YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
1
FIRST QUARTER Module 1:
Sa Mundo ng mga Makata
A. Pagbasa Ang tula ay larawan ng kasaysayan ng bayan, ng pagtulak ng panahon tungo sa pag-unlad ng daigdig at ng lahat – matatayog man, karaniwan o kababaan na nararating ng kaisipan at nasasaloob sa dibdib ng tao tungkol sa kanyang pananalig sa Diyos, tungkol sa kanyang pagkilala sa batas, tungkol sa kanyang pakikipapag-kapwa tao, tungkol sa kanyang sarili at iba pang kaugnayang sumasaklaw sa kanyang pagkatao. May apat na pangkalahatang uri ang tula, ito ay ang mga sumusunod. 1. Tulang Padamdamin o Liriko Ito ay naglalahad ng mga saloobin, damdamin, imahinasyon at karananasang maaaring sarili ng may-akda o ng ibang tao. Kabilang dito ang soneto, elehiya, bulong, oda at dalit. 2. Tulang Pasalaysay Mababasa sa uring ito ang makukulay na karanasan o mga pangyayaring tungkol sa pag-ibig, kabayanihan at kadakilaan ng pangunahing tauhan. Saklaw ng uring ito ang epiko, awit, korido at pasyon. 3. Tulang Patnigan Isang uri ito ng pagtatalong patula na kinapapalooban ng matalinong pangangatwiran, talas ng pag-iisip at lalim ng diwa. Ilang halimbawa nito ay ang duplo, karagatan, balagtasan, batutian (ng mga tagalog) at Crisottan (ng mga Kapampangan). 4. Tulang Padula Sakalaw nito ang mga dulang may dayalogo o usapang patula. Pangunahing halimbawa nito ang komedya o moro-moro, bagamat may senakulo, tibag at sarswela ring isinasadula sa paraang patula. B. Wika Mga Pangunahing Kohesyong Gramatikal Ang pag-uulit ng mga pangngalan o salita ay nakababagot sa pandinig. Maiiwasan ito kung gagamit ng kohesyong gramatikal. Ginagamit ito upang makaiwas sa pag-uulit ng pangngalan o salita.
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
2
Maraming uri ng mga panandang kohesyong gramatikal. Ilan sa mga pinakakaraniwan ay ang referens o pagpapatungkol, substitusyon o pagpapalit, elipsis at pang-ugnay o pangatnig. A. Referens o Pagpapatungkol Ito ang paggamit ng mga panghalip na tumutukoy sa mga nauna o nahuling pangngalan. Kapag ang panghalip ay sumusunod sa pangngalang tinutukoy, ang pagpapatungkol o referens ay tinatawag na anapora. Kapag ang panghalip ay nauna sa pangngalang tinutukoy, ang pagpapatungkol ay tinatawag na katapora. Halimbawa: 1. Anapora Nakipaglaro kami sa mga bata. Sila ang mga biktima ng karukhaan. 2. Katapora Siya ay babaeng may malasakit sa bayan. Si Tandang Sora ay lubos na nagmamahal sa bayan. B. Substitusyon o Pagpapalit Ito ang paggamit ng ibang salita sa lugar ng isang bagay na tinalakay. Nominal ang pagpapalit kung ang pinapalitan ay isang pangngalan; verbal kapag ang pinapalitan ay pandiwa at clausal kapag ang pinapalitan ay sugnay. Halimbawa: 1. Nominal Pinili ng mga Pilipino na manirahan sa Europa sa panahon ng kaguluhan. Ang mga Indio ay nag-aaral sa Europa sa panahon ng mga Kastila. 2. Verbal Dinakip ng mga pulis ang mga mamamayang lumabag sa batas. Sila ay hinuli ng mga pulis. 3. Clausal Nabigla siya nang ako ay dumating. Nabigla si Ana kanina.
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
3
C. Elipsis Ito ang hindi pagsasama sa isa o ilang salitang kailangan sa isang konstruksiyong gramatikal ngunit nauunawaan na sa konteksto. Kadalasan, makikita ang inalis na salita o mga salita sa sinundang sugnay o pangungusap. Halimbawa: Nakipagdebate si Jordan sa kanyang mga kasamahan; si Ruel at maging si Anabelle. D. Pang-ugnay o Pangatnig Ito ang paggamit ng ibaâ€&#x;t ibang pangatnig upang pag-ugnayin ang dalawang pangungusap. Halimbawa: Nagdarasal ang lahat para sa masaganang ani habang sinisimulan nila ang paglalagay ng mga pataba sa lupa.
PAGSASANAY: A. Isulat ang R kung ang panandang kohesyong gramatikal ay referens, S kung substitusyon, E kung elipsis at P kung pang-ugnay o pangatnig sa bawat bilang. _____ 1. Si Dianne ay hindi likas na guro. Siya ay isang abogada. _____ 2. Ang mga paruparo amy masasayang nagkukwentuhan. Natuwa ang mga binata nang sa wakas ay lumabas na ang mga dalagang hinihintay.
_____ 3. Umalis siya nang ako ay dumating. Ang aking kaibigan ay umalis kanina. _____ 4. Nagkatuwaan ang mga binata sa parke; ang mga dalaga at maging ang mga matatanda. _____ 5. Nagtipon sila ng maraming lakas upang labanan ang mga masasamang loob. B. Tukuyin kung ang sumusunod na mga pangungusap ay anapora o katapora. _____ 1. Nakilahok sila sa mga patimpalak. Ang mga mag-aaral ay nagwagi sa nilahukang patimpalak. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
4
_____ 2. Siya ay pinarangalan dahil sa kanyang kagitingan. Ang parangal na natanggap ni Juan ay ibinahagi niya sa inang may-sakit. _____ 3. Lumaban kami sa mga taong mapanira. Sila ay dapat kamuhian. _____ 4. Ito ang bayan ko. Ang Davao ang lupang sinilangan ko. _____ 5. Ang mga manggagawang Pilipino ay nagsusumikap upang makamit ang kanilang mga pangarap. Sila ay patuloy na nagbabanat ng buto.
Module 2:
Ang Pilipinas sa Mata ng Makata
A. Pagbasa Malawak ang larangan ng panulaan. Kaya nga ayong kay Fernando Monleon, sa pag-uuri ng ating mga tula ay hind malayong mangyari ang pagkakawing-kawing ng mga uri nito. Isa sa mga pag-uuring kanyang ginawa ay naaayon sa kayariang matatagpuan sa ibaba: 1. May sukat – may tugmang taludturan, ang mga taludtod ay may sukat at tugma. a) Sukat – ang bilang ng bawat pantig sa bawat taludtod. Ang pantig ang maituturig na pinakamaliit na yunit ng sukat sa isang tula. Ito ay may dalawang uri: ang may diin at walang diin. b) Tugma – ay ang lalong mahahalagang pinagmulan ng musika sa isang tula. Ayon kay Alejandro Rufino, may tugmang karaniwan (ordinary) at mayroon namang tugmang ganap (perfect) sa tulang tagalog. Sa tugmang karaniwan, ang mga taludtod ay nagtatapos sa mga tunog na magkakahawig at magkakaiba ang tuldik o diin sa mga huling pantig. Sa tugmang ganap, ang mga taludtod ay nagtatapos sa magkakaisang tunog at tuldik o diin. Halimbawa: Tugmang Karaniwan Ang pako ng lungkot sa puso kong hamak ay naglalarawan sa barenang hirap katam na bituin ang aking liwanag, sa nilalagareng ligaya ng bukas. (Halaw sa “Walang Tukod-Langit” – Anluwage) Tugmang Ganap Ako ang liwayway ng bagong pag-asa, YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
5
sa mahabang daing ng isang sirena; wala akong gabi at walang umaga, upang mailigtas ang tao sa dusa. (Halaw sa “Walang Tukod-Langit” – Bumbero) 2. Malayang taludturan – walang sukat o tugma ang mga taludtod. 3. Di-tugmaang taludturan – nasa pagitan ito ng may sukat – may tugmang taludturan. 4. Tula sa tuluyan – tunay na tuluyan subalit masigasig, matayutay pagkat ang paksang diwa ay bagay lamang sa tula. B. Wika Mga Ponemang Pilipino Ang kagandahan ng mga tulang Pilipino ay maiuugnay sa katotohanang may likas at natatanging kakayahan ang ating wika na siyang ginagamit sa paghahabi ng mga tula. Ang wikang Filipino ay may sariling sistema ng palatunugan o ponolohiyang angking katangian nito. Ponolohiya – ito ay isang pag-aaral ng mga tunog na bumubuo sa mga salita ng isang partikular na wika. Ang mga tunog ay maaaring makahulugan at tinatawag na ponema o di-makabuluhan at tinatawag na alopono ng isang ponema lamang. Ponema – ang pinakamaliit nay unit ng makabuluhang tunog. Ito ay hango sa phoneme sa Ingles. Ang wikang Filipino ay may 21 ponema – 16 sa mga ito ay katinig at lima naman ang patinig. A. Mga Katinig - /b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y, „/ Sa ating palabaybayan, ang / „ / ay hindi binibigyan ng katumbas na titik. Sa halip, isinasama ito sa palatuldikan at tinutumbasan ng tuldik na paiwa / „ /sa dahilang ito ay walang katumbas na titik na tulad ng ibang ponema. Mahalaga ang / „ / o tuldik na paiwa / „ / sapagkat nakapagpapaiba ito ng kahulugan ng salita kapag inilagay sa huling pantig ng salitang nagtatapos sa patinig. Ang tawag sa / „ /ay glottal o impit na tunog. Ang impit na tunog o glottal ay itinuturing na isang ponemang katinig sa Filipino bagamat hindi ito ipinakikita sa ortograpiya ng ating wika. Mahalaga ito sa isang salita sapagkat nakapagbabago ito ng kahulugan ng dalawang salita na pareho ang baybay.
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
6
Halimbawa bata – robe pili – nuts
bata – child pili – select
B. Mga Patinig - /i, e, a, o, u/ Itinuturing na ang mga patinig ang siyang pinakatampok na bahagi ng bawat pantig. Ang bawat pantig ay may patinig at ang patinig kapag nag-iisa ay pantig din. Halimbawa: pantig a – raw
la – la – ki
gi – no – o
a – so
Ang mga ponema ay binubuo ng segmental at suprasegmental. Ang segmental ay ang binibigkas na tunog kapag pinagsama-sama ay nakabubuo ng salita. Ang bawat tunog ay kinakatawan ng isang titik sa ating alpabeto. Ang suprasegmantal ay ang pag-aaral ng diin, tono, haba at hinto. Sa pakikipagtalastasan, matutukoy natin ang kahulugan, layunin o intension ng pahayag o ng nagsasalita sa pamamagitan ng mga ponemang suprasegmental o ng mga haba, tono, diin at hinto sa pagbigkas at pagsasalita. Ponema ang mga ito dahil ang pagpapalit ng mga ito ay nagpapabago ng kahulugan. 1. Haba – ito ay ang pagbigkas nang mahaba sa patinig (a, e, i, o, u) ng bawat pantig. Maaaring gumamit ng simbolong tuldok ( . ) para sa pagkilala sa haba. Halimabawa: bu.kas bukas
-
susunod na araw hindi sarado
2. Diin – ito ay tumutukoy sa lakas at haba ng pagbigkas sa isang pantig ng salitang binibigkas. Maaaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik. Halimbawa: BUhay buHAY LAmang laMANG
-
kapalaran ng tao humuhinga pa natatangi nakahihigit, nangunguna
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
7
3. Tono – nagpapalinaw ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap. Tulad ng pag-awit, sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman at mataas na tono. Maaaring gamitin ang 1 bilang mababa, 2 bilang katamtaman at 3 bilang mataas. Halimbawa: a.
ka – ha – pon 2 1 3
b.
ka – ha – pon 2 3
1
4. Hinto – ito ay saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensahe. Maaaring gumamit ng mga simbolo ng kuwit ( , ), dalawang guhit na pahilis ( // ) at gitling ( - ). Halimbawa: Hindi, siya ang kababata ko. Hindi siya ang kababata ko.
