ANG SINAGTALA RSPC OUTPUT

Page 1


KAMPUS EKSPRES

Presyong abot-KAYA?

Regionalistas, pinuna ang nagtaasang presyo sa kantina

ni MYRIANE ALIPAO

Binatikos ng mga mag-aaral ng Gusa Regional Science High School-X (GRSHS-X) ang mga nagsisitaasang presyo sa kantina na nagdulot ng aalalahanin sa kanilang pang araw-araw na gastusin.

Ibinahagi ng ilan sa mga mag-aaral na sila ay napilitang humanap ng mas murang alternatibo, tulad ng pagbaon ng pagkain mula sa bahay o pagtangkilik sa mga tindahan sa labas ng paaralan na may mas murang presyo na pasok sa badyet nila.

“Kahit anong pagtitipid ang gawin, sa totoo lang, hindi kailanman sasapat ang 64 pesos na budget kada araw. Ang pinakamurang snacks sa kantina ay nasa 15 pesos, ngunit hindi pa ito nakakabusog para sa mga estudyante. Kapag isinama pa ang lunch, lampas na sa itinakdang budget ang nagastos, kaya malinaw na hindi makatotohanan ang 64 pesos bilang budget para sa pang-araw-araw na pagkain,” ayon kay Ian Galia, Supreme Student Learner Government (SSLG) Grade 11 Representative.

Giit pa niya, hindi na makatarungan ang pagtaas ng presyo kumpara sa kalidad ng mga bilihin sa kantina, kaya napipilitan siyang humanap ng mas murang alternatibo sa labas ng paaralan.

Batay sa ulat ng National Economic and Development Authority (NEDA), ang food threshold para sa isang tao ay nangangailangan ng 64 pesos kada araw, o 9,581 pesos

sa buwanang antas upang matugunan ang pangunahing pangangailangan sa pagkain.

Sa katunayan, ipinahayag ng NEDA na ang food threshold ay hindi sapat upang matiyak ang disenteng pamumuhay, kundi ito ay isang sukatan ng pinakamababang kita na kailangan upang masustentuhan ang pangangailangan sa pagkain.

Patuloy ang pagtaas ng mga presyo sa kantina, kaya’t isang malaking hamon pa rin sa mga estudyante ang pagbabadyet upang matugunan ang kanilang pangangailangan sa paaralan.

angsinagtala

Bakas ng Karanasan, Tanda ng Kaalaman

Tomo XXXII • Bilang I • Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Science High School - X • Dibisyon ng Cagayan de Oro • Rehiyon X • Nobyembre 2024-Prebrero 2025

‘‘

Hanggang ngayon ay hindi ko pa siya nahahanap, hindi pa nagbigay ng impormasyon ang pulisya pero nangako silang tatawagan nila ako kapag may nakalap silang impormasyon.

Alyas ‘Joseph’ Ama ng Nawawalang Bata

HIYAW KAWALAN HIYAW KAWALAN

Kaso ng nawawalang tao, lumobo; Pagtaas ng seguridad sa komunidad, sigaw ng mamamayan

Bumuhos ng panawagan ang mga mamayan sa pagtaas ng seguridad sa lungsod matapos maitala ang kaso ng mga nawawalang bata sa loob ng lugar.

Matapos lumawak ang usapin tungkol sa mga nawawalang tao, labis na ikinabahala ng mga mag-aaral ang kanilang seguridad sa paglabas ng paaralan.

“Marami na talaga akong nakikitang mga post sa sosyal midya patungkol sa mga nawawalang tao pati na rin mg poster na nakapaskil sa kalsada,” wika ni Hyacinth Pabonita, mag-aaral ng nasabing paaralan.

Dagdag pa ni Oliver Salvacion, magaaral ng GRSHS-X, umuuwi siya ng maaga para maiwasan ang ganyang pangyayari dahil malayo-layo pa ang kanyang lalakarin patungo sa kaniyang bahay.

Metro CDO Bill, ikinasa na sa kamara

ni RYAN TABAMO

Aprobado na sa kamara ang pagbibigay kilala sa lungsod ng Cagayan de Oro (CDO) bilang isang progresibong metropolitan ngayong susunod na taon matapos lumago ang ekonomiya at paglaki ng populasyon nito base sa ulat ng National Economic Development Authority’s (NEDA).

Napagkaloob sa plano ng Metro CDO Bill na sakop sa saklaw ng ekonomiya ang kalapit na bayan ng Misamis Oriental, tulad ng Opol, Tagoloan, at munisipalidad ng Manolo Fortich sa lalawigan ng Bukidnon. “Sana magpatuloy pa ang pag-unlad ng lungsod lalo na sa mga gusali, sistema, at mga opportunidad para sa mga tao,” pahayag ni Johara Jumo, isang mag-aaral ng Gusa Regional Science High School – X. Matatandaang nakatanggap ang lungsod ng CDO nang kaunaunahang parangal ng Seal of Good Local Governance at kabilang sa Most Competitive Highly Urbanized City. Patuloy na hinahangad ng alkalde ng lungsod na maipagpatuloy pa ang pag-unlad sa lugar upang maging pangunahing sentro ng kalakalan at ugnayan.

ni RYAN TABAMO at ELOUISE CAÑEDO

usmos at walang kaalam-alam sa mundo, bawat landas ay tinutungo, ngunit sa bawat hakbang na tinatahak ng paa, ay isang pangyayari na hahatak sa kaniya sa madilim na eskinita na hanggang ngayon ay nananatiling misteryo.

KASO NG NAWAWALANG TAO

Matapos kumalat ang nasabing impormasyon, kinilala ang isa sa mga batang biktima na si Evan Aguinot, apat na taong-gulang na nakatira sa Puntod, Cagayan de Oro na nawala noong Oktubre 21, 2024.

Base sa eksklusibong panayam na nakalap mula mismo sa ama ng bata na humihiling na itago sa pangalang Joseph, sa pamamagitan ng isang phone call, huling nakita si Evan sa St. John Puntod Coastal Road District 1 kasama ang kaniyang mga pinsan. Sinabi niyang lilipat lang daw sana sila ng bahay, ngunit habang humahakot ng kagamitan ang nanay ni Evan, hindi nila namalayang sumama pala ito sa tatlo niyang pinsan. “Hanggang ngayon ay hindi ko pa siya nahahanap, hindi pa nagbigay ng impormasyon ang pulisya pero nangako silang tatawagan nila ako kapag may nakalap silang impormasyon,” pagbabahagi ni Joseph. Dagdag pa niya, nakita raw ng kaniyang pamangkin na nakasakay na ang bata sa isang motorsiklo, na pinagdududahan niyang kidnapping.

PAMBABASTOS SA KALSADA Nakaranas din ng mga pambabastos sa kalsada ang mga mag-aaral ng GRSHS-X tuwing uuwi ng gabi na labis na ikabahala ang kanilang seguridad.

/ipagpatuloy sa P4

BALITANG KOMUNIDAD
dibuho ni FRUJI SABELLO

Pagdami ng kumakalat na maling impormasyon,

‘It’s

a lie’ – Actub, City Spokesperson

Pinabulaanan ni City Spokesperson John Actub ang mga paratang na kumakalat sa internet patungkol kay Rolando “Klarex” Uy, alkalde ng Cagayan de Oro, na nagmitsa ng pambabatikos sa opisyal sa iba’t ibang plataporma ng social media.

Matapos kumalat sa buong internet ang balitang naka-admit daw ang alkalde sa JR Borja City Hospital at may opisyal kinalaman sa paggamit ng droga, labis na ikinabahala ng lokal na pamahalaan ang pagdami ng mga nalilinlang mula sa pekeng balita.

Paalala pa ng alkalde na maging masusi sa lahat ng impormasyon na nakukuha sa iba’t ibang plataporma at huwag basta-bastang maniwala sa mga pinopost sa sosyal media.

“Kailangan suriin muna natin ang lahat ng ating nakukuhang impormasyon, kung saan ito nanggaling at kung lihitimo ba ang pangunahing pinagkukunan ng impormasyon,” paliwanag ni Uy.

Sa katunayan, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga eksperto kung saan ang pinagmulan ng mga pekeng balita.

GRSHS-X nangulelat sa

DSPC 2024;

Nabuwag ang ika-10 na pangkalahatang kampeon

ni RYAN TABAMO

Nangitlog ang Gusa Regional Science High School – X (GRSHS-X) sa isinagawang Division Schools Press Conference (DSPC) matapos mabasag ng Xavier University ang pang-sampung pangkalahatang kampeon ng paaralan.

Batay sa inilabas na memorandum ng dibisyon, dalawa lang ang nakapwesto sa indibidwal na kategorya ng nasabing paaralan na naging dahilan sa pagkatalo nito sa pangkalahatang pagtataya.

Ayon kay Iris Noveda, tagapayo ng pahayagang pampaaralan, nakakabigla raw ang resulta ng DSPC ngunit masaya pa rin siya dahil nakuha pa rin ng paaralan ang pangkalahatang kampeon sa grupong kategorya. “Nagpapasalamat pa rin ako na naging masaya at matagumpay ang kompetisyon kasama ang iba’t ibang pampubliko at pribadong paaralan sa aming dibisyon. Kailangang paghandaan pa rin sa susunod, kahit limitado ang oras dahil kailangang balansehin ng mga mag-aaral ang akademiko at pagiging mamamahayag, ngunit tiwala akong magagabayan sila ng mga coach,” pagtiyak ni Noveda.

