Ang Pahayagang Plaridel: A.Y.: 2017-2018: Mayo Isyu

Page 1

A N G PA H AYA G A N G

PLARIDEL

ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANG-MAG-AARAL NG PAMANTASANG DE LA SALLE

HUNYO 4, 2018

TOMO XXXIII BLG. 6 BAYAN

BUHAY AT KULTUR A

ISPORTS

Hakbang sa pagkapantay-pantay:

Sa likod ng usok at bala:

SOGIE BILL, TINUTULAK NANG MAIPASA SA SENADO

SIGAW NG MGA LUMAD PARA SA LUPANG PINAGSIBULAN

Pusong beterano, pusong panalo: PAPURI S A N ATATANGING G ALING NIN A DY, B ARON , AT M AC ANDILI

SINUNOG ng mga unyon at progresibong grupo ang effigy ni Pangulong Duterte na tinawag nilang “Dutertemonyo” habang iwinagayway ang kanilang mga bandila bilang paggunita sa Labor Day, Mayo 1 sa Mendiola Peace Arch. Pagbabago ang sigaw nila para sa mga manggagawang biktima ng ENDO, mababang minimum wage, at iba pa. | Kuha ni Arah Josmin Reguyal

PAGTANAW SA POLISYA UKOL SA PANANAMIT:

Dress code policy, kinakailangan nga ba? ROBERT JAO DIOKNO

B I N AT I K O S n g m a r a m i n g Lasalyano at social media users ang isang Facebook post na inilibas ng University Student Government (USG) na naglalaman ng mga paalala

tungkol sa dress code policy sa Pamantasan na dapat sundin ng mga dadalo sa UN Women Safe Cities Battle of the Bands. Mabilis na kumalat ang naturang post na ginawan din ng artikulo ng ilang kilalang media press sa internet.

Nagbunga rin ito sa pagkakabuo ng #StripTheDressCodeDLSU Movement na nais tuluyang buwagin ang dress code policy sa Pamantasan. Kaugnay nito, sinimulan ng USG, partikular ang Office

MATAPOS ANG ISANG TERMINO:

Epekto ng bagong Ubreak, siniyasat CAMILLE JOYCE BILLONES, ROBERT JAO DIOKNO, JOYCE ANN DANIELES, AT MIKHAIL PADILLA

IBALIK ang dating Ubreak – ito ang hinaing ng ilang Lasalyano ukol sa Ubreak na ipinatupad noong unang termino ng kasalukuyang akademikong taon. Kaugnay nito, isang assessment ang isasagawa ng University Student Government (USG) upang malaman kung nararapat bang ipagpatuloy ang naturang sistema. Matatandaang nagsagawa ng Ubreak Signature Campaign ang USG noong nakaraang taon upang iparating sa admin ang mariing pagtutol ng sektor ng estudyante sa pagpapalit ng Ubreak. Gayunpaman,

napagdesisyunan pa rin ng admin na ipatupad ang bagong Ubreak sa pagsisimula ng akademikong taon 2017-2018. Pu ls o n g L a s a l y a n o Sa isinagawang sarbey ng Ang Pahayagang Plaridel, lumalabas na maraming Lasalyano ang nais ibalik ang dating Ubreak dahil sa mga nararanasan nilang suliranin. Kaugnay nito, nangungunang problemang kanilang kinahaharap ang abalang dala ng matinding trapiko tuwing hapon at gabi ng Biyernes. Ayon kay Kin*, “Kapag umuwi kami tuwing Biyernes lalo na sa gabi, nagtatagal kami sa daan ng halos dalawang oras sa daan. Ito rin yung sa tingin kong araw na gumagala yung facebook.com/plaridel.dlsu

mga tao sa labas dahil walang t r a b a h o (s a i b a n g k o m p a n y a ) t u w i n g S a b a d o.” B u k o d d i t o, i n i h a y a g d i n ng mga estudyante sa sarbey na lubusang naapektuhan ng Ubreak ang takbo ng kanilang gawain at event sa kanilang m g a o r g a n i s a s y o n . “A n g h i r a p makakuha ng members para sumali ‘pag Monday kasi busy rin sila sa school work the next d a y. M a h i r a p d i n m a k a k u h a n g sponsors lalo na kasi Monday is the start of the week so hectic d a y d i n y u n p a r a s a k a n i l a ,” pagbabahagi ni Mira*. Ganito rin ang hinaing ni Carol* na nagsabing pumapasok pa sila ng Sabado para lang asikasuhin UBREAK >> p.3 plaridel.ph

of the President (OPRES) at Legislative Assembly (LA), ang ilang hakbang upang subukang rebisahin ang kasalukuyang b e r s y o n n g d r e s s c o d e p o l i c y. Sinubukang kunin ng Ang Pa h aya g a n g P l a r i d el a n g

panig ni Student Discipline Formation Office (SDFO) Director Michael Millanes hinggil sa usapin ngunit tumanggi siyang magbigay ng pahayag. DRESSCODE >> p.3

KAMPANYA LABAN SA CHILD MARRIAGE:

Dayrit, wagi sa UN Online Volunteer Voting ANDRE LEOPOLD NIDOY

M A T A G U M PAY n a n a n g u n a ang kampanya ng alumni na si Bianca Teodoro – Dayrit s a O n l i n e Vo l u n t e e r Vo t i n g n a i s i n a g a w a n g U n i t e d Na t i o n s Vo l u n t e e r i n g ( U N V ) , i s a n g taunang paligsahan na nais kilalanin ang mga online volunteer na may makabuluhang kontribusyon sa mga UNaccredited organization. Layon ng kampanya ni Teodoro na mabigyang-kapangyarihan at hustisya ang mga biktima ng child marriage sa No r t o n , Z i m b a b w e . Tumulong kay Dayrit sa kanyang kampanya ang

twitter.com/plaridel_dlsu

Thomson Reuters at mga katrabaho niya mula sa Amerika, UK, Gdynia, Costa Rica, Bangkok, South Africa, a t i b a p a n g b a n s a . Na g b i g a y tulong din sa pangangampanya ng kanyang adbokasiya ang Wo r l d K i n d n e s s M o v e m e n t . Pagpasok sa UNV Awards Ibinahagi ni Dayrit na a n g S i m u k a A f r i c a Yo u t h Association, isang Zimbabwean non-government organization na naging katuwang niya sa kampanya, ang nagpasa n g k a n y a n g p r o f i l e s a U N V. Ito umano ang naging tulay

issuu.com/app.dlsu

DAYRIT >> p.2


2

ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

PATNUGOT NG BALITA: Robert Jao Diokno LAYOUT ARTIST: Justine Klyne Ramirez

BALITA

MAYO 2018

PAGKILALA SA GALING NG LASALYANO:

Powerbank para sa home appliances,binigyangbuhay ni Angelo Casimiro

JOSEE’ YSABELLA ABRIOL

MULING UMUKIT ng pangalan sa bansa ang 3rd year BS Electronics and Communications Engineering (BS ECE) student na si Angelo Casimiro dahil sa kanyang inimbentong powerbank na kayang mag-supply ng kuryente sa iba’t ibang home appliance. Maliban sa TV, electric fan, at lampara, may kakayahan din itong magbigayenerhi ya sa ga mi n g l a p t o p s n a mabigat kumonsumo ng kuryente. Hindi gaya ng tipikal na powerbank, naglalabas ang kanyang imbensyon ng wall outlet voltage o 2 2 0 v. M a a a r i i t o n g i - c h a r g e gamit ang kahit anong AC o DC power source tulad ng saksakan, wind turbines, 12V car outlet maging solar panel. Inspirasyon at pagsubok Taong 2012 pa nang simulan ni Casimiro ang paggawa ng mas malaking bersyon ng wall outlet powerbank. Nag-ugat ang kanyang interes sa kagustuhang mapagana ang kanyang PS2 at PSP habang nasa biyahe. Pahayag niya, “Hindi pa uso ang powerbanks noong taong iyon, lalo na ang USB charger standards. Halos lahat ng gadgets ay nachacharge sa pamamagitan ng saksakan lamang.” Higit pa rito, naniniwala ang binata na pangunahing solusyon

ito para matulungan ang mga taong nangangailangan ng kuryente sa mga liblib na lugar ng Pilipinas. Bagamat napagtagumpayan n i y a a n g p r o y e k t o, h i n d i p u r o matatamis na karanasan ang bumalot sa kanyang paglalakbay.

“Ang pinakamalaking hamon sa aking paggawa ng proyektong ito ay ang pagpapaliit ng k a b u u h a n g l a k i ( f o r m - f a c t o r) n g p r o d u k t o,” p a g b a b a h a g i n g binata. Gayunpaman, nalagpasan ito ni Casimiro sa pamamagitan

ng 3D modeling at 3D printing na natutunan niya sa isa sa kanyang mga klase sa Pamantasan. Pagbuo ng pangalan Dati na ring kinilala si Casimiro dahil sa kanyang mga imbensyon

Dibuho ni Pavlo Aguilos KINILALA sa social media at news sites ang Lasalyano na si Angelo Casimiro para sa kanyang likhang Portable Outlet Powerbank na mayroong kapasidad na kargahan ang baterya ng ilang kagamitan sa bahay. | Kuha ni Kinlon Fan

gaya ng electricity-generating shoes at life-size BB-8. Tanyag d i n s i y a s a k a n y a n g Yo u t u b e channel, Techbuilder, na kanyang plataporma upang makapagturo ng mga imbensyong DIY. Apat na taong gulang pa lamang siya nang mahilig sa electronics dahil na rin sa kanyang lolo na isang inhinyero. Sampung taong gulang naman siya ng magsimulang magsulat at gumawa ng dokumentasyon ng kanyang mga proyekto. Isinali niya ang mga ito sa iba’t ibang patimpalak na nagpatibay ng kanyang pangalan sa industriya. Noong 2015, kinilala si Casimiro dahil sa pagiging kauna-unahang Pilipino na nagwagi sa International G o o g l e S c i e n c e F a i r. N a n a l o ang kanyang proyektong “insole generator” na inilalagay sa sapatos para makapag-charge ng smartphones. Naging viral ang naturang imbensyon matapos makilala sa local at international media sa buong mundo. Bagamat marami na siyang proyektong naisakatuparan, ibinahagi ni Casimiro na nakapagtatrabaho lamang siya kung mayroong sapat na oras. “Mahirap balansehin ang aking pag-iimbensyon sapagkat kailangan nito ng mahabang oras sa pagdodocument at pagdidisenyo. POWERBANK >> p.9

DAYRIT| Mula sa p.1 upang mapabilang ang kanyang kampanya sa 2017 UNV Awards. Matapos ang isinagawang d e l i b e r a s y o n n g U N V, napabilang ang kanyang adbokasiya sa limang napiling nanalo. Dagdag pa r i t o, n a s u n g k i t n g k a n i l a n g kampanya ang Public’s F a v o r i t e Aw a r d p a g k a t a p o s ng pampublikong botohan na i s i n a g a w a n g U N V. Inspirasyon sa likod ng kampanya Ibinahagi ni Dayrit na ang motibasyong alisin ang pwersahang child marriage sa mga kabataang babae sa No r t o n a n g k a n y a n g n a g i n g pangunahing inspirasyon. Paga a l a l a n i y a , “A n g i l a n s a k a n i l a ay halos ibenta na ng kanilang pamilya, walang kapasidad para suportahan ang kanilang sarili.” K a u g n a y n i t o, p i n a g - a r a l a n ni Dayrit ang kultura ng mga naninirahan sa Zimbabwe upang malaman ang mga kinakailangan upang maisagawa ang kanyang kampanya. Pagpapatuloy niya, “Kinailangan kong [manaliksik] nang maigi […]dahil iniiwasan kong maging politically i n c o r r e c t a n d i n s e n s i t i v e .” Bukod dito, inilahad

ni Dayrit na nakatulong din ang natutunan niyang L a s a l l i a n C o r e Va l u e s m u l a sa Pamantasan upang mabuo niya ang kanyang kampanya. Pagsasalaysay niya, “Laging nasa isip ko ang core values ng Pamantasan […] Dahil sa mga ito ay mas pinag-igting ko ang pagiging isang volunteer k o n t r a c h i l d m a r r i a g e .” Malaki rin ang pasasalamat ni Dayrit sa Pamantasan dahil sa oportunidad na ibinigay nito sa kanya, partikular ang maging boluntaryo noon sa B u r e a u o f Ja i l M a n a g e m e n t a n d P e n o l o g y. D i t o u m a n o niya nalaman ang pamamaraan ng pamumuhay ng mga nakakulong, maging ang kahalagahan ng konsepto ng n e w l e a s e o n l i f e . “A n g n e w lease on life ay tumatak sa isip ko mula noon, at noong nabigyan ako ng pagkakataon upang muling bigyan ng p a g - a s a a n g i b a n g t a o, a g a d ko itong tinanggap bilang m i s y o n ,” p a g s a s a a d n i y a . Pagpapatuloy sa nasimulan Kasabay ng pagsulong sa karapatan ng mga biktima ng child marriage, nais ni Dayrit na magsagawa ng iba

pang local at online project na maaaring makatulong sa kanyang adbokasiya. Kaakibat ng pagpapalawak ni Dayrit sa kanyang adbokasiya, nais umano niyang maging inspirasyon sa lahat na tumulong sa kapwa. Wika niya “Kahit sa social media ay maaari nating baguhin ang lipunan at makatulong sa paraang mas maginhawa p a r a s a l a h a t .” Sa panahon ng makabagong teknolohiya, hinihikayat ni Dayrit na gamitin ng mga tao ang social media upang gawin ang kanilang moral na obligasyong makatulong sa iba. Pagsasaad ni Dayrit, “Maraming pamamaraan ang maaaring gawin upang maibsan ang paghihirap n g k a h i t s i n o .” Iminungkahi rin in Dayrit na huwag sayangin ang mga pagkakataong makatulong sa kapwa at maging bukas ang isipan sa mga kritisismong maaaring matanggap. Pagtatapos niya, “Itatak lang natin sa ating isipang ito ay para sa ikabubuti ng nakararami, at ito ay galing s a i n y o n g m g a p u s o .”

KINILALA si Bianca Teodoro-Dayrit para sa kanyang kampanyang labanan ang Child Marriage sa Norton, Zimbabwe, sa isinagawang 2017 United Nations Online Volunteering. | Kuha ni Phoebe Danielle Joco

Kuha


3

BALITA

UBRE AK | Mula sa p.1 ang mga gawain o event sa kanilang organisasyon. D a g d a g p a r i t o, m a y m g a nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa 3-hour classes na dulot ng Ubreak. Pagbabahagi ni Steven Juat (114 – GCOE), “The 3 hour majors a r e n’ t c o n d u s i v e f o r s t u d y i n g , i t i s n’ t e f f i c i e n t . P e o p l e h a v e a tough time concentrating on o n e s u b j e c t f o r t h a t l o n g .” Sa kabilang banda, lamabas din sa sarbey ang ilan sa mga positibong epektong nakita ng ilang estudyante. Pagsasalaysay ni Kevin*, “Dahil sa Lunes na ang Ubreak, hindi napapasabay ang mga commuter sa rush hour sa uma ga . M a s gum a a n d i n a n g pakiramdam ng karamihan dahil sa Lunes na ang walang pasok, lalo na sa mga taong maraming i n a a s i k a s o t u w i n g L i n g g o.” Pahayag naman ni Renalyne Narval (115-CLA), “Isa sa naging magandang epekto ng pagpapatupad ng Ubreak ay ang pag-iwas sa class suspensions na dulot ng transport strike na nagaganap tuwing Lunes.” Ganito rin ang naging tugon ni Mandy*

na nagsabing mas nabawasan ang make-up classes nila nang ipatupad ang bagong Ubreak. Inilahad din ng ilang esudyante na napansin nilang bumaba ang bilang ng mga estudyanteng umiinom sa araw ng Huwebes. Ani Ken Concepcion (115-RVR-COB), “My sibling was a f r e q u e n t c o m e r t o H a p p y T, this way he drinks less, which is healthier, and I don't have to go t o t h e s e t h i n g s t o p i c k h i m u p, w h i c h i s s a f e r f o r m e a s w e l l .” Hakbang ng USG Para tugunan ang hinaing ng mga estudyante tungkol sa bagong Ubreak, inilahad ni USG President Mikee De Ve g a n a m a g s a s a g a w a s i l a ng assessment kasama ang admin upang alamin kung nararapat nga bang ituloy ang bagong Ubreak. I b i n a h a g i r i n n i D e Ve g a ang kanyang obserbasyon ukol sa epekto ng Ubreak sa mga organisasyong pangmagaaral. Aniya, “Karamihan ng mga negatibong epekto ng bagong Ubreak ang lagay ng

trapiko at ang pagdalo ng mga estudyante sa mga activity ng m g a s t u d e n t o r g a n i z a t i o n .” B u k o d p a r i t o, i s i n a l a y s a y ng USG President na may mga oportunidad na pinapalampas ang ilang estudyante dahil sa Ubreak. Paliwanag niya, “May iba ring mga oportunidad sa labas ng paaralan na kadalasan ay ginaganap sa Biyernes na hindi gaanong nilalahukan ng mga mag-aaral para hindi lumiban sa kanilang mga klase.” Sa huli, hinihikayat ni De Ve g a a n g m g a L a s a l y a n o n a makibalita at makilahok sa isasagawang assessment ng Ubreak sa social media accounts ng USG. Aniya, mahalaga umano ang assessment na ito upang malaman ng USG at admin kung papaano nakaapekto ang Ubreak sa sektor ng estudyante. “ Na g p a p a s a l a m a t k a m i s a m g a mag-aaral na tumulong sa petisyon noong unang termino at inaasahan naming ang ganitong lebel ng pakikilahok ng mga mag-aaral sa terminong ito m u l i ,” p a g t a t a p o s n i D e Ve g a . *Hindi tunay na pangalan.

