ang
Sinagtala Ang bakas ng Karanasan, ang Tanda ng Kaalaman
4 Regionalista na-rescue sa Joint Operation
TOMO XXVII | BILANG III Hunyo-Disyembre, 2019
4
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL - X. Dibisyon ng Cagayan de Oro, Rehiyon X
It’s MindaNOW or NEVER Climate Strike: RegSci nakiisa sa protesta
sa
?
?
19? ?
estudyante
ay mga mag-aaral sa Gusa Regional Science High School-X na di umanong ‘niresque’ sa isang joint operation of minors sa mga Internet cafe.
Ilegal na mga operasyon, kinundena
ipagpatuloy sa pahina 4
ni JOEAR T. BERDON
KAMPUS EKSPRES
DFSSG binitbit ang Edukasyon sa Kariton sa mga bata ni ALEO JOSEF C. ALBURO
Sa layuning maturuan ang mga bata nang tama at libreng edukasyon, idinala ng Division Federated Supreme Student Government (DFSSG) ng Cagayan de Oro City ang proyektong Edukasyon sa Kariton na inilunsad nitong Oktubre 2019. Tampok dito ang pagtuturo sa mga bata gaya ng pagbabasa, pagsusulat gamit ang mga dalang libro sa loob ng kariton. Ayon kay Project Leader Cyra Torres Cagatan, ito ay isang paraan ng pagbibigay ng alternatibong edukasyon sa mga bata lalo na ang mga batang hindi pumapasok sa paaralan. “The main advocacy of this project is to help the children especially the less fortunate ones to be educated in many fields. And to give hope so that they will have smile on their faces,” pahayag ni Cagatan. Kaagapay sa paglulunsad sa proyekto ang Triseklion Organization at mga kasapi ng DFSSG.
mga litrato ni LARRAH PASAMONTE gawa ni MIGUEL LADRA
H
indi natinag sa sikat ng araw ang mga mag-aaral ng Gusa Regional Science High School-X sa pagsasagawa ng Climate Strike sa paaralan na nagpapahayag sa pagtutol sa pagsasagawa ng ilegal na operasyon hindi lamang sa lungsod kung hindi pati na rin ang ibang parte sa Mindanao.
5-storey building, nakatengga pa rin
Isenentro ang pagproprotesta ng mga mag-aaral sa patuloy sa pagsasagawa ng illegal mining at ibang operasyon at nananawagan sa pagkakaroon ng climate justice, at pagbibigay ng ‘pressure’ sa mga politicians at mga kompanya para magtakda ng ‘effective measures’ upang mapangalagaan ang kapaligiran. Nauna ng hinirang bilang isa sa mga ‘most vulnerable to climate change’ ang
Umaasa pa rin mapasahanggang ngayon ang mga mag-aaral ng Gusa Regional Science High-X na maipapatayo na ang 5-storey building upang masolusyonan ang kakulangan sa mga silid aralan.
Pilipinas kung saan pumapangatlo ang naturang bansa. Nangunguna dito ang India at pumapangalawa naman ang Pakistan, ayon sa isang sarbey ng HSBC. Sa kabilang banda, dito sa Mindanao ay taliwas pa rin ang pagsasagawa ng mga ilegal na operasyon kahit na may pinapatupad na ng mga batas ukol dito. Ayon sa Manila Bulletin, mahigit 80 lugar na mayroong illegal logging ang nagaganap at 42 lugar ang may small-
scale mining sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao. Kaya naman, naging ‘wake-up’ call ito ng karamihan upang magsagawa ng agarang aksyon. “Let’s act now. We should stand and raise our voice,” pahayag ni Karen Mae Tañola, mag-aaral na nakiisa sa protesta. ipagpatuloy sa pahina 4
Kaso ng DENGUE sa CDO
BYE BYE, BABOY
Pag-aangkat ng pork products mula Luzon, itinigil sa CDO ni RAZAELE F. MANALES
B
unsod ng pagkalat ng lumalalang African Swine Fever (ASF) sa mga lalawigan ng Luzon, pansamantala munang inihinto ng lokal na pamahalaan ng Cagayan de Oro (CDO) ang pag-aangkat ng mga produktong karne ng baboy. Ipinagbawal ang pag-import ng mga ito simula Setyembre 30 sa ilalim ng Executive Order no. 169 s2019 ni Mayor Oscar A. Moreno na siya ring nagtatag ng African Swine Fever Task force sa siyudad; ayon sa ulat ng SunStar. Nakasaad sa panukala ang “temporary total ban on the entry of hogs, all fresh/ frozen pork meat and processed pork products from Luzon, and other identified ASFaffected areas in the country and abroad.” Nauna nang itinigil ng Misamis Oriental at Bukidnon ang pagpapapasok ng mga pork products upang maiwasan ang pagpasok ng virus na ikinamatay na ng higit pitong libong mga baboy sa Luzon. ipagpatuloy sa pahina 3
POWER WITHIN YOU
#3 #5
Ika-tatlo ang lungsod ng cagayan de oro na may pinakamaraming itinalang kaso ng dengue SA Rehiyon x.
CDO
Panglima ang Barangay Gusa sa lungsod ng Cagayan de Oro na may pinakamaraming itinalang kaso ng dengue na may
82 biktima
15
na mag-aaral sa Gusa Regional Science High School - X ay nadiagnose ng dengue simula sa unang kwarter ng S.Y. 19-20
Natural kung tutuusin ang body heat na inilalabas ng ating katawan at pangunahing silbi nito’y ang pagbalanse ng kabuuang temperatura mula sa ating ulo hanggang paa. Ngunit hindi lamang pala ito ang benepisyong kayang maihatid...
ipagpatuloy sa pahina 13
Naudlot ang pagpapagawa ng nasabing gusali nang hindi ito pumasa sa Soil Testing. Lumalabas sa pagsusuri na masyadong malambot ang lupa para pagtayuan ng 10 silid aralan, ayon kay Disaster Risk Reduction Management Coordinator Judith F. Marcaida. Samantala, isa naman sa tinuturong mga dahilan ng kakapusan sa mga silid ay ang pagtaas ng populasyon ng paaralan. Umakyat ang bilang ng mga mag-aaral ngayong 2019 sa 1,164 mula sa 1,118 noong nakaraang taon. Mas mataas ng 46 o katumbas ng higit sa isang baitang. Dahil dito, ginagamit na ng mga mag-aaral ang kanilang Chemistry Laboratory maging ang kanilang Library bilang silid aralan. “Delikado sad na maggamit mi sa Chem Lab para magdiscuss. Specially naay mga apparatus didto na mabuak,” pahayag ng isang mag-aaral mula sa ika-12 baitang. (Napakadelikado para sa amin na gumamit ng Chem Lab para sa aming mga diskusyon. Lalo na’t may mga kagamitan na maaring mabasag.)
ipagpatuloy sa pahina 4
Handheld Thermoelectric Generator: solusyon sa problemang pang-elektrisidad
agham at teknolohiya
ni EULA KAIRA C. EDULAN
O P I N YO N
PAPEL NO MORE pahina 7
AJ SUAN
balita 02 BALITA WITH FEELINGS
16-anyos mag-aaral, nabangga sa tapat ng GRSHS-X
ANG SINAGTALA | OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL - X. TOMO XXVII BILANG III | HUNYO-DISYEMBRE, 2019
TAPUSIN NA ANG PAGPAPAHIRAP
ni JOEAR T. BERDON
Sugatan ang isang 16-anyos mag-aaral ng Gusa Regional Science High School-X matapos nabangga ng isang motorsiklo sa tapat ng paaralan, nitong ika-4 ng Disyembre, 2019. Ayon sa nakakita, tumawid ang magaaral pagkatapos ng klase upang bumili ng pagkain subalit hindi nakita ng drayber na may tumatawid at doon na sila nabangga sa gitna ng daan. Mabilis naman rumesponde ang kapulisan at dinala kaagad sa ospital ang nasabing biktima. Ayon sa biktima, hindi na sinampahan ng kaso ang drayber pero sila na ang nagbayad sa gastusin sa ospital. Samantala, maglalagay na rin ng CCTV sa labas ng paaralan ang administrasyon upang madagdagan ang seguridad sa mga mag-aaral at hindi na maulit ang pangyayari.
SUPP-flies
Regsci kinapos sa Learning Materials - sarbey ni ALEO JOSEF C. ALBURO
Dumadaing ang mga mag-aaral ng karagdagang learning materials upang matugunan ang kanilang pangangailangan sa klase, ayon sa sarbey. “Kulang ang mga libro o LM na binibigay sa mga estyudante. Mahirap na kulang ang libro sapagkat kapag may kinakailangan kang pag-aralan para sa mga sulatin,” pahayag ng isang mag-aaral. Inaasahan ng mga mag-aaral na mabigyan ng agarang aksyon bilang pagtitibay ng kalidad ng edukasyon ng paaralan.
RS Water Restoration, sinagot ng City Gov’t ni EULA KAIRA C. EDULAN
Laking pasasalamat ng guro at magaaral sa panunumbalik sa suplay ng tubig kung saan sinagot ng pamahalaan ng Lungsod ng Cagayan de Oro. Dahil dito, mapapanatili ang hygiene at sanitation ng mga mag-aaral kalakip ang kalinisan sa palikuran. “We are grateful for the water restoration of the school. This is very helpful especially we can use this in cleaning our respective restrooms,” saad ni John Nicholson Vuelban, pangulo ng Supreme Student Government.
Regsci community, kinukundena ang hazing sa kapwa PMA Kagay-anon SIMPATIYA. Nag bigay ng simpatiya ang mga estduyante ng Gusa Regional Science High School-X sa pagkamatay ni PMA Cadet 4th Class Darwin Dormitorio. Kuha ni MIGUEL LADRA.
M
apasahanggang ngayon ay humihingi pa rin ng katarungan ang komunidad ng Gusa Regional Science High School-X sa pagkamatay ng kapwa Philippine Military Academy (PMA) Kagay-anon 4th class Cadet Darwin Dormitorio dahil sa hazing.
Sigaw ng mga mag-aaral na dapat nang tapusin ang pisikal na pananakit at hindi na tamang pairalin ito sa kapwa magaaral bilang isang “form of discipline” at pagpapatatag ng brotherhood. Para sa kanila, dapat na itong ituring na heinous crime ang hazing upang matigil na ang ganitong kasanayan sa mga unibersidad at kolehiyo, police at military training institution. “Enough is enough. Dapat hindi gamitin ang hazing na batayan para malaman ang totoong kakayahan ng isang tao, at dapat hindi rin ito gamitin bilang form of superiority sa mga neophyte members. Hindi lamang ito para sa mga PMA students kundi para sa lahat,” ayon kay Jehue Namocatcat, isang mag-aaral na nakiramay at nakiisa sa panawagan para sa hustisya sa kababayang kadete. Matatandaang naging malupit ang sinapit ng Dormitorio sa loob ng institusyon. Nawawalang combat boots ng kanilang squad leader ang isa sa mga dahilan sa pananakit sa binata, ayon sa isinagawang imbestigasyon ng Baguio City Police Office.
Nangyari umano ito isang araw bago sumakabilang buhay ang kadete, ika-17 ng Setyembre, 2019. Subalit bago nangyari ang insidente, sinaktan na rin ang kadete sa kamay ng kaniyang upperclassmen noong Agosto. Sa ngayon, may pitong cadete na ang nasa court martial proceedings at nakaharap sa administration charge for violation of Article of War 96 o “conduct unbecoming an officer and a gentleman.” Labis naman ang paghihinagpis ng mga pamilya, kaanak, at sa mga kaibigan sa pagkamatay ni Dormitorio. “It hurts a lot, napakasakit para sa amin lalo na dahil napakabait na bata ni Darwin, kung tutuusin siya ay isang asset, malaki sana ang kanyang maitutulong para sa bansa,” salaysay ni Mary Jean A. Aparri, dating guro ni Darwin sa sekundarya, sa isang eksklusibong panayam ng Ang Sinagtala. Nanghihinayang umano si Aparri sa nangyaring insidente, aniya, hindi inakalang ganoon lamang magtatapos ang kanyang pangarap dahil naniniwala ang guro na maaabot ni Darwin na makapaglingkod sa bansa.
“Grabe ang willingness ni Darwin na maging estudyante sa PMA, noong siya ay nasa academy pa pinapakita talaga niya na gusto niya at kayang-kaya niya na,” pahayag ng guro. Gayunpaman, hindi ito ikinabahala ng iilang mag-aaral na naghahangad maging kadete. Sa kabilang banda, ikinabahala ito ng iilang mag-aaral na naghahangad maging kadete. Para sa kanila, hindi na ligtas sa loob ng institusyon dahil sa pagputok ng mga balita sa hazing. “Before gusto ko talagang makapasa sa PMA, pinangarap ko na maging isang sundalo pero noong nabalitaan ko ang nangyari na hazing sa loob ng academy ay natakot ako na mangyari sa akin ang nangyari kay Darwin Dormitorio,” pahayag ni Joshua Cabilao, mag-aaral na nakapasa ng PMA. Gayunpaman, inaasahan ng mga mag-aaral na maisabilis ang imbestigasyon ang kaso ni Darwin upang makamit ang hustisya ng kadete.
Dahil sa Green Act
Bilang ng mga Late Comers, nakalahati ni EULA KAIRA C. EDULAN
Epektibo ang pagpapatupad ng Green Act para sa mga late comers matapos pumalo na lamang ng mahigit 360 ang bilang nito mula 740 sa nakaraang taon.
DISIPLINA. Pinadilig, pinatanim ng mga halaman, at pinalinis sa paligid ang mga estudyanteng nahuli sa pagpasok sa klase bilang community service. Kuha ni MIGUEL LADRA
Ikinatuwa ito ng administrasyon ng paaralan sa pagbaba ng bilang ng late comers ng 48 bahagdan sa unang tatlong buwang ng taon-aralan 2019-2020. Ayon kay Prefect of Discipline Cedric Borres, naging positibo ang tugon ng paaralan sa pagpapatupad ng Green Act bilang disiplina sa mga mag-aaral na nahuhuli sa klase tuwing umaga. “Lumiit ang bilang ng mga nahuhuli sa klase dahil sa pinapatupad na bagong panukala ng administrasyon,” saad ng Prefect of Discipline. Katuwang sa pagpapairal ng nasabing panukala, ang Supreme Student Government kasama ang BSP at GSP kung saan pinababa ng paraang ito ang bilang ng late arrivals ng mga mag-aaral. Sa ulat ng SSG, mula 740 sa nakaraang taon ay bumaba ito hanggang 369 mag-aaral ang nahuhuli sa klase.
Nangunguna sa mga dahilan ng mag-aaral ang pagkahuli nila ng gising, trapiko sa daan at mga problema sa transportasyon, at kani-kaniyang “personal issues.” “We really wanted a change. In this case, we are strictly implementing new strategies,” pahayag ni John Nicholson Vuelban, pangulo ng SSG. Dagdag pa niya, “Let us all be responsible and set as an example to everyone. This could help not only in disciplining the students but also help planting to improve the gardening of our school.” Nagsisimula ang paglilista ng mga nahuhuli sa pagpatok ng 7:30. Pagkatapos nito ay magtatanim at tutulong sa pagsasaayos at pagpapaganda sa gardening ng paaralan. Kaugnay nito, inaasahan na magtuloy-tuloy ang positibong pamamaraan sa pagdidisiplina ng mga mag-aaral.
03 | balita
ANG SINAGTALA | OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL - X. TOMO XXVII BILANG III | HUNYO-DISYEMBRE, 2019
Regsci umaaray sa patung-patong na takdang-aralin ni EULA KAIRA C. EDULAN
HANDOG PAG-ASA Namigay ng School kits si G. Nino Labininay sa mga bata ng Barangay Gusa, ito ay handog ng Brigada Plus isang proyekto ng GRSHS-X para sa Brigada Eskwela. kuha ni CARMEL SOLARTE
Iba’t-ibang programa itinampok
Ugnayang RS-Komunidad, pinalakas ni JOEAR T. BERDON & LOUISE MARIE CARMEL C. SOLARTE
U
pang makapagtatag ng ugnayang pangkomunidad sa Barangay Gusa, Cagayan de Oro City ay nagsagawa ng iilang hakbang ang Gusa Regional Science High School-X. Iilan dito ay ang; pagbabahagi ng donasyon sa nasalanta ng lindol, ng pagbahagi ng school supplies sa mga mag-aaral sa Gusa Elemetary School, coastal clean-up, at tree planting sa barangay. Ayon kay Assistant Principal Niño Labininay, pinatitibay nito ang tulay ng dalawang institusyon sa pamamagitan ng pagbigayan at paglulunsad ng mga programang nakakabuti sa loob at sa labas ng paaralan. “May pakialam tayo sa community. We are doing these to help the community by strengthening the bond and by launching programs that the barangay and the school can benefit,” pahayag ni Labininay sa isang panayam. PAMAMAHAGI NG DONASYON Nag-donate ng mga bigas, tubig, damit, at mga relief clothes sa nasalantaan ng lindol sa Cotabato City kung saan niyanig ng 6.5 magnitude. Aabot sa mahigit 300 donasyon ang inabot ng paaralan sa mga biktima
sa sakuna. PAMAMAHAGI NG SCHOOL SUPPLIES Nakatanggap ng mahigit 300 libreng school supplies ang Gusa Elementary School, handog ng Gusa Regional Science High School-X upang makatulong sa mga mag-aaral sa kanilang pangangailangan sa ilalim ng isinagawang programa ng Brigada Eskwela Plus. Naisagawa ang pamamahagi ng school supplies tulad ng bags, papel, notebooks, lapis, crayons, pencil case at iba pa sa loob ng paaralan kung saan dinaluhan ng mga mag-aaral kasama ang kanilang mga magulang. COASTAL CLEAN-UP Kamakailan lang isinagawa
ang malakawang coastal clean-up bilang tradisyon ng paaralan kada taon kasabay ng pagsagawa Science Camp nitong ika-3 hanggang ika-4 ng Oktubre, 2019. “As advocates not only for the betterment of ourselves but to nature as well, we really want to help improve our environment by doing community clean-up drives and by that to happen, we integrated the said activity on our annual Science Camp as one of the projects for the club,” pahayag ni Antonio Miguel T. Ladra, pangulo ng YSEC (Youth for Science Explorers’ Club). Inaasahan ng paaralan na mas lalawig pa ang ugnayang RS-komunidad sa susunod pa na mga taon.
No more budget for Science High Schools- Galarpe
ni ALEO JOSEF C. ALBURO
Kakulangan ng pondo ng paaralan, namerwisyo
Pandagdag sana ng pondo sa pagsasagawa ng research ng mga mag-aaral at iba pang programa sa paaralan ang binibigay ng budget para sa mga Science High Schools ngunit tinanggal na ito sa National Budget para sa mga Science schools, ayon kay punongguro Brenda P. Galarpe. Kaya naman naging sabagal ito sa pagsasagawa ng mga aktibidad sa paaralan dahil sa limitadong mapagkukunan at wala na ring pambiling gamit at pambayad sa laboratory para sa mga research. “Syempre ang dapat nating unahin ay ang mga research, dahil kailangan nating pag-tuonan ng pansin na mas mapahusay ito dahil tayo ay isang Science High School and we should focus on research and this is also emphasized sa ating region, pero you can really notice now na yung research contests na sinasalihan natin ay konti nalang dahil wala tayong funds,” ani ni Galarpe. Gayunpaman, gumagawa na ng hakbang ang administrasyon sa tulong ng PTA officers sa paglalabas ng mga aprubadong kontribusyon para sa mga mag-aaral. “We really tap our partners our PTA officers and presented the problems and issues of our school to be able to help/assist us especially in financial aspects,” dagdag niya. Umaasa ang punongguro na mabigyan ang paaralan ng suporta upang matugunan ang pangangailangan nito.
BALITANG KINIPIL
Polio outbreak itinaas ng DOH Proper hygiene; Kalinisan, hinigpitan ng GRSHS-X ni RAZAELE F. MANALES
Bilang tugon sa banta ng pagbabalik ng Polio sa bansa, mas pinaigting ng Gusa Regional Science High School-X (GRSHS-X) ang handwashing activity at pagpapanatili ng kalinisan sa paaralan. Ayon kay WASH in Schools (WINS) Coordinator Maria Carmen Ebron, mainam ang aksyong ito lalo na’t nakukuha ang Polio sa kontaminasyon ng dumi ng taong may Polio sa pagkain o tubig. Pinamamahayan rin ng Polio Virus ang mga maruruming lugar. Pagtatak ng 12:45 ng tanghali, sinisimulan ang handwashing activity ng mga mag-aaral. Dinadalasan na rin ang general cleaning sa paaralan. Kabilang sa mga sintomas ng Polio ay ang lagnat, madaling pagkapagod, pananakit ng ulo at ng leeg, panghihina ng mga braso at binti, at pagsusuka. Naitalang muli ng Department of Health (DOH) ang dalawang kaso ng Poliomyelitis o Polio sa bansa matapos ang 19 taong pagiging polio-free ng Pilipinas. Taong 1993 ang huling naitalang kaso ng nasabing sakit.
Babae pinugutan, kinain ang utak sa Misamis Oriental ni ALEO JOSEF C. ALBURO
Isang 21-anyos na lalake sa Talisayan, Misamis Oriental ang sumuko sa mga pulis matapos niyang pugotan ng ulo at kainin ang utak ng isang babae na kanyang naka-alitan sa loob ng sementeryo. Ayon sa suspek, nagawa lamang niya ang krimen dahil nairita umano siya sa pagsasalita ng babae ng Ingles habang sila ay nag-uusap. Hindi raw niya ito naiintindihan kaya nagalit umano ang suspek at ginawa na ang krimen. Inamin din ng suspek na siya ay lasing at nagutom sa mga panahon na iyon. Natagpuan ang katawan ng babae na wala nang ulo at damit sa Punta Santiago, Talisayan, Misamis Oriental.
Nanawagan ang mga mag-aaral ng Gusa Regional Science High School-X (GRSHS-X) sa mga guro na limitahan ang pagbibigay ng takdang-aralin, ayon sa isang sarbey. Itinakda ang naturang sarbey na isinagawa ng Ang Sinagtala, ang opisyal na Pahayagang Pangkampus ng GRSHS-X, upang ipaalam sa mga guro na nais nilang magkaroon ng mas mataas na oras para sa sarili at sa kanilang mga pamilya. Sa 100 respondenteng kapwa mula sa Junior High School at Senior High School, 88 sa kanila ang sumang-ayon habang 12 mag-aaral naman ang hindi. Lumalabas sa sarbey na dalawa hanggang apat na takdang-aralin ang ibinibigay sa isang mag-aaral habang isa hanggang tatlong oras naman ang iginugugol ng mag-aaral sa pagsasagawa nito. Ayon sa isang mag-aaral ng ika-11 na baitang, mahigit siyam na oras ang kaniyang iginugugol sa paaralan at pag-uwi sa bahay ay nakatuon pa rin ang kaniyang atensyon sa paggawa ng takdang-aralin. “Dapat lamang limitahan ito dahil kulang na ang oras ng pagpapahinga at upang magkaroon ng mas mataas na oras na ilalaan para sa pamilya,” saad niya. Sang-ayon naman dito ang isang guro ng GRSHS-X na limitahan ang pagbibigay ng takdang-aralin dahil kinakain umano nito ang oras para sa sarili at sa pamilya. “Walong oras tayong nasa paaralan. We should give more time for ourselves to have a break, relax, and have a stress-free moment with our family,” ani ni Ariel V. Fabrigas, guro sa Contemporary Arts. Gayunpaman, hiling ng mga mag-aaral na makakarating ito sa lahat ng mga guro sa paaralan upang maintindihan ang sitwasyong nararanasan ng mga mag-aaral.