Sa kabila ng kanilang pagkatalo, nanatiling matatag ang mga guro upang pagbutihin ang pag ensayo at bawiin ang titulo sa susunod na taon.

BALITANG LOKAL

Pinaghinalaang POGO Hub sa CDO, sinalakay ng mga kapulisan

ni ELOUISE CAÑEDO

Nilusob ng mga pulis ang umano’y Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub sa loob ng isang subdivision sa Barangay Cugman, na nagdulot ng pagkabahala at pag-aalala sa seguridad at kalagayan ng kanilang komunidad.

Nag-ugat ang inspeksyon ng mga awtoridad sa impormasyong natanggap na mayroong POGO na pumapagana sa lugar.

“Sinuri na namin ang buong lugar, negatibo talaga. Makikita mo doon ang maruming mga gamit, ang mga natira lang ay ang mga trabahador ng konstruksyon nag nagrerenovate sa gusali,” sambit ni Kapitan Macario Linog Jr., hepe ng Cugman Police Station.

Banggit ng tagapag-alaga ng lugar, nagsimula pa noong taong 2023 ang pag-ooperate ng

POGO Hub, ngunit nagsara ito at hindi na muling nag-operate.

Batay sa resulta ng operasyon, may mga natitirang materyales na sinasabing ginagamit ng POGO, tulad ng mga computer desk at upuan. Nilinaw ng Philippine National Police, na wala nang nakikitang presensya ng Chinese Nationals sa nasabing lugar. Patuloy na sinubaybayan ng mga kapulisan sa posibleng POGO sa lugar lalo na’t binabawal ang iligal na gambling activity sa siyudad.

ni RYAN TABAMO

PKaso ng mga paglabag sa school policy ng GRSHS-X

250 na mag-aaral ang nahuhuli sa kanilang mga klase.

60 na mag-aaral ang hindi nagsusuot ng kanilang mga uniporme.

5 na mag-aaral ang nahuling gumagamit na vape.

Pinagmulan: Maria Carmen Ebron, POD ng GRSHS-X

inatibay ng Prefect of Discipline (POD) ng Gusa Regional Science High School - X (GRSHS-X) ang patakaran sa mga pinagbabawal na gawain at tamang pagsusuot ng uniporme matapos dumami ang lumalabag dito, na nagdulot ng kalituhan sa mga pumapasok sa paaralan.

Base sa mga nagdaang insidente, may tatlong indibidwal na nakapasok sa paaralan na sangkot sa extorsyon, isa na may kaugnayan sa bentahan ng droga sa loob ng komunidad, at pagnanakaw ng mga instrumento, na nagdulot ng pagkabahala sa kaligtasan ng mga mag-aaral at guro.

“Dapat matutong sumunod sa batas-pampaaralan dahil ang layunin ng alituntunin dito sa loob ng institusyon ay para rin sa kaligtasan at para sa ikakabuti ng mga mag-aaral,” pahayag ni Maria Carmen Ebron, POD ng paaralan, bilang paalala sa mga mag-aaral upang maiwasang maulit ang pangyayari.

Kwento pa niya, marami na sa mga mag-aaral ang lumalabag sa bataspampaaaralan at hindi lamang sa pagsusuot ng uniporme ang dapat ayusin kundi pati na rin ang pagbibisyo ng mga mag-aaral sa paaralan.

PAGBIBISYO NG MAG-AARAL

POD, pinaigting ang polisiya vs kaso ng ekstorsyon, pagnanakaw

kayo ay inaasahan na nasa tamang edad para ingatan ang sarili at isa rin yan sa karapatan ng mag-aaral na sila mismo ang matutuo na mag-ingat para sa kanilang sarili at kagamitan,” wika ni Ebron, sa pagbigay paalala sa mga mag-aaral. Tinatayang umabot nang mahigit limang kaso ng reklamo sa paggamit ng vape sa Junior High School, habang sa Senior High School naman ay may nahuli sa akto na patagong gumagamit nito.

PAG-AMIN NG MAG-AARAL

Binahagi rin ng POD na may mga reklamo na siyang natanggap sa mga taong gumagamit ng vaping devices sa loob ng paaralan.

“Dapat maging responsible kayo dahil

LOKAL KAMPUS EKSPRES

Umamin ang ibang mga mag-aaral na gumagamit ng vaping devices dahilan umano sa pagkastress at impluwensiya ng kamagaral. “Sa tingin ko, nagsimula ako dahil sa stress. Ginagamit ko ang vape bilang coping mechanism. Lalo na dahil sa mga akademikong gawain, talagang nakaka-stress kaya nauuwi ako sa pag-vavape,” pag-amin ni ‘Jewel’, hindi niya tunay na pangalan. Dagdag pa niya, isa sa nagtulak sa kanyang gumagamit ay dahil sa “peer pressure” na isang salik na nagpapaudyok sa mga kabataan na makipagsabayan sa mga gawain makabago. Marami sa kanilang mga estudyante

ang nahuhuli sa loob ng banyo o nagtatago sa ilalim ng mga mesa sa silid-aralan para makagamit ng vaping devices nang palihim.

PARUSA SA LALABAG

Kamakailan, napagpasiyahan ng administrasyon na magsagawa ng inspeksyon ng uniporme at ipataw ang nararapat na parusa sa mga lumalabag sa batas pampaaralan, kung saan ang mahuhuli ay makakakuha ng violation slip mula sa POD at kukumpiskahin ang anumang iligal na gamit na ipinasok sa paaralan.

Tanging mga magulang lamang ang makakapagkumpiska nito o ibibigay lamang sa katapusan ng akademikong-taon.

“Dito sa ating paaralan, kung ibabatay sa policy contract na pirmado ng magulang at mag-aaral, ay puro interbensyon lang tulad ng pagtawag sa magulang para sa parent- teacher conference,” paliwanag ni Ebron.

Diniinan pa niya, kung meron mang ida-dagdag na parusa ay depende na sa komite ng disiplina kung saan ang punongguro ang namumuno. Base sa batas-pampaaralan, maaaring maharap din sa isang school community service kung saan ang nahuhuli ay

PANANGGA SA BANTA SERBISYONG TOO-LONG

40k na sambahayan, apektado sa kawalan ng tubig

Apektado ang mga mag-aaral ng Gusa Regional Science High School - X (GRSHS-X) sa kawalan ng suplay ng tubig na tumagal ng tatlong sunod-sunod na araw kasunod ng pagtagas ng tubo mula sa Cagayan de Oro Bulk Water Incorporated (COBI).

Tinatayang umabot ng mahigit 60 milyong litro ng tubig ang nawala matapos ang isang araw na pagtagas ng tubo, na sana ay naging pondo para bayaran ang utang sa halip na masayang.

“Hindi naging madali para sa amin lalo na’t apektado ang aming negosyong kainan dahil wala talagang daloy ng tubig at hindi mahuhugasan lahat ng pinagkainan. Kailangan pa naming magigib ng tubig sa aming baranggay para lang mahugasan ang mga pinagkainan. Mabuti at naibalik na ang daloy ng tubig ngayon,” pagbabahagi ni Anria Betonia, isang mag-aaral ng Gusa Regional Science High School – X (GRSHS – X) patungkol sa paghihirap ng kanilang pamilya sa kanilang negosyo kapag nawawalan ng tubig.

Aniya, malaking abala raw din ito sa pang-araw-araw na gawain, lalonglalo na’t kailangan nilang maligo bago pupuntang paaralan.

Karamihan sa mga residente ay nagiimbak ng tubig mula sa pampublikong pagkukunan o nagiimbak ng tubig ulan upang magkaroon ng tamang suplay na tubig para sa pansamantalang gamit.

“Ang hirap talaga kapag nawalan ng tubig dahil malayo pa sa aming lugar ang pag-iigiban, at kailangan pa naming maglakad nang malayo para lang makapaghugas ng mga pinggan at iba pa,” salaysay ni Josh Valdehueza tungkol sa kanyang nararanasan tuwing napuputulan ng tubig. Dagdag pa niya, maraming beses na silang nawawalan ng tubig, o kaya naman ay mabagal ang daloy nito at matagal

bumalik kapag may aberya. Kabilang sa mga apektadong lugar na nawalan ng suplay ng tubig ay ang Lumbia, Canitoan, Pagatpat, Carmen Upper and Lower, Patag, Bulua, Iponan, Opol, Kauswagan, Bayabas, at Bonbon. Pansamantalang nagbigay ng isang trak ng tubig ang COBI sa ibang apektadong lugar na abot ng kanilang makakaya.

Ayon sa pamunuan ng COBI, sinisikap nilang mapabilis ang proseso ng pagbabalik ng tubig upang mabigyan muli ang mga residente ng suplay ng tubig.

Samantala, nagbigay abiso ang COBI sa publiko na posibleng mayroong limitadong suplay ng tubig sa mga barangay habang patuloy nilang ibinabalik ang suplay ng tubig.

