Andrew Estacio’s
Road to Heaven _____________________________________________________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Estacio
“If you are distressed at anything external, the pain is not due to the thing itself, but to your estimate of it; and this you have the power to revoke at any moment.� -Marcus Aurelius
2
Road to Heaven
Kabanata 1 “Ano, ready ka na? Parating na sila.” Nakasuot na ang maikling palda ni Violet na umaabot hanggang sa kalahati ng hita. Naka-tape na rin ang bandang ibaba ng kanyang dibdib para ito’y kumorte at lumaki, tinalian pa niya ang kanyang mahiwagang sandata nang magmukhang tunay na babae. “Beshie, kinakabahaan ako eh.” Sariwa pa ang lipstick sa kanyang sabik na labi. Handa nang kumagat, handa na rin yatang magpakagat. “Bakla, ang arte mo. Enjoyin mo na lang ang gabi. Marami ka pang kakaining saging, este bigas.” Naghintay ang dalawang magkaibigan sa tabi ng kalsada. Pinilit nilang ‘wag magpadala sa kaba at kabigatan ng trabaho. Sa edad nilang bente-tres ay may gana pa rin silang magpaka-sariwa. Buti na lang walang masyadong ilaw sa kalye. Hindi sila pinagtinginan ng mga tao at tambay sa daan. Ngunit natanglawan naman ng mga mapagmasid na bituin at buwan ang mga glitters at sequins na nakagat sa kanilang mga katawan. Maya-maya pa’y may dalawang lalaking sumalubong sa harapan nila. Kaunting usap, kaunting halakhak, sabay akbay sa kanilang balikat. Sulit ang pabango at polbong bumalot sa amoy lawayng-kahapon na katawan ni Violet. Mukhang gusto siya 1
Estacio ng kanyang kasamahan. Mamaya ay magagamit na niya ang kanyang makapal at makintab na labi sa pangangagat. Labing may pinaghalong lipstick at panis na laway. May balak pa yata siyang sabay na makipagkagatan kay Beshie. Umalis sila’t nagtungo sa kani-kaniyang mga lugar na pagdarausan ng mainit at makalangit na ritwal. Nawala na ang mga maiikling palda sa daan. Natahimik ang kalyeng pinagtitipunan ng mga tigang na bayarin. *** “Magkano?,” tanong ng lalaki matapos isuot ang puting brief. Malibag na’t di nilabhan ng isang linggo. Di alam ni Violet na abogado pala ang natikman niya kahit na ang mukha’y hugis melon at may nunal pa sa baba, malaki pa ang tiyan at libagin din ang singit. Tumingin siya sa bintana, sa ulap, nahiya pang makipagtitigan kay Violet na nakahiga pa sa kamang amoy katas ng pakikipag-coitus. “Four lang” Pumikit si Violet at hinagis sa kanya ang malulutong na apat na libong galing pa yata sa maruming bayad ng defendant na hinawakan ng abogadong mukhang melon. Heto na naman ang umagang puno ng pangongonsensya. Lagi niyang isinusumpa si haring araw sa pagpaparanas sa kanya ng walang sawa na namang hirap ng reyalidad. Tuwing may liwanag,
2
Road to Heaven nadarama ni Violet, di ang paglapnos ng kanyang hinipong balat, kun’di ang paggambala sa kanya ng pagsisisi at matinding depresyon. Di na tumingin sa kanya ang customer. Umalis na lamang ito’t sabay ‘bang’ ng pinto. Nawala ang melong pinatulan ni Violet. Ayan, magtatalukbong na naman siya ng kumot at magdadrama. Bakit ko ba ‘to ginawa? Nakakahiya. Di malaman kung dala ba ito ng post-coital tristesse kaya may awkward feeling matapos makipagtalik o sadyang sawa na siya sa buhay na puno ng paghihirap kaya idinadaan na lang niya sa pangangama ang solusyon. Tumayo siya’t tinitigan ang nagniningning niyang palda na itinapon sa sahig. Hinagkan pa niya ito’t tinuluan ng kanyang di mapigilang luha. Luha pa, sige pa, habang hubot’ hubad mag-isa. Kumatok si Beshie sa kanyang pintuan. “Hoy, Violet! Tara na. Baka pagalitan pa tayo ni Boss niyan. Kaylangan na nating ibigay yung bayad sa kanya.” “Heto naman, malapit na ho.” Itinali niyang muli ang maliit na sandata, isinuot ang kanyang pink Hello Kitty panti at maikling palda, ikinabit ang may monay pang bra, at nagbaro ng backless shirt. Malamang, ganyan ulit ang kanyang kasuotan mamayang gabi.
3
Estacio Lumabas siya sa room A1 ng Pompeii inn nang nakayuko, ayaw ipakita ang ikinahihiyang mukha. Baka makilala siya ng mga parokyanong madalas doon magcheck in. Samantalang ang kanyang kaibigan, si Beshie, may hawak pang sigarilyo’t nakasandal sa may pasilyo. Wala siyang pakeelam sa kung sino man ang makakakita sa kanya. Ang alam lang niya’y nakipagtalik siya sa lalaking singkwenta ang edad at ngayon ay namamasa na ang kanyang singit at kilikili sa sobrang init at inip kay Violet.
4
Road to Heaven
Kabanata 2 Lumaki si Violet sa Baranggay Kopkopan. Narito ang mga samu’t saring establisyimento: factory, malls, hotels, banko, mansions, villages, restaurants, at syempre ang mga motel na mas malakas pa yata ang kinikita kaysa sa iba. Kaya maunlad ang baranggay. Sa tapat lamang ng bahay nina Violet, ancestral house na tinupok na ng mga patay-gutom na anay, nakatayo ang bagong gawang simbahan ng Mahal na Birhen ng Piat. Bata pa lamang, pangako niya sa sarili na… “Magpapari ako!” Relihiyon ang ikinamulatan niya simula pagkabata. Sabi ng kanyang ina ibinigay daw siya ng anghel sa kanya kaya s’ya ubod ng gwapo. Maputi, may matangos na ilong, may mala-Adonis na labi na ayaw magpahalik, at may mala-Piolong mata si Violet. Sangkatutak na pedopilya ang naglaway at nagkagusto sa kanya. Ngunit hindi niya ito pinansin, bagkus… “Si God pa rin ang love ko. Magpapari pa rin ako!” Desidido ang inosenteng bata na maabot ang kanyang pangarap na tumayo sa tabi ng altar at awitin ang Aleluya sa mga tao. Ang Mahal na Birhen ng Piat, sa kabila ng kaitiman nito, ay kinawilihan niyang bisitahin. Nakasanayan niyang tulusan ng kandila at alayan ng sampagitang tinutong ang talutot ang poon. Matapos ay luluhod pa 5
Estacio siya’t magdarasal nang taimtim. Parang Santino. Asahang matagal ang kanyang pagtitig at pagobserba sa rebulto. Minsan ay tinabihan pa siya ng isang matandang ale, ke panghe pa ng suot na bestida, at tinanong kung bakit matagal niyang sinipat ang imahe ng birhen. Ang sabi naman ni Violet na nagtiis sa mapangheng amoy, “Eh kasi po nagde-design ako ng damit ni Mama Mary. Parang hindi bagay ang blue dun sa malobo niyang damit. Gusto ko po violet gown. Tsaka gusto ko rin po ng mas maganda pang crown, ‘yung parang sa Miss Universe. Tapos po…” “D’yusko kang bata ka. Ke gwapong lalaki, e kabaklaan ang iniisip! Magdasal tayo’t magpasalamat laang sa biyaya ng Diyos.” “Hindi po! Magpapari pa nga po ako eh. Tsaka maitim si Mama Mary, papaputiin ko pa ho siya kapag naging pari na ako.” Hanggang ngayon pa rin naman ay nadadalaw si Violet sa simbahan. Ngunit hindi kasing dalas noong bata pa siya. Hindi niya maiwasang ngumiti kapag naaalala ang nakaraan. Nakatago pa nga sa isang tupperware ng Selekta ice cream ang mga nakatuping papel na may mga disenyo ng damit para sa poon. Hindi niya lubos maisip na hindi nagkatotoo ang kanyang pangarap. Baka naman kasi hindi nakinig ang panginoon, o baka tinakpan ng birhen ang tenga nito.
6
Road to Heaven Ayaw yata sa mga dinisenyong damit. Naisip din niya kung talaga bang may birhen na namuhay sa mundong ito. Yung tipo ng tao na napakalinis, may pusongmamon, walang pagkakasala, virgin kung virgin, walang hipo mula kay Angel Gabriel. Ngunit imposible. Naisip ni Violet kung hindi man lang ba niya pinagpapalo’t hinambalos si Ninyo sa puwet noong siya’y bata pa. Bata rin siya-- makulit, sanay maglayas at pumunta sa templo nang mag-isa upang magmarunong sa mga ke tatandang pantas. Lagi niyang kinu-kuwestyon ang tunay na kwento ng bibliya. Tinawanan na lang niya ang kaitiman ng Piat. Yun pa lang kapintas-pintas na. Racist. Minsan na ring naghanap si Violet ng isang Mama Mary. Nanay na mukhang hindi nanghahambalos, malinis, walang pagkakasala, malaya sa kamunduhan, perpekto. Ngunit imposible pa rin. Nakita niya ang impyerno sa kanyang inang may sanib ni satanas. Kasing itim ng Piat ang kutis ng kanyang ina. Madalas isipin ni Violet na siya ang buhay na poon, ngunit tinubuan ng sungay. Isang gabi, sa kalagitnaan ng malakas na ulan, nagising ang batang Violet dahil sa tulo ng tubig mula sa butas nilang kisame. Madilim ang kanyang antik na kwarto. Takot siyang gumalaw. Baka kasi daganan, hipuin o isubo siya ng multong puti ang balat at contortionist.
7
Estacio Kumulog at kumidlat. Dali-dali niyang tinalukbong ang kumot sa nanginginig niyang katawan at nagdasal ng Aba Ginoong Maria. Nanginginig din ang kanyang mga daliri, di maiwasan na isubo ito at kutkutin ang mga ngiping dilaw sa sobrang takot. Walang anu-ano’y, unti-unting bumukas ang pinto. Dahan-dahan pang kumaluskos hanggang sa nakarinig siya ng mga yapak ng paa. Tug-tug-tug. Takot na pati ang sahig, gawa pa sa madamdaming narra, na ngayo’y unti-unting inaapakan ng kapre, aswang, tiktik, birhen ng Piat, matandang ale na mapanghe, o kung sino pa mang multong pumasok sa kwarto ni Violet. “…nappp-puno ka ng grasss-sya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo…,” patindi nang patindi ang kanyang panalangin. Papalapit sa kanya ang presensya ng pumasok na nilalang. Habang nakapikit, narinig niya ang mga bulong nito, para bang may gustong sabihin sa kanya. Nakakapangilabot, nakakatakot para kay Violet. Patuloy siyang nagdasal nang mahina’t siya lang ang nakaririnig. “…bukkk-kod kang pinagpala sa babaeng lahat, at pinagpala ng iyyy-yong anak na ss-ssi Hesus…” Ngunit naramdaman niyang dahan-dahan na itong lumakad papalayo, papunta sa kabilang kuwarto. Humupa nang kaunti ang kanyang kaba at takot gayon na rin ang narrang sahig na hindi man lang nakita ang umapak dito.
8
Road to Heaven Sino yung dumaan?! Nakakatakot. Ayoko na. Sumilip siya sa butas ng pader na direkta sa kabilang kwarto na pinagtaguan ng tila multong kanyang naramdaman. Sa gitna ng dilim ay pinilit niyang kilalanin ang mga mukha na nasa loob. Unti-unting luminaw hanggang sa naaninaw niya ang dalawang tao—tila malikot na nagyakapan at naghalikan. Ang malabong korte ng kanilang katawan, ang hugis ng kanilang mukha, parang pamilyar. Kilala niya yata ang mga ito. Bigla-bigla’y nakarinig siya ng mga nagbagsakang gamit, mukhang nasagi ng malalaki nilang katawan. Sa wakas, binuksan ng isa ang lampara. Nanlaki ang mga mata ni Violet. Sampung segundo siyang hindi nakagalaw. Nakita niya ang nakakatakot at nakapangingilabot na senaryong kanyang napanood: Ang kura paroko at ang kanyang ina-- walang saplot, may ginawang milagro. Minotel ang antik na kama ng yumaong lolo at lola.
9
Estacio
Kabanata 3 Violet sa umaga, violet sa gabi. Umulan o umaraw, hindi pa rin nawala ang ahas sa kanyang balat. Ngayon, malayo siya sa kanyang tahanan. Matanda na siya’t may sariling desisyon, sariling kalayaan, sariling pamumuhay, wala nga lang sariling bahay. Si Beshie, ang kanyang one and only best friend na kumupkop sa kanya, ang sumubaybay sa kanyang paglalandi, paglalandi, at paglalandi. Ano pa nga bang trabaho nila kun’di makikati sa mga matatanda at batang kalalakihang nais makatikim ng transvestites. Sa kalye lang ng Kopkopan punong-puno na ng mga ahas tuwing gabi. Sa daan nagsipagprusisyon ang mga prostitutes-- babae, lalaki, bakla, tibo, matanda, bata -lahat sila’y nais rumaket. Kahirapan ng buhay ang sinisi ni Beshie sa penomenong ito. “Wala eh. Kailangan ng pera, bakla.” Pinunasan ni Beshie ang kanyang basang buhok ng twalyang ninakaw sa Kopkopan Viva hotel habang nakaharap sa nakaupong si Violet. Kalalabas lang ni Beshie sa banyo ng apartment na paupa ng kanilang amo. Dalawang taon na sila rito. Dalawang taon na rin silang napasubo sa di matakasang prostitusyon na ginagawa nilang droga, lubhang masarap at mapanganib.
10
Road to Heaven “Parang ayoko na. Gabi-gabi na lang akong parang alipin, parang yung sa nangyari lang kagabi. Dinidilaan, dinadaganan, hinihipuan, at pinapasukan. Quota na ‘ko, te. Wala nang natira sa akin,” inarte ni Violet. Tila naging madrama na naman ang ambiance sa kanilang maliit na bahay. Nakikidalamhati pati ang twalyang ipinunas ni Beshie, nakaw lang talaga, sa bigat ng damdamin ni Violet. Ipinalupot na ni Beshie ang basang twalya sa kanyang ulo. Tumingin siya kay Violet na may nanlilisik at nakapangingilabot na mga mata. Mukha na naman siyang dragonesa. “Eh anong gusto mo?! Magtitinda na naman ba tayo ng mani na kakarampot lang ang kinikita natin? Maglalako ng balot sa daan na wala namang halos bumibili? Magtatrabaho ulit sa parlor at sumahod ng perang kinaltasan nang kinaltasan hanggang sa wala nang natira? Maga-apply sa kung anu-anong trabaho tapos sisipa-sipain tayo at isusuka palabas dahil sa tayo’y wala nang reputasyon, dahil sa tayo’y mga bakla? Natatakot din ako, te.” “Eh, wala na bang ibang paraan pa?!” Sabay sagot sa kanya ni Violet. “May kontrata na tayo kay Boss. May utang pa tayo sa kanya, yung apartment pa lang na ito…hindi na tayo basta-basta makakatakas.”
11
Estacio Wala nang inisip pa si Beshie kun’di ang magpakulong sa masalimuot nilang gawain. Sila na lang dalawa ang natira sa kanilang mundo, wala nang iba pang makatutulong sa kanila. Hindi nila kayang lumapit ni tingnan ang mga mata ng ibang tao. Alam nilang hindi sila tanggap at matagal na silang ikinahiya ng lahat. Itinakwil na sila ng mga mahal nila sa buhay. Takot silang itakwil pang muli. Buong buhay silang inikutan ng mga mapanghusgang mga mata. Sa katunayan ay usap-usapan sila sa Baranggay Kopkopan. Sa makikinang nilang mga kasuotan, maiikling mga damit, matitingkad na kolorete, at katukso-tuksong mukha ay ginawa na silang batuhan ng samu’t saring mga salita – malanding bakla, malibog, kerengkeng, walang pinag-aralan, makasalanan, makati, pokpok. Isinuka na sila ng mga tao, ng buong lipunan. Sino pa nga ba ang tatanggap sa kanila? Takot na lang ang natira. Wala nang ibang lalapitan pa. Liwanag ay nakita na lang sa gabi. “Pera rin yun Violet…” Sang-ayon si Violet sa sinabi ni Beshie. Perang nanggaling sa kapwa makasalanan. Perang nanggaling sa estrangherong walang karapatang manghusga dahil pare-parehas lang din silang nagkasala. Alam ni Violet na hindi malinis at marangal ang kanyang trabaho. Ngunit kinainisan niya ang hayop na nagimbento ng konseptong ‘malinis’ at ‘marangal’. Para sa lahat, ang kabanguhan ng trabaho ay kabanguhan ng
12
Road to Heaven sarili. Subalit laking tawa lang niya sa mga may mararangal na trabaho katulad ng mga baboy na politikong nang-iipot ng korapsyon at pangtatraydor. Lahat naman ng tao may pagkakasala. Ang inaakalang pinakamalinis, siya pang kasing baho ng malansang isda. Wala muna tayong pakeelam kay Rizal. Kaya hindi lang daw dapat silang mga pokpok ang may ticket papuntang impyerno kun’di ang mga mapagkunwari. “Girl, mahirap ang buhay. Kailangang kumapit sa patalim,” tumalikod at pumasok na sa kanyang kwarto si Beshie. Nakatulala at nag-iisip, naiwan pa rin si Violet na nakaupo’t nakasandig sa lamesa. Narito na naman tayo sa pagkapit sa patalim. Nasa contemplation mode pa rin siya. Isisisi na lang ba sa hirap ng buhay kung bakit dapat mamokpok? Kapag nasa kama, masarap, wala kang ibang iisipin pa kun’di ang sariling aliw at kung paano bibigyang aliw ang kasama. Halik dito, halik doon, dapa riyan, dapa roon. Alipin kung alipin. Swerte na kung may itsura pa ang nakasama. Sa kabila ng hirap ng buhay, lasap naman niya ang sarap tuwing gabi. Pinakamasarap pa ang pagbabato ng pera sa katawan tuwing umaga. Inisip nga ni Violet kung sa ngalan ba talaga ng pera ang kanyang raket, o sa ngalan ng sarap. Pagkapit nga ba sa patalim o pagkapit sa tigang na katawan. Hindi rin
13
Estacio niya maiwanan ang kanyang raket. Napakalandi rin pala. Naghahalu-halong rason at damdamin. Mamaya maggagabi na naman. Bahala na.
Kabanata 4 Lumipat ang kamay ng orasan sa alas-nuwebe ng gabi. Nagsaraduhan na ang mga pinto’t bintana ng bawat kabahayan, kaunti na ang mga tao sa kalyeng bulwagan ng mga pokpok. Sa di kalayuan, nakatampok ang silhouette ng dalawang babae. May mahahabang biyas, buhok, at maikling palda. May hawak pa silang sigarilyo at hinithit pa ito nang todo. Hithit, buga, sabay tawa. Ang kulitkulit, kay sarap lapitan. Nakakapang-init, ang sarap nilang hipuin sa balikat. Lakad pa, papalapit sa kanila. Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan, baka may dumaang sasakyan. Wala naman. Tawid pa ng kalsada, malapit na sa kanila. Ngunit sa malapita’y iba pala ang kanilang itsura. Katawang lalaki, mukhang tinalian ng sanlibong tape para magkahubog ng katawang babae. May tattoong paru-paro sa likod.
14
Road to Heaven Nagtawanan pa rin sila. Nasa likuran lang ang gustong kumausap sa kanila. Sa isang sutsut lumingon ang dalawang magkaibigan sa isang kano na sa kanila’y lumapit. Mukhang kwarenta anyos, may matang parang kay Brad Pitt, parang nagiinit na, at mukhang may pera pa. “Hello there! I’m Violet. What is your name?,” pagbati ni Violet. Tinatas ng bibig Pinoy ang bawat Inggles na di nasabi nang maarte. Ang Violet ay Bayolet. Ang there ay der. “Ahh…hang-out?,” imbita ng lalaki. Di muna nagsabi ng screen name. Napaisip pa si Violet sa sinabi ng kano. Sinalo siya ni Beshie na nag-buffer muna dahil nag-away ang mga bokabularyo at balarila sa isipan, “Yes, sure. My friend is…want to go with you!” Nginitian na lang ni Beshie ang kanyang kaibigan at tiningnan na para bang may gustong sabihin – te, sumama ka. Sayang kung hindi.’Wag tanga! “Beshie, ano ba! ‘Wag ngayon,” pabulong pang umangal si Violet. Medyo maaga pa raw kasing dumapa nang alas-nwebe ng gabi. Hindi pa siya handa lalo pa’t alam niyang malaki ang lawit ng kanong ito. “Someone told me, there are many fag hookers here, so I suppose you guys want to get laid, right?” Direktang sinabi, walang paliguy-ligoy. Alam naman nila na
15
Estacio favorite spot ang kalyeng ito ng iba’t ibang people from all walks of life na naghahanap ng mapaglilipasan. “Ah…yes! Choose only one from us,” confident pa si Beshie sa kanyang pagi-Ingles, ngunit sa loob-loob niya’y takot din siyang magpalapa sa isang hasler katulad niya. Ilang beses din siyang nagkaroon ng karanasan sa mga foreigners at sobrang marahas ang pagtrato nila sa kanya. Hindi katulad ng mga locals, hardcore at mapamilas ng katawan ang mga taong puti. Pakiramdam niya’y nilagari ang kanyang laman at kaluluwa. Asyano lang siya, panalo ang lahing kanluranin. “What’s your name again?” Nagulat si Violet nang siya’y tinuro. Ika-isang daan na yata niya itong customer. “I am Violet, I repeat.” Walang nagawa, sumama siya sa foreigner at inakbayan siya na para bang kakatayin siya mamaya. Hindi niya maintidihan kung ano ba ang pakiramdam. Nagbubunong braso ang takot at sabik. “I’m Jeff. Actually, I work in an insurance company here, under the finance department. I have two daughters, now in college, and my wife is in heaven, maybe.” Kung anu-ano na lang ang ipinakwento ni Violet sa kanya, basta malayo sa usapang kama, habang nilakad ang kalyeng patungo sa langit na motel. Gusto niyang maging kaswal nang matanggal ang hiya sa isa’t
16
Road to Heaven isa. Sa katunayan, kalahati ang kanyang pakikinig at pag-iisip. Nasikmuraan pang pumatol ng kano na ‘to sa akin. Kakahiya pa sa kanyang mga anak na may ama silang makikipag-sex sa nilaspag nang pokahontas. E foreigner! Mayaman. Kayang gawin ang lahat. Kung makalapit sa aming mga pokpok, maning-mani lang, marami silang pera. Think about the money, Violet! Pera, pera, pera. Upang mapunan ang makasariling pagnanasa—pera— minagnet ni Violet ang sarili sa mga mapera’t makapangyarihan. Lohikal nga naman ngunit tangang solusyon upang makaahon sa kahirapan na binubunganga ni Beshie sa kanya. Ngunit silang mga pinaghingan niya ng kwarta, sila rin ang mga mapangabuso. “I’ll fuck you hard before your money,” imagine ni Violet sa foreigner na tulo-laway at may dilang lawit. Eka nga, binigyan sila ng pera ngunit nag-iwan naman sila ng panghabambuhay na sugat, pilat, at maruming ala-ala. Balewala rin ang pera, walang tunay na ginhawa kung gan’tong kasiraan ang dala. Naalala niya ang mga balita-- panggagahasa ng mga baboy na among foreigner sa mga Pilipinang OFW. Lumapit din sila sa mga may pera at makapangyarihan, mapakain lang ang inaalikabok nang sikmura ng kapamilya sa bansa. Ngunit silang nagserbisyo sa mga
17
Estacio makapangyarihan, aabusuhin pa at susugatan. Katumbas ng paglabag sa kanilang karapatan at pagkawala ng kanilang dangal ay para na ring binawi sa kanila ang kinikitang isang kutsaritang sweldo. Minsan ay di pa binibigay unless magpahipo. Naghirap sa pagwawalis at paglalaba, tinanggalan pa ng bra, sagarang exploitation mode. Mas nakikinabang pa ang amo tapos magdadrama ala-Vilma ang OFW, kulang pa ang perang binigay mo para ibalik ang sira kong pagkatao! Hustisya! Hustisya! Anong kontra ng paghigaw e sampung taon na ang nakalilipas usad-IQ-ni-Ethel-Booba pa rin ang kaso, iniwanan na lang sa sahig ng bodega ng korte suprema, hinayaang madilaan ng aso at maapakan ng dalawang naghahalikang judges na sa totoo’y magkalaban ang kanilang hawak na kleyente. Asahan ‘yan. Malalim ang pag-iisip ni Violet. Halata na naman ang takot at lungkot sa kanyang mukha. Puro daldal lang ang kasamang kano. Siya’y pakunwaring nakinig at ngumiti. Parang ayaw na niyang ituloy, gusto na niyang tumakbo. “…and my brother is a priest. I dunno if he’s still in St. Anne’s church, but he’s a good man. And to tell you, he’s a good fucker too! haha,” Biglang bumalik ang kasuklam-suklam na ala-ala ng kanyang pagkabata. Pakiramdam niya’y may sumuntok sa kanyang tiyan at may biglang atake ng kilabot pababa sa kanyang katawan.
18
Road to Heaven Ang kura paroko ng simbahan, ang kanyang ina, ang kwarto, ang butas sa pader-- bumalik na naman sa kanyang isipan ang mga putol-putol na imahe. Pumaflash back na parang staccato effect sa pelikula. Para ba siyang hinatak ng ala-ala pabalik sa nakaraan ngunit sinubukan niya itong pigilan. Nag-isip siya ng ibang bagay. Tumulo na ang pawis sa kanyang noo, nanlamig ang kanyang mga kamay, palakas nang palakas ang ungol at hiyaw ng kanyang ina. “Hey, are you okay? You look nervous, is this your first time?” “ahhh—nn-no, I’m okay. You talk again,” sagot ni Violet sa kanyang puntong Pinoy. Nakarating na sila sa bungad ng makalangit na motel. “So, as I was telling you, do you have a rubber?” “What?” “I mean, protection. Condom.” “Yes” “You ready?” Huminga nang malalim si Violet. Pinilit niyang pabagalin ang pagtakbo ng kanyang pusong hingal na hingal at binura ang lahat ng gumulo sa kanyang isipan. Madali lang ‘to, isang gabi lang. Pagkatapos, aalis na ko rito. ‘Wag kalilimutan ang banal na motto: enjoy the night. Biglang naiba ang kanyang awra. Ikinondisyon na ang sarili sa gagawing trabaho. Kailangan niyang maging
19
Estacio pokpok – agresibo, mainit, at handang mapasubo ngayong gabi. Sa di inaasaha’y, napangiti na lang siya at huminga nang malalim… “Yes, I am ready.” Pumasok sila sa kwarto at nauna nang magsalita ang foreigner niyang customer, “Now I’ll lie down here on the bed…then you show me a good strip. Make me really horny” Kailangan niyang paandarin ang init ng kanyang partner. Oras na para mag-feeling Viva Hot Babes. Siya ang mauunang maghubad nang dahan-dahan hanggang sa unti-unti siyang gagapang sa kanyang pinagsisilbihan. Hinitsa ang damit, ang bra, at ang panti, hanggang sa ang natira ay ang mga suporta sa kanyang suso at ari. Tinanggal na rin niya lahat, pati ang kaluluwa. Pakiramdam niya’y hindi siya si Violet, may ibang espiritung sumapi sa kanya. Hubo’t hubad. Halata na ang patag niyang dibdib, ang malapad niyang balikat, ang muscles sa kanyang binti’t hita, may natira pa ring katawan ni Adan. Ngayon, kapwa Adan din ang kanyang gagapangin. “Fuck! Now you’re making me real hot. You take off my undies and lick my dick!” Hinimas ni Violet ang katawan ng matandang kano mula paa patungo sa kanyang pagkalalaki. Hinalikan pa niya ang kanyang katawan na parang batong matagal nang tigang at pinaglipasan na ng panahon. Libag ng
20
Road to Heaven balat ay di alintana ni ang mga baktiryang namahay doon. Ang mukha ni Violet ay hindi na mukha ng tao bagkus ay ahas na lawit ang dila. Nilaro nito ang katawan ng ipinagbabawal na puno. Pumulupot siya’t inangkin ng kanyang katawan ang katawan ng isa. Kamay ni Violet ay parang sampung galamay na humipo’t dumapo sa mga sulok ng kanyang kalaplapan. Balat niya’y parang tinubuan ng kaliskis ng ahas, nasarapan pa sa paghagod at pagpulupot sa maamong kalaban. Bumaba pa nang bumaba hanggang sa napirmi ang kanyang dila sa nanggigigil na prutas na minsan nang nilasap ni Eba. Ngayon ay si Adan naman. Nakabibingi ang kanilang mundo dahil sa di mapigilang hiyaw at ungol. Ngunit hindi pa nakontento ang kalaban, mas lalo pa itong nagalit. Binato niya ang ahas sa isang banda, kinalmot ang kanyang mga kaliskis. Tumayo at gumanti, pinatikim ang mahapding pagdurusa. Ang ahas ay unti-unti nang nanghina, nagmukhang uod, nanlata’t nakadapa. Ngunit ang leyon ay patuloy sa pagdikit, itinanim nang malalim ang tinik ng pagdurusa, malalim na malalim. Leyon ay nananaig, biktima’y natahimik na parang bangkay.
21
Estacio Sa isang lagitik, dugo ng leyon ay dederetsong parang tren. Maruming dugo na ayaw pakawalan dahil nagpapahirap sa tiyan ni Eba at minsa’y nakamamatay. Lumakas pa ang kanilang ungol. Malapit na sa tuktok ng kaluwalhatian-- Isa, dalawa, tatlo…
Kabanata 5 Naghintay si Beshie ng dalawang oras sa madilim na kalsada. Wala pa rin ang kanyang kleyente. Kinagat ng mga lamok ang kanyang binting namumutok sa muscles at halos nalusaw ang kanyang foundation dahil sa pawis. Sa kahabaan lang ng kalsadang kanyang kinatayuan, maraming nagsulputang streetwalkers. May mga babae, suot-suot ang mga di malamang palda o panti sa sobrang ikli, na nag-abang ng kanilang mga customers. Ang iba’y pumara at nagimbita pa sa mga kotseng dumaan. Mayroon ding mga lalaking nakatambay sa tabi. Kahalusan sa kanila’y mga binatilyong hawak pa ang kanilang mga cellphone at mukhang makikipagkita sa kanilang mga makaka-make out. Ang pinakabata na yata sa kanilang lahat ay katorse at ang pinakamatanda ay singkwenta. Iisa lang din ang hanap ng mga taong ito – kumita sa kama ngayong gabi. 22
Road to Heaven Dahil sa isang dekada nang paghihintay, tinawagan niya ang kanyang boss. “Hello Madir! Darating pa ba yung isang Koreano na sinasabi mo? Alas-onse na’t nakakainip, day! Lanta na ang floweret ko.” Malalim at malaki ang boses ng sumagot sa kanyang cellphone, isang matronang bakla, “Oy, Beshie! Wait…lalabas muna ko. Bebe, dyan ka muna (mahina pa boses, kinausap yata ang boylet).” Rinig pa ang boses ng isang lalaki na mukhang nasa tabi lang ng kanyang amo, may mahinang ungol. “Oh, hello Beshie! D’yan ka pa? Excited ka na naman siguro. Mas higit siyang gwapo’t bata kaysa sa isang kanong nag-avail ng ating service.” “Oho, buti kay Violet siya napunta. Baka tapos na sila ngayon at humihithit na ng sigarilyo haha.” “Sabi ko na nga ba. Di porket mas may itsura yang si Violet kaysa sa’yo, pamimigay mo na lang sa mas oldie…” “Grabe ka naman Madir. Keribels yan ni Violet. Dati kaya pinalapa mo ako sa fifty-year-old. Iww, madir!” Escort agency ang pinagtrabahuhan nila Violet at Beshie. Simula noong napalapit siya kay Madir, nagsimula nang magbago ang kanyang buhay. Sa kanya siya natutong kumita at makakita ng ano (alam na kung ano).
23
Estacio Simple lang naman ang kalakaran. Maraming koneksyon ang kanilang munting ahensya, mula website na pinagfiestahan ng mga litrato ng mga hubo-tabong manggagawa hanggang contact details mayroon sila. Si Madir, boss ng kanilang ahensya, ang nangunguna sa pambubugaw ng kanyang mga sex workers. Halos magte-trenta na ang kanyang mga empleyado -- lalaki, babae, tomboy, bakla, lahat sila’y malayang nakikipagdikitan sa mga makakating dikya tuwing gabi. Maraming foreigner ang lumalapit sa kanilang tanggapan. Sa isang araw, nakatatanggap sila ng singkwentang tawag para sa trentang prosti. Ang taktika ni Madir ay pagsabayin na lang sa iisang kwarto ang mga sumosobrang kleyente para sa iisang prosti. “Ay madir! Pinag-threesome mo pa nga ako noon eh,� pagmamalaki ni Beshie, parang kidlat kung makasagap ng ikekwentong karanasan. Natawa siya dahil maraming mga may magagandang katawan ang napunta sa kanya at lubos niya itong ikina-miss. Sa patakaran ng kanilang ahensya, sasabihin na ng mga kleyente ang perang kanilang ibabayad bago ang sesyon at kung sapat na para kumita, ie-entertain na sila ni Madir. Kapag lagpas ng limang libo ang ibibigay, sila’y ihahanay sa mga alaga niyang mas bata, sariwa, at kaaya-aya. Siya na ang maga-appoint ng oras at tagpuan ng kleyente at prosti. Dagdag bayad din kapag sumobra sa bilang ng oras ng serbisyo.
24
Road to Heaven Si Beshie ang isa sa mga pinakapaboritong alaga ni Madir. Bukod sa makapal niyang labi at nahulma nang pisngi dahil sa kakadila, sobra siyang maingay at nakakaaliw kasama, nanggagahasa ang kanyang mga salita. Kung ita-tally ang kanyang mga naikakama, mas nakararami na rin siya kaysa kay Violet. Kung hindi rin dahil sa kasipsipan niya sa kanyang boss, hindi sila mabibigyan ng lugar sa apartment. “Naku, salamat talaga. Makakabili na ako ng bagong shoes and bags and many more!” “Eh kamusta naman ang love life?,”tanong ni Madir sa linya. Nandilim na naman ang paningin ni Beshie. Di kumilos ang kanyang eyeball, inikutan ang kanyang ulo ng mga sawing puso, nagpa-fountain sa dugo. Katatapos lang niya sa kalokohang ‘yon. Isinuka niya ang karimarimarim na karanasan sa pag-ibig. Alam niyang ang bakla ay laging ginagamit para sa kapakanan ng kanyang boylet. Siya ang nagbibigay ng kwarta sa lalaki at ang katawan naman ng lalaki ang nagpapasaya sa kanya. Bandang huli, iiwanan din siya kapag nakuha na ang lahat lalo pa’t nakahanap na ng bagong so-syotain, at baka nga bagong laruan. Iyan ang kanyang definition of love na sinaputan lang ng kalungkutan. Siguro nga ay kinarma siya dahil ilang lalaki rin naman ang nakasama niya, hindi lang isa. Matapos ang kanyang buhay-pag-ibig, puro sarili na ang
25
Estacio kanyang inatupag-- pagaasikaso ng pambayad ng apartment, pagkain, gamot, pills, condom, at iba pa. “Ay, nagtext na sa akin yung hot Korean, Beshie. Sabi, ‘sorry, can’t come now. I’ll see her next time.’O, ano na plano?” “Sayang naman! Dapat sumabay na ako kay Violet e. Sige, magse-selfie na lang ako sa bahay,” tawa pa nang tawa si Beshie habang kausap ang kanyang amo sa cellphone. Hindi naman talaga siya nanghinayang. Wala na rin siyang ganang makipagkita pa. Ngunit pinigilan pa rin niyang mag-isip ng mga bagay na magpapawala sa kanya ng gana. Walang masama sa ginagawa ko. Hindi naman talaga masama para sa kanya. Inisip niyang hindi ito kasalanan at katanggap-tanggap pa rin. Ayaw niyang lumingon sa mahapding reyalidad dahil malulungkot lang siya’t mapapahamak. Natapos na ang labing-limang minutong tawag. Sobrang luwag na ng kanyang pakiramdam dahil uuwi siyang di nahipuan at di nalosyang. Nang siya’y dumaan sa kalsada, sinutsutan siya ng mga lalaking tambay, taas noong pinagmamayabang ang malalaking black t-shirts na may tatak pang swag at never give up na kasuka-suka sa pagkabaduy. Sanay na siya sa mga pambabastos. Wala namang araw na hindi siya binastos ng mga tao, di man sa paraang paninipol kun’di tinukso't binatuhan na rin siya sa loob ng mapanghusga nilang isipan.
26
Road to Heaven Mag-isa siyang naglakbay sa dilim. Nang makalayulayo na sa bulwagan ng mga prostitutes at mga baduy na tambay, napansin niyang may kotseng sumunod sa kanyang likuran, parang detective na patagu-tago pa nang hindi mapansin. May kalayuan pa ang distansya nito mula sa kanya ngunit pakiramdam niya’y papalapit ito nang papalit. Sa ikatlong paglingon ay bigla itong bumusina at mas lalong natanglawan si Beshie ng maliwanag nitong ilaw. Ilang lakad na lang makakapunta na siya sa kanilang eskinita, mas ligtas at malayo sa mga delingkwente. Sa pagbilang ng tatlo’y kumaripas ng takbo si Beshie, sobrang takot na baka kapag siya’y naabutan ay sasaksakin siya ng kutsilyo o kung ano pa man. Bumilis din ang pagtakbo ng sasakyan. Para bang hinabol siya ni kamatayan. Takbo pa nang takbo! Di niya alintana kung may maapakan siyang tae o tinik, kailangan niyang makaalis agad sa impyernong kalsada, lugar na siya lang ang natira at walang pwedeng pagtaguan. Bumusi-busina ang kotse, mabilis ang pagharurot nito’t handa siyang banggain. Ilang dangkal na lang makakapasok na siya sa eskinita! Umiyak siya’t bumilis ang paghinga. Tulungan mo ko, Lord!!! Sa di inaasahan, putok ng baril ay bumulabog sa mapayapang gabi ng Kopkopan.
27
Estacio
Kabanata 6 Noong nasilip ng batang Violet ang pagtatalik ng kanyang ina at ng kura paroko, namulat siya sa kamunduhan na para bang kinain niya ang ipinagbabawal na prutas ng Eden. Kwarenta ang edad ng pari at trenta lamang ang kanyang ina. Mga katawan nila’y may maganda pang hubog ngunit may bahid na ng katandaan. Matagal niyang tinitigan ang mahaba nilang pagriritwal. Halos ikasuka niya ang unang parte nito; ngayon lamang siya nakakita ng ari ng mga matatanda. Litung-lito ang bata kung bakit ganoon ang mga itsura nito sapagkat kumpara sa kanya’y maliit lang at may sobra pang balat. Sa tinagal-tagal din na magkasama sila ng kanyang ina, ngayon lamang niya nakita ang kanyang pribado, mula dibdib hanggang sa kanyang pagkababae. Kinabahan si Violet, ngunit sabik sa kabilang banda. Paano kaya ang gagawin nila? Nais niyang tuklasin ang kakaibang pangyayari. Hindi niya maialis ang kanyang kanang mata sa butas, bagkus ay gustong-gusto pa niyang tapusin ang tila malaswang pelikula. Tumatak sa isipan niya ang kamay ng pari na kanyang nakita. Sa likod ng palad, naka-tattoo ang isang simbolo na kailanma’y itinuturing na banal at sagrado. Simbolo ng kataas-taasan, itinuturing na purong malinis at tinitingalaan ng mga relihiyoso – ang mahal na krus. 28
Road to Heaven Ngunit ang kamay niyang ito ang humipo’t humimas sa balat ng kanyang ina. Mukhang ang krus na iyon ang pinaghugutan niya ng pagkakasala. Tila nilapnos nito ang katawan na binisita ng kanyang kamay. Hubad na demonyo ang nakita ni Violet. Ang krus ay baligtad na sa kanyang paningin. Tumakbo ang kanyang puso, nadala ng kaba at pagtataka. Dumating na sa punto na masyado nang masalimuot at marahas; lumakas pa ang ungol ng kanyang ina. Hindi na nakayanan ni Violet. Dali-dali siyang nagtalukbong ng kumot, nagtakip ng unan, at saka sumabog sa iyak. Madalas naibibiro ng kanyang mga kalaro ang tungkol sa pag-aasawahan. Ibibilog nila ang kanilang hintuturo at hinlalaki saka ipapasok ang hintuturo ng isang kamay. Alam kasi nila na madalas gumawa ng ganoong milagro ang mga asong kalye. Ngayon, malinaw na sa kanya kung paano nangyayari ang tinatawag nilang pag-aasawahan. Namantsahan na ang mura niyang isipan, nabinyagan pati ang dating saradong mga mata.
“Huwag kang mangangalunya. ‘Yan po ang isa sa mga sampung kautusan ng ating Panginoon, mga kapatid,� taas-noong sinabi ng kura paroko sa kanyang homilya.
29
Estacio Katabi ni Violet ang kanyang ina sa upuan. Tila tulala siya’t may malalim na inisip, samantalang si Violet ay nakinig na lang sa sinabi ng paring minsan nang pumasok sa kanilang tahanan. “Ang pangangalunya ay isang kasalanang mortal at hindi kinalulugdan ng Panginoon! Dumako naman tayo sa sumunod na kautusan …” Hindi man lang niya idiniin ang kanyang sermon patungkol sa sinabi niyang kasalanang mortal. Kita sa kanyang mga mata na pinatamaan lamang niya ang kanyang sarili. Pakiramdam niya’y tinunaw siya ng mga salitang nagmula sa kanyang bibig. Kilala ang kura paroko bilang isa sa mga pinakamababait at matulunging pari ng baranggay. Sa katunayan, noong siya’y naging tagapamuno ng simbahan ng Mahal na Birhen ng Piat, naipagawa niya ang kisame nito pati na rin ang mismong altar ng birhen. Sobrang malapit din siya sa kanyang mga parokyano. Isa na rito ang ina ni Violet. Minsan ay napansin ng mga sakristan na dalawa lang silang nasa loob ng kapilya, nagtsikahan lang daw. Siya lang yata ang tanging babae na unang nakapasok sa kwarto ng pari. Walang ideya ang mga sakristan kung ano ang ginawa nila sa loob, baka nagdasal, nagritwal, naglaro ng chess, nagbasa ng bible, FHM, candy magazine.
30
Road to Heaven Araw-araw ay laging nasa simbahan ang ina ni Violet. Katapat lang naman kasi nito ang kanilang tahanan. Ang alam lang ng bata ay relihiyosa ang kanyang ina at marami rin siya ritong trabaho hinggil sa pagpapalakad ng simbahan. Araw-araw din siyang laging may uwing ulam at prutas. Minsan ay nag-uwi pa ito ng isang tali ng toblerone, sisidlan ng mga amoy agua benditang damit, kalde-kalderong ulam na amoy dugo ni Kristo, at isang pitakang puno ng perang katas yata ng isang panalangin sa Piat. Di nakapagtatakang sari-sari store lang ang pinagkunan ng kanilang pera. Sariwa pa sa memorya ng batang Violet ang nangyari noong gabi. Alam na niya ang pinakainiingat-ingatan nilang sikreto. Ang araw-araw na pag-aasal ng kanyang ina ay may maruming kahulugan. Nasira na rin ang tingin ni Violet sa kura paroko. Hindi na siya naniwala sa kanyang mga pagsesermon at pangangaral. Siyang nagpasubo ng mga salita ng diyos ay Judas din kung makapagkanulo sa mga salitang ito. Naalala niya si Padre Damaso, ang pari na nanggahasa raw ng babaeng gustong magkaanak. Ikinulong niya ang babae sa ignoransya ng maling paniniwala; bibigyan daw siya ng Diyos ng anak sa isang kondisyon. Dahil dito, nagtiwala siya’t tuluyang pinagsamantalahan ng mapang-abusong bwisit na pari. Kay laking kasiraan ang idinulot ng mga mapagkunwaring salita.
31
Estacio Ang pangangalunya ay isang kasalanang mortal at hindi kinalulugdan ng Panginoon! Umulit sa isipan ni Violet ang mga salitang iyon na narinig niya mula sa kura paroko. Sino ba ang mas nagkasala? Sino ba ang hindi kalulugdan ng panginoon? Isa na siya sa mga sumuway sa kautusan. Nakakunot ang noo ni Violet noong pinakinggan ang sermon ng pari. Samantala, may pinunasan sa mata ang kanyang ina, nagpigil pa siya ng iyak. Hindi na pinansin pa ni Violet ang kanyang kadramahan, baka mahawa pa siya’t maiyak din sa simbahan. “Magmahalan kayo’t mag-ibigan, Amen.” Natapos ang sermon at ang ilang mga seremonya. Pumila ang mga tao upang tumanggap ng ostya. Sumama si Violet sa kanyang inang hangad kumain ng katawan, hindi ng pari, kun’di ng diyos. Mga mukha ng tao’y may kanya-kanyang panalangin sa diyos. Ang iba’y nanatili na lang sa kanilang upuan at nagdasal, ang iba’y ayaw talagang pumila dahil sa sila’y maarte’t nangonsensya pa sa kanilang mga kasalanan o di kaya’y hindi pa binyagan, di kinasal sa katolikong simbahan, di pa nagpe-first communion, di pa kumpilan, at marami pang dahilan na sumasaklaw sa mga batas at doktrina ng simbahan. Para bang sila’y imoral dahil dito. Inisip ni Violet kung bakit ang dami pang mga tradisyon at kung anu-anong limitasyon ng simbahan. Bakit kailangan pa niyang tumuntong ng
32
Road to Heaven grade three para sa unang komunyon upang makasubo ng ostya kung ang katawan ng diyos ay dapat para sa lahat ng kanyang mga anak? Bakit kailangan pang lalaki ang pari at hindi babae? Dahil ba minamaliit ang mga kababaihan? Bakit kailangang sa Santo Papa pa mangumpisal kung ikaw ay nag-aborsyo at hindi na lang direktang kausapin ang diyos na siyang higit na makapagpapatawad? Masyadong maraming prosidyur. Kailangan pa yata ng maraming pipirmahang papeles bago ka mapatawad ng diyos. Eh, utos ng Vatican na ito dapat ang gawin. Tao mismo ang nag-imbeto at nagpatupad ng mga batas na inspired at sumisimbolo lamang sa mga salita ng diyos. Noong binuhusan si Kristo ni Juan Bautista ng tubig ay makiki-inspire na rin ang simbahan at bubuhusan na rin ng tubig ang mga inosenteng sanggol. Kung hindi nagpabuhos ang sanggol, sabi ng simbahan ay makasalanan na ito at pinasosyal pa, ika-classify as mortal sin. Ngunit di ba tao lang din ang nagimbento ng gan’tong seremonya? Inaprubahan ba ng diyos na makasalanan na sila? Sino makapagbibigay ng ebidensyang direkta niyang sinabi ito? Ang Santo Papa ba na diumano’y may direktang access kay God? Tao lang din siya’t walang super powers upang papirmahan ang diyos ng isang kontrata na magkukumpirmang makasalanan talaga ang mga di binyagang sanggol. Gawa-gawa pa rin ng tao/simbahan ang lahat. Tao lang din ang nagagalit sa kapwang hindi
33
Estacio nakasusunod sa mga batas nila kaya umuusbong ang mga sigalot at separasyon. Nasaan ang mukha ng mapagpatawad at palatanggap na diyos? Hindi perpekto ang simbahan. Mahaba ang linya ng mga taong tatanggap ng ostya mula sa kura paroko. Habang nasa likod ng kanyang ina, ibinaling ni Violet ang kanyang tingin sa harap. Nang nakaabot na sila sa pari, tila bumagal ang oras. Slow motion. Ang tatlong segundong pagkakatitigan ng kura paroko at ng kanyang ina ay katumbas ng pagsasalitaan ng libu-libong pangungusap. Nangusap ang kanilang mga mukha na para bang ang sabi ay huwag kaylanman magbunyag ng sikreto, manahimik, at manghingi na lang ng kapatawaran. Isinuksok ng pari ang kanyang kamay sa kopita upang kumuha ng ostya. Nang ito’y itinawid papunta sa bibig ng ina, napirmi ang mga mata ni Violet sa kamay ng pari. Ang kamay na nakita niya noong gabi, may guhit na krus, ang siyang kamay na humipo sa katawan ng kanyang ina. Ngayon, hawak-hawak na nito ang katawan ni Kristo. “Katawan ni Kristo,� bigkas ng pari. Bago pa man isagot ng ina ni Violet ang Amen, nahulog ang ostya, may demonyong dumakmal nito mula sa ilalim. Agaw-atensyon ang pagpulot ng kura paroko. Para sa lahat ng nakakita, ito’y senyales na may ginawa siyang mortal sin.
34
Road to Heaven
Kabanata 7 Bago pa man isilang si Violet, hiniwalayan na ng kanyang ama ang buntis pang asawa sa kadahilanang hindi kayang buhayin ang bata. Ngunit ang katotohana’y inasawa lang niya ang mayaman (at malandi) niyang kabit. Bali-balita na lamang na nasa Japan na pala ang lalaki, may dalawa nang anak, nagpakasarap sa kamang tinambakan ng Yen. Samantalang ang iniwang magina’y tumira na lang sa lumang bahay, dati nang tinirhan ng mga lolo’t lola ni Violet, na nilapa na nga ng mga patay-gutom na anay. Dalawa lamang silang nanahimik sa tahanan na katapat ng batong simbahan. Umasa na lang sila sa maliit na kita mula sa kanilang tindahan, ang Violet Sari-sari store, ipinangalan sa bida natin. Langaw na ang loob ng bawat garapon na naka-display sa bungad nito. Kinalawang pati ang mga alambreng bakod at lagpas na sa expiration date ang mga de-latang handa nang ipamukpok sa pangangaroling. Halos alikabok na yata ang mabibili sa tindahang ito, libre na pati ang sipon na idadala nito.
35
Estacio Noon ay hindi mawawalan ng Pusit cracklings, am, at kaunting asin sa hapagkainan ng mag-ina. Fiesta na kung makakain ang batang Violet ng fried chicken at pork chop. Minsan ay wala rin silang makain at tulala na lang na nabusog sa kanilang mga imahinasyon – pag-ulan ng Liempo, Lechon, Crispy Pata, alimango, pusit, Chop Seuy, at umiilaw na bombilya—all black ang buong bahay tuwing gabi dahil walang kuryente. Nahinto pa sa pag-aaral si Violet; hanggang Grade 2 lamang ang kanyang naabutan. Gustong-gusto pa naman niyang tumuntong ng ikatlong baitang nang sa gayo’y makasubo man lang ng unang komunyon. Para matugunan ang kanyang pangarap, todo kayod at banat ng buto ang kanyang ina sa paghanap ng pera. Nagtinda siya ng mga Sampaguita sa simbahan, naglako ng mga rosaryo’t maliliit na poon, pumasok at nagtrabaho sa panahian ng bag, at nangutang pa nang nangutang. Dumating ang araw na nilukuban na sila ng dilim dahil hindi na mapunan ng ina ang mga nakasahod na kamay ng kanyang mga pinag-uutangan. Gapatak lang ang sweldo mula sa pananahi at para bang hangin lang kung mawala ang kanyang kinita sa pagtitinda ng kung anuanong burloloy. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin kun’di umupo’t tumitig sa litrato ng dati niyang asawa. Sa katunayan ay na-miss pa rin niya ito at umasa pa rin na
36
Road to Heaven balang araw, babalik siya’t iaahon ang pamilya sa kahirapan. Gaya ni Hesus, ano pa man ang pagkakasala na ginawa ng kapwa, buong puso niyang pagbubuksan ng pinto ang dating asawa at bibigyan agad, di ng sampal, kun’di ng isang tangang “I love you”. Ngunit sa kabila ng ilusyon niyang ito, biglang kumalam ang kanyang sikmura. Halos ilang araw na siyang walang matinong kain, puro Marie biscuits at posong tubig ang pumupuno sa kanyang tiyan. Naghalu-halo ang kanyang lungkot, galit, pagod, at pangamba. Nais muna niyang mahinto ang oras kahit sandali at ayaw pa niyang magtuloy-tuloy ang problemang naranasan. Ngunit patuloy sa pagkalam ang kanyang tiyan. Kamusta naman ang tiyan ng kanyang anak? Payat na siya’t bakat sa balat ang mga buto. Tunay na biyaya ng Diyos ang kanyang anak-- maputi, may matangos na ilong, may mala-Adonis na labi, at may mala-Piolong mata. Ngunit ang ina lang naman niya ang nagbigay ng ganitong ambisyosong paglalarawan. Hindi ganoong ka-perpekto ang mukha ni Violet, bagkus medyo singkit siya, may makapal na labi at kilay, at may di katangusang ilong. Para sa nakararami, maamo ang kanyang itsura ngunit di naman din pansinin. Pero para sa kanyang ina, siya’y tunay na gwapo. Hindi niya kaylanman dapat ipasakamay ang kanyang anak sa iba. Anak lang ang kanyang kasiyahan, wala nang iba.
37
Estacio Ngayo’y nakaupo na lang ang ina’t nakatitig sa nakasiestang anak. Rinig din niya ang pagkalam ng kanyang tiyan habang malalim ang kanyang pagtulog sa langit na banig. Nanaba na ang tiyan ng batang Violet sa hangin. Pinatulog siya ng kanyang ina upang managinip ng pananghalian at pati na ng hapunan, kung saka-sakaling wala pa rin sa reyalidad. Walang anu-ano’y ibinato niya sa sahig ang litrato ng dati niyang asawa. Humagulhol siya na parang batang uhaw sa patak ng gatas. *** Paulit-ulit sa pagkalembang ang batingaw ng simbahan ng Piat. Lumawak ang dagat ng mga tao sa daan. Ang iba’y may malalaking ngiti sa kanilang mga labi, parang tsitae lang, ang iba nama’y nakasimangot sa sobrang init at sikip. Nang inilabas ang engrandeng karo ng Mahal na Birhen na talagang ginastusan ng kurakot na hermana mayor, naghiyawan ang mga tao, sabay sayaw sa saliw ng musiko. Samantala, ang batang Violet ay nasa daan, may bulaklak pa sa tenga, kasama ang mga batang babaeng nakisayaw din ng Paru-parong bukid. Makulay ang bawat daan ng Baranggay Kopkopan. Nakadisenyo rito ang mga plastic na banderitas at ang iba’y printed pa ng mukha ng Hermana mayor na siya ring punongbayan ng Kopkopan, gusto pang ipasikat ang
38
Road to Heaven nunal sa noong mukhang tinapal na kulangot nang s’ya’y iboto sa susunod na eleksyon. Mamimigay pa yata ng mga abanikong may tatak pa ng pangalang Mayor Totoy Jerry, amoy daga, pasimpleng bribe para sa mga tao. Nasa unahan ng prusisyon ang mga sakristang may mga hawak na krus. May mga nagrosaryo, nagtsikahan, sumayaw, at nagpiktyuran habang nasa kahabaan ng prusisyon. Sa dulo, nakapirmi ang karo ng Birhen at nasa likod nito ang maingay na banda at mga lasenggong may hawak-hawak pang San Miguel beer at halos mabuwal na sa kakasayaw. Abala naman sa pagluluto ang ina ni Violet na nasa kusina ng simbahan. Kasama niya roon ang ibang kababaihan na namamawis at hapung-hapo na sa paghahanda ng mga pagkaing kakainin ng daang-daang katao. Gisa rito, hiwa roon, punas ng pawis, magpakulo at maghain. Malaki ang bulwagan na pagtitipunan ng mga tao. Habang inihahanda ng ina ni Violet ang mga pinggan sa labas, napirmi ang kanyang tingin sa bintana ng kumbento ng pari. Maaring tulog ito't nasa kalagitnaan ng pamamahinga. Isang buwan nang nanilbihan bilang katulong sa kumbento ang ina ni Violet. Naalala pa niya noong nilukuban siya ng dilim, noong sumanib sa kanya ang masamang espiritu’t nagawang bumato ng litrato ng demonyong asawa, ang kura paroko na ang kanyang
39
Estacio tinakbuhan. Simula noon, nagbago ang kanyang buhay – naging relihiyosa, naging positibo, unti-unting lumago ang tindahan, at napakain na niya ng tatlong beses sa isang araw ang kanyang anak. Sa loob ng isang buwan, pakiramdam niya’y nahilom ang sanlibong sugat sa kanyang katawan. Sa kumbento ay maraming pagkain, di lang para sa katawan, kun’di pagkain para sa kaluluwa. Bawat araw ay pinasubo sa kanya ng pari ang mga salita ng diyos. Tunay naman siya ritong naliwanagan at nabigyan ng pag-asa. Inspirasyon niya ang diyos upang mabuhay at mabigyang buhay si Violet. Inspirasyon din ang perang kanyang kinita sa gawaing ito. Walang araw na hindi nagpunta ang ina sa simbahan. Sobrang malapit siya sa kura paroko at mas binigyan niya siya ng pansin kaysa sa kanyang anak na naiwan lamang sa bahay kasama ang mga kaibigang adik sa mga barbie. Nakasingit pa sa mga kuko nila ang hibla-hiblang buhok ng kasumpa-sumpang manika. Sinigurado ng kanyang ina na mapupuri siya lagi ng pari kaya naman laging makintab ang sahig, malinis ang mga kwarto, mabango ang damit ng mga poon, kaayaayang tingnan ang simbahan, at may pagkain sa hapagkainan. Takot siyang mapalayas dahil blanko na ang mundo kapag lumabas siya ng simbahan. Minsan, mag-isa lamang siya sa kumbento, nagluto para sa hapunan ng pari. Kung anu-anong kaluskos ang
40
Road to Heaven narinig niya mula sa simbahan. Ngayo’y yapak na ng paa ang lumapit papunta sa kanyang kinalulugaran. Nang siya’y lumingon, sumurpresa sa kanya ang lalaking itim at may rosaryong kwintas sa leeg. “Father, kamusta na po?,” “Heto, sa awa ng diyos, nakaraos sa anim na misa ngayong araw. Ano ba niluluto mo? Nakakagutom ah…,” “Ay apritadang manok, Father. Gusto mong tikman? “’De sige, mamaya na lang. Ako’y mamamahinga muna.” “Maupo muna kayo riyan. Sandali na lang ‘to.” Pinagmamasdan siya ng pari. Wala man lang kaingayingay sa kanilang dalawa, tahimik lang na parang may kaunting hiya. Limang minuto nang walang umimik. Walang anuano’y, tinanggal ng pari ang kanyang rosaryong kwintas, mukhang may balak gawin. Dahan-dahan siyang lumakad patungo sa likuran ng babaeng abala sa pagluluto. Sinigurado niyang hindi naririnig ang yapak ng kanyang mga paa. Nanginig pa ang kanyang kamay na parang gustong kumawala sa pagkakaposas upang mahawakan ang katawan ng babae. Samantala, naramdaman niyang siya’y nilapitan ng pari. Noong isang gabi lamang ay muntik na siyang hawakan kun’di lang siya nagkunwaring lalabas. Ngayon, sa eksaktong pagkulo ng Afritada, sa unti-
41
Estacio unting pamamawis ng kanyang leeg at singit, sa paghipo ng apoy sa puwet ng kaldero, siya ngayo’y malapit nang hipuin ng mga mapaglarong kamay. “Father?,” biglang lingon sa kanya. Nagulat ang pari't naudlot ang kumukulong damdamin. Hindi siya makatingin nang deretso sapagkat binalutan siya ng hiya. Awkward. Nag-isip siya ng sasabihin upang maisalba ang momentum. “Ah…pp-parang gusto kong tikman yang Afritada mo. Oh, malapit na pa lang maluto,” sabay hawak sa kanyang malambot na bisig. Ramdam ng babae ang kakaibang init mula sa kanyang kamay, para bang siya’y mapapaso, kulongkulo ang spermatogenesis ni Father. Diniktahan siya ng kanyang isip na huwag itong ituloy, dapat nang tumakas. Sa sobrang pagka-ilang, dali-dali siyang umaksyon. “Ss-sige po. Pwedeng pabantay muna nitong niluluto ko kasi may kukunin lang ako sa bahay. Baka kung ano na yung ginagawa dun ni Violet. Babalik din ako.” Nakaramdam siya ng matinding kaba. Bilang isang babae, sukdulan ang takot niya na mahawakan ng isang lalaki, maski kung ano pa man siya, sa sitwasyong siya’y mag-isa lamang. Alam niyang may balak gawin ang pari, ngunit hindi rin siya pwedeng lumayo sa kanya dahil malaki ang kanyang utang na loob.
42
Road to Heaven Subalit pakiramdam niya’y para siyang papel na handang magpalamukos sa pari. Parang gusto rin niyang makaranas ng aliw sa kanyang mga kamay, pero nilabanan siya ng konsensya. Mula sa pagkakatitig sa kumbento, ipinako ng ina ni Violet ang pag-iisip sa paghahanda ng mga pagkain sa bulwagan. Mamaya’y lalabas din ang pari upang salubungin ang mga nagsipag-prusisyon. Palakas nang palakas ang banda ng musiko, senyales na paparating na sa simbahan ang mga tao. Bumungad sa gate ang batang Violet na puno ng bulaklak sa kanyang tenga. Nang natanaw siya ng kanyang ina, kumunot nang sagad-sagaran ang kanyang noo at lumingon sa mga taong nakakakita sa kanyang anak. Ngayon lamang niya nakita ang kakaiba niyang itsura. Hindi naman niya tinuruan ng kabaklaan ang kanyang anak. Hiyang-hiya siya’t nag-ipon ng mga salitang kanyang ipambubugbog sa bata. Naisip niyang papaaralin pa niya ang bata ng Grade 3 sa Kopkopan Elementary School. Baka mas malaking kahihiyan pa ang dalhin nito. Ibinaling na lamang niya ang atensyon sa pagtanggap ng mga panauhin. Gaano man ang bigat ng kanyang damdamin, kailangan niyang ngumiti. Dumating ang gabi ng pagpapahinga. Natapos na ang misa, prusisyon, kainan, at kasiyahan, simula na ng
43
Estacio lasingan. Nagsialisan na rin ang ibang mga katulong at tauhan ng simbahan. Ang mga binatang sakristan ay nasa kumbento pa, abala sa paglalaro ng braha. Nasa kusina pa rin ang ina ni Violet, pinunasan ang basang lababo at inayos ang mga kubyertos. Hinintay niya na bumaba ang kura paroko. Ngunit trenta minutos na ang nakalilipas, hindi pa rin nagpakita ang taong gusto niyang masilayan. Umakyat siya sa hagdan at lakas-loob na kinatok ang kwarto ng pari. Tiningnan pa siya ng mga sakristang nakaupo sa bilog na mesa, kung anu-ano pa ang kanilang mga ibinulong habang hawak-hawak ang mga brahang kinatasan ng pasmadong kamay. Hindi na lamang niya ito pinansin. Kinatok pa n’ya nang kinatok ang pinto. Lumabas ang pari na mukhang kagigising lang mula sa pagkakaidlip. Bangag pa. “Sorry po, Father. Pwede po ba kayong makausap? Saglit lang naman.” Ibinuka nang maigi ng pari ang kanyang malabong mata hanggang sa luminaw na ang kanyang paningin. “Sige, sige. Tungkol saan?” Noong sila’y nag-usap sa hagdanan, hindi pa rin maiwasan ng mga sakristan na sila’y pagmasdan . “Si Violet po kasi, yung anak ko ho, eh balak ko pong pag-aralin na ng Grade Three. Makakahiram na sana ako ng dalawang libo para sa enrollment nung bata.
44
Road to Heaven Babayaran ko naman po agad kapag umayus-ayos yung kita sa tindahan at full-service na rin ako rito, Father!” Hinintay niya ang sagot ng pari na nakatingin lamang sa taas, nag-iisip. Napansin niya ang rosaryong kwintas sa kanyang leeg; ang kwintas na tinanggal niya noong isang gabi bago siya hawakan sa kanyang bisig. Matapos ang ilang segundong pag-iisip, nahiya ang nagmamakaawang ina sa sasabihin ng kanyang pinaguutangan. “Halika, pasok ka sa kwarto ko. Pag-usapan natin yan.” “Opo.” Hindi na nagdalawang-isip pa. Parang bang gutom na gutom siya sa pera, wala nang inarte pa kun’di sumunod na lang upang siya’y mabigyan ng grasya. Ang mga sakristan na naki-usosyo sa baba ay sandaling natahimik sa kanyang pagpasok sa pribadong lugar ng kura paroko. Alam nilang wala ni isang tao ang nakakapasok dito. Baka naman may gagawin silang seremonyang sagrado o maka-diyos. Tuloy pa rin sila sa paglalaro ng brahang nanlimahid sa pawis. “Upo ka muna.” Tinuro niya ang kanyang kama. Mga mata niya’y may senyales ng pang-uutos na gawin ang inosenteng ina ang kanyang sinasabi. Humarap ang pari sa salamin at dahan-dahang pinaghiwa-hiwalay ang mga butones ng itim niyang kasuotan.
45
Estacio “Kapag may nanghihingi sa akin ng malaking tulong, hinihiingan ko muna siya ng kaunting kapalit…” Tumabi siya sa nakatulalang babae. Suot-suot niya ang rosaryo sa leeg, iyon lang at wala ng iba. Tinanggal niya ito’t hinulog sa sahig. Minsan na rin niya itong ginawa bago niya hipuin ang malambot na bisig ng kusinerang ina noong gabi. Sa mismong paglagapak ng kwintas sa sahig, ng mga butil-butil na kadena at makinang pang krus na laging nakadipa sa kanyand dibdib, nag-iba ang kanyang itsura; parang sumapi ang kakaibang kaluluwa sa kanyang katawan. Ang kamay niyang may imahe ng krus, ngayo’y handang gumapang sa katawan ng babae. Parang gusto pang mag-glow in the dark. Ngunit kung sisipating mabuti, nasa ibaba ang ulo ni Hesus. Patiwarik. Imahe ng demonyo. Ngunit sa di inaasahan, mismong ang babae ang unang humalik. Halik na parang dati pa niya itinimpi, gustong-gusto niyang makamtan ang kanyang malambot na labi. At nagtuloy-tuloy ang silakbo ng damdamin. “Apat na libo. Sapat na yan para sa kanyang pangmatrikula. Sobra pa yan.” Apat na pirasong papel ang hinagis niya sa nakahigang babaeng nagmukhang bayarin.
46
Road to Heaven Nginitian niya’t hinalikan pa siya sa pisngi na parang asawa. “Next time, huwag dito sa bahay ng Diyos. Marami pang biyaya ang darating sayo…
Kabanata 8 Nadatnan ni Violet si Beshie na tulala’t may inisip na malalim kasabay ng paghigop ng isang tasang kape. Kauuwi lamang ni Violet galing motel. Inasahan niyang may nakabibingi na namang kwento ang kaibigang haliparot. Sa ganitong pagsalubong sa kanyang umaga, mukhang masisira na naman ang buong araw. Umupo siya sa kanyang tabi, sabay yukayok sa bilog na mesang tinakpan ng pink na mantil. Gaya ng inasahan, lumabas ang mga salita sa bibig ni Beshie, “Violet, ano? Problema na naman?” Walang imik at patuloy sa pagyuko ang nanlatang kaibigan. Dikit na dikit ang kanyang mukha sa kanlungan niyang braso ngunit bukas ang mga tenga upang makinig. “Hoy, nakikinig ka ba? Kagabi, may nangyari sa ‘kin. Nakakatakot…”
47
Estacio Hindi pa man inaangat ang mukha, mga mata ni Violet ay kumurba’t nagpakita ng pangamba na baka may kinalaman ito sa kanya. Tungkol sa’n naman kaya? Nag-flash back kay Beshie ang ala-ala ng gabing nasa likuran niya si kamatayan. “Muntik na akong ma-kidnap kagabi.” Ikinuwento niya ang kotseng halos lumamon sa kanya habang siya’y pilit na tumakbo papalayo. “…buti na lang hindi ako naabutan. Nakalusot agad ako sa eskinita at thank you Lord, hindi ako namatay!” Himala raw na hindi siya natamaan ng bala na pinaputok mula sa nasabing kotse. Humarap at tumitig si Violet kay Beshie. Hyper na naman ang tibok ng kanilang puso; iisang bagay ang nasa isip nila. “Yung kotse…,” bigkas ni Violet, “bago raw mawala si Daisy, yung kasamahan natin sa agency, may nakakita raw sa kanya…duguan s’yang pinapasok sa isang sasakyan. Di na s’ya nakita.” Malala ang kaso ng pangingidnap sa Baranggay Kopkopan. Naitala ng pulisya na ang mga biktima ay kahalusang mga prostitutes at mga dalagang mag-isa sa daan. Inaaabuso diumano ang mga biktima sa paraang tinatawag na human trafficking. Samu’t-saring mga posters ang nakapaskil sa mga poste at pader. Sigaw-sigaw ang pagmamakaawa na
48
Road to Heaven sana’y mahanap ang mga nakaimprentang mukha ng mga taong “nawawala”. Kumalat din ang mga katakut-takot na balitang-kutsero na nagkalat daw ang mga tsinap-chop na parte ng katawan ng tao sa mga daan at kalsada. Senyales daw na kampon ni Satanas ang gagong serial killer sa likod nito. Ang ilang mga tao’y takot tuwing gabi dahil talamak ang pagkawala ng mga tao sa gitna ng kadiliman. Ngayon, mukhang bago na ang pinupuntirya ng mga halimaw na kidnapper. “Violet, ayoko na! Nato-trauma na ako.” Paulit-ulit sa utak ni Beshie ang masalimuot na bangungot-- ang kinatatakutang halimaw ng Kopkopan ay minsan nang humabol at humipo sa kanya kahit na di naman. Sariwa pa ang pakiramdam na dala nito magpahanggang ngayon—ang nakabibinging busina at pagharurot ng sasakyan, ang suicidal na hininga na halos malagot, at ang putok ng baril na nag-trigger ng adrenaline at kung anu-ano pang hormone sa kasuluk-sulukan ng katawan, nakakapanindig balahibo. Inisip n’ya na baka sa isang gabi’y maulit ito at tuluyan na siyang patayin. “Aa-yoko pang mamatay.” Dali-daling niyakap ni Violet si Beshie upang mahimasmasan.
49
Estacio “’Wag kang maarte. Di ka pa patay. Binigyan ka pa ni Lord ng second chance. Gan’to, sabay na tayong uuwi ha. Magma-martial arts tayo nang hindi na ma-kidnap.” Sa kabila ng nakakailang na payo ni Violet, kahit papaano’y napanatag ang kanyang kalooban. Nakadagdag na rito ang mainit niyang yakap. Datapwa’t sa loob-loob ni Violet, siya mismo’y pinatay na noon pa ng tadhana. Binigyan siya ng buhay na lulan ng patay na reputasyon at lakas ng loob. Hindi pa rin mawawala ang mas madilim niyang kalsada, ang kanyang nakaraan. Flashback na naman.
50
Road to Heaven
Kabanata 9 Nang tumuntong ng ikatlong baitang si Violet, kinakitaan siya ng potensyal at kasipagan sa pag-aaral. Grade conscious . Parang bulaklak na namukadkad matapos ang isang taon ng pag-ulan. Walang araw na hindi niya ikinatuwa ang unipormeng nilabhan at plinantsa ng kanyang ina na may kasamang pagmamahal at pasmado ring kamay. Para sa kanya’y nagmukha siya ritong marangal at kaaya-aya. Higit sa lahat, kabanguhan nito ang umakit kay Dave, ang matalik niyang kaibigan. Nais ni Violet na maging mas malapit pa sila ni Dave sa isa’t-isa, tipong beyond friendship to real marriage someday. Mestiso, may makinang at kissable lips, may tantalizaing eyes, at halos kamukha ni Miguel Tanfelix ng GMA si Dave. Unang sulyap pa lang sa kanya ni Violet, agad na niya itong tinabihan, baka maagawan pa siya ng iba. Magkatabi lagi ang magkaibigan sa classroom. Wala namang masamang tinapay ang kanilang mga kaklase sa pagkakaibigan nila. Puro lang naman paglalaro, pagaaral, at kainosentehan ang kanilang alam. Nakaramdam si Violet ng ligaya sa palagiang pagdaiti ng kanyang braso sa braso ni Dave. Swerte pa lalo sa tuwing magbubunong braso sila kapag wala ang
51
Estacio guro sa harapan. More contact at exposure sa kamay ni Dave, sabay kilig sa sikmura nitong si Violet. Habul-habulan ang kanilang laro tuwing sasapit ang uwian. Minsan sinolo nila ang court ng paaralan at doon nagtakbuhan. Para kay Violet, s’ya ang prinsesa at si Dave ang prinsipeng dapat humabol at pumangko sa kanya tungong kastilyo. Matapos ang kanilang laro, tradisyon nila na bibili ang huling nataya ng tig-limang pisong samalamig. Dalawa pa silang magsasalo sa isang baso. Pawis at baho ni Dave ay di alintana ni Violet sapagkat mabango raw ito. Langit ang buhay sa tuwing papasok sa paaralan si Violet. Pilit niyang pinigilan ang pagbukadkad ng mga nakatago niyang talulot sa takot na baka masira ang pagkakaibigan nila ni Dave. Subalit sa paglipas ng panahon, naging madaya pa rin ang buhay. Kumupas nang tuluyan ang kanilang relasyon—friends no more. Tumuntong sila ng Grade 6. Malaki na ang kanilang pinagbago. Bumarkada si Dave sa mga pabidang mga lalaking best maton ng Kopkopan Elementary School. Samantalang si Violet ay hihirangin nang Little Miss Kopkopan Elementary School. Namukadkad siya kasama ng mga kaibigang babae.
52
Road to Heaven Tumapang lalo ang halimuyak ng unipormeng amoy bulaklak ni Violet. Natuto na siyang rumampa sa paaralan. Kung lumakad ay may kasamang kembot, may pagtikwas na ang mga kamay, may paghawi na ng buhok sa tenga, at kung umupo’y tumitikom ang mahinhing hita. Hindi na nagpansinan ni nagkatinginan pang muli ang dating mag-bestfriend kahit na nasa iisa lamang silang paaralan. Sobrang ikinahiya ni Violet ang sarili niya kay Dave. Alam niyang may pagkamuhi siya sa mga bakla, mukhang inimpluwensyahan kasi ng mga lokong kabarkada. Ang masaklap pa sa lahat, umasa si Violet na magkakaroon ng big comeback. Balang araw ay magiging close ulit sila at kapag lumaon ang panahon, sa isang romantic na lugar ay maisasambit na niya kay Dave ang mga salitang nakaka-trigger ng gonads— mahal na mahal kita…please mahalin mo rin po ako. Nauwi sa suicide ang kanyang mga pantasya. Pati dangal niya nag-suicide na rin. Sa araw-araw na ibinigay ng diyos, naging tapunan siya ng maraming masasakit na salita at pang-iinis mula sa kanyang mga kaeskwela. “May baklang halimaw!,” pang-iinis ng mga lalaking kabarkada ni Dave. Nakita lang nila si Violet, nabulabog na sila at kumaripas ng takbo. Nakatayo lang si Violet sa may gate, may hawakhawak na supot ng monay para sa kanyang ina. Sinira na
53
Estacio naman ang kanyang mood ng mga lalaking may sayad. Ngunit hinayaan na lang niya ang mga taong ‘yon sa kanilang trip. E de kayo rin ang napagod sa pagtakbo. Mga luko-loko. Deretso na lamang siya sa paglalakad. Nang malapit na siya sa simbahan, nadatnan niya ang mga ito na nakatambay ilang metro, deretso mula sa kanyang kinatayuan. Nais niyang lumihis ng daan. Gayong wala na sila sa paaralan, baka kung ano pa gawin ng mga taong ito sa kanya. Sana’y hindi siya bugbugin. Tumawid si Violet papunta sa kanang bahagi ng kalsada. Ramdam niya ang pawis sa kanyang singit at kilikili sa sobrang kaba. Wala namang ibang lagusan pa kun’di ang deretsong daan patungo sa bungad ng kanilang bahay. Ngunit ang daang ito’y kinalatan pa ng mga kalabang mambu-bully. Sana’y hindi mapansin ang kanyang paglalakad. Inilingon ni Violet ang kanyang mukha sa kanan. Iniwasan niyang tumingin sa kanila na nakapirmi lamang sa kabilang kalsada. Maya-maya pa’y bumulabog sa kanyang paglalakad ang sutsot ng isang pamilyar na lalaki. Walang iba kun’di si Dave, dating kaibigan na ngayo’y nakiuso na sa pambu-bully. Nakorner si Violet ng grupo. Nang papalapit na sila sa kanya, napansin niyang lumugar si Dave sa kanilang likuran. Sa mga sandaling iyon, naramdaman ni Violet
54
Road to Heaven na naligaw ng landas ang kanyang kaibigan. Parang hindi rin niya ginusto ang kanyang ginawa. “O, Violet! Bunong braso na lang oh, kaya mo ba ko? Di ba sanay ka, kaya mo ngang talunin ‘tong si Dave di ba? Mga pre, lalake yata ‘tong si Victor, este Vayolet,” sabi ni Enrick, ang punong maton sa kanilang grupo. Sumabog sa tawanan ang mga kaibigan. Nakitawa pati si Dave na siya ring naging paksa. Umatake ang galit at pagkailang kay Violet. Lalo pa siyang nasaktan sa paghalakhak ng kanyang dating kaibigan. Sobrang sakit, parang sinuntok ang kanyang dibdib. Hindi pa natigil si Enrick sa pang-iinis. Ginaya pa nito si Violet at nagboses pa s’yang bakla. “Ayyy! Sorry, waley na ang ako muscles…sayang hindi ko na makakalaro papa Dave ko.” Hinila ni Enrick na saksakan sa kakornihan si Dave sa harapan at pinagsalita. “Heto siya oh! Bunong braso na yan!” Nagtagpo muli ang kanilang mga mata. Mga tatlong segundo pang nagkatitigan. Ano ba ang dapat sabihin? Nahiya rin si Dave. Ngunit kung hindi siya aaktong kaaway, baka i-bully din siya ng kanyang kabarkada. “Hh-hoy bakla! Hindi mo ko kaya. Sa’yo ko makikipaglaro? (umaktong sumusuka, gustong magpaimpress sa mga kasamahan),” nakakairitang bikas ni Dave.
55
Estacio Napuno ng galit at sumikip pa ang nagdudugong puso ng biktima. Walang anu-ano’y bigla siyang sinuntok ni Violet sa mukha. Naghiyawan ang kanyang mga kaibigian na parang wala sila sa kanilang mga sarili. Sa sobrang sakit ng pagkakasuntok, dumaloy ang tren ng dugo sa kanyang putok na labi at di na muling nakaganti pa. Samantala’y mabilis na tumakbo si Violet patungo sa kanyang tahanan. Di n’ya napigilan ang pag-iyak. Tila mas marami pa ang kanyang luha kumpara sa dumanak na dugo ng traydor na kanyang minahal. Matapos noon ay di na siya muling umasa pa sa isang hayop tulad ni Dave. Makalipas ang maraming buwan, dumating din ang buhay High School. Bagong buhay, bagong pag-asa, bago at makulay na kasarian. Kumpara sa kanyang buhay elementarya, pinilit niyang maging discreet sa sekondarya para kahit papaano’y wala na sa kanyang tutukso. Kung ano ang idiniktang kilos ng panlalaki niyang uniporme, panlalaki rin ang kanyang ikinilos. Pagalingan na lang sa pagpapanggap. Wala na rin sa bago niyang paaralan ang mga taong nagdulot sa kanya ng matinding kasiraan at kalungkutan. Wala rin si Dave. Malayo siya sa gulo. Malaya na siya. Isinantabi niya ang mga pagpapantasya at patuloy na kinalimutan ang mga maruruming memorya. Nag-aral
56
Road to Heaven siya nang mabuti upang makabawi sa paghihirap ng kanyang ina. Isang gabi, mag-isang umuwi si Violet. Kagagaling lamang niya sa bahay ng kaklase na pinagdausan ng practice ng kanilang sayaw. Nadaanan niya ang dating paaralan na mistulang impyerno’t nagbigay lang ng bangungot sa kanya. Ngunit nahinto ang kanyang paglalakad nang narinig na naman ang tila pamilyar na boses ng mga taong dating nanghimasok sa kanyang buhay. Sumulpot ang mga tawa’t bulong mula sa papasok na eskinitang nasa kabilang kalsada. Tumawid siya’t sinilip ang mga taong lumungga roon. Kumpirmado. Boses ni Enrick ang kanyang narinig kasama ang buong barkada. Laking gulat niya na may hawak silang istik, parang sigarilyo, na kanilang hinithit. Puno ng usok ang lugar na iyon na pinaligiran lamang ng makikipot na pader. Nakita ni Violet ang hawak niyang pakete ng pulbo. Positibo. Drugs. Mga tarantado talaga! Minura at binugbog na sila ni Violet sa kanyang isipan. Ngunit hindi pa rin nito matutumbasan ang arawaraw na pananakit na ginawa nila sa kanya noon. Napagtanto niyang matagal na silang may sapi at nakuha pa talaga nilang humithit ng tsongke. Ngunit mukhang may kulang sa kanilang grupo-- si Dave.
57
Estacio Sabay-sabay na binuga ng mga delinkwenteng magkakaibigan ang maruming usok na siya namang nagpaubo kay Violet. “Pre, sino yun?! May tao!,” bulong ng isang lalaki. Tila nabulabog ang paglutang nila sa ere. Di napigilan ni Violet, umingay pa lalo ang kanyang pag-ubo. Paalis na sana s’ya pero di niya napansin na may kumalabit na sa kanyang likuran. “Huli ka!” Bigla niyang sinunggaban ang mukha ni Violet sabay takip sa kanyang bibig. Di makalabas ang tunog ng kanyang sigaw sa saradong kamay ng lalaki. Siya’y kinaladkad pa at ipinasok sa madilim na tambayan ng grupo. Nanlaki ang kanilang mga mata at nagulat sa bagong biktima. Kilala nila ito.
58
Road to Heaven
Kabanata 10 Si Violet ay parang kriminal na natagpuan ng mga adik na pulis. Hinawakan pa siya nang mahigpit upang hindi makawala. “Ikaw pa la ‘yan, bakla!,” sabay buga ni Enrick sa kanya ng usok. Malaki ang iris ng kanyang mga mata at tuloy-tuloy kung tumulo ang pawis sa kanyang noo. Halatang wala sa ulirat. Sinampal at sinuntok si Violet ng mga sigang lalaki. Ni hindi na siya makaimik sa sobrang kirot ng katawan. Sana’y hindi na lang siya rito napadpad. “Hindi ka ba magsasalita?! Gusto mong pasakan kita ng burat ha?!” Binuksan ni Enrick ang zipper ng kanyang pantalon habang ang ibang mga kasamaha’y nahumaling at nagtawanan. “Pre, hindi si Violet yan! Si Angel Locsin, oh. Sexy.” “Hindi, si Marian Rivera!” “Gago, hindi. Si Violet ‘yan, naging kamukha lang ni Marian Rivera. De sige, Angel Locsin na lang pala.” Iba’t-ibang imahe at hiwaga ang kanilang nakita. Epekto na ng makakapal na usok na nagmula sa kanilang bibig. Walang awa nilang pinaghuhubad ang kawawang biktima, tinira pa ang brief. Wala ni isang tumulong sa kanya. Kinalabog na ng nakahiga niyang katawan ang
59
Estacio sahig nang may taong makarinig ngunit patuloy silang dumagan sa kanyang ibabaw. Bago pa man siya tuluyang mapatay, sumugod ang isang nagwawalang lalaki sa mismong eskinita at pinagsusuntok sa tiyan at mukha ang mga demonyong nagpahamak kay Violet. Bago niya isara ang kanyang mga mata, naainag niya ang mukha ng isang kaibigan na matagal na niyang kinalimutan. Naramdaman niya ang malambot niyang kamay na humimas sa kanyang magang mukha. Inakbayan siya at tinakas sa impyernong lugar.
60
Road to Heaven
Kabanata 11 Nakatambay noon si Dave sa waiting shed, malapit sa paaralan. Nakita niyang dumaan si Violet. Ngunit di siya napansin dahil na rin sa kadiliman ng gabi. Naobserbahan ni Dave na malaki na ang pinagbago ng dating kaibigan makalipas ang halos tatlong taon. Pinagmasdan niya si Violet mula ulo hanggang paa. Kilos-lalaki na siya. Lumapad ang kanyang mga braso at nahubog pa ang kanyang binti at hita. Mukha siyang gwapo sa barber’s style niyang gupit. Ang mestisuhing mata ang nagbigay kay Violet ng malakas na dating. Tunay na siyang binata. Mas gumwapo na nga talaga siya!, laking mangha ni Dave. Tatawagin sana siya nito nang makausap siyang muli. Sa katunayan ay na-miss niya si Violet at ang mga panahon na nagkakadikit pa ang kanilang mga balat at kamay noong bata pa. Gustong-gusto niyang humingi ng kapatawaran. Subalit lumayo si Violet at nagtungo sa madilim na eskinita, tila may gustong silipin na s’ya namang ikinakunot ng noo ni Dave. Anong ginagawa niya? Pinanood pa ni Dave mula sa kanyang tambayan ang pagsilip ni Violet sa misteryosong lungga. Maya-maya pa’y umubo siya nang malakas at paulit-ulit. Mukhang sumama ang pakiramdam sa nakita.
61
Estacio Laking gulat ni Dave nang biglang lumabas ang mukha ni Enrick. Tinapon pa niya ang kanyang sigarilyo, kinalabit sa likod si Violet, saka siya sinunggaban at ipinasok sa loob. Napatayo si Dave sa sobrang takot at taranta. Gusto niyang iligtas si Violet. Ngunit baka madamay pa’t ikamatay niya ito. Narinig niya ang mga suntok at hampas. Naghalu-halo ang galit, takot, at kaba ni Dave. Humingang malalim, inihanda niya ang kanyang kamao saka tumakbo tungo sa eskinita. Bugbog-sarado ang mga lutang na lalaking dati niyang mga kabarkada. Duguan si Enrick, putok pa ang kanyang labi. Ganti niya ito sa lahat ng pambababoy na ginawa niya kay Violet simula’t sapul at sa panglalason sa kanyang isipan.
*** “Kamusta ka na?” Narinig ni Violet ang boses ni Dave nang siya’y nagising sa malalim na pagtulog. Isang dangkal lamang ang layo ng kanilang mga mukha. Dumampi pa ang mainit na hininga ng lalaki sa pisngi ni Violet. Ramdam pa niya ang hapdi ng sugat at pamamaga. Halatang pinagmasdan ang kanyang pagtulog sa halos nangangalawang na nilang kama.
62
Road to Heaven Mabilis na nanumbalik ang ulirat, sumagi sa ala-ala ni Violet ang pangti-trip ng mga lalaki sa eskinita— pambubugbog at panggagahasa. Ang masaklap pa ay ang lalaking nasa tabi niya ngayon ay kabilang pa sa kanila. Hindi niya alam kung saan siya nito dinala. “Lumayo ka sa akin!” Nataranta si Violet ngunit pinigilan at sinikap siyang pakalmahin ni Dave. Pumasok ang mga magulang niya sa kwartong kanilang kinalalagyan. Natakot din sila sa sigaw ni Violet. Mabuti na lang pinayagang mamalagi si Violet sa kanilang tahanan. Iniwanan nila ang dalawang lalaki sa kwarto. Dahandahan pang pinunasan ni Dave ang mukha ng tila kanyang pasyente. “Niligtas kita…wala akong kinalaman sa kanila,” pagamin niya. Ngunit hinampas ni Violet ang kamay nito at inilingon ang mukha papalayo. Naalala niya ang pagpapahiyang ginawa nito sa harapan ng kanyang mga kaibigan. Maraming beses siyang pinagtripan noon. Hindi pa rin natinag si Dave at pilit pa rin n’yang pinunasan ang mukha ni Violet na sobra niyang kinairita. Bigla niyang dinakmal ang bimpo at binato sa pa-anghel na mukha ni Dave. “Ano bang problema mo ha?!”, sigaw niya. “Ikaw na ‘tong tinutulungan. Ako na ‘tong may malasakit sa’yo!”
63
Estacio Hindi rin napigilan ni Violet ang pagputok ng kanyang budhi. “E bakit mo ba ‘to ginagawa, ha?!” “Magpasalamat ka dahil tinulungan kita.” “Anong katarantaduhan ‘to?! Di ba ikaw ‘tong demonyo sa’kin? Matapos mo ‘kong sukahan nang sanlibong beses…sinong tanga me gustong bumalik ka? Tanga na magpatawad sa’yo! Bakit di mo ko hinayaang mamatay kanina eh may pandidiri ka sa akin, sa isang bakla? Kala mo makakalimutan ko lahat ng panggagago niyo?!” “Wala na ‘ko sa kanila ngayon! Kung ano man nagawa kong mali, ilang beses ko yun pinagsisihan. Hindi ko--” “At ikaw pa ‘tong nagsisisi? Ilang beses kong pinagsisihan kung bakit pa ko napadpad sa eskwelehang ‘yon, kung bakit ako naging bakla. At nagsisisi akong nakilala kita!” Lumabas ang rumaragsang luhang tinimplahan ng galit at depresyon sa mga mata ni Violet. “Violet, natakot ako na baka saktan din nila ko. Hindi kita pinagtanggol, nagkunwari ako. Sorry” “Kapal mo! Duwag ka! Sana di mo na sinabi yan. Sakit e, mas lalong sumakit! (sabay turo sa dibdib) Minahal ki--” “Mahal kita…Victor, matagal na kitang mahal.” Biglang hinalikan ni Dave ang kanyang kaibigan. Isang matamis na halik ang nagpatahimik sa naggye-gyerang mga bunganga. Tumigil ang tik-tak ng orasan, nakisabay
64
Road to Heaven sa paghalik ang nagdikitang mga damo sa labas, lumiwanag ang mga bitwin, mukhang lumapit pa lalo nang sila’y silipin ngunit una nang namboso ang buwan, higit sa lahat nalagutan ng hininga ang kama sa kabigatang nadama—dalawa silang magkadikit, muling inuulit ang init na nadama sa isa’t isa noong Grade 3.
65
Estacio
Kabanata 12 Matapos ang pag-aaminan, Darby na ang tawag ni Violet kay Dave, at Violet pa rin ang tawag sa kanya, alyas para sa pangalang Victor Leo Tuazon. Hindi lang sila naging friends again, kun’di nasa couple level na ang kanilang relasyon ngunit sa paraang natatakpan pa rin ng makapal na maskara. Higit pa sa langit ang kanilang pagmamahalan. Sa katunayan, grade three pa lamang ay magkaparehas na ang naramdaman nila sa isa’t isa. Sadyang pinaghiwalay lang sila ng landas. Ngunit ngayon, mismong ang kaitiman ng birhen ng Piat na dinasalan ni Violet ang tumupad ng big comeback. Ang pangarap ni Violet, gayon din ni Dave, ay nagkatotoo—maging sila. Kahit cliché na sa Soap Operang Pilipino, sa bukid pa sila solong nag-date at naghabulan ala Richard Gomez at Dawn Zulueta. Sa bandang huli’y mapapagod at may kaunting kissing scene pa na ubod ng sarap at ligaya. Ulap at araw naman ang nakikiboso. Tumuntong sila ng Fourth year High School, ngunit sa magkaiba pa ring eskwelahan. Sabik na silang magkolehiyo dahil magkakasama sila sa iisang unibersidad at malaya na silang gawin ang lahat sa ngalan ng pag-ibig. Minsan ay nagpaalam si Violet sa kanyang ina. Pupunta raw siya sa kanyang mga kaibigan para maggroup study buong gabi. Matagal nang nagtaka ang 66
Road to Heaven kanyang ina sa mga kakaibang kilos nito—laging wala sa bahay, laging may katawagan at ka-text sa cellphone, lutang sa mga gawaing bahay, higit sa lahat, nawala na siya sa Top 10. Dahil sa kagustuhang malaman ang pinagkakaabalahan ng anak, minsan ay pinakeelaman ng nanay niya ang kanyang cellphone na may Disney themed wallpaper. 2 New Messages Binuksan niya ang inbox at nabasa ang unang mensahe: Darby: Excited na q mamaya. Punta ka nang maaga, enjoyin natin ang gabi. I miss you po. Kinabahan ang kanyang ina sa nabasa. Mukhang iba ang ipinahiwatig nito. Isang malaking katanungan kung sino si Darby. Hinuha niya na may kinakasama na ang kanyang anak. Pinindot niya ang ikalawang mensahe: Darby: Happy Anniversary, mahal ko! I love you so much. Kain ka na. :-) Biglang pumasok si Violet sa kanyang kwarto at nabulabog ang kanyang ina sabay laglag ng cellphone mula sa kanyang nanginginig na kamay. Laking takot ni Violet na baka nabasa ng kanyang ina ang mga sikretong text messages. Ngunit pag-amin ng ina na wala raw siyang nabasa.
67
Estacio
Kabanata 13 Pas porward Kung manonood ng isang pelikula, nakakainip nang pag-usapan pa ang mga flashbacks na pagkarami-rami’t ayaw pang magpakawala sa tanikalang gumagapos dito. Manong ipokus na lang sa present Beshie-Violet tandem ang kwento. Ngunit sadyang goma ang isipan ni Violet. Pabalikbalik siya sa nakaraan kahit ano pa mang bira na sadyang nagpapapigil ng orgasm habang siya’y nakikipag-sex. Nang tumunog ang cellphone ng kanyang customer na nakapatong pa sa kanya, nakita niya ang brand—Nokia 1600—na pwede nang ipangkayod sa yelong pinatong sa kubeta. Ang cellphone na ‘yon, amoy kamay ng kanyang inang nais mag-pink panther sa kanya noong karelasyon pa si Darby aka Dave. Ang kanyang ina na kasing itim ng Piat na pasikreto pang sumunod sa pinuntahan daw n’yang group project ay mukhang sinakluban ng dilim ni Satanas at nagsilitawan ang kaliskis at pulang ilong nang nakitang nag-holding hands sina Violet at Dave. “Group project daw!,” sabi ng ina habang nasa tabi pa ng isang eskinitang amoy usok ng mga adik-adik. Tinanaw n’ya mula roon ang bahay ni Dave na walang katau-tao kun’di sila lamang ni Violet. Nang sinara nila 68
Road to Heaven ang pintuan, nagsimulang maglakad-lakad patungo roon ang inang pink panther at nagmasid-masid sa bintana, gustong makita ang kagaguhan ng anak na… “Bakla ang anak ko,” sabi niya sa sariling nanghihinayang. Sa di inaasahan, nabulabog na naman ang bayan ng Kopkopan sa balitang pinalayas daw diumano ng isang negrang ina ang kanyang mestisuhing anak dahil sa nahuli raw itong nakikipagtalik sa kapwa lalaki. Nangyari ang ilang serye ng MMK—inamin ni Violet na matagal na s’yang babae na kinulong sa katawan ng lalaki. Inamin din ng hipokritang ina na di rin pala totoo ang kwentu-kwentong iniwan sila ng ama kun’di sila mismo ang lumayas sa takot na mahuli ng mga pulis. Baby pa noon si Violet nang nahuli ng ina n’ya ang pambababoy ng asawa nito kasama ang kanyang kabit. Kauuwi lang ng ina kasama ang sanggol na tulog pa sa kanyang bisig. Narinig n’ya ang nagbasakang mga gamit sa kwarto nila ng kanyang mister. Sa takot na baka may magnanakaw o may malaking multong handang dumagan sa kanyang katawan, dahan-dahan pa s’yang humakbang upang silipin ang butas na maaaring magpasiwalat ng misteryong ingay. Nang kanyang nasilip, sumabog ang adrenaline sa kanyang katawan. Gulat na gulat nang makita ang dalawang Adan at Eba na nasa kama. Humihiyaw pa ang kabit habang nilalaro ng taksil na lalaking di pa nakuntento sa sariling misis.
69
Estacio Kung umiyak ang sanggol na si Violet ay singlakas ng utot ng lamok, rinig na rinig sa mundo ng mga baktirya at maliliit na cells ng balat. Di n’ya maintindihan ang ginawa ng ina noong gabing ‘yon. Madilim pa noon at sa kanyang nakita’y maraming pulang likidong dumungis sa kamay ng ina. Nang dumilat sa mahabang pagtulog ay nasa ibang lugar na sila, sa lumang bahay na kung saan banned ang paggamit ng kutsilyo maliban sa kanyang ina. Ngunit di lang dito natapos ang mahabang MMK. Bago lumayas si Violet, sinabi n’ya ang mga malulutong na linyang ito na may kasamang iyak at hagulgol: “Kung di mo ko kayang tanggapin, eh pa’no pa kaya ikaw na isang putang ina?! Kala mo kaw lang ang nakakadiskubre ng mga kabahuan. Bago ka pa man naging anghel sa simbahan na ‘yan, alam ko na eh! Alam ko nang matagal ka nang pokpok sa makating pari mo!” Nanghina na ang lahat ng laman sa katawan ng kanyang ina. Parang titigil ang pintig ng kanyang itim na puso, namimilipit pati ang tumbong, at sa anumang oras ay hihilahin na s’ya ng Mahal na Poong Satanas na matagal na n’yang sinusundan. “Ngayon, sinong mas baboy sa’tin?! Isang araw ako sa boyfriend kong medyo legal, pero ikaw, ilang taon ka nang nakikilandi sa isang alagad ng diyos na di kaylanman dapat pinapatulan. Ilan taon ka nang
70
Road to Heaven nagsisimba pero paulit-ulit pa rin sa kaputahan mo.” Paulit-ulit nga sa isipan ni Violet na sana dinagdag n’ya ang mga linyang ito sa mainit nilang komprontasyon ngunit agad na s’yang pinagtulakan palabas ng bahay at pinagsarhan ng pinto. Ayaw nang ipagpatuloy ang usapan. Baka kumalat pa. Saan pa ba s’ya pupunta, nawala na rin sa Kopkopan si Dave matapos ang rambulan. Umalis ang buong pamilya n’ya upang makaiwas sa mga namamaril na salita at mapanghusgang tingin ng mga kabaranggay. Homophobic pa naman ang mga magulang n’ya at handang bayaran kung sino mang doktor o albularyo ang kayang gumamot sa sakit ng anak nila, ang tawag daw ay homosexuality. Matapos ang pagkawala ng sana’y naging matagumpay na comeback nina Dave at Violet at ang pagkahiwalay n’ya sa kanyang putang ina, ano pa bang pasakit ang ibibigay ng mundo? Sobrang saya na n’ya ngayon na habang naglalakad s’ya sa kalsada’y nakikita n’ya ang liwanag na paparating sa kanyang harapan. Liwanag na maghihilom ng dinurog n’yang puso. Handa na yatang kunin ng Panginoon at makamtan ang buhay na walang hanggan na sinasabi sa Bibliya. Malapit na, sige pa. Sobrang lapit na. Kaunti na lang, matutumbok na ang pinakamasayang bahagi ng kamatayan. Nang marinig n’ya ang busina ng isang dambuhalang bus sa harapan, bigla s’yang hinablot ng isang baklang blonde
71
Estacio pa ang buhok, kita na ang kuyukot sa maluwag n’yang mini skirt. “Bakla, lutang ka? Muntik ka nang masagasaan. Para kang tanga.” At heto, narito na tayo sa sinasabi nating Beshie-Violet tandem. Alam na ng karamihan ang mangyayari sa susunod. Malamang ay sinasabi na ng isip na tinulungan s’ya ni Beshie, irerekomenda na kay Madir, kukupkupin, at tuluyan nang magiging isang brand new pokpok na alam ang kahulugan ng orgasm. Nang lumipas ang napakaraming panahon at sobrang bilis nga ng narration, pumutok ang isyu ng human trafficking sa Kopkopan at sadyang inilagay ng tadhana sa matinding problema ang Beshie-Violet tandem. Sumingit ang isang kwentong muntikan nang kidnapin si Beshie noong isang gabi at maaaring dito pumasok ang human rights violation sa pamamagitan ng sexual assault, torture, mutilation, organ trade, bahala na. Lumipat muli ang kamay ng orasan sa alas-nuwebe ng gabi. Umiihip ang hanging amoy pulang likido. Sobrang dilim ng daang dati’y kinatayuan ng dalawang baklang nagpapalamon sa leyon. Ngayo’y walang makakita sa kanila, purong dilim ang bumabalot sa buong kakalsadahan at parang maririnig ang mga boses ng mga bayarin na umiiri, umuungol, at humihiyaw. Palakas nang palakas at sadyang nagpapahina sa pupundipunding post light sa gitna.
72
Road to Heaven Bigla-bigla’y may lumitaw na baklang suot pa ang kanyang mini-skirt at red high heels, ngunit punit na ang pang-itaas niya at sabug-sabog ang mais na buhok. Huminto s’ya sa nag-iisang post light na tila kandilang nakatirik sa walang kuryenteng siyudad. Pagod na pagod, kagagaling lang sa mahabang pagtakbo. Ngunit naglusak ang eyebrows sa kanyang mukhang nagalamulto. Kita sa patak ng kanyang mga luha ang bawat molecules ng lungkot, kaba, at takot. Nagmasid-masid s’ya sa paligid, baka nasundan na s’ya ng mga humahabol sa kanya. Brrooommm, brooommm! Gumapang ang kilabot sa kanyang katawan, singbilis ng kidlat. Di malaman kung saan nanggaling ang ingay na’yon sa gitna ng dilim. Dali-dali n’yang tiningnan ang paligid ngunit di makita ang halimaw na dudukot sa kanya. Maya-maya pa’y narinig n’ya na may parang kotseng humihirit ng takbo tungo sa kanya, handang-handa s’yang banggain. Di s’ya makaalis sa light post, nasa dilim lang ang kalaban. Lumapit nang lumapit ang ingay sa kanyang harapan hanggang sa nagsulputan ang mga kamay sa kanyang balikat, braso, at hita. Mahigpit ang kanilang pagkakahawak. Sa loob ng tatlong segundo’y namatay ang ilaw ng light post. Total black out. Wala nang nakita kahit ni isang kaluluwa.
73
Estacio
Kabanata 14 Noong gabing ‘yon, dinukot ng mga traffickers ang bestfriend ni Violet. Di rin alam ni Violet kung traffickers ba talaga dumukot sa kanya o baka mga NPA na ang trip ay mang-abduct nang mapansin ng gobyerno. Kahit ano pa man yan, basta sa may light post diumano nawala ang bakla habang mag-isa. Ito ang report ng isang matandang aleng ke panghe ng bestida ngunit palasimba sa Piat. Hindi na rin nasamahan ni Violet ang kaibigan noong gabing ‘yon dahil busy na sa bagong kleyenteng ikinama. Nangyari nga ang inaasahang panunumbalik ng mga abductors ni Beshie. Ang alam lamang ni Violet ay may kinalaman ang kotseng dating humabol sa kanyang kaibigan. Mas lalong umigting ang takot ng mga tao sa Kopkopan. Parang pagsabog sa Hiroshima ang nangyaring pagkalat ng balita ng pangingidnap sa isang baklang pokpok. Sumunod s’yang biktima matapos ang kaso nila Daisy, Rosy, Maria, Magdalena, Elena, at iba pa. Mukhang balak pa yatang simutin ang populasyon ng mga prostitutes. Kulang na lang ay magtayo ng bagong organisasyon—National Alliance of Concerned Prostitutes in the Philippines—nang sa gayo’y maprotektahan sa pang-aabuso at panga-abduct ang mga maralitang pokpok. Ngunit naisip ni Violet na kaylanman ay hindi ito kikilalanin dahil proletarianized at marginalized nga naman ang sektor ng mga 74
Road to Heaven manggagawang pokpok sa Pilipinas. Sa katunayan ay ilegal ang ginagawa nila at maaaring ipatilampon sa rehab o bilibid. Kung ano pa man ang naiisip ni Violet, wala na s’yang magagawa pa kun’di intindihin ang paghahanap sa nagiisang taong kasama n’ya sa buhay. Ngunit wala s’yang trace, wala ring ebidensyang pwedeng gamitin upang hanapin ang mga dumukot sa inosenteng kaibigan. Tatayo na lamang at tatayo, saka uupo, muling tatayo, di na alam kung ano ba ang dapat gawin. Buong buhay n’ya’y sunud-sunuran s’ya sa mga payo at panguuto ni Beshie. S’ya na nga yata ang demonyong anghel na patuloy sa kanyang tumulak upang makialon sa sex industry. Buong buhay na lang ay nakakulong s’ya sa ideya ni Beshie— “Dati’y walang masama ni mabuti. Wala lang ang pakikipagtalik kung kani-kanino. Pinabango’t pinabaho lang ng tao. Siya lang nagdidikta ng kung ano ang moral at imoral. ‘Wag ka nang maniwalang imoral ‘tong ginagawa natin. ‘Wag kang makinig sa dikta ng tao” Ke lalim ng pilosopiya. Basta para sa kanila’y walang masama sa pamomokmok. Ituring itong parang kasing normal ng pagdarasal sa simbahan, pagtulong sa kapwang nasalanta ng bagyo, pagmamano sa lolang lumpo, o pagiging makabasag-pinggan. Lahat ng gawain, gaano man kalinis o karumi sa mata ng tao, ay pantay-pantay para sa iisang patutunguhan--pansariling
75
Estacio kaligayahan. Kaya lakas-loob na sumabak si Violet, walang pakeelam kung dapuan s’ya ng bilyong batalyon ng HIV o bumulwak ang dugo sa tumbong n’yang bugbog-sarado. Gusto n’yang kumita, gusto n’yang mabuhay, gusto n’yang maging maligaya. Kay bilis nga ng mga pangyayari, naisip n’ya. Parang noon ay humihigop lang ng kape si Beshie ngayo’y siya naman ang hinigop ng mga mandurukot. Sobrang ikli ng buhay na kung saan di na nakilala nang lubusan ang makulay na buhay ni Beshie, na s’ya’y minsang inosenteng bata na laging kinawiwilihan ng kamag-anak dahil sa talento nito sa pagkanta ng ballads. Subalit imbis na mikropono ang kanyang mahawakan, pinahawakan ng kanyang tiyo ang ano nito. Tuloy-tuloy ang pag-awit tungo sa kasiraan ng pangarap. Sa kasamaang palad, dinestino pa s’ya ngayon sa kidnapping nang mabigyan pa ng suliranin ‘tong si Violet. Umuwing nakaapak si Violet sa apartment, simbolo ng kanyang pakikidalamhati. Niyakap nang mahigpit ang unan ng nawawalang kaibigan, amoy Vaseline pa na may halong lubricant. Saka rumagasa ang luha. Buong araw n’yang ginawa lahat ng paraan upang ma-trace ang mga kidnapper. Sinubukan n’yang manghingi ng tulong sa pulisya ngunit wala silang nagawa kun’di isulat na lang sa kanilang record book ang narasyon ng kwento. Maski na kay Madir, walang ring napala. Naglumpasay
76
Road to Heaven pa s’ya’t tumawa nang bahagya sa pagkawala ni Beshie. Wala yatang gaanong pakeelam liban sa pera. Di naman makaimik ang matandang aleng nakakita sa aktwal na pagdukot. Basta sasakyan daw na black at parang nakablack din daw ang dumukot. Walang masabi kun’di black, malamang ay gabi kasi nangyari at medyo dinumog na ng katarata ang kaliwang mata ng matanda. Ngunit isang palatandaan ang malinaw n’yang nakita sa kotse na esensyal upang mahanap ang nawawalang biktima--krus. Diyos ko! Sa dinami-rami ng sasakyan na may krus, merong nakasabit sa me front window, sa rear, nakatatak sa labas, sa likuran, sa gilid, sa harap, ano bang klaseng krus meron ang matandang ‘yon? Gusto pa yata sasakyan ng Santo Papa, sandamakmak ang krus dun. Bahala na, sabi ni Violet sa sarili. Tahimik ang kanilang apartment na mistulang inabandona ng pamilyang minasaker. Wala na ang tawanan, rampahan, artihan, sayawan, tsikahan, at ang malambing na boses ni Beshie. Ngayo’y nakahiga na lang si Violet sa kamang amoy Vaseline na naglulusak na nga sa luha. Hindi s’ya makatayo ni makagalaw ng isang dangkal, pinipigilan na ng kalungkutan. Maya-maya’y may naramdaman s’yang brasong untiunting gumagapang sa kanyang bewang. Gusto s’yang yakapin nito. Di mabigyang paliwanag ang init at
77
Estacio ligayang nadama ni Violet--yakap na gusto niyang makamtan nang mahimasmasan at maibsan kahit papaano ang bigat ng dibdib. Umaasa s’yang bumalik nang muli si Beshie at sadyang kalokohan lang pala ang pagkawala niya. Baka nagtago lang pala sa ilalim ng kama ng isang araw para ma-miss ni Violet. Alam ni Violet na braso n’ya ang nakayakap sa kanya ngunit paglingon n’ya’y ibang nilalang ang katabi n’ya ngayong gabi. “Dave!!!,” biglang tili ni Violet at halos magkandahulog ang lamp shade at picture frame na nasagi niya. Gulat na gulat s’ya nang makitang nakangiti pa ito, suot-suot ang paboritong puting T-shirt at boxers. Nakuha pang mag-macho dance. Sobrang gwapo n’ya na ang mga labi’y makintab at manipis, at ang katawa’y macho na at lumolobo pati ang biceps. Samantalang si Violet naman, nalolosyang at gula-gulanit ang istura, ay nakatayo’t nakipagtitigan sa aparisyon ng dating kasintahan. “Violet, Violet, Violet, Violet…” Paulit-ulit na nagsalita si Dave na parang gasgas na CD player. Kakaiba ang asal nito, mukhang pasyente ng mental hospital. Parang pinaglalaruan na naman si Violet. Binato n’ya ang naglaglagang litrato sa mukha ni Dave na s’ya namang ikinadapa nito at parang nawalan pa ng malay.
78
Road to Heaven Nang makita ni Violet ang nakahandusay na lalaki, bumulwak ang dugo nito sa tiyan na kitang-kitang may saksak ng kutsilyo. Nangingisay ang kanyang katawan lalo na ang malalaking biceps at ang magandang labi’y pinuno ng dugong nagwelga mula sa bituka. Takot na takot si Violet at di makapaniwala sa kahindik-hindik na senaryo. Biglang may kumalabit sa kanyang balikat at nang siya’y lumingon sa likod, nakita n’ya ang nakangiting si Beshie. Suot pa n’ya ang maikling palda ngunit ang pang-itaas n’yang blouse ay warak. Nang lumingon muli kay Dave, sa di inaasaha’y lumitaw ang kanyang inang may suot-suot na rosaryo sa leeg. Ang rosaryong tiyak na pamilyar. Ito ang suot dati ng kura paroko. Gulat na gulat si Violet, lumalakas ang pagkabog ng puso. Binira ng ina ang rosaryo sa leeg at nagkalat ang mga beads sa sahig na parang monggong nagsitakbuhan papalayo sa demonyo. Isang kutsilyo ang hawak ng ina at sa laking surpresa, di katawan ni Dave ang nakahiga kun’di si Beshie. Tinadtad ng saksak si Beshie sa mukha hanggang sa pinakapribadong lugar ng kanyang katawan. Nagfountain ang dugong nagsilabasan sa walang malay nitong katawan kasabay ng paglitaw ng dinurog na bituka at hiniwang baga.
79
Estacio Di makagalaw si Violet. Nasa isip n’yang kaylangan nang tumakbo ngunit paralisado s’yang nakatayo habang pinapanood ang pagratrat ng ina sa kaibigan. Maya-maya pa’y may kumalabit na naman sa kanyang balikat. Baligtad na krus ang nakaguhit sa kamay nito. May parang mainit na hangin ang dumaan sa harapan ni Violet. Amoy pa n’ya ang pagkabaho nito na parang nabubulok na karne. Nasa likuran n’ya ang nangangalabit. May kung anong mensahe pang binubulong sa tenga ngunit di maintindihan. Ramdam pa ang init ng mabahong hininga sa leeg. Lahat ng balahibo’y tila nakuryente sa takot.
Biglang lumusot ang malaking kutsilyong tumuhog sa kanyang bituka. Lumakas ang tawa ng nilalang na nasa likuran. Demonyo.
80
Road to Heaven
Kabanata 15 Mabuti’y ginising ng alarm clock si Violet. Laging ika-pito ng umaga ang oras ng paggising nila ni Beshie nang makapag-unat ng katawang nangawit sa kakadapa. Kailangang maging sexy at dapat mag-work out para mapanatili ang pigurang hinubog ng pills. Binulabog ng sinag ng araw ang mga mata ni Violet. Mahapdi pa at medyo nanlabo ito sa mga muta. Kay sarap kamutin ng mga matang maga, sariwa galing sa pag-iyak. Akala ni Violet ay nagdudugo pa rin ang kanyang tiyan at nagkalat ang dugo’t bituka sa sahig. Wala rin sila Dave, Beshie, inay, at ang wirdo sa likuran. Nakaayos din ang lampshade at mga litrato sa mesang katabi ng kama. Walang pinagbago maliban sa maliwanag na at tahimik ang buong kwarto. Nasa pader, tapat sa me paanan ng kama, ang malaking poster ng Sacred Heart of Jesus and Immaculate Heart of Mary. Simula’t sapul ay sila Mama Mary at Jesus ang tumititig kay Violet tuwing umaga. Kita sa kanilang mga mata ang awa sa kanyang kinahinatnan. Wala rin daw silang bubuksang pinto sa langit kapag namatay si Violet. Umikot man ang kamay ng orasan nang ilang milenyo, nakatitig pa rin at walang imik ang banal na mag-ina kay Violet. Sa bandang dulo ng poster sa ibabang kanan, nakathumb tacks ang maliit na litrato ng kanyang ina. 81
Estacio Morena pa at dalaga, hapo na ang mga mata, at mahaba pa ang buhok. Ibang-iba sa mukha at karakter ni Mama Mary na ubod ng ganda at birhen na birhen. Murderer sa panaginip ang ina at mahusay mangtadtad ng lamanloob. Ngunit sa litratong ‘yon ng kanyang ina, nakasabit sa kapiranggot na tangkay ng thumb tacks ang sampagitang kayumanggi’t malutong na. Nasaan na kaya si Nanay? Nasa piling pa rin nila Mama Mary at Jesus. Ngunit wala dapat talaga siyang pakielam sa nanay n’yang di pa rin n’ya kayang patawarin. Isa na lang ang tao sa buhay niya. Si Beshie. Bakla, nasaan ka na? Naisip niya na baka naman makatulong ang panaginip n’ya sa paghahanap. Mukha lang naman ng nanay niya ang nakita n’yang mamamatay-tao liban na sa taong nangangalabit sa likod. Siguro’y ang kahulugan noon ay pinapatay ng ina ang kanyang kaligayahan-- ang kanyang piniling kasarian, pagtanggap sa kanya bilang anak, pagkakaroon ng ama, ng isang Dave, at baka ngayon ay si Beshie. May kinalaman ba talaga s’ya sa pagkawala? Masidhing kalungkutan ang nanaig sa kanyang damdamin. Ngunit sa mundong siya’y mag-isa na lamang, nais na rin ni Violet ang dating nagbigay ng mga matatamis na halik at yakap noong siya’y musmos
82
Road to Heaven pa. Wala naman na talagang tunay na kaligayahan sa ginagawa n’ya ngayon. Pagrerebelde ang dahilan kaya umanib siya sa ipinagbabawal. Nagmula rin naman sa impluwensya ng ina ang kasuka-suka na kinahinatnan ni Violet ngayon. Ang butas na kanyang sinilip, ilang beses nang nangyari sa mismong tahanan nila ‘yon. Isama pa ang nangyaring pangha-harrass sa kanya ng isang barkadang luko-loko. Sa kabilang banda’y umasa siyang hahanapin ulit siya ng isang tao at ililigtas siya sa pagkaligaw ng landas. Hindi na rin si Dave ito dahil matagal na s’yang wala at sinaksak sa di maintindihang panaginip. Umasa s’yang mayroon pa ring mapapala sa ina. Ngunit wala namang naghanap ni nagsumikap na magimbestiga kung nasaan ang anak na si Violet na matagal nang naglayas sa bahay. Wala ring nakapaskil sa mga poste at pader ng mukha ni Violet na me headline na “Missing…maawa kayo, hanapin n’yo ‘tong batang ‘to. Nagsisi ako; pinalayas ko anak ko. Napakagaga kong ina. ” “Nami-miss ko na si nanay,” angal ni Beshie sa sarili. Bumangon siya at nilapitan ang litrato nito. Nasa background nito ang bahay nilang antigo, ang bahay na katapat ng batong simbahan. Namumukod tangi ang pagka-kubo ng bahay nila sa linya ng kabahayan sa tapat ng simbahan. Makikita sa litrato na di pa inaanay ang pawid nito at di pa natutuklap ang mga plywood na nakatapal sa may bungad. Maitim pa ang hagdanang
83
Estacio kawayan na pinagdugtong ang pintuan at ang lupa. Kung titignan sa labas ay mukhang maliit, baka nasapawan ng nakatayong ina sa harap. Ngunit pag pumasok dito’y apat na ang kwarto. Ang tatlo’y tinablahan ng sawali na sadyang tinatagusan ng malamig na hangin at mabahong anghit ng tao sa kabilang kwarto. Pang-isahang tao lamang sa tatlo na ‘yon kaya may kaliitan sa limang taong papasok. Sa dulo ng mga nakapilang kwarto nakapirmi ang pang-apat na sadyang binakuran ng semento. Pangdalawahan naman ito kaya pag pumasok ka rito’y amoy na amoy ang katas ng mga matatanda. Ito ang kwarto ng yumaong lolo at lola ni Violet. Kapag lumabas kang muli, maaamoy ang di makabasag pinggang tayo ng ina sa litrato. Sa nakalugay pa nitong buhok ay nahiya si Urduja, dinaig pa ang pagkamandirigma at handang tuhugin ng sibat ang manghihipo sa kanya. Maihahalintulad din ang pagkaitim n’ya di sa Piat kun’di kay Pokahontas. Prominente pa ang matalim na pisngi at ang mga mata’y kayang mang-akit at manukso ng isang John Smith at ayon sa orihinal na istorya’y nagpakakristyano pa siya at piniling manirahan sa England kaysa sa sariling tribo. Habang ang ina ni Violet ay matagal nang nakapang-akit at pinili na ring umanib sa ibang John Smith dahil sa di matawarang tukso at kagustuhan. Nagpaka-Pokahontas
84
Road to Heaven ang ina, lingid sa kaalaman ng iba’y kolokyal na salita ito ng mga bakla para sa Pokpok. Ang daming iniisip ni Violet, puro walang katuturan at paghahambing sa mga kung anu-anong ideya. Ngunit di talaga n’ya maalis sa isipan ang usapin tungkol sa kanyang ina. Manong pumunta na roon at tuklasin kung nakatayo pa rin ang ina, nalolosyang na sa kakatanaw sa mga taong dumaraan, umaasang babalik pa si Violet. “Panahon na nga para bumalik ako,” hamon ni Violet sa sarili. Humarap siya sa salamin ng CR, nakita ang mukhang walang maihaharap sa mga tao. Hinubad n’ya ang kanyang damit at nakita ang katawan ng isang lalaki. Patag pa rin ang dibdib, malapad ang balikat, may hubog ang mga hita, magaspang pa ang kamay. Ngunit mas payat s’ya ngayon. Kinuha n’ya ang gunting, razor, at ang suklay saka pinatugtog ang Requiem ni Mozart na parang si Queen Elizabeth ay handa nang magpakabirhen. Unti-unting ginupit ni Violet ang isang haba ng kanyang buhok. Damang-dama sa kanya ang pagkamahiwaga at pagkamaluwalhati ng ginagawa. Isang putol ay sinasabayan ng isang buga ng malakas na string at dagundong ng drum. Ginupit pa n’ya ang mahabang buhok sa likuran habang tumutulo na ang matatamis na luha sa kanyang mga matang marami nang nakitang lungkot at ligaya. Nanginginig pa ang mga
85
Estacio kamay habang hawak ang maingay na razor, inaahit na ang gilid ng kanyang ulo sa saliw ng boses ng Primadonna. Pataas nang pataas ang tono ng Requiem sa radio, inililipad s’ya sa kalangitan habang sinasalubungan na ng mga talupat ng anghel. Malalakas na ang trumpeta at umaalingawngaw ang buong harmonya sa napakasagrado’t maulap na lugar. Ilang hakbang pa’y may tronong sasalubong sa kanya at handa na s’yang luhuran ng mga anghel. Natapos ang orkestra. Nilinis ng musika at gunting ang kanyang buong pagkatao. Isang malaking buntong hininga. Maikli na ang kanyang buhok. Lalaki ang repleksyon na nakikita sa salamin. Ang gaspang na ng patilya n’ya at ahit na ahit ang bandang likuran. Mukha nang tibo. Ngunit taas-noo n’yang sinabi ang buong pangalan na may sigang tono: “Ako si Victor Leo Tuazon!” “Ang panget ko,” sabay sabog ng todo-todong iyak ni Victor. Lumipat pa ang radyo sa isang FM station at narinig agad ang malat na buwelo ni Christina Aguilera ng “We are beautiful no matter what they say.”
86
Road to Heaven
Kabanata 16 Di pa rin maiwanan ang radyo, nagsuot pa ng earphone at nakalipat sa isang baduy na istasyon ang kanyang Nokia. “Beat it, beat it! No one wants to be defeated! Showing how funky…Shown ishon fayt…Jas birit, birit!” Damang dama ni Victor ang shades at ang April boy jacket sa katawan. Sobrang cool habang kinakantahan s’ya ni Michael Jackson. Maluwang pa ang maong, mukang bell bottom na may bahagyang gupit-butas sa binti para mas cool nga naman. Habang nasa dyip ay pinagtinginan s’ya ng mga pasahero. Mukha n’ya’y parang di nawalan ng isang Beshie, parang di rin bakla, at parang di rin nangulila sa madramang kwentong pamilya. Tumatangu-tango pa s’ya sa bawat ritmo ni Michael Jackson. Sinapian na ng dekada otsenta. Basta ngayon ay sabik na siyang umuwi at mahagkan ng sariling ina. Paastig pa ‘tong si Victor pero naamoy din ng katabi niya ang kaluluwa niyang paminta. “Bayad po.” Inabot ng matandang ale, nakabestida ngunit di mapanghe, ang kanyang otso pesos sa kamay ni Victor. Nang dinakot na niya ang mga barya’y gustung-gusto na n’ya itong ipasa sa katabi. Nang naisalin na sa kamay ng isa’y saka pumilantik ang kanyang hinliliit at pinagpag ang kamay sa jacket. 87
Estacio Dumating ang sukling piso sa ale ngunit nang nahulog ito mula sa kamay ni Victor, “Ay! Bakla ka,” laking taranta ng ale, pamalit sa susmaryosep at pusang kinana. Pumara si Victor sa may bandang signage ng Slow Down, Church Zone. Kay haba na rin ng panahon na di s’ya nabisita rito. Pagbaba sa dyip, habang iniaapak ang paa sa baku-bakong kalsada, nakita n’ya ang batang Violet na masayang tumatakbo paiku-ikut, habul-habol ng mga kalarong babae. May hawak pa ang bata na sampagita na ipang-aalay sa mahal na birhen. Papunta sila sa loob ng simbahan. Nagrorosaryo ang speaker sa tore ng batingaw. Umaalingangaw ang kulut-kulot na boses ng mga matatanda. Umihip ang alikabok sa kanyang harapan. Tinanaw n’ya sa malayo kung ano na ang katapat ng simbahan. Laking tuwa lang n’ya nang makita pa ang bubong na gawa sa pawid, tunay na namumukod tangi sa hilera ng mga bahay. Akala niya’y sira na ito’t binulldoze na ng panahon. Lumakad-lakad pa siya. Gustung-gusto nang lapitan ang bahay na dating kinalakihan na tunay na kukupkop sa kanya ano pa man ang mangyari. Parang prodigal son lang ang dating. Giding-giding, giding-giding. Kumalembang ang batingaw. Nagsilabasan ang mga tao sa simbahan, mukhang mga inantok sa sermon ng pari.
88
Road to Heaven Ninanamnam pa ni Victor ang paligid. Inaatake siya ng nostalgia. Gusto niyang pagyayakapin at kamustahin ang mga taong nagsilabasan. Sa wakas naparito daw eka siya. Ang amoy ng sampagita’y pumapalibot sa buong lugar, kay lakas makapanghatak sa nakaraan; nagbibigay pa ng imahe ng poon ng Piat at ang malobo nitong damit na gustung-gusto pa noong palitan ni Victor. Nang malapit na s’ya ng sampung metro diretso sa lumang bahay, nakita n’ya sa may labas ng simbahan, tapat sa kanyang kinatatayuan, ang isang batang nakatayo’t nakatitig lang sa kanya. Tila nandilim ang mga ulap sa ibabaw. Lumalakas ang pagihip ng hangin, bumubulong kay Victor na ‘wag niya itong ituloy. Umalis ka na agad. Pinagmasdan niyang mabuti ang bata. Lanta na ang hawak niyang sampagita. Walang emosyon pero may luhang bumababa mula sa dilat na mata. Di makagalaw ang batang Violet, parang estatwang naghihintay ng wrecking ball para s’yay buwagin. Kitang-kita ni Victor ang multo ng dati niyang katauhan. Bumuhos ang napakalakas na ulan. Nakalimutan pa ni Victor ang kanyang payong. Kinapa-kapa pa n’ya ang jacket para sa bimpong ipampapatong n’ya sa kanyang ulo. Lumapit pa ang bata. Tumawid na ng kalsada, papalapit sa kanya. Di halata ang mga luha sa mukha ng bata sa sobrang lakas ng ulan ngunit kita ang mga
89
Estacio pulang mata nito sa kakaiyak. Natakot si Victor sa bata, para yatang papatayin siya gamit ang panakal niyang sampagita. Bago pa man siya tumakbo papunta ng bahay, nasagasaan ng isang malaking truck ang bata. Patuloy naman sa pagtakbo ang truck na parang wala namang nangyari. Lumakas pa nang lumakas ang ulan hanggang sa nagsimulang bumaha nang bahagya. Ngunit walang nakahandusay, wala namang dugo sa kalsada. Di maintindihan ang pagkamatay ng dating katauhan ni Victor. Kinalimutan na niya ang imahinasyon at tumakbo sa dati nilang bahay. Walang tao. Walang boses ng ina sa loob. Kandado ang kinakilawang nang gate. “Tao po! Nandiyan po ba si Ka Violy?,” pagtawag ni Victor. “Tao po! Si Victor po ito, anak ni Ka Violy. Tao po!” Umaasa siyang tulog lang ang ina sa loob o baka namalengke pa. Marumi ang bakuran ng bahay. Nagkalat ang mga sirang gulong, diaper ng bata, balat ng Piattos, pinagbasyuhan ng RC Cola, at mga punit-punit na kahon ng Alaksa, C2, Bearbrand, Zesto, at Coca-cola. Mistulang tapunan ng mga basura ng kung anu-anong produkto. Nakita pa niya ang isang batang babae na nagshoot sa bakuran nila ng lata ng 555 Tuna. Agad naman
90
Road to Heaven itong binulabog ni Victor. Gula-gulanit na rin ang pawid ng bahay at binutas na ng mga anay ang sawali. Sira na rin ang mga bintana at makikita na sa loob ang pagtulo ng tubig-ulan, nilooban na dahil sa butas ng kisame. May nakatira pa ba rito? Sobrang nagtataka si Victor. Parang halos apat na taon lang siyang nawala; talang binulldoze na nga ng panahon ang munting tahanan. Sinubukan niyang mag-over the bakod. Ngunit nang umaakyat na siya’y nakita niya sa gitna ng pagbuhos ng ulan ang isang babaeng naka-palda pa at T-shirt na pink, may dalang payong, naglalakad sa kalsada, tutungo yata sa bahay nila Victor. Bumaba si Victor, nagpaka-desente muna. Baka iyon na ang kanyang ina. Inayos muna niya ang basang sarili, tinanggal pa ang tubig sa sapatos, at niyakap ang nanlalamig na sarili. Nakakakaba dahil baka sampalin pa siya ng ina niya. Sa dumi ng bahay nila ngayon, baka si Victor pa ang manapak sa kaburaraan ng ina. Ngunit gustung-gusto na niyang pumasok sa loob at magpainit. Lumapit nang lumapit ang babae. Sa una’y kitangkita ang maninipis na labi na talagang kawangis sa kanyang ina. Medyo may kaitiman din ang balat at ang tangkad nito’y kumpirmadong ina talaga ni Victor. “Nay!!!” Sigaw ni Victor. Tumakbo siya patungo sa babae. Gustung-gusto nang makisukob at yumakap.
91
Estacio “Sino ka?!” Gulat na gulat ang ale nang biglang nakisukob si Victor. Ibang-iba sa inasahan ang mukha nito. Di ito kilala ni Victor. Di ito ang kanyang ina. “Ah, ss-sorry. Kasi…akala ko, ugh.” Nagka-awkward moment pa ang dalawa. “Makikisukob na ho,” hiling ni Victor, pampasalba sa kahihiyan. “Tanong ko lang po kung kilala niyo ho si Ka Violy?” Malakas pa rin ang buhos ng ulan ngunit mas lumakas ang tensyon at kadiliman sa mukha ng aleng kasama niya. Hindi siya nakasagot sa tanong ni Victor. Mukhang may alam ito na hindi na dapat pang sabihin dahil lubhang mapanganib. Tuluy-tuloy lang ang paglakad. Ayaw pa yatang dumaan sa bahay nila. Parang wala sa sarili ang kasama ni Victor. Nakatitig lang siya sa isang direksyon at ayaw nang tumingin sa kanya. Binilisan pa niya ang paglakad, sobrang natataranta, parang tanga. Naudlot ang kawirdohan ng babae nang napahinto sila sa tapat ng bahay nina Victor. “Atoy, nakatira ka ba riyan?” Sa wakas nagsalita rin ang ale sabay titig nang matalim sa mga mata ni Victor. “Ha?” “Wala nang nakatira diyan,” pag-amin ng ale. “Isang taon na kaming kapitbahay ng abandonadong haunted house na ‘yan. Kinikilabutan talaga ko lalo ‘pag pinaguusapan
92
Road to Heaven ‘yan eh.” Unti-unting humina ang pag-iyak ng kalangitan. Kalat ang amoy ng misteryo sa kanilang lugar.
Kabanata 17 Walang napala buong araw si Victor. Umuwi siyang nanlulupaypay, di makapaniwala sa mga nalamang balita. Nanliliit sa kilabot ang kanyang katawan. Bumabalik sa kanyang ala-ala ang madilim at maruming bahay nila. Gusto niyang burahin sa isipan na wala siyang kinalaman doon, na hindi siya taga-roon, na walang bahay sa tapat ng simbahan at walang taong may pangalang Violet o Victor. Nag-ring ang kanyang Nokia sabay sagot kay Madir, “Violet, mamayang 9pm magkita kayo ni Jane sa me dating pavement. May susundo senyong kostumer. Malaki binayad niya sa’kin, Wag nang maarte, kun’di tatanggalin kita sa apartment ha?” Naiinis siya dahil ayaw na niyang siya’y tatawaging Violet. Ngunit mag-aasal Violet siya ngayong gabi. Basta Victor na lang nang wala nang problema pa.
93
Estacio Katorse anyos lang si Jane. Batang bata pa para rumaket. Walang imik ang bata, parang may malaking kinatatakutan. “Hoy, ok ka lang?,” tanong ni Victor na may suot nang sexy costume at mahabang wig. “Huy!” Ayaw pa ring magsalita ni Jane. Gustung-gusto na yatang tumakas pero takot siya kay Victor. Kulang na lang ay buksan na niya ang bunganga nito nang sapilitan at buhusan ng isang palanggana ng boses. Subalit naawa siya sa itsura ng bata. Mukhang marahas ang pinagdaanan niya bago napadpad sa ganitong kademonyohan. Wala ring nagawa si Victor kun’di magpanggap at isipin na lang ang sariling katangahan para sa kondisyon ni Madir. Kun’di wala na siyang matitirhan liban sa naging Payatas na tahanan nila sa may simbahan. Maya-maya pa’y may paparating na kotse na ikinaluwa ng mata ni Victor. Mayaman daw. Bigla siyang niyakap ni Jane at nagsimulang manggilid ang kanyang luha. Ayaw ni Victor ng ganitong mood, panira ng momentum para sa kanilang raket. “Bata,” sabi ni Victor, “Wag kang ganyan. Sunod ka na lang sa’kin, alam mo ginagawa natin, di ba? Masanay ka” Tumango lang ang munting dalaga saka sinalubong ang paparating na kotse sa kanilang harapan.
94
Road to Heaven Pumasok sila sa loob. May harang ang driver’s seats kaya di nila kita kung sino nasa harap. Nang sinarado na ang pinto’y biglang nag-click ang lock. Malamig pa sa loob, todo buga ng hangin ang aircon sa kanilang ibabaw. Amoy albatross pa at sadyang pina-comfy ang sasakyan, paunang tikim para sa mga maralitang prostitutes. Tinignan ni Victor ang side window at natanaw ang kalsadang dinadaanan, papalayo na sila sa Kopkopan. “Oh, kamusta ka na?,” tanong muli ni Victor. Umiling na lang ang dalaga. “San ka ba nakatira, ha?” Sinuklian siyang muli ng iling. “May mga magulang ka ba?” Nag-180 degrees ulit ang mukha ng dalaga sabay banat, “eh, ikaw ba?” “Magulang ko...patay na.” “Bakit namatay?” Nahirapan sa pagsagot si Victor na parang find the compliment of x given the 180 degree angle. Hindi dapat ito buksan ngayon. Mahirap bigyan ng magandang anggolo ang ikinikimkim niyang kasagutan. Baka atakihin na naman ng kabaliwan ang kanyang isipan. Ang aleng nakasabay niya noong bumalik siya sa bahay, ang abandonadong bahay, kalat sa paligid, at ang amoy ng sampagitang hinalo sa amoy ng kaluluwa, lahat ay nagbibigay imahe ng dugo.
95
Estacio Mabilis ang pagtakbo ng sasakyan sa high way na binalot ng dilim. Patay pa ang ilaw sa loob na ikinabulag ng dalawa. Sumalubong sa kanila ang mga postlights sa daan na sinundan ni Victor ng tingin. Habang nilalagpasan nila ang mga posteng ito’y natatanglawan ang kanilang mga damit pati ang mga sequins na nakakabit sa palda ni Victor. Lumingon siya sa may rear window at nang biglang pumukol ang tama ng ilaw ng isang postlight rito’y naaninag ang isang sticker ng baligtad na krus sa gitna. Bagay na kanyang ikinagulat. “Jane! Kailangan nating tumakas,” bulong ni Victor.
96
Road to Heaven
Kabanata 18 Sasakyan na may krus ang huling nakita ng aleng nakabestida. Ang kotseng ito na yata ang sinumpang sasakyan na nangingidnap ng mga katulad ni Beshie, ngayon ay silang dalawa naman. Sa dinami-rami ng palatandaan, krus pa ang mitsa sa kanilang kapahamakan. Sa gitna ng madilim na kotse, tumaas ang tesyon ng dalawa. Walang hiya ang boss nilang nagpahamak pa sa kanila ngayong gabi. Wala pa mang kasiguraduhan kung iyon na nga ang notoryus na kotseng holdaper ng Kopkopan, nataranta na agad si Victor at pinataranta pa niya ang dalagang kasama. Tiningnan pa nila ang labas. Walang hinto sa pagtakbo ang sasakyan papalayo sa mga billboards at buildings na kanilang nadadaanan. Kinapa-kapa nila ang upuan, sa ibabaw at sa ilalim. Laking gulat na lang ni Jane nang mahawakan ang nakabuhol na lubid sa kanilang ilalim. Nakapa rin ni Victor sa pinakailalim ang isang matalim na lagari. Di nila alam kung lalagariin ba sila ngayong gabi o baka pamutol lang ito ng may-ari para sa puno. Ngunit malakas ang kutob nila na masama ang balak ng taong nasa harapan ng sasakyan. Maya-maya pa’y bumulabog sa kanila ang biglaang pagtunog ng isang sonata ni Beethoven sa sound system. 97
Estacio Sobrang lungkot at bagal ng pagdaloy ng melodiya ng piano, may sinasabi sa kanilang mamatay sila. Pakiramdam tuloy ay katabi nila ang sanlibong bangkay ng mga nabiktima at ang mga kaluluwa nila’y nasa labas, nakatitig pa sa kanilang dalawa. Ubod ng wirdo. Huminto ang kotse sa isang Funerary House. Di nila alam kung saan ang lugar ngunit matao ito at nag-fiesta sa daan ang mga isawan at may Jollibee pa ilang metro lang ang layo. Bukas pa rin ang Mercury Drugs, bentekwatro oras na walang pahinga. Inuusukan ang kalsada ng mga naglalakihang bus at race car na gumigimik nang hating gabi. Maraming tao sa paligid ang naka-back pack at may dala-dalang naglalakihang bag. Mukhang uuwi sa kani-kanilang probinsya. Huminto ang sonata ni Beethoven sabay sa pag-angat ng mga locks ng pinto ng kotse. Narinig nila ang pagbukas ng pinto ng driver nilang estranghero. Kabadong kabado si Victor. Planong suntukin ang wirdong ito at balak pa yatang magsisigaw sa buong siyudad. Lumabas ang isang lalaking may suot na orange na cap at naka-shorts pa. Malinis tingnan ang mukha at parang di naninigarilyo. Paastig na binata lang ang dating, ngumunguya pa ng gum at nakasando pa kahit may kapayatan ang braso. May earphones pa sa kanyang tenga na parang matagal nang nauumay sa tutuli nito.
98
Road to Heaven Mukha talagang mayaman kahit hipster ang musika nito sa kotse. Pinagbuksan pa niya ang dalawang pasahero. “Hey! Pasensya na. Eh, funerary ang family business. Pero place talaga namin ‘to pag me trip.” Pumasok sila sa bahay ng mga nagpatong na kabaong. Di makapagsalita si Victor dahil sa pandidiri. Baka mga necrophilia ang mga taong nandito. Kagaya ng dati, dapat panatilihin lang ang composure nang hindi mawala sa kamay ang customer. Sinundan lang nilang dalawa ang binate. Tumungo sila sa basement na amoy formaline at alcohol. Ramdam dito ang espiritu ng pange-embalsamo at yurakan ng laman ng tao. Kung bakit di na lang sila dinala sa motel o sa mas matinong lugar, suka lang ang maaabot nila dito. Malaki ang basement. Iniilawan ito ng isang lumang chandelier na may pagka-Baroque ang istilo. Nakatabi rin dito ang ilang mga magagarbong stand ng kandila na ginagamit sa burol; narito rin ang mga karpet na tila ginayakan ng mga sapot ng gagamba; may mga kahuykahoy din sa tabi na tila nagluluksa sa pagka-abandona sa mga ito. Lahat ng mga kagamitan ay nanonood sa bagong bisita, inaabangan kung ano ang sunod na mangyayari. May tatlong pintuan pa sa basement, tatlong kwarto na tiyak na paggagamitan sa makabuluhang gawain. “Ikaw, ‘no pangalan mo ulit?”
99
Estacio “Victor, kuya.” “Ah,” tinaasan pa siya ng kilay. “Doon ka sa isang kwarto,” sabay turo sa unang pinto. “Kaw naman ine, sa kabila ka, ha.” Rinig ang paglakad ni Victor, ume-echo pa ang tunog ng high heels sa liblib na lugar. Samantalang si Jane, ang katorse anyos na dalaga, walang kamalay-malay sa kung ano ang mangyayari. Pagbukas ni Victor sa kanyang kwarto, sumalubong sa kanya ang anim na lalaki. Hawak ng isa ang lubid na nakita niya sa kotse. Nilaro pa ito na parang cowboy at pinagpasa-pasa na parang mga baliw, sabik sa gagawing kalokohan. “Pssst…magkano ka?” “Huy! Gusto mo ng piso?” “De, baka yung alaga natin sa brief ang gusto niyan!” “Ateng! Ano name mo?!” Natarantang bigla si Victor. Gusto na niya agad umalis. Sobrang lakas ng tama ng mga taong ito. Parang sumapi sa kanila ang barkada ni Enrick nam-bully sa kanya noon. “Vv-violet.” “Ows?!,” sabat ng isang lalaking malaki ang katawan, “Akala ko ba Victor? Sabi sa’kin ni Fred, eh!” Sumabog sa kakatawa ang mga lalaki. May halong pangiinis at pangha-harrass.
100
Road to Heaven Nakasabit sa pader ang mga aparatong ginagamit sa panghiwa ng laman ng tao. Naka-cabinet din ang mga kemikal at instrumentong pang-embalsamo. Nasa gitna ng kwarto ang isang stretcher na hinigaan ng napakaraming bangkay. May nakatutok din ditong video camera. Bigla-bigla’y nilabas ng isang lalaki ang lagari at pinaamoy ang matalim nitong ngipin kay Victor. “Gusto mo nito?,” tanong ng lalaki. Walang salitang binigkas si Victor maliban sa hininga niyang nilabas ng kanyang takot. “Gusto mo naman, eh!” Tinanggal ng lalaki ang kanyang belt sa baywang at hinubo ang kanyang maong. “Malanding bakla ka, di ba? Pokpok! Anong hinihintay mo? Gawin mo trabaho mo!!! Baka gusto mong lagariin kita agad, ha?!” Sigawan ang mga lalaki sa loob. Ginapos pa ang walang damit na si Victor. Pinahiga at pinagkaisahan. Malakas na sigaw din ng isang batang babae ang narinig niya sa kabilang kwarto. Nagmamakaawa na siya’y tulungan, makatakas man lang sa mga demonyong nangangain ng bangkay. Lumipas ang ilang oras, kinandado si Victor sa kwartong binalot ng purong kadiliman. Duguan pa ang kanyang pribado at mukhang lalagnatin pa. Sa sama ng pakiramdam ay matindi ang pagtulo ng kanyang pawis at paikut-ikot ang kanyang mga mata sa
101
Estacio kawalan. Nakakarinig siya ng naghalu-halong mga boses, palakas nang palakas sa kanyang tenga, para na siyang sinisigawan ng mga bangkay na kinatay sa kwartong iyon. Bigla-bigla’y naririnig niya ang pagkalansing ng mga aparato sa kadiliman. May kakaibang nilalang yata sa loob, nagpapatalim ng lagari. Dinig niya ang pag-usad ng stretcher habang siya’y nakahiga na lang sa malamig na sahig. Malakas pati ang paghinga nito na parang desperadong tumikim ng laman. Di kalaunan ay rinig na rinig na ni Victor ang pagbiyak ng katawan ng tao. Matunog ang pagbulusok ng dugo sa unti-unting paghiwalay ng balat at laman. Pabilis nang pabilis ang pagratrat, taga hanggang sa kalansay. “Beshie? ‘Kaw ba ‘yan?! Na’san ka?” Ramdam niyang ang kaibigan niya ang nilalagari sa dilim. Ngunit walang boses na sumagot, puro ingay ng paghiwa na sumisira sa kanyang kaisipan. Pawis na pawis si Victor, nais nang makalabas. Sinikap niyang dahan-dahanin ang paggapang at kapakapain ang paligid nang matunton ang pintuan. Nang naramdam na niya ang nakakandadong hawakan ng pinto, tumigil ang ingay. Nilapag na yata ang lagari. Ngunit may mga yapak ng paa ang lumalapit sa kanya. Ramdam ni Victor ang malamig na hiningang
102
Road to Heaven bumubuga sa kanyang leeg. Nagsitaasan ang kanyang mga balahibo. Kalabit. Muling kumalabit. Malamig na daliri sa kanya’y kumakalabit. Kinakabog na niya ang pinto nang siya’y palabasin ngunit pinaglalaruan na ang kanyang katawan ng mga malalamig na kamay. Unti-unti nang tinatakpan ang kanyang mukha, di na makahinga, hanggang sa wala nang marinig. Bumukas ang pintuan ng kwarto. Sinipa ang kanyang mga mata ng liwanag ng chandelier. Hubo’t hubad siyang tumakbo papalabas ng puninarya. Tarantang taranta, hinawi na ang mga stand ng kandila, pinagsisipa ang mga lagusan, pinaghahampas ang mga pader, sumisigaw ng tulong makalabas lang ng impyerno. Paglabas niya’y nakita ang mga samu’t saring kulay na lumulutang sa kalsada. Mga laman ng tao ay iniihaw at tsinitsibog ng mga mamimili. Putol din ang paa ni Mercury drugs at wala nang mata si Jollibee. Ang mga tao’y naglalakad, nakasakbit sa kanilang likuran ang mga sakong may tumatagas na dugo sa ilalim. Walang anu-ano’y dumagundong ang buong lugar, parang lumilindol at nalulusaw ang lahat. Isang malaking liwanag ang tumatakbo sa di kalayuan. Hinihigop ang madaanan nito hanggang sa mabalot ng dilim.
103
Estacio Tumakbo siya sa liwanag, umabante sa harap ng nalulusaw na kalsada, handang magpabangga sa umaalab nitong kulay. Hinigop siya nito at tuluyang pumasok sa dimensyon ng ibang kaluluwa.
Kabanata 19 Nang pumasok sa isang malaking liwanag, iminulat niya ang kanyang mga mata, narinig ang huni ng mga ibon at ang malambing na tunog ng hangin. Tumubo bigla ang mga damo at bulaklak sa paligid, nagsayawan ang mga puno ng mangga at niyog, at naipinta sa kalawakan ang palaisdaan at ang asul na kalangitan. Tila nagbabanat ng buto ang araw sa panibagong umaga. Sumalubong sa harapan niya ang isang matipunong lalaki, mga mata na kasingganda ng kay Miguell Tanfelix, nagniningning ang kanyang mukha at nakikipaglaro sa gitna ng kabukiran. “Violet, laro tayoâ€? Maya-maya’y hihiga pa at kikilitiin ang mukha ng isa ng malambot na Gumamela nang biglang may sumigaw sa kabilang banda‌
104
Road to Heaven “Hoy, nay! Gising na,” sigaw ng binatang Violet. May group study daw siyang pupuntahan mamayang hapon at baka gabihin pa siya. Kamumulat pa lang ng ina mula sa isang pamilyar na panaginip. Mata ng isang lalaki ang natatandaan niya. Mga matang iyon ay hanap-hanap niya sa tuwing nakikita ang simbahan ng Piat. Nagniningning din ang kanyang mukha at nakikipaglaro tuwing sasapit ang gabi-- ang kura paroko. “Nay, wala na ‘ko sa Top ten, eh,” pag-amin ni Violet. “Kaya didibdibin ko na pag-aaral. Mamaya, group study, ah. Alis ako.” Hawak-hawak pa niya ang cellphone, natatawa sa mga nagsidatingang text messages. Habang nagbabanat ng braso at hita ang nanay ni Violet, ramdam sa pagputok ng mga buto nito ang dismaya sa narinig na balita ng kanyang anak. Dapat maging Valedictorian pa ‘yan, eh. Leche, anu-ano bang pinagkakaabalahan ng batang ‘to? Minsan ay nabibwisit na siya sa mga gastusin ng kanyang anak. Kaylangan pang kumayod nang todotodo. Problema pa ang pang-kolehiyo. Habang naliligo si Violet, binasa ng kanyang ina ang mga laman ng kanyang text messages. Sumiklab ang dugo nito at inimbestigahan ang kalokohan ng binata. “Aalis na ‘ko,” paalam ni Violet.
105
Estacio Nang nasilip ng ina sa bahay na pinuntahan ni Violet ang kanyang boyfriend, natulala siya sa mga mata ng binata. Ito ang lalaking gustong makipaglaro sa kanyang panaginip. Karakter na nakikita niya sa paring natipuhan niya. Tila iisa ang damdamin at kaluluwa nilang magina. May parehas na tipo sa pagnanasa na tila nag-ugat mula kay Violet. Ngunit hindi para sa anak niya ang lalaking iyon. Wala siyang karapatan na angkinin ang ganoong perpektong mukha. Potensyal para maging baboy siya balang araw, na baka maging katulad siya ng kanyang ina dahil sa pagnanasa sa ganitong uri ng tao. Pinagsasampal si Violet at ipinagtabuyan ng ina sa sariling bahay. “Kung di mo ko kayang tanggapin, eh pa’no pa kaya ikaw na isang putang ina?! Kala mo kaw lang ang nakakadiskubre ng mga kabahuan. Bago ka pa man naging anghel sa simbahan na ‘yan, alam ko na eh! Alam ko nang matagal ka nang pokpok sa makating pari mo!” Hating gabi nang napagdesisyunan ni Violet na bumalik ng bahay dahil wala siyang matitirhan. Palakadlakad lang siya sa kalsadang walang patutunguhan. Ayaw ding umimik ng kanyang kasintahan, pinagsarhan din siya ng pinto ng mga konserbatibo nitong magulang.
106
Road to Heaven Nais na niyang manghingi ng sorry sa kanyang ina at kahit sampal-sampalin siya sa pisngi ay okay lang. Walang ingay siyang umakyat sa gate at maingat pa ang pag-apak niya sa lupa nang hindi marinig ng kanyang ina sa loob. Tila umaaray ang kawayang hagdan sa pagtapak ni Violet dito; mabigat ang kanyang paa. Madilim ang buong bahay nang binuksan niya ang pinto. Ngunit sa kwarto ng kanyang ina’y may linya ng liwanag sa ilalim ng pinto nito. Dahan-dahan pa niyang tinahak at nilagpasan ang mga sawaling pader at makintab na sahig na gawa sa Narra. Ang kwartong iyon ng ina ang nag-iisang kwarto na gawa sa maamoy na semento. Subalit huminto siya sa kwarto niya at pumasok na lang sa loob. Dito’y tumatagos ang ilaw mula sa kwarto ng nanay niya sa butas ng kanyang pader. Tumuntong siya sa kama at iniyuko ang ulo para silipin ang butas. Nang dinungaw niya ang paningin sa makipot na lagusang ito, sumilaw sa kanya ang matinding liwanag, nakakapanglusaw ng cornea at pupil ng mata. Pumikit siya nang ilang sandali at sa pagmulat ay natanaw ang hubo’t hubad na Adan. Nakikipagtalik siya sa isang babaeng may buntot ng ahas, lumilitaw-litaw pa ang kiti-kiting dila nito, pumupulupot sa katawan ni Adan. Nasasarapan sa patikim ng prutas ng ipinagbabawal na puno.
107
Estacio Unti-unting nagsulputan ang mga kaliskis sa braso ni Adan at humahaba rin ang mga balahibo nito sa binti na parang asong gubat, kawangis ni Lucifer. Pumutok ang ilaw ng kwarto sa ibabaw at bumalot ang dilim sa kanyang paningin. Nadurog ang tila mga bubog sa sahig. Minulat muli ang mata, nasilayan na ang krus ni Hesus sa pader na nakasabit sa tapat ng kama nito. Biglang may kumatok sa pinto, “Father, gising na po kayo. May misa pa ng alas-dyis sa bisita dun sa ibayo.” Tiningnan niya ang orasan, alas-otso pa lang. Bumangon siya sa kanyang malambot na kamang amoy sampagita at hinimas-himas ang makating noo. Kinutkot pa niya ang mutang nanigas sa gilid ng mga mata. Naalala niya ang isang panaginip na parang maliwanag at nakasisilaw ang nakita niya. Bumaba siya ng hagdanan at nakitang nililinis ni Ka Violy ang nabasag niyang pitsil. “Gandang umaga, Violy. Parang ginising ako ng pitsil na ‘yan ah.” Yumuko lang ang babae at nilinis ang kalat, hiyanghiya sa nagawang katangahan. Pagbaba ng pari ng hagdan ay tinulungan niya sa pagpupulot ng mga bubog ang babae at sa di inaasaha’y, hinipuan pa siya ng pari sa kanyang hita. Walang reaksyon, nagpupumilit sa pagtitimpi si Violy. “Mamayang gabi ulit,” sabi ng pari sa kanya.
108
Road to Heaven “Baka gabihin din yung anak kong si Victor. Sa iba makikitulog. May group study daw.” Noong hapon ding iyon, binomba ng mga sigaw at hagulgol ang bahay sa tapat ng simbahan. Nakita ng ilang deboto ng Piat ang nangangasim na istura ng ina habang pinapalayas ang sariling anak sa bahay. Nagsagutan pa raw ang dalawa at pinagbabato ng anak ang mga rosaryo’t bibliya ng ina sa mukha nito at pinaghahagis naman sa ere ang mga damit ng anak, pati mga nakatago nitong love letters, drawings, at gay magazines. Pumunta ang pari noong gabi sa bahay nila nang naka-blue t-shirt at suot pa ang lumang sandals. Pagkaharap niya kay Violy sa kanilang kwartong sementado, agad siya nitong sinampal. Nagsisisi raw eka siya sa lahat ng mga kahalayan na ginawa nila. Alam na pala ng kanyang anak ang mga karumihang ito simula pagkabata. Pinalayas siya nang makaiwas sa kasiraan ngunit mas sira na ang buhay ng bata. Aalis na ko dito, sigaw ni Violy sa pari. Hahanapin daw niya si Violet. Ngunit di pumayag ang pari at ginantihan din siya ng ubod ng lakas na sampal, katumbas ng isang palo ng dos por dos sa mukha na ikinatumba ng babae sa sahig. “Kala mo ganoon lang kadali ‘yon? Ilang grasya at pera natikman mo, ha?” Nagdedemanda pa ng fair share ang loko. Dali-daling inabot ni Violy ang door knob ng
109
Estacio pinto at lumabas sa kusina. Ngunit nahablot siya agad ng paring Lucifer at sinabunutan pa siya sa buhok sabay dila sa kanyang leeg. Tinakpan pa niya ng namamawis na kamay ang bunganga ng babae. Walang nakakarinig ni nakakakita sa kanila, tanging sinag lang ng buwan at ng mga mata ng lamesa at kubyertos sa kusina. Pwersadong hiniga ang babae at mabilis ang pagpunit sa kanyang damit. Wala ring kalaban-laban si Violy, patuloy nang nanghina sa mga sampal at suntok sa mukha.
Kitang-kita ni Violet sa butas ng kwarto ang pagsampal ng kanyang ina sa pari. Ngunit di natapos ang gyera. Kita niya ang pag-init ng silakbo ng lalaki. Ramdam ang kakaibang espiritu. Ang pagnanasa niya’y nag-uugat sa isang panaginip na konektado sa kanya. Kitang-kita niya sa mga mata ng pari ang kanyang sarili na minsan nang sumilip at nagpatukso sa kademonyohan. Para bang may’ron silang pagkakapareho, di lang namamalayan. Nakatatak pa sa kamay nito ang baligtad na krus, bagay na lagi niyang nakikita, senyales ng kamatayan. Unti-unting tumubo ang mahahabang balahibo sa balat nito. Kumakalat din sa mukha ang itim na kaliskis. Kinuha ni Violet ang mga matitigas na picture frame at mga batu-bato sa kwarto. Dahan-dahang nilapitan ang
110
Road to Heaven munting kusina. Lumugar sa likuran ng paring ginagahasa ang isang ina. Naglaglagan ang mga batong dala ni Violet na bumulabog at nagpalingon sa pari. Sa tama ng sinag ng buwan, saglit na nagkasalubong at nagkatitigan ang kanilang mga mata. Parehong pareho ito, mula iris hanggang cornea, mukhang may magkatulad na motibo—pumatay. Slow motion ang senaryo. Mga mata nila’y nagsilakihan sa nakitang imahe. Nang binisita ng ilaw ng buwan ang kanilang mga kamay, natanglawan ang pamilyar na guhit sa kamay ni Violet. Nakatitig din ang binata sa kamay ng pari. Malinaw sa mga mata nila, pareho silang may baligtad na krus. Ngunit sa sarili’y di naman nila makita. Tila ilusyon. Simbolo na ang nakikita’y repleksyon ng sarili na dapat kalabanin. Minsan nang nakita ng pari ang krus na ito; isa sa mga biktima niya ang may’ron nito sa kamay. Isang lalaking binabae, may payat na braso, at ahit pa ang buhok. Isang kalaban. Ngunit nang nawala ang sinag ng buwan, bumalot ang dilim sa kusina. Multo yata ang nakita ng pari sa kanyang likuran. Patuloy pa rin siyang pumatong sa kawawang babae. Habang nasa dilim, may malamig na daliri ang kumalabit sa kanyang likuran. Paglingon niya rito’y hinampas sa kanya ang mga matitigas na picture frames
111
Estacio at mga batu-batong napulot sa bakuran. Paulit-ulit na pinagbubugbog ang kanyang mukha hanggang sa pumutok ang kanyang labit at ilong. Pinilit gumanti ng pari kahit pinalipit sa dugo ang mukha. Sinuntok niya ang baba ni Violet at sinabunutan pa sa buhok. “Wala ka nang kawala, tarantadong bata!� Nang nasa punto na susuntukin na sa ilong si Violet, dali-dali niyang nilabas ang kutsilyo sa bulsa na kinuha pala niya noong madilim pa. Sinaksak niya ang tiyan ng pari pababa hanggang sa pusod na parang nag-slice lang ng cake. Knocked out. Di pa natinag ang binata, tinadtad pa ng maraming saksak ang tiyan hanggang sa nagsilabasan ang bituka at nilamukos na muscles ng katawan. Iyak siya nang iyak. Tumakbo siya papalabas. Di na nakita ang ina, wala pang kasiguraduhan kung buhay pa. Marungis ang kanyang mukha. May kaunting sahog pa ng giniling na bituka sa singit-singit ng kuko. Naglakad siya sa daan na parang baliw sa kalsada. Naghihintay na lang ng taong kukupkop sa kanya. Magaalas-dos na ng madaling araw. Naglalakad lang siya sa kalye ng mga pokpok. Nasa tabi-tabi lang si Beshie, di pa siya nilalapitan. Malawak ang daaanan na pinag-fiestahan ng mga bayarin. Cloud nine ang pakiramdam kapag sila’y tumatambay dito.
112
Road to Heaven Sa dulo ng kalye, paparating na naman ang liwanag. Parang road to heaven ang dating. Naghihintay siya na sagasaan siyang muli ng liwanag na ito na hihigop sa kalsadang puno ng pasakit, problema, at katangahan. Ito na ba ang pakiramdam ng malapit nang mamatay? Ayaw na niyang lumingon pang muli sa kalsadang dinaanan niya. Masyadong marungis at mabaho ang pagkakadisenyo ng kanyang buhay. Puro baku-bakong daan at sira-sirang tao ang ipinakilala sa kanya ng universe. Lahat sila’y nasa loob ng isang bilog, kung ano may’ron sa isa, may’ron din ang iba ngunit sa ibang pamamaraan at likas na ito simula pagkasilang sa mundo. Para bang lahat ng nakakasalamuha niya’y may iisang panaginip, iisang motibasyon sa lahat ng bagay na makakaapekto sa isa’t isa. Nakatayo na lang din si Violet. Hinihintay ang pagyakap ng katapusan. Malapit na ang liwanag. Mawawala rin ang ilusyon ng buhay. Malapit na. Parating na. Sa ilang sandaling iyon, habang wala pang malay, lumutang ang kaluluwa ni Victor sa malalim na perspektibo ng katotohanan. Kanang mata na lang niya ang nakakakita. Nakahiga pa rin siya sa stretcher, nakahubad, kita pa ang mga lalaking nakapalibot sa kanya, nire-record pa ang panggagahasa.
113
Estacio Lab-dab, lad-dab. Pabagal nang pabagal ang pintig ng kanyang puso. Bibigay na rin ang kanyang baga at di na kayang humigop pa ng hangin. Sinusuntuk-suntok pa ang kanyang manhid na tyan habang tumatakbo sa tren ng dugo ang kanyang pribado. Nanlalabo na ang kanyang paningin. Limang hininga na lang. Bago sumara ang mga mata’y nakatutok sa kanyang dibdib ang isang kutsilyong hawak-hawak ng isang lalaki. Imahe muli ng baligtad na krus ang natanaw niya. Pamilyar ang kamay, nais nang maghiganti sa ginawa niyang nakaraan. Ilang hininga na lamang, mawawala na ang kanyang kamalayan sa mundo ng mga tao. Nasaan ang kalsada? Tatlo‌ Walang sumusundo. Dalawa‌ Walang mga ulap, wala pa ring liwanag. Isa‌ Wala nang hininga. Pinalitan ang lahat ng purong kadiliman. Total black out.
Wakas
114
Road to Heaven
115