GRADE-1-FILIPINO

Page 1

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 1


YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 2


YUNIT I: MAGALANG AT MATALINO, YAN ANG BATANG PILIPINO Aralin 1 Gising Kaibigan, Huni at Tunog Ating Pakinggan PANIMULA Ipikit ang iyong mga mata, Isipin ng mga bagay o hayop na nakita at narinig habang papunta sa paaralan. Iguhit sa loob ng mga kahon ang bawat isa. (1)

(2)

(3)

(4)

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 3


MAKABULUHANG TALAKAYAN Tala-Sapan Basahin at unawain ang kahulugan ng bawat salita sa talaan. Talakayin ang mga tanong na may kaugnayan sa mga salita.

TALA: Salita at Kahulugan

USAPAN: Talakayan

Almusal – pagkaing inihahanda sa umaga

Bakit mahalaga ang pagkain ng almusal?

Bukid – isang lugar na pinagtataniman ng mga palay, gulay, at prutas; - Isang lugar kung saan maaari ring mag-alaga ng mga hayop tulad ng baka at kalabaw Ano-ano ang makikita sa bukid?

busina – tunog na nagmumula sa isang sasakyan Bakit dapat bigyan ng pansin ang busina ng mga sasakyan sa kalsada?

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 4


WIKA-LINANGAN Mga Huni at Tunog Iba’t ibang huni at tunog na nagmumula sa tao, bagay at hayop ang maririnig sa paligid. Maaaring malakas o mahina ang mga huni at tunog na ito. Pandinig ang nakakatulong upang matukoy ang pinagmumulan ng huni at tunog. Bigkasin ang huni o tunog na nalilikha ng bawat nakalarawan.

Tao

Bagay

Hayop

Sanggol – Uha! Uha!

Kotse – Beep! Beep!

Aso – Aw! Aw!

Lolo at Binata – Ssh! Ssh!

Telepono – Kring! Kring!

Bubuyog – Bzz! Bzz!

Batang babae at batang lalake – Psst! Psst!

Orasan – Tik! Tak!

Palaka – Kokak! Kokak!

Batang lalake- Haha! Haha!

Pito – Prrt! Prrt!

Kuting – Ngiyaw! Ngiyaw!

PAGSASANAY SA WIKA Isulat ang pangalan ng bagay o hayop na pinagmumulan ng huni o tunog na nakasulat sa bawat bilang. 1.aw! aw!

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 5


2. ngiyaw! ngiyaw!

3. twit! twit!

4. meee! meee!

5. kring! kring!

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 6


Isulat ang mga tunog ng hayop. Kulayan ang mga ito.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 7


YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 8


Aralin 2 Magandang Umaga, Pagbating Kay Saya PANIMULA Humanap ng kapareha. Awitin ang “Masayang Pagbati” sa saliw ng “Where Is Thumbkin.” Maaaring lapatan ng aksyon ang awitin. Masayang Pabati Magandang umaga! Magandang umaga! Sa iyo, sa iyo, Halina’t bumati Halina’t bumati At ngumiti, at ngumiti, MAKABULUHANG TALAKAYAN Tala-Sapan Basahin at unawain ang kahulugan ng bawat salita. Talakayin ang mga tanong na may kaugnayan sa mga salita.

TALA: Salitaan at Kahulugan

USAPAN: Talakayan

Magalang ka ba sa iyong mga kamag- aral? Paano mo ito ipinakikita? Bakit kinagigiliwan ng mga kinagigiliwan – kinatutuwaan; nagugustuhan matatanda ang batang magalang? Iginagalang mo ba ang iyong magulang – ina at ama mga magulang? Paano mo ito ipinakikita kamag-aral – kaklaseng babae o lalaki na kasama sa silid-aralan

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 9


WIKA-LINANGAN Magagalang na Pagbati at Pananalita Likas sa mga batang Pilipino ang pagiging magalang. Namamalas ito sa pamamagitan ng magagalang na pagbati at pananalita. Basahin ang mga halimbawa ng magagalang na pagbati at pananalita.  Magandang umaga po. (pagbati sa umaga)  Magandang tanghali po. (pagbati sa tanghali)  Magandang hapon po. (pagbati sa hapon)  Magandang gabi po. (pagbati sa gabi)  Walang anuman po. (pagsagot o paganggap ng pasasalamat)  Tuloy po kayo. (magiliw na pagtanggap sa bisita)  Makikiraan po. (daraan sa gitna ng mga taong nag-uusap)  Paumanhin po. (paghingi ng pasyensya sa taong nagawan ng kasalanan o mali)  Paalam na po. (magalang na sinabi ng taong aalis)  Salamat po. (pasasalamat)  Mano po. (paghalik sa kamay ng nakakatanda) PAGSASANAY SA WIKA Piliin ang tamang pagbati sa iba’t ibang pagkakataon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. 1. Nalimutan mo ang iyong baon. Hinatian ka ng iyong kaklase. a. Paumanhin sa iyo. b. Salamat sa iyo c. Walang anuman 2. Nagpasalamat ang iyong kaibigan pagkatapos mo siyang batiin sa kanyang kaarawan. a. Makikiraan. b. Walang anuman. c. Maraming salamat.

3. Linggo ng umaga, nakasalubong mo ang iyong guro sa simbahan. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 10


a. Magandang umapo po! b. Magandang tanghali po! c. Kamusta po kayo! 4. Dumating ang mga bisita ng iyong nakatatandang kapatid. a. Paalam na po. b. Paumanhin po. c. Tuloy po kayo. 5. Hindi mo sinasadyang natabig at nahulog ang aklat ng iyong kaibigan. a. Maraming salamat. b. Paumanhin, hindi ko sinasadya. c. Walang anuman.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 11


Aralin 3: Handa Ka Na Ba? Pasukan Na! PANIMULA Iguhit ang mga paghahanda na iyong ginagawa sa unang araw ng klase. Kulayan ito. Sumulat ng isang pangungusap tungkol dito.

MAKABULUHANG TALAKAYAN Tala-Sapan Basahin at unawain ang kahulugan ng bawat salita. Talakayin ang mga tanong na may kaugnayan sa mga salita.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 12


TALA: Salita at Kahulugan

USAPAN: Talakayan

bilin – isang mahalagang paalala

Ano ang mahalagang bilin sa iyo ng iyong mga magulang?

guro – nagtuturo sa mga bata ng bata ng pgbilang, pagbasa, at pagsulat

Bakit dapat igalang at sundin ang guro?

mag-aaral – batang pumapasok at nag-aaral sa paaralan

Ano-ano ang dapat gawin ng isang mabuting magaaral?

