Ang Sinagtala 2022-2023 | Tomo XXX, Blg. I

Page 1

sinagtala

14 estudyante ng GRSHS-X, apektado ng LPA

NI TIMOTHY DAJAN

Nasalanta ang labing-apat na mag- aaral mula sa Gusa Regional Science High School –X sa hanggang bubong na baha dulot ng Low Pressure Area sa Bugo, Cagayan de Oro City, Oktobre 16, 2022.

Ayon sa isang estudyante na napin- sala ng baha, nadatnan nalang na lubog na sa baha ang ibang gamit nila at itoy palutanglutang na.

“Di ko talaga akalain na ganoon na pala ka taas yung tubig pag-uwi ko, bumili ngalang ako ng materials para sa school, pero ayun nakita ko nalang na yung mga ibang damit ko nasa baha na” pahayag ni Desiree Israel ng ika-labing dalawang baitang Lorenz ng GRSHS-X.

MAINIT-INIT NA PROBLEMA

Regionalista, namomoblema sa init ng panahon

Edukasyon, Kalusugan ng bawat estudyante, apektado

Matapos idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na simula na ng dry season, nararamdaman na ito sa Gusa Regional Science High School na problema naman ang dala sa bawat estudyante.

Panawagan ng bawat estudyante ng

GRSHS-X ay balik module learning o dagdagan ang mga electric fan sa bawat silid

aralan upang maibsan ang init na kanilang pinoproblema kung silay papasok. Ibinahagi ng isang mag-aaral na

Late ComeRS

nasa ika-12 baitang sa kanyang social media ang kanyang saluobin patungkol sa maalinsangang panahon.

Nakasulat sa kanyang IG Story, “ mahuman lang gyud ning finals, dili nagyud ko mubalik sa skwelahan kay grabe ka alimuot”. (matapos lang itong finals, hindi na talaga ako babalik sa skwelahan dahil sobrang alinsangan). Sa inilabas na Forecast for Heat Index ng City Disaster Risk ipagpagpatuloy sa pahina 04

Reduction and Management Department, mula Mayo 5 hanggang Mayo 12, araw araw na lumalagpas ng 40° ang temperatura na nararamdaman sa Cagayan de Oro City. Dahil dito, kinakatakot ng lahat ang mga posibleng epekto ng sobrang init na panahon sa mga estudyante.

Bilang ng nahuhuling pumasok na mag-aaral sa GRSHS-X, dumadami

NI RYAN TABAMO

Ikinabahala ng administrasyon ng Gusa Regional Science High School-X ang muling pagtaas nang bilang ng mag-aaral na nahuhuling pumasok dahilan na maaaring makaapekto sa kanilang pang-akademikong performance.

Base sa datos na nakuha sa Supreme Student Goverment (SSG) ng nasabing paaralan, naitala ang 101 estudyante sa pagbabalik palang ng klase noong Enero 9, 2023, bumaba naman ito ng 32 noong ika-16 ng Enero, 2023, pero tumaas ulit eto noong Enero 23, 2023 matapos nakapagtala ng 112 mag-aaral na nahuhuling pumasok sa paaralan.

“Karamihan sa mga dahilan ng pag-ka- late ng mga estudyante ay ang

matagal nilang paggising na dahilan na naaabutan sila ng trapik” ani ni Johnson Tan, isang SSG Protocol Officer ng GRSHS-X. Dagdag pa ni Nichole Abenojar, isa sa mga estudyante na nahuhuling pumasok na ang dahilan ng pagtagal niyang paggising ay dahil sa tambak na asignatura na dapat niyang tapusin. Ang kabuuang bilang ng nahuhuling pumapasok na mag-aaral

ay pumapalo na sa humigit kumulang limang daang mag- aaral.

Inaatasan ang lahat ng guro na pana-tiliin ang pagbantay ng oras ng pagpasok ng kanilang estudyante.

Sa ngayon ay inaalam pa ng adminis-trasyon kung paano matugunan ang pag-dami ng bilang ng nahuhuling pumapa- sok na estudyante.

ang Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL - X. Dibisyon ng Cagayan de Oro, Rehiyon X TOMO XXX | BILANG I Enero-Pebrero, 2023
NI TIMOTHY DAJAN
ipagpagpatuloy sa pahina 04 Alingawngaw ng Kamangmangan OPINYON PAHINA 05 Mananaliksik mula RegSci, panalo sa Shell NXplorers AGTEK PAHINA 13 online na! sinagtala ang i-scan lamang ang QR Code upang ma-access ang kopya. MGA NILALAMAN
KUHA NI MARIZ GALES MAINIT-INIT . Apektado ng maalinsangan na panahon ang mga estudyante ng GRSHS-X KUHA NI MARIZ GALES

BALITANG

RS Water restoration, sinagot ng City Gov’t

Laking pasasalamat ng guro at magaaral sa panunumbalik sa suplay ng tubig kung saan sinagot ng pamahalaan ng Lungsod ng Cagayan de Oro.

Dahil dito, mapapanatili ang hygiene at sanitation ng mga mag-aaral kalakip ang kalinisan sa palikuran.

“We are grateful for the water restoration of the school. This is very helpful especially we can use this in cleaning our respective restrooms,” saad ni Michael Anthony P. Allosada, pangulo ng Supreme Student Government.

SUPP-flies

RegSci kinapos sa Learning Materialssarbey

Dumadaing ang mga magaaral ng karagdagang learning materials upang matugunan ang kanilang pangangailangan sa klase, ayon sa sarbey.

“Kulang ang mga libro o LM na binibigay sa mga estyudante. Mahirap na kulang ang libro sapagkat kapag may kinakailangan kang pag-aralan para sa mga sulatin,” pahayag ng isang magaaral.

Inaasahan ng mga mag-aaral na mabigyan ng agarang aksyon bilang pagtitibay ng kalidad ng edukasyon ng paaralan.

Regionalistas, humakot ng panalo sa International Mathematics Competition

NI MARGARETH LOGROÑO

Umani ng humigit 15 na medalya ang mga estudyante ng Gusa Regional Science High School – X matapos magpakitang gilas sa 2023 International Kangaroo Mathematics Competition na ginanap noong Marso 18, 2023.

Panalo ng Silver Medal sa Senior Division sina Kurt Kareem Israel at John Lenard Soronio na parehong Grade 12 student ng nasabing paaralan, sa magkaparehong dibisyon naman, panalo sina Keefe Aldwin Magdato, Gabriel Labarosa, Ivan Marc Garcia, at Beatrice Bernardo ng Bronze Medal.

Ibinahagi ni Ibrahim Alonto, isa ding Bronze Medalist sa Senior Division, ang kanilang mga ginawang pagsasanay bago ang paligsahan.

“Para sa aming preparation, sa aking sarili nag research ako about kangaroo math online tapos sineshare ko ito sa aking mga kasama and a week before sa aming competition nag samasama na kaming mag review, sagotsagot sa mga dating kangaroo math” wika ni Alonto.

Hindi rin nagpahuli sa Intermediate Division matapos masungkit ang sampung Bronze Medal, kasama dito sina Karla Michelle Mendoza, Ryan Tabamo, Neil Gabrielle Sabal at iba pang Grade 10 students.

Kinwento din ni Keziah Jones Quita, Bronze Medalist – Intermediate Division ang kanyang mga natutunan sa paligsahan na ito.

“Worth it ang pagreview and preparations before sa competition and meron ding new experiences and new learning regarding sa mathematics”, dagdag pa niya.

Sumungkit din Bronze Medal sina Leonides Baluran, Clarence Naces, Llyod Zeus Ladoroz sa Junior Division ng nasabing kompetisyon.

NO TURNING BACK

Kaso ng Suicide sa CDO, ikinababahala ng publiko

TALON. Patuloy ang pagtaas ng bilang ng kaso ng pagpapatiwakal

NI TIMOTHY

Bumuhos ang panawagan ng publiko sa “agaran at mabilisang” solusyon sa pinangangambahang kaso ng sunod-sunod na pagpapakamatay sa lungsod ng Cagayan de Oro.

Gabi ng ika- 18 ng Abril, pinagkaguluhan ang Marcos/ Maharlika Bridge sa Cagayan de Oro City matapos mapabalita ang pagtalon ng isang 17 taong gulang na lalaki, makalipas ang tatlong araw, natagpuan ang kanyang walang-buhay na katawan palutang lutang sa Brgy. Bonbon.

Nasundan pa ito ng iilan pang mga kaso ng suicide na sa loob lamang ng tatlong linggo, mula Abril 18 hanggang ika-5 ng Mayo, may limang kaso ang naidagdag.

Sa aming panayam kay Jaymee Leonen-Pagaspas, RPsy, CSWD Psychosocial Unit Head, ‘contagious’ o nakakahawa na ang kaso ng suicide dito sa CDO lalo na kung naireport na ito ng mga media.

“Ever since the first published incident as early as that we had actually already approach partnerships because I told them suicide works like

social contagion specially when published with media” pahayag ni Pagaspas

Dahil dito, ang kawani ng City Social Welfare and Development - Psychosocial Unit ng lungsod ay humahanap na ng paraan upang matugunan ang problema ng tumataas na kaso ng suicide dito sa Cagayan de Oro.

AKSYON LABAN DITO

Matapos ang sunod-sunod na kaso ng suicide sa Cagayan de Oro, agad na umaksyon ang City Social Welfare and Development sa tulong narin ng ibang pang kawani ng lungsod tulad ng PNP at City Information Office.

“Few days after nadagdagan siya ng dalawang kaso so after that, I really act right away, we call and ask for help Police Colonel Aaron Mandia, he assisted and nagbantay din sila sa tulay”

pahayag ni Pagaspas

Dagdag pa niya, “Nagpatulong din kami sa City Information Office na magpakalat ng information about suicide, responsible reporting of suicide”.

SA LOOB NG PAARALAN

Sa mga naitalang kaso, iilan dito ay mga kabataan kaya humahanap na ng paraan ang CSWD upang mapalakas pa ang laban ng bawat paaralan sa mga psychological problems.

“Actually, matagal na tayong nakakaroon nga mga training sa bawat schools about psychological first aid, mga emergency care ngunit nakakalungkot lang na hindi siya masyadong naisasagawa at naaabsorb specially in public school” sabi ng Psychosocial Unit Head.

Gayumpaman, may bagong plano ng naimungkahi sa Department of Education

SHS Regionalista, kontra sa mandatoryong

ROTC sa SHS - sarbey

Lumabas sa SWS Survey na 35 pursyento ng mga Pilipino ang gustong gawing mandatoryo ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa Senior High School ngunit iba ang tugon ng Senior High School Students ng Gusa Regional Science High School tungkol dito.

Sa ginawang sarbey ng Ang Sinagtala, makikitang 18 pursyento lamang ang sumagot ng ‘Oo’ kung pabor ba sila na gawing mandatoryo ang ROTC sa Senior High School at 82.6 pursyento naman ang hindi sumangayon sa plano na ito.

Paliwanag ng isang Grade 12 student kung bakit hindi siya sangayon dito, nahihirapan na sila sa mga akademikong bagay, dadagdagan pa ng ROTC.

“Mentally drained na nga kami sa aming academics, walang pahinga sa mga school works, may plano pa silang

magdagdag ng ROTC sa SHS” sambit ni Reynor Cabana isang mag-aaral ng GRSHS-X.

Pabiro niya pang sabi, “Pero okay lang den para mentally and physically drained na kami, para may balance ng nangyayari sa aming buhay”.

Samantala, inihayag din ni Eliyan Muanag ang kaniyang panig kung bakit pabor siya na gawing mandatoryo ang Reserve Officers’ Training Corps o ROTC sa kadahilanang makakatulong ito sa pagdidisiplina.

tungkol sa bagong pamamaraan ng Guidance Counsilor.

SUMBUNGAN

May mga hotline at facebook page na nakahanda ang City Social Welfare and Development - Psychosocial Unit upang tumanggap ng mga report tungkol sa mga suicide at psychological session kung kailangan ng isang tao.

“There is a hotline that they can call, we have a mental health hotline, 0970039-2709 and we also have a facebook page which is CSWD CDO Psychosocial, and the people who accommodates the inquiries has undergo trainings” pahayag ni Pagaspas.

Samantala, may nagaganap na prayer vigil at prayer crusade para sa mga biktima ng suicide sa Marcos/Maharlika Bridge kung saan naitala ang mga kaso.

“Naniniwala ako na this Reserve Officers’ Training Corps o mas alam natin na ROTC ay makakatulong sa bawat isa sa atin, makakatulong sa pagdidisiplina sa ating mga sarili, makakatulong din sa atin mga leadership skills at marami pang iba”, wika ng Grade 12 Student.

Umaasa ang nakakarami na pagusapan ng mabuti ng

Department of Education kung it ba ay makakatulong o hindi ang planong gawing mandatoryo ulit ang ROTC.

82.6% 17.4% Hindi Sang-ayon Sang-ayon

DAJAN sa Cagayan de Oro City KUHA NI MARIZ GALES
KAMPUS EXPRESS
NI CLARK BATION
ANG SINAGTALA OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOLX. TOMO XXVII BILANG III HUNYO-DISYEMBRE 2019 02
balita
WITH FEELINGS
NI TIMOTHY DAJAN NI TIMOTHY DAJAN
Mandatoryang ROTC sa Senior High School sa mga numero

Electrical Bill ng SHS Bldg., lumaki ng tatlong libo

Biglang lomobo ang electrical bill ng Senior High School Building ng Gusa Regional Science High School sa kadahilanang hindi maayos ang pagkagamit nito at sobrang init.

Sa pinakitang numero ng paaralan, umabot ng Php 31, 416.00 ang babayaran ng paaralan sa buwan ng Abril kumpara sa electrical bill sa buwan ng Marso na may Php 27, 762.79.

Pinahayag ni Godofredo C. Navaja, Jr, Administrative Assistant

III ng paaralan, na ang dahilan ng pagtaas na bayarin sa kuryente ay dahil sa mga ilaw na magdamag nakabukas at sa makina na bomobomba ng tubig.

“Una is yung mga ilaw na nakalimutang patayin, tsaka meron din yung makina na nasa likod ng

room ng Davy, makina na yun is para sa tubig na mag pump pa itaas eh malakas kumuha ng kuryente yun, dapat kase after 5 pm off na lahat” wika ni Navaja

Dagdag pa niya, “Isa ding dahilan is yung panahon natin ngayon, sobrang init kaya yung

Family Day sa RegSci, handog ay bagong Sound System

paggamit ng mga electric fan ay dumdami na”.

Umaasa ang lahat na mahanapan ka agad ito ng solusyon para hindi na ito mas lumaki at maging malaking problema pa ng paaralan.

ONE SEAT FOR TWO

Public Display of Affection sa loob ng GRSHS-X, nagiging problema na

NI CLAIRE CAYABYAB

Pinangangambahan ng pamunuan ng Gusa Regional Science High School – X ang nagaganap na mga Public Display of Affection (PDA) sa loob ng paaralan sa ka dahilanang, malihis ang atensyon ng mga estudydante sa pag-aaral magiging sanhi pa ng sexual abuse.

Kapansin-pansin na panay upo sa kandungan, pagyaya- kapan, cuddling at iba pang Public Display of Affection ang pinapakita ng mga estudyante kahit may guro sa harapan na tumitingin.

Sa panayam kay Maria Carmen B. Ebron, Prefect of Discipline ng nasabing paaralan, ang mga ganitong bagay ay hindi dapat ginagawa sa loob ng paaralan dahil pag-aaral ang dapat una- hin ng mga estudyante.

“Wala namang ma- sama sa pagkakaroon ng relasyon pero ang pag- papakita ng PDA lalo na sa loob ng paaralan ay di na talaga kanaisnais, we are here to learn” saad ng POD.

Dagdag pa niya na ang mga ganitong asal ay di dapat ipinapakita sa loob ng paaralan sapagkat ito ay isang ‘academic institution’.

“Kailangan nating isaalang-alang ang tamang asal sa isang lugar lalo na’t ang GRSHS-X ay isang academic institution” sabi ni Ebron.

IPINAGBABAWAL SA PAARALAN

Matatandaang, nakasaad sa school policy ng paaralan na sobrang ipanagbabawal ang pagpapakita ng Public Display of Affection sa loob ng kampus at ito’y nabibilang sa ‘major offense’ at kaakibat nito ay ‘disciplinary action’ sa estudyante.

“Alam naman ng lahat na ang PDA ay pinagbabawal sa paaralan lalo na’t nakasaad ito sa student handbook, major offense number 18 Demonstrating public display of affection like kissing and the like inside the campus,” sabi ni Ebron.

Dagdag pa niya, “kailangan din nating isaalang-alang ang tamang asal sa isang lugar”.

Iminungkahi niya rin na kaakibat nitoy ‘offense’ kung maireport at ma- huhuling nag-PDA sa loob ng paaralan.

“Student and POD Conference with Parent and Adviser/Subject Teacher and Guidance Counselor/ Department Head / School Principal, SSG Representative and SPTA Representative subject for deliberation for SUSPENSION and as approved by the school’s Division office” ayon sa POD.

KONTRA PDA

Gayumpaman, gumagawa na ng hakbang ang paaralan upang malabanan ang mga ganitong senaryo sa kampus, ‘Empowering the adviser’ ang isang plano ng paaralan salungat sa mga nagaganap na Public Display of Affection (PDA).

“Empowering the adviser as the first guidance officer dahil sila naman yung nakakasalamuha ng mga estudyante araw-araw, they are also the second parent of the students,” wika ng POD.

Dagdag pa nito, may nagaganap din na mga seminars, ‘re-orientation’ na pinapangunahan ng prefect of discipline at guidance councilor tungkol sa polisiya ng paaralan at kasama dito ang Public Display of Affection.

Samantala, inaaanyayahan ni Ebron ang lahat na i-report ka agad ito ang mga ganitong pangyayari sa mga guro o sa mga nakakataas upang ma-di- skurso ito kaagad.

Inihandog ng General ParentsTeachers Association (GPTA) at Supreme Student Government (SSG) ang bagong sound system ng Gusa Regional Science High matapos makalikom ng sapat na pera noong pagdiriwang ng Family Day.

Nakakolekta ng humigit Php 59,862.00 ang nasabing selebrasyon, Php 12, 300 ang nakolekta sa Ika-7 baitang, Php 12, 956 naman sa Ika-8 baitang, Php 9, 990 sa Ika-9 baitang, Php 11, 553 naman sa Ika-10 baitang at naka-kolekta naman ng Php 9, 504 sa pinagsamang Ika 11 at 12 baitang.

“Counting only the direct donations from the parents during the family day, the event was able to raise Php59,862.00” sabi ni Michael Allosada, Supreme Student Government President.

Samantala, pinaliwanag din ni Allosada kung bakit bagong sound system ang pupuntahan ng nalikom na pera.

“We, the SSG, were the ones to propose procuring a new sound system during sa general assembly with SPTA before the family day and the SPTA agreed that it needed changing as they were able to hear the sound system prior to the meeting”, banggit ni Michael.

Mungkahi din niya ang magiging epekto ng proyekto na ito sa paaralan dahil kung iisipin umaarkila lamang ang paaralan ng sound system kung may mga kaganapan.

“For a majority of the events conducted by the school, we are only renting a decent sound system. If I estimated how much renting has cost us, I would say around almost Php40,000. Thus, it was agreed that it would be best to buy a new sound system than continue renting”, wika ng Presidente.

Ang sobrang pera naman ay ilalaan sa susunod na proyekto ng GPTA kasama ang SSG sa nasabing paaralan.

BFP itinuro ang iba’t-ibang Fire Fighting Procedures

NI MARGARETH LOGROÑO

Naniniwala ang BFP na bata pa lamang kailangan nang matutunan ang iba’t ibang Firefighting procedures, kaya naman tinutukan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Lapasan District ang pagbibigay alam sa mga estudyante ng Gusa Regional Science High School-X.

Kasabay sa kakata- pos lamang na Sci-Camp, tinuruan ang mga Region- alista ng tamang paggamit ng fire extinguisher at ibang maaaring gamitin na fire-fighting equipment, bahagi ito sa isinasagawang progama ng BFP bilang paghigpit sa kahandaan sa darating na mga sakuna.

“Kadalasan kung may lindol maraming natutum- ba na mga gamit

lalo na ang mga appliances na pwedeng magdulot ng sunog, kaya dapat lagi tayong handa,” pahayag ni BFP F01 Joerey Cris Macalinao. Pinangunahan ang nasabing programa ng kawani ng BFP sa tulong ng Boy Scout of the Philip- pines (BFP) na nagsilbing Fire Brigades ng paaralan sa pagtuturo kung paano mag-apula ng apoy gamit ang

extinguisher at bucket. “We should learn from the basics. Ito ay malaking tulong lalong-lalo na kung may mga sakuna,” dagdag ni Macalinao.

Inaasahan na maka- katulong ang ipinakitang pamamaraan at magagamit ito sakaling may mangyaring emergency at sakuna.

