![](https://assets.isu.pub/document-structure/230517070509-a857b1f65170f71f244be2227bfa3e45/v1/1fcf6b9de27457707ca28e8a20c55880.jpeg?width=720&quality=85%2C50)
5 minute read
Isang Pag-alala sa New Bataan 5 at Laban ng mga Katutubo
community health worker, at sina Robert Aragon at Tirso Añar na mga community volunteers mula sa kanilang field research sa New Bataan. Nabalitaan na lamang ang kanilang pagkamatay noong ika-25 ng Pebrero mula sa ni-release na statement ng 10th Infantry Division, Philippine Army topsy findings ng tanyag na forensic pathologist sa bansa na si Dr. Raquel Fortun, nakita ang mga gunshot wounds, internal hemorrhages at bali sa tadyang, thoracic vertebrae, at hiwa sa spinal cord. Ipinahayag din ni Fortun na sa sobrang lala ng mga sugat na natamo ni Booc, malabo na nagsasabing ang lima ay nasangkot sa isang engkwentro at inakusahan silang miyembro ng kilalang makakaliwang grupo na New People’s Army (NPA). Ngunit mula sa mga pahayag ng mga lokal na residente, taliwas ito sa tunay na nangyari at walang naganap na engkwentro gaya ng iginigiit na pahayag ng militar.
Higit pa sa pagkamit ng matataas na marka ang pagpapalalim ng pag-unawa sa lipunan sa pamamagitan ng pakikipamuhay sa masa.
Mula naman sa paunang forensic au- itong makaligtas kahit pa agarang mabigyan ng atensyong medikal.
Ang pahayag mula sa mga residente at ang natuklasan sa autopsy report ay nangangahulugan na ang paratang sa limang sibilyano ay malayo sa katotohanan na pilit ikinukubli ng armadong hukbo. Marahil ay isa na naman sila sa mga buhay na pilit pinapatahimik ng mga makapangyarihang naluklok sa puwesto. Isang taon mula noong kanilang kawalang dangal na pagpanaw, patuloy ang pagbigay tinig para sa hustisya ng kanilang pagkamatay at para sa mga katutubong Lumad.
Pagpapasara ng Lumad Schools at Pagsupil sa mga IP
Kabilang si Booc sa mga volunteer teachers para sa Save our Schools (SOS), isang network ng mga organisasyong naglalayong ipaglaban ang mga karapatang pang-edukasyon ng mga mag-aaral. Bukod pa rito, kilala rin si Booc bilang matapang na aktibistang naghahayag ng saloobin sa militarisasyon at pagpapasara ng mga Lumad schools sa bansa, at pakikibaka laban sa pasismo ng nakaraang administrasyong Duterte.
Ang pagpatay kina Booc ay isa lamang sa mga halimbawa ng pagkalas at paglabag sa karapatan ng mga IPs sa bansa, partikular dito ang pilit na pinapatahimik na mga Lumad groups sa Mindanao na sinasabing parte ng anti-insurgency campaign ni dating pangulong Duterte. Tinatayang nasa 500 kaso ang marahas na pag-atake sa mga Lumad groups noong 2017-2019 at 55 naman ang kanilang mga paaralang ipinasara ng Department of Education (DepEd) noong Oktubre 2019. Ang karahasan at pang-aabuso sa mga Lumad ay ikinukubli sa paratang na ang kanilang komunidad ay breeding grounds ng mga komunistang rebelde ng NPA— ang armadong sektor ng Communist Party of the Philippines (CPP). Samantalang malinaw na makikitang ang mga Lumad groups ay naiipit sa armadong tunggalian ng gobyerno at ng CPP-NPA.
Sa bagong administrasyong Marcos, si bise-presidente Sara Duterte, na siya ring kalihim ng DepEd, at ang House of Representative Makabayan bloc ay nagpalitan ng mga pahayag tungkol sa pagpapasara ng mga Lumad schools. Katulad ng mga paaralang pagmamay-ari ng Salugpongan
Ta’Tanu Igkanogon Community Learning center, ani Duterte ito raw ay “illegally operating” at “were not serving the interest of the learners”. Sinalungat naman ito ng House of Representative Makabayan bloc sa pagsasabing binigyang awtoridad ng DepEd ang mga paaralan at ang pagpasok ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ay isang malaking balakid sa karapatang pang-edukasyon ng mga mag-aaral na Lumad.
Hindi maikakaila na ang mga pahayag ng mga nasa gobyerno ay isang malaking propaganda upang itago ang katotohanan. Ang pilit na pagpapaalis at paggamit ng dahas sa mga katutubong Lumad ay para sa pagkamkam ng kanilang mga katutubong lupain dahil sa likas nitong mga kayamanan katulad ng ginto, tanso, at nikel na balak buksan para sa mga logging at mining investors.
Komersyalisasyon at Negosyo
Isa rin sa mga naging matunog na isyu tungkol sa mga katutubo ay ang pagpapatayo ng Kaliwa Dam sa gitna ng bulubundukin ng Sierra Madre sa bahagi ng Quezon province. Ang naturang proyekto ay maglulubog sa kagubatan at lupang ninuno ng mga katutubo. Ito rin ay magdudulot ng mas maraming pagbaha sa mga mabababang lupain na siyang makakaapekto hindi lamang sa mga kalapit lugar nito kundi maging sa ibang malapit na probinsya at lungsod. Ito rin ay magreresulta pa sa pagkaranas ng tagtuyot sa mga kanayunan at sisira sa mismong kabuhayan nila.