BABOY / MULA SA PAHINA 1 Ngunit, sa pahayag ng Philippine Association of Meat Processors Inc. (PAMPI), malaking pagkalugi naman ang maaring harapin ng mga suppliers ng mga pork products dahil sa panukalang ito. Ayon kay Dr. Benjamin Resma ng Provincial Veterinary Office, pinoprotektahan lamang ng panukala ang P25-Billion hog industry ng rehiyon mula sa dalang panganib ng ASF. “Tinuod nga dako ang alkansi sa ilang negosyo pero kung muigo pud sa Mindanao, mas grabi ang alkansi sa magbubuhi sa baboy, daghan mawad-an ug trabaho. Mas grabe ang alkansi kung maigo ta dinhi kay imagine mahurot atong baboy,” (Malulugi talaga ang negosyo nila [exporters] pero mas malulugi ang mga nag-aalaga ng mga baboy, marami ang mawawalan ng trabaho. Mas malulugi tayo dito [sa Rehiyon X] kung mauubos ang ating mga baboy), pahayag pa ni Resma. Samantala, ayon naman kay Moreno, mananatili ang bisa ng panukala hangga’t hindi pa naidedeklara ang bansa bilang “ASF-free.” Bagama’t hindi peligroso sa tao, tinatamaan ng ASF ang mga baboy na nagdudulot ng pagdurugo sa kanilang internal organs na maaari nilang ikamatay. Pinagdududahang nakapasok sa bansa ang sakit dala ng mga Pilipinong mula sa ibang bansang ASF-affected.
LIGTAS ANG MAY ALAM
BFP itinuro ang iba’t-ibang Fire Fighting Procedures ni JOEAR T. BERDON
Naniniwala ang BFP na bata pa lamang ay kailangan nang matutunan ang iba’t ibang Fire fighting procedures, kaya naman tinutukan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Lapasan District ang pagbibigay alam sa mga ikapitong baiting upang mapatibay ang kaalaman sa Gusa Regional Science High School-X sa tamang paggamit ng fire extinguisher at ibang maaaring gamitin na fire-fighting equipment. Bahagi ito sa isinasagawang progama ng BFP bilang paghigpit sa kahandaan sa darating na mga sakuna. “Kadalasan kung may lindol maraming natutumba na mga gamit lalo na ang mga appliances na pwedeng magdulot ng sunog, kaya dapat lagi tayong handa,” pahayag ni BFP F01 Joerey Cris Macalinao. Pinangunahan ang nasabing programa ng kawani ng BFP sa tulong ng Boy Scout of the Philippines (BFP) na nagsilbing Fire Brigades ng paaralan sa pagtuturo kung paano mag-apula ng apoy gamit ang extinguisher at bucket relay. “We should learn from the basics. Ito ay malaking tulong lalong-lalo na kung may mga sakuna,” dagdag ni Macalinao. Inaasahan na makakatulong ang ipinakitang pamamaraan at magagamit ito
sakaling may mangyaring emergency at sakuna.
“
You are in good hands. Joerey Cris Macalinao kuha ni LARRAH PASAMONTE
balita | 04
ANG SINAGTALA | OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL - X. TOMO XXVII BILANG III | HUNYO-DISYEMBRE, 2019
BALITA WITH FEELINGS
Paggamit ng Bisaya version ng Lupang Hinirang, kinundena ng RegSci ni EULA KAIRA C. EDULAN
Kinundena ng mga estudyante ng Gusa Regional Science High School-X ang pagpapatuloy ng Provincial Government of Misamis Oriental sa paggamit ng Bisaya version ng Lupang Hinirang sa mga opisyal na mga pagtitipon at mga flag raising ceremony. Ayon kay PIO Head Carlo Dugaduga, gagamitin pa rin nila ang Bisaya version ng Lupang Hinirang hanggat hindi pa magbibigay ng utos si Governor Yevegney Emano na ipatigil ito. “Dapat nating respetuhin kung ano man ang batas na ginawa ng pamahalaan pa sa ating pambansang awit dahil ito ang nagsisilbing batayan ng ating pagka-Pilipino,” ayon kay Franz Maurene B. Leuterio. Sa isang sarbey ng Ang Sinagtala, mahigit 80 bahagdan ang tutol sa paggamit ng Bisaya dahil nakasaulat na sa Section 20 of RA 8491 na kung saan dapat ay kinakanta ang Lupang Hinirang sa orihinal na liriko at tuno ng kantang ito.
NOW OR NEVER / MULA SA PAHINA 1
KONTROLADO. Pinangunahan ni Mayor Oscar Moreno (naka suot ng protective suit) ang ginawang fogging para sa city-wide anti-dengue campaign ng Cagayan de Oro City.
kuha ni JIGGER JERUSALEM.
HELLO DENGUE, GOODBYE ‘Zero-Dengue’ case, target ng Regsci ni JOEAR T. BERDON
Dagdag niya, “Pinapakita natin na may malasakit tayo sa kapaligiran. Ginagawa natin ito para maging mulat tayo sa mga nangyayari sa ating komunidad.” Bandang 2 ng hapon nang nagsimula ang pagprotesta ng mga mag-aaral sa loob ng paaralan. Itinampok din ang ibang aktibidad tulad lang ng tree planting, role playing, school community clean-up, at film showing na nagpapakita ng iba’t ibang isyung pangkapaligiran. Gayunpaman, giit nila na magtuloy-tuloy ang ganitong adhikain at hindi lamang dito magtatapos ang panawagan ng karamihan sa Climate action. “It shouldn’t stop here. Dapat ipinapatuloy natin ang ating nasimulan,” pahayag ni Tañola. Sa kabilang banda, mayroong ordinansa na pinapatupad ngayon kung saan tumutulong upang bigyang aksyon ang Climate Change gaya ng pagpbabawal sa paggamit ng single-use plastic sa buong lungsod. “It’s good to know that there is an ordinance that being implemented in the city. It’s a good start for us especially we are aiming for a green city,” pahayag ni Trisha Ihalas, Vice President ng Supreme Student Government. Hinimok din ang ibang mag-aaral na makibahagi sa mga programang pangkapaligiran. Bahagi ang protesta ng Global Protest on Climate Change mula ika-20 hanggang ika-27 ng Setyembre, 2019.
#NeverForget
Source: ABS-CBN Research Group
Ampatuan Massacre Isang madilim na dekadang kawalan ng hustisya para sa mga 58 na indibidwal.
T
itiyaking magkaroon ng ‘zero-dengue’ case sa Gusa Regional Science High School-X hanggang matapos ang taong-paaralan 2019-2020, ayon kay WinS Coordinator Maria Carmen Ebron. Iginiit ng WinS Coordinator na tinututukan na ng paaralan ang kalinisan dala ang pangamba sa pagtaas ng bilang ng Dengue sa lungsod ng Cagayan de Oro.
“We are focusing on the cleanliness of our school. Dito nagsisimula ang pagpupugad ng mga lamok kung hindi malinis ang paligid,” saad ni Ebron sa isang panayam. Dagdag pa niya, “Target natin na zero dengue case sa school. We hope that after a series of clean-up drives ay may magandang result ito sa atin.” Ayon sa datos ng City Health Office, pumalo sa mahigit 1974 dengue cases ang naitala sa unang walong buwan ng 2019 ng Cagayan de Oro kung saan 16 dito ang sumakabilang buhay. Mas mataas ito ng 62.54 bahagdan ngayon kumpara sa nakaraang taon, Enero hanggang Agosto. Kaugnay nito, pangatlo rin ang lungsod sa pinakamaraming bilang ng dengue cases sa rehiyon habang panglima naman ang Gusa sa lungsod na may 82 cases. Sa ngayon, umabot na sa mahigit 15 ang naitalang biktima mula sa GRSHS-X. Isa na rito si Alexis Batica mula sa ika-10 na baitang. Sa kanyang pagsasalay, naging mahina ang kanyang katawan at nawalan siya
ng ganang kumain. “Last na-admit ko is August 12, 2019. At first, nawalan ako ng ganang kumain at naging matamlay ako. Doon ko lang nalaman na nagka Dengue fever ko,” salaysay ng mag-aaral. Hiling naman ng mag-aaral na hindi na ito maulit ang kanyang sinapit sa mga kapwa mag-aaral. MALAWAKANG OPLAN VS DENGUE Sa kabilang banda, binigyang-aksyon ng pamahalaan ng Lungsod ng Cagayan de Oro ang pagsasagawa ng malawakang “Oplan Kontra Dengue” bilang pagtugon sa pagdami ng kaso ng Dengue sa lungsod, ika-20 ng Agosto, 2019. Bahagi ito sa sinasagawang kampanya ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH) na mabawasan ang bilang ng mga biktima sa paglaganap ng sakit na Dengue na idineklarang “National Epidemic” nitong ika-6 ng Agosto, 2019. Naging sentro ng pamahalaan ng lungsod ang pagbibigay direktiba sa pagpapatupad ng clean-up drive at at pagpapaabot ng wastong kaalaman sa
mahigit 80 barangay ng CDO. Naatasan ang mga kapitan ng bawat barangay na manguna sa pagsasagawa sa nasabing programa sa kanilang nasasakupan. KAPIT BISIG SA GUSA Kaugnay nito, tinugunan naman ng Barangay Gusa ang panawagan ng pamahalaan, sa tulong ng mga opisyal ng barangay, iba’t ibang sektor at ahensiya at mga nasasakupan nitong pampublikong paaralan kabilang na dito ang Gusa Regional Science High School-X. Hinimok ni Barangay Captain Hon. Marlo Tabac ang lahat na maglinis sa kapaligiran na naging pugad ng mga lamok. “The city wants us to start cleaning our surroundings because if we wont, the chance of getting sick will be very high,” pahayag ng kapitan. Pinaalaala rin ni Kapitan Tabac sa mga mamamayan na laging mag-ingat at alagaan ang sarilli upang makaiwas sa mga sakit tulad lang ng Dengue.
CAUGHT IN THE ACT
4 Regionalista na-rescue sa Joint Operation; ‘Values Formation’ sa paaralan, ipinagtitibay ni JOEAR T. BERDON
KABUUANG BILANG NG NAMATAY
58
32
MIYEMBRO NG MEDIA
15
MGA KAMAG-ANAK NI NI VICE MAYOR ESMAEL “TOTO” MANGUDADATU
06
INOSENTE
02
LAWYERS
BILANG NG SUSPEK 107
DETAINED
4
PATAY
2
BAILED
1
PINALAYA
81
HINDI PA NAHUHULI
197 AKUSADO (15 AY AMPATUAN)
Matapos lumipas ang isang dekada ng Maguindanao massacre ay nabigyan na ng hustisya ang 58 biktima kung saan nahatulan na guilty ang ilang miyembro ng pamilya Ampatuan at iba pang mga sangkot sa massacre. Hinatulan umano ng reclusion perpetua o aabot sa 40 taong pagkabilanggo sa 28 na suspek at 6 hanggang 10 taon naman sa mga taong tumulong sa naturang krimen. gawa ni MIGUEL LADRA
Patuloy na tinututukan ng administrasyon ang character education, moral values, at ethics sa mga mag-aaral sa Gusa Regional Science High School-X (GRSHS-X) matapos masangkot kamakailan ang apat na mag-aaral na nahuling naglalaro ng computer games sa isang internet café tuwing oras ng pasukan. Ayon kay GRSHS-X Guidance Counsellor Analou Sobremisana, nagsagawa na ng hakbang ang paaralan na masolusyunan kaagad ang pangyayari at pagtitibayin ang pagpapatupad ng I AM HIPHOP (Honest, Industrious, Polite, Helpful, Obedient, at Punctual) sa paaralan. “The school initiated the student counselling to safeguard the students’ protection against the harmful effects of gaming addiction that they might get from entering internet cafes,” paliwanag ni Sobremisana. Dagdag pa niya, “Since the division made the initiative to mold morally upright students, RS aims to do its job to become competent.” Sa kabilang banda, aminado naman ang mga nasabing mag-aaral, na tumangging ilahad ang pangalan, na nagawa lamang nila ito dahil sa kanilang kagustuhan. “Nagawa naming lumabas dahil sa kagustohan naming maglaro sa isang internet café,” pahayag sa isa sa mga nasangkot. Matatandaang may apat na mag-aaral mula sa GRSHS-X ang narescue sa paglalaro sa isang internet café tuwing oras ng pasukan. Kaugnay nito, nangako ang nasabing mag-aaral na hindi na
nila uulitin ang pangyayari. “Hindi na namin uulitin pa ang aming nagawa at napatantohan naming maging ‘wise’ sa aming mga desisyon dahil nagbibigay ito ng malaking problema hindi lamang sa aming mga magulang pero pati na rin sa paaralan,” pagtitiyak niya. Sa ngayon, nakatutok ang mga guro sa pagpapaunlad at paghubog ng karakter at moral sa mga mag-aaral. I AM HIPHOPer Binibigyang-halaga sa lahat ng paaralan sa Lungsod ng Cagayan de Oro City ang paglulunsad sa I AM HIPHOP bilang pagpapatibay ng karakter at moral para sa mga mag-aaral sa lahat ng lebel sa elementarya at sekundarya. Sinusuportahan ng programang ito ang pagbibigay edukasyon sa mga indibidwal upang makamit nila ang kanilang potensyal na nakasaad sa Division Memorandum No. 518 s. 2018. “This would help in creating better outcomes of learners where outputs are centered to their good conduct,” pahayag ni Schools Division Superintendent Jonathan S. Dela Peña, Ph.D. CESO VI. Naniniwala ang administrasyon na ang lahat ng mga magaaral sa GRSHS-X ay hinuhubog ng kagandahang-asal bilang pagpapatunay sa kanilang pagiging matagumpay.
opinyon 05
ANG SINAGTALA | OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL - X. TOMO XXVII BILANG III | HUNYO-DISYEMBRE, 2019
EDITORYAL
We WINS as ONE
ENDGAME
Tuldok sa Usad-Pagong na Hustisya
S
ni CHRISTINE KIONISALA
ampung taon ang makalipas, matutuldukan na rin sa wakas ang isang dekadang paghahanap ng hustisya para sa 58 kataong nasawi sa Ampatuan Massacre na naganap noong ika-23 ng Nobyembre, taong 2009 sa probinsiya ng Maguindanao.
Hinatulan ng “guilty” ng naatasang hukom na si Judge Jocelyn Solis-Reyes ang mayorya ng miyembro ng angkan ng mga Ampatuan matapos mapatunayan ang kanilang pagkakasangkot sa Maguindanao Massacre na tinaguriang pinakamalalang kaso ng karahasang pampulitika sa kasaysayan ng Pilipinas. Kung ito rin lang naman ang magiging hatol, bakit pa pinalipas ang isang dekada? Iilang taon nang gutom sa hustisya ang mga pamilya ng mga nasawi; maraming sangkot sa patayan ang malayang namumuhay hanggang ngayon at yaong mga nakakulong naman ay minamanipula ang sistema ng hustisya upang antalain ang proseso ng hudisyal. Pinapakita lamang nito na patuloy pa ring namamayagpag ang usad-pagong na sistema ng pagkamit ng hustisya sa ating bansa; kung paanong tila naiiba ang batas ng mga mahihirap sa mga mayayaman. Bagaman naibigay na ang nararapat na hatol, tila hindi pa rin tapos ang labanan para sa mga
pamilya ng lahat ng biktima. Anila, hindi matutumbasan ng iilang taong pagkakakulong ng mga suspek ang brutal na sinapit at pagkasawi ng mga inosenteng biktima ng massacre. Kung tutuusin, ang pag-alala sa madugong patayan na ito ay paalala rin sa atin kung paanong madaling target ng impunidad ang mga mamamahayag at manggagawa ng medya pati na rin ang mga inosenteng mamamayan na walang kalaban-laban. Kung sa mga paaralan ay tinutugunan ng administrasyon ang mga suliraning nahaharap ng bawat estudyante kung saan kapag may pangyayaring nagkasala ang isang mag-aaral dahil nakalabag ito ng mga panuntunin sa paaralan, agad namang inihahain ng kinauukulan ang nararapat na parusa sa kanila at hindi na ipinagpapal-
iban pa upang matuto na ang mga ito at huwag ng umulit pa. Samakatuwid, panahon na upang tutukan ng administrasyon ang sistema ng hustisya sa ating bansa. Dapat gawin ng gobyerno ang lahat upang mapabuti ang proseso ng paghahatid ng hustisya, kung saan pantay-pantay ang lahat at hindi pinapanigan kung sino man ang nakatataas. Ika nga, ang hustisyang naantala ay hustisyang itinanggi. Ngunit kahit dekada pa man ang lumipas bago makapaningil, sa bandang huli ay magbabayad pa rin ang dapat na magbayad.
Matagumpay na inimplementa sa paaralan ng Gusa Regional Science High School-X ang School Based Management- Wash in Schools (WinS) Program sa pangunguna ng naatasang coordinator na si Bb. Maria Carmen Ebron. Bilang patunay, napabilang ang ating paaralan sa Outstanding School Implementers of WINS Program sa buong Rehiyon 10. Nasiyahan ang lahat ng mga guro’t estudyante sa naging resulta nito lalo na’t malaking tulong ito upang mapanatili ang kalinisan sa ating paaralan. Ngunit sa kabila nito, hindi mapagkakailang may mga estudyante pa ring ipinagwalang-bahala ang adhikain ng programa. May mga pasaway pa ring nagtatapon ng basura kahit saan nang hindi iniisip ang magiging dulot nito. Mapapansing tila hindi sapat sa disiplina ang ibang estudyante pagdating sa pag-alaga ng ating kalikasan. “There are instances during the preparation that full support and collaboration was minimal, maybe because there are students who still do not know about the program’s good cause.” Ito ang naging pahayag ni Bb. Ebron nang tanungin tungkol sa naging tugon ng mag-aaral sa programa. Tunay ngang hindi nakaligtas sa kaniyang pansin ang hindi kaaya-ayang tugon ng ibang estudyante. “Nevertheless, we still prefer to continue what we have started to serve those who believe in the program’s objective”. Ang programang ito ay magsisilbing hikayat sa atin na maging prayoridad ang kalinisan ng ating paaralan lalo na’t may mga parangal na binibigay ang Kagawaran ng Edukasyon kaugnay nito. Ngunit sana, hindi lamang dahil sa parangal ang rason sa pagpapanatili ng kalinisan kundi dahil upang alagaan ang ating kalikasan. Napakalaking papel ang ginagampanan ng ating kooperasyon upang maging matagumpay ang mga programa ng ating paaralan. Hindi natin matatanggap ang ganitong parangal kung wala ang tulong ng lahat - mga mag-aaral, guro, at iba’t ibang organisasyon kabilang na ang YES-O (Youth for Environment in Schools Organization). Kaya bilang mga mag-aaral, mahalagang magtulungan tayo para sa lalo pang ikagaganda nito. Huwag sana tayong maging rason ng ikasisira ng ating kapaligiran. Ika nga, we WINS as one! PATNUGUTAN S.Y. 2019-2020
gawa ni ALEO ALBURO
MATA SA MATA
ASSIGNMENT, ASSIGNMENT
BUGBUGAN
“
Bahagi ng edukasyon ang takdang-aralin, kaya nararapat lamang na huwag alisin
ni ATHENA JEAN G. SUAN
ang
Sinagtala
Ang Bakas ng Karanasan, Ang Tanda ng Kaalaman
Danica Ela P. Armendarez Punong Patnugot
Antonio Miguel T. Ladra Pangalawang Patnugot
Joear T. Berdon
Tagapamahalang Patnugot
Athena Jean G. Suan
Naglabas si Senadora Grace Poe ng panukalang batas na Senate Bill Blg. 966 o No Homework Policy nito lamang ika-27 ng Agosto, taong kasalukuyan, kung saan kapag magiging pormal na batas ay magbabawal sa mga guro na magbigay ng mga gawain at takdang-aralin sa mga mag-aaral tuwing Sabado at Linggo. Samu’t sari ang naging reaksyon ng madla kaugnay sa pagpapalabas ng panukalang batas na ito. May iilang sang-ayon, lalo na ang mga mag-aaral na silang direktang maaapektuhan ng nasabing panukalang batas. Ngunit may iilan ding hindi sang-ayon kabilang na ang karamihan sa mga guro. Kaliwa’t kanan ang mga gawain ng mga mag-aaral, sa paaralan o sa bahay man. Sa paaralan ng Gusa Regional Science High School ay halos araw-araw binibigyan ng “homework” ang mga
estudyante at kung minsan ay tambak at sabay-sabay pa. Kaya naman halos mga reklamo ang kadalasang maririnig mula sa mga estudyante dahil madadagdagan na naman ang kanilang mga gawain. Kaya layunin ng panukalang batas na ito na mailaan sa pamilya ang panahon ng mga mag-aaral kapag walang pasok at hindi puro sa pag-aaral lamang. Kung iisiping mabuti, nakalaan sa buhay-eskwela ang limang araw sa isang linggo ng bawat estudyante. Tila napalabis na yata kung ang natitirang dalawang araw ay ilalaan pa sa
mga gawaing pampaaralan. Ngunit ang tanong ngayon ay mabibigyan nga ba ng garantiyang sa pamilya nila ilalaan ang kanilang bakanteng oras? Malaki ang pagkakataong sa gadgets at online games ang aatupagin ng mga estudyante kapag wala silang mahalagang ginagawa. Maaari itong magresulta sa mas malalang katamaran ng mga estudyante. Binibigay ang mga homework hindi upang lalong pahirapan sa kanilang pag-aaral ang mga estudyante kundi upang sila ay tulungan na mas mahasa at kani-kanilang mga kakaya-
han at kaalaman sa mga aralin. Bilang mga estudyante, malaking tulong sa ating pag-aaral ang mga binibigay na “homework” kaya hindi dapat ito ipagbawal ngunit sa halip ay ibigay nang naaayon sa kakayahan ng mga bata. Hindi dapat ipagsabay-sabay at damihan ang pagbibigay ng mga homework dahil sa halip na makatulong ay baka magiging dagdag pasanin pa ito sa kanila. Sa paraang ito ay hindi na magiging perwisyo ngunit magiging benepisyo na sa mga estudyante ang mga “homework”.
Tagapamahalang Patnugot
PATNUGOT SA ISPORTS
PATNUGOT SA BALITA
Marchiere G. Ballentos
Joear T. Berdon
TAGA-ANYO
PATNUGOT SA OPINYON
Antonio Miguel T. Ladra
Athena Jean G. Suan
DIBUHISTA
PATNUGOT SA LATHALAIN
Aleo Josef C. Alburo
Danica Ela P. Armendarez
TAGALARAWAN
PATNUGOT SA AGHAM
Charl Wayne N. Roma
Louise Marie Carmel C. Solarte
TAGA-AMBAG Razaele F. Manales | Eula Kaira C. Edulan | Christine Kionisala Kyle Ohil | Alleiah So | Jell Edubos | Kate Lucena Mark Anthony C. Bobadilla | John Nicholson L. Vuelban Mark Elle G. Gundaya| Emmaline T. Omictin | Laurence E. Mejias Tara Torres | Larrah Pasamonte | Merriane Suico | Jigger Jerusalem Prince Waminal | Zhachary Dela Rosa
Luzviminda B. Binolhay School Paper Adviser
Salome B. Violeta Tagapayo
Estormeo G. Serena
School Journalism Coordinator
Brenda P. Galarpe, SSP-I Kasangguni
opinyon | 06
ANG SINAGTALA | OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL - X. TOMO XXVII BILANG III | HUNYO-DISYEMBRE, 2019
DISIPLINANG PANSAMANTAGAL Code of Discipline, kulang pa rin ni KYLE REMUEL OHIL
B
unsod ng iba’t ibang suliranin sa paaralan ang pag-implementa ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) sa DepEd Order Blg. 40, s. 2012 o Child Protection Policy noong ika-3 ng Mayo, taong 2012 na naglalayong maprotektahan ang mga mag-aaral habang nasa loob ng paaralan mula sa iba’t ibang anyo ng karahasan.