Dibuho ni Ricka Valino

DRESS CODE | Mula sa p.1 Tindig ng USG Ibinahagi ni USG President Mikee De Vega na ang pag-iingat sa “educational character” ng Pamantasan ang pangunahing dahilan ng admin sa pagpapatupad ng dress code policy. Gayunpaman, naninindigan ang USG na napansin nilang madalas na magkaroon ng problema sa pagpapatupad ng kasalukuyang bersyon ng polisiyang ito. Pagpapatuloy ni De Vega, “Maaaring magkaroon ng dipagkakapantay-pantay sa probabilidad na magkaroon ng offense ang mga mag-aaral, sanhi ng pagkakaroon ng dress code policy.” Inihayag ni De Vega na patuloy ang USG sa pagkuha ng tindig ng pamayanang Lasalyano hinggil sa ipinatutupad na dress code policy sa Pamantasan. Kaugnay nito, sinimulan na umano nila ang inisyatibong rebisahin ang polisya sa pamamagitan ng proposed amendments na inilabas ng Legislative Assembly (LA) noong unang termino pa lamang. Pagsasaad niya, “Nais naming bawasan ang mga restriction ng Dress Code at bawasan ang mga parusang ibinibigay sa mga lumalabag dito.” Sa kabilang banda, inamin ni De Vega na matagal na proseso ang pagrerebisa ng dress code policy na maaaring abutin ng isang buong taon. Dagdag pa niya, kinakailangang dumaan sa Student Handbook Revisions Committee (SHRC) ang kanilang panukala upang masuri ito ng iba’t ibang sektor sa Pamantasan at matukoy kung nararapat itong ipatupad. Kaugnay nito, kinakailangan umano nila ng magandang argumento upang maging posible ang kanilang layunin na marebisa ang dress code policy. Ilan sa mga hakbang na ginawa ng USG ang pagsasagawa ng sarbey at konsultasyon upang malaman ang hinaing ng mga Lasalyano maging ang kanilang opinyon sa pagrerebisa ng dress code policy. Naging puspusan din umano ang pananaliksik ng LA at Office of the President (OPRES) upang pag-aralan ang mga argumentong nakalap kung makatutulong ito sa kanilang panukala.

a ni Kinlon Fan

Dahil dito, naging madalas umano ang pagdalo ni De Vega at ilang myembro ng LA sa mga pagpupulong ng SHRC upang tutukan ang estado ng mga rebisyong kanilang isinusulong, kabilang na ang pagbabago sa dress code policy. Bukod dito, inilahad ni De Vega ang kanilang pakikipag-ugnayan sa SDFO hinggil sa dress code policy. Pagsasalaysay niya, “Matagal na rin naming dinala sa kanila ang hinaing na maraming mga estudyante ang nasasabihan na dapat sumunod sa polisiya para maiwasan ang pambabastos at harassment.” Hindi rin umano dahil sa pambabastos ang dahilan ng pagpapatupad ng dress code policy, ayon sa SDFO. Dagdag pa rito, nangako umano ang SDFO na tututukan ang operasyon ng awtoridad sa Pamantasan upang hindi na muling maulit ang problemang ito ng ilang estudyante.

Opinyon ng mga Lasalyano Sa isinagawang sarbey ng Ang Pahayagang Plaridel, lumalabas na maraming estudyante ang hindi sang-ayon sa ipinatutupad na dress code policy sa kampus. Para kay Allison Macasaet (IV – AB-ISJ), hindi umano malinaw sa mga estudyante ang tunay na dahilan ng pagpapatupad nito. Dagdag pa niya, “[Nililimitahan] nito ang right for self-expression ng my estudyante […]. Hindi [rin] epektibo ang implementasyon nito […], at hindi well-researched ang dress code. Paano kung panahon ng [tag-init o tag-lamig]? [Ipagbabawal] ba ang pananamit na akma sa mga panahong ito?” Ganito rin ang naging opinyon ni Alex* na nagsabing, “If the issue is decency, why not trust the

students of this top university to know what’s right and wrong? One shouldn’t rule with punishment and restrictions, people will do what is right.” Sa kabilang banda, may ilang Lasalyano ring sang-ayon sa kasalukuyang dress code policy sa Pamantasan. Pagbabahagi ni Miguel*, kailangan ang dress code policy dahil isang pribadong pamantasan ang DLSU. Gayunpaman, naniniwala siyang may mga restriksyon sa naturang polisya na dapat baguhin upang maibigay sa mga estudyante ang hinihingi nilang “freedom of expression” sa pananamit. Sangayon din si Josephine* sa dress code policy dahil makatutulong umano ito na maipakita ng mga estudyante ang professionalism sa loob at labas ng Pamantasan.

PAGREBISA sa dress code policy at maayos na pagpapatupad nito - ito ang hiling ng pamayanang Lasalyano upang magkaroon sila ng mas malayang pagpapahayag ng kanilang sarili sa pananamit at mabawasan ang di-makatarungang panghuhuli sa mga estudyante. | Kuha ni Venizze Co

B u k o d d i t o, l u m a b a s d i n s a isinagawang sarbey na maraming estudyante ang nakaranas ng problema hinggil sa implementasyon ng naturang polisya. “I was wearing a dress, just exactly the length of my longest finger, a little bit more actually. I was carrying some books and wearing a sweater with a garter on the bottom so naturally, my dress rode up and looked shorter. I was pulled over and explained my situation but the DO refused to listen to me,” paglalahad ni Marie*. Pagsasalaysay naman ni Miko*, “Once, back in 2016 I was wearing UnderArmor shorts and a guard said 'playing/sports' shorts are not allowed. Since then I noticed a lot of students (esp. male) wearing 'playing/sports' shorts and I've worn my UnderArmor shorts to campus many times again without any issue.” Dapat nga bang tanggalin? Sa resulta ng sarbey, nais ng maraming Lasalyano na rebisahin ang naturang polisya sa paraang nakuha ang pagsang-ayon ng sektor ng mga estudyante. Suhestiyon ni Macasaet, “Kailangan muli [itong] (dress code policy) pag-aaralan. Sana ay may forum tungkol dito para masagot ang mga katanungan at magkaroon ng magandang diskurso tungkol dito.” Hiniling naman ni Bernadette* na maging patas ang mga gwardyang naninita ng mga estudyante. Lubos ang pasasalamat ni De Vega sa pakikilahok ng pamayanang Lasalyano sa diskusyon hinggil sa dress code policy. Nangako rin siyang patuloy na tututukan n g U S G a n g p o l i s i y a n g i t o. Gayunpaman, hinihiling din niyang makiisa ang mga Lasalyano sa iba pang polisyang mayroon sa Pamantasan. Pagtatapos niya, “[Nawa’y] ang lebel ng diskursong ating ibinibigay sa Dress Code ay atin ding dalhin sa iba pang mga polisiya ng DLSU” *Hindi tunay na pangalan


4

LAYOUT ARTIST: Justine Klyne Ramirez

ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

OPINYON

MAYO 2018

Buhay pa ba ang demokrasya ng bansa? Mistula malagim na pangyayari sa kasaysayan ng bansa ang pagpapatalsik sa puwesto kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa botong 8-6 sa quo warranto petition na isinampa laban sa kanya. Nag-ugat ang Supreme Court Ruling sa hindi umano pagdeklara ni Sereno ng kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth sa loob ng 17 taon. Umani ng negatibong reaksyon mula sa mga Pilipino ang naging desisyon dahil maituturing umano itong “unconstitutional”. Kung gagawing batayan ang Konstitusyon, tanging impeachment lamang ang makapagpapatalsik sa chief justice. Hinaing nila, Korte Suprema na ang mismong pumatay sa naghihingalong Konstitusyon ng bansa dahil sa paglabag nila rito. Kaisa ng mga Pilipino ang Ang Pa h a y a g a n g P l a r i d e l s a pagluluksa sa pagpapatalsik kay Chief Justice Sereno nang walang naaayong batayan. Naniniwala kaming pilit at hindi makatarungan ang ginawang desisyon, at may bahid ito ng pamumulitika. Bunsod nito, dapat suriing muli ng Korte Suprema ang naging desisyon at pairalin ang nakasaad sa batas. Kung susuriin, maraming implikasyon sa paraan ng pagpapatakbo sa bansa ang ginawang pagpapatalsik kay Sereno. Umiikot ang pangyayari

sa mala-diktaduryang paraan ng pumumuno ni Pangulong Duterte gayong mistula kontrolado na niya ang tatlong sangay ng gobyerno. Sa madaling sabi, inilalagay na niya ang kanyang sarili sa ibabaw ng batas para manaig ang personal na kagustuhan. Tunay itong kagimbal-gimbal dahil maituturing na paniniil ang ganitong uri ng pamamalakad sa bansa. Na k a t a t a k o t d i n g i s i p i n n a napakadaling maimpluwensyahan ng politika ang maituturing na pinakamataas na korte sa bansa. Hinati sa tatlo ang mga sangay ng gobyerno dahil mayroong gampanin at sariling utak ang bawat isa. Gayunpaman, mistula nawawala ang saysay ng pagkakahating ito dulot ng kapangyarihan ng ilang namumuno. Kung magpapatuloy ang ganitong sistema, marahil darating ang araw na hindi na magtitiwala ang mga Pilipino sa batas at mga kinauukulang dapat nangunguna sa pagprotekta sa kanila. Kung hindi nabibigyang-hustisya ang malalaking pangalan, paano pa kaya ang mga Pilipino na lugmok sa kahirapan? Sa patuloy na pananaig ng mga nabanggit, huwag na tayong magtaka pa kung maramdaman nating mistula preso tayo sa isang bansang pinatatakbo ng mga buwaya. Kung ganito rin, masasabing patay na ang demokrasya ng lupaing atin.

Wakasan ang kalungkutan, kabataan! ANG PAHAYAGANG

PLARIDEL M A H I R A P M A G B I N G I - B I N G I H A N S A K AT O T O H A N A N . M A H I R A P M A G S U L AT N G U N I T K I N A K A I L A N G A N .

LUPONG PATNUGUTAN PUNONG PATNUGOT PANGALAWANG PATNUGOT TAGAPAMAHALANG PATNUGOT PATNUGOT NG BALITA PATNUGOT NG ISPORTS PATNUGOT NG BAYAN PATNUGOT NG BUHAY AT KULTURA PATNUGOT NG RETRATO PATNUGOT NG SINING -OIC TAGAPAMAHALA NG OPISINA AT SIRKULASYON

Josee' Ysabella Abriol Jhuneth Dominguez Jaymee Lou Abedania Robert Jao Diokno Justine Earl Taboso Samirah Janine Tamayo Ezekiel Enric Andres Arah Josmin Reguyal Justine Klyne Ramirez Fhery Ahn Adajar

BALITA Juan Miguel Canja, Joyce Ann Danieles, Alyssa Gervacio, Andre Nidoy ISPORTS Christen Delos Santos, Mark Guillermo, Miguel Paredes Leonardo, Lee Diongzon Martinez, Alexander Isaiah Mendoza, Jea Rhycar Molina, Zyra Joy Parafina, Raezel Louise Velayo BAYAN Raphael Antonio Amparo, Roselle Dumada-ug, Luis Bienvenido Foronda, Chriselle Leanne Gonzaga, Nicolle Bien Madrid, Claremont Mercado, Jeanne Veronica Tan BUHAY AT KULTURA Claire Ann Alfajardo, Nia Marie Cervantes, Janine Espiritu, Kimberly Joyce Manalang, John Emer Patacsil, Roselle Sacorum, Donnelle Santos, Aireen Sebastian, Rexielyn Tan RETRATO Justin Ray Aliman, Judely Ann Cabador, Juan Paulo Carlos, Ludivie Faith Dagmil, Kinlon Fan, Jeld Gregor Manalo, Vina Camela Mendoza SINING Hershey Aguilar, Pavlo Aguilos, Donita Baltazar, Patricia Cometa, Angelo Edora, Jerry Pornelos, Leon John Reyes, Patricia Sy, Jeremiah Teope, Elena Salazar, Ricka Valino SENYOR NA KASAPI Nesreen Adrada, Aramina Batiquin, Mikhail Padilla, Danica Santos, Syyidah Shah SENYOR NA PATNUGOT Michelle Dianne Arellano, Lalaine Reyes Tagapayo: Dr. Dolores Taylan Direktor, Student Media Office: David Leaño Sekretarya, Student Media Office: Ma. Manuela Soriano-Agdeppa Para sa anomang komento o katanungan ukol sa mga isyung inilathala, magpadala lamang na liham sa 5F Br. Gabriel Connon Hall, Pamantasang De La Salle o sa APP@ dlsu.edu.ph. Walang bahagi ng publikasyong ito ang maaring mailathala o gamitin sa anomang paraan nang walang pahintulot ng Lupong Patnugutan.

"Tunay na nakatutuwang balikan ang pagiging inosente ng isang bata. " HAMPAS SA PUWET – ito ang isa sa mga dahilan ng ating pag-iyak sa pagtungtong sa mundong ating ginagalawan. Ipinanganak tayong umiiyak nang mayroong dalang luha sa ating mga mata ngunit sukli nito ang ligaya para sa ating mga magulang. Mabilis na lumilipas ang oras at sadyang mahirap kalimutan ang ating mga pinagdaanan sa ating kabataan. Malaking parte sa ating buhay bilang Pilipino ang iba-ibang karanasang dala ng ating pagkabata. Pambihira ang ating mga karanasan sa mga kinagisnang laro kasama ang ating mga kapatid, kaibigan, maging ang ating mga kapitbahay. Tunay na mahirap kalimutan ng karamihan sa mga batang Pilipino ang mga karanasang ito. Hindi matatawarang ligaya at ngiti ang kapalit ng bawat sugat na ating nakuha mula sa mga kalyeng laro tulad ng agawan-base, piko, sipa, at marami pang iba. Sadyang mabilis hilumin ang mga galos na ating natatamo at hindi tayo nagdadalawang-isip na muling tumayo at tumaya sa panibagong

pagkakataong nakahain sa ating pagbangon. Tunay na nakatutuwang balikan ang pagiging inosente ng isang bata. Sa paglipas ng panahon, maraming pagbabago ang pinagdadaanan ng isang indibidwal at hindi maiiwasan na magtaingang kawali sa mga suliraning natural na dumadating. Madalas na inihahalintulad ang buhay sa simpleng laro tulad ng takbuhan. Kumakatawan ang mga problema sa mga hindi maiiwasang pagkasalubsob natin at ang mga sugat bilang bakas at palatandaan sa ating mga pinagdaanan. Maaaring maghilom ang mga ito ngunit mayroong matitirang bakas sa ating pisikal at mental na kaisipan. Sa kasalukuyan, nagkalat ang maraming kabataang nabiktima ng depresyon buhat ng patong-patong na problemang hinaharap nila nang mag-isa. Marami akong kilalang nakararanas ng depresyon. Sa katunayan, lubha akong nagulat sa mga ibinahagi nilang karanasan. Isa akong masiyahing nilalang ngunit malambot ang aking puso sa mga taong mayroong malungkot na

ANG

DAKILANG

LAYUNIN

pinagdadaanan. Matapos kong marinig ang kanilang mga kuwento, napagtanto kong sarili natin ang mas mahirap kalabanin. Nakasasama ang pag-iisip nang labis lalo pa ang pag-aakala na mag-isa lamang sa paggawa ng solusyon ng anomang problema. Nakaliligtaan na mayroong mga tao, tulad ng ating pamilya at kaibigan, na handang makinig at tumulong sa ano pa man. Mas nakalulungkot pa rito, mayroon na rin akong kaibigang sariling pumutol ng kanyang buhay buhat pa rin ng depresyon. Kahabag-habag ang naging istorya niya at mabigat isiping humahantong sa kamatayan ang depresyon. Isa itong seryosong isyu na dapat alam natin. Sa pamamagitan ng kamalayan ukol dito, mas madaling malalabanan at matutugunan ang suliraning kaakibat nito. Bilang kaibigan, kagaya noong ating kabataan, nariyan tayo bilang kakampi ng ating mga kalaro. Tiyak na mayroon tayong mga indibidwal na haharapin at dadaanan. Gayunpaman, dapat nating alalahanin na bagaman kadalasan, kinakaya ng ating mga kalaro ang tumayo sa sarili nilang mga paa, kailangan pa rin nila tayo upang maging kaagapay nila. Kadalasan, magsasarili tayong bumangon bilang patunay na malakas at kaya pa natin. Sa kabila nito, darating ang panahon na kakailanganin natin ang tulong ng iba upang tumayo sa ating pagkakasubsob at pagkakagalos. Kapag dumating ang panahong ito, marapat na alam at naipaalala natin sa ating mga kalaro o kaibigan na handa tayong makinig at tumulong upang muli silang makatayo. Minsan, mas nakabubuting ibalik natin ang pagiging inosente noong bata pa tayo at alalahanin na mayroong bagong oportunidad sa ating bawat pagtayo.

Ang Ang Pahayagang Plaridel ay naglalayong itaas ang antas ng kamalayan ng mga Lasalyano sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga usaping pangkampus at panlipunan. Naniniwala itong may konsensya at mapanuring pag-iisip ang mga Lasalyano, kinakailangan lamang na mailantad sa kanila ang katotohanan. Inaasahan ng Plaridel na makatutulong ito sa unti-unting pagpapalaya ng kaisipan ng mga mag-aaral tungo sa pagiging isang mapagmalasakit na mamamayan. Sa pamamagitan ng paggamit ng sariling wika, nananalig ang Plaridel na maikintal sa puso at isipan ng mga Lasalyano ang tunay na diwa ng pagiging Pilipino.


