Ang Bakas ng Karanasan, ang Tanda ng Kaalaman
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Gusa Regional Science High School - X Tomo XXXI | Bilang I NOBYEMBRE, 2023 - MARSO, 2024
Papanatilihin ang 30 hanggang 35 na ratio ng estudyante bawat silidaralan’ - Rodriguez
Anim na klasrum, itatayo tugon sa kakulangan ng pasilidad
Huwag matakot na magsumbong dahil kayo ay nasa tamang panig.
BALISA SA PAGNANASA
Pagdami ng biktima ng panliligalig,
Regionalista, tumindig laban sa lumalalang kaso ng pambabastos, nanawagan ng agarang aksyon
MGA NILALAMAN
TransportAKSYON
BALITA | PAHINA 02
Nakakubling Takot
OPINYON | PAHINA 05
PaTINDERO
LATHALAIN | PAHINA 09
Pasensiya Siyensiya
AGTEK | PAHINA 13
ang
I-scan
nI ELOUISE CAÑEDO at RYAN TABAMO
anindigan ang mga mag-aaral ng Gusa Regional Science High School-X (GRSHS-X) dahil sa mabagal na solusyon sa sunod-sunod na lumalalang kaso ng pambabastos sa mga mag-aaral na nagsanhi ng pagkabalisa at kawalan ng seguridad sa mga mag-aaral.
Bagaman ay naniniwala silang ‘environment-friendly’ ang nasabing paaralan, hindi mawala sa kanilang isip ang takot at pangamba na kanilang dinadala sa tuwing lumalabas sa kanilang silid-aralan.
Mula sa eksklusibong panayam ng isang biktima ng pambabastos na itinago sa pangalang Gia, “Bigay na hindi lang ako ang unang biktima na nagsumbong at ilang taon na ring nagpapatuloy ang isyu, ilang mag-aaral pa ba ang kailangang makaranas ng ‘harassment’ upang mabigyan ito nang mabilisang solusyon?” Banggit pa niya, marami rin ang naging biktima nito, kasama na ang kaniyang mga
kaklase noong may kaganapan sa kanilang klasrum, at ginawa pa umanong dahilan ang kasuotan nito upang bigyang-katwiran ang kanilang ginawa.
PAMBABASTOS NG ISANG
KONTRUKSYON WORKER
Setyembre ng taong 2023 nang mangyari ang isang insidente na kung saan si Gia ay nabastos ng isang trabahador ng nasabing paaralan sa pamamagitan ng paninitsit at pagkuha ng sensitibong litrato nang walang pahintulot.
“Abala po kami sa pagsagot ng aming pasulit nang bigla po akong nakarinig ng
sitsit. Hindi ko po napansin na nakaangat nang bahagya ang palda ko, sa paglingon ko, nahuli kong nakatutok ang cellphone nila sa akin, at nung napansin nila ako, agad nilang itinago ang cellphone, doon na po ako natakot,” kwento niya. Aniya pa, agad niyang sinumbong sa kaniyang guro ang pangyayari at humingi raw lamang ng kapatawaran ang mga trabahador, na siyang pruweba na kinunan nga ng litrato ang biktima.
/ipagpatuloy sa P4
Isinagawa ang Groundbreaking Ceremony para sa dalawang palapag na gusali, bilang solusyon sa kakulangan ng silid-aralan ng Gusa Regional Science High School-X (GRSHS-X) noong ika-10 ng Oktubre 2023.
Pinangunahan ni Congressman Rufus B. Rodriguez, mambabatas ng ikalawang distrito ng lungsod ng Cagayan de Oro ang proyekto, naglaan ng halagang 18.5 milyon para sa bagong gusali na magkakaroon ng anim na modernong silid-aralan naglalayong mapabuti ang pasilidad ng paaralan para sa mga magaaral.
Araw ng seremonya, ipinarating nina Rodriguez at Elizer O. Teruel, punongguro ng paaralan, ang kanilang positibong pananaw sa proyekto, na nagsisilbing solusyon sa mga suliranin tulad ng masikip na silid-aralan dahil sa lumalaking populasyon at kakulangan sa pasilidad, na nauuwi sa 45 na mag- aaral bawat silid.
“Mahalaga ang pagpapanatili ng tamang ratio ng guro at estudyante na 30 hanggang 35 bawat silid- aralan. Ang bagong gusali ay inaasahang magbibigay ng mas magandang kapaligiran para sa pag-aaral,” dagdag ni Rodriguez.
Inaasahan na matatapos ang konstruksyon ng gusali pagtapos ng anim na buwan, at kasunod nito ang iba pang plano para sa mas maraming silid-aralan na magdadala ng positibong pag-unlad sa mga mag- aaral.
Kasama sa seremonya ang DepEd-10 Engr. Rosalio Vitorillo, mga opisyal ng DPWH, at mga lider ng Barangay Gusa, na nagpapakita ng pagsusumikap para sa paaralan.
Naglakbay tungo sa mahalagang hakbang sa pagtugon sa mga hamon ng paaralan, sa suporta ng pamahalaan at dedikasyon ng administrasyon, umaasang magbubunga ito ng mas mabuting edukasyon para sa paaralan.
SA MGA NUMERO
P18.5M
na pondo ang inilaan para sa bagong gusali
Pinagmulan: Cong. Rufus Rodriguez ni CLAIRE CAYABYAB
KINIPIL
Regionalistas, humakot ng medalya sa IKMC 2024
ni ELOUISE CAÑEDO
Patuloy na namayagpag ang Gusa Regional High School-X (GRSHS-X) matapos maipanatili ang sunod-sunod na paghakot ng pilak at tansong medalya sa isinagawang International Kangaroo Mathematics Competition (IKMC) noong Marso 23-27, 2024.
Nakamit ng Grade 9 student na si Clark Naces ang pilak na medalya, samantalang tansong medalya naman ang natanggap nina Ethan Dabad at Ivan Garcia, mga Grade 11 at 12 students, ayon sa pagkakasunod.
Ang IKMC ay isang internasyonal na kompetisyon sa matematika sa mahigit 77 bansa na anim na antas ng pakikilahok, mula grade 1 hanggang grade 12, at isinasagawa tuwing ika-tatlong huwebes ng Marso.
ang
sinagtala
ONLINE NA!
‘‘
lamang ang QR Code upang ma-access ang page.
sinagtala
Maria Louella Ruz de Garcia-Raut Assistant Principal
N
ni RENE
BALITANG
DAGDAG KWARTO SA PAARALAN. Sa pangunguna ni Congressman Rufus B. Rodriguez, naglunsad ng groundbreaking ceremony upang tugunan ang kakulangan sa pasilidad para sa dumaraming mag-aaral. KUHA NI AVRIL CARVERO
DIBUHO
TADENA KAMPUS EKSPRES
BALITA
GRSHS-X, naglunsad ng Honesty Pantry
ni RYAN TABAMO
Naglunsad ang Gusa Regional Science High School-X (GRSHS-X), sa pangunguna ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG), ng programang “Honesty Pantry” upang mabigyan ng sapat na pagkain ang mga mag-aaral, lalo na ang mga nahihirapang makabili sa kantina.
Dahil sa kakulangan ng sapat na pondo, isinagawa ang programa kung saan kada linggo ay may iba’t ibang baitang na mag-iisponsor. Sa katunayan, tinatayang umabot na ng mahigit 70% na magaaral ang nakikinabang sa inilunsad na programa ng paaralan base sa isinagawang sarbey ng SSLG.
Edukasyong sekswal, kalusugan sa GRSHS-X, pinaigting
ni JOHN TIMOTHY BERNIDO
Upang matugunan ang kakulangan sa edukasyon sa sekswalidad at kalusugan, naglunsad ang Gusa Regional Science High School-X (GRSHS-X) ng simposyum na SeXplainEd na naglalayong mapababa ang bilang ng ‘teenage pregnancy’ sa lungsod.
Pinangunahan ito ng GRSHS-X Pride Club, katuwang ang GRSHS-X PopDev Club, na parehong layuning wakasan ang isyung ito. “Kailangang alisin ang stigma sa paksang ito upang makamit ang responsableng komunidad,” pahayag ni Joshua Ruiz, isang guest speaker. Dagdag niya, mahalagang pag-usapan ang mga ito upang mabigyan ang kabataan ng tamang kaalaman laban sa mga suliraning pangkalusugan at panlipunan.
Inaasahan ng dalawang club na magsilbing inspirasyon ang simposyum upang imulat ang kamalayan ng mga mag-aaral sa mga isyung ito tungo sa kanilang magandang kinabukasan.
TRANSPORTAKSYON
Komyuters, hinahamon sa Sistema ng Transportasyon
Nagsisitaasang presyo ng pamasahe at gasolina , ikinayamot
ni CLAIRE CAYABYAB
ag-aalala ang maraming estudyanteng komyuter sa kasalukuyang kalagayan ng transportasyon sa Lungsod ng Cagayan de Oro dahil sa limitadong mga pampublikong sasakyan na namamasada at pagtaas ng pamasahe dulot ng oil price hike.
It’s not easy, especially for students who struggle to afford transportation fare just to get to school.
Bunga ng pahayag ng European Union ukol sa pagpapatupad ng partial ban sa Russian oil imports, nakakaranas ng matinding hamon ang mga komyuter sa bagong pagtaas sa presyo ng langis, kabilang na rito ang mahigit 600 estudyanteng komyuter mula sa Gusa Regional Science High School-X ang naapektuhan sa inplasyon.
Ayon sa Pilipinas Shell Petroleum Corp., Chevron Philippines, at Seaoil, tataas ng P2.70 ang presyo ng bawat litro ng gasoline, P6.55 sa
RS JHS alumni, apektado sa paglipat ng paaralan mula sa SUCs at LUCs
ni KIESHA ENRIQUEZ
Apektado sa paglipat ng paaralan para sa school year 2024-2025 ang mga JHS alumni ng Gusa Regional Science High School-X (GRSHS-X) matapos ihinto ng CHED ang pagpapatupad ng mga senior high school (SHS) programs sa state universities and colleges (SUCs) at local universities and colleges (LUCs).
Nagbabala ang mga guro at estudyante na lilipat sa mga paaralan gaya ng GRSHS, na nagreresulta sa pagsikip ng mga silid-aralan. Ayon kay Department of Education spokesperson Undersecretary Michael Poa, mahigit 17,700 ka estudyante sa Grade 11 ang naka enroll sa SHS sa taong 2023-2024, kasama ang mga graduate ng junior high school sa GRSHS.
“We must also consider the affected students who cannot afford to enroll on private schools and teachers who will lose their job on colleges or universities throughout this shs discontinuation,” pahayag ng isang estudyante ng GRSHS.
Iminungkahi ng Teacher’s Dignity Coalition (TDC) at Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK) na dapat isaalang-alang ng DepEd ang geographic distribution ng mga estudyante na madi-displace dahil sa nagbabadyang ‘discontinuation’ ng SHS.
“We assert that with the DepEd’s outstanding classroom backlog of about 165,000, accommodating displaced SHS students will be the main concern. It will mean that classes in public schools will be congested, which will lead
PAGCHACHAGONG PANLOLOKO
to overburdening our teachers,” saad ng grupo.
Dagdag pa nila na dapat i-konsidera ng DepEd ang geographic spread ng mga displaced na estudyante upang maiwasan ang pag-enroll sa mga malalayong lugar kung saan nakakadagdag lang ng gastusin sa mga pamilya.
Gayunpaman, nagbabala ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) laban sa ‘discontinuation’ dahil sa kakulangan ng mga paaralan sa buong bansa, kung saan inaasahan nila ang pagsikip sa mga klasrum at kakulangan sa learning materials na nagreresulta sa overloading ng mga guro.
Sinabi ng ACT kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dagdagan ang pondo ng mga pampublikong paaralan upang matugunan ang kakulangan at ma-suportahan ang mga SUC, LUC na nag-aalok ng mga programa ng SHS sa halip na isara ito.
diesel, at P5.45 sa kerosene. Batay sa Statista Research Department, ang minimum na pasahe para sa traditional public utility jeepneys (PUJs) ay 12 Philippine pesos. Sa kumparasyon, ang minimum na pasahe para sa modernong PUJs ay
Samantala, ayon ng DepEd nitong Enero 4 na kayang saluhin ng mga pampublikong paaralan sa ngayon ang libu-libong SHS students na madi-displace sa susunod na taon sa pagputol ng programa.
Pagpirma para sa People’s Initiatives, tinutulan ng mga mag-aaral
patuloy na pagtaas ng presyo ng diesel at gasolina. ”Isa sa mga dahilan kung bakit ako tumigil sa pagsakay sa carpool ay ang patuloy na pagtaas ng bayarin buwanbuwan. Noong 2019, ang aming binabayad ay 1,200 pesos kada buwan lamang. Ngunit dahil sa sunudsunod na pagtaas, umaabot na ng 1,800-2,000 pesos ang kinakailangang ibayad ngayon.” Pahayag ng isang mag-aaral sa isang panayam sa nasabing paaralan.
Isa pa sa nagpapalala sa sitwasyon ay ang Public Utility
Kinontra ng mga mag-aaral ng Gusa Regional Science High School-X (GRSHS-X) matapos iminungkahi ang pagimplementa ng Charter Change (Cha-Cha) sa pamamagitan nang panlilinlang upang makakolekta ng pirma sa mga mamayan sa lungsod ng Cagayan de Oro (CDO) na naging dahilan sa pagkadismaya ng nakararami.
Vehicles (PUV) modernization program na inaasahang magdudulot ng transport krisis sa bansa at magiging hamon para sa mga komyuter.
”Bilang mag-aaral, mahalaga ang kaalaman sa mga detalye at implikasyon ng modernisasyon. Hindi lamang ang mga tsuper kundi pati na rin tayo bilang mga komyuter ang maapektohan ng phaseout. Kapag nawala ang halos 70,000 PUVs sa kalsada, mararanasan natin ang isang krisis sa transportasyon,” pahayag ni Ruehl Galarce, isang
SA MGA NUMERO BSP Encampment silbing ensayo sa kahandaan
Aktibong nakikilahok ang mga kinatawan mula sa Boy Scouts of the Philippines (BSP) sa Gusa Regional Science High School-X sa iba’t ibang camping site at activities sa Cagayan de Oro para maensayo ang kahandaan.
Nabatid ng ilang mamamayan na may ilang barangay sa lungsod ang nagsagawa ng pamimigay ayuda mula sa tanggapan ng gobyerno na hinihikayat kapalit ang pirma ng mga tao na nilalayong gamitin upang baguhin ang saligang batas.
“Hindi pa ito napapanahon, kasalukuyan pa tayong gumagaling mula sa epekto ng pandemyang ito at ang ‘Peoples Initiative’ (PI) ay masyado pang mataas ang proseso bago mapalitan o maamyendahan ang ibang bahagi nito,” banggit ni Jeany Manlunas, isang guro sa paaralan ng Gusa Regional Science High School.
Dagdag pa niya, labag rin sa konstitusyon ang panlilinlang nang mga mamayan sa pagpipirma kapalit ng salapi lalo na’t nawawalan na nang saysay ang PI kung kokontrolin ng mga pulitiko na maimplementa ang Cha-Cha upang manatili sa pwesto para sa kanilang personal na benipisyo.
Batay sa inilabas na datos ng Commision on Elections (COMELEC) ng Misamis Oriental, umabot nang mahigit kumulang 60,000 ang nakalap na pirma na umano’y sang-ayon sa pagpapatupad ng Cha-Cha. Inamin rin ng ahensya na naglaan sila ng malaking pondo upang magamit kung sakaling maipasa ang pag-amyenda ng bagong saligang batas kung matamo ng gobyerno ang mahigit 12 porsyente na pirma mula sa mahigit 67 milyong rehistradong botante sa buong bansa. Tiniyak ng COMELEC na magsasagawa sila ng masusing pagsusuri sa mga tao kung naintindihan nila ang nilalaman ng kanilang nilagdaan at walang pagpipilit sa naganap sa nasabing PI. Gayunpaman, patuloy na nananawagan ng COMELEC sa mga opisyales ng iba’t ibang barangay na iwasang makisali sa anumang gawain na kaugnay sa PI.
OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOLX TOMO XXXI BILANG I | NOBYEMBRE, 2023MAYO, 2024
N
BALITANG LOKAL BALITANG KINIPIL
‘‘
02
SHS KO, SAAN TUTUNGO. Naalarma ang mga dating estudyante ng GRSHS-X sa paglisan ng mga SHS sa SUCs at LUCs, kinabukasan sa pag-aaral ay nanganganib. KUHA NI CAROLYNNE DONGALLO
6th Interschool Advancement Camping, Indahag National High School,
CDO GRSHS-X 4th Joint BSP & GSP Backyard Camping OCT 20-22 NOV 10-12 JAN 26-28
Pinagmulan:
JOTA-JOTI
(66th Jamboree on the Air27th Jamboree on the Internet) Baikingon National High School, Brgy. Baikingon, CDO
Brgy. Indahag,
ni CLAIRE CAYABYAB
GRSHS-X Boy Scouts of the Philippines Tugon sa Tumutunog na Sikmura,
KUHA NI LANCE DABAD.
estudyanteng komyuter mula sa nasabing paaralan.
Dagdag pa niya, posibleng tumaas ang pasahe sa P40-P50 dahil sa malalaking utang mula sa overpriced na minibus at consolidation fee. Ito ay kasabay ng potensyal na pagkawala ng hanapbuhay para sa mga kakilala, magulang, o kamag-anak ng mga estudyante.
Aktibong pakikilahok sa diskusyon at pakikiisa kung saan na mauunawaan ang sitwasyon at makakatulong sa usapan ang panawagan sa
BALITANG LOKAL
SA MGA NUMERO
P2.70 gasoline P6.55 diesel P5.45 kerosene
Pinagmulan: Pilipinas Shell Petroleum Corp., Chevron Philippines, at Seaoil
PROBLEMANG TOO-BIG
PBBM, MVP nagkasundo upang wakasan ang kakulangan ng tubig sa CDO
hamon na patuloy hinaharap ng mga estudyanteng komyuter sa krisis na ito. ”I believe that even students have the right to participate and be heard regarding our concerns, especially the challenges we face in transportation on a daily basis. It’s not easy, especially for students who struggle to afford transportation fare just to get to school,” ayon sa isang estudyante, ukol sa kanyang opinyon sa sitwasyon.
Deped, pinaigti ang school calendar dulot ng matinding init
Mga guro at mag-aaral, apektado sa tambak na gawain
Naramdaman ng mga magaaral ng Gusa Regional Science High School-X (GRSHS-X) ang matinding init na lumalaganap sa buong bansa mula Marso hanggang kasalukuyan, dahilan na maglabas ang Department of Education (DepEd) ng biglaang anunsyo hinggil sa pagpapaikli ng school calendar 2023-2024.
Bunga ng nasabing anunsyo, marami sa mga mag-aaral at guro ang nagsimulang magkaproblema kung paano tatapusin ang lahat ng mga kompetensiya sa limitadong araw ng school calendar kalakip ang banta ng matinding init sa paaralan.
“Karamihan sa amin, sa halip na matuto, abala na kami sa pagpapaypay sa aming mga sarili upang labanan ang init, ang iba naman ay hindi na talaga nakakapokus sa klase,” hinaing ni Anria Betonio, isang mag-aaral ng GRSHS-X.
Marami sa mga estudyanteng katulad niya ang nahihirapan din sa biglaang pagpapaikli ng school calendar dahil sa pagdami ng gawain, na nagdudulot ng stress at pagkapagod sa kanilang mental at pisikal na kalusugan.
Paliwanag ng isang guro, ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang matapos ang lahat ng kompetensiya, ngunit nahihirapan silang tugonan ang hinaing ng bawat mag-aaral na bawasan ang mga gawain dahil kailangang makumpleto ito base sa sinusunod na obhektibo.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAG ASA), ang heat index ng Northern Mindanao sa panahon ng tag-araw ay tumataas mula 30 hanggang 41 degrees Celsius araw-araw.
Maging ang mga mambabatas ay naghangad na mamagitan sa pamamagitan ng paghahain ng mga panukalang ilipat na sa lumang kalendaryo ang iskedyul.
Sa ngayon, ang nagawang resolusyon ng DepEd ay babawasan ng 15 araw ang akademikong taon 2024-2025 upang matiyak na wala ng tao ang paaralan sa panahon ng matinding init sa Abril at Mayo.
Ibabalik naman sa Hunyo ang pagbubukas muli ng mga klase simula sa akademikong taon 2025-2026 at sa susunod na mga taon.
Nakipag-ugnayan si Pangulong Ferdinand ‘BongBong’ Romualdez Marcos kay Manny V. Pangilinan (MVP), may-ari ng Cagayan de Oro Bulk Water, Inc. (COBI) upang ganap nang maibalik ang suplay ng tubig sa lungsod matapos ang sunod-sunod na pagputol sa suplay ng tubig na labis na inalmahan ng nakararami.
Napagkasunduan ng pangulo at MVP na ibalik ang normal na suplay ng tubig habang hinahanapan pa ng mabisang solusyon ang problema sa kakulangan ng suplay ng tubig at lubog na utang ng Cagayan de Oro Water District (COWD).
“I’m very confident that we will be able to solve the problem of water. Lalo na medyo dahan-dahan, umuulan ulan na,” sabi ni Pangulong Marcos, sa isinagawang pantulong na programa ng pangulo sa lungsod.
Dagdag pa ng pangulo, sinang-ayunan ni MVP na makipag-usap sa alkalde upang agad masolusyunan ang krisis at matiyak ang sapat na suplay ng tubig para sa mga apektadong residente.
Tinatayang umabot sa mahigit 60,000 na residente ang apektado sa pagputol ng COBI sa suplay ng tubig matapos bigong mabayaran ng COWD ang mahigit 479 milyon na utang nila sa COBI.
Utang ng COWD sa COBI
“Hindi naging madali para sa amin lalo na’t apektado ang aming negosyong kainan dahil wala talagang daloy ng tubig at hindi mahuhugasan lahat ng pinagkainan, kailangan pa naming mag igib ng tubig sa aming baranggay para lang mahugasan ang mga pinagkainan, mabuti at naibalik na ang daloy ng tubig ngayon,” pagbabahagi ng isang residente, patungkol sa paghihirap niya noong pagputol sa daloy ng tubig. Samantala, namahagi rin ng tulong pinansiyal ang pangulo sa lokal na pamahalaan ng Cagayan de Oro bilang tulong sa mga apektado ng El Niño. Patuloy na nananawagan ang pangulo na kung maaari ay mapag-aralan ng Local Water Utilities Administration ang paghawak ng COWD upang matuldukan ang kakulangan ng suplay na tubig sa lalong madaling panahon.
ANYAYA NG PANDARAYA
Talamak na paggamit ng AI, ikinadismaya ng mga Guro
KRISIS SA KATAPATAN. Tiktok Video ng mga mag-aaral na nagbibiro sa paggamit ng AI sa pagsasagot ng takdang-aralin. KUHA NI THERESE RANA
Dismayado ang ilan sa mga guro ng Gusa Regional Science High School-X (GRSHS-X) sa lantarang paggamit ng Artificial Intelligence (AI) tools ng mga estudyante na naging dahilan sa pagiging ‘dependent’ ng mga mag-aaral nito.
Ito’y matapos mag-viral sa TikTok ang isang bidyo ng mga estudyante na gumagamit ng AI sa pagsagot ng isang asignatura na umani ng mahigit 103.3k likes, 2930 comments at 14.2k saves. Inamin ng mga sangkot sa bidyo na biro lamang ito at kinunan ito noong recess. Samantala, nag-alala ang karamihan sa mga estudyante dahil kahit biro lamang ito, iba ang naging dating nito sa ibang manonood, lalo na ang pagkuwestiyon ng ilang account ng “Hindi ba kayo galing sa science high school?”
“Para sa akin, hindi kapuri-puri na gawing lantaran ang paggamit ng AI ngunit wala namang pamamahiya kung gagamitin ito sa tama dahil ginawa naman ang AI para makatulong sa mga gawain, ” wika ni Nina Lezada, ang pangulo ng Supreme Student Learners Government (SSLG) ng GRSHS-X. Paglilinaw niya, na dapat isa-isip ng mga mag-aaral na hindi dapat humantong ang paggamit ng AI sa mga pasulit ngunit maari lamang gamitin ang AI bilang gabay sa paggawa ng mga pang-akademikong gawain. “Hindi pwedeng masanay ang mga mag-aaral na dumepende sa
paggamit ng AI dahil nababawasan nito ang kanilang talas ng kaisipan lalo na’t malaki na ang kanilang tiwala sa AI na hindi na nila inaalam kung tama ba o mali ang binibigay na impormasyon nito,” tugon ni Maria De Gracia-Raut, ang pangalawang punong guro ng GRSHS-X. Sa katunayan, naglabas ng datos ang OpenAI’s ChatGPT na tinatayang umabot ng 180 milyong mga tao sa buong mundo ang may mga account ng AI tool ngunit mahigit 100 milyong tao lang ang aktibong gumagamit nito.