Strikto ngunit sinigurong “child friendly” ang mga panuntunan ng paaralan ng Gusa Regional Science High School-X na nasasaklaw sa nasabing DepEd Order, kung saan nakatala sa isang “school policy contract” na inaprubahan ng administrasyon ng paaralan, mga estudyante, at mga magulang nila. Kahit papaano ay pabor pa rin sa mga estudyante ang panuntunan sapagkat inimplementa naman ito para sa kanilang pakinabang. Ngunit nasusunod nga ba ng mga estudyante ng GRSHS-X ang mga patakarang ito? Mabuti sa umpisa ngunit habang tumatagal ay mapapansing hindi na sumusunod ang mga estudyante sa mga nasabing patakaran. Hindi mapagkakailang ito ang tunay na nangyayari sa pag-iimplementa ng mga patakarang ito.
Mula sa tamang kasuotan at haircut, pagkahuli sa klase, hanggang sa paghihiwalay ng mga basura ay tila hindi na natatakot ang mga estudyanteng labagin ang mga panuntunan nito sa kabila ng araw-araw na pagbabantay at pagsisita ng Prefect of Discipline ng GRSHS-X na si G. Cedric Borres. Gayunpaman ay hindi naman nagkukulang ang mga guro at administrasyon ng paaralan sa pagpapaalala at pagbibigay-diin ng sa wastong disiplina para sa mga estudyante. Pasasaan pa at pumirma tayo sa nasabing policy contract kung hindi naman natin masusunod ang mga patakarang nakapaloob dito? Bilang solusyon sa lumalalang kaugalian ng mga estudyante ay nagtalaga rin ng iilang kaparusahan para sa mga lumalabag sa mga patakaran ng paaralan. Kabilang na dito ang “Green Act” o pagtatanim at pagli-
SABAY SA USO
JourKnows
Maria Clara’s Upgrade ni CHRISTINE KIONISALA
Crop tops. Off-shoulder. See-through. Shorts. At mga damit na kung minsan ay natuturingang nakulangan umano sa tela. Iilan lamang ito sa mga trending na kasuotan lalo na sa mga millenials. Bagaman nakakasabay sa uso, unti-unti namang nawawala ang pagiging konserbatibo. Ito na ba ang simula ng paglalaho ni Maria Clara? Sa paglipas ng panahon, halos lahat ay nakikipagsabayan na sa uso marahil walang gustong mapag-iwanan. Kung anu-ano ang nagiging trend at lahat naman ito ay ginagaya at sinasabayan, maging “in” lamang. Ngunit kapalit ng mga usong ito ay ang pagbabago ng mentalidad ng tao. Kilala tayong mga Pilipino sa ating pagpapahalaga sa sarili at pagiging konserbatibo lalo na sa mga kababaehan. Dati rati’y mga bestidang mahahaba at may mga manggas ang sinusuot ng bawat babae. At may mga paypay pa silang itinatakip sa kanilang mga mukha. Sila ay balot na balot na tila ayaw magpakita. Ngunit ngayon tayo ay namulat na sa modernisasyon sa halos lahat ng bagay. Nagdudulot ng malawakang impluwensiya ang social media at isang resulta rito ang ebolusyon sa estilo ng pananamit. Maraming tao ang tumangkilik sa kakaibang uri ng kasuotan. Lalong paikli nang paikli ang mga usong damit na parang nagkakaubusan ng tela sa merkado. Malala pa rito, pati sa mga desenteng lugar ay isinusuot na rin ang mga ito. May iilan nang pumupunta sa paaralan nang nakamini-skirt at meron pang nagsisimba nang nakashorts. At humantong na rin ito sa iilang insidente ng pambabastos. Hindi masamang tumangkilik tayo sa anumang uso ngunit hindi naman pwedeng pahintulutan natin na tangayin na lamang ng agos ng modernisasyon ang nakagisnan. Huwag nating hayaang masira ang ating mga dignidad sa mga simpleng retaso na ito at mga negatibong komento ng ibang tao. Gayunpaman, hindi naman nasusukat ang halaga ng isang tao sa kaniyang sinusuot. Unti-unti mang nawawala ang pagiging konserbatibo, hindi pa naman ito tuluyang nawawalan ng saysay. Tila ito ay nag-”upgrade” lamang mula sa simpleng Maria Clara ay naging “Fashionistang Dalagang Pilipina”.
KOMENTARYO Terorista at mga rebelde ay gumagawa ng gulo dahil sila ay nagnanais na katakutan, wasakin ang gobyerno at guluhin ang nakasanayang buhay ng karamihan. Kung kaya naman ang gobyerno at mga sangay nito ay ginagawa ang lahat ng mga paraang maaaring humarang sa mga namumulabog na makamit ang itinakda nilang mga layunin. Ang pagdedeklara ng revolutionary government ay magbubunga ng epektong kabaliktaran sa inaasahan, at ang nakikita naming kaibahan lamang nito mula sa Batas Militar ay ang revolutionary government ay nangangailangan ng suporta mula sa Hukbong sandatahan ng bansa. Naniniwala ang publikasyong ito na sapat na ang lakas ng pamahalaang itinakda ng Konstitusyon upang matugunan ang mga problema ng bansa.
linis ng kalikasan para sa mga estudyanteng nahuhuli sa mga klase kung saan binibigyan sila ng slip na ipepresenta sa mga guro. Bukod dito, pinapatawag din sa Guidance Office ang mga magulang kapag nakagawa ng malaking paglabag sa patakaran ang isang estudyante, at nakadepende na dito kung ano ang kaniyang magiging kaparusahan. Malaking pagbabago ang mapapansin simula nang ipalabas ang mga polisiyang ito. Lalong naging strikto ngunit nananatiling “child-friendly” ang administrasyon at sa ganitong paraan ay madidisiplina ang bawat mag-aaral. Sa ngayon ay mapapansing positibo naman ang naging tugon nito sa mga estudyante. Sana lamang ay magpatuloy ito upang mas maging kaaya-aya ang paaralan ng GRSHS-X.
Kaakibat na Responsibilidad
Disiplinang nagmistulang hakbang para sa mas maayos na sistema.
“
Responisibilidad ay huwag pabayaan; tamang balanse ang kailangan.
ni JELL EDUBOS
Dalawang mundo ang ginagalawan ng bawat estudyanteng mamamahayag; ang mundo ng pinasukang larangan at ang mundo sa loob ng silid-aralan. Parehong may mga kaakibat na responsibilidad kaya hindi dapat mapabayaan ang alinman. Mahirap pagsabayin ang mga “extra-curricular activities” sa pagaaral lalo na kung ikaw ay nag-aaral sa isang Science High School kung saan mahigpit ang akademikong kompetisyon sa bawat mag-aaral. Habang ikaw ay subsob sa ensayo, naghihintay naman sa’yo ang tambak na akademikong gawain at mga aralin na kailangan mong atupagin. Student journalist. Una kang naging estudyante bago naging mamamahayag. Kaya mahalagang hindi mapag-iwanan ang pag-aaral. Bago ka man pumasok sa anumang larangan, dapat ay alam mo na kung paano ba-
lansehin ang magiging kaakibat nitong mga responsibilidad. Layunin ng Batas Republika Blg. 7079 o Campus Journalism Act of 1991, na isulong ang pagpapalago ng Campus Journalism upang mapalakas ang mga pamantayang etikal, malikhain at kritikal na pag-iisip, at pagbuo ng pagkatao at moral na disipilina ng kabataang Pilipino. “Sa totoo lang, mahirap pagsabayin ang dalawa. Mahalagang mahalin mo ang larangang iyong pinasukan upang matutunan mo rin kung paano ibalanse at pamahalaan ang iyong oras sa pag-eensayo at pag-aaral.” Ito
Hindi sa taas ng edukasyon nasusukat ang pagkatao. Mababa man ang iyong pinag-aralan, kung marunong kang RUMESPETO, daig mo pa ang EDUKADO.
“
ang naging saad ni Gelyneth Heducos, isang TV News Anchor ng GRSHS-X na humakot ng maraming parangal sa larangan ng campus journalism. Humuhulma ito ng mga mamamayang aasahan sa susunod na henerasyon kaya hindi dapat ito maging hadlang sa bawat mag-aaral na nais pumasok sa larangan ng journalism. Isang pribiliheyo ang magkaroon ng talento ngunit biyaya ang mapagsabay ito sa iba pang prayoridad. Tanging susi lamang dito ang balanse kasabay ng matinding determinasyon na maayos mong magagampanan ang iyong mga responsibilidad.
SUKLING PAPEL ni KATE LUCENA
Papel na ang bagong barya. Hindi na bago sa mga estudyante kung kaya’t naging kasanayan na nila na makatanggap ng sukling papel kung saan nakasulat kung magkano ang kulang sa kanilang mga sukli. Ikinadidismaya ito ng mga estudyanteng bumibili lalo na’t napipilitan na lamang silang tanggapin ito at kung minsan pa ay umaabot sa puntong tigpipisong kendi na ang ibinibigay ng mga tindera bilang panukli. Kadalasan ang mga kantina sa mga eskwelahan ay gumagamit ng papel pamalit ng baryang isusukli sa mga estudyante. Ito ay marahil nagkakaubusan ng mga baryang ipanunukli sa umaga. Tuwing bumibili ang mga mag-aaral nang buo ang kanilang mga pera nagiging literal na papel kapag sukli na. Minsan, lalo na kapag marami ang bumibili ay nagkakaubusan ng barya kaya sa kartong papel na lang sinusulat ng mga tindera. Hindi talaga natin maiiwasan ang kakulangan ng mga baryang sukli lalo na’t kakasikat pa lamang ng araw. Perwisyo ito sa mga estudyante lalo na’t kapag may mga bayarin sa loob ng silid-aralan ay hindi naman nila pwedeng ipangbayad ang mga sukling papel.
Kailangan pa nilang pumunta sa kantina upang palitan ng tunay na pera ang papel na ibinigay. Pahirapan din ito sa mga tindera kapag buong pera ang ipinapambili ng mga estudyante. Natataranta silang maghanap ng mga barya sa lagayan at kapag wala na talaga, wala silang mapagpipilian kundi kumuha ng papel, isulat kung magkano ang kulang na sukli, lagdaan, at ibigay sa kawawang bumibili. Ito ang nagsisilbing solusyon dito ng mga tindera. Isiping maigi kung anong kailangan baguhin sa sarili. Kung marami nang sukling papel, panahon na para magbayad ng barya. Dahil ang kantina ay mahahalitulad sa pampasaherong sasakyan, na nagpapaalalang: “Barya lang po sa umaga.”
PABATID NG PUNONGGURO
“ SSP I BRENDA P. GALARPE
Para sa mga estudyante, Ang buhay ng isang tao ay sadyang napakakompikado’t puno ng mga pagsubok. Kung kaya anumang mangyari ay dapat matuto ang bawat isa na bumangon. Inyong tandaan na kailangan palaging magsumikap ng isang indibidwal sapagkat ito ay isa sa mga pinakamahalagang sangkap na kinakailngan upang magtagumpay. Bilang inyong punongguro ang masasabi ko lang sa inyo ay mamuhay nang may halaga at lumaking may tapang. Pagkat ang buhay na puno ng kabuluhan ang magpapatunay ng iyong tagumpay. Sa lahat naman ng mga manunulat, nawa’y gamitin niyo ang inyong kakayahan para makatulong sa pag-unlad ng ginagalawan. “Keep soaring high” at palaging isa-isip at isa-puso na ang aking suporta ay palaging nandirito para sa inyong lahat.
07 | opinyon
ANG SINAGTALA | OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL - X. TOMO XXVII BILANG III | HUNYO-DISYEMBRE, 2019
Magtanim ay Hindi Biro Hustisya sa mga Magsasaka Kung sino pa ang nagbibigay ng ating pagkain, sila pa ang walang makain.
Disiplina sa sarili ang mahalagang pagtuonan ng pansin dito.
“
ni ALLEIAH SO
M
ilyon-milyong lokal na mga magsasaka ang lubhang apektado matapos ang pormal na isinabatas ang Rice Tarrification Bill o kilala ngayon sa Republic Act Blg. 11203 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong ika-14 ng Pebrero, taong kasalukuyan. Pinahihintulutan nito ang pagpapababa ng presyo ng bigas at walang limitasyong pag-import nito sa ating bansa na lalong nagpaigting sa kompetisyon ng produksyon. Sa kainitan ng usapin, positibo ang naging tugon ng mga konsumer sapagkat nakaluwang na sila mula sa matataas na presyo ng bilihin dulot ng pagtaas ng inflation rate noong nakaraang taon. Ngunit kabaliktaran naman ang epekto nito sa mga magsasaka at naging malaking dagok pa ito sa kanila. Tila parusang kamatayan kung ituring ng mga magsasaka ang batas na ito sapagkat ang inakala nilang bubuhay sa kanila, ay siya rin palang papatay sa kanila. Nakakalungkot isipin na kung sino pa ang nagpapakain sa atin, sila pa ang walang makain. Halos 26 porsyento ng kabuuang populasyon ng Pilipinas ang nasa sektor ng agrikultura. Sa isang eksklusibong panayam
ng Ang Sinagtala, isang magsasaka mula sa Bukidnon na si G. Nestor Senobin, sa 35 taon ng kaniyang pagsasaka ay ngayon lamang bumaba sa 12 hanggang 15 piso kada kilo ang presyo ng palay. Hindi nito nababawi ang humigit-kumulang 20 libong piso na gastos mula sa binhi at iba pang kakailanganin para sa pagtatanim. Isa lamang si Mang Nestor sa milyonmilyong magsasakang naghihirap matapos ang pagsasabatas ng Rice Tarrification Law. Nakakadismayang isipin na sa kabila ng malaking tulong na binibigay ng sektor ng agrikultura sa ating ekonomiya, ito pa ang pinakakawawa sa lahat ng sektor. Ramdam din sa paaralan ng Gusa Regional Science High School–X ang epekto nito matapos taasan ng kantina ang presyo
Pangakong Napako
ABD-AKSYON ni CHRISTINE KIONISALA
Muli na namang lumitaw ang usap-usapan sa mga nakakahinalang “white van” na sinasabing ginagamit ng mga sindikato upang mandukot ng mga kabataan. Ngunit totoo nga ba ito o tanging mga tsismis lamang upang manakot? Nagdulot ng takot at pangamba sa mga mamamayan ang usap-usapang ito na lalong pinakakalat sa mga social media posts. Ayon sa ibang mga posts, gumagala ang mga kidnappers kahit saan upang mandukot at kunin ang organs ng kanilang mga magiging biktima. Ngunit iginiit ng kinauukulan na walang patunay na totoo ang mga ito at tanging “fake news” lamang. Nagiging kawawa naman dito ang mga taong naghahanapbuhay lang sa pamamasada gamit ang mga van.
Anila, nakakatanggap na sila ng hindi magandang pagtrato sa publiko dahil sa maling akusasyon. Naaapektuhan nito ang kanilang trabaho pati na rin ang kanilang sariling seguridad sa pangamba. Bilang solusyon, mahalagang suriin nating mabuti ang mga kumakalat sa social media kung ito ba ay tunay o gawa-gawa lamang. Kung alam nating walang basehan ang mga ito, mabuting huwag nang ipakalat upang hindi na magdulot ng takot sa karamihan.
PAPEL NO MORE ni ATHENA JEAN G. SUAN
Gumagawa naman ng aksyon ang Facebook dito upang beripikahin ang katotohanan sa mga posts sa nasabing app. Kumikilos na rin ang mga kapulisan at nagbibigay-babala sa mga mamamayan. Anuman ang mangyari, mahalagang maging mapanuri at alerto tayo sa mga nangyayari sa ating paligid. Huwag tayong maging kompyansa sa ating nakakasabay at mag-ingat palagi dahil ang pagiging handa natin ang makakaligtas sa atin mula sa bingit ng peligro.
“
Hindi lahat ng pagbabago ay may hatid na solusyon sapagkat minsan ito pa ang nagdudulot ng kalituhan.
Naglabas ang Bangko Sentral ng Pilipinas ng bagong bersyon ng bente pesos, na mula sa papel ay nagiging barya na. Tinatampok ng kulay tanso’t pilak na baryang ito ang mukha ng dating Presidente Manuel Quezon at may sukat itong 30 milimetro. Maraming mamamayan naman ang umapela sapagkat nagdudulot ito ng kalituhan lalo na’t halos pare-pareho at hawig na ang mga barya ngayon, mula sa piso hanggang sa bagong bente pesos ngayon. Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno, noong Hulyo pa lamang ito pinagpaplanuhang baguhin sa ilalim ng isang pag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas na pinapakita ang tibay ng sinsilyo. Inihayag din ng BSP na dalawang piso lamang ang kinakailangan sa paggawa ng bente pesos na papel samantalang sampung piso naman ang kailangan para sa barya. Ngunit mas tatagal pa sa 10 hanggang 15 taon ang mga barya kumpara sa mga salaping papel.
Hindi mapagkakailang ang pagbabagong ito ay makakalikha ng komosyon. Halimbawa ay sa kantina ng ating paaralan. Maaaring malito ang mga tindera sa pagsukli dahil baka mali ang kanilang paningin sa isang barya at mapagkamalang iba ang halaga nito na maaring makaperwisyo sa kanila. Ngunit ang pagkakaroon nito ay sasanayin lamang tayo sa paglipas ng panahon. Anumang pagbabago ang ating mahaharap, ang mahalaga ay nakakasabay tayo sa pag-iiba nito. Ika nga ng nakatatanda, hindi tayo uusbong hanggat mananatili tayo sa nakagisnang gawi.
LIHAM SA PATNUGOT Mahal na Patnugot, Ang pagmamahal ay walang hangganan, walang pinipiling sekswalidad at nagagalak akong malamang sinusubukan niyong buksan ang mga mata ng mga mangmang sa pamamagitan ng isang artikulo. Mangmang dahil hindi sila marunong umintindi. Mangmang dahil makitid sila kung mag-isip. Hindi po kasi ako nasisiyahan sa tuwing may nakikita akong nabubulalas. Tao rin naman sila. Taong nakakaramdam ng sakit, taong marunong magmahal. Kaya hindi nararapat na makatanggap sila ng mga alispusta’t mga panlalait. Maraming salamat sa pagbibigay niyo ng kaukulang pansin sa nasabing isyu.
ng kanin. Mula sa sampung piso bawat serving ay naging dalawampung piso na. Napakaraming hamon ang hinaharap ng sektor ng agrikultura, kaya malaki rin ang epekto nito sa ating lokal na mga magsasaka. Nararapat lamang na sila ay makakuha ng tulong mula sa gobyerno tulad ng tulong pinansyal at mga programang pantawid pamilya. Huwag sana silang idiin sa anumang pang-ekonomiyang isyu sapagkat walang presyo ang pagsisikap ng bawat taong nagdurusa para lamang tayo ay may makain. Itigil na sana ang pagbingi-bingihan ng kasalukuyang administrasyon mula sa sigaw na hustisya ng bawat magsasaka.
Mahal na mambabasa, Maraming Salamat sa’yong positibong tugon, mahal na mambabasa. Bilang inyong publikasyon, ginawa lamang namin ang nararapatang buksan ang mga mata ng mayorya sa mga isyung kailangan nating pakialaman. Ang pagbubukas sa isyu’y simula pa lamang, na sa inyo na, mga mambabasa, nakasalalay ang iba. Sumasaiyo, Punong Patnugot
PUNTO DE VISTA
ni ATHENA JEAN G. SUAN
Sa kada kampanya ng bawat estudyanteng tumatakbo para sa pagkapresidente ng Supreme Student Government (SSG) ng Gusa Regional Science High School-X ay hindi mawawala sa kanilang mga plataporma at pangako ang pagkakaroon ng “student handbook” para sa bawat mag-aaral. Iilang taon na ang dumaan at iilang estudyante na rin ang nanungkulan ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito naisasakatuparan.
Paasa kung ituring ng mga mag-aaral ang ganito sapagkat nadidismaya sila sa naging resulta. Ngunit sa likod ng kanilang mga hinaing ay marami ang hindi nakakaalam na marami pa ang isaalang-alang sa pagpapatupad nito, tulad ng badyet at paggawa nito. Ngayong darating na Pebrero ay panahon na naman upang pumili ng bagong liderato. Panibagong plataporma na naman ang ating maririnig mula sa mga kakandidadto. Ngunit sana sa bagong administrasyon ay maisasakatuparan na ang pangakong ito na iilang taon nang napako.
KOMENTARYO Ayon nga sa isang kasabihan, “Kapag hindi tayo natuto sa mga leksyong dala ng kasaysayan, hindi malayong pwedeng maulit ang parehong pagkakamali.” Sa mga kosimpleng salita: “Lokohin mo ko’t problemahin mo ang konsensiya mo. Lokohin mo ako muli’t ‘yan ay kahihiyan ko.” Ani ni Bongbong Marcos sa isang pahayag, ang kamumukad umano na mga taga-suporta ng kanyang ama’y nagsasabing ang mga bagay-bagay sa panahon ng kaniyang (Marcos) pamumuno ay mas madali. Hindi naman siya (Bongbong) nagsisinungaling sa kaniyang sinabi. Kahit nga ngayon, hindi na bago para sa kahit sino man sa atin ang makarinig ng mga nakakatandang pinupuri ang administrasyong Marcos sa kadahilanang mas mura umano ang mga bilihin noon at mas matiwasay ang mga daan sa kanyang panahon. Lahat ay maaari ng matyagan, lahat ay maaari nang hukayin. Kung tutuusin, mayroon na ngang mga ulat sa pagpatay, gahasa, at pagpapahirap na makikita sa Internet. Kahit nga ang mga binibisita nating mga social sites ay may kakayahan ng ipakita sa atin ang mga nangyari noong panahong iyon. Maikling basa lamang sa kasaysaya’y mabubutyag na ang katotohanan; at ito’y nasa ating pagsisiyasat na’t pakikiramdam sa lahat ng sakit na dinanas ng iba ang magtutulak sa ating lumaban sa posibilidad na mangyari uli ang nangyari. Pagkatandaan lang natin na ang mga taon ni Marcos ay madilim at masakim. Huwag na tayong magtanga-tangahan. Ibahagi natin sa ating mga kakilala lalo na sa mga nakakabata ang mga mapait na karansan sa panahong Marcos bago pa mahuli ang lahat.
opinyon | 08
ANG SINAGTALA | OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL - X. TOMO XXVII BILANG III | HUNYO-DISYEMBRE, 2019
SALA-RAISE Hinaing ni Tister ni KYLE REMUEL OHIL
H
indi na bago sa atin ang mga pangako ng gobyerno na tataasan ang sahod ng mga guro sa pampublikong paaralan. Taong 2018 pa lamang nang nagpahayag si Pangulong Rodrigo Duterte ngunit lumipas na ang isang taon, ay nakatengga pa rin.