5

OPINYON

Halalan patungo sa kaunlaran Iboto natin ang nararapat sa puwesto; hindi dahil maganda, guwapo, mayaman, o sikat sila, kundi dahil may kakayahan silang paunlarin ang lipunan. Matagumpay na naisagawa ang halalan ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) matapos ang dalawang taong pagsuspinde nito. Sa kadahilanan ng pagiging sangkot ng mga opisyal sa droga at korupsyon, isinabatas ng Kongreso at ni Pangulong Duterte ang Republic Act No. 10923 na nagpapahinto ng eleksyon ng mga opisyal mula Oktubre 31, 2016 hanggang Oktubre 23, 2017. Gayunpaman, kapansin-pansing may bahid pa rin ang eleksyon ng mga hindi kanais-nais na mga pangyayari tulad ng patayan. Nakikita rito ang mga taong sakim sa kapangyarihan at gagawin ang lahat para lang makamit ang posisyon. Buhat nito, ano nga ba ang kaya natin gawin bilang botante upang maprotektahan ang lipunan sa mga tiwaling taong ito? Sa mga nagdaang linggo ng pangangampanya, muli kong nasilayan ang iba’t ibang pakulo ng mga kanditato, mula sa maiingay na jingle, malalalim na slogan, iba’t ibang disenyong poster sa kalsada at social media, at iba pa. Naniniwala

akong mas mainam pang gumawa na lang programa na kikilitisin ng mga botante ang mga kandidato hinggil sa mga problemang kinahaharap ng mga barangay. Hindi lamang ito mas makatitipid, makatutulong din ito para maiwasan ang mga kandidatong umaasa lamang sa kasikataan at wala namang alam sa pamamalakad ng isang barangay. Upang masilayan din ito ng mga hindi nakadalo, maaari ding i-livestream ang programa online gamit ang “Facebook Live” o “Youtube”. Para sa akin, hindi na kinakailangan gumawa ng mga jingle ang mga kandidato gayong hindi naman ito nakatutulong. Sa katunayan, nakabubulabog ito sa mga botanteng tahimik na nananahan sa kanilang mga tahanan. Naniniwala din akong panahon na upang magkaroon ng reporma sa kanilang estilo sa paggawa ng mga poster. Mas mainam na nakasaad sa mga poster ang kanilang mga plataporma at mga nakamit na tagumpay upang malaman ng mga botante sino ang may tunay na kwalipikasyon para manalo.

Pagwawakas ng endo, hustisya para sa manggagawang Pilipino Tunay ngang hindi makatao ang sistema ng endo. Lalo lamang nilang pinahihirapan ang mga manggagawa at pinagsasamantalahan ang kanilang mga pangangailangan sa buhay. Sa laki ng populasyon ng ating bansa, kaakibat nito ang patuloy na pagdami ng mga pamilyang Pilipino na kinakailangang buhayin at matustusan. Nakahahabag mang isipin, patuloy ang pagtanggap ng mga tao sa kahit anong trabaho magkaroon lamang ng mapakakain sa kani-kanilang pamilya. Isa na rito ang pagtanggap ng mga trabahong walang kasiguraduhan. Nasaksihan ko ang hirap na dinanas ng kuya ko na napasailalim sa endo o end of contract. Tinanggap niya ang trabaho na katulad ng sa regular na empleyado. Bagamat pareho ng dami ng oras at ng mga gawain, wala siyang natanggap na kahit anong benepisyo. Noong una, ininda na lamang niya ang hirap sapagkat iniisip niyang matapos ang ilang buwan ay magiging regular na rin siya. Ngunit hindi ipinagkaloob sa kanya ang inaasam na regularisasyon. Bagamat hindi pinalad, nanatili pa rin siya at muling pumirma ng kontrata. Patuloy siyang namasukan at patuloy rin ang pagtanggal sa kanya bago maging regular. Umabot ito ng

ilang taon hanggang sa nakahanap siya ng ibang mapapasukan. Doon, agad siyang naging regular. Isa lamang siya sa daan-daang mga manggagawang naging biktima ng ilegal na kontraktwalisasyon. Kamakailan lang, pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang kasulatan upang tuluyan nang masugpo ang sistema ng ilegal na kontraktwalisasyon o endo. Isa itong makasarili at hindi makataong sistema ng pagtanggap ng mga trabahador. Bagamat mahirap para sa kanila ang manatili, patuloy na lamang itong tinatanggap ng karamihan dahil sa hirap ng buhay. Tinitiis na lang nila ang sistema sapagkat mahirap nang makahanap ng trabaho sa panahon ngayon lalo na kung hindi sila nakapagtapos. Karamihan sa mga nagiging biktima nito ang mga estudyante, factory workers, at minimum wage earners. Bagamat saklaw ng kontraktwalisasyon ang endo, hindi lahat ng uri ng kontraktwalisasyon ay ilegal. Isang halimbawa nito ang pagtanggap ng mga

Panahon na rin upang magkaroon ng pagbabago sa bulok na sistema ng SK. Batay sa kasalukuyang sistema, sa panahon pa lamang ng kanilang pagkapanalo sila sasanayin mamuno bilang kagawad o chairman. Tumitindig akong dapat lahat ng kandidato ay sumailalim na sa pagsasanay isang taon bago pa ang halalan. Gamit ang naturang sistema, maimumulat sa mga kandidato na hindi biro ang kanilang tatakbuhan at sa panahon na makauupo na sila sa puwesto, alam na nila ang mga kailangan gawin at hindi parang bagong panganak na sanggol. Hindi natin puwedeng maliitin ang papel ng opisyales ng mga barangay at SK sa pagpapaunlad ng ating bansa. Ilan sa kanilang mga pangunahing papel nila ang pagbibigay-serbisyo sa publiko tulad ng pagpapanatili ng seguridad at kalinisan, pagbuo ng mga programang pangkabuhayan, at marami pa. Nakalulungkot lang isipin na may bahid ng korupsyon at pagkakasangot sa droga ang ilang nagdaang opisyal. Sila dapat ang manguna sa paglaban sa mga nangyayaring katiwalian sa barangay. Sa kasamaang palad, sila pa ang nagiging tagapagtaguyod ng masasamang gawain. Hakbang ang aking mga iminungkahi upang maging mas maayos at mas malinis ang halalalan. Kada tatlong taon lang nabibigyan ng pagkakataong bomoto sa barangay at SK ang sambayanan kaya nararapat na siyasatin ng mabuti ng mga botante ang mga kandidato na naghahangad umupo sa posisyon. Iboto natin ang nararapat sa puwesto; hindi dahil maganda, guwapo, mayaman, o sikat sila, kundi dahil may kakayahan silang paunlarin ang lipunan. dagdag na tao tuwing peak season. Sa kaso naman ng endo, patuloy ang pagtanggap sa mga trabahador at patuloy rin ang pagtanggal sa kanila bago sila maging regular. Dahil sa pagkakahawig ng mga ito, kadalasang pinagtatakpan ng mga kumpanya ang endo gamit ang legal na kontraktwalisasyon. Ano pa man ang palabasin nila, isa lamang ang katotohanang nananaig: ang hindi makataong pang-aabuso sa kapwa. Tatanggapin nila ang empleyado, tatanggalin matapos ang limang buwan bago umabot sa ikaanim na buwan upang maging regular, at muli silang tatanggapin kung kanilang nanaisin. Isa itong estratehiya upang makatipid sa benepisyo at makapagbigay ng sweldong kadalasan ay mas maliit sa minimum wage. Tunay ngang hindi makatao ang sistema ng endo. Lalo lamang nilang pinahihirapan ang mga manggagawa at pinagsasamantalahan ang kanilang mga pangangailangan sa buhay. Hindi madali ang patuloy na pagkayod sa trabaho kung kaya’t karapatan ng isang manggagawa na magkaroon ng iba’t ibang benepisyo tulad na lamang ng mga leave at 13th month pay. Bagamat labis ang aking pagkagalak nang makarating sa akin ang balita, alam kong mas malalim ang ligayang nadarama ng mga manggagawang naging biktima ng sistemang ito sa napakahabang panahon. Hindi biro ang serbisyong ibinibigay ng bawat manggagawa. Kalakip ng mga ito ang bawat dugo at pawis na inilalaan nila para lamang masiguro ang kinabukasan ng kanilang mga pamilya. Panahon na para mas bigyan ito ng pagpapahalaga. Nawa’y tuluyan nang masugpo ang sistema ng endo sapagkat pare-pareho lamang tayong nagpapakahirap para sa mas maliwanag na kinabukasan.

Government Official Position = Profession Hangga’t nasa posisyon ang mga taong kwestiyonable ang integridad at kakayahan, magpapatuloy rin ang pangungurakot nila sa buwis na pinaghihirapan ng bawat Pilipino. Isa na namang isyu ng hinihinalang korupsyon sa isang kagawaran ng Pilipinas, partikular ang Department of Tourism (DOT), ang gumawa ng ingay matapos ilahad ni bagong DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang isang proyektong hindi dumaan sa public bidding. Aabot umano sa 80 milyong piso ang agad na nailabas para sa hindi pa nasisimulang proyekto sa ilalim ni Tourism Promotions Board (TPB) Chief Operating Officer (COO) Cesar Montano, ang Buhay Carinderia. Kaugnay nito, idiniin ni Montano na dawit si dating DOT Secretary Wa n d a T e o s a n a t u r a n g i s y u dahil siya umano ang lubos na nakakikilala kay Linda Legaspi, mula sa Marylindbert International, na siyang tumanggap ng 80 milyong pisong pondo at bumuo sa konsepto ng programang Buhay Carinderia. Ayon pa sa kanya, hindi dumaan sa bidding ang naturang proyekto dahil gusto umano ni Legaspi na kilalanin lamang ang pagbibigay ng TPB ng pondo bilang “financial sponsorship.” Bukod dito, inihayag ni Maricon Ebron, TPB COO for Marketing and Promotions Sector, na may iba pang malalaking proyekto sa ilalim ni Montano na hindi dumaan sa public bidding. Naglalaro umano sa 4 hanggang 15 milyong piso ang pondong inilaan sa mga proyektong ito na hindi rin dumaan sa proseso ng pag-apruba ng Board of Directors. D a g d a g s a m g a i s y u n g i t o, lumutang din ang kahina-hinalang Ronnie Albao na siyang kasama ni Montano na nagpapatakbo ng TPB. Sa nakuhang dokumento ng Rappler, isang kontrata ang nagsasabing piso (P1) lamang ang kabayarang ibibigay kay Albao bilang general support and technical services consultant ni Montano mula Enero 3, 2018 hanggang Disyembre 31, 2018. Nadiskubre na dumaraan muna kay Albao ang mga proyekto bago ito makita ni Montano. Inilahad din sa ulat ng Rappler na tila may kapangyarihan din si Albao na dumalo sa mga pagpupulong kapag wala si Montano, at magapruba ng mga kasunduan na popondohan ng TPB. Ayon pa sa ulat, dati nang nadawit sa isang isyu si Albao matapos tanggihan ng Civil Service Commission ang pagkatalaga sa kanya bilang Executive Assistant IV sa ilalim ng Office of the Vice President noong 1998. Ito ay matapos niyang magsinungaling na nakapasa siya sa Engineering Board Exam sa ipinasa niyang dokumento. Naging kwestyonable rin ang pangingialam ni Albao

sa mga desisyong ginagawa sa D e p a r t m e n t o f P u b l i c Wo r k s and Highways (DPWH) noong 2003 kung saan ginamit umano niya ang kanyang koneksyon sa Malacañang upang magsagawa ng raffle ticket selling sa iba’t ibang opisina ng DPWH na mapupunta umano sa pagpapatayo ng isang simbahan. Sa kasapamaang palad, hinihinalang walang simbahan na naipatayo mula sa proyektong ito. Malapit umano si Albao sa pamilya ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Matapos malaman ang mga impormasyong ito, himay-himayin natin ang mahahalagang punto sa naturang isyu. Una, ang paghuhugas-kamay ni Montano sa naturang isyu. Bakit niya isisisi sa ibang tao ang isang proyekto na direktang dumaraan sa kanyang pag-aapruba? Hindi rin basehan na kilala ni Teo ang pagbibigyan ng pondo dahil kinakailangan ng public bidding sa naturang proyekto dahil malaki ang i n i l a a n g p o n d o p a r a r i t o. T i l a napakalaking kwestiyonableng hakbang ito kay Montano bilang COO ng TPB. Sa ngayon, sang-ayon ako sa pagpapatigil ni Puyat sa proyektong Buhay Carinderia at pagsasailalim nito sa pagsisiyasat ng Commission on Audit (COA). Ikalawa, ang kwestiyonableng pakikipag-ugnayan ni Montano kay Albao. Bilang si Albao ay may koneksyon sa mga Arroyo, marahil ay konektado ito sa posibleng pagtakbo ni Montano sa 2019 elections, ayon sa isang ulat. Totoo man o hindi, hindi pa rin maiaalis ang katotohanan na isang sinungaling na tao ang binigyangkapangyarihan ni Montano sa TPB. Bukod sa Buhay Carinderia, nararapat din na ipasiyasat sa COA ang iba pang proyekto sa ilalim ni Montano upang malaman kung may bahid nga ba ng korupsyon ang mga ito o wala. Huling punto, pagtatalaga ng isang taong nararapat sa posisyon. Naniniwala ako na dapat ay isang taong maalam sa pagpapatakbo ang dapat italaga sa naturang posisyon upang maisagawa ang pagbabagong inaasam sa naturang ahensya. Dapat ay ituring na isang propesyon din ang pagpapatakbo sa isang mataas na posisyon sa ahensya ng gobyerno na kinakailangan ng mataas na kasanayan dahil hindi biro ang mga pondong kanilang hinahawakan. Hangga’t nasa posisyon ang mga taong kwestiyonable ang integridad at kakayahan, magpapatuloy rin ang pangungurakot nila sa buwis na pinaghihirapan ng bawat Pilipino.


6

ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

PATNUGOT NG BAYAN: Samirah Janine Tamayo LAYOUT ARTIST: Angelo Edora

BAYAN

MAYO 2018

IPINASA ng House of Representatives ang House Bill No. 7303 o mas kilala bilang Absolute Divorce Bill sa ikatlo at huling pagbasa nito sa botong 134 pagsang-ayon, 57 hindi pagsang-ayon, at dalawang abstain, Marso 19. | Kuha ni Lyann Cabador

MAKALIPAS ANG ILANG TAON:

Legalisasyon ng paghihiwalay, patuloy na isinusulong ROSELLE DUMADA-UG

H

indi pa rin mapagtanto hanggang sa kasalukuyan ang kapalaran ng pagsasabatas ng Divorce Bill sa Pilipinas. Nananatiling mainit ang diskusyon sa naturang panukala sapagkat patuloy na nahahati sa dalawang panig ang simbahan at gobyerno. Sa kabilang banda, batay sa pinakahuling datos ng Weather Stations, bumabatibot ang suporta ng sambayanan sa pagpapatibay ng diborsyo sapagkat matutulungan umano nito ang mga sambahayan na umiinda ng bigong pagsasama ng mga magulang. Sa ikalimang pagkakataon simula 2005, itinulak muli ng Gabriela Women’s Party ang House Bill 2380 o ang legalisasyon ng diborsyo sa bansa. Bagamat mayroon nang mga batas na may kinalaman sa paghihiwalay ng mag-asawa tulad ng Legal Separation at Annulment of Marriage, hindi pa rin umano sapat ang mga ito upang tugunan ang mga problema ng mag-asawa. Ayon kay Party-list Representative Emmi De Jesus, “Kung may karapatang pumasok sa kontrata ng kasal, dapat kilalanin [din ang] karapatan lumabas sa kontrata lalo na kung nasasangkot na ang emosyon at safety ng may relasyon sa marriage.”