“Kadalasan kasi ay may maraming binibigay na mga takdangaralin at karamihan sa amin mga estudyante ay gustong tapusin ng madalian kaya gumagamit kami ng AI tool kasi madali lang at di na kailangang magisip ng kung ano-ano, ” sambit ni Timothy Bernido, isang mag-aaral ng GRSHS-X.
Ibinunyag sa isang pag-aaral ng Instructure na 62 porsiyento ng mga Filipino educator ang gumagamit ng generative AI upang lumikha ng content para sa kanilang klase, 56 porsiyento upang mapadali ang pananaliksik at pagsulat, at 53 porsiyento upang tumulong sa personalized na pag-aaral.
“Hinihikayat kasi sa aming kurso ang paggamit ng AI bilang
Presyong AfforDOUBLE
Regionalista, umaangal sa nagtataasang presyo ng bilihin sa kantina
Nararamdaman ng mga mag aaral sa Gusa Regional Science High School- X (GRSHS-X) ang matinding pagtaas ng inflation rate na naging sanhi sa mga nagsisitaasang presyo sa kantina, na nagdulot ng dismaya sa mga mamimili na mga estudyante.
Ayon sa isang mag-aaral ng GRSHS-X, ipinahayag niya na malaking pagbabago ito sa pang araw-araw niyang gastusin, dahil mula sa 50 pesos na pang meryenda ay umaabot na ng mahigit 100 pesos sa loob ng isang araw.
“Napakalaki na ang pagkakaiba ng presyo noon kaysa sa ngayon lalo na’t ang mga simpleng pagkain tulad ng manok ay pumapatong na sa 50 pesos hindi katulad dati na 30 pesos lamang” wika ni Dayvee Rocaberte, isang Supreme Student Learner Government (SSLG) Grade Level Representative ng GRSHS-X.
Dagdag pa niya, ang mga pagkain noon ay may marami pang laman kaysa sa ngayon na tinitipid pa kaya ay nalalakihan na ang mga mag-aaral sa mga presyo sa kantina.
Base sa nagdaang talaan ng presyo ng pagkain, tumaas ng mahigit limang piso sa bawat pagkain habang tatlong piso naman sa mga pang meryenda.
pangalawang pagkukunan ng pagaaral dahil mahirap kasi sa aming kurso kapag hindi ginagamitan ng AI lalo na’t may maraming coding upang i-debug ang code at makatipid ng oras, ” pahayag ni James Punsalan, ang creative head ng Himati, isang publikasyon sa paaralan ng Unibersidad ng Pilipinas Mindanao (UP MIN).
Ayon sa naging pahayag ni Jenna Lyle, ang Deputy Press Secretary ng Deped ng New York City na ang paggamit ng AI ay nagbibigay ng mga negatibong epekto sa pag-aaral ng mag-aaral, nagsisilbi rin itong hadlang sa pag-unlad ng pangakademikong kasanayan sa kabila ng katotohanan na mas ginagawang maginhawa ang buhay ng mga mag-aaral. Matatandaang nakasaad sa polisiya ng paaralan na kabilang sa minor offense ang paggamit ng gadyets sa dis-oras ng klase na nakasaad sa Regional Memorandum No.207 series of 2018. Dahil sa laganap na paggamit ng mga AI tools ay napagdesisyonan ng administrasyon na ibalik ang panukala kung saan ay kukumpiskahin ang mga gadyets upang maiwasan ang posibleng pandadaraya at maaari lamang kunin pagkatapos ng klase o kapag pinapahintulutan ng guro.
“Mahirap tantiyahin ang mga bilihin lalo na’t maraming mga estudyanteng nagrereklamo na kulang lang ang pagkaing binibigay, sa amin naman ay tinatantiya namin kung meron din kaming kita” tugon ni Jeanifer Oclida, isang tindera sa canteen ng paaralan.
Batay sa inilabas na datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), sumipa ang inflation rate
NI
ni RYAN TABAMO
BALITANG
SA MGA NUMERO
ni ELOUISE CAÑEDO
BALITA 03
ni RYAN TABAMO
P479M
PROBLEMANG TRANSPORTASYON. Kasalukuyang kalagayan ng transportasyon ikinadidismaya ng komyuters.
KUHA
CAROLYNNE
OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL - X TOMO XXXI BILANG I | NOBYEMBRE, 2023 - MAYO, 2024
DONGALLO
/mula sa P1
“Nangyari rin po ito sa aking kaklase, ang kaibahan lang ay sa baba ng damit niya kinunan ng litrato” wika ni Gia.
Dinagdag pa nito na marami silang nabiktima sa nasabing pang yayari, kadalasan ay ang kaniyang mga kaklase lalo na’t malapit ang kanilang silid-aralan sa construction site.
Tinugunan naman daw ng administrasyon ang kanilang hinaing, ngunit umabot pa ito ng ilang buwan at pag-takip ng trapal sa pinagtatayuan ang kanilang solusyon nang sa gayon ay matigil na ang paninilip.
ANTI-SEXUAL HARASSMENT
ACT
Nakatala sa polisiya ng RA 7877 o Anti-Sexual Harassment Act na pinapahalagahan sa proteksyon ng kabataan laban sa anumang pang-aabuso at pagsasamantala.
Nakasaad sa nasabing batas na maaaring maparusahan ng sus pensyon at pagtanggal ng lisensya ang akusado at sinumang lalabag nito.
PAG-AAPELA NG REKLAMO
PSYSC Region 10, Nakiisa sa Mangrove Propagation,
KAMPUS EKSPRES
Kakulangan sa guro, patuloy nakakaapekto sa mga estudyante
Pagdagsa ng mga akademikong gawain, hinihilingan ng agarang aksyon
ni CLAIRE CAYABYAB
Reklamo ng mga estudyante ang pagmamadalian sa kanilang mga gawain dahil sa pagkahuli sa klase na dulot ng kakulangan ng guro sa paaralan ng Gusa Regional Science High School-X.
Nagpahayag ang ilang estudyante mula sa ika-11 baitang na labis na madalian ang kanilang mga gawain, na nagdudulot ng stress dahil sa mga nalalapit na deadlines matapos ang halos limang linggong pagkawala ng kanilang guro sa praktikal na pananaliksik.
“Araw-araw kaming walang ginagawa, lalo na noong simula ng ikalawang semestre dahil wala paring pagtuturo sa amin sa praktikal na pananaliksik, nag-aalala kami dahil tila nawawalan tayo ng mga guro pero wala tayong magagawa kundi maghintay, at marami pa kaming ibang gawain na kailangang tapusin,” ani ng isang estudyante sa interbyu.
Nagbigay ng paliwanag sa problema si Maria Gracia Raut, assistant to the principal ng paaralan, “As for the advisers for practical research, we requested new teachers during the first two weeks of the second semester, we were promised two new teachers, but were later informed that we were deemed to have excess teachers which
resulted in the continuation of the shortage, leading to cramming,” saad niya. Binanggit din niya, sa normal na paaralan, 60 minuto lang ang isang sesyon para sa Math at Science, samantalang sa kanila, 80 minuto at 5 beses sa isang linggo, na hindi na kinonsidera sa pagtatala ng bilang ng guro. Kamakailan, isa pang guro ang na-transfer sa ibang lugar sa kanyang kahilingan, na nagdulot ng karagdagang kakulangan sa kanilang guro. Inaasahan ng paaralan na sa mga susunod na linggo ay magkakaroon na sila ng sapat na bilang ng guro, kasalukuyan pa rin silang nasa proseso ng pag-aargumento at pakikipaglaban para sa dagdag na guro. Bagaman may mga katiyakan mula sa administrasyon ng paaralan, nananatiling naghihintay ang mga estudyante sa pag-asang makakarating ang mga bagong guro sa mga susunod na linggo ang kanilang pinananaligan upang gumaan ang sitwasyon at ibalik ang normalidad sa akademikong gawain.
MGA NUMERO
“Wag matakot na magsumbong dahil kayo ay nasa tamang panig,” salita ng pangalawang punongguro na si Maria Raut sa mga estudyanteng takot magsumbong.
Patuloy na hinihikayat ng administrasyon ang mga mag-aaral na umapela ng reklamo upang matugunan ng pansin at mapatawan ng parusa ang mga nanliligalig.
LindoLISTO
Mahigit sa isang daang mag-aaral mula sa iba’t ibang eskwelahan sa Region 10, kasama rito ang Gusa Regional Science Highschool-X (GRSHS-X), ang nakituwang sa proyektong Mangrove Planting at Coastal Clean-up Activity, layon ng proyektong ito ang pagpapanumbalik ng ekosistema ng mangrove at ang pagprotekta sa mga coastal areas.
Ayon kay Henry Adoraro, Direktor ng Ecosystem Research and Development Bureau, “ang mga mangrove ay nagbibigay ng silungan at proteksyon sa komunidad. Sa katunayan, ipinapakita ng pag-aaral na ang isang kilometro ng lupang may mga mangrove ay maaaring magbawas ng lakas ng mga tsunami ng hanggang 70%.”
Binigyang-diin din ni Sunshine Salinio, Vice Chairperson ng PSYSC Regional Council 10, ang kahalagahan ng proyektong ito sa pagtatanim ng mga mangrove, binanggit niya na maraming kabataan ang nagpakita ng interes at dedikasyon sa pagtulong sa proyektong ito, kasama ang tulong ng City Local Environment and Natural Resources Office (CLENRO).
Isinagawa sa Bonbon, Coastal Cagayan de Oro City noong ika-30 ng Abril, 2024 ang pangyayari, sa kabuuan, mahigit sa 220 na punla ng mangrove ang itinanim ng mga
Ilang mag-aaral, ‘di sineseryoso ang earthquake drill
Natagpuang iilan sa mga mag-aaral ng Gusa Regional Science High School-X (GRSHS-X) ang tila tinatratong biro ang buwanang Earthquake Drill.
Eksaktong alas-nuwebe ng umaga naganap ang simulasyon ng lindol, nagsimula ang pagsasanay sa pagtunog ng emergency alarm, ngunit iilan pa rin sa mga estudyante ang hindi nagseseryoso at aktibo sa oras ng ganitong kaganapan lalo na ang mga mag-aaral sa Junior High School.
Itinalaga ng Department of Education ang mga pinuno ng paaralan at School
Disaster Risk Reduction Management (SDDRM) coordinators upang pamunuan ang pagpaplano.
“For my assessment, only 95% of the students really performed the proper duck, cover and hold; the 5% didn’t perform it properly,” ani Oliver Cutaran, SDDRM coordinator.
Naatasan ang mga scouts at mga pangulo sa kaniya-kaniyang silid-aralan na tiyakin ang kaligtasan ng mga estudyante sa pamamagitan ng headcount at pagsusuri ng bawat silid.
“I believe that the percentage of the
students not taking the drills seriously is because of it being a DRILL itself. They aren’t cooperative because there isn’t an actual earthquake happening,” ani Angel Demo, pinuno ng Girls Scouts of the Philippines ng GRSHS-X.
Taong 2023, mahigit 15 na ang naisagawang earthquake drills sa paaralan at madadagdagan pa ito sa susunod na mga buwan.
Gayunpaman, sa pagpapatatag ng kahandaan sa kalamidad sa buong mundo, ang ‘Global Earthquake Preparedness Initiative’ ay isang pandaigdigang programa na may layuning mapabuti ang kahandaan sa kalamidad at magbuo ng epektibo at agarang sistemang babala sa buong mundo.
Nakatulong ang United Nations Office for Disaster Risk Reduction at seismological agencies na mas naging epektibo at abot-kamay ang pagsasanay sa tamang hakbang sa panahon ng lindol sa iba’t ibang bansa.
estudyante at nakuha rin nila ang 10 sako ng basura matapos ang aktibidad.
Bilang bahagi ng paghahanda, isinagawa ang isang oryentasyon sa Zoom noong ika-29 ng Abril, 2024, na pinangunahan ng PSYSC Regional Council 10, layon na ipaalam sa mga boluntaryo ang mga hakbang na kanilang gagawin, ang mga kailangang dalhin, at ang kahalagahan ng proyektong ito. Isa sa mga boluntaryo ang nagpahayag, “I was actually very hesitant to join at first dahil sobrang aga ng event, pero I did not regret it and glad that I joined, it was very informative and fulfilling, marami ang natutunan, I’m sure I will do it again.” Ayon sa pagsusuri ng mga opisyal, buwanan nilang titignan ang resulta ng pinagtinaniman upang ma-monitor ang proyekto, ito ay pangangasiwaan ng PSYSC Regional Council 10 at CLENRO.
punla ng mangrove ang itinanim ng mga estudyante. ang maaaring mabawas na lakas ng mga tsunami dulot ng mangroves.
Pinagmulan: PSYSC Regional Council 10
Kalahok sa PASIGARBO, panawagan ang kamalayan sa Isyung Panlipuna
Sa gitna ng mga isyung kinakaharap ng kabataan sa lipunan, nanindigan ang mga kalahok sa PASIGARBO sa kanilang pagpakitang gilas sa sayawan sa patimpalak sa temang “Hudyaka sa Kabatan-onan, Kaugma-on dli Kalimtan, Adbokasiya sa ASRH atong Timbayayongan” sa isinawagawang PASIGARBO 2023: POPDEV Festival of Talents noong Marso 2, 2024.
Ayon kay Klarex Uy, alkalde ng lungsod, nilunsad ang programa upang matutukan ang kalusugang sekswal at reproduktibo ng mga kabataan upang masolusyunan ang mga isyu tulad ng ‘teenage pregnancy’.
“Their unique performance set them apart from the others by addressing both personal and social issues, captivating the audience, and highlighting the youth’s potential to be the hope for the country. This is why their group was awarded as champions in dance chant and modern dance,” paliwanag ng isa sa mga hurado. Ginawaran din si Anika Charisse Dawal bilang Outstanding Mental Health Awareness Pubmat Awardee at si Rod Izzander Tasi bilang Outstanding POPDEV Leader Awardee. Samantala, maigting na sinusuportahan ng lokal na pamahalaan ang pagimplementa ng nasabing programa upang ang pagbaba sa kaso ng ‘teenage pregnancy’ at kahirapan sa lungsod ay magpapatuloy sa pagbaba.
BALITA 04
BALISA SA PAGNANASA
DIBUHO ni RENE TADENA
KAMPUS EKSPRES
ni CLAIRE CAYABYAB ni KIESHA ENRIQUEZ
KAMPUS EKSPRES
220 70%
ni RYAN TABAMO
SA
na
OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL - X TOMO XXXI BILANG I | NOBYEMBRE, 2023 - MAYO, 2024
NAKAKUBLING
ng kalinisan ng pangalan ng paaralan, mas pinipili ng mga administribo na itago at pigilan ang mga publikasyong magpahayag ng saloobin. Mula sa Reporters Without Borders (RSF), kasalukuyang nasa 136 ang Pilipinas sa 180 bansa sa 2020 World Freedom Press Index. Noong 2019, ito ay 134, isang matinding kaibahan pa rin sa ranggo nito na 127 noong 2017. Ito ay nagsasabi ng pagbaba ng demokrasya sa Pilipinas. Sa katunayan, sa administrasyong Duterte may malinaw na indikasyon na kapag may banta ukol sa politika, ang mga mamamahayag ang kadalasang unang sisisihin. Patunay nito ang dalawampu’t dalawang mamamahayag at manggagawa sa media ang napatay mula nang maupo si Duterte sa kapangyarihan noong 2016 na base naitala ng National Union of Journalists of the Philippine. Mahalagang kilalanin ang kalayaan sa pamamahayag bilang isang bahagi ng demokrasya. Walang silbi ang mga institusyon ng gobyerno sa pagtatanggol sa mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao. Maliban kung ang mga matataas na opisyal ng bansa ay talagang may galang sa karapatang pantao, walang mangyayaring pag unlad sa bansa. Subalit, kung sa sariling paaralan nga nag-uugat ang problema. Sa halip na turuan ng tamang etika sa pamamahayag at pagiging kritikal, sila’y tinuturuan ng pagiging sunod sunuran lamang at walang paninindigan. Ito ay nagdudulot ng takot at kawalan ng kakayahan sa pagpapahayag ng sariling opinyon at ideya
Noong Pebrero 2020, inihain ng Kabataan Partylist (KPL) ang House Bill 319 o ang Campus Press Freedom (CPF) Bill para ipawalang-bisa ang 29 taong gulang na Campus Journalism Act (CJA) ng 1991. Saad ni Rep. Sarah Elago, kinatawan ng KPL at may-akda ng CPF bill, ang CJA ay napagalamang kulang sa materyal na aspeto upang ganap na mapanatili ang pagkakaroon ng campus press at protektahan ang mga karapatan at kapakanan ng mga student journalist.
Proteksyon ng kalayaan ng
pahayagan sa eskwela ay hindi lamang dapat isaisip kundi ito ay talagang kinakailangan. Ito ay isang pangunahing haligi ng demokrasya, nagpapalaki ng impormadong at nakikilahok na mamamayan na may kakayahang ipagtanggol ang mga halaga ng demokrasya. Bilang ganoon, ang mga institusyong pang-edukasyon ay dapat na aktibong sumusuporta at nagtatanggol sa autonomiya ng mga publikasyon ng mga mag-aaral, tiyaking sila’y ay malaya mula sa hindi nararapat na impluwensya o sensura.
Sa harap ng terorismo sa estado, ang pangangailangan para sa mga publikasyon ng mga mag-aaral upang palakasin ang pakikilahok sa kilusang magaaral ay lumalawak. Sa mga panahon ng krisis nararapat lang na ilantad ang katotohanan. Upang labanan ang isyu na ito, mahalaga na mabigyan ng pansin ng mga paaralan ang kahalagahan ng kalayaan sa pamamahayag. Dapat itong maging bahagi ng kanilang edukasyon para sa mas makabuluhan at makabago nilang mga programa. Sa pagtataguyod ng kalayaan sa pamamahayag sa mga paaralan, nagbubukas ito ng mas malawak na oportunidad para sa mga kabatan na mapanindigan sa katotohanan at makapagbigay ng boses sa mga isyung kailangan ng pansin. Ito rin ay maghahanda sa kanila para sa mas malawak na larangan ng midya na may kakayahang maging kritikal at responsableng tagapagbalita sa hinaharap.
PATNUGUTAN S.Y. 2023-2024
JOHN CLARK T. BATION Punong Patnugot
CLAIRE DANIELLE R. CAYABYAB Pangalawang Patnugot
CAROLYNNE A. DONGALLO Tagapamahalang Patnugot
CLAIRE DANIELLE R. CAYABYAB Patnugot sa Balita
ALIYAH JAMILLE B. ESTILLORE Patnugot sa Opinyon
RONAMAE U. TAMPOS Patnugot sa Lathalain
PRINCESS S. CANAPIA Patnugot sa Agham at Teknolohiya
FRUJI V. SABELLO Patnugot sa Isports
JOHN CLARK T. BATION Punong Taga-anyo
JOANNIE FATIMA D. CAÑALISO Punong Dibuhista
CAROLYNNE A. DONGALLO Punong Tagalarawan
MGA MAY-AMBAG
Hellary Mae Bugal • Ryan Tabamo • Myriane Alipao • Eleah Cabili • Kiesha Enriquez • Ruztylou Gaviola
• Jenebel Jilhaney • Sophia Mamac • Jerald Abcede
Claire Careras • Christina Colarte • Meganne Ladao • Therese Rana • Trisha Asino • Johara Jumo • Wicca
Tubalado • Princess Canapia • Stephen Llorente • Jaeve Butcon • Dheserei Cabalda • Rophe Edrote • Raine Abejo
• Nicole Abonitalla • Lizette Macarayo • Kim Martinito • Abbygail Somobay • Jhem
Mejia • John Miclat • Allyza Sabellina • Rene Tadena
LUZVIMINDA B. BINOLHAY School Paper Adviser
MARLOU FADUGA SALOME VIOLETA MARIA CARMEN EBRON JINNY LUMINHAY Mga Tagapayo
JEANY MAE D. MACALAM School Journalism
ni RENE TADENA
05
OPINYON
EDITORYAL
•
Coordinator ELIZER O. TERUEL KASANGGUNI Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Gusa Regional Science High School - X
ang OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOLX TOMO XXXI BILANG I | NOBYEMBRE, 2023MAYO, 2024
sinagtala
DIBUHO
OPINYON
PUNTO POR PUNTO
No Rest sa RS
ni JERALD ABCEDE
Modelo pagdating sa edukasyon kung ituring ang mga estudyante ng GRSHS - X dahil kilala ang mga ito sa pagiging matalino at masipag. Lingid sa kaalaman ng iba, maraming mga estudyante ang naghihirap sa sandamakmak na asignatura.
Tanyag ang Gusa Regional Science High School - X bilang isang paaralang may mataas na kalidad na edukasyon na kahangahanga at ngayon ay tinatanaw ng marami. Hindi madali ang pamamaraan upang makapasok sa paaralang ito sa kadahilanang dadaan pa sa ilang stage na exam bago maging opisyal na estudyante ng paaralan. Dahil dito, maraming karatig na paaralan na ginagawang modelo ang mga estudyante ng GRSHS - X dahil sa mga estudyanteng nag-aaral na kilala sa pagiging matalino at masipag. Napapatanong ka na nalang na: May oras pabang natitira sa sarili kung lahat ng ito ay ginugol sa pag-aaral? Kung pagbibigyang tuon at pansin ng bawat isa ang nararanasan ng mga estudyante sa sistema ng paaralan ay masasabing bugbog sarado ang mga mag-aaral lalong lalo na pagdating sa kalusugang pangkaisipan o mas kilala sa ingles na “Mental Health” na nagbibigay daan upang magkaroon ng mga negatibong pag-iisip kung hindi magampanan ng mabuti.
Ayon sa datos ng World Health Organization (WHO) sa kasalukuyang taon, ito ay isang integral na bahagi ng kalusugan at kagalingan na bumubuo sa ating indibidwal at kolektibong kakayahan na gumawa ng mga desisyon, magbuo ng mga ugnayan, at isa sa nagpapatinag sa ating sarili sa mundong ating ginagalawan. Bilang isang tagaturo ng mga estudyante, mahalaga na mahanap ang tamang balanse sa pagitan ng kaalaman at pahinga. Ang oras na inilaan sa pag-aaral ay hindi dapat nagiging sagabal sa pag-unlad ng estudyante, kundi isang daan upang maging handa sa mga hamon ng buhay.
Sa huli, ang usapin ukol sa edukasyon ay hindi dapat limitado sa bilang ng proyekto at gawain. Dapat itong maging masalimuot, nagbibigay halaga hindi lamang sa kakayahan ng isang indibidwal kundi pati na rin sa kanyang kalusugan at kasiyahan. Sa ganitong paraan, mas mapagtutuunan natin ng pansin ang pangangailangan ng bawat estudyante, at sa gayon, ang pag-aaral ay magiging tunay na susi sa kanilang masaganang hinaharap. Sa mundong ating ginagalawan, ang edukasyon ang itinuturing na pinakamalakas na sandata, huwag naman sana ito maging dahilan ng pagkasira sa kalusugan ng mga mag-aaral.
TIRA SA UGAT
Balahura sa Bahura
ni ALIYAH ESTILLORE
Sa bawat yugto ng kasaysayan, ang bawat Pilipino ay nagtanggol ng kanilang lupang tinubuan laban sa anumang uri ng pananakop o pang-aapi. Sa kasalukuyang panahon, hindi dapat maging pag-aalanganin na ipakita ang parehong determinasyon at dedikasyon sa pagsigaw ng karapatan sa West Philippine Sea laban sa panghihimasok ng Tsina.
Ayon sa isang pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies, ang West Philippine Sea ay mayaman sa likas na yaman tulad ng langis, natural gas, at iba pa, na nagbibigay sa Pilipinas ng potensyal na mapabuti ang ekonomiya at kabuhayan ng maraming mamamayan. Subalit, ang patuloy na pangaagaw ng Tsina sa mga isla at teritoryo ng Pilipinas ay hindi lamang isang usapin ng teritoryo kundi isang malaking hamon sa seguridad at soberanya ng bansa. Kailangan nating manindigan at ipaglaban ang ating mga karapatan sa batas at sa moral na prinsipyo. Ayon sa datos ng Philippine Coast Guard, maraming insidente ng paglabag sa karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea, tulad ng pangingisda ng mga Tsino sa mga ipinagbabawal na lugar at pagtatayo ng mga estruktura sa teritoryo ng Pilipinas. Sa harap ng mga hamon at pagsubok, mahalaga na manatili tayong matatag at hindi magpadaig sa anumang uri ng pang-aapi. Ang pagtindig para sa ating mga karapatan sa West Philippine Sea ay hindi lamang tungkol sa teritoryo kundi pati na rin sa pagtatanggol sa ating soberanya at dignidad bilang isang bansa at bilang mga Pilipino.