BALITANG KINIPIL

Mobile Vaccination, umarangkada sa GRSHS-X

NI TIMOTHY DAJAN

Bumista ang Mobile Vaccination ng Department of Health kasama ang pamunuan ng Baranggay Gusa sa Regional Science High School - X upang maghatid ng libreng bakuna sa mga estudyante.

Base sa datos na mula kay Maria Carmen B. Ebron, Prefect of Discipline ng paaralan, 28 ang nabakunahan ng Pfizer at 30 na estudyante naman ang nabakunahan ng Moderna, suma total 58 na estudyante ang nabakunahan na libre.

NI TIMOTHY DAJAN
Sa ginawang ‘Officer’s Evaluation’ ng Supreme Student Government ng Gusa Regional Science High School – X sa kanilang mga membro, lumabas na matataas at maganda ang resulta ng nasabing pagsusuri. Officer Evaluation 4.68 4.55 4.41 5.00 5.00 5.00 SSG Michael
P.
President Hana
D.
Vice-President Mikylla
KUHA NI MARIZ
Anthony
Allosada SSG
Andrea
Abueva SSG
Louise A. Tolibas SSG
Secretary
GALES
balita 03 ANG SINAGTALA | OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL X. TOMO XXVII BILANG III HUNYO-DISYEMBRE 2019
KAMPUS EXPRESS LIGTAS ANG MAY ALAM. Ipinakita ni Matt Japos sa tulong ni BFP FO1 Joerey Cris Macalinao ang wastong paggamit ng fire extinguisher sa pagpatay ng apoy. MULA KAY CARL TOCLE TUGTOG. Bagong sound system para sa Gusa regional science high school mula sa mga donasyon. MULA KAY MARIZ GALES

balita

AKADEMIKONG EPEKTO

Lumalabas na 7 sa 10 estudyante ang nagsasabi na hindi sila maka-pokus at nahihirapang umintindi epekto ng maalinsangang panahon. “Hindi ka maka focus dahil mas uunahin mopa maghanap ng pamaypay pang laban sa init or madistract ikaw sa palaging pagpunas ng iyong pawis” wika ni Myke Harvey Low, isang mag-aaral ng GRSHS.

EPEKTO SA KALUSUGAN

Isang estudyante ang dumanas ng pagkahilo sa loob ng paaralan noong ika - 3 ng Mayo dahil narin sa sobrang init.

“Bibili lang sana ako ng lunch and that time nakalimutan ko yung payong ko, while im walking to the canteen bigla bigla nalang umikot yung paningin ko ayun natumba nalang ako bigla” estorya ni Hannah Pepito, isang Grade 11 student.

TUKUGAN SA

Pinaaalahanan din ng Health Education and Promotional Unit ng City Health Office na sundin ang mga payong binibigay ng mga eksperto upang makaiwas sa mga sakit na sanhi ng sobrang init na panahon.

MATATAG NA RS

RegSci nakilahok sa programang MATATAG ng DepED

Nakibahagi sa programang MATATAG: Bansang Makabata, Batang Makabansa, ang paaralan ng Gusa Regional Science Highschool-X. Tungo sa isang makabuluhang pag-unlad para sa sektor ng edukasyon sa Pilipinas, na idineklera ni Bise Presidente at Kalihim ng Edukasyon, Sara Z. Duterte. Naganap ang anunsyo noong Lunes sa lungsod ng Pasay sa isang pagtitipon ng 400 education stakeholders, kasama si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon kay Punongguro na si Charlyn S. Baylon sa programang MATATAG, nag-aalok ang paaralan ng Gusa Regional Science Highschool-X ng isang kurikulum, na kumukuha ng inspirasyon mula sa K-12. Ang pagpapatupad nito ay kasalukuyang sumasailalim sa mga pagbabago at pagpapahusay, partikular para sa mga asignaturang STEM. Ang junior high school ay sumusunod na sa STEM curriculum, habang ang senior high school ay nasa proseso ng pag-adapt sa K-12 curriculum para sa STEM. Dagdag pa niya na Research ang gumaganap bilang pangunahing papel sa programa ng senior high school, dahil ang paaralan ay naglalayong suportahan ang mga mag-aaral sa pagkuha ng kanilang mga degree at mai-angkop ang mga layunin na itinakda ng Department of

Education (DepED).

“We will provide teachers assistance on how to teach better so that students will achieve more socially and academically and become fully functional individuals. We have done this by providing them with materials and conducting master teachers’ observation of teachers. Additionally, there would be a structure of support for teachers so they could enjoy their time at work.

We are making every effort to provide our students and teachers with the most essential and fundamental needs.” Pahayag ni punonggurong Baylon sa pagpapatupad ng programang MATATAG sa eskwelahan.

Sa pagharap sa madla, itinampok ni Vice-Secretary Duterte

ang mga hamon at tagumpay ng Department of Education (DepEd) bago ipakilala ang bagong sigaw ng pagkakaisa ng sektor. Naglalayon na magkaroon ng suporta mula sa lahat ng stakeholder sa pagtugon sa mga isyung kinakaharap ng basic education system ng bansa.

“We will organize a campaign for a better educational system in the nation. We will stand united in support of every Filipino child. Regarding the Bayan’s MATATAG,” deklara ni Duterte. Ibinunyag din niya na kasama rito ang kahalagahan ng mamamayang Pilipino sa Basic Education Report (BER) para sa taong 2023.

Ayon sa isang tagapagsalita para sa Kagawaran ng Edukasyon, agenda ng MATATAG ay sumasaklaw sa apat

CLAYGO mahigpit na ipapatupad sa CDO

na pangunahing bahagi, “making the curriculum relevant to produce job-ready, active and responsible citizens, taking steps to accelerate the delivery of basic education facilities and provision of services, taking good care of learners by promoting learner well-being, inclusive education and a positive learning environment, and giving support for teachers to teach better,” pahayag nito.

Nakabuo ang MATATAG ng optimismo sa mga stakeholder ng edukasyon, naniniwala na magpapabuti sa sektor ng edukasyon sa Pilipinas. Lahat ay tutuon sa pagpapatupad ng mga hakbangin na naglalayong maisakatuparan ang pananaw ng isang matatag at inklusibong sistema ng edukasyon sa bansa.

“Pinakamadali ang simpliest way, uminom palagi ng tubig, limitahan na ang palaging pag inom ng kape, kahit tanghali umiinom ng kape tapos maligo araw araw para maibsan ang init ng ating katawan” pahayag ni Reagan S. Abbu, Health Education and Promotional Unit Officer IV.

Gayunpaman may nakahanda namang mga hotline number lalo na sa City Disaster Risk Reduction and Management na handang tumulong kung may problema mang naganap, 0963-829-2937.

Ipinatibay ng batasang-lungsod ng Cagay- an de Oro and ordinan- sang Clean-As-You-Go (CLAYGO) sa mga kainan upang mapanatili ang kalinisan at kalusugan ng publiko.

Nakabatay ang City Ordinance No.139682020 o kilala bilang CLAY- GO na inilunsad noong Obtukbre 28, 2020 sa Anti-Littering Law ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nagla- layong hikayatin at disiplinahin ang mga mamamayan.

“As Cagayan de Oro moves towards metropolization, part of that process of metropolization is a change in mindset and character” wika ni Majority Floor Leader Coun-

cilor Ian Mark Nacaya.

Dagdag ni Nacaya na makakat- ulong ang ordinansang inilunsad na pag-isahin ang mga Kagay-anon at baguhin ang kanil- ang pananaw na tumulong sa iba.

Nakapasailalim sa City Ordinance ang paglalagay ng mga estab- lisyemento ng signages at dalawang basurahan sa mga itinalagang lugar.

Sakop din sa kautusan ang mga restawrants, parlors, paaralan, opisina karenderya at panaderya.

Ang paglabag ng probisyon ay may multa na 1000 php sa unang pagkakasala, 2000 php sa pangala- wa, at 3000 php sa pangatlo, especially the less fortunate ones to be educated in many paglulunsad sa proyekto ang Triseklion Organization at mga kasapi ng DFSSG.

Exam muna, bago SciCamp – mga guro

Abala sa paghahanda noong nakaraang linggo para sa science camp ang mga estudyante ng Gusa Regional Science Higschool – X, nagdulot ito ng pangamba ng mga guro, sa kadahilanang naging sanhi ito ng pagkahati ng atensyon o pagkawala ng pokus ng mga mag-aaral sa kanilang exam noong ika-26 at 27 ng Enero, taong 2023.

Ayon kay Reitz Mae C. Chua, GRSHS-X Youth Science Exploreres’ Club adviser, layunin ng science camp ang bigyan ng pagkakataon na makapagpahinga ang mga mag-aaral sa kanilang mga akademikong aktibidad, naging pagkakataon din ito upang paigtingin ang pagsasama at mapakitaan ng mga talento at kakayahan sa

pagpapakitang gilas.

“The purpose of the Science Camp is to spark, cultivate, and promote students in Science and Technology, although the preparation for the event might have distracted the students to focus on their studies, but this still depended on the mindset of the students.”

Dagdag pa niya, na dapat kanilang pinagtuunan ng pansin ang nakaraang exam at inuna parin ang pag-aaral lalo na sa mga estudyante na opisyal na abalang naghanda.

Gayunpaman, labis na pinaghandaan ng PSYSC, YSEC, at YES-O society ang mga kinailangan sa nakaraang pangyayari noong Pebrero upang makamit ang mga inaasahang resulta ng lahat, habang kanilang pinagsabay ang pagrebyew para sa exam.

Ibinahagi ng Philippine Society at Youth Science Club ang kanilang mga plano’t nakibahagi sa mga organisasyon sa eskwelahan upang mapagtagumpayan itong maisagawa, kabilang dito ang paggawa ng budget matrix, program flow, at pag hati-hati sa mga estudyante sa kanilang

Dagdag pa ng isang nasalanta ay unang beses palang itong nangyari sa kanilanag lugar at di talaga ito inaasahan.

“Sa totoo lang, first time lang ito nangyari dito sa Bugo at mismo kami di nakapaghanda” ani ng estudyante.

Sa panayam naman sa baranggay council ng Bugo, baradong kanal ang naging dahilan kung bakit biglaang bumaha ang barangay bugo.

“Clogged or barado na kanal ang reason why bumaha yung bugo ngayon, mismo rin kaming taga barangay council di talaga naming inaasahan na mang- yayari ito” salaysay ng isang barangay council.

Nagtulung-tulongan naman ang Supreme Student Government (SSG) ng nasabing paaralan upang makapagbigay ng kaunting tulong sa mga nasalanta tulad ng kape, gatas at mga pagkain.

nararapat na kampo. Labis na naggalak ang mga estudyante ngunit abala rin sa paghanda sa exam.

“Sa paghanda sa quarter exam at sa Science Camp, ang mga estudyante, lalo na ang mga opisyal ng agham, ay nahirapang pamahalaan ang kanilang oras. Dahil dito, maaaring naapektuhan ang akademikong pagganap dahil nahirapan ang mga mag-aaral na ipagsabay ang kanilang mga gawain at mahati ang kanilang atensyon”, pahayag ni GRSHS-X YSEC President – Sooche Calixte Salvana sa isang panayam.

Naging payo ng mga guro at estudyanteng opisyal, inanyahan ang mga mag- aaral na dapat kanilang isinulit at hindi iginugol ang libreng oras sa mga hindi kinailangang bagay, agad asikasuhin ang mga importante, tamang priyoridad ang kailangan upang mapanatiling maayos at organisado.

HEAT INDEX /MULA SA PAHINA 01
NI MARIZ GALES PAGTUTURO. Kuha sa klase ni Gng. Luzviminda Binolhay. KUHA NI MARIZ GALES NI RYAN TABAMO
ANG SINAGTALA OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOLX. TOMO XXVII BILANG III HUNYO-DISYEMBRE 2019 04
LPA /MULA SA PAHINA 01 Ani ni Reitz Mae C. Chua – YSEC adviser. DIWA NG PAGKAKAISA. Inihanda ng mga YSEC at YES-O Executive officers ang mga kandilang gagamitin para sa Pledge Night. MULA KAY MARIZ GALES

Alingawngaw ng Kamangmangan

PATNUGUTAN S.Y. 2022-2023

ALDRIN JAY G. HUSSIN

PUNONG PATNUGOT

TIMOTHY JAMES T. DAJAN

PANGALAWANG PATNUGOT

JOHN CLARK T. BATION

TAGAPAMAHALANG PATNUGOT

TIMOTHY JAMES T. DAJAN

PATNUGOT SA BALITA

KATE N. LUCENA

PATNUGOT SA OPINYON

JASPER CLARK C. BUTCON

PATNUGOT SA LATHALAIN

KHARYL ANDREA GOLOSINO

PATNUGOT SA AGHAM AT TEKNOLOHIYA

ALDRIN JAY G. HUSSIN

PATNUGOT SA ISPORTS

JOHN CLARK T. BATION

PUNONG TAGA-ANYO

FATIMA CAÑALISO

PUNONG DIBUHISTA

MARIZ S. GALES

PUNONG TAGALARAWAN

MGA MAY-AMBAG

CLAIRE CAYABYAB, MARGA-

RETH LOGROÑO, RYAN TABAMO, LIZETTE MACARAYO, MICHELLE

AVILA, ALIYAH ESTILLORE, TIFFANY RIVERA, MEGANNE

LADAO, THAISE CORTES, JASPER

BUTCON, RONAMAE TAMPOS, AMANDA BERMUDEZ, JUSTINE

TACASTACAS, FATIMA CAÑALISO, ALEXA MAUREAL, ABIGAIL

SOMOBAY, FRUJI SABELLO

LUZVIMINDA B. BINOLHAY

SCHOOL PAPER ADVISER

MARLOU FADUGA

SALOME VIOLETA

MARIA CARMEN EBRON

JINNY LUMINHAY

MGA TAGAPAYO

JEANY MAE D. MACALAM

SCHOOL JOURNALISM

COORDINATOR

CHARLYN BAYLON, SSP-I

KASANGGUNI

Dinagsa ng maraming tao ang Maharlika Bridge, mas kilala bilang Marcos Bridge, nang naibalita ang ginawang pagtalon ng isang labingpitong estudyante na nasa ika-11 baitang sa gabi ng ika-18 ng Abril. Makaraan lamang ng halos tatlong linggo, mula sa petsa ng nasabing insidente hanggang sa ika-5 ng Mayo, nagkaroon ng karagdagang limang kaso sa pagtangkang pagtalon sa naturang tulay.

Kaakibat nito ay ang paglipana ng mga samu’t saring reaksyon at komento ng mga mamamayan, lalong-lalo na sa “social media”. Sa kabila ng pakikisimpatiya ng ilan, hindi pa rin nagawang salain ng ibang mamamayan ang kanilang mga opinyon na malinaw namang hindi isang solusyon sa isyung panlipunang ito. Kung susuriing mabuti, mayroong malalim na pinag-uugatan ang mga insidenteng naitala na paniguradong mabigat na dahilan para sa mga naging biktima upang magawa nilang piliin ang bagay na yaon.

Ayon sa isinagawang panayam kay City Psychologist Jaymee Leonen-Pagaspas ng CSWD Psychosocial Division, ang “suicide” ay hindi isang bagay na ginagawa lamang ng isang tao nang pasumala o “randomly”. Dagdag pa niya sa kanyang pahayag, nang maganap ang unang kaso ay kaagad siyang humingi ng tulong sa mga kasosyo upang mapigilan ang posibilidad na pagtaas ng mga numero ng kaso, lalong lalo na sa mga kabataan.

Batay sa datos na isinumite ng Cagayan de Oro City Health Office (CHO) sa DOH Center for Health Development Northern Mindanao Mental Health Program, naitala ang 47 kaso ng “suicide” mula noong Enero 2020 hanggang Agosto 2022. Walang duda na ang balitang ito ay hindi isang “isolated case” at kinakailangan talaga na agarang masolusyunan ng pamahalaan ng lungsod.

Nakakahabag na isiping hindi lamang ito nagaganap sa lokal na antas kundi ay maging sa iba’t ibang sulok ng bansa at ng mundo.

“Suicide works like a social contagion, especially when published by media,” saad ni City Psychologist Pagaspas, patungkol sa pagdami ng kaso matapos ang unang insidente. Kung babalikan, ilang araw lang ang pagitan nang mabalitaang muli na may isang labing-siyam na taong gulang na lalaki ang tumalon sa tulay sa maliwanag na araw. Kaagad man siyang nailigtas ng tauhan ng Philippine Coast Guard, ngunit sa kasamaang palad, namatay matapos ang isang oras na pananatili sa loob ng ospital.

Gayunpaman, sa kabila ng tinagal ng isyung ito, tila ang karamihan sa ating mga mamamayan ay pinipiling maging mangmang at magsilbi pa tuloy na tagapagdala ng mararahas na salita tungo sa mga biktima ng nasabing panlipunang problema.

“Suicide o attempts of suicide ay desperadong pagtatangka na pakinggan ang kinauukulan. Paminawa ko ninyo kay naa koy problema,” saad ni Dr. Jose Llacuna Jr., na siyang direktor ng Rehiyon X ng Kagawaran ng Kalusugan.

Batay naman sa Republika Blg. 11036 o mas kilala bilang Mental Health Act, sinisigurado nitong napapahalagahan, isinusulong, at na-

Hindi ito isang pasumalang bagay lamang; mayroong malalim na pinag-uugatan ang mga insidenteng naitala.

poprotektahan ang “mental health” ng lahat. Gayunpaman, sa mga kasalukuyang pangyayaring naganap, tila hindi naipapatupad nang maayos ang layunin ng batas na ito. Hindi lamang ito isang simpleng batas, ngunit nararapat lamang na mas maipakita pa ang kakanyahan nito sa ating lipunan.

Marahil ay nais ng iilan sa atin na magbigay ng payo upang maiwasan ang mga pangyayaring ito na maganap at lumaganap sa buong lipunan ngunit dapat naroroon ang pagkatuto sa pagsala ng mga salitang binibitawan. Idagdag pa ang iba na gumagawa ng biro mula sa bagay na ito, na malinaw namang hindi katanggap-tanggap at hindi karapat-dapat. “Suicide is no joking matter,” saad pa ni Bb. Pagaspas.

Nawa’y simulan na nating mas magkaroon ng pang-intindi sa mga biktimang sinapit ang kanilang mapait na katapusan. Hindi mareresolba ng anumang masasakit at mapang-aping salita ang mga pangyayaring naganap, kung kaya’t mas mabuting itikom na lamang ang mga sariling bibig. Kung maaari, pakinggan at obserbahan natin ang ating mga kapamilya, kamag-anak, o sinumang kakilala mula sa anumang sintomas ng isyu sa pangkaisipang kalusuga. Maaaring sa paraang ito ay makaligtas tayo ng buhay.

EDITORYAL
ang
sinagtala
‘‘
05 ANG SINAGTALA | OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL X. TOMO XXVII BILANG III HUNYO-DISYEMBRE 2019
opinyon
DIBUHO NI FRUJI SABELLO

No Disruption of Classes

Remedyo o Perwisyo?

MEGANNE LADAO

Lumalala ang sitwasyon sa kalidad ng edukasyon ng bansa, kung kaya’t kaakibat sa pagbabalik ng face-to-face classes ay ang paghihigpit ng Kagawaran ng Edukasyon patungkol sa pagiwas sa pagkagambala ng klase. Samakatuwid, hindi na magkamayaw ang mga mag-aaral kung saan isisingit ang kanilang pagsasanay upang maging handa sa anumang uri ng kompetisyon.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na hindi purong pag-aaral lamang ang bumubuo sa buhay ng isang estudyante, kaya naman napakalaking epekto ang dulot ng nasabing kalakaran sa talakdaan ng mga mag-aaral na may gagawing ensayo sa ibang aktibidad, tulad ng journalism, isports, banda, Supreme Student Government, at iba pa.

Batay sa pinabagong bersyon ng DepEd Order No. 9, s. 2005, kinakailangang iwasan ang mga hindi kinakailangang suspensyon ng klase at ang paggamit ng mga paaralan bilang billeting area para sa mga kaganapang walang kaugnayan sa kurikulum. Isa ito sa kanilang isinagawang solusyon upang mapataas ang engaged time-on-task ng mga estudyante upang mabawi ang nangyaring learning losses sa panahon ng pandemya.

Nang dahil dito, nagkakaroon tuloy ng compressed classes ang mga estudyante’t guro ng Gusa Regional Science High School - X, kung saan pilit na ipinagkakasyang ituro ang lahat ng asignatura sa loob lamang ng maikling panahon. Bunsod nito, nagdudulot ito ng kapaguran sa mga estudyante at nagpapahirap sa mga gurong may maraming workload.

Ayon din sa isang isinagawang panayam, hinikayat ng Kagawaran ng Edukasyon ang lahat na magsuspinde lamang ng klase kung may public emergencies, matinding weather disturbances, at kalamidad. Gayunpaman, papaano naman ang hinaing ng mga mag-aaral na hindi lamang akademikong aspeto ang umiiral sa kanilang araw-araw na buhay bilang isang estudyante? Hindi maitatangging maganda ang naging layon ng kagawaran sapagkat ito nama’y para sa kapakanan ng kabataan ngunit, maaaring ang sobrang paghihigpit ay magdulot ng hustong kapaguran sa parte ng mga estudyante.