S a k a b i l a n i t o, b i l a n g i s a n g Kristiyanong bansa, malaking bilang na mga myembro ng simbahan ang tumututol sa pagpasa ng naturang panukala. Anila, paluluwagin ng legalisasyon ng diborsyo ang sistema ng paghihiwalay ng mga mag-asawa at aaksayahin nito ang pagkakataon na magkaayos pa ang magkatunggaling magkabiyak. Gayunpaman, nag-aatubili umano ang ilang myembro ng gobyerno na patibayin ang legalisasyon ng diborsyo sapagkat bukod tanging ang Pilipinas at Vietman na lamang ang tutol sa hiwalayang mag-asawa. Pinaginhawang paghihiwalay Nakapaloob sa House Bill 2380 ang layunin at ilang batayan upang mapawalang-bisa ang kasal ng mag-aasawa. Malawak umano ang benepisyong makakamtan ng mga kababaihan sa nasabing panukala sapagkat kalimitang nakararanas ng pang-aabuso ang mga maybahay mula sa kanilang asawa, ayon sa Philippine Commission on Women. “Kapag may paglabag sa mga obligasyong ito, na kung minsang umaabot pa sa puntong nakataya na ang buhay at katinuan sa pagitan

ng mag-asawa, marapat lamang na kilalanin din ng estado ang karapatan na wakasan [ito],” pahayag ni De Jesus. Bukod sa psychological incapacity na nakasaad sa H.B. No. 2380, mayroong ibang karagdagang batayan para sa diborsyo. Mas madali umano maisakatuparan ang proseso ng diborsyo kung wala pa sa limang taon ang pagsasama ng magkabiyak sa oras na ihain nila ang mga papeles. Maaari ding mag-file ng hiwalayan kapag nakulong sa loob ng 6 na taon ang isa sa mag-asawa at sa oras na napatunayang nanlinlang ang isa sa kanila tulad ng pagpapalit ng kasarian. Ayon naman kay Speaker Pantaleon Alvarez, iilan umano sa importanteng nilalaman ng bill ang pagtanggal ng bayarin kapag sumailalim ng divorce. Mayroon ding anim na buwan na paghihintay pagkatapos mag-file ng mga papeles upang magkaroon ng huling pagkakataon na magkasundo ang dalawang panig. Gayunpaman, pabibilisin ang panahon ng proseso kapag mayroong kasong pang-aabuso o panganib sa asawa o anak. Paglilinaw ng Senado, hindi papalitan ng nasabing panukala ang mga kasalukuyang batas na Legal Separation at Annulment. Maaari

Responsibilidad ng gobyerno na protektahan ang kapakanan ng mga mamamayan anoman ang kanilang relihiyon. Gayundin, tungkulin ng simbahang pangalagaan ang kaligtasan ng mga myembro at kawan nito.

pa ring hindi na magsama sa isang tahanan ang dalawang mag-asawa sa bisa ng legal separation. Sa kabilang banda, maaari pa ring magsampa ng annulment ang isang indibidwal kung nalinlang sa pagpapakasal. Magkakatunggaling panig Bagamat sumasalungat ang simbahang Katoliko sa Divorce Bill, patuloy pa rin itong isinusulong sa Senado. Marami ang naniniwala na makikinabang dito ang mga nagnanais na bumukod mula sa kanilang kapareha sa legal na paraan at mapoprotektahan ang mga babaeng nakararanas ng pangaabuso sa tahanan. Isang linggo bago maaprubahan ang Divorce Bill sa Lower House, nagbigay ng pahayag ang Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP). Giit ni Archbishop Romulo Valles, presidente ng CBCP, “We merely ask that they consider the possibility that divorce, while it may indeed provide quick legal remedies for some seemingly ‘failed marriages,’ might end up destroying even those marriages that could have been saved by dialogues or the intervention of family, friends, pastors and counselors.” Para naman kay Alvarez, hindi ipinanukala ang Divorce Bill para magsimula ng alitan ang gobyerno at simbahan bagkus ipinagtibay ito para sa sambayanan. Kailangan umanong tugunan ang mga pangangailangan ng taumbayan sa halip na pahintulutan silang mabuhay sa takot. Dagdag pa niya, responsibilidad ng gobyerno na protektahan ang kapakanan ng mga mamamayan anoman ang kanilang relihiyon. Gayundin, tungkulin ng

simbahang pangalagaan ang kaligtasan ng mga myembro at kawan nito. “We can’t go on status quo because how do we address those who are suffering from domestic violence? [..] Must we condemn the couples in already a bad situation rather than help them?” paliwanag ni Alvarez. Kalayaan sa pagkakatali Inaasahan ng Senado ang pagapruba ng Lower House sa naturang bill ngunit hindi ito magiging madali dahil kakailanganin pa nitong dumaan sa butas ng karayom buhat ng pagtutol ng ilang senador. Nagbigay rin ng pahayag si Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III na mas nanaisin pa niyang dagdagan ang mga kondisyong nakasaad sa annulment sa halip na ipasa ang Divorce Bill. Mahalaga ang panukalang ito sa mga sambahayan na nakararanas ng abuso mula sa kani-kanilang asawa. Binibigyang-proteksyon umano ng naturang panukala ang kanilang karapatan na makawala sa mga hindi kanais-nais na kondisyon sa tahanan. Bukod pa rito, kompara sa annulment na mahal ang bayarin sa pag-asikaso ng papeles, magiging abot-kaya na ang multa ng paghihiwalay sa bisa ng divorce. S a k a b i l a n g s a m o’ t s a r i n g pagsasalungat ng simbahan, pabor pa rin ang kalakhan ng sambayanan sa pagpasa ng Divorce Bill dulot ng pagbabagong hatid nito sa mga nangangailangan. Bagamat hindi ito hahalili sa annulment at legal separation, may hatid umano itong mas mabuting alternatibo para sa mga relasyong wala nang pag-asang makumpuni.


7

BAYAN

HAKBANG SA PAGKAKAPANTAY-PANTAY:

SOGIE Bill, tinutulak nang maipasa sa Senado RAPHAEL ANTONIO AMPARO AT JEANNE VERONICA TAN

M

alaking panalo para s a “ L e s b i a n , G a y, Bisexual, Trans, Queer/ Questioning, and others” (LGBTQ+) Community ang pag-apruba ng House of Representatives sa SOGIE ‘Sexual Orientation and Gender Identity or Expression’ Equality Bill sa huling pagbasa nito noong nakaraang Setyembre. Unang hakbang umano ito tungo sa tunay na pagpuksa sa diskriminasyon sa kasarian ng bawat indibidwal. Gayunpaman, hindi nagtatapos ang laban para sa tunay na pagkapantay-pantay. Sa kasalukuyan, hindi pa nakalulusot sa interpelasyon ang katumbas ng batas na ito sa Senado. Hindi ito ang unang pagkakataon na ipinasa ang panukalang-batas sa Kongreso sapagkat taong 2000 nang una itong ipinasa ni Senador Miriam Defensor-Santigo at Senador Etta Rosales. Ipinasa muli ito ni Santiago at Senador Bong Revilla noong 2004 at noong ika-14 na Kongreso. Sa kasamaang palad, hindi umaabot sa Senado ang pagpapatibay ng batas. Mayroon pang ibang senador na sumubok ipasa ang panukalang-batas sa ika15 at ika-16 na Kongreso ngunit wala itong pinatunguhan Katarungang dala bill Layunin ng naturang panukalang-batas na protektahan ang karapatan ng LGBTQ+

Community at tapusin na ang diskriminasyong kinahaharap nila sa trabaho, kalusugan, eskwelahan, a t i b a p a . Na k a p a l o o b d i t o n a maaaring bigyan ng multa mula P100,000 hanggang P500,000 ang mga lalabag nito. Gayundin, maaari silang makulong nang isa hanggang 12 taon batay sa desisyon ng korte. Ayon sa SOGIE Bill, hindi maaaring pwersahin ang isang taong kumuha ng isang psychological exam upang “ayusin” ang kanyang kasarian. Kinakailangan muna ng pahintulot ng indibidwal na sasailalim sa pagsusulit

kung gagawin ito. Ipinagbabawal din ng panukalang maglathala ng impormasyon tungkol sa sexual orientation ng isang indibidwal nang walang permiso. Hindi rin maaaring magbigay ng isang pampublikong panayam na magpapahiya sa isang myembro ng LGBTQ+. Dagdag pa rito, hindi maaaring i-profile o paghinalaan ang isang tao kaugnay ng kanyang kasarian. Taliwas sa malimit na pagaakala, hindi kasama sa SOGIE ang legalisasyon ng same sex

m a r r i a g e . Wa l a n g n a k u k u h a n g espesyal na karapatan ang LGBTQ+ Community kundi binibigyan lamang sila ng makatarungang pagtrato na kadalasang hindi naibibigay sa kanila. Magkabilang panig Hindi mawawala ang suporta ng LGBTQ+ Community sa SOGIE Bill na nagbibigay-proteksyon sa kanila sa diskriminasyong laging kinahaharap. Ani Evan Tan ng LGBT Chamber of Commerce, “I think that discrimination actually prevents the LGBT community from contributing

INILATAG na ang Sexual Orientation and Gender Identity or Expression (SOGIE) Equality Bill matapos ang 17 taong paghihintay. Hangad ng panukalang-batas na pigilan ang iba't ibang uri ng diskriminasyon laban sa oryentasyong sekswal, pagkakakilanlan, at pagpapahayag ng kasarian. | Kuha ni Phoebe Danielle Joco

a lot to society. A lot of straight people, like the majority, think that this is actually gonna impede on whatever it is that they’re experiencing, but it’s actually more of creating inclusivity.” Bagamat poproteksyunan n i t o a n g L G B T Q + C o m m u n i t y, tinututulan ito ng mga grupo tulad ng Jesus is Lord (JIL) movement na binubuo ng libo-libong tao m u l a s a i b a’ t i b a n g C h r i s t i a n g r o u p. A n i l a , h i n i h i k a y a t n i t o ang same-sex marraige na isang napakalaking kasalanan ayon sa bibliya. Dagdag pa ni Bishop Bro. Eddie Villanueva, “Same-sex marriage is an abomination to God. The Bible is so clear about the man marrying another man.” Maliban dito, mas magkakaroon umano ng diskriminasyon lalo na sa mga hindi p a r t e n g L G B T Q + C o m m u n i t y. Lumalabag pa umano ang same sex mariage sa mga doktrina ng Kristiyano at sa 1987 Constitution. Ilan pa sa mga senador na tutol sa panukalang-batas na ito sina Tito Sotto, Joel Villanueva, at Manny Pacquiao. Buhat umano ang pagtutol nila sa kanilang pananampalataya at paniniwalang maaaring maging daan ang SOGIE Bill sa same-sex marriage sa Pilipinas. Ayon kay Sotto, parang ipinuslit lamang ang posibilidad ng same-sex marriage sa Senado dahil mga international group lamang ang nagnanais na magpasok ng panukala sa Asya, lalo na sa Pilipinas. SOGIE BILL >> p.9

PANAWAGAN NG MINDANAO:

Pagsasabatas ng BBL, solusyon sa mahabang hidwaan CHRISELLE LEANNE GONZAGA AT CLAREMONT MERCADO

H

indi pa rin nabibigyangsolusyon ang apat na dekadang alitan sa Mindanao sa kabila ng patuloy na peace efforts ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Gobyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP). Gayunpaman, hinahangad pa rin ng MILF ang pagbabalik ng kasarinlan at pagbibigay ng kapangyarihang pang-ekonomiya at pampolitika sa mga Moro sa pamamagitan ng pagpapatupad sa Bangsangmoro Basic Law (BBL). Layunin ng BBL na protektahan at pangalangaan ang mga mamamayan at katutubong nananahan sa teritoryong Bangsamoro. Ayon kay Dr. Rizal Buendia, isang mananaliksik ng political science, nakapaloob sa BBL ang mga panukalang hindi nabigyan ng pansin mula sa mga naudlot na peace negotiations ng MILF at GRP noong huling 18 na taon. P i n a n i n i w a l a a n n g M I L F, pati na rin ng GRP, na BBL ang sagot upang mabawasan ang mga karahasang dulot ng extremism sa Mindanao. “The passage of BBL w i l l n e g a t e f r u s t r a t i o n s ,” w i k a ni Chief Lt. Gen. Carlito Galvez sa isang panayam sa GMA news. Ayon pa mismo kay Presidente Rodrigo Duterte, “There is no way we can find peace forever if we

do not give them [Moros’s] back at least a part of their heritage.” Karapatang magsarili Sa pamamagitan ng BBL, makakamit ng mga Moro ang kanilang karapatan para sa pagpapasya sa sarili. Kaugnay nito, isasakatuparan ang probisyon

sa Comprehensive Agreement on the Bangsangmoro na nagsasaad ng paglikha ng isang Bangsangmoro o politikal na dibisyon na tanging hahalili sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM). Ayon naman sa isang panayam ng Philippine Inquirer kay MILF Vice Chair Ghadzali Jaafar, hangad

ng MILF ang kapayapaan at pagunlad na layunin din umano ng ARMM. “Be it Christian or Muslim, everyone wants peace, a just and dignified peace,” dagdag ni Huseyein Oruc, IHH Humanitarian Relief Foundation deputy president. Sa kabilang banda, binatikos din ng MILF ang ARMM sapagkat

hindi nito binibigyan ng tunay na kasarinlan ang mga Moro. Bilang daan tungo sa kasarinlan, isinasaad ng BBL ang pagtatatag ng gobyernong parlyamentaryo ng Bangsangmoro na magtataguyod ng pag-unlad sa ekonomiya at kultura n g B a n g s a n g m o r o, l a l o n a a n g pagpapahalaga ng mga tradisyon n g m g a M o r o. G a y u n p a m a n , nasa Central Government pa rin ang pagpapalakad ng depensa, foreign policy, monetary policy, postal ser vice, immigr ation , at naturalization. Binigyang-diin din ni Suara B a n g s a n g m o r o 2 0 1 5 Na t i o n a l Spokesperson Amirah Ali Lidasan na hindi usapin ng teritoryo ang BBL kundi usapin ng kung sino ang pinakamakikinabang sa pagbabagong inaasahan. Aniya, dapat pangunahing itaguyod at pangasiwaan ng BBL ang karapatan ng mga Moro tungo sa kasarinlan at kapayapaan. Inaasahang pagbabago Bilang nagsasariling rehiyon, magkakaroon ng ilang pagbabago sa mga batas na ipatutupad sa mga lugar na saklaw ng Bangsangmoro tulad ng ARMM pati na rin ng ilang lalawigan sa Lanao Del Norte, Cotabato, at Isabela. Kaugn ay nito, itatatag ang gobyerno ng Bangsangmoro

Dibuho ni Donita Baltazar

BBL >> p.9


8

MAYO 2018

ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

VOTE RECOUNT 2018:

Muling pagbilang ng boto, itinataguyod ng Korte Suprema LUIS BIENVENIDO FORONDA AT NICOLLE BIEN MADRID

M

aaalalang wala pang 300,000 ang lamang ni Vice President Leni Robredo kay dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos J r. n o o n g n a k a r a a n g 2 0 1 6 elections. Hindi pa nakauupo ang prinoklamang bise-presidente, n o o n g Hu n y o 2 6 , p o r m a l n a n g naghain ang kampo ni Marcos ng mga alegasyong pandaraya sa eleksyon laban kay Robredo. Enero ng kasalukuyang taon nang inilabas ng kampo ni Marcos ang ebidensya umano ng pandaraya sa halalan. Matatandaang noong unang bahagi ng bilangan, nangunguna ang dating senador. Ngunit pagsapit nang hatinggabi, nanguna na si Robredo dahil sa pagdating ng mga boto galing sa timog na bahagi ng bansa. Dahil sa maliit at biglaang pagangat ng boto ni Robredo, naghinala ang mga taga-suporta at kampo ni Marcos na may dayaan umanong nangyari sa halalan. Patuloy na nag ha h a n a p n g mga e b i d e n s y a ang kampo ni Marcos upang mapatunayan ang kanilang hinala. Nagkaroon din ng bangayan sa social media ukol sa pandaraya umano ng kampo ni Robredo sa eleksyon. Dagdag dito, nagkaroon ng alitan sa mga myembro ng akademya ukol sa mga inilabas na datos ng

ilang taga-suporta ni Marcos na senyales umano ng pandaraya. Mga ebidensya at alegasyon Ilan sa mga ebidensyang inilahad ni Marcos ang nakapagtataka umanong hugis ng kahon katabi ng pangalan ni Robredo sa mga balota. Iprinesenta rin ni Marcos ang nawawalang 38 sa 42 audit logs na ipinagkaloob sa presinto ng Bato, Camarines Sur. Kasabay nito, natagpuan umano sa Camarines Sur at Negros Oriental ang mga palsipikadong balota. Nadiskubre rin ng kampo ni Marcos na may mga balotang sinadyang binasa sa dagat kasunod ng mga araw ng eleksyon. Dagdag pa ni Marcos sa panayam ng Rappler, nahalo umano ang bilang ng basang balota sa itinalang mga boto. Dahil dito, determinado ang kampo ni Marcos na mayroong pandaraya nangyari nanaig sa bilangan ng boto. Itinanggi ng kampo ni Robredo ang mga alegasyong ibinintang laban sa kanila. “Itong dokumentong ito ay peke, o fabricated. Gawagawa lang,” paliwanag ni Romulo Macalintal, abogado ni Robredo, sa panayam ng ABS-CBN News . Naglabas ng pahayag ang kampo ng bise presidente na palsipikado ang mga deklarasyon ng kabilang kampo. Itinanggi ng mga abogado ni Robredo ang pagkakaroon ng basang balota at sinisi sa mga “technical error” ang anomang maling pagbilang.

Itinuturo naman ni Robredo ang hindi maayos na paglipat ng mga balota sa mga pasilidad kaya nasira ang ballot boxes. Sa panayam ng Philippine Daily Inquirer kay Gregorio Larazzabal, dating COMELEC commissioner, bogus ang mga pahayag ni Marcos na nagkamali ang COMELEC sa pagbilang. Ani Larazzabal, nasa pangangalaga ng COMELEC election officer ang mga audit log ng balota at hindi sa ballot box kaya walang batayan ang salaysay ng kampo Marcos. Nakaimbak sa audit log ang mga impormasyon ukol sa mga detalye kung kailan nagsimula at natapos ang pagboto pati ang kabuuang bilang ng mga balota. Masusing pagsisiyasat ng hukuman Nakasaad sa 1987 Constitution na ang Korte Suprema ang mangunguna sa pagbilang ng mga boto na naiuugnay sa pangulo at pangalawang-pangulo. Korte Suprema rin ang tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET) na may kapangyarihang magdesisyon ukol sa election protest na inihain ni Marcos. No o n g 2 0 1 0 , n a g l a b a s d i n a n g Korte Suprema ng gabay para sa mga mangangasiwa ng PET. Nagpatawag ang Korte Suprema ng PET 2018 para suriin ang mga alegasyon sa bilang ng mga boto noong nakaraang eleksyon. Sinimulan ang mano-

manong pagbibilang ng mga boto noong Abril 2. Dinadaan ang proseso ng PET sa manual na pagbilang ng ballot boxes na naglalaman ng mga boto ng eleksyon noong 2016. Ayon s a P h i l i p p i n e D a i l y I n q u i r e r, bibilangin ng komite ang halos 5,418 ballot boxes mula sa higit 1,800 presinto sa Camarines Sur, Negros Oriental, at Iloilo. Inaatasan ang grupo ng tigtatlong myembro na kukunin sa 50 katao ng revision committee bilang mga tagabilang. Binubuo ang komite ng isang head reviser at isang kinatawan mula sa dalawang panig ng protestang elektoral. Nais tiyakin ng PET na lihim ang kanilang pagbibilang ng balota kaya pinaiigting pa nila ang seguridad ng proseso. Hindi pa tiyak ang komite kung kailan matatapos ang pagbilang ng mga boto. Nilinaw rin ng Korte Suprema na hindi maaring makita ng midya ang proseso ng recount. Maglalabas lamang ang komite ng findings report pagkatapos ng proseso. M a y i b a’ t i b a n g i s y u n g k i n a h a h a r a p a n g P E T, l a l o n a ang masusing pagsisiyasat sa mga head revisor at ilang beses na pagkakaantala ng recount. Bunsod nito, sinisigurado ng PET na tiyak ang kwalipikadong tao na kabilang s a r e c o u n t n g m g a b o t o.