Dehado sa Kamay ng Pagbabago
Edukasyon ang nagsisilbing daan tungo sa mas magandang kinabukasan. Kung kaya’t pagkabahala ang namayani sa puso ng mga mag-aaral matapos naging pinal na ang desisyon ukol sa disolusyon ng Senior High School sa mga State University Colleges (SUCs) at Local University Colleges (LUCs).
Bagama’t ang programang senior high sa mga SUC AT LUC ay sinadya lamang na tumagal ng limang taon, dapat ay pinaghandaan nila ito sa pamamagitan ng mga konsultasyon, at hindi lamang pabigla na paglabas ng memorandum na nakakaapekto sa libo-libo.
Mula sa datos ng DepEd, nasa 17,751 grade 11 students ang kasalukuyang naka-enrol sa SUCs at LUCs. Sila ang mawawalan ng tulong pinansyal at mapipilitang pumasok sa mataong pampublikong paaralan. Apektado rin ang mga guro trabaho ng mga guro at kargada sa pagtuturo. Nararapat na isaalang-alang ang epekto ng direktiba na ito sa mga apektadong estudyante, ngunit hindi maitatanggi ang katotohanang walang nakikita na
sapat na koordinasyon sa pagitan ng DepEd at CHED para matiyak na walang abala sa edukasyon ng mga mag-aaral. Sa kabila ng layunin na ayusin ang mga mapagkukunan, isang palaisipan na ipinatupad ang kurikulum ng K-12 sa mga SUCs at LUCs para maging abot-kamay ng lahat ang dekalidad na edukasyon, na kung saan dapat panghawakan at panindigan ng programa ang pangako nitong magandang kinabukasan para sa mga magaaral, at hindi magsilbing pabigat sa mga mag-aaral na Pilipino. Sa kabuuan, dehado ang mga magaaral sa repormang ito, imbes na makatulong pagandahin ang kanilang kinabukasan, nagsasanhi ito ng kawalang kasiguraduhan sa kasalukuyang sistema ng edukasyon.
PONDOsyon ni JERALD ABCEDE
Isa ang paaralan sa pundasyon ng pagpapaunlad sa potensyal ng mga kabataan sa larangan ng agham at teknolohiya. Sa Pilipinas, ang kakulangan ng sapat na suporta at mapagkukunan para sa mga mag-aaral na lumalahok sa mga kompetisyon ay isang malaking hadlang sa paggamit ng potensyal ng bansa upang maisulong ang siyensya.
Ayon sa datos ng Department of Education (DepEd), mahigit 70% ng mga pampublikong paaralan sa Pilipinas ang kulang sa sapat na pasilidad at kagamitan sa laboratoryo na kinakailangan para sa pagsasagawa ng mga siyentipikong eksperimento at pananaliksik. Humahadlang ito sa mga karanasan sa pag-aaral at ang kakayahang tuklasin ang mga konseptong pang-agham na lampas sa mga aklat-aralin.
Halimbawa na lang dito ang naganap na Regional Science and Technology Fair (RSTF) 2023, mula sa panayam ni Engr. Shoji-an Daradal, research teacher ng GRSHS-X at isang RSTF coach, “We submitted 6 papers, only 2 passed for oral defense. That kind of performance could have been better if there was better support.” Dagdag pa niya na kumbinasyon ng maraming salik ang sanhi nito, hindi lang kakulangan sa suporta, kulang din sa pormalidad at aksyon ng mga taong sangkot. Ito ay matapos ma-promote kamakailan ang Research Coordinator ng paaralan, dahil doon naiwan ang posisyon na bakante.
sana sa Mindanao State University – Iligan Institute Technology (MSU – IIT). Ang mga preparasyon ng mga mag-aaral ng GRSHS-X ay nasayang lang nang tanggihan ng Punong Guro ng GRSHS-X Elizer O. Teruel ang suportang pinansiyal na kukuhanin sana ng mga manlalahok. Rason ng punong guro nang tanggihan niya ang patimpalak na kanilang sasalihan ay hindi ito nakasaad sa memorandum ng DepEd kaya hindi nalang tinuloy.
Sa ilalim ng batas, ang pinakamalaking bahagi ng Pambansang Badyet ay nakalaan para sa sektor ng edukasyon, na sumasakop sa pondo para sa DepEd, gayunpaman hindi pa rin ito sapat upang matugunan ang kakulangan sa hindi sapat na kagamitan sa pag-aaral, kakulangan sa bilang ng guro at pasilidad ng mga pampublikong paaralan.
Pinagmulan: Department of Education 70%
ang kulang sa sapat na pasilidad at kagamitan sa laboratoryo.
Nangyari din base sa panayam ni Nea Jie Salomsom, isang estudyante ng GRSHS-X at isa sa pitong mga manlalahok ng Philippine Physics Olympiad (PPO), “Hindi natuloy ang aming kumpetisyon kahit bayad na ito ng club.” Ito ay ang mga salitang kanyang binitawan matapos hindi matuloy ang patimpalak na isinigawa ng PPO na gaganapin
Sa kabila ng mahalagang papel ng siyensya at agham sa kaunlaran ng lipunan, nakakalungkot na makitang kulang ang suporta ng paaralan sa mga estudyanteng interesado sa larangang ito. Kailangang pagtuunan ng pansin ng mga paaralan ang pagpapalakas ng mga programa at pasilidad na tutulong sa pagpapalawak ng kaalaman at interes ng mga mag-aaral sa siyensya at agham. Ang pagbibigay ng sapat at maayos na suporta ay mahalaga upang higit na mahikayat ang kabataan na lumahok at magtagumpay sa larangang ito.
Pangunahing layunin ng mga paaralan ang magtaguyod ng edukasyon para sa mga miyembro nito. Gayunpaman, pangunahin ring tungkulin ng mga mag-aaral ang pagsunod sa mga polisiyang ipinatupad ng paaralan, lalo na sa panahon ng kanilang pamamalagi rito.
Sa isang panayam kay Maria Carmen Ebron, Prefect of Discipline ng Gusa Regional Science High School – X, “Wala naming masama sa pagkakaroon ng relasyon pero ang pagpapakita ng PDA lalo na sa loob ng paaralan ay talagang hindi kanais-nais.” Dagdag pa niya, ang mga ganitong asal ay ’di dapat ipinapakita sa loob ng paaralan sapagkat ito ay isang ’academic
institution.’ Mariin niyang ipinaalala ang mga umiiral na patakaran sa paaralan, kabilang na ang pagbabawal sa PDA. Katulad na lamang ng pandaraya at pang-aabuso, may angkop itong aksyon ng disiplina. May kaakibat na deliberation for transfer kung sakaling humantong ito sa pangalawang opensa. Bukod pa riyan, palatandaan ang school policy sa
mga dapat at hindi dapat gawin sa loob ng paaralan. Distraksyon ang dala ng PDA sa akademya. Bilang patunay, sa pagtingin sa masusing pagsusuri ng ilang pag-aaral hinggil sa ugnayan ng PDA at pagganap sa akademiks, natuklasan na ang mga estudyanteng nakikibahagi nito ay kadalasang may mas mababang grado at marka kumpara sa mga mag-aaral na hindi nakikibahagi. Isang komplikadong isyu ang PDA ngunit may mga proaktibong solusyon para panatilihing ligtas at maayos na lugar para sa edukasyon ang mga paaralan. Dapat isaisip na maraming paraan sa pagpapakita ng pagmamahal ngunit ang pagtatanghal nito ay may angkop na lugar at hindi ito ang paaralan.
Distraksyon ang dala ng PDA sa akademya.
06
PDA: Pambansang Distraksyon sa Aral
PUNTO DE VISTA
MATA SA MATA
ni ALIYAH ESTILLORE
ni THERESE RANA
‘‘
MATA SA MATA
DIBUHO ni NICOLE ABONITALLA AT RIA LIZETTE MACARAYO
OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL - X TOMO XXXI BILANG I | NOBYEMBRE, 2023 - MAYO, 2024
Kinakailangan ang mga agarang solusyon at aktibong partisipasyon ng mga opisyal, para ang mga residente ay hindi malagay sa kompromiso.
Mahal na Patnugot,
Sa bawat pahayag, inyong tinatanglawan ang karimlan ng isyung bumabalot sa bansa, tila mga bituin na nagliliwanag sa gabi ng kawalan. Inyong mga salita ay parang himig na nagdadala ng kahulugan sa katahimikan ng kawalan ng impormasyon. Sa paglalarawan ng mga pangyayari, kayo’y nagiging tagapamana ng pag-asa at kaalaman, isang lihim na puwersa na nagbibigay buhay sa kahulugan ng bayan. Lubos kaming nagpapasalamat sa inyong pagtutok sa mga isyu ng ating lipunan, na tila isang sining na nagpapakita ng pagmamahal sa bayan at pagpapahalaga sa katotohanan.
Mahal na Mambabasa,
Nais kong magpasalamat sa iyong matibay na suporta sa aming publikasyon. Ang iyong pagtangkilik ay nagbibigay inspirasyon sa amin na magpatuloy sa paghahatid ng makabuluhang nilalaman. Sa bawat pahina, kasama ka namin sa paglalakbay ng pagpapahayag at pagpapahalaga sa impormasyon. Muli, maraming salamat sa iyong dedikasyon, walang sawang suporta at tiwala. Asahan mong patuloy kaming maghahatid ng kahulugan at kaalaman para sa iyo at sa buong samahan.
Sumasaiyo, Punong Patnugot
TIRA SA UGAT
Agos ng Pangangailangan ni THERESE
RANA
Hindi lubog sa tubig kundi lubog sa utang ang sitwasyon ng Cagayan de Oro Water District (COWD) sa kasalukuyan. Pinagmumulan ito ng karamihan sa problema ng mga residente sa suplay ng tubig. Kung hindi mahina, madalas namang wala.
Taong 2018 nang magsimulang pagbentahan ng treated water ang COWD ng Cagayan de Oro Bulk Water Incorporated (COBI). Noong 2021, nagtaas ng presyo ang COBI mula P16.60 sa P20.57 kada cubic meter. Subalit, hindi ito binigyang-pagkilala ng COWD, dahilan ng force majeure clause o ang hindi inaasahang pandemya na nagpigil sa kanilang tuparin ang kontrata.
Disyembre nang makatanggap ng billing notice ang COWD mula sa COBI, nagsasaad na may utang silang P430 milyon sa supplier. Ayon kay Engr. Antonio Young, general manager ng COWD, patuloy naman silang nagbabayad para sa suplay na tubig sa napagkasunduang presyong P16.60 kada cubic meter. Kaya lang, ang pagtaas ng presyo sa P20.57 ang siyang nagpalobo ng kanilang utang. Isinaad sa abiso na ang hindi pagbabayad sa loob ng 30 araw ay magreresulta sa agarang paghinto ng pagsuplay sa tubig sa Cagayan de Oro.
Nagdulot ito ng labis na pagtitiis para sa mga residente, lalo na sa mga naninirahan sa first district, dahil 70% ng kanilang tubig ay isinusuplay ng COBI.
Apektado rin ang Barangay Camaman-an at Lapasan sa second district, sapagkat 50% ng kabuuang water supply ng syudad ay nagmumula sa COBI. Sa panayam kay Chelsey Torres, residente ng Carmen at mag-aaral ng GRSHS-X, “Madalas walang tubig kapag weekends. Naiinis ako kasi hindi ako makaligo. Kailangan ko gumising nang napaka-aga para maabutan ’yung malakas na tubig.”
Bagama’t matagal pa bago mabayaran nang buo ang utang na ito, humihingi ng tulong ang COWD at maging ang mga residente sa pamahalaang lungsod ng Cagayan de Oro na palakasin ang kanilang panawagan sa COBI na huwag ipatupad ang abiso ng disconnection sa syudad. Kinakailangan rin ang mga agarang solusyon tulad ng public faucets, water delivery, at water rationing. Mahalaga rin ang aktibong partisipasyon ng mga opisyal ng barangay sa pagpapatupad ng mga solusyong ito, para ang mga residente ay hindi malagay sa kompromiso.
Garapal na Pang-uuto sa Taumbayan
MATA SA MATA ni ALIYAH ESTILLORE
Bawat pamahalaan sa mundo ay gumagamit ng mga kumpidensyal na pondo sa ilang anyo. Madalas tagapagpatupad ng batas, pambansang depensa, at mga ahensya ng seguridad ang maaaring makakuha ng mga kumpidensyal na pondo. Isang problema sa Pilipinas ay humihingi ng pampinansyal na pondo ang mga ahensya na walang security o defense functions. Ang ilan pa ay humihingi ng mga pondo ng mas malaking halaga kaysa sa natatanggap ng mga aktwal na ahensya ng seguridad at pagtatanggol.
Usapin tungkol sa legalidad, at pananagutan sa loob ng gobyerno ang sumiklab hinggil sa confidential and intelligence funds (CIFs), isang paksa ng pampublikong alalahanin. Sa pahayag ng University of the Philippines, University Council, mahigit ₱10 bilyon ang kabuuang confidential funds (CIF), kalahati ay napupunta sa Opisina ng Pangulo ng Pilipinas. Halos ₱3 bilyon ang ibinawas sa budget ng Unibersidad ng Pilipinas at nasa ₱7 bilyon naman ang ibinawas sa ibang state colleges at universities (SUCs) para ilaan sa CIF. Ang pagliit ng budget ay isang pahiwatig na ang edukasyon ay hindi prayoridad ng administrasyon gayong isa ang Opisina ng Bise Presidente ang nakikinabang sa Confidential Funds. Gayunpaman, binigyan-katwiran ng Bise Presidente at Kalihim ng Edukasyon, Sara Duterte, na ang CIF ay mahalaga para sa kaligtasan sa pamumuhay, ligtas na edukasyon, at kasiguraduhan ng negosyo. Dadag pa niya na, ito ay nagsisilbing mapagkukunan upang mabilis at epektibong matugunan ang mga hindi inaasahang krisis, maging sa kontraterorismo o pangangalaga sa integridad ng bansa. Ngunit ang dahilan ng paggamit ng CIF ng OVP ay hindi dapat sumasaklaw sa pambansang seguridad, pagbabawas sa panganib sa sakuna at iba pang pamamahala sa krisis dahil pinangangasiwaan ito ng mga partikular na ahensya ng gobyerno. Mas mabuting ihain ang kaugnay na mga proyekto
sa tamang ahensya. Malinaw na pagpapaliwanag at pagsusuri na dapat igiya tungo sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon, kalusugan at seguridad ng bansa ang pondo. Sa pambansang budget ng 2024, dapat pondohan ng sapat ang mga batayang serbisyo. Walang batas para sa mga makatwirang limitasyon ang CIF, samakatuwid ang mga tao ng Pilipinas ay may karapatang humiling ng buong pagsisiwalat ng mga CIF. Transparesiya, pananagutan, at reporma sa pamamahala ng pondo ay mahalaga upang maisaayos ang kalidad ng pamumuhay sa bansa.
Kaliwanagan at pananagutan ang nararapat ibigay sa mamamayang Pilipino.
PagCHACHAgong Balak
ni THERESE RANA
Ipinag-aalala ng karamihan, lalo na ng Koalisyon Laban sa Chacha, ang minamadaling pagsulong ng Charter Change, o pag-amendya sa 1987 Constitution.
Marami nang pagtatangkang pag-amyenda sa nakaraan, mula sa pagbabago ng anyo ng gobyerno, hanggang sa pagbura ng limitasyon sa termino ng mga pulitiko at pagbuwag sa protective measures ng Konstitusyon sa lahat ng posibleng paraan: Constituent Assembly, Constitutional Convention, at People’s Initiative. Halos lahat ng administrasyon mula sa pagkabuo ng Konstitusyon noong 1987. Iilan lamang sina dating Pangulong Ramos, Arroyo, at Duterte sa mga sumubok ngunit nabigo. Kung hindi sapat ang pagtitibay sa korte, lubos itong tinutulan ng marami. Administrasyong Marcos naman ang sumusubok sa kasalukuyan. Tugon ni Marcos sa pangamba ng Cha-cha, “This administration’s position in introducing reforms to our Constitution extends to economic matters alone. Nothing more.” Dagdag pa niya, nais niyang tahimik at walang gulong maisakatuparan ang Charter Change.
Matatandaang ang huling pagkakataon na matagumpay na nabago ang Konstitusyon ay sa panahon ng kanyang ama, yumaong diktador na si Ferdinand E. Marcos. Nanatili siya sa kapangyarihan nang lagpas sa kanyang termino, na humantong sa Martial Law.
Gayunpaman, mungkahi ni dating SC Associate Justice Antonio Carpio na walang pangangailangang baguhin ang probisyong pang-ekonomiko ng Konstitusyon sapagkat ito’y “one of the liberal foreign investment laws in ASEAN and Asia.” Ang mga planta ng karbon, langis, at petrolyo ay matagal nang 100% bukas sa foreign ownership, gayundin ang mga hydropower plants.
Kasaysayan na mismo ang nagsasabi na sa likod ng pagsulong sa Cha-Cha ng bawat administrasyon ay kanilang pansariling politikal at ekonomikong interes. Patunay na hindi kailanman naging tungkol o para sa masa ang Cha-Cha. Walang garantiyang mas maayos na solusyon ang Cha-Cha sa pagharap ng mga suliranin ng bansa. Hindi masasabing ito’y ”People’s Initiative” kung ito’y nagmumula sa pulitiko lamang. Sa halip, kinakailangan ang mas masusi at matiwasay na deliberasyon sa maaaring pagbabago sa Konstitusyon kung saan prayoridad ang totoo at malayang partisipasyon ng masa sa demokratikong proseso ng bansa.
PUNTO DE VISTA
Gahol at Naghahabol
ni THERESE RANA
Hindi na bago sa student journalist na katulad ko ang pagsabayin ang mga responsibilidad sa paaralan at dyornalismo. Kadalasan, ang panahon ng pagsasanay para sa contest ay sumasabay sa panahong napupuno ng pagsusulit ang klasrum.
Katulad na lamang ng nakaraang DSPC, pagkatapos mismo ng contest ay diretso kami sa final exams ng 1st Semester. Dahil sa nagbabanggaang mga petsa ng pasahan na wala naman sa aming kontrol, madalas kaming napapaliban at nahuhuli sa klase. Isa itong dilemang kailangang resolbahing magkasam ng mga guro at ng DepEd, pangunahin sa pagbibigay ng mas sapat na oras na gampanan ang mga tungkulin at magkaroon pa ng panahong magpahinga. Nakakamangha mang pagsabayin ang dalawa, hindi ito kaugaliang kanais-nais panatilihin. Sapat na oras ang kailangan nang sa gayon ay hindi
Taong 2017 unang inanunsyo ng Land Transportation Franchise and Regulatory Board (LTFRB) ang kanilang “PUVMP” o PUV Modernization Program. Hinahangad nito na palitan ang mga dyip ng mga makabagong E-bus. Humigit kumulang 1.4-3 milyong pesos ang halaga ng mga bagong bus, samantalang maaaring umutang ang mga operator sa mga bangko, kinakailangan silang maging bahagi ng kooperatiba upang maging eligible borrower. Bagama’t sinaad ng DOTr na ang kanilang pokus ang mga magpagiiwanang tsuper, kasalungat ito sa pekeng balita kumakalat tungkol sa ayuda ng gobyerno sa mga drayber, wala pa ring binibigay na depinitibong planong tulong pinansyal ang gobyerno. Sa paglilinang, maaaring hindi sapat ang programa ng
Department of Labor and Employment (DOLE) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na Tsuper Iskolar upang mabigyan ng sila ng ibang trabaho. Mula sa pahayag ni Jolie Vacalares, isang mag-aaral ng Gusa Regional Science High School at anak ng isang jeepney drayber, “Hindi ako sang ayon sa jeepney phaseout. Simula noong bata pa ako at hanggang ngayon, dito na kami kumukuha ng aming pang araw-araw. Tuluyan na kaming mahihirapan sa pamumuhay kung ito ay kukunin pa nila.”
Kita sa mga mata ni Jolie ang pangamba sa programang posibleng magdadala sa kanila sa kahirapan. Kailanman ay hindi maiintindihan ng nasa itaas ng tatsulok ang dugo at pawis na isinakripisyo sa araw-araw na pamamasada. Nananatiling dehado ang mga tsuper, nawa’y bigyan ng oportunidad ng pamahalaan na marinig ang kanilang mga hinaing at mabigyan sila ng kompromiso, sa halip na tila iisa lamang ang binibigay na solusyon sa kanila.
07
OPINYON
PUNTO POR PUNTO
eTSUPERa ni
SA TOTOO LANG
Liham sa Patnugot
CLAIRE CARERAS
‘‘
OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL - X TOMO XXXI BILANG I | NOBYEMBRE, 2023 - MAYO, 2024
‘‘
OPINYON
Doble ang Kapal
ni JERALD ABCEDE
Itinuturing ang Pilipinas na isa sa pinaka relihiyosong bansa sa mundo. Nagsisilbing sentro ng lipunang Pilipino ang relihiyon at pananampalataya at may malalim na impluwensya ang mga lider ng relihiyon. Gayunpaman, ang kadalasang pagpapabaya sa kanila kapag nadadawit sa mga krimeng may kaugnayan sa kanilang pangalan ay nagdudulot ng malalim na alalahanin.
Halimbawa nito ay ang kaso ni Pastor Apollo Quiboloy, tagapagtatag ng isang relihiyosong grupo sa Pilipinas. Si Andales, na aakusahan ng mga krimeng kaugnay ng sex trafficking at ilegal na pagkakadetine, ay nagpakita ng padrino sa kanyang kaso—ang pagiging mapagpatawad sa kabila ng kahalayan ng mga paratang.
Isa ring halimbawa si Bishop Dimver Andales, pastor ng Lapasan Baptist Church, isang 37-taonggulang na relihiyosong organisasyon sa Cagayan de Oro City, na inaresto sa ‘di umano’y pagpatay sa male pageant contestant na si Adriane Rovic Fornillos. Bagama’t napatunayang may kasalanan ang dalawang relihiyosong lidernananatili pa rin ang tiwala ng ilang mga tao sa kanila. Ilan lamang ang dalawang pastor sa mga relihiyosong nakagawa ng mga mali sa mata ng batas.
Mahalaga na ipatupad ang pantay-pantay na pagtingin sa harap ng batas. Ang pagpapalakas ng sistema ng hustisya na walang kinikilingan at nagtatakda ng parehong mga patakaran para sa lahat ay mahalaga upang matiyak na ang lahat ay pantay na sinusunod ang batas, anuman ang kanilang posisyon sa lipunan. Sa mata ng Diyos at batas lahat ng tao ay patas, kung kaya’t nararapat lamang na wakasan ang pagkakaroon ng dobleng pamantayan.
KOMENTARYO
Kapalpakan ang Kikitil sa Bayan
ni ALIYAH ESTILLORE
Ang kamakailang hakbang ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) na pinaikli ang taon ng pag-aaral ay nagdulot ng malawakang diskusyon sa buong bansa. Ayon sa datos ng DepEd, batay sa nakaraang taon ng akademiko, mahigit sa 20 milyong estudyante ang maapektohan.
May mga alalahanin hinggil sa kalidad ng edukasyon at ang epekto nito sa akademikong tagumpay ng mga estudyante. May mga kritiko na nag-aalala na ang isang pinaikling taon ng pag-aaral ay maaaring magdulot ng pagbaba ng kalaliman ng pag-aaral at pahigpitin ang mga pagkakaiba-iba, lalo na para sa mga estudyante sa mga lugar na may limitadong access sa mga pangkalahatang pangangailangan.
Bagama’t binibigyang-diin ng DepEd ang kanilang pangako na magbigay ng suportang mekanismo, upang maibsan ang mga alalahaning ito hindi maitatangi ang malaking pagbabago na dala nito sa mga mag-aaral at mga guro. Tanging ang panahon ang makapagsasabi ng kabuuang epekto ng pagbabagong ito, kung ito ba ay magreresulta ng kaayusan o pagkagambala sa akademikong paglalakbay ng mga estudyanteng Pilipino.