SA MGA NUMERO

Pagtaas ng bilang ng dengue, ikinabagabag ng mga guro ni MYRIANE ALIPAO

Naalarma ang mga guro sa pagtaas ng bilang ng mga apektado ng dengue na mag-aaral sa Gusa Regional Science High School – X (GRSHS-X) dulot ng pabago-bagong panahon at kakulangan ng kalinisan

Batay sa datos ng paaralan, tumaas ang kabuuang bilang ng mga estudyanteng tinamaan ng dengue mula sa iba’t ibang baitang, na nagdulot ng pag-aalala sa komunidad.

Ayon kay Adam Manlunas, isang guro sa GRSHS, ang patuloy na pag-ulan ngayong taon ay posibleng isa sa mga pangunahing dahilan ng pagtaas ng kaso ng dengue.

“Merong trend, in terms of morbidity rates ng dengue, inaasahan talaga na matapos ang isang taon na hindi masyadong maulan—katulad ng nakaraang taon—ang kasunod na taon ay mayroong muling pagtaas ng kaso ng dengue. Hindi lamang ito sa RS kundi sa buong bansa,” pagbabahagi ni Manlunas.

Banggit din ni Manlunas na sanhi rin sa problema ang improper waste disposal ng mga estudyante, mga baradong kanal, at drainage na nagiging breeding grounds ng mga lamok sa paaralan.

Nagbigay rin si Manlunas ng payo sa mga estudyante at kawani na panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran upang maiwasan ang pagdami ng kaso ng dengue.

“Dapat nating panatilihin ang wastong pagtatapon ng basura, linisin ang mga kanal, at takpan ang mga posibleng pag-ipunan ng tubig. Kung mas malinis ang ating kapaligiran, mababawasan ang posibilidad ng dengue,” diin ni Adam Manlunas.

SA MGA

na kaso ng dengue ang naitala mula sa buwan ng Agosto hanggang Oktubre 2024.

Pinagmulan: Administrasyon ng GRSHS-X

‘‘

Matutong sumunod sa batas dahil ginagawa naman ito para sa kapakanan ninyo.

Maria Carmen Ebron

Prefect of Discipline ng Gusa

Regional Science High School - X

pinapalinis sa parte ng kampus sa kanilang bakanteng oras.

Nakasentro sa kahihinatnan ng kanilang aksiyon ang parusa dahil naniniwala sila na ang mag-aaral ay kailangan lang mabigyan ng patnubay para malaman ang mali.

DAGDAG SEGURIDAD Nakipag-ugnayan ang paaralan upang magdagdag ng pulisya sa labas ng paaralan para patibayin ang seguridad sa mga batang pumapasok sa paaralan.

“Gusto kong pasalamatan ang ating mga tagabantay at mga magulang na tumulong sa atin para higpitan ang seguridad ng ating paaralan,” banggit ni Ebron,

Timbangan ng Kasanayan Regionalistas, pabor sa kahalagahan ng pagsusumikap kaysa marka — sarbey ni ELOUISE CAÑEDO

Sinang-ayunan ng mga mag-aaral ng Gusa Regional Science High School - X (GRSHS-X) na mas mahalaga ang pagsusumikap kesa sa pagpopokus lamang sa marka, ayon sa isinagawang sarbey ng Ang Sinagtala sa 77 na respondents.

Tinutukoy sa sarbey kung kailangan ng pagbabago sa sistema upang mas bigyan ng halaga ang pagsusumikap upang kilalanin at hikayatin ang pag-unlad ng mga mag-aaral.

PERSPEKTIBO

84%

ang sang-ayon na dapat mas bigyang halaga ang pagsusumikap.

9%

ang hindi sang-ayon at sinasabing mas mahalaga ang marka.

Regionalistas, nangamba sa ipinatupad na half-day classes

Kakulangan sa oras ng pag-aaral, ikinayamot ni CHELSIE

Nadismaya ang mga mag-aaral ng Gusa Regional Science High School-X (GRSHS-X) sa ipinatupad na half-day classes kasunod ng patuloy na konstruksyon, na nagdulot ng samu’t saring pananaw mula sa mga mag-aaral patungkol sa bagong iskedyul.

Ibinahagi ng isang mag-aaral ng GRSHS-X ang naging epekto ng pagbabago sa iskedyul, na nagdulot ng kakulangan sa oras ng pagaaral na kung saan nabawasan ang mga asignaturang tinatalakay sa isang araw.

minamadali upang masakop ang mga kompetensiya.

Pahayag naman ng administrasyon, mababalik sa normal na iskedyul ang klase pagkatapos ng konstruksyon, na inaasahang matatapos sa susunod na semestre.

6% ang neutral o undecided.

Pag-ako ng LWUA sa COBI, tinutulan ng mga trabahador

Mga trabahador ng COWD, nagkasa ng prayer rally

ni ELOUISE CAÑEDO

Nagtaguyod ng prayer rally ang mga trabahador ng Cagayan de Oro Water District (COWD) sa tapat ng opisina ng water district matapos ang patuloy na tensyon sa pagitan ng mga opisyal ng COWD at ng mga pansamantalang opisyal ng distrito na itinalaga ng Local Water Utilities Administration (LWUA).

sa matinding pasasalamat sa lahat ng nasa likod ng pagpapahigpit ng seguridad.

Patuloy pa rin ang mahigpit na pagbabantay ng gwardya ng paaralan at pinahigpit ang parusa ng mga magaaral.

Gayunpaman, naglunsad ng reorientasyon ang POD para masolusyunan ang isyu at pinapaalalahanan ang mga bata sa mga patakaran na dapat sundin upang maiwasan ang mga nagdaang pangyayari.

“Hindi siya gaanong epektibo kumpara sa whole-day classes, dahil sa half-day class, hindi lahat ng subjects ay kasama, tapos may distance learning pa pagkatapos ng klase,” pahayag ni Ian Galia, Supreme Student Learner Government Grade 11 Representative.

Aniya, nakakaabala rin ito dahil maraming magaaral ang hindi gaanong

Nagsimula ang konstruksyon noong nakaraang taon bilang bahagi ng proyekto ng pamahalaan na mapabuti ang mga pasilidad ng paaralan at layunin nitong magtayo ng mga bagong silid-aralan para sa mga mag-aaral.

Samantala, hinihikayat ng administrasyon na mapabilis ang konstruksyon ng mga silid-aralan upang

Nag-ugat ang pangyayari matapos magkaroon ng sigalot ng maglabas ng memorandum ang Interim General Manager Fermin Jarales na nag-uutos sa COWD General Manager Antonio Young na magpaalam muna sa kaniyang opisina at manatili sa kaniyang bahay.

“Bago ko nailabas ang naturang utos, may mga papeles, rekord, at mga dokumentong pinansyal na hindi natin ma-access. Nauunawaan din natin na si Engr. Tony (Antonio Young) ay nirerespeto ang Board of Directors, kaya’t isinantabi niya ang mga ito para sa kanyang sariling dahilan,” ika ni Jarales. Samantala, sa isang video na nakuha ng isang source na humiling ng hindi pagkakakilanlan, nakita ang ilang empleyado sa labas ng opisina ng ‘General Manager’ na nagtataka kung bakit pinagbawalan si Young na pumasok sa opisina. Tinutulan ng lupon ng mga direktor ang nasabing aksyon na isinagawa ng interim officials, kung kaya’t sinabi nila na isang kaso ang isinampa sa korte para tanggalin ang mga nasabing opisyal.

dibuho ni MIKHOS LABADAN

Tatlong menor de edad timbog sa pagtangay ng mga instrumento 100K na halaga ng kagamitan, tinakas

Nadakip ang tatlong menor de edad matapos tangayin ang mga instrumento ng Drum and Lyre Corps (DLC) ng Gusa Regional Science High School - X (GRSHS-X) matapos matugis ng mga kapulisan ang mga suspek sa tulong ng mga saksi.

Ayon sa isang miyembro, mabuti at may natira pa sa kanilang instrumento na nagbigay ng pag-asa sa kanila upang mas maging determinado silang manalo sa paparating na kompetisyon.

“Hindi namin inaasahan ang nangyari, papalapit na ang competition kaya ginamit nalang namin ang mga dating instruments at mas nag focus sa aming performance,” pahayag ni Trisha Rayos, pangulo ng DLC.

Dagdag pa niya, masaya sila dahil nagbunga ang kanilang paghihirap mula sa pag-eensayo, at nakapasok sa ikatlong puwesto.

Tinatayang mahigit 100,000 peso na halaga ng mga kagamitan ang nawala bago ang nasabing kompetisyon.

Samantala, inamin ng mga suspek na nais nilang ibenta ang mga kaamitan sa kanilang junkshop para makalikom ng pera.

Nakipagtawaran ang mga magulang ng suspek na bayaran nalang ang mga instrumento sa halip na ipaaresto ang kanilang mga anak. Gayunpaman, nakipagtulungan ang administrasyon sa kapulisan na magsagawa ng pagpapatrolyo upang mahigpitan ang seguridad sa loob ng paaralan at maiwasang maulit ang nasabing insidente.