Nitong Abril 3, nagbitiw ang apat sa mga head revisor na may tungkuling magbilang ng m g a b o t o p a r a s a P E T. Wa l a n g pahayag na inilabas ang PET na nagpapaliwanag sa pagbibitiw n g m g a r e v i s o r. I n i h a y a g n i Atty. Maria Bernadette Sardillo, abogado ni Robredo, ang pagkadismaya dahil maantala nito ang pagbibilang ng mga boto. Patuloy na pagbibilang Maaaring itinatanggi ng kampo ni Robredo na mayroong pandaraya noong eleksyon at peke umano ang mga alegasyon at ebidensya n g k a b i l a n g k a m p o. A y o n k a y Marcos, nagkulang at nagkamali ang COMELEC sa pagbibilang ng computerized ballots gamit ang vote counting machines ng Smartmatic Philppines. Patuloy naman ang pagbabantay ng magkabilang kampo sa recount na isinasagawa ng PET. Sa kabila ng kakulangan sa head revisors, patuloy pa rin ang pagbibilang upang hindi na tuluyang maantala ang proseso. Malinaw ang nais ng magkabilang kampo sa pagnanasang matuklasan ang katotohanan sa mga nangyari noong nakaraang halalan. Subalit, mahaba at matagal na proseso pa ang haharapin ng magkabilang kampo upang makamit ang kanilang hangarin.

Dibuho ni Jeremiah Teope


9

RE YNA ELENA | Mula sa p.11 “Philippine Traditions: Flores de Mayo and Mary's example”, hindi dapat ituring na pagandahan o pagarbuhan ang pagdiriwang na ito. Hindi dapat maging batayan ang magagarang kasuotan at tipikal na pasikatan, bagkus ang matatag na katauhan ng mga kababaihan a n g d a p a t i t a m p o k . Na g s i s i l b i itong pagbabahagi ng tradisyon na kung saan mauunawaan ang naging mga ambag ng kababaihan sa pananampalatayang Pilipino. Bukod sa kapupulutan ito ng mga huwarang katangian ni Birheng Maria na dapat tularan, nagsisilbing pagpupugay na rin ito sa mahahalagang institusyon sa lipunan - ang mga dakilang ina. Pagod at pawis sa likod ng magarbong parada Maraming kapistahan ang ipinagdiriwang ng simbahan. Karaniwang ipinakikita sa mga pistang ito ang buhay ni Hesukristo o kaya naman ang kuwento ng mga santong inialay ang kanilang sariling buhay upang sundin ang mga turo ni Hesukristo. Isa sa mga

kilalang pistang ipinagdiriwang ng simbahan ang Flores de Mayo. Ayon kay *Aileen, tagapangasiwa ng mga gawain sa Sta. Teresita Parish sa Makati, pag-aalay ng bulaklak kay Birheng Maria sa buong buwan ng Mayo ang tema ng kapistahang ito. Dagdag pa niya, kakaunti lamang ang nakaaalam ng totoong tema ng Flores de Mayo. Karaniwang naaalala ng marami ang nakabibighaning kasuotan ng mga reyna sa parada ngunit hindi ang kuwento tungkol sa likod ng paradang ito. Aniya, tuwing katapusan ng Mayo ginaganap a n g p a r a d a n g u n i t a r a w- a r a w na nag-aalay ng bulaklak ang mga myembro ng simbahan sa rebulto ni Maria. Itinayo ang Sta. Teresita Parish noong 1992 at pinasinayaan nila ang unang parada ng Flores de Mayo noong 2000. Ayon kay Aileen*, dahil sa maliit lamang ang simbahan at kulang sa tao, lubos ang pagod at hirap na ibinubuhos nila mula preparasyon hanggang presentasyon ng parada. Mga nagboboluntaryong mga dalaga o

kaya naman mga dalaga sa choir ang kadalasang gumaganap na reyna sa prusisyon. Aniya, “Maliit lang yung barangay namin kaya minsan umuulit nalang yung gumaganap. Kapag nag-volunteer sila, sagot na nila yung dress na susuotin nila pati na rin yung escort nila sila bahala.” Kanyang idinagdag na mga myembro ng simbahan ang nagtutulong-tulong upang gawin ang arko ng bawat reyna. Bago pa man magsimula ang parada, tinitipon sa simbahan lahat ng kasama rito para sa huling mga paalaala. Magkakaroon muna ng misa sa ika-apat ng hapon bago ang parada ng ala sais ng hapon. Kailangang daanan ng parada ang bawat pangunahing kalsada ng baranggay. Sinabi rin ni Aileen na “kailangan lahat ng main roads ng barangay dapat madaanan ng parada.” Dagdag pa niya, lumalabas pa sila sa highway dahil maliit lamang ang kanilang baranggay. Lubos na natutuwa si Aileen* sa patuloy na pagsubaybay ng mga tao sa Santacruzan. Simula pa lamang ng Mayo, naghahanda na

sila para sa parada dahil matagal at mahirap gawin ang mga arko ng mga reyna. Mahirap man ito, isinalaysay ni Aileen* ang ligayang kanyang nararamdaman tuwing nakikita niyang maayos ang naging bunga ng paghihirap at paghahanda ng simbahan para sa parada. Sa huli, ninanais ni Aileen na sana alamin ng sambayanan ang totoong halaga ng Flores de Mayo at kung bakit mahalagang ipagdiwang ito. Pagkilala sa totoong tema ng kapistahan Hindi na bago sa ating paningin ang makakita ng isang parada na kinalalahukan ng mga kababaihan. Hindi na rin nakapagtatakang nakaaaliw ang ganitong mga tagpo dahil madalas itong glamoroso at hindi naman ito ang tipo ng palabas na palagian kung masaksihan. Sa kabila ng pamilyar na ngalan ni Reyna Elena at ng paradang inialay sa kanya, may mas malalim pa ring kahulugan ang Flores de Mayo. Nakagugulat malaman na isa palang representasyon ng kasaysayan ang

naturang prusisyon; dagdagan pa ito ng malalim na aspektong may kaugnay sa pananampalatayang Kristyano. Nakalulungkot lamang isipin na malayo na ito sa nakagisnang konsepto ng Flores de Mayo na nagkaroon na rin ng iba't ibang bersyon sa ngayon. Mukha mang mahirap imulat ang tunay na layunin ng Flores de Mayo sa madla, magsisilbi itong hamon para mas maging aktibo ang mga Pilipino sa pagbabahagi ng impormasyon ukol sa kasaysayan at tradisyon. Maraming pista sa Pilipinas ang ipinagdiriwang dahil sa aliw dulot nito sa mga manonood. May mga pagdiriwang ding isinasakatuparan dahil sa tradisyon o pawang nakasanayan na lamang; mga pagdiriwang na may mas malalim pang kahulugan ngunit hindi man lang nalalaman. Napakalaki ng gampanin ng Kristiyanismo at pananampalatayang Pilipino sa ating mga taunang kapistahan na siyang dapat laging isaisip. Hindi lamang dapat maganda ang isang pagdiriwang dahil dapat itong maging makabuluhan at makasaysayan. *Hindi tunay na pangalan.

sa paghubog sa kanya upang mas magkaroon ng kaalaman at kasanayan sa larangan. “ Na p a k a r a m i ! ” t u g o n n i Casimiro nang tanungin siya ng mga natutunan niya sa DLSU bilang estudyante. Bilang kumukuha ng kursong BS ECE, marami sa kanyang mga klase ang nakapag-ambag sa paggawa niya ng iba’t ibang imbensyon gaya ng powerbank.

“Nagamit ko ang ENGPHY2, LBYMEEA, LBYPHY12, ELCIAN1, LBYEC1 sa paggawa ng mga kumputasyon at sa pagdisenyo ng internals ng outlet powerbank,” pag-iisa-isa niya. K a u g n a y n i t o, p i n a y u h a n n i y a a n g m g a L a s a l y a n o, l a l o na ang Engineering students, na mag-aral ng mabuti kahit pa gaano kahirap ang mga pinag-

aaaralan. Paalala niya, magagamit ang lahat ng natutunan sa propesyong tatahakin, lalo na sa mga proyektong maaaring gawin sa hinaharap. “Huwag susuko sakaling ikaw ay makatikim ng kabiguan sapagkat dito ikaw matuto ng lubos. Matuto sa sariling mga kamalian, gawing tama sa susunod, at bumangon muli,” pagtatapos ng imbentor.

nila, sapat na ang ibinibigay na kapantayan ng lipunan sa LGBTQ+ Community. Ani Villanueva, “The LGBT people, they can continue [ w i t h ] t h e i r l i f e s t y l e . We d o n’ t interfere but they should not allow the non-believers of their lifestyle to accept their ways that will pave the way for eventual destruction of the Filipino culture and values.” Kinakailangang ipagpaliban muna ng mga politiko ang kanikanilang sariling paniniwala

upang magkaroon ng tunay na pagkakapantay-pantay. Mula sa Saligang Batas, hindi maaaring ipaghalo ang paksa ng simbahan a t n g e s t a d o. D a p a t u n a h i n n g gobyerno na tiyakin ang dignidad, kahalagahan, at karapatan ng bawat indibidwal at ang pagsunod at pagrespeto sa sambayanan. Hindi pakay ng SOGIE Equality Bill na bigyang-diskriminasyon ang mga hindi bahagi ng LGBTQ+ Community kundi isulong ang mga

karapatan ng mga marginalized. Dahil sa panukalang-batas, maaaring maging kampante ang LGBTQ+ sa paghahanap ng t r a b a h o, p a g k u h a n g m e d i k a l n a s e r b i s y o, p a g p u n t a s a m g a pampublikong lugar, at iba pa. Higit pa rito, magiging pantaypantay ang pagtrato sa lahat ng tao anoman ang kanilang kasarian. Pagpasa nito ang magiging unang hakbang tungo sa isang bansang bukas sa progreso.

at kapayapaan, hindi pa rin naipapasa ang BBL. Inilaglag ng Legislative-Executive Development Advisory Council ang bill sa listahan ng mga prayoridad na batas na isinumite sa Kongreso noong nakaraang taon. Subalit sa panayam ni Vanne Terrazola ng Manila Bulletin, nagbago ang isip ng Pangulo at sinabing uunahing asikasuhin ang BBL kaysa sa planong federalismo. Bukod dito, patuloy na tinatangkang bawasan ang mga probisyon sa BBL na magbibigay ng kapangyarihang pangekonomiya at pampolitikal sa mga Moro. Ayon sa Suara B a n g s a n g m o r o, i s a n g g r u p o ng mga Moro na ipinaglalaban ang kanilang mga karapatan laban sa mga dayuhan, hindi masosolusyonan ng pinalabnaw na BBL ang mga suliraning

hinaharap ng Moro sapagkat hindi nito maibibigay ang tunay na kasarinlan. Sa mga rebisyon sa BBL, isinaad na kailangang suportahan ng Bangsamoro lahat ng foreign policies at agreements ng GRP sa ibang bansa maging ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Subalit, tinutulan ito ng mga Moro. Ayon kay Lidasan, dapat maging kritikal sa mga probisyon ng BBL sapagkat mas inuuna ang karapatan ng mga dayuhan kaysa sa mga karapatan ng mga M o r o. “ T h a t ’ s o p e n , a s l o n g a s y o u’ r e a b o n a f i d e r e s i d e n t . I t ’ s not exclusive to Moros. Anybody, even Tingting Cojuangco, who owns a house in our neighborhood, will be allowed. Anybody can invest,” wika niya sa isang panayam ng Bulatlat.

K a u g n a y n i t o, b i n a t i k o s d i n ng mga Moro ang pagkakaroon ng mga kontra-panukala sa Kongreso tulad ng Basic Act for the Bangsangmoro Autonomous Region na inihain ni Gloria Macapagal-Arroyo. Ayon sa M I L F, h i n d i n a p o p r o t e k s y u n a n ng mga kontra-panukala ang karapatan ng mga Moro para magpasya sa sarili. A n i n g M I L F, b u k o d s a pagpapatupad sa BBL, hangad din ng mga Mor o ang pagkilala sa karapatang magpasya sa sarili. Kinakailangang kilalanin ng maipapasang BBL ang karapatan ng mga Moro na lumahok at magpasya sa politika, at magmay-ari ng lupa. “Let’s hope that the BBL will not create another layer of s u p p r e s s i o n a n d o p p r e s s i o n ,” pagtatapos ni Lidasan.

POWERBANK | Mula sa p.2 Kaya tuwing term break lang ako nakababalik sa aking hobby upang hindi maapektuhan ang aking acads,” paliwanag niya. Sa kasalukuyan, gumagawa si Casimiro ng 10 video para sa kanyang Youtube channel. Kabilang sa mga dapat abangan ang “DIY Bat t er y P o w ered I n k j e t P r i n t e r C o n v e r s i o n” n a m a k a t u t u l o n g umano sa mga estudyanteng tulad

niya. “[Sa tulong ng imbensyon], maaari mong dalhin kahit saan ang iyong printer nang hindi nangangailangan ng saksakan. Ang mahal kasi magpaprint kaya ito’y ilalagay ko na lang sa likuran ng aking kotse,” paglalahad niya. Tatak Lasalyano Para kay Casimiro, malaking kontribusyon din ang Pamantasan

SOGIE BILL | Mula sa p.7 Ayon naman kay Villanueva, mas nangangailangan ng batas para sa karapatan ng lahat, hindi lamang ng LGBTQ+ Community. Hindi umano magiging makatarungan ang SOGIE Bill para sa mga relihiyosong grupo na ipinaglalaban din ang kanilang mga paniniwala. Pahayag niya, “Ang sinasabi po natin dito, palakasin natin yung batas na anti-discrimination but not at the expense of other sectors especially the Christian community.”

Kasalukuyang lagay at kinabukasan B a g a m a t nas a inte rp e las yo n pa rin Senado ang panukalang batas, patuloy pa rin ang p a g s u l o n g n g i l a n g s e n a d o r, gaya ni Risa Hontiveros, sa panukalang-batas na ito. S a k a b i l a n i t o, h i n d i p a r i n nakikita ng ilang indibidwal at relihiyosong grupo ang tunay na importansya ng SOGIE Bill at ang diskriminasyon na kinahaharap ng LGBTQ+ Community. Paniniwala

BBL | Mula sa p.7 upang mangangasiwa sa ekonomiya at kultura. Bilang tugon sa mga suliranin sa pagmamay-ari at paggamit sa lupa, magkakaroon ng comprehensive urban land reform at land use program. Para mabigyangp r o t e k s y o n a n g m g a M o r o, binigyang-diin ni Luz Ilagan mula Gabriela na tunay na land reform program ang dapat ipatupad sa ilalim ng BBL. “The real response to the problem, that land should be in the hands of the poor majority. It’s the reason why there is the feudal system, because land is controlled by the few elite,” ani Ilagan. Saklaw rin ng BBL ang isyu ukol sa mga ancestral domain. Binanggit ng GRP ang pangangailangan na mabigyangpansin ang karapatan sa ancestral lands ng non-Islamized indigenous tribes. Sa kabilang banda,

ipinaliwanag ni Mohagher Iqbal, tagapamahala ng MILF, na dapat saklaw na ng Pambansang Batas ang karapatan ng pambansang minorya samantalang lokal na batas lamang ang BBL. Mayroon ding mga pagbabago sa sistema ng hukuman. M a g k a k a r o o n n g m g a S h a r i’ a h Court na mangangasiwa sa mga kasong kaugnay ng mga batas ng Islam. Gayunpaman, tanging mga Moro lamang ang sasaklawin n g S h a r i’ a h j u s t i c e . Bukod sa mga naturang pagbabago, magkakaroon din ng sariling watawat pati na rin pambansang awit a n g B a n g s a n g m o r o. Paninindigan ng mga Moro Sa kabila ng pagsisikap ng mga Moro at mga pambansang organisasyon para sa karapatan


10

PATNUGOT NG BUHAY AT KULTURA: Ezekiel Enric Andres LAYOUT ARTIST: Justine Klyne Ramirez

ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

MAYO 2018

BUHAY AT KULTURA

SINUBOK ng aming mga manunulat na magbenta ng sampaguita sa labas ng Simbahan ng Quiapo upang maranasan ang hirap ng hanapbuhay sa likod ng angking ganda at halimuyak ng pambansang bulaklak. | Kuha ni Kinlon Fan

KWINTAS NG KAPITA-PITAGANG POON:

Ang Sampaguita sa buhay ng nananampalataya NIA CERVANTES, ROSELLE SACORUM, AT FRANCES TIMOG