Paghahanda Laban Sakuna

Walang kasiguraduhan kung saan at kailan tatama ang isang sakuna, kung kaya naman ay isinagawa noong ika-19 ng Enero ng Gusa Regional Science High School-X (GRSHS-X) ang DepEd Order No. 53, series of 2022 o ang “Mandatory Unannounced Earthquake Drill and Fire Drill” na nag-aatas sa lahat ng mga paaralan na isagawa.

Naganap mang muli ang earthquake drill, masasabing hindi pa rin tuluyang handa para sa mga posibleng sakuna ang mga magaaral. Sa halip na gawin ng mga estudyante ang “duck, cover and hold,” matapos tumunog ang school bell, tila ba’y walang pakialam ang iba sa puntong nakuha pang ipagpatuloy ang kani-kanilang mga laro. Nakababahala ang naging tugon ng ibang kabataan, ngunit may iilan din namang ginawa

ang angkop na gawain kapag nagkakaroon ng lindol.

“Kailangan pa ng maraming drills at impormasyon patungkol sa mga sakuna kagaya ng lindol at sunog. Pero, kung isa-isip at isa-puso ng mga estudyante ang bawat drill at information drive na ginaganap sa school o barangay man, sa tingin ko ay handa na ang mga mag-aaral,” saad ni Sir Oliver Cutaran, School

Pakikibaka sa Baluktot na Sistema

Disaster Risk Reduction and Management Coordinator (SDRRM) ng Junior High School. Nang dahil sa mahinang tugon ng mga estudyante, aasahang sa patuloy na pagsasagawa ng mga kaukulang earthquake drills na lalakipan ng mga impormasyon ay tiyak na tatatak sa bawat mag-aaral na hahantong sa pagiging ganap na handa at may sapat na kaalaman upang maging ligtas sa oras ng sakuna.

Matagal ng bukambibig ng Kagawaran ng Edukasyon na layon nitong patuloy na mapabuti ang kalidad at sistema ng edukasyon sa bansa. Nito lamang ika-19 ng Abril, 2023, nagbigay sila ng imbitasyon sa publiko na magbigay puna sa planong “Shaping Papers and revised Curriculum Guides for Kindergarten to Grade 10”. Kung kaya’t sa pamamagitan nito, isa ang “red-tagging” na minamatang ituro sa mga estudyanteng nasa ika-10 baitang sa ilalim ng Araling Panlipunan na asignatura.

Nakakatakot pa ring isipin na patuloy na naglilipana sa bansa ang ginagawang “red-tagging” na sa halip na sila’y pakinggan, pagbabanta ang palagi nilang natatanggap. Kung kaya’t ang pagsasali ng isyung ito sa kurikulum ng edukasyon ay isang magandang hakbang.

Matatandaan ang palitan ng mga salita sa pagitan ng sekretarya ng Kagawaran ng Edukasyon, Sara Duterte, at ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), noong Marso 5. Nagawang akusahan ng bise presidente na sa ginawang pagsuporta ng ACT sa “transport strike” ay ipinakita nito ang tunay na kulay na hindi ang kapakanan ng mga estudyante ang kanilang inaalala.

Kung ganito ang magiging tugon ng mga opisyal, lalo na sa sektor ng edukasyon, malayo pa sa reyalidad ang pag-unlad ng sistema ng bansa. Mawawalan ng saysay ang anumang adyendang itinatatag kung ang mismong namamahala ay inaabuso ang kanilang kapangyarihan at awtoridad para sa pansariling interes.

Hindi lamang doon nagtatapos ang palitan sa dalawang panig.

Hindi Sang-ayon Hindi Makapagsabi Walang Sapat na Kaalaman

Mandatoryong Nasyonalismo

Kamakailan lang nang inilabas ng Pulse Asia ang datos sa isinagawang sarbey patungkol sa muling pagbabalik ng mandatoryong Reserve Officers’ Training Corps (ROTC), kung saan nasa 78% ng mga Pilipino ang sumusuporta rito. Gayunpaman, sa kabila ng pabor na resulta sa pagbabalik ng naturang programa, hindi natitiyak na ang boses ng direktang sangkot sa mandatoryong nasyonalismo ang bumubuo sa karamihan ng mga rumesponde.

Masyadong komplikado na gawing sapilitan ng pamahalaan ang ROTC sa mga estudyante ng kolehiyo. Kung pag-aaralan ang kasaysayan nito, ang nabanggit ay naging opsyonal sa ilalim ng Batas Republika Blg. 9163 o ang National Service Training Program (NSTP) Act of 2001, matapos ang kontrobersiyal nitong nakaraan nang patayin ng mga kadete ng nasabing programa si Mark Welson Chua sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 2001.

“Malinaw ang boses ng ating mga kababayan sa pagsuporta sa pagbabalik ng ROTC sa kolehiyo,” saad ni Senador Win Gatchalian,

isa sa mga may akda ng Senate Bill No. 2034 o ang ROTC Act. Ayon sa kanilang nakolektang impormasyon sa buong bansa, 78% ang sumasang-ayon, 13% ang hindi sumasang-ayon, 8% ang hindi matukoy kung sumasang-ayon ba sila o hindi, at ang natitirang iba pa ay nagsabing hindi sapat ang kanilang kaalaman upang magkaroon ng komento sa isyu.

Sa kabila ng kinalabasang datos, kung susuriin sa ikinomisyong pagsisiyasat ng senador, hindi malinaw kung gaano karaming sumagot ang mga estudyante o nasa edad ng kolehiyo. Tanging ang “socioeconomic classes”

lamang ang naging pagtutukoy sa madlang kanilang piniling maging tagasagot at hindi ito sapat upang matiyak na nirerepresenta ng naging resulta ang boses ng mga kabataang maaaring pagdaanan ito.

Hindi lamang ang mandatoryong ROTC ang tanging daan upang maipakita ng mga kabataan at bawat mamamayan ang kanilang pagmamahal at dedikasyon sa bansa.

Nawa’y simulan ng gobyerno na pakinggan nang maayos at sa tamang paraan ang opinyon ng mga kabataang nais ipakita ang nasyonalismo sa kanilang sariling pamaraan.

Ayon pa sa Deped, “Emergencies and calamities may strike anywhere and anytime.” Sa gayon, ang pagkakaroon ng epektibong plano sa paghahanda ay ang susi sa pagiging ligtas sa mga sakuna at pagliligtas ng mga buhay. Hindi lamang paaralan ang dapat maging handa laban sa mga sakuna kundi ang buong bayan. Sapagkat, ang kalamidad ay walang pinipiling tao at oras.

Since ang mga estudyante man sa kolehiyo ang muagi sa “mandatory ROTC”, dapat jud nga ilang opinyon ang i-consider. However, bisan na mabaw-an na nato ang results sa survey, it’s just a “survey.” Dili dapat sya basehan sa mga desisyon na maka-alter sa kinabuhi sa kadaghanan.

Para sa akoa, given nga dili diay certain ang age/occupation sa respondents, dili dapat siya i-consider as relevant/reliable results. That 78% of respondents does not represent the opinion of the Filipinos as a whole. Especially the students.

Have they ever thought about those actual students who will be greatly affected, if this mandatory ROTC is ever approved? Each student has different situations na ilang gina-deal sa ilang life.

KARYL ARANCON
SA IKA-12 BAITANG
-
MA. CHYNNA CORBITA MULA
FORUM
MATA SA MATA
MEGANNE LADAO
PUNTO POR PUNTO
SA TOTOO LANG ALIYAH ESTILLORE ALIYAH ESTILLORE PUNTO DE VISTA
‘‘ ‘‘ ‘‘ opinyon ANG SINAGTALA OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOLX. TOMO XXVII BILANG III HUNYO-DISYEMBRE 2019 06
78% 13% 8% 1% Sang-ayon sa mga numero DIBUHO NI FATIMA CAÑALISO

Pabayaan O Disiplinahin

Magmula sa public display of affection, tamang kasuotan, kulay at gupit ng buhok, pagkahuli sa klase, at maging sa paghihiwalay ng mga basura ay tila hindi na nababahala ang mga estudyanteng labagin ang mga tuntunin, sa kabila ng araw-araw na pagbabantay at paalala ni Bb. Carmen Ebron na siyang Prefect of Discipline ng GRSHS-X.

Ginanap mang muli ang oryentasyon tungkol sa polisiya ng eskwelahan, kapansin-pansin naman ang kawalan ng diin sa karampatang disiplina na matatanggap ng mga estudyanteng nagkakaroon ng

minor o major offense. Maaari kayang child-friendly masyado ang pangangasiwa ng administrasyon sa mga hindi kaayaayang akto ng nga mag-aaral sa loob ng paaralan?

Mahigpit na disiplina sa maling gawi’t pag-uugali ay makatuwirang parusa.

“Dapat malinaw sa lahat na ang programa ng POD tulad ng Intervention Program ay hindi dapat itinuturing na parusa, bagkus ito ay isang pagkakataon para matulungan ang estudyante at sabayan siya sa kanyang paglalakbay bilang indibidwal,” saad ni Bb. Ebron sa isinagawang panayam. Malinaw nitong ipinapakita na sumusunod nga ang paaralan sa DepEd Child Protection Policy, na naglalayong maprotektahan ang mga mag-aaral habang nasa loob ng paaralan mula sa iba’t ibang anyo ng karahasan.

Ngunit, ang nakikitang resulta sa sitwasyon ay nagsasabing hindi sapat ang isang programa lamang upang masolusyunan itong kuwestiyon ng moralidad.

Bilang tagapangasiwa sa kaayusan ng paaralan, nawa’y maipakita nito ang korektibong disiplina na nagpapataw ng aksyong pandisiplina, tulad ng pagsususpinde. Ito’y upang mabigyang babala ang lahat ng bigong ipakita ang kanilang pag-unlad sa pagsunod sa tuntunin ng paaralan, sa kabila ng pagsisikap ng POD. Maaaring sa paraang ito, maging malinaw sa lahat ng estudyante na may umiiral na regulasyon sa loob ng institusyon na dapat sunding maigi.

Malusog tignan sa mata ng tao, ngunit masyadong delikado ang patuloy na paghanga ng karamihan sa ipinapakitang Filipino resiliency ng mga estudyante ng GRSHS-X, sa kabila ng kaliwa’t kanang aktibidad at pagsusulit sa araw-araw na pag-aaral.

Gampanin man ng mga mag-aaral na tuparin ang lahat ng kanyang responsibilidad sa paaralan, ngunit hindi sapat na ang kabataang kumakayod sa pag-aaral na mayroong nakompromisong kalusugan ang gawing gintong uliranin sa isang responsableng estudyante.

Ayon sa mga eksperto, sakop ng pagpapakita ng katatagan ang pagtatrabaho sa kabila ng emosyonal na sakit at paghihirap. Dulot nito, nasasawalang-bahala ng isang indibidwal ang tunay niyang nararamdaman. Kung gayon, humahadlang ito sa kanya na iprosesong mabuti ang kanyang dinadanas na hirap na maaaring humantong sa labis na pisikal at emosyonal na pagkapagod, kulang sa tulog, at iba pa.

Samakatuwid, hindi lamang katangi-tangi ang resiliency kundi isa ring balakid sa mabuting pag-unlad ng mga estudyante sa aspetong edukasyon at kalusugan.

Nawa’y isaisip ng lahat na hindi masamang umiyak sa panahon ng kahirapan at isaboses ang hinaing kung tama ang iyong katuwiran. Hindi natin marapat gawing pamantayan ang pagiging matiisin sa lahat ng panahon kung kapalit nito’y masamang epekto. Pakatandaan, magandang magtagumpay kung alam ang limitasyon at salitang pahinga.

KOMENTARYO

Talas ng Dila

Mula pagkabata, tayo’y tinuruan na mayroon lamang dalawang kasarian, ngunit sa panahon ngayon ay mayroon ng non-binary na siyang kinabibilangan ng LGBTQ+.

Kung kaya, isang malawak na usapin ang “preferred pronouns” ng mga ito.

Ang pagiging sensitibo sa kasarian (gendersensitive) ay kumikilala na ang pagpili sa wikang gagamitin bilang pantukoy ay maaaring makaapekto sa isang tao. Kaya ang simpleng “pronouns” para sa atin ay malaking bagay na para sa pamayanan ng LGBTQ+, lalo na’t hinahangad nilang magkaroon ng pagkakakilanlan at lugar sa ating lipunan.

Ang preferred pronouns ng tao ay isang pagpapalawak ng kanilang pagkakakilanlan at ang maling paggamit ng mga ito ay maaaring isang kawalan ng respeto sa mga tao nito. Halimbawa, ikaw ay isang babae kaya ang panghalip mo ay “she”.

Ngunit ano ang iyong mararamdaman kung may mga taong tumutukoy sa iyo ng “he” na siyang alam mong hindi angkop para sa iyong sarili at paulit-ulit nila itong ginagawa kahit itinatama mo sila?

Hindi man malulutas ng paggamit ng preferred pronouns ng tao ang lahat ng mga isyu ng pagkakapantaypantay ng LGBTQ+, ito naman ay mabisang paraan upang unti-unting matanggap sa lipunan ang mga ito.

Pagbagsak ng Science Park

Isa ang Gusa Regional Science High School - X (GRSHS-X) sa mga pamantayang paaralan pagdating sa tiyak na kalinisan at kagandahan ng mga pasilidad. Gayunpaman, ating pagtuunang pansin ang nabubulok at mala-gubat na “Science Park” na sumasalangsang sa mismong pangalan nito.

Bago magpandemya, isa ang parke sa mga sikat na lugar na tinutunguhan ng mga magaaral upang gawin ang kanilang proyekto ayon sa kani-kanilang asignatura. Subalit sa ngayon, hindi na maaaninag ang parke dahil umabot na sa sitwasyon kung saan ang silid-aralan ni Maam Ellen Bernales na malapit dito ay napasukan ng ligaw na ahas. Ayon din naman sa panayam kay Gng. Jinny Luminhay, nanghihinayang siya sa kinahantungan ng parke dahil malayong-malayo na ito sa naging itsura noon.

Pagpaplano ng pagpapatayo ng bagong gusali ang naging rason kung bakit binago ang scipark. Pero, nararapat bang tuluyang abandonahin at hayaang pumangit ang sitwasyon sa parke habang naghihintay sa pagtayo ng bagong imprastraktura? Hindi na ba natuto ang administrasyon sa parehong sitwasyon noon na tatayuan nga raw ng bagong gusali pero hanggang ngayon ay wala naman?

Tinaguriang muson ng GRSHS-X ang scipark sa maraming taon. Maging ang mga “alumni” na bumibisita sa paaralan ay nanghihinayang dahil marami

silang alaala na parang pinatay nang makita ang sitwasyon sa parke. Bukod pa rito, nakahihiya rin naman sa mga bisitang mag-oobserba sa paaralan kung makikita nila na sa harapan lamang maganda ang GRSHS-X. Hindi naman imposible ang pagbabalik sa dating mabuting sitwasyon ng parke. Mabubuhay ulit ang diwa na minsan nitong pinanghawakan sa pamamagitan ng pagbabayanihan sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan nito. Nawa ay huwag pabayaan ang parke at isaisip na ang pisikal na anyo ng paaralan ay isang malaking salik sa kabuuan.

Aksyon sa Basura

Itinuturing bilang pinakamalaking kontribyutor ng basurang plastik sa buong mundo ang Pilipinas, mula sa ulat ng World Bank Group. Naipapakita lamang nito kung gaano karami ang kinakailangang gawing hakbang ng lahat.

Isa sa problema ng bansa pagdating sa kapaligiran ay ang mataas na paggamit ng mga “single-use” na plastik, tulad ng “sachet”.

Kalaunan, tinawag ang bansa bilang “sachet economy”, gaya ng iniulat ng Global Alliance for Incinerator Alternatives.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng gobyerno ang umiiral na isyu dahil mayroong mga batas na naipatupad, tulad ng

House Bill 4102 o ang Plastic Bags Tax Act at Batas Republika Blg.

9003 o ang “Ecological Solid Waste Management Act of 2000.” Malinaw naman nitong naipapakita ang kanilang pagsisikap sa pagkontrol sa mga isyu.

Gayundin naman sa mga lokal na lugar, inoobserbahan ang wastong paraan ng paghihiwalay ng mga basura at pagbabawas ng polusyon sa kanilang kinalulugaran

ang ginagawang tugon. Bilang karagdagan, mayroon ding paglikha ng isang komite ng mga guro upang masubaybayan ang pagbubukod-bukod ng basura sa mga silid-aralan. Ang suliraning ito ay mananatiling isang malaking hamon, kung hindi bibigyang aksyon ng ating lipunan. Maraming mga estadistika na ang nagpapatunay na hindi maganda ang kalagayan ng bansa at may posibili-

dad na lumala pa. Hindi biro ang paglutas ng isang suliranin sa bansa, lalo na kapag ito ay pangkapaligiran. Mas lalo pang mahirap ang pagsubok kapag ang isang tao ay nag-iisa sa layuning mapabuti ang bansa. Gayunman, kung mayroong pagkakabuklod ay paniguradong makakatulong tayo na mapabuti ang sitwasyon ng bansa.

Mahal na Patnugot, Walang hangganan ang pagmamahal. Walang pinipiling sekswalidad at nagagalak akong malamang sinusubukan ninyong buksan ang mga mata ng mga mangmang sa pamamagitan ng isang artikulo. Mangmang dahil hindi sila marunong umintindi. Mangmang dahil makitid sila kung mag-isip. Hindi po kasi ako nasisiyahan sa tuwing may nakikita akong nabubulas.

Tao rin naman sila. Taong nakakaramdam ng sakit, taong marunong magmahal. Kaya hindi nararapat na makatanggap sila ng mga alispusta’t mga panlalait. Maraming salamat sa pagbibigay niyo ng kaukulang pansin sa nasabing isyu.

Mahal na mambabasa, Maraming salamat sa iyong positibong tugon. Bilang inyong publikasyon, ginawa lamang namin ang nararapat upang buksan ang mga mata ng mayorya sa mga isyung kailangan nating pakialaman. Ang pagbubukas sa isyu’y simula pa lamang at nasa inyo na, mga mambabasa, nakasalalay ang iba.

KHARYL GOLOSINO
EDITORYAL
KATE LUCENA MATA SA MATA TAHIMIK NA BOSES MEGANNE LADAO
Magtiis ay ‘Di Biro
CLARK BATION TIRA SA UGAT
Sumasaiyo, Punong Patnugot TUGON SA PATNUGOT LIHAM SA PATNUGOT
‘‘
opinyon 07 ANG SINAGTALA | OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL X. TOMO XXVII BILANG III HUNYO-DISYEMBRE 2019
DIBUHO NINA FATIMA CAÑALISO AT HANA ABUEVA

Tinig ng Hustisyang Pinatatahimik

Isang kontrobersyal na usapin ang hinaharap ngayon ng bagong administrasyon ng Pilipinas, matapos mapagdesisyunan ng International Criminal Court (ICC) na ipagpatuloy ang imbestigasyon kung paano pinangasiwaan ng dating Pangulong Rodrigo Duterte ang adyenda nitong “war on drugs” sa panahon ng kanyang pamamahala.

Sa kabila ng tinig at apila ng mga naiwang pamilya ng mga naging biktima ng “extrajudicial killings”, balakid naman nito ay ang kasalukuyang pamahalaan na hindi pinahihintulutan na makapasok ang ICC sa bansa. Ito ay dahil wala ng hurisdiksyon ang ICC na imbestigahan ang mga opisyal ng Pilipinas sa panloob na kampanya nito laban sa ilegal na droga matapos kumalas ang bansa sa Rome Statute na naging epektibo noong ika-17 ng Marso, 2019. Dulot tuloy nito ay ang pagtanggi sa hustisya ng mga buhay na kinitil.

Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP), nasa 6,000 katao ang namatay sa mga operasyong may kinalaman sa droga. Subalit, ayon sa mga grupo na sumusulong para sa karapatang pantao at maging ang Komisyon ng mga Karapatang Pantao ng Pilipinas ay mas malapit sa 30,000 ang naitalang bilang ng

Kasaysayang Niwalang

Saysay

Kaakibat na Responsibilidad

Sa loob ng tatlumpu’t pitong taon, ipinagdiriwang ng sambayanang Pilipino ang EDSA People Power Revolution Anniversary sa ika-25 ng Pebrero. Ngunit, biglaang idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang ika-24 ng Pebrero ay ituturing na “special non-working holiday” bilang araw upang ipagdiwang ang nasabing anibersaryo ng isang rebolusyon na nagsilbing daan upang ipatalsik ang kanyang ama, matapos ang labing-apat na taon sa kapangyarihan.

Masyadong biglaan ang ginawang pagbabago ng gobyerno sa kadahilanang mapapakinabangan ng ating mga kababayan ang mga benepisyo ng mas mahabang “weekend”, alinsunod sa prinsipyo ng “holiday economics”. Gayunpaman, hindi ba’t dulot nito ay ang unti-unting paglimot sa araw ng pagkakaisa ng mga Pilipino upang muling makamit ang ninakaw na kalayaan?

