(Tula) Babae: Bigkas, Tikas, Danas

Page 1

Babae: Bigkas, Tikas, Danas ni Andrew Estacio ‘Pag binibigkas ng manipis kong labi ang ‘babae’, Bumubuka ang bibig, Tatlong beses sa tatlong pantig Rinig ko ang pumuputok na bula-- ‘ba’, ‘ba’ Sunod ang pag-ubos ng hangin sa’king baga- ‘eh’ Babae. Rinig ang mga putok at hingang pinapatunog ng baybayin Sa isang banda’y naiiba’t lumalakas ang tunog Sinasabayan ng iri ang paghinga-‘ehh’ Nahahapdian Nasasaktan Nag-iinit Napapaso sa sakit Habang inuungulan ninuman Huminto. Sa sandaling pagpitik, pumutok. Huminto. Walang hininga. Di na naungol. Duguan habang nababalutan ng dilim sa damuhan-Yaong babae. Tatlong taon ang nangagdaan Nang narinig ko ‘yung balita Babae, dalaga, dalaginding, Niratrat, pinasukan, pinilasan Kaya’t di magkamayaw ‘tong si Ina Hinahaplos ang rosas kong balat Binabantayan ako, pinahihina’t kinukulob-Sa saradong talutot sa’ki’y bumabalot Pinaikot na’ko sa hulmahan-Boses, pinaliit Kamay, pinatikwas Buhok, pinahaba Kilos, pinahinhin Hita, pinatikom-Itinikom, sinikipan, kinandado. “Ne, mag-asal kang babae” Kakayahan, pinahina.


Timplado kong maskara, tanaw ng mga mata Matang paikut-ikot sa pasilyo Pinogramang rumolyo sa timplado Pag tinapatan ng korneya’t ayris, Kilala kung ano ako—babae. Lumalaki ‘tong pyupil ng ilan Otomatik sa malaki ang balakang Maya-maya’y maglalaway pa ‘yan Nagbabadyang ako’y looban Gabi na noon. Sakay-sakay pa ko ng behikulo Kinikilabutan ang mga metal nito Di rin makaimik ang ilaw Umuubo-ubo ang motor, Minamaneho ng isang Lalaki. Huminto. Pinatigil ako sa walang ilaw Hinablot ng lalaki ang malamya kong kamay Sa tabi, sa damuhan ng mga patay Para kong manikang binalibag Pilit kong tinitikom ang hita, Isinisigaw ang di marinig na boses, Inilalakas ang mahinang bitalidad Walang ideya sa lalaking nangkikiskis na ng katawan Umiiyak ang mga damo Di makakibo ang buwan Habang ako’y dinadaganan, Nililingkisan, Walang kalaban-laban. Ramdam ko ang multo ng nakaraan Nakakapa ko ang bangkay n’ya Ang hiniwang laman Basag na bungo Ramdam sa’king kinahihigaan Lumalakas na mga tunog Dati kong narinig sa kanya Ngayo’y lumalabas sa’king bibig-Sinasabayan ng iri ang paghinga Sinasakitan ng tiyan sa hagulgol Nagagasgas ang lalamunan kasisigaw Ngunit mahinang mahina pa


Sa pag-ungol ng leyong pumapatong Huminto. Sa sandaling pagpitik, pinutukan. Huminto. Walang hininga. Di na umungol. Duguan habang nababalutan ng dilim sa damuhan-Ako. Babae. Bata-batalyon kaming Binababaan ng tingin Kapag binigkas—‘babae’ Para bang bulnerable Lapitin ng delinkwente Babae? Mga Babae! Wala nang talulot sa’mi’y kukulob Di na kami babalibagin sa damuhan Taas-kamaong lalabas Babaguhin ang hulma ng mga mata Sa susunod pagbigkas-‘babae’ Aangat sa kalangitan, Ang kahulugan-‘abante’ Go Papat! #womenempowerment #isupportPapat



Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.