Condemned building ng Puguis, ipapagamit sa estudyante

Page 1

Super Lotto 6/49 - 28-19-40-33-10-45...p6

SA LOOB: Mag-ingat sa pagsalakay ng Dengue...p2

Vol. II/Issue No. 37 Mayo 26 - Hunyo 1, 2013

BenguetCorp sumuporta sa Brigada...p3 Baguio is beautiful...p4

Website: www.amiananbalitangayon.com E-mail add: amiananbalita@gmail.com

P 10.00

Condemned building ng Puguis, ipapagamit sa estudyante Ni: Thom F. Picaña

L

A TRINIDAD, BENGUET – Maaaring malagay sa panganib ang ilang estudyante ng Puguis Elementary School kung hindi maaagapang kumpunihin ang 12 classroom na ayon sa mga guro at ng Parents and Teachers Association ay tatlong taon ng idineklarang “condemned building” subalit patuloy pa rin itong ginagamit ng mga estudyante. Napag-alaman na ang anim na classroom ng Grade 1 at anim na classroom ng Grade 6 ng Puguis Elementary School ay idineklarang “condemned” na gusali, ibig sabihin ay hindi na dapat ito ginagamit dahil sa anumang oras ito ay maaaring gumuho at maaaring magbigay ng kapinsalaan sa mga nakatira o gumagamit nito. Ang sitwasyong ito ay napag-alaman ng Amianan Balita Ngayon matapos itong maglibot sa mga paaralan hindi lang sa Baguio Central School at Doña Josefa Cariño Elementary School na kasalukuyang nagsasagawa ng Brigada Eskwela na isang paghahanda sa pasukan ng mga bata sa darating na Hunyo 3, 2013. Sa pakikipanayam kay Lilian Ulep, principal ng Puguis Elementary School, sinabi niya na abala rin sila sa pagkukumpuni ng mga silid-aralan na may sira na ang bubong, dingding at mga upuan subalit inamin ni Ulep na problema nila ang pagdagsa ng mga bagong estudyante na inaasahan nilang aabot ng 200 na transferee ito ay sa kadahilanang pagtaas ng

1,200 estudyante maaaring manganib

BRIGADA ESKWELA. Tulung-tulong ang mga pulis ng Baguio City Police Office at mga guro ng Doña Josefa Cariño Elementary School sa pagkukumpuni ng mga upuan at dingding ng paaralan bago sumapit ang pasukan sa Hunyo 3, 2013. Makikitang nagsu-supervise si Sr. Supt. Jesus Cambay, city police director ng BCPO kina Supt. Edward Aquintey, PCR chief ng BCPO at sa isang grade six na estudyante sa paglagare sa itatakip na kahoy sa mga upuan. Kuha ni: Thom F. Picaña

matrikula sa mga pribadong paaralan. Aniya, umaabot sa 1,088 ang kasalukuyang estudyante subalit dahil sa pagdagsa ng mga bagong enrollees maaring umabot na sa 1,200 mahigit ang kanilang mga estudyante. Idinagdag pa niya na may tatlong guro lamang ang maidadagdag sa existing na 33 na guro. Nabanggit pa ni Ulep na problemado pa

“Neneng at Totoy Pulis” sa Brigada Eskwela Nina: Thom F. Picaña at Mario D. Oclaman

L

UNGSOD NG BAGUIO - Sa pakikipagtulungan ng Baguio City Police Office at ng Angels Behind the Shield Inc., ay isinagawa ang Brigada Eskwela na pinangunahan ng mga grade school pupils tampok ang “Neneng at Totoy Pulis bilang modelong mga estudyante na maturuan sa pagkukumpuni at paglilinis sa loob at labas ng mababang paaralan ng Doña Josefa noong ika-24 ng Mayo. Sa panayam ng Amianan Balita Ngayon kay PCSupt Benjamin B. Magalong ay buong suportang nakatutok ngayon ang kapulisan para sa isinasagawang brigada eskuwela at nakahandang maglaan ng mga materyales na pangangailangan sa mga mababang paaralan at may mga skilled carpenters na mga pulis na tutulong din sa pagsasaayos ng mga sirang upuan at mesa, kisame, dingding at mga pintuan. “Inaasahan na sa unang araw ng pasukan sa June 3, ay magsasamantala ang mga masasamang loob para bumiktima sa mga estudyante, kaya paiiralin natin na maglagay ng pulis sa bawat paaralan upang mabantayan at manmanan ang posibleng mangyaring NENENG sa pahina 6

sila sa anim na classroom ng Grade 2 dahil kasalukuyang nasa bingit ito ng legal litigation dahil sa mga claimants. Ani Ulep marami na silang tangka ng paghingi ng tulong sa mga pribadong organisasyon subalit nawala ito dahil hindi pa ito pag-aari ng DepEd kung kaya’t naging dahilan upang hindi TATLONG TAON sa pahina 6

BRIGADA ESKWELA. Kapit-bisig sa pagsasaayos at pagkukumpuni sa paaralan upang masiguro ang kahandaan sa muling pagbubukas ng klase ng Baguio Central School ang Baguio Guardians Brotherhood Inc. Elders Council at United Guardians Brotherhood Inc., Board of Trustees sa pangunguna ng team leader Carlos Meneses (gitna) kasama si William R. Rilveria, Principal IV (inset).


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.