ANG PAHAYAGANG PLARIDEL: A.Y: 2017-2018- MARSO-ABRIL ISYU

Page 1

A N G PA H AYA G A N G

PLARIDEL

ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANG-MAG-AARAL NG PAMANTASANG DE LA SALLE

ABRIL 11, 2018

TOMO XXXIII BLG. 5 BAYAN

BUHAY AT KULTUR A

ISPORTS

Impeachment ni Sereno:

Dagitab ng UP Shopping Center:

ANG POLITIK A SA LIKOD NG LEGAL NA PROSESO

PAGBUO NG KISLAP PARA SA PANIBAGONG KANLUNGAN

Papalapit sa gintong korona: DLSU LADY SPIKERS, DINAGIT ANG SEMI-FINALS TICKET KONTRA LADY WARRIORS!

#MALELDO2018. Dinaluhan ng daan-daang debotong Kristiyano ang taunang pagsasabuhay sa paghihirap at pagkamatay ni Hesus noong Biyernes Santo, Marso 30 sa Bario San Pedro Cutud, San Fernando, Pampanga. | Kuha ni Arah Josmin Reguyal

BILANG PAGSALUBONG SA A.Y. 2018-2019:

DLSU RevEd: Post K-12 Lasallian Curriculum, inilalatag CAMILLE JOYCE BILLONES, JOYCE ANN DANIELES, AT JULIENE LEIGH JOSUE

IKINAKASA na ng administrasyon ng Pamantasang De La Salle (DLSU) ang mga reporma sa kasalukuyang kurikulum upang mas epektibong mabigyan ng kinakailangang

edukasyon ang mga estudyanteng magsisipagtapos ng K-12. Pangunahing l a y u n i n n g “o u t c o m e s - b a s e d program” na ito ang pagtuonangpansin ang komunikasyon, kolaborasyon, at kritikal na pagiisip ng mga estudyante. Hangarin din ng programang mabigyan

ng makabuluhang karanasan sa pagkatuto ang mga estudyante at makapagbukas ng mas maraming oportunidad para sa kanila. Paghahanda ng Pamantasan Inamin ni Gerardo Largoza, direktor ng Quality Assurance

SA KABILA NG MGA KRITISISMO:

USG, binigyang-linaw ang proyektong “Ghosts of Martial Law” HANNAH GABRIELLE MALLORCA

UMANI ng batikos ang proyektong “Ghosts of Martial Law” ng University Student Government (USG ) sa ka sa gsa ga n n g E D S A Commemoration Week 2018. Marami ang naglabas ng mga hinaing sa social media dahil hindi umano ito nararapat na pamamaraan ng pagalala sa mga biktima ng Batas Militar. Bilang hakbang, agad na inalis ang naturang Facebook post ukol sa naturang programa, at naglabas ng pahayag ang USG tungkol sa isyu. Sa kabila ng mga kritisimo na natanggap ng “Ghosts of Martial Law,” matagumpay pa rin itong naisagawa noong Pebrero 26.

Pagpapatupad ng proyekto Ayon kay USG President Mikee De Vega, nilalayon ng “Ghosts of Martial Law” na ibahagi sa mga estudyante ang mga alituntunin ng Batas Militar sa pisikal at personal na paraan. Dagdag pa niya, nais ng USG na ipamalas ang “transformative learning methodology” ng Pamantasan upang mabigyanglinaw sa mga estudyante ang mga pangyayari sa kasaysayan ng bansa. Ipinaliwanag din ni Adi Briones, isa sa project heads, na intensyon nilang gumawa ng proyekto na magpapaalala sa Batas Militar bilang pagtaas sa kamalayan ng pamayanang Lasalyano. Paglalahad niya, “We simply wanted Lasallians to have a stand against Martial Law because of its horrific facebook.com/plaridel.dlsu

experience, we wanted them to stand up against injustices and anything that impedes their democracy.” Ibinahagi rin ni De Vega na iba’t ibang proyekto ang ipinatupad ng USG noong EDSA Commemoration Week 2018 tulad ng Human Library: Gunita at EDSA Commemorative Museum. Dagdag pa niya, “There is a technicality we must raise up […] we processed the events separately. There was one main PPR submitted to SLIFE through OPRES but Ghosts of Martial Law and the Human Library had been processed on their own as well.” Bago maipatupad ang naturang proyekto, dumaan umano muna ito sa MARTIAL LAW >> p.3 plaridel.ph

Office, na patuloy pa rin ang pagsasaayos sa bagong kurikulum na inilalatag ng Pamantasan. “A lot of the work done is on the level of the departments,” pagsasalaysalay niya. Mula umano sa pagoorganisa ng miting hanggang sa pagpapaliwanag nito sa alumni,

ginagawa ng mga departamento ang lahat upang masiguro ang tagumpay ng pagbabagong ito. Wala pa umanong departamento ang nakabuo ng panibagong kurikulum para sa mga darating REVED >> p.3

DLSU, napabilang sa 2018 QS rankings JUAN MIGUEL CANJA, CAMILLE JOYCE BILLONES, CLARIZ MENDOZA, AT ANDRE NIDOY

NAKAMIT ng Pamantasang De La Salle (DLSU) ang ika-401-450 puwesto sa larangan ng Arts and Hu m a n i t i e s a t S o c i a l S c i e n c e s and Management sa inilabas kamakailan na Quacquarelli Symonds (QS) University Rankings by Subject 2018. Matatandaang pumasok rin sa ika-137 na puwesto ang Pamantasan sa QS Asia University Rankings noong Oktubre 2017. Isang taunang publikasyon ang QS ranking na naglalayong bigyang-pagkilala ang mga nangungunang unibersidad twitter.com/plaridel_dlsu

s a i b a’ t i b a n g l a r a n g a n s a b u o n g m u n d o. I n i l u n s a d a n g sistemang ito upang ipakilala umano ang mga nangungunang unibersidad ng 48 asignatura sa mga estudyanteng nagpaplanong mag-aral sa ibang bansa. Epekto ng hindi inaasahang resulta Inamin ni Gerardo Largoza, direktor ng Quality Assurance Office, na ikinagulat ng DLSU ang pagkakabilang nito sa QS University Ranking by Subject 2018. Hindi umano siya sigurado paano napabilang ang Pamantasan sa QS Asia University Ranking n o o n g DLSU RANKINGS >> p.2


2

ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

PATNUGOT NG BALITA: Robert Jao Diokno LAYOUT ARTIST: Jerry Pornelos

BALITA

MARSO-ABRIL 2018

PAGHARAP SA MENTAL HEALTH ISSUES:

Mga programang hatid ng OCCS, ipinaliwanag

CHELCEED BENETTE VIERNES

PAGPAPANATILI ng maayos na mental health ng mga estudyante - ito ang malaking hamon para sa Office of Counseling and Career Services (OCCS), ayon kay OCCS Director Dr. Aime Guarino. K a u g n a y n i t o, p u s p u s a n a n g pagpapatupad ng naturang opisina ng mga programang makatutulong sa mga problemang pangkaisipan ng mga estudyante. “We aim to become a leading counseling and career office committed to cult iva t e me n t a l l y h e a l t h y a n d well-adjusted Lasallians,” wika ni Guarino tungkol sa hangarin ng OCCS. Dagdag pa niya, para sa ikabubuti ng mga Lasalyano ang lahat ng programang inihahandog ng kanilang opisina.

tapos meron din namang personal.” Ilan umano sa mga madalas na pagsubok ng ilang Lasalyano ang problema sa pamilya maging ang suliranin sa kinukuhang kurso. Nagsisimula umano sa referral ang pagtulong ng OCCS sa mga

estudyanteng may pinagdadaanan sa kanilang mental health. Ani pa ni Guarino, maaari din nilang pagbatayan ang resulta ng Student Affairs Services (SAS) 1000, isang personality test, na kinukuha ng mga estudyante ng Pamantasan.