Tila hindi prayoridad ng pamahalaan ang pagtaas sa sweldo ng mga guro sapagkat mapapansing kapag nagkakaroon ng pagtaas sa sahod ay laging nahuhuli ang mga guro. Kung tutuusin, hindi madali at lalong hindi biro ang trabaho ng mga guro. Nagsisilbi silang mga magulang ng mga estudyante sa loob ng paaralan at hindi lamang puro pagtuturo ang kanilang ginagawa. Malaki ang ginagampanan nilang papel sa ating lipunan. Kung wala ang mga guro, wala ang mga matataas na lider ng bansa. Sila ang humubog sa ating mga isipan at sila ang nasa likod sa pagi- ging pag-asa ng bayan ng mga kabataan. May iilan pang mga guro na milya-milya ang layo ng binabyahe araw-araw para lang makapagturo. May umaakyat pa ng
bundok, tumatawid sa mga ilog, at naglalakad nang iilang kilometro. Ngunit sa kabila ng paghihirap, hindi pa rin nila nakalimutan ang sinumpaang tungkulin. Nakakalungkot isiping sa kabila ng kanilang mga paghihirap ay maliit pa rin ang kanilang natatanggap na buwanang sweldo. Bawas pa dito ang kanilang mga gastos para sa kanilang mga materyales para sa pagtuturo. Bunsod nito, maraming guro na ang mas piniling mangibang-bansa o di kaya’y lumipat sa ibang trabaho na may malaking sweldo. Ano na lamang ang mangyayari sa ating bansa kung wala ng mga guro? Kung sa ibang bansa ay binibigyang-prayoridad ang kapakanan at sweldo ng mga guro, kabaliktaran naman ang nangyayari dito sa Pilipinas.
TADYAK SA HANGIN
PhotocoFees
CHOOSY BILL ni JELL EDUBOS
Kasalukuyang umiinit ang usapin hinggil sa mga karapatan ng mga kabilang sa LGBTQ+ Community nang inilabas sa Kongreso ang panukalang batas na Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) Equality Bill. Hati ang opinyon ng lahat ukol sa panukalang batas na ito bagaman umani pa rin ito ng samu’t saring batikos mula sa mga mamamayan dahil ayon sa kanila, hindi ito nagsusulong ng “equality” kundi “special rights” lamang para sa mga kabilang sa LGBTQ+ Community. Bunsod ito ng sinapit na diskriminasyon ni Gretchen Diez, isang transgender woman, na pinagbawalang gumamit sa palikuran ng mga babae sa pinuntahang mall sa Quezon City, sapagkat isa siyang transgender. Ayon kay Senadora Risa Hontiveros, hindi na makatarungan ang ganitong diskriminasyon na siyang nagtulak sa kaniya upang maglabas ng panukalang batas na tinatawag na SOGIE Equality Bill o Anti-Discrimination Bill. Marahil sang-ayon ang mga kabilang sa LGBTQ+ sa panukalang batas na ito sapagkat nabibigyan sila ng pantay na karapatan tulad sa iba. Hindi man mabibigyan ng garantiya, ngunit kahit paano ay mababawasan na ang labis na diskriminasyong natatanggap nila sa lipunan at mararamdaman din nilang unti-unti na silang natatanggap. Ngunit hindi ba ito makakaapekto sa karapatan ng nasa “straight community”? Hindi maiwasang mangamba ng mga kababaehan na kung sakali mang maaprubahan ang panukalang ito ay samantalahin ito ng mga kalalakihan. Maaaring magbihis-babae ang isang lalaki at pumasok sa palikuran ng mga babae at mambastos. Dapat nating maintindihan na bagaman nararapat mabigyan ng pantay na karapatan ang lahat ay dapat pa ring ikonsidera ang kapakanan ng iba. Kung gagamitin ang panukalang batas na ito sa pansariling intensyon ay mabuting huwag na lamang aprubahan. Maaaring maging solusyon dito ang suhestiyon na magkaroon ng hiwalay na palikuran para sa mga miyembro ng LGBTQ+. Ito ay hindi upang iparamdam sa kanila na sila ay naiiba kundi upang bigyan-diin na may espasyong nakalaan sa kanila sa kabila ng pagiging iba.
KOMENTARYO Likas na sa ating mga Pilipino ang gumawa ng sariling mga pamantayan sa iba’t ibang bagay. Kaya hindi na nakapagtatakang may sarili na tayong sukatan ng katalinuhan, at ito ay ang pagiging bihasa sa wikang Ingles. Itinuturing na “universal language” ang wikang Ingles kaya marami ang nagsisikap na masanay sa wikang ito. Ngunit hindi naman ito magiging madali lalo na’t iba ang ating nakasanayang lenggwahe. Mayorya sa mga taong “gramatically error” o yaong mali-mali ang grammar sa wikang Ingles ang nakatatanggap ng samu’t saring diskriminasyon. Nagiging mentalidad na kasi ng mga Pilipino na kapag hindi ka magaling magsalita sa wikang Ingles, mababa ang iyong pinag-aralan at kung minsan pa ay nasasabihan ng “bobo”. Hindi naman masamang sanayin natin ang ating mga sarili na magsalita sa wikang Ingles ngunit ang mahalaga ay hindi dapat natin makalimutan ang ating sariling wika. Huwag sana tayong maging banyaga sa ating sariling bansa.
Bilang tugon ng pamahalaan, inaprubahan na ang P6,500 na salary increase ng mga guro pati na ang compensation adjustment program at inaasahang magkakaroon ito ng positibong resulta. Ngunit karamihan sa mga guro ay nakukulangan pa rin dito, lalo na yaong may mga pamilya. Hindi sapat ang higit anim na libong dagdag para sa kanilang mga paghihirap at pagtitiis. Kaya hinaing nilang lahat na mas dagdagan pa ang halagang itataas. Bukod din dito, sana’y mabigyan sila ng nararapat na benepisyo at gawing prayoridad ng gobyerno.
Nakakalungkot isipin na sa kabila ng hirap ng kanilang trabaho ay maliit pa rin ang kanilang sweldo.
“
Walang katumbas na halaga ang bawat aral na ating makukuha.
ni DANICA ELA P. ARMENDAREZ
Minsan nang nangyayari sa paaralan ng Gusa Regional Science High School-X ang pagpapakolekta ng iilang guro sa kanilang mga estudyante ng kaukulang bayad para sa binibigay nilang mga handouts at printed test papers. Samu’t saring reklamo ang maririnig mula sa mga mag-aaral kaugnay sa isyung ito. Katwiran nila, masakit sa bulsa ang mga bayarin sapagkat malaking kaltas sa kanilang baong pera. Aray nang aray ang mga estudyante dahil kung minsan ay umaabot na sa sampung piso ang kanilang nababayaran at sa iba’t ibang asignatura pa! Ngunit dapat ding maintindihan ng lahat na ang binibigay ng mga guro na printed handouts ay para rin sa kabutihan ng mga mag-aaral. Maaari nilang magamit ang mga ito sa pagbabalik-aral at bilang kagamitang pagkatuto para sa paghahanda sa mga pagsusulit. Kung walang maibigay na “reviewer” ang mga guro, maaari silang mahirapan sa pag-aaral lalo na kung hindi kumpleto ang kanilang pagtatala.
Maagang paghahasa ang susi para sa matatag na bansa.
“
Bagaman walang gastos ang iilang guro sa pagpapaprint ng mga ito dahil may kani-kaniyang printer ang bawat departamento, kailangan namang mapalitan ang nagamit nilang ink at mga bond paper para may magagamit pa sila sa susunod kaya kailangan nilang mangolekta ng kaukulang halaga. Alinsunod sa Deped Memorandum no. 76, s. 2019, binigyang-diin dito ang pagbabawal sa pagpapakolekta ng anumang halaga mula sa mga estudyante maliban na lamang sa mga bayaring pinahintulutan nila tulad ng school paper, SSG, BSP/ GSP, Red Cross, Journalism, at iba pa na may mandato ng DepEd. Gaano man kalaki o kaliit ang halaga ng nakokolekta mula sa mga estudyante, nagkakaroon pa rin ito ng epekto sa kanilang pag-aaral. Paano kung hindi makakabayad ang
estudyante? Hindi ba siya pahihintulutang sagutan ang pagsusulit? Hindi natutumbasan ng anumang barya ang aral na kanilang nakukuha at hindi ito dapat maging hadlang sa kanilang pagkakatuto. Kung ikokonsidera ang mga ganitong bayarin, dapat ay sapat na halaga lamang ang kokolektahin ng mga guro at walang mangyayaring “overpricing” bilang pansariling benepisyo. Bukod din sa pagbibigay ng printer sa bawat departamento, mahalagang maglaan din ng badyet ang administrasyon para sa ibang materyal tulad ng bond paper at ink refill na magkakasya sa isang buong taon. Sa pamamagitan nito, mababawasan o halos wala nang gastos ang guro at hindi na niya kailangan pang magkolekta mula sa mga estudyante.
SALUDO NG KABATAAN ni CHRISTINE KIONISALA
Sinang-ayunan ng “House of Representatives” noong Mayo 20, 2019, ang ikatlo at panghuling pagbasa sa House Bill 8961 o ang kilalang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC), na isasagawa ng mga estudyanteng nasa “senior high school”. Ito ay kinikilalang “mandatory basic ROTC program” para sa mga mag-aaral na nasa Grade 11 at 12, na kinakailangan nilang sundin para sa kanilang pagtatapos. Maraming mga magulang ang naalarma nang sinang-ayunan ng pamahalaan ang ROTC. Ito ay dahil na rin sa iilang kontrobersiyal na kaso ng pagkamatay ng iilang estudyanteng sumailalim dito. Sila ay nag-aalala sa magiging kalagayan ng kanilang mga anak matapos ang insidenteng ito na maaaring maulit muli. Ayon kay Education Secretary Leonor Briones noong Hunyo 12, 2019, na ang Kagawaran ng Edukasyon ay sumusuporta sa pag-aalok ng pagbabalik ng Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) para sa mga estudyante ng “Senior High School”. Binigyang-diin ni Briones ang kahalagahan nito sa naganap na conference noong 121st Independence Day.
Ipinaliwanag naman ng puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) party-list Rep. Jericho Nograles, na mayroong apat na milyong grade 11 at 12 sa buong bansa, kung kaya’t kina-kailangan nila ng 16 bilyong piso na pundo upang maitupad ang programa. Ang bawat estudyante ay may nakalaang 4,000 piso para sa kanilang sinturon, t-shirts, pantalon, at iba pang kailangan para sa nasabing programa. Talagang kinakailangan ng malaking pondo nang sa gayon ay matugunan ang pangangailangan ng bawat mag-aaral na sasailalim sa programa. Batay naman sa paliwanag ng kongresista, ang gawing “mandatory” ang ROTC ay para sa “national defense” at hindi lamang tungkol sa pag-aaral, dahil ang layon nito ay maibigay ang tamang bilang ng “reservist” na kailangan ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Sa kasalukuyan, ang “reservist” umano ay nasa 70,000 lang at 120,000
ang aktibong sundalo, na malayo sa kinakailangan ng Department of National Defense (DND) na isang milyon. Hindi masisisi ng pamahalaan ang umuusbong na pag-aalala ng mga magulang sa kanilang mga anak, na maaaring malagay sa alanganin. Ngunit mas kinakailangan nilang tatagan ang loob nang sa gayon ay maging handa ang bansa at magkaroon ng matatag na depensa. Hindi lamang ito sa kapakanan ng isa, kundi ng lahat na maaaring masali sa mga hinaharap na digmaan. Isang delikadong hakbang ang ginawang ito ng pamahalaan, ngunit isipin natin ang magandang resulta nito. Ang maaari na lang nating gawin ay sumunod sa magiging desisyon ng gobyerno sapagkat ito rin ay para sa ating lahat. Magpakita tayo ng suporta nang sa gayon ay maging maayos ang kahihinatnan nito.
lathalain 09
ANG SINAGTALA | OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL - X. TOMO XXVII BILANG III | HUNYO-DISYEMBRE, 2019
SINOBRENG
KAPALARAN T
Mukha sa likod ng sistemang walang labis palaging kulang ni DANICA ELA P. ARMENDAREZ
uwing pasko ay inaabangan ng bawat isa ang aginaldong matatanggap mula sa kanilang mga tiyuhin at tiyahin. Ngunit para sa kapalaran ng isang Hulyo ay iba ang saya na kanilang nadarama sa tuwing naibabalik sa kanila ang sobreng may laman ng kakarampot na barya.
Nahihinuha mo rin ba? Ang seguridad ng mga bata at matatandang nanlilimos sa kalsada? Ngunit imbis na kapakanan nila ang ating isipin ay palagi na lamang natin silang hinuhusgahan at naitatanong sa ating mga isipan ang mga tanong na; ‘malusog naman sila ba’t hindi sila nagtatrabaho?’; ‘bata pa kayo, mag-aral na lang kaya muna kayo?’. Sa likod ng mga mapagtanong nating posibilidad ay may mga taong nakaabang sa pag-asang isinaad sa kanila ng pamahalaan. Kung sino pa ang mayayaman at namumuhay ng marangya ay yun pa ang mas pinapaburan ng ating pamahalaan. Samantalang kung ika’y mahirap ay ipinagsasawalang ka na lamang. Pangako nila ay palaging nagsisimula sa mararangya at mahahalimuyak na salita na nagbibigay sigla at pag-asa para sa mga kababayan nating umaasa. Malapit na, paulit at pauli-ulit na tugon nila. Ang mga pangako bang nagsimula sa isang salita ay nagtatapos rin lamang sa isang salita? Ang mga pag-asang ibinigay nila sa mga taong umaasa ay napapako na rin lang ng tuluyan at hindi man lang naman nila ito napapansin. Habang ikaw ay nagwawaldas ng pera kakabili ng mga gamit na GINUGUSTO mo lamang kahit hindi naman KINAKAILANGAN ay libu-libo sa’ting kababayan ang kumakayod sa kakarampot na barya upang may maipakain lang sa pamilya. Palaki ng palaki ang populasyon ng kababayan nating mga mahihirap. Isipin mo na rin ang pamilya ng isang dosena na tanging nakakain lang ay ang almusal sa isang araw upang ikasya ang kakarampot na bigas para sa susunod pang linggo. Kapalit ng bawat reklamo mo at pagtamasa sa sarap ng buhay
kuha ni MIGUEL LADRA
ay marami sa ating mga kababayan ang masigasig na nagbabanat ng buto ang maiging naglalaan ng malaking oras sa pagtatrabaho para may mailaan sa kani-kanilang mga tahanan. Tayo’y isa rin sa mga dahilan kung bakit marami sa atin ang naghihirap at tila ba ang ekonomiya natin ay hindi man lang umaangat. Buksan natin ang ating mga mata at panatilihing mulat sa katotohanan at mga katiwalian sa ating bayan. Ito’y kaya pa nating sagipin mula sa pagkakalunod ng tuluyan. Habang umiinom ng softdrinks ay hindi mo maiwasang makita ang panlulumo sa mga mata ni Hulyo habang binibitaw ang mga katagang nagpayanig sa aking kaloob-looban ‘Nanlilimos po kami dahil wala na po kaming makain sa amin. Palagi na lamang po kaming naghihintay ng tulong ngunit wala pa ring naipapakain.’ Hindi ko tuloy maiwasang mapatanong sa kanya ng iilan pang mga katanungan ‘Bakit ba kayo nanlilimos? Sapat ba ang nakukuha niyo?’ kahit halos maluha-luha na ang kaniyang mga mata sinagot niya pa rin ako gamit ang malumanay na boses ‘Wala po kasi kaming ibang alam kaya nanlilimos nalang po kami. Minsan malaki po ang kita na aabot po sa isang daan at minsan po ay hindi ito umaabot sa limampu. Kaya idinadaan nalang po namin sa sobre kasi marami po sa amin ang hindi nakakaintindi sa amin at wala naman ding makikinig sa amin kahit makiusap kami.’ Ilang Hulyo pa ba ang dapat manlimos at ilang sobre pa ba ang dapat nilang ibigay upang mamulat tayong lahat na sila ay biktima rin ng mga napakong pangako ng ating pamahalaan. Hindi man sinlaki ng isang libo o isang daan ang kanilang natatanggap ngunit sa bawat baryang naiipon ay kapakanan nang kalamnan ang nakaatang. Kakarampot man ito para sa iba ngunit sinlaki na ito ng kasiyahang iyong napupuna sa bawat pamaskong iyong natatanggap. Tayong lahat ay pantay-pantay. Kailangan lamang natin ng isang BALANSENG pamahalaan. At hawak kamay na maituwid ang sistemang walang labis, palaging kulang.
KINAMOTENG PAG-ASA ni MARK ANTHONY C. BOBADILLA
Sa Malaybalay na nagkamalay at namulat si manong Ricky. Dahil sa naging pangkabuhayan na nila ang pagpupunla ng palay ay mula sa pagkabata pa lang niya ay tumutulong na siya sa kanyang ama sa pagsasaka. Kaya naman nang kinailangan ng may humalili sa trabaho ay siya na ang umako nito. Magtatatlong taon palang ang lumipas nang magsimula siya. Tatlong taon ito ng halos 12 oras na pagbibilad sa araw para kumita ng Php 1,000 kada ani na minsan pa nga raw ay bumababa pa rito dahil sa kasalukuyang krisis ng mga magsasaka. Sa kakarampot na kita ay dito pa mismo ibinabawas ang pinampuhunan niya na mismo ring pinagkakasya niya upang buhayin ang sariling pamilya. Sa tatlong taong ‘yon, di lang ang init ng araw ang mga pesteng sumisira sa pananim at mga karag-karag na kasangkapan ang naging problema niya. Hinarap din ni manong ang pandarahas at nabuwal na mga pananim at nasira ang mga kulbol nilang mga magsasaka sa taniman dahil sa mga hindi inaasahang kalamidad na pilit bumubura sa kanilang pinagkukunang yaman. Isa lamang si manong Ricky sa 53 residente ng Dalwangan, Malay-
balay Bukidnon na nanganganib na tuluyang mawalan ng tahanan at kabuhayan. Dahil sa kabilaang pagbabago ng panahon at bunga na rin ng industrialisasyon. Sa misyon ng mga malalaking negosyo na magtayo ng mga komersiyalisadong tirahan upang bumuo ng isang “komunidad” kasabay nito ang pagkawala ng isa ring komunidad ng mga magbubukid na nagnanais lang ding mamuhay nang may dignidad at ang magkaroon sana ng kabuhayan. PAGPUPUNLA NG BINHI Mula paman noon hanggang ngayon ay kalabaw at araro pa rin ang kasangga ng mga magsasaka ng Dalwangan. Hirap din sila sa patubig dahil sa kawalan ng irigasyon, kaya napipilitan silang mag-ipon ng tubig-ulan para sa tag-init kung saan tigang ang sakahan. Buhat nito, tanging mga gulay gaya ng mais, talong at sitaw lamang ang kanilang pwedeng itanim. Taliwas ang ganitong karanasan sa mga pangakong pauunlarin daw ng gobyerno ang mga pasilidad at kagamitan ng mga magsasaka sa Dalwangan. PAGHIHINTAY SA PAGSIBOL Kung ano ang itinanim, iba naman pala ang aanihin. Kasabay ng pangungumpiska at pagkuha ng kanilang
pananim ang pagkawala rin ng kanilang kalayaan sa sariling lupain. Sino nga ba namang mag-aakalang ang sukli ng kanilang pagsasakripisyo’y ang walang hustisyang trato ng mas nakakaangat. Sa kabila ng panggigipit, ginawa itong motibasyon ng mga residente upang manatili sa sariling lupain at ipagpatuloy ang kanilang pagsasaka bilang pagtindig sa kanilang karapatan. PAG-AANI NG TAGUMPAY Para sa kanila ang tunay na resolusyon ay ang pagbibigay hustisya sa lahat ng pagsasamantalang natanggap nila. Sapagkat hindi kailanman nagiging sapat ang buwis na kanilang natatanggap sa maghapon nilang pagsasaka. Ito ay makakamtan din lang sa mga legal na instrumentong pumapanig sa kanila, kundi higit sa pamamagitan ng patuloy na pagkilos upang igilit ang kolektibnong karapatan sa lupa. Maging palatandaan sana ng bawat isa ang mga magsasakang tulad ni manong Ricky na pilit bumabangon upang makaraos sa tila kinamoteng pag-asa.
gawa ni ALEO ALBURO
Habang naglalakad sa dako ng Malaybalay Bukidnon ay hindi maiwasang mapansin ang iilan sa mangagawa ng sakahan na masayang tinatapos ang araw. Ngunit isa sa kanila ay may dalang supot habang tinutulak ang kanyang mga kagamitang pansaka. Kaya naman ay hindi namin maiwasang mapatanong kung ano ang nilalaman ng bitbit na supot “ay lechon manok mani ma’am birthday man gud sa among kinamanghuran di man mi kapalit ug cake busa kani nalang sa karon mas maayo mani kay panud.an” (lechon manok po ma’am birthday kasi ng bunso eh kaso wala kaming pambili ng cake kaya ito nalang muna mas mabuti na ‘to kasi inuulam) wika niya sabay ngiti. Sino nga ba ang mag–aakala na sa panahon ngayon ay may mga tao pa ring kagaya ni manong Ricky na lubos na nagsusumikap mabigyan lamang ng kaonting kasiyahan ang kanyang pamilyang nag-aabang.
lathalain | 10
ANG SINAGTALA | OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL - X. TOMO XXVII BILANG III | HUNYO-DISYEMBRE, 2019
KITA KA NI BRO Bilang isang sentrong relihiyosong bansa ay likas na sa ating mga Pilipino ang pagkakaroon ng iba’t ibang simbahan at maging mga banal na mga atraksyon sa iba’t ibang panig ng bansa. Kilala ang Divine Mecy sa lalawigan ng El Salvador City dahil sa hindi pangkaraniwan nitong disenyo at abot langit na estatwa na imahe ng Diyos na tila nakadungaw sa bawat tu-
ristang bibisita rito. Hindi rin naman nagpapahuli ang Birhen sa Cota ng Ozamis na naging kilala at binabalik-balikan sa milagroso raw nitong pagtupad sa mga panalangin ng mga bumibisita rito. Bilang isang banal na lugar ay malimit na ipinagbabawal na papasukin at ipaakyat sa imahe ang mga babaeng hindi nakabistida at hindi naaayon ang pananamit.
o a n a nd M ia ni DANICA ELA P. ARMENDAREZ
PINYASARAP Kung dagdag lakas ng pangangatawan ang hanap niyo ay halina’t magpa-bukid tayo! Sagana sa mata’t mga pinya ang lupain ng Bukidnon. Wika ng isang mag-aani ng pinya ay mahigit kumulang 5000 na pinya ang kanilang naani. Ang mga nasabing pinya ay siya ring mismong
gamit ng mga sikat na producers kagaya na lamang ng Del Monte Corp. Dahil sa sagana nitong pinyahan ay naging tanyag ang Bukidnon bilang Pineapple Capital of Region 10 . Naging pangunahing pinagkukunan rin ng negosyo ang nasabing prutas bagama’t maari mo itong kainin bilang prutas, manitamis at maging sa ulam.
UTOKAN NA MINDANAWON Hindi maipagkakaila na marami sa mga tubong Mindanao ay matatalino. Dahilan kung bakit marami ang kilalang mga prestihiyosong institusyon sa rehiyon. Iilan na lamang dito ay ang Philippine Science High School Central Mindanao Campus o kilala sa PISAY CMC ng Lanao, Mindanao State University – IIT o mas kilala bilang MSU-IIT, Cen-
g n a h i m A
tral Mindanao University (CMU) at ang Gusa Regional Science High School–X (GRSHS-X) o kilala rin bilang REGSAY sa lungsod ng Cagayan de Oro. Ang mga nabanggit na institusyon ang nagsilbing rurok ng tagumpay para sa buong rehiyon. Sapagkat, hasa at piling-pili ang mga estudyanteng nagaaral dito.
B
awat Pilipino’y may kanya-kanyang pagkakakilanlan. At upang mamukod tangi ay naging kaakibat na nila ang pagkakaroon ng iba’t ibang representasyon ng kanilang pinagmulan. Hindi lamang sa pagkain o transportasyon ngunit maging sa Rehiyon. Isa ang Rehiyon Diyes sa mga kilalang rehiyon sa buong bansa. Kilala ang rehiyon sa masagana nitong mga tanawin at iba’t ibang klaseng pagkain na maaring maipagmalaki sa loob at labas ng Pilipinas. RELAHAN SA CAGAYAN Kilala bilang City of Golden Friendship ang syudad ng Cagayan de Oro hindi lamang sa mala gintong puso ng mga taong naninirahan dito ngunit maging ang namumukod tangi nilang transportasyon. Saan nga ba naman aabot ang 20 pesos mo? Kung ikaw nga naman ay naninirahan sa isang syudad ay labis mo itong poproblemahin bagama’t kung ikaw ay nakatira sa Cagayan de Oro ay labis na ang 20 pesos sa iyo. Ang motorela o rela ay ang hindi pangkaraniwang sakayan sa syudad na maari kang maihatid
sa iba’t ibang sulok ng syudad. Sa pamasaheng 6 pesos ay makakapaglakbay ka na kahit 20 pesos lamang ang laman ng iyong bulsa. Sa hindi alam ng karamihan ang rela sa Cagayan de Oro ay nagmistulang pampublikong sakayan na maaring maihahalintulad sa sasakyan. Na kung saan ay maaring 10 tao ang maikasya sa loob. Tulad din ng isang kotse ay nakahiwalay ang mismong tagamaneho ng sasakyan. At kung ikukumpara sa karaniwang sasakyan na may isang tao sa front seat ay maaring maupuan ng dalawa pang pasahero ang magkabilaang pwesto ng tsuper. Hindi kagaya ng kotse na may paakyat babang bintana ang rela ay isa lamang payak na pampublikong transportasyon na maihahalintulad sa dyip. Ngunit dahil nga ang rela ay pinapatakbo gamit ang motorsiklo ay tiyak na hindi ka mahuhuli sa inyong patutunguhan kapag isang rela ang iyong magiging kaagapay.
GALANG ILIGAN
tindi ng sikat ng araw SIKAP. Hindi inalintana ni Julianni Jayoma ang Marching Band sa Best 2nd ang alunan napan at upang sumuko EL SOLARTE. CARM ni Kuha d. ginanap na kapistahan sa lungso
Pistang
Hiligaynon
ni ANTONIO MIGUEL T. LADRA
Bago pa lamang sumikat ang araw ay lahat na ng mga ilaw ng tahanan ay nagsimula na sa paghahanda ng iba’t ibang rekados para sa lulutuing samu’t saring mga putahe. Maging ang mga kabataan rin ay maaga na ring gumising upang makapagsimba at makisaksi sa inaabangang parade. Sa ilalim ng mga makukulay na bandiritas ay masasasaksihan mo ang mga bata’t matatandang sabik na sabik sa paghihintay para sa pagsisimula ng parade. Ang malalakas na tambol ng mga pangmusikang instrument at matutulis na tinig ng pito ang nagsisilbing hudyat na nagsimula na ang parada. Mula sa iba’t ibang hugis at masigarbong uri ng kasuotan ay kanilang iginala at pinasikat. Halu-halong kulay ay iyong masasaksihan at malalakas na sigaw ng suporta mula sa mga tao ay iyong maririnig. Ngunit, sa likod ng malalakas na sigawan, ang bandang nakakulay asul ng Gusa Regional Science High School-X ang namukod tangi sa kanilang lahat. Kasabay ng malalakas at kahali-halinang tugtog ang malakas na kembot ng mga sumasayaw. Sa bawat usog ng martsa ang pagsunod ng hataw ang ngiting binibitawan nila. Binabalewala ang sikat ng araw at malalaking tagaktak ng pawis sa noo, pagka’t batid nila’y mapasaya ang mga tao. Naging mahaba man ang kanilang nilakaran sa parada ito’y napawi naman nang masungkit nila ang 2nd Best Marching Band para sa pista ngayong taon. LAHAT NG ILUSTRASYON GAWA NI MIGUEL LADRA
Sabi nila hindi raw umano kumpleto ang pista kung walang handaan, inuman, kantahan at pagbisita sa peryahan. Ngunit ang totoong mensahe ng pista ay tungkol sa pasasalamat para sa ating patron na si San Agustin para sa pagbibigay biyaya sa ating lahat. Ang pista ay tungkol rin sa kasiyahan ng bawat mamamayan pagka’t ikaw, ako, siya, tayong lahat; ay ang rason kung bakit ang bawat pista ay inaaasam. Inaasam ito dahil hindi ito tungkol sa klase ng handa o sa karangyaan ng pamumuhay ng isang tao dahil ang pista ay pasasalamat Hindi na mahalaga kung may handa o wala. Hindi na mahalaga kung magara ba iyong tahanan sa araw ng kapistahan. Ang pinakamahalagang bagay na maari mong magawa sa araw ng kapistahan ang pagbibigay pugay sa ating patron.
Hindi maipagkakaila na sa henerasyon ngayon ay mas nagiging patok para sa bawat isa ang pagsakay sa mga mas makabagong sasakyan. Ngunit ibahin naman natin ang lungsod ng Iligan na hanggang ngayon ay ginagamit at patook pa rin ang kalesa o mas kilala bilang Tartanilla. Nang magsimulang gamitin ang kalesa ay naging patok na ito sa Iligan. Nang magkaroon ng modernisasyon at nagsidatingan ang iba’t ibang uri ng makabagong sasakyan mula sa urban ay hindi parin iwinala ng lungsod ang
sasakyang nakagisnan ng sinauna. Nagpapatunay lamang ito na kahit malayo na ang kanilang narating ay hindi pa rin nila nakakalimutan ang kanilang pinanggaingan.
11 | lathalain
ANG SINAGTALA | OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL - X. TOMO XXVII BILANG III | HUNYO-DISYEMBRE, 2019
ni DANICA ELA P. ARMENDAREZ
LAHAT NG ILUSTRASYON GAWA NI MIGUEL LADRA
KANTO PRITO LUMPIA NG MASA Busog Lusog Inaabangan ng bawat isa bagamat masarap ito lalo na kapag mainit pa. Lasap kahit sa unang kagat pa lamang. Mapapapikit ka sa pagputok ng naghahalong panlasa at mapapasabing “isa pa” sa presyong P5 lang ay busog ka naman talaga. At ang taong nasa likod sa masustansyang meryenda? Walang iba kundi ang magasawang Hulyan. Nagsimula sa katuwaang negosyo ng mag-asawa hanggang sa maging patok sa masa at tambayan ng mga kabataang gutom pagkatapos ng eskwela. “Ang makitang busog ang bawat isa ay isa sa aming trabaho ngunit ang makitang masaya ang bawat isa sa inyo habang natutuwa sa paubos na paninda ang mas lalong nagpapalakas ng aming negosyo.”
KANTO TUSOK-TUSOK GINANGGANG Sino nga ba namang mag-aakala na sa isang maliit na kubo mo mabibili ang pantawid gutom sa buong maghapon na pagdurusa? Sa mainit na ihawan mo makikita ang nakatusok na saging habang pinapaypayan ng tagapaglutong si Jomar. Mainit kung tutuusin at nakakaamoy usok ang proseso sa paggawa ng ginanggang. Ngunit bawi naman lahat ng tindihang pagsisikap kung hatid nito’y mainit at nakakabusog na meryendng hindi ka gigipitin at lalong lalo na hindi ka pipingisin. MAY ASIM PA Maihahalintulad ang asim ng mangga sa mapaklang napagdaanang pagsubok sa buhay. Mapapapikit ka at manggigigil na may halong nangingilid na luha sa iyong mga mata. Ngunit pagkatapos ng pait at asim ay dito mo malalasap ang sarap ng hindi pangkaraniwang linamnam. Hindi na naging bago para sa estudyanteng Regionalista ang bentang mangga sa labas ng paaralan. Naging patok na ito dati pa man. Ngunit lahat ay nabigla sa biglaan nitong pagkawala at kasabay na paglisan ni Nanay Sora (hindi niya tunay na pangalan) na siyang tagapagtinda nito noon. Dahil sa kapos ng buhay ika ng kanyang apo na naging sandalan na ng kanyang yumaong Lola ang pagtitinda dahil ayaw nitong mabagot buong araw. Dahil sa mataas na edad ay hindi maiiwasang makadama si Lola Sora ng pananakit sa katawan nung ito ay buhay pa at naging permanenteng pinagkukunan na niya ng pangunahing pangangailangan at lalo na ng panggagamot sa kakarampot na benta sa bawat araw. Hindi maipagkakaila na mahirap mabenta araw-araw ang mangga dahil hindi naman palaging hitik ang bunga. Bumigay man ang ilaw ng manggahan ngunit ang negosyo niya ay nananatili pa ring nakatayo ng matayog. Sa likod ng maasim nitong istorya ay ang magandang bunga ng kasalukuyang pagiging patok sa bawat estrangherong napapadaan.
FRIES COBISHAKE MAGKASAMA Most awaited combo Kung maraming mga tao ang umiiwas sa mga maugat at libing na pananim. Ibahin mo si Aling Tata na sa patatas mismo kumuha ng ugat para sa kanyang negosyong French fries. Naipatayo sa taong 2017 dahil sa pagkakaroon ng interest na kung gaano ito papatok sa bawat estudyante. Mahina ito kung pagbabasehan sa simula ng kanyang negosyo ngunit agarang nakakabawi sa paglipas ng buwan na pagbebenta. “Usahay gali makulangan nako kay miskan sa buntag pa lang daghan na kayo gapangita.” (Minsan nga ay nauubusan na ako ng paninda at hindi na ito naabutan sa hapon dahil kahit sa umaga ay may naghahanap na) wika pa niya at dahil sa nakakatuyo ng lalamunan ang maalat na French fries ay nakahanap ng panawid uhaw ang mga estudyante ng buksan ng isang guro ng Gusa Regional Science High School – X ang kanyang negosyong SHAKE SHACK o mas kilala sa mga estudyante bilang CobiTea/CobiShake. Naging patok ang mismong inumin dahil mabibili ito sa iba’t ibang flavors na kung saan ay may pagpipilian kang: chocolate, pandan, strawberry at maraming pang iba. Na maari mo ring pagpilian ang laki ng sisidlan base sa iyong paglilihi. Pinawi na ang gutom nilabanan pa ang uhaw ibang klase at swak din ang parehong negosyo para sa badyet ng isang estudyante.
KANTO2 SIO MAI BALLS (fishball na may siomai sauce) Kung trip mo naman ay isahang kagat ng nakakaaliw na pagkain ay dapat mong masubukan ang Fishball ni Aling Tanya. Hindi lamang ang kakaibang combo ng fishball sa siomai sauce ang nagpatingkad sa tindahan ngunit mismo ang kanyang mga alalay sa nasabing tindahan dahil sa bilis ng serbisyo at ibang klaseng kombinasyon ng siomai sauce at fishball. Sino nga ba naman ang mauumay sa paghihintay kung may 4 na batang nakaaligid bilang mga alalay niya sa pagtitinda ng nasabing fishball. Pinatunayan ni aling Tanya na magiging madali nga naman ang trabaho kapag mayroong mas maraming kamay na aagapay at tutulong sa iyo. REAL na real Mula ilong hanggang kalamnan ang pinapatunguhan ng bango ng bagong haing tinapay sa pugon. Sa mismong bango pa lamang ng kanilang tinapay ay malalaway ka na at mapipilitang sundan ang pinagmulan ng hanging hinuhumaling ang iyong kalamnan. Minsan na ring naging tambayan ang Real’s Bakeshop sa kanilang maasensong panaderia sa Gusa. Ngunit hindi lamang ang kanilang tinapay ang labis na hinahabol ng marami. Maging ang mga anak ding lalaki ng pamilya Real na sina Romano Real at John Robert “JR” Real na pinagmamalaking may mataas at matapang na dugo sa pagkakaroon ng magandang mukha. Iniidolo nang karamihan lalo sa mga kababihan at minsan ng kalalakihan kaya’t pag sila na ang nagtitinda, ubos lahat sa panaderia.
Saan kaya ako bibili?
QUICK KWEKS Tila lobong kulay kahel na sa isang tingin mo palang ay mahuhumaling ka na. Pinagpipilahan ng hindi mabilang na mga estudyanteng mahabol lang ang isa sa pinakapatok na tusok-tusok sa kanto. Binabalikan ang Kwek-kwek ng tambalang Carol at Nena pagkat bukod sa malinis nitong pagproproseso ay ang masarap din nitong timpla na nakahihigit sa lahat. Dahilan kung bakit binabalik-balikan ng maraming kabataan. Wika nga ng mga tindera ay hindi magiging sapat ang 10 tray ng itlog sa rami ng mga estudyanteng nag-aabang sa kanilang pagbukas. Tila mga sardinas na nagsisiksikan para makauna sa pila ng inaabangang paborito. Hindi mo man lang mamamalayan ang haba ng pila sa bilis ng kilos ng dalawang tindera. Ang nakakawili at nakakabilib sa kwek-kwekang ito ay ang bilis din ng kilos ng mga tinderang handang maglingkod para sa mga nakaabang na mga mamimili.
KANTO IHAW BebeKyu Likas na sa mga Pilipino ang pagkakahilig sa isaw. At laging hanap-hanap nang ibang mga estudyante ang usok na nangangamoy barbecue. Malilimitahan man ang iyong pasensya sa paghihintay ngunit isang di matanggal na ngiti at satisfaction naman ang iyong madarama kapag nasimulan mo na ang unang kagat. Hanggang sa hindi mo namamalayang, nakailang tuhog ka na pala. Kay sarap nga namang kumain ng hindi nabubutas ang iyong bulsa. Sapagkat wika ng karamihan wala naman ito sa kamahalan ng iyong sinusubo nasa kaligayahan itong dala sa tiyan sa kaunting nagagastos na pabarya-barya lamang. RS Approved nga naman daw para sa mga Regionalista ang bawat kantong kainan sa labas ng paaralan. Patok na sa panlasa, swak pa sa bulsa.
kuha ni MIGUEL LADRA
lathalain | 12
ANG SINAGTALA | OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL - X. TOMO XXVII BILANG III | HUNYO-DISYEMBRE, 2019
NABABAHALA. Isa lamang si Shayne Laurente sa higit kumulang 70% babaeng mag-aaral na biktima ng Sexual Harassments, palaging pangamba ay ang sariling kaligtasan
Night Shift Prostitusyon: Pera Kapalit sa Katawan ng mga Kabataang Mag-aaral sa Gabi ni DANICA ELA P. ARMENDAREZ
gawa ni MIGUEL LADRA
SitSit
Nakabibinging Boses
Pang-aabuso sa Sekswal at Dignidad ng mga Kababaihang Mag-aaral ni MARK ANTHONY C. BOBADILLA
M
ga kababaihang mag-aaral ng Gusa Regional Science High School-X ay di-umanong nasa badya ng isang kapahamakan patungkol sa isyu ng paninitsit na labag din umano sa karapatang pantao lalong-lalo na sa mga kababaihan ayon sa bagong ipinasa na batas ng Pilipinas—ang Senate Bill 1326 o ang Safe Streets and Public Spaces Act of 2018.
70% ng mga kababaihang mag-aaral ay apektado sa pang-aabusong sekswal partikular na sa suliraning dulot ng sitsit.
Isa sa pinakamalalang isyu ngayon sa seguridad ng ating mga kabataan, partikular na sa mga kababaihang estudyante, ay ang problema patungkol sa “sitsit” o “cat-calling” kung tawagin sa ingles. Mga tambay at walang modo sa buhay—sila ang mga taong mapagsamantala at nagdadala ng panganib sa mga tinaguriang “pag-asa ng bayan”. Nakakatakot man kung pakinggan subalit totoo kung pakaiisipin ang realidad—ang mga boses at tawa’t tinig nila na tila’y nagmistulang isang masamang signos na maaaring magdulot ng isang mapait na kapalaran sa bawat kababaihang mag-aaral kung walang dagliang aksyon at solusyon ang i-aangkla sa pamunuan. Sa mga pangyayaring ito, mas pinaigting pa ang hukbo ng seguridad sa paaralan ng GRSHS-X upang mas mabigyan pa ng lubusang proteksiyon ang bawat mag-aaral laban sa anumang pwersa ng kasamaan ng mga indibidwal na may masamang motibo sa kapwa-tao. Isang pahayag ayon kay Nicole, isang mag-aaral sa GRSHS-X sa ika-11 na baitang, iginiit niyang isa sa mga “agents of catcalling” sa loob ng paaralan ay ang mga construction workers na kasalukuyang itinatayo ang isang gusaling pangkomersiyo na matatagpuan sa likuran ng academic building na kung saan nakaambang ang kanilang boses na tila ay sinisitsitan ang bawat kababaihang mag-aaral na makikita sa paraang ayaw nila. Dagdag pa aniya, talagang natatakot na siyang pumunta sa snack stalls na kaharap mismo ang nasabing estruktura sa kadahilanang nababastusan na siya sa malalaswang pinagagawa ng mga construction workers. Ang bawat suliranin ng buhay ay may karampatang solusyon at ang bawat dinaramdam na sakit ay may kalakip na gamot. Base sa ginawang sarbey, lumalabas na isa sa mga epekto ng paninitsit sa pisyolohikal na aspeto ay ang pagkabalisa, pagkatakot at hindi makapokus sa mga gawain na maaaring magdulot ng kawalan ng gana ng mga kababaihang babae na lumabas ng silid upang makapaglibang. Isa sa mga iminungkahing solusyon ng isa sa mga student-journalist ng GRSHS-X na si Azeliyah C. Bangcong, maaaring hingin ang
“ Talagang nawalan ako ng gana na maglabas-pasok sa classroom lalo na kung hindi ko kasama ang mga kaibigan ko kasi nga kahit mga school janitors ay hindi paaawat sa paninitsit. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit nila ginagawa ang paninitsit, kung ito ba ay pansariling libangan lamang ba o baka naman iba na ang iniisip nilang motibo? Pero kahit anuman iyon, hindi na kami nasisiyahan at para bang biro sa kanila ang lahat at nababastusan na talaga ako sa kanilang pinagagawa.
pahayag ng isang estudyanteng itinago sa pangalang Carmel na nasa ika-8 na baitang ng GRSHS-X.
50% ng mga kababaihang mag-aaral sa Junior High School ang tila apektado ng nasabing isyu.
Karamihan din sa mga kababaihang magaaral sa Junior HS ay napag-alamang madalas sila nagpupupunta sa nasabing food stalls kaya naman nabibiktima sila ng mga taong maninitsit.
panig ng pamunuan ng paaralan upang ilipat ang lahat ng food stalls sa mismong canteen na magsisilbing “all-in-one purpose” canteen kung saan lahat ng mga kakailanganin at pangangailangan ng estudyante mapa-school supplies o mapapagkain man ay nakalagak na sa iisang lugar na komportable at tiyak ang seguridad ng bawat isa. “To assure the safety of our fellow classmates and schoolmates regarding the issue on cat-calling here in our campus and the controversy versus the construction workers, I would prefer to suggest on the relocation of food stalls in a safe and motivating space away fron any harm and reinforcing activities. The food stalls will be then place together with the old canteen merged into one community in providing best quality access of foods and other school supplies comfortably that will be known as “all-inone purpose” canteen. As a student of this institution, I would preferably recommend ... the highest authority is up to the hands of the principal in approving the implementation. “, iyan ang detalyadong pagpapahayag ni Azeliyah sa oras ng pagpupulong tungkol sa isyu. Sa bawat pagkakataon ng buhay, tanging sandata ng bawat isa ay lakas ng loob lalong lalo na sa mga kababaihang mag-aaral. Huwag ipakitang ikaw ay nahihiya, nilalamon ng takot, at nadadapuan ng sakit ng loob sapagkat mauuwi lang ito sa wala—pagkalungkot at depresyon. Panlaban ng mga mapagsamantala sa kapwa ay tikas at tawag ng kasamaan sa nakabibinging paraan subalit mangingi- babaw sa huli ang boses ng kababaihan sa mata ng Diyos at sa batas na isinulat ng sangkatauhan laban sa di-makatarungang uri ng pang-aabuso. Bilang estudyante, gamitin natin ang talas ng ating pag-iisip mapababae, mapalalake o nasa ikatlong kasarian ka man; marunong tumayo at manindigan sa karapatan. TANDAAN: Ang nakabibinging sitsit ng karumihan ay tuluyang malalabanan sa pamamagitan ng lakas ng loob gamit ang kamay ng sangandaan at huwag mahiyang sumigaw mga babae “matapang ako!”.
Talamak sa kasalukuyang henerasyon ang mga kabataang mag-aaral na nagbebenta ng katawan kapalit ang pera upang makatulong sa pangangailangan ng pamilya at pangtawid-matrikula sa pag-aaral. Sinasabi sa kasaysayan ayon West’s Encyclopedia of American Law na ang prostitusyon ang pinakamatandang propesyon sa kasaysayan magmula pa sa kapanahonan ni Hesukristo sa banal na bayan ng Jerusalem kung saan pangunahing hanapbuhay ng nakararami roon ay ang pagbebenta ng katawan kapalit ang piraso ng tanso’t pilak bilang pera. Sa gitna ng sumisidhing krisis sa ating lipunan sa kasalukuyan, hindi maikakailang marami sa ating mga kababayan partikular ang mga kabataan ang nahaharap sa suliraning kahirapan. Dagdag pa rito ang malaking porsyento ng mga mamamayan ang walang trabaho, kaya naman maraming Pilipino ang pumapasok sa mga ilegal na gawain o kabuhayan, tulad na lamang ng prostitusyon—ang pagkakaloob ng sekswal na serbisyo kapalit ng pera. Kaugnay nito, mapapansin din ang lumalaking industriya ng student prostitution o ang pagpasok ng mga mag-aaral sa prostitusyon tuwing gabi upang matugunan hindi lamang ang kanilang gastusin sa paaralan, kundi pati na rin ng buong pamilya. Ngunit hindi natin maiiwasan na itanong sa ating mga sarili: ito nga ba ang sagot sa kanilang suliranin? Ayon sa pananaliksik na isinagawa ng mga magaaral sa Unibersidad ng Santo Tomas, idiin nilang “easy money” ika ng nakararami ang prostitusyon at nagreresolba ng pinansiyal na problema subalit kapalit nito ay panganib sa buhay—pangmadalian o pangmatagalan man ito. Kabilang sa pangmadaliang panganib o “intermediate dangers” sa ingles ay ang pambubugbog o pisikal na pang-aabuso, mental, at emosyonal na pagpapahirap habang ang pangmatagalang panganib o “long-term dangers” ay ang mga sakit na pwedeng makuha sa pakikipagtalik kagaya na lamang ng STD o Sexually Transmitted Diseases, drug addictions, adverse psychological effects o din naman kaya’y maaaring mauwi sa kamatayan. Marami sa mga estudyante ang takot magsumbong sa owtoridad sapagkat tingin ng karamihan ay isang kalapastanganan ang kanilang ginagawa at baka sila pa ang madiin sa anomalya kapag nalaman ng karamihan ang uri ng kanilang trabaho. Sa isinagawang pag-aaral ng mga health practitioners mula sa Institute of Medicine and Health (IMH), 1 sa bawat 150 mag-aaral ang naging student prostitute sa gabi at itinuturing na itong mismong kabuhayan maitawid lang ang pang araw-araw na pangangailangan. Katumbas ito sa 3% kabuuang mag-aaral sa Pilipinas na nag-aaral maparegular o open high man ang klasehan. Karamihan sa mga lugar na may student prostitutes ay ang Pampanga, Zambales, Cebu, Cavite, at pumapanglima ang Cagayan de Oro City. Sa pahayag ng isang estudyanteng itinago sa pangalang ‘Jane’ na isang college student sa lungsod ng Cagayan de Oro City, hindi madali ang kaniyang ginagawa dahil halos magdamag siyang nanunuyo ng guests upang magkapera. Wala kahit isa man sa kaniyang pamilya ang may alam ukol sa mga pinagagawa niya bagkus nagtatrabaho siya para sa kaniyang mga pangarap upang may makain at pangtustos sa kaniyang pag-aaral. Ayon pa sa kaniya, inaamin niyang kahiya-hiya ang kaniyang trabaho sa gabi ngunit pinagsisikapan pa rin niyang magbagong-buhay sa hinaharap at labanan ang matinding kahirapan sa buhay sa pagkakaroon ng ‘degree’ sa pag-aaral. Salaysay ni Roland, isa siyang dating student-macho dancer at callboy na nag-aaral noon sa isang unibersidad ng Cagayan de Oro City na ngayo’y may-ari na ng isang carwash business. Siya ay trentay dos anyos na at may asawang dati ring prostitute at ngayon ay may desenteng trabaho na. Ayon sa kanya, hinikayat siya ng kanyang kaklase noong nasa kolehiyo pa siya. Nakadagdag pa raw dito ang problemang pampinansyal upang pumasok siya sa ganitong trabaho. Ayon pa sa pagsasalaysay ni Roland, mahirap maging student-prostitute sa gabi. At dagdag pa niya rito, “Sa trabaho namin, kumbaga, pinapa-asa mo yung guest, parang niloloko namin. Matapos mong bigyan ng serbisyo ang isang guest o kostumer, kailangan mo pa itong makumbinse na muli kang balikan at gustuhin ka lalo para pwede mo siyang hingan ng kahit anong materyal na bagay na gusto mo: Hingi ka yung hanggat kaya niya, pabili ka ng sasakyan, negosyo.” Dagdag pa niya, “hindi kami pwedeng bumigay o ma-in love sa mga guest dahil mawawala ang pokus namin sa trabaho. Maidadagdag dito na maari pa nila itong ikapapahamak dahil karamihan ng mga guest nila ay may asawa at kapag natuklasan ang relasyon nila, maaaring hindi lang kulungan ang ikahahantong nila, kundi kamatayan din. Mahalagang malaman ng bawat mag-aaral na sa buhay, ang tanging panlaba’t kasangga sa pagharap ng bawat hamon ay pagiging determinado. Sa hirap ng buhay, nakikipagsapalaran tayo sa gabi may makain at mabuhay lamang at maitawid ang pang araw-araw na pangangailangan. ‘Night Shift duty’ man ika ng karamihan— estudyante sa umaga, trabaho sa gabi ngunit huwag kalimutang higit sa lahat ng bagay sa ating sarili, dignidad ang pinakabanal sa lahat ng aspeto, sa mata ng diyos at sa perspektiba ng sangkatauhan. Minsan, maitatanong mo sa iyong sarili: “Ito kaya ang sagot sa aking mga suliranin?”
ag tek 13
ANG SINAGTALA | OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL - X. TOMO XXVII BILANG III | HUNYO-DISYEMBRE, 2019
INOBASYON
POWER WITHIN YOU
Handheld Thermoelectric Generator: solusyon sa problemang pang-elektrisidad ni DANICA ELA P. ARMENDAREZ
N
atural kung tutuusin ang body heat na inilalabas ng ating katawan at pangunahing silbi nito’y ang pagbalanse ng kabuuang temperatura mula sa ating ulo hanggang paa. Ngunit hindi lamang pala ito ang benepisyong kayang maihatid ng nasabing body heat.
Umusbong ang isang inobasyon ng mga mag-aaral mula Gusa Regional Science High School-X ukol sa paggamit ng body heat upang pagkunan ng panibagong batayan ng renewable resources. Tinawag ang device na “Handheld Thermoelectric Generator” na likha ng mga Grade 12 students, na binansagang Team Marigold, kung saan itinampok dito ang kakaya- hang makagawa ng kuryente ang body heat. Naniniwala ang grupo na malaking pakinabang umano ito tuwing may sakuna kung saan nawawalan sila ng kuryente o hindi kaya’y sa mga kanayunang lugar na nakakaranas ng
walang kuryente. Ayon sa ulat ng National Electrification Administration noong 2018, mahigit 2.8 milyong kabahayan sa Pilipinas ay walang access sa kuryente at 51 bahagdan dito ay matatagpuan sa Mindanao. Ito ang nagtulak sa kanila para gumawa ng isang inobasyon na hindi na kailangan ng power source at ‘ready on the go’ dahil sa madali itong bitbitin. Ang nasabing device ay hango sa tinatawag na Seebeck Effect kung saan kinukuha ang temperature difference mula sa init ng katawan at sa coolant chamber. Gamit ang thermoelectric module ay gagawing enerhiya ang na-
turang temperature difference. Nakakagenerate ang Handheld Thermoelectric Generator ng mahigit 5 Volts at sapat na ito upang makapailaw ng isang light bulb at makakapag-charge ng cellphone. Nagpapahiwatig lamang ito na minsan ay nasa sa kamay na natin ang mga pagbabago at solusyon sa problemang pangkalamidad. Gamit ang siyensya at mga panibagong inobasyon ay wala nga namang problemang hindi kayang tuldokan.
TEENovator
Tubig ay buhay. Ang ating katawan ay tinatayang nagtataglay ng limampung porsyento hanggang pitumpu’t limang porsyentong tubig. Tulad ng pagkain, isa ito sa mga pangunahing pangangailangan ng tao upang mapanatili ang lakas, lusog at sigla ng katawan.
ni JOEAR T. BERDON
Hindi na bago sa atin ang pabago-bagong klima sa ating bansa sanhi ng matinding Global Warming na isa sa mga problema na kinakaharap ngayon. Malimit lang ang pagbibigay ng impormasyon sa mga residente kung kaya’t hindi kaagad nakapaghahanda pag may darating na sakuna. Bunsod nito, binigyang-tugon ng mananaliksik na isang Regionalista ang ganitong suliranin na kung saan ay bumuo ng isang smartphone app upang mas mapabilis ang pagbibigay ng impormasyon sa kasalukuyang panahon sa mga taong apektado sa sakuna o bagyo. “We want to help the less privileged people and improve the system of our country especially we are located at the pacific ring of fire,” ani Kurt Khalid Israel, kasapi sa pagbuo ng nasabing app. Gagamitin ang nasabing app data mula sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) gaya ng lagay ng panahon, signal level, at iba pa. Naka-install ang app sa isang smartphone sa PAG-ASA, at magpapadala naman ng impormasyon sa mga apektado sa pamamagitan ng isang text. kuha ni “Malaking tulong talaga ito para LARRAH PASAMONTE sa atin para mapadali ang information dissemination sa isang specific region or place,” paliwanag ni Israel.
gawa ni MIGUEL LADRA
VOLTS
5 Volts ang ma-gegenerate ng nasabing device. Sapat na itong makapailaw ng isang light bulb at makapag-charge ng cellphone.
ni JOHN NICHOLSON L. VUELBAN
RS app innovation, malaking tulong sa panahon ng sakuna
ni EMMALINE T. OMICTIN
5
BUKO: Solusyon sa Kakulangan ng malinis na Suplay ng Tubig sa Pinas
KAMPUS EKSPRES
MAPAGLARONG L RO
HANDHELD THERMOELETRIC GENERATOR
Bagama’t ayon sa datos ng UNICEF ay 91% ng populasyon sa Pilipinas ang may pinagkukunan ng basic water services, nananatiling isang hamon ang kasapatan ng mga pinagkukunan na tubig sa bansa at ang kakayanan ng mga yamang tubig na ito na tustusan ang mabilis na pag-akyat ng pangangailangan sa tubig na kaakibat ng industriyalisasyon at paglobo ng populasyon. Para sa mga mag-aaral ng Gusa Regional Science High School-X kinakailangan ng makabagong solusyon gamit ang Siyensiya sa pag tugon sa umuusbong na problema sa malinis na tubig sa bansa. Apat na Grade 12 na mag-aaral mula sa GRSHS-X na sina Joear Berdon, John Nicholson Vuelban, Karen Mae Tañola, at Britny Belongilot ang nakatuklas ng makabagong gamit ng buko bilang isang natural coagulant na tumutulong sa pabawas ng turbidity o malabnog na tubig. Kinakailangan mabawasan ang turbidity o labnog sa tubig dahil ito ang nagiging tirahan ng mga masasamang
organismo tulad ng mga bacteria o virus na maaring magdulot ng sakit sa tao kung ito ay nainom. Ang malabnog din na tubig ay nagdudulot ng masamang epekto sa hayop sa dagat gayundin sa Ecosystem nito. Ang sapal ng buko ang nagsisilbing natural coagulant sa labnog na tubig. Ang taglay na proteins sa sapal ang tumutulong upang maging malinaw ang tubig. Sinasabing ang sapal ay karaniwang tinatapon lamang pagkatapos kunan ng gata. Kadalasan itong ginagamit bilang pampataba o fertilizer. Napapanahon ang pagtuklas ng kakayanan ng sapal sa pagkakaroon ng malinis na tubig. Binibigyan ng sapal ng makabagong kaalaman ang mundo ng siyensiya sa pagtugon sa napapanahong problema ng tubig sa Pilipinas. Sa pagtahak natin sa landas ng pag-unlad, nararapat din marahil na isaalang-alang natin ang pangunahing pangangailangan ng bawat isa. Isyu tungkol sa malinis na tubig ay dapat bigyang pansin ng ating gobyerno upang mabawasan ang water scarcity sa bansa.
Tinatangkilik ng mga kabataan ngayon ang isa sa pinakamataas na antas at makabagong teknolohiya sa panahong ito, ang Online Games. Tinuturing man ito bilang isang patok sa ating panahon ngayon ngunit hindi pa rin maiaalis ang dala nitong magandang dulot at masamang epekto nito sa mga mag-aaral ngayon. Ayon sa pag-aaral na isinagawa sa Gusa Regional Science High School - X, 73.8% ng kabuang 1118 na populasyon ay naglalaro ng online games at sa malaking bahagdan na ito ay sinuri kung sa anong paraan ba nakaapekto ang paglalaro ng Online Games bilang isang estudyante. Nakapanayam namin ang isa sa mag-aaral na naglalaro ng video games, di umano na ang paglalaro ng video games ay nakatutulong sa kanila sa pag-aaral at hindi naging hadlang na manguna sa klase. Isa sa 11.2 % na hindi naglalaro ng video games ay di umano’y isa lamang malaking balakid ang video games sa pag-aaral, ayon sa isang panayam. Dagdag pa niya “Hindi ito makakatulong sa aking pag-aaral at hatid din nito sa akin ay problema.” Higit niyang iniiwasan ito dahil sa mga nabasa niyang mga masasamang epekto nito sa kanilang pag-aaral. Sa pangalawang pagkakataon ay nagsagawa ng karagdagang pagsasaliksik kung malaki ba ng epekto (mabubuti at masamang) sa pag-aaral ng Online Games. Binigyan ang mga respondente ng maikling pagsusulit para masukat ang kanilang kakayahan. Lumabas sa pagsusuri na sa 20 na tanong ay nakakuha ng 14.7 ang gitnang puntos na tamang sagot ang mga naglalaro ng Online games at 15.33 naman ang
gitnang puntos na nakuhakuha ng mga hindi naglalaro ng Online Games. Kung ipaghahambing natin ang 73.5% na nakuhang marka ng mga naglalaro ng Online Games at 76.65% ng hindi naglalaro ng Online Games ay hindi gaano kalaki ang agwat nito at nagpapatunay lamang ito na hindi talaga hadlang ang paglalaro ng Online Games sa pangunguna sa klase. Ayon sa lokal na pag-aaral ng KnE Social Sciences 4th International research Conference on Higher Education tungkol sa epekto ng Online Games, 68 o 53.97% ang nagsasabi na nakakakuha sila ng 85-90 na marka. 5.56% naman ang nakakuha ng 91-95 na marka 81-85 naman ay 38.89% at 1.59% lamang ang nagsasabing 7580 na marka. Nagpapatunay lamang ito na ang paglalaro online ay hindi lahat ay idiin sa Online games sa kadahilanang pagkakuha ng maliit na marka, kundi nakadepende lamang ito sa kung gaano ka responsable at paano gamitin ang isang estudyante ang kanyang oras. May mga bagay na dapat isaalang-alang at pahalagahan. Larong nililibang ang lahat na sa kapabayaan ang maging makapaninsalang laro.
agham&teknolohiya | 14
Yanig ng Buhay ni MARK ELLE G. GUNDAYA
Isang minuto. Isang minutong pagikot ng paligid. Tumunog ang wangwang at dali-dali nagsilabasan. Nagkagulo sa paligid, bawat isa’y di alam kung ano ang gagawin. Walang magawa kundi magdasal sa hangin. Ang lindol ay isang kalamidad kung saan nagkakaroon ng biglaang pagyanig sa lupa na minsa’y nagdudulot ng malaking pinsala sa mga imprastraktura. Ayon sa isang artikulo ng World Bank, ang Pilipinas ay isa sa mga bansang madaling dalawan ng mga kalamidad. Dahil sa lokasyon na malapit sa Pacific Ring of Fire, hindi kataka-taka na ang bansa ay palaging nakararanas ng pagputok ng bulkan, bagyo at lindol. Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng Japan International Cooperation Agency (JICA), sinasabing ang 7.2 magnitude na lindol na magaganap sa West Valley Fault ay magdudulot ng matinding pinsala na wawasak sa halos 40% na mga gusali sa mga lunsod sa Metro Manila. Tinatayang mahigit 30,00 ang itinalagang pagkamatay. Kung sakaling ikaw ay nasa loob ng isang gusali at lumilindol, dumapa ka; humanap ng matibay na mesang mapagtataguan; at kumapit hanggang matapos ang pagyanig. Makabuting lumayo sa mga bagay na nababasag. Lumabas lang sa gusali kung ligtas na. Siguraduhing huwag gumamit ng elevator. Kung sakaling ikaw ay nasa loob ng gumagalaw na sasakyan, manatili lang sa loob nito. Iwasang huminto malapit sa mga gusali, punongkahoy, at mga poste. Ilan lang ang mga ito sa mga pamamaraan upang makaiwas sa tiyak na kapahamakan. Ika nga nila, prevention is better than cure. Hindi natin alam kung kailan magaganap ang isang sakuna gaya ng paglindol. Pagiging handa, alisto, at kalmado ang mainam na sandata sa sarili. Ang sapat na kaalaman sa pagtugon sa mga sakunang tulad nito ang siyang magiging daan upang tayo ay maging ligtas. Dahil sa panahon ng trahedya, bida ang palaging handa.
ANG SINAGTALA | OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL - X. TOMO XXVII BILANG III | HUNYO-DISYEMBRE, 2019
RE-POLIO
mga
ni CHARL WAYNE N. ROMA
POLIO sa Pinas
sa
numero
Ang muling paglitaw ng Polio sa Pinas
gawa ni MIGUEL LADRA
N
akaupo siya ngayon, walang imik at tila ba lumilipad ang isip dahil sa kaba. Katabi ang kanyang tatlong taong-gulang na anak nag aabang sa mga salitang lalabas sa mga bibig ng doktor ng anak niya. “Polio, polio ang sakit niya.” Siya’y natigilan sa kanyang narinig, nanginginig at di mapigilang mapahawak sa dibdib. Polio? Paano? Sa lumipas na 19 taon, ngayon lamang lumitaw ulit ang kaso ng Polio dito sa Pinas. Taong 2000, ay idineklarang “Polio-Free” ang Pilipinas. Ang nga bansang Pakistan, Afghanistan at Nigeria na lamang ang nanatiling endemic sa sakit na Polio. Higit na ipinagtataka ang sinapit ng bata dahil walang mga sintomas ang nakita rito. Ayon sa Centers Disease Control and Prevention, higit 72 sa 100 indibidwal ang tinatamaan ng Polio na hindi nakikita ang mga sintomas nito. “Nay ano po ba ang sakit ko?” Nag-alala ang ina at di alam kung paano niya ipapaliwanag sa kanyang anak ang karamdamang meron sya. Ang Polio ay isang nakakahawang sakit na nagdudulot ng injury sa ugat at kadalasan ay humahantong sa paralysis. Ito ay nakukuha sa kontaminadong pagkain at tubig at direktang kontak sa mga taong may sakit nito. Naiiyak ang ina sa kadahilanang walang gamot ang polio. Labis siyang nagsisi kung bakit hindi niya napabakunahan ang kanyang anak. Iyon na lamang sana ang kanyang pag-asa upang maiwasan ang Polio. Gustuhin man niyang angkinin ang sakit ng anak, alam niyang hindi ito maari dahil ang higit na naapektahan ng Polio ay ang mga batang nasa edad 5 taong gulang pababa. Mangiyak-ngiyak na nag paliwanag ang ina sa bata. Hindi niya inaasahan ang natanggap na matamis na ngiti galing sa anak. Ang ating mga opisyales ay higit na nanghihikayat sa mga magulang ng mga bata na magpabakuna ng vaccine upang makaiwas sa sakit na ito.
Ang Pilipinas ay kilala sa pagiging resilyent nito. Nakakaya nating bumangon at ngitian ang kahit anong problema man ang ibato saatin. Sa muling pag litaw ng Polio sa Pinas, tanging ang ating kaalaman lamang ang makakapaglitas sa atin. Ang kaalaman kung paano ito sugpuin ang siyang makakatulong upang maiwasan natin ito. Sa pagiging handa at pagkakaroon ng kamalayan sa mga nagaganap saating paligid, tiyak na tayo ay maliligtas sa anumang mga sakuna.
19
taon
Polio-free ang Pilipinas
1993
Huling nagkaroon ng kaso ng wild polio virus sa Pilipinas
66% bilang ng populasyon na nagpa-third dose ng oral polio vaccine noong 2018, mababa sa 95% na target para tiyaking ligtas ang populasyon sa polio Source: Department of Health
KINABUKASANG KAAYA-AYA ni JOEAR T. BERDON
Tanghali na noong ang isang bata’y papunta sa kanyang paaralan. Tumakbo siya at naghahanap ng punong pwedeng masilungan mula sa nakakapasong sikat ng araw. Ngunit siya’y bigo sa paghahanap nito, ang mga punong nakatayo noon dito ay wala na. Ngayo’y nararanasan ng bata ang sakit na nadarama ng bawat punong pinuputol. Isang “internet search engine” na ginawa ni Christian Kroll mula sa Berlin, Germany na tinatawag na “Ecosia” na inihahandog ang kita sa mga organisasyon na nakapokus sa “reforestation” sa kagubatan ng buong mundo. Ang ating puno ay mahalaga, ito’y pinagmulan ng mga kasangkapan na makikita sa ating bahay, sa paaralan, at iba pa, ito rin ang pangunahing sangkap na ginagamit upang makagawa ng papel na halos kada araw nating ginagamit lalo na sa paaralan, ito rin ang isa sa mga tumutulong kapag may baha at pundasyon sa lupa upang maiwasan ang “landslide”, ito rin ay nagbibigay ng
gawa ni MIGUEL LADRA
tahanan sa mga ibon at iba pang mga hayop, at higit sa lahat ito’y nagbibigay ng “oxygen” para sa lahat ng nabubuhay sa mundo. Sa katunayan, isang grupo ng mga estudyante ng GRSHS-X ang nanguna sa pangangampanya sa Cagayan de Oro City sa paggamit ng “Ecosia” bilang “search engine” na nakakakuha ng kita sa pamamagitan ng mga “ads” na ginagamit upang makapagtanim ng mga puno. Tulungan natin ang “Ecosia”, hindi lang pagtatanim ng puno pati na rin ang pagpapanatili ng malinis na kalikasan. Ikaw, ako, at siya, lahat tayo ay may kinalaman sa mundong ginagalawan natin. Para sa kinabukasang kaaya-aya, tulungan natin ang ating kalikasan na makuha ulit ang dating anyo nito upang maabutan pa ng susunod na henerasyon.
Munting kahon para kay Juan ni CHARL WAYNE N. ROMA
Sa wakas, makakamtan na ni Juan ang pinaka-asam-asam niyang hiling na pagbabago. Ang pagbabagong ito ang magsisilbing tulay tungo sa kaunlaran ng mundo sa larangan ng Agham at Teknolohiya. Tunay na handa na siyang makipagsabayan sa kaniyang mga kaibigan sa ibang bansa.
gawa ni ALEO ALBURO
Matatandaang ang Diwata-I o PHL Micrisat-1 ang kauna-unahang satellite ni Juan na inilunsad sa kalawakan. Isa ito sa unang hakbang niya upang masimulan ang Programang Pangkalawakan na kaniyang nilikha. Ang Diwata-I na tumitimbang ng 50-kilo kung saan isinunod sa isang karakter sa mitolohiya na nagngangalang ‘Diwata.’ Isinaalang-alang ni Juan ang paglikha nito upang magbigay impormasyon tungkol sa kalagayan ng kaniyang bansa. Isa sa mga pangunahing gamit ng satellite ay ang pagtukoy at pagtataya sa kalagayan ng panahon. Hindi pa diyan natapos ang paglikha ni Juan ng teknolohiyang makakatulong sa kaniyang kababayan. Pagkatapos nitong nilikha ang unang satellite ng bansa, agad naman nitong ibinida ang mas magaan at singlaki lamang ng
kamay ang Maya-I.cubesat. Ang satellitena ito ay nasa ilalim ng Development of Philippine Scientific Earth Observation Microsatellite Program (PHL-Microsat) isang proyektong Research and Development na ipinatupad ng Unibersidad ng Pilipinas-Diliman. Inihandog ni Juan ang mistulang munting kahon na ito sa mundo ng makabagong teknolohiya. Ang 10-kubikong haba ng satelayt ay isa sa mga satelayt na napailalim ng kyutech 2nd Joint Global Multination Birds Project (Birds-2), kasama nito ang satelayt ng Bhutan at Malaysia. Ang Maya-I na nilikha ni Juan ay idinesenyo upang magkaroon ng maraming gamit. Isa rito ay ang paggamit nito tuwing walang signal at walang magamit na komunikasyon tuwing at
pagkatapos ng bagyo. Mayroon din itong hindi kamahalang Global Positioning System (GPS) chip na pwedeng matukoy ang anumang lokasyon ni Juan. Kagaya ng Diwata-I, mayroon din itong wide-angle cameras na magpapakita ng kalagayan ng bansa mula sa kalawakan. Dahil sa kaliitan ng kahon na ito, limitado lamang ang mga nagagawa nito kaysa sa naunang satellite na nagawa, ang Diwata-I. Hindi susuko si Juan sa paglikha ng mga makabagong teknolohiya at pagbubutihin pa ito tungo sa kaunlarang hinahangad. Kagaya ng paggawa ng munting kahon. Dadamihan pa niya ito upang mas aarangkada pa ang gawa niya sa ibang bansa.
15 | agham&teknolohiya
ANG SINAGTALA | OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL - X. TOMO XXVII BILANG III | HUNYO-DISYEMBRE, 2019
PROBLEMA MULA ULO HANGGANG PAA HYPERVENTILATION
??
Epekto ng pagkakaroon ng stress ni EMMALINE T. OMICTIN
Para sa ilan, ang mabilis ay ang pagpapatakbo ng mga kaskaserong motorista sa daan na kung minsan ay naghahatid sa kanila sa kapahamakan. O di kaya’y ang mabilis na paglipas ng oras na hindi mo mamalayan. Para sa mga mag-aaral ng Gusa Regional Science High School-X (GRSHS-X), ang mabilis ay ang kanilang paghinga at bumibilis pa hanggang sa unti-unting nawawalan ng pakiramdam ang kanilang mga kamay at paa - Hyperventilation. Ito ang paghinga ng sobra na nagreresulta sa sobrang oxygen na nakukuha ng katawan. Habang nababawasan naman ang pagdaloy ng dugo sa utak dahil sa kakulangan ng natatanggap na carbon dioxide. Hanggang ngayon hindi pa tukoy kung ano ang pinagmulan ng Hyperventilation. Bagama’t may mga kondisyon na pinagmulan nito para sa iilan. Stress ang pinakauna sa listahan. “Hindi naman talaga maiiwasan ang stress sa paaralan.” ani ni Britny Belongilot ng 11Service, isa sa nakaranas na ng hyperventilation. Isang pangkaraniwang umaga, habang abala ang lahat sa pagsasagawa ng mga gawain na dapat ipasa sa isang asignatura. Pinuno ang silid aralan ng samut-saring tawanan, daldalan,
gawa ni MIGUEL LADRA
at walang humpay na sigawan ng mga mag-aaral. Unti-unting nakaramdam ng pananakit ng ulo, at siya nga’y huminga isa, dalawa, tatlo at nakalimutan na niyang kumalma. Nang sumunod na sandali, buhat buhat na sa mga bisig ng kanilang guro sa pananaliksik ang walang malay na si Belongilot. Makapigil hininga ang bawat eksena na sa bawat pagtaas-baba ng dibdib ang siyang pagbukas tiklop ng supot na ipinapatong sa bibig para ikulong ang carbon dioxide at mapataas ang lebel nito sa katawan. Kasabay nito ang panunuyo ng mga labi sanhi ng mabilis na paghinga sa bibig imbis na sa ilong. Kasunod nito ang dahan-dahang paninigas ng mga daliri sa kamay at paa at panggigimay ng buong katawan. Sa nakaraang pagtatayang isinagawa, tinatayang 10-15 na mag-aaral ng RegSci ang nakakaranas ng hyperventilation kada taon kabilang na rito ang mga bagong mag-aaral sa ikapitong baitang at sa senior high school.
Ilan sa mga tinitignan na sanhi nito ay ang mga estraktura ng mga gusali ng paaralan kung saan walang sapat na daloy ng hangin ang nakapapasok sa mga bintana. Bukod pa rito, nakadepende rin ang pagkakaroon ng hyperventilation sa kalagayan ng kalusugan ng mga mag-aaral. “Nangyari ang pag atake ng hyperventilation epekto ng pagod na aking pinagdaraanan.” ani ni Guimary ng ika-9 na baitang. . Wala itong ibang lunas kundi pakalmahin ang sarili at dahan-dahang huminga sa ilong ng may pagkontrol upang magkaroon ng balanse sa dami ng oxygen at carbon dioxide sa katawan. Naniniwala si Belongilot na pagka-stress o pagod ang naging pangunahing sanhi sa nangyari. Hangad niya na sana magkaroon na siya ng mas matiwasay na kapaligiran upang hindi ito maulit sa kanya. Kapag bumalik ito sa kaniya palagi niyang pinaaalahanan ang kaniyang sarili na dahan-dahanin ang kaniyang paghinga at wag isipin ang mabilis na pangyayari sa kapaligiran.
SORE EYE REGSCI
ni CHARL WAYNE N. ROMA
Hindi lamang mga imbensyon ang nagiging patok sa bawat buwan o maging sa isang taon. Maging ang mga nakakahawang sakit din ay nagiging isang problema sa isang komunidad. Para sa kaalaman ng bawat isa ang sore eyes , o viral conjunctivitis, ay pamamaga o impeksyon ng mata na sanhi ng virus. Ito’y maaaring maka-apekto sa mga tao ng anumang edad. Ito’y nahahawa sa pamamagitan ng paghawak sa iyong mata kung ang mata mo’y nakahawak sa isang tao na may sore eyes. Bilang pagbibigay kasiguraduhan ay narito ang iilan sa panayam galing sa ekspertong si Dra. Aleta M. Santos. SINTOMAS Pamumula ng mata (hyperemia), pagtutubig at pagluluha (epiphora), pagiging makati o mahapdi ng mata (pruritis or pain) ay isang sa mga pangunahing sintomas ng viral conjunctivitis o sore eyes. Maaari ring magkaroon ng kulane (lymph nodes) sa may tainga. (Ito’y hindi dapat mapagkamalan na bacterial conjunctivitis kung saan nagnanana ang mata at maaaring may kasamang lagnat.) Sa sore eyes, hindi lumalabo, nagdidilim, o nagkakaroon ng anumang pagbabago sa paningin. Ito’y kadala-
sang nag-uumpisa sa isang mata ngunit maaaring mahawa rin ang kabilang mata. Mga bagay na dapat gawin upang maiwas sa pagkahawa: Hindi nakakahawa ang titig ng isang taong may sore eyes ngunit nasa pisikal na pakikipagsalamuha na maaring maging dahilan na mapasa ang nasabing virus sa isang di apektado. Ang mga taong may sore eyes ay dapat iwasan na hawakan o kamutin ang kanilang mga mata. Dapat ding ugaliing maghugas palagi ng kamay. Para hindi mahawa ng sore eyes, dapat ring maghugas palagi ng kamay ng sabon at tubig; at iwasan ring kamutin ang inyong mga mata. “You can’t avoid the virus but you can prevent yourself by keeping aligned with proper hygiene, specially with your hands.” Huling paalala ng doktora. gawa ni ALEO ALBURO
TAGONG SUSTANSIYA SA PAARALAN MAKIKITA ni JOHN NICHOLSON L. VUELBAN
Bahay kubo, kahit munti, ang halaman doon ay sari-sari. Madalas nating kinakanta ang “Bahay Kubo” nang bata pa tayo magpahanggan ngayon. Tumatatak palagi sa ating isipan ang mga masustansyang gulay na nakakatulong sa ating katawan.
gawa ni MIGUEL LADRA
Nakasaad sa Deped Order No. 13, s. 2017, na magkaroon ng masustansyang pagkain at inuming magpipilian sa paaralan. Kaya naman pinagbabawal na ngayon ang mga pagkaing junkfoods, softdrinks at iba pang di masustansyang pagkain. Sa halip nito, pinagtibay ang pagbebenta ng mga gulay, fruit drinks, inuming tubig at iba pa. Ang pinakamabenta sa kantina ay ang pinakbet, sitaw, at ginataang mungo. Nangunguna sa listahan ang pinakbet na may 20-30 ka mag-aaral ang bumibili kada araw. Mayaman ito sa bitamina, mineral, kagaya ng zinc, calcium, follic acid, at iba pa. Nakakatulong ito sa pagtunaw ng mga kinakain upang mapabilis ang pagkuha ng sustansiya. Sa mga inumin naman, nangunguna sa mga binibili ang fruit drink kung saan 25-40 ka magaaral ang bumibili kada araw. Nagtataglay ito ng 100 bahagdan ng RDA ng bitamina C, B1, B2, at B6. Pinakamabili ito dahil sa murang presyo at masarap na lasa nito. . Pumapangalawa naman ang Calamansi juice na alam nating lahat na nagtataglay ng
Ascorbic acid o bitamina C na nakakatulong sa pagpapalakas ng ating resistensiya. Bukod pa rito, kumokontrol din ito sa Diabetes. Ngunit, kumpara sa fruit drink mas mahal ng kaunti ang calamansi juice kaya naman hindi masyadong pasok sa badyet ng mga mag-aaral. Bukod sa pagbebenta ng pagkaing gulay at mga masustansiyang inumin, binebenta din sa kantina ang mga kakanin katulad ng biko, suman, at sapin-sapin. Ang mga kakaning ito ay mayaman sa carbohydrates sa kadahilanang ang pangunahing sangkap nito ay bigas. Ang carbohydrates ang pangunahing pinagkukunan ng enerhiya sa katawan na tumutulong sa pagpapalakas sa impulses sa utak. Sa kabilang banda, hindi ito ang pangunahing tinatangkilik ng mga mag-aaral dahil sa hindi patok ang lasa nito. Tunay na nagbibigay benepisyo sa ating katawan ang mga binebenta sa kantina. Ang sustansiyang hinahanap natin ay nasa paaralan lamang natin at hindi na natin kinakailangan na lumabas at kumain ng mga pagkaing walang kasiguraduhan.
agham&teknolohiya | 16
ANG SINAGTALA | OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL - X. TOMO XXVII BILANG III | HUNYO-DISYEMBRE, 2019
laking
r a l o isk
NGITING ISKOLAR. Mga dating DOST Scholars na ngayon ay naglilingkod na bilang mga guro sa Gusa Regional Science High School - X.
ni DANICA ELA P. ARMENDAREZ
kuha ni MIGUEL LADRA
H
indi nasusukat ang karunungan ng isang mag-aaral sa apat na sulok ng silid-aralan. Ang karunungan ng isang mag-aaral ay hindi kailanman nasusukat sa uri ng gamit sa skwela o kahit man sa estado ng pamumuhay. Ito ay nababase sa kawilihan niyang matuto maging anong pagsubok man sa buhay ang kanyang mapagdaanan. At upang makamit niya ang inaasam na pangarap pinapatnubayan sila ng kanilang mga pangalawang magulang sa loob at labas ng skwela. Naging viral at kilala sa internet ang iilang mga kabataang nag-aaral sa may poste upang makagawa ng asignatura. Ibahin niyo naman ang uri ng pagtuturo at pagkakawanggawa ng isang guro mula sa Gusa Regional Science High School – X na si Sir A.
Sir Arian
Si Ginoong Arian Edullantes o kilala sa tawag na Sir A ay guro ng Empowerment Technology sa iilang mag-aaral ng ika-11 na baitang sa Senior High School samantalang nagtuturo naman ng Contemporary Art sa ika-12 na baitang ng Senior High School sa nasabing institusyon. Magdadalawang taon pa lamang ng pumasok si Sir A sa GRSHS-X at dahil sa kanyang masayahing pakikitungo sa mga estudyante at guro ay napamahal na rin siya sa kanyang trabaho at lalo na ngayon na siya ay isa nang adviser. Ngunit hindi alam ng marami na hindi lamang ang pagtuturo ng tamang paggamit ng teknolohiya ang kanyang pinagkakaabalahan siya rin ay nagtuturo ng ICT sa labas ng paaralan. Tuwing Martes ensaktong alasais ng gabi, siya ay nag-aabang para sa kanyang mga mag-aaral malapit
sa naabandonadong Post Office sa may Divisoria. Kahit anong lakas ng ulan at pagod ang nadarama ay pilit pa rin niyang pinapalakas ang kanyang determinasyon na ipakita sa mga estudyante niyang nangangailangan na siya ay bukas palad na turuan sila sa uri ng pamamaraan na kaya niya. Ang XU night class ay isa sa mga proyekto ng ALS at Xavier University na naging bahagi at pinagkakaabalahan ng Ginoo. Dahil sa labis na gintong puso na tumulong sa mga kabataang kapos at mga kabataang gustong makapag-aral nabuo ang mga kabataang tinuturuan ni Sir A. Hindi inisip o inalinta ni Sir A ang mga kamalian sa buhay at mga maling desisyong nagawa ng kanyang mga tinuturuang Out of School Youth ngunit siya mismong nagbigay gabay, nagtulak at naging instrumento para manalig sa
kanilang sarili na marami pa silang oras upang magbago. Bilang isang guro ng Gusa Regional Science High School-X hindi naging madali para sa kanya ang makibagay sa kanyang mga panibagong mag-aaral. Naging hamon man ito para sa kanyang parte ngunit hindi pa rin siya nagpadaig, nanatili pa rin siyang matatag at palaban upang makapag-turo sa nangangailangan. Sumuong siya para sa maging isang magandang impluwensiya sa bawat isa. “Ang pagtulong sa kapwa ay isang prebehiliyo para sa bawat isa dapat niyong pakatatandaan na huwag kalimutang sumukli ng kabutihan sa iyong kapwa.” Iilan sa huling sentimento ng guro bago siya magpatuloy sa pagtuturo ng aming panibagong leksyon.
Higit dalawang taon na nang muling madagdagan na naman ang pamilya ng Gusa Regional Science High School-X. Siya ay walang iba kundi si Ariel V. Fabrigas Siya ay nagtapos ng pag-aaral sa MUST (Mindanao University of Science and Technology) na ngayon ay kilala na bilang USTP (University of Science and Technology of Southern Philippines). Siya ay nakapagtapos bilang isang DOST scholar at nang may parangal bilang isa sa mga Top Performing Students sa loob ng taong 2015-2017. Hindi man siya ang tipong may malaking pangangatawan ngunit ang kanyang dedikasyong bilang isang guro ay hindi rin matatapatan. Siya ay walang iba kung hindi si Ginoong Ariel V. Fabrigas. “Challenging and Enjoyable” ito ang dalawang mga salitang tumatak sa kaniyang isip nang magturo umano siya sa GRSHS-X.
Si Bb. Allyn Y. Aclo isang guro ng General Chemistry sa Senior High School ng Gusa Regional Science High School–X, ay nakapagtapos ng BSED-Physical Science sa taong 2018 sa University of Science and Technology of Southern Philippines.
Nakakahamon sapagkat lahat daw ng kanyang nakakasalamuha ay puro matatalino kaya’t bilang isang guro ay kailangan niyang mangibabaw. Ngunit sa likod ng mapanghamon na daan ay nalibang pa rin siya dahil nakakasalamuha niya halos lahat ng mga estdyante, sa edad niya ba naming 22-anyos ay madali rin lamang siyang makasabay sa bawat isa. Ika nga niya, “At first, I expect that the standards in this school is really high, then in reality it was way higher.”
Si Bb. Jeany Grace S. Maglupay isang guro ng Biology sa Senior High School ng Gusa Regional Science High School–X, ay nakapagtapos ng BS-Biology sa taong 2018 sa Central Mindanao University.
Sir Ariel
Si Bb. Shoji-an Daradal isang guro ng General Chemistry sa Senior High School ng Gusa Regional Science High School–X, ay nakapagtapos ng BS-Chemical Engineering sa taong 2018 sa Xavier University.
isports 17
ANG SINAGTALA | OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL - X. TOMO XXVII BILANG III | HUNYO-DISYEMBRE, 2019
WINALIS ANG EAST
ISPORTS OPINYON
Medalya o Diploma
East 1 District Volleyball Boys Lumagpak sa 2019 Division Meet, 0-2 ni MARCHIERE G. BALLENTOS
ni ATHENA JEAN G. SUAN
Student-Athlete. Isang kataga na hindi lahat sa atin ay tunay na nakakaiintindi.
BLOCK. Matagumpay na naharangan ng mga manlalaro ng GRSHS-X ang spike ng taga CNHS. kuha ni MIGUEL LADRA
U
muwing dismayado ang East 1 District Volleyball Boys bagamat nakatungtong sa Divison Meet 2019, matapos mabigo sa kanilang ikalawang laro sa naturang patimpalak noong Setyembre 27, 2019 sa Canitoan National High School.
Sa kabila ng kanilang unang panalo laban sa South District ay aminado naman ang kanilang team captain na si Ian Kenneth Urbina, 2, na nagkulang sila sa depensa ng matapat nila ang Central District, 0-2. “Talagang masasabi kong kailangan pa namin lubusang makilala ang isa’t isa para makabuo ng teamwork kaya sa laro namin ay nagkaroon kami ng miscommunications at hindi namin matagumapay na nakukuha ang bola at mga set play.” Ani ni Urbina. Unang set pa lang ay umarangkada na ang East 1 District sa kanilang solid na atake at sunod-sunod na tira na bumenta ng 11-6. Subalit hindi nagpatalo ang kabilang koponan at deretsahang humampas ng combination play na kumopo sa Central District. Malakasang tira ang ibinigay ni John Andrey Mirez, 13, ng East 1 District na
Mga naiuwing panalo ng GRSHS-X sa
2019 District Selection Meet
sa mga numero
sinamantala ni Kurt Dale Antipuesto, 18, ng Central Disrict sa pagharang ng tira ng kabilang koponan, 18-25. Nanguna naman muli sa ikalawang set ang East 1 District sa pangunguna ni Richard Calapuan, 15, ng East 1 District sa kaniyang pagharang sa unang bola ng kabila. Sinundan pa ito ng mga mala-kidlat na atake at matitibay na pagharang nina Urbina, 2, at Mirez, 13, ng East 1 District para tambakan ng puntos ang kabila sa kalagitnaan ng ikalawang set. Ngunit hindi naman nagpaiwan ang Central District nang humabol si Nicole Tagarao, 8, sa kaniyang service aces para matabla ang laro sa 15-15. Tinapos naman ni Jhobinson Hilotin, 6, ng Central District ang laro sa kaniyang pagharang sa bola ng East 1 District, 19-25. Palaging nauungasan ng East 1 District ang Central District sa mga unang minuto
ng dalawang set subalit hindi nagpapatalo ang kabila at tuluyan nang namayagpag sa bawat pasok ng kanilang tira. “Umuwi man kaming walang dalang medalya o tropeo, dala-dala naman namin ang mga bagong karanasan at aral na maari naming gamiting puwersa sa aming susunod na laro.” Ani ni Urbina, 2, ang captain ball ng East 1 District. Isang karangalan pa din ang umabot sila sa Division Selection Meet 2019, bagamat hindi nagwagi ay hindi rin sila tumigil sa pag-eensayo lalo na ang mga kasapi ng Gusa Regional Science High School-X Volleyball Boys na kabilang sa East 1 District. Sila ay patuloy na lumalaban para sa kanilang nalalapit na ikatlong laro sa 2019 Inter-School Volleyball Tournament sa Pilgrim Christian College ngayong Oktubre 26, 2019.
gawa ni MIGUEL LADRA
Volleyball - Boys TKD - Boys/Girls Badminton - Boys Table Tennis - Boys Swimming - Boys Chess - Girls
Badminton - Girls Basketball - Boys Swimming - Girls Table Tennis - Girls
Volleyball - Girls
Sa likod ng isang mag-aaral na nagsusunog ng kilay upang maintindihan ang kanilang mga aralin at maisumite ang mga gawaing pang-akademiko ay isa ring atleta na patuloy pa rin sa pag-eensayo sa nakaambang laro kahit tirik ang araw at tumatagiktik ang kanilang pawis. Tunay nga namang ‘di lang sila ehemplo ng kahusayan ng kanilang napiling isport, magaling at ehemplo rin sila sa pagbabalanse sa oras sa paglalaro at pag-aaral. Ngunit, ano nga ba ang mas karapatdapat na pagtuunan ng pansin? Ang pagiging huwaran sa pang-akademikong larangan o ang pagiging magaling sa napiling isport? Kung ang pagkakaroon ng medalya ang pag-uusapan, hindi maikakaila na bilang mga atleta ay mahalagang bagay ito at malaking maitutulong sa kanilang athletic career. Tulad ng isports, ang pag-aaral ay hindi mapapantayan ng kahit anuman. Mawala man ang isport sa ating buhay, ang mga aral na natutunan sa apat na sulok ng silid-aralan ay hindi maiaalis sa ating buhay. Para sa mga atleta, importante ang kanilang larangan sapagkat ito ang nagbibigay ng oportunidad papalapit sa kanilang mga pangarap, ngunit dapat ring isaalang-alang na ang edukasyon ang makakapagbibigay ng tiyak na kinabukasan. Ang pagkakataong magtagumpay bilang atleta ay hindi mauubos o mawawala. Ngunit, ang pagkakataon upang makapagtapos at mabigyan ang iyong sarili ng ginintuang kinabukasan ay may limitasyon. Kung kaya’t kailangan nating ayusin at timbangin nang mabuti ang ating mga prayoridad. Totoong hindi dapat palipasin ang mga oportunidad na dumating sa ating buhay lalo na kung ito ay magiging susi sa tagumpay. Gayumpaman, dapat hindi rin natin sayangin ang oras na ating iginugol sa paaralan gayundin ang sakripisyo ng ating mga magulang. Sa paraang ito, ‘di ilang isa ngunit posible ring parehas na medalya at diploma ang iyong makakamit. Kagaya na lamang ni Jamie Lim isang karateka gold medalist sa SEA Games 2019 at nakapagtapos nitong taon lamang bilang Summa Cum Laude sa Unibersidad ng Pilipinas. “I just believed in myself. I know how to handle the situation. I believe in my techniques. I know I’m made for this–for the moment, for the pressure. Karate is always my art. SEA Games in the Philippines, how special is that? The timing is perfect I got my goals in academics, and I think the signs just told me so.” Pahayag ni Lim matapos manalo sa kamakailan lang na 30TH SEA Games.
Outdoor Society, Biyaheng Eco-friendly!
mula kay PRINCE WAMINAL
ni EULA KAIRA C. EDULAN
Nagsimula sa isang simpleng libangan ng magbabarkadang Prince Waminal, Zyronne Penuela, Jake Quejada at Angelika Taclendo sa pagbibisikleta hanggang sa inimbita sila ng iba pang binatang mahilig din sa naturang isports na sina Cean Bait-it at Renzo Colminas na siyang naging Club Moderator. Sa bawat pedal ng kanilang mga paa patungong Opol, Misamis Oriental at pabalik ng Gusa, Cagayan de Oro City ay kasama ang nais nilang mas dumami pa sila sa susunod nilang paglalakbay. Sa araw ng Hulyo 1, 2019 ay ganap nang ipinatakbo ng Outdoor Society Club ang kanilang mga paa at bisikleta tungo sa isang biyaheng pampa-healthy. Ayon sa isang lider ng grupo na si Prince Waminal, ang samahang ito ay nagsusulong sa pagpapangalaga ng kapaligiran sa pamamagitan ng kanilang mga aktibidad. Ito ay nakapokus sa mga gawaing gumagamit ng bisikleta dahil bukod sa nakakapag-ehersisyo at nakakapag-halubilo, nakapupunta rin sila sa mga malalayong lugar na walang anumang napipinsala sa kalikasan dahil hindi sila gumagamit ng mga fuel at smoke. “The goal is to have fun, socialize, be physically active and most importantly don’t leave anyone behind.” Ito ang pananaw ng mga
kalahok sa kanilang bawat pagharap sa hamon. Isang buwan na rin ang lumipas at marami-rami na ring nalibot ang kanilang pangkat. Maliban sa paglalaro ng Frisbee sa tuwing maghapon ng Martes sa Pelaez Sports Center, Cagayan de Oro City ay nasubukan na rin nilang umakyat sa bundok ng Malasag, Cagayan de Oro City. Isa noong pampalipas oras ng magkakaibigan tsaka yumabong sa isang malaking samahan. Isang stress reliever, nagpapatibay ng loob para madaig ang hamon sa akademiko, sa pagkakaisa ng kanilang organisasyon at sa gabay ng kanilang Club Adviser na si G. Adam Ray H. Manlunas, kapit bisig sila sa pagtadyak ng katagang “We start strong, we finish stronger together.”
kuha ni CARMEL SOLARTE
isports | 18
ANG SINAGTALA | OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL - X. TOMO XXVII BILANG III | HUNYO-DISYEMBRE, 2019
LATHALAIN
iron girl
1 10 sa
umariba sa
International Stadium
marathon ay nakamit ang unang pwesto
sa
mga
numero BAKAL NA HINDI BABAGAL Nakapako ang tingin ni Mearianne Suico sa finish line ng kanyang sinalihang Triathlon event noong Setyembre 22, 2019 sa Tubod, Lanao del Norte.
ni MARCHIERE G. BALLENTOS
S
ing tibay ng bakal ang determinasyon ng isang Iron girl o Triathlon athelete na mag-aaral ng Gusa Regional Science High School-X na si Mearianne Pearlleen C. Suico matapos lumahok at patuloy na lumalaban sa maraming malalaking kompetisyon sa bansa at pang-internasyonal na palakasan.
Ang Triathlon ay isang multisport race na may tatlong patuloy at magkasunod-sunod na endurance race. Isang disiseis anyos ang kailan lang naging interesado sa isports na ito nang sinubukan niyang sumali sa running group ng kaniyang ina. Maraming karangalan na rin ang kaniyang naiuwi kabilang na rito ang kabago-bago lang na Standard Chartered Singapore Marathon na kinalahokan ng kanilang running team na DPS Racing noong ika-1 ng Disyembre, 2019 sa Marina Bay Singapore; ang Milo Marathon sa Cagayan de Oro City noong ika-17 ng Nobyembre, 2019; at ang AgNorMan Triathlon o Yumba Tu Agusan noong ika-10 ng Nobyembre, 2019 sa Agu-
san del Norte kung saan umani siya ng pilak at iba pang mga medalya. Lumalahok din siya sa New Clark City Triathlon noong Oktubre 20, 2019 sa New Clark City’s Athletic Stadium, Capas, Tarlac at LaNorteMan 2019 Leg 2-29 & Below Female Sprint Distance Category kung saan nakuha niya ang ikalawang gantimpala noong Setyembre 22, 2019 sa Tubod, Lanao del Norte. Linggo-linggo ay iginugugol niya ang libreng oras sa pag-eensayo ng tatlong magkaibang isport na biking, running at swimming. Araw-araw matapos ang klase ay siya’y nagbibisikleta tungo sa Pelaez Sports Cen-
ter, doon ay sinasalit-salit niya ang running at swimming. Sa tuwing katapusan naman ng linggo ay alinman sa long bike ride o long run ang kaniyang isinasanay. Isa sa pinaka ‘di malilimutan niyang labanan ay ang Go for Gold Sunrise Sprint kung saan kasama niyang nakatunggali ang mga atletang lumalahok sa ibang bansa. “We all start at the very bottom, so we all have to be always patient. Just keep on working hard because the reward you’ll get is as good as the hard work that you put in to your sport.” Ani ni Suico na patuloy na nakikipagsapalaran para sa susunod niya mga kompetisyon.
mula kay MERIANNE SUICO
mula ni MEARIANNE SUICO
LATHALAIN
KAMPUS EKSPRES
Pambato ng Distrito
Makabagong Larangan
Lambonao dinomina ang Men’s Singles ni MARCHIERE G. BALLENTOS
ni LAURENCE E. MEJIAS
Sa paglipas ng panahon, maraming pagbabago ang nagaganap sa ating mundo. Isa na rito ang pag-usbong ng mga makabago at teknolohikal na larong tinatawag na “e-sport” o electronic sports.
SMASH. Nagbabadyang umariba ng isang smash hit si Marx Lambanao sa kanyang kampeonatong laro, i ka-31 ng Agosto, 2018 sa District Meet.
kuha ni MIGUEL LADRA
Winalis ni Marx Lambonao ng GRSHS-X ang kanyang mga kalaban sa East District 1 Meet matapos magpasiklab ng perpektong kartada sa kabuuan ng patimpalak sa Capitol University Basic Education Department noong ika-7 ng Setyembre. Di nagpatibag si Lambonao sa tatlong nakalaban na galing sa Capitol University-BED, East Gusa National High School, at GRSHS-X matapos pataubin ang mga ito sa loob lamang ng dalawang sets. Una niyang nakaharap ang kaniyang former teammate sa Men’s Doubles sa kanyang paaralan sa junior high school na si Christian Dave Micabalo ng CUBED, kaagad niyang dinomina ang laro at hindi na pinaporma pa ang kalaban, 2-0. Tuloy-tuloy ang kanyang mga matutulis na tira sa semi-finals kontra ang
pambato ng East Gusa NHS matapos ang 9-0 run na nagbigay sa kanya ng matinding kompyansa sa buong laro at nagpalubog sa kalaban, 2-0. Naging mainit naman ang simula ng harapan nila ni Zif Acedillo na parehong pambato ng RS sa Finals, matinding depensa ang ipinakita ng dalawa sa simula ng laro na nagpatabla sa kanilang iskor, 6-6. Unti-unting umalagwa si Marx matapos ang mga service errors ni Zif na nagbigay sa kanya ng kalamangan, 10-7, pinilit tapyasin ni Acedillo ang kalamangan ngunit nasa panig na ng kanyang
katunggali ang momentum na nagpataob sa kanya sa unang set, 15-13. Patuloy pa rin sa kanyang mabagsik na pagbalasa dulot ng on-point smashes si Lambonao sa simula ng ikalawang set na nagdulot sa kanya upang makalayo, 6-1. Hindi nawalan ng pag-asa si Zif Acedillo na determinadong mahabol ang kalamangan, umiskor siya ng aim na sunod-sunod na puntos upang makuha ang kalamangan 6-7.
Habang karamihan ay hindi sumasang-ayon sa mga posibleng benepisyo ng online gaming, may malawak na mga pananaliksik ang nagpapatunay sa mga epekto nito sa pagpapaunlad ng abilidad sa pagdedesisyon, critical thinking at abilidad sa pagbubuo ng estratehiya ng mga bata. Sa mga patunay ng mga pananaliksik na ito, oras na ba upang ang ikonsider ng Gusa Regional Science High School-X ang pagsama ng ‘responsableng’ online gaming sa mga ICT classes? Isa si Christian Gem Pimentel, guro sa ICT ng institusyon, sa mga sumang-ayon sa pagsama ng ‘responsableng’ online gaming sa mga klase. “It helps students improve their critical thinking and strategic skills that could help them in any decision they want to make”, sabi ni Pimentel. Bukod pa rito, inihayag din ng ibang mag-aaral na nakatutulong ito sa pagpapababa sa stress at pagod na kanilang nararamdaman. Sa impluwensiya ng mga ito sa ating modernong mundo, palagi nating ikonsidera at isaisip ang balanse o equilibrium sa mga bagay-bagay. Kahit masasabi mang may kakayahan ang institusyon sa pagsama ng online gaming sa mga klase, ang tamang panuto at gabay ay kailangang bigyang-diin upang magamit lamang ito sa benepisyal na pamamaraan.
kuha ni MIGUEL LADRA
19 | isports
ANG SINAGTALA | OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL - X. TOMO XXVII BILANG III | HUNYO-DISYEMBRE, 2019
i n o lar LATHALAIN
n a ju
ni DANICA ELA P. ARMENDAREZ
“Tagu-taguan, maliwanag ang buwan. Isa, dalawa, tatlo, nakatago na kayo!”
LARO NG LAHI. Bakas sa mga ngiti ng mga mag-aaral ng Grade 7 Zircon ang kanilang pananabik sa paglalaro ng Luksong Tinik.
kuha ni MIGUEL LADRA
Mga salita na nagmumula sa iyong ka-miyembro sa larong tagutaguan, isa lamang sa mga napakaraming laro ng lahi na kinalakhan ng mga batang Pilipino kasama na ang luksong tinik, chinese garter, tumbang-preso, syato, piko, holen sipa, luksong baka at iba pa. Naaalala mo pa ba ang huling pagkakataon na pinaglaanan mo ng oras ang mga larong ito? Yung mga panahong kahit tirik ang araw at tumatatagiktik ang iyong pawis ay wala kang pakialam makapaglaro ka lang kasama ang iyong mga kaibigan?
getand wet ! wild
Whitewater rafting, patok na atraksyon sa Cagayan de Oro
Marahil sa paglipas ng panahon at pag-usbong ng modernong teknolohiya kakaunti na lamang ang makakasagot ng ‘oo’. Sa pag-iba ng ihip ng hangin sa ating henerasyon ngayon, nakakalungkot man isipin ngunit tila parang kandilang nauupos ang sindi ang unti-unting paglaho ng ating mga kinagisnang laro. Dahil dito, kasabay ng klase ni Gng. Jinny Luminhay, guro ng Gusa Regional Science High School sa Filipino 7, ang pagsasagawa ng mga tradisyunal na larong pinoy gaya nalang Luksong Tinik. Sa larong Lukong Tinik, pagdirikitin ng dalawang manlalaro ang
kanilang mga talampakang magsisilbing “tinik”. Magsisimulang magsipagtalon ang bawat miyembro ng kabilang koponan sa “tinik”, hanggang makatalon ang huling kasapi. Kung sakali’t walang tumama sa “tinik” ay daragdagan ang pagpapatong ng mga kamay hanggang tumaas ang tinik. Ayon kay Gng. Luminhay, ginawa niya ito upang mabigayan-diin ang kahalagahan ng kulturang Pinoy, sa harap ng mga pag-usbong ng teknolohiya na kinahuhumalingan na ngayon ng mga kabataan. Hindi rin ito ang unang pagkakataon na ipinakita ng mga mag-
aaral ng institusyon ang kahalagahan sa pagpapanatili sa ating kultura. Kasabay ng selebrasyon ng anwal na Mathematics Olympics, National Science and Technology Week at Buwan ng Wika ay ang pagkabuhay sa mga tradisyonal na laro gaya ng tumbang preso, patintero at habulan. Wala namang masama sa pakikibagay sa daloy ng modernong panahon ngunit atin pa ring dapat bigyang halaga ang mga simbolismo ng ating kultura dahil ito ay mga pamana ng mga nakaraang henerasyon at ito ang nagrerepresenta ng ating pagkakakilanlan at pagkakaisa bilang mga Pilipino.
KAMPUS EKSPRES
White Stallions Sugatan sa Atake ng Black Panthers ni TARA G. TORRES
ni MARCHIERE G. BALLENTOS
Bakit nga ba kilala ang siyudad ng Cagayan de Oro bilang ‘Whitewater Rafting Capital’ ng bansa?
Nakilala ang Cagayan de Oro City sa pamamagitan ng ating ilog na punong-puno ng kagandahan at adventures na kinagigiliwan ng mga dayuhang bumibisita sa ating siyudad. Ayon kay Christopher T. Factura, bagama’t matagal nang kilala ang Cagayan de Oro bilang Siyudad ng Ginintuang Pagkakaibigan, kamakailan lamang ay nakilala rin ito bilang “Whitewater Rafting Capital” ng bansa. Kahit nag-aalok man ang ibang siyudad ng Rafting, iba pa rin ang alok ng Cagayan de Oro. Sa katunayan, itinataguyod ng Kagawaran ng Turismo ang Whitewater Rafting bilang pangunahing pangdayuhang atraksyon ng siyudad. Sumubok na rin sa hamon ng water rafting sa Cagayan River, ang pinakamahabang ilog sa rehiyon, sina dating pangulo Gloria Macapagal-Arroyo at iba pang sikat na mga personalidad. Ang ilog ang nagsisilbing natural boundary ng Bukidnon at Iligan City at sa kalagitnaan ng Bukidnon at Cagayan de Oro, ayon sa administrative order na itinakda ng Department of Mindanao and Sulu. Ito ang ilan sa mga trivia patungkol sa kinagigiliwang Whitewater Rafting: Ang orihinal na pangalan ng ilog ng Cagayan ay Kalambaguasasahan River, dahil sa presensya ng Lambago trees (Hibiscus tiliaceus) sa mga river banks. Ngunit, pagdating ng mga Espanyol sa lugar, ito ay nabago bilang “Cagayan River” o nangangahulugang “a place with a river”. “There were 14 rapids all in all, each with different names and characteristics. The whole water rafting experience lasted for a couple of hours. We didn’t notice how fast the time flew as the scenaries along the river were breathtaking. We saw some caves and wild plants. And I will not forget the green, three-meter snake we saw resting in one of the trees,” pahayag ng isang rider patungkol sa kaniyang karansan sa whitewater rafting.
LUSOT. Buong tapang na linusot ni Kent Lago ng White Stallions ang bola para sa puntos. Buong tapang na linusot ni Kent Lago ng White Stallions ang bola para sa puntos. kuha ni CARMEL SOLARTE
Muli na namang umuwing sugatan ang puti laban sa lakas ng itim, subalit ang itim na ito’y binubuo ng sanib puwersa ng nagkakaisang Grade 12 Black Panthers laban sa Grade 11 White Stallions sa kanilang basketball championship game noong Intramurals 2019, Agosto 23 sa Sto. Niño Basketball Court, Gusa, Cagayan de Oro City sa puntos na 26-25. Gaya ng isang Panther na matatalas ang mga pandinig at malalakas ay halata namang kita ito sa pagkakaisa ng Grade 12 Black Panthers sa pangunguna ni Jehue Namocatcat na pumanalo sa kanilang koponan ng mashoot niya ang free throw sa nalalabing limang segundo ng laro. Maliksing lay up shot naman ang ipinamalas ni Lord Ortiz upang manguna sila sa unang kwarter at tuluyan nang bumentahe ng 3 puntos laban sa kabilang koponan. Sinuklian naman ito ng isang three point shot ni Christian Gonzaga na pumantay sa puntos ng dalawa. Natapos ang unang kwarter na may pareho silang puntos na 6-6.
Sa ikalawang kwarter naman ay una ring umani ng puntos si Ortiz at sindundan ng two point shot ni Namocatcat. Subalit hindi nagpatinag ang White Stallions at agarang nagpalitan ng puntos ang dalawa. Sa determinadong two point shot ni Kirby Magto ng White Stallions ay umungos ang kanilang koponan, 10-12. Uhaw na nagpapalitan ng tira ang magkabilang panig at bumenta ng tatlong puntos ang White Stallions laban sa Black Panthers, 17-20. Nang isang minuto na lamang ang nalalabi ay natahimik na lamang ang madla ng di inaasahang madapa si John Robert Real ng ito’y na-aksiden-
teng nasiko ni Namocatcat. 30 segundo na lamang ang natitira nang umabot sa 24-25 ang naging puntos ng koponan, lamang ang White Stallions. Mas uminit pa ang labanan ng umabot sa limang segundo ang nalalabing oras at nadapa si Namocatcat dahil sa cramps ng kaniyang mga paa. Siya’y nabigyan ng pagkakataong tumira ng free throw shot na nagpapanalo sa Black Panthers sa puntos na 26-25. Talagang ang pagkakataong maging kampeon ay napunta sa huling taon ng Grade 12 Black Panthers sa GRSHS-X Intramurals 2019.
ANG SINAGTALA | OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL - X. TOMO XXVII BILANG III | HUNYO-DISYEMBRE, 2019
lathalain
ang
Sinagtala
isports
Iron girl umariba sa International Stadium
Winalis ang East
balita
East 1 District Volleyball Boys Lumagpak sa 2019 Division Meet, 0-2 pahina 17
CDO’s Golden Athletes Tatlong Kagay-anon umani ng Ginto sa SEA Games 2019
pahina 18
GINITO NG CAGAYAN DE ORO. 3 Kagay-anon na sina Francis Alcantara (lawn tennis), Carlo Paalam (boxing), at si Andrea Tongco (basketball women) ay nag-uwi ng mga gintong medalya sa 2019 SEA Games na ginanap sa New Clark City, Bamban, Tarlac. Mga larawan mula sa Rappler.com
ni MARCHIERE G. BALLENTOS
sa
mga
numero gawa ni MIGUEL LADRA
Medalyang nasungkit ng CDO sa SEA Games 2019
3 Gold
1 Silver
T
3 Bronze
Francis Alcantara
Carlo Paalam
atlong determindaong Kagay-anon ang umani ng gintong gantimpala sa kasagsagan ng ika-30 Southeast Asian Games noong Nobyembre 30-Disyembere 11, 2019. Si Carlo Paalam sa larong boxing, si Francis Casey Alcantara sa Men’s Doubles-Lawn Tennis at Andrea Tongco para sa Women’s Basketball.
Natubos na nga ni Carlo Paalam ang kaniyang inaasam-asam na panalo laban sa Indonesia sa kanilang boxing men’s light flyweight sa Philippine International Convention Center, Pasay City, sa puntos na 5-0, matapos ang kaniyang kontrobersiyang pagkatalo noong 2017 SEA Games. Bagamat sigurado na nga ang ginto para sa Pilipinas sa larong Men’s Doubles-Lawn Tennis nilamangan pa rin ni Francis Alcantara kasama ang kaniyang teammate na si Jeson Patrombon ang kababayan sa kabilang koponan sa kanilang all-Filipino finals sa Rizal Memorial Sports Complex sa puntos na 2-0. Nasungkit naman ng Perlas Pilipinas kung saan kabilang si Tongco, ang kanilang unang ginto sa SEA Games matapos tambakan ang koponan ng Thailand sa women’s basketball 5x5 sa Mall of Asia Arena sa puntos na 91-71. Sa simula pa lamang sa labanan nina Paalam at Kornelis Langu ng Indonesia hindi na nagpatinag si Paalam sa kaniyang maiinit na suntok na nagpaulan ng matitinding tira kay Langu sa buong laro. Sa kabila ng kaniyang malakasang
tira hindi pa rin kinalimutan ni Paalam na mag-ingat sa kalaban na tumungtong na sa Olympics. Subalit, nilamangan pa rin ito ni Paalam sa kaniyang mahihigpit na kamao at sa pagsalubong sa tira ni Langu sa pamamagitan ng kaniyng left crosses. Sa pagdating ng ikatlong round, sinubukan muli ni Langu na lumaban ngunit tanging mga depensa lamang ang kaniyang natatanggap sa kalaban sa mga uppercuts ni Paalam na nagpatalo sa Indonesian, 29-28, 30-27, 30-27, 30-27, 30-27. Kahit na hindi pa sanay sa isa’t isa sina Alcantara at Patrombon, nanaig pa rin sila laban sa kabilang koponan na sina Treat Huey at Ruben Gonzales sa Men’s Doubles-Lawn Tennis. Nagharapan ang Alcantara-Patrombon duos at Huey-Gonzales sa finals matapos pataubin ang dalawang koponan ng Vietnam. Sa pamamagitan ng maling pagtira ni Gonzales sa match point ay nagwagi ang kabilang koponan sa labanan na umabot sa mahigit isang oras at tatlumpung minuto sa puntos na 7-6 at 7-5. Talaga nga naman nakatulong ang kaalaman at pagiging pamilyar ni Alcantara sa kalaban para manaig at makamit
DOBLE-DUSA NG GUSA
ang unang ginto sa Men’s Doubles-Lawn Tennis. Pinangunahan naman ni Jack Animan, teammate ni Tongco ang laro sa kaniyang pasabog na tira sa ikatlong canto ng laro na nagbigay daan para manguna sa laro, 68-52. Nagtulungan naman sina Afril Bernadino at Janine Pontejos sa pagsungkit ng 23 puntos para manguna at maangkin ang unang ginto sa women’s basketball 5x5 sa puntos na 91-71. “I’m really happy because I got robbed in Malaysia so I thank the Lord for giving me the strength a top the ring, I shut myself from social media because I wanted to focus on my fight and I did this for my country, the Philippines, for my family and for all my supporters.” Pahayag ni Paalam. Talagang nanaig ang mga ginintuang atleta ng Cagayan de Oro sa SEA Games 2019 kasama ang iba pang Kagay-anon na sina Aldee Denuyo, silver medallist ng women’s rugby; Janry Ubas, bronze medallist ng decathlon; Yuhei Go, bronze medallist ng 4x100m Relay; at Edmar Bonono, bronze medalist ng beach volleyball. ni TARA G. TORRES
GRSHS-X Basketball Team Dinausdos ng SHJMS sa 2019 East 1 District Selection Meet, 54-103
BLOCK. Hinarangan ng taga CNHS ang tira ni Von Chua ng GRSHS-X
Andrea Tongco
KAMPUS EKSPRES
SIKLAB SA SAYAWAN GHX ibinulsa ang kampeonato sa Danztrack CDO ni LAURENCE E. MEJIAS
Dinomina ng 15 pambato ng Gusa Regional Science High School ang kategoryang pang-sekundarya sa CDO Interschool Hiphop Dance Competition 2019 matapos iuwi ang unang pwesto kontra sa siyam na iba pang paaralan sa Capitol University, ika-24 ng Agosto, 2019. Nasikwat din ng GHX ang Most Popular Award na nagbigay ng malaking ambag sa kanilang panalo dahil labinlimang porsyento ng criteria ay nakatuon sa popularity ng kalahok na binase sa dami ng naibentang ticket ng eskwelahan. “Nag-ensayo kami sa loob lamang ng dalawang buwan at pinangunahan ng aming team leader na si Julia Ranara ang pagbuo ng sarili naming choreography at ayaw naming masayang ang kanyang efforts,” pahayag ng grade 11 student na si Lucy Amora. Nakamit ng grupo ang P10,000 cash prize at P100 discount kada miyembro sa Seven Seas Waterpark & Resort kasama ang kanilang moderator na si Mrs. Elfinda Lagumbay. Umani rin ng panibagong gantimpala bilang ikalawa sa mahuhusay ang GHX nang maipanalo nila ang pasiklaban sa World Environmental Health Day na pinangunahan ng Department of Health noong Oktubre 3, 2019 sa Pearlmont Inn, Cagayan de Oro City.
kuha ni MIGUEL LADRA
Kinapos muli sa ikalawang pagkakataon ang Gusa Regional Science High School- X Basketball Team sa 2019 East 1 District Selection Meet, Setyembre 7, 2019 sa Gusa Basketball Court laban sa Saints ng Sacred Heart of Jesus Montessori School. “All our efforts really paid off. We worked hard for the preparation of the District Meet, we even joined a basketball league just for this. We did everything we can to compete against SHJMS’ Saints in the championship game but the team was tough to beat with.” Ani ni Joren Israel, 22, captain ball ng GRSHS-X Basketball Team. Sa unang kwarter pa lamang ng laro ay agad ng ipinamalas ng Saints ang kanilang matitibay na depensa sa pangunguna ni Laurence Roda na nagpahirap sa koponan ng GRSHS-X para tumira ng puntos. Umabot sa 19 puntos na bentahe ang Saints sa ikalawang canto ng laro.
Mas lumagablab pa ang init ng labanan ng dinomina muli ang Saints sa kabila ng mga opensibang hatid ng GRSHS-X na umani ng 103 na puntos laban sa 54 na puntos ng Reg Sci. “We just played how Saints really play, we worked since summer for this and fortunately everything went on plan.” Ani ni Roda, isang MVP sa District Meet sa pangalawang pagkakataon. Tumarak ng 24 na puntos sina Israel at Vincenz Serina at kasama sina John Robert Real, Thirdy Seguisabal at SHJMS’ Saints na umabante sa Division Selection Meet 2019 ngayong Setyembre 27, 2019.
mula kay ZHACHARY DELA ROSA