Pakpak ng Pambansang Pulitika, Palpak
Napahaba at napasalimuot ang landas ng demokrasya sa Pilipinas sa paglipas ng mga taon. Sa kabila ng walang katapusang pangako na linisin ang sistema, mismong mga lingkod-bayan pa ang nagpapatuloy sa pag-usbong ng kadiliman sa halalan – ang mapanlinlang na gawain ng vote-buying.
Kamakailan lamang humarap sa malawakang kontrobersiya ang populadong syudad ng Cagayan de Oro - insidente ng vote-buying sa halagang P6,000 kada boto. Nabalitaan mula sa National Movement for Free Elections (NAMFREL) na may iilang botante sa isa sa mga sona ng Barangay Carmen ang nakatanggap umano ng pera mula sa isa sa mga grupong nakikipaglaban para sa pwesto sa konseho ng barangay. Sa pahayag ni PNP Northern Mindanao director, Brigadier General Ricardo Layug Jr., mahigpit
‘‘
Tamang edukasyon ang magiging pundasyon ng mas matatag at makatarungang demokrasya.
na nakikipag-ugnayan ang opisina ng kapulisan sa rehiyon sa Cagayan de Oro City Police Office (COCPO) upang tukuyin ang mga indibidwal na nakatanggap ng pera mula sa kandidato. Edukasyon ang isang makapangyarihang kasangkapan upang labanan ang bantang ito. Ang pagbibigay-kapangyarihan sa mamamayan ng kaalaman tungkol sa kanilang mga karapatan, ang kahalagahan ng pagboto batay sa
demokrasya ay nagsusulong ng mas matalino at tapat na mga botante. Sa ganitong paraan, magkakaroon ng pag-usbong ang isang henerasyon ng mga botanteng may integridad at malasakit sa bawat pagpili para sa bawat Pilipino. Ang tamang edukasyon sa halalan ang magiging pundasyon ng mas matatag at makatarungang demokrasya, kung saan bawat boto ay may paninindigan. Hindi halagang pansamantala ang sisiklab sa pagtindig ng kabataan, kundi ang pangarap na makamit ang mas maliwanag na kinabukasan ng bayan. Upang tunay na itaguyod ang demokratikong diwa, kinakailangang tugunan at puksain ang hirap ng pamimili ng boto, tinitiyak na ang boses ng mga tao ay malaya at tunay na umalingangaw sa bulwagan ng pamamahala.
PUNTO POR PUNTO
Kulelat sa Sariling Wika
Ayon sa Pulse Asia
Survey 2022, 50% na nagmula sa Visayas at 53% mula sa Mindanao ay mas gusto ang kanilang lokal na wika. Unti-unti na itong nawawala habang nagpupumilit na umunlad sa ilalim ng bagong kurikulum. Nakababahala na pansinin na maging ang mga tagapagturo ay nagpatibay sa bagong pananalita na nagpapawalangbisa sa Filipino sa esensya sa
Panganib sa Pamana
Binalot ng panganib ang ancestral domain ng Higaonon na patuloy na inaagaw. Ang lupaing ito, na matagal nang pinananahan ng mga Higaonon, ay kinikilala bilang pundasyon ng kanilang buhay at identidad.
isang purong pananalita. Sa realidad pati sa mga ang trabaho ngayon, ang Filipino bilang isang wika ay nawawala na. May posibilidad na ipagkanulo ang pambansang wika sa pamamagitan ng pag-aaral at paggamit ng mga bagong wika mula sa karapit na mga bansa. Maraming mga bata ang mas pinipili ang paggamit ng Ingles sa halip na kanilang
sariling wika. Ito ay nagbubunga ng hindi pagpapahalaga sa Filipino at iba pang lokal na wika sa bansa. Ayon sa ilang mga guro at mga eksperto sa edukasyon, ang mentalidad ng pagkakakolonya ay patuloy na naglalayo sa mga kabataan mula sa kanilang sariling kultura at wika. Mahalaga ang pagiging bihasa sa Ingles, ngunit hindi
Hindi mapagkaila ang pagkakaroon ng mga suliranin sa kahusayan sa wikang pambansa. Nakikita natin ito sa mga tala ng pagsulat at komunikasyon sa mga social media platforms, edukasyon, at iba pang larangang panlipunan. Unti-unti nang nawala ang pagkabisaha sa pagbabasa at pagsusulat.
pagpapahalaga at kaalaman sa sariling wika. Ito ang tatak at puso ng bansa. Upang labanan ang ganitong uri ng mentalidad, mahalaga ang pagbibigay ng tamang edukasyon at pagpapahalaga sa Filipino sa loob at labas ng silid-aralan.
Wika ang tatak at puso ng bansa.
Batay sa ulat ng mga lokal na grupo, higit sa 2,000 ektarya ng lupa sa mga bayan ng Gitagum at Libertad ang nasa ilalim ng banta ng pangaagaw. Tanggap man nila ang mga inobasyon at pagbabago takot para sa hinaharap na henerasyon ang dama ng mga katutubo, dahil sa posibilidad na maaaring wala nang matira para sa kanila. Bagama’t may pagsisikap na pagsamahin ang gawain ng gobyerno at mga plano sa paggamit ng lupa ay kaunting lamang ang nakikitang progreso sa kasalukuyang sitwasyon sa lupaing ninuno ng Claveria-Gingoog Higaonon.
“Government agencies need to get their act together,” ayon kay Manuel Uy, advocacy officer ng non-government organization, ngunit kapag nasa harap ng pera, talagang makukuha ng mga indibidwal o grupo ang gusto nila. Dapat magsampa ng reklamo ang mga IP laban sa NCIP para sa Gross Negligence para turuan
ng leksyon ang naturang ahensya at ang DENR para sa naaangkop na singil. Kung hindi didinggin ng gobyerno ang kanilang reklamo, marahil, ito na ang huling paraan. Hindi lamang ito isang usapin ng lupa, kundi isang usapin ng katarungan at paggalang sa mga karapatan ng mga katutubo. Isang hikayat sa pamahalaan na agarang kumilos upang itaguyod ang mga karapatan at interes ng mga Higaonon bago pa ito tuluyang mawala sa kanilang kamay. Sa pagpapasya ngayon, ang kanilang kinabukasan at pamana ay nasa bingit ng panganib.
08
SA TOTOO LANG
ni ALIYAH ESTILLORE
‘‘
TIRA SA UGAT
MATA SA MATA ni THERESE RANA
ni VENICE CASICAS
DIBUHO ni NICOLE ABONITALLA
OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL - X TOMO XXXI BILANG I | NOBYEMBRE, 2023 - MAYO, 2024
DIBUHO ni FATIMA CANALISO
PaTINDERO
Pagpapatintero ng mga tindero’t
tindera mula sa mga RTA
KUHA
NI
aaalala mo pa ba kung kailan ka huling naglaro ng patintero? Alistong tumatakbo dito, tumatakbo doon, umiilag dito, umiilag doon. Kung para sa mga bata ay masaya ang larong ito, takot ang dala nito sa tunay na laro ng buhay lalo na sa mga naninindang
Pinagtagpi-tagping
Pangarap
ni RONAMAE TAMPOS
Wala ng kuryente at tubig, wala ng bahay na maayos, at tanging sa pinagtagpi-tagping trapal na lang sa likod ng kanilang dating pwesto sila nanininda.
nilang sundin at ipatupad ang nakasaad sa City Ordinance na ipagbawal ang mga sidewalk vendors na magtinda sa mga Panawagan na rin ng mayor sa lungsod ang pagsunod ng mga sidewalk vendors sa batas upang makontrol ang daloy ng trapiko na nakapalibot sa lugar.
ang pangunahing dahilan ng hindi na tama ang pamimisikal para lang makuha ang aming Bagama’t alam ng mga sidewalk vendors gaya nina bawal ang pagtitinda roon, pero ‘yun lang ang alam nilang hanapbuhay ayon sa kanila nang sila’y kapanayamin. Hiling dahan-dahan ang mga RTA sa
naghahanap buhay ka lang naman para sa pamilya mo”, pagpapahayag damdamin ni Hiling din nilang mabigyan sila ng tulong ng gobyerno at mabigyan pansin ang kanilang ginusto na maging mahirap
kakatabo ang mga tinderang
nakikipaglaro ng patintero upang ang kanilang pamilya ay maitaguyod sa bawat araw ng
CrownTrobersyal
Labindalawang taon nang nangungupahan sina Aling Celsa Plaza at ang kanyang pamilya sa kanilang pwesto sa Cogon market ng lungsod. Ngunit, sa isang iglap lang ay nawala ang kanilang pinakatatanging bahay na siya na rin nilang tindahan. Maraming masasayang ala-aala ang nakapaloob sa kanilang simpleng tahanan na ngayon ay napalitan na ng kapaitan. Malaki ang naging danyos ng sunog sa kanilang mga ari-arian. Tatlong freezer na sana’y lalagyan ng kanilang tindang yelo, motorsiklong inutang at hindi pa tapos bayaran, at mga tindang ukayukay ay kasali sa mga kagamitang natupok ng apoy.
“Natutulog lang kami at biglang pinukaw ng umaalingawngaw na amoy ng apoy.”, pahayag ni Aling Celsa. Pasado alas 3 ng madaling araw nangyari ang trahedya habang siya ay nasa labas ng tindahan upang bantayan ang paninda.
“Makaguol og makapanghinayang kaayo kay akong mga baligya gibyaan nako. Lately lang nako na-realize na wala na koy mabalikan kay nangasunog na diay.”, ito ang nakakabagbag damdamin niyang sagot nang tanungin kung ano ang kanyang naramdaman. Kung tatanungin siya kung sakaling maayos ang gusali at makababalik pa ba sila, “Depende kung maka-afford kog balik sa rental. 1 month kasi ang deposit at 2 months advance. Kinakailangan ko munang magkaroon ng P60000-P100000 para makabalik. Sa tingin ko, malabo pa kaming makabalik dahil ‘di sapat ang aming kitang P700 kada araw.” Hindi nila alam ang dahilan sa likod ng sunog, pero isang katotohanan ang alam nilang payak at tiyak, ito ay ang ‘di inaasahang pagbabago at pinsalang naidulot ng trahedya sa kanilang pamumuhay. Ang kanilang dating tirahan ay tuluyan nang nawala kaya sila ngayon ay nagtitiis sa isang pinagtagpi-tagping trapal na wala man lang panakip habang sila ay natutulog sa tapat ng kalsada. Kahit na pinagtagpi-tagpi na lang ang kanilang bahay at tindahan, patuloy pa rin silang nagtitinda ng ukay-ukay upang matustusan ang kanilang pang araw-araw na pangangailangan at pati na rin ang pagpapa-aral sa kanyang anak. Makikita sa kasipagan ni Aling Celsa ang halimbawa ng pinagtagpi-tagping pag-asang hindi pa huli ang lahat upang makabangon at ipagpatuloy ang mga pangarap sa buhay.
LATHALAIN
MULA SA
“Hindi sapat na ika’y tawaging reyna kung wala kang katalinuhan sa pagsagot at tanging taglay mo lang ay kagandahan”, ito’y isang linyang nakakapanakit damdamin sa isang indibidwal na hindi dapat sinisisi sa desisyon at hatol ng mga taong nasa likod ng pagpili sa kanya. Naging mainit na usapin ngayon sa lungsod at maging sa social media ang resulta ng naganap na Miss Universe Philippines Cagayan de Oro 2024.
“Abi nakog Miss Universe ni, Cooking Show man diay. Bakit siya ang nanalo? Ang layo kaya ng sagot niya sa tanong sa question and answer portion.” Iisa lamang ito sa mga mababasang komento mula sa iba’t ibang post na laganap ngayon sa internet patungkol sa pagkapanalo ni Ms. Lynn Eirene Lomongo ng Barangay Iponan.
“If you have a chance to speak to our National Leaders, what pertinent national issue would you address for them to prioritize and take immediate action?” Ito ang naging tanong sa final round ng q&a portion. At ito ang naging sagot ni Ms. Lomongo, “Thank you so much for that question. I believe that if ever I get the chance to speak with
the national judges, I believe that I will give them the benefit that everyone should have the courage to show themselves, to speak for their rights, and to take action. Hold accountable for every individuality that they need to do. And as a Kagayanon, I believe If we’re going to empower everyone, then we could win for the national. Thank you.”
Marami ang naguluhan sa kaniyang naging sagot at marami rin ang nagsasabing na ‘misheard’ o hindi niya narinig ng maayos ang katanungan. Ayon pa kay Manuel na nakasubaybay sa pageant, “I think hindi nya naintindihan ‘yong thought ng question or na misheard nya kasi the question was only asked once and she mentioned about ‘national judges’ instead so di niya talaga na gets kaya malayo naging sagot nya. Halata din kasi may kaba, not really confident.”
“Mas maganda at tumpak pa ang sagot ni Ms.Rexzil Paayas ng Barangay Tablon, pero bakit hindi siya ang kinoronahan?” Sa katunayan, ito ang naging sagot ni Ms.Paayas, “If I were to speak about a particular national issue here, as a beauty queen would speak about the inflation that we are experiencing. Today, we are experiencing an excessive gap between the rich and the
Katalinuhan at kagandahang panloob at panlabas ay nararapat na magkasama sa karera ng pag-uunahan sa pag sungkit ng korona. Ika nga nila, “Sa pageant, kinakailangan ang beauty and brain.” Paano kung para sa mata ng iba ay beauty lang ang taglay ng isang kandidata?
‘‘
I agree that it’s not her fault na siya pinili. It’s the organization or the judges.
poor and it is time to invest in sustainable solutions, it is time to provide adequate resources because the oppressed in this issue are the most vulnerable and the most marginalized and I hope that we can help them, we can help them as Filipinos and as Filipinos, we can conquer the Universe.”
Kontrobersyal ayon kay Manuel ang pangyayaring ito lalo na sa mga taumbayang nagnanais na maipasa ang korona sa karapat dapat na binibining magrerepresenta sa lungsod sa nasyonal na kompetitsyon.
Crowntrobersyal kung maituturing ang pangyayaring ito lalo na sa mga taumbayang nagnanais na maipasa ang korona sa karapat dapat na binibining magrerepresenta sa lungsod sa nasyonal na kompetitsyon.
Dagdag pa niya, walang masama sa pagpapahayag ng damdamin at saloobin ukol sa naging resulta ng patimpalak, ang masama ay ang labis na pambabatikos sa kandidatang nanalo.
Hindi lang ang kandidata ang dapat na magtaglay ng katalinuhan, kundi pati na rin ang bawat isang nakakaunawa kung ano ang tunay na kahulugan nito. Katalinuhang makikita sa bawat asal na magalang at hindi nang mapanirang puri.
09
OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOLX TOMO XXXI BILANG I | NOBYEMBRE, 2023MAYO, 2024
ni RONAMAE TAMPOS
ni RONAMAE TAMPOS
GAWA
JOHN CLARK BATION
ni THERESE RANA
PROJECT LUPAD
Krusada sa Kalsada
Ang Malupit na Reyalidad ng Buhay sa Kalsada
Makikita sa masiglang kasiyahan na sumasayaw sa mga tahanan ng mga Pilipino, isang mariing kontrapunto ang nangyayari sa mga kalsada, kung saan ang isang tahimik na pakikipaglaban para mabuhay ang nagiging pangunahing usapan.
Lampas sa init ng apoy ng tahanan at pagsasama ng pamilya, isang malamig na katotohanan ang hinaharap ng mga taong namumuhay sa kalsada. Ang kanilang mga pagsubok ay nagbibigay liwanag sa masakit na katotohanan sa likod ng pariralang, “ang basura ng isa ay kayamanan ng iba.”
Samantalang ang bansa ay kumportable sa loob ng kanilang mga tahanan, ang realidad para sa maraming namumuhay sa kalsada ay isang malupit at patuloy na pakikibaka laban sa gutom. Ang malupit na katotohanang ito ay ang kasalukuyang kalagayan nina Rosetta Bahian at ng kanyang dalawang anak, na inaantabayanan ang hirap ng pang-arawaraw na buhay sa kalsada, kung saan ang kasiyahan ng pasko ay napalitan ng patuloy na pagkabahala.
Si Rosetta at ang kanyang dalawang anak ay natagpuan ang kanilang sarili sa marahas na realidad ng kawalan ng tahanan matapos lumipat sa lungsod ng Cagayan de Oro ilang taon na ang nakakaraan, sa layunin na mahanap ang mas magandang buhay. Sa kasamaang palad, ang kakulangan niya sa edukasyon ay naging malaking sagabal sa pagkuha ng trabaho, at
wala ni isa mang kamag-anak na maaaring lapitan para humingi ng tulong, kaya napilitan silang gawing tahanan ang kalsada. “Halos hindi kami nakakaraos. Araw-araw kaming naghihirap dito. Nakakapanglumo na makita ang mga anak ko na umiiyak sa gutom. Napipilitan kaming kumain ng mga itinapon na pagkain para mapawi lamang ang gutom,” pahayag ni Rosetta nang tanungin tungkol sa kanilang pangaraw-araw na pagsusumikap para makahanap ng makakain. Malinaw ang larawan sa mga hamon na kanyang kinakaharap araw-araw, ang pagkakaroon ng limitadong opsyon at walang suportang maaaring asahan. Itinatampok nito ang malupit na katotohanan na ang kanyang panghuling pag-asa para tiyakin na ang kanyang mga anak ay nakakakain, ay ang pagsusumikap na makahanap ng tira-tirang pagkain sa mga basurahan.
Ayon sa Borgen Project, isang non-profit na organisasyong nakabatay sa United States, na nakatuon sa pakikibaka sa pandaigdigang kahirapan at gutom, may humigit-kumulang na 4.5 milyong tao ang walang tahanan, kasama na ang mga bata,
sa Pilipinas, isang bansa na may populasyon na umaabot sa 106 milyong katao.
nunsyo ng Department of Social Welfare and Development ang mga plano na maglabas ng mga ID at lumikha ng isang database para sa mga naninirahan sa kalsada, layuning mapabilis ang mga tutok na inter bensyon.
project na isinagawa ng mga ahen siyang pampamahalaan at NGOs, meron pa ring mga kondisyon na mahirap tuparin. Ang ilan sa mga solusyong ito sa tirahan ay hindi ibinibigay ng libre, kinakailangan ang bayad mula sa mga nangangailangan. Bilang resulta, marami pa rin ang nananatili sa kalsada, yamang ang mga inisyatibang ito ay maaaring hindi sapat para sa lahat.
hindi lamang para sa kanya, kundi pati na rin ang mg desperadong tinig ng iba pang nasa pareho nyang kalagayan. Habang ibinubukas natin ang potensyal ng nagkakai sang pagkilos, nipapakita natin ang kapangyarihan na baguhin ang buhay at itaas ang antas ng ating mga komunidad. Tandaan, kahit ang mga maliit na hakbang ay maaaring mag dulot ng malaking epekto – walang sinuman ang dapat umaasa sa mga itinatapon ng iba.
‘Di Matapon-tapong
NI RONAMAE
Hindi porke’t pinaglumaan, wala ng halaga. Kaya nga mula noon hanggang ngayon ay nakasabit pa rin ang mga ito sa dingding ng inyong tahanan, o ‘di kaya’y nakatago pa rin sa isang kahon na tumanda kasabay ng panahon.
Nasubukan mo na bang maglinis ng mga gamit at mahalungkat ang mga bagay na inipon mo noon?
Aminin mo man o hindi, pero marami sa atin ang mahilig mag-ipon ng mga bagay na kahit inaalikabok, sira, at niluma na ng panahon, ay di mo pa rin matapon-tapon. Mapa liham man ‘yan ng iyong mga minamahal, kuwaderno mo noong nagdaang baitang, sirasirang phone cases, selpon, kalendaryo noong nagdaang taon, ballpen na hindi na sumusulat, electric fan na hindi na gumagana at kung ano-anong bagay na
na iyong linilimbak dahil sa iba’t ibang Kung tatanungin si Rhegel Pairat
tickets mula noong ako’y nagsimulang
nakalagay ang petsa, candy wrappers noong kami’y pumupunta sa simbahan, ‘sentimental’. Mahalaga ang mga dala-dala nito’y masasayang ala-ala kaya
basta-basta. Maaari rin kasing pagdating ng panahon ay magagamit ko pa ang mga ito.” Ayon kay Christian Jarrett ng British Psychological Society sa kanyang “The Psychology of Stuff and Things”, simula pa noong tayo’y bata, nag-uumpisa na tayong ma-attach emosyonal sa mga bagay. Iniisip natin na baka magagamit pa ang mga ito sa hinaharap at kapag itinapon natin, mararamdaman natin ang pagkawala nito. Makikita ang resulta ng pag-iipon ng mga kagamitang ito sa karamamihang tahanang Pilipino. Sa katunayan, ayon sa pananaliksik nina Lorenzo noong 2016 sa pag-aaral na “Filipino culture of filling up space in a gated community”, sa lahat ng kahanga-hangang katangian ng mga Pilipino, isang bagay na lubos na pumukaw sa kanilang interes, ang hilig ng mga Pinoy sa pagpupuno ng espasyo. Maaring kaugnay ito sa konsepto ng “Horror Vacui,” na nagpapaliwanag sa takot sa mga walang laman na espasyo o ayaw sa mga walang laman na bahagi ng artistikong disenyo ayon sa MerriamWebster, na tinukoy naman ni De Leon, Jr. bilang Maximalism. Ayon din sa kanilang pag-aaral, ang tipikal na tahanan ng Pilipino ay puno ng mga pintura, larawan, at iba’t ibang memorabilia sa bawat dingding. Bawat sulok at maliit na espasyo sa isang kwarto ay kailangang mayroong bagay. Ang veranda ay hindi pwedeng may isang lamesa at dalawang upuan lamang; dapat may altar din, isa pang lamesa, mga halaman, banga (Filipino earthen jar), at isang maliit na rocking horse kung maaari. Nagpapaliwanag ito kung bakit sa loob ng ating sariling mga tahanan ay makikita mo ang iyong mga lumang litrato, medalya, gitara at iba pang kagamitang nakasabit. Kahit luma at sira-sira na, ay ‘di pa rin nagagawang itapon, dahil ito’y mga bagay na matagal na nating itinitipon. Saksi ang mga kagamitang ito sa kayamanang dala-dala ay ala-ala ng kahapon. Ikaw ba, ano-ano ang mga kagamitang ‘di mo kayang itapon?
Kahadlok, kaguol, kabalaka, mao ni akong unang nabati pagkabalo nga buros ko.
Ako si Honey Laisah D. Araneta, nabuntis nang maaga pero nagpapatuloy pa rin sa pag-aaral kasabay nang pag-aalaga sa aking anak at pagkukumpuni ng mga sirang piyesa. Hali ka at pakinggan ang isang kwento ng pag-asa. 19 taong gulang pa lamang ako nang namalayan ang mga pagbabago sa aking katawan. Naglakas loob na akong magpa pregnancy test at ang aking mga takot ay nagkatotoo. Takot na itakwil ng pamilya at takot na hindi ko magampanan ang pagiging ina bunga ng hindi pagiging handa. Ayon sa pag-aaral nina Torres-Ticzon et al. (2020), 85% ng mga Pilipinong maagang nabuntis ay nakadepende pa rin sa kanilang mga magulang para sa pinansiyal na suporta. Muntikan na akong ipalayas ng aking mga magulang at ang kanilang tiwala ay tuluyan nang nawala, kasabay ng pag ko-kwestiyon sa sarili bilang magulang kung saan sila nagkulang. Ngunit dahil sa pagmamahal, nangibabaw ang pagpapatawaran. Ngayon, ako’y nasa 4th year college na sa kursong BS Criminology at isang dean lister. Nagagawa kong pagsabayin ang pagiging ina, ama at estudyante dahil sa tulong ng aking ina. Habang inaalagaan niya ang aking anak, tumutulong ako sa pagkukumpuni ng mga sira-sirang
piyesa ng tv, radyo, selpon at iba pa upang makadagdag sa kinikita ng pamilya. Nakakalungkot lang dahil ayon sa Annual Poverty Indicators Survey ng PSA, ang school dropout ay umabot na sa mahigit 2.97 milyon, 61.9 porsyento sa kanila ay mga babaeng nasa edad 16 hanggang 24 na maagang nagka-pamilya. Hindi na naiiba ang aking karanasan, kung saan, ayon sa Philippine
LATHALAIN 10
NI JOHARA JUMO
TAMPOS
Piyesa ng Pag-asa
NI RONAMAE TAMPOS
Ipon
Statistics Authority noong Enero, ang bilang ng teenage pregnancy ay nasa 5.4 porsiyento noong 2022. Bilang tugon, narito ang Batas Republika Blg. 10354 o Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012, na nag-uutos
edad
edukasyon
reproduktibo
sa pagpipigil sa
mga impeksiyon
may
pa akong
ay may pag-asa pa akong
at itaguyod ang pagpapalaki ng aking anak. Magsilbi sanang inspirasyon ang aking kwento sa inyo upang ‘wag mawalan ng pag-asa at magpatuloy sa paglalakbay sa karera ng buhay. GAWA NI JOHN CLARK BATION
sa pagkakaloob ng naaangkop sa
na
sa kalusugan ng
sa mga kabataan, kabilang ang impormasyon
pagbubuntis at
na nakukuha sa pakikipagtalik (STI). Kaya sa kahuli-hulihan nito, habang
piyesa
kinukumpuni
makapag-aral
GAWA NI
OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL - X TOMO XXXI BILANG I | NOBYEMBRE, 2023 - MAYO, 2024
Kapansanang ‘Di Pasan
NI RONAMAE TAMPOS
ung para sa iba ay pasan ang pagkakaroon ng kapansanan, ibahin natin ang 3 PWDs (Person with Disabilities) na nagpapatunayng hindi hadlang ang disabilidad upang makatulong sa komunidad.