Ayon sa Proclamation No. 167, na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, ang pagdiriwang ng EDSA People Power Revolution ay maaaring ilipat mula orihinal na petsa tungo sa Pebrero 24, 2023. Bagama’t isinaad sa proklamasyon na mananatili ang katuturan ng selebrasyong ito, malaki pa rin ang posibilidad na mawawalan ito ng halaga sapagkat hindi naman mananatiling nasa “weekends” ang ika-25 ng Pebrero.

Tila ba ang kasaysayan natin ay unti-unting binabago ng kasalukuyang administrasyon, upang tuluyang ibaon sa limot ang dinanas na hirap ng mga biktima ng Martial Law.

Sa kabila ng ginawang pagbabago ng gobyerno sa isa sa makasaysayang araw ng ating bansa, huwag nating hayaan na tayo ay makalimot kung kailan naganap ang nasabing rebolusyon, kung ano ang dinaang hirap ng mamamayang Pilipino, at kung paano nila pinaglaban ang kalayaan na ating tinatamasa ngayon.

SOGIE-lution sa Diskriminasyon

mga nasawi. Ipinakikita lamang nito na ang pagsalungat sa talaan ng mga naging biktima ay nagtataas ng suspisyon sa pamamalakad ng pamahalaan.

Ayon sa pagsusuri ng tatlong huwes ng ICC, hinuha nila na ang gobyerno ng Pilipinas ay nabigong patunayan ang mga pahayag na may sapat na aksyong ginagawa upang usigin ang mga may responsable sa mga pagpatay na naganap sa pamamahala ni dating Pangulong Duterte.

Hindi maipagkakailang malupit ang paraan ng nakaraang administrasyon sa paghawak sa mga isyu ng Pilipinas, lalo na’t lumabag ito sa karapatang pantao. Ang dating administrasyon ay nag-iwan ng mas maraming peklat kaysa mga sugat na naghilom, kung kaya naman ang patuloy na pagtanggi sa imbestigasyon ay nagpapakita ng baluktot na hustisya sa bansa.

Matapos ang dalawang taong distance learning, malaki ang ginawang adjustments ng bawat mag-aaral sa pagbabalik-eskwela. Hindi rin maiiwasan ang pagsasabay ng mga responsibilidad at okupadong iskedyul. Buhat nito, nahihirapan ang mga estudyanteng mamamahayag na ibalanse ang mga nakapasan sa kanilang mga balikat.

Bagama’t nakak Bagama’t nakakayang ibalanse ang dalawang mundong kinabibilangan, umiiral pa rin ang posibilidad na mayroong makompromiso sa pagitan ng sariling edukasyon at pasyon sa pamamahayag.

Sa isinagawang

RSPC noong Marso 4, 2022, binubuo ito ng halos isang daang campus journalist, kung saan ang mga kalahok ay kabilang sa indibidwal o grupong kategorya.

Nang dahil dito, labis ang ginagawang pagsasanay ng bawat magaaral upang makamtan ang unang gantimpala, kaya’t nakakamanghang makita na nakakaya pa rin nilang lumaban at masali sa listahan ng mga estudyanteng may matataas na marka.

“Bilang isang grad-

uating student, nakakapagod pagsabayin ang dalawa kasi kailangan ko talagang i-manage nang maayos ang oras ko, lalo’t minsan ay nagsasabay-sabay ang lahat. Ngunit, fulfilling sa pakiramdam kapag naipagsasabay ko ang pagiging estudyante at naitutuloy ang ang aking passion sa journalism.” Ito ang sinabi ni Diane T. Cantiveros, isang TV News Anchor sa larangan ng campus journalism.

Layunin ng Campus Journalism Act of 1991 o Batas Republika Blg. 7079, na maitaguyod ang pag-unlad at paglago ng campus journalism bilang isang instrumento upang mapalakas ang etikal na asal, kritikal at malikhaing pag-iisip, moral na karakter at personal

Balanse sa pagaaral at pamamahayag ay sukatin, nang ‘di maalanganin.

na disiplina ng kabataang Pilipino. Bunsod nito, may kaakibat na kontrol sa sarili ang mga estudyante sa pagbabalanse ng oras sa pagaaral at ibang gawain. sang malaking pribilehiyo ang pagtataglay ng kakayahan sa pagsulat at pagbalita ngunit maituturing na isang biyaya ang pagtatamo ng kakayahang maibalanse ito sa akademikong pagaaral.

Mahirap man ang pamamahala sa mga obligasyon na nakapasan sa ating balikat, ngunit sa tamang disiplina sa sarili, wastong paghawak sa sariling oras, pagtitiyaga, at pagiging determinado, malalampasan rin ang lahat ng mahirap na sitwasyon. lahat ng mahirap na sitwasyon.

Kulturang Kailangan Wakasan

Talamak sa panahon ngayon ang “victim-blaming” sa mga biktima ng anumang uri ng pang-aabuso, lalo’t lalo na sa mga kababaihan. Saan man magpunta, bata ka man o matanda, hindi mawala-wala ang pangamba sa bawat isa sa posibilidad na maaaring mabaling lamang sa biktima ang lahat ng sisi.

Tunay ngang napakahirap na makamtan ang hustisya sa ating sariling bansa. Hindi lamang ang baluktot na sistema ng gobyerno ang balakid, kundi ay ang kapwa pa mismo ang siyang pangunahing nanghihigit pababa. Imbes na managot ang may sala, ang naagrabyado pa ang pinupuntirya ng panghuhusga. Mula sa pahayag ni Beatriz

Torre, isang katulong na propesor sa University of the Philippines Diliman (UPD) Department of Psychology, ang mga sumasang-ayon sa paniniwalang ang mga hindi magandang pangyayari na naganap sa isang tao ay dapat na nauugnay sa kanilang kakayahan, kabutihan, o kawalan nito. Maging ang mga katanungan kaugnay sa kasuotan at

Itinagurian ang Sexual Orientation and Gender Identity Expression (SOGIE) Equality Bill, noong 2019, bilang pinakamatagal na iminungkahing hakbang na nakabaon sa “senatorial interpellation” na nagpapalala sa sitwasyon ng mga taong nakararanas ng mga abuso, karahasan, at diskriminasyon sa bansa.

Batay sa Senate Bill No. 689 o mas kilala bilang SOGIE Equality Bill, layunin nitong protektahan ang sambayanan base sa kanilang mga “sexual orientation”, “gender identity”, or “expression” laban sa anumang uri ng diskriminasyon. Hindi lamang ito limitado sa mga miyembro ng LGBTQIA+, ngunit ito’y pangkalahatan. Kung kaya’t nakakalungkot isipin na maging ang bagay na ito ay ipinagkakait sa bawat indibidwal na nangangailangan ng seguridad.

“Pagkakataon ito para sa mga ninakaw na panahon at sa LGBTQIA+ community. Ngunit hindi lamang iyon, dahil isa din itong daan para sa mga cisgender heteros na pag-aralan ang kanilang SOGIE,” ayon kay alyas Jelly Grace, isang estudyante ng ika-12 baitang. Sinusuportahan ng pahayag na ito ang importansya ng SOGIE bill na maipasa na sa senado. Kung patuloy lamang itong ipagsasawalang-bahala, maaaring magpatuloy pa rin ang numero ng mga biktimang naaapi.

Ayon din sa isang ginanap na panayam, bilang isang indibidwal na ginagawa ang cross-dressing, naging mahirap sa kanyang harapin ang mga pang-araw-araw na komento at mga hindi naaayong tingin na natatanggap niya mula sa iba.

Sa kabilang banda, mas mataas ang banta ng mga parte ng LGBTQ community kung ikukompara sa mga cis gender hetero dahil sa kanilang oryentasyong sekswal, pagkakakilanlang kasarian, at ekspresyon. Kabilang na rito ay ang talamak na diskriminasyong natatanggap sa trabaho, healthcare, at sa pang-edukasyon. Bilang isang demokratikong bansa, sana’y simulan nating konsiderahin at mahalin ang mga kapatid nating inaabuso dahil inihahayag lamang nila ang kanilang mga tunay na sarili. Sa mundong ito, kailangan nila ng tagaprotekta sa kanila, hindi panghuhusga.

hindi agarang pagsusumbong ay nagpapanatili ng kultura ng paninisi sa biktima at mas lalo lamang silang pinipigilan na ipahayag ang masalimuot na pangyayaring kanilang naranasan. Nakakadismayang isipin na umiiral pa rin ang isyung ito sa ating lipunan. Tila ba’y tumatanda ang lahat ng paurong; nawawalan ng lohika kung sino nga ba talaga ang nararapat panagutan sa isang krimen. Nawa’y sa panahon ng kagipitan ng iba, mailahad natin ang ating mga kamay upang tumulong at hindi manggipit pa nang tuluyan sa kapwa.

Ipinagmamalaki namin ang mga mag-aaral dito sa Gusa Regional Science High School-X. Hindi lamang sila magaling sa akademikong aspeto. Sila’y matatalino, palakaibigan, at may magagandang loob din, kung kaya naman ay sobra ko silang pinahahalagahan. Hiling at dalangin ko na sila ay patuloy na umunlad, kahit matapos na ang kanilang hayskul na buhay rito sa RS, at sila’y magdala ng karangalan sa pagrerepresenta ng aming paaralan.

CHARLYN S. BAYLON SSP-I
PUNTO DE VISTA PABATID NG PUNONGGURO
PUNTO POR PUNTO PUNTO DE VISTA
opinyon ANG SINAGTALA OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOLX. TOMO XXVII BILANG III HUNYO-DISYEMBRE 2019 08
ALIYAH ESTILLORE ALIYAH ESTILLORE THAISE CORTES KOLUM
EDITORYAL
DIBUHO NI FATIMA CAÑALISO

Pananangis ng Dukha

Mahirap Maging Mahirap

Nakadungaw sa bintana habang binibigkas ang mga katagang “Paano naman kami?”. Luha na siyang patuloy na pumapatak mula sa mga pamilyang naghihikahos at kumakalam ang sikmura. Marami sa ating mga kapwa Pilipino ang kasalukuyang nag hihirap na makabili ng mga kinakailangan nila sa pang araw-araw sa kadahilanan ng pagtaas ng mga presyo ng bilihin. Habang ang iilan na opisyales ay nagpapakasasa lamang sa pera ng kaban ng bayan. “Paano naman kami?” ang paulitulit na tanong ng mga nasa laylayan.

Ang kahirapan ay may malawak na epekto sa lipunan, kalusugan, at ekonomiya ng isang bansa. Ang mga taong nabibilang sa mahihirap na sektor ay hindi lamang nakakaranas ng kakulangan sa pagkain, damit, at tirahan, ngunit ang kahirapan ay nakakaapekto rin sa kalusugan nila. Dahil sa kakulangan sa mga pangangailangan, ang mga tao sa mahirap na sektor ay mas mahirap makakuha ng sapat na nutrisyon at kalusugan. Ang kahirapan ay nakakaapekto din sa ekonomiya ng isang bansa. Dahil sa kakulangan ng trabaho at edukasyon, maraming tao sa mahirap na sektor ay hindi nakakatulong sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa. Ang kahirapan ay nagdudulot din ng pagdami ng mga krimen sa mga komunidad dahil sa desperasyon ng mga tao na makahanap ng paraan upang mabuhay.

Batay sa datos at pag-aaral ng PSA o Philippine Statistics

Authority ay nasa 8.7% na ang inflation rate sa ating bansa at patuloy itong tumataas mula sa 8.1% lamang noong disyembre taong 2022. Sa kadahilanan ng pagtaas ng inflation ay ang pagtaas din ng presyo

ng mga bilihin. Maraming pangkaraniwang Pilipino na nasa mababang sector ng lipunan ang patuloy na naghihirap. Kahit ang mga simpleng pangangailangan sa pang araw-araw tulad ng pagkain, tubig, at iba pa ay nag sisimahalan na. Ayon sa isang report mula sa isang kilalang tagapaglaganap ng balita na Philstar “habang ang lahat ay apektado ng pagtaas ng bilihin at patuloy na pag-angat ng inflation ay mas lalong nahihirapan ang mga nasa laylayan ito ay dahil limitado lamang ang mga paraan nila upang maitaas ang kanilang sahod upang makasabay sa presyo ng bilihin”.

Ayon sa NEDA o National Economic and Development Authority ay nag lulunsad ang pamahalaan ng mga proyekto o programa upang matulungan ang mga mahihirap at mapigilan ang patuloy na pagtaas ng inflation. Subalit, hanggang ngayon ay patuloy parin ang pagtaas nito. Habang patuloy na nagpapakasasa sa pera ng kaban ng bayan ang mga nasa itaas ay siya ring patuloy na pagbagsak ng estado ng pamumuhay ng mga nasa ibaba. Inilagay sila sa pwesto ng taong bayan upang tulungan na

maiangat ang pamumuhay ng bawat isa hindi upang mas lalong pahirapan ang nasa ibaba.

Mula sa mga tanyag na kataga ng dakilang lumpo na si Apolinario Mabini “Ang tunay na karangalan ay ating matatamasa sa pamamagitan ng pagkilala sa katotohanan, at turuan ang puso na mahalin ito.” Ang mga namulat ay di na muling pipikit pa nararpat na magkaisa ang mga Pilipino para sa iisang layunin na siyang pag-angat ng lahat. Ang kahirapan ay nangangailangan ng malalim na pag-unawa at iba’t ibang solusyon na kumikilos nang sabay-sabay. Tulungan mo ang nasa laylayan lalo na at patuloy ang pagtaas ng inflation. Pilipinas gumising ka, Pilipino gumising ka. Sa pamamagitan ng mga simpleng pagbibigay ng tulong tulad ng pagkain tubig damit at iba pa ay nakakagawa ka na ng pagbabago para sa ika-uunlad ng bansa. Kabataan oras na upang patunayon na kayo ang siyang pag-asa nitong bayan naway wag mong hayaan na marinig pa ng susunod na henerasyon ang sigaw ng mga nasa laylayan ang mga boses na umaalingawngaw sa mga eskinita, “PAANO NAMAN KAMI?”.

Naglalaho sa Dilim

Sakit, Takot, at Lungkot

Nakakulong sa silid sarado ang pintuan, patay ang mga ilaw, tanging hawak ay ang aking unan. Hindi mawari ang nararamdaman kung ito ba’y takot, lungkot, pagod, o puot. Takot sa kung ano man ang maihahain sa akin ng hinaharap at takot harapin ang mga binabato ni tadhana. Lungkot na binabalot ang puso sa kadahilanang sa aking pakiramdam ay hindi ko magawa ang mga bagay na dati’y kayang-kaya kong gawin. Kalungkutan na gabi-gabi akong binibisita sa aking pahinga. Pagod hindi lamang ang katawan, ngunit pati na rin ang aking isipang pilit iniintindi ang mga bagay na sa akin ay ibinabato ng panahon. At puot na unti-unting binabalot ang aking puso mula sa mga masasakit na salitang mula sa aking mga kakilala.

Hindi ko alam kung ito ba ay depresyon, at lalong hindi ko rin nais na magpa konsulta sapagkat takot ako sa kung ano man ang masasabi ng iba. Kailan ba ninyo kami pakikinggan at pahahalagahan ang mental na estado naming mga nangangailangan? Saka lang ba aalingawngaw ang aming tinig kapag kami ay tuluyan nang mananahimik? Sa isang lipunang patuloy na umaandapandap sa kahirapan at mga suliranin, isang malalim

at tahimik na hamon ang napapansin ng marami – ang depresyon. Isang sakit na ‘di makikitang dumadapo sa isip at damdamin ng mga tao ngunit unti-unting sinisira ang isipan ng madadapuan nito.

Habang tayo ay naglalakbay sa mundo ng mga ngiti at kasiyahan, may mga taong nakikipagbuno sa kawalan ng pag-asa at kalungkutan. Ang mga taong may depresyon ay nawawalan ng interes sa mga dating paboritong

gawain, nahihirapan sa pagtulog o labis na natutulog, at nagdurusa mula sa labis na pagod at pagkaubos. Sa mga kaso na lubhang seryoso, ito ay maaaring humantong sa pagiisip ng pagpapakamatay.

Ang depresyon ay isang sensitibong usapin na nararapat bigyang halaga ng mga nasa posisyon. Samakatuwid, hindi dapat nating ipagsawalangbahala ang depresyon at ituring itong simpleng “pagdadrama” o “kawalan

ng lakas ng loob.” Ito ay isang tunay na sakit ng isip at emosyon na dapat bigyan ng sapat na pagunawa at suporta. Bilang isang lipunan, mayroon tayong mahalagang papel na ginagampanan upang matugunan ang depresyon. Bilang mga kaibigan, pamilya, at kasapi ng komunidad, mahalaga ang pagkakaroon ng bukas na isipan at matinding pangunawa para sa ikabubuti ng marami.

NI JASPER BUTCON
lathalain 09 ANG SINAGTALA | OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL X. TOMO XXVII BILANG III HUNYO-DISYEMBRE 2019
NI MARIZ GALES PIKIT. Kumakatok sa pintuan ang lungkot at ang paglulugmok. MULA KAY MARIZ GALES PAANO NAMAN KAMI. Bitbit ang kanyang mga kalakal, nagsisikap kumita ng kaunting barya si Jovan bilang tagabantay sa mga nakaparkeng sasakyan sa Cogon Market.. KUHA NI MARIZ GALES

10 03 - Sirena

Sirena Himig ng sa Labi lathalain ANG SINAGTALA OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOLX. TOMO XXVII BILANG III HUNYO-DISYEMBRE 2019

Akoy isang sirena kahit anong gawin nila ako ay ubod ng ganda. Punongpuno ng emosyon ang awiting sirena na sinulat ni gloc-9 kung saan pinapakita ang paghihirap at diskriminasyon na nararanasan ng mga kapatid nating parte ng lgbtq+. Ipinapakita sa awitin kung gaano kahirap para sa isang miyembro ng lgbtq+ na maging bukas sa kanilang mga pamilya o kakilala sa kadahilanang maaari silang husgahan at saktan. Sa nagdaang mga taon, napansin natin ang isang unti-unting pagbabago sa pananaw at pagtanggap ng lipunan sa mga indibidwal na kasapi ng LGBTQ+ community. Marami ng mga hakbang ang naisasagawa upang bigyan sila ng pantay na karapatan at pagkilala sa lipunan. Gayunpaman, hindi natin maikakaila na ang diskriminasyon ay patuloy pa rin na sumasakaniila sa ating bansa.Ang pagtanggap sa mga indibidwal na kasapi ng LGBTQ+ ay isang malalim at malawak na isyu na patuloy na hinaharap ng ating lipunan. Bagamat may mga positibong pagbabago at tagumpay na nangyayari, hindi natin maikakaila na ang homophobia, transfobia, at iba pang anyo ng diskriminasyon ay patuloy na sumasalakay sa kanila.

DIBUHO NI FRUJI SABELLO

- Upuan

DIBUHO NI FRUJI SABELLO

paano tiningnan ang mga manggagawa sa sex sa lipunan ng Pilipinas: sila ay alinman sa masasamang kababaihan na may malaswang moral na sumisira sa mga pamilya o biktima na kailangang kaawaan at mailigtas.

Ito’y kwento ng isang babae, tulog sa umaga gising sa gabi. Halika simulan natin ang istorya. Siya si magda nilalarawan niya ang pangyayari at isyu sa ating lipunan at binubunyag ang realidad ng buhay ng iilan sa mga kababaihan sa ating bansa. Kilala siya bilang kabighabighaning dalaga na ubod ng ganda. Prinsesa kung ituring siya ng kaniyang ama maayos man ang buhay nila ay ninais niya ng pagbabago. Nakilala niya ang isang lalaki mula sa manila at dito na nagsimula ang pag-ikot ng storya. Ang inakala niyang pag-ibig ang siyang nagtulak sa kaniya sa bangin ng paghihirap at pagdurusa. Hindi kalaunan siyay napakapit sa patalim at walang ibang nagawa kundi maging kaladkarin o bayarin na babae.