Tungo sa maayos na mental health Ipinaliwanag ni Guarino na mayroong iba’t ibang serbisyo na inihahandog ang kanilang opisina na naaayon sa indibidwal na pangangailangan ng estudyanteng nakararanas ng mental illness. Ilan sa mga serbisyong ito ang tradisyonal na counseling at mental health caravans. Pagpapatuloy niya, “There are clients seeing us because of academic concerns

May kakayahan din umano ang mga propesor na mag-endorso ng isang estudyanteng may pinagdadaanan gamit ang downloadable referral form sa DLSU website. Wika ni Guarino, “Tinuruan namin sila paano

Dibuho ni Pavlo Aguilos

magspot, like ano indicators n a m a y p r o b l e m a n a .” Bukod sa referral, maaari din umanong pumunta mismo ang estudyante sa OCCS p a r a k u m a u s a p n g c o u n s e l o r. Pagsasalaysay niya, puwedeng magpa-iskedyul ang mga estudyante para sa serbisyong i t o. S a k a l i n g n a n g a n g a i l a n g a n ng agarang tulong, handa rin ang OCCS na tumanggap ng walk-ins na gagabayan ng “c o u n s e l o r o f t h e d a y.” “’Pag [malaman na ang mga problema], magsisimula [nang] mag-conceptualize yung counselor kung anong problema nung bata,” pagbabahagi ni Guarino. Matapos maglahad ng mga problema, gumagawa umano ang counselor ng counseling goals upang magabayan ang estudyante na harapin ang mga ito. H i g i t p a r i t o, t i n u t u t u k a n din ng OCCS ang ilang kaso ng estudyanteng nakararanas ng anxiety, depression, at krisis sa buhay. Pagsasalaysay niya,”When we say crisis, it’s when a student is emotionally distressed that his or her coping mechanism has failed […] [They] cannot not c o p e w i t h t h e s i t u a t i o n .” OCCS >> p.9

DLSU R ANKINGS | Mula sa p.1 2017. Suspetya niya, naging tulay ang mga akademikong sarbey na ipinadadala ng QS sa iba’t ibang a k a d e m i k o s a b u o n g m u n d o. Maaari umanong kumukuha ng datos ang publikasyon sa mga sarbey na ipinakakalat nito sa l i b o - l i b o n g a k a d e m i k o. Bukod dito, naniniwala si Largoza na maganda ang maidudulot sa reputasyon ng Pamantasan ang pagkilalang ibinigay ng QS. Ipinaliwanag niyang binibigyang-pansin din ng administrasyon ng DLSU ang QS ranking dahil ito ang nakikitang imahe ng mga tao sa Pamantasan. Subalit, ipinaalala niyang hindi lang dapat ito ang gamiting basehan sa pagsukat ng kalidad ng edukasyong i b i n i b i g a y n g D L S U. Inihayag ni Largoza na malaking tulong ang pagiging bahagi ng DLSU sa QS rankings dahil nagsisilbi itong basehan ng maraming estudyante sa pagpili ng papasukang Pamantasan sa Pilipinas. Bukod pa rito, makatutulong din umano ang QS rankings para magkaroon ng international profile ang Pamantasan. Ani Largoza, “It’s the next logical step [in] attracting international faculty […] [and] international s t u d e n t s , n o t j u s t i n [ D L S UManila] but other parts of the L a s a l l i a n s y s t e m .” D a g d a g p a niya, magagamit ng DLSU ang pagkilalang ito sa pagtataguyod ng regional presence sa buong mundo.

Pag h ah an d a n g Pa m a n t a s a n Ipinaliwanag ni Largoza na mayroong dalawang uri n g p a g h a h a n d a a n g D L S U, partikular ang short term at long term. Sa panandaliang proseso, inaalam umano ng admin ang pamantayang ginagamit n g i b a’ t i b a n g a h e n s y a s a p a g b i b i g a y n g r a n g g o. H a b a n g s a p a n g m a t a g a l a n g p r o s e s o, naglalaan ng pondo ang admin upang magsagawa ng mga aktibidad tulad ng highprofile conferences na isa sa mga tinitingnang bahagi sa pagsusuri. “Kadalasan, ‘yong mga criteria na importante sa rankings agencies, iyon na rin ang ginagamit natin para i-monitor ang academic [status] ng La Salle,” pagsasalaysay niya. Gayunpaman, binigyang-diin ni Largoza na hindi lamang nasusukat ng iisang ranking body ang magandang reputasyon ng pamantasan dahil may kanyakanyang pamantayang sinusunod ang ibang ahensya. Punto ni Largoza, “It’s not for competitiveness, not for ranking purposes, but it’s really for internal purposes.” Ibinahagi niyang tungkulin ng DLSU ang pagpapabuti sa kalidad ng edukasyon nito kahit pa walang ranking, tulad ng QS, na sangkot. Panawagan sa pamayanang Lasalyano Na i s n i L a r g o z a n a h u w a g magpadalos-dalos ang mga estudyante sa pagbibigay-kahulugan sa inilabas na

ulat ukol sa university rankings dahil maaaring magkaroon ng higit o kulang na interpretasyon ang isang numero. Bukod pa rito, hinihikayat niya ang mga Lasalyano na magkaroon ng sistema sa pagsusuri ng mga inilalabas na mga bali. “[We need] to find a much more stable basis for measuring or evaluating our progress,” dagdag pa niya.

Na n i n i w a l a s i L a r g o z a n a kahit lumabas ang DLSU sa QS Rankings, hindi dapat dito ibatay ang mga nagawa ng pamantasan. Aniya, “Masyadong superficial kung isasakay mo lahat sa isang numero. Kami ang talo nun kasi marami rin siyang hindi nasasabi.” Inilahad niyang dapat mapatunayan

din ng DLSU ang karangalang ito sa pag-abot ng Pamantasan sa pamantayan ng iba pang ranking bodies. Paalala rin ni Largoza, mahalagang magkaroon ng sapat na kaalaman ukol sa sistema ng pagsuri sa galing ng isang unibersidad upang hindi mabigla sa resulta, maganda man ito o hindi.

