![](https://static.isu.pub/fe/default-story-images/news.jpg?width=720&quality=85%2C50)
3 minute read
LiyahAubrieatAndreanaFlores
na puksain ang mga pagtitipon na ito.
Ika nga ni Michelle Bachelet noong 2020, ang High Commissioner ng Karapatang Pantao ng United Nations (UN), "some governments are using it [the pandemic] to shrink... even more... the civic space and the possibility of civil society to express … they are also threatening journalists and diminishing the freedom of press and that is unacceptable.”
Sa Pilipinas pa lamang, inutusan ng dating Pangulong Rodrigo Duterte ang sandatahang lakas na barilin ang sinumang indibidwal na lalabag sa mga quarantine protocols na itinatag noong patuloy na kumakalat ang virus sa buong bansa. Sa isang pambansang telebisyon, hayagang idineklara ni Duterte, “My orders are sa pulis, pati military, pati mga barangay, na pagka-ginulo at nagkaroon ng okasyon na lumaban at ang buhay ninyo ay nalagay sa alanganin, shoot them dead!” Ang pahayag na ito ay dumating ilang oras matapos magsagawa ng demonstrasyon ang mga residente ng isang barangay mula sa Quezon City para humingi ng tulong sa kumakalam nilang sikmura.
Sa isang bansa kung saan madalas ipinapataw ang mga nakakabahala na babala laban sa mga taong pinaghihinalaan na gumagamit ng droga, ang ulat ni Duterte ay talagang kapanipaniwala, kaya ito ay nagtagumpay sa paghimok sa maraming indibidwal na manatili sa kaligtasan ng kanilang tahanan.
Noong 2021, isang ulat mula sa Human Rights Watch—isang non-government organization na nagtataguyod para sa karapatang pantao—nagsabi na hindi bababa sa 83 bansa sa buong mundo ang gumamit ng pandemya upang bigyang-katwiran ang paghihigpit sa kalayaan ng mga mamamayan sa pagsasalita at mapayapang pagpupulong. Sa parehong taon, ipinahayag ni Antonio Guterres, ang pangkalahatang kalihim ng UN, na mayroong "pandemic of human rights abuses" na masasaksihan sa buong mundo.
Malinaw na makikita na hindi la- mang ang Pilipinas ang bansang gumagamit ng sandatahang lakas para sa pagbusal ng mga sibilyan.
Sa gitna ng pandemya, inutusan ng Punong Ministro ng Hungary na si Viktor Orban ang awtoridad na pamunuan ang kanilang buong bansa nang walang itinakdang petsa ng katapusan, at ginamit niya ang awtoridad na ito para magpataw ng mga paghihigpit sa mga pahayagan. Sa Egypt, hinuli ng mga armadong pwersa ang isang mamamahayag dahil sa pagsisiyasat nito sa kung gaano ka-lehitimo ang mga ulat ng gobyerno tungkol sa COVID-19. Sa India, higit sa 50 mamamahayag ang naiulat na hinuli dahil sa pagsulat tungkol sa kakulangan ng administrasyon sa pagtugon sa pandemya. Noong National Day ng China, pinigil ng mga pwersang panseguridad sa Hong Kong ang dose-dosenang indibidwal at ipinagbawal ang protesta dahil umano sa mga regulasyon na kaugnay sa COVID-19.
Inusig ng gobyerno sa iba’t ibang panig ng mundo ang mga tao sa pamamagitan ng paggamit ng banta sa kalusugan na dala ng pandemya bilang kanilang katwiran.
Sa panahon ng pandemya, ang pisikal na distansya sa pagitan ng mga tao ay patuloy na lumalaki, habang tila’y nawawalan na ng espasyo para sa mga protesta at demonstrasyon. Inilapat ang mga paghihigpit sa karapatan at kalayaan ng mga mamamayan. Tila tayo ay mga papet na kinokontrol ng gobyerno para sa kanilang pansariling interes.
Itinataas nito ang tanong: para ba ta- laga sa kalusugan ng publiko ang ipinataw na paghihigpit noong pandemya o ito ba ay itinakda upang gamitin sa pagpapatahimik ng publiko?
Kaya, patuloy tayong kumawala at putulin ang mga tali na ninanais tayong pakilusin na naaayon sa kanilang kagustuhan.
HINDI MANANATILING NAKATALI
Gayunpaman, sa kabila ng mga hamon na kinakaharap ng mga mamamayan, ang Armed Conflict Location and Event Data Project (ACLED), isang manunuri ng mga datos ukol sa pampulitikang karahasan at protesta, inulat na ang mga demonstrasyon ay tumaas ng pitong porsyento noong 2020 kumpara sa nakaraang taon. Ang datos na ito ay nagpapakita na sa kabila ng pang-araw-araw na karahasan na kinakaharap ng masa sa pakikipaglaban para sa kanilang mga pangunahing karapatan, lumalakas lamang ang kanilang mga boses at magpupumiglas sa mala-papet na pag-kontrol ng pamahalaan. Ang pagpapakita ng malasakit kuno ng mga awtoridad sa mga mamamayan ay isang sakit na mas malala pa sa COVID-19. Ngayon, mayroon ng paraan upang ang dami ng may sakit ng COVID-19 ay mapigilan, ngunit sa pagdaan ng mga panahon, ang sakit ng gobyerno sa pagsusupil sa mga mamamayan ay mahirap pa rin makita at pigilan.
Ang walang-humpay na pagpiglas ay magdudulot sa atin ng tunay na diwa upang isigaw ang ating hinaing sa mga kalsada. Ang ating militanteng pakikibaka ay siyang magiging bakuna sa sakit ng gobyerno.