Ipinapakita ng kantang Magdalena ang mga paghihirap na dinaranas ng kababaihan sa ating bayan. Ang diskriminasyon, kahirapan at diskriminasyon na kadalasang nagiging sanhi ng siyang pagkapit sa patalim. Sa bawat taludtod ng kantang “Magdalena,” matatagpuan ang malalim na paglalakbay sa kadiliman ng lipunan. Ito ay isang tugon sa hindi patas na sistema ng lipunan, kawalang-katarungan, at pagkaantala ng pag-unlad na dinaranas nila. Ayon sa isang artikulo sinabi ni gloc-9 na

tapat at makatotohanan ang bawat liriko ng kanta ni Gloc-9. “Aniya, ito’y dahil sa bawat kanta na kanyang ginagawa ay inilalagay niya ang kanyang sarili sa sitwasyon na kanyang isinusulat.”. Mula naman sa report Rappler na pinamagat na [OPINYON | Youth] Ang boses ng pokpok, May mga bagay na pumipigil sa mga ganitong klase ng gawain kagaya na lamang ng batas na nag-iigting at ‘di sang-ayon sa sex work dito sa ating bansa. Halimbawa na ang Artikulo 202 ng Revised Penal Code,

saan itinuturing na krimen ang mga gawain gaya ng pagbebenta ng aliw – mga kababaihan na para sa pera o tubo ay madalas na nakikipagtalik o gumagawa ng kahalayan, na itinuturing ng karamihan na “prostitute” o patutot sa Tagalog. Itinuturing naman ng Magna Carta for Women na isang uri ng karahasan ang prostitusyon, kung saan dapat silang protektahan at sila ay nagsisilbing biktima ng ganitong klase ng aktibidad. Ang ligal na pag-igting na ito ang sumailalim sa kung

kung

Ang kanta ng “Magdalena” ni Gloc-9 ay naglalarawan ng realidad na kinakaharap ng mga kababaihan sa maralitang komunidad. Ito ay isang pagpapaalala sa atin na may mga sektor sa lipunan na nangangailangan ng ating pag-unawa at suporta. Marami sating mga kababaihan ang maaari nating mabigyan ng mas magandang kinabukasan kung sila ay ating matutulungan. Maraming Magdalena ang nag lalakad ngayon sating mga eskinita, kailan pa natin sila tutulungan? Kailan pa natin mapapahalahagahan ang ating mga kababaihan? Maraming nagsasawalang bahala sapagkat silay nakikinabang, oras na upang kumilos para sa kinabukasan ng ating kababaihan.

01
- Magdalena 02
01 - Magdalena
NI JASPER BUTCON
Tinta NI JASPER BUTCON

Isang malaking hakbang para sa lahat ang pagsasabatas ng Anti-Discrimination Bill (ADB) o SOGIE Equality Bill, na layuning bigyang proteksyon at pantay na karapatan ang LGBTQ+ community. Sa pamamagitan ng pagpasa nito, inaasahan na mapangangalagaan ang mga indibidwal na may iba’t ibang sexual orientation, gender identity, at expression. Gayunpaman, sa kasalukuyan, ang nasabing batas ay patuloy na pinag-uusapan at naiipit sa mga kontrobersya at politikal na isyu. Ang diskriminasyon sa mga kasapi ng LGBTQ+ ay nagpapakita rin sa mga aspeto ng kanilang pang-araw-araw na buhay. Marami sa kanila ang patuloy na nakakaranas ng pagmamalabis, pangungutya, at hindi pagtanggap mula sa kanilang pamilya, paaralan, trabaho, at iba pang sektor ng lipunan.

Ang mga ito ay nagdudulot ng mental at emosyonal na stress sa kanilang buhay.

Mahalagang tandaan na ang mga kasapi ng LGBTQ+ ay mga indibidwal na may mga pangarap, talento, at ambisyon tulad ng iba. Sila ay may mga kontribusyon na maaaring maibahagi sa lipunan. Ang patuloy na diskriminasyon sa kanila ay isang hamon hindi lamang para sa kanila, kundi pati na rin para sa ating lipunan bilang kabuuan.Upang matugunan ang hamon na ito, mahalagang magkaroon ng pangkalahatang edukasyon at kamalayan sa mga isyu at pangangailangan ng LGBTQ+ community. Ang pag-unawa at pagtanggap ay maaaring maging pundasyon para sa tunay na pagbabago. Mahalagang palaganapin ang respeto, pagkakapantay-pantay, at pagbibigay

ng tamang karapatan sa lahat ng tao, ano man ang kanilang kasarian, pagkakakilanlan, o oryentasyon.

Bilang parte ng makabagong panahon responsibilidad natin na bigyan ng pantay-pantay na pagkakataon ang bawat isa. Hindi naman ikasisira ng iyong imahe ang pagpapakita ng malasakit at pagtanggap sa iyong kapwa. Ang kabataan ang nararapag na siyang mangunguna sa pagbabago na inaasam ng lahat. Ang pagtanggap at respeto ay di dapat ipagkait sa ating mga kapatid na parte ng lgbtq+. Kailan man ay hindi magiging kasalanan ang pagkilala at pagmamahal sa sarili. Pakinggan ang boses ng minorya, itoy hindi hiling ngunit isang paalala.

Agawan sa Upuan

Sa bawat salita at tunog ng isang kanta, may mga kuwento at mensahe na likha ng mga musikero na naglalayong humantong sa puso’t isipan ng mga tagapakinig. Sa likod ng ritmo at mga lirikong binibitawan, nagtatago ang isang kwento ng katotohanan at pagbabago. Ang “Upuan” ay isang awiting nilikha ng batikan ng Pilipinong rapper na si Gloc-9, na kilala sa kanyang mga taludtod na puno ng saloobin at kritisismo sa lipunan. Nang unang marinig ang kantang ito, maaaring isipin ng iba na ito’y isang simpleng awit tungkol sa paghahanap ng isang upuan upang makapahinga. Ngunit, ang kahulugan nito’y malalim at nagpapakita ng kalagayan ng lipunan at pagbabago.

Sa mga liriko ng “Upuan” sinasalamin ang kahirapan, korapsyon, at kawalan ng hustisya na patuloy na kinakaharap ng mga Pilipino. Ipinapakita ng kanta ang realidad ng lipunan kung saan ang mga tao ay patuloy na nagpapasan ng bigat ng buhay, habang ang mga nasa kapangyarihan ay nagpapatuloy sa kanilang mga katiwalian. Ang kanta ay naglalayong magpabago at magmulat sa mga tagapakinig. Tumatalakay ito sa importansya ng pagkilos at hindi maging manhid sa mga suliranin ng lipunan. Ipinapahayag din dito ang kanyang pananaw na kung tayo ay patuloy na mananahimik at magpapabaya, wala tayong mararating at wala ring magbabago. Sa bawat taludtod, mababasa at maririnig ang mga salitang puno ng pagkadismaya, pagkabahala, at panawagan sa pagbabago. Matatalim ang mga salitang pumapalibot sa tema ng kahirapan, korapsyon, at paghihirap na nararanasan ng marami sa ating bansa. Malalim ang konsepto na kanyang inilalahad, kung saan ang “upuan” ay nagiging simbolo ng katayuan sa lipunan. Ito ang tahanan ng mga nasa kapangyarihan, na siyang nagtatakda ng takbo ng mga pangyayari. Ang mga nakaupo sa “upuan” ay may kakayahang gumawa ng mga pagbabago, ngunit sa kasamaangpalad, ito rin ang kadalasang nagdudulot ng kahirapan at pagdurusa ng mga ordinaryong mamamayan. Habang nagpapakasasa sa yaman at pera ng kaban ng bayan ang mga nasa posisyon ay patuloy na maghihikahos ang mga nasa layalayan ng lipunan.

Ninanais ng kantang ito na maging kritikal, magsalita, at kumilos ang nakararami para sa tunay na pagbabago. Ito rin ay naglalayong buksan ang isipan ng mga tao sa mga suliraning panlipunan at hindi maging bulag sa mga katiwalian na nagaganap sa lipunan. Ang kanta ay isang tapat na paglalahad ng mga suliraning panlipunan na kinahaharap natin ngayon. Bilang kabataan at tinurang pag-asa nitong bayan oras na para ito’y ating patunayan. Maging kritikal tayo sa mga pangyayari at isyu na kinahaharap ng ating bansa, gamitin ang ating boses para sa ikabubuti ng nakararami, lumaban para sa mga inaapi, at maging liwanag sa dilim. Buksan ang mga mata at pagmasdan ang hubad na katotohanang patuloy na pinaghaharian ng mga sakim sa kapangyarihan ang ating lipunan. Tumindig at mayroong titindig sabay sa iyo. Hindi matatapos ang kanta hanggat hindi naibababa ang nagmamataas.

Lilim sa PATALIM

Kahit sa patalim kumapit, isang tuka, isang kahig. Maraming mga Pilipino ang patuloy na naghihirap at halos isang kahig isang tuka na sa pang araw-araw. Layunin ng awitin ni gloc-9 na hari ng tondo na maipakita ang problema sa kahirapan na siyang nagiging dahilan ng pagkapit sa patalim ng karamihan.

Ayon sa report mula sa SWS o social weather stations survey taong 2022, mahigit kumulang 14 na milyong Pilipino ang nakakaranas ng kahirapan sa ating bansa kalimitan sa mga pamilyang ito ay nakatira sa mga eskinita o di kaya ay mga skwater. Nangununa ang kahirapan na sanhi ng pagkapit sa patalim ng mga Pilipino na siya ding dahilan ng pagtaas ng crime rate sa bansa.

Sa mundong puno ng hamon at kagipitan, marami sa atin ang napipilitang kumapit sa patalim. Ito ay isang ekspresyong naglalarawan ng mga taong nagsusumikap at nagpupunyagi upang malampasan ang kanilang mga pagsubok, kahit na alam nilang hindi ito ang pinakamahusay o pinakamapanghahawakan na solusyon. Ito ay nagpapakita ng pagtanggap ng mga limitasyon ngunit patuloy pa rin sa pakikipaglaban sa buhay.Sa bawat yugto ng ating buhay, may mga pagkakataon na nararanasan natin ang kahirapan. Maaaring ito ay dahil sa kakulangan sa pinansyal, kakulangan sa edukasyon, kawalan ng oportunidad, o maging ang personal na mga laban at mga suliranin na ating

kinakaharap. Sa mga ganitong pagkakataon, ang pagkapit sa patalim ay maaaring maging tanging pagpipilian na tila nag-aalok ng agarang lunas sa ating mga suliranin.

Subalit, ang pagkapit sa patalim ay hindi palaging isang magandang opsyon. Bagamat maaring magdulot ito ng pansamantalang ginhawa o agarang solusyon, hindi ito karaniwang nagbubunga ng pangmatagalang pag-unlad o kaligayahan. Sa pagkapit sa patalim, ang isang paa natin ay tila nakalibing na sa lupa at siyang maaaring magdulot ng kapahamakan. Ang kahig-isang tuka na ito ay maaaring magdulot ng maraming sakripisyo, kawalan ng seguridad, o kahit na pagkasira ng ating integridad.Ang pagkapit sa

patalim ay madalas na resulta ng mga limitadong pagpipilian. Sa mga sitwasyong walang ibang lumalapit na solusyon, tayo ay nababawalan ng kalayaan na pumili ng mas mahusay na landas. Ito ay isang pangyayaring nagpapakita ng mga kawalang-katarungan sa ating lipunan, kung saan ang mga oportunidad ay hindi pantay-pantay at ang mga pagkakataon ay hindi magkakatulad. Kung nais nating mabawasan ang bilang ng krimen at ang bilang kahirapan sa bansa ay nararapat na magkaisa sa paggawa ng mga solusyon ang bawat Pilipino. Nararapat na siyang mga nasa itaas na posisyin ng gobyerno ang manguna sa mga programa para sa ikauunlad ng bawat isa at hindi lamang para sa kanilang sariling mga bulsa. Hindi mauubos ang bilang ng mga taong nakahawak sa patalim hanggat di naibaba ang bilang ng mga naghihirap sa bansa. Tama na ang pagiging gahaman sa pera na dapat ay naibabahagi sa bawat isa. Isang kahig isang tuka, kapit sa patalim, sigaw ng dukha, panahon na para sa tunay na pagbabago.

03 - Sirena 04 - Hari ng Tondo
NI FRUJI SABELLO
lathalain 11 ANG SINAGTALA | OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL X. TOMO XXVII BILANG III HUNYO-DISYEMBRE 2019
02 - Upuan DIBUHO NI FRUJI SABELLO DIBUHO NI FRUJI SABELLO
04 - Hari ng Tondo

lathalain

Paraiso ng Kape

Pumili ng Sariling Timpla

Buhay na Kulay

Matingkad na Pagtanggap sa Bawat Isa

Naghahari ang pagkaiba-iba sa mundo: sa wika, kulay ng balat, kultura, at relihiyon. Ang aming paaralan ay naglalayong maging isang tahanan ng pagkatuto at pagkakaunawaan, ngunit hindi namin maitanggi na ang racism ay umiiral pa rin sa aming tahanan ng edukasyon. Sa paaralan, isang hindi kanais-nais na isyu ang unti-unting paglitaw ng rasismo. Nakakalungkot na marinig na ang mga racial slur at makahulugang simbolo ng swastika ay nagiging bahagi ng mga usapan at kilos ng iilang kabataan. Ang ganitong uri ng pag-uugali ay hindi dapat natin ipinapalagay na simpleng biro o pagpapahayag ng kalayaan. Ang rasismo ay isang malubhang suliranin na humahati sa ating mga komunidad at nagdudulot ng hindi pantay na pagtrato at diskriminasyon sa mga taong nabibilang sa iba’t ibang lahi at kultura. Ang paggamit ng racial slur at paghahayag ng simbolo ng swastika ay hindi lamang simpleng mga salita o mga simbolo, kundi mga kasangkapan ng pag-aalipusta at pananakot. Ito ay naglalagay ng mga tao sa posisyon ng kapangyarihan at kontrol habang pinahihina at sinisira ang dignidad at kalayaan ng mga taong tinutukoy.

Ang edukasyon at kamalayan ay naglalaro ng malaking papel sa paglaban sa racism at iba pang anyo ng diskriminasyon. Dapat tayong magtakda ng mga programa at aktibidad sa paaralan na naglalayong magpalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa kasaysayan, kultura, at kontribusyon ng iba’t ibang lahi. Ang mga leksyon na ito ay maaaring magdulot ng pag-unawa at pagpapahalaga sa pagkakaibaiba ng tao, at sa proseso nito, mabawasan ang pang-aalipusta at diskriminasyon. Mahalagang ituro sa mga kabataan ang tamang pag-uugali at respeto sa kapwa. Kailangan nating malaman na hindi ang kulay ng balat ang nagpapakilala sa atin bilang tao. Sa halip, ang ating mga saloobin, kakayahan, at mga kaisipan ang nagbibigay ng tunay na kahulugan sa ating pagkatao.Dapat tayong magsagawa ng mga talakayan at pagsasanay na naglalayong palakasin ang mga halaga ng paggalang, pagtanggap, at pakikipagtulungan. Ang pagtuturo ng kahalagahan ng pagiging sensitibo sa mga isyu ng rasismo at ang paggamit ng tamang wika at komunikasyon ay mahalagang

bahagi ng paghubog sa isang henerasyon ng mga mamamayan na magiging mapagkalinga at mapagbigay-pansin sa kanilang kapwa. Ang mga guro at mga magulang ay dapat magsilbing mga modelo ng pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kultura. Ang kanilang halimbawa ay mahalaga sa paghubog ng pag-uugali at pananaw ng mga estudyante sa paaralan.

Sa pagpapakita ng respeto at pag-unawa sa mga kultura ng ibang tao, tayo ay nagpapakita ng pagkakapantay-pantay at pagkakaisa. Mahalaga na magkaroon tayo ng pagkakataong matuto at magbigay ng espasyo sa lahat ng tao upang maipakita nila ang kanilang kagandahang-loob at magpakita ng kanilang kakayahan. Sa huli, hindi lamang ito tungkol sa pagkakaroon ng respeto sa lahat ng tao, kundi tungkol sa pagpapakita ng tunay na pagmamahal sa kapwa. Kailangan nating ipakita na hindi lamang tayo mga mag-aaral, kundi mga tagapagisa sa pagtataguyod ng tunay na pagkakapantay-pantay, pagkakaisa, at kapayapaan sa ating paaralan at lipunan.

Maria Clara at Ibarra: Ang Simula ng Katapusan

NI ALDRIN HUSSIN

SaPilipinas, malaon nang mailap ang pagtangkilik ng mga mamamayan sa lokal na likhang-sining. Bukod sa kawalan ng oportunidad na payabungin ito, mas nagiging patok sa mga Pilipino ang mga modernisadong pelikula. Ang teleseryeng “Maria Clara at Ibarra” na pinamahalaan ni Direk Zig Dulay ay base sa nobelang Noli Mi Tangere ni Jose Rizal. Layunin nitong ilahad ang mga tunay na kaganapan sa libro sa paraang nauugnay ang kasalukuyang kalagayan ng lipunan.

Malaman, mapagmulat, at mapagpalaya ito. Iba’t ibang porma ng sining ang nalikha at nakadepende ito sa lagay ng lipunan. Ang pinakalayunin nito’y bigyang katapusan ang tradisyunal na manlilikha ng sining at simulang tugunan ang kasalukuyang pangangailangang pang-kultura ng bansa.

Pamilyar ang mga eksenang natalakay sa palabas – napipilitan mangibang bansa dahil sa kawalan ng oportunidad na makapag trabaho at kumita

Sakasalukuyang panahon, ang aming lugar ay umuusbong bilang isang paraiso ng kape. Sa bawat kanto, makikita mo ang mga tindahan na nag-aalok ng iba’t ibang uri ng kape mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Ang malamig na halo-halo ng iced coffee, mabangong aroma ng freshly brewed espresso, at ang mga natatanging kombinasyon ng iba’t ibang sangkap - ang mga ito ay nagbibigay-buhay sa aming mga panlasa at nagbibigay-lakas sa aming mga araw.

Ang pagkakaroon ng maraming coffee shop sa aming lugar ay nagbibigay-daan sa aming mga mamamayan upang mamili at masiyahan sa iba’t ibang karanasan sa kape. Ang bawat coffee shop ay nagtataglay ng kani-kanilang espesyalidad at estilo, nagpapahayag ng sariling kuwento ng kape. Mula sa mga tradisyunal na kapihan na naglilingkod ng mga klasikong timpla, hanggang sa mga modernong establisyimento na may malikhain at eksperimentadong mga inumin, mayroon para sa lahat.

Hindi lang basta kape ang handog ng mga coffee shop, kundi pati na rin ang kanilang mga kapaligiran na puno ng kultura at inspirasyon. Ang mga ito ay hindi lamang mga lugar ng pagkakape, kundi mga puwang ng mga malikhaing indibidwal at grupo na naghahatid ng mga kuwento, musika, at sining. Ang mga coffee shop ay nagsisilbing tahanan ng mga manunulat, estudyante, propesyonal, at mga magkaibigan na nagtitipon upang magbahagi ng mga ideya at mga sandaling pahinga sa gitna ng kasagsagan ng buhay.

Gayunpaman, hindi rin natin dapat isantabi ang mga potensyal na negatibong epekto ng pagdami ng mga coffee shops. Ang patuloy na pagbubukas ng mga ito ay maaring magdulot ng kumpetisyon at posibleng pagsasara ng mga maliliit na lokal na negosyo na hindi makasabay sa lumalaking merkado. Bukod pa rito, ang patuloy na paglaganap ng mga coffee

shops ay maaring magdulot ng pagkakaroon ng “kapehan kultura” na nagreresulta sa pagtungkod sa tradisyonal na mga pagkaing lokal. Ang pagiging globalized ng ating mga panlasa ay maaring mawala ang pagpapahalaga sa mga indigenous na inumin at pagkain. Bilang isang komunidad, mayroon tayong papel na ginagampanan upang mai-

balik ang balanse sa pagitan ng pagdami ng mga coffee shops at pagpapahalaga sa ating lokal na kultura. Ang pagtataguyod sa mga lokal na kape at mga produktong Pilipino ay dapat ituring na mahalagang tunguhin. Maaari rin tayong maging aktibo sa pagtangkilik sa mga lokal na coffee shops at sa paghikayat sa sa nakararami na suportahan ang mga sariling atin.

dito sa Pilipinas. Kadalasan itong napapalabas sa mga lokal na pelikula, kung saan sinasalamin nito ang pananaw ng mga mamamayang Pilipino na ang isang dekalidad na pamumuhay ay nakaatang sa labas ng bansa. Kaya, hindi maitatanggi na isa ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming pinapadalang Overseas Filipino Workers (OFW) taon-taon.

Bukod dito, mababagtas din sa teleserye ang pagtalakay nito sa ugnayan ng mga inhustisyang nagaganap

sa kasalukuyan at nobelang Noli Mi Tangere. Nakatulong ito para mabigyang-diin ng mga karakter sa palabas ang pagtindig para ipaglaban ang kanilang karapatan at kalayaan.

Malinaw sa pagsusuri ng mga mananaliksik ng kasaysayan na bawat likhang-sining ay umuugnay sa tema, interes, isyu, at ideolohiya sa kasalukuyang kalagayan ng

bansa. Dahil sa kasalukuyan, kontrobersyal ang mga isyu hinggil sa pagbabaluktot ng katotohanan at pagbabago sa nilalaman ng ating kasaysayan, pumapatok sa mga Pilipino ang pelikulang naglalayon bigyang-linaw ang mga kalituhan ng mga mamamayan sa tunay na mga pangyayari ng nakaraan.

Kasabay ng pagbabago ng porma ng sining ay ang pagbabago

ng konteksto at ng pinaglalaanan nito. Pinatunayan ng palabas na mas magiging madali ang pagbibigay-pansin sa tradisyunal na kulturang pinaghalawan ng modernisadong likhang-sining kung mabibigyan ng pagkakataong maisalin ito sa makabago at napapanahong anyo.