NAPABILANG ang ilang asignatura ng DLSU, partikular ang Arts and Humanities at Social Sciences and Management, sa inilabas na QS World Rankings by Subject 2018. | Kuha ni Danish Fernandez


3

BALITA

M ARTIAL L AW| Mula sa p.1 pag-endorso ng Committee on National Issues and Concerns (CoNIC) bago maaprubahan ni University Chancellor Dr. Robert Roleda. Paglilinaw ng USG Naniniwala si De Vega na hindi naging maayos ang komunikasyon nila sa mga estudyante dahil sa isinagawang publicity sa “Ghosts of Martial Law”. Paglilinaw pa niya, “It was merely an issue on branding and not a question of principle […] we believe that students need greater and more personal means of achieving a sense of connectedness to our nation's history and the nation itself.” I n i l a h a d d i n n i D e Ve g a n a nauunawaan niya ang mga kritisismo sa proyekto dahil iba’t iba ang paraan ng pagkakatuto ng pamayanang Lasalyano hinggil sa Batas Militar. Pagkatapos ng programa,pinatibay ng USG ang kanilang post-processing reflection para sa mga kalahok upang malamang may mga napulot silang kaalaman hinggil sa Batas Militar. Inamin din ni Briones na naging aral para sa project heads ang naturang pangyayari upang mas maging maayos pa ang komunikasyon ng USG sa mga estudyante hinggil sa mga proyekto nito. Pahayag niya, “To successfully execute our future projects, I think we have to properly communicate what our projects are, so the University can better understand o u r i n i t i a t i v e s .”

Pagninilay sa isyu Nilinaw ni De Vega na bahagi ang proyektong “Ghosts of Martial Law” sa mas malawak na pangkat ng mga proyekto na nagbibigay-kaalaman sa Batas Militar. Sa kabila ng mga natanggap na kritisismo ng USG, nagpapasalamat pa rin siya sa mga sumuporta sa EDSA Commemoration Week 2018. Humihingi naman ng paumanhin ang project heads hinggil sa naging

tugon ng pamayanang Lasalyano sa naturang proyekto. Pagsasaad ni Briones, “Believe us when we say we had good intentions while creating this activity […] We are against Martial Law, we just simply wanted to give another avenue to educate Lasallians about it.” I b i n a h a g i n i D e Ve g a n a kasalukuyang pinoproseso ang post activity requirements ng EDSA

Commemoration Week 2018 kaya ipinangako niyang mas pagtutuunan ng pansin ng USG ang paglilinaw sa branding ng kanilang mga programa. Dagdag pa niya, “We know how important branding is for everyone and we sincerely apologize for these mishaps which some members of the community felt was disrespectful.” Naglabas din ng paumanhin si De Vega sa mga Lasalyano n a

nabahala sa kinalabasan ng naturang proyekto. Pagwawakas n i y a , “ We a r e a p p e a l i n g t o t h e s t u d e n t s’ u n d e r s t a n d i n g so that we can grow together […] the USG is not a perfect institution but know we are always trying our best to improve our systems to become a more inclusive and empathetic s t u d e n t g o v e r n m e n t .”

Dibuho ni Elena Salazar

REVED| Mula sa p.1 na estudyante sa susunod na akademikong taon. Ani Largoza, “Dapat buo na lahat ng syllabi para sa mga bagong kursong i - o o f f e r. D a p a t b u o n a y u n g kanilang […] [bagong] core c u r r i c u l u m” M a t a p o s n i t o, kinakailangan pa umanong hintayin ang abiso ng Commission o n H i g h e r E d u c a t i o n (C H E D ) ukol sa inihain nilang guidelines. Saad ni Largoza, “Lahat ng departments nag-aatubiling tapusin [ito].” Sa kanyang palagay, makukumpleto lamang umano i t o b a n d a n g A g o s t o. I n i l a h a d din niyang inilabas ang anunsyo ukol sa RevEd upang abisuhan ang kasakuluyang nasa Grade 12 na magkakaroon ng bagong kurikulum sa Pamantasan. Layunin ng programa Binanggit ni Largoza na isang magandang oportunidad ang pagpapatupad ng K-12 upang baguhin ang kurikulum. Naniniwala siyang bihira lamang ang pagkakaroon ng reporma sa edukasyon tulad ng inihahain ng Pamantasan. Ibang-iba umano ang istilo ng bagong kurikulum sa paraan ng pagtuturo na pinagdaanan noon ng mga nakaraang henerasyon ng mga estudyante. Dagdag pa niya, nakabatay ang kurikulum na ito sa pangangailangan ng lipunan sa mga estudyante ng kasalukuyang panahon. Magiging outcomes-based na ang mga programang iaalok ng DLSU sa ilalim ng bagong kurikulum, ayon kay Largoza.

Ipinaliwanag niyang dapat matukoy ng mga estudyante ang kalalabasan ng mga kursong kanilang kukunin sa h i n a h a r a p. M a s u s u k a t u m a n o ito ng mga magiging aktibidad ng estudyante, sa loob o labas ng klasrum, sa ilalim ng bagong kurikulum. Ginamit ni Largoza na halimbawa ang pagkuha ng pagsusulit, at sinabing isang aspeto lamang ng karunungan a n g k a y a n g s u k a t i n n i t o. Dagdag pa niya, mahuhubog ang mga estudyanteng matutong makipag-usap sa mga tao mula sa ibang disiplina sa pwamamagitan ng outcomes-based program. “Hindi lang basta makipag-usap p e r o p a r a m a k a p a g t r a b a h o ,” a n i y a . S a p a r a a n g i t o, m a s maisasabuhay umano ang pagiging interdisciplinary n g m g a L a s a l y a n o. Pagbabahagi pa ni Largoza, “Importante [ang] magkaroon ng meaningful formative experience ang mga estudyante d u r i n g c o l l e g e y e a r s .” M a r a m i umanong malalaking kompanya ang nagdadalawang isip na tanggapin sa trabaho ang mga nagtapos ng Pamantasan dahil sa kakulangan ng karanasan. B u n s o d n i t o, i l u l u n s a d n i l a s a bagong kurikulum ang global enrichment term sa lahat ng kurso. Maaaring gamitin ng estudyante ang gap term upang sumali sa mga boluntaryong trabaho, magsimula ng n e g o s y o, m a g k a r o o n n g m a s m a h a b a n g i n t e r n s h i p, o m a g aral sa ibang bansa.