PAGSASANAY: A. Ibigay ang pantig na may diin ayon sa kahulugan nito. Isulat ang sagot sa patlang. 1. saya (pambansang kasuotan ng mga babae) ___________________ 2. kayo (panghalip) ___________________ 3. aso (uri ng hayop) ___________________ 4. baga (panloob na bahagi ng katawan) ___________________ 5. tubo (kita ng negosyo) ___________________ 6. hapon (panahon) ___________________ 7. Hapon (pangkat ng tao) ___________________ 8. puno (kabahagi ng kalikasan) ___________________ 9. tayo (mga tao) ___________________ 10. mahal (malaki ang halaga) ___________________ YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
8
B. Basahin ang mga sitwasyon. Sumulat ng isang pahayag na nauukol dito. Gumamit ng angkop na bantas. 1. Pinagpipilitan mong si Andrew ang nakabasag ng pinggan. ______________________________________________________________
2. Sinabi mong ang buhay ay hiram lamang ng tao. ______________________________________________________________ 3. Ayaw maniwala ni Tess sa ibinalita ni Rica. ______________________________________________________________ 4. Hindi mo pa kilala si Karina. ______________________________________________________________ 5. Nagtataka ka sa pagkamatay ng Andrie. ______________________________________________________________
Module 3:
Ang mga Imaheng Ginagamit sa Pagbuo ng Tula
A. Pagbasa Ang imahe ay ang paggamit ng limang pandama upang makabuo ng isang magandang paglalarawan. Ito ay makabuluhang elemento ng isang tula dahil ang kagandahan ng isang tula ay hindi lamang nakikita sa daloy ng mga salita kundi sa damdaming kaakibat ng mga salitang inihahatid sa mga mambabasa. Mahalaga ang paggamit ng mga imahe upang lubos na maunawaan ang nilalaman ng isang tula. Ito ay nangangahulugang ang imaheng nabuo ay sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga mambabasa sa konteksto ng salita. Halimbawa ang salitang “itim”. Agad-agad na makabubuo tayo sa ating isipan ng kulay itim. Ang kulay na ito ay maiuugnay o kaya ay may ibang konotasyong kagaya ng nararamdaman. Maaaring malungkot, bigo o kaya ay may namatay. Mahalagang tandaan na ang mga imahe ay isang instrument ng makata na kanyang ginagamit upang ipahayag ang kanyang intension o damdamin. B. Wika Ang tulang “Sa Tabi ng Dagat” ay punung-puno ng matatalinghagang salita o mga idyoma. Nakatutulong ang mga ito upang mas maging maganda at kaakit-akit ang paglalahad ng isang tula. Sa tulong ng mga idyoma ay nagkakaroon ng mas malalim na pagpapakahulugan ang isang tula. Ito ay mga salita o pahayag na angtataglay ng di-lantad na kahulugan o may nakatagong YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
9
kahulugan kaya nanganagilangan ito ng mas masusing pag-unawa upang mapalutang ang tunay na kahulugan ng salita o pahayag. Halimbawa: balat-sibuyas luha ng mga bituin daliring garing PAGSASANAY
makinis hamog maputi
A. Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na mga idyoma. 1. pusong bakal 2. kapilas ng buhay 3. haligi ng tahanan 4. pagpaging alimasag 5. putok sa buho 6. laman ng lansangan 7. nagsusunog ng kilay 8. basa ang papel 9. di-makabasag pinggan 10. may utak B. Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na mga idyoma. 1. suntok sa buwan 2. berde ang dugo 3. balitang kutsero 4. bahag ang buntot 5. maitim ang budhi 6. mababaw ang luha 7. kapit-tuko 8. amoy lupa 9. hilong talilong 10. huling hantungan
Module 4:
Ang Temang Nangingibabaw sa Tula
A. Pagbasa Ang kaisipan an patuloy na nahuhubog sa kabuuan ng akda sa pamamagitan ng mga susing salita (keywords) na natutukoy ng makata sa kanyang paksa, ang kanyang pakikitungo o damdamin tungo rito ay tinatawag na tema. Hindi kinakailangang sabihin ng makata ang tema ng kanyang tula. Bagkus, ito ay maaaring sabihin ng nagbabasa at maaari itong sa maraming YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
10
paraan. Ito ay maaaring makita sa pamagat ng akda o sa bahagi ng akda gaya ng tulang “Pamana.” B. Wika Payak ang pagkakalahad ng makata sa kanyang tulang “Pamana.” Kung kaya, madali itong maunawaan ng nagbabasa. Maayos niyang nailarawan ang mga pangyayari sa tula. Sa gramatika, may isang anyo o paraan ng pagpapahayag ng mga kaisipan o pala-palagay tungkol sa isang tao, sa isang hayop, sa isang bagay, sa isang lugar o sa isang pangyayari. Ang pagpapahayag ng mga kaisipan sa pamamagitan ng makukulay, mahuhugis o maanyo at ang gamit ng pandama ay tinatawag na paglalarawan. May dalawang uri ang paglalarawan. Una, ang karaniwang paglalarawan. Pangalawa, ang masining na paglalarawan. Purong pangkaalaman ang mga detalyeng, tiyak na impormasyon at pawang katotohanan lamang ang karaniwang paglalarawan. Samantalang ang masining na paglalarawan ay pandamdamin – nakikita, naririnig, naaamoy, nahihipo, nalalasahan ang mga salitang ginagamit dito. Makatotohanan din ito subalit ginagamit dito ang imahinasyon, pananaw at opinyon.
PAGSASANAY A. Bumuo ng tig-iisang talata sa bawat paksa sa ibaba gamit ang karaniwang paglalarawan. 1. Pagtaas ng presyo ng gasoline 2. Mga balitang napapanood sa telebisyon 3. Pagtaas ng matrikula B. Bumuo ng tig-iisang talata sa bawat paksa sa ibaba gamit ang masining na paglalarawan. 1. Bakasyong hindi malilimutan 2. Pagdriwang ng kapistahan 3. Lakbay-aral sa inyong paaralan C. Tukuyin kung karaniwan o masining na paglalarawan ang mga sumusunod: 1. Nagbalik siya sa batalan. Nang siya‟y lumabas, pasan na niya ang kargahan. Tuluy-tuloy niyang tinungo ang hagdan. ______________________________________________________________ 2. Tumama ang kanyang kanang pisngi sa labi ng nabitiwang balde. Napasigaw siya. Napaluhod siya sa madulas na semento. Kagyat na bumaha ang nakaliliyong dilim sa kanyang utak. Habang nakaluhod, dalawang kamay niyang tinutop ang pisngi. Basa… Mapula… Dugo! ______________________________________________________________ YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
11
3. Mabulaklak ang madre-de-kakaw na nakapaligid sa bakurang pinasok namin. Sa mahabang balag sa duluhan ay naglawit ang naghahabaang bunga ng upo. May mataas na mandala ng dayami. ______________________________________________________________ 4. Pinag-ingatan niya ang pagkakabalot ng dalawang malalaking dinamita sa ilalim ng kanyang upuang nasasapnan ng lona. Hindi niya gagamitin iyon – kung siya‟y papalarin. ______________________________________________________________ 5. Humingal si Lina at namula ang kanyang mga pisngi dahil sa matinding pagod at katuwaan. Nauna ako! Ang kanyang bulalas, at humawak siya sa isang kamay ni Popoy. _____________________________________________________________
Module 5:
Ang Makata at ang Persona sa Kanyang Akda
A. Pagbasa Sa isang tula ay may tinatawag na persona. Ito ang nagsasalita sa loob ng tula. Hindi nangangahulugang ang makata agad ang siyang persona sa tula. Kung minsan, ang makata ay gumagawa ng isang karakter na siyang nagsasalita sa tula. Sa layuning ang mga damdamin, pananalita at pananaw ay hindi agarang maiuugnay sa makata. Hinahayaang ang mga mambabasa ang siyang gumawa ng konklusyon kung sino ang persona sa tula tulad na lamang ng tula na binuo ni Dolores Tensuan – Dungo na “Ang Hulang Natupad.” B. Wika Kalimitan sa mga akdang pampanitikan ay kakikitaan ng mga tayutay lalung-lao na ang mga tula. Sagana ito sa mga tayutay dahil ang mga ito ang nagbibigay ng buhay at kulay sa isang akda. Ang mga tayutay ayon kay Ligaya Tiamson – Rubin ay isang sinadyang paglayo sa ordinaryong paggamit ng salita. Hindi tahas ang taglay na kahulugan. Narito ang ilan sa mga uri ng tayutay: 1. Pagtutulad (simile) - payak o hayagang paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba. Ginagamitan ito ng mga salitang tulad ng, para ng, gaya ng, animo‟y, kawangis, anaki‟y at iba pa. Halimbawa: Ang buhay ay tulad ng isang gulong. Kasimpula ng mansanas ang kanyang labi. 2. Pagwawangis (metaphor) – tiyakang paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba at hindi ginagamitan ng mga salita na tulad ng ginagamit sa pagtutulad. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
12
Halimbawa: Siya ay pagong kung lumakad. Tigre sa bangis si Mang Anong kung magalit. 3. Personipikasyon (personification) – pahayag ito na ang katangian, gawi at talino ng tao ay isinasalin sa karaniwang mga bagay. Ginagamitan ito ng pandiwa. Halimbawa: Namalas ko na naman ang pagngiti ni Haring Araw. Yumuyuko ang mga palay sa ihip ng hangin. 4. Pagmamalabis (hyperbole) – sa pahayag na ito sadyang pinaliit o pinalaki ang kalagayan o katayuan ng tao, bagay o pangyayari. Halimbawa: Bumaha ng dugo sa nangyaring patayan kahapon. Dadaan ka muna sa ibabaw ng aking bangkay bago mo makuha ang iyong gusto! 5. Panawagan (apostrophe) – ito ay pagtawag o pakikipag-usap nang may masidhing damdamin sa tao o bagay na animo kaharap ang kausap. Halimbawa: Masasayang Nimfas sa Lawa ng Bai, Sirenas, ang tinig ay kawili-wili, Kayo ngayo‟y siyang pinipintakasi Ng lubhang mapanglaw na musa kong imbi. O ibong maamo sa iyong paglipad, Isakay mo ako sa angkin mong pakpak… 6. Pagpapalit-saklaw (synecdoche) – binabanggit dito ang bahagi bilang pantukoy sa kabuuan. Halimbawa: Naid ng binatang hingin ang kamay ng babaeng kanyang napupusuan. Mag-ingat ka, maraming mata ang nagmamatyag sa iyo.
PAGSASANAY A. Isulat ang pariralang may tayutay at uriin kung ano ang uri nito. 1. Si Malou ang pinakamagandang tala sa aming nayon. ____________________________ = ____________________________ YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
13
2. Sumasayaw ang alon sa karagatan. ____________________________ = ____________________________ 3. Sinaksak mo ang puso ko nang niloko mo ako. ____________________________ = ____________________________ 4. O tukso, layuan mo ako! ____________________________ = ____________________________ 5. Animo‟y bulak sa lambot ang kanyang trahe-de-boda, ____________________________ = ____________________________ 6. Natunaw ang dalaga sa sobrang hiya na nararamdaman. ____________________________ = ____________________________ 7. Ginto ang oras kaya huwag sayangin. ____________________________ = ____________________________ 8. Kumukulo ang aking dugo kapag naiisip ko siya! ____________________________ = ____________________________ 9. Lason sa akin ang ginawa mong pagtataksil sa ating pagmamahalan. ____________________________ = ____________________________ 10. Maraming bibig ang nagsusumbong sa presidente. ____________________________ = ____________________________
Module 6:
Ang Pagsusuri ng Tula
A. Pagbasa Sa pagsusuri ng tula, hindi sapat ang kaalaman sa kaanyuan at kayarian ng tula, kinakailangan ding isaalang-alang ang layon, pamamaraan, bisa at kaukulan ng tula. 1. Uri ng tula ayon sa layon: a. mapaglarawan – may layuning pahalagahan o kamuhian ng makata ang isang kalagayan, pook o pangyayari. Ito ay naglalarawan ng mga bagay/kalikasan sa paligid. b. mapagpanuto – naghahangad itong magbigay ng mga pamatnubay, magturo o magpayo. c. mapang-aliw – panlilibang ang layunin nito sa paraang panunukso, pagpapatawa o pagpapaisip sa mambabasa. d. mapangutya – nang-uuyam o nagpapahayag ng pangungutya sa mga kahangalan o bisyo ng tao. 2. Pagsusuri ng tula ayon sa pamamaraan: YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
14
a. masigasig – nagpapahiwatig dito ang makata sa halip na tiyakin ang pagpapahayag. b. makatotohanan – tumutukoy ito sa mga tunay na kalagayan ng buhay. c. imahinistiko – ipinahahayag ang mga naiisip at nadarama sa pamamagitan ng anino o larawan. d. surealistiko – ang galaw o takbo ng isipan ay wala sa ganap na kamalayan; di-kapani-paniwala at di matatalinghaga ang mga paglalarawan. 3. Uri ng tula ayon sa bisa: a. emosyonal – marangal na damdamin ang nakakabilang dito. b. replektibo – matimpi at pigil ang nakapaloob na damdamin. 4. Ang tula ayon sa kaukulan: a. magaan – kasama rito ang mga tulang pambata, bugtong, salawikain, kasabihan at kawikaan. b. mabigat – mga tulang may mataas na uring pampanitikan ang kabilang dito. c. pampagkakataon – mga pang-okasyong tula gaya ng kaarawan, koronasyon, Pasko at iba pa. B. Wika Ponolohiyan Filipino A. Diptonggo ang tawag sa mga patinig na sinusundan ng malapatinig na y at w sa loob ng isang pantig. Ang mga diptonggo sa Filipino ay aw, iw, iy, ey, ay at uy. Halimbawa: baliw kalabaw
unggoy beywang
aruy sablay
B. Klaster o kambal katinig ang magkakabit na dalawang magkaibang katinig sa isang pantig. Maaaring matagpuan ito sa simula, sa gitna o sa hulihan ng salita. Halimbawa: tsi.ne.las gru.po
nars trans.por.ta.syon
keyk eks.tra
C. Mga Pares Minimal ang pares ng mga salitang magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad sa bigkas maliban sa isang ponema sa magkatulad na posisyon.