Ang mukha sa likod ng sistemang walang labis, palaging kulang
NI JASPER BUTCON
ANG SINAGTALA OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOLX. TOMO XX BILANG ENERO-HUNYO 2023 12
MULA SA GMA NETWORK GAWA NI CLARK BATION GAWA NI CLARK BATION GAWA NI CLARK BATION

Alerto sa Panganib: Bulkang Taal, Bumubukal

Tumaas na naman ang bilang ng sulfur emissions ng Taal Volcano kamakailan lang. Nagpapakita na ito ay aktibo at maaaring pumutok anumang oras. Ang Taal volcano ay pangalawa sa pinaka aktibong bulkan sa mundo. Noong 2022, ito ay nagpakita ng mga senyales sa pagiging aktibo kung saan ay ikinabahala ng nakararami. Ngayon sa taong 2023, ito ay nagpapakita nanaman ng mga panibagong palatandaan sa pagiging aktibo.

Sa kasalukuyan ang Taal ay nasa ilalim pa sa Alert Level 1 dahil sa pagtaas ng sulfur emissions nito. Ang sulfur emissions ay nangyayari kapag ang mga gatong o mga iba pang materyales na mayroon o naglalaman ng sulphur ay nasusunog o na-oxidize. Ang sulfur dioxide ay ilinalabas ng isang bulkan kapag ang magma nito ay malapit na sa ibabaw. Ginagamit ito bilang palatandaan na ang isang bulkan ay maaring sumabog.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), 9,391 tonelada ng sulfur dioxide ang na-release mula sa bulkan, na mas mataas kumpara sa 5,831 toneladang naitala noong Hunyo 1 Ito ay magiging suliranin at pasanin sa mga tao sa paligid, dahil ito ay may mabahong amoy at ito ay mapanganib sa kalusugan. Ito ay tinututukan ng matindi ng gobyerno at ng mga organisasyong responsable. Inirerekomenda na lahat ng nasa paligid ng Taal volcano ay gumamit ng N95 mask at lumikas sa mga evacuation center para maging ligtas na sa panganib.

Mananaliksik mula

RegSci, panalo sa Shell NXplorers

NI TIMOTHY DAJAN

Nakamit ng Gusa Regional Science High School-X NXplorers Team ang nangungunang puwesto sa prestihiyosong Shell NXplorers The Bright Ideas Challenge 2023. Ang kaganapan, na ginanap sa Ascott sa Makati City noong Mayo 12, 2023, pinagsama-sama ang mga kabataang isipan na determinadong harapin ang mga mahahalagang isyu ng NEXUS: pagkain, tubig, at enerhiya.

Ang Team PortaBio, isang grupo ng mga mag-aaral mula sa Gusa Regional Science High School-X (GRSHS-X), ay nakakuha ng kahanga-hangang 2nd place sa kompetisyon. Ang kanilang proyekto, na angkop na pinangalanang “PortaBio: Renewable Energy on the Go,” ay nakakuha ng atensyon ng mga hurado at mga dumalo.

Bumuo ng isang portable power bank na gumagamit ng isang graphite fuel cell ang Team Portabio upang i-convert ang biogas mula sa nasayang na pagkain sa kuryente. Ang makabagong

solusyon na ito ay hindi lamang tumutugon sa problema sa basura ng pagkain ngunit ginagamit din ang renewable energy para mapagana ang iba’t ibang device, na ginagawa itong isang napapanatiling pagpipilian para sa mga indibidwal na gumagalaw.

Team MakeRS: Si Isda Way, isa pang kapansin-pansing kalahok mula sa GRSHS-X , ay nakakuha ng puwesto sa mga nangungunang 10 finalist. Ang kanilang proyekto ay naglalayong harapin ang mga hamon at nagpakita ng kanilang pangako sa paglikha ng isang positibong

epekto sa kapaligiran.

Sa 30 entries na unang nagpapaligsahan, ang kumpetisyon sa huli ay pinili ang nangungunang 10 finalists, na itinatampok ang kanilang huwarang kakayahan na gumawa ng mga malikhain at napapanatiling solusyon para sa mga isyu sa kapaligiran.

Ang tagumpay ng Team PortaBio at Team MakeRS: Isda Way sa The Bright Ideas Challenge ay binibigyang-diin ang napakalawak na potensyal ng kabataang Pilipino sa paghimok ng inobasyon at positibong epekto sa kapaligiran. Sa pamamagitan

Maya saKalawakan

NI KHARYL GOLOSINO

Matagumpay na pinalipad ang ikalawang batch ng CubeSat na Maya-5 at Maya-6 patungong International Space Station (ISS) kung saan ito ay kabilang sa ika-28 na komersyal na misyon ng suplay ng SpaceX.

Binuo kabilang sa proyektong Space Science and Technology Proliferation through University Partnerships (STeP-UP) ng STAMINA4Space Program. Ito ay pinondohan ng Department of Science and Technology at isinagawa ng University of the Philippines Diliman (UPD) sa pakikipagtulungan ng Kyushu Institute of Technology sa Hapon. Ang mga CubeSat ay binuo sa ilalim ng nanosatellite track ng Master of Science (MS) o Master of Engineering (MEng) program ng Electrical and Electronics Engineering Institute (EEEI) ng UPD. Ito na ang pang-anim na matagumpay na pagpapadala sa kalawakan sa pam-

amahitan ng kooperasyon ng Hapon at Pilipinas, matatandaang nauna dito ang Diwata-1 at Diwata-2.

Ating alamin ang mga kakayahan ng Maya-5 at Maya-6. Ang Maya-5 ay mayroong katulad na mission payload tulad ng Maya-2, na binuo sa ilalim ng 4th Joint Global Multi-Nation Birds Satellite (BIRDS-4) Project ng Kyutech. Samantala, ang Maya-6 namay ay mayroong experimental on-board computer (OBC-EX) mission payload na responsable sa pagkontrol sa attitude determination and control system (ADCS) at hentenna (HNT) missions.

Pagkarating sa kalawakan, in-

ng paghikayat sa pagbuo ng kritikal na pag-iisip at mga kasanayan sa paglutas ng problema, ang Shell NXplorers ay nakahanay sa United Nations Sustainable Development Goals para sa 2023 at higit pa.

Moira Mendoza mula sa Team portabio ay nagpapayo sa mga susunod na NXplorers, “don’t be afraid to try something new and to test your limits and potential, with the pursuit of finding the self, will also be the pursuit of the betterment for everybody, including the environment and a sustainable future.” Ani niya.

aasahang tatakbo ang Maya-5 at Maya-6 sa isang altitud ng orbit na mga 400 kilometro. Ang pangunahing layunin ng misyong ito, ayon sa PhilSA, ay magbigay ng lokal na pagkakataon para sa pagkuha ng kaalaman sa space technology at praktikal na karanasan sa pag-develop ng satellite. Samakatuwid, binigyang-diin ni Dr. Maricor Soriano, ang lider ng STAMINA4Space Program, ang kahalagahan ng pagiging matatag sa larangan ng space science at technology development.

Sinabi niya na ang pagbuo ng sariling CubeSat at pagpapaunlad sa pakikipagtulungan sa mga lokal na kumpanya ay magbibigay-daan sa pagkakatatag ng isang industriya para sa space tech. Ipinahayag ni Engr. Paul Jason Co, ang STeP-UP Project Leader, ang pasasalamat sa patuloy na suporta mula sa DOST at DOST-SEI na nagsisilbing tulay sa pagpapalakas ng kakayahan ng bansa sa larangan ng space science, technology, at aplikasyon. Binigyang-diin naman ni Dr. Franz De Leon, ang Direktor ng DOST-ASTI, na sa tulong ng karanasan at kaalaman na natamo ng mga iskolar, siyentipiko, at mananaliksik, magkakaroon tayo ng bagong pamamaraan ng pagkakabuo ng enerhiya na magbubunga ng iba’t ibang pag-unlad sa larangan ng space technology hindi lamang sa bansa kundi maging sa buong mundo.

NI KHARYL GOLOSINO
agtek 13 ANG SINAGTALA OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOLX. TOMO XX BILANG ENERO-HUNYO 2023
MULA SA STAMINA4Space GAWA NI CLARK BATION NAKAKAGALAK. Ngiting tagumpay ang pinakita ng mga Regionalista matapos makuha ang premyo na umabot ng 50,000 pesos. MULA KAY MOIRA MENDOZA

COVID 19 sa Pinas, hindi pa tapos!

Laro ng Buhay: E-games patungong ERoom

GOLOSINO

“Even though the WHO has already lifted the PHEIC status, they didn’t say the pandemic is already over,” ani ni Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire. Noong nakaraang linggo, iminungkahi ng WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na ang pandemya ay hindi na itinuturing “public health emergency of international concern” o PHEIC.

Dagdag pa ni Vergeire na kahit na itinaas na ang PHEIC na estado ng pandemya, hindi pa din ito sapat upang magpakampante at dapat ay patuloy pa ring mag-ingat at sumunod sa mga protokol.

“For now, all policies based on the president’s executive orders and other IATF resolutions shall still be in effect until otherwise repealed,” paglalahad pa niya.

Patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa bansa. Ayon sa tala ng DOH, nasa 9,465 ang nagkaroon ng impeksyon sa nakaraang linggo at umabot sa mahigit 12,161 kaso nitong Lunes.

“Although we have seen an increase in COVID-19 cases, this does not translate to an increase in hospital admissions, severe and critical cases remain low, and many of the cases are mild,” pagsisigurado ni Vergeire.

Sa kabuuan, nasa 4.1 milyon na ang nahawaan ng COVID-19 sa bansa mula Marso 2020 hanggang ngayon. Tinatayang umabot na sa 60000 ang namatay at nasa 170 milyon na ang nabakunahan.

Sa panahon ngayon, masasabi natin na ang electronic-games o E-games ay isa sa mga pinakamalaking salik na makaapekto sa buhay ng isang tao. Mapa bata o matanda lahat ay kinahuhumalingan ang paglaro ng mga mobile games sa mga gadyet. Ngayon nga ay muling bumabalik ang tinatawag na craze sa paglalaro ng sikat na mobile game na kung tawagin ay Mobile Legends. Nakakaadik at nakakawindang ang larong to. Pero, kasabay ng pagbabalik sa hype dito ay ang paalala sa mga sakit na nakukuha sa matagalang pagbabad sa mga gadyet

Maraming mga Pilipino ang na adik sa larong ito lalo na noong mga panahong bago nagka pandemya. Ayon sa tala ng Statistika, nasa 48 milyon ang mga gamers sa Pilipinas. Pinaniniwalaang aabot pa ito ng 54 milyon pagdating ng taong 2024. Ilan pa sa mga larong uso sa Pinas ay ang Valorant, Call of Duty, DOTA, at marami pang tinatawag na strategic games. Mas umingay pa ang mga larong ito nang dumating ang COVID virus dahil sa naganap na lock-

down at matagalang pananatili sa mga bahay kung saan karamihay ay walang magawa at wala ring pasok. Naging midyum para sa komunikasyon ang mga E-games sa mga panahong iyon, hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong sanlibutan.

Bagama’t tunay na tulay pangpawala ng inip ang mga larong to, hindi maiiwasan ang mga panganib sa kalusugang dala ng iba’t ibang kadahilanan. Isa sa mga panganib ng sobraang paglalaro, ay ang obesity. Ang larong ito ay hindi nangngailangan ng maraming pisikal na pagagalaw. Maraming tao ang napapako na lamang sa kani-kanilang kama at upuan na walang ehersisyo dahil sila ay naglalalaro ng buong araw. Kapag hindi naagapan, ang pagiging obese ay maaring humantong sa mga mas malubhang isyung pangkalusugan.

Para sa mas partikular na mga sakit, mayroong tinatawag na Carpal Tunnel Syndrome o CTS. Ito ay sakit na naaapektuhan ang pupulsuhan ng isang tao kung saan nasisira ito dahil sa matagalang paghawak ng gadyet kagaya ng selpon, mouse, at keyboard. Ang CTS ay nagdudulot ng sakit sa

Twittergram? Twittersapp? o Twittersenger?

maraming gumagamit. Ayon pa sa mga komento ng mga tao, ang pagbili ni Musk sa aplikasyong ito ay nagbigay daan laman sa pagbagsak nito.

May hinanakit ka bang nais mong ilabas? o kaya naman ay may “share ko lang” moments ka? Ibuhos ang lahat ng yan sa twitter. Isang aplikasyon sa internet na maaari kang mag tweet, makiisa sa mga trends, at maglibang. Sa kamakailang pagbili ni Elon Musk sa aplikasyong ito, marami na ang nagbago. At ngayon, nais niya itong mas ipabuti pa!

Sa pahayag ni Musk noong Mayo 10, 2023 sinabi niya ang ang pagpapalabas ng mga bagong feature sa naturang aplikasyon. Naririto ang “encrypted direct messages”, kung saan ang mga user ay maaaring mag-usap sa mas pribadong pamamaraan. Nais din umano niyang ilunsad

sa madaling panahon ang video call at voice call na feature sa parehong aplikasyon pa din. Hati ang naging reaksyon ng mga tao sa pagpapahayag ng pagbabagong ito. Karamihan sa kanila ay tutol dito dahil nawawala na umano ang dating diwa ng Twitter na paborito ng

Matatandaang ang pinakaugat ng pagkagalit ng mga user sa bagong may-ari ay nang ilunsad nito ang Twitter Blue. Isang subskripsyon kung saan binabayaran mo ang iyong blue badge. Noon, nakukuha lang ang badge na ito kung ikaw ay isang beripikadong artista, pulitiko, o isang public figure na malaki ang impluwensiya. Ngayon, sa pamamagitan ng Twitter Blue maaari ka nang bumili ng iyong sariling badge. Nagbukas ito ng maraming argumento sa plataporma sapagkat nagiging daan umano ito sa pagkuha ng

pagkakakilanlan ng isang tao at mas lumaganap ang mga pekeng accounts.

Sa kabila ng kaliwa’t kanang hinaing ng mga nag-aalalang user ng Twitter, kibit balikat lamang ito para kay Elon Musk.

Patuloy niya pa ring babaguhin at ipapabuti ang aplikasyong ito ayon sa kanyang kagustuhan dahil nabili at pagmamay-ari niya naman ito. Ang pagusbong ng teknolohiya sa mundo ay tunay na nakakabighani. Marami ng mga makabagong features at terminilohiyang nauuuso sa panahong ito at ang mga plataporma sa internet ay marami na ring nagagawa. Tunay nga na ang midyum ng komunikasyon ay lumalaki at patuloy pang lumalaki.

kamay, braso, at balikat, at kung hindi agad maagapan ay maaaring humantong sa pagkakaroon ng permanenteng pinsala sa ugat.

Bukod pa sa CTS, mayroon ding tinatawag na Computer Vision Syndrome (CVS). Ito ay isang sakit na kaakibat ng matagal na pagbababad sa mga screen ng mga gadyet. Ilan sa mga sintomas nito ay pananakit ng ulo, panlalabo ng paningin, at pagkapagod ng mata. Dagdag pa rito, ang CVS ay maaaring humantong sa pagkakaroon ng mga permanenteng pinsala sa mata tulad ng astigmatismo at myopia.

Ang sobraang paglalaro ay nakakasira rin ng iskedyul sa pagtulog. Ang kakulangan sa pag-tulog ay pwedeng maging sanhi kung bakit nagkakaroon ng pagbabago sa ugali ng tao. Nagiging mas mainipin at kadalasang nagagalit ito sa mga maliliit na bagay na minsan ay humahantong sa bayolenteng aksyon. Ang tulog ay isa sa mga pinaka importanteng bagay na nakukuha ng isang tao. Kung nagiging madalas ang kakulangan sa pagtulog, maaring hindi gagana ng tama ang mga bahagi sa katawan ng tao, sa loob at sa labas.

Pwede ring maging masamang

NI FRUJI SABELLO
ANG SINAGTALA OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOLX. TOMO XX BILANG ENERO-HUNYO 2023 14 MULA SA TWITTER GAWA NI CLARK BATION
AGTEK LATHALAIN agtek
GAWA NI CLARK BATION

bunga ng sobraang paglalaro, ang impluwensiya ng karahasan sa kabataan. Kung hindi nababantayan at naoobserbahan ng mabuti ng mga magulang ang kanilang mga anak, baka ang mga bata ay mag-isip na angkop lang maging marahas sa kanilang mga kaibigan. Dapat laging nandiyan ang mga magulang para ipaliwanag sa kanila ang tama at mali sa mga nakikita nila sa mga laro. Ang paglalaro ng mga Egames ay hindi bawal pero dapat ay nasa regulasyon. Ugaliing isaisip na ang pagbababad sa mga larong ito ay may kaakibat na mga sakit na maaaring maging permanente at hindi na magagamot. Ayon sa pahayag ng World Health Organization (WHO), ang dalawang oras na paggamit ng mga screen devices tulad ng mga cellphone, tablet, at computer ay sapat na sa isang araw para sa mga kabataan. Pagkalipas ng dalawang oras, mas mainam na magpahinga at sumali sa ibang aktibidad tulad ng pageehersisyon, paglabas sa bahay, at iba pa. Nasa saiyo ang desisyon ng iyong buhay pero habang maaga at naaagapan pa, piliing maging malusog at masaya.

Pag Apruba sa Link, Aksyon o Konspirasyon?

Isa itong malaking hakbang sapagkat wala pa ni isang brain-computer interface o BCI ang nakatanggap ng apruba galing sa FDA. Bagama’t ito ay tinataguriang isang malaking tulong, kaduda-duda naman ang bilis sa pag apruba nito.

Ang Neuralink ay binuo noong 2016 at kailanman ay nagsasagawa na ng mga pag-aaral tungkol sa utak. Sa taong ito ginawa ang Link, isang electrode-laden computer chip na nilalagay sa utak. Sa pamamagitan ng go signal ng FDA, ang mga magiging pasyente ay dadaan sa malawakang operasyon sa kanilang mga utak upang maikabit ang chip. Pagkatapos nito ay makokontrol na nila ang kanilang katawan sa pamamagitan ng Neuralink App.

Kamakailan lang ay may mga alegasyon ang Neuralink sa pagsasagawa ng mga testing sa mga hayop. Ang mga paratang na ito ang naging dahilan sa mga imbestigasyon sa Neuralink mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan. Kabilang ang isang imbestigasyon mula sa Kagawaran ng Agrikultura ukol sa mga paratang ng pang-aabuso sa mga hayop at sa Kagawaran ng Transportasyon tungkol sa di-tamang pagtapon ng mga materyales na bio-hazardous sa pagitan ng mga estado.

“I would want to wait to hear how those investigations go and what are the findings before giving the company a greenlight for trials,” ani ni Cabrera. “If the allegations turn out to be true, it certainly raises concerns about the handling of human subjects’ brains.” Hindi sumagot sa

mga alegasyon ang Neuralink kung kaya’t namuo lamang ang patuloy na pagdududa ng mga tao.

Sa kabilang banda, kilala si Musk sa maraming bagay gayundin sa hindi tamang pagtrato sa mga datos sa Twitter na kamakailang binili niya. Dahil dito, kinikwestyon ang kanyang kakayahan sa pagtago sa mga datos na kanilang makukuha kung magsisimula na ang kanilang testing.

Sa pangkalahatan, ang aprubasyon ng FDA sa Neuralink ay nagpalito hindi lamang sa mga taong nasa posisyon kundi sa karamihan, lalo na at bukas sa pagpapahayag si Musk tungkol sa pagusbong ng teknolohiya sa kalupaan. Ani pa niya, “You could have a Neuralink device implanted right now and you wouldn’t even know,”.

Ang Neuralink ay maaaring nagsasabi ng totoo tungkol sa kanilang mga layunin sa kanilang teknolohiya o totoo nga na meron silang hidden agenda, gayunpaman nasa sa atin pa din ang kakayahang maging alerto upang hindi tayo mauto sa mga pagbabagong ito. Ugaliing mag- saliksik at magbasa ng mga paha- yagan tungkol sa brain implant at maging bukas sa pagbabago pero maging alisto.

Kapit sa Selpon, Ikaw o ang Mikrobyo?

Isa ka ba sa mga nandidiri sa mga palikuran sa pampublikong lugar o kahit sa mismong bahay niyo? Sa kabila ng nakakasulasok na amoy, maruruming cubicle, at hindi gumaganang inidoro, mas marumi at mas maraming bakterya pa rin ang taglay ng selpon mo. Ayon kay Charles Gerba, isang microbiologist tinatayang nasa 10x ang mikrobyo ang nasa mobile phones kesa sa banyo.