Pagsubok na kahaharapin Para kay Largoza, ang pagpapatupad ng bagong kurikulum ang pinakamalaking hamon sa Pamantasan. Pagdidiin niya, “[T]he real challenge is to achieve an acceptable level of competence in being able to deliver this kind of curriculum.” S a k a b i l a n i t o, m a i t u t u r i n g umano na hindi pantay-pantay ang abilidad at oportunidad ng lahat ng departamento sa DLSU. Paliwanag ni Largoza, mayroong de p artame nto ng mas magaling o mas bihasa kompara sa iba. Kaugnay nito, nanatiling hamon sa bawat departamento na mas lalo pang pagbutihan ang kanilang ginagawa sa pagpapabuti ng sariling kurikulum. Paglalahad ng direktor, maaaring maging maganda ang unang taon ng pagpapatupad nito, ngunit paniguradong may haharaping problema rin ang Pamantasan sa sumunod na taon. Aniya, susi ang pagkakaroon ng sistema sa pagresolba nito. Tugon para sa pagbabago Hinihiling ni Largoza na makiisa ang pamayanang Lasalyano sa pagpapatupad ng bagong kurikulum na ito. “Sa tingin ko, kaya naman naming gawin yun pero mas magiging epektibo ito kung sasabayan kami ng mga estudyante at faculty,” pagbabahagi niya. Iminumungkahi rin ni Largoza na pagsumikapan ng mga estudyanteng magsaliksik ukol sa pangangailangan ng kasalukuyang edukasyon sa bansa. Mahalaga rin umano ng may alam ang mga estudyante ukol sa

suliranin ng lumang kurikulum nang matulungan ang Pamantasan sa pagtugon nito. Kung magtitiwala lamang umano ang mga estudyante sa admin, hindi magiging madali a n g p a g r e s o l b a n i t o. “ We ’ l l a l l

gonna face the fourth industrial r e v o l u t i o n [ a n d ] [ i ] f y o u d o n’ t even know what the fourth industrial revolution is, how will we ever talk about the solutions?” pagtatapos ni Largoza.

Dibuho ni Syyidah Shah


4

LAYOUT ARTIST: Justine Klyne Ramirez

ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

OPINYON

MARSO-ABRIL 2018

Si Duterte at ang kanyang pangamba Tanggalan ng bisa ang pagiging myembro ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC) – ito ang nais makamtan ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang planong “premilinary examination” sa kanyang War on Drugs Campaign. Paniniwala ni Duterte, hindi makaturangan ang agarang eksaminasyon at ginagamit lamang itong motibong politikal laban sa Pilipinas at kanyang administrasyon. Gayunpaman, sa kabila ng pagalis ng Pilipinas sa ICC, tumindig ang tribunal na magpapatuloy pa rin ang pagsusuri at kinakailangan ang kooperasyon ng bansa sa pagsasakatuparan nito. Ayon sa ICC, magiging epektibo lamang ang desisyon ni Duterte isang taon matapos itong maipagpaalam. Paliwanag pa nila, sa pamamagitan ng eksaminasyon ng mga impormasyong makakalap, mababatid kung ipagpapatuloy ang imbestigasyon. Kung susuriin, hindi naman magkakaroon ng eksaminasyon kung walang nangyayaring kababalaghan sa loob ng bansa. Magmula noong mahalal si Duterte bilang pangulo ng Pilipinas, hindi maikakaila ang dami ng mga Pilipino na napapaslang ng kapulisan dala ng kanyang kampanya kontra droga. Mistula hindi na bago sa pandinig ng mga mamamayan ang mga salitang “patayin”, “droga”, “at “pulisya”, lalo na noong mga

panahong nagsisimula pa lamang ang kanyang pamamahala. Nakapanlulumong mapakinggan na dinedepensahan ni Duterte at ng kanyang mga kaalyado ang mga pagpaslang. Ayon sa kanila, hindi maituturing na krimen ang kanilang aksyon dahil paraan lamang ito ng pagsasakatuparan ng police power. K u n g t u n ay ngang hindi ito l a b a g s a k a r a p atang p antao ng mga mamamayan, nararapat humarap si Duterte sa gagawing eksaminasyon ng ICC. Patunay lamang ang kanyang desisyon na may pangamba siya sa maaaring maging resulta ng hakbang ng tribunal. Tila mayroon siyang tinatago na hindi dapat maibunyag sa mga mamamayan maging sa mga karatig-bansa. Hindi na kaduda-duda pa kung maraming Pilipino na ang natatakot sa mga ginagawang hakbang ng Pangulo. Unti-unti na silang tinatanggalan ng karapatan, kabilang na ang karapatang mabuhay ng malaya mula sa delikadong lipunan sa kasalukuyan. Para sa pangulo ng bansa, dapat niyang isaisip na hindi siya kailanman nasa ibabaw ng batas. Kung mapatunayang mayroong mga kaduda-duda sa kanyang kampanya, dapat niya itong harapin gaya ng isang ordinaryong Pilipino.

ANG PAHAYAGANG

PLARIDEL M A H I R A P M A G B I N G I - B I N G I H A N S A K AT O T O H A N A N . M A H I R A P M A G S U L AT N G U N I T K I N A K A I L A N G A N .

LUPONG PATNUGUTAN PUNONG PATNUGOT PANGALAWANG PATNUGOT TAGAPAMAHALANG PATNUGOT PATNUGOT NG BALITA PATNUGOT NG ISPORTS PATNUGOT NG BAYAN PATNUGOT NG BUHAY AT KULTURA PATNUGOT NG RETRATO PATNUGOT NG SINING - OIC TAGAPAMAHALA NG OPISINA AT SIRKULASYON

Josee' Ysabella Abriol Jhuneth Dominguez Jaymee Lou Abedania Robert Jao Diokno Justine Earl Taboso Samirah Janine Tamayo Ezekiel Enric Andres Arah Josmin Reguyal Justine Klyne Ramirez Fhery Ahn Adajar

BALITA Juan Miguel Canja, Joyce Ann Danieles, Jenny Mendizabal, Clariz Mendoza, Chelceed Viernes ISPORTS Christen Delos Santos, Mark Guillermo, Miguel Paredes Leonardo, Lee Diongzon Martinez, Alexander Isaiah Mendoza, Jea Rhycar Molina, Zyra Joy Parafina, Raezel Louise Velayo BAYAN Raphael Antonio Amparo, Roselle Dumada-ug, Luis Bienvenido Foronda, Chriselle Leanne Gonzaga, Nicolle Bien Madrid, Claremont Mercado, Jeanne Veronica Tan, Aaron Lester Tee BUHAY AT KULTURA Claire Ann Alfajardo, Nia Marie Cervantes, Janine Espiritu, Kimberly Joyce Manalang, John Emer Patacsil, Roselle Sacorum, Donnelle Santos, Aireen Sebastian, Rexielyn Tan RETRATO Justin Ray Aliman, Judely Ann Cabador, Juan Paulo Carlos, Ludivie Faith Dagmil, Kinlon Fan, Jeld Gregor Manalo, Vina Camela Mendoza SINING Nesreen Adrada, Pavlo Aguilos, Robilyn Alemania, Patricia Cometa, Angelo Edora, Kelcey Loreno, Jerry Pornelos, Leon John Reyes, Danica Santos, Patricia Sy, Jeremiah Teope, Ricka Valino