“Ang ating general manager ay itinuturing na pinuno ng opisina o ahensya. Hindi maaaring utusan siya ng Interim na magtrabaho mula sa bahay dahil may mga bagay na siya lamang ang makasasagot at siya lamang ang maaaring pumirma,” pahayag ni Dr. Gerry Caño, isa sa mga miyembro ng Board of Directors.

Gayunpaman, sinabi ng interim officers na ang gusto lang nila ay malutas ang isyu sa supply ng tubig na nag-ugat sa hidwaan sa pagitan ng COWD at bulk water supplier na Cagayan de Oro Bulk Water Inc. (COBI).

“Nasa antas pa rin tayo ng pakikipagtulungan, at malinaw naming ipinaliwanag na ang paglalabas ng memorandum tungkol sa work-from-home ay para sa proteksyon ng pansamantalang naka-set-aside na GM, Engr. Antonio Young, ng mga empleyado, at ng aking sarili, upang maayos din ang ating organisasyon,” wika pa ulit ni Jarales.

Samakatuwid, nanatiling namamahala sa COWD ang LWUA at nagtalaga ng mga pansamantalang opisyal para resolbahin ang isyu sa suplay ng tubig.

INSIDENTENG PAARALAN
ISYUNG KOMUNIDAD
NUMERO
ni MYRIANE ALIPAO
KAMPUS EKSPRES
SA MGA NUMERO

SILAW SA SALAPI

anyag ang Unibersidad ng Pilipinas (UP) sa mataas na kalidad ng edukasyon, ngunit sa nagdaang buwan sumiklab ng usaping maaring pagkakaroon ng hindi pagkakapantay-pantay sa proseso admisyon, matapos dumarami na ang inatawag na “burgis” na mga mag-aaral. anyag ang Unibersidad ng Pilipinas (UP) sa mataas na kalidad ng edukasyon, ngunit sa nagdaang buwan sumiklab ng usaping maaring pagkakaroon ng hindi pagkakapantay-pantay sa proseso admisyon, matapos.

“Burgis”—mula sa salitang Pranses na “bourgeoisie,” ay tumutukoy sa mga taong namumuhay nang kumportable, at tinuturing na maykaya. Naging usap-usapan ang salitang ito nang mag-trending ang social media influencer na si Bethany Talbot dahil sa kaniyang mga post na nagpapakita ng marangyang pamumuhay habang nag-aaral sa UP. Marami ang nagtanong kung bakit tila marami ang mga mayayaman sa UP, isang isyung muling nagbigay-diin sa elitismo at hindi pagkakapantay-pantay sa unibersidad. Subalit, iginiit ni Talbot na hindi siya kabilang sa mga mayayaman, at ang dahilan kung bakit nakapag-aral siya sa isang pribadong paaralan bago makapasok sa UP ay dahil sa sipag ng kaniyang ina na isang OFW. Dagdag pa niya, ang mga bagay na ipinapakita niya sa social media ay resulta ng kaniyang sariling pagsusumikap at hindi ng anumang pribilehiyo. Bagama’t, binigyang linaw ni Talbot na ang kaniyang tagumpay ay dulot ng sariling pagsusumikap, hindi maiiwasang makita ng marami na ang pagkakaroon ng akses sa mas maraming materyales at preparasyon ay isang malaking kalamangan. Ang mga estudyanteng hindi kayang magbayad para sa review centers at iba pang preparatory programs ay malamang na mawalan ng pagkakataon na makapasok sa mga prestihiyosong paaralan tulad ng UP.

Sa proseso ng pagpasok sa UP ay pangunahing batay sa merit, nakasalalay sa mga marka ng UPCAT (University of the Philippines College Admission Test) at mga grado sa mataas na paaralan. Habang isinasama ang mga salik sa sosyo-ekonomiya, ang katotohanan ay ang mga estudyanteng nagmula sa mayayamang pamilya ay kadalasang mas may akses sa mga mapagkukunan—pribadong tutoring, mataas na kalidad na mga preparatory school, at iba pang anyo ng suporta sa akademya—na nagpapabuti sa kanilang pagkakataon na makapasok. Sa kabaligtaran, ang mga estudyante mula sa mga marginalized na komunidad ay madalas na kulang sa ganitong mga bentahe, na nagiging sanhi ng hindi pantay na kompetisyon. Bilang resulta, nagiging mas mahirap para sa mga estudyanteng

Hindi lamang para sa mga mayayaman ang edukasyon, kundi para sa lahat ng mga kabataan, anuman ang kanilang pinagmulan.

‘‘

nagmula sa mababang kita na makapasok sa UP, kahit na sila ay may mataas na potensyal. Ang mga kahirapan sa paghahanap ng sapat na impormasyon, kakulangan sa preparasyon, at ang pangangailangan na magtrabaho ng part-time upang suportahan ang kanilang pag-aaral ay ilan lamang sa mga hadlang na kanilang kinakaharap. Sa ganitong konteksto, ang pagpasok ng mga mayayamang estudyante ay tila nagpapalawak lamang ng agwat ng hindi pagkakapantaypantay.

Gayunpaman, binigyang linaw ng Presidente ng UP na si Angelo Jimenez na hindi na totoo na ang Unibersidad ng Pilipinas (UP) ay “burgis.” Aniya, mula 44 porsiyento noong 2022, ang bilang ng UP College Admission Test (UPCAT) qualifiers mula sa mga pampublikong paaralan ay tumalon sa 50 porsiyento noong 2023 at naging 56 porsiyento noong 2024. Subalit, hindi maipagkakaila na ang diskusyong ito ay hindi lamang nakatuon sa UP, kundi pati na rin sa iba pang mga paaralan, tulad ng Gusa Regional Science High School-X (GRSHS-X). Sa kaso ng GRSHS-X, ang proseso ng admission ay binubuo ng dalawang yugto. Una ang pagkuha ng readiness test at ang pagpasa sa interbyu. Hindi ang mismong paaralan ang nag-evaluate ng mga pagsusulit kundi ang isang itinalagang diagnostic test provider. Gayunpaman, may mga nagsasabi na hindi katulad ng UP, ang admission sa GRSHS-X ay maaaring maapektohan ng koneksyon at impluwensya, kaya’t may mga pagkakataong ang mga mag-aaral ay makakapasok sa paaralan hindi dahil sa kanilang kakayahan, kundi dahil sa mga pabor o koneksyon na mayroon ang kanilang mga pamilya. Ayon sa isang interbyu kay Fruji Sabello, ang kasalukuyang Pangulo ng Supreme Secondary Learner Government ng GRSHS-X, “Hindi ito makatarungan para sa mga estudyanteng nagsikap upang makapasok sa paaralan. Parang ninanakawan ng opurtunidad ang mga estudyante na karapatdapmakatarungan para sa mga esGRSHS-X, “Hindi ito nila sa paagarantisado na ang pwesto nila sa paaralan.”

dibuho ni FRUJI SABELLO

It has always been the students. I’m just passionate about it. Also, I think it was my upbringing from my parents, especially from my mother. That’s why, back when I was elementary, I have always been teaching kids younger than me.

SuperGuro

Hindi lahat ng superhero ay lumilipad o may kapa; ang iba ay nasa harap ng pisara— may hawak na panulat, at may dedikasyong humubog ng mga pangarap. Iyan ang binibigyang-buhay ng isang guro sa Gusa Regional Science High School - X (GRSHS-X) na tila superhero sa totoong buhay. Kahit may kapansanan, hindi ito naging dahilan upang malumpo ang kanyang kasipagan at kagustuhang magbigay kaalaman sa mga kabataan.

Matatagpuan sa silid-aralan ng GRSHS-X si Ginoong Mark Richie S. Lasque, isang guro na may malalim na kaalaman sa asignaturang agham at pananaliksik. Sa kabila ng kanyang pakikipaglaban sa Severe Chronic Gouty Arthritis, patuloy niyang itinataguyod ang tawag ng kanyang tungkulin. Kilala si Ginoong Lasque hindi lamang sa kanyang katalinuhan, kundi bilang isang guro na handang maglaan ng oras upang makatulong sa mga pangangailangan at katanungan ng kanyang mga estudyante.

“It has always been the students. I’m just passionate about it. Also, I think it was my upbringing from my parents, especially from my mother. That’s why, back when I was elementary, I have always been teaching kids younger than me,” pagbabahagi ni Ginoong Lasque. Dagdag pa niya, “When I was in high school I was also teaching kids in our church. So, all of those really brought me off to where I am now. It felt like going back, I’ve always been motivated with teaching kids.”