Gawang-manong Diskarte K
Mula sa pagsilang ng bukang liwayway hanggang sa ito’y tumirik, natagpuan ang 3 nitong ika-16 ng Setyembre, sa mausok at maingay na baybayin ng Gusa, lungsod ng Cagayan de Oro, na masayang tumutulong sa pagpupulot at pagdadala ng sako-sakong basura na tila baga ay walang iniindang sakit sina Julio Adarne na may stroke, Rustum Dacut na may polio, at Arnold Apostol na pipi.
Hirap man kung tumayo, hirap man kung maglakad at hirap man kung magsalita, ngunit ito’y hindi naging hadlang sa kanila upang gampanan ang dakilang tungkulin na makatulong.
Sila ay trabahante ng barangay sa ilalim ng programa na bigyang pagkakataon ang mga PWD na makapagtrabaho. Ayon sa kanila, kaya sila tumulong dahil bahagi ito ng kanilang trabaho na panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran at dahil na rin sa kagustuhan nilang makaagapay sa gawaing kapupulotan ng aral—ang pagiging isang mabuting mamamayan sa lipunan.
Dehado man at paralisado, pero sila’y hindi apektado, bagkus sila pa nga ay determinado at pursigido. Determinado at pursigidong makapag hanapbuhay at mabuhay na makakatulong sa pamilya at sa kapwa. Isa lamang sina Julio, Rustum at Arnold sa mga PWD na nagtatrabaho nang marangal sa kabila ng kanilang kapansanan, maitaguyod lang ang kapakanan at pangangailangan ng kanilang pamilya. Sa katunayan, halos 76 milyong
Pilipino ang may trabaho at 1.9 milyon nito ay PWDs ayon sa isinagawang Labor Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2022. Kabilang din sa kanilang karapatan at pribilehiyo ang pagkakaroon ng trabaho ayon sa Republic Act No. 7277, na kilala rin bilang Magna Carta for Persons with Disabilities. Ang nasabing batas ay nagbibigay ng pantay na pagkakataon sa trabaho para sa lahat kabilang na ang mga PWD. Ayon naman sa Republic Act 10524, ang isang taong may kapansanan ay hindi dapat ma-diskrimina batay sa kapansanan sa lahat ng aspeto ng trabaho, kabilang ang kondisyon sa recruitment, pag-aalok ng trabaho, pagpapatuloy ng empleyo, pag-akyat sa karera, at nararapat na bigyan ng ligtas na kalagayan sa trabaho. Iginagapang natin ang bawat araw, ngunit ating pagmasdan sina Julio, Rustum, at Arnold. Kahit nilumpo man ng tadhana, hindi sila sumusuko; patuloy silang lumalaban sa bawat hampas at alon ng buhay. Ang kanilang determinasyon at tapang ay mas malakas kaysa kanilang kapansanan, kaya tunay ngang ito’y hindi pasan. May kakulangang pisikal man, ngunit ang kanilang kasipagan ay pumupuno sa nawalang bahagi ng kanilang katawan. Pinapatunayan nilang sila’y hindi naiiba sa atin, ang kanilang kapansanan ay hindi hadlang upang makapamuhay nang maayos at matiwasay.
‘‘
Hindi hadlang ang disabilidad upang makatulong sa komunidad.
Bagong henerasyon ng mga estudyante ang sumisiklab – mga batang negosyante na nagtataguyod ng kanilang sariling mga negosyo. Mula sa pag-anyo ng mga gawaing-kamay na mga alahas hanggang sa pagbuo ng mga inobatibong solusyon sa teknolohiya, ipinapakita ng mga ambisyosong ito na ang edad ay hindi hadlang sa paglikha ng ingay sa mundo ng negosyo.
Lumipas na ang mga araw na ang mga estudyante ay kuntento na sa mga part-time na trabaho tulad ng pagluluto ng mga burger o pagbabantay sa mga bata. Ang mga estudyanteng ito ngayon ay nagtatangkang mag-negosyo bilang paraan upang tuparin ang kanilang mga pangarap at mapunuan ang kanilang bulsa. Mula sa pagbebenta ng mga damit na may disenyo online hanggang sa pagaalok ng mga serbisyo sa pagtuturo sa kanilang pinakamahusay na asignatura, natutuklasan ng mga estudyanteng ito ang mga kakaibang paraan upang kumita habang hinaharap pa rin ang kanilang mga akademikong responsibilidad.
Para sa kanila, ang kanilang mga negosyo ay higit sa pagkakaroon ng karagdagang kita – ito ay nagsisil-bi bilang plataporma para sa pagpapahayag ng kanilang sarili at pag-unlad sa likas na kakayahan at talento. Sa iba’t ibang larangan ng mga negosyo na pinapatakbo ng mga estudyante, ang pag-crochet ay lumitaw bilang isa sa mga popular na pagpipilian. Mula sa mga mainam na paggawa ng doyli hanggang sa mga kumportableng bandana, ang estudyanteng ito ay gumagamit ng mga crochet hooks upang lumikha ng magaganda at praktikal na likha ng sining. Isa sa mga halimbawa nito ay si Therese Almazan, estudyante sa ika-12 na baitang na may malaking interest para sa crochet.
“Simula pa lang ng Nobyembre 2023 ako nagsimulang mag-crochet. Ramdam ko ang pagiging produktibo at saya sa ginagawa ko. Maliban sa mga benta, natututo ako na lalong pagbutihin ang aking kreatibidad at maging mas mapasensya.” – pahayag ni Therese Almazan. Magaan na mga daliri at madiin na pagmamasid sa kulay, araw-araw ang paglikha ng mga intricado at dekoratibong bulaklak na agad na nakakuha ng pansin ng kaniyang mga kaiskwela.
Sa mga salita ni Taylor Swift, “make the friendship bracelets,” at ito nga ang ginagawa ng negosyanteng tulad ni Anika Charisse sa kaniyang negosyo na “Chwintas.” Ang mga makukulay na mga tali ng pulseras na ito ay hindi lamang mga aksesorya; ito ay mga simbolo ng
espesyal na ugnayan na ibinabahagi ng mga nagmamahalan.
“Napakaraming damdamin ang nararamadaman ko sa bawat pulseras na binibili galing sa akin, ngunit gusto kong isipin na pinahahalagahan nila ang mga disenyo at produkto, na naniniwala silang mga perpektong regalo para sa kanilang mga mahal sa buhay. Masaya ang aking puso kapag ang mga estudyante ay nagsasalita tungkol sa aking negosyo at kapag ang mga hindi kakilala ay natutuklasan kami dahil dito at nagpapakita ng interes sa pagbili ng aming mga produkto. Ang pag-iisip doon ay nagpapawala ng pagod,” sagot ni
Bagaman pakiramdam ko ay kulang ang sahod ko dahil estudyante ako, nag-eenjoy pa rin ako sa trabaho ko.
Anika nang tanungin kung ano ang nararamdaman niya kapag bumibili ang mga tao ng mga pulseras mula sa kanya na ibinibigay sa kanilang mga kaibigan o mahal sa buhay. Mula sa mga makulay na disenyo hanggang sa mga kustomisadong disenyo, ang “Chwintas” ay nagawang mapukaw ang mga puso ng mga mamimili na naghahanap ng isang tuldok ng karilagan sa kanilang pangaraw-araw na estilo. Anuman ang isuot, maging mag-isa man o kasama ang iba pang mga pulseras, ang mga ito ay nagsisilbing patuloy na paalala
ng mga makabuluhang ugnayan na nagpapayaman sa ating buhay. Sa larangan ng pagiging negosyante ng mga estudyante, ang pagkuha ng mga alaala sa pamamagitan ng larawan ay naging isang popular na daan para sa pagpapahayag ng kagandahan. Kilalanin si Carl Justin Tocle, isang estudyante na masasabi nating iba ang pagmamahal sa pagkuha ng mga litrato. “Bagaman pakiramdam ko ay kulang ang sahod ko dahil estudyante ako, nag-eenjoy pa rin ako sa trabaho ko,” pahayag ni Carl.
Mula sa mga kaarawan hanggang sa mga kaarawan at kung anu-ano pa, ang matangkilik at galing ni Carl sa pagkukuwento sa pamamagitan ng kanyang lens ay nagdulot sa kanya na hanap-hanapin sa bawat kaganapan.
Sa bawat lagitik ng kanyang kamera, hindi lamang larawan ang kinukuha ni Carl; siya ay nagbibigay-buhay sa mga mahahalagang sandali at lumilikha ng mga alaala para sa kanyang mga kliyente na panghawakan sa mga darating na taon.
Syempre, ang pagtutugma ng mga pangangailangan ng pag-aaral at negosyo ay maaaring maging isang nakakabahalang gawain, at maraming batang negosyante ang humaharap ng mga hamon sa daan. Mula sa pagpaplano ng kanilang oras nang epektibo hanggang sa pagtatawid sa mga kumplikasyon ng pagpapatakbo ng isang negosyo, kailangan ng mga estudyanteng ito na matuto na mag-adjust at magtiyaga sa harap ng mga pagsubok. Sa patuloy na paglaki at pag-unlad ng mga estudyanteng negosyanteng ito, walang hanggan ang kanilang mga magagawa. Kung sila man ay magpatuloy sa paglulunsad ng mga matagumpay na simula, pagtataguyod ng mas mataas na edukasyon, o simpleng pagpapatuloy sa kanilang mga negosyo sa pamamagitan ng mga hiwatik, isa lang ang tiyak – ang diwa na nagtutulak sa kanila ay patuloy na huhubog sa kanilang buhay at sa mundo sa paligid nila – isa-isang pagbenta sa bawat pagkakataon.
LATHALAIN
PASAN-PASANG RESPONSIBILIDAD Kahit may disabilidad, ginagampanan pa rin ni Arnold ang kanyang responsibilidad sa pamilya’t komunidad. KUHA NI PATRICIA RANARA
DIBUHO ni RIA LIZETTE MACARAYO AT RENE TADENA
‘‘
GAWA NI JOHN CLARK BATION KUHA NI CAROLYNNE DONGALLO OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL - X TOMO XXXI BILANG I | NOBYEMBRE, 2023 - MAYO, 2024
NI JOHARA JUMO
LATHALAIN
Prefect Makes Perfect:
Paghuhubog ng GRSHS-X ng mga disiplinadong mag-aaral
ni JHEM MEJIA
Langhap sarap! Para sa lahat ng pagkaing kinakain natin, at tayong mga masasarap na pagkaing nasaing sa aral at disiplina ng paaralan.
NI JHEM MEJIA
MATHULUNGIN:
Donation Drive ng Math Society para sa mga bata sa Orphanage
ni RONAMAE TAMPOS
ung para sa iba ay mahirap ang Matematika, ibahin natin ang grupo ng mga mag-aaral na nagkabuklod-buklod dahil dito upang makatulong sa mga nahihirapan.
Abot tenga ang ngiti at pasasalamat ng mga bata sa isang orphanage sa lungsod ng Cagayan de Oro matapos mahawakan ang mga simpleng regalong pamaypay at laruang bigay ng mga magaaral ng Gusa Regional Science High School-X.
Handog ng mga mag-aaral ang kanilang mga pangangailangan sa araw-araw tulad ng bigas, de lata, biskwit at iba pa. Kasama rin sa kanilang binigay ay mga liham para sa mga bata, bracelet at mga laruan tulad ng manika.
Kasaling nabigyan ang 3 batang lalaki. At napag-alaman ng mga mag-aaral na iniwan pansamantala ng mga single parent ang mga bata sa orphanage upang magtrabaho.
“Makikita mo talagang nag-enjoy ang mga bata dahil may mga palaro kaming ginawa at may mga prizes pang kasama”, pahayag ni Phobe. Ang mga laro ayon sa kaniya ay may mga ‘Math twist’ upang maipakilala sa kanilang hindi puro sakit sa ulo ang Math kundi, maari ka ring matuto at maaliw dito.
pa rin siya para sa kaniyang sarili at kapwa batang nandoon sa orphanage”, pagkukuwento ni Ryan. Napag-alaman ni Phoebe ang katatagan ng mga batang nandoon. Sila’y mga bata mula sa unang baitang hanggang ika labindalawa na nakahanap ng pamilya sa loob ng orphanage na kinalalagyan nila ngayon.
Lutong-lutong kagat ang ginawa ko sa hawak kong turon. ”Yum, yum, yum!” Ito’y nasa isip ko habang nilalasap ang mga sandaling nakaupo malapit sa himpilan ng gwardya ng Gusa Regional Science High School - X. Diretso sa paningin ko ang mga estudyanteng nahuli sa klase na naluluto nang kakahintay sa oras nilang pumirma sa talaan.
Langhap sarap! Para sa lahat ng pagkaing kinakain natin, at tayong mga masasarap na pagkaing nasaing sa aral at disiplina ng paaralan.
Nasa kanilang gilid si Ma’am Carmen Ebron, ang Prefect of Discipline ng Junior High at si Sir Ferdinand Corpuz, ang Prefect of Discipline ng Senior High. Ang kanilang dating ay parang istriktong mga kusinero na gustong iluto ang mga estudyante pagdating sa kanilang mga disiplina. Nasa kanilang kamay ang paghubog nila sa mga tamang pag-uugali ng mga mag-aaral sa GRSHS-X.
Katulad ng isang mahusay na tagapagluto, itinuturing nila ang mga mag-aaral bilang isang putahe na ginagamitan ng kanilang husay at gabay na mga sangkap upang mapasarap ito. Ang kanilang resipe ay tinatawag na school policy at bawat patakaran ay tila timpladong asin na nagbibigay ng lasa upang lalong mapabuti ang disiplina ng mga estudyante.
“Ngayong ikalawang kwarter, dahan-dahan na naming pinupuntirya ang aming mga layunin na dapat talagang sundin ng mga estudyante ang mga patakaran ng paaralan kasi binibigyan pa namin sila ng konsiderasyon dati upang may panahon silang mag-adjust. Binigyan namin ng payo ang mga adbayser ng bawat klase na magsagawa ng pagpupulong sa kanilang klase kasama ang magulang ng mga bata kaya’t umaasa kami na sa kanilang tulong ay makamit namin ang buong kooperasyon sa mga mag-aaral. Bagama’t bilang isang POD, marami kaming mga salik na dapat isaalang-alang kung bakit may posibilidad na sumuway ang mga mag-aaral sa patakaran ng paaralan at isa na rito ay kung paano sila pagsabihan ng kanilang mga magulang sa bahay,” wika ni Ma’am Carmen Ebron ukol sa kasalukuyang disiplina ng mga mag-aaral sa GRSHS-X at ang kanyang aksyon para nito. Dagdag pa niya, ang Kagawaran ng Edukasyon ay nagpataw ng batas para sa proteksyon ng bata sa paaralan (DO 40, S 2012) mula sa iba’t ibang uri ng pang-aabuso. Ang hawak ng mga guro ay limitado lamang sa pagpataw ng disiplina sa mga mag-aaral kaya’t ang papel ng magulang sa pagsubaybay sa kanilang mga anak sa paaralan ay napakahalaga sa pagkamit ng perpektong ulam lalo na sa isang Regionalista—mag-aaral ng paaralang sentro ng kahusayan sa Northern Mindanao. Ang sagot naman ni Sir Ferdinand Corpuz, sa pagkakaroon ng tamang halo ng isang masarap na putahe ay nagsisimula sa sarili, kaya’t mabuting gawin ang mga ensayong nakakatulong tulad ng pagpupunta sa paaralan ng maaga, pagsusuot ng wastong uniporme, at pagbibigay ng moral na saysay sa iyong sarili kasi dito nagsisimula ang disiplina. Makabulunan ang paglalagay ng perpektong resipe sa pagkakaroon ng isang malinamnam na putahe at nakasalalay ito sa mga tagapagluto. Ang ating mga Prefect of Discipline ay sumisimbolo bilang mga mahuhusay na kusinero at tayo ang kanilang pangunahing pagkain na walang sawang hubugin tayo sa pagiging isang wasto at disenteng estudyante. Maging madisiplina tayong mga magaaral upang maging langhap sarap! Para sa ating mga estudyanteng patuloy na luminamnam sa pagiging mabuting mag-aaral.
Langhap sarap! Para sa lahat ng pagkaing kinakain natin, at tayong mga masasarap na pagkaing nasaing sa aral at disiplina ng paaralan.
“Madalas nang nakakatanggap ng mga school supplies ang mga bata ngunit ang kanilang mga gusto ay bihira lang naikokonsidira. Kaya, naisipan naming bigyan sila ng mga ‘girly-girly’ na mga bagay tulad ng mga suklay, hair clips at iba pang mga kagamitang kanilang magagamit”, sabi ni Phoebe Miles Cabahug, External Vice President ng Math Society.
Inaasahan ng mga mag-aaral na 20 batang babae ang kanilang bibigyan pero, ikinagulat nilang may 3 batang lalaki ang nandoon habang isinasagawa ang proyekto. Kaya ipinayo ng project manager na si Mrs. Roxanne Sabellina na isakripisyo ang perang sana’y para sa kanilang tanghalian.
“Minsan lang ang pagkakataong makabigay tayo sa mga bata, kaya ilaan na natin ito sa kanila. Pangit namang hindi natin isali ang ibang mga batang nasa gilid habang ang iba’y nagkakatuwaan”, dagdag pa ni Mrs. Sabellina. Kaya, dali-daling pumunta ng Cogon market ang ilan sa mga mag-aaral upang mabigyan ang ibang bata.
Kung makikita mo ang kanilang kalagayan, mapapaisip kang maswerte ka na dahil may mga magulang ka pang nag-aalaga sa iyo.
Layunin ng proyekto na makatulong sa mga batang naulila sa magulang at pamilya. Kwento pa ni Ryan, Internal Vice President ng club, tunay na nakakabagbag damdamin ang kanilang sitwasyon dahil sa sinabi ng isang bata sa kaniya. Ibinahagi ng bata ang kanyang nararamdaman at sinabing lonely daw siya dito.
“Imagine, grade 3 pa lang siya at alam na niya ang pakiramdam ng pagiging ‘lonely’, pero kahit daw ganito ang kaniyang sitwasyon, may pangarap
“Kung makikita mo ang kanilang kalagayan, mapapaisip kang maswerte ka na dahil may mga magulang ka pang nag-aalaga sa iyo. Kaya, ugaliing maging mapagpasalamat at maging mabuti sa iba dahil hindi mo alam ang kanilang pinagdadaanan”, sagot ni Phoebe nang tanungin kung ano ang kaniyang natutunan mula sa gawain. Dagdag pa ni Phoebe, gusto nilang ipakitang sa pamamagitan ng kanilang kahiligan sa Math ay nagkakabuklod-buklod sila at nakatulong sa iba. Simple at mumunti man kung ituring ang mga regalong naibigay, ganting pasasalamat ng mga bata ay malaki.
Kaalaman
Regional Science High School-X sa katulad na sitwasyon, na may mga bakanteng posisyon sa pagtuturo na naglalabi sa mga estudyante at nagpapahina sa mga oportunidad para sa pagaaral.
“Gusto ko nang dumating ang mga bagong guro,” wika ni Jade Kerby Saluta, isang senior high student sa nasabing paaralan. Ayon sa kanya, nakakalito ang kasalukuyang sitwasyon at pakiramdam niya ay nasa likuran siladahil sa kung paano kinakailangang mag-adjust ang paaralan dahil sa kakulangan ng mga guro lalo na para sa mga asignatura ng senior high. Sa kabila ng dedikasyon ng mga kasalukuyang guro, hindi madali ang dagdag na trabaho at responsibilidad dahilan ng kakulangan ng mga guro. Ito ay mabigat sa kanilang balikat at hadlang sa kanilang kakayahan na magbigay ng kalidad na edukasyon na nararapat sa mga estudyante. Ayon sa isang guro mula sa nabanggit na institusyon, ipinahayag niya ang kanyang mga pangamba sa usapin na kinakaharap ng paaralan. “Marami nang gawain ang mga guro mula sa mga klase na aming pinamamahalaan, at sa mga responsibilidad na aming inaasikaso. Ito lamang ay nagdaragdag pa ng gawain sa amin at nakakadismaya dahil alam namin na hindi namin lubos na magagampanan ang ganitong kaalaman tungo sa mga estudyante dahil hindi ito ang aming pangunahing espesyalisasyon,” aniya. “Kami ay napipilitang turuan sila dahil wala nang ibang maaring gumawa.” Sa kawalan ng sapat na mga guro, natatagpuan ang mga dedikadong guro sa isang mabigat na laban. Sa kakulangan ng mga guro
paaralan. Ang hiling ng institusyon na magkaroon ng bagong guro na patuloy na nasa proseso pa rin ng pagsang-ayon ng opisina ng dibisyon, ang mga guro ay naiwan na walang ibang pagpipilian kundi ang mag-ayos at gamitin ang bawat magagamit na tauhan upang hindi hadlangan ang pag-aaral ng mga estudyante. Hindi lamang alalahanin ng paaralan ang suliraning ito kundi ito ay problemang pangnasyonal. Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ay nananatiling isang hamon, kung saan may kabuuang 89,506 na mga posisyong pagtuturo na hindi pa napupunan. Nagkakaisa sa panawagan ang mga estudyante at guro para sa dagdag na suporta at mga mapagkukunan upang harapin ang krisis sa kakulangan ng guro. Tumatanggi ang paaralan na hayaang malanta ang kanilang hardin ng kaalaman. Tulad ng isang hardin na nagtatagumpay sa pamamagitan ng pag-aalaga ng dedikadong tagapangalaga, gayundin ang edukasyon ay lumalago sa ilalim ng gabay ng mga dedikadong guro. Sa pamamagitan ng pag-aadapt sa kakulangan ng mga guro, umiiral ang diwa ng pagtitiyaga, na tiyak na bawat estudyante ay may pagkakataong mamulaklak sa kanilang pinakamahusay na potensyal, kahit sa gitna ng pinaka tuyong mga kalagayan. Sa kanilang pagtahak sa mga hamon na darating, ang kanilang hindi nagbabagong pangako sa pagbibigay ng kalidad na edukasyon ay nagsisilbing tanglaw ng pag-asa, na nagbibigay inspirasyon sa iba na sumama sa kolektibong pagsisikap ng pagpapatibay ng mas maliwanag na kinabukasan para sa mga susunod na henerasyon.
12
KUHA NI THERESE RANA
‘‘
K
ni JOHARA JUMO
KUHA NI CAROLYNNE DONGALLO
OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL - X TOMO XXXI BILANG I | NOBYEMBRE, 2023 - MAYO, 2024
KUHA NI JERALD ABCEDE
PASENSYA SIYENSIYA
Ahon sa Hamon ng Numero
ni
Bida sa GREENobasyon
Napatunayan ng mga mag-aaral na sina Nea Jie A. Salomsom, Phoebe
Miles S. Cabahug, at Keefe Aldwin C. Magdato na may solusyon sa bawat problema nang sila’y nagwagi ng Unang Gantimpala sa DepEd’s STEMAZING Division Festival of Talents noong Pebrero 29, 2024 sa Cagayan de Oro National High School. Sa ilalim ng gabay ni Adam Ray Manlunas, naipakita nila ang kanilang kahusayan at kaalaman sa agrikultural na inobasyon
“Lahat tayo interesado sa paggawa ng mga inobasyon, ngunit madalas nating nakaligtaan kung talagang nilulutas ba nito ang mga umiiral na problema sa lipunan,” ito ang mga salita ni Dennis Ivan Chavez, ang mananaliksik at Computer Engineer na nasa likod ng Fresco-Greenovations. Naibahagi ni Dennis ang kaniyang kaalaman sa tatlong mananaliksik mula RegSci na nais masolusyunan ang mga problema sa Pilipinas, lalo na sa larangan ng agrikultura.