Panandaliang sakripisyo para sa pangmatagalang benepisyo “Kailangan nating alamin at makialam sa mga plano ng gobyerno dahil tayo ang unang apektado rito.” Nitong kumakailan, naging kontrobersyal ang programang Build, Build, Build (BBB) ng administrasyong Duterte dahil isa ito sa mga naging katanungan sa katatapos lamang na Binibining Pilipinas 2018 pageant. Hindi nakasagot si Bb #35 Sandra Lemonon nang tanungin siya kung ano ang masasabi niya hinggil sa paksa. Sa napapanahong isyung ito, bakit nga ba natin kailangang alamin ang programang ito na handog sa atin ng gobyerno? Sa mga nakalipas na administrasyon, hindi lubusang napagtuonan ng pansin ang imprastraktura ng bansa. Ngayong kaliwa’t kanan na naglalabasan ang problema sa transportasyon, komunikasyon, enerhiya, at iba pa, tsaka lamang ito ginagawan ng solusyon ng gobyerno. Napag-iwanan nang tuluyan ang Pilipinas ng mga karatigbansa nito sa Asya. Ngayong inilunsad na ang programang BBB, makatutulong

itong tumaas ang kita ng bansa, gumawa ng maraming trabaho, at mapadali ang transportasyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa na makatutulong upang lumago ang ekonomiya. Aabot ng halos siyam na trilyong piso ang gugugulin para sa pagpapatayo ng mga pampublikong imprastraktura sa bansa sa loob ng anim na taon at hindi ito birong kapital lamang. Walang sapat na kakayahan ang bansa upang pondohan ito kung kaya’t paniguradong samu’t saring utang na naman ang kahaharapin natin na may karampatang porsyento ng interes. Kailangan nating alamin at makialam sa mga plano ng gobyerno dahil tayo ang unang apektado rito. Panandaliang mga balakid ang bubungad sa ating pangaraw-araw na gawain katulad ng mas mabigat na daloy ng trapiko at abala sa mga ginagawang imprastraktura. Sa kabilang banda, pangmatagalang solusyon

SENYOR NA KASAPI Hannah Gabrielle Mallorca, Mikhail Padilla, Syyidah Shah, Aramina Batiquin SENYOR NA PATNUGOT Michelle Dianne Arellano, Lalaine Reyes Tagapayo: Dr. Dolores Taylan Direktor, Student Media Office: David Leaño Sekretarya, Student Media Office: Ma. Manuela Soriano-Agdeppa Para sa anomang komento o katanungan ukol sa mga isyung inilathala, magpadala lamang na liham sa 5F Br. Gabriel Connon Hall, Pamantasang De La Salle o sa APP@ dlsu.edu.ph. Walang bahagi ng publikasyong ito ang maaring mailathala o gamitin sa anomang paraan nang walang pahintulot ng Lupong Patnugutan.

ANG

DAKILANG

LAYUNIN

o tulong sa ating mga problema naman ang magiging kapalit nito kung kaya’t masasabing mas mabuting magsakripisyo tayo ngayon kaysa mas lumala pa ang problema ng bansa sa hinaharap. Kahit na malayong-malayo na ang narating ng ibang bansa kompara sa atin, makatutulong pa rin ang BBB upang mas maengganyo ang investors na mamuhunan dahil kakikitaan na may progreso sa bansa. Maganda naman talaga ang plano ng gobyerno para sa nasasakupan nito ngunit dumurumi ito dahil sa mga taong pumapalibot at nagpapanukala. Sana hindi lamang pagtuonan ng pasin ang urban areas kahit na wala masyadong return on investment kapag sa rural areas namuhunan ang gobyerno. Sana mapagplanuhang mabuti ang bawat proyekto kahit na kakain ito ng mahabang oras. Sana manalo ang mga nararapat na bidders upang makuha natin ang tamang kalidad sa tamang presyo. Sana magawa ang proyekto sa binigay na iskedyul upang magamit ang proyekto alinsunod sa layunin nito. Higit sa lahat, sana ipagpatuloy pa ng susunod na administrasyon ang mga plano ng kasalukuyang nakaupo sa pwesto upang magpatuloy ang pagsulong ng bansa. Bilang mamamayan ng Pilipinas, patuloy sana nating obserbahan at punain ang mga kamalian ng gobyerno sa tamang pamamaraan upang hindi sila malihis sa tunay nilang plano para sa bansa. Patuloy sana tayong maging mapanuri sa bawat aksyon na kanilang gagawin at hindi sana tayo mawalan ng pag-asa na balang-araw makakamit din ng Pilipinas ang tagumpay.

Ang Ang Pahayagang Plaridel ay naglalayong itaas ang antas ng kamalayan ng mga Lasalyano sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga usaping pangkampus at panlipunan. Naniniwala itong may konsensya at mapanuring pag-iisip ang mga Lasalyano, kinakailangan lamang na mailantad sa kanila ang katotohanan. Inaasahan ng Plaridel na makatutulong ito sa unti-unting pagpapalaya ng kaisipan ng mga mag-aaral tungo sa pagiging isang mapagmalasakit na mamamayan. Sa pamamagitan ng paggamit ng sariling wika, nananalig ang Plaridel na maikintal sa puso at isipan ng mga Lasalyano ang tunay na diwa ng pagiging Pilipino.


5

OPINYON

Karapatan naming maglathala ng katotohanan “Panahon na talaga para magkaroon ng batas na magbibigay-parusa sa mga eskwelahang lalabag sa CJA. “ Karapatang mamahayag. Tila mga salitang gasgas na – paulitulit na isinusulat at binibigkas, lalo noong mga nakaraang buwan dahil sa muntikang pagpapasara sa Rappler. Ngayong halos humupa na ang isyu at unti-unti nang nagtatagumpay ang Rappler, titigil na rin kayang sambitin ang nasabing karapatan? Nawa’y hindi ito mangyari dahil marami pang maliliit na publikasyon ang pinatitikom at pinagbabantaan dahil sa paglalathala ng mga balitang pulos katotohanan naman. Kabilang na rito ang mga publikasyong pang-mag-aaral sa iba’t ibang panig ng bansa. Sakop ng Campus Journalism Act (CJA) of 1991 ang karapatan ng mga estudyante para mamahayag. Gayunpaman, sa kabila ng pagkakaroon ng batas na ito, maraming publikasyong mag-aaral pa rin ang pinipigilang maglathala, o di kaya pinarurusahan dahil sa mga impormasyong inilalabas sa dyaryo.