At iadya mo kami sa lahat ng masama, Amen,” nakapikit na sambit ng isang ale sa Poong Itim na Nazareno. Bago umalis, muli niyang ipinahid ang hawak na panyo sa paa ng rebulto, at isinabit ang kuwintas ng puting bulaklak sa mga kamay nito. Isang matandang mag-asawa ang sunod na lumapit upang magbitiw ng kanilang mga panalangin. Pagkatapos ng ilang minuto, nag-alay siya sa Poon ng ilang kuwintas ng parehong bulaklak. Sumunod sa kanya ang isang pamilya, estudyante, at bagong kasal na mag-asawa. Pasasalamat, hiling, at mga kuwintas ng Sampaguita – iba’t ibang indibidwal ang bumibisita sa itim na rebulto araw-araw, ngunit hindi mawawala ang mga ito sa bawat dalaw. Itinuturing ang Sampaguita bilang pambansang bulaklak ng Pilipinas dala ng payak na kagandahan, kulay ng kadalisayan, at simbolo ng pagpapakumbaba. Kilala ito ng Amerika at Europa sa pangalang Hasmin na namumulaklak lamang tuwing dapithapon. Maaari itong gamitin sa paglikha ng tsaa, gamot, at pabango, ngunit higit na mahalaga ito sa pagbuo ng garland o kuwintas na gawa sa bulaklak. Kadalasang inaalay ang mga kuwintas ng Sampaguita sa mga rebulto, kung kaya’t malimit itong makita sa labas ng mga simbahan. Bilang paglinang sa malaking bahagi ng ating kultura, magandang simula ang pag-aaral ng paggawa ng Sampaguita garland. Maliban dito, mas mabibigyang-halaga ang bawat talulot ng bulaklak na ating inaalay sa pagdanas ng pagtitinda ng mga

Sampaguita. Sa Minor Basilica of the Black Nazarene na matatagpuan sa Quiapo, Maynila, aming sinubukan ang mga nabanggit upang magkaroon ng mas malawak na pag-unawa sa tradisyong Pilipino. Isang mahalimuyak na karanasan Sagana ang pagbebenta ng yaring Sampaguita sa bansa lalo na sa mga lugar na malapit sa mga parokya. Karaniwang kaalaman na sa mga Pilipino ang pagtutuhog ng Hasmin hanggang sa maging kuwintas ito. Maliban sa mga gawaing panrelihiyon tulad ng pagsabit ng Sampaguita sa leeg ng mga santong rebulto, nakasanayan na rin ang pagbebenta sa mga tsuper para sa dagdag dekorasyon at halimuyak sa kanilang sasakyan. Buhat nito, naging kabuhayan na ng ilang mga Pilipino ang pagbebenta ng mapuputi at mababangong mga palumpong na ito. Napadpad kami sa Quiapo, isang distrito ng Maynila, upang maghanap ng mga manininda ng Sampaguita. Tanghaling tapat na iyon noong nakarating kami sa Minor Basilica of the Black Nazarene o mas kilala sa pangalang Quiapo Church. Sa may bakuran ng parokya namin natagpuan ang mga aleng nakababad sa ilalim ng nakapapasong araw, habang matiyagang naghihintay ng kanilang mga mamimili. Tanging payong na lamang ang nakapagsasalba sa kanila mula sa mahalumigmig, nakalalagkit, at nagliliyab na init ng panahon. Dito namin nakilala si Nanay Flora Rubio, isa sa mga nagtitinda ng yaring Sampaguita sa Quiapo Church. Laking gulat namin nang kanyang tanggapin ang aming kahilingang magtanongtanong sa kanya. Upang mabayaran

nang husto ang kanyang kabutihangloob at kanyang oras na ginugol sa pagsagot ng aming mga katanungan, tinulungan naming magbenta ng Sampaguita si Nanay Flora. Sa mata namin bilang mga mamimili, tila mukhang madali lamang ang pagbebenta nito. Natunghayan namin sa aming karanasan na sa mata ng mga maninindang tulad ni Nanay Flora, hindi ito biro-biro lamang. Sa unang ilang minuto ng aming pagbebenta, nakatanggap kami ng mga simangot sa mukha ng mga taong aming nilapitan at sinubukang bentahan. Nakaramdam kami ng kaunting kahihiyan sa aming mga sarili dahil ilang beses kaming tinanggihan, waring hindi kami nakikita ng mga taong dumadaan. Sa ‘di inaasahang pagkakataon, naabutan kami ng ulan sa gitna ng aming pagbebenta. Nang makita namin si Nanay Flora na patuloy na nagbebenta sa kanyang kinauupuan, nagsilbing motibasyon ang tagpong ito upang mas tulungan namin siya. Dito niya napatunayan sa amin ang kanyang pagkahilig at pagtitiyaga sa pagbebenta na sa anomang panahon, “rain or shine”, patuloy pa rin siyang magtatrabaho. Kumpyansa at kompitensya Umulan man o umaraw, tulad ni Nanay Flora, nagpatuloy kami sa aming laban. Upang mas makaakit ng atensyon, sinubukan naming isigaw ang mga katagang “Sampaguita! Isang kuwintas, limang piso na lang!” Sa aming pagpupursigi, nakatulong sa aming pagtitinda ang diskarte naming sumigaw. Gayunpaman, habang tuwang-tuwa kaming nagsisigawan, hindi namin inasahang mapagsabihan ng isa sa mga ale.

Habang nanlilisik ang kanyang mga mata, pinagsabihan niya kaming huwag sumigaw dahil marami ring nagbebenta ng Sampaguita sa lugar na iyon, kasama na ang kanyang sarili. Matapos humingi ng paumanhin, agad naming binalikan ang puwesto ni Nanay Flora at ikinuwento sa kanya ang nangyari. Pagbabahagi niya, hindi talaga sila nagkakasundo ng kanyang mga kapwa manininda dahil tingin nilang lahat na isang malaking kompetisyon lamang ang kanilang hanapbuhay. “Ako nga ang inaaway eh. Kahit anong hanapbuhay may kompetisyon. Pero wala akong pakialam sa kanila,” giit ni Nanay Flora. Nagulat kami nang pakyawin na ng aming huling mamimili ang aming paninda. Nanlambot ang aming mga puso sa kanyang pangangatuwiran. Aniya, ibibigay na lang daw niya ang mga ito sa mga batang palaboylaboy sa lansangan. Na t a p o s n a m i n a n g a m i n g pagbebenta kasabay ng isang matamis na tagumpay. Isang kabuoang halaga ng dalawang daang piso ang aming naiambag para kay Nanay Flora. Matapos namin siyang pasalamatan, umalis kaming baon ang matatamis niyang mga ngiti at ang mga kaalamang aming natutuhan mula sa kanya. Sa likod ng isang obra maestra Kalahating araw lamang sa buhay ni Nanay Flora ang aming nasaksihan at naranasan. Walang dudang hindi pa ito sapat para masabing lubos naming naunawaan ang kinalalagyan ng mga maninindang tulad niya. Gayunpaman, sa maikling oras na ito, aming napagtantong higit na mahirap ang pagtitinda ng Sampaguita kaysa sa aming inasahan.

Sa bawat yaring Hasming nakikita nating nakabalot sa leeg ng mga santong rebulto, mayroong isang trabahong hindi natin nabibigyan ng kaukulang pagpapahalaga. Musmos pa lamang si Nanay Flora nang magsimula siyang magtuhog at magbenta ng Sampaguita. Animnapu’t apat na taon na ang nakalipas ngunit hindi pa rin siya tumitigil sa pagtitinda dahil ito lamang ang nais niyang hanapbuhay. Hindi biro ang magtinda ng Sampaguita lalo na sa pabago-bagong klima sa bansa. Nang nadapuan lamang kami ng kaunting ambon sa gitna ng aming pagtitinda, agad naming naisipang tumigil na dulot ng takot na magkasakit. Sa kabila nito, kalmadong nakaupo’t naghihintay pa rin ng mamimili si Nanay Flora, ‘di pinapansin ang mga tulo ng ambong pumapatak sa kanyang balat. Tila sumabay sa ihip ang bulong ng aming damdaming unti-unting napuno ng kahihiyan. Naglalagay ng panganib sa kanyang kalusugan ang kanyang ‘di pagtigil sa pagtinda, umulan man o umaraw. Pantustos sa mga pangunahing gastos ng pamilya o panlibangan man ito, malaki ang aming paghanga sa mga taong tulad ni Nanay Flora. Marapat lamang na bigyan-pansin ang mga pagsisikap ng mga taong tulad ni Nanay Flora. Dahil sa kanila, patuloy nating nabibigyang-halaga ang pagiging pambansang bulaklak nito. Bukod pa rito, mananatiling tanda ang Sampaguita sa matibay na pananampalataya ng mga Pilipino – isang bagay na hinding-hindi magmamaliw gaya ng pag-ibig ni Nanay Flora sa Sampaguita.


11

BUHAY AT KULTURA

SA LIKOD NG USOK AT BALA:

Sigaw ng mga Lumad para sa lupang pinagsibulan JANINE ESPIRITU, KIMBERLY JOYCE MANALANG, AT DONELLE SANTOS

Bago pa man tuluyang bumuka ang bawat talulot ng isang rosas at bago pa man tayo mamangha sa bitbit nitong ganda, dumaraan muna ito sa proseso ng masinsinang pag-aaruga at dahandahang pagsibol. Kinakailangan nitong masikatan ng araw at mapatakan ng sapat na tubig upang mapanatili ang natatangi nitong halimuyak. Gaya ng matatayog a t n a g l a l a k i h a n g m g a p u n o, malaking bagay rin ang lupang pinag-aangklahan ng mga ugat nito sapagkat dito nagmumula ang mga sustansyang kinakailangan nila para mabuhay. Sa lupa sila mag-uumpisang tumubo, lumago, at mamunga. Habang patuloy na nakabaon ang kanilang mga ugat sa lupa, patuloy rin ang paglaban para sa kanilang karapatan. Kagaya ng mga halaman at bulaklak na ito, mayroon din tayong sariling lupang pinagtitindigan. Para sa ating mga kababayang Lumad, bahagi na ng kanilang kultura ang mga lupang sinilangan nila. Muli nang nakabaon sa mga kapatagang iyon ang kanilang mga identidad bilang mga katutubo. Na k a s a l a l a y a n g k a l a k h a n n g kanilang kultura at pamumuhay sa lupang tinitirhan nila. Tulad ng mga naggagandahang mga bulaklak sa hardin, malaking bahagi ang nawawala sa kanilang kabuhayan kung mabubunot ang pagkakatanim nila sa mga lupang iyon.

Pakikibaka para sa lupang kinalakihan “Save our schools! Stop lumad killings!” ito ang paulit-ulit na daing ni Beverly Gofredo, isa sa kabataang Lumad ng Mindanao. Sa kanyang murang edad, naging saksi na si Beverly sa mga karahasang naging talamak sa kanila. Tila kasabay na ng kanyang paglaki ang siyang pagmulat ng kanyang mga mata sa unti-unting pagigting ng militarisasyon sa kanyang komunidad, lalong lalo na sa kanilang itinayong mga paaralan. Sa mga nagdaang taon, hindi lang mga lapis at papel ang bumungad sa mga kabataang Lumad; kasama na rin nito ang mga putok ng bala at bagsak ng bomba sa paligid ng kanilang lupang pinagmulan. A y o n k a y R i u s Va l l e , spokesperson ng Save Our Schools (SOS) Network, itinayo ang mga Lumad school bilang simbolo ng kanilang pagtutol at paglaban sa mga mapaniil at mapansamantalang mga kamay. Gampanin ng samahang ito ang pagtuunang-pansin ang pagpreserba at pangangalaga sa mga paaralang itinayo ng mga Lumad. Nagsilbi ang mga paaralang ito bilang sandata ng mga Lumad sa patuloy na pananamantala sa kanila at pag-agaw sa kanilang lupang ninuno. Mula sa pagiging isang simpleng proyektong pangedukasyon ng simbahan noong 1980’s, tuluyang inilungsod ng mga Lumad ang kanilang pormal na paaralan noong 2005. Inihayag ni Valle na ang hindi pagbibigay

prayoridad ng gobyerno sa kanilang mga hinaing ang isa rin sa mga nagtulak sa mga Lumad na magtayo ng sarili nilang paaralan. Gayunpaman, hindi lamang karapatan sa edukasyon ang patuloy na inilalaban ng mga Lumad. Kasabay nito ang pangangampanya nila sa pagtigil ng patuloy na pagkamkam ng kanilang lupain. Hindi lingid sa ating kaalaman ang kayamanang taglay ng ating bansa, partikular na ang kasaganahan ng mga lupa s a M i n d a n a o. M a t a t a g p u a n s a kanilang mga kabundukan at kalupaan ang sari-saring mineral na kanilang pinangangalagaan at pinepreserba. Nakabatay ang

sa mga uri ng lupa na mayroon sila. Kaya naman, kinagisnan na ng mga batang kagaya ni Beverly ang pagtatanim at pagsasaka ng kanilang mga makakain. B i t b i t n g S O S Ne t w o r k a n g layuning maprotektahan at mapanatili hindi lamang ang mga paaralan, ngunit pati na rin ang lupain ng mga Lumad. Nagsamasama ang ilang religious group, non-government organization, local government unit, pati na rin ang ilang mga indibidwal upang maisulong ang isang grupong tututok sa kalagayan ng mga katutubo sa Mindanao. Kasama sila ng mga Lumad na nagpapatuloy ng pakikibaka sa karapatan at

hinaing na matigil ang karahasan sa kanilang lupain. Daing ng mga pusong pinagkaitan Katulad ng isang bulaklak na pinutol mula sa pinagkataniman nito, pinagkaitan ang maraming batang Lumad ng pagkakataong pagyabungin ang kanilang kaalaman nang magdeklara ng Batas Militar sa Mindanao. Noong nakaraang Marso at Abril, 2000 estudyanteng Lumad ang nawalan ng pagkakataong makapagtapos ng kanilang pag-aaral, ayon kay Valle. Dagdag dito, isang pangmatagalang epekto ng kaguluhan sa Mindanao LUMAD >> p.12

PATULOY ang paglaban ng mga katutubong Lumad para sa kanilang karapatan, kultura, lupa, at edukasyon kontra kanilang pagsasaka at agrikultura sa kawalan ng katarungan buhat ng paglaganap ng militarisasyon sa Mindanao. | Kuha ni Vina Camela Mendoza

HIGIT SA MGA ARKO'T ESKORTE:

Pananampalatayang kaakibat ng korona ni Elena CLAIRE LLORENTE ALFAJARDO AT AIREEN SEBASTIAN

Sa pagpatak ng gabi, nakapagtatakang masigla pa rin ang mga tao sa kahabaan ng isang m a l i i t n a b a y a n . A g a w- p a n s i n ang mga hiyawan at palakpakan, marahil dahil sa isang palabas na

tinutunghayan. Maririnig ang mga salitang - “Ang ganda ni Reyna Judith!”, “Mas maganda si Reyna Paz!”, “Kaabang-abang din kaya kung sino ang Reyna Elena sa taon na ito!”. Sa paglapit, nasaksihan ang isang parada ng mga dalagang pawang may mga bitbit na gamit. Sinasabi nilang simbolo sa kanilang

katauhan ang mga ito - kalapati, rosaryo, espada at iba pa. May mga arko rin ang bawat babaeng kalahok sa parada kung saan nakalakip ang mga pangalan ng bawat reynang kanilang kinakatawan. Masasaksihan sa dulo ng parada si Reyna Elena na mistula isang napakahalagang

Dibuho ni Carl Corilla at Patricia Sy

persona na hudyat ng pagtatapos ng naturang kapistahan. Kilala sa Pilipinas ang Flores de Mayo bilang isang parada ng kababaihan kung saan may katumbas na ngalan ng reyna ang bawat dalaga. Sikat ang ganitong mga pagdiriwang dahil inaabangan ang magagarbong gown, kumikinang na mga korona, nakabibighaning kagandahan ng dalagang Pilipina, at ang mga nagiging Reyna Elena. Talaga nga namang nakagigiliw panoorin ang ganitong uri ng pagdiriwang ngunit may mas mahalaga at mas malalim pang dahilan kung bakit ito ginugunita - isa itong buhay na representasyon ng pananampalatayang Pilipino. Tradisyonal na parada, salamin ng matatag na pananampalataya “Queen of all Filipino F e s t i v a l s” a n g t a g u r i s a F l o r e s de Mayo o minsan kilala bilang Santa Cruzan sa Pilipinas. Ipinagdiriwang ang kapistahang ito tuwing buwan ng Mayo dahil itinuturing ito bilang ispesyal na buwan ng debosyon para kay B i r h e n g M a r i a . Na k a g a w i a n n a ng mga Pilipino ang ganitong selebrasyon matapos ang pr oklamasyon ng Dogma of the Immaculate Concepcion noong 1854 kung saan ginugunita ang kabanalan ni Maria sa bawat araw sa naturang buwan.