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
15
Halimbawa: pala : bala bos : bus
benta : binta nasa : masa
silya : Selya iwan : ewan
D. Ponemang malayang nagpapalitan ang magkaibang ponemang matatagpuan sa magkatulad na kaligiran ngunit hindi nagbabago ang kahulugan ng salita. Alpono ang tawag dito. Halimbawa: lalaki : lalake tutoo : totoo
bubo : bobo nuon : noon
bibi : bibe butuhan : botohan
PAGSASANAY A. Tukuyin kung may diptonggo o klaster ang sumusunod na mga salita. Isulat ang titik D kung diptonggo at K kung klaster. Isulat ang sagot sa patlang na nakalaan. _____ 1. liwayway _____ 2. drama _____ 3. alay _____ 4. granada _____ 5. trak _____ 6. tsinelas _____ 7. tuloy _____ 8. supremo _____ 9. buwitre _____ 10. Bagay B. Bumuo ng mga salita mula sa sumusunod na mga diptonggo at klaster. 1. 2. 3. 4. 5.
aw iw uy oy ey
C. Isulat sa patlang ang PM kung pares minimal at PMN kung ponemang malayang nagpapalitan ang sumusunod na mga salita. _____ 1. mesa : misa _____ 2. oso : uso _____ 3. marumi : madumi _____ 4. tela : tila _____ 5. nuon : noon _____ 6. iwan : ewan _____ 7. diles : dilis YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
16
_____ 8. bibi : bibe _____ 9. din : rin _____ 10. doon : roon
SECOND QUARTER Module 1:
Balik-ugat sa Balagtasan
A. Pagbasa Nabanggit sa kasaysayan ng balagtasan ang salitang duplo na siyang pinaghanguan ng balagtasan. Ngunit hindi natin alam ang kaibahan ng duplo sa balagtasan. Ang duplo ay isang madulang pagtatalong patula. Ito ay karaniwang ginaganap sa isang maluwang na bakuran ng namatayan. May tinatawag na hari o pangulo na namamatnugot sa duplo. Ang tawag sa mga manduduplong lalaki at babae ay duplero at duplera. Ang tawag naman sa binata o lalaking nakikipagduplo ay belyako, at sa binibini o babae ay belyaka. Tinatawag na piskal ang tagausig, may sinusunod na regla o tuntunin kapag tinatawag ang pinatatamaan. Dapat ding magkaroon ng numerasyon upang alamin kung sinusino sa mga nagkakatipon ang kasali sa laro, at dapat namang ipakilala ang sinumang kabilang – agregado ang nararapat isagot. Tinatawag na embahador ang sinumang nananawagang nagmula sa dakong labas ng pagtitipong nais makilahok sa laro. Ang may paduplo ay tinatawag na punong-abala. Bago magsimula ang mga duplero, sa pangunguna ng Mahal na Hari ay mag-uukol muna ng dasal sa kaluluwa ng yumaong ipinagtatapos o ipinaglalaglag-luksa. Matapos na maging maayos ang pagtitipon ay titindig ang hari at bibigkas ng patugmang pangaral at saka isusunod ang pagbubukas ng laro, samantalang nasa ibabaw ng mesa ang gamit na palmatorya o pamalo sa nagkakasala. Tutugon naman ang unang belyako, ang ikalawa at maaaring maragdagan pa. Kapansin-pansin ang pagkakaiba ng duplo at balagtasan. Una na rito ang mga katawagan sa mga pangalang kasali sa magkaibang panig. Gayundin ang ukol sa ginagamit na iskrip, bagamat patula ay mapupuna ng sinumang makarinig na may kababawan ang pananalita. Samantala sa balagtasan ay kapansin-pansin ang malamyos na pangungusap na masasabing tunay na patula. At ang isa pang may malaking pagkakaiba ay ang ukol sa paggamit ng paksa. Kalimitang sa duplo ay walang paksang ginagamit. Ang karaniwang mga duplero ay sa korido o awit lamang sumusipi ng kanilang isinasaulo, kaya kung silaâ€&#x;y napapalaban, madalas na hindi magkakatugma ang kanilang sinipian. Ngunit ang mga may sinasabing duplero, kung sila an gating maririnig na nakikipagtunggali ay masisiyahan tayo, sa dahilang marami silang sauladong sinipi sa korido o awit kung kayaâ€&#x;t nalalapatan nila ng katwiran ang kanilang kalaban. At ang ibaâ€&#x;y marunong pumili at kahit saan humugot ng argumento ang kanilang kalaban ay kanilang nasusundan. Bagamat kung uunawaing mabuti ang YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
17
kanilang pinagtatalunan ay walang punoâ€&#x;t dulo. Maliban na nga lamang kung sila ay naghahanda ng paksa. Ang kaibahan nga ng balagtasan sa duplo ay sapagkat ang balagtasan ay naghahanda ng paksa, gaya ng unang sinulat ng makatang si Jose Corazon de Jesus na pinaglabanan nila ng makatang si Florentino T. Collantes na nakaaakit pakinggan sapagkat hindi naghihiwalay ang pagpapalitan ng mga katwiran. Bagaman, ang balagtasang yaon, maging ang mga sumusunod pang sinulat ng dalawang magkatunggaling Batute at Collantes, ay kapareho rin ng mga tugmang ginagamit sa duplo na pinaghahalo ang malumay at mabilis, gayundin ang malumi at maragsa. Subalit makaraan lamang ang ilang taon, ang magkapatid na makatang Carlos at Pedro Gatmaitan, ay iniuso ang tulang ang mga rinaâ€&#x;y acentuado o magkakatunog ang tugma. Halimbawaâ€&#x;y pag sinimulan ang tugma sa malumi kahit na maging sampung taludtod, dalawangpu at hanggang sa maging limampu ay tatapusin sa malumi, gayundin sa malumay, maragsa at mabilis. Marami ang mga makatang sumusunod dito. Ngunit ang ibang hindi sumusunod ay hindi natin matiyak kung ayaw lamang nahihirapan. Ginagawa na ito bago pa magkadigmaan. At noong dakong 1946 hanggang 1970, kung hindi magkakatunog ang rima ng tulang ipinalalathala sa mga magasin at pahayagan ay hindi ito ipinalalabas ng patnugot. Maging ang mga balagtasan mang inilathala noon at binibigkas sa mga radyo ay pawang mga acentuado. Masasabing mabuti rin yaon sapagkat ang makatang matuto nito ay yayaman sa bokabularyo. Kapag binasa ito ng nakaiintindi sa asento o diin ay tiyak na magagandahan, kahit na bigkasin man sa dahilang magkakatunog ang tugma. Ngunit kailangan din namang ang pagsulat ng tula ay makaangat sa dating mga pamamaraan upang umunlad ang panulaan. B. Wika Mga Uri ng Diin at Tuldik May apat na pangunahing pangkat ng salita sa Filipino ayon sa diin. Ito ay ang malumay, malumi, mabilis at maragsa. 1. Mga Salitang Malumay Binibigkas ito nang may diin sa ikalawang pantig mula sa huli. Dahil sa karamihan ng mga salitang katutubo ay malumay, ang mga ito ay hindi na tinutuldikan. Ang mga salitang malumay ay maaaring magtapos sa patinig o sa katinig, tulad ng mga halimbawa sa ibaba: Halimbawa: Nagtatapos sa Patinig dalaga baba sarili
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
Nagtatapos sa Katinig nanay silangan kilabot
18
2. Mga Salitang Malumi Tulad ng malumay, binibigkas ito ng may diin sa ikalawang pantig mula sa huli. Lagi itong nagtatapos sa patinig. Binibigkas nang may impit at tinutuldikan nang paiwa ( ` ) na itinatapat sa huling pantig. Halimbawa: batA talumpatI dambuhalA
dalamhatI luhA sukA
3. Mga Salitang Maragsa Binibigkas ito nang tuluy-tuloy, na ang diin ay nasa huling pantig. Tulad ng mga salitang malumi, lagi rin itong nagtatapos sa patinig, may impit na sinasagisag ng tuldi na pakupya ( ˆ ) at itinatapat sa huling pantig. Halimbawa: kaliwA dukhA dalitA
salitA mukhA maiklI
4. Mga Salitang Mabilis Binibigkas nang tuluy-tuloy at nasa huling pantig ang diin. Maaari itong magtapos sa patinig o katinig at ginagamitan ng tuldik na pahilis ( ˊ ) na itinatapat sa huling pantig. Halimbawa: malakAs malakI gurO
aklAt alagAd alitaptAp
5. Mga Salitang Mariin Karamihan ng mga salitang may diing mariin ay nasa anyo ng mga pandiwang nasa aspektong ginaganap at gaganapin pa. Ang tuldik nito‟y maaaring isa o dalawa na matatagpuan na matatagpuan sa ikatlo, ikaapat o ikalimang pantig mula sa hulihan ng salita. Halimbawa: pAaralAn sAsama bumAbalik YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
bAbalik tAtakbO lumAlaki 19
PAGSASANAY A. Tuldikan ang sumusunod na mga salita ayon sa ibinibigay na kahulugan nito. 1. puno (tree) 2. hamon (challenge) 3. ballot (itlog ng pato) 4. aso (dog) 5. baga (lungs) 6. bata (child) 7. gabi (night) 8. basa (read) 9. makati (itchy) 10. tubo (sugarcane) B. Bilugan ang titik ng salitang may tamang tuldik ayon sa isinasaad ng kahulugan sa bawat bilang. 1. newspaper or reading material a. babasahin 2. thief, stealer a. magnAnakAw 3. will teach a. magtUturo 4. slippery a. madulAs 5. barber shop a. pAgupitAn 6. was able to eat a. nakakain 7. cheap a. mUmurahin 8. will go fishing a. mangIngisdA 9. student a. mag-Aaral 10. farmer a. magsasakA
b. bAbasahin
c. babAsahIn
b. magnanakAw
c. magnAnakaw
b. magtUturO
c. magtuturO
b. mAdulAs
c. mAdulas
b. pAgupitan
c. pagupitAn
b. nakAkain
c. nAkakaIn
b. mumurahIn
c. mumUrahIn
b. mAngingisdA
c. mangingisdA
b. mag-aarAl
c. mAg-aaral
b. magsAsaka
c. magsAsakA
C. Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit ayon sa pagkakagamit sa pangungusap. _______________ 1. Si Marlon ang bagong manliligaw ni Jean. _______________ 2. Ang aking dating mananahi ay yumao na. _______________ 3. Mangangatha ako ng tula para sa patimpalak. _______________ 4. Pipito siya bilang hudyat sa mga kaaway. _______________ 5. Siya ay mangingisda sa laot mamayang gabi.
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
20
Module 2:
Ang Dunong at Salapi sa Buhay ng Tao
A. Pagbasa Ang balagtasan ay isang uri ng patulang pagtatalo tungkol sa isang paksa. Karaniwan itong ginaganap sa ibabaw ng tanghalan. Ang mga makata o mambibigkas na nagsisiganap ay nagtatagisan ng mga katwiran sa matulain at masining na pamamaran. Binubuo ng dalawang panig ang balagtasan: ang sang-ayon at ang isa naman ay sa panig ng di sang-ayon sa paksang pagtatalunan. Hangarin ng dalawang panig ang mapaniwala ang katalo at ang mga tagapakinig sa kanyang pangangatwirang inilalahad. Ito ay nangangahulugan lamang na ang mga makata ay kinakailangang gumamit ng tiyak at malinaw na salita upang ang ginawang pangngatwiran ay ganap na maunawaan. Kinakailangan din nilang magbigay ng mga patunay na makatotohanan kung kayaâ€&#x;t kailangan nila ng sapat na kaalaman sa paksang pinagtatalunan upang maging handa sa pagtugon sa ano mang pag-uusisa ng kalaban tungkol sa paksang pagtatalunan. Ang dalawang panig na nagtatalo ay maaaring gampanan ng isa, dalawa o tatlong mga kalahok na mambibigkas o makata sa bawat panig. Ito ay depende sa kagustuhan at pagkakasunduan ng mga naghahanda ng balagtasan. Ang bawat panig ay sa may kani-kaniyang oras sa pagtindig kaya may unang titindig sa panig ng sang-ayon at di-sang-ayon, may ikalawa, ikatlo at ikaapat depende sa kung gaano kahaba ang balagtasan. B. Wika Ang pangngalan ay mga salitang pantawag sa tao, pook, bagay, lunan o pangyayari. A. Uri ng Pangngalan 1. Pantangi – ang tangi o sadyang tawag sa tao, hayop, lunan, gawa o pangyayari. Halimbawa: Si Cory ang natatanging ina ni Pangulong Noynoy Aquino. Magandang mamasyal sa Davao. 2. Pambalana – balanang tawag sa tao, hayop, bagay, lunan, gawa o pangyayari. Halimbawa: Ang mga bulaklak sa aming hardin ay sadyang napakakulay. Itinuturing na ilaw ng tahanan ang mga babae. B. Uring Pansemantika ng Pangngalan YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
21
1. Tahas – tumutukoy sa mga bagay na nakikita o nahahawakan. Sa madaling salita, ito ay tumutukoy sa mga bagay na materyal. Dalawang Uri ng Tahas a. lansak – tumutukoy sa isang pangkat o grupo. Halimbawa: Isang batalyon ang humarang sa aming paglalakbay. Ang hukbo ng mga military ay nagsusumikap upang mapanatili ang katahimikan sa ilang bahagi ng Mindanao. b. di-lansak – tumutukoy sa mga bagay na kinikilala nang isa-isa.