Gayunpaman, kagaya nang lahat ng superhero, hindi ligtas si Ginoong Lasque sa mga pagsubok sa buhay. Bagamat taglay niya ang di-mabilang na lakas ng loob at dedikasyon, may mga aspeto ng buhay na hindi madaling harapin. Isa na rito ang transportasyon. Dahil siya ay nakawheelchair, mahirap sa kanya ang paglipat mula sa isang lugar patungo sa isa lalo na kapag walang taong aalalay sa kanya. Pinapatunayan lamang nito na ang pagbibigay ng tamang suporta ay susi upang maabot nila ang kanilang buong potensyal.

ni CAITLIN GUILOT

“It would be helpful if teachers like me had access to safety areas where they can walk inside the school, like ramps and assistive tools,” pahayag ni Ginoong Lasque. Malaking tulong ito para sa mga katulad niyang PWD o Person with Disability. Ito ay nakasaad naman sa isang probisyon sa Batas Pambansa bilang 344 o Accessibility Law. Ang pagpapabuti sa kakayahang makakilos ng mga taong may kapansanan sa pamamagitan ng pagpataw sa mga gusali, institusyon, establisyemento, at iba pang pampublikong lugar na maglagay ng mga angkop na pasilidad at kagamitan. Nagiging malaking inspirasyon sa maraming estudyante si Ginoong Lasque dahil sa kanyang determinasyon na maglingkod sa kabila ng kanyang sitwasyon. “Malaki ang respeto namin sa ginagawa niyang tungkulin at serbisyo sa amin. Alam naming hindi biro ang kanyang sitwasyon. Dahil dito mas nagkakaroon kami ng kagustuhang matuto at makapagtapos sa pag-aaral,” wika ng isang estudyante sa GRSHS-X.

Ang mga gurong tulad ni Ginoong Lasque ay ang mga superhero na dapat nating tularan at ipagdiwang, hindi dahil sa lakas ng katawan, kundi dahil sa tibay ng kanilang loob at malasakit sa bawat mag-aaral. Sa kabila ng mga hamon, ipinapakita nila na ang pag-ibig sa pagtuturo at ang seguridad ng kanilang minamahal ay mas malakas kaysa sa anumang pisikal na limitasyon. Sila ang mga bayani na hindi naghahanap ng papuri, ngunit patuloy na ipinapakita na ang tunay na kapangyarihan ay nasa pusong handang maglingkod at magbigay inspirasyon sa iba.

ni TRISHA ASINO | dibuho ni LIZETTE MACARAYO

Lights, Camera, Action! Lahat tayo ay may papel na ginagampanan sa pelikulang tinatawag na “Paaralan.” Sa loob ng apat na sulok ng silidaralan, isang kwento ang nagaganap—punong-puno ng iba’t ibang karakter na may kani-kaniyang ugali at kwento. Kilalanin ang mga natatanging tauhan ng kawili-wiling pelikulang ito!

“GRADES MATTER”

Uri ng estudyante na masigasig talaga sa pag-aaral. Sila ang mga tipo na estudyante na seryoso sa pag-aaral, nakatuon sa mga aralin at palaging mataas ang marka sa klase.

HATAW SA PAGSAGOT

Mga tipong estudyante na napagkakamalang sipsip dahil sa palagi itong sumasagot sa klase. Kadalasang nasa harapan at sila ang palaging nakikita ng mga guro.

PALAGING EXCUSED

Malimit makita dahil palaging wala. Kadalasang ipinapambato sa mga patimpalak at kompetisyon kaya hindi na nakakapasok sa klase. Pinagkakatiwalaan ng mga guro kaya sila ang palaging ipinapadala upang dalhin ang pangalan ng paaralan.

CHILL LANG!

Hindi pinapagod ang sarili at para sa kanila ay ang tanging importante lamang ay makapasa. Sila ay mga pagod na sa buhay kaya hindi na nakikipagpaligsahan sa pagpapataasan ng marka.

BARKADA NG BAYAN

Kung saan-saan mo nalang makikita at kung sino-sino nalang ang kausap. Madaling makasalamuha at lapitan. Kilala at kaibigan ng lahat.

TALA-LORD

Palaging nagtatala tuwing magkaklase. Mabilis man ngunit maganda pa rin ang pagsulat. Siya rin ang hinihingan ng kopya ng mga tala kung may darating na pasulit.

LAST MINUTE EXPERT

Klase ng estudyante na hindi gumagawa ng takdang-aralin kahit na maraming oras, palaging pinapabukas ang mga gawain. Gagawa ilang minuto bago magsimula ang klase ngunit nakakapasa pa rin sa takdang panahon.

Taglay ng bawat uniporme ang sariling kwentong walang ibang nakasubaybay. Hindi lamang notebook, ballpen ang pasan ng mga estudyante kundi maging bigat ng mga pangarap rin na gustong maasam ay nariyan. Mahirap ika nga nila kung ilarawan ang buhay. Payo ng mga nakakatanda ay mag-aral ng mabuti; kumuha ng iskolarship at magtapos lalo na ang mundo ngayon ay kinokonsidera na ang yaman na higit sa lahat ng bagay. May salapi kalang, lutas na agad ang iyong mga problema, ngunit paano naman yung mga kapos sa pera?

Marami sa kabataan ngayon ang tila ba ay hindi na alam ang halaga ng pagsisikap. Umaasa nalang sa magulang bigyan ng baon, at tsaka naman ibibili sa mga walang kakwentakwentang bagay o iaaya ng labas sa barkada. Pagdating naman sa bahay, ito ay nakahiga at nakatutok nanaman hanggang magdamag sa sariling mga gadyet kaya naman ito ulit si inay na galit dahil pangarap ng anak ay unti-unting namamatay. Gayunpaman, meron pa din yung mga pursigidong makuha ang diploma at makamit ang pangarap kahit sa talisud ng buhay. Pinatutunayan nila na hindi ang antas ng kabuhayan meron ang kanilang pamilya ngayon ang magdidikta ng kanilang maging hinaharap bagkus ito ay kanilang pinagpawisan at nagsakripisyo sa pamamgitan ng pagpiling mag-sideline o kumuha ng part-time job. Likas ang pagkuha ng part-time na trabaho sa mga estudyante lalo na sa mga nasa kolehiyo kung saan hangad maka-ipon. Ito ay maging para sa pagtustus ng kanilang pagaaral o pantulong lang man para sa kanilang pamilya sa pang-araw-araw

na gastusin. Ngunit meron din namang hayskul ang nag-aapply dito gaya nalamang ni Xander Palabrica ng Gusa Regional Science High School - X na isang working-student ng ika-12 baitang. Nais niya raw maging Civil Engineer sa hinaharap ngunit sa ngayon, siya ay kumuha muna ng part-time na trabaho sa kapitbahay na karenderya sa kadahilanang kapos sa pera. Aniya pa niya, nakasanayan na raw niya ang ganitong trabaho kasi meron silang karenderya din noon sa kanilang bukirin, ngunit kahit ganito paman ay nananatili parin ang hirap na nilalaban niya sa araw-araw. “Mahirap, minsan hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Pagkatapos mag-aral, diretso ako sa trabaho at kailangan on time, kasi kung hindi, mababawasan ang kinikita ko.”, sabi ni Xander. Subalit, bukod sa pagsubok, meron din naman daw itong naidudulot na maganda sa kanya gaya ng mga aral at napagtanto niya para sa buhay. Ilan sa mga ito ay yung tungkol sa pag-manage ng oras, importansiya ng pag-pokus at paggawa ng tama sa naatasang gawain, kahalagahan ng pagtitiis at pagsisikap, maging

sa pagiging organisa at marami pang iba. Mensahe pa niya sa mga kapwa estudyante, “Makakamit natin ang pinapangarap nating buhay sa hinahangad kung kakayod tayo sa mga pagsubok na ating nahaharap”. “Sana hindi natin makikita ang pagsubok na ito bilang hadlang kundi gawin nating motibasyon sa patuloy nating paghaharap sa problema ng ating buhay”, dagdag pa ni Palabrica. Bihira lang ang mahahanap na ganitong mga estudyante, kung saan pinipili pa nilang magserbisyo at tumulong sa iba kahit na mismo kanilang mga sarili ay nangangailangan na ng tulong. Ang ganitong katangian nila ang nagpapaningning hindi lamang sa buhay nila kundi maging sa iba rin bilang naghahatid ng inspirasyon. Kay sarap tingnan ang mga kabataan na marunong magpahalaga ng kahit gaano kabutil na halaga ng pera at umaabot na ng tustusin sa pamilya. Linyang “Ma, pa ako na ang bahala, pangarap niyo, pangarap ko, akin nang nakuha” - sabay sabit ng medalya, ngiting tagumpay na nakatingin pa sa kamera.

Mahirap, minsan hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Pagkatapos mag-aral, diretso ako sa trabaho at kailangan on time, kasi kung hindi, mababawasan ang kinikita ko.

Xander Palabrica Working student ng GRSHS-X

LADICA
Mark Richie Lasque Guro ng GRSHS-X
KAYOD

06 AGTEK-KAPNAYAN

Tagong Tinik ng Plastik

ni STEPHEN LLORENTE

Magaan sa timbang, mabigat ang bungang nakaabang. Isang matalim na suliranin kaugnay sa hindi matinag-tinag na kalaban. Masdan ang nakahilera sa mesa, mga pagkaing pangunahing pinagkukunan ng enerhiya. Subalit paano kung sa bawat lamon ay may kalakip na butil ng hamon?