Pinakabantog sa pistang ito ang Santa Cruzan, isang religiousbiblical-historical celebration na siyang nagmamarka sa pagtatapos ng naturang buwan ng paga a l a y. I t i n u t u r i n g i t o n g i s a s a mga pinakamakulay na tagpo sa kulturang Pilipino. Inilalarawan nito ang isang pangyayari sa kasaysayan kung saan tampok ang paghahanap ni Reyna Elena sa krus ni Hesukristo. Si Reyna Elena ang ina ng makapangyarihang emperor na si Constantine the Great, na siyang tumapos sa pagpapahirap ng mga Kristyano. Sa pagdiriwang na ito, may labing pitong biblikal at makasaysayang persona na ibinibida sa parada. Kasama rito ang siyam na kumakatawan sa 14 na ngalan ni Maria. Ilan sa mga ito sina Divina Pastora, Reina de las Estrellas, Rosa Mystica, Reina Paz, Peinas de las Profetas, Reina del Cielo, at iba pa. Pinakahuli sa prusisyon ang karakter ni Reyna Elena, kasama ang kanyang abay na gumaganap sa karakter ni Constantine. Bukod sa nakagawiang parada, kalakip nito ang tradisyon ng siyam na araw ng pagdadasal at novena, na siyang paggunita sa banal na krus. Ayon kay Alejandro Roces na naglahad ng kasaysayan ng Flores de Mayo mula sa kanyang artikulong REYNA ELENA >> p.9


12

ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

MAYO 2018

KORONA NG UNICA HIJA:

Tulis ng mga tinik ng nag-iisang rosas REXIELYN TAN

Hindi siya ang binibining inaasahan ng lahat. Mayumi, maamo, at mahinahon. Hindi ito ang mga pang-uring mahahagilap sa oras ng inyong paghaharap. Maingay siya. Mula sa abot-tengang ngiting babati sa’yo, hanggang sa makalimutan mo ang oras dahil sa mga tanong at kuwento niyang ‘di maubos. Bibo siya. Makikita ang kinang sa kanyang mga mata sa bawat oportunidad na kanyang hindi pinalalagpas. Alam niya ang hinahangad ng kanyang puso at hindi siya magdadalawang-isip u p a n g m a k a m t a n a n g m g a i t o. Higit sa lahat, matapang siya. Kaya niyang tumayo sa kanyang sariling mga paa nang hindi dumedepende sa iba. Walang takot niyang ipagsisigawan ang mga prinsipyong kanyang matibay na pinaninindigan at mga karapatang kanyang pinaniniwalaan. Matagal hinintay ng kanyang mga magulang ang pag-iral niya sa mundong ibabaw. Walang katumbas na kasiyahan ang naidulot niya sa kanyang pamilya simula pa lamang ng kanyang kapanganakan. Dahil dito, siniguro ng kanyang mga magulang na palalakihin nila ang kanilang munting prinsesang may buong tiwala sa sarili hindi matitinag na kompiyansa sa sarili na kaya niyang abutin ang lahat ng kanyang pangarap. Ipinangako rin ng kanyang mga kuya na iingatan at aalagaan nila sa abot ng kanilang makakaya ang kanilang nag-iisang rosas.

niyang mga bagay. Tradisyonal kung ituring ang kanyang pamilya kaya naman konserbatibo at mahigpit sila lalong-lalo na sa kanilang nagiisang anak na babae. Sa kanyang pagkabata, nakasanayan niyang makipaglaro sa kanyang mga kuya ng mga tipikal na panlalaking laruan tulad ng baril-barilan at mga truck at kotse. Naging paborito niya rin ang panonood ng Voltez V at iba pang maaaksyong palabas. Sa kabilang banda, may mga panahon din namang pumapayag na makipaglaro sa kanya ang mga kapatid na lalaki ng Barbie at makisama sa kanyang luto-lutuan. Ibinahagi niya ring magaling magluto ang kanyang mga kapatid at lagi siyang ipinaghahain tuwing uuwi galing paaralan. Kuwento pa ni Rej*, may mga pagkakataon ding parang nakalilimutan nilang may unica hija sila. Nasasanay kasi silang m a g l a k a d n g nakas alaw al lang sa bahay at madalas magulo sa kanilang mga gamit. Paminsan-minsan, nagiging insensitibo rin sila sa damdamin ng isang babae. Sa kabilang banda, malaking tulong para kay Rej*

ang lumaki sa ganitong uri ng paligid dahil natutuhan niyang mamuna ng mga kilos kahit pa mga lalaki ang kasamahan nito sa bahay. Bunsod nito, nabigyan siya ng lakas ng loob upang ipagtanggol ang kanyang sarili sa iba pang lalaking may masamang loob. Dagdag pa niya, nakabantay rin sila sa pamamaraan ng kanyang pananamit dahil ayaw nilang mabastos siya ng ibang lalaki. Nagugulat sila kapag nakikita nilang maikli ang kanyang damit dahil nakasanayan na nila siyang laging naka-pantalon. Kaya naman, hindi maiwasan ni Rej* na maghangad ng kapatid na babae at maramdaman ang pagmamahal ng isang ate, o mas nakababatang babaeng kapatid. Minsan, naghahanap siya ng taong maaari niyang makwentuhan tungkol sa mga bagay na tanging mga babae lamang ang makaiintindi. Sa kanyang pagdadalaga, ang kanyang ina at mga kaibigang babae ang kanyang pangunahing naging lapitan at takbuhan. Sila a n g t u m a y o n g “a t e ” n i y a a t s a pamamagitan nila nakararanas siya ng pag-aaruga at paglalambing ng mga kababaihan

Pagtindig ni Gabriela kapantay ni Malakas Ayon kay Berna*, kasapi ng samahang Gabriela, isang organisasyong aktibong nagtatanggol sa peminismo, isang konsepto lamang ng lipunan ang ideya na mas protektado ang isang babae sa presensya ng mga kalalakihan. Masasabing unti-unti nang nabubuksan ang kaisipan ng ating henerasyon sa “equal rights” o pagkakapantaypantay, ngunit mayoridad pa rin sa pamilyang Pilipino ang yumayakap sa ideyolohiyang patriyarkal. Ito ang paniniwala na ang ama ng tahanan ang siyang ulo ng isang pamilya at dapat lamang magpasakop ang mga myembro n g pamilya sa kanya. Par a kay Berna, isa ito sa mga pangunahing dahilan bakit may pakiramdam ang marami na mas ligtas sila sa paligid ng mga kalalakihan. Isa ring maaaring katwiran, banggit pa niya, ang pisikal na lakas ng mga lalaki kung ihahambing sa kapasidad ng mga babae. Nakabatay umano sa paniniwala ng isang pamilya ang perspektibo ng isang unica hija patungkol sa

Dibuho ni Jeremiah Teope

Pagsibol sa teritoryo ng mga barako Lumaki si Rej** na napaliligiran ng mga lalaking kapatid. Ayon sa kanya, maiingay at madadaldal ang lahat ng kanyang mga kuya kaya naman madali lang para sa kanya ang makihalubilo sa maraming tao. Siya ang bunso at unica hija sa kanilang limang magkakapatid. Aniya, masarap ang lumaking nagiisang babae dahil nararamdaman niyang maraming nag-aaruga sa kanya. Nabubuhos din sa kanya ang atensyon ng kanyang mga magulang at naibibigay ang anomang hilingin

Dibuho ni Elena Salazar

peminismo. Sa positibong epekto, matututo siya paano makisalamuha sa paligid ng mga lalaki at matapang na tumayo sa kanyang sariling paninindigan. May kaalaman din siya paano ipagtanggol ang kanyang sarili dahil sa mga payo ng kanyang mga kuya at sa kanilang pagpapakita ng proteksyon. Higit sa lahat, malaki ang magiging kamalayan niya sa tamang pakikitungo ng ibang lalaki sa kanya at matututo siyang pakiaramdaman ang tunay na intesyon ng iba sa kanya. Sa kabilang banda, bilang isang babaeng lumaking napaliligiran ng kalalakihan, may pagkakataong maaari siyang maging insensitibo sa ibang babae. May mga sandaling makakasakit siya ng kapwa babae at hindi niya agad napagtatanto dahil hindi gaanong binibigyang-pansin ng mga lalaki ang ilang sitwasyon. Dilig ng tiwala sa sariling kakayanan Mahirap lumikha ng pagbabago at baliin ang isang kaugalian o tradisyon. Sa ating lipunan na matagal nang nangingibabaw ang mga kalalakihan, tila hirap pa rin tayong ipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan at iparinig ang kanilang boses sa kanilang kanya-kanyang propesyon at kahit sa sarili nilang pamilya. Subalit hangga’t hindi natin natatamo ang karampatang hustisya at pantay-pantay na pakikitungo sa lahat, marapat lamang tayong maging tagapagtaguyod ng pagbabago. Payo nga ni Berna, kailangan lamang na magtiwala tayo sa ating sarili na kaya nating isara ang puwang na naghihiwalay sa kalalakihan at kababaihan. Kaya natin itong matamo sa pamamagitan ng pagbibigay ng magkatimbang na pagkakataon at magkapantay na turing sa parehong kasarian. Mula sa matandang kasabihan, may dahilan ang lahat ng bagay na umiiral sa mundo. Siguradong may karunungang nakatago ang pag-iral ng magkaibang kasarian. Hindi rin maitatangging may mga kaukulang kahinaan ang bawat indibidwal ngunit hindi dapat ito maging dahilan upang tapakan ang mga karapatan o maliitin ang kakayanan ng bawat isa. Bagkus, marapat lamang na gamitin ang bawat kalakasan upang punan ang kahinaan ng isa at buong pusong magtulungan para sa pagpapanatili ng mabuting samahan. *Hindi tunay na pangalan.

LUM AD | Mula sa p.11 ang posibleng pagkabura ng kultura ng mga Lumad bilang katutubo. “‘Yung lupa nila, ‘yun ‘yong heart ng kultura nila eh,” ani Valle. Sa patuloy na pagpapalayas sa mga Lumad mula sa kanilang lupa, maaari ding matigil ang pagpasa ng kanilang kultura sa mga susunod pang henerasyon. Bilang tugon sa pangambang mabura ang mga Lumad at ang kanilang kultura mula sa kasaysayan, kapit-kamay ang SOS Network at ang mga Lumad sa pakikibaka para sa usapang pangkapayapaan. Ayon kay Valle, naniniwala ang grupong may pinag-uugatan ang mga giyerang nangyayari sa Mindanao, at iyon ang nais nilang maunawaan upang masolusyonan ito. “Hindi mo malulutas ang kahit anong

problema kapag hindi mo nirerecognize ano ‘yung problema,” aniya. Dagdag niya, magkakasama silang naghain ng Indigenous Peoples’ Agenda sa peace talks upang malutas ang ugat ng kahirapan at pananamantala sa mga katutubo. Sa gitna ng mga pagsabog, pangaabuso, at pagkawala ng mga buhay, sari-sari din ang mga kuwentong binibitiwan at ikinakalat tungkol sa mga Lumad. Kung minsan, wala nang katotohanan ang mga balitang nasasagap tungkol sa kanila, lalo na ng mga mamamayang malayo sa kanilang lugar. Ayon kay Valle, napakahalaga ng pag-uusisa at pagtatanong para mas maintindihan ang tunay na kalagayan ng mga katutubo sa Mindanao. Hindi sapat na umasa lamang sa Facebook at

sa ibang mainstream media dahil kung minsan, kulang o halos wala nang akmang kuwentong inilalabas tungkol sa kanila. Isa sa mga dahilan ng Lakbayan ng mga Lumad ang hangaring ipaalam sa mga mamamayan ng Metro Manila ang kondisyon sa Mindanao sa ilalim ng Batas Militar. Sa katunayan, kakaibang kapayapaan ang dulot nito para sa mga kababayan nating naninirahan doon. “Peaceful siya [Martial law] dahil tahimik, dahil takot ‘ y u n g m g a t a o n a m a g s a l i t a ,” paliwanag ni Valle. Patuloy na paglaban para sa kinabukasan Nanirahan ang mga lumad sa anino ng katahimikan ng ilang taon at walang sapat na aksyon para sa

benepisyo nila. Para silang mga bulaklak na unti-unting nalalanta dahil sa kakulangang dilig ng suporta at kalinga. Sa ating panahon ngayon na napapatibay pa lalo ang karapatang magsalita, tapos na ang mga araw sa pagsasawalangbahala sa karapatan ng mga Lumad. Isa sa natatanging kultura ng mga Lumad ang kanilang pagkakaisa at pagbibigayan. Kuwento ni Valle, kung bibigyan man ng isang pirasong candy ang isa sa kanila, babasagin pa nila ito marahil para mapaghatian ng nakararami. Hindi nila kinaugaliang maging madamot kahit pa lupain nila ang nakasalalay ngunit sila pa ngayon ang ninanakawan at nawawalan ng sariling yaman dahil sa pananamantala ng iba.

Hindi mabubuhay ang isang bulaklak dahil lamang sa isang patak ng tubig o ilang oras na sikat ng araw. Maalagang pagbabantay, pagpapaaraw, at pagdidilig ang kailangan hanggang sa tuluyan itong mamukadkad. Kagaya ng isang hardin ng bulaklak, hindi sapat na tanging mga Lumad lamang ang patuloy na nakikibaka para sa kanilang mga karapatan. Hindi lamang isang presidente o gobyerno ang magdadala ng pagbabago para sa kanila. Napakahalaga rin ng suporta at pakikiisa ng ibang mamamayan para matugunan ang kanilang mga panawagan. Sa ganitong paraan, mas magiging maganda ang pagbuka ng mga talulot at patuloy na dadaloy ang kulay para sa bawat isa.


13

Mga kuha nina Kinlon Fan, Phoebe Danielle Joco, at Arah Josmin Reguyal

MAKUKULAY na karosa at street dancing ng mga fiesta mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang bumalot sa kahabaan ng Roxas Boulevard mula Quirino Grandstand hanggang sa Aliw Theater sa pagdiwang ng taunang Aliwan Festival, Abril 28.


14

ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

MAYO 2018

COACH R A MIL | Mula sa p.16 at ikasampu namang ginto sa buong dalawang dekada ni De Jesus bilang coach. Laban para sa Pilipinas Dahil sa kanyang walang katulad na pagganap bilang m e n t o r, i p i n a g k a t i w a l a k a y Coach R D J a n g p a g i g i n g co a c h ng Philippine Women’s Volleyball Team para sa August 2018 Asian Games na isasagawa sa Indonesia at September 2018 Asian Women’s Vo l l e y b a l l C h a m p i o n s h i p s a Thailand. Bago pa man ang tryouts para sa pambansang koponan, inihayag na ni Larong Volleyball sa Pilipinas Inc. Vice President Peter Cayco ang pagtayo ni D e Je s u s b i l a n g h e a d c o a c h n g national team. Ayon kay Cayco, karapatdapat ang La Salle coach at patunay na rito ang sampung titulo mula sa UAAP at dalawa naman mula sa Philippine Super Liga (PSL). Na g i n g u s a p - u s a p a n i t o kasabay ng mainit na serye ng Lady Spikers sa UAAP Season 80 Women’s Volleyball Tournament. Hindi nagpadaig sa ingay ng social media ang talentadong coach at nanatiling mapagkumbaba habang nasa ulap ang mithiin p a r a s a p a m b a n s a n g p a m b a t o. Mula sa kanyang interbyu sa PhilStar Global, pahayag ni De Jesus, “But my point is that we should organize this national team. Whoever wants to help is

very much welcome. They should help before they say anything negative.” Dagdag pa ng national team coach. maaatim lamang ang tagumpay kung magtutulongtulong ang lahat. Hindi ito ang unang beses na hahawak ng National team ang beteranong coach. Matatandaang 13 taong nakalipas, binitbit ni De Jesus ang Philippine-based squad sa podium ng 2005 Southeast Asian (SEA) Games. Kalakip ng matagumpay na pagwagayway ng watawat ang mga tansong medalya na nakamit sa sariling lupain. Bakas na bakas ang kakayahan ni De Jesus na humawak ng koponan at ilatag ang direksyon patungo sa tagumpay para sa kaniyang mga manlalaro. Angat na angat, tunay na alamat Bukod sa UAAP at sari-saring kompetisyon sa labas ng bansa, hindi rin pinalagpas ng multitalented coach ang Philippine Volleyball Federation (PVF) National InterCollegiate Volleyball Tournament a t S h a k e y ’ s Vo l l e y b a l l L e a g u e . Humakot ng apat na kampeonato ang koponan ni De Jesus sa PVF samantalang tatlo naman para sa Shakey’s V-league. Solidong solido ang karanasan bilang atleta sa ilalim ni Coach De Jesus. Patunay rito ang nananalaytay na dugong berde sa mga dating Lady Spiker na naglalaro na ngayon para sa F2 Logistics Cargo Movers na hinawakan din ng nasabing coach.

Naiukit na sa talaan ang walang kupas na talino ni Coach RDJ pagdating sa kort, pagdidisiplina sa koponan, at puso para sa laban. Mula sa pagdidisenyo ng jersey hanggang sa pagsuporta

sa kanyang mga bata sa loob man o labas ng bakbakan, walang makapapantay sa isang alamat t u l a d n i D e Je s u s . S a l o o b n g dalawang dekada sa Pamantasan, namukadkad ang Taft mainstays

sa larangan ng volleyball at mas tumingkad ang kulay luntian sa bahaghari ng mga unibersidad. Talino, tinik sa laro, at puso ang puhunan ng isang legasiya sa ngalang Ramil De Jesus.

NADAGDAGAN ang gintong tropeo ng DLSU Lady Spikers matapos magwagi sa katatapos lang na UAAP 80 Women’s Volleyball tournament, Mayo 2 sa Smart Araneta Coliseum. Ito ang kanilang ika-11 na ginto sa ilalim ng pamamalakad ni Coach Ramil De Jesus.| Kuha ni Justin Ray Aliman

FILOIL | Mula sa p.16 inungusan ang kalaban sa huling yugto ng bakbakan sa iskor na 9172. Ipinamalas din ni Green Archer Kib Montalbo ang kanyang in-game composure at veteran prowess matapos makuha ang game high na 25 points. Nagbigay rin ang 5th year at graduating player ng 8 rebounds, 5 assists at 6 steals upang makuha ang ikalawang panalo. Sa kabilang banda, pinangunahan ng former La Salle Greenhills Greenies stand out na si Kobe Paras at Former Green Archers, Abu Tratter, Prince Rivero, at Ricci Rivero, ang Gilas Cadets na nakalikom ng 33 combined points.

Sunod na pinadapa ng Green Archers ang UPHSD Altas sa pangunguna ni Green Archer Aljun Melecio na gumawa ng 27 puntos upang pabagsakin ang koponan ng Altas sa iskor na 96 - 83. Nilamangan man sa unang yugto dulot ng defensive lapses ng Archers, nanatili pa rin ang composure ng koponan at tuluyang nanaig sa labanan. Dinomina rin ng DLSU ang koponan ng EAC Generals nang magharap ang dalawa sa iskor na 83-51. Maagang humataw ang rookie-import na si Samuel na naglista ng 28 points at 9 rebounds upang dakpin ang panalo. Kaagapay niya ang nagbabalik Green

Archer na si Mark Dyke na nakakuha rin ng double-double performance, 13 puntos at 10 rebounds. Huling nakasagupaan ng Taftbased squad ang UE Red Warriors na nagkaroon ng isang dikit na labanan sa iskor na 71-62. Hindi nagpatinag ang Green Archers sa monster performance ni Red Warrior Alvin Pasaol na nakapagkamit ng 20 puntos para pangunahan ang kaniyang koponan. Bagamat naging dikdikan ang labanan, ginapi ng Taft mainstays ang kalaban sa pangunguna ni Green Archer Dyke na nakalikom ng 18 puntos at 9 rebounds.