WIKA-LINANGAN Ang Alpabetong Filipino Ang Alpabetong Filipino ay binubuo ng dalawampu’t walong (28) titik. Mayroon itong limang (5) patinig at dalawampu’t tatlong (23) katinig. Bigkas-Ingles ang pagbasa sa bawat titik ng alpabetong Filipino. Ang titik na Ñ (enye) lamang ang may bigkas-Español.

Basahin ang bawat titik ng alpabetong Filipino. Aa (/ey/)

Bb (/bi/)

Cc (/si/)

Dd (/di/)

Ee (/i/)

Ff (/ef/)

Gg (/dyi/)

Hh (/eyts/)

Ii (/ay/)

Jj (/dyey/)

Kk (/key/)

Ll (/el/)

Mm (/em/)

Nn (/en/)

NGng

(/endyi/)

Ññ (/enye/) Oo (/o/)

Pp (/pi/)

Rr (/ar/)

Ss (/es/)

Tt (/ti/)

Vv (/vi/)

Ww (/dobolyo/)

Xx (/eks/)

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Qq (/kyu/) Uu (/yu/)

Page 13


Yy (/way/)

Zz (/zi/)

Nabasa mo ba nang wasto ang bawat titik?

PAGSASANAY SA WIKA Bigkasin nang malakas ang sumusunod na mga titik ng alpabetong Filipino. 1. Aa

6. Qq

2. Dd

7. Gg

3. Hh

8. Ww

4. Ññ

9. Vv

5. Mm

10. Zz

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 14


Isulat ang maliit na titik sa ibaba ng malaking titik.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 15


YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 16


Aralin 4: Batang Pilipino, Matulungin at Matalino

PANIMULA Ikaw ba ay may kapatid o kaibigang matalik. Idikit ang kanyang larawan sa gitna ng kahon sa ibaba. Sumulat ng mga magagandang katangian niya sa loob ng mga kahon.

Pumili ng kapareha. Sa pamamagitan ng iyong ginawa, ipakilala sa kamag-aral ang iyong kapatid o kaibigan. Ano ang iyong naramdaman matapos mong ipakilala ang iyong kapatid o kaibigan? YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 17


MAKABULUHANG TALAKAYAN Tala-Sapan Basahin at unawain ang kahulugan ng bawat salita. Talakayin ang mga tanong na may kaugnayan sa mga salita.

TALA: Salita at Kahulugan

USAPAN: Talakayan

kuwaderno – notbuk

Paano mo ginagamit nang tama ang iyong kuwaderno?

takdang-aralin – gawaing pampaaralan na ginagawa sa bahay

Bakit dapat gawin ang takdang-aralin?

nagagalak – natutuwa

Nagagalak ka bang tulungan ang iyong kamag-aral?

WIKA-LINANGAN Patinig at Katinig May limang patinig ang alpabetong Filipino. Ang patinig ay ang mga titik na Aa, Ee, Ii, Oo, at Uu. Bigkas-Ingles ang pagbasa sa bawat patinig. Basahin natin ang bawat patinig. Aa (/ey/)

Ee (/i/)

Ii (/ay/)

Oo (/o/)

Uu (/yu/)

Basahin ang mga salitang ito na nagsisimula sa patinig. agila

elepante

ibon

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

oso

unggoy

Page 18


Isulat ang nawawalang patinig upang mabuo ang salita para sa larawan.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 19


YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 20


YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 21


May dalawampu’t tatlong (23) katinig ang alpabetong Filipino. Walong hiram na titik ang kabilang dito. Bigkas-Ingles ang pagbasa sa bawat katinig ng alpabetong Filipino. Ang titik na Ñ (enye) lamang ang may bigkas-Espanyol.

Basahin ang bawat katinig sa alpabetong Filipino. Bb (/bi/)

Dd (/di/)

Gg (/dyi/)

Hh (/eyts/)

Ll (/el/)

Mm (/em/)

Nn (/en/)

NGng (/endyi/)

Pp (/pi/)

Rr (/ar/)

Ss (/es/)

Tt (/ti/)

Kk (/key/)

Ww (/dobolyo/)

Yy (/way/) Hiram na Titik Cc (/si/)

Ff (/ef/)

Vv (/vi/)

Xx (/eks/)

Jj (/dyey/)

Ññ (/enye/)

Qq (/kyu/)

Zz (/zi/)

PAGSASANAY SA WIKA Bilangin ang patinig sa bawat salita. Isulat ang bilang sa patlang. 1. lapis

6. upuan

2. bag

7. paaralan

3. papel

8. kartolina

4. watawat

9. pisara

5. mesa

10. orasan

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 22


Kulayan ang mga lobo na may katinig.

Kulayan ang mga prutas na may patinig.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 23


Aralin 5: Katawan ay Alagaan, Sakit ay Maiiwasan PANIMULA Halina at umawit. Gawin ito nang may aksyon. Ituro ang parte ng katawan habang inaawit. Paa Tuhod Balikat Ulo (ulitin ng apat na beses) Mukha Pisngi Tenga at Ilong (ulitin ng apat na beses) Dibdib Braso Beywang at paa (ulitin ng apat na beses)

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 24


Isulat sa bilog sa kanan ang tamang bilang ng bahagi ng katawan ayon sa larawan.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 25


MAKABULUHANG TALAKAYAN Tala-Sapan Basahin at unawain ang kahulugan ng bawat salita. Talakayin ang mga tanong na may kaugnayan sa mga salita.

TALA: Salita at Kahulugan

USAPAN: Talakayan

isports – palakasan; isang uri ng pisikal na Gawain

Anong uri ng palakasan ang iyong kinahihiligan?

hapag-kainan – isang hapag kung saan kumakain ang mga tao

Ano-ano ang makikita sa isang hapag-kainan?

Puyat – kulang ang oras ng pagtulog

Bakit hindi nakatutulong sa isang bata ang pagpupuyat?

WIKA-LINANGAN Pagsasaayos ng mga Titik Paalpabeto Basahin ang mga titik sa ibaba. Ano ang iyong napuna? Ang mga hanay ng titik ay hindi nakaayos nang paalpabeto. Kaya mo ba itong ayusin? Isulat ang sagot sa patlang. 1. B, D, A, C 2. K, J, M, L 3. Y, X, W, Z 4. H, G, I, F 5. R, Q, P, S Ang mga salita ay maaari ring isaayos nang paalpabeto. Ang unang titik ng mga salita ang tingnan upang maiayos ang mga ito nang paalpabeto. Halimbawa: aso rosas baboy sabon kabayo tambol

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 26


Pagsasaayos ng mga Salita nang Paalpabeto Ang mga salitang inaayos nang paalpabeto ay ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga titik ng alpabetong Filipino. Ang unang titik ng mga salita ang unang titingnan kung aayusin ang mga ito nang paalpabeto. Kung iaayos nang paalpabeto ang mga salitang pareho ang unang titik, gamitin ang ikalawang titik sa salita: Halimbawa: alikabok babae apa bilog aso buhay Magbigay ng limang bagay na makikita sa loob ng iyong silid-aralan. Isulat mo ito nang paalpabeto. PAGSASANAY SA WIKA Markahan ng tsek (ďƒź) ang patlang kung ang pangkat ng mga salita ay nakaayos nang paalpabeto. 1. bukid

paaralan

simbahan

tahanan

2. agila

baka

gagamba

pato

3. Bulacan

Tarlac

Laguna

Cavite

4. Cora

Isabel

Pam

Roma

5. Japan

Malaysia

India

Korea

Iayos ang mga salita sa tamang pagkasunod-sunod ayon sa alpabetong Filipino. 1. baboy damit anak sapatos mesa

_____________ _____________ _____________ _____________ _____________

2. puno hangin ngipin lupa Cagayan

_____________ _____________ _____________ _____________ _____________

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 27


3. reyna prinsesa kuwento sulat elepante

_____________ _____________ _____________ _____________ _____________

4. zoo walis yo-yo salamin Quezon

_____________ _____________ _____________ _____________ _____________

5. orasan Jose x-ray trumpo ulan

_____________ _____________ _____________ _____________ _____________

Aralin 6: Kaya Mong Gawin, Payo ay Sundin PANIMULA Ano-ano ang mga bagay na palaging ipinapaalala ng mga matatanda sa mga batang tulad mo? Subuking buuin ang mga ginulong titik upang mabuo ang mahahalagang turo ng matatanda sa mga bata. PGAMAMAON sa mga matatanda

pagsasabi ng ALSATMA

Maging ASM UNUIRN

maging GALMANGA

Maging GMAPISA

pagsasabi ng tapat PATAT

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 28


MAKABULUHANG TALAKAYAN Tala-Sapan

Basahin at unawain ang kahulugan ng bawat salita. Talakayin ang mga tanong na may kaugnayan sa mga salita.

TALA: Salita at Kahulugan

USAPAN: Talakayan

inaabangan – hinihintay

Anong okasyon ang iyong inaabangan?

pagmamano – paghalik sa kamay ng matatanda

Anong magandang katangian ang pagmamano sa mga matatanda?

payo – bilin o paalala

Bakit dapat sundin ang mga payo ng matatanda?

masunurin – sumusunod sa mga payo, bilin o utos masigla – punung-puno ng buhay

Paano maipapakita ang pagiging masunurin ng isang bata? Ano ang dahilan ng pagiging masigla ng isang taong masaya?

WIKA-LINANGAN Pagbuo ng Pantig Basahin ang bawat salita. payo

tatay

natulog

dasal

apo

gising

kuwento

lola

hintay

Nakabubuo ng pantig kapag pinagsama ang katinig at patinig.

Halimbawa: t k

+ +

a u

= =

ta ku

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

 

tasa kubo Page 29


+ +

e i

= =

me bi

 

Iba pang halimbawa. m + e k + l p + l

+ + +

d a u

= = =

med kla plu

m b

mesa bibe   

medyas klase pluma

Ang mga patinig na a, e, i, o, u, ay maaari ring maging pantig PAGSASANAY SA WIKA Bilangin ang pantig ng bawat salita at isulat ang sagot sa patlang. 1. ulan 6. pamahalaan 2. kalabaw

7. kasangkapan

3. payong

8. awitin

4. hagdan

9. suklay

5. palayan

10.

niyog

Aralin 7: Ipagmalaki, Batang Bayani! PANIMULA Kilala mo ba kung sino ang Pambansang Bayani ng Pilipinas? Magdikit ng larawan ng Pambasang Bayani ng Pilipinas sa loob ng kahon. Isulat ang kanyang pangalan sa ilalim ng kahon.

Pambansang Bayani ng Pilipinas

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 30


MAKABULUHANG TALAKAYAN Tala-Sapan Basahin at unawain ang kahulugan ng bawat salita. Talakayin ang mga tanong na may kaugnayan sa mga salita.

TALA: Salita at Kahulugan

USAPAN: Talakayan

Ang batang tulad mo ba bayani – isang taong gumawa ng kabutihan para sa ay maaaring maging isang kapwa o sa bayan bayani? Sa paanong paraan? Ano-ano ang mga kalye – daan; lansangan babalang makikita sa kalye? Napagal ka ba sa iyong napagal – napagod paglalakad patungo sa paaralan? Magiliw mo bang magiliw – masaya, malugod kinakausap ang iyong kapatid?

WIKA-LINANGAN Pagbuo ng Salita Ang pinagsamang katinig at patinig ay bumubuo ng pantig at ang pinagsamang pantig naman ay bumubuo ng salita. nars gu – ro dya – ni – tor pa – a – ra – lan pa – la – tun – tu – nan

    

isang pantig dalawang pantig tatlong pantig apat na pantig limang pantig

Bilangin ang pantig ng sumusunod na mga salita. Tukuyin ang may dalawa, tatlo, at apat na pantig. watawat

kuwaderno

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

simbahan Page 31


aklat pamayanan

lapis upuan

papel opisina

PAGSASANAY SA WIKA Isulat ang mga pantig ng bawat salita. Ano ang bilang ng pantig? Pantig 1. 2. 3. 4. 5.

medalya kalapati kalye lalawigan bus

Bilang

= = = = =

Pantigin ang bawat salita. Gumamit ng tuldok ( ) upang ihiwalay ang mga pantig. Halimbawa: pusa --- pu sa kama pila baso susi yelo buto mano niyog

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

ilaw ulan kendi kumot dahon lapis plato parke

Page 32


Aralin 8: Galing Mo, Ipagmalaki Mo! MAKABULUHANG TALAKAYAN Tala-Sapan Basahin at unawain ang kahulugan ng bawat salita. Talakayin ang mga tanong na may kaugnayan sa mga salita.

TALA: Salita at Kahulugan

USAPAN: Talakayan

artista – isang taong may talent at Sinong artista ang paborito mong lumalabas sa telebisyon, pelikula o pinanonood sa telebisyon? entablado baranggay – binubuo ng mga pamilya at pinamumunuan ng isang kapitan

Saang baranggay ka nakatira?

talento – angking kakayahan o talino

Ano ang iyong talento?

paligsahan – patimpalak, pagsubok sa talino o talento

Sumasali ka ba sa mga paligsahan?

hinahasa – tinuturuan o ginagabayan upang Paano mo hinahasa ang iyong mapagbuti ang talento talento? WIKA-LINANGAN Pagbuo ng Salita na may Isa o higit pang Pantig Naaalala mo pa ba ung paano nabubuo ang pantig? Ano man ang mabubuo kung pagsasamahin ang mga pantig? Tingnan ang mga halimbawa: ba + ku + ran = bakuran ha + ngin = hangin tu + big = tubig Nakabubuo ng salita kapag pinagama-sama ang mga pantig. Subukang bumuo ng pantig gamit ang mga sumusunod na patinig at katinig. Pagsamahin ang mga pantig upang makabuo ng payak na salita. patinig aeiou katinig b k d h l m n ñ ng p r s t w y YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 33


PAGSASANAY SA WIKA Pumili ng isang pantig mula sa talaan. Isulat ito ng dalawang ulit upang makabuo ng isang salita. Bumuo ng limang salita. pak

dag

bit

bay

sing

sik

lib

pay

dib

ding

1. 2. 3. 4. 5. Isulat sa patlang ang nawawalang pantig upang mabuo ang pangalan sa larawan.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 34


YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 35


YUNIT II: IKAW AT AKO MAGKAPAMILYA, SA TAHANAN MASAYANG MAGKASAMA Aralin 1: Bahay Man ay Munti, Lahat Naman ay Nakangiti PANIMULA Sino-sino ang kasapi ng iyong pamilya? Ilan ang miyembro nito? Magdikit ng larawan ng iyong pamilya sa loob ng kahon. Ipakilala sa klase ang bawat miyembro ng iyong pamilya.

MAKABULUHANG TALAKAYAN Tala-Sapan Basahin at unawain ang kahulugan ng bawat salita. Talakayin ang mga tanong na may kaugnayan sa mga salita.

TALA: Salita at Kahulugan

USAPAN: Talakayan

balahibo – buhok na tumutubo sa katawan ng mga Bukod sa aso at pusa, ano hayop tulad ng aso at pusa; manipis na buhok sa pa ang mga hayop na may katawan ng tao balahibo sa katawan?

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 36


bunso – pinakabata sa magkakapatid

Sino ang bunso sa inyong pamilya?

kuwento – maikling salaysay tungkol sa isang pangyayari; maaaring totoo o di-totoo; maaaring nababasa o napakikinggan

Anong kuwento na ang iyong nabasa?

WIKA-LINANGAN Pangngalan Ang pangngalan ay salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, pook, bagay, hayop, at pangyayari. Halimbawa:  Tao – babae, doktor, Daniel, Ginang Santos  Pook – ospital, parke, Romblon, Zamboanga  Bagay – aklat, damit, sapatos, upuan  Hayop – ahas, isda, leon, tigre  Pangyayari – kaarawan, kasalan, pista, Pasko PAGSASANAY SA WIKA Isulat sa tamang kahon itong mga pangngalan. bukid

anibersaryo

simbahan

palaka

lungsod

karpintero

mananahi

halaman

binyagan

bibe

Bagong Taon

salamin

suklay

lalawigan

kabayo

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 37


Tao

Pook

Hayop

Bagay

Pangyayari

Aralin 2: Tayo Na, Kaibigan, Sa Aming Tahanan PANIMULA Basahin ang bawat sitwasyon. Iguhit ang iyong sagot sa mga tanong. A. Mayroong kumakatok sa inyong pinto. Inutusan ka ng iyong nanay na buksan ang pinto. Dumating pala ang lolo at lola mo. Ano ang iyong gagawin?

B. Dumating galling probinsya ang inyong mga kamag-anak. Nakita mo na sinalubong sila ng iyong tatay at nanay. Ano ang iyong gagawin?

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 38


MAKABULUHANG TALAKAYAN Tala-Sapan Basahin at unawain ang kahulugan ng bawat salita. Talakayin ang mga tanong na may kaugnayan sa mga salita.

TALA: Salita at Kahulugan

USAPAN: Talakayan

karinderya – isang kainan; iba’t ibang lutong Ano ang makikita sa isang pagkain ang mabibili rito karinderya? lalawigan – probinsya palamuti – dekorasyon panauhin – bisita

Saang lalawigan makikita ang Hagdan-hagdang Palayan? Anong mga palamuti ang makikita sa mga kalsada tuwing may pista? Paano ang wastong pagtanggap ng mga panauhin?

WIKA-LINANGAN Kasarian ng Pangngalan Ang pangngalan ay may apat na kasarian. Ito ay ang mga sumusunod:  Pambabae – Aling Belen, nanay, Tiya Corazon  Panlalaki – Kevin, Joel, Mang Ricardo  Di-tiyak – bunso, kapitbahay, pinsan  Walang Kasarian – kutsara, plato, tinidor PAGSASANAY SA WIKA Tukuyin ang kasarian ng bawat pangngalan. Isulat sa patlang ang PB kung pambabae, PL kung panlalaki, DT kung di-tiyak, at WL kung walang kasarian. 1. Binibining Mendoza

4. telebisyon

2. Kuya Robert

5. nars

3. pari

6. kwaderno

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 39


7. sundalo

9. Mang Carding

8. Ginang de los Santos

10. guro

Sa bawat kahon, bilugan ang panggalan na may naiibang kasarian.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 40


Isulat ang pangngalan sa loob ng kahon na may tamang kasarian nito. ama regalo ninang sanggol ospital kalabaw yaya

artista pari kutsara tandang kusinero manang reyna

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

aparador baboy bundok tiya palengke bayani dalaga

tren kalaro santo magulang tsinelas bata ginoo

Page 41


Aralin 3: Halina at Silipin, Aming Magandang Hardin

PANIMULA Maghanap ng kapareha sa inyong klase. Pumunta sa inyong hardin. Pagmasdan ang kapaligiran sa lugar. Tukuyin ang mga magagandang bagay na makikita sa hardin. MAKABULUHANG TALAKAYAN Tala-Sapan Basahin at unawain ang kahulugan ng bawat salita. Talakayin ang mga tanong na may kaugnayan sa mga salita.

TALA: Salita at Kahulugan

USAPAN: Talakayan

hardin – isang lugar na may mga halaman at puno

Ano-ano ang makikita sa hardin?

yaman – bagay na pinahahalagahan nang lubos

Ano ang itinuturing mong kayamanan?

mainam – mabuti, magaling o maayos

Mainam ba para sa mga halaman sa hardin ang palagiang pagdidilig?

WIKA-LINANGAN Pananda ng Pangngalan: Ang at Ang mga Ang mga salitang ang at ang mga ay ginagamit na pantukoy sa ngalan ng tao, hayop, pook at bagay. Ang panandang ang ay ginagamit kapag ang pinag-uusapan ay isang pangngalan lamang. Halimbawa: ang bulaklak

ang hardin

ang puno

Ang panandang ang mga ay ginagamit kapag ang pinag-uusapan ay dalawa o higit pang pangngalan.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 42


Halimbawa: ang mga dahon

ang mga halaman

ang mga paru-paro

PAGSASANAY SA WIKA Punan ang patlang ng panandang ang o ang mga pangungusap.

upang mabuo ang

tatlong bata

1.

bata ay naglalaro sa parke.

kabayo

2.

kabayo ay mabilis tumakbo.

limang bulaklak

3. Makukulay

bulaklak na bagong pitas.

apat na mangga

4. Matatamis palengke.

manggang binili ni Lola sa

niyog

5.

puno ng niyog ay mataas.

Aralin 4: Ang Aking Itay, Haligi ng Tahanan

PANIMULA Sa gitnang kahon, idikit ang larawan ng iyong ama. Isulat sa patlang ang kanyang pangalan. Isa-isng isulat sa mga nakapaligid na kahon ang kanyang magagandang katangian.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 43


MAKABULUHANG TALAKAYAN Tala-Sapan Basahin at unawain ang kahulugan ng bawat salita. Talakayin ang mga tanong na may kaugnayan sa mga salita.

TALA: Salita at Kahulugan

USAPAN: Talakayan

karpintero – taong gumagawa ng bahay o Mahalaga ba ang ginagawa ng mga kasangkapan sa bahay isang karpintero? kasangkapan – kagamitan sa bahay tulad ng kabinet, mesa at upuan

Ano-ano ang mga kasangkapang pambahay na yari sa kahoy?

paalala – payo

Sinusunod mo ba ang mga paalala sa iyo ng iyong mga magulang?

WIKA-LINANGAN Pananda ng Pangngalan: Si at Sina Ang mga salitang si at sina ay ginagamit na pantukoy sa tiyak na ngalan ng tao. Ang panandang si ay ginagamit kapag ang pinag-uusapan ay isang tao lamang. Halimbawa: Si Nora

Si Tatay Romy

Ang panandang sina ay ginagamit kapag ang pinag-uusapan ay dalawa o higit pang ngalan ng tao. Halimbawa: sina nanay at tatay

sina Romil, Richard, at Rachelle.

PAGSASANAY SA WIKA Isulat sa patlang ang panandang si o sina upang mabuo ang pangungusap. 1. 2. 3. 4. Namimitas 5.

Abby, Elleni at Vim ay sumasayaw sa entablado. Bb. Silao ay nagsusulat sa pisara. itay at inay ay naglilinis sa hardin. Lolo Isko ng mga gulay sa bukid. Maricar, Rio, at Rowena ay papasok na sa paaralan.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 44


Aralin 5: Ang Aking Inay, Ilaw ng Tahanan

PANIMULA Sino ang katuwang ng iyong ama sa pag-aalaga sa iyo? Isulat ang kanyang pangalan sa gitna ng dayagram sa ibaba. Sa loob ng bawat kahon, isulat ang magagandang katangian taglay ng iyong ina. Ibahagi mo ito sa klase.

MAKABULUHANG TALAKAYAN Tala-Sapan Basahin at unawain ang kahulugan ng bawat salita. Talakayin ang mga tanong na may kaugnayan sa mga salita.

TALA: Salita at Kahulugan alintana – pansin pag-aaruga – pag-aalaga galak – tuwa; kasiyahan

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

USAPAN: Talakayan Bakit hindi alintana ng isang ina ang pagod? Bakit mahalaga ang pagaaruga ng mga magulang sa kanilang anak? Ano-ano ang mga bagay na nagbibigay ng galak sa iyo?

Page 45


WIKA-LINANGAN Panghalip Panao Ang panghalip panao ay ginagamit na panghalili sa ngalan ng tao. Ang ako (pamalit sa pangalan ng taong nagsasalita), ikaw (pamalit sa pangalan ng taong kinakausap) at siya (pamalit sa pangalan ng taong pinag-uusapan) ay halimbawa ng panghalip panao na ginagamit na panghalili o pamalit sa ngalan ng tao. Halimbawa: Ako ay masipag mag-aral. Ikaw ang matalik kong kaibigan. Siya ay aming kapitbahay. PAGSASANAY SA WIKA Isulat ang tamang panghalip panaong ako, ikaw o siya upang mabuo ang pangungusap. 1. Ang pangalan ko ay Andrea. ay pitong taong gulang. 2. ba ay pupunta sa kantina? Sasama ako sa iyo. 3. si Binibining Esteban, ang aking guro. 4. Masipag ang akin ina. rin ay mapagmahal. 5. Hindi po Alvin ang pangalan ko. po si Edward. Aralin 6: Malayo Man ang Kapamilya, Siya ay Mahalaga Pa Rin

PANIMULA Ipikit ang iyong mga mata. Maging malikhain. Mag-isip ng isang lugar na nais mong puntahan. Maaaring ito ay isang malayong bansa o lugar. Iguhit sa ibaba ang lugar na napuntahan mo sa iyong imahinasyon.

MAKABULUHANG TALAKAYAN Tala-Sapan

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 46


Basahin at unawain ang kahulugan ng bawat salita. Talakayin ang mga tanong na may kaugnayan sa mga salita.

TALA: Salita at Kahulugan

USAPAN: Talakayan

Payyo – palayan na tila hagdan sa gilid ng bundok Saan matatagpuan ang na makikita sa Banaue, Ifugao Payyo? klima – kalagayan ng panahon ng isang lugar

Ano ang klima sa Pilipinas?

WIKA-LINANGAN Panghalip Panao (Kami, Kayo, Sila) Ang kami (pamalit sa pangalan ng taong nagsasalita at kanyang mga kasama), kayo (pamalit sa pangalan ng mga taong kinakausap), at sila (pamalit sa pangalan ng mga taong pinag-uusapan) ay iba pang panghalip panaong panghalili sa ngalan ng dalawa o higit pang tao. Halimbawa: Kami ay namasyal sa parke. Kayo ang await sa programa. Sila ay uuwi sa probinsya. PAGSASANAY SA WIKA Isulat ang tamang panghalip panaong kami, kayo o sila upang mabuo ang pangungusap. 1. Sasali ba

sa aming paligsahan sa pagsayaw?

2. Ate Beth,

po ang aking mga kamag-aral.

3. Arnold, maiwan ka muna namin. Bibili lang palengke. 4. Masisipag na bata sina Kayla at Rani. 5.

ng prutas

sa

rin ay magagalang.

na lamang ang maglaro. Mag-aaral muna ako.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 47


Aralin 7: Mabait na Kapatid, Saya ang Hatid

PANIMULA Humanap ng kapareha. Ibahagi mo sa kanya kung sino sa iyong mga kaibigan, kamag-aral o kapatid ang mayroong katangiang nakatala sa ibaba. Isulat ang mga pangalan sa patlang.  Magalang si  Masipag si  Masayahin si  Madasalin si  Matulungin si  Mapagbigay si  Masunurin si MAKABULUHANG TALAKAYAN Tala-Sapan Basahin at unawain ang kahulugan ng bawat salita. Talakayin ang mga tanong na may kaugnayan sa mga salita.

TALA: Salita at Kahulugan

USAPAN: Talakayan

garahe – isang bahagi ng bahay o gusali na paradahan ng mga sasakyan

Ano ang makikita sa isang garahe?

Laguna – isang lalawigan sa Pilipinas na matatagpuan sa Timog-Luzon

Sino ang bayaning ipinanganak sa lalawigan ng Laguna? Paano mo ipinakikita ang pagiging magalang sa magulang?

magulang – ina at ama

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 48


WIKA-LINANGAN Panghalip na Pananong (Sino, Ano, Saan, Bakit) Ang mga salitang sino, ano, saan at bakit ay mga salitang pananong. Nagtatapos sa tandang pananong ang pangungusap na nagtatanong. Ang sino ay tumutukoy sa tao. Ang ano ay tumutukoy sa bagay,ang saan ay tumutukoy sa lugar, at ang bakit ay tumutukoy sa dahilan. Halimbawa: Sino ang pupunta sa Laguna? Ano ang bibilhin mo sa tindahan? Saan ka nag-aaral? Bakit kayo uuwi sa probinsya? PAGSASANAY SA WIKA Isulat ang tamang panghalip pananong na saan, sino, ano at bakit para sa mga sumusunod na tanong. Isulat ito sa patlang upang mabuo ang pangungusap. Maaaring ulitin ang sagot. 1.

kayo namasyal kahapon?

2.

ang kasama mo papuntang Bicol?

3.

nahuli ka ng pagdating?

4.

ang paborito mong laro?

5.

kaya tumawag si Sandie?

6.

kayo pupunta para sa inyong lakbay-aral?

7.

ang nakita mo sa hardin?

8.

nag-aaral ang kapatid mo?

9.

ang aawit sa ating palatuntunan?

10.

ang ibinilin ni Nanay sa iyo bago siya umalis?

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 49


Aralin 8: Isapuso at Isadiwa, Paggalang sa mga Matatanda PANIMULA Isulat ang pangalan ng iyong mga lolo at lola. Lolo:

Lola :

MAKABULUHANG TALAKAYAN Tala-Sapan Basahin at unawain ang kahulugan ng bawat salita. Talakayin ang mga tanong na may kaugnayan sa mga salita.

TALA: Salita at Kahulugan

USAPAN: Talakayan

kaarawan – araw ng kapanganakan

Kailan mo ipinagdiriwang ang iyong kaarawan?

orkidyas – isang uri ng namumulaklak na halaman

Ano-ano ang kulay ng bulaklak ng orkidyas?

magiliw – masaya at punong-puno ng buhay

Magiliw mo bang sinasalubong ang iyong mga lolo at lola kung sila ay dumadalaw?

WIKA-LINANGAN Panghalip na Pamatlig Ang mga panghalip pamatlig na ito (pagtuturo ng bagay na hawak o malapit sa nagsasalita), iyan (pagtuturo ng bagay na malayo sa nagsasalita at malapit sa taong kinakausap) at iyon (pagtuturo ng bagay na malayo sa nagsasalita at kanyang kausap) ay ginagamit sa pagtuturo ng bagay. Halimbawa: YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 50


Ito ang aking aklat. Iyang ang iyong kuwaderno. Iyon ang saranggola ni Pepe.

PAGSASANAY SA WIKA Bilugan ang panghalip pamatlig na ginamit sa bawat pangungusap. 1. Iyan ba ang natanggap mong regalo mula kay Micca? 2. Papasok ka na ba? Ito nga pala ang baon mo. 3. Ingatan mo ang bago mong sapatos. Binili iyan nina nanay at tatay para sa iyo. 4. Iyon ang Bulubundukin ng Sierra Madre. 5. Bakit ito ang napili mong bilhin? 6. Iyan ang aming bagong sasakyan. 7. Ito ang paborito kong gulay. 8. Saan ko kaya ilalagay itong payong ni Belen? 9. Iyon ba ang inyong alagang kalabaw? 10. Kay Arturo ang pandikit na ito.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 51


YUNIT III: MASAYANG MAMAMAYAN SA PAYAPANG PAMAYANAN Aralin 1: Malinis na Paligid, Kalusugan ang Hatid PANIMULA Ikaw ba ay isang batang malusog? Ano-ano ang iyong ginagawaa upang magkaroon ng isang malusog na pangangatawan? Iguhit at kulayan mo ito sa loob ng kahon.

MAKABULUHANG TALAKAYAN Tala-Sapan Basahin at unawain ang kahulugan ng bawat salita. Talakayin ang mga tanong na may kaugnayan sa mga salita.

TALA: Salita at Kahulugan

USAPAN: Talakayan

kanal – daluyan o daanan ng tubig

Bakit kailangang maging malinis ang mga kanal?

luntian – berde

Ano ang dapat gawin upang maging luntian ang kapaligiran?

WIKA-LINANGAN Pandiwa Ang pandiwa ay tumutukoy sa mga salitang kilos. YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 52


Halimbawa: Tayo ay magtanim ng mga halaman. Alagaan ang mga hayop sa paligid. Tayo ay maglinis ng ating paligid. PAGSASANAY SA WIKA Bilugan ang salitang kilos sa bawat bilang. 1. umalis

kahapon

araw

2. basket

bumili

laruan

3. doktor

puno

tumawa

4. pumitas

kaarawan

bundok

5. nagsimba

kapilya

sapatos

Aralin 2: Kaalaman ay Dagdagan, Pasyalan Ating Pamayanan MAKABULUHANG TALAKAYAN Tala-Sapan Basahin at unawain ang kahulugan ng bawat salita. Talakayin ang mga tanong na may kaugnayan sa mga salita.

TALA: Salita at Kahulugan

USAPAN: Talakayan

bantayog – isang simbolo na itinayo bilang Ano-anong bantayog ang parangal sa isang bayani nakita na ninyo? Saan kayo naglakbay-aral lakbay-aral – pagpasyal ng mga mag-aaral sa iba’t ng iyong mga kamagibang lugar upang matuto, kasama ng kanilang guro aral? Marami bang itinuro sa tour guide – tagapatnubay sa pangkat ng inyo ang tour guide sa namamasyal inyong lakbay-aral?

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 53


WIKA-LINANGAN Pandiwang Pangnagdaan Ang pandiwang pangnagdaan ay tumutukoy sa salitang kilos na naganap na o natapos na. Halimbawa: Pumunta kami sa Luneta. Nakita ko ang bantayog ni Dr. Jose Rizal. Sumusunod ako sa aking guro at mga kamag-aral. PAGSASANAY SA WIKA Ikahon ang pandiwang pangnagdaan sa bawat pangungusap. 1. Si Tatay ba ang bumili ng iyong sapatos? 2. Kumain sa restawran sina Tiya Ira at Tiyo Ico. 3. Kami nina Tess at Cordia ay namasyal sa Subic. Aralin 3: Kay Gandang Pagmasdan, Luntiang Kapaligiran PANIMULA Nakapamasyal ka na ba kasama ang iyong buong pamilya? Saan kayo nagpunta? Iguhit ang iyong sagot sa loob ng kahon. Ibahagi ito sa klase.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 54


Ano-anong mga bagay ang ginagawa kapag sama-sama ang isang pamilya? Bakit mahalaga ang pagsasama-sama ng isang pamilya? ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ MAKABULUHANG TALAKAYAN Tala-Sapan Basahin at unawain ang kahulugan ng bawat salita. Talakayin ang mga tanong na may kaugnayan sa mga salita.

TALA: Salita at Kahulugan

USAPAN: Talakayan

banda – grupong tumutugtog ng musika

Anong uri ng musika ang tinutugtog ng banda?

parke – pook-pasyalan

Ano-ano ang makikita sa isang parke?

programa – palabas

Ano-anong programa ang napapanood sa telebisyon?

WIKA-LINANGAN Pandiwang Pangkasalukuyan Ang pandiwang pangkasalukuyan ay tumutukoy sa salitang kilos na kasalukuyang ginagawa.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 55


Halimbawa: Naglalaro sa palaruan ang mga bata. Nagpapalipad ng saranggola sina Tatay at bunso. Sina Ruben at James ay nagbibisikleta. Kami ni Nanay Precy ang naghahain ng mga pagkain. PAGSASANAY SA WIKA Tukuyin ang pandiwang pangkasalukuyan sa bawat pangungusap. 1. Nagluluto sina nanay at tatay ng kakanin. 2. Si Bert ay kumakanta sa entablado. 3. Tinatahi ni Aling Corazon ang mga punda ng unan. 4. Kumakain ng almusal sina Jane at Joshua. 5. Naglalaro ng basketball ang magkaibigang Mark at Rico.

Aralin 4: Tayo ay Magulungan, Isulong Ating Pamayanan MAKABULUHANG TALAKAYAN Tala-Sapan Basahin at unawain ang kahulugan ng bawat salita. Talakayin ang mga tanong na may kaugnayan sa mga salita.

TALA: Salita at Kahulugan

USAPAN: Talakayan

junk shop – ditto dinadala at ipinagbibili ang mga lumang diyaryo, bote, lata at iba pang bagay na maaari pang gamiting muli

Ano-ano ang mga bagay na maaaring Makita sa isang junk shop?

recycle – muling paggamit ng mga bagay na itinapon na sana

Ano-ano ang mga bagay na maaaring i-recycle?

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 56


WIKA-LINANGAN Pandiwang Panghinaharap Ang pandiwang panghinaharap ay tumutukoy sa salitang kilos na hindi pa nagagawa o gagawin pa lamang. Tingnan ang mga halimbawa sa ibaba. Maglilinis sa likod-bahay Si Oscar.

Si Karena ay magtatanim ng halaman sa hardin.

Guhitan ng puting krayola ang Pandiwang Panghinaharap sa bawat pangungusap. 1. Maglalaro ba sina Oscar at Krena sa parke? 2. Si Arnel ang maghuhugas ng ating pinagkainan. 3. Sasali sa palaro sina Paulyn at Gerry. 4. Sina Gerald at kim ang sasayaw sa ating palatuntunan. 5. Aawit si Atheena sa kaarawan ng kanyang lola. PAGSASANAY SA WIKA Salungguhitan ang mga pandiwang panghinaharap sa talata. Si Maya ay nagpaplano para sa bakasyong darating. Pupunta siya sa probinsya ng kanyang lola at lolo. Dadalawin niya ang kanyang mga pinsan. Napag-usapan na nila noon na maliligo sila sa dagat. Sabik na siya ng pasalubong para sa kanyang lolo at lola. Kaya naman, mamaya ay bibili siya sa pamilihan ng mga pasalubong.

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 57


YUNIT IV ANG AKING SARILI MAIPAGMAMALAKI Aralin 1: LuzViMinda: Tahanan ng Magigiting na lahi

Salitang Pang-angkop Ito ang mga salitang ang pangunahing tungkulin ay ang pagsamahin ang dalawang salita, parirala or pangungusap. Ito ang nagigigng dahilan upang lalong maging magaan at madulas ang pagbigkas ng mga magkakasunod na salita o parirala. Pang-angkop na na, ng at g

na – ginagamit kung ang sinusundang salita’y nagtatapos sa katinig maliban sa n Halimbawa: masipag na tao Mahal na araw magaling na bata ng – ginagamit kung ang huling titik ng mga salita ay patinig Halimbawa: nagsasalitang mag-isa Pilipinong totoo tanging anak g – ikinakabit kung ang huling titik ay katinig na n

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 58


Halimbawa: bayang magiliw yamang di na ipinamahagi dahong tuluyang nalanta

Karagdagang Gawin: Pumili sa loob ng kahon ng tamang pang-angkop sa parirala at gamitin ito sa pangungusap. Na

1.

T’ boli____magaling

2.

Mangyan____matalino

3.

Tausug_____maabilidad

4.

Ita_____mahusay

5.

Ivatan____maganda

Ng

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

g

Page 59


ARALIN 2: KUWENTONG BAYAN, HALINA AT BALIKAN

PANGUNGUSAP NA PASALAYSAY Ang pangungusap na pasalaysay ay nagsasabi o nagbibigay ng mensahe. Nagtatapos ang pangungusap na pasalaysay gamit ang bantas na tuldok(.). Halimbawa: 1. Ako ay Pilipino. 2. Ang Pilipinas ay mayamang bansa na dapat pang pagyamanin. 3. Kahit sa murang gulang ay maaaring maging bayani.

Karagdagang Gawin: A. Gamitin ang mga salita sa pangngungusap na pasalaysay. Huwag kalimutanng maglagay ng tuldoksa pagtatapos ng bawat pangungusap. 1. Kuwento, bata _________________________________________________ 2. Bayan, kabayanihan _________________________________________________ 3. Aral, kabataan _________________________________________________ 4. Bansa, yaman _________________________________________________ 5. Kaunlaran, galing _________________________________________________

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 60


ARALIN 3: MAGULANG NG ATING BAYAN DAPAT PAKINGGAN Pangungusap na Patanong

Ang pangungusap na patanong ay humihingi ng impormasyon o kasagutan. Ito ay nagtatapos sa bantas na tandang pananong (?). Ito ay isang uri ng pangungusap na may layuning magtanong at nagtatapos sa bantas na tandang pananong. Halimbawa: 1. Ano ang layunin ng pangulo nang kausapin niya ang mga mamamayan? 2. Bakit nais ng mga mamamayan na makausap ang pangulo? 3. Paano magiging maayos ang ugnayan ng pangulo at mamamayan.

Karagdagang Gawin: Gamitin ang mga sumusunod na mga salita sa pangungusap na patanung. 1. Ano _________________________________________________ 2. Ilan _________________________________________________ 3. Bakit _________________________________________________ 4. Alin _________________________________________________ 5. Paano _________________________________________________ 6. Sino _________________________________________________ 7. Kailan _________________________________________________ 8. _________________________________________________

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 61


ARALIN 4: MAKIBALITA, GAWAING MABUTI NG ISANG BATA

Pangungusap na Pautos at Paki-usap Ang pangungusap na pautos - ay nagsasabi o nagbibigay ng utos. Halimbawa: 1. Umuwi ka agad pagkatapos ng klase. 2. Dalhin moang bag mo. Ang pangungusap na paki-usap – gumagamit ng magagalang na salitang paki, maari ba at pwede ba. Ito ay nagtatapos sa bantas na tuldok (.). o tandang pananong (?). Halimbawa: 1. Maari bang manood ng balita araw-araw? 2. Pakibukas ang telebisyon upang malaman ang bagong balita.

Karagdagang gawin: Basahin ang pangungusap sa bawat bilang. Gawin itongpangungusap na pakiusap o pautos. Tiyaking gagamitin ang tandang pananung sa pagtatapos ng pangungusap. 1. Nais kung bumili ng pahayagan. _________________________________________________ 2. Gusto kung buksan ang radio. _________________________________________________ 3. Hihiramin ko ang lapis ni Mildred. _________________________________________________ YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 62


4. Kukuha dapat ng magasin. _________________________________________________ 5. Bibili ako ng babasahing balita. _________________________________________________

ARALIN 5: Halalan, Kahit sa Murang Gulang, Dapat Malaman

Pangungusap na padamdam Ang pangungusap na padamdam – ay nagpapahayag ng masidhing damdamin dulot ng tuwa, galit, sakit, takot, gulat at iba pa, nagtatapos ang padamdam sa bantas na padamdam (!). Halimbawa: 1. Wow! Ang galing-galing mo! 2. Naku! Kailangang ikaw ang manalo! 3. Aray! 4. Yehey! Natapos ko na rin ang takdang aralin ko! 5. Naku! Naiwan ko ang mga aklat ko!

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 63


Karagdagang gawin: Lagyan ng tamang bantas at malaking titik upang maging pangungusap na padamdam. 1. naku siguradong maging lider ka, ikaw ang pinakamahusay na pinuno ng ating klase. ________________________________________________________ _______________________________ 2. hala baka mapagalitan ako ni nanay _________________________________________________ 3. wow ikaw nga ang panalo _________________________________________________ 4. aba ginulat mo ako sa resulta ng halalan _________________________________________________

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 64


ARALIN 6: BAYANI NG LAHI, DANGAL NG ATING LIPI Iba’t ibang uri ng Pangungusap sa Pagsasalaysay Ang pagsasalaysay ay isang paraan ng pagpapahayag. Katumbas ito ng pagkukuwento na naglalaman ng iba’t ibang ideya at impormasyon. Upang mabisa ang pagsalaysay, mahalagang gamitan ito ng iba’t ibang uri ng pangungusap. URI NG PANGUNGUSAP PASALAYSAY

PATANONG

PAUTOS/PAKIUSAP

PADAMDAM

Tuldok (.)

Tandang pananong(?)

Tuldok (.) Tandang pananong(?)

Tandang pananong (!)

ARALIN 7: GALING NG PINOY SA DAIGDIG, YUMAYANIG

Ang GRAPH ay representasyon ng mga datos na anyong nakaguhit (line graph), nakahanay (bar graph), larawan (picto graph), pahati sa bilog (pie graph). Sa tulong ng graph, madaling maunawaan at mabigyan kahulugan ang iba’t ibang impormasyon na nilalaman nito.

Ang MAPA ay nagpapakita ng direksyon at lokasyon ng isang lugar. Sa pamamagitan ng pagtingin sa mapa, matutukoy ang distansya ng isang

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 65


lugar at iba pang impormasyon nakapaloob dito. Pagsulat ng talata Upang maging malinaw ang nilalaman ng balita o mga impormasyong isusulat. Siguraduhing maayos ang pagkakasulat ng

talata. Ginagamit ang mga uri ng pangungusap na natalakay na sa unang bahagi ng aralin sa pagsulat ng talata.

BALITA/IMPORMASYON

Iba’t ibang layunin:  magbigay-kaalaman  manghikayat  mang-aliw

Paggamit ng Pangungusap Pasalaysay patanong Pautos padamdam

YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 66


YOUNG JI INTERNATIONAL SCHOOL/COLLEGE

Page 67


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.