SA MGA NUMERO

2 toneladamilyong

na basurang plastik ang naiimpok sa Pilipinas.

ulat mula sa WORLD BANK

Nahaharap ang Pilipinas sa mainit na krisis patungkol sa umaangat na kaso ng ‘Microplastic Ingestion’. Isang problemang konektado sa kapaligiran at kalusugan bunsod ng kapabayaan, at nag-ugat lamang ito mula sa isang mapinsalang bagay — ang plastik. Kapag naagnas, bumubuo ng mga maliliit na pirasong tinatawag na ‘Microplastics’ Babala ng mga eksperto na ang labis na pagkonsumo mga kagamitang yari sa plastik ay nagpapalala sa isyung nabanggit. Pwede itong pagmulan ng polusyon na kung saan ay apektado lalo na ang mga anyong tubig maging ang mga nilalang na namamahay rito. Mga hayop na pinagkukunan ng pagkain, kaya’t hindi malayong maging ang pangangatawan ng bawat tao ay kontaminado rin. Maihahalintulad ang sukat ng isang butil ng microplastic sa buhangin na hindi lalampas sa limang milimetro.

Batay sa panayam ni Chemical Engineer Shoji-an Daradal na isa ring guro sa Gusa Regional Science High School-X, karaniwang hango ang Microplastics sa mga kasangkapang nabibilang sa uri nito kagaya ng mga nylon, boteng plastik, at cellophanes kung kaya’t pareho lamang ito ng komposisyon. Iilan rin sa mga klase ng plastik ay Polyethylene Terephthalate (PET), High-Density Polyethylene (HDPE), Polyvinyl Chloride(PVC), Low-Density Polyethylene (LDPE), Polypropylene (PP), at Polystyrene (PS). Mula sa mga salita ng Department of Health spokesperson na si Albert Dominggo, “Meron tayong tinatawag na indirect ingestion. Bakit siya indirect ingestion? Kasi hindi natin kinakain yung mismong microplastics, bagamat kinakain natin yung mga kumakain dun sa microplastics.” Batay rito, hindi pilitang nalulunok ang microplastics nang direkta, bagkus ay

nanggagaling mismo sa mga hayop partikular na sa mga lamang-dagat, kung saan ay nagsisilbi itong behikulo upang pumasok ang mga butil-butil ng plastik sa loob ng pangangatawan ng isang indibidwal. Tinatayang nasa 60 bilyong sachets ang napapakinabangan ng bansa bawat taon o katumbas ng 80 bahagdan na kabuuang plastic wastes. Ayon naman sa karagdagang ulat ng World Bank, umaabot sa 2 milyong toneladang basurang plastik ang naiimpok ng Pilipinas. 20% na bahagi nito ay natataboy sa dagat, dahilan upang mas lalong sumampa ang mga insidente ng microplastics na nalululon ng mga isda, talaba, at marami pang iba.

Ilan pang presensya ng Microplastics na nasagap ng mga pag-aaral ang naitala, kabilang na ang mga bangus mula sa Agusan del Norte na isinagawa ng mg mananaliksik mula sa Mindanao State UniversityIligan Institute of Technology (MSUIIT). Ayon dito, 29 sa 30 bangus ang nakitaan ng lima hanggang sampung piraso ng Microplastics.

Dagdag pa ni Engr. Daradal, ang dahandahang pagpasok ng mga maliliit na plastik sa loob ng ating katawan ay pwedeng magresulta sa pagkumpol nito sa loob ng digestive tract na magsisilbing balakid sa pagtawid ng mga esensiyal na sustansiyang kailangan ng bawat indibidwal. Sa madaling salita, pwede itong ikasanhi ng malubhang malnutrisyon na sa kalaunan ay magbunga ng kamatayan. “Thankfully, our generation has not been exposed to a threateningly large amount of microplastics yet for it to be declared immensely dangerous. However, if we do not try to do something about it now, it may pose a serious risk for the future generations,” saad pa nito.

We, Team PinyaSorb, would like to add alternatives at the same time mitigate the use of toxic materials to solve the pressing issue of oil pollution.

ni ANDREW BALLESTEROS

Tila tinik sa mga anyong-tubig ang lasong patuloy na kinakalat ng oil spill, isang polusyong may kaakibat na destruksyon sa kalusugan ng mamamayan. Bunsod ng matinding problema nito sa katubigan, napukaw ang atensyon ng mga mag-aaral upang sugpuin ang lumulutang na kontaminasyon. Isang produktong sipsip ang kamandag na bitbit ng langis sa tubig.

Pinakikilala ang isang pananaliksik na pinamagatang “PinyaSorb: Evaluation the Absorption Efficacy of Pineapple (Ananas Comosus) Leaf Fiber-based Foam for Oil Spill”, isang ekolohikal na foam na gawa sa leaf fiber ng pinya, at may layuning bigyang-solusyon ang oil spill sa mga katubigan at maging sa mga motor shop. Naging inspirasyon ng grupo mula sa paaralan ng Gusa Regional Science High School - X na sina Johnson A. Tan IV, Jade Kerby B. Saluta,

nasaksihan ang isang pagaaral galing sa Mindanao State University - Iligan Institute of Technology na ang foam na yari sa langis ng niyog ay ginamit sa oil spill. “We, Team PinyaSorb, would like to add alternatives at the same time mitigate the use of toxic materials to solve the pressing issue of oil pollution,” tugon ng grupo. Sinimulan nila ang paglikha ng PinyaSorb mula sa proseso ng cellulose extraction, paggawa ng biopolyol, at pagsasama nito sa mga kemikal para makabuo ng foam. Matapos ang curing process, binigyang-silbi ang foam sa eksperimento at paglikom ng mga datos na nagbigay-daan sa mga resulta at konklusyon. Hangarin ng PinyaSorb na tugunan ang dalawang pangunahing isyu. Una rito ang oil pollution na sumisira sa kapaligiran at kabuhayan ng mga komunidad, habang pangalawa naman ay ang pagtanggal sa paggamit ng mga synthetic materials na gawa sa nakalalasong kemikal na may negatibong epekto sa kalikasan at kalusugan. Sa halip na dagdagan pa ang

Patuloy na dumarami ang kabataang nalululong sa paggamit ng vape o e-cigarette, na tila nagiging bahagi ng kanilang kultura. Bagama’t itinuturing itong mas “ligtas” na alternatibo sa paninigarilyo, nagtataglay pa rin ito ng mga mapanganib na kemikal tulad ng nicotine at propylene glycol, na nagdudulot ng seryosong banta sa kalusugan. Ang bawat paggamit ay tila isang lason na unti-unting sumisira sa baga at nagdudulot ng mga pangmatagalang sakit, hindi lamang sa gumagamit kundi pati na rin sa mga nakakalanghap ng usok nito.

Mabigat na epekto sa kalusugan ang nakaantabay kung hindi ito gagawan ng mabilisang aksyon. Sa bawat lamon, aasahang may katambal na hamon. Mainam kung bawasan ang pagtapon ng plastik kahit saan, lalo pa’t maguugat ito ng polusyon. Pagpapangasiwa sa basurang tinatapon, daan sa kapaligirang pagbangon.

Sa datos ng Global Youth Tobacco Survey (GYTS), 14.1% ng kabataang Pilipino na edad 13-15 anyos ang gumagamit ng e-cigarette, kadalasan dahil sa kuryosidad at madaling akses sa mga tindahan. Bukod sa nicotine, nalalanghap sa vape ang mga kemikal tulad ng Acrolein, Diethylene glycol, at mabibigat na metal gaya ng lead, tin, at cadmium, na maaaring magdulot ng matinding pinsala sa baga. Ang vape ay naglalaman din ng mga carcinogens na maaaring magdulot ng kanser.

Isa pa sa mga nakababahalang kemikal sa vape ay ang diacetyl, isang substansya na kilala bilang sanhi ng bronchiolitis obliterans o “popcorn lung,” isang malubhang sakit sa baga na nagdudulot ng permanenteng pinsala.

Hindi rin ligtas ang mga nakapaligid sa gumagamit ng vape. Ang secondhand smoke mula sa vapor na binubuga ay naglalaman ng nicotine, ultrafine particles, diacetyl, at benzene, na maaaring magdulot ng mga problemang pangrespiratory at cardiovascular, pati na hirap sa paghinga at sintomas ng bronchitis.

Ayon kay “Trecy,” isang estudyanteng gumagamit ng vape, alam niyang mapanganib ito ngunit hindi niya mapigilan ang paggamit lalo na kapag siya’y may mga problema. “I know man jud nga maka cause sad ug harm ang vape sa other people nga maka-inhale sa smoke. That’s why ga use rako

Sustainable Development Goals (SDGs) ng United Nations; SDG 6 — Clean Water and Sanitation; SDG 13 — Climate Action; at SDG 14 — Life Below Water. Hindi naging madali ang proseso sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito . Simula pa lamang, maraming hamon na ang kinaharap ng koponan, kabilang na ang mga pagtangging napagdaanan nila mula sa mga unibersidad na kanilang nilapitan ng tulong, ngunit sa kabila ng mga balakid ay hindi sila sumuko. May natatanging kaibahan ang PinyaSorb sa ibang produkto tulad ng buhok at tardisyonal na foam, kung saan ito ay dinisenyo hindi lamang upang waksiin ang pinsalang dala ng oil spill, kundi dahil sa kakayahan nitong sumailalim sa dekomposisyon nang mas maaga. Nananatiling malinaw ang kanilang layunin sa kabila ng mga hamon at pagkabigo, at ito ay lumikha ng pagkapaligirang solusyon para sa kasalukuyan at maging sa susunod na henerasyon. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga karaniwang basura sa agrikultura upang makagawa ng epektibong solusyon sa oil spills o sa kahit anumang kontaminasyon, naipapakita ang pagkamalikhain ng mga maaalam na kabataang interesado sa pagbibigay ng solusyon sa berdeng kalikasan.

ana kung naa ko sa secluded places or kung ako ra usa para dili ko makadalahig ug uban,” aniya. Patuloy ang pagbabala ng mga eksperto na ang vape ay hindi ligtas na alternatibo sa paninigarilyo, dahil maaari itong magdulot ng malubhang kondisyon tulad ng E-cigarette o Vape-associated Lung Injury (EVALI). Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), noong 2020 ay naitala ang halos 2,800 kaso ng EVALI, kung saan 68 ang namatay. Sa Pilipinas, iniulat ng Department of Health (DOH) noong Mayo 2024 ang unang pagkamatay na kaugnay ng vape— isang 22-taong gulang na nasawi dahil sa heart attack matapos ang dalawang taong tuluy-tuloy na paggamit ng vape.