Batay sa ulat ng College Editor’s Guild of the Philippines, isa sa pinakamabisang taktika ng mga admin para makitil ang karapatang mamahayag ang pagbabawas ng pondo para sa mga publikasyon. Sa mas malalang kaso, nagagawa ring masuspinde o di kaya matanggal sa eskwelahan ang mga manunulat at pangunahing patnugot. Mahirap man paniwalaan, ngunit nangyayari ito sa kasalukuyang panahon. Marami sa mga kasong ito ang nakakulong lamang sa apat na dingding ng eskwelahan kaya hindi napagtutuonan ng pansin. Nakalulungkot isipin na maraming kinauukulan ng iba’t ibang eskwelahan ang aktibo sa pagsuporta sa Rappler, ngunit hindi nila magawang suportahan ang mga inilalathala ng kanilang mga estudyante. Mas masaklap, pinararatangan pang “fake news” ang mga artikulong inilalathala sa dyaryo. Kung iisipin, hindi naman talaga madaling basta-basta tanggapin ang mga nilalaman ng dyaryo dahil nagmimistula

Standardized College Admission Test, hindi akma! “Naniniwala akong hindi kailangan ng panibagong implementasyong gugugol lamang ng malaking bahagi ng oras at pera ng gobyerno para sa wala.“ Hindi maikakailang taon-taong pinaghahandaan ng mga mag-aaral mula sekondarya ang mga pagsusulit ng mga unibersidad na nais nilang pasukan. Sa katunayan, napakahabang preparasyon ang ginugugol ng ilan para lamang masigurong maipapasa nila ang mga ito. Naging usapusapan ang binitiwang pahayag at suhestiyon ni Sen. Koko Pimentel noong Marso 18 kaugnay ng mga university entrance exam sa bansa. Aniya, marapat lamang na magpatupad ng standardized college admission test na magiging basehan ng lahat ng unibersidad sa bansa. Paglilinaw ng Senador, napakaraming mga magulang na ang umaalma sa lumolobong exam fee ng bawat unibersidad sa Pilipinas. Dagdag pa niya, pumapalo hanggang 500 na piso ang kalimitang halaga ng mga pagsusulit sa iba’t ibang pamantasan kaya paano na lamang kung tatlo o hanggang limang institusyon ang nais subukan ng mga estudyante. Binigyang-diin ng senador na nagiging mataas na pader umano ang malaking halagang ito

para makapasok sa magagandang kolehiyo ang mga mag-aaral. Gayunpaman, naniniwala akong hindi lamang dapat entrance exam fee ang tanging nagiging konsiderasyon upang tuluyang pagtibayin ang pagkakaroon ng isang standardized college admission test. Bagamat mataas ang binabayarang halaga para sa ilang pagsusulit, mayroong mga pamantasang nagbibigay ng libreng entrance exam, lalo na sa mga estudyante mula sa pampublikong paaralan. Bukod dito, paniguradong ipahahayag ng mga unibersidad ang pagtutol sa suhestiyong ito ni Sen. Koko Pimentel. Bukod sa iniingatang pangalan, reputasyon, at kalidad ng edukasyon, alam naman nating lahat na may iba’t ibang pamantayan ang bawat pamantasan sa bansa. Mayroong mga unibersidad na umiikot sa iisang larangan lamang tulad ng panitikan, siyensya, at iba pa. Kaugnay nito, malabong masuri ang kakayahan ng mga naghahangad pumasok kung magiging batayan lamang ang standardized test. Panigurado,

patama ang ilang katotohanang nakalimbag. Gayunpaman, mahalagang tandaan ng mga kinauukalan na karapatan ng komunidad ang malaman ang katotohanan ano pa man. Hindi madaling magsulat, lalo na kung tungkol ito sa isyu na kinasasangkutan ng malalaking pangalan. Bilang isang student journalist, batid ko ang hirap na nadarama sa tuwing maitatalaga sa isang artikulong mabigat ang paksa. Dito ko napatunayan na tila nga nakabaon sa hukay ang isa kong paa. Kaagapay man ng CEGP at ibang youth groups ang iba’t ibang publikasyong pang-mag-aaral, masasabi kong hindi pa rin ito sapat. Panahon na talaga para magkaroon ng batas na magbibigay-parusa sa mga eskwelahang lalabag sa CJA. Dati nang nagpanukala ng batas si former Kabataan Representative Terry Ridon bilang tugon sa mga isyung lumalabag sa CJA. Batay sa House Bill 1493, dapat mabahagian ng pondo ang lahat ng publikasyon at maparasuhan ang mga eskwelahang nangunguna sa pagkitil ng campus press freedom. Sa pagkakataong maipasa ito bilang batas, naniniwala akong mas mabibigyan na ng kalayaan ang mga mamamahayag na maglabas ng mga balitang patas at walang kinikilingan. Sa ngayon, wala pang batas na direktang sumusuporta sa CJA. Ngunit, hindi ito nangangahulugang tatahimik na ang mga campus journalist. Binigyan kami ng kakayahang magsulat at gagamitin namin ito para maglathala ng katotohanan para sa komunidad na aming pinaglilungkuran at para na rin sa pinakamamahal naming bayan. magsasagawa pa ng masusing proseso o karagdagang pagsusulit para sa ebalwasyon ng mga estudyante. Kung ganito lamang ang mangyayari, mawawala rin ang saysay at esensya kung bakit magpapatupad ng standardized college admission test. Maaari ding maging sanhi ng diskriminasyon sa ibang paaralan ang standardized college admission test. Kung sakaling matagumpay na maipatupad, paniguradong hindi magiging parehas sa lahat ng mga paaralan ang passing mark. Dahil sa reputasyong naikintal sa lipunan, may mga paaralang nagpamalas ng kahusayan sa iba’t ibang larangan kung kaya’t sa ebalwasyong ginagawa sa mga ito, hindi maiiwasang may nasa itaas ng listahan. Para sa mga prestihiyosong unibersidad na ito, normal lamang na mataas na grado mula sa pagsusulit ang gawin nilang kwalipikasyon. Hindi magiging kaaya-aya ang ganitong sistema para sa ibang pamantasang manghihingi ng mas mababang iskor. Maaaring ikabit ng ibang mag-aaral ang mga score requirement ng bawat unibersidad sa kalidad ng edukasyong mayroon ito. Na n i n i w a l a a k o n g h i n d i kailangan ng panibagong implementasyong gugugol lamang ng malaking bahagi ng oras at pera ng gobyerno para sa wala. Sa totoo lamang, wala akong nakikitang mali sa kasalukuyang indibidwal na sistema ng mga unibersidad patungkol sa kanilang mga pagsusulit. Napakaraming mga isyung kaugnay ng edukasyon sa bansa na mas dapat bigyang-pansin. Mula sa bulok na mga pasilidad ng ibang paaralan, hanggang sa mga sira-sirang upuan at mga klasrum, dito na muna dapat mas ituon ang atensyon. Hindi dapat problemahin ang hindi naman talaga problema.