Halimbawa: Ang tao kung minsan ay walang pagkatuto. Mahilig kumain ng kamatis ang aking kaibigan. 2. Basal – tumutukoy sa mga bagay na di nakikita at nahahawakan, lalo na sa mga bagay na di materyal. Halimabawa: Hindi kailanman mapapantayan ang pag-ibig ko sa kanya. Ang kagandahan niya ay magiging balewala kung ang paguugali niya ay hindi naman maganda. C. Iba’t Ibang Gamit ng Pangngalan 1. Simuno – paksa ng pangungusap Halimbawa: Nagbigay ng pagkain ang mga artista sa mga batang lansangan. Nakinig si Ana sa payo ng mga magulang. 2. Panaguri – pangngalang ginagamit na panaguri ng pangungusap o nagsasabi tungkol sa simuno. Halimbawa: Mang-aawit ng makabagong henerasyon si Charice. Cebu ang lugar na nais kong bisitahin. 3. Tuwirang layon – pangngalang tumatanggap ng kilos na ipinahahayag ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na ano pagkatapos ng pandiwa. Halimbawa: Tuwing Sabado lamang siya nag-aaral ng karate sa silong ng bahay namin. Nagtuturo ako ng Filipino sa aming paaralan. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
22
4. Di-tuwirang layon – pangngalang pinaglalaanan ng kilos ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na para kanino pagkatapos ng tuwirang layon. Halimbawa: Ang konsyerto na ginanap kanina ay para sa mga batang lansangan. Ang pagtulong ng mga magulang sa paglilinis ng paaralan ay para sa kanilang mga anak na papasok na sa pasukan. 5. Layon sa pang-ukol – pangngalang sumusunod sa mga pang-ukol na ng, sa, para sa, para kay, ukol sa, ukol kay, tungkol sa, tungkol kay, at iba pa. Halimbawa: Napakahirap para kay Diane na iwan ang kanyang trabaho. Ang patuloy na pananahimik ni Maida ay para sa kaibigang lubos na nasasaktan.
PAGSASANAY A. Ibigay ang katumbas na pantangi o pambalana ng sumusunod na mga pangngalan. 1. 2. 3. 4. 5.
Ilonggo kanayon ilog Bb. Cruz bundok
6. Noli Me Tangere 7. isda 8. Agosto 9. Pampanga 10. paaralan
B. Tukuyin kung ang pangngalang may salungguhit sa loob ng pangungusap ay tahas o basal. 1. 2. 3. 4. 5. 6.
Masarap kumain ng mais. Ang pag-asa sa puso ay tuluyang naglaho. Ang lupon ng inampalan ay nagbigay na ng kanilang desisyon. Nakita ko siya sa gusaling ipinapatayo ni Mama. Masarap kumain ng minatamis na saging na luto ni Nanay. Ang paghalik sa kamay ay nagpapatamis ng pag-ibig ng mga anak sa mga magulang. 7. Nakagisnan na ng mga batang Pilipino ang maging magagaling sa pakikipagusap sa mga magulang. 8. Nakagagaan ng puso ang pagdarasal sa Poong Maykapal. 9. Mananatili kami sa bahay-ampunan hanggang wala pang kukupkop sa amin. 10. Hindi mapapantayan ang kanyang kagitingan. C. Isulat sa patlang ang gamit ng bawat pangngalang may salungguhit. 1. Kaunti lamang ang mga batang nahihikayat mag-aral. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
23
2. Kapalit ng paglilingkod nila sa paaralan, sila ay binigyan ng karagdagang edukasyon. 3. Ang mga anak ng mayayaman ay mga sakristan din. 4. Nang lumaon ay pinakinggan na rin ng mga mag-aaral ang maestro. 5. Ang mga guro ay nagbigay ng libreng serbisyo sa batang mahihirap. 6. Ipinapasaulo sa mga bata ang alpabeto at mga dasal. 7. Isa-isang ipinatatawag ang mga kabataang naging saksi ng kabayanihan niya. 8. Ikaw pala si Carol. 9. Siya ang aking mahal na ina. 10. Artista ang hinahangaan ng aking ina.
Module 3:
Ang Katutubong Kaugalian Laban sa Kulturang Dayuhan
A. Pagbasa Ang balagtasan ay isang pagtatalong patula at sangay ng panulaan. Binubuo ito ng dalawang nagtatalo at isang lakandiwa. Tungkulin ng lakandiwa ang mamagitan sa dalawa o ilan nang naglalaban. Siya ang dapat magpakilala sa mga magtatagis ng isipan o diwa. May karapatang patigilin ang isang nagsasalita kung hindi naiibigan ang inilalahad na pangungusap. Kung walang hinirang na mga hurado sa mga sandali ng labanan, may karapatan ang lakandiwag humatol sa mga nagtutunggali na parang hukom. Ngunit kailangang may matibay na batayan ang kanyang pananalunin. Sa balagtasan, ang mga tagapakinig ay may malaki ring tungkulin. Sila ang magbibigay ng hatol ayon sa mga narinig na paglalahad ng mga katwiran ng magkaibang panig. B. Wika Wastong Gamit ng Bantas Ang pagsulat at pagbigkas ay walang gaanong pagkakaiba kung ang pagbabatayan ay ang bahagyang pagtigil upang magbigay-daan sa pahinga. Narito ang ilang uri ng bantas na karaniwang ginagamit sa pagsulat. Ang mga bantas ay mga pananda na ginagamit sa pagsulat kasama ng mga titik, salita o pangungusap upang makatulong sa pagpapakilala ng kahulugan o kaisipan nito. 1. Tuldok ( . ) – ginagamit ito ayon sa sumusunod: a. hulihan ng mga pangungusap na pasalaysay at pautos Halimbawa: Maraming mga Pilipino ang nakikilala sa buong bansa dahil sa angkin nilang galing. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
24
Pakatimbangin mo ang iyong mga nalalaman upang alam mo kung alin sa mga ito ang magdudulot ng kabutihan. b. pag-iinisyal Halimbawa: D.O.S.T – Department of Science and Technology D.O.L.E – Department of Labor and Employment c. pagdadaglat Halimbawa: Dok. – Doktor Kgg. – Kagalang-galang d. pagkatapos ng “oo” at “hindi” kung pansagot sa tanong Halimbawa: Aalis ka ba? – Oo. Pupunta ka ba? – Hindi. e. pagkatapos ng bialng at titik kung isusulat nang sunud-sunod Halimbawa: Isulat ang titik ng bawat sagot. a. b.
c.
d.
2. Tandang Pananong ( ? ) – ginagamit ito sa pangungusap na nagtatanong o nag-uusisa. Halimbawa: Kilala mo ba ang aking ina? Gusto mo ba siyang makasama? 3. Tandang Padamdam ( ! ) - gingagamit ito sa pangungusap na naglalahad ng matinding damdamin. Halimbawa: Naku! Nasusunog ang bahay. Siyanga! 4. Kuwit ( , ) – gingagamit sa: a. paghihiwalay ng mga salita, parirala o sugnay na sunud-sunod na binanggit sa pangungusap Halimbawa: Si Diana Garcia ay maganda, magaling at mahusay magturo. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
25
b. paghihiwalay ng pangalang nabanggit sa iba pang bahagi ng pangungusap Halimbawa: Maida, narinig mo ba ang balita? c. pagtatapos ng isang bating panimula at pangwakas ng liham pangkaibigan Halimbawa: Mahal kong Robert, Ang iyong kaibigan, d. pagitan ng nayon, bayan, lalawigan o lungsod Halimbawa: 5167 Mabini Ext., Digos City e. pagitan ng araw at petsa Halimbawa: Marso 28, 2011 5. Tutuldok ( : ) – Ginagamit ito sa: a. pagtatapos ng pangngalakal
bating
panimula
sa
liham
na
pormal
o
Halimbawa: Mahal kong Punungguro: Ginoong Diosdado: b. paglilista Halimbawa: Narito ang dapat dalhin sa pagpunta sa kabilang isla: pagkain tubig damit kagamitan sa pagluluto c. pagkatapos ng isang pahayag na susundan pa ng ibang pahayag na may kahabaan Halimbawa: Ang mga taong magagaling: sila ang higit na pinagkakatiwalaan, ang nangunguna sa listahan para sa promosyon at higit sa lahat, hinahangaan.
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
26
6. Tulduk-tuldok (…) – gingagamit ito kung may salita o mga salitang iniwawaglit sa pangungusap. Halimbawa: Dayuhan o Atin… aling nga, alin nga? 7. Kudlit ( ’ ) - ginagamit ito kapag sa pagsasama ng mga salita o kataga ay may nawawaglit na titik o mga titik. Halimbawa: Produkto‟t ugali‟y iyong tangkilikin. Sa mga dayuhang maganda‟t marilag. 8. Panipi (“ ”) – ginagamit ito sa katapusan ng isang sipi at tuwirang pahayag sa loob ng pangungusap. Halimbawa: “Paano nga ba ang magmahal na hindi humihingi ng anumang kapalit?” “Narito lamang ako sa tuwing kailangan mo ako.” 9. Gitling ( - ) – ginagamit ito sa: a. paghahati ng pantig na magkasunod na linya sa loob ng talata. Halimbawa: Si Lolo Basyo man ay narinig kong nagsalita ng baligtad ang bulsa niya. Pinintasan pa niya ang mukha ng lolo na sing-asim daw ng sampalok. b. pagitan ng salitang inuulit at tambalang-salita
Halimbawa: Araw-araw ko siyang nakikita sa may bintana. c. pagitan ng ika- at tambilang Halimbawa: ika-25 ng Agosto ika-10 ng umaga d. paghihiwalay ng panlapi at salitang-ugat na nagsisimula sa patinig Halimbawa: pag-asa mag-isip YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
27
PAGSASANAY Tukuyin kung anong bantas o mga bantas ang ginamit sa bawat bilang. 1. ika-12 ng hapon 2. masayahin, magand at morena 3. Iginagalang kong punungguro: 4. Nagmamahal mong kaibigan, 5. Daniel L. Santiago 6. Ano ang pangalan mo? 7. Ha! 8. pala-palagay 9. Ang gaganda! 10. Sinu-sino ba ang mga bibigyan ng pasalubong?