Hinahamon ng STEMAZING ang kakayahan at kaalaman ng mga koponan sa paggawa ng pananaliksik na makalulutas sa biglaang binigay na prompt sa loob lamang ng tatlong oras. Upang paghandaan ang kompetisyon, nagsagawa ang koponan ng tatlong oras na simulasyon bilang ensayo para sa iba’t-ibang prompts na maaaring lumabas. Bukod pa rito, paulit-ulit din silang kumonsulta sa mga guro.
Epektibong solusyon ang “ALaGAE:
A Device and Mobile Application for Algae Cultivation and Monitoring” sa prompt na pagbabago ng klima. Ito ay isang seaweed cultivating device na konektado sa isang mobile application para sa maingat na pagsubaybay sa kapaligiran. Naisipan ng koponan na magpokus sa algae bilang kilalang carbon sequester. Ayon kay Krause-Jensen at Duarte, humigit-kumulang 173 milyong metrikong tonelada ng carbon ang nakakayang i-absorb ng algae taun-taon. Bukod pa rito, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, isa ang algae sa pinakamahalagang pang-ekonomiyang produkto ng pangisdaan sa Pilipinas na bumubuo ng 60-70 porsiyento ng kabuuang produksyon. Sensitibo ang algae sa mga salik sa kapaligiran, kung kaya’t layunin ng ALaGAE na panatilihin ang mga salik na nakakaapekto sa algae upang tumaas ang
akulangan sa sapat na pondo para sa masusing pananaliksik sa sektor ng siyensiya ay isang malaking hamon na humahadlang sa pag-unlad at pagpapalawak ng kaalaman at teknolohiya. Ang pagtataguyod ng pananaliksik at pagbuo ng mga inobasyon ay kritikal upang matugunan ang mga hamon tulad ng pagbabago ng klima, pagpapabuti ng kalusugan, at pagpapalakas ng ekonomiya.
Likod ng pagpupunyagi ng ating mga maalam at bayaning siyentipiko na handang maglaan ng kanilang oras at kaalaman para sa mas mataas na kapakinabangan, ang kakulangan ng suporta mula sa pamahalaan ay tila humahadlang sa ating kakayahan na lubusang maunawaan ang kayamanan ng ating kalikasan para sa pambansang kaunlaran. Layunin ng Republic Act No. 10612 o mas kilala bilang “Fast-Tracked Science and Technology Scholarship Act of 2013” ang magbigay ng sapat na suporta sa mga mag-aaral sa agham. Bagama’t may mga batas katulad nito, lumilitaw parin na marami sa mga paaralan ang nahihirapan sa pagkuha ng sapat na pondo para sa kanilang mga proyekto. Isa na rito ang nakakabagbag damdamin na karanasan ni Rhegel Anne Pairat, isang mag-aaral mula sa Gusa Regional Science High School- X sa Cagayan de Oro, mababanaag ang pangarap na naaapektohan ng kakulangan sa badyet para sa kaniyang pananaliksik tungkol sa Fuel. Upang matagumpay na maisakatuparan ang kaniyang pananaliksik, kinakailangan niya pang umano na pumunta sa ibang paaralan na may kumpletong kagamitan sa laboratoryo.
Nais din sana ng isang grupo ng estudyante sa nasabing paaralan na
mabigyang atensyon ang laboratorya dahil ang paaralan ay nabibilang sa isang ‘Science High School’ kung saan mahalaga na magkaroon ng kumpletong kagamitan para sa matagumpay na pananaliksik. Nagbigay ng pabor sa badyet ng Department of Science and Technology (DOST) na umaabot sa P25.6 bilyon para sa taong 2024 ang subkomite L ng Senado sa Pananalapi na pinamumunuan ni Senador Francis “Tol” Tolentino. Opisyal na inendorso ni Tolentino ang badyet ng DOST sa plenaryo matapos ang halos anim na oras na interpellation kasama ang 18 na kagawaran ng DOST. Dagdag pa, hinihikayat ni Tolentino ang DOST na isagawa ang mas malakas na pananaliksik sa agrikultura at seguridad sa pagkain, bakuna laban sa African Swine Fever (ASF), kabilang ang pagpapaunlad ng mga tambakan ng isda ng tamban, at masustansyang pagkain para sa mga marginalized na Pilipino. Pagkakaisa ng gobyerno, pribadong sektor, at iba’t ibang sektor ng lipunan, ang susi sa matagumpay na laban sa kawalan. Ang ideya ay isang mahika na makakapagpabago ng magulong kasalukuyan patungo sa mas organisadong hinaharap. Sa hamon ng numero, ideya at boses mo ang siyang magpapanalo.
SA MGA NUMERO Badyet ng DOST sa 2024
P25.6B
Pinagmulan: Department of Science and Technology
INOBATIBONG AGRIKULTURA. Tatlong mag-aaral ng GRSHS-X, ibinida ang kanilang inobasyon para sa agrikultura at mga magsasaka.
MULA KAY DENNIS CHAVEZ
Nutri-Sulong: Solusyon sa Malnutrisyon
ASTRO-JOURNEY. Muling nasaksihan ng mga mag-aaral ang Mobile Planetarium Observatory ng PAGASA-DOST sa Centrio Ayala Malls CDO. MULA SA AYALA MALLS CDO
Pinangunahan ng National Nutrition Council (NNC) ang pagpapatupad ng Philippine Plan of Action for Nutrition (PPAN) na ilulunsad sa taong 2023-2028. Ito ay may layuning labanan ang krisis kaugnay sa kalusugan tulad ng malnutrisyon o ang hindi normal na paglaki ng isang indibidwal na nagreresulta sa hindi malusog na pangangatawan.
Tunguhin ng mga ahensiya na bawasan ang patuloy na paglobo ng kaso ng malnutrisyon sa Pilipinas. Mula 1974, ang PPAN 2023-2028 ang ikalabing-isang pambansang pagpaplano para sa nutrisyon ng mga mamamayan. Ang nutrisyon ay nagsimulang maging prayoridad ng gobyerno kasama ang iba pang mga kagawaran tulad ng Department of Health (DOH) at Department of the Interior and Local Government (DILG) sa paghahanda.
Malaki ang kontribusyon ng nutrisyon ng mga Pilipino sa pagyabong ng ating sosyoekonomikong katayuan.
Kumpara sa iba pang bansa sa ASEAN, pinangangambahan ang patuloy na pagtaas ng bahagdan ng stunt growth lalo na sa mga kabataan. Hindi lamang isang pagpaplano, kundi nagsisilbi rin itong daan upang maglikha ng mga polisiya at estratehiya hinggil sa wastong pagkain at nutrisyon na kailangan makamit ng lahat. Layunin ring puksain nito ang iba’t
AG TEK
produksiyon nito. Parabolic ang ALaGAE sapagkat nakabatay ang device sa kondisyon ng tubig-dagat o baybayin para mabigyan ang algae ng pinakamainam na kapaligiran.
Layunin ng koponan na makatulong sa mga magsasaka ng damong-dagat. Nais din nilang matamo ang Sustainable Development Goals. “Leave no one behind,” ika nga ng United Nations sa pagtatag ng SDGs. Tatlong oras gumugol ang koponan sa pagsulat ng research proposal, paggawa ng 3D model, at paghanda sa gagawing depensa.
“Bida ang saya,” ani Nea nang manalo sa nasabing kompetisyon. Nagbunga ang kanilang mga sakripisyo at pagsisikap. Kasalukuyang naghahanda ang koponan para sa Regional Festival of Talents sa kategoryang STEMAZING. Lahat ng inobasyon ay may dahilan at lahat ng isyu sa kapaligiran ay may hantungan.
GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOLXMAYO, 2024
13
K
PRINCESS CANAPIA
dibuho ni RENE TADENA AT FRUJI SABELLO
ni STEPHEN LLORENTE
ni HELLARY MAE BUGAL
Nutri-Sulong: Solusyon sa Malnutrisyon AlaGAE:
KLIMATIKONG ALITAN. PPAN 2023-2028 ng National Nutrition Council, isang hakbang tungo sa masiglang kinabukasan, laban sa malnutrisyon at alaga sa kalusugan ng bawat Pilipino. MULA SA MANILA BULLETIN
Inobasyong
BigaTEEN:
Solusyon sa Problemang TOO-BIG
Kinonstruksyon ni Kent Sandy A. Daniel ang isang modelo na tinatawag na Draintrash upang masagot ang tanong kung nakakatulong ba ang sistema ng pagtatapon ng tubig sa pag-kakakontamina ng tubig. Batay sa kanyang mga pagmamasid sa mga ilog sa CDO, napansin niya na ang mga ito ay naging natural na sistema ng pagtatapon ng tubig dahil sa kakulangan ng tamang paglilinis ng waste water.
Ayon sa Water Foundation, naging natural na drainage system ang mga ilog sa CDO dahil sa kakulangan ng ganap na pagpapatupad ng waste water treatment at pasilidad. Bukod sa hindi wastong pagtatapon ng mga basura, ang mga drainage system ay isa rin sa mga pangunahing sanhi ng kontaminadong tubig.
Layunin ni Kent na malutas ang problemang ito sa pamamagitan ng kanyang prototype na Draintrash. Ang Draintrash ay gumagamit ng solid waste separator at water filtration upang alisin ang mga basurang solid at salain ang mga kontaminante tulad ng mantika at langis. Ang resulta ng kanyang pagsusuri ay nagpapakita na ang Draintrash ay nakakabawas at nakakapigil ng kontaminante sa tubig, at nakakakamit ng kalidad ng tubig na naaayon sa pamantayan ng DENR-EMB.
Nagawa ng Draintrash na magbawas at magpigil ng mga kontaminant sa tubig at matamo ang klase B at SB na kalidad ng tubig na angkop sa pamantayan ng DENR-EMB. Dagdag pa nito, naging testamento ang kakayahan ng Draintrash na magtanggal ng 84% ng solid waste at 84.28% ng likido mula sa tubig. Kasalukuyang naghahanda si Kent sa paparating na NSTF na gaganapin sa Heritage Hotel, Manila, sa ika-11 hanggang ika-15 ng Marso, 2024. Bahagi ng kanyang paghahanda ang pag-aaral sa mga posibleng pagkukulang ng pag-aaral. Magkakaroon ng maraming buli at muling pagsasaayos sa datos upang panatilihin ang kalidad ng pananaliksik.
Prayoridad ni Kent ang paglathala at pag-patente sa DrainTrash bilang solusyon sa problema sa basura at pagkontamina ng tubig. Sa pagkakataong kwalipikado ang DrainTrash sa Regeneron International Science and Engineering Fair (ISEF), magkakaroon ng panibagong paghahanda at mga posibleng pagbabago at pagpapalawak sa pag-aaral.
LAGIM SA TALIM NG DENGUE
agpapakita ang Kagawaran ng Kalusugan sa Northern Mindanao ng 898 na kaso ng impeksyon ng dengue at tatlumpung kamatayan mula Enero lamang, na nagpapahiwatig ng isang tendensiyang maaaring lampasan ang bilang ng mga kaso na iniulat sa rehiyon noong 2023.
Pagkalat ng Dengue sa loob ng isang paaralan ay maaaring ipaliwanag sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga lamok na Aedes, partikular na ang Aedes aegypti at Aedes albopictus, na nagiging daluyan ng virus ng dengue. Ang mga lamok na ito ay nagmumula sa nakatambak na tubig, na maaaring magipon sa iba’t ibang lugar sa loob ng paaralan tulad ng mga itinapon na lalagyan, mga bara na kanal, at mga halamang hindi maayos na inaalagaan.
“Sa loob ng 11 araw, naospital ako, 5 araw sa ward at 6 araw sa ICU. Dahil sa pagpapagaling, kailangan ko ng karagdagang panahon para sa aking recovery. Ang pagkakaospital ko ay hindi lamang nakaaapekto sa aking kalusugan, kundi pati na rin sa aking edukasyon. Apektado rin ako ng myocarditis dahil sa dengue, na nagpabigat sa aking kalagayan. Pinalugmok ako sa mahabang pagpapahinga, at naging kritikal ang aking blood pressure.” Pahayag ni Kamylle Cababasada, isang mag-aaral ng Gusa Regional science High School-X na dumanas ng madilim na karanasan sa mahigit dalawang linggo ng sakit na Dengue. Noong 2023, Labindalawa sa 54 na lingguhang ulat sa pagmamasid sa mga kaso ng dengue ay lumampas sa epidemya na hangganan, habang ang natitirang mga ulat ay nasa ibabaw ng antas ng pag-iingat. Naitala ng rehiyon ang 17,303 na kaso ng dengue, na nagpapakita ng 49% na pagtaas mula sa 11,623 na kaso na iniulat noong 2022.
Batay sa datos mula sa Research, Epidemiology Surveillance, at Disaster Response Unit ng Department of Health (DOH) ng Region X, ang Lanao del Norte ang may pinakamataas na pagtaas sa mga kaso ng dengue mula Enero 1 hanggang Disyembre 31, 2023, na may kakilakilabot na 148% na pag-angat kumpara sa 2022, na umabot sa 3,610 kaso mula 1,458. Maging ang Misamis Occidental ay nagkaroon rin ng 133% na pagtaas, habang ang Iligan City ay nag-ulat ng 70% na pag-angat, at ang Misamis Oriental ay nakita ang isang 33% na pagtaas. Bukidnon naman ang may pinakamaraming kaso ng dengue noong 2023, na may 5,393 na apektadong indibidwal, kumpara sa 4,074 na kaso noong 2022. Bukod dito, ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ay nagpapatupad ng mga pagbabago sa kanilang mga benepisyo para sa mga pasyenteng may dengue. Ang pagtaas ng mga benepisyo ay naglalayong matulungan ang mga pamilyang naapektuhan ng dengue sa kanilang mga gastusin sa ospitalisasyon at pangangalaga sa kalusugan.
Maituturing na isang bangungot ang karanasan ng mga naapektuhan ng Dengue, ngunit ito sana ay magiging banta at gabay sa karamihan upang mapanatili ang kalinisan at magkaroon ng maayos na nutrisyon lalo na sa mga kabataan, para maging ligtas at magkaroon ng matibay na kalusugan. SA MGA NUMERO
‘‘
Biglaang pagtaas ng mga kaso sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon diyes ay dapat nang pagtuonan ng pansin.
Kabatiran laban sa kamalian, maling impormasyon ay pigilan.
40%-75%
Media
Nagpatupad ng pansamantalang Online Learning Modality noong Setyembre 2023 ang ilang Unibersidad sa Cagayan de Oro, matapos ang sunod-sunod na pagdami ng kaso sa lagnat, ubo, at sipon sa kanilang mga estudyante. Ito ay umani ng samu’t-saring reaksyon sa media na siyang nagpabahala sa mga mamamayan sa posibilidad ng bagong pandemya na maaaring dala ng Nipah Virus.
Nagbibigay ito ng pangamba ukol sa mga naranasang sintomas na katulad ng sa Nipah virus, isang zoonotic virus na kumakalat mula sa hayop patungo sa tao at nakukuha sa pamamagitan ng kontak sa kontaminadong bagay.
Ayon sa World Health Organization, bago ang virus sa Pilipinas. Gayunpaman, hindi ito bago sa Malaysia kung saan ito ay umiral pa noong 1999 at sa Bangladesh noong 2001. Kamakailan lang iniulat ng WHO na may labing-walong nakumpirmang kaso ng Nipah virus sa Kerala State of India. Ubo, lagnat, pagsusuka, at pananakit ng dibdib, ulo,
at lalamunan ang ilan sa mga sintomas ng virus. Kasalukuyang walang bakuna ang Nipah virus na makapagpapagaling sa mga nahawaang tao. Tinanggihan ng Department of Health at lokal na pamahalaan ang mga pangamba ukol sa Nipah virus. Noong Setyembre 26, kinumpirma ng Regional Health Office na ang mga kaso sa siyudad ay hindi pinagmulan ng Nipah virus. Pagsapit ng Setyembre 27, ang lokal na pamahalaan ng Cagayan de Oro City, sa pamumuno ng Alkaldeng si Rolando A. Uy, ay naglabas ng Executive Order No. 290 2023 na
nagbibigay-diin sa pagsunod sa minimum public health protocols. Sa parehong araw, nagpahayag ang Department of Health, Northern Mindanao, na walang kaso ng Nipah virus sa Pilipinas. Dulot ng kumpirmadong kawalan ng Nipah virus sa Pilipinas, hinihikayat ang publiko na magsuot ng mask alinsunod sa minimum health and safety protocols. Nagsisilbi rin itong aral para sa responsableng paggamit ng social media at nagpapayo sa publiko na huwag magpakalat ng sakit at maling impormasyon.
AG TEK 14
PangaNiV sa Social
NIPAH VIRUS DEATH RATE
ni PRINCESS CANAPIA ni PRINCESS CANAPIA
N
TUMATAAS NA BANTA. Nakaka-alarmang
ng
ng Dengue sa Region X,
GAWA NI JOHN CLARK BATION
pagtaas
kaso
pinangangambahan.
MAPANURING TIWALA. Pagkalat ng maling impormasyon, ginawan
aksyon. KUHA NI CAROLYNNE DONGALLO OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL - X TOMO XXXI BILANG I | NOBYEMBRE, 2023 - MAYO, 2024
‘‘
ng
Laylayan ng Kalinisan, Banta sa Kalusugan
aliktad na tatsulok ang matatanaw sa maruming sulok. Gayunpaman, kahit baliktarin man ng bawat pagsubok, problema sa kalinisan ay mahirap lagyan ng tuldok. Sa likod ng umiilaw na lungsod ng Cagayan de Oro, isang madilim na karanasan ang sinasapit ng bawat mamamayan upang panatilihin ang inaasam nitong kalinisan.
Ayon sa World Health Organization, 600 milyong tao ang tinatamaan ng mga sakit dulot ng pagkain taontaon, na nagreresulta sa 420,000 na pagkamatay sa buong mundo. Sa karamihan ng mga umuunlad na bansa, mahirap magpraktika ng kaligtasan sa pagkain kapag kulang ang malinis na tubig at sanitasyon. Maging ang paaralan na siyang pangalawang tahanan ng mga kabataan, ay hindi na nakaligtas sa panganib na dala ng hindi malinis na kapaligiran.
Salmonella, Escherichia coli (E. coli), at Campylobacter ay ilan
lamang sa mga pangunahing sanhi ng mga sakit na dulot ng pagkain. Maaaari itong matagpuan sa mga hindi ligtas na pagkain o pagkain na hindi naayos nang wasto. Ang mga sintomas ng mga sakit na dulot ng pagkain ay maaaring mag-iba-iba depende sa uri ng mikrobyo o kemikal na sangkot. Kabilang sa mga sintomas ay ang pagtatae, pagsusuka, pananakit ng tiyan, at lagnat. Sa mga kaso na mas malubha, maaari itong magdulot ng komplikasyon tulad ng dehydration, pagkakaroon ng impeksyon sa dugo, o pagkasira ng mga organo tulad ng atay.
Base sa pahayag ni Ge-an Macua, isang vendor sa Cogon, mahirap at magastos ang pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran, kasali na dito ang pag-iwas sa pagkunsomo ng plastic na lalagyan ng kanilang pagkaing produkto. “Bisan pag kapuy jud manglimpyo, kailangan jud namo nga hipuson tanan basura kay pahawaon man gud mi diri sa among pwesto og makita sa mga taga baranggay nga hugaw. Imporatnte man gud nga limpyo kay kasagara costumer baya kay kung dili estudyante, mga gauli gkan trabaho.” ani ni Ge-an. Hindi limitado ang
Laban sa sakit, barya ang kapalit.
Dalawang grupo ng mga mananaliksik mula RegSci ang kasali sa Top 5 Qualifiers na masugid na itinampok ang kanilang mga pag-aaral sa depensa at poster presentation na ginanap sa NEAP RX, Lapasan, CDO noong Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1. Nagwagi ng Unang Gantimpala sa Best Poster at Best Paper sa Physical Science - Individual category ang mananaliksik mula RegSci na si Kent Sandy A. Daniel sa ilalim ng gabay ni Engr. Shoji-an Daradal. Layunin ni Kent na magbuo ng isang prototype na lulutasin ang patuloy na akumulasyon ng mga basura at kontaminant sa tubig. Ang kaniyang prototype na Draintrash ay ginagamit para sa wastewater treatment sa pamamagitan ng solid waste separator at water filtration. Inaalis nito ang mga solidong basura na higit sa isang sentimetro at sinasala ang mga kontaminant gaya ng grasa at langis. Sa paggamit ng naturang prototype, mapipigilan ang polusyon sa lupa at makokonserba at magagamit muli ang tubig.
Paligsahan para sa Ligtas na
ni LOREM IPSUM
ni HELLARY MAE BUGAL
Hinikayat ang University of the Philippines National Center for Transportation Studies sa mga kabataan at mananaliksik na lumahok sa Pioneering Road Safety Innovation Contest 2023 na may layuning itaguyod at ilaganap ang kamalayan ng mas ligtas na mga kalsada na makatutulong sa pag-iwas sa mga pinsala sa daan.
Iniulat ng Philippine Statistics Authority ang pagtaas ng mga nasasawi dahil sa trapiko. Ayon sa World Health Organization, ang mga 15-29 taong gulang na Pilipino ay madalas biktima sa mga pinsala sa kalye na humahantong sa kamatayan. Bukas ang kompetisyon sa mga grupo ng 3-5 na mag-aaral sa senior high school na may
parehong layunin sa pagtugon sa mga kritikal na problema na dapat pag-aralan upang mapabuti ang kaligtasan sa daan. Simula Oktubre 11, 2023, makakatanggap ang mga napiling grupo ng payo mula sa mga eksperto upang mapabuti ang kanilang ideya. Ayon kay Joy Escuzar, isang kalahok mula sa Team 14: Flood Patrol ng RegSci, ang kanilang grupo ay gumawa ng concept
Daan
Nagwagi rin sina Keefe
Aldwin C. Magdato, Eve Loraine M. Nunal, at Ma Fe Issa Melde A. Viernes ng Unang Gantimpala sa Best Poster at Ikalawang Gantimpala sa Best Paper sa kategoryang Mathematics at Computational Science sa ilalim ng gabay ni Engr. Maria Louella Roz de Gracia-Raut. Pinamagatang “SIR Model and Simulation of African Swine Fever Transmission” ang kanilag pag-aaral na nakatutok sa kakulangan ng mga mathematical na modelo na may kakayahang hulaan ang pagkalat ng African Swine Fever outbreak. Layunin ng grupo na bumuo ng SusceptibleInfectious- Removed (SIR) model na gagamitin ng sektor ng kalusugan ng hayop sa pagpigil sa paglaganap ng ASF sa hinaharap. Ginamit nila ang datos mula sa City Veterinary Office CDO upang pag-aralan ang dynamic ng transmission at i-simulate ang pagkalat gamit ang programming language, partikular ang Python. Napatunayan ang ganap na kawastuan ng modelo sa
‘‘ ‘‘
problema ng kalinisan sa lungsod sa mga pampublikong pasyalan, kung hindi pati narin sa mga paaralan katulad lamang ng laboratoryo sa Gusa Regional Science High School-X na siyang ikinababahala ng Biology Teacher sa nasabing paaralan, na si Jeany Grace Maglupay. Ayon sa guro, mas mainam kung magkaroon ng laboratory coat, gumamit ng alcohol bago pumasok, at magkaroon ng mahigpit na pamantayan sa paggamit ng laboratoryo. Molds, virus, yeasts, bacteria, o protozoa ay iilan lamang sa mga biyolohikal na kontaminenteng maaring sumira ng samples sa loob ng
Pinatunayan ng mga mananaliksik mula RegSci na ang kanilang mga talento at kasanayan sa larangan ng Agham at Teknolohiya ay muling magbabago sa mundo. Samu’t-saring mga mananaliksik mula sa rehiyon 10 ang bumuo ng mga solusyon sa mga problemang patuloy na hinaharap ng lipunan sa Regional Science and Technology Fair 2023.
pamamagitan ng paghahambing ng aktwal na datos at simulated data. Nanaig ang bunga ng pagmamahal hindi lamang para masolusyunan ang problema ng bayan, kung hindi kalakip na ang umaapaw na pagmamahal sa agham at sa paaralan.
laboratoryo. Isa sa mga sanhi ng problemang ito ay ang kakulangan ng sapat na silidaralan sa paaralan. Pahayag ng Assistant to the Principal na si Maria Louella Roz de Garcia-Raut, nagsumite na ang mga awtoridad ng nasabing paaralan ng listahan ng mga kagamitan sa laboratoryo sa opisina ng Division. Bunga ng konstruksyon sa bagong gusali, nawawalan ng tubig ang buong paaralan. Ayon kay Ginang Raut(full name), gumastos ang paaralan ng mahigit 50,000 pesos para sa temporaryong suplay ng tubig. Isa ito sa patunay kung bakit karapt-dapat lamang na bigyang tuon at
pansin ang mga problema sa kalinisan, hindi lamang sa isang institusyon, kung hindi pati na rin sa bawat sulok ng bansa. Maruming kapaligiran ang magpapalubog sa isang bayan, ngunit ang disipilina ng bawat mamamayan ang siyang susi sa kaginhawaan. Sa pagtutulungan ng bawat isa at ng pamahalaan, maaari nating bigyang liwanag ang landas patungo sa mas malinis at mas maayos na komunidad. Ito ay hamon na dapat nating harapin ng may determinasyon at pagsisikap, upang ang bawat sulok ng tatsulok ay maging simbolo ng pag-usbong at pagbabago.
Lawak ng Talas: Tampok sa BioCup
paper, powerpoint presentation, at poster ukol sa tinukoy na karaniwang problema sa daan. Nagensayo din ang grupo sa kanilang depensa at nakatanggap ng mga pagtuturo mula sa mga propesyonal.
Ideya at layunin ang nagbigay-daan sa mga mag-aaral na maging mulat sa kanilang kapaligiran at sa kasalukuyang mga problema sa bansa. Natalo man ang mga kalahok sa paligsahan, ngunit nakakuha na man sila ng mahalagang kaalaman, ideya, at lakas ng loob na sumubok. Depensa sa kalsada, para sa seguridad ng masa.
Isang makapangyarihang tulay ang ating mga ideya ‘tungo sa mas progresibong bansa.
Ikalawang Gantimpala ang inuwi ng Gusa Regional Science High School- X sa ginanap na “Bio-Cup: Dare to Win” sa Xavier University noong Nobyembre 22, 2023, matapos naipanalo ng mga kalahok ang iba’t ibang kategorya ng kompetisyon.
Nakasungkit ang mga kalahok ng 1st Runner Up sa Biology Brain Brawl (Quiz Bowl), 2nd Runner Up sa Artful Adaptation Showcase (Poster Making), 2nd Runner Up sa Darwin’s Discourse Derby (Essay Writing), at Champion sa Darwinian Challenge (Amazing Race).
“It is not the strongest of the species that survives, nor the most intelligent that survives, it is the one that is most adaptable to change.” ito ang mga salita ni Charles Darwin na nagpapatunay na ang tao ay hindi lamang nabubuhay, ngunit umuunlad bilang tugon sa pagbabago.
Ikaapat na BioCup kompetisyon na ito ng Xavier University Biophilic Society, na may temang “Dare to Win” ay isang paligsahan na naghahanap ng mga namumukod tangi at masigasig na mga mag-aaral na makisali sa mapaghamong paggalugad ng kalikasan ng tao. Ang isang araw na paligsahan ay kinabibilangan ng Quiz Bowl, Extemporaneous Speech, Essay Writing, Poster Making, at Amazing Bilang isang inimbitahang institusyon, nagkaroon ng elimination round sa Research Laboratory noong Oktubre 24, 2023 sa ilalim ng gabay ni Ms. Jeany Grace S. Maglupay. Ibinahagi ni Ram Boiser, ang kalahok sa Essay Writing, na nakaramdam siya ng kaba sa panahon ng eliminasyon, ngunit siya’y may kumpiyansa sa sarili dahil sa oras na kaniyang ginugol para sa Naglakas-loob ang mga Regionalista na manalo at maiuwi ang panalo sa abot ng kanilang makakaya.
AG TEK 15
ni HELLARY MAE BUGAL
B ni PRINCESS CANAPIA
GAWA NI JOHN CLARK BATION
MULA SA XU BIOPHILICS SOCIETY
OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL - X TOMO XXXI BILANG I | NOBYEMBRE, 2023 - MAYO, 2024
MULA KAY CLAIRE CAYABYAB
SCICHAMP.
Isa sa mga manlalahok mula sa GRSHS-X, kampeon sa ginanap na RSTF 2023 sa kategoryang Physical Science.
MULA KAY KENT DANIEL
‘‘
Kalusugan ay pangalagaan, vaping sa kabataan ay wakasan.
anhi ng adiksyon sa E-Cigarettes ay ang nicotine, isang nakakalasong kemikal na matatagpuan sa mga ito. Kasama rin dito ang iba pang kemikal tulad ng propylene glycol na maaaring makaapekto sa baga at sistema ng paghinga. Kaya kahit na ang ilan ay nagmamalaki na ito ay isang “nakabubuting bersyon” ng paninigarilyo, mahalaga pa rin na maunawaan ang tunay na epekto nito sa kalusugan. Kasalukuyang marami sa mga kabataan ang gumagamit ng vape, ang hindi nila alam, ang tinuturing nila na “pampakalma” ay magbubunga sa kanila ng pagkakabahala.
Oplan HACKsyon
Ayon sa Philippine Pediatric Society, 11 porsyento ng mga mag-aaral na may edad na 10 hanggang 15 taong gulang ay nasubukan nang gumamit ng vape. Iniulat din ng Department of Education (DepEd) na 6.7 porsyento ng mga mag-aaral sa Grades 7 hanggang 9 ay nasubukan at gumagamit ng e-cigarettes. Sa mga mag-aaral, ang ilan sa mga pangunahing dahilan kung bakit sila gumagamit ng vape ay ang pagiging available nito sa online (42 porsyento), lasa (22 porsyento), at paniniwalang mas ligtas ang e-cigarettes kaysa sa sigarilyo (36 porsyento).
Ayon sa pahayag ng isang menor de edad na gumagamit ng vape na itatago natin sa pangalang “Juana, ito lamang ay isang paraan ng paglalabas ng stress at tinatawag niya itong “pampakalma”. “Relaxing man gud, labaw na ug naay tapok sa mga barkada, gakahimo jud namo siya og bonding. Makawala siya og stress tapos mas safe siya kaysa sa sigarilyo.” ani Juana. Dagdag pa niya, ito ay mas “safe” dahil mas maliit lamang ang nicotine content nito kumpara sa tradisyunal na sigarilyo.
Kasalungat ito sa katotohanang ang vaping ay maaaring magdulot ng pagbalot sa baga ng mga nakakasamang kemikal tulad ng formaldehyde mula sa propylene glycol, isang pangkaraniwang sangkap sa likido ng E- cigarette na maaaring maglabas ng
formaldehyde gas kapag ininit. Ang formaldehyde ay konektado sa sakit sa puso at iba’t ibang isyu sa baga. Isang sangkap na karaniwang ginagamit sa pagpapasarap ng lasa ng E-cigarette ay ang Diacetyl, ito ay maaaring magdulot ng pinsala sa maliliit na daanan ng hangin sa baga at nagreresulta sa bronchiolitis obliterans o mas kilala bilang “popcorn lungs.” Kasama rin sa mga potensyal na nakakasamang kemikal ang Acrolein, isang pestisideng pangunahing ginagamit para patayin ang damo. Posibleng epekto nito ay asthma, kanser sa baga, Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD), at malubhang pinsala sa baga. Nagpapatibay ang Republic Act 11900 ng 2022 ng regulasyon sa pagangkat, paggawa, pagbenta, pagpapakete, pagdistribute, paggamit, at pagpapahayag hinggil sa mga produktong nicotine at non-nicotine at ano mang uri ng tabako. Ayon sa nagmamay-ari ng Better Lungs Vapeshop na itatago natin sa pangalang “Jose”, bago sila nagbebenta ng kanilang produkto ay tinitingnan muna nila ang Identification ng bawat customer kung ito ba ay nasa tamang gulang na. “Gafollow jud mi diri og mga balaod labaw na sa pagbaligya sa mga minor kay dako man gud og posibilidad nga mapasarado mi.” ani Jose. Makikita sa kanilang shop ang maraming poster na
may lamang babala at paalala sa mga produktong kanilang ibinebenta. Nakapaskil din sa kanilang shop ang Business at Baranggay’s Permit. Pagsugpo sa tumataas na problema ng vaping sa mga menor de edad ay nangangailangan ng isang komprehensibong hakbang na nakatuon sa edukasyon, kamalayan, at mahigpit na patakaran. Ang pagpapatupad ng mga kumpletong programa sa paaralan na nagtuturo sa mga mag-aaral tungkol sa mga panganib at kahihinatnan ng vaping, ang pagsanib ng mga kampanya laban sa vaping sa kurikulum, at ang pagpapalaganap ng bukas na usapan tungkol sa mga panganib ng E- cigarettes ay mga mahahalagang hakbang. Kinakailangang mabigyan ng kapangyarihan ang mga menor de edad sa mga alternatibong mga gawain at estratehiya sa pamamahala ng stress na maaaring makatulong sa kanila upang ilihis ang kanilang atensiyon mula sa vaping. Ang pagsanib ng mga hakbang na ito ay nagtataglay ng kumpleto at mabisa na paraan upang pigilang lumaganap ang paggamit ng vaping sa kabataan. Tunay nga na tulay ang gabay at disiplina, upang mas lubos na maunawaan ang leksyon at tuldokan ang adiksyon sa vape o E-Cigarettes.
Nagbigay babala ang Northern Mindanao Police Regional Anti-Cybersecurity Unit chief na si Colonel Lemuel Gonda noong Enero 29, 2024 dahil nakitaan ng kahinaan ang mga sistema ng iilang government offices sa buong Pilipinas.
“Think before you click”, sambit ng hepe ukol sa wastong paggamit ng iba’t-ibang uri ng teknolohiya. Pinangangambahan ang sunodsunod na cyberattack ng ilang computer systems at social media ng mga ahensiya na ikinakabahala ng pamahalaan. Ang mga tinatawag na “black hat” hackers at mga gumagamit ng ransomware ay malaking banta sapagkat kaya nilang magkaroon ng aksesibilidad ng detalyadong mga sensitibong impormasyon, lalo na kapag may kaugnay sa pinansiyal at transaksiyon.
Matatandaan ang nangyaring Cyberhacking sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) noong Setyembre 2023 gamit ang tinatawag na Medusa Ransomware Cyberattack. Hindi malilimutan ang pangingikil ng mga cyberhackers sa
halagang $300,000 na katumbas ng 16 milyong piso kapalit ng mga nakuhang impormasyon, subalit nanumbalik naman sa normal ang nasabing ahensiya pagkatapos ng halos dalawang buwan ng pagsasara. Nagkaroon ng panibagong aberya ang sistema ng ahensiya banda Enero 2024 sa loob ng isang buong linggo. Kinumpirma ito bilang ‘technical glitch’ lamang at hindi bunsod ng cyberattack, ani ng DICT Undersecretary Jeffrey Ian Dy. Patuloy ang pagsubaybay ng National Privacy Commision (NPC) upang mapanatili ang kaayusan ng sistema. Kasali ang Department of Science and Technology (DOST) at Philippines Statistics Authority (PSA) sa biktima ng hacking na naganap. Sangkot rin sa naturang cyberattack ang Facebook page ng Bureau of
Fisheries and Aquatic Resources –Region 10 sa nakaraang buwan ng Disyembre 2023. Ani ng ahensiya, napasailalim ito ng mga hackers at wala pa umanong kakayahan na ipanumbalik ito kahit ang mga tagapamahala ng ahensiya. Naging usap-usapan rin ang pagkakasangkot ng Gusa Regional Science High School-X page nang bigla itong napalitan ng “Paris Hair Beauty Center”. Gayunpaman, naging alternatibo ng paaralan ang isa pa nitong page na “Gusa Regional Science High School - X Supreme Secondary Learner Government” upang doon ilahad ang mga anunsyo. Nangunguna ang Pilipinas sa ASEAN bilang pinakamataas na bilang ng mga insidenteng kaugnay sa cybersecurity attack, kung saan isa sa apat ay nakalantad sa pagtaas ng
kaso nito ngayong taon. Ayon sa Ulat ng Palo Alto Networks (PANW), 29% sa mga organisasyon ay nakaranas ng paglaki ng mga hindi kanais-nais na pangyayari sa kanilang cybersecurity patungong 50% o higit, habang 51% naman ang may posibilidad rin na nasa panganib ang kanilang sistema.
Kasalukuyang naghahanap ang pamahalaan ng mga karagdagang eksperto sa larangan ng Cybersecurity dahil mahigitkumulang 200 lamang ang expert sa bansa. Sa pamamagitan ng mga aksyong ito, mas mahihigpitan ang seguridad ng bansa sa loob ng cyberspace. Mahigit na makakatulong ang kooperasyong ito upang depensahan ang mga pag-aari ng mga institusyon o ahensiya, at maging sa lahat ng mamamayang
Bagsik ng Nakakapasong Tirik
Mapapansin ang pamumuo ng mga patak ng pawis na dumadaloy sa napapasong balat buhat ng malakas na pagsikat ng araw. Pati ang kapal ng kasuotan ay apektado rin sa init na nararamdaman. Hindi maikakaila na walang laban ang anumang proteksyon sa pagsindak ng isang phenomenon na Kasapi ang Northern Mindanao kung saan malalang sitwasyon ang kakaharapin ng mga magsasaka at tinatayang 15,000 hektaryang lupain na gagamitin pang-agrikultura ang sakop sa tagtuyot kaya kinakailangan ang madalas na pag-ulan upang maiwasan ang paglala ng kalagayan nito. Noong nagdaang taong 2018-2019, humigit P293 milyon ang naging kawalan ng rehiyon habang biktima ang 247,610 na magsasaka, kasama ang mga napinsala nitong mga Ayon sa isang mag-aaral na itatawag natin sa pangalang ”Kri”, isang mag-aaral sa Gusa Regional Science High School-X na karga niya ang hamon ng matinding tirik
Bago pa magwakas ang huling kabanata sa nagdaang taon, isang mainit na balakid ang sisibol at susubok sa kalagayan ng ating atmospera na siyang maagang magbubukas ng panibagong istorya. Isang mapanghamong bangungot na magdadala ng bagsik mula sa matinding pagtirik ng araw ang kokontra sa pamumuhay ng masa.
ng araw. ”Malaking bahagi ang labis na temperatura sa aking pag-aaral sapagkat isa sa nagiging epekto nito sa aking kawalan ng konsentrasyon sa klase.”. Sa kakapusan ng bentilador, ranas niya ang nakakalulang init sa loob man o labas ng silid-aralan na nagbubunsod sa pagsakit ng ulo at pagkaroon ng mas malalang karamdaman. Ang pagkatuyo naman ng kaniyang pawis ay nag-uugat sa kaniyang problema sa pag-ubo. Ang mga heat waves na galing sa produksyon ng araw ay isang mainit na problemang susubok sa pang-indibidwal na pangangatawan, at magtatanim ng mga panibagong sakit tulad ng heat stroke at lagnat na pagtitiisan. Ginanap ang pagpupulong noong unang araw ng Pebrero, taong kasalukuyan, sa Cagayan de Oro, kung saan iba’t-ibang uri ng preparasyon at mitigasyon ang ihahanda ng nasabing pwersa na may layuning bawasan ang anumang pinsala na pwedeng ibato ng tagtuyot. Sa katunayan, gumagaan ang dating bumibigat na problemang ikinakaharap dahil sa Task Force, sapagkat masusi nilang inaanalisa ang posibleng dahilan at kalalabasan ng matinding init. Kahit na ang mga
yamang-tubig, agrikultura, at publiko ay hindi isinasabahala para lamang makalaya mula sa paghihikahos sa init. Sagot rin ng Department of Agriculture (DA) ang suliranin ng mga magsasaka sa Northern Mindanao na apektado rin sa pagtaas ng temperatura. Pangako nitong tutulungan na bumangon muli mula sa bangungot dala ng El Niño. Ani ng Spokeserson Asec. Arnel De Mesa, areglado na ang sari- saring pananim gaya ng palay, mais, at iba pang buto ng mga tanim na gagamitin upang makaahon sa posibleng paglaya ng mga aanihin. Kasalukuyan pa ring minamatyagan ng mga ahensya ang daloy ng klima, lalo pa’t inaasahang sisibol sa Marso ang napakatinding init na ihahandog ng phenomenon, ayon sa PAG-ASA. Kapansin- pansin ang madalang na pag-ulan at mas matagal na pagsikat ng araw. Ang mabigat na pagtama nito sa matagal na panahon ay maaaring senyales na ang daigdig ay unti-unti nang nagbabago ng anyo.
AG TEK 16
S
ni STEPHEN LLORENTE ni STEPHEN LLORENTE
NANGINGINIG NA DEPENSA. GRSHS-X Official Page ‘di pinalampas ng Medusa Ransomware. KUHA NI CAROLYNNE DONGALLO
OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL - X TOMO XXXI BILANG I | NOBYEMBRE, 2023 - MAYO, 2024
KUHA NI THERESE RANA GAWA NI JOHN CLARK BATION
Pera o Passion
ni JOHN MICLAT
Hindi maitatanggi na ang pagiging isang “Student Athlete” ay hindi biro at kinakailangan ng mataas na kakayahan sa paglalaro para lang mailarawan ang kanilang paaralan, pero hindi naman buong buhay tayo maglalaro para sa ating paaralan at kahit papaano ay may inaasam na resulta na makuha.
Patok sa mga “Student Athletes” ngayon sa Gusa Regional Science High School ang katanungan kung para saan ba nila iniaalay ang kanilang pagod, pagpupursigi, at sipag sa paglalaro, para ba sa pera? O pag sinta sa naturing laro?
Karamihan sa mga atleta ngayon ay nagiging trabaho na ang paglalaro, pero ang iba ay patuloy na binibigay ang lahat para lang sa laro.
Pahayag ng isa sa mga atleta ng GRSHS-X, Christian Dynniel Llanos, na ang pagiging isang student athlete sa paaralan ay isang malaking hamon sa kanya at isang malaking biyaya lalo na’t tinutulak itong mas malakas a mga paligsahan labas sa pag aaral.
“I dedicate my time and effort in sports not for fame, but because I have a passion for Taekwondo ever since I started, I also pursue this sport for physical and mental fitness.”
Pareho din ang naging sagot ng Table Tennis Player na si Jenshen Villa Chee, “For me, I would pick passion. Kay if you want to be a champion one day, willing ka mu sacrifice sa imong time para lang mag training. If you’re really that determined, you would sacrifice your time especially your sleep so that you’ll be a good athlete one day.”
“I dedicate it to my passion for sports, being a student athlete dili easy ang sacrifices pero all of it is worth it because volleyball is like an escape, an escape from the harsh realities or the stress. Being an athlete, money is just one of the positive outcomes the experience, the friends you make and a lot more is an entirely different thing.”, sagot ng manlalaro sa Volleyball Varsity team ng GRSHS-X, Rushlee Samantha Baltazar.
SGOLAZO NI MAGDATO
Keefe Magdato, napiling lumaro sa CMORFA U19 Pool
Sa pagpapalaki ng mga batang talento, ito ay nagsisimula sa iba’t ibang akademya o mga koponang nasa ilalim ng PFF o Philippine Football Federation— isa sa mga koponang ito ay ang CMORFA o ang Camiguin-Misamis Oriental Regional Football Association.
Lumalaki na ang impluwensya ng football sa mga kabataang Pinoy, kung kaya’t nahihikayat silang matuto at maglaro sa propesyonal na lebel.
Ang CMORFA ay ang isang Division 1B Team dito sa MindanaoVisayas Group, sila ang team na napiling magrerepresenta sa buong Misamis Oriental sa mga rehiyonal na palahok, isa sa mga palahok na ito ay ang PFF UNDER-19 STARS OF TOMORROW kung saan makakalaban nila ang mga teams na nagrerepresenta sa kani-kanilang rehiyon upang mawaging kampeon sa Pilipinas.
Kilala ang CMORFA sa paglabas ng mga matatas na kaledad na young football players, isa sa mga football players na ito ay sina Jeremiah Chabon Borlongan at si Dimitri Lionel Uy Limbo, ang dalawa ay dating UAAP players at kasalukuyang naglalaro sa kani-kanilang mga club dito sa Pilipinas. Isa sa mga young talent na si Keefe Aldwin C. Magdato,18, isang
mag-aaral sa Gusa Regional Science High School – X, na nagkaroon ng isang pagkakataon na makasali sa prestihiyosong CMORFA U19 players nang masali sya sa CMORFA U19 pool, pagkatapos magpakitang gilas sa laro nila sa Golden City Football D league.
“Nabigla nalang ako nang inapproach ako ng Coach ng CMORFA na si coach Ivan Caina, pagkatapos ng laro namin. Kinausap ako ni coach na nagandahan raw siya sa laro ko at inanyayahan niya ako sa isang exhibition game para sa CMORFA U19 pool” ani ni Magdato kung paano siya na scout para makapasok sa CMORFA U19 pool.
Idinagdag rin niya kung ano ang kanyang naramdaman sa kaniyang scouting “Nasayahan ako, I feel honored to be a part of the elite group of players sa Cagayan de Oro”.
Sa pagpatuloy niyang pagpupursigi at pagsunod sa kaniyang passion para sa laro na football, malaki ang inaasahan niya sa CMORFA “Consistent hands-on
training, preparation for division 1 games, being exposed to competitive 11-a-side football, and lastly playing with the best under 19 players in the Philippines”.
Ipinahayag rin ni Magdato ang kanyang nararamdaman sa management at sa coach niya “They are serious and I feel I will learn not only inside the football field but also outside the football field, coach Ivan is a tactician and motivator and he has a lot of advice in life in general”.
“We still need to create and bond a lot, I was used to the fact that we were all rivals on the field since we had different football clubs growing up but here in CMORFA we are now one so we need tostick the team together” idinagdag ni Keefe tungkol sa kanyang pakikihalubilo sa mga kapwa manlalaro. Nabanggit rin ng young talent ang kanyang layunin kung sakali siya ay mapiling magrepresenta sa MisOr. Football Association “Help the team win, do everything to help the team develop, and to be exposed to a higher level competition”.
Marami pang mga events ang CMORFA na nakaplano sa pagtasa sa kanilang mga atleta, kasama na rito ang matitinding training camps at mga exhibition games laban ang iba’t ibang malalakas na koponan dito sa Misamis Oriental at ang hinihinatayang pagsisimula ng Division 1 league games.
umagwan ang CGY Oro Dragons sa ika-unang Kagay-an International Dragon Boat Race nang magtapos ang koponan sa Finals noong ika-19-20 ng Agosto 2023 sa Cagayan de Oro City, Philippines.
Kabilang ang mahigit ng 19 na koponan sa iba’t ibang parte ng bansa, Hong Kong, at Malaysia sa two-day competition na ginanap sa Cagayan River. Umarangkada ang CGY Dragons sa 24U STD Open 400M upang makuha ang unang pwesto, tagumpay na maiwan ang Ricspeed Paddlers sa pangalawang pwesto.
“The dragons symbolize strength and prosperity. We want the dragons to blow away the bad spirits and bring back the good.”, sabi ni Guantero.
Hindi parin nagpahuli ang CGY at nakuha ulit ang unang gantimpala sa Premier STD Mixed 400M matapos maunahan ulit Ricspeed sa maliit lamang na agwat.
Nagtapos ng unang pwesto ang Dragons sa 24U STD Open at Premier STD Mixed 400M Semi Finals nang malagpasan ang Samal at Daligupa
Huminto ang CGY Dragoons sa pangatlong pwesto sa 24U STD Open at naunahan ng Barangay Carmen ng isang segundo habang nakuha naman ang pangalawang pwesto sa Premier STD Mixed. Ang nasabing kaganapan ang isa sa mga core event ng Higalaay Festival na hahantong hanggang Agosto 28 Feast of Saint Augustine, the patron saint of Cagayan de Oro. Mahigit ₱1.6 million ang nagastos ng gobyerno para maidala ang 689 na manlalahok sa boat race, “We spent for the judges, food, prize money, and hotel for officials. We really wanted the dragon race to be successful because this is our first international event”, pahayag ng City Tourism Officer Rico Libre.
Ipinahayag ng City information officer Ivy Guantero na ngayong tapos na ang pandemya, gusto ng gobyerno na muling mamuhay ang mga residente ng masaya at muling bumalik ang mga turista.
‘‘
The dragons symbolize strength and prosperity. We want the dragons to blow away the bad spirits and bring back the good.
ISPORTS
ROPHE EDROTE
ni
TIRA SA UGAT
MATA SA MATA
ISPORTS INTERNASYONAL
17
BUGSAY. Matinding paggaod at ‘di mabibiyak na puso ang gamit ng mga Dragon Boat participants sa kompetisyon.
MULA SA CRUSADER PUBLICATION
MATA SA MATA
Ilegal na Legal
ni ROPHE EDROTE
Sa paparating na mga athletic meet, hindi lang ang mga atleta ang mga nagaapoy kung di’ pati rin ang mga isyung nakapalibot sa mga manlalaro, bakit merong mga atletang lagpas na sa age limit na Under 18 years old rule na nakakalaro parin sa mga ganitong paligsahan, masama ba ito? O walang apektado?
Sa isang memorandum ng Department of Education (DepEd) noong 2019, kilala rin bilang Division Memorandum No. 282s. of 2019, na naglalaman nang schedule at mga house rules sa magaganap na paligsahan, mababasa sa section 2 sa memorandum na ito, na para sa sekondaryang paaralan ang Cut-off year age limit ng mga atleta ay yung mga pinanganak noong 2002, o kung ating tatayahin 17 years old lamang ang pwedeng makalaro.
Patok na issue at minsan panlaban sa ibang paaralan ang paksang may overage player ang kanilang kupunan, ngunit natitigwak ang paksang ito dahil sa pagpapakita ng pekeng papeles ukol sa kaniyang edad, maraming paaralan ang masasabing lumalabag patakarang ito ayon sa mga GRSHS-X student athletes.
Mungkahi ng isang atleta mula GRSHS-X, Cara Lotsee Tan-gan, 17, na nakaranas ng ganitong pangyayari, “I just think it’s unfair, kase parang binabawian ng pagkakataon ang mga “clean” players kase may mga “dirty” players”.
Isa naman sa Basketball team ng GRSHS-X, Jose Dandan, 18, ay nakapanayam rin tungkol sa paksang ito, “Ang District meet ay isang paligsahan upang magpakitang gilas ang mga magagaling na manlalaro regardless of their age, siguro ang lamang lang nila ay ang experience dahil lamang sila sa edad, ngunit para sa akin kung magaling ka talaga kukunin ka ng inyong team at pinagkakatiwalaan ka na umambag para makuha ang panalo”.
Sa District meet, sana’y mabigyan aksyon ito ng Division o ang Sports Commision ng ating distrito upang masugpo o mabigyan ng babala ang mga lalabag sa mga patakarang pinatupad ng ating Division, bilang mga atleta nawa’y maging patas, makatotohanan, at magpakita nang respeto sa magaganap na pampalakasan.
KAMPUS EKSPRES
Pagbabalik ng MILO Marathon sa Cagayan de Oro City, 534 RS students nakilahok.
Higit na 9,300 ang lumahok sa pagbabalik ng Milo Marathon sa Cagayan de Oro City noong Ika-29 ng Oktubre 2023 matapos itong mawala ng tatlong taon dahil sa pandemya.
Bumanat ang mga Regionalista kasama ang mga magulang, fitness enthusiasts at professional runners sa 21, 10, 5, 3 kilometer marathon noong ika-29 ng Oktubre sa Cagayan de Oro City.
“It is a good and refreshing activity for us Regionalistas; to run and just unwind with all the academic stress and pressure.”, pahayag ng 17-yearold estudyante na nakilahok sa MILO Marathon, Allen Ron Donasco.
Layunin ng MILO Marathon na mahikayat ang mga Pilipino na maging mas aktibo sa larangan ng isports at para maidaig ang mga pangarap para sa kabataan.
Kasalukuyang naghahanda ang MILO para mapabuti pa ang kanilang sports programs, lalonglalo na sa buong pagbabalik ng Milo Marathon ngayong 2024.
ISPORTS LATHALAIN
Padyak ni Culiao
ni ROPHE EDROTE
From friends to family to me ang naging kwento nang pag lahok ni Denver Culiao,18 isang estudyante sa GRSHS-X sa larangan ng pagbabike o trailing.
Nagsimula ang trailing ni Denver sa impluwensya ng kaniyang kuya na kung saan na impluwensyahan rin ng kaniyang mga kaibigan,”sabi ng kuya ko na pwede ako mag try sa trailing kaya yun kinuha ko ang trailing”, ’di niya inakala na ang libangang pinakilala lang ang magdidikta sa daloy ng daan niya.
“When I first tried trailing one of the thingsI very first felt is the thrill it gave me and I got addicted to it and pursued the sport more and more” ayon ka Culiao tungkol sa pagpapatuloy sa trailing.
Kahit binata pa lamang nakasali na si Denver sa iilang trail competition dito sa Mindanao, ito ang Iligan trail, Jasaan Trail, at ang Libona Trail, at nag tapos sa lahat ng trails na
kasali sa top 15 finalists.
“One of the things that left a mark on me and the reason that made me fall in love with trailing is the community”, sambit ni Culiao sa pagpupursigi sa trailing, “All competitors are all your friend, even though you are fighting for the medal, in the competition everyone helps each other and it makes trailing such a good sport”.
Para naman sa mga batang naghahangad na pumasok sa trailing, “For beginners I really suggest that you try to take it slow during the progress, try easy trails, and if you think you can take on harder trails and compete with others, go for it”, payo ng binata.
Dagdag rin ni Denver,
“When you join in any competitions try to go and participate with a friendly mindset because all the people there are kind and, in the end, all of you will become friends in the end of the trail”.
Pagpupursigi at pakikipagkwapwa ang mahihinuha sa storya ni Culiao, trailing kung minsa’y mapanganib ito ang magdadala ng pinakamalaking saya at buhay sayo.
One of the things that left a mark on me and the reason that made me fall in love with trailing is the community.
Nagpasiklaban sa entablado ang Gusa Regional Science High School - X sa Nestlé Wellness Campus Hataw SY 2023-2024 School Sayaw Showdown. Layunin nitong ipakita ang husay at talento ng sampung mag-aaral sa modernong sayaw gamit ang SY 2023-2024 dancercise music. Ang mga nasa ika-10 baitang na parte ng dance troupe ang napili upang kumatawan sa kompetisyon. Ito ay base sa PT
Sila ay labis na nagsumikap upang magsanay para sa darating na kompetisyon. Nagsimula silang mag-ensayo noong ika-9 ng oktubre. Sinigurado nilang sila ay makakapagensayo araw-araw upang maging maganda ang resulta ng kanilang pagtatanghal. Naglaan sila ng sampung oras upang makapaghanda sa sayaw. Nang dahil nga ang kompetisyong ito ay pangmalakihan, sila lamang ang gumawa ng kanilang sariling koreograpia. Apat na oras ang kanilang nagamit para sa koreograpia, at apat din para sa pagtutok sa mga detalye ng sayaw. Dalawang oras naman ang ginugol nila para sa pagfilm ng video noong ika-14 ng oktubre.
Nakilahok naman ang mga estudyante ng GRSHS-X sa pagboboto upang kanilang mapakita ang kanilang suporta. “Ang pag rerepresenta sa aming paaralan sa isang national competition ang pinakamalaking gantimpala na aming matatanggap sa school year na ito. Kahit hindi man kami manalo, isang malaking karangalan na makarepresenta sa aming paaralan,” pahayag ni Kurais— isa sa mga nakilahok sa kompetisyon.
Ang panahon ng pagboto ay magpapatuloy para sa Top 20. Ang limang paaralang magwawagi ay tutukuyin batay sa pamantayan sa paghusga: 50% mula sa mga resulta ng online na pagboto at ang iba pang 50% mula
sa mga live na pagsusuri sa pagganap. Ang buong detalye ng pagboto ay nasa kanilang website. Mula Nobyembre 1, 2023 hanggang Pebrero 15, 2024 ang panahon ng pagboboto. Kaya bisitahin lamang ang kanilang website na barangay.com.ph kung nais ninyong bumoto. Batay sa pamantayan sa paghusga: 50% mula sa mga resulta ng online na pagboto at ang iba pang 50% mula sa mga live na pagsusuri sa pagganap. Ang buong detalye ng pagboto ay nasa kanilang website. Mula Nobyembre 1, 2023 hanggang Pebrero 15, 2024 ang panahon ng pagboboto. Kaya bisitahin lamang ang kanilang website na barangay.com.ph kung nais ninyong bumoto.
ISPORTS 18
Grade 10 Dance Troupe kinatawan ang GRSHS-X sa Nestlé Wellness Hataw 2023 ni DHESEREI CABALDA
‘‘
DIVISION MEET TABLE TENNIS 1 BRONZE Men’s Doubles 1 BRONZE Women’s Singles
SILVER Women’s Doubles GRSHS-X
SA MGA NUMERO
1
umamada ang RS EAST 1 representatives na sina Kelvy Ecuacion at Ram Boiser sa Table Tennis Men’s doubles nang nakamit ang bronze medal at Blisany Torralba na sinungkit ang silver at bronze medal sa Table Tennis Women’s doubles and singles.
TANSONG PANALO
Kinapos man para kwalipikasyon sa rehiyonal na palaro magandang laro parin ang ipanakita ng dalawang grade 12 students Ecuacion at Boiser sa naganap na Division Athletic Meet noong ika-23 ng pebrero , 2024, matapos masungkit ang bronze sa kategorya nila.
Marupok ang daan na tinahak ng dalawa sa simula ng kanilang mga laro matapos sila matalo ng Corpus Christi, 3-0, isang immaculadang pagkatalo na magiging krusyal sa mga susunod nila na laban, napunta sila sa loser bracket.
“After the loss, it didn’t really demotivate us since we already knew Corpus Christi is a strong school and we were just hoping for the next matches to bounce back” ayon kay Ecuacion tungkol sa opener game nila.
Makikita nila ang kanilang sarili sa loser bracket, kung saan kumayod sila ng dalawang 3-1 na panalo kontra WEST 2 at SOUTHEWEST division, ito ang nag tulak sa
Abragan, napasakamay ang tansong medalya
Tagumpay na makuha ni Ira Abragan ang tansong medalya sa 2024 Division Meet women’s singles category, noong ika-22 ng Pebrero sa Sports Zone at Paseo de Oro.
Naipatumba ng Gusa Regional Science High School - X badminton player, Ira Marie Abragan ang North 1 District Player galing Merry Child School, 21-16, 21-18, para magpatuloy sa semi-finals.
Pinasiklaban ni Abragan ang manlalaro sa isang 12-8 run sa pagsisimula ng unang set na humantong sa 5 point lead upang makuha ang set.
Madikit ang naging simula nang pangalawang set matapos magtabla ang dalawang koponan 6-6, hindi pumayag si ang Regionalista at nilamangan ang manlalaro, 18-13, matagumpay na maisara ang laro, 2-0, at nakaharap ang West 1 District player galing sa Xavier University, Juliane Mausisa.
Bagsak si Abragan matapos dominahan ni Mausisa sa unang set, 21-9, at nagtapos lamang sa pangatlong pwesto nang maisara ang sa isang 14 point lead ni Mausisa, 21-7. “Akong main struggle gyud is against sa Xavier kay na intimidate nako before the game after nag tan aw ko sa iyang games, nag assume nako na mapildi gyud ko so it was really not my best at that time” pahayag ni Abragan matapos mabigong makalusot sa patungong Finals.
Sabi naman ng Head Coach ng GRSHS-X Women’s Badminton, Maria Teresa Cuarteros, “Actually she was not struggling, she can beat Mausisa, but I noticed she already assumed na she cannot beat her and she was already tired and needed air that’s why I always told them to jog during practices because their play style was already good enough and needed no more polishing.”
kanila sa finals sa bracket nila kung saan haharapin nanaman nila ang Corpus Christi. Dikit ang naging laban nila kada set dahil sa mga deuce points ngunit kinapos pa rin ang dalawa sa lakas ng Corpus, nag mukhang replay ang laro matapos matalo 3-0.
“We were happy to win a medal, for the future I hope to continue with Ram playing table tennis and I have high hopes for the next generation, hoping they can place higher and achieve more than us” Sambit ni Kelvy.
PALONG PILAK
Tiklop man sa finals silver at bronze medalist parin ang grade 9 na si Blisany
Torralba sa Table Tennis Women’s doubles na category sa Division Athletic Meet. Bigo man sa kompetison may naiuwi parin ang Grade 9 student na medalya, sa naganap na Division Athletic Meet, dalawang kategorya ang sinalihan niya, womens singles at doubles, dahil isa sya napili na lumaban para sa EAST 1.
Kasama ang kaniyang kakampi galling USTP hinagupit nila ang kompetisyon kontra SOUTH, WEST 2, AT NORTH divisions ngunit kinapos sila kontra WEST 1, kaya natapos ang kanilang takbo at inuwi ang silver medal sa Doubles category.
Sa singles category bumira si Torralba kontra NORTH 1 at WEST 2 ngunit tiklop kontra SOUTH at WEST 1, resulta sa isang bronze medal run.
“I was a bit disappointed in my game because I really lacked practice, if I had practiced a bit more maybe I could have won the whole tournament”, ayon kay Blisany, “for next year I am hoping to change things and put in more work and effort so that I can represent and win for my school”.
“If we had a bit more time we could have won the tournament, compared to other schools where they have sports-related subjects we were really handicapped”
SOARING HIGH
RegSci East 1 kickers umarangkada sa Division Meet Taekwondo, wagi ng 6 na medalya
sambit ng Coach nila si Aristotle Mabale,”but nonetheless I am proud of their feat and, I wish for them to improve and win a lot in the future”.
RS women’s ng EAST
1 kinapos kontra West
1 smashers, bigo sa DAAM Badminton Doubles
CAGAYAN DE ORO CITY - Umariba ang mga kinatawan ng Gusa Regional Science High School- X East 1 sa Division Meet Taekwondo sa South City Central School noong Pebrero 23, 2024 kung saan nasungkit nila ang kabuuang anim na medalya sa parehong kategorya ng Poomsae ni Carbos. “I’ll train even harder to achieve more than just a silver medal.” Samantala, si Riareese Zoe Orcales ay nagwagi ng gintong medalya sa larangan ng Kyorugi Welterweight habang sina naman Louie Jane Bayron ay nakakuha ng pilak na medalya sa finweight at si Kyle Lorenz Sabanal ay nagtamo ng tanso sa featherweight. “ I am confident sa amoang training and skills nako to push through the game,” sabi ni Orcales. “I will continue to train and improve myself to become a better player.” Uusad rin si Orcales sa darating
na Regional Meet at makakasali rin siya sa parating na International Game sa August ng taong ito.
Tiklop ang RS women’s double, Jean Dela Torre,17, at Trixy Anne Cardona,16, sa badminton ng team EAST 1 sa Schools Division Meet, matapos mabigong makalusot sa next round ng kanilang bracket, nang pinayuko sila ng Team NORTH 1 sa kartadang 13-21 at 16-21 noong ika22 ng Pebrero, 2024 sa Sports Zone, Cagayan De Oro City.
Dinomina ng Team NORTH 1 representatives ang laro pagkatapos magpakita ng malalakas na smash at mga well placed hits na nagpahirap sa laro ng EAST 1. Naging mainit ang simula ng laro nang magpalitan ang dalawang koponan ng malalakas na smash at mga backhand na nagtulak sa EAST 1 maka abante 6-4, ngunit uminit ang opensa ng WEST 1 na kumamada ng 7-0 run mabawi ang lamang 6-11, nataranta na ang EAST 1 womens at ‘di na nakabawi, natapos ang set, 13-21. Naging dikit ang laban sa simula ng ikalawang set ng magpalitan ang dalawang koponan ng mga drop shot,malalakas na smash, at matataas na rally na nagdala sa laro 9-10, nang nakalamang ang WEST 1 ng limang puntos uminit ang opensa ng EAST 1 at nagkaroon ng 3-0 run resulta sa tabling laban 14-14.
‘Di nag pa tinag ang NORTH 1 at tuluyan nang sinara ang laro sa isang 7-2 run, tugon sa sunod-sunod na error ng EAST 1 at malalakas na atake ng NORTH 1, nag tapos ang laro, 16-21.
“I know that we can really win the game, we were really taken over by nervousness and if ever we weren’t nervous and applied the advices that our coach gave us during breaks, we could have won the game”, ayon kay Team Captain Dela Torre.
“I don’t see anyone pa as a potential team captain but I think everyone has the potential to be”, dagdag ni Dela Torre, “I hope for the next year’s team they can surpass our achievements and go to a higher stage, I have high hopes for them”.
Formula 1, Forever 1
Raratsada ang F1 sa bago nitong season campaign sa taong 2024. Mga bagong sasakyan at bagong mukha ang sasalubungin ng mga estudyante ng Gusa Regional Science High School (RS) mula sa kanilang paghanga at pagmamahal sa kart racing.
Inaabangan ang bagong season campaign bilang pinakataas na season sa F1 na pinagkaroon ng 24 race weekends na mangyayari sa 21 iba’t ibang bansa na magsisimula sa Marso hanggang Disyembre 2024. Sa lahat ng ito, ano kaya ang naging impluwensya ng F1 sa pag-aaral ng mga estudyante ng RS? Ayon kay Ivan Marc Garcia,18, isang diehard F1 fan, “Ang F1 ay naiuugnay sa mga ideyang may kaugnayan sa pisika at nagbibigay ito sa akin ng mas malawak na aspeto dito,
09 ISPORTS 19 OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL - X TOMO XXXI BILANG I | NOBYEMBRE, 2023 - MAYO, 2024
ni JOHN MICLAT
K
KAMPUS EKSPRES
at bilang isang isport nagbibigay ito sa akin ng thrills at dahilan na dapat abangan tuwing katapusan ng bawat linggo.” Subaybayan at panoorin ang paparating na Bahrain Gran Prix ngayong marso. ni ROPHE EDROTE ni ROPHE EDROTE PALONG
LALAOS. Matapang na linaban ni Jean Dela
ang
ng EAST 1 sa sports zone noong ika-22 ng
2024. KUHA NI ROPHE EDROTE MATINDING TINDIG. Tigas ng bawat tikas ang nag dala sa REGSCI kickers sa kanilang medalya noong ika-23 ng Pebrero, 2024, sa DAAM. KUHA NI LANCE DABAD ISPORTS KIPIL
am proud of their feat and, I wish for them to improve and win a lot in the future. I’ll train even harder to achieve more than just a silver medal. ‘‘ ‘‘
HINDI
Torre
bandera
Pebrero,
I
Aristotle Mabale Table Tennis Coach Reyan Carbos Taekwondo Athlete KAMPUS ESKPRES ISA, DALAWA, PALO. Buong pusong linaban ni Ira Abragan ang EAST 1 sa DAAM upang maiuwi ang isang panalo sa sports zone, noong ika-22 ng Pebrero, 2024. KUHA NI ROPHE EDROTE
ISPORTS LOKAL
ang
RS East 1 Gusa, inalon sa Division Meet 2024 Swimming event
Nalunod ang East 1 Gusa sa Division Meet 2024 swimming events nang ma-DQ/DF sa 400m freestyle at 100m breaststroke sa Kagayan Lawndale Spring Resort noong ika-22 ng Pebrero, 2024
Naging masingaw ang sisid ni Mike Cabunias sa kanyang 400m freestyle (Event 3) matapos huminto sa ikalawang lap tungo 100m ng kompetisyon. Parehong nadatnan ni John Yamit sa 100m breaststroke (Event 31) nang mawalan ng hininga sa kalagitnaan ng kanyang 1st lap.
“Kaba ang naranasan ko sa aking laro, kaya hindi ako nakahinga ng maayos sa ikalawang lap,” pahayag ni Cabunias.
Idineklara ang mga kinatawan ng RS East 1 Gusa bilang Disqualified (DQ/DF) sa nasabing kaganapan. Bagaman sa pangyayari, patuloy pa rin ang mainit na dugo ng mga manlalaro para sa darating na mga kompetisyon.
“Kahit ano ang naging kinalabasan, masaya pa rin ako para sa kanila, ensayo lang at tamang preparasyon ang kulang” ani Josephine Deysolong, coach ng mga atleta.
“Lalangoy kami para sa ginto sa susunod,” dagdag ni John Yamit.
LANGOY NI CABUNIAS.
Kahit kinapos ‘di kinalimutan ni Mike Cabunias magpakitang puso at pagpupursigi sa laro, sa Lawndale resort, noong ika-22 ng Pebrero, 2024.
KUHA NI HANZ CALIO
Kahit ano ang naging kinalabasan, masaya pa rin ako para sa kanila, ensayo lang at tamang preparasyon ang kulang.
Josephine Deysolong
Swimming Coach
Sasabak sa Regionals ang Gusa Regional Science HIgh School - X chess player, Lara Dalagan nang masungkit ang medalyang pilak sa nagdaang Division Meet 2024 noong ika-2224 ng Pebrero na ginanap sa Cagayan de Oro National High School - Senior High.
Matapos dinomina at mag kampyeon sa District Meet ang 14-year-old na manlalaro, umarangkada ang Regionalista sa Division Meet at matagumpay na makuha ang 4-1 record.
This is my first time joining in this competition and it is really my dream to reach the Nationals because my sister, Sara was able to reach the Palarong Pambansa Level” pahayag ng GRSHS-X player matapos magwagi laban sa Corpus Christi School na manlalaro, Lila Alyssa. Aminado si Dalagan na kinabahan talaga siya noong humarap ito kay Lila dahil pwede daw itong umuwi o umabante sa Regionals.
“Pinakalisud gyud nako na game is with Lila because that was my last match and if mapilde ko I will go home or if makadaog ko, makaadto ko sa Regionals and one step nalang ko from my dream na maka Nationals” sabi ni Dalagan. Hindi rin nagpahuli ang team ng GRSHS-X at nasungkit ang pangatlong pwesto para sa Blitz at Standard Category.
Kasulukuyang naghahanda si Dalagan para sa papalapit na Regional Meet na gaganapin sa Camiguin.
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL - X
Tomo XXXI | Bilang I NOBYEMBRE, 2023 - MAYO 2024
SAYAW DAYAW
RS East 1 Gusa, back-2-back sa Aero Gymnastics Regional Meet 2024
IMAKULADANG PAGBIRADA. Malinis at malinaw na mga galaw ang nag dala kay Maxine Vocales sa Rehiyonal na palaro, noong ika-22 ng Pebrero,2024, sa City Central School.
KUHA NI LANCE DABAD
NI FRUJI SABELLO
aindayog na ibinulsa ang SILVER medal ng back-to-back Reg’l qualifier Maxine Vocales sa Division Meet 2024 Aerobic Gymnastics mula East 1 Gusa ng Gusa Regional Science High School - X sa CDO City Central School ika-22 ng Pebrero, 2024.
Maselan na itinanghal ni Maxine ang kanyang detalyadong routine na puno ng kariktan at kakisigan upang makamit ang ikalawang pwesto. Gamit ang kanyang ritmikong pananayaw, detalyadong footwork, at tornado spin sa climax ng routine, silyado ang kanyang posisyon para sa susunod na rehiyonal na palaro. “Mas pagbutihin ko ang aking pag-ensayo pati na ang aking diet, at sana makakuha tayo ng pwesto para sa Palarong Pambansa,” ani Maxine Vocales sa kanyang preparasyon. Suportado ang kanyang mga magulang at coach dahil sa pinagmulan ng kanyang huwaran na talento sa murang edad na 7 simula elementarya. Dahil sa pagtangkilik sa kaibigan ng kanyang ina sa gymnastics, mas naging interesado ang atleta ngayon sa nasabing larangan. “Sa susunod na palaro, aasa tayo na mas maayos ang preparasyon ng mga manlalaro sa ating institusyon kahit
‘‘
Sana makakuha tayo ng pwesto para sa Palarong Pambansa.
na malayo pa ang kompetisyon,” ani Oliver Cutaran, coach ng atleta. “Para sa ikabubuti ng mga atleta, sana’y mas maayos na din ang ating sports material lalo na ang mga mats para
sinagtala ang isports
sa pag-ensayo,” dagdag pa niya. Patuloy
para sa dayaw ang kompetitor na sasabak sa Regional Meet sa Camiguin. Abangan ang pagtatanghal ni Maxine Vocales!
na sasayaw
ONLINE NA! I-scan lamang ang QR Code upang ma-access ang kopya. sinagtala ang M
Maxine Vocales Gymnastics Athlete
ISPORTS LOKAL Dalagan, silyado ang pwesto sa regionals Division Meet ‘24 Chess Event ni JOHN MICLAT
ni FRUJI SABELLO
‘‘
ISPORTS | PAHINA 17 SOARING HIGH
PADDLE AND ROAR
MGA NILALAMAN