Bagong henerasyon ng mga kampeon Malaking kawalan para sa DLSU Green Archers ang paglisan ni Coach Aldin Ayo at Ben Mbala sapagkat lan sila sa mga naging susi upang makamit ang ginto sa nakaraang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 79. Dagdag pa rito, hindi rin maikakaila ang nabuong samahan ni Ayo at ng mga manlalaro ng koponan. Samantala, ikinabahala rin ng ilan ang pagkawala ng ilan sa mga star player ng La Salle line-up na sina P. Rivero, R. Rivero, at Brent Paraiso.

Dibuho ni Leon John Reyes

Napabalita ang paglipat ni shooting guard at double digit scorer R. Rivero sa UP Fighting Maroons pati na si Brent Paraiso sa University of Sto. Tomas (UST) Growling Tigers matapos ang isyu tungkol sa endorsement ng dalawa. Sa kabila nito, hindi nawalan ng pag-asa ang koponan lalo sa pagdating ng mga bagong gunner ng DLSU Green Archers. Sa pagpasok ng Green and White team sa torneo, nagawang punan ni Samuel ang naiwang papel ni Most Valuable Player Mbala. Pinatunayan niya ito sa kanyang double digit scoring sa mga nakaraang laro. Bukod pa rito, isa rin sa mga kinatatatukang big men ng koponan si Bates na gumawa kaagad ng 9 puntos at 3 rebounds sa pagbubukas ng kampeonato kontra UP. Dahil dito, magiging malaki ang bentahe ng Green Archers hindi lamang sa rebounding department kundi pati sa scoring prowess. Hindi rin nagpapatinag sina Team Captain Montalbo, three-point specialist Jollo Go, at guards na sina Melecio at Andrei Caracut upang patnubayan ang koponan. Naging matunog din ang pagbabalik ni Dyke sa DLSU na magbibigay sa kanila ng pag-asa para angkinin ang kampeonato. Magandang panimula ang off season tournament na ito upang maging handa ang koponan ng Green Archers para sa paparating na bakbakan sa pagbubukas ng UAAP Season 81 Men’s Basketball Tournament sa darating na Setyembre. Patuloy ang Filoil Flying V Preseason Cup sa kasalukuyan at susubukan ng Taft-based squad na makapasok sa semi-finals upang makabalik sa finals at maibawi ang runner-up finish last season kontra San Beda University Red Lions para sa ginto.


15

ISPORTS

PUSONG BETERANO, PUSONG PANALO:

Papuri sa natatanging galing nina Dy, Baron, at Macandili FHERY AHN ADAJAR

MABILIS ang paglipas ng oras para sa mga beteranong manlalaro na sina Lady Spikers Kim Kianna Dy, Mary Joy Baron, at Dawn Nicole Macandili. Tiyak na mabigat na suliranin sa koponan ang kanilang pagkawala lalo pa at pare-pareho nilang napatunayan ang kanilang kahalagahan nang matanggap nila ang parangal na Finals Most Valuable Player (MVP). Kapwa sila nagpapakitang-gilas bilang manlalaro ng F2 Logistics sa Philippines Super Liga (PSL). Kinilalang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 78, 79, at 80 Finals MVP sina Dy, Baron, at Macandili, ayon sa pagkakasunod-sunod. Gayunpaman, hindi madali ang kanilang pinagdaanan sapagkat nag-umpisa ang bawat isa sa kanila bilang bench players. Hinintay nilang tatlo ang kanilang oras at magningning sa tamang pagkakataon para sa kanilang mga tagasuporta.

middle hitter at middle blocker, binansagan siyang “Baroness of the block,” dahil malaki ang inaasahan sa kanya pagdating sa depensa ng koponan. Pinatunayan niya ang bangis ng kanyang kamay nang magwagi bilang Season 78 Best Blocker at Season 79 MVP sa UAAP. Dinala rin niya ang kanyang galing sa PSL nang makamit niya ang 2018 PSL All-Filipino 1st Best M i d d l e B l o c k e r Aw a r d a t 2 0 1 7

Philippine Superliga Grand Prix 2nd Best Middle Blocker. Paghalili ni Macandili Sa kabilang banda, hindi magpapahuli ang tinaguriang Asia's Finest, Dawn Macandili. Walang makalilimot sa matinding talento ni Macandili sa paglalaro hindi lamang sa bansa, pati na r i n s a b u o n g m u n d o. T a h i m i k man ang libero, halimaw siyang

gumagalaw sa tuwing tumatapak sa loob ng kort. Binitbit niya ang sari-saring gantimpala sa UAAP tulad ng Best Receiver at Best Digger sa parehong Season 78. Siya muli ang naging Best Receiver sa sumunod na taon at sa kayang huling playing year, ginulat niya ang sambayanan nang bingwitin niya ang MVP award sa Season 80. Iilan lamang ang nabanggit sa mga nakuha ni Macandili. Pinabilib niya

rin ang bansa nang itanghal siyang 2017 Asian Women’s Volleyball Championship 2nd Best Libero. Maaaring lilisanin na ng mga beteranong balibolista ang Pamantasan ngunit mananatiling buhay ang kanilang mga karangalang dinala sa La Salle. Lubos silang ipagmamalaki ng DLSU at pasasalamat ang marapat para sa kanila dulot ng makasaysayang ginawa nila para rito.

Markang iniwan ni KKD Maag a n g n a g s i m u l a a n g k a r e r a ni Dy sa paglalaro sa larangan ng volleyball. Sa katunayan, napanalunan niya ang Best Blocker noong Season 73 at back-to-back B e s t B l o c k e r s a i k a - 74 a t i k a - 7 5 na Season sa UAAP Juniors bitbit ang pangalan ng mga Lasalyano bilang varsity player ng De La Salle Zobel. Sa limang taong paglalaro para sa Pamantasan, nasungkit niya ang MVP award sa taong 2016. Kasabay ng kanyang pamamayagpag, iniuwi ng DLSU ang kampeonato mula Season 78 hanggang Season 80. Kontribyuson ng isang Baron Sa posisyon ni Baron bilang

Dibuho ni Patricia Cometa

WOODPUSHERS | Mula sa p.16 Chess Tournament. Bilang dating myembro ng team B at student manager ng koponan, nasubaybayan ng Lady Woodpusher ang pagiging desido ng grupo upang mabawi muling tumuntong sa 1st place finish. Kung anong pait ang dulot ng Season 79 , siya namang tamis ng pagkakapanalo nila ngayong Season 80. Ani Lady Woodpusher Dimen, “Truly the heartbreak we felt last season was all worth it as we gained life lessons – to stand and [fight] back confidently for what we really wanted, t h e c h a m p i o n s h i p.” Ginto para sa huling torneo Mula sa four-peat championship ng Lady Wo o d p u s h e r s n o o n g U A A P Season 76 hanggang sa kanilang pinakasariwang tagumpay, saksi si Team Captain Bernadette Galas sa pagdomina ng koponan s a l a r a n g a n n g c h e s s s a UA A P. Humakot din ng individual medal ang podium resident at gumawa ng sariling pangalan s a t o r n e o. I l a n s a m g a i t o a n g Rookie of the Year award noong Season 76, apat na ginto,

isang pilak, at dalawang Most Va l u a b l e P l a y e r a w a r d . Ayon sa kapitana, mas uhaw ang koponan na maipanalo ang laban sapagkat halos kalahati ang nasa kanilang huling p l a y i n g s e a s o n . B u k o d d i t o, aminado si Galas na lumakas din ang mga katunggali mula s a i b a’ t i b a n g u n i b e r s i d a d n a kabilang sa kompetisyon. Pinag-alab din ng kanilang mga sakripisyo noong Season 79 ang kanilang kagustuhang m a k a b a w i s a t o r n e o. D a h i l s a pagkakaliban ng laban noong nakaraang taon, nasubukan ang mga manlalaro maging ang kanilang playing momentum. “Because of that, we made sure t h i s t i m e n a s a UA A P m u n a mas committed ang lahat, na ibigay namin yung halos l a h a t n g o r a s s a UA A P m u n a ,” paliwanag ni Lady Woodpusher Team Captain Galas. Commitment – ito ang naging kahinaan ng koponan sa kurso ng laban, ayon kay Galas. Dahil sa ilang bagay na pinagkakaabalahan ng mga manalalaro, nawawala ang konsentrasyon ng grupo at

a n g p o k u s s a m i t h i i n . Up a n g maibsan ang mga kakulangan, hindi nagpadaig sa kanikanilang kahinaan ang bawat m y e m b r o n g k o p o n a n . Na g i n g sandalan ng Lady Woodpushers ang isa’t isa kahit na indibidwal a n g m e k a n i s m o n g p a g l a l a r o. D a g d a g p a n i G a l a s , “A l a m namin na dapat maramdaman [ng] bawat isa na kasama nila kami hanggang matapos yung game at ,siyempre, yung f a i t h k a y G o d .” Sa pagtatapos ng kanyang karera sa UAAP, tunay na maituturing na alamat ng koponan si Woman International Master at Lady Woodpusher Team Captain Galas. Kapuri-puri ang galing na taglay ng koponan at bakas na bakas ito sa pagiging podium finishers ng pambato ng Abenida ng T a f t . S a pagbabalik ng kampeonato sa Taft, tamis ng pagtatapos ang dulot sa ilan at magandang simula na naman para sa mga magpapatuloy ng winning prowess ng Green and White team. Mula noon hanggang ngayon, tunay na reyna ng UA A P C h e s s T o u r n a m e n t a n g D L S U L a d y Wo o d p u s h e r s .

Dibuho ni Syyida Shah


16

PATNUGOT NG ISPORTS: Justine Earl Taboso LAYOUT ARTIST: Danica Santos

ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

ISPORTS

MAYO 2018

MULING TUMUNTONG sa unang pwesto ang DLSU Lady Woodpushers matapos makalikom ng 45 points sa UAAP Season 80 Chess Tournament. Inaasam ng koponan na mapanatili ang kampeonato sa mga susunod na season ng UAAP. | Kuha ni Karl Niccolo dela Cruz

KORONANG HATID NG MGA REYNA:

Muling pamamayagpag ng DLSU Lady Woodpushers

KATHLEEN JHOANNE MARTINEZ

MATAGUMPAY na pinataob ng DLSU Lady Woodpushers ang mga katunggali sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 80 Women’s Chess Tournament noong ika-8 ng Abril sa University of Santo Tomas Quadricentennial Pavillion. Nakalikom ng 45 puntos ang koponan para sa kabuuang talaan. Pumangalawa naman ang Far Eastern University (FEU) na may 42.5 puntos na sinundan ng University of the Philippines (UP), 34.5 puntos.

Bunsod ng pagkatalo noong S e a s o n 7 9 k o n t r a F E U, n a g i n g mas matamis ang kampeonato na natamo ng Green and White team. Hindi man nakamit ang inaasam na back-to-back championship title noong nakaraang serye, pinatunayan n a m a n n g L a d y Wo o dp u s h e r s na sa Abenida ng Taft tunay na nararapat ang korona. Labanan sa mesa, utak ang sandata Dumadaloy ang kurso ng torneo sa tinatawag na double round robin na binubuo ng apat na manlalaro

mula sa unibersidad. Sa loob ng 14 rounds, naiipon ang puntos mula sa apat na board kada koponan. Indibidwal man ang paglalaro, nakasalalay naman sa bawat isa ang magiging resulta ng buong koponan. Walang halong biro ang pagsabak sa larangang ito sapagkat hindi lamang mentalidad ang dapat hasain kundi maging ang pagiging aktibo ng kaisipan sa kabuuan ng torneo. Lima hanggang anim na oras mahigit na pagtutok sa l a r o, t u n a y n a s i n u s u b o k d i n ang pisikal na katatagan ng mga

DALAWANG DEKALIDAD NA DEKADA:

manlalaro. Malaking hamon sa larangang ito ang talas ng mata at kritikal na pag-iisip. Bukod sa nakakikilabot na galing sa larangan ng ibang koponan, malaking dagok din para sa isang manlalaro ang pansariling kaba. Gayunpaman, tama at positibong mindset ang susi sa pagiging alerto sa laban. Unang laro, matamis na kampeonato Student manager noon, kampeon ngayon, ipinakikilala si Lady Woodpusher Karen Dimen. M u l a

sa sidelines, mas napalawig pa ng Legal Management student ang kanyang lakas sa napiling larangan. Bago pa man mapasali sa koponan ng Taft mainstays at ibuhos ang buong atensyon sa DLSU Woodpushers, sumasabak na sa mga kompetisyong labas s a UA A P s i D i m e n . Na g i n g m a s i g l a a n g h u l i n g taon ni Dimen sa unibersidad sapagkat ito rin ang kanyang u n a n g p a g s a b a k s a UA A P WOODPUSHERS >> p.15

PANIBAGONG BANGIS NG MGA ARKERO:

Coach Ramil De Jesus, isang legasiya DLSU Green Archers, CHRISTEN DELOS SANTOS AT KATHLEEN JHOANNE MARTINEZ

SA LIKOD ng mga manlalarong sumasabak sa kort, palaging nagmamasid at gumagabay ang mga mentor o coach na nagsisilbing pundasyon at haligi ng koponan. Sa bawat pagdapa, sila ang unang humahalili at tumutulong sa pagbangon. Ngiting madalas pumukaw sa mga manonood, matinik na gaming techniques, at hindi matatawarang pag-aalaga sa koponan — ilan lamang ito sa mga pagkakakilanlan kay Coach Ramil De Jesus. Mas kilala bilang Tatay o Coach RDJ, tunay siyang nagtatak ng sariling marka sa larangan ng volleyball. Luntian, dugo ng tunay na kampeon Mula sa berde at gintong pamantasan, Far Eastern University, binaybay ng dating Tamaraw ang daan patungo sa Abenida ng Taft. Taong 1997-98 ng

University Athletic Association of the Philippines (UAAP) (Season 60) nang unang pumasok si De Jesus sa Pamantasang De La Salle upang ganap na mapabilang sa koponang a r k e r o. K a m a n g h a - m a n g h a n g transpormasyon agad ang naidulot ni De Jesus nang magsimula ang podium residency ng Lady Spikers. Hindi nagtagal, nakasungkit agad ang Lady Spikers ng kampeonato noong Season 62 kontra University of Santo Tomas. Hinirang na Most Valuable Player si Lady Spiker alumna Iris Ortega-Patrona. Gitgitang sagupaan naman ang kanilang ipinamalas sa sumunod na tatlong taon kontra FEU. Bunsod nito, lumapag lamang sa ikalawang pwesto ang Green and White team. Hindi lamang puro bulaklak at tamis ang larangan ng volleyball sa UAAP.Matapos masuspinde ang Pamantasan sa UAAP noong Season 69, nauwi sa forfeiture ang redemption year ng koponan bunsod ng isyung

kanilang hinarap. Dumaan man ang bagyo, hindi pa rin nagpatalo ang pambato ng Taft. Season 71 nang maiuwi ng Lady Spikers, sa pangunguna ni Manilla Santos, ang kampeonato kontra sa matinik nilang kalaban mula sa Morayta. Lady Spikers Ortega-Patrona, Jacqueline Alarca, Chie Saet, Charleen Cruz, Abigail Maraño, Victonara Galang, Michele Gumabao, at Mika Reyes – mga pangalang tinutukan, tumatak, at sinubaybayan sa loob at labas ng UAAP. Bukod sa taglay na galing at dedikasyon ng mga manlalaro, hindi maikakailang naihandog nila ang bawat makapipigil-hiningang laro sa tulong na rin ng training program at gameplay styles ni Coach De Jesus. Kamakailan lamang, nanatili sa Taft ang korona nang parangalan ang Lady Spikers para sa kanilang ikatlong 3-peat championship series COACH RAMIL >> p.14

muling ibinandera ang galing sa FilOil Cup! MARK PAULO GUILLERMO

MAGANDANG SIMULA ang inilatag ng DLSU Green Archers sa kanilang pagsabak sa 2018 Filoil Flying V Preseason Cup. Tangan ng koponan ni Coach Louie Gonzalez ang 5 0 panalo - talo kartada matapos lampasuhin ng Taft-based squad ang University of the Philippines (UP) Fighting Maroons, Gilas Cadets, University of Perpetual Help System (UPHSD) Altas, Emilio Aguinaldo College (EAC), Generals, at University of the East (UE) Red Warriors. Sa kabila ng no loss record ng Green and White team, hindi naging madali ang adjustments na kanilang hinarap lalo sa sa panibago at kaabang-abang na line-up para sa Green Archers.

Malinis na kartada Sa pagbubukas ng torneo, naging kapanapanabik ang unang laban ng DLSU Green Archers kontra sa UP Fighting Maroons sa unang round ng FilOil Flying V Tournament. Pinangunahan ng nag-iinit na scoring nina Kiwi import Taane Samuel at Fil-Aussie Brandon Bates ang panalo kontra Diliman-based squad matapos makalikom ng combined 21 points at 10 rebounds upang selyuhin ang unang panalo sa iskor na 82-79. Sunod na pinatumba ng Green Archers ang Gilas Cadets matapos habulin ng Taft mainstays ang 20 point-lead ng Gilas Cadets sa unang yugto ng laban. Dahan-dahang ibinaba ng koponan ang kalamangan at tuluyan nang FILOIL >> p.14


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.