Kwentong Motivation Sinulat ni Andrew Estacio
KC (Russel) at R (Andrew) – screen name ng dalawang straight na lalaki, Omegle chatters, ‘di kilala ang isa’t-isa. Dalawang lalaki ang nasa magkabilang dulo. Nakaupo’t nakaharap sa laptop at magsisimulang mag-click at mag-type.
R: Insert tag here and type… KC at R : (sabay na ita-type ang tag) “UPLB” (then click) R: (babasahin na parang VO sa airport) “You're now chatting with a random stranger. Say hi! You both like UPLB” Ay, gusto ko ‘tong intro na’to ng Omegle. (ita-type) “Hi!” KC: (babasahin din) “Say hi! You both like UPLB” ‘Lul! Gusto ko smiley. (magta-type)
R: Ayun oh. Nag-reply na s’ya. Teka bigyan ko rin ng smiley. KC: (magta-type) Anong college mo? R: (magta-type) CAS. Kaw, anong course mo? KC: Basta CEAT ako. Anong gawa mo? R: San ka ba nakatira? KC: 20 na s’ya? Tanders din pala. Teka, I’m 18. R: Taga-CAS din s’ya? Baka Com Arts din ‘to? (magta-type) Gumagawa ka ba ng paper? (Biglang magdi-disconnect ang kung sino man ang ka-chat nila)
KC: Click New Chat. “You're now chatting with a random stranger. Say hi! You both like UPLB” Hi! R: Hi! Good mornight, hehe. KC: You busy? Late na ah. Ba’t gising ka pa po? R: Uhmm…meron lang acads na inaasikaso. Break break muna pag me time, hehe. Kaw? KC: Ako rin. Pero mamaya muna na ‘yan. Anyway, anong college mo? R: Laking CAS ako. Haha.
KC: Sa CEAT naman ako. Hmmm…pa’no ba kita makikilala? R: Simpleng tao lang naman ako. Maraming kaktwihan sa buhay. Lol. KC: Ano raw? Kakatihan sa buhay? haha R: Ay! *Katwiran ‘yun! Bangag. Pwedeng kakatihan din ‘yun. Lusot. KC: Haha baka matulungan kita sa kakatihan este katwiran thing mo. Lol R: Ay! Talagang lumalabas din ang mga higad nang ala-una ng umaga. (magta-type) hahaha. Eh, ano bang habol mo? KC: Yung simple lang din naman at may katwirang makipag-tropa sa’kin. hahaha R: Ewan ko sa’yo. May mga org ka ba? Baka sakaling makilala kita. KC: Isang acad org. Hulaan mo.
R: Soc ba ‘yan? IE, CE org? Ano pa bang pang-CEAT org? KC: Eh, ikaw? Anong affiliation mo? R: May isa kong org, socio-cultural, leaning din sa pula. KC: Ah, so siguradong pag nakita kita, agit ka at makikipagdebate ka tungkol sa baluktot na lipunan, malamang. R: Wow ah. Gusto ko yang stereotype mo. There are so many things worth fighting for. Well, isipin mo ang pakikibaka ng mga tao sa EDSA. Dapat ay kolektibo tayong umaaksyon tungo sa pagbabago ng sistema ng imperyalismo, pyudalismo, kapitalismo. Korek? KC: Ah…(insert dugo ulong here). So much for that hano, mukhang mahusay at matalino ka naman at marami kang masasabing malaman, anu-ano pa ibang trip mo sa buhay? R: Syempre bibo ako when it comes to the arts! Mahilig akong magsulat ng literary, kumanta-kanta sa loob at labas ng CR, mag-inarte sa teatro, magtugtog ng gitara.
KC: Wow! Jack of all trades ba ‘tong stranger na‘to? Feeling ko Com Arts ‘to eh, noh. R: Eh ‘kaw, anong mga ganap mo in life? KC: Syempre ‘di ako patatalo. Mahilig ako sa sports—swimming, scrabble, chess ---at mahilig din akong magsasayaw ng modern hip hop. R: Yesss. Feeling ko talaga physically fit ka na sa lagay na ‘yan. KC: Naman! Sa sexy kong ‘to, daming nagkakandarapa eh. LOL joke.
R: Wow ha. Feeling ko kasali talaga ‘to sa SJ o sa Wyre. Sinu-sino bang magaganda’t sexy ‘dun? Now, you’re making me more interested of you, lol. Describe mo naman sarili mo sa’kin nang makilala kita nang lubusan. KC: Bukod nga sa pagiging dancer at sporty, well, typical CEAT student! May itsura, average, maputi-puti, smarty (LOL such wow characterization ng CEAT). Pero seriously, I have an illuminati tattoo at my wrist. Wala, cool lang s’ya. R: Weird mo naman, illuminati pa, lol. Pero considering na hot sya, paniguradong chicks na chicks ‘to! Paano ba ko magpapadating sa kanya? Well, ako kasi, they say I’m cute at maraming nang nagka-crush sa’kin. Conceited pala, hehe. Maputi din ako, average height, with tantalizing eyes, and my funny side, medyo me kalakihan din yung dibdib ko, haha (aaktong may muscle sa dibdib na parang Johnny Bravo). KC: Gad, sino ba’tong multitalented at voluptuous girl na’to? Haha I like that chest thing you’ve been bragging about LOL. Next time ipapa-augment ko na ‘yung sa’kin para friends tayo, jokez. R: Haha. That makes me tempted to touch yours. KC: Grabe ka! Masyadong frotteurism. Sa ganyan nagsisimula ang alam mo na. R: Joke lang. KC : Eh, ano bang trip mo ? R: Pwede ba kitang i-meet ngayon? Wala lang. ‘La kong kasama sa room. Boring. At ang init, I wanna be topless, LOL hahahah. Seriously, kelangan lang ng motivation. KC : Ano bang klase ng motivation? Friendly motivation? Inspirational motivation? Godly motivation? Sexual motivation? R: Hahaha. Gusto ko yata yung huli. LOL
KC: Game? San ka? Hahahah (that escalated so quickly). R: Raymundo. Kaw? Hahaha KC: Ako rin. Hahahaha. Shet naalala ko tuloy, gan’tong gan’to yung kwento sa Hollywood film na Temptation Red. R: Yung nagkalilala sila online, tapos diresto meet-up. KC: Tapos, ‘yung scene na nakahiga si girl sa bed tapos unti-unting nilapitan nitong si guy at tinabahin at binulungan ng maraming L words! R: Tapos kung ako si guy, I will slowly bite and lick her ears down to her neck. Then gradually, I’ll be on top of her, at gagapangin ng buong katawan ko ang katawan n’ya… KC: Tapos, kung ako, habang nasa ibabaw n’ya, dahan-dahan kong tatanggalin ang mga butones. Pakakawalan ko ang nais isiwalat ng matagal nang nakasaradong mga talutot… R: Then I’ll be lingering the pleasure from our own bodies, fusing together in ecstasy. KC: Then, you’ll be kissing my soft lips, our tongues binding and mingling within. R: Gad, I wanna caress and own your body. We’ll be humping endlessly… Ahhhhhh. KC: Ahhhhhh (dirty moan wrarrr). R: Oh my god. What am I doing in the middle of hell week? (mag-iisip sandali, di mapakali at magta-type) K. Enough. This conversation has gone too much. Anyway, kita na lang tayo. Anong number mo? KC: So, gusto mo rin naman akong i-try for inspireyshon? Ano, sosc3 mood talaga ‘to eh, noh?
R: Haha. May sosc3 pa naman ako ngayon. Well, YOLO. Ano? KC: Ako rin may sosc3. Well, if YOLO justifies this, here’s my number: 09063828901 R: Mine: 09064738281. Ano pa lang name mo? Ano kape muna tayo sa Mcdo? KC: Haha. Tara game. Itago ko na lang muna sarili ko sa pangalang KC. R : Ako si R. Hmm…teka, KC ? With tattoo sa wrist? Must be a really hot, pretty girl? May sosc3? Di kaya…
KC: Her name is R. R for Riana? Reya? Regine? She must be one of the Com Arts chicks. Pero well, may sosc3 din. R: Naalala ko nga yung jingle namin dun. Yung word namin ay “bulbol”. Tapos yung isa kong groupmate, nakakatawa kasi naglagay talaga s’ya ng mahabang pubic hair sa crotch n’ya. Ako pa naman yung lider ng jingle, hahaha. KC: Kami rin ah. Bulbol. Wait, di kaya…naglagay din ako ng long pubic sa presentation ko nun. Ganun din ginawa ko, ah! R: Totoo? OMG. Baka s’ya to! ‘Yung groupmate kong… KC: Shit. Baka kaya ito yung groupmate ko sa soksay?! Wait…anong section mo? R: Ano muna buong name mo? KC: Anong section mo nga? R: Anong gender mo, biologically? KC: Kilala mo ba ko?
R: Baka. KC: Nagkita na kaya tayo? R: Feeling ko. Shit, baka s’ya nga ‘tong group mate ko! So, lalaki tong ka-chat ko?! Puta.
KC: S’ya raw yung lider ‘nung Jingle. Com Arts yun. At lalaki ‘sya! So, all this time, I thought I was…like…chatting with…ahhhh! Com Arts ka di ba? R: Oo. KC: My God! R: Tanga! Ba’t ‘oo’ yung tinayp ko. Ahhh… oo, hindi ako Com Arts. KC: Yung totoo? Bakit ka contradicting? R: Tae, nahahalata ako. Na-gets na kaya n’ya? Rebelasyon na’to! Karl Christian pangalan mo?
(ilang segundong hindi makakapag-reply) KC: Nope. Shocks, pa’no n’ya nalaman? Kakahiya yung pinagsasabi ko kanina, ang babastos. R: Ba’t ang tagal mong mag-reply? May hesitation. With tattoo on wrist ba kamo? KC: Shocks! Kilala ko nito, tae! Sino ka ba? Sabihin mo na kung ano meaning ng R mo. R : Robert.
KC : Pakshet ! Si Robert nga ! Ma-L ‘tong batang ‘to.
R : My god ! Awkward. Sabi ko na nga ba’t mahilig din pala ‘tong si Karl sa mga meet-up and one night na’yan. Tae, totoo ba’to? Nakakahiya.
KC: Nakakahiya! Muntikan na kaming magkita’t mag-ano.
R: ‘Yoko nang mag-reply, huhu.
KC: Ayoko na.
(‘Di mapakali, magdadalawang-isip ang dalawa, di mapipigilang makipag-chat muli)
R: Nakakahiya. Sorry.
KC: Sorry din.
R: Ano, kita tayo ngayon?
KC: For motivation? Why not? Hehe
R: Tara?
KC: (magdadalawang-isip pa, matapos ang ilang segundo’y matatawa saka magre-reply.) Game! Wakas