Module 4:
Ang Wika ng Pag-unlad
A. Pagbasa May malaking pagkakaiba ang balagtasan sa pagtatalo o debate. Ang balagtasan ay binibigkas ng makata. Mapapansin na ang paraan ng pagbigkas ay may indayog na siyang nagbibigay ng kariktan at kasiningan na umaakit sa mga tagapakinig. Hindi magiging maganda ang balagtasan kung ang pagbigkas ay walang indayog. Kinakailangan ding ang mga mambibigkas ay mahusay sa pagbigkas. Inilalahad ang mga pangangatwiran sa mga piling salita na may sukat at tugma. Samantalang ang pagtatalo o debate naman ay pagbibigay ng gantihang pangangatwiran ng dalawa o higit pang panig hinggil sa isang paksa o isyu. Ang tonong ginagamit dito ay karaniwang pananalita lamang. Maaaring pormal o dipormanl ngunit ang pagtatalo ay di pag-aaway. Ang pakikipagtalo ay isang pangkaraniwan o pang-araw-araw na gawain. Kadalasan itong nakikita sa mga umpukan sa kanto, sa tindahan at kahit saan. Sa pagtatalo naman, may tiyak na paksa ang magkakatunggali na inihahayag sa mga katwiran. Tandaang lahat ng debate o pagtatalo ay mga anyo ng pakikipagtalo, ngunit di lahat ng pakikipagtalo ay debate. Isa ang Pilipinas sa napakaraming bansa sa buong mundo na nakapagsasalita. Kung mapapansin natin halos Ingles ang ginagamit sa mga palabas sa telebisyon, mga pelikula, sa larangan ng kalakalan, mga palatuntunan at marami pang iba. Kaya nga isinusulong ngayon ang pagtangkilik sa wikang Filipino dahil baka isang araw ay mapalitan na ito ng Ingles. B. Wika Maraming punto ang dapat isaalang-alang sa dalawang panig ng balagtasan. Maraming pagbabago ang maaaring maganap sa daloy ng palitan ng mga opinyon at ng mga patunay. Ang mga pagbabagong ito ay maaaring makatulong o di naman kaya ay mas nakalilito sa mga tagapakinig. Sa YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
28
gramatika, may mga pagbabagong nagaganap din, ito ay ang pagbabagong morpoponemmiko. Ang pagbabagong morpoponemiko ay anumang pagbabago sa karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa impluwensiya ng kaligiran nito. Ang kaligiran ay yaong mga katabing ponemang maaaring makaimpluwensya upang makabago sa anyo ng morpema. Mga Uri ng Pagbabagong Moropoponemiko A. Asimilasyon – pagbabagong nagaganap dahil sa impluwensya ng ponemang kasunod. Ito ay nahahati sa dalawa: 1. Asimilasyong di-ganap – karaniwang pagbabagong nagaganap sa pailong na /ŋ/ sa posisyong pinal ng isang morpema dahil sa impluwensya ng kasunod na tunog. Ang /ŋ/ ay nagiging /n/ o /m/ o mananatiling /ŋ/ dahil sa kasunod na tunog. Halimbawa: pang-paaralan pang-bayan pang-dikit pang-laro
-
pampaaralan pambayan pandikit panlaro
2. Asimilasyong ganap – bukod sa pagbabagong nagaganap sa ponemang /ŋ/ ayon sa punto ng artikulasyon ng kasunod na tunog, nawawala pa rin ang unang ponema ng nilalapiang salita dahil sa ito ay inaasimila o napapaloob na sa sinusundang ponema. Halimbawa: pang-palo pang-tali pang-pulot pang-kamot
-
pampalo pantali pampulot pangkamot
-
pamalo panali pamulot pangamot
B. Pagpapalit ng ponema – ponemang nagbabago o napapalitab sa pagbubuo ng mga salita. Halimbawa: ma-dapat lapad-an ma-dunong tawa-han
-
madapat lapadan madunong tawahan
-
marapat laparan marunong tawanan
C. Metatesis o paglilipat ng posisyon – kapag ang salitang-ugat na nagsisimula sa /l/ o /y/ ay ginitlapian ng /-in/, ang /l/ o /y/ ng salitang-ugat at ang /n/ ng gitlapi ay nagkakapalit ng posisyon. Halimbawa: in-lipad inlipad nilipad YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
29
in-yaya atip-an tanim-an
-
inyaya atipan taniman
-
niyaya aptan tamnan
D. Pagkakaltas – nagaganap ang pagbabagong ito kung ang huling ponemang patinig ng salitang-ugat ay nawawala sa paghuhulapi rito. Halimbawa: takip-an sara-han
-
takipan sarahan
-
takpan sarhan
PAGSASANAY A. Uriin ang pagbabagong morpoponrmiko sa sumusunod na mga salita. 1. tamnan 2. sankatauhan 3. niyakap 4. pantulog 5. panahi 6. simbango 7. tawanan 8. sinulatan 9. tena 10. pamasko B. Gamitin sa pangungusap ang mga salitang may pagbabagong morpoponemiko. 1. 2. 3. 4. 5.
nilisan ipambato binayaran nanguha hangarin
C. Basahin ang sumusunod na mga pangungusap at tukuyin kung anong pagbabagong morpoponemiko ang naganap sa mga salitang nakapalihis. Isulat ang titik ng tamang sagot. A. Asimilasyon B. Metatesis
C. Pagpapalit ng Ponema D. Panghihiram ng Salita
1. Kahit kami ay mahirap lamang marunong din naman kaming magmahal. 2. Dapat tupdin ng bawat tauhan ang papel na itinakda sa kanya. 3. Ang pangunahing layunin sa buhay ay humanap ng pambuhay sa sarili at sa mga mahal sa buhay. 4. Maraming nagsasabing sa buhay kailangan nating magsumikap upang tayo ay magtagumpay. 5. Mariing kinagat ng bata ang kanyang labi dahil sa matinding kalungkutan. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
30
6. Pahiran mo ng palaman ang kanyang tinapay. 7. Suyurin mo ang pusod ng karagatan upang makita mo ang kagandahan nito. 8. Nakaligtaan ko ang aking mga kagamitang pangkulay na gagamitin ko sa pagbuo ng poster. 9. Ginamit niyang pamalo ang aking ruler kug kayaâ€&#x;t ito ay nabali. 10. Katatapos lang tamnan ang malaking pitak na makikita sa labas ng bahay.
Module 5:
Ang Mahusay na Pakikipagbalagtasan
A. Pagbasa: Ang isang mahusay na balagtasan ay nagtataglay ng sumusunod na mga katangian: 1. Gumagamit ng ibaâ€&#x;t ibang istilo ng pagsusuri ng mga patunay o katibayan. 2. Nagbibigay ng ibaâ€&#x;t ibang uri ng mga patunay o katibayan sa pangangatwiran. 3. Maayos at mabisa ang paglalahad ng mga katwiran. Kaya mahalagang matutuhan na taglayin ng isang balagtasan ang mga nabanggit sa itaas upang mahikayat ang mga tagapakinig na pakinggan ang mga magtatanghal ng balagtasan.
B. Wika Ang isang balagtasan ay hindi mabubuo kung walang mga pangungusap na nagtataglay ng malinaw na kaisipan dahil hindi ito mauunawaan ng mga tagapakinig. Kinakailangang ang pangungusap ay wasto. Ang pangungusap ay lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa. Binubuo ito ng paksa at panaguri. Bahagi ng Pangungusap 1. Simuno o paksa ang pinag-uusapan sa pangungusap. May mga panandang si o sina kung tao ang simuno; at ang o ang mga kung bagay, lunan o pangyayari. 2. Panaguri ang bahagi ng pangungusap na nagsasabi ng kung ano ang tungkol sa simuno o paksa. Halimbawa: Ang mga bata ay tumatakbo.
Simuno
Panaguri
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
31
Uri ng Paksa Sa gramatika ay inuuri ang mga paksa ayon sa kung anong bahagi ito ng pananalita. Sa bahaging ito ay tatlo lamang sa mga uri ang tatalakayin. Ito ay ang mga sumusunod: 1. Paksang Pangngalan – kapag ang paksa sa pangungusap ay isang pangngalan. Halimbawa: Nagdarasal nang taimtim ang mga madre. Ang karpintero ay gumagawa ng pader. 2. Paksang Panghalip – kung ang paksa sa pangungusap ay isang panghalip. Halimbawa: Sila ay naglalako ng gulay. Tayo ay mga Pilipino. 3. Paksang Pang-uri – kapag ang paksa sa pangungusap ay isang pang-uri. Halimbawa: Dinadakila ang matatapang. Ipinagmamalaki ang magagaling.
Module 6:
Ang Natatanging Katangian ng Mambabalagtas
A. Pagbasa Ang balagtasan ay ginagawa sa isang masining na paraan kung kaya ang isang mambablagtas ay may mga katangiang dapat taglayin upang siya ay tawaging mabisa at mahusay na mambabalagtas. Narito ang mga katangiang iyon: 1. Marunong at sanay tumindig sa harap ng madla. 2. May magandang kaasalan sa pakikipagtalo, hindi pikon. 3. May pagsasaalang-alang at pitagan sa kanyang katalo, sa Lakandiwa at sa mga nakikinig. Sa lahat ng mga nagnanais na maging isang mahusay na mambabalagtas pakatatandaan ang mga nakasaad sa itaas upang matamo ang pagiging isang mahusay na mambabalagtas. B. Wika Mahalaga sa isang balagtasan na alam mo ang paksang iyong pinatutuyanan upang paniwalaan ka ng iyong tagapakinig. Sa pagkakataong YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
32
ito, talakayin ang tinatawag na proposisyon. Ito ay ang mga salita o pangungusap na nagpapakilala ng argument o kaya ay pagtatalo. Dito malalaman ang mga salita o pariralang dapat gamitin sa isang argument o pagtatalo. Narito ang mga panandang ginagamit sa isang mabisang argument o pagtatalo. 1. Pagsisimula ng paglalahad
Halimbawa: Nais kong… Kung hindi ninyo ikagagalit… May ilang mahahalagang punto na sa palagay ko ay… 2. Palilipat sa ibang pananaw na nais ilahad Halimbawa: Maiba naman ako… Ibaling naman natin sa… Kung iyo sanang mamarapatin… 3. Pagdaragdag ng ibang punto Halimbawa: Bukod pa riyan… Bilang karagdagan… Hindi lamang ganoon… 4. Pagbibigay ng halimbawa Halimbawa: Kung iyong mamarapatin Ibig kong magbigay ng halimbawa… Kagaya ng… 5. Pagsalungat sa ibang punto Halimbawa: Kung sabagay maaaring… Pero kung tutuusin… Sa kabilang banda ganito ang dapat… 6. Paglalahat Halimbawa: Bilang pagbubuod… Bilang paglalahat… YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
33
Sa maikling sabi… 7. Mas pinapanigang punto Halimbawa: Mas pinanaligan ko ito kaysa… Nanaisin kong ganito kaysa… Mas kinikilingan ko ito kaysa… 8. Pagtatapos ng ibig sabihin Halimbawa: Bilang pagwawakas… Ibig kong wakasan ang ganito… Pahintulutan ninyong tapusin ko nang ganito…
PAGSASANAY: A. Magbigay ng puna mula sa mga oposisyon sa ibaba gamit ang iba‟t ibang panandang ginagamit sa isang mabisang argumento o pagtatalo. (Hal.: Kung iyong mamarapatin…, Kung sabagay maaaring… atbpa.) 1. 2. 3. 4.
Dapat magsalita ng Ingles sa lahat ng pagkakataon sa loob ng paaralan. Kailangang ipagbawal ang paggamit ng cell phone sa loob ng paaralan. Dapat isulong ang batas hinggil sa Family Planning. Kailangang sangkot ang mga mamamayan sa pagbuo ng mga batas na ipapatupad sa ating bansa. 5. Dapat gawing legal ang diborsyo sa Pilipinas. B. Ituloy ang mga pangungusap upang makabuo ng isang mabisang argument. 1. Kung hind ninyo ikagagalit ________________________________________________ 2. Maiba naman ako _______________________________________________________ 3. Hindi lamang ganoon ____________________________________________________ 4. Ibig kong magbigay ng halimbawa __________________________________________ 5. Sa kabilang banda ganito ang dapat _________________________________________ 6. Bilang paglalahat ________________________________________________________ 7. Mas pananaligan ko ito kaysa ______________________________________________ 8. Ibig kong wakasan ang ganito ______________________________________________ YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
34
C. Bumuo ng usap-usapan o dayalogo tungkol sa isang napapanahong isyu. Gamitan ito ng mga proposisyon. ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________
THIRD QUARTER Module 1:
Unan Sulyap sa Dulaang Pilipino
A. Pagbasa Sinasabing ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Ito rin ay isa sa naging kasangkapan ng mga Pilipino noong unang panahon upang maihayag ang kanilang mga saloobin at damdamin hinggil sa kalupitang dinanas sa kamay ng mga dayuhang mapang-api. Sa dula ipinamalas ng mga mandudula at manunulat ng dula ang kanilang paghihimagsik na naging dahilan ng kanilang pagkabilanggo. Ilan sa mga manunulat na ito ay si Juan K. Abad – na nabilanggo dahil sa kanyang dulang “Tanikalang Ginto.” Ang kanyang katapangan ay mahihinuhang YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
35
bunsod ng dinanas niyang mga hinanakit, kundi man sa tuwirang karanasan ay sa tiniis at pinagdusahan ng mga kaanak at kababayan. Samantala, nagkaroon din ng iba‟t ibang uri ng dula. Ito ay ang mga sumusunod: 1. Komedya – ito ay nagtatapos sa tagumpay ng pangunahing tauhan. Masaya at kawili-wili sa mga manonood ang komedya. 2. Trahedya – ito ay nagtatapos sa kamatayan o kalungkutan ng pangunahing tauhan. Ito ay kinapapalooban ng mahihigpit na tunggalian. Ang mga tauhan ay mapupusok at may maapoy na damdamin. 3. Melodrama – ito ay may malulungkot na pangyayari na halos ang mga pangunahing tauhan ay mabingit sa kamatayan ngunit sa bandang huli ay nagtatagumpay rin sila at nagwawakas sa kaligayahan. 4. Parsa – ang layunin ng dulang ito ay patawanin at libangin ang mga manonood. Ang mga sitwasyon ay katawa-tawa, maging ang mga kilos at pananalita ng mga tauhan. 5. Saynete – ito ay isa ring dulang ang pinakalayunin ay magpatawa ngunit ang mga pangyayari ay karaniwan lamang. Ang mga gumaganap ay tau-tauhan at nasa likod ng telon ang ma taong nagsasalita. Ito ay mayroon ding awitan. B. Wika Gamit ng Panandang Diskurso Ang panandang diskurso (discourse markers) ay mga panandang nagbibigay-linaw sa mahihirap na bahagi ng teksto at naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at ng paraan ng pagkakabuo ng diskurso. Sa Filipino, kinakatawan ito ng mga pang-ugnay o pangatnig. Sampung Uri ng Tungkulin ang Ginagampanan ng mga Pananda 1. Naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari o gawain Halimbawa: pagkatapos, saka, sumunod na araw, sa dakong huli Naisipan niyang pasyalan ang aming lugar pagkatapos ng mahabang pagtatrabaho. 2. Naghuhudyat ng paraan ng pagkakabuo ng diskurso Halimbawa: sunud-sunod na pangyayari, una, sunod, bilang pagtatapos Bilang pagtatapos, nais ko kayong pasalamatan sa lahat ng mga sinabi ninyo sa akin na nagpapatibay ng aking pagkatao. 3. Pagbabagong lahad YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
36
Halimbawa: sa ibang salita, sa madaling sabi, kung iisipin Kung iisipin, noon pa man, nagkaroon na ng dula ang ating mga katutubo. 4. Pagtitiyak Halimbawa: katulad ng, tulad ng sumusunod Katulad ng mga butyl na nilikha at naging alak‌ 5. Paghahalimbawa Halimbawa: mailalarawan ito a pamamagitan, bilang halimbawa Ang kulturang kinagisnan ng mga Pilipino ay buhay pa magpahanggang ngayon. Mailalarawan ito sa pamamagitan ng mga akdang naisatitik noon pa man. 6. Paglalahat at pagbibigay ng konklusyon Halimbawa: bilang paglalahat, anupaâ€&#x;t, bilang pagtatapos, samakatwid, kaya, kaya nga, dahil doon, sa gayon Kaya nga, ito rin ang ginawa ko kahulugan ng lahat.