Ang proyektong ito ng Metro Manila Waterworks and Sewage System (MWSS), ay pinaniniwalaang isang solusyon sa kakulangan ng tubig sa Metro Manila. Ngunit, ipinunto naman ng environmental and conservation group na STOP Kaliwa Dam Network na ang paglutas sa krisis sa tubig sa Metro Manila ay hindi dapat magdulot ng panganib sa mga lokal na residente na umaasa sa Kaliwa River at Kaliwa Watershed Forest Reserve, bagkus ito dapat ay maging daan upang magkaroon ang lahat ng malinis na tubig, pagkain, kabuhayan, at proteksyon mula sa masasamang epekto ng klima.
Ito ay isang manipestasyon na hindi tunay na makamasa ang intensyon ng ating gobyerno mula sa mga polisiyang nais nilang pairalin. Ang pagpapaalis sa mga katutubo sa kanilang mga lupang ninuno ay magpapatuloy lamang hangga’t ang habol ng gobyerno ay negosyo at kita mula sa mga proyektong nais nilang ipatayo rito at hindi upang mapabuti ang buhay sa kanayunan.
Tugon ng mga Aktibista
Dahil sa patuloy na paglala ng mga isyung sumasaklaw sa interes ng ating mga katutubo at ang naganap na pagpaslang sa New Bataan 5, umani ito ng samu’t saring pagkilos mula sa iba’t ibang progresibong grupo at mga organisasyon.
Bilang pag-alala sa isang taong anibersaryo sa kanilang kabayanihan, nagsaga- wa ng kilos-protesta ang mga indigenous people advocate mula sa iba’t ibang sek tor ng pambansang minorya, Save Our Schools Network, at mga mag-aaral at guro mula sa UP Diliman. Patuloy pa rin ang panawagan nila para sa hustisya at idiniin na ang nangyari ay hindi engkwen to kundi isang masaker.
Dagdag pa rito, kamakailan lamang ay nag-organisa ang Kabataan para sa Tri bung Pilipino o UP Manila Katribu Youth ng isang pagkilala para sa New Bataan 5 sa pamamagitan ng panonood ng doku mentaryo at diskurso mula sa iba’t ibang lider at organisador ng mga Lumad. Sila ay nag-imbita ng mga kapwa estudyante at iba pa mula sa komunidad ng mga lumad. Anila, sa mga pagtitipon na katu lad nito, patuloy nilang maitataas ang mga panawagan ng mga lumad at iba pang katutubo na pangunahing pumapatung kol sa pagtatanggol ng kanilang lupang ninuno, pagpapatigil sa pagsalakay sa pag-unlad o development aggression, pagpapatigil ng Kaliwa Dam at pagkun dena sa pagpatay sa mga katutubo at mga sibilyang tumutulong sa kanila. Ang tunay na kailangan ng mga katutubo ay makabayan, siyentipiko, at makamasang edukasyon bilang pinakamataas na uri ng pakikibaka at pagtatanggol sa karapatan sa lupang ninuno at sariling pagpapasya.
Ngunit sa kabila ng mga aksyong ito, tila hindi naman nakikinig ang estado. Patuloy pa rin ang paglabag nila sa sarili nating batas katulad ng RA 8371 o Indigenous Peoples Rights Act 1997. Sa ilalim ng batas na ito, kinikilala at itinataguyod dapat ng estado ang karapatan, pangangailangan, at kultural na kapakanan ng mga katutubo. Pantay rin dapat nilang tinatamasa ang buong sukat ng mga karapatang pantao at kalayaan nang walang pagtatangi o diskriminasyon. Sa kasalukuyan, ang lahat ng ito ay taliwas sa ginagawa ng ating gobyerno.
Ang pagpaslang sa New Bataan 5 at panunupil ng estado sa ating mga katutubo ay isa lamang repleksyon ng mababa nilang pagtingin sa mga ito. Lantad din nilang ipinapakita na higit sa karapatang pantao at ikabubuti ng ating mga kababayan, ang negosyo at sariling interes lamang ng mga makapangyarihan ang pinapahalagahan. Nawa’y ang mga pagpaslang, pag-atake, at iba pang mga insidente na lumalabag sa karapatang-pantao ay matigil na at makamit na rin ang hustiya. Dagdag pa rito, sana ay makamit natin ang isang makabayan at makamasang estado at pamumuhay bilang mga Pilipino.
Wika nga ni Chad Booc, “Higit pa sa pagkamit ng matataas na marka ang pagpapalalim ng pag-unawa sa lipunan sa pamamagitan ng pakikipamuhay sa masa.”
Tunay ngang nagampanan ni Booc, kasama ang iba pang kasapi ng New Bataan 5, ang kanilang tungkulin at sila’y nabuhay habang tinutupad ang kanilang adhikain para sa katutubo at kanilang komunidad. Muli, isang mataas na pagpupugay para sa mga bayani ng ating bayan na patuloy na inaalay ang kanilang buhay upang tuparin ang kanilang serbisyo para sa kapwa. Sila ay hindi mga terorista, kundi matatapang na tumitindig para sa pambansang minorya. Ang panawagan para sa kanilang hustisya at ilan pang biktima ng estado, at ang kanilang nasimulang adbokasiya ay magpapatuloy at hindi kailanman makakalimutan.