Babae ka “Malayo na ang narating ng Pilipinas sa pakikipaglaban para sa pagkakapantay-pantay. Gayunpaman, marami pang pagbabago ang dapat maisakatuparan.” “Kababae mong tao, umayos ka nga ng upo!” “Kababae mong tao, bakit ka umiinom?” “Kababae mong tao, bakit ka nagmumura?” Kapag babae ka, marami kang hindi pwedeng gawin at madalas, nakadikta lamang anong kaya mo. Magiging sentro ka ng usapan at magiging biktima ng karahasan bunsod ng imahe ng kahinaan. Gayunpaman, sa panahon ngayon, unti-unti nang nabubura ang ganitong mga imahe. Katunayan, batay sa datos ng World Economic Forum tungkol sa Global Gender Gap Index noong 2016, ikapito ang Pilipinas sa mga bansang malaki na ang naibawas sa puwang sa pagitan ng mga lalaki’t babae. Pero sa usaping karahasan at paglabag sa karapatang pantao ng kababaihan, hindi gaanong kaprogresibo ang ating bansa. Batay sa mga inilathala ng Philippine Commission on Women, patuloy ang pagtaas ng Violations Against Women and Children (VAWC) na iniuulat ng Philippine National Police (PNP). Mula Enero hanggang Disyembre 2016, pumapatak sa 31580 kaso ang naitala ng PNP tungkol sa paglabag ng R.A. 9262 o ang “The Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004”. Kung ikokompara sa 16517 kaso noong 2013, napakalaki ng itinaas nito. Kung hahanapan natin ito ng positibong aspeto, maaaring lumalakas lang talaga ang loob ng kababaihan kaya tumataas ang bilang ng mga kasong naitatala ng PNP. Marahil nakatutulong din ang pagkakaroon ng VAWC helpdesks sa mga barangay. Gayunpaman, hindi pa rin ito sapat na katwiran sa pagtaas ng datos ng PNP. Nakadidismayang isipin na hindi pa rin matapos-tapos o mabawasan man lang ang mga paglabag sa mga karapatan ng kababaihan. Sa usaping midya naman, ayon sa R.A. 9710 o Magna Carta of Women, hindi dapat sirain ang imahe ng kababaihan. Dapat maging daan ang midya upang maimulat ang publiko sa laki ng kontribusyon at kahalagahan ng kababaihan sa komunidad. Kapag manonood ka ng telebisyon o pelikula ngayon, iisa ang kadalasang tema ng mga palabas – pagkakaroon ng kabit. Sino pa nga ba ang tatratuhing masama at mistulang may kasalanan ng lahat? Kailanman, tila hindi naging kasalanan ng kalalakihan kahit dalawang tao ang kinakailangan upang mabuo ang isang relasyon. Hindi ito malaking bagay para sa ibang tao ngunit mahalagang bigyang-pansin ito dahil ganito ang kamumulatan ng kabataan kung hindi maaagapan. Hirap din kasi ang ilang magulang na gabayan ang kanilang mga anak sa lahat ng oras kaya malaki ang gampanin ng midya.

Magkaiba rin ang trato sa kababihan (adultery) at kalalakihan (concubinage) sa mata ng batas. Batay sa Revised Penal Code, mas mabigat ang parusa para sa adultery kahit mas madali itong patunayan. Ipinaliwanag sa amin ng isang propesor ang pagkakaibang ito ngunit hindi ko pa rin ito lubos na matanggap. Ayon sa kanya, dehado raw kasi ang lalaki sa usaping ito dahil kapag nabuntis ang kanyang asawa, tanging tiwala lamang ang panghahawakan niya na anak niya ito. Hindi katulad sa mga babae, kung sabihin ng asawa niyang may anak sila, madali itong patunayan dahil babae ang nanganganak. Sa aking palagay, hindi makatarungan ang paliwanag na ito. Pareho lang naman kasi ang sakit na maidudulot ng pagkakaroon ng kabit, babae man o lalaki. Lahat ng taong kabilang sa usapan, nahihirapan, kaya’t pantay na lang dapat ang pagtingin ng batas sa ganitong usapan. M a g i n g s a p a n g - a r a w- a r a w na gawain, hindi hamak na mas mapangmata ang lipunan sa kababaihan. Mas maraming paluntuntunan ang nakahain dahil kailangang marunong kang magluto, maglaba, at mag-alaga ng bata. Kailangan mo ring maging maingat at maging responsible sa susuotin mo dahil kasalanan mo kapag may nang-abuso sa’iyo. Maraming mata ang handang humusga sa’yo dahil kailangan mong umasta na parang si Maria Clara dahil babae ka. Kaunti man ang mga nabanggit kong halimbawa ng hindi pantay na pagtingin sa kababaihan at kalalakihan, sapat na itong patunay na malayo pa ang tatahakin ng bansa. Hindi mababaw na mga usapin, tulad ng pagpapaupo sa mga babae, ang tinatalakay ko at gusto kong bigyang-linaw. Hindi ito tungkol sa pagbubukas ng pinto at panlilibre tuwing lumalabas ang mga lalaki’t babae. Tungkol ito sa pagtrato sa kababaihan sa nararapat na paraan – may respeto at kapantay ng kalalakihan. Malayo na ang narating ng Pilipinas sa pakikipaglaban para sa pagkakapantay-pantay. Gayunpaman, marami pang pagbabago ang dapat maisakatuparan. Malaya na dapat ang kababaihan na magsuot ng nais nila nang hindi nababastos. Malaya na dapat ang kababaihan mula sa mga imaheng kumukulong sa kanila gaya ng tagalinis, tagalaba, tagaalaga ng bata, atbp. Malaya na dapat ang kababaihang mabuhay sa isang mundong hindi sila itinatratong mas mababa at mahina. Malaya na dapat silang gawin ang nais nila nang hindi nahuhusgahan. “Babae ka, hindi ka dapat inaabuso.” “Babae ka, isuot mo ang gusto mo.” “Babae ka, may kalayaan kang gawin ang nais mo.” “Babae ka, may mga karapatan ka rin gaya ng sinoman.”


6

ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

PATNUGOT NG BAYAN: Samirah Janine Tamayo LAYOUT ARTIST: Hershey Aguilar

BAYAN

MARSO-ABRIL 2018

MATUNOG ang naging petisyon ni Atty. Oliver Lozano sa Korte Suprema hinggil sa pagpapawalang-bisa sa appointment ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Hindi umano sumunod si Sereno sa legal na prosesong kailangan para sa kaniyang appointment. |Kuha ni Kinlon Fan

IMPEACHMENT NI SERENO:

Ang politika sa likod ng legal na proseso CLAREMONT MERCADO, SAMIRAH JANINE TAMAYO, AT AARON LESTER TEE

K

ultura na sa larangan ng politika ang patalsikin ang mga hindi sumusuporta sa mga panukala at motibo ng kasalukuyang administrasyon. Para masigurong mananatili sila sa kanilang panunungkulan, naghahatakan pababa ang mga hindi magkakaalyado. Kapansinpansin ito sa isyu ng impeachment l a b a n k a y C h i e f Ju s t i c e M a r i a Lourdes Sereno. Nitong Marso 19, inaprubahan ng House P a n el a ng a rt i cl e s of impeachment laban kay Sereno na sinampahan ng impeach complaints ni Atty. Larry Gadon noong 2017. Ayon sa House Panel, nararapat tanggalin sa panunungkulan si Sereno. Ilan sa mga reklamo sa kanya ang diumano misdeclaration ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN), maling paggamit sa pondo ng bayan, paglabag sa Konstitusyon, at tahasang pag-abuso sa posisyon bilang Chief Justice at ex officio Chairperson of the Judicial Bar and Council. Kasalukuyang nililitis ng Korte Suprema ang kaso para malaman

kung karapatdapat tanggalin sa pwesto ang naturang Chief Justice. Bunsod nito, mariin na kinokondena ng kampo ni Sereno ang naging kaso sa kanya ng hukuman. Karaingan ng administrasyon Idinidiin ng rehimeng Duterte na dapat tanggalin si Sereno sa posisyon. Ani ng administrasyon, walang pinagkaiba ang kaso ni Sereno sa kinaharap ni dating Chief Justice Renato Corona na tinanggal sa posisyon dulot ng maling deklarasyon ng SALN habang nasa panunungkulan. Ayon kay Ninez Cacho-Olivares, kolumnista sa Daily Tribune, nakakalap si Sereno ng P30 milyon mula sa pamahalaan bilang legal fee sa kanyang PIATO case. “This amount was not reported in her SALN or to the Bureau of Internal Revenue,” ani Cacho-Olivares. Bagamat isyu sa SALN ang pinakamabigat na akusasyon kay Sereno, matimbang din ang mga akusasyon sa kanya kaugnay ng pagkontrol sa proseso ng hukuman at manipulasyon sa pagtatalaga ng regional trial court judges. “I believe that the actions done by the chief justice from the time that she assumede her position showed

no respect or courtesy to the court en banc,” pagbatikos ni Associate Justice Teresita Leonardo-de Castro sa pamamalakad ni Sereno. Bukod dito, nagkaroon umano ng manipulasyon ang Chief Ju s t i c e s a Ju d i c i a l B a r C o u n c i l (JBC) list. “Sereno arbitrarily had the JBC submit nominees f o r s i x S a n d i g a n b a y a n Ju s t i c e positions in 2015 in six groups. This forced the President to choose an appointee from the groups for that vacancy, instead of allowing him to choose from all nominees submitted b y t h e J B C ,” p u n a n i G a d o n . Mas pinaboran umano ang mga nominado mula sa kampo ni Sereno sapagkat pinangkat sila sa may malalakas na political appeal. Giit pa ni Gadon, sa plenarya ng House Justice Committee noong Nobyembre 2017, testigo umano si Associate Justice Teresita de Castro sa pagkapalsipika ng court resolutions ni Sereno noong 2013. Dagdag pa niya, mula kay Manila Times reporter Jo m a r C a n l a s a n g k a l a k h a n n g impormasyong nakuha niya laban s a n a k a u p o n g C h i e f Ju s t i c e .

Hindi si Sereno ang kauna-unahang naluklok na nais tanggalin sa pwesto dahil sa hindi pagiging kaalyado ng administrasyong Duterte

Pagsanggalang sa posisyon Mariing kinokondena ni Sereno ang impeachment complaint sa kanya ng Korte Suprema. Ipinagtanggol niya ang hindi umano kumpletong SALN na ibinigay sa Judicial and Bar Council. Ayon sa kanya, hindi absolute requirement ang SALN sapagkat hindi rin nagbigay ng kumpletong SALN ang ibang mga nanomina upang maging chief justice. B u k o d d i t o, i g i n i i t n i Jo s a D e i n l a , a b o g a d o n i S e r e n o, n a naubos ang P30 milyong kita ni Sereno sa mga personal na gastusin tulad ng pagpapalibing sa kanyang mga magulang, negosyo, at pangaraw-araw ng pangangailangan. “She received the amount not in lump sum, but periodically," depensa pa ni Deinla. Bagamat binatikos si Sereno, pinabulaanan naman agad nina De Castro at Canlas ang mga akusasyon ni Gadon sa pag-abuso ni Sereno ng kapangyarihan kaugnay sa pagpalsipika ng mga dokumento. Gayunpaman, ayon sa Filipino Alliance for Transparency and Empowerment (FATE), maaaring sampahan ng kaso ng Korte Suprema si De Castro kung siya man ang nagkalat ng mga opisyal na dokumentong ginagamit laban kay Sereno. Hindi umano pinahihintulutan ng batas ang pagsisisiwalat ng impormasyong nakukuha ng mga hurado sa kanilang panunungkulan. Sa kabilang banda, iginiit ni Sereno na politikal ang motibo sa likod ng impeachment case laban sa kanya. Bagamat binibigyang-diin ang mga teknikalidad at ebidensya s a l e g a l n a p r o s e s o, i n a m i n n a

mismo ni Gadon na sinampahan ng kaso si Sereno sapagkat iba ang kaniyang political affiliation. “We really need to get rid of the virus of the yellow there because they are all lapdogs of Noynoy, to be blunt with this, let’s be straightforward,” ani ni Gadon. Ani ni Sen. Leila De Lima, pamamaraan ni Duterte ang impeachment upang pahinain ang lehislatibo bilang independent institution. “He wants to hasten the removal from office of two women (Sereno at Morales) who dare to hole on to their independence, integrity, and impartiality in the face of a president who expects blind loyalty.” Bahid ng politika Hindi si Sereno ang kauna-unahang naluklok na nais tanggalin sa pwesto sapagkat hindi siya maituturing na kaalyado ng administrasyong D u t e r t e . No o n g 2 0 1 7 , h i n d i binigyang-kompirmasyon sina dating Department of Social Work and Welfare Secretary Judy Taguiwalo, dating Department of Agriculture Secretary Ka Paeng Mariano, at dating Department of Environment at Natural Resource Secretary Gina Lopez. Maituturong sanhi nito ang pagtiyak ng kasalukuyang pamahalaan na makuha ang suporta mula sa kalakhan ng mga nakaupong opisyal. Sa katunayan, tulad ng War on Drugs, naisasakatuparan na ang polisiya at panukala kahit na lumalabag na ito sa karapatan ng masa. Ayon nga kay Ramon Casiple, isang political analyst na kinapayam SERENO >> p.9


7

BAYAN

KASUNOD NG NAGBABADYANG PAGPAPASARA:

Pagbusisi sa kasalukuyang lagay ng Boracay LUIS BIENVENIDO FORONDA AT JEANNE VERONICA TAN

I

tinuturing na isa sa pinakamagandang tourist destination ng Pilipinas ang Isla ng Boracay dahil sa white-sand beaches at malinaw na tubig nito. Sa kabila nito, nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na ipasasara niya ito dahil sa patuloy na paglalapastangan ng mga tao sa isla. Hinamon ni Duterte si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Roy Cimatu na ayusin ang Boