ito ay nasa pagtangkilik ng “Library of Congress� sa Washington, DC. YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
4
Ito ay binubuo ng labimpitong titik – labing-apat ang katinig at tatlo ang patinig. Nang dumating ang mga Kastila, nailipat sa salitang Romano ang pagsulat sa dating Alibata. Sinimulan ito noong ikalabing-anim na dantaon at sa kasaysayan pangwika ay naitala bilang panahon ng Romanisasyon. Ang baybayin ay tinatawag na ABAKADA.
Ang 20-Letrang Orihinal ng ABAKADA
Aa
Bb
Kk
Dd
Ee
Gg
Hh
Ii
Ll
Mm
Nn
NGng Oo
Pp
Rr
Ss
Tt
Uu
Ww
Yy
Ginagamit ito sa mga karaniwang salitang tinanggap o naasimila na sa bokabularyo o talasalitaan ng wikang pambansa.
Ang Bagong Alfabetong Filipino
Aa
Bb
Cc
Dd
Ee
Mm
Nn
Ññ
NGng Oo
Ww
Xx
Yy
Zz
Ff
Gg
Hh
Ii
Jj
Kk
Ll
Pp
Rr
Ss
Tt
Uu
Vv
Ang mga idinagdag na walong titik (C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z) ay ginagamit para sa mga sumusunod:
1. Pantanging pangalan ng tao, hayop, bagay o lunan
Halimbawa:
Charice
YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
La Niña
Vun
Davao
5
2. Mga katutubong salita mula sa mga diyalekto ng bansa
Halimbawa:
cañao
(pagdiriwang ng mga Igorot)
Hadji
(katawagan sa lalaking Muslim na nakapunta sa Mecca)
hacienda
(malawak na lupain na pagmamay-ari ng mayamang angkan)
vinta
(maliit at matuling bangkang may layag)
3. Mga salitang banyaga na walang katumbas sa Filipino
Halimbawa:
pizza
Xerox
cellular phone
Ilang Paliwananag ukol sa Titik Ñ (enye)
Sa kadahilanang ang titik Ñ (enye) ay mula sa Kastila, wala ni isa mang salitang Tagalog (Filipino) ang isinama sa diksyunaryong ito na nagsisimula sa naturang titik. Gayon pa man, may iilang salitang etniko na natagpuan sa Ñ (enye) na ginawang pinakakinatawan ng naturang titik. Nagsama rin ng ilang salitang nagtataglay ng titik Ñ (enye), bagamat ito ay nasa loob ng salita.
Halimbawa:
cañao
(panseremonyang sayaw ng mga Igorot
piña
(isang uri ng prutas, isang uri ng tela
Ang Pagbasa ng mga Letra
Ang pagbibigkas sa mga letra ng Alfabetong Filipino ay bigkas-Ingles maliban sa Ñ (enye) na bigkas-Kastila.
A
B
C
D
E
F
G
/ey/
/bi/
/si/
/di/
/i/
/ef/
/dzi/
YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
6
H
I
J
K
L
M
N
/eyts/
/ay/
/dzey/
/key/
/el/
/em/
/en/
Ñ
NG
O
P
Q
R
S
/enye/
/en dzi/
/o/
/pi/
/kyu/ /ar/
/es/
T
U
V
W
X
Z
/ti/
/yu/
/vi/
/dobol yu/
/eks/ /way/ /zi/
Y
Mga Tuntunin sa Paghihiram ng Salita ayon sa 2009 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino
Unang Paraan:
Pagkuha ng katumbas sa Kastila ng hinihiram na salitang Ingles at pagbaybay rito nang naaayon sa palabaybayang Filipino. Ito ang pinakakaraniwang paraan ng panghihiram ng mga salita sa Ingles na sinusunod ngayon.
Halimbawa:
Kung ibig hiramin ang salitang Ingles na electricity; kunin ang katumbas nito sa Kastila – electricidad. Pagkatapos ay baybayin ito nang naaayon sa palabaybayang Filipino – elektrisidad.
Ikalawang Paraan:
Paghiram sa salitang Ingles at
pagbaybay
rito nang naaayon
sa
palabaybayang Filipino. Karaniwang isinasagawa ang paraang ito kung –
1. hindi maaaring gamitin ang unang paraan 2. walang katutubong salita na maaaring magamit bilang salin o katumbas ng salitang Ingles YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
7
Halimbawa:
nurse (Ingles)
nars (Filipino)
tricycle (Ingles)
traysikel (Filipino)
Ikatlong Paraan:
Paghiram sa salitang Ingles nang walang pagbabago sa baybay. Ginagamit lamang ang paraang ito kapag hindi praktikal na gamitin ang una at ikalawang paraan. Pansinin din na sa pamamaraang ito lamang nagagamit ang mga titik na wala sa 20-letra ng ABAKADA.
Halimbawa:
golf
Coke
Jean
Cavite
Pagsasanay:
Tumabasan at baybayin sa Filipino ang sumusunod na mga salita batay sa 200 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino. Pagkatapos ay isulat kung anong tuntunin ng paghihiram ng salita ang ginamit batay sa binagong Alfabeto.
Halimbawa:
technology
____teknolohiya_______
____unang paraan______
1. computer ____________________
______________________
2. physical ____________________
______________________
3. plantation ____________________
______________________
4. leader
______________________
____________________
YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
8
5. bouquet ____________________
______________________
6. teacher
______________________
____________________
7. French fries____________________
______________________
8. quartz
____________________
______________________
9. score
____________________
______________________
10. MalacaĂąang ____________________
Module 2:
______________________
Pagkilala sa Katangian ng Bawat Tauhan
A. Pagbasa
Ang pabula ay isang uri ng salaysay na likha laman ng guniguni ng isang manunulat kayaâ€&#x;t ito ay mahirap mangyari o sadyang hindi mangyayari. Sinasalamin ng mga akdang ito ang damdamin ng mga tao sa lipunan, sa pamahalaan, sa kapaligiran, sa kapwa at sa Dakilang Lumikha.
Isa sa mga pangunahing elemento ng pabula ay ang mga tauhang ginagampanan ng mga hayop. Ang mga tauhan sa isang pabula ay maaaring bilog o lapad.
Ang bilog na karakter ay ang pangunahing tauhan o kalimitang protagonista sa akdang pampanitikan na nakararanas ng ibaâ€&#x;t ibang suliranin na naging dahilan ng kanyang makabuluhang pagbabago. Ang kanyang pagkatao ay buo lalo na ang katangiang pisikal, mental, at emosyonal, sapat upang sabihing ang kanilang karakter ay makatotohanan. YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
9
Ang lapad na karakter naman ay itinuturing na pangalawang tauhan sa mga akdang pampanitikan. Kaiba sa bilog na karakter, ang lapad ay hindi dumaraan sa ibaâ€&#x;t ibang suliranin at makabuluhang pagbabago sa kabuuan ng kwento. Kalimitang matapang, hindi nagbabago at iba pa.
B. Wika
Pangngalan
Ang bahagi ng pananalita na tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, bagay, pook, pangyayari at iba pa.
Mga Halimbawa:
1. Ngalan ng Tao Marlon
guro
ama
Gabriel
mag-aaral
anak
Kuting
pusa
inahin
Puti
gansa
pagong
Mongol
lapis
pagkain
Bagong Likha
aklat
tsinelas
Davao
bansa
baranggay
Bundok Apo
bundok
Cebu
2. Ngalan ng Hayop
3. Ngalan ng Bagay
4. Ngalan ng Pook
5. Ngalan ng Pangyayari Araw ng mga Manggawa YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
kasalan 10
binyagan
pulong
Uri ng Pangngalan Pantangi – ang pangngalan kung tumutukoy sa isang tangi o particular na ngalan ng tao, hayop, bagay, pook o pangyayari.
Halimbawa: Joan
Muning
Isla ng Camiguin
Bagong Likha
Araw ng Kagitingan
Pambalana – ang pangngalan kung tumutukoy sa pangkalahatang diwa o ngalan ng tao, hayop, bagay, pook o pangyayari.
Halimbawa:
bata
gansa
bulubundukin
bahay
sayawan
Kakanyahan ng Pangngalan Kausapan o Panauhan – ang nagsasabi kung ang pangngalan ay tumutukoy sa taong nagsasalita, taong kumakausap o taong pinag-uusapan. Itinuturing ito na isa sa mga kakanyahan ng pangngalan at natutukoy lamang sa pamamagitan ng panghalip na kasama nito o kaya‟y sa pamamagitan ng konteksto ng pangungusap.
Halimbawa:
1. Ako, ang iyong ina, ang magpaparaya. (kumakausap) 2. Isang guro si Marlon. (pinag-uusapan) 3. Ako si Maria. (nagsasalita) YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
11
Kasarian – ito ay tumutukoy sa pangngalan na maaaring uriin sa dalawang klasipikasyon, yaong may sekso (babae o lalaki) at yaong walang sekso (walang kasarian). A. Panlalaki – ang kasarian ng mga pangngalang tumutukoy sa tao o hayop na lalaki.
Halimbawa: kuya
manong
Ginoo
tandang
ninong
Don Pedro
B. Pambabae – ang kasarian ng mga pangngalang tumutukoy sa tao o hayop na babae.
Halimbawa: Maria Theresa
ate
ninang
inahin
nanay
ditse
C. Walang Kasarian – ang kasarian ng mga pangngalang tumutukoy sa mga bagay, pook o pangyayari at iba pa.
Halimbawa: Bibliya
diwa
Maynila
aklat
Bulkang Mayon
durian
PAGSASANAY
A. Tukuyin at isulat sa patlang kung ang mga salitang may salungguhit sa bawat pangungusap ay pantangi o pambalana. _______________ 1. Masinop magtrabaho si Grace kung kaya‟t gusto siya ng kanyang amo. YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
12
_______________ 2. Sa Davao de Norte matatagpuan ang napakaraming pagong. _______________ 3. Ang kalabaw ang itinuturing na pambansang hayop. _______________ 4. Ako ay isang Muslim na naghahangad ng kapayapaan sa Mindanao. _______________ 5. Ang Bulkang Mayon ay isa sa mga pinakaaktibong bulkan sa Pilipinas. _______________ 6. Maraming aklat ang kinakailangan ng ma mag-aaral sa Davao. _______________ 7. Nag-aalsa ang mga tsuper dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasoline. _______________ 8. Masayang namumuhay ang mag-anak na Lopez sa Cebu. _______________ 9. Makikita sa Bohol ang ilan sa mga makasaysayang lugar sa bansa. _______________ 10. Marami ang nahahangad ng pagbabago sa pamamalakad sa ating bansa.
B. Isulat sa patlang kung panlalaki, pambabae o
walang kasarian ang
sumusunod na mga ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari.
_______________ 1. tandang
_______________ 6. ama
_______________ 2. lolo
_______________ 7. bulaklak
_______________ 3. binibini
_______________ 8. bag
_______________ 4. kabayo
_______________ 9. pambura
_______________ 5. ditse
_______________10. doktora
C. Bilugan ang pangngalan sa bawat pangungusap at tukuyin ang kausapan o panauhan nito.
_______________ 1. Siya si Anna, ang aking kaibigan. _______________ 2. Naiiyak ako sa tuwing maaalala ko ang aking mahal na lolo. _______________ 3. Ako si Jean, isang manunulat ng makabagong henerasyon. YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
13
_______________ 4. Tinatawagan ko ang mga kabataan tungo sa pagkakaisa. _______________ 5. Si Gabriel ang munti kong anghel na nagbibigay ng inspirasyon sa aking buhay.
Module 3:
Ang Kahalagahan ng Tagpuan
A. Pagbasa
Ang tagpuan ay isa sa mga mahahalagang elemento sa pagsusuri ng pabula. Ito ay upang makabuo ng isang backdrop o tanawin sa isang kwento. Tumutulong din ito sa paghubog ng mga tauhan at sa pagpapalutang sa tema ng kwento. Ang tagpuan sa kabilang banda ay kinabibilangan ng ibaâ€&#x;t ibang tanawin, oras, panahon, moral o intelektwal, kapaligirang makabubuo ng antas kung saan ang mga tauhan ay kumikilos at gumaganap.
Sa pagsusuri ng tagpuan, ito ay isang bahagi ng panitikan na makapagbibigay ng ibaâ€&#x;t ibang imporamsyon hindi lamang sa lugar kundi maging sa tauhan na gumaganap dito.
Sinasabing isa sa mga maaaring maiugnay sa tagpuan ay ang tauhan ng kwento.
B. Wika
Isang mabisang paraan ng paghahatid ng mensahe sa isang akda ay sa pamamagitan ng paglalarawan ng mga tauhan, tagpuan at pangyayari. Dito mas pinalulutang ang mga katangian ng mahahalagang elemento ng akda, hindi lamang ang pisikal na katangian nito kundi maging ang mga pag-uugali at kanilang pakikitungo sa kapwa. YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
14
Ang mga salitang angkop na gamitin sa paglalarawan ay ang tinatawag na pang-uri. Ito ay mga salitang naglalarawan sa tao, bagay, pook o pangyayari. Ang mga halimbawa nito ay maputi, matigas, mapuno, madugo at marami pang iba.
Nahahati sa tatlong kailanan ang pang-uri: 1. Isahan – kapag iisa lang ang inilalarawan Halimbawa: Kakulay ko siya. 2. Dalawahan – kapag dalawa ang inilalarawan. Halimbawa: Magkakulay kaming dalawa. 3. Maramihan – kapag higit sa dalawa ang inilalarawan. Halimbawa: Magkakakulay kaming lahat.
Nahahati naman sa dalawang uri ang pang-uri: 1. Panlarawan – nagbbigay ng anyo, kulay, hugis, katangian at kalagayan sa mga pangngalan at panghalip na tinuturingan.
Halimbawa: Malambot ang aming unan. Maputik ang daan pagkatapos umulan kagabi. 2. Pamilang – nagsasaad ng bilang ng mga pangngalan at panghalip.
Halimbawa: Libu-libong alitaptap ang nag-ilaw sa madilim na kalye. Tatlong magkakapatid ang nag-uunahan sa paglangoy. YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
15
Nahahati sa tatlong kaantasan ang pang-uri: 1. Lantay – nagsasaad ng sariling katangian lamang ng pangngalan o panghalip na tinuturingan.
Halimbawa: Makupad ang pagong. 2. Pahambing – nagsasad ng pagtutulad ng dalawang tao o bagay sa katangian.
Halimbawa: Magkasinggaling sina Agila at Palaka. 3. Pasukdol – kapag ang isinasaad na katangian ng pangngalan o panghalip ay nangingibabaw o namumukod-tangi.
Halimbawa: Napakadaldal ni Bubuyog.
PAGSASANAY A. Magtala ng 5 pang-uri. Pagkatapos ay gawan ang mga ito ng pangungusap ayon sa tatlong kailanan ng pang-uri.
1. ____________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________
2. ____________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
16
______________________________________________________________
3. ____________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________
4. ____________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________
5. ____________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________
B. Bumuo ng tiglilimang pangungusap sa bawat uri ng pang-uri.
Panlarawan: 1. 2. 3. 4. 5.
Pamilang 1. 2. 3. 4. 5. YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
17
C. Ilarawan ang sumusunod na mga lugar gamit ang ma pang-uring lantay.
1. kagubatan 2. karagatan 3. kaparangan 4. kalawakan 5. kabundukan
D. Salungguhitan ang mga pang-uring nasa kaantasang pahambing sa bawat pangungusap.
1. Magkasingyabang sina Don Ernesto at Don Alfonso. 2. Si Angie ay simbait ni Dina kaya silang dalawa ay pinupuri. 3. Kasingtangkad ni Monica si Marga. 4. Ang mga Rodeiguez at Agustin ay magkasingyaman kung lupa at negosyo ang pag-uusapan. 5. Magsintalino sina Ayanna at Matthew pagdating sa Matematika.
E. Gawing pasukdol ang kaantasan ng mga pang-uri sa bawat pangungusap. Muling isulat ang pangungusap gamit ang pasukdol na kaantasan ng pang-uri.
1. Nais kong pumunta sa Boracay upang makita ang magandang tanawin doon.
2. Masaya ang aming pamamasyal sa Baguio.
3. Malawak ang lupain ng mga Evangelista.
4. Mahaba ang tulay na nakita ko sa Maynila.
5. Mahangin sa tabi ng dagat. YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
18
Module 4:
Ang Banghay sa Pagbuo ng Pabula
A. Pagbasa
Ang banghay ay isa sa mga pinakamahalagang elemento ng pabula upang lubusang maunawaan ang daloy ng mga pangyayari. Ang mga pangyayari naman ay pinapatakbo ng mga tauhan, kung saan ang kilos at galaw nila ang tumutulak tungo sa kasukdulan. Samakatwid ang banghay ay ang pundasyon ng tema ng kwento at maging sa mismong kwento nito.
B. Wika Ang bawat akda ay binubuo ng napakaraming salita – mga salitang pinagdurugtung-dugtong upang makabuo ng isang mensahe na mauunawaan ng mga taong babasa nito.
Ang tawag sa lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa ay pangungusap. Ito ay may dalawang pangunahing bahagi: 1. Simuno – ay ang paksa o ang pinag-uusapan sa pangungusap. May mga panandang si o sina kung tao ang simuno at ang o ang mga kung bagay, lunan o pangyayari.
Halimbawa: Ang aking kaibigan ay sadyang napakabait. Tunay na kahanga-hanga ang mga tanawin sa Palawan. 2. Panaguri – ang bahagi ng pangungusap na nagsasabi tungkol sa simuno.
Halimbawa: Ang mga bata ay tumatakbo. Nagsusulat sina Allen, Jaro, Maida at Levan. YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
19
May apat na iba‟t ibang uri ang pangungusap ayon sa layon. 1. Naglalahad – ang uri ng pangungusap na naghahanay ng mga payak na pagpapaliwanag ng mga konsepto, iniisip, palagay o pansariling pananaw.
Halimbawa: Ang
wika
ay
isang
mahalagang
aspetong
bawat
kultura.
Kasangkapang ginagamit ng lahat ng antas ng tao sa lipunang ginagalawan. Samakatwid, ang wika ay nagbibigay-diin sa kapaligiran at sa kultura ng isang bansa. Ayon pa nga kay Jose Rizal sa kanyang akdang El Filibusterismo, “ Ang bawat bayan ay may sariling wika, sariling kaugalian at sariling damdamin.” 2. Naglalarawan – ang uri ng pangungusap na nagtataglay ng impormasyong naglalaman o nagbibigay ng pisikal na katangian ng isang tao, bagay o lugar.
Halimbawa: Ang hardin ay maganda at malaki. Dito makikita ang magagandang puno at magagandang bulaklak pati ang mga ibon na nag-aawitan. 3. Nagsasalaysay – ang uri ng pangungusap na nagpapakita ng tiyak na pangayari, kilos at galaw sa tiyak na panahon. Ang mga pangungusap na ito ay nagkukuwento ng mga sunod-sunod na pangyayari.
Halimbawa: Tuwing hapon, pagkatapos n pasukan, ang mga bata ay naglalaro sa hardin ng isang higante. 4. Nangangatwiran – ang uri ng pangungusap na naglalahad ng mga proposisyon. Karaniwan itong nagtataglay ng mga salungatan sa pagitan ng dalawang panig – isang sang-ayon at isang salungat. YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
20
Halimbawa: Dapat bang gawing legal ang paggamit ng mga contracetive sa Pilipinas?
Kung ang populasyon ay dumarami, hindi solusyon ang paggamit ng mga contraceptive. Ang kailangan lamang ay disiplina ng bawat Pilipino. Sa disiplina, magagawa ng bawat isa na kontrolin ang kanilang pagnanais sa mga bagay-bagay na mas lalong magsasadlak sa kanila sa kahirapan.
PAGSASANAY
A. Tukuyin kung ang sumusunod na mga pahayag ay pangungusap o hindi. Isulat sa patlang ang P kung pangungisap at H kung hindi.
_____ 1. maingay ngunit matalino _____ 2. lumalaban si Anni sa mga pagsubok sa buhay _____ 3. tayo ay likas na masipag _____ 4. ipinaglaban ko ang aking karapatan _____ 5. kung maging masipag ka lang _____ 6. malinis ang ating kapaligiran _____ 7. kaya ako natakot _____ 8. malamig ang klima sa Baguio _____ 9. ang Davao ay malaking lungsod _____ 10. kung tayoâ€&#x;y magkakalayo
B. Bilugan ang simuno at guhitan naman ang panaguri sa bawat pangungusap.
1. Si Lemuel ay malakas tumawa. 2. Manonood kami ng pelikula bukas. 3. Inaaayos nilang mabuti ang pagtatanghal. 4. Nagkaisa ang mga Pilipino sa pagtatanggol n gating kalayaan. 5. Maglalaro ngayon sa Araneta ang koponan ng Purefoods. YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
21
C. Magsulat
ng
tiglilimang
pangungusap
na
naglalahad,
naglalarawan,
nagsasalaysay at nangangatwiran.
1. Naglalahad _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________
2. Naglalarawan _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________
3. Nagsasalaysay _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________
4. Nangangatwiran _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________
YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
22
Module 5:
Ang Paglalahad ng Damdamin at Paghahatid ng Kaisipan
A. Pagbasa
Ang mga pabula ay nagtataglay ng mahahalagang kaisipan na nais ilahad at ipaunawa ng may-akda sa mga mambabasa. Sa pamamagitan din ng mga kaisipan ay matutukoy ang layunin ng may-akda sa kanyang pagsulat ng kwento. Ito ay upang makapagbigay ng mga panibagong pananaw sa buhay ayon na rin sa karanasan ng bawat tauhan sa kanyang nillikha.
B. Wika
Ang pangungusap ay lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa. Binubuo ito ng panlahat na sangkap – ang simuno at ang panaguri – subalit buo ang diwa. A. Ayos ng Pangungusap 1. Karaniwan – ang pangungusap sa ganitong ayos ay nauuna ang panaguri sa simuno.
Halimbawa: Nalungkot ang kanyang ina dahil sa nangyari. Nabilanggo si Jose sa kasalanang hindi niya ginawa. 2. Di-karaniwan – ang pangungusap sa ganitong ayos ay nauuna ang simuno kaysa sa panaguri. Ginagamitan din ito ng panandang ay.
Halimbawa: Ang kanyang ina ay nalungkot dahil sa nangyari. Si Jose ay nabilanggo sa kasalanang hindi niya ginawa.
YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
23
B. Uri ng Pangungusap ayon sa Gamit: 1. Paturol/Pasalaysay – ito ay naglalahad ng isang katotohanang bagay. Nagtatapos ito sa bantas na tuldok ( . ).
Halimbawa: Mabait na bata ang anak ni Patricia. Nakakaranas ng matinding init ang bansang Pilipinas. 2. Patanong – ito ay pangungusap na nagtatanong. Nagtatapos ito sa tandang pananong (?).
Halimbawa: Maganda ba ako? Sino ang kasama mo kahapon? 3. Padamdam – ito ay pangungusap na nagsasaad ng matinding damdamin. Nagtatapos ito sa tandang padamdam ( ! ) .
Halimbawa: Naku! Ang haba ng pila. Aray! Ang sakit ng sugat ko. 4. Pautos – ito ay pangungusap na nag-uutos. Nagtatapos din ito sa tuldok ( . ).
Halimbawa: Kunin mo ang aking pagkain sa mesa. Ikuha mo ako ng maiinom.
C. Pangungusap na Walang Paksa 1. Eksistensiyal – nagpapahayag ng pagkamayroon ng isa o higit pang tao at iba pa. Pinangungunahan ito ng pandang may o mayroon. YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
24
Halimbawa: Mayroon daw ganito roon. May pagbabago ba? 2. Pahanga – nagpapahayag ng damdaming paghanga.
Halimbawa: Kayganda mo naman! Ang laki! 3. Maikling sambitla – tumutukoy sa mga iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin.
Halimbawa: Aray! Naku! 4. Pamanahon – nagsasaad ng oras o uri ng panahon.
Halimbawa: Maaga pa. Bukas. 5. Pormularyong panlipunan – mga pagbati, pagbibigay-galang at iba pang nakagawian na sa lipunang Pilipino.
Halimbawa: Magandang umaga po. Opo.
D. Mga Salitang Nagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
Sa pagbabasa ng kahit anumang akda ay hindi maiiwasan na maantig ang damdamin ng mambabasa. May kinalaman ang emosyon o damdamin ng YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
25
tao sa pagtukoy ng damdaming nakapaloob sa isang akda. Tunghayan ang sumusunod na mga damdamin o emosyon. 1. galak – Lubos ang kagalakang naramdaman ko nang makita kita. 2. pangingimbulo – Ang inggit na kanyang naramdaman ay sobra. 3. masaya – Ang kaligayahang nararamdaman niya ay walang kapantay. 4. malungkot – Siya‟y nalungkot sa kanyang nakita. 5. Nanghihinayang – Sayang! Binili ko na lang sana ng pagkain ang pera ko.