upang maunawaan mo ang
7. Pagbibigay-pokus Halimbawa: bigyang pansin ang/ang mga, pansinin na tungkol sa, magsisimula ako sa Bigyang pansin ang mga salitang sinalungguhitan upang mahulaan ang ibig niyang ipakahulugan. 8. Paghuhudyat ng pamaraan ng may-akda Halimbawa: sa aking palagay, kung ako ang tatanungin, subalit, kaya lang, kung bagamat Sa aking palagay, hindi na kailangang pag-usapan pa ang nakaraan upang maibsan ang sakit na aking nararamdaman. 9. Pagpapatotoo Halimbawa: sa katunayan YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
37
Pupunta ako sa Baguio, sa katunayan tinawagan ko na ang aking kaibigan. 10. Pagdaragdag Halimbawa: bukod doon, dagdag pa rito Nais niyang ipamahagi ang kanyang salapi sa inyo, bukod doon ibibigay pa niya ang kanyang malaking tirahan sa Batangas.
PAGSASANAY Salungguhitan ang panandang diskursong ginamit sa bawat pangungusap. 1. Sunud-sunod ang kamalasang nararanasan ko sa buhay kung kaya nais ko munang magpahinga. 2. Bilang pagtatapos, mataas man ang pinag-aralan o mababa ang edukasyong naabot, laging isaisip na sa mata ng Diyos, lahat tayo ay pantay-pantay. 3. Binabatay ang pinag-aralan ang magiging trabah ng isang tao samakatwid kailangan mong magsipag sa pag-aaral kung ayaw mong maging tambay sa kahit saan. 4. Una, pinakamahalagang elemento sa pagtatagumpay sa buhay ang pagkakaroon ng pinag-aralan. 5. Bukod doon, magkakaroon ng patimpalak para sa natatanging mamamayan ng lugar. 6. Lubos ang kanyang pagmamahal sa anak, sa katunayan lahat ng naisin nito ay ibinibigay niya. 7. Anumang daranasin sa buhay ay maging matatag upang sa dakong huli ay matamasa ang ligayang walang kapantay. 8. Hindi namin nararamdaman ang pagod sa aming pamamasyal, sa madaling sabi nag-eenjoy kami. 9. Ang sunud-sunod na patayan sa aming barangay ay nagbunga ng matinding takot sa mga tao. 10. Bilang pagtatapos nais kong humingi ng paumanhin sa hindi ko pag-imik sa inyo.
Module 2:
Ang Tao sa Pakikipagsugal sa Buhay
A. Pagbasa Ang dula ay isang mahalagang hiyas ng alinmang wika at malaking tulong sa pagbibigay ng uri at kislap sa alinmang panitikan. Noong unang panahon, ang dula ay isang bahagi lamang ng tula. Subalit nitong huli, nang sumilang na sina Leandro Fernandez de Moratin at ang kanyang kapanahon sa dulang kastila, ang pagsulat ng dula sa tuluyang pangungusap ay nakilala na at siya nang namalasak hanggang ngayon. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
38
Tulad ng maikling kwento, ang dulay ay may tagpuan, tauhan at banghay. Ang mga tauhan ay maaaring suriin ayon sa dalawa: bilog o lapad. Ang bilog na karakter ay ang pangunahing tauhan o kalimitang protagonist sa akdang pampanitikan na nakararanas ng iba‟t ibang suliranin na naging dahilan ng kanyang makabuluhang pagbabago. Ang kanilang pagkatao ay buo lalo na ang katangiang pisikal, mental at emosyonal, sapat upang sabihing ang kanilang karakter ay makatotohanan. Ang lapad na karakter naman ay itinuturing na pangalawang tauhan sa mga akdang pampanitikan. Kaiba sa bilog na karakter, ang lapad ay hindi dumaraan sa iba‟t ibang suliranin atmakabuluhang pagbabago sa kabuuang kwento. Kalimitang matatapang, hindi nagbabago at iba pa. Isa sa magagandang dula na maaaring suriin sa dalawang karakter na inilahad ay ang “Sa Pula, Sa Puti” na isinulat ni Francisco “Soc” Rodrigo. Ito ay unang itinanghal noong ika-10 ng Setyembre, 1939 ng University of the Philippines Dramatic Club sa Manila Metropolitan Theater. B. Wika Kaantasan ng mga Salita May kaantasan ang mga salita, kaantasang isinasaalang-alang upang ang mga salitang gagamitnin ay aayon o babagay sa kanyang katayuan, sa hinihingi ng panahon at pook at sa okasyong dinadaluhan. Dalawang Kaantasan ng Salita A. Formal – ito ay mga salitang kinikilala, tinatanggap, ginagamit ng karamihang nakapag-aral sa wika. Ang mga dalubwika ang nagpapasya kung ang salita ay dapat gamitin. Kung marapat, ito‟y ginagamit sa mga paaralan at sa iba pang may pangkaligirang intelektwal sa gayo‟y tumataas ang uri kapag malaganap nang ginagaya. 1. Pambansa – ang salitang ginagamit sa mga aklat at babasahing may sirkulasyon na umaabot sa buong kapuluan at lahat ng paaralan. Ito rin ang wikang ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa mga nagsisipag-aral. 2. Pampanitikan – salitang matatayog, malalalim, mabibigat, makukulay at sadyang matataas ang uri. Ito ang mga salitang ginagamit ng mga manunulat at dalubwika. B. Di-Formal o Imformal – ang mga salitang imformal ay mga salitang karaniwan at palasak na ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap at pakikipagsulatan sa mga kakilala at kaibigan. Kabilang na rito ang: 1. balba – ito ang mga nauusong salitang malimit gamitin ng mga kabataan, mga salitang ginagamit sa lansangan ngunit hindi magandang pakinggan. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
39
Halimbawa: Kumusta na ang erpat mo? Nakagoli ka na ba? Dehins pa. 2. kolokyal – mga salitang ginagamit sa pormal o imformal na pagsasalita. Mataas ng kaunti ang antas sa balbal. Halimbawa: Ang utol mo pala ay kambal? Atsay namin ang aming naging tagapagluto. 3. lalawiganin – ginagamit sa isang particular na pook o lalawigan at ang mga tagaroon lamang ang nakaiintindi. Halimbawa: Iyan kasi ang gisabi niya. (sinabi) Abiarin mo muna siya. (asikasuhin)
PAGSASANAY: A. Isulat kung saang antas ng wika nababagay ang sumusunod na mga salita na may salungguhit sa loob ng pangungusap. _______________ 1. May tipar ako mamaya. _______________ 2. Ako ay yayao, alagaan ninyo ang inyong sarili. _______________ 3. Katsokaran ko ang nanay niya. _______________ 4. Isilid mo sa matong ang mga kasangkapan. _______________ 5. Choy, kailan ka pa dumating? _______________ 6. Parak pala ang ama mo? _______________ 7. Magbili ka nga ng pagkain doon. _______________ 8. Marami siyang amuyong sa palengke. _______________ 9. Dahan-dahan baka tumimbuwang ka. _______________ 10. Pagbilhan nga ng kasafuego. B. Isulat ang sumusunod sa paraang ginagamit ang pangkaraniwang antas ng wika. 1. Ang sabi ng mga kaibigan mo magpapatipar ka raw. May yugyugan din ba? ______________________________________________________________ 2. Makikilala mo ang mga taong mabatung sa pamamagitan ng kanilang ayos at galaw. ______________________________________________________________ 3. Dyukla ang tawag nila sa akin. ______________________________________________________________ 4. Masarap daw ang ulam nila – tapsilog. ______________________________________________________________ YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
40
5. Saan mo iyan sinikwat? ______________________________________________________________
Module 3:
Ang Dapat Isumpang Pag-uugali ng mga Pilipino
A. Pagbasa Ang “Dapat Isumpa” ay isang halimbawa ng dula. Isang kathang ang layunin ay maglarawan sa isang tanghalan, sa pamamagitan ng kilos at gawi, ng isang kawil ng mga pangyayaring naghahayag ng isang kapana-panabik na bahagi ng buhay ng tao. Ang dalawang mahalagang kailangan ng isang dula ay ang panimula at ang tuluy-tuloy na paglalahad ng mga pangyayari sa wika. Ang dula ay nahahati sa ilang yugto at ang bawat yugto ay may maraming tagpo. Nauuri rin sa dalawa ang anyo ng dula. Maaaring maikli lamang at maaari rin namang mahaba. Ang maikling dula ay binubuo ng isang yugto na tinatawag na isang yugtong dula o dula-dulaan. Ang mahabang dulang naman ay may tatlong yugto, ito ay tinatawag na tatluhang yugtong dula. B. Wika Ang pang-uri ay mga salitang nagbibigay-katangian sa pangngalan o panghalip sa pamamagitan ng pagbibigay ng uri, kalagayan o bilang ng salitang tinutukoy. Uri ng Pang-uri 1. Panlarawan – ito ay nagpapakilala ng uri, katangian o kalagayan ng pangngalan o panghalip na tinuturingan. Halimbawa: Ang magandang babaeng nakita ko ay ang aking anak. 2. Pamilang – ito ay nagpapakilala ng bilang ng pangngalan o panghalip na tinuturingan. Uri ng Pang-uring Pamilang a. Patakaran – likas o basal na pagbilang. Ito ang pagbabatayan ng paraan ng pagbilang. Halimbawa: Isa siya sa mga itinuturong pinakamagaling sa aming paaralan. b. Panunuran – ginagamit sa pag-iisa-sai ng nakahanay, pag-aayos ng mga pangkat, pagbilang nang sunud-sunod. Ginagamitan ng mga panlaping ika- at pang. Halimbawa: Panlima siya sa mga napiling maging kalahok sa patimpalak. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
41
c. Patakda – nagsasaad ng tiyak na bilang o halaga. Halimbawa: Dadalawa na lamang silang makikipagtunggali sa buhay. d. Pahalaga – nagsasaad ng halaga ng salapi. Halimbawa: Mamiso lamang ang halaga ng tinapay sa aming bayan. e. Pamahagi – nagsasaad ng pagbubukod o paghahati ng isang kabuuan. Halimbawa: Ang sampung bahagdan ng kita ay mapupunta sa mga batang kapuspalad. f. Palansak – nagsasaad ng maramihan, minsanan at langkay-langkay. Halimbawa: Dala-dalawa silang papasok sa loob ng opisina. PAGSASANAY: A. Tukuyin kung panlarawan o pamilang ang mga sumusunod: _____________ 1. magandang binibini _____________ 2. sampung naglalakihang puno _____________ 3. matangos na ilong _____________ 4. dilaw na bulaklak _____________ 5. sangkapat na papel _____________ 6. kalahating piso _____________ 7. sanlaksang dusa _____________ 8. bughaw na kalangitan _____________ 9. ik-7 ng gabi _____________ 10. Sandaang problema B. Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na mga pang-uri. 1. masunurin
2. sampu-sampu
3. ikalima
4. madilim
5. anim YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
42
Module 4:
Ang Bawat Eksena sa Isang Dula
A. Pagbasa Ang tanghal-eksena (scene) ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga rauhan sa isang dula. Maaaring ito ay magbadya ng pagbabago ng tagpuan ayon sa kung saan gaganapin ang susunod na pangyayari. Ang bilang ng eksena ay iba at ang panahon ay maaaring magtagal o sandali rin. B. Wika Ang isang dula ay ginagamitan ng mga salita na nagsasaad kung paano ginagawa ang kilos upang mas malinaw ito sa mga tagapanood. Sa wika, may tinatawag tayong pang-abay na nakatutulong sa paglalarawan ng mga kilos sa isang pagtatanghal. Ang pang-abay ay nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri at kapwa pangabay. Madaling makilala ang pang-abay sa isang pangungusap dahil laging kasama ito ng pangdiwa, pang-uri o pang-abay. May iba‟t ibang uri ng pang-abay subalit apat lamang ang tatalakayin at ito ay ang mga sumusunod: 1. Pamanahon – nagsasaad kung kailan naganap, nagaganap at magaganap ang kilos. Halimbawa: Walong pelikula ang ipalalabas bukas sa mga sinehan. 2. Panlunan – nagsasabi kung saan naganap, nagaganap at magaganap ang kilos. Halimbawa: Nakita ko sa likod ng aparador ang lihim na lagusan. 3. Pamaraan – nagsasaad kung paano ginawa, ginagawa at gagawin ang kilos. Halimbawa: Paluhod siyang naglakad papuntang altar ng simbahan. 4. Pang-agam – nagpapahiwatig ng di-katiyakan sa pagaganap ng kilos ng pandiwa. Halimbawa: Marahil ay uuwi siya dahil nagkasakit ang kanyang ina. Ang ingklitik ay mga katagang pang-abay o paningit o salitang ginagamit sa pagdaragdag ng kahulugan sa mensahe ngunit mga salitang maaaring kaltasin sa pangunguspa nang hindi masisira ang kahulugan niyon. Maaaring gumamit ng higit sa isang ingklitik sa isang pangungusap. Dapat maging maingat ang paggamit ng mga ito dahil ito ay may tiyak na posisyon sa isang pangungusap. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
43
Mga ingklitik: pa, kaya, naman, man, sana, rin/din, nga, na nga, hala, ay, saying, muna, yata, ba, po, daw/raw, lamang/lang, tuloy kasi, pala Mga Halimbawa:
Nagpapahiwatig ng pagtatanong May sakit pa si Micko? May sakit kaya si Micko? May sakit ba si Micko?