Samantala, ayon sa pagaaral ng Johns Hopkins University Institute of Tobacco Control, may higit 5,500 social media posts ng mga kumpanya ng vape ang lumabag sa Republic Act 11900 o Vape Regulation Law dahil sa promosyon ng mga flavor na kaakit-akit sa kabataan. Dahil dito, nanawagan ang mga health advocates na amyendahan ang nasabing batas upang mapigilan ang masamang epekto ng mga produktong ito lalo na sa kalusugan ng mga kabataan. Sa bawat langhap at buga, kawawa ang baga. Ang pagtaas ng kaso ng paggamit ng vape, lalo na sa kabataan, ay nangangailangan ng agarang aksyon mula sa pamahalaan, mga magulang, at paaralan.

Banta sa Baga Dulot ng Vape
ni KAIHANNE MANTICAHON
larawan mula kay JOHNSON TAN at gawa ni TIMOTHY BERNIDO
dibuho ni LIZETTE MACARAYO
KRISIS SA PLASTIK. Kahit maliit, mapaminsala ang suliraning dulot ng microplastics na dahan-dahang sumisira sa kapaligiran. larawan mula sa WORLD BANK
‘‘

What makes this study important is that, it enables better resource allocation and planning for farmers and policymakers and it also addresses issues such as climate impact on agriculture and predictive modelling and data integration challenges.

Asensado na talaga ang kalidad na natatanggap ng sektor sa agrikultura, sapagkat pati ang mga bilang ng ani ay kalkulado na ng lumalagong Artificial intelligence (AI) at iba pang mga aplikasyon ng teknolohiya. Gamit ang matatalas na utak ng isang mananaliksik na may may malawak na tunguhin sa mundo ng palayan, hindi maikakailang mabubungang mga binhi ang tutubo na magbibigay ng liwanag habang kasangga ang mala-makinang sistema.

Matagumpay na ibinahagi ni Gilbert Claude R. Imperio mula Gusa Regional Science High School - X ang kaniyang pananaliksik na “Multimodal Data Integration for Rice (Oryza sativa) Yield Prediction in Northern Mindanao through Machine Learning Models” kung saan kasama rito ang pinagsamang satellite data na ibinahagi ng Landsat at Soil Moisture Active Passive (SMAP).

Nakuhanan rin ng mga lokal na datos ang mga ahensiyang Philippine Statistics Authority (PSA) at Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAG-ASA) sa taong 2015-2023 upang hulaan ang ani ng palay batay sa iba’t ibang Machine Learning (ML) models.

Tampok sa proseso ang mga modelong Random Forest, Gradient Boosting, and Support Vector Regression. Kapos sa datos ang nakalap ng rehiyong Northern Mindanao, at natagpuang mas mababa sa 47% ang kawastuhan sa unang pagsubok ng binata. Subalit tumaas ito sa bahagdang 75%-89% nang siya ay gumamit ng satellite data. Nabanggit na kasali ang ‘ML models’ sa kaniyang pananaliksik, at matimbang ang kontribusyon nito lalo na sa pangongolekta ng mahahalagang impormasyon at pagbuo ng balidong paghuhula sa isang partikular na datos na ginagamitan ng mga algoritmo mula sa computer programs. Sa abilidad nitong hindi makaramdam ng pagod at kumuha ng

milyon-milyong kumpol ng datos, tunay na maaasahan ang kapasidad nitong mamahala kahit saan mang pag-aaral. Ayon pa kay Imperio, ang malapad na potensyal ng mga modelong ito ang nagpapatunay kung gaano kaliksi at kabisa ang teknolohiya kumpara sa mga tao.

“For me, what makes this study important is it enables better resource allocation and planning for farmers and policymakers and it also addresses issues such as climate impact on agriculture and predictive modelling and data integration challenges,” salaysay ng mananaliksik sa kadahilanang importanteng pagtuonan ng pansin ang kabuuang klima sa loob ng sektor.

Ilan pa sa kalakasan ng nabuong pananaliksik

ay ang katumpakan ng mga impormasyon at dekalibreng prediksyon mula sa mga naturang modelo, ngunit limitado lamang sa siyam na taon ang saklaw ng datos. Isa sa mga rason kung bakit ito itinatag ng mag-aaral ay sa kagustuhang makaambag sa agrikultura, lalo pa’t malaki ang posibilidad na yumabong ang Pilipinas sa ganitong sektor nang sa gayon ay masolusyonan ang kakulangan sa mga detalyeng kaugnay sa seguridad ng pagkain at pagbabago ng klima. Panahon na upang umusbong ang teknolohiya sa mas mahahalagang sektor ng ekonomiya. Ating isulong ang paggamit ng AI sa mas makabuluhang pamamaraan, at sa pamamagitan nito ay makakamit ang tinatawag na tagumpay at kaunlaran.

6.13 hours

ng tulog kada gabi na lamang ang nararanasan ng buong Pilipinas matapos maging kabilang sa isa sa mga bansang may mataas na antas ng polusyon ng ingay.

SA MGA NUMERO ulat mula sa Bed Company

Dilema sa Tenga

antas ng polusyon sa ingay sa buong mundo. Tila isang “underestimated threat” ang polusyong ito na nagdudulot ng mga seryosong problema sa kalusugan. Kabilang dito ang pagkagambala sa pagtulog, sakit sa cardiovascular system, mahinang pagganap sa trabaho o paaralan, at pagkawala ng pandinig. Ayon sa ulat, ang Pilipinas ay pumangatlo sa buong mundo sa pinakamaikling oras ng pagtulog, na may average na 6.13 oras lamang kada gabi.

Isa pang salarin sa polusyon sa ingay ay ang mga paputok lalo na tuwing mga pagdiriwang. Bukod sa panganib sa tao, nagdudulot ito ng trauma sa mga alagang hayop tulad ng aso at pusa, maging ang mga hayop sa ilalim ng dagat. Ang ingay mula sa mga propeller ng barko, sa kabilang banda, ay nakakasira sa sonar ng mga balyena —isang mahalagang bahagi ng kanilang komunikasyon at nabigasyon.

Natuklasan ng mga mananaliksik mula sa National Institutes of Health (NIH) sa University of the Philippines Manila (UPM) ang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng pagkakalantad sa ingay at mga problema sa pandinig. Sa kanilang pag-aaral sa mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nagtatrabaho sa EDSA—isa sa mga pinakaabalang lansangan sa Metro Manila—13% ng mga kalahok ay nakaranas ng makabuluhang pagkakalantad sa ingay sa trabaho. Humigit-kumulang 16% naman ang may katamtaman hanggang matinding pagkawala ng pandinig sa hindi bababa sa isang tainga, ayon kay Dr. Kimberly Mae C. Ong, isang Research Assistant Professor sa Philippine National Ear Institute (PNEI).

Mahalagang bigyan natin ng pahinga ang ating mga tenga. Ang polusyon sa ingay ay isang problema na hindi dapat ipagwalang-bahala. Huwag magbingi-bingihan, at sama-sama nating likhain ang isang mas tahimik at ligtas na mundo para sa kinabukasan.

Sumisikat na pag-unlad ang natatamo ng sangkatauhan kasabay ng pag-usbong ng mga inobasyong likha ng mga maaalam na imbentor. Ang araw, na minsan nang nagtanim ng suliranin sa lipunan, ay pinapakinabangan na ng kasalukuyan hindi lamang sa tahanan, kundi pati na rin sa mga malalawak na industriya at maging sa larangan ng pananaliksik na may kinalaman sa enerhiya.

Patok hanggang ngayon ang produktong ‘solar panels’ sa sandamakmak na mga larangan dulot ng mga bepenisyong nakukuha rito. Nagmula sa katawagang ‘solar’ o enerhiyang nalilikha ng araw, labis itong nakakatulong upang makatustos ng elektrisidad sa mas masinop na pamamaraan. Binubuo ang panel ng mga photovoltaic (PV) cells, kaya’t kinakailangan itong tamaan ng mga solar cells upang magwala ng electrons. Ang mga free-flowing electrons na ito ay tumatatag ng Direct Current na kuryente, hanggang sa ito ay palitan ng Alternating Current na siyang umpisa ng paggana.