PAGSASANAY
A. Tukuyin kung ang sumusunod na mga pahayag ay pangungusap. Isulat sa patlang ang P kung pangungusap at DP naman kung hindi.
_____ 1. maingay ngunit matalino _____ 2. lumalaban si Anni sa mga pagsubok sa buhay _____ 3. tayo ay likas na masipag _____ 4. ipinaglaban ko ang aking karapatan _____ 5. kung maging masipag ka lang _____ 6. malinis ang ating kapaligiran _____ 7. kaya ako natakot _____ 8. malamig ang klima sa Baguio _____ 9. ang Davao ay malaking lungsod _____ 10. kung tayo‟y magkakalayo
B. Isulat sa patlang ang karaniwang ayos ng sumusunod na mga pangungusap.
1. Si Yoyong ay masipag na guro. ______________________________________________________________ YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
26
2. Kami ay magdidiriwang ng Buwan ng Wika. ______________________________________________________________ 3. Ang mga dahon ay sumasayaw sa ihip ng hangin. ______________________________________________________________ 4. Tayo ay maghahanda para sa darating na kapistahan. ______________________________________________________________ 5. Ako ay pupunta sa Paradise Island. ______________________________________________________________
C. Isulat sa patlang ang di-karaniwang ayos ng sumusunod na mga pangungusap.
1. Kumain ng durian ang mga turista. ______________________________________________________________ 2. Namasyal sila sa kagubatan. ______________________________________________________________ 3. Naghahabulan kami sa dalampasigan ng Pearl Farm. ______________________________________________________________ 4. Naglalaba si Eileen sa malinaw na batis. ______________________________________________________________ 5. Maghahanda tayo para sa nalalapit na pagpupulong. ______________________________________________________________
D. Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ayon sa gamit ang mga sumusunod:
_______________ 1. Pumunta ka sa bayan at mamili ng mga gagamitin ko sa aking proyekto. _______________ 2. Hindi ka pa ba aakyat? _______________ 3. Tinulungan ni Marie ang kanyang mga magulang sa pagsasaka. _______________ 4. Saklolo! Ang paa ko naipit. _______________ 5. Si Manny Pacquiao ay tumatakbong presidente ng Pilipinas. YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
27
E. Tukuyin kung anong pangungusap na walang paksa ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang sagot sa patlang.
_______________ 1. Ala-una na. _______________ 2. Kumukulog. _______________ 3. Hoy! _______________ 4. Paumanhin po! _______________ 5. Umaambon. _______________ 6. Hala! _______________ 7. May araw ngayon. _______________ 8. Kaysarap ng ulam! _______________ 9. Tanghali na. _______________ 10. Salamat po.
F. Tukuyin ang damdamin o emosyon na napapaloob sa sumusunod na mga sitwasyon.
_______________ 1. Pinagalitan ni Aling Marta ang kanyang asawa sapagkat lagi itong nagsusugal. _______________ 2. Hindi na makapag-aral si Lenny dahil kailangan niyang magtrabaho para sa kanyang pamilya. _______________ 3. Sa wakas, pinahintulutan na ring makauwi sa Pilipinas ang aking kapatid upang makadalo sa pagtatapos ng kanyang anak sa elementarya. _______________ 4. Inihatid na sa huling hantungan ang dating pangulo ng bansa na si Corazon Aquino at marami sa kanyang tagasuporta ang nagpahid ng kanilang mga luha. _______________ 5. Nakamit ni Marielle ang unang gantimpala sa pag-awit.
YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
28
Module 6:
Sa Mundo ng mga Pabula
A. Pagbasa Ang mga diwata o lambana ay naninirahan sa mga puno. Nagpapala sila ng mga taong gumagawa ng kabutihan at pinarurusahan naman ang mga gumagawa ng kasamaan sa kabundukan. Sila ang tinaguriang bantay ng kalikasan. Ang Bicol ay isang rehiyon sa Pilipinas na matatagpuan sa timog Luzon. Tinatawag din itong Rehiyon V. Bikolano o Bikolana ang tawag sa mga tao rito. Ang mga lalawigan sa rehiyon ay ang Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate at Sorsogon. Makikita sa mapa na halos napapalibutan ito ng tubig. Dahil dito, ang mga pamayanang malalapit sa tubig ay umaasa nang malaki sa pangingisda. Mayaman din ang lugar na ito sa mga yamang mineral tulad ng ginto, tanso, marmol, pilak, bakal, karbon, chromite, manganese at abaka. Sa Albay matatagpuan ang Bulkang Mayon. Dito rin matatagpuan ang punungkahoy na ang pangalan ay Sinukuan. Ito ang katawagan sa puno sapagkat nito ang himala o kahiwagaan. Ayon sag a mahilig ng mistisismo, ang kahoy at dahon ng punong ito ay may bisa sa panggagamot sa di-karaniwang karamdaman o gawa ng di nakikita. Hindi rin ito maaaring lapitan kapag may liwanag ng araw o di kaya ng buwan sapagkat ang anino nito ay makapangyarihan na maaaring ikamatay ng sinumang mangahas lumapit. Mahirap mang paniwalaan ito ngunit ang punungkahoy na ito ay sagisag ng hiwaga at kaibahan ng kalikasan sa bansang Pilipinas.
B. Wika Ang talata ay lipon ng mga pangungusap na magkakaugnay at may isang kaisipan. Ang unang salita nito ay isinusulat na papasok. Ito ay tinatawag na paragraph sa wikang Ingles.
YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
29
Bahagi ng Talata 1. Panimulang Pangungusap Ito ay nagsasaad ng paksa ng talata, tumatawag ng pansin at nagpapahiwatig sa mambabasa kung ano ang malalaman niya sa susunod na pangungusap.
2. Gitnang Pangungusap Ito ay kasunod ng panimulang pangungusap. Isinasaad nito ang mga detalye at mga pangyayari sa talata.
3. Pangwakas na Pangungusap Ito ang nagsasaad ng huling detalye sa talata, buod ng talata at maging damdamin ng sumulat.
PAGSASANAY Basahin and sumusunod na talata at sagutin ang kasunod na mga katanungan. Unang Talata Ang tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa´ni Andres Bonifacio pati na ang tulang “Huling Paalam” ni Dr. Jose Rizal ay naglahad ng diwa‟t damdaming makabayan. Ang mga aklat na ito ay naging kasangkapan upang buhayin ang damdaming makabayan ng bawat mamamayang Pilipino na labanan ang mga mananakop sa bansa. Sa kasalukuyan ay nababasa pa rin ang mga akdang ito ngunit hindi na gaya noong unang panahon ang epekto nito sa mga tao. Ngunit gayon pa man, ito pa rin sy isang akda na nagpapakilala hindi lamang sa kagalingan ng mga Pilipino sa larangan ng panitikan kundi maging sa ating katapangan.
1. Ano ang panimulang pangungusap ng talatang binasa? ______________________________________________________________ 2. Ano naman ang pangwakas na talata? _____________________________________________________________ YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
30
SECOND QUARTER
Module 1:
Ang Pinagmulan ng mga Bagay
A. Pagbasa
Ang alamat ay isang akdang pampanitikan na nasa uring tuluyan. Ito ay hango sa imahinasyon o likhang-isip lamang ng may-akda. Ibig sabihin, ito ay hindi hango sa totoong buhay. Pinapaksa ng alamat ang pinagmulan ng mga bagay, kalagayan, pook at katawagan.
Lumaganap ang mga alamat sa pamamagitan lamang ng pagpapasalinsalin ng mga nalalaman mula sa isang henerasyon patungo sa susunod na henerasyon. Noon ay madalas itong kinukwento ng mga ina sa kanilang mga anak lalung-lalo na tuwing gabi. Kinawiwilihan ng mga kabataan noon ang pakikinig sa mga alamat. Subalit ngayon ay madalang na lamang itong marinig. Kaya ito ay muling binubuhay sa kasalukuyan upang manumbalik ang pagmamahal sa mga akdang pampanitikan.
Kalimitang mapapansin sa mga alamat na ito ay sagana sa mga kababalaghan dahil ang ating mga ninuno ay naniniwala sa mga ispiritu. May mga aral ding mapupulot mula sa mga ito.
B. Wika
Sa pagtatanong ay nakakukuha tayo ng mga bagong impormasyon na maaaring makatulong upang maunawaan natin ang isang bagay. Subalit kinakailangang alam natin ang paraan ng tamang pagtatanong upang maiwasan ang di-pagkakaunawaan. Sa tulong din ng pagtatanong ay mayroon tayong bagong kaalamang natututuhan.
YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
31
Sa balarila, mayroon tayong tinatawag na panghalip na pananong na nakatutulong sa pag-alam ng mga bagay na nais nating malaman o mas higit na maunawaan.
Ang panghalip na pananong ay panghalili sa ngalan ng tao o bagay sa paraang patanong. Ito ay ginagamit upang makakuha ng mga kakailanganing impormasyon.
Narito ang mga panghalip na pananong: Ano, Sino, Ilan, Saan, Kanino, Kailan, Gaano, Paano, Alin, at Magkano.
Halimbawa:
1. Ano ang dapat gawin upang magustuhan ka ng iyong hinahangaan?
2. Sino ang nag-utos na sirain ang pader?
3. Ilang nga ba ang mga bituin sa langit?
4. Saan matatagpuan ang lalawigan ng Compostela Valley?
5. Kanino ibinigay ang kayamanan ng hari?
6. Kailan ang iyong kaarawan?
7. Gaano kahalagang maging malinis sa katawan?
8. Paano mo gagawing makabuluhan ang iyong bakasyon?
9. Alin sa mga sumusunod ang mas mahalaga: dunong o disiplina?
10. Magkano ang halaga ng piso laban sa dolyar? YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
32
PAGSASANAY
A. Punan ang mga patlang ng angkop na mga panghalip pananong upang mabuo ang sumusunod na mga pangungusap.
1. ________________ ang nagnanais na maging pangulo ng kagawarang ito? 2. ________________ mapapanatili ang kalinisan ng isang lugar? 3. ________________ ang isang kilong durian? 4. ________________ katanyag si Charice Pempengco? 5. ________________ idinaraos ang Araw ng Kagitingan? 6. ________________ ang pakay ng mga pulitiko sa pagpapakita sa mga patalastas sa telebisyon? 7. ________________ naipasa ang titulong Bb. Pilipinas 2014? 8. ________________ ang mas uunahin mo, pag-aaral o pagkakaroon ng kasintahan? 9. ________________ idinaos ang nakaraang Olympic Games? 10. ________________ sa inyo ang sasama sa lakbay-aral?
B. Gamitin sa sariling pangungusap ang sumusunod na mga panghalip na pananong.
1. Sino
6. Kailan
2. Ano
7. Gaano
3. Ilan
8. Paano
4. Saan
9. Magkano
5. Kanino
10. Alin
YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
33
Module 2:
Pagkilala sa mga Katangian ng mga Tauhan
A. Pagbasa
Sa larangan ng panitikan ang tauhan ang siyang may pinakamahalagang papel na ginagampanan sa takbo ng kwento. Ito rin ay nauuri ayon sa kanyang ginagampanan sa kwentong binasa: ang “dynamic” na karakter at “static” na karakter.
Ang dynamic na karakter ay ang pangunahing tauhan sa kwento. Ito ay dumaraan sa maraming pagsubok hanggang sa ang karakter na ito nagbabago at umuunlad. Nagiging dynamic ang isang karakter sa pamamagitan ng: (1) paglalarawan ng kanyang karakter, (2) ang kanyang mga usapan, (3) kung paano niya hinaharap ang mga suliraning uusbong sa banghay ng kwento at (4) ang paraan ng kanyang pag-iisip. Ito rin ay maaaring tawaging “round” o bilog na karakter.
Static na karakter naman kung hindi gaanong nagpapakita ng paglago ang kanyang karakter. Nananatili ang kanyang karakter mula sa umpisa hanggang sa wakas ng kwento. Kailangan pa rin ang ganitong karakter dahil sumusuporta ito sa pangunahing karakter na dynamic upang mas lalong mapaganda ang daloy ng kwento. Tinatawag din itong “flat” o lapad na karakter.