Nagpapahiwatig na may sakit ulit May sakit na naman si Micko.
Nagpapahiwatig na umaasang may sakit May sakit sana si Micko.
Nagpapahiwatig ng pagkakatulad o pagkakaroon May sakit din si Micko.
Nagpapahiwatig ng pagpapatunay May sakit nga si Micko.
Nagpapahiwatig ng pag-aalinlangan o walang katiyakan May sakit yata si Micko. May sakit daw si Micko.
Mula sa nga halimbawa sa itaas ay masasabi nating maaaring magbago ang ibig ipakahulugan sa isang pangungusap kapag sinisingitan ito ng mga ingklitik, subalit kung tatanggalin naman ito ay mananatili ang kahulugan ng pangungusap. PAGSASANAY A. Tukuyin kung anong uri ng pang-abay ang ginamit sa bawat pangungusap. ________________ 1. Dahan-dahang sinara ni Nukeen ang pinto para hindi magising ang natutulog. ________________ 2. Maglalayag sa Asya ang mag-anak bukas. ________________ 3. Hindi ninyo marahil sinunod ang aking bilin. ________________ 4. Ika-6 ng gabi nang sila ay dumating mula sa bayan. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
44
________________ 5. Dumating na si Alvin sa Canada. ________________ 6. Tila nagbabadya ang isang malakas na ulan. ________________ 7. Patakbong pinuntahan nila ang pinangyarihan ng aksidente. ________________ 8. Iuulat mamaya ang tungkol sa perang nalikom. ________________ 9. May tindhan si Eljay sa palengke. ________________ 10. Araw-araw na nagsisikap si Mang Nano para sa kanyang pamilya. B. Gamitin sa pangungusap ang mga parirala at lagyan ng ibaâ€&#x;t ibang uri ng pangabay. 1. naghihintay ng umaga 2. ang aking mga kapatid 3. natuto siya 4. pangungulila sa ina 5. may bagyong darating 6. naghahanda para sa 7. pagputol ng kahoy 8. naghahabulang sasakyan 9. may nakaukit na bulaklak 10. pagod na katawan C. Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na mga pang-abay. 1. 2. 3. 4. 5.
nang patiyad sa bukid tila gabi marahan
D. Tukuyin kung anong damdamin o intension ang ipinahihiwatig sa bawat pangungusap. 1. Pumunta ka na sa paaralan. 2. Nandoon nga siya sa ospital. 3. Natagpuan na raw ang nawawalang kayamanan. 4. Mag-aral ka naman nang hindi bumaba ang iyong marka. 5. Nagalit tuloy si Gng. Salcedo sa ginawi ninyo. 6. Nagkaroon yata ng tampuhan ang mag-asawang Almasa. 7. Masaya sana ang pagsasama ng magkakaibigan. 8. Gusto lamang niyang umasenso sa buhay. 9. May iniutos ba ang guro sa inyo? 10. Lumiban na naman sa klase si Tricia.
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
45
Module 5:
Ang Tagpong Kinapapanabikan sa Dula
A. Pagbasa Bawat dula ay may tagpo. Ito ay ang pagpapalit o ang ibaâ€&#x;t ibang tagpuan na pinangyayarihan ng mga pangyayari sa dula. Matutukoy na isang mabuting dula ang isang dula kapag ito ay nagbibigay-kasagutan sa isang malalim na suliranin, naglalarawan ng kalikasan ng tao at nagtatanghal ng pagtutunggalian ng mga kalooban at mga damdamin. Naaakit ang mga manonood sa isang dula kapag mahusay ang pagkakayari na kung saan ay kumakapit ang mga manonood sa kapana-panabik na bahagi hanggang sa wakas ng dula. B. Wika Bawat dula ay may mga tagpong kapana-panabik na kung saan ay ipinakikita ito ng may-akda sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga mahahalagang pangyayari sa dula. Kaya malaking tulong ang wastong paggamit ng pananda o pantukoy sa pagsulat ng dula upang maiwasan ang kalituhan sa mga manonood. Ang pananda ay nagbabadya o nagsisilbing tanda ng gamit ng isang salita sa loob ng pangungusap. Ang ang, si, ni, kay ay panandang isahan. Samantalang an gang mga, sina, nina, at kina ay panandang maramihan. Halimbawa: Ang bata ay mabilis na tumakbong palayo sa kaguluhan. Sina Angelina, Neldie at Khan ay magkakasamang nagbakasyon sa Boracay. Isa sa mga pananda sa Filipino ay ang pantukoy. Ito ay katagang laging nangunguna sa pangngalan. Ang mga pantukoy sa Filipino ay ang, ang mga, si at sina. Halimbawa: Ang mga likas na yaman ng ating bansa ay tunay na maipagmamalaki. Si Juliet ay isang ulirang ina. PAGSASANAY: A. Salungguhitan sa loob ng panaklong ang pinakatamang pananda sa sumusunod na mga pangungusap. 1. (Si, Ang) guro ang siyang magpapasya sa naging kasalanan ng mag-aaral. 2. Kinuha (ni, nina) Harlon ang naiwan niyang bag sa mesa. 3. (Kay, Kina) Boy at Baby ang bagong modelo ng telebisyon. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
46
4. (Si, Sina) Sarah Jane ay isang mahusay na mananayaw. 5. (Ang, Ang mga) mangingisda ay sabay-sabay na lumusong sa dagat. 6. (Kay, Ni) Miguel ibinigay ni Diane ang kanyang pagmamahal. 7. Ipinaalam (ni, nina) Joseph at Mark ang mangyayari sa palatuntunan. 8. (Ang, Kay) tinapay ay binili niya sa kabilang bayan pa. 9. Naniniwala siya na (ang, ni) ehersisyo ay maganda sa katawan. 10. (Sina, Ang) dula ay itinatanghal sa harap ng madla. B. Bumuo ng sariling pangungusap gamit ang mga sumusunod: 1. si ____________________________________________________________ 2. sina ____________________________________________________________ 3. ang ____________________________________________________________ 4. ang mga ____________________________________________________________ 5. kay ____________________________________________________________ 6. kina ____________________________________________________________ 7. ni ____________________________________________________________ 8. nina ____________________________________________________________
Module 6:
Pagsusuri ng Dula
A. Pagbasa Sa pagsusuri ng isang dula ay kinakailagang naunawaan mo muna ito upang maging mabisa ang gagawing pagsusuri. Narito ang mga dapat isaalangalang sa pagsusuri ng isang dula: 1. Banghay – tumutukoy ito sa pagkakabalangkas ng pangyayari. Kailangang ito ay maayos at magkakaugnay upang maging matatag at kapani-paniwala. 2. Tagpuan – tumutukoy ito sa lugar at panahong pinagyarihan ng tagpo sa akda, ginagalawan o kapaligiran ng mga tauhan. IsinasaalangYOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
47
alang dito kung gaano kabisa ang lugar na napili sa dula. Kung ito ba ay akma sa daloy ng pangyayari. 3. Tauhan – tumutukoy ito sa mga taong gumaganap sa dula. Dito makikita ang karakter na bilog at lapad, kung napaninindigan ng bawat tauhan ang kanilang papel na ginagampanan. 4. Punto ng Paningin (Point of View) – tumutukoy ito sa punto kung sino o saan nagmumula ang salaysay. May dalawang uri ng punto ng paningin: (1) ang unang panauhan na gumagamit ng “ako” - limitado lamang ang nalalaman ng tauhan sa puntong ito - at (2) ang ikalawang panauhan na gumagamit ng “siya” - nagmumula ito sa salaysay sa isang tauhang may malawak o malalim na kaalaman tungkol sa nangyayari sa akda. Isinasaalang-alang dito kung ano ang punto ng paningin ng may-akda, paano nakaapekto ang punto ng paningin sa akda, atbp. 5. Tema – tumutukoy ito sa kaisipan na patuloy na nahuhubog sa kabuuan ng akda sa pamamagitan ng mga susing salita (keywords) na ntutukoy ng may-akda sa kanyang paksa, ang kanyang pakikitungo o damdamin tungo rito. Hindi kinakailangang sabihin ng may-akda ang tema ng kanyang akda. Bagkus, ito ay maaaring sabihin ng nagbabasa at maaari itong sabihin sa maraming paraan. Ito ay maaaring makita sa pamagat ng akda o sa bahagi ng akda. 6. Imahe – tumutukoy ito sa mga larawan na nabubuo sa iyong isipan mula sa mga binasang akda sa pamamagitan ng paggamit ng mga mabulaklaking salita. Isinasaalang-alang dito kung anong uri ng imahe ang ginamit ng may-akda, bakit ito ang ginamit ng may-akda, atbp. 7. Simbolismo – tumutukoy ito sa simbolong ginamit ng may-akda maliban sa literal na kahulugan. Halimbawa, ang isang kuwago ay kumakatawan sa katarungan. B. Wika Ang mga salitang kilos ay mabisang kagamitan sa pagpapalutang ng mahahalagang pangyayari sa isang dula dahil ito ang nagpapagalaw sa mga tauhan. Sa gramatika, ay may tinatawag na kaganapang pandiwa. Ito ang tawag sa kaugnayan ng pandiwa sa panaguri ng pangungusap. 1. Kaganapang Tagaganap – ay bahagi ng panaguri na gumaganap sa kilos na isinasaad ng pandiwa. Halimbawa: Pinulong ng tagapayo ang bagong kasapi ng Samafil. Kinain ng bata ang kending nasa mesa. 2. Kaganapang Tagatanggap – ay bahagi ng panaguri na nagsasaad kung sino ang makikinabang sa kilos ng pandiwa. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
48
Halimbawa: Naghanda si Inday ng salu-salo para kay Harlon. Inihayag ang anunsiyo para sa mga bagong mag-aaral. 3. Kaganapang Layon – ay bahagi ng panaguri na nagsasaad kung ano ang bagay o mga bagay na tinutukoy sa pandiwa. Halimbawa: Bumili ng sapatos si Nanay kahapon. Kumuha ng mga rosas si Maira sa likod-bahay. 4. Kaganapang Ganapan – ay bahagi ng panaguri na nagsasaad ng lugar na ginaganapan ng kilos ng pandiwa. Halimbawa: Namasyal sa Luneta ang magpipinsan. Idinaos ng kambal ang kanilang kaarawan sa Shangri-la Hotel.
PAGSASANAY: A. Tukuyin kung anong kaganapan ng pandiwa ang mga sumusunod: ________________ 1. Maaga pa ay pinuntahan na ng mga mag-aaral ang liwasan. ________________ 2. Nabusog kami sa dami ng pagkain. ________________ 3. Ipinambili niya ng gatas ang natitirang pera. ________________ 4. Para sa kanya ang regaling bigay ko. ________________ 5. Nag-igib siya ng tubig. ________________ 6. Namili ako ng cake. ________________ 7. Naghabulan ang mga pulis at magnanakaw sa bayan. ________________ 8. Bumili si Jane ng ipod para kay Ayanna. ________________ 9. Magliliwaliw ang mag-anak sa Eden sa darating na linggo. ________________ 10. Pumunta sila sa baryo. B. Gawing kaganapang tagaganap ang mga sumusunod (maaaring dagdagan ang pangungusap subalit ang diwa ay hango sa ibingay na pangungusap). 1. Tinanggap niya nang maluwag ang paghihiwalay nila. ______________________________________________________________ 2. Ang pag-aaral ay mahalaga para kay Matthew. ______________________________________________________________ 3. Naiwala ni Marj ang kumot. ______________________________________________________________ C. Gawing kaganapang tagatanggap ang mga sumusunod (maaaring dagdagan ang pangungusap subalit ang diwa ay hango sa ibinigay na pangungusap). YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
49
1. Umani ng parangal sina Andre at Noela. ______________________________________________________________ 2. Ang ina ay nagbasa ng maraming aklat. ______________________________________________________________
FOURTH QUARTER Aralin 1:
Uri ng Pangungusap ayon sa Kayarian
Sa pagbabasa ng kasaysayan, mahaagang malama ng mga mambabasa ang tamang pagbuo ng mga pangungusap ayon sa kayarian. Matatandaang apat na rin ang uri nito: payak, tambalan, hugnayan at langkapan. 1. Payak ang pangungusap kung ito ay nagbibigay ng isang buong diwa. Ito ay maaaring magtaglay ng: a. Payak na simuno at pauyak na panaguri Halimbawa: Ang buhay ay gulong. b. Tambalang simuno at payak na panaguri Halimbawa: Ang tao at bayan ay magkaugnay. c. Payak na simuno ay tambalang panaguri Halimbawa: Ang kanyang mukha ay maaliwalas at maganda. d. Tambalang simuno at tambalang panaguri Halimbawa: Ang kagandahan at katalinuhan ay angbibigay-tuwa at nagpapalakasloob sa kanya. 2. Tambalan ang pangungusap kung nagpapahayag ng dalawa o higit pang alayang kaisipan. Halimbawa: Hanappin natin ang kaligayahan; huwag tayon magpapadala sa lungkot at problemang dulot ng kasawian.
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
50
3. Hugnayan ang pangungusap kung ito ay nagtataglay ng isang punong sugnay at ng isa o higit pang pantulong na sugnay. Halimbawa: Kailangan ng tao ang pagmamahal upang mapanatiling masaya ang buhay. 4. Langkapan ang pangungusap kung ito ay nagtataglay ng dalawa o higit pang malalayang sugnay at ng isa o higit pang di-malayang sugnay. Halimbawa: Matatayog na kaisipan ang nilalaman ng mga nobela ni Jose Rizal ngunit ito ay tila hindi na gaanong pinahahalagahan ng mga kabataan sa kasalukuyan dahil sa pagkakahumaling sa pagbabasa ng mga nobela n mga banyaga.
PAGSASANAY: Basahin ang sumusunod na mga pangungusap at tukuyin ang mga uri nito ayon sa anyo o kayarian. ___________ 1. Masayang nagbibiruan ang magkakaibigan habang naghihintay sila ng kanilang sundo. ___________ 2. Umulan ba kahapon? ___________ 3. Alisan mo ng alikabok ang mga upuan upang hindi marumihan ang sinumang uupo rito. ___________ 4. Malinis at maganda ang aming paaralan dahil na rin sa pagtutulungan ng mga administrayon, guro at mga mag-aaral. ___________ 5. Naghuhugas ng mga pinggan si Ana, habang nagluluto si Ben, sapagkat may mga panauhing darating. ___________ 6. Masama ba ang pakiramdam mo? ___________ 7. Ang tao at ang bayan ay dumaranas ng matinding kahirapan. ___________ 8. Hanapin natin ang landas tungo sa pagbabago upang matuklasan natin ang kagandahan nito. ___________ 9. Matatayog na kaisipan ang nilalaman ng mga sanaysay ni Jacinto ngunit tila daig siya ni del Pilar sa pagsulat sa Filipino dahil itong huli ay taal na Bulakenyo. ___________ 10. Nakapipinsala sa kalusugan ang mga bawal na gamot sapagkat ito ay salot sa ating lipunan.
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
51
Aralin 2:
Ang Talata
Ang talata ay lipon ng mga pangungusap at binubuo ng isang paksang pangungusap at mga pansuportang detalye. Mga Bahagi ng Talata 1. Panimulang pangungusap – dapat tumawag ng pansin sa bumabasa, magpahiwatig ng nilalaman ng talata at humikayat sa bumabasa upang maragdagan ang kaalaman ukol sa paksa. 2. Gitnang pangungusap – ito ay kasunod ng panimulang pangungusap. Isinasaad nito ang mga detalye at mga pangyayari sa talata. 3. Pangwakas na pangungusap – ito ay nagbibigay ng buod o konklusyon sa kaisipang napapaloob sa pangungusap. Ilan sa mga Uri ng Talata 1. Pagpapaliwanag ng proseso – ang sunud-sunod na mga hkabang sa pagsasagawa ng isang bagay. 2. Pagkukuwento o pagsasalaysay – inilalahad ang mga pangyayari ayon sa pagkakasunud-sunod nito.Isinasaad kung kailan, saan at paano naganap ang pangyayari. Gumagamit ito ng mga payak na pangungusap upang madaling maunawaan ng bumabasa. 3. Paglalarawan – isang uri ng talata na naglalarawan ng tao, bagay o lugar. 4. Paglalahad – ang nagpapahayag ng mga pamamaraan, paghahambing, pagbibigay katuturan. Ito ang tinatawag na ekspositori. Mga Dapat Tandaan sa Pagbuo ng Talata 1. Ang unang pangungusap ay ipinapasok sa talata. 2. Sinusunod ang mga panuntunan sa paggamit ng malaking titik, mga bantas at iba pang mekanismo sa pagsulat. 3. May kaisahan ang paksang tinatalakay ng mga pangungusap.
Aralin 3:
Ang Liham-Pangangalakal
Isang mabisang paghahatid ng mensahe ang liham. Mabilis ang pagsulong ng agham at teknolohiya ngunit hindi mapasusubaliang ang liham ay isang sistema ng komunikasyon. Sa pamamagitan ng liham, malaya nating maipararating ang mensaheng nais nating ipaabot sa iba na hindi na nangangailangang gumugol ng malaking halaga ng salapi. May iba‟t ibang uri ng liham. Ang liham-paanyaya ay isa sa mga uri ng lihampangangalakal. Ito ay isinasagawa o isinusulat kung may taong nais imbitahan sa isang mahalagang okasyon. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
52
Tulad ng iba pang uri ng liham-pangangakal, ito ay binubuo ng sumusunod na mga bahagi. 1. Pamuhatan – sa bahaging ito matatagpuan ang tirahan o tanggapan ngsumulat at petsa kung kailan ito naisulat. Halimbawa: 5167 Maharot St. Kalandian City, Davao del Norte Nobyembre 12, 2011 2. Patunguhan – dito makikita ang tirahan o lugar ng sinusulatan, ngalan ng bahay-kalakal, ang kalye, ang lungsod at bilang ng zip code. Lahat ng entri ay magkakapantay sa gawing kaliwa. Halimbawa: G. Joemar S. Villanueva Tagapangulo Home Asia Development Agency (HADA) Brgy. Subuan, Davao City 1269 3. Bating Pambungad – naglalaman ng kaasalang pagbati na siyang panimula ng liham, nasa kaliwang bahagi ng liham. Halimbawa: Mahal na Ginoo: 4. Katawan – ito ang naglalaman ng mensaheng nasa pagitan ng bating panimula at bating pangwakas. Halimbawa: Malugod kitang inaanyayahan sa gagawing pagtitipon sa aming bahay. Ito ay gaganapi ngayong daratng na Disyembre 01, 2011 sa ganap na ika-5 ng hapon. Maaari mong dalhin ang iyong pamilya upang mas higit na masaya an gating pagtitipon. Inaasahan ko ang inyong pagdalo. 5. Bating Pangwakas – ang kaasalang pamamaalam ng sumulat. Halimbawa: Lubos na gumagalang, 6. Lagda – pagpapakilala kung kanino nanggaling ang liham. Halimbawa: Richard Aquino
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
53
Aralin 4:
Ang Hinuha
Hinuha ang tawag sa nabubuong kuru-kuro at palagay sa isip ng sinuman tungkol sa anumang bagay. Ito ay nagpapahayag ng hinala, palagay o kuro-kuro. Sa pagpapahayag ng hinuha, madalas gamitin ang mga salitang wari, marahil, siguro, sa palagay ko, sa tingin ko at may hinala ako.
PAGSASANAY Bumuo ng pangungusap na nagbibigay ng hinuha gamit ang mga salita sa ibaba. 1. Wari ______________________________________________________________ 2. Marahil ______________________________________________________________ 3. Siguro ______________________________________________________________ 4. Sa palagay ko _________________________________________________________ 5. Sa tingin ko ___________________________________________________________ 6. May hinala ako ________________________________________________________
Aralin 5:
Ang Mga Panandang Leksikal
Sa halip na baguhin ang isang buong akda ay maaari itong ayusin gamit ang mga salitang makatutulong sa pagpapatingkad at pagpapalinaw ng mga pahayag. Kung kayaâ€&#x;t ginagamit ang mga panandang leksikal kapag may kaugnayan ang talata sa isang teksto o pangungusap sa isang talata. Nakatutulong ito upang mas maging malinaw ang pagkakalahad. Narito ang mga panandang leksikal. 1. Inuulit na Salita – inuulit sa ibang pangungusap ang isang salita sa unang pangungusap upang magkaroon ng dalawang magkasunod na pangungusap. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
54
Halimbawa: Paborito ko ang Eclipse. Uulitin ko bukas ang panonood ng Eclipse. 2. Singkahulugan – paggamit ng kasingkahulugan ng salita sa loob ng pangungusap. Halimbawa: Musmos pa lang ako nang mamatay si Lolo. Hindi ko gaanong maalala dahil bata pa ako. 3. Kasalungat na kahulugan – paggamit ng magkaibang kahulugan sa loob ng pangungusap. Halimbawa: Si Jasmin ay may malagong buhok. Inaalagaan niya ito upang hind imaging manipis. 4. Ibang Porma ng Salita – pagtukoy ng salita sa naunang binaggit. Halimbawa: Ang edukasyon ay mahalaga sa akin kaya pagbubutihin ko ito. 5. Kolokasyon – magkapares na salita na palaging ginagamit sa pangungusap. Halimbawa: Huwag mong bigyan ng sama ng loo bang iyong mga magulang. 6. Enyumerasyon – pagkakasunud-sunod ng hakbang o proseso. Halimbawa: Ang ginawa ko ngayong araw ay una, nagbasa sunod, nagsulat at panghuli ay nagpahinga. 7. Transisyon – paglilipat ng panibagong diwa, kaisipan sa panibagong pahayag o talata. Halimbawa: Pumasa ako sa apagsusulit. Sa katunayan, kabilang ako sa top 10.
PAGSASANAY: Tukuying kung anong pandang leksikal ang ginamit sa sumusunod na mga pangungusap. 1. Pipis ang katawan ng aso. Payat, dahil hindi kumakain. 2. Malakas ang simoy ng hangin. Gusto ko pa naman ng mahina dahil natatakot ako. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
55
3. Ganito ako inalagaan ng aking ina: una, ibinigay niya ang aking pangangailangan, pangalawa, nagsakripisyo siya para makapag-aral ako at panghuli, buong puso niya akong minahal. 4. Mahal ko ang aking ama. Kung kaya, pahahalagahan ko siya. 5. Gusto kong magkaroon ng laptop. Bibili ako ng laptop bukas. 6. Tibay ng loob ang kailangan kung nais mong magtagumpay sa mga pagsubok sa buhay. 7. Ayon sa PAGASA, magkakaroon ng bagyo sa Batanes bukas ng tanghali. 8. Siya ang nagmahal ng totoo sa akin, ang aking ina. 9. Itinapon ko ang aking aklat. Kung kaya, napunit ang mga pahina nito. 10. Mataas ang marka ng aking ate subalit mababa ang sa akin. Aralin 6:
Pagbuo ng mga Salita mula sa Salitang-ugat o Punong Salita
Pagbuo ng mga Salita mula sa Salitang-ugat o Punong Salita 1. Pagalalapi – isang paraan ng pagbubuo ng salita sa pamamagitan ng paglalagay o pagkakabit ng panlapi sa salitang-ugat. Halimbawa: um+ayaw kain+an ma+kahoy mag+pinsan
= = = =
umayaw kainan makahoy magpinsan
2. Pag-uulit – isang paraan na kung saan ay inuulit ang salita o kaya ay sa paraang ganito: a) unang pantig ng salita Halimbawa: babaha, iiyak, kakanta b) dalawang pantig ng salita Halimbawa: dala-dalawa, pana-panahon c) buong salita Halimbawa: taun-taon, araw-araw, tuwang-tuwa
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
56
3. Pagtatambal – isang paraan ng pagsasama o pagkakabit ng dalawang salitang magkaiba na pinag-iisa lamang na kung minsaâ€&#x;y nagbibigay ng panibago o pangatlong kahulugan. Halimbawa: bahag+hari bahay+kubo
= =
bahaghari bahay-kubo
PAGSASANAY: Tukuyin ang pagkakabuo ng mga salita. 1. saka-sakali
_________________________________
2. dahan-dahan
_________________________________
3. anak-araw
_________________________________
4. binili
_________________________________
5. patunayan
_________________________________
6. nagtungo
_________________________________
7. minu-minuto
_________________________________
8. kapit-tuko
_________________________________
9. sasama
_________________________________
10. iiwas
_________________________________
YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL / COLLEGE
57