Ang selpon ay itinuturing esensyal na bagay na mayroon ang bawat tao. Taglay din nito ang iba’t ibang bakterya at mikrobyo dahil sa paghawak, paglagay sa maraming lugar, at pagpapahiram sa iba. Naipasa-pasa at dumidikit ang mga bakterya nito rason kung bakit naiipon ang mga nakakadiring virus. Ilan sa mga patogen na mayroon ang isang mobile phone ay Staphylococcus au-

reus, E. coli, influenza viruses, at marami pang iba. Lubhang nakababahala ito sapagkat ito ay hindi tinatablan ng mga antibiotic na maaaring magdulot ng mas malalang impeksyon at mas mahabang pananatili sa ospital. Maraming mga pag-aaral tungkol sa presensya ng mga antibiotic-resistant bacteria sa mga mobile phone. Sa pag-aaral na inilathala sa journal na PLOS ONE noong 2013, lumalabas na

higit sa 22% ng mga Staphylococcus aureus isolates mula sa mga mobile phone ay nagtataglay ng gene na responsable sa methicillin resistance, kilala bilang mecA. Ito ang isang pangunahing indikasyon ng antibiotic resistance sa Staphylococcus aureus, na dahilan kung bakit mahirap ang paggamit nito. Dagdag pa dito ay ang isang pag-aaral ng Journal of Clinical and Diagnostic Research noong 2017. 96% ng mga mobile phone na sinuri ay nagtataglay ng bakterya, kasama na ang mga multidrug-resistant organisms tulad ng Acinetobacter baumannii, Pseudomonas aeruginosa, at Klebsiella pneumoniae. Natuklasan rin sa pag-aaral na mas karaniwan ang mga antibiotic-resistant bacteria sa mga telepono ng healthcare workers kumpara sa mga normal na manggagawa. .

!Sa kabuuan, ang ating mga telepono ay nagtataglay ng mga mikrobyo na maaaring makapapahamak sa ating kalusugan. Sa bawat scroll o kahit sa simpleng pag hawak nito, nakakaipon tayo ng mga bakterya kung saan kabilang dito ang mga mikrobyong hindi tinatablan ng mga gamot. Maaring maging malubha ang impeksyong makukuha rito kaya nararapat na mag-ingat.

Bilang isang responsableng konsyumer, maging malinis sa katawan at ugaliing maghugas ng kamay palagi. Huwag basta-bastang ilagay ang mga selpon at mga gamit sa ibat-ibang lugar upang maiwasan ang pag dikit ng mga bayrus. Mag sanitise palagi at sa makabagong panahon ngayon, maaari na rin isanitise ang mga selpon. Maging mapanuri upang makalayo sa mga sakit.

I agtek 15 ANG SINAGTALA OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOLX. TOMO XX BILANG ENERO-HUNYO 2023
NI KHARYL GOLOSINO
x
KUHA NI MARIZ GALES
MULA SA GIZBOT GAWA NI CLARK BATION
KUHA NI MARIZ GALES

Gipit sa Google, sa ChatGPT gumugol

Patok ngayon sa makabagong panahon ang pag-usbong ng Artificial Intelligence o ang AI. Sa teknolohiyang ito masasabi mong “imagination mo ang limit”. Marami kang pwedeng magawa, igenerate, at itanong. Kaya naman sa maraming mag-aaral ngayon, malaking tulong ang ChatGPT sa kanilang mga asignatura, essays, at marami pang pang-akademikong naratibo.

Nagsimula sa mga pangkatuwaang chatbots kung saan posibleng makausap ang iyong mga iniidolong artista at kinahuhumalingan grupo. Ang mga Artificial Intelligence na ito ay binuo na may inimbak na data sa kanilang mga sistema na naaayon sa mga layuning nakakatulong sa mga user sa internet. Mula dito, mas umusbong pa ang mga AI hanggang sa umabot na ito mula sa pangkatuwaan hanggang sa katuwang sa pag-aaral. Kagaya na lamang ng pagbuo ng ChatGPT.

Ang ChatGPT ay binuo ng openAI na nakabatay sa GPT o Generative Pre-trained Transformer. Ang GPT ay isang arkitektura na binubuo ng 175 na parameter. Layunin nitong magbigay ng mga sagot sa mga katanungan at magpakita ng kakayahang mag-isip at makipag-ugnayan sa mga tao. Itinuturing pinakamalaking modelo ng wika sa kasalukuyan ang ChatGPT at ginagamit sa pagbuo ng teksto, pagsasalin ng wika, at pagtugon sa mga katanungan. Sa isang klik mo lang, deretsahang sagot ang makukuha mo at pwede mo pa itong utusan na ayon sa gusto mo. Siguradong trend ito lalo na sa mga estudyante!

Hindi lang nalilimita sa pagsagot ng mga katanungan ang ChatGPT. Maaari mo rin itong utusan gumawa ng buong libro, paglalagom, at kahit buong tesis na may kompletong sanggunian at tamang pormat

pa, pero oops bawal yan! Depende sa gusto mo at pormat na nais mo, akmang makukuha ito ng ChatGPT. Marunong din ang AI na ito ng iba’t ibang mga lengwahe kung kaya’t ang pagsalin ng mga impormasyon ay kering keri lang din. Kung hanap mo ay mga partikular na impormasyon at naaayon sa gusto mong makuha, sabihan mo lang ng detalyadong tagubilin ang AI at makakamit mo na ang naratibong tamang-tama sa iniisip mo!

Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ni Graesser taong 2005, ang AI ay nakakatulong sa pagturo ng mga konsepto sa mga teksto sa mga mag-aaral nang mas mabilis at epektibo. Bukod pa rito, ang AI ay nagbibigay ng iba’t-ibang uri ng impormasyong nakakatulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Dagdag pa rito, nagagamit rin ang AI sa pagsasaayos at pag-evaluate ng mga asignatura upang masiguro ang kalidad ng edukasyon ng mga mag-aaral sa ibat-ibang baitang.

Ang ChatGPT ay nakatutulong pang-edukasyon pero hindi lang ito basta-basta tanong at sagot. Ayon sa mga eksperto, upang makakuha ng mas tumpak na resulta kinakailangang marunong kang mag “prompt” ng mga nais. May iba’tibang pormat ng pagprompt ng mga pakiusap. Kabilang dito ang pagbuo ng iyong

pangungusap sa pamamagitan ng – una, pagtuwid ng iyong pangungusap at humingi ng feedback. Pangalawa, paggamit sa 80/20 na prinsipyo kung saan hihingi ka ng 20% impormasyon na makakatulong para sa iyo na intindihin ang 80% pangkalahatan ng isang teksto. Pangatlo naman ay maaari mong iprograma ang AI bilang isa sa mga prestihiyosong tao kagaya ni Steve Jobs upang gayahin siya. Ito ay makakatulong sa resultang nais mo depende sa pananaw sa taong nais mong ipagaya. Marami pang ibang prompt ang pwedeng sundin upang mas makakakuha ng tumpak na detalye.

Bagama’t malaki ang tulong ng ChatGPT sa mga user nito, hindi pa din maiiwasan ang mga bagay kung bakit nakakasama ang pag agrabyado sa kakayahan nito. Sa isang pag-aaral ng Cambridge University noong 2020, lumalabas na ang mga malalaking language model tulad ng GPT-3 ay may kakayahan na magbigay ng maikling tugon sa mga tanong. Ang mga tugon na ito ay maaaring tama o mali kung kaya’t bilang isang responsableng user, ugaliing mag fact check palagi. Samantala, sa pagsusuri naman na isinagawa ng OpenAI, ipinapakita dito na ang paggamit ng mga malalaking language model ay nagpapababa ng oras at gastos sa pagbuo ng mga aplikasyon at mga programa.

Sa kabilang dako, ang mga AI ay may tendensiya na magkamali at magbigay ng maling impormasyon dahil sa mali-maling pag-iisa ng mga konteksto sa database. Ito ang rason kung bakit hindi palaging tama at sapat ang mga sagot na nanggagaling sa ChatGPT maging sa pangkalahatan ng mga AI. Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng New York University, ang mga AI ay karaniwang may bias sa pagtugon sa mga katanungan ng mga gumagamit. Ito ay dahil naka-programa itong maglahad ng sagot ng mabilis kung kaya’t minsan ay nakakalito at hindi buo ang mga iniluluwal na mga impormasyon na maaaring pagmulan ng fake news. Ang paglaganap ng mga minarites na impormasyon ay maaaring normilasahin ng mga AI.

Sa pangkalahatan, malaki ang tulong ng ChatGPT o ang AI sa general sa pagpapadali ng ating mga gawain. Nakatutulong rito ang sistemang naka programa sa mga AI applications na umaayon sa pangangailangan ng mga gagamit. Ngunit, kabalikat din dito ang pag-aayon sa ating mga pangangailangan. Huwag abusuhin ang mga ito o gamitin sa pandaraya. Ang mundo ng teknolohiya ay patuloy na lumalaganap at umusbong. Huwag sana tayo magpaalila nito at pilitin pa rin nating mabuhay ng patas.

EDITORYAL
agtek ANG SINAGTALA OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOLX. TOMO XX BILANG ENERO-HUNYO 2023 16
Send a message. GAWA NI CLARK BATION

RS’ GOLDEN ATHLETES

Kilala ang Gusa Regional Science High School-X (GRSHS-X) bilang isa sa mga paaralang aktibong namamayagpag sa larangan ng siyensa’t matematika at pamamahayag. Subalit, lingid sa kaalaman ng karamihan, hitik din ito sa mga atletang palaban at maraming napatunayan. Sa mga kwentong ating matutunghayan, mababakas ang lakas at galing ng bawat Regionalista na tumatapak sa loob ng paaralan.

SIPA NG KARANASAN, SUNTOK NG TAGUMPAY

Para kay Riarasee Zoe Orcales, 13, hindi naging madali ang daang tinungo sa pagkatuto ng kanyang sariling laro. Sa murang edad na dalawang taong gulang, sinimulang hubugin ng sariling ama na punong tagapagturo ng Taekwondo sa Cagayan de Oro ang kanyang potensyal.

Nang dahil sa amang may tiyaga sa pagtatanim ng kaalaman at kasanayan sa isang batang kinakitaan ng maliwanag na kinabukasan, inani ito ni Riarasee sa mga kompetisyong sinalihan. Siya’y nagkamit ng pilak sa isang kompetisyon sa Malaybalay nitong nakaraang taon. Samantalang sa kategoryang cadet, naging matagumpay siya na masikwat ang ginto sa isang nasyonal na patimpalak sa Korea noong 2019.

Nagkamit man ng medalya na simbolo ng pagkapanalo, ang respeto’t paghanga sa ama ay hindi roon nagtatapos. Sa paanong paraan, patuloy ang kanyang dugo’t pawis na pag-eensayo upang mas lalong hasain ang bawat mataas na sipa at malakas na suntok na pakakawalan.

SA GALAW NG PIYESA, PANALO ANG RESULTA

Bawat galaw ng piyesang nilalaro sa paiba-ibang estilo, stratehiya, at taktika sa loob ng animnapu’t apat na kwadrado sa isang parisukat na tabla – ito ang pangunahing kumuha sa interes ng isang walong taong gulang na batang lalaki.

isports

Kwento ni Zed Gesulga, 18, nagsimula ang kanyang pag-eensayo nang siya’y nasa ikalimang baitang na pinangunahan ng kanyang tagasanay sa elementarya. Apat na beses kada linggo ang ginagawa niyang hustong pagsasanay na hindi naman bumigo sa kanya. Si Zed ay naging isang NCFP “rated player” sa Pilipinas nang siya’y nakilahok sa 25th Shell National Youth Active Chess Championship 2018. Nagbunga man ang kanyang matinding pagsasanay, nananatili namang mapagkumbaba ang minsa’y naging walong taong gulang na puno ng interes pagdating sa ahedres.

MAAGANG PAGKATUTO, BITBIT AY KAMPEONATO Tunay nga talagang pambihira ang buhay – puno ng bagay na hindi kailanman inaasahan. Sino ba naman ang mag-aakala na ang noo’y katuwaan lang na pagsipa ng bola ang magdidikta sa larangang kanyang tatahakin sa kasalukuyan.

Sa murang gulang na tatlo, nagsimulang manood ng mga soccer games sa kanilang lugar si Zacari Marco Verdeflor, 16, matapos siyang isama ng kanyang ama na isa ring manlalaro nito. Mula rito, nagsimula ang kanyang pagsipa ng bola at nabuo ang kanyang interes sa ngayo’y kanyang larong nilalahokan. Nang siya’y tumuntong ng pitong taong

gulang, pinasok ni Zach ang mundo ng competitive soccer, kung saan nitong Pebrero, nasungkit ng kanyang koponan ang panalo sa Thirsty Football Cup na ginanap sa Cebu City. Sa kabila ng mga medalya’t tropeyong naipon ni Zach sa ilang taong paglalaro, nananatiling mapagkumbaba ito at handang tumulong sa kanyang mga kaibigan na handang matuto sa larong ito.

DEPENSANG MARINO, PALONG MATALINO Hindi maipagkakaila na isa ang table tennis sa mga larong mahirap para sa karamihan. Ngunit, ibahin ninyo si Blissany Torralba, 15, dahil sa edad na anim natutuhan na niya itong laruin at ang bola’y kontrolin.

Ayon kay Blissany, nagsimula ang lahat sa isang simpleng kasiyahan lamang noong siya ay nasa unang baitang. Ngunit, nakitaan siya ng potensyal hanggang kinuha siya ng isang tagasanay. Simula doon, nagsimula siyang sumali sa mga torneo, kung saan nadadagit niya ang panalo mula sa kanyang mga solidong atake at depensang marino. Nagbunga ang lahat matapos siyang umabot sa Batang Pinoy, isang nasyunal na patimpalak sa larangan ng palakasan.

Malayo man ang narating ni Blissany, hindi ito naging dahilan sa kanya para tumigil sa pag-eensayo. Nanatili rin sa kanyang puso ang kanyang mga magulang sa tuwing siya’y sinasabitan ng medalya at ginagawaran ng parangal.

HUSSIN
NI ALDRIN
17 ANG SINAGTALA OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOLX. TOMO XX BILANG ENERO-HUNYO 2023 GAWA NI CLARK BATION

Walang Labis, Palaging Kulang

Sa pagtatapos ng NMRAA Palarong Pampook 2023 noong ika-7 ng Mayo, muli na namang sasabak ang mga atleta sa nasyunal na entablado, apat na taon matapos ang pagkahinto nito bunsod ng pandemya. Ngunit, sa likod ng bawat tagumpay at pagkatalo ay nakakubli ang mapait na katotohonang patuloy na nararanasan ng mga atleta at tagasanay ngayon: kawalan ng suporta mula sa institusyong kinakatawan nito.

LaroniJuan

Naaalala mo pa ba ang huling pagkakataon na pinaglalaanan mo ng oras ang mga

Larong Pinoy? ‘Yung mga panahong kahit tirik ang araw at tumatagaktak ang isang baldeng pawis ay wala kang pakialam makapaglaro lang kasama ang iyong mga kaibigan?

Marahil sa paglipas ng panahon at pag-usbong ng modernong teknolohiya ay kakaunti na lamang ang makakasagot ng ‘oo’. Sa pag-iba ng ihip ng hangin sa ating henerasyon ngayon, nakakalungkot man isipin ngunit tila parang kandilang nauupos ang sindi ng unti-unting paglaho ng ating mga kinagisnang laro.

Kaugnay nito, kasabay ng klase ni Gng. Elfinda Lagumbay, guro sa Physical Education ng Gusa Regional Science High School-X, nagsasagawa ng mga tradisyunal na Larong Pinoy tulad ng luksong tinik, chinese garter, tumbang-preso, syato, piko, holen, sipa, luksong baka, at iba pa.

“Ginagawa ko ito para kahit papaano ay hindi makalimutan ng mga kabataan ang kahalagahan ng kulturang Pinoy. Sa aking nakikita ngayon, maraming kabataan ang

mas tumatangkilik sa online games,” pahayag ni Gng. Lagumbay.

Bukod dito, ipinapakita rin ng institusyon ang kahalagahan ng pagpapanatili sa ating kultura kasabay ng mga taunang selebrasyon tulad ng Mathematics Olympics, National Science and Technology Week at Buwan ng Wika. Sa paraang ito hindi lamang natututo ang mga mag-aaral at nabibigyangpansin ang mga tradisyong Pinoy, nagsisilbi rin itong daan sa kanila para makahinga mula sa mga stress na kanilang nararanasan.

Para kay Gng. Binolhay, isang guro sa Filipino, mahalaga ang paglunsad ng mga inisyatibang tulad nito dahil higit na nakakatulong sa pisikal na aspeto ng mga mag-aaral na magkaroon ng pagkakataon na makapaglaro.

“Ito ay isang porma ng physical activity kaya doble ang benepisyo nito sa mag-aaral at sa pagpapataas ng kanilang kamalayan,” aniya.

Samakatuwid, mahalagang sa paglipas ng panahon, hindi makaligtaan ng mga kabataan ang tunay na simbolo ng ating pagka-Pilipino. Kasabay ng pag-usbong ng teknolohiya at paglago ng larangan ng e-sports, patuloy pa rin sana nating mabigyan ng kahalagahan ang mga sariling atin.

Walang masama sa pakikibagay sa daloy ng modernong panahon, ngunit atin pa ring dapat bigyang-halaga ang mga simbolismo ng ating kultura dahil ito ay mga pamana ng mga nakaraang henerasyon at repleksyon ng ating pagkakakilanlan at pagkakaisa bilang mga Pilipino.

BACK ON TRACK

Pagbibisikleta, alternatibong solusyon sa transportasyon at polusyon

Dala ng mga isyung panlipunan na umuusbong sa bansa, ang muling pagpedal sa larangan ng pagbibisikleta ang isa sa mga naging daan ng mga mamamayan upang malampasan ang iba’t ibang suliranin. Nariyan ang pagiging alternatibong paraan nito sa transportasyon, paglampas sa ligalig, pang-ehersisyo, at marami pang mabuting benepisyo dulot ng paglalakbay ng mga siklista.

“Talagang nagsimula kami sa wala,” saad ni Cherry Pontillas, assistant coach ng Cagayan de Oro softball girls. Ibinahagi niya kung paano sila nagsimula nang walang uniporme at ang sapatos ng kanyang mga manlalaro ay mula sa ukay-ukay lamang na pinagtagpi para kahit papaano ay maisuot.

Tulad nina Pontillas, maraming kwento ang nasasadlak sa parehong sitwasyon, kabilang na rito ang mga istoryang ibinahagi ng mga atleta mula sa Gusa Regional Science High School-X. Daing nila ay wala man silang natanggap na pinansyal na tulong mula sa paaralan bago ang kompetisyon dahil umano sa kakulangan ng pondo.

“Nakakadismaya na kahit kaunti na lang kaming naglaro sa regional meet ay wala pa kaming natanggap na suporta sa paaralan. Buti nalang nagbigay ng pinansyal na tulong ang Barangay [Gusa] kahit papaano,” pahayag ni Neil Sulapas, atleta ng Table Tennis na nagkamit ng pilak na medalya.

Gayunpaman, ibinahagi ni Sulapas na magbibigay umano ang paaralan ng pinansyal bilang isang gantimpala kung ang delegasyon ng GRSHS-X ay umuwing may dalang medalya. “Iyon

Maging ito man ay tulong o gantimpala, hindi makatuwirang gawing isang kondisyon ang pagbibigay ng pinansyal na tulong sa mga atleta. Bukod sa nagdadala ito ng karangalan sa paaralan, dugo’t pawis ang ibinuhos ng mga manlalaro para mag-ensayo.

nalang ang aming inaabangan,” aniya.

o humigit kumulang 31,000 manggagawa sa lungsod ang gumagamit ng bisikleta sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Binibigyang-diin lamang nito ang mga positibong benepisyong dala nito sa mga mamamayan at kapaligiran.

PAGPEDAL: MAGAAN SA KATAWAN AT BULSA

Sa kasalukuyan, naging malaking hamon para sa karamihan ang transportasyon bunsod ng lumalalang implasyon, kung saan direktang resulta nito ang pagtaas ng pamasahe sa lahat ng pampublikong sasakyan. Dahil dito, ang paggamit ng bisikleta ang naging alternatibong paraan upang makarating sa paroroonan at maipagpatuloy ang paghahanapbuhay.

dag dito, maraming mabuting benepisyo ang naidudulot ng pagbibisikleta, hindi lamang sa pisikal na aspeto kundi maging sa mental at sosyal na kalusugan ng isang tao. Nagsisilbing daan din ito upang paunlarin ang disiplina sa pagkain at panatilihin ang malusog na pangangatawan para magkaroon ng sapat na lakas sa pagpadyak.

BIYAHENG ECO-FRIENDLY

Kaugnay ng layuning makatulong sa kapaligiran, patuloy ang paglalakbay ng mga siklista ng Outdoor Society, isang organisasyon sa GRSHS-X na isinusulong ang pangangalaga sa kapaligiran sa pamamagitan ng kanilang mga aktibidad. Nakapokus ang grupo

sa mga gawaing pangunahing gumagamit ng bisikleta dahil bukod sa nakakakatulong ito upang mabawasan ang stress sa pag-aaral, nakakapunta rin sila sa mga lugar na walang anumang napipinsala sa kalikasan dahil hindi sila gumagamit ng fuel at smoke.

Sa katunayan, inihayag ng World Bank na bumaba ng 60% ang polusyon sa buong mundo, at ang mga lungsod na parating natatabunan ng makapal na smog noon ay nakakaranas na ng asul na kalangitan ngayon.

KWENTONG

SIKLISTA-MAESTRA

Noong nasa elementarya pa man ang kasalukuyang punongguro na si Gng. Charlyn S. Baylon, mahilig na ito sa pagbibisikleta at minsan na rin itong naaksidente. Ngunit, hindi ito naging balakid

upang bumalik muli sa paglalakbay kasabay ang kanyang pamilya. Para sa kanya, ang pagbibisikleta ay isang paraan ng libangan at ehersisyo nila.

Bilang isang guro, ina, at siklista, malaking bagay ang naging epekto nito sa kanyang buong pagkatao – isa na rito ang pagiging coping mechanism nito sa stress. Kaya sa bawat ride, mayroon silang mga layunin tulad ng weight loss, agility strength, at cardio endurance. Minamabuti nila na palaging sinusuri ang kanilang heart rate sa tuwing nararating nila ang destinasyon sa loob ng target time.

Dahil sa peligrong maaaring maging hatid ng pagbibisikleta, payo ng punongguro na palaging siguraduhin na gumamit ng wastong kagamitan, dekalidad na bisikleta, at piliin nang mabuti ang rutang dadaanan.

Subalit maging ito man ay tulong o gantimpala, hindi makatuwirang gawing isang kondisyon ang pagbibigay ng pinansyal na tulong sa mga atleta. Bukod sa nagdadala ito ng karangalan sa paaralan, dugo’t pawis ang ibinuhos ng mga manlalaro para mag-ensayo. Ituring man ng iba ang kwento nina Pontillas at Sulapas bilang inspirasyonal, nararapat lamang na hindi maulit ang ganitong senaryo sa mga susunod na taon lalo na’t hindi lamang sila kumakatawan sa paaralan kundi sa buong dibisyon. Higit na suporta at tulong dapat ang ibinibigay sa kanila.

Sa katapusan, hinirang ang Cagayan de Oro bilang may pinaka maraming medalyang nakamit sa NMRAA Palarong Pampook 2023. Higit na binibigyang-diin nito ang kapasidad ng mga atletang ipinapadala ng dibisyon. Sa papalapit na Palarong Pambansa, ang sigaw ng lahat ay simple, ngunit malaks at malinaw: palakasin ang suporta at pagpopondo sa mga atleta. Dahil kung tutuusin, ang pagparada ng ating mga manlalaro ay hindi lamang simbolo ng ating kagalingan, bagkus ay nagpapakita rin ito sa mga aksyong ginawa para sila ay suportahan.

NI ALDRIN HUSSIN NI ALDRIN HUSSIN NI ALDRIN HUSSIN
‘‘
ANG SINAGTALA OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOLX. TOMO XX BILANG ENERO-HUNYO 2023 18 GAWA NI CLARK BATION
isports
TALON NG KASIYAHAN. Nilagpasan ni Cleo Ong ang ikatlong lebel ng luksong tinik. KUHA NI MARIZ GALES

POWER DUO

Magkaibang pinanggalingan, Iisang patutunguhan

Bawat tagumpay ay may maliwanag na bukas at naka-markang masalimuot na nakaraan. Mga istoryang dala ay inspirasyon sa mga tao na magsumikap at taas-noong ipagmalaki ang tunay na pinanggalingan. Kaya sa mga kwentong ating matutunghayan, mababakas ang magkaibang istoryang hindi naging balakid sa pagkamit ng kampeonato.

IVA KA, IVAN!

Nagsimula ang lahat sa simpleng panonood ng laro sa isang tennis court. Nakikisabay sa hiyawan ng mga manonood hanggang sa naudyok maghabol at pumulot ng mga bola kapalit ng kakarampot na barya. Bagama’t simple ang pinanggalingan, hindi maipagkakaila na ito ang naging hudyat para sa mga magarbong oportunidad na kanyang natatanggap sa kasalukuyan.

Ganito nag-umpisa ang kwento ng tagumpay ni Ivan Benedict Sanchez, isang Grade 5 student mula South City Central School na umukit ng gintong medalya sa larong lawn tennis sa Palarong Pampook 2023. Maliit man kumpara sa kanyang mga katunggali, hindi ito naging hadlang para sa kanya upang umani ng malaking tagumpay.

Kwento ni Ivan, ang kanyang ama ang nagturo

Top 3

sa kanyang maglaro ng tennis. Dahil ang kanilang tahanan ay nasa tabi lamang ng tennis court, araw-araw niyang nasasaksihan ang mga atletang naglalaro, matanda man o bata. Kaya sa murang gulang, nabuo ang kanyang mumunting pangarap na maging isang atleta ng tennis.

Tulad ng kanyang idolong si Rafael Nadal na nagsimulang maglaro nang musmos pa lamang, pangarap din ni Ivan maging isang kilalang atleta ng tennis sa tulong ng mga maliliit na tagumpay na kanyang tinatamasa sa kasalukuyan.

PAUL-IDONG MANLALARO

Tulad ng maraming atletang Pilipino, namana rin ni Carlson Paul Dinawanao ng Cagayan de Oro ang kanyang kahusayan sa paglalaro ng tennis mula sa kanyang mga magulang na noo’y mga magagaling na manlalaro.

Sa murang gulang na anim noong 2016, sinimulang hubugin ng kanyang magulang ang kanyang potensyal sa paglalaro ng tennis. Simula doon, nagsimula siyang sumali sa mga torneo, kung saan niya mas napapayabong ang kanyang kakayahan sa paglalaro.

Nagkamit man ng medalya, ang kanyang respeto’t paghanga sa ama ay hindi doon nagtatapos. Sa paanong paraan, patuloy ang kanyang dugo’t pawis na pag-eensayo upang mas lalong hasain ang malalakas na palong pakakawalan at maipagpatuloy ang legasiya ng kanyang mga magulang.

Patunay lamang ang Ivan-Paul duo na kahit magkaiba man ang pinanggalingan, basta’t may iisang mithiin at prinsipyong pinanghahawakan, hindi imposibleng manalo. Dahil sa kanilang natamong pagkapanalo, tutuloy ang power duo ng Cagayan de Oro sa Palarong Pambansa 2023 na gaganapin sa Marikina City.

Punan ang Kakulangan

Nalantad sa kamakailan lang na Sports Fest 2022 ng Gusa Regional Science High School-X ang kakulangan ng paaralan sa kapasidad na mag-organisa ng malalaking kaganapan dahil sa kawalan ng pasilidad, kagamitan, at espasyo

Noon pa man, daing na ng mga atleta ang ganitong senaryo sa paaralan dahil numero unong balakid ito sa pag-ensayo at naaapektuhan nito ang kanilang laro. Ngunit, paulit-ulit na tugon ng administrasyon ay ang kawalan ng badyet para sa departamento ng isports sapagkat nailalaan ito sa ibang bagay na dapat mas pagtuunan umano ng pansin.

53%

29%

18% sa GRSHS-X e-games

Online games, patok sa mga mag-aaral ng GRSHS-X

Lumalabas sa sarbey ng Ang Sinagtala na tinatangkilik ng mga mag-aaral mula

Gusa Regional Science High School-X ang iba’t ibang uri ng online games dala ng mga positibong epekto nito.

Batay sa pagsusuri, 83.8% ang naglalaro ng online games, kung saan nagpapakita ito ng malawak na dahilan bakit patuloy pa rin silang naglalaro.

Ayon sa isang mag-aaral, nakakatulong sa kanila ang paglalaro

ng online games upang mabawasan ang kanilang stress level, mapayabong ang abilidad sa pagdedesisyon, at makakilala ng bagong kaibigan.

““Ang rason kung bakit naglalaro ako ng mga online games ay para ma-

KAYOD MARINO

CDO Rafters bumira sa volleyball girls championship, kinalos ang Iligan

Hindi naging mitsa para sa CDO Rafters ang pinagsamang kulay na kahel at puti na nagpapahiwatig ng pagsuporta ng mga manonood sa kanilang karibal at ito pa ang kanilang ginawang lakas upang mamayagpag sa bakbakan.

Dikdikan ang naging laro

sa championship match ng

secondary girl’s volleyball kung

saan nakaalpas ang CDO Rafters

sa isang see-saw battle kontra

sa crowd-favorite na Iligan Voltz, 21-25, 25-20, 25-18, 22-25, 15-12 tagumpay na ginanap sa Molugan National High School,

Abril 31. Matatandaan na sa unang paghaharap ng dalawang koponan, nanlamig ang Voltz matapos durugin ng Rafters sa straight sets. Mula sa isang rally, nanatiling composed ang koponan ng Rafters na nakalikom ng

lessen nito ang [aking] stress, minsan kung boring sa bahay […] ito yung ginagawa ko para malibang yung sarili ko,” pahayag ng isang mag-aaral mula sa ika-labindalawang baitang.

Samantala, 16.2% ang hindi naglalaro ng online

games sa kadahilanang natatakot sila sa mga masasamang epekto na dala nito.

“Hindi ito nakakatulong sa aking pag-aaral at nawawala ako sa pokus dahil dito,” pangamba ng estudyante.

Una, ang minadaling Volleyball court na mali ang sukat dahil itinayo lamang tatlong araw bago ang kaganapan. Pangalawa, ang matagal nang pinoproblemang covered court na magpa hanggang ngayon nananatiling nakapako ang pangakong ipapaayos ito. Bunsod nito, kinakailangang isagawa ang liga ng basketball sa labas ng paaralan habang ang badminton ay napilitang magsabit ng ilaw na lubhang nakaapekto sa kabuuang durasyon ng laro. Dagdag dito, ang mga scoreboards na gamit ay mga whiteboard lamang, at kahit libreng patubig man lang sa mga atleta ay kapos din. Hindi din naisama ang larong futsal dahil sa kawalan ng espasyong paglalaruan na siyang ikinadismaya ng mga futsal players.

“Facilities has always been a problem, pero it never stopped rs man sauna pero karon kay murag gubot jod kaayo”, ani ng isang mag-aaral ukol sa ginanap na Sports Fest. Isang nakikitang rason din dito ay ang agarang pag-anunsyo ng paaralan dalawang linggo bago idinaos ang kaganapan.

momentum sa huling yugto ng ikalimang frame at siyang pagbulaga ni Shania Castro ng isang 1-2 play na kumalampag sa depensa ng kagirian upang ikandado ang gintong medalya.

Nagpamalas ng kagila-gilalas na panimula ang Rafters matapos ang 21-16 atake laban sa Iligan Voltz. Ngunit, bumangon sa pagkakabaon ang Rafters matapos kumaripas ng 4-0 run upang nakawin ang ikaapat na set at maitabla ang serye.

Bunsod ng panalo, hindi makapaniwala ang coach ng koponan na si Alex Adeva at nagpapasalamat sa suportang kanilang natanggap mula sa magulang ng mga atleta at lokal na pamahalaan ng Cagayan de Oro.

“Masaya ako sa naging resulta ng aming laro. Nagbunga talaga lahat ng pagsisikap ng mga manlalaro sa pag-ensayo araw-araw,” saad ni Adeva.

Isa ang GRSHS-X sa mga paaralang binubuo ng mga mag-aaral na aktibo pagdating sa mga programa. Kung kaya’t ang mga ganitong uri ng palaro ay inaasahan ng nakararami na maayos, matiwasay, at ligtas. Sa loob ng limang taon, maliit na pagbabago lamang ang makikita sa bawat programang pampalakasan na naganap.

Sa kabuuan, ang isports ay hindi basta-bastang palaro lamang. Ito ay nakatutulong sa pisikal at emosyonal na aspeto ng isang indibidwal. Nawa’y pagtuunan ng pansin sana ang pagpapabuti ng mga pasilidad, kagamitan, at espasyo sa paaralan upang magkaroon ng mas masaya at ligtas na Sports Fest ang mga magaaral. Lahat ng ito ay magiging posible sa pamamagitan ng paglaan ng sapat na badyet sa mga bagong kagamitan, pagpapalaki ng espasyo para paglaruan, at pagkakaroon ng maayos na pagoorganisa sa daloy ng programa. Masaya at ‘di malilimutang karanasan dapat ang makukuha ng mga estudyante sa mga palaro, hindi stress at hinanakit.

NI ALDRIN HUSSIN NI FRUJI SABELLO NI KHARYL GOLOSINO
19 ANG SINAGTALA OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOLX. TOMO XX BILANG ENERO-HUNYO 2023
isports
Mobile Legends: Bang Bang Valorant Call of Duty: Mobile o 133/250 estudyante o 73/250 estudyante o 44/250 estudyante MAGKAIBA NGUNIT IISA. Pinakita ni Ivan at Paul na sa kabila ng pagkakaiba ay hindi imposibleng manalo. KUHA NI MARK LAURENZ DELA CRUZ LIPAD.
MULA KAY
Nagpamalas
ng galing ang Cdo rafters volleyball girls laban sa Iligan Voltz para maiuwi ang kampeonato.
MARIZ GALES

CDO Rafters Rhythmic gymnasts, dinomina ang all-around group category

binulsa ng CDO Rafters ang back-to-back title sa Rhythmic Gymnastics all-around group category matapos pagharian ang kompetisyon sa mantra nina

Alliyah Dennese Ibarra, Kathryn Dawn Relatado, at Zhea Ysabelle Mamaran na ginanap sa Cagayan de Oro National High School, Abril 28.

Umiskor ang koponan ng kabuuang 146.650 mula sa apat na apparatuses para talunin ang Iligan (130.600) sa pilak na medalya, at Misamis Oriental (123.350) para sa

Inamin ni Alliyah Ibarra, bahagi ng CDO Rafters at dating kinatawan ng rehiyon sa Palarong Pambansa 2019, na mas mahirap ang lebel ng kompetisyon ngayon kumpara sa mga nagdaang taon. “For me, everyone improved a lot and became a legit competitor, giving us a non-beginner

Nanalo ang koponan makaraang ipakita nito ang isang dramatikong pagtatanghal sa bola, walang kahirap-hirap na routine sa clubs, at makapigil-hiningang ganap

“Masaya akong makita na hindi talaga [naging hadlang] sa mga athletes natin ngayon ang tatlong taon na hiatus. In fact, mas nag-improve pa sila at mas mahirap ang mga routine na ipinakita,” pahayag ni Jerico Parreno, isang coach mula CDO. Samantala, nagpakitang gilas naman ang gymnast ng Iligan na si Madel Jane Tawakal matapos niyang masungkit ang individual all-around title ng kompetisyon. Naitala niya ang kabuuang 56.600 na iskor dahilan para makuha ang ginto. Sumunod naman rito si Alliyah Ibarra (53.400) at Kathryn Relatado

NI ALDRIN HUSSIN

Nagpasiklab ng magandang estratehiya ang koponan ng

Iligan Voltz matapos lampasuhin ang CDO Rafters na may twice-to-beat advantage, sa kanilang paghaharap sa Finals ng Men’s Table Tennis Team Category, Palarong Pampook, na ginanap sa Gaisano Grand Gingoog, ika-6 ng Mayo.

Naipukol ng koponan ang dalawang sunod na ratsada makaraang paganahin ang kanilang matalinong estratehiya: Rank 4 ng Iligan kontra sa Rank 1 ng CDO; Rank 2, 3 ng Iligan kontra sa Rank 3, 4 ng CDO; at Rank 1 ng Iligan kontra sa Rank 2 ng CDO.

Kapwa sinibak ng matikas na si Rob Yew at tambalang Jethro Dacanay, Marc Stephen Pabelic ang pambato ng CDO Rafters upang masukbit ang gintong medalya at mapabilang sa Palarong Pambansa.

Nauna rito, maagang rumagasa ng pamuntos si Emmanuel Paculba Jr., Rank 1 ng CDO Rafters, kontra kay Asrel Balansag para buksan ang kurtina ng unang laro at makuha ang momentum ng serye.

Sinubukang tapyasan ni Balansag ang kalamangan gamit ang mga fore-

AT LAST, UBAS!

hand smashes nito ngunit nalimitahan lamang siya. Sa huli, hindi na hinayaan pa ni Paculba na makapuntos si Balansag at dinomina ang laro, 3-0.

Gayunpaman, sa doubles na laro, bumuhos ang matinding galawan ng magkabilang panig, mabilis na footwork at nagpasiklaban sa kani-kanilang mga techniques. Dito naitarak ng Iligan ang mas magandang depensa sa simula hanggang kalagitnaan dahilan para makakubra ng mga puntos at makalusot.

Bumirada ng magandang opensa si Pabelic sa kanilang girian at nagpatuloy ang pagpapakawala ng mabibisang hampas nito matapos agad na mabasa ang kahinaan ng katunggali sa crosscourt hits.

Sa kabilang banda, naging mainit ang tapatan nina Rob Yew at

SEA GAMES ’23: Kagay-anon athlete, nasikwat ang ginto, bagong

SEA record sa decathlon

PHNOM PENH, Cambodia – Walong taon mula nang lumahok sa SEA Games, nasukbit ng 29 taong gulang na si Janry Ubas ang kanyang unang ginto matapos pagharian ang Men’s Long Jump sa Morodok Techo National Stadium, ika-9 ng Mayo.

Niño Neri sa huling laro ng serye makaraang magpakawala ang dalawa ng matitinding forehand at backhand smashes.

Minanduhan ni Yew ang unang dalawang set ng laro sa pagbomba nito ng mga palong pumisak sa malamyang depensa ng katunggali upang maisakatuparan ang paghahari sa bakbakan.

Ngunit, agad na diniskaril ni Neri ang pagre-reyna ng kagirian matapos samantalahin ang paghina ng depensa nito at maisara sa 2-all ang kartada sa pagtatapos ng ikaapat na frame.

Bagamat dehado dala ng momentum ni Neri, bumangon ang crowd-favorite na si Yew sa ikalimang set at nakipagpalitan ng lamang bago tuluyang rumatsada upang tumbukin ang final blow mula sa back-to-back points na kanyang kinabig.

Gayundin, gumana ang depensa ni Neri na naging dahilan para mapayungan ang pananalasa ng mga atake ni Yew at sementuhin ang dikit na ikalimang frame, 9-all.

Mula sa isang mahabang

Nagwagi ang Iligan Voltz laban sa CDO Rafters sa kabila ng twice-to-beat disadvantage sa finals ng Men’s table tennis team category.

MULA KAY MARK LAURENZ DELA CRUZ

rally, nanatiling composed si Yew na nakalikom ng momentum at siyang pagbulaga nito ng isang backhand drive na kumalampag sa depensa ng karibal.

Isang service error ni Niño Neri sa krusyal na bahagi ng ikalimang frame ang dumurog sa puso ng mga Kagay-anon at tuluyan na ngang inangkin ng Iligan Voltz ang kampeonato via slim 9-11.

Samantala, hindi naman nakatakas mula sa pambabatikos ng mga manonood ang coach ng CDO Rafters na si Antonio Neri dahil sa hindi pagpalit ng lineup nito sa kabila ng kanilang pagkatalo sa unang paghaharap.

“Malaki ang tiwala ko sa kanila na maipanalo ang laro,” sagot ni Neri nang tanungin hinggil sa kontrobersya. Dahil sa mapait na pagkatalo, pursigido ang koponan ng CDO na bumawi sa susunod na taon at makuha ang kampeonato.

Matatandaang nagkamit ng tatlong sunod-sunod na pagkabigo si Ubas matapos itong makakuha ng tansong medalya noong 2017 at parehong pilak na medalya sa 2019 at 2021.

Subalit lahat ng ito ay napalitan ng saya matapos rumehistro ng 7.85 meters sa kanyang unang talon para makuha ang inaasam-asam na ginto simula pa noong 2015.

“I could have jumped longer if not for those fouls. But I couldn’t ask for more. This is my first SEA Games gold after five attempts,” pahayag ni Ubas sa kanyang panayam kasama ang Inquirer.

Palarong Pampook

Cagayan de Oro Rafters

(200 medals)

75 ginto, 69 pilak, 56 tanso

Nagkasya naman ang kalahok mula Vietnam na si Tien Trong Nguyen sa pilak na medalya, habang inuwi ni Sapwaturrahman ng Indonesia ang tanso.

Bukod dito, binura din ni Ubas ang apat na taong SEA Games record sa decathlon na 8.03 meters na naitala ni Sapwaturrahman ng Indonesia noong 2019 nang maipukol nito ang 8.08-meter jump.

“I thought about giving up before but everything has changed. I want to train every day again,” pahayag ni Ubas sa mga Pilipino.

2nd

(249 medals)

73 ginto, 77 pilak, 99 tanso

Misamis Oriental Masters Iligan Voltz

(169 medals)

62 ginto, 53 pilak, 54 tanso

MGA NILALAMAN

ISPORTS PAHINA

RS Golden Athletes

Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng GUSA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL - X. Dibisyon ng Cagayan de Oro, Rehiyon X TOMO XXX BILANG I Enero-Hunyo, 2023
CDOmination
NI TIMOTHY DAJAN
17
3rd online na! sinagtala ang i-scan lamang ang QR Code upang ma-access ang kopya.
MY PASSION. TALON TUNGO TAGUMPAY. Nagkamit ng gintong medalya si Janry Ubas matapos pagharian ang Men’s long jump ng sea games 2023. MULA KAY MARIZ GALES

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.