B. Wika
Nakatutulong sa pag-unawa ng akda ang mga salitang nagbibigay ng malinaw na paglalarawan sa isang bagay dahil kahit hindi mo ito nakikita ay nakaukit sa iyong imhinasyon ang larawan o anyo nito.
Kagaya sa alamat, kinakailangang malinaw ang pagkakalarawan ng mga tauhan upang mas maunawaan ng nagbabasa ang larawang nais ipakita ng mayakda. Kaya dapat wasto ang pagkakagamit ng mga ito upang maiwasan ang paglihis sa kaisipang nais ipaabot. YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
34
Sa balarila ay may tinatawag na mga salitang naglalarawan. Ang mga salitang naglalarawan ay tinatawag na pang-uri. May iba‟t ibang kayarian ng pang-uri. Ito ay ang mga sumusunod: 1. Payak – pang-uring binubuo ng likas na salita lamang o salitang walang panlapi.
Halimbawa: Dilaw ang paboritong kulay ni Cory Aquino. 2. Maylapi – pang-uring binubuo ng salitang-ugat na may panlapi. Ginagamit ang mga panlaping ka-, kay-, ma-, maka-, mala-.
Halimbawa: Sa aming paglalakad ay nakarating kami sa makahoy na lugar. 3. Inuulit – pang-uring binubuo ng salitang-ugat o salitang maylapi na may pag-uulit. Maaaring ito ay ganap o di-ganap.
Halimbawa:
Pag-uulit na ganap: Pulang-pula ang paligid dahil sa dami ng hugis-pusong nakapalamuti sa bawat sulok.
Pag-uulit na di-ganap: Maraming makukulit na bata ang naglalaro sa lansangan. 4. Tambalan – pang-uring binubuo ng dalawang salitang pinag-isa. Maaaring ang kahulugan ng tambalan ay karaniwan o patalinghaga. YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
35
Halimbawa:
Karaniwan: Taos-puso ang pasasalamat ng alkalde sa kanyang nasasakupan.
Patalinghaga: Minaliit ni Don Alfonso ang katulong at tinawag na hampaslupa.
Hambingan ng Pang-uri
Mayroon ding tinatawag na hambingan ng pang-uri na siyang nagpapakita ng kaibahan sa paghahambing. Ang dalawang uri ng pang-uring pahambing ay ang: 1. Pahambing na magkatulad – ipinakikita rito na pareho o magkapatas ang uri o katangian ng inihahambing. Ginagamit ang mga panlaping ka-, sing-, kasing-, magkasing- at iba pa. Pati na rin ang paggamit ng mga salitang panulad tulad ng gaya, tulad, paris, kapwa at iba pa.
Halimbawa: Magkasintalino ang magkapatid na Ruben at Sharon. 2. Pahambing na di-magkatulad – ipinakikita rito na hindi magkapatas ang uri o katangian ng inihahambing. Ginagamit ang mga salitang pahambing tulad ng kaysa, di-tulad, di-gaya, di-hamak at iba pa.
Halimbawa: Mas maunlad ang lungsod kaysa sa baryo.
YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
36
PAGSASANAY
A. Salungguhitan ang/ang mga pang-uri sa bawat pangungusap. Pagkatapos ay isulat sa patlang kung ano ang kayarian nito.
_______________ 1. Nanghahalina ang magagandang tanawin sa ating bansa.
_______________ 2. Ang pamilyang relihiyoso ay madasalin.
_______________ 3. Lumang-luma na ang kanyang paboritong damit.
_______________ 4. Mapapansin na ang mga kabataan sa kasalukuyan ay masisigla.
_______________ 5. Hugis-puso ang bote ng kanyang pabango.
_______________ 6. Huwag kang maging duwag sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay.
_______________ 7. Si Arnel ay tinutukso ng kanyang mga kapitbahay dahil siya ay maliit.
_______________ 8. Mabangung-mabango ang bulaklak na Ilang-Ilang.
_______________ 9. Si Cayetano Arellano ay isang matapat na mambabatas.
_______________ 10. Mataas ang markang kanyang nakuha sa pagsusulit.
YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
37
Module 3:
Ang mga Tagpuan sa Mundo ng Alamat
A. Pagbasa
Isa sa mga elemento na dapat tingnan ng mga mambabasa sa pagbabasa ng alamat ay ang tagpuan. Ang tagpuan ay sadyang napakahalaga sapagkat ito ay tumutukoy sa panahon, lugar at kaligirang sosyal at historikal. Sa pagsusuri ng tagpuan, kinakailangang malaman ng mga mambabasa ang mga hakbang sa pagsusuri nito.
1. Basahin ang teksto. Pansinin ang pagkakalahad ng tagpuan. Bigyang pansin din ang pagkakalarawan at pagkakaugnay sa konteksto kung saan ito inilalahad. 2. Suriin ang ginamit na mga salita. Tukuyin ang layunin ng may-akda sa paggamit ng mga salita upang mailarawan ang tagpuan. 3. Alamin kung paano nasasalamin sa tagpuan ang daloy ng kwento. 4. Suriin ang kahit anong imaheng maiuugnay sa tagpuan ng teksto. At alamin ang epekto nito sa mga pangyayari sa kwento. 5. Bigyang tuon ang mga simbolismong ginamit at ang kaugnayan nito sa tagpuan. 6. Suriin ang panahon at kapaligiran ng kwento. Alamin kung paano ito sumasalamin sa tono at/o tauhan sa akda. 7. Suriin ang pagkakalarawan ng tagpuan base sa ginamit na mga salita ng may-akda sa pagpapalutang ng kahulugan ng kwento.
B. Wika
Mahalaga sa isang alamat na magkakaugnay ang mga pangyayari dahil dito makikita ang kalinawan ng paglalahad ng kwento. Kinakailangang mabisa ang paggamit ng mga salitang ito upang hindi malihis ang diwang nais ipaabot.
Sa balarila, may tinatawag na mga pang-ugnay na kung saan ay nahahati sa tatlo. Narito ang mga pang-ugnay. YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
38
Mga Pang-ugnay 1. Pangatnig – ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay sa pangungusap. Narito ang mga halimbawa ng pangatnig: at, pati, saka, o, ni, maging, ngunit, subalit, kung, nang, bago, upang, kapag/pag, dahil sa, sapagkat, palibhasa, habang, upang, sakali, kaya, kung gayon, sana.
Halimbawa: Kung nahihirapan ka huwag kang mag-atubiling lumapit sa Panginoon. Masarap ang manood ng sine habang kumakain ng popcorn. Hindi takot si Lisa palibhasa ay anak siya ng may-ari ng kompanya. 2. Pang-angkop – ang tawag sa mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturigan. May dalawang pang-angkop na itinuturing sa Filipino – ang na at –ng.
Ang na ay ginagamit kapag ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig maliban sa titik n.
Halimbawa: palasak na kwento
butas na bulsa
alak na nakalalasing
asul na ulap
mapagmahal na kapatid
makulit na kaibigan
Ang –ng ay idinurugtong sa salitang inaangkupan. Ginagamit ito sa mga salitang nagtatapos sa patinig.
Halimbawa: batang babae
matandang masakitin
mabuting mamamayan
puting damit
tatlong kahon
paksang tinalakay
YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
39
3. Pang-ukol – ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita sa pangungusap. Ito ang mga halimbawa ng pang-ukol: ng, ni/nina, kay/kina, laban sa/kay, ayon sa/kay, para sa/kay, alinsunod sa/kay, ukol sa/kay, tungkol sa/kay, at hinggil sa/kay.
Halimbawa: Alinsunod sa batas, kailangan nating sumunod sa batas-trapiko. Tungkol kay Pacquiao ang balitang pinagkakaguluhan. Ang mga donasyon ay para sa mga nasalanta ng bagyo.
PAGSASANAY
A. Punan ng pangatnig ang patlang upang mabuo ang diwa ng bawat pangungusap.
1. Hindi ka raw matutuloy ______________ hindi mo natapos ang iyong gawain. 2. Mag-aral ka nang mabuti ______________ guminhawa ang iyong buhay. 3. Nais kong mayakap ka ______________ nahihiya ako. 4. _____________ akoâ€&#x;y naglalakad sa kalye ay nakakita ako ng maliit na pitaka. 5. Hindi muna ako dadalo _____________ may gagawin pa ako. 6. Tawagan mo ako _______________ mangangailangan ka ng tulong. 7. Pinagbawalan siyang lumabas ______________ tumakas siya. 8. Kinuha niya ang mga aklat ______________ ang lalagyan nito. 9. Nawalan sila ng bahay ______________ bagyong Ondoy. 10. Pumunta sila sa mall ______________ namili ng bagong gamit.
B. Punan ng angkop na pang-angkop ang patlang upang mabuo ang diwa ng bawat pangungusap.
1. Sa aking ang pula ____ bag na iyon.
2. Natatanaw mo ba ang bahay ____ bato sa dulo ng kalsada? YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
40
3. Ang mamahalin ____ salamin ay nabasag.
4. Si Roger ang nakapulot ng itim ____ bag.
5. Pabili nga po ng isa ____ kilo ng isda.
6. Bumili ang kaibigan ng ng bago ____ sasakyan.
7. Doon tayo dumaan sa daan ____ matuwid.
8. Mag-iingat ka sa aso ____ mabangis.
9. Masayang magtanim ng mga gulay ____ masusustansiya.
10. Umakyat si Harlon sa mataas ____ puno.
C. Punan ng angkop na pang-ukol ang patlang upang mabuo ang diwa n bawat pangungusap.
1. Kumuha ng pagkain si Harlon ______________ Tanya.
2. _______________ anomalya ang pinag-uusapan ng mga tao ngayon.
3. _______________ batas ang ginagawa mong pangungurakot.
4. Papasyalan ______________ Andrew at Philip ang Bundok Banahaw.
5. _______________ G. Ramos, ang kabataan daw ngayon ay nawawalan na ng respeto sa kapwa.
YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
41
Module 4:
Pag-uugnay ng mga Pangyayari sa Pagbuo ng Alamant
A. Pagbasa
Ang banghay sa alamat ay tumutukoy sa mga pangunahing pangyayari kung saan naganap ang kabuuang kwento nito. Sa pagsusuri ng banghay, kinakailangang matukoy ng mga mambabasa ang sumusunod:
1. paraan ng pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari 2. ang pamamaraan na ginamit ng may-akda (flashback o flashforward) 3. ang pagkakabuo ng may-akda sa mga kapana-panabik na mga pangyayari 4. ang uri ng tunggalian na makikita sa kwento
B. Wika
Ang mga panandang diskurso ay mga panandang nagbibigay-linaw sa mahihirap na bahagi ng teksto at naghuhudyat ng pagkasunud-sunod ng mga pangyayari at ng paraan ng pagbuo ng diskurso. Sa Filipino, kinatawan ito ng mga pang-ugnay at pangatnig.
Ilan sa mga Tungkuling Ginagampanan ng mga Pananda
1. Naghuhudyat ng pagkasunud-sunod ng mga pangyayari o gawain Halimbawa: pagkatapos, saka, sumunod na araw, sa dakong huli
2. Naghuhudyat ng paraan ng pagkakabuo ng diskurso Halimbawa: una, sunod, bilang pagtatapos, sunud-sunod na mga pangyayari
3. Pagbabagong lahad YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
42
Halimbawa: sa ibang salita, sa madaling sabi, kung iisipin
4. Pagtitiyak Halimbawa: katulad ng, tulad ng sumusunod
5. Paghahalimbawa Halimbawa: mailalarawan ito sa pamamagitan ng, bilang halimbawa
6. Paglalapat at pagbibigay ng konklusyon Halimbawa: bilang paglalahat, anupaâ€&#x;t, bilang pagtatapos, samakatwid, kaya, kaya nga, dahil doon, sa gayon
PAGSASANAY
A. Salungguhitan ang mga panandang diskursong ginamit sa bawat pangungusap. 1. Ang sunud-sunod na mga pangyayari ang nagtulak sa may-akda upang lisanin ang paaralang nagbigay sa kanya ng maraming oportunidad sa buhay. 2. Marami sa mga nakatira sa may paanan ng bundok ang nagbunyi dahil sa pagkamatay ni Alu, sa madaling salita inaasahan na nila ang mga araw na ito. 3. Nais kong magpasalamat sa lahat ng kabutihang iyong ibinigay anupaâ€&#x;t ang pagpupunyagi kong ito ay para rin sa iyo. 4. Una ko siyang nasilayan sa tapat n gaming bahay. 5. Ang pagtuturo ay gawain ng puso, samakatwid ito ay nagpapakita ng ibaâ€&#x;t ibang pagmamahal sa babaunin ng mga mag-aaral hanggang sa kanilang pagtanda. 6. Ang lahat ay abalang-abala sa pagbabantay sa boto ng bawat sa upang maiwasan ang malaking dayaan. Sa madaling salita ang lahat ay naghahangad ng malinis at mapayapang halalan. YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
43
7. Bilang pagtatapos, nais ko kayong bigyang pugay sa mga nagawa ninyong kabutihan para sa ating bayan. 8. Maghanda ng ulat ukol sa nagaganap na eleksyon pagkatapos ninyong bumoto. 9. Ang batayan ninyo sa pagboto ang una sa mga dapat na isaalang-alang. 10. Katulad ng mga halamang namumulaklak ang iyong ganda.
B. Punan ng mga panandang diskurso ang sumusunod na mga pangungusap.
1. Ang lahat ng ito ay ________________ sa pamamagitan ng masining na pagkukwento. 2. _______________, ito ang lilikha ng maraming trabahong kailangan ng mga tao. 3. _______________, kung tatagal sa paaralan ang mga guro tataas ang kanilang sahod.
4. _______________ magkakaroon ng malaking pagbabago sa takbo ng ating buhay. 5. _______________ dito, pinaiiral ng paaralan ang halaga ng pagbabasa.
C. Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na mga panadang diskurso.
1. pagkatapos 2. sunod 3. dahil doon 4. sa gayon 5. bilang pagtatapos 6. sumunod na araw 7. bilang halimbawa 8. katulad ng 9. sa dakong huli 10. sa madaling sabi YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
44
Module 5:
Pagsusuri sa Mundo ng Alamat
A. Pagbasa Sa pag-aaral ng akdang pampanitikan, mahalagang masukat ang kakayahan ng bawat indibidwal sa pagsusuri ng elemento na matatagpuan sa akda. Sa pagsusuri ng isang akda, kailangang sapat ang kakayahan ng bawat indibidwal upang maging mahusay at kapaki-pakinabang ang ginawang pagsusuri. Ang pinakaunang gawain sa pagsusuri ay ang pagbabasa. Kailangang mabasa muna ang kabuuan ng akdang susuriin upang mas mapadali ang proseso ng pagsusuri. Sa alamat, ang mga tauhan, tagpuan at banghay ang binibigyan ng pansin dahil ang mga ito ang siyang agarang makikita sa isang akda. Sa pagsusuri ng tauhan, mahalagang mabigyang-pansin ang anyo, ang pag-uugali at maging ang paraan ng pagsasalita ng mga tauhan. Ang lugar na pinangyarihan naman, ang panahon o ang uri ng lipunan na nangingibabaw sa kwento ang mahalagang matukoy sa tagpuan ng alamat. Panghuli ang banghay, kung saan sinusuri sa pamamagitan ng pagkakalahad at pag-uulit ng mga pangyayari dahil mahalagang maipaliwanag hindi lamang ang mga pangyayari kundi maging ang mga puntos na magpapatunay rito. Mahalaga ring maitala ng bawat isa ang mga naging suliranin sa alamat upang maipangkat ang mga pangyayari ayon sa kahalagahan nito. Makatutulong din sa pagsusuri ang pagalam sa lugar na ginamit sa alamat. Ito ay upang makakuha ng ideya kung ano ang mayroon sa nabanggit na lugar.
B. Wika Mahalaga sa isang akda na matukoy ang dahilan sa isang pangyayari upang malaman kung ano ang kinalabasan nito. Dahil sa isang suliranin, hindi ito malulutas kung hindi pa nalalaman ang sanhi.
Mabisang estratehiya rin ang paggamit ng sanhi at bunga dahil dito makikita ang daloy ng pangyayari na makatutulong sa pag-unawa ng pangyayari sa isang akda. YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
45
Mayroon din tayong tinatawag na sanhi at bunga sa gramatika. Upang maintindihan ang paksang ito, narito ang isang halimbawang sitwasyon. Inutusan ka ng iyong ina na bumili ng ulam sa karinderya. Subalit sa iyong paglalakad ay naiwala mo ang perang pambili ng ulam. Ano kaya ang iyong gagawin? Maaaring babalik ka sa inyo at hihingi ng panibagong pera sa iyong ina. Ang sanhi ay ang pagkawala ng pera, ito ang ideya o pangyayari na maaaring humantong sa isang bunga. Samantalang ang bunga naman ay ang resulta, kinahinatnan o kinalabasan ng pangyayari. Sa sitwasyong ibinigay ang bunga ay ang paghingi ulit ng pera.
PAGSASANAY A. Salungguhitan ang sanhi sa bawat pahayag. 1. Bumagsak siya sa asignaturang Matematika dahil hindi siya nag-aaral. 2. Napaso siya ng mainit na tubig dahil hindi siya nag-iingat. 3. Wala siyang suot na ID kaya napagalitan siya ng guwardiya kanina. 4. Hindi siya marunong mamalantsa kaya nasunog ang kanyang uniporme. 5. Bumili siya ng bagong cellphone dahil nawala ang luma niya. 6. Nagmamadaling umuwi si Alondra kanina dahil sasama siya sa kanyang ina sa palengke. 7. Nagtakbuhan at nagsigawan ang mga mag-aaral nang dumating ang kanilang iniidolong artista. 8. Umiiyak na lumabas si Janna sa opisina ng principal matapos siyang pagalitan. 9. Pinagpapwisan ako dahil sa mainit na sabaw. 10. Hindi maayos ang gawa ng kanyang sekretarya kaya galit na itinapon ni kapitan ang mga dokumento.
B. Bumuo ng 10 pangungusap na may sanhi at bunga. 1.
5.
9.
2.
6.
10.
3.
7.
4.
8.
YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
46
Module 6:
Ang Tunay na Kulay ng Alamat
A. Pagbasa
Ang bahaghari ay isa sa mga kagila-gilalas na liwanag na mapapansin sa mundo. Ang “bow” sa salitang “rainbow” na tinutumbasan ng salitang bahaghari sa Filipino ay nangangahulugang geupo ng mga magkakalapit na arko ng mga kulay na may magkakatulad na gitna. Kapag ang sikat ng araw ay tumama sa patak ng ulan ito ay nagiging “spectrum” ng mga kulay na bumubuo sa kulay ng bahaghari.
B. Wika
Ang mga Pag-ugnay sa Pagsang-ayon at Pagtutol
1. Totoo; Tinatanggap ko; Tama ka; Talaga; Tunay (nga), pero/subalit/ngunit/datapwat
Halimbawa: Totoo, lahat tayo‟y nagkakasala pero hindi naman napakalaking pagkakasala ang nagawa ni Bighani para parusahan siya nang ganoon na lamang.
Tinatanggap kong nagkamali ako subalit huwag naman sana akong husgahan nang ganoon na lamang.
Tama ka, dapat na talagang paghandaan an gating kinabukasan upang hindi tayo malugmok sa kabiguan.
YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
47
Talagang nalungkot ang sambayanang Pilipino sa pagkamatay ni Gng. Corazon Aquino datapwat lalo naman nitong pinatingkad ang diwa ng pagkakaisa.
2. Tama ka; Totoo ang sinasabi mo, pero/ngunit/subalit
Halimbawa: Marahil ngaâ€&#x;y tama ka, pero di maitatangging may katwiran din ang sinabi ko, tama nga ba? Totoo ang sinasabi mo ngunit huwag mong kalimutang may mga taong maaari mong masagasaan.
3. Sadyang; Totoong; Talagang, pero/ngunit
Halimbawa:
Sadyang napakahirap para sa magkapatid ang maagang pagkawala ng kanilang mga magulang ngunit sa kabila nito ay natuto pa rin silang mamuhay nang normal.
Talagang nakapanghihinayang ang buhay ni Gng. Corazon Aquino ngunit kung iisipin ay nakapag-iwan naman siya ng isang magandang alaala na tiyak na mananatili sa pusoâ€&#x;t isipan ng bawat isa.
Totoong napakaikli ng buhay ng tao ngunit walang kamatayan sa puso ng buong sambayanan ang alaala ng kanyang ginawang kabutihan.
YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
48
PAGSASANAY
Punan ng mga angkop na pang-ugnay sa pagsang-ayon at pagtutol ang sumusunod na mga pangungusap upang mabuo ang diwa nito.
1. __________________ ikinararangal ng mga mamamayang Pilipino si Tandang Sora na namatay para sa bayan.
2. Tama ang ginawa mong pagpapasya ___________________ bago mo iyan ipatupad kailangan mo munang pakinggan ang kanilang panig.
3. __________________ ko ang hamon mo kung ito ang siyang magpapaligaya sa iyo nang lubusan.
4. __________________ napakamahal na ng mga bilihin ngayon.
5. __________________ madugo ang labanan ngayon sa pulitika.
6. Sabagay __________________, kung hindi dahil sa kanyang kabayanihan maaaring mapahanggang ngayon nakatikom pa rin an gating mga bibig dahil sa matinding takot.
7. __________________ kaya lamang hindi mo nagawang mapaniwala ang lahat.
8. Ang kanyang pagtutol ay ___________________ lamang.
9. __________________ napakahirap paniwalaan na ikaw ay sa pangarap lamang.
10. __________________ hindi na kita mahal.
YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
49
THIRD QUARTER
Module 1:
Ang Pag-usbong ng mga Epiko sa Pilipinas
A. Pagbasa
Tinatawag na epiko ang mahabang tula ng buhay o tulang pasalaysay na nagpapakilala sa pakikipagsapalaran ng mga pangunahing tauhan. Ang mga tauhang may di-pangkaraniwang lakas sa pakikipagtunggali sa kanyang mga kalaban.
Ilan sa mga katangian ng epiko ay ang mga sumusunod:
1. mahaba 2. batay sa aral na tradisyon 3. di-makatotohanang pangyayari o “supernatural” na makabayaning gawain, mala-Diyos na bayani, kaugnay ng kabutihan, materyal at ispiritwal na kalagayan ng mga tribo at katutubo 4. patula 5. tinagulaylay 6. malalim o seryoso ang mga layunin, paniniwala, kaugalian o pagpapahalaga sa buhay 7. pagsasalaysay na panlipunan, pangkulutura, makabayan at may ilang tungkol sa pananampalataya
B. Wika
Mga Salitang Nagpapakilala ng Simbolo, Imahe at Pahiwatig Ang epiko ay isang uri ng tula nag nagtataglay ng “sukat at tugma.” Ito ay ginagamitan din ng mga simbolo, imahe at pahiwatig na pumupukaw sa imahinasyon o guniguni ng mga mambabasa upang ang kanyang akda ay magkaroon ng kariktan. YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
50
1. Simbolo Ang paggamit ng mga bagay nakakatulad, nakakahawig o nakakahambing ng kalikasan, katangian o kahulugan.
Halimbawa:
guryon
- simbolo ng buhay
halaman
- simbolo ng buhay na yumayabong at namamatay
puso
- simbolo ng pag-ibig
2. Imahe Ito ay larawan-diwang nabubuo sa isipan ng mga mambabasa na hango sa baha-bahagi ng akdang binasa. Tumutulong din na pangaligkigin o kilitiin ang ating mga pandama (senses) upang magkaroon ng bisa sa damdamin na ating binabasa.
Basahin ang saknong sa ibaba at alamin ang imahe na mabubuo sa iyo habang ito ay iyong binabasa.
Halimbawa:
Marahang-marahang Manaog ka, irog, at kataâ€&#x;y lalakad Maglunoy katang Payapang-payapa sa tabi ng dagat; Di na kailangang Sapnan pa ang pang binalat sibuyas, Ang daliring garing At sakong na wariâ€&#x;y kinuyom na rosas
YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
51
3. Pahiwatig Ito ay hindi tuwirang paglalahad ng pangyayari at humahamon sa pag-iisp upang alamin ang tunay na pangyayari. Ito ay ginagamit upang maiwasan ang mga tahasan o direktang pahayag at magkaroon ng katimpian sa paglalarawan ng mga pangyayari.
Halimbawa: “…tatlong suson ang baba nito, likod ay sinlapad ng likod ng kalabaw, ang mga braso‟y tila dalawang patang hamon na nakabitin sa magkabilang balikat.”
PAGSASANAY
A. Bilugan ang titik ng salita o mga salitang sumisimbolo sa bagay na tinutukoy sa bawat bilang.
1. asul
a. kulay b. kalinisan c. kapayapaan
2. bula
a. ningas-kugon b. kahinaan ng loob c. busilak na kalooban
3. lipos ng luha
a. sawimpalad b. kalungkutan c. kahirapan
4. kristal na tubig
a. kabutihan ng kalooban b. kahinaan ng kalooban c. karupukan ng mga pangarap
YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
52
5. walis-tingting
a. pagtutulungan b. paghihiwalay c. pagkakaisa
6. bato
a. katigasan ng ulo b. katigasan ng damdamin c. karupukan
7. araw
a. liwanag b. panahon c. sikat
8. obrerong aba
a. manggagamot b. manggagawa c. pulubi
9. Magdalena
a. babaeng palaban b. babaeng mababa ang lipad c. babaeng makasalanan
10. bulaklak
a. dalaga b. halaman c. hayop
B. Ibigaya ang larawang-diwa na ipinakikita sa sumusunod na mga saknong.
1. Nahawi ang dilim. At isang ligaya Ang iginigiit ng bagong umaga At sa hardin naming kaiga-igaya Ay may masasamyong bango ng sampaga YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
53
2. Ang Diyos ko ay wala sa gitna ng aliw At di nakikita sa gitna ng ningning, Doon sa may lungkot, doon sa may lagim, Doon sa may habag – doon mo hanapin.
3. Ipahandug-handog ang buong pag-ibig At hanggang may dugo‟y ubusing itigis Kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid Ito‟y kapalaran at tunay na langit
4. Kabalintunaan ang buhay sa mundo Paruparo‟y halos mamatay sa bango; Ngunit sa libingan, sa tuntungang bato, Namumulaklak pa ang kawawang damo.
5. May isang lalaking marunong at bantog, Halos pati langit kanyang naabot; Ngunit nang bumagsak sa pagkakatampok, Sa sariling buhay, punlo ang lumagot
Module 2:
Ang Epiko bilang Tulang Pasalaysay
A. Pagbasa
Ang epiko ay isang mahabang salaysay sa anyong patula na maaaring awitin o isatono. Ito ay hango sa pasalindilang tradisyon tungkol sa mga pangyayaring “supernatural” o kabayanihan at may layuning seryoso dahil kinapapalooban ito o pinahahalagahan dito ang mga paniniwala, kaugalian, at mithiin sa buhay ng mga tao.
YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
54
Ang tunay na epiko ay matitiyak sa pamamagitan ng haba. Ang mga ito ay ang mga sumusunod: bilang ng mga taludtod, bilang ng mga oras ng pag-awit nito o kasalimuotan ng salaysay na tinalakay nito.
Ang bilang ng taludtod o haba ng oras ay masusukat o magagamit ng tagapakinig ng epiko kapag inaawit ang epiko. Lamang kung minsan ito ay nakakadaya dahil sa tiyempo ng pag-awit na maaaring magpabagal o magpabilis. Samantalng ang banghay naman ay naaayon sa kung ito payak o komplikado. Ang pagiging payak ay maaaring matapos sa iisang upuan lamang tulad ng “Tuwaang.” Ang masalimuot naman ay maaaring matapos sa dalawa o mahigit pang mga araw at gabing pagtunghay rito tulad ng “Hinilawod.”
Isa pa sa mga katangian ng epiko ay ang pagiging katutubo. Ito ay mapatutunayan sa tatlong salinlahing pagsubok o tatlong henerasyong umaawit. Ito rin ay ang iba‟t ibang bersyon ng awit na maaaring pagbabatayan ng isang mahaba-mahabang awit na nag-iiba-iba ang mga salita o pangyayaring isinasaad ng banghay.
Ang pagka-supernatural o pagkabayani ay isa rin sa mga katangian ng epiko. Bagamat ang mga tauhan ay maaaring isang karaniwang tao lamang ngunit dahil sa kanyang pamumuno sa isang kapulungan at kapuluan ay nagkakaron siya ng tungkulin na ipagtanggol ang lahat ng mga tao na nasa kanyang pangangalaga. Ang pagtatanggol na ito ay isang kadakilaan at ang kanyang pagtatagumpay laban sa mga kaaway ay kabayanihan, kung kaya‟t bayani siya kung kilalanin.
Ang epiko rin ay isinasatono o isinasaawit. Ang kaibahan ng dalawa ay ang isinasatono ay simple lamang at halos iisa ang ginagamit na tunog o himig habang ang isinasaawit ay ang pagkakaroon ng kaunting pagbabago sa tono at himig kung kaya mayaman ito sa melodiya.
Sa kabuuan, ang epiko ay patula ngunit ito ay nasa dalawang paraan. Ang una ay sa kug masinsinang pakikinggan at ang pangalawa ay kung babasahin YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
55
kapag ito ay nasulat. Ito ay may regular na kumpas kapag ito ay inaawit dahil ito ay may sukat ngunit may iba naman na hindi sumusunod sa sukat na kilala sa tawag na heterometrik.
B. Wika
Mga Salita sa Pangungusap na Nagpapahayag ng Damdamin, Ideya, Kaisipan at Mensahe Sa pakikipagtalastasan, ang tao ay gumagamit ng ibaâ€&#x;t ibang salita sa mga pangungusap na nagpapahayag ng ibaâ€&#x;t ibang damdamin, ideya, kaisipan at mensahe upang higit na maunawaan ng kanyang mga kausap ang kanyang nais na iparating. Sa pamamagitan din ng mga pahayag na ito ay higit siyang nauunawaan, natutulungan at nagugustuhan ng kanyang kapwa.
Sa paglalahad at pagpapahayag ng mga damdamin, ideya, kaisipan at mensahe, ibaâ€&#x;t ibang pangungusap ang ginagamit. Ito ay ang pangungusap na padamdam at pangungusap na paturol o pasalaysay.
1. Pangungusap na Padamdam Ang pangungusap na padamdam ay makikilala sa mga sumusunod:
a) Nagpapahayag ng matinding damdamin at gumagamit ng pandiwang nagsasaad ng matinding damdamin.
Halimbawa: Nagagalak akong makita kang nagtagumpay sa iyong plano sa buhay. Ikinalulungkot ko ang balitang laganap na ang karahasan sa bansa.
YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
56
b) Gumagamit ng mga kataga o salitang nagpapahayag ng matinding damdamin tulad ng pagkatakot, paghanga, pagdaing,
pagtataka,
pagkainis,
pagkabagot,
pagpuri,
pagkatuwa at iba pa.
Halimbawa: Ha! Wala na ang tatay mo? Diyos ko! Bumabagyo.
2. Pangungusap na Paturol o Pasalaysay Ang pangungusap ay paturol o pasalaysay kung ito ay nagsasalaysay, naglalahad ng ideya, kaisipan o mensahe.
Halimbawa:
Ang aking kaibigan ay nakapagtapos ng kursong Master of Arts in Teaching Filipino.
Ang sobrang init ng panahon ay bunga ng patuoy na pagsasawalang bahala ng mga tao sa kalikasan.
Kailangan nang taasan ang sahod ng mga guro, maging ito ay nagtuturo sa pampubliko o pribadong paaralan upang matustusan ang kanilang mga personal na pangangailangan.
PAGSASANAY
A. Basahin ang sumusunod na mga sitwasyon at bumuo ng mga pangungusap na padamdam at paturol mula rito. 1. Pangangampanya ng isang pulitiko, kasama ang ibaâ€&#x;t ibang artistang magiindorso sa kanyang pagtakbo YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
57
Padamdam: __________________________________________________ Paturol:
__________________________________________________
2. Sa patuloy na pagtaas ng tubig sa inyong baranggay bunga ng walang humpay na pagpatak ng ulan Padamdam: __________________________________________________ Paturol:
__________________________________________________
3. Ang patuloy na bangayan ng dalawang malalaking pamilya dahil sa pulitika Padamdam: __________________________________________________ Paturol:
__________________________________________________
4. Ang dumaraming bilang ng karahasan sa bansa dahil sa pulitika Padamdam: __________________________________________________ Paturol:
__________________________________________________
5. Ang pagkakaisa ng mga kabataan upang magkaroon ng malinis na halalan Padamdam: __________________________________________________ Paturol:
__________________________________________________
B. Tukuyin kung anong damdamin ang isinasaad ng bawat pangungusap.
____________________ 1. Wow! Ang ganda mo naman sa iyong bagong kasuotan.
____________________ 2. Ano ba! Tumingin ka nga iyong dinaraanan.
____________________ 3. Aray ko po! Ang sakit ng ulo ko.
____________________ 4. Diyos ko! Ano ba ang nangyayari sa mundo?
____________________ 5. Hay salamat! Natapos ko rin ang aking mga gawain. YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
58
____________________ 6. Diyos ko! Ang taas na ng tubig.
____________________ 7. Naku! Ang kapal naman ng make-up niya.
____________________ 8. Ano! Sumama ka sa hindi mo kakilala?
____________________ 9. Aba! Bakit ako ang pagsasabihan mo, hindi naman ako ang gumawa ng kabulastugan.
____________________ 10. Talaga! Napasama ka sa magagaling sa klase?
Module 3:
Ang Pakikipagtunggali ng Bayani
A. Pagbasa
Ang tunggalian ay isa sa mga dapat tingnan sa pagbabasa ng epiko bilang isa sa mga katangiang nasasalamin dito. Una sa mga tunggalian na maaaring tingnan ay ang tao laban sa tao na nangangahulugan ng pagkakaroon ng suliranin sa kanyang kapwa. Ang bida laban sa kontrabida o mabuting tao laban sa masamang tao. Maaaring may higit sa isang kontrabida ang matatagpuan sa isang akda.
Pangalawang
uri
ay
ang
tao
laban
sa
kalikasan.
Ito
ay
nangangahulugang nakikipagtunggali ang isang tao sa kalikasan. Kagaya halimbawa ng pagkaligtas sa isang baha, bagyo, kasukalan, kagubatan at iba pa.
B. Wika
Ang mga pangyayari kapag mahusay na nailahad
ay malinaw na
mauunawaan ng mga mambabasa lalo na kapag ang tunggalian ay nalapatan ng wastong salita na nagpapakita ng kilos. Ang mga salitang ito ay tinatawag na pandiwa. Ito ang nagbibigay-buhay sa isang parirala o lipon ng mga salita upang YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
59
magkadiwa, kumilos o gumanap. Sa madaling salita, ito ay tinagurian ding salitang kilos.
May apaat na aspekto ang pandiwa. 1. Perpektibo – ang tawag sa pandiwang tapos na ang kilos.
Halimbawa: Kumain sila ng pansit sa San Pedro. 2. Imperpektibo – kapag hindi pa tapos at kasalukuyan pang ginaganap ang kilos.
Halimbawa: Kumakain sila ng pansit sa San Pedro. 3. Kontemplatibo – kapag ang kilos ay mangyayari pa lamang.
Halimbawa: Kakain sila ng pansit sa San Pedro.
4. Kakatapos pa lamang ang ikaapat na aspekto ng pandwa.
Halimbawa: Kakakain lang nila ng pansit sa San Pedro.
Sa bahaging ito ay tatalakayin natin ang Pokus ng Pandiwa. Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap. Nagkakaroon ng iba‟t ibang pokus ayon sa panlaping ikinakabit sa pandiwa at sa paksa ng pangungusap. 1. Pokus sa Tagaganap – ang simuno o paksa ang gumaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa. YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
60
Halimbawa: Ang mga mag-aaral ay naglilinis araw-araw 2. Pokus sa Tagatanggap – ang paksa sa pangungusa ay ang tagatanggap o pinaglalaanan ng kilos na ipinahihiwatig ng pandiwa.
Halimbawa: Ipagluluto ko ng masarap na ulam si Harlon. 3. Pokus sa Ganapan – ang paksang binibigyang-diin ay ang lugar o ganapan ng kilos.
Halimbawa: Pagsasanayan ng mga atleta ang gym. 4. Pokus sa Layon – ang layon ang paksa o binibigyang-diin sa pangungusap.
Halimbawa: Binasa mo ba ang pahayagan ngayon?
PAGSASANAY
A. Tukuyin kung ano ang aspekto ng pandiwang may salungguhit sa bawat pangungusap.
__________________ 1. Umuulan ngayon sa amin. __________________ 2. Inawit niya ang paborito kong awitin. __________________ 3. Naglalaba si Nanay sa batis. __________________
4.