Patuloy sa pag-aasikaso ang Pilipinas sa proyektong tinaguriang “world’s largest integrated solar and battery storage facility” sa mismong bansa. Ito ay sa ilalim ng pamamahala ng mga korporasyong SP New Energy Corporation (SPNEC), Terra Solar Philippines, Inc., at Meralco PowerGen Corp., at pinangalanang “Terra Solar”. Ang pagpapatayong isinagawa ay pinanguluhan ni President Bongbong Marcos upang matugunan ang labis na pangangailangan sa elektrisidad habang nagsisilbing tulay kontra Global Warming at Pagbabago ng Klima. Bukod sa makatulong ang mga solar panel inventions sa paglaban sa suliranin ukol sa climate change, ito rin ay may iba pang benepisyong naihatid sa katauhan gaya nalang ng pagbibigay trabaho sa

mga ito. Kasabay ng proyektong Terra Solar, kung saan ito ay may posibilidad na makapagbigay ng 10,000 job opportunities para sa mga manggagawang Pilipino.

4-bilyong dolyar na badyet na sumasakop sa 3,500 hektaryang lawak sa ibayong Nueva Ecija at Bulacan at may 4,500 megawatt-hour energy storage na bateryang nakapaloob ang inaasahang matatatag pagdating ng taong 2027. Wika pa ni Meralco

Chairman and Chief Executive officer Manny V. Pangilinan, “We will build, we will take action, and we will never stop daring.”

Ginawaran naman ng Department of Agriculture (DA) regional office sa Northern Mindanao ng tatlong pang-agrikulturang imprastraktura na nagkakahalaga ng humigit 12 milyong piso, at kasali rito ang Solar-Powered Irrigation System (SPIS) ang lokal na pamahalaan ng San Fernando, Bukidnon bilang solusyon sa mga magsasakang umaasa lamang sa malakas na pag-ulan para makaipon ng tubig na ipupundar sa irigasyon.

Mapapansin din ang pag-usbong ng inobasyong ito sa iba’t ibang aspeto ng lipunan. Marami nang solar lights sa mga lansangan, na nagagamit ang enerhiya mula sa araw. Sa mga pamilihan, lalo na online, nagiging patok din ang pagbebenta ng mga

produktong solar tulad ng ilaw na tumutulong sa pagtitipid ng kuryente. Sa ganitong paraan, nabibigyang halaga ang matinding sikat ng araw na dala ng global warming, sa halip na maging sanhi lamang ng suliranin.

Patunay ito na ang inobasyong solar energy ay samakatuwid nakakatulong sa iba’t ibang sektor, mula lokal na komunidad, sektor ng teknolohiya, industriya mapahanggang agrikultura.

Hinihimok rin ang mga kabataan at mga future inventors na magtuon ng pansin sa ng mga pag-aaral o research studies na may kaugnayan sa

Sa pamamagitan nito, magiging daan ang mga susunod na henerasyon upang unti-unting mapuksa ang mga suliranin sa global warming sa tulong ng kanilang angking talino at malikhaing ideya.

ni NURIEL GARCIA
ni KAIHANNE MANTICAHON | gawa ni TIMOTHY BERNIDO
ni CAITLIN GUILOT | gawa ni TIMOTHY BERNIDO

KORONANI CARDONA

7thGraderCardona,kinandadoang DistrictMeet8-ballsC’ships

SinungkitngBilliardsPlayer,KenGabriel“Kenken”Cardonaangkauna-unahangkampeonato saDistrictAthleticMeetBilliards8-ballsparasaGusaRegionalScienceHighSchool-Xmatapos patumbahinangkampeonsa9-balls,LapasanNationalHighSchool,Disyembre8.

Nagpakawalaang 13anyosnamanlalaro, Cardonasaelimination roundhanggang championshipgame ng8-ballsmatapos pinagwawalisangmga manlalarongLNHSat

angCapitolUniversity BasicEducation Department(CUBED)na patumbahinnanghindi narinpinalampassa GrandFinals,3-1.Mataposmabigoang2024SKInter BarangayChampion, KenCardonasaunang kategoryakontra LNHSsabisana3-2na

ISPORTS LATHALAIN

PINAGWAWALIS NI RIAREESE

Nasa dugo na ng Palarong Pambansa Representative ng Gusa Regional Science High School-X, Zoe Riareese Orcales ang namanang talento sa larangan ng Taekwondo.

Umani ng Gintong Medalya si Zoe Orcales sa Individual Kyorugi sa 2024 Regional Athletic Meet, Junior Welterweight upang masungkit ang pinapangarap na pwesto sa Palarong Pambansa. Maliban sa mga Atlethic Meet, kumandado pa si Zoe ng ginto sa 2023 Regional Intergym TKD Tournament, 2024 CPJ Open TKD C’ships, 8th at 9th MBC Cup International Open TKD C’ships.

Tatlong taong gulang palang si Zoe ay nagsimula na siyang nag ensayo dulot sa impluwensyang pinalaganap ng kanyang ama at coach na si Vincent Cecil Orcales.

“Since my father is the head coach of our gym, taekwondo was just a sport I played to continue our family legacy but through time I

gradually learned to love and enjoy my sport.”, pahayag ni Riareese.

Kahit sa murang edad pa nagsimula si Riareese, hindi ito maitatangi ang hirap na idinala ng kanyang mga pagsubok sa buhay, “For me training for a competition isn’t just physically draining, it also affects me mentally specially when my father/coaches starts bringing me down with critics, they think it’s helping me, but it actually affects me mentally.”

Isang gantimpala ang makapasok sa Nationals bilang isang atleta sa inyong paaralan, mahirap man ang pinagdaanan ni Riareese, ngunit ang sipag at tiyaga na kanyang ibinuhos ay ang nagdala sa kanya patungo sa pambansang entablado.

“I want to bring this schools name one again sa

palarong pambasa, but this I’ll try my very best to win gold. I dont just want to leave with a title but I want to inspire every athlete that they to can be the best at what they do if they put their heart, mind and body sa ilang training, and always focus sa good side, dont mind the people who try to bring you down, instead turn it into a motivation to prove them wrong.”, dagdag ng palarong pambansa player, Riareese Orcales.

Pinagpupursigi ni Zoe na makakamit pa ng mga medalya para maging inspirasyon sa susunod na mga atleta ng GRSHS-X, kahit sa kalakasan ng pinagdaanan siya’y patuloy na nagsusumikap para sa kinabukasang mga manlalaro.

ISPORTS EKSPRES

LABAN NI DALAGAN

Dalagan, nagreyna sa Women’s Chess, aarangkada sa Division meet ni ALLYZA SABELLINA

Aariba sa Division Meet ang Gusa Regional Science High School - X Chess Player na si Lara Dalagan matapos magkampeon sa naganap na Women’s Chess District Meet noong ika-9 ng Disyembre, 2024 sa Gusa Elementary School.

Silyado na ni Dalagan ang kanyang pwesto makaraang makamit ang imakuladang tagumpay sa loob ng pangkalahatang anim na rounds kontra ang kanyang mga katunggali kabilang ang East Gusa National High School, Capitol University Basic Education, Lapasan National High School at University of Science and Technology sa kanilang 10|5 rapid match.

“I have lots of techniques that I use (in order to win), but the one I use the most is “predicting moves,” where I would predict my opponent’s next move. Though it’s hard predicting what’s their next move, it’s quite satisfying if your predictions are right off the bat,” saad ni Lara sa kanyang matagumpay na laro.

Samantala, kumana rin ng tanso ang kapwa chess girl player na si Alyana Jhoy Gaid, habang kapareho namang nalugmok sa ika-apat na pwesto sina Henessy P. Ringel at Gabrielle Timothy Ladica sa Men’s Chess District Meet.

PAGHAHANDA PARA SA DIVISION MEET Kasalukuyan nang pinaghahandaan ni Dalagan ang papalapit na Division meet na gaganapin mula Pebrero 15 hanggang 17 ngayong taon kung saan nagbahagi siya ng kanyang mga hamon, lalo na sa mahigpit at abalang iskedyul ng kanyang mga akademikong gawain.

“Proper training is impossible, given that I’m busy with my acads so I do a simple training where I can balance out my acads and chess. Firstly, I jog in the morning for 10-15 mins for air. Then, some chess puzzles. After that, I’ll open my book and review some chess openings and endgames,” giit ni Lara. Sa ngayon, patuloy na pinagsisikapan ni Dalagan na pagsabayin ang kanyang paghahanda para sa Division meet habang hinaharap ang mga hamon ng kanyang mga akademikong responsibilidad.

Tomo XXXII • Bilang I • Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Gusa Regional Science High School - X • Dibisyon ng Cagayan de Oro • Rehiyon X • Nobyembre 2024-Prebrero 2025
ni YSHMAEL MICLAT
TINAMAANG TAGUMPAY. Sinelyuhan ni Ken Gabriel Cardona ang kampeonato sa antas ng distrito sa isinagawang 9 ball pool na kompetisyon noong Disyembre 8. kuha ni KRISTINE SUAREZ

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.