MGA APO NI ABRAHAM “Of all our languages, the Tagalog has been adjudged the best by scholars. “I found in this language,” said Padre Chirino, eminent Jesuit-historian, “four qualities of the four greatest languages of the world – Hebrew, Greek, Latin and Spanish. It has mystery and obscurities of the HEBREW.. “History of the Filipino People”, page 24, by Gregorio F. Zaide
Sa ating panahon sa ngayon ay napakagulo na ng kaisipan ng ating mga Kababayan. Wala na tayong tyaga, wala na tayong respeto, wala na tayong tiwala, wala na tayong ginagalang, wala na tayong sinusunod, at lalong-lalo na, wala na tayo sa sarili nating orihinal na kaisipan, orihinal na kultura, orihinal na mithiin at orihinal na pagkatakot sa Lumikha. Ito ang dahilan ng ating mga kaguluhan dahil wala na sa atin ang orihinal na kaisipan at adhikain na ipinamana sa atin ng ating mga ninuno. Tingnan mo ngayon imbis na humingi ng payo ang anak sa magulang, sa mga pastor ng relihiyon magtitiwala. Ang magulang naman ay hindi kasapi ng relihiyon ng pastor, kaya „one-sided‟ ang magigiging payo ng pastor sa bata. Ano na ang halaga ng payo ng magulang sa anak, ang magulang ay wala ng kwenta sa anak. Ito ay isang malaking kasiraan sa pundasyon na ipinamana sa atin ng ating mga ninuno na igalang ang ating mga magulang. Kanya-kanyang relihiyon na ang lumabas, kanya-kanyang grupo ng politika ang lumabas, kanya-kanyang samahan ang lumabas, kaya ang resulta nito ay kanya-kanya na tayong lahat. Ito ay isa na namang malaking kasiraan sa pundasyon na ipinamana sa atin ng ating mga ninuno na dapat tayo ay magka-isa. Bakit Ba Hindi Tayo Magka-isa Sa isang pamilya ay dapat ipaalam sa mga anak ang istorya ng nakalipas na mga ninuno upang mabatid ng anak ang kanyang pinanggalingang-lahi nang sa ganitong paraan ay mau-unawaan niya kung bakit ganoon ang kanyang ugali at kung bakit ganoon ang kanyang nais at mga adhikain. Sa kasalukuyan ay hindi batid ng bawat isa nating Kababayan ang orihinal na pinanggalingan ng ating lahi kaya litung-lito ang bawat isa sa paggaya sa mga gawi ng banyaga na hindi naman angkop sa ating panlasa at kapanatagan. Naniniwala ba kayo na kung orihinal kang pangkaraniwang magsasaka o manggagawa ay kahit patirahin ka sa Whitehouse ay hindi ka matutuwa, dahil hinahanap-hanap mo ang nakagawian mong orihinal na buhay. At