Magtatanim
ako
bukas
ng
mga
halamang
namumulaklak. YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
61
__________________ 5. Maliligo muna ako bago aalis. __________________ 6. Umiyak si Ana dahil nasaktan yata sa ginawa mo. __________________ 7. Puntahan mo sila, naglalaro yata sa labas. __________________ 8. Tatawag siya sa kanyang ate bukas. __________________ 9. Tinatahi ni Ate ang sira kong damit. __________________ 10. Makikinig ako ng balita sa radyo mamaya.
B. Unawaing mabuti ang mga pangungusap. Tukuyin kung ang pokus ng pandiwa sa pangungusap ay tagaganap, tagatanggap, layon o ganapan. Pansinin ang may salungguhit na paksa sa pangungusap.
__________________ 1. Nagbabakasyon ang mag-anak na Cruz sa Baguio. __________________ 2. Pinuntahan ng mga turista ang Banaue Rice Terraces. __________________ 3. Nanalo ng unang premyo si Alex sa raffle ng kanilang tanggapan. __________________ 4. Ginawa niya ang tulay na ito para tayo ay makatawid sa kabilang kanto. __________________ 5. Ipinasyal ni Will ang kanyang kasintahan sa Ocean Park. __________________ 6. Pinagdausan ng kaarawan ng alkalde ang plasa. __________________ 7. Pinasyalan nina Fatima at Edwin ang Paradise Beach Resort. __________________ 8. Dinidilig niya ang mga tanim araw-araw. __________________ 9. Ibinili ko si Harlon ng bagong aklat sa mall. __________________ 10. Pinagtamnan ng mga magsasaka ang matatabang lupa sa ibaba ng bundok.
YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
62
Module 4:
Ang Iba’t Ibang Laban ng Bayani
A. Pagbasa
Nabanggit na sa naunang mga aralin ang ilan sa mga uri ng tunggalian. Ang tao laban sa tao at ang tao laban sa kalikasan. Ang dalawa pang tunggalian ay ang tao laban sa sarili at ang tao laban sa lipunan.
Ang tunggaliang tao laban sa sarili ay suliranin ng tauhan sa kanyang sarili. S kanyang sariling pananaw, saloobin at kahit anong makikitang suliraning may kinalaman lamang sa kanyang sarili. Samantalang ang tao laban sa lipunan ay pakikipagtunggali niya sa lipunan, sa uri ng pamamalakad ng pamahalaan at sa mga nakagisnang tradisyon.
B. Wika
Sa pagpapaliwanag, paglalahad at pangangatwiran ng isang sitwasyon ay mahalagang matutunan na marunong kang tumanggap ng bagong ideya o kaya ay tumanggi kapag hindi ka sumasang-ayon sa inihaing ideya. Sa wika ay may tinatawag na pangungusap na nagpapakita ng pagtanggi at pagtanggap.
1. Tandaang sa makasariling paglalarawan ng isang maselan na pangyayaring naganap, hindi maiiwasan ang paghahambing o ang pagkokontra ng mga katotohanan o detalyeng sangkot sa mga naing kaganapan. 2. May mga susing salita (keywords) ng pagtanggi at pagtanggap sa katotohanang binibigyang diin sa deskripsiyon o paglalarawan. Sa paglalaro ng mga salita at wika, hindi man ipilit ay susulpot at susulpot ang pagsasalungatan at pagsasang-ayunan ng mga ideya o kaisipan. Halimbawa: tunay na maganda, kaya lang, oo, totoong-totoo, huwag, ngunit, hindi YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
63
PAGSASANAY
A. Basahin ang talata sa ibaba. Bilugan ang lahat ng salitang kakikitaan ng pagtanggi at pagtanggap.
Ayoko mang ihambing ang aking kabataan noon sa ngayon ay hindi ko maiwasan. Nagugunita kong ang pinagkakaabalahan ko ay ang paglalaro ng tubing-preso, taguan, luksong-tinik at iba pa; ang paliligo ko sa malinaw at malinis na ilog; ang paghahabulan sa luntiang parang. Tunay na kaysarap balikan ng nakaraan. Ngunit hindi ko rin binabalewala ang pagbabago. Ang pagsulpot ng makabagong teknolohiya na pumalit sa mga tradisyonal na larong ating nakasanayan. Kaya lang, masarap pa ring isipin ang mga karaniwang ginagawa ko noon. Sana nga lamang ay huwag nating kalimutan an gating nakagisnan dahil itoâ€&#x;y bahagi na ng ating kultura.
B. Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod:
1. Talagang mabuti 2. Huwag namang 3. Bagamat hindi masama 4. Tunay na 5. Kaya 6. Totoong-totoo 7. Ngunit mas 8. Hinding-hindi 9. Kailanmaâ€&#x;y hindi 10. Oo tunay
YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
64
Module 5:
Ang Lugar at Daloy ng mga Pangyayari
A. Pagbasa
Ang tema ay ang kaisipang patuloy na nahuhubog sa kabuuan ng akda sa pamamagitan ng mga susing salita (keywords) na natutukoy ng makata sa kanyang paksa, ang kanyang pakikitungo o damdamin tungo rito. Ito ay maaaring makita sa pamagat ng akda o sa bahagi ng akda. Ito ay bihirang ilahad ng mayakda subalit ito ay maaaring sabihin ng nagbabasa at maaari itong sabihin sa maraming paraan.
Ang imahe naman, sa kabilang banda, ay ang mga larawang nabubuo sa iyong isipan mula sa mga binabasang akda sa pamamagitan ng paggamit ng may-akda ng mga mabulaklaking salita. May iba‟t ibang uri ng imahe: 1. Simple o Payak na Paglalarawan – ito ang mga larawan na nangingibabaw sa isang akda mula sa simple o payak na paglalarawan lamang.
2. Madulang Sitwasyon a) Madulang Monolog – sa pagkakataong mabatid ng mambabasa na ang isang akda ay madulang monolg, isinasaisip agad na ang resulta ng pangunahing sitwasyon ay malinaw. b) Dayalogo o Usapan – walang pinagkaiba sa madulang monolog.
YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
65
B. Wika
Mahalaga na makilala ang mga pangunahing kaisipan o ideya sa pagsusuri ng isang pahayag lalo na sa akda upang mabigyan nang karampatang linaw ang mga pahayag o detalyee na nais tukuyin. 1. Pahayag na Pabuod – nauuna ang mga detalye bago ang paksang pangungusap. Layunin nito na matutuhan muna ang mga hakbang o paraan sa pagtamo ng isang bagay. 2. Pahayag na Pasaklaw – nauuna naman ang paksang pangungusap pagkatapos ay susundan ng mga detalye. KAbalikgataran ito sa pabuod dahil ang layunin nito ay maunawaan muna ang paksang pangungusap o ang pinakamahalagang
kaisipan bago ang mga
detalye na magbibigay-linaw sa kaisipan.
PAGSASANAY
1. Ayusin ang
sumusunod na mga pahayag ayon sa paraang pasaklaw at
pabuod.
Palaging lumiliban sa klase si Ariel.
Hindi niya naipasa ang kanyang mga asignatura kaya siya ay hindi makatatapos ng sekondarya.
Hindi rin siya mahilig magpasa ng mga proyekto.
Kapag may paksang tinatalakay ay hindi siya nakikinig sa guro.
Mababa ang mga markang kanyang nakukuha sa mga pagsusulit. YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
66
Pasaklaw ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________
Pabuod ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________
2. Ibigay ang tema ng sumusunod na mga pahayag: a) May isang napadaang Samaritano. Nang siya‟y makita, naawa sa kanya at siya‟y tinulungan. Binendahan ang kanyang mga sugat at pinainom ng alak. Siya‟y isinakay sa sariling hayop at dinala siya sa bahay-tuluyan. Ginamot ang sugat niya, binalot siya ng kumot at binigyan siya ng gamot para bumaba ang kanyang lagnat. ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ b) “Natalos ko n ngayon na ang bawat nilalang ay may kani-kanyang kinalalagyan sa daigdig upang mabuhay. Ang karanasan ko ay magsisilbing pinakamabisang gurong pangmulat. Kaya mula ngayon ay hindi ko na hahangarin pang gumapang na muli sa lupa,” may katatagang wika ni Up okay Hangin. ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
67
Module 6: Ang Epiko ng mga Ifugao
A. Pagbasa
Ang Ifugao ay isang walang baybaying lalawigan sa Pilipinas na matatagpuan sa Cordillera Administrative Region ng Luzon na ang kapital ay Lagawe.
Pangunahing atraksyon ng lalawigang ito sa mga turista ang HagdanHagdang Palayan ng Banawe. Nabuo ang mga hagdan-hagdang palayan na ito sa mga bundok nang walang tulong ng makina na nagbigay ng mga hagdan para sa mga katutubo upang makapagtanim ng palay. Noong 1995, ipinahayag ng UNESCO ang lugar na ito bilang Pamanang Lugar sa Mundo (World Heritage Site).
Ang mga Ifugao ay hindi lamang nakilala sa kanilang Hagdan-hagdang Palayan kundi sa kanilang kultura na nasasalamin sa kanilang epikong “Hudhud.” Ang “Hudhud” na binubuo ng hudhud ni Aliguyon, hudhud ni Bugan at iba pa. Ito ay tumatalakay sa kabihasnan ng mga Ifugao – ang pakikipagsapalaran ng bayaning si Aliguyon. Nasasalamin din dito ang pagkakalikha ng daigdig ayon sa kanilang paniniwala. Ang ilang bahagi nito ay inaawit pa ng mga Ifugao sa kasalukuyan sa kanilang pagdiriwang at sa katunayan may mga matanda pang nakakasaulo ng mga baha-bahagi nito.
B. Wika
Ang komposisyon ay lipon ng mga talata na nagpapahayag ng isang kaisipan o buong diwa. Ito ay nauuri sa dalawa: pormal at di-pormal. Pormal ang komposisyon kung maayos ito na nakasulat. Ang wikang ginagamit ay mas pormal at nasa istriktong pananalita. Karaniwang ginagamitan ng pormal na komposisyon ay ang panunuri at pakikinayam. Ang di-pormal naman, sa kabilang banda, ay hindi nakatali sa pormal na pananalita ang pamamaraan ng YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
68
pagsusulat. May kalayaan kang magpahayag sa nais mong paraan – maaaring personal ang pamamaraang nais mo.
Sa paguo ng komposisyon, kinakailangang bigyan ng pansin ang mga sumusunod:
A. Pagpili ng Paksa
Sa pagpili ng paksa ay may bagay na dapat isaalang-alang.
a) Nakapanghihikayat sa mga mambabasa at maging sa mismong sumusulat – Mahalagang maging kawili-wili ang paksa, ito ay upang magkaroon ng motibasyon ang manunulat na sumulat. Kapag ang paksa ay nasa iyong puso, mas maganda ang takbo ng iyong pagsusulat. b) Sapat ang kaalaman sa paksa – hindi sapat ang may kakaunti ka lamang nalalaman upang makapagsulat, kinakailangang marami kang nababasa upang marami kang maisusulat. Wika nga, ang nakikipagsapalaran sa isang bagay na kaunti lamang ang nalalaman ay delikado. c) Tiyak ang paksa – upang makaya itong tapusin at gawin. Kapag malawak ang isang paksa, may posibilidad na kahit saan mapapunta ang iyong sinasabi, nagiging sabog tuloy ang pagpapaliwanag. d) Napapanahon – ito ay hindi nangangahulugan na kailangan na ang paksa ay kasalukuyang pangyayari, maaaring ito ay bahagi ng kasaysayan ngunit maaaring maiangkop sa kasalukuyan.
B. Ang Nilalaman
Sa pagbuo ng nilalaman, nakasalalay ito sa iyong karanasan, sa iyong kakayahan sa pakikipanayam, sa kahiligan sa pagbabasa at panonood,
sa
kahusayan
YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
sa
pakikinig
at
pag-oobserba
at 69
brainstorming. Ang lahat ng ito ay mabisang mapagkukunan ng ipanlalaman sa isang komposisyon.
PAGSASANAY
A. Ang pakikipagpanayam ay isang paraan ng paglikom ng mga datos na maaari mong ipanlaman sa komposisyon. Humanap ng kakapanayamin na angkop sa iyong paksang napili. Itala ang mga datos na iyong nakuha mula sa pakikipanayam at pagkatapos ay gamitin ito sa pagbuo ng iyong komposisyon.
Mga Pagpipiliang Paksa:
1. Buhay Estudyante 2. Tungkulin ng mga Kabataan sa Halalan 3. Kulturaâ€&#x;t Kalinangan ng Bansa
B. Bumuo ng komposisyon btay sa sumusunod na mga pamamaraan sa paglikom ng mga datos para sa nilalaman.
1. Magtala ng dalawang lugar na nais mong puntahan. ______________________________________________________________ ______________________________________________________________
2. Sumulat ng dalawang pangunahing dahilan kung bakit nais mo itong puntahan. ______________________________________________________________ ______________________________________________________________
3. Magtala ng dalawang tao na nais mong isama. ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
70
4. Magtala ng mga gawain o aktibiti na nais mong gawin kapag ikaw ay nakarating na sa lugar na iyon. ______________________________________________________________ ______________________________________________________________
FOURTH QUARTER
Aralin 1:
Ang Tula
Tula – ay isang pagbabagong hugis sa buhay – isang paglalarawan ng buhay na hinango sa guniguni, na pinararating sa ating damdamin at ipinahahayag sa pananalitang nag-aangkin ng tugma na aliw-iw at lalaong mainam kung sa mga sukat at taludtod (Alejandro at Pineda).
Mga Elemento ng Tula 1. Sukat – tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ang karaniwang sukat ng isang tula ay wawaluhin at lalabindalawahin. 2. Tugma – tumutukoy sa pagkakapareho ng huling tunog o titik ng salita sa bawat taludtod.
May dalawang uri ang tugma a. Ganap – kapag magkakatulad ang tunog at titik ng huling salita sa bawat taludtod. b. Di-ganap – kapag magkakatulad lamang ng tunog ang huling salita sa bawat taludtod.
YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
71
3. Tayutay – ito ay sadyang paglayo sa paggamit ng mga pangkaraniwang salita upang maging kaakit-akit at mabisa ang pagpapahayag. 4. Larawang Diwa – mga salitang binabanggit sa tula na nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa. 5. Simbolismo – salita sa tul na may kahulugan sa mapanuring isipan ng mambabasa.
PAGSASANAY:
Basahin ang sumusunod na mga taludtod at suriin ito ayon sa elemento ng tula. 1. Ang ngiti‟y walang puhunan Ngunit malaki ang pakinabang Sa tumatanggap, ito‟y nagpapayaman Nang di naghirap ang nagbibigay Ang buhay nito‟y sa isang saglit lamang Ngunit may alaalang walang hanggan; Walang yumamamang labis na ito‟y tinalikdan O lubhang naging abang nagdamot sa pagbibigay. “Ngiti” ni Consolacion P. Suaco
sukat
___________________________________
tugma
___________________________________
larawang diwa
___________________________________
2. lahat ng pighati at lahat ng dusa‟y nabubuo sa puso ninyong mag-asawa: kayo‟y nagbababag YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
72
kapag natutuksong huwag mabalisa dahil di maliwanag na yao‟y mapaltan at kayo‟y bata pa.
Aralin 2:
sukat
___________________________________
tugma
___________________________________
larawang diwa
___________________________________
Idyomatikong Pahayag
Ang mga akdang pampanitikan lalo na ang mga tula ay mayaman sa matatalinghagang salita o tinatawag ding idyomatikong pahayag. Sa Filipino, mayroon tayo nito subalit hindi nga lamang kasindami ng sa Ingles. Ito ay mga salita o pahayag na nagtataglay ng di-lantad na kahulugan. Isang mabisang pag-unawa ang mangyayari kapag natukoy at naibigay ang kahulugan ng mga salita o pahayag na ito.
Mga Halimbawa:
ahas na tulog
=
makupad sa mga gawain
balat-kalabaw
=
di-marunong mahiya
dagok ng kapalaran
=
masamang kapalaran
sumugba sa ningas
=
sumuong sa panganib
makati ang dila
=
madaldal
PAGSASANAY
Tukuyin ang idyoma sa bawat pangungusap at ibigay ang kahulugan nito.
1. Si Marco ay nagbibilang ng poste dahil hindi nakapagtapos ng pag-aaral. 2. Bakit bahag ang iyong buntot kapag tinatawag ka ng nanay mo? YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
73
3. Hindi kita kalilimutan, itaga mo yan sa bato. 4. Si Anna ay nagtataingang-kawali. 5. Tinutukso siya ng mga kamag-aral dahil siya ay putok sa buho. 6. Ang kanyang mga magulang ay pantay na ang mga paa. 7. Ang alkalde ng bayan ay laging bukas palad sa mahihirap. 8. Ako ay galing sa pamilya n mga anak-pawis. 9. Umuusok ang tuktok ng guro nang malamang nagkopyahan ang mga magaaral. 10. Binuksan niya ang kanyang dibdib sa pag-aakalang maiintindihan siya ng mga kaklase.
Aralin 3:
Ang Tayutay
Ginagamit ang tayutay upang maging maganda at kaakit-akit ang isang pahayag. Sa pamamagitan ng paggamit nito ay lalong nahahasa ang kaisipan ng mga mamabsa na tuklasin ang nakatagong kahulugan ng isang akda.
Madalas na ginagamit ang sumusunod na mga tayutay.
1. Pagtutulad (Simile)
Payak o hayagang paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba. Ginagamitan ito ng mga
salitang tulad ng, para ng, gaya ng, animo’y,
kawangis, anaki’y at iba pa.
Halimbawa: Ang kanyang mga mata ay tulad ng mga bituin sa kalangitan.
2. Pagwawangis (methapor)
Tiyakang paghahambing sa dalawang bagay na magkaiba at hindi ginagamitan ng mga salita na tulad ng ginagamit sa pagtutulad. YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
74
Halimbawa: Ang buhay ay gulong; patuloy sa pag-ikot.
3. Pagbibigay-katauhan (personipikasyon)
Pahayag ito na ang katangian, gawi at talino ng tao ay isinasalin sa karaniwang mga bagay. Ginagamitan ito ng pandiwa.
Halimbawa: Ang mga dahon ay sumasayaw sa ihip ng hangin.
4. Pagmamalabis (hyperbole)
Sa pahayag na ito ay sadyang pinaliliit o pinalalaki ang kalagayan o katayuan ng tao, bagay o pangyayari.
Halimbawa: Nakahiga siya sa salapi kung kaya hindi siya naghihirap sa buhay.
PAGSASANAY: Tukuyin kung anong uri ng tayutay ang mga sumusunod. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
a. Pagtutulad
c. Pagbibigay-katauhan
b. Pagwawangis
d. Pagmamalabis
_____ 1. Yumuyuko ang punong kawayan sa pag-ihip ng hangin. _____ 2. Naligo sa sariling dugo ang mag-asawa nang silaâ€&#x;y paslangin ng kalaban. _____ 3. Maputing-maputi si Anna tulad ng kamya. _____ 4. Ikaw ay isang tigre kong magalit. YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
75
_____ 5. Pasan niya ang buong mundo sa kanyang balikat. _____ 6. Ang iyong katahimikan ay isang tinik sa aking lalamunan. _____ 7. Ang iyong kagandahan ay maihahalintulad kay Venus. _____ 8. Muntik na akong mamatay sa lagnat. _____ 9. Di mahulugang karayom ang mall ng bumisita si Sharon Cuneta. _____ 10. Baka matunaw ako sa katitingin mo.
Aralin 4:
Ang Salawikain
Sa pagbuo ng akda, may mga manunulat na gumagamit ng salawikain. Ito ay butil ng karunungang kinapapalooban ng mabuting payo na hango sa tunay na buhay. Inihanay ito ng patula na katulad ng bugtong. Itoâ€&#x;y matandang panitikan na nagpasalin-salin sa bibig ng ating mga ninuno. Ang mga salawikain ay nagiging gabay ng matanda at mga bata sa pakikisalamuha nang matuwid sa landas ng buhay.
Mga Halimbawa ng Salawikain:
1. Nasa Diyos ang awa, Nasa tao ang gawa.
2. Kaya matibay ang walis, Palibhasaâ€&#x;y nabibigkis.
3. Ang sakit ng kalingkingan, Ramdam ng buong katawan.
4. Ang kaibigan kung tapat, Karamay kahit na sa hirap.
5. Ang mabigat gumagaan, pag napagtutulungan. YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
76
PAGSASANAY:
Ipaliwanang ang sumusunod na mga salawikain.
1. Nilakaran ko na, Ang nilalakaran mo pa lamang. _________________________________________________________
2. May tainga ang lupa, may pakpak ang balita. _________________________________________________________
3. Bahay mo man ay knogkreto, kung ang nakatira ay kuwago, Mabuti pa ang kubo, kung ang nakatira ay tao. _________________________________________________________
4. Ang lumalakad ng matulin, Kung matinik ay malalim. _________________________________________________________
5. Ang pagsasabi ng tapat, Pagsasama nang maluwat. _________________________________________________________
Aralin 5:
Ang Korido
Ang korido ay nabibilang sa akdang pampanitikan na tulang pasalaysay. Bago ka makabuo ng isang tula o kaya ng isang korido, may mga hakbang na kinakailangang sundin upang maging mahusay at maganda ang iyong bubuuing tula.
Kinakailangang ikaw ay mapagmasid at mahilig magbasa ng mga tula dahil dito nag-uumpisang mapukaw ang iyong kamalayan sa paglikha ng mga tula. Hindi YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
77
rin nakakulong ang iyong isipan sa isang paksa lamang pagmasdan mo ang iyong paligid at mamangha ka dahil sa dami ng mga paksang maaari mong gawan ng tula. Pagtuunan mo ng pansin ang isang bagay. Palawakin mo ito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng iyng nararamdaman, saloobin at imahinsayon.Tiyaking sa unang subok mo ng paggawa ng tula ay gagamitan mo ng mga simpleng salita hanggang sa katagalan ay makabubuo ka na ng isang malikhaing tula.
PAGSASANAY:
Dugutungan ang bawat taludtod upang makabuo ng isang saknong ng tula. 1. Binibini sa „king isip,
4. Taguri ay puno ng buhay,
Puso ko‟y iyong binubuhay
Ginhawa ang ibinigay
______________________
_____________________
______________________
_____________________
2. „Kaw ang ilaw yaring buhay,
5. Nanay, ilaw ng tahanan
Pagmamahal sayo‟y alay
Ikaw ay pakaingatan
______________________
_____________________
______________________
_____________________
3. Tumingin ka sa paligid, At „yong pagmasdang maigi ______________________ ______________________
Aralin 6:
Masining na Pagbigkas
Likas sa mga Pilipino ang pagiging makata. It ay sinasalamin ng ating kasaysayan. Ang ating mga ninuno ay nagpakita ng kakayahang makapagpahayag ng kanilang mga iniisip at nadarama sa masining na paraan. Ito ay maaaring pasulat at pabigkas. YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
78
Ano nga ba ang masining na pagbigkas? Ang salitang pagbigkas ay ginagamit nating kaugnay ng tula at talumpati gayon din ng dula. Samakatwid, ang masining na pagbigkas ay ang maayos, maganda at tamang pagbigkas ng tula, talumpati at mga pahayag ng mga tauhang gumaganap sa dula.
Mga Salik ng Masining na Pagbigkas 1. Lakas ng Boses – sa pagbigkas ay kailangang may malakas at mahinang pagbigkas batay sa hinihingi ng kalagayang may kinalaman sa damdaming nais iparating ng mamimigkas. 2. Bilis ng Pagbigkas – ito ay hindi tumutukoy sa bilis sa totoong kahulugan nito. Ito ay ang mabilis at mabagal na pagbigkas upang mailahad ang kahulugan ng binibigkas. Ito rin ay may kaugnayan sa damdaming nais iparating ng bumibigkas.
3. Linaw ng Pagbigkas – Ito ay may kinalaman sa tamang pagbigkas sa tamang lakas ng tinig at tamang bilis, tamang pagbigkas ng salita (bigkasin ng may impit ang salitang nangangailangan ng impit) upang hindi maipagkamali ang kahulugan ng bawat salita.
4. Hinto – iba‟t ibang uri ang paghinto sa pagbigkas. May matagal at bahagyang paghinto. Mas matagal ang hinto kung ito ay may tuldok o sinasagisag ng tuldok sa katapusan ng bawat pangungusap kaysa sa sinasagisag ng kuwit sa loob ng isang pangungusap. Ang hinto ay nakapagdaragdag ng kalinawan sa sinasabi ng mamimigkas.
5. Kilos o Kumpas – ito ay upang higit na maging kawili-wili ang pagbigkas. Dito, buhay na buhay ang nagsasalita at nagkakaroon ng kakaibang dating sa mga tagapakinig. It rin ay nakatutulong sa pagbibigay-diin sa damdaming nais ihatid ng bumibigkas. YOUNG JI INTERNATIONAL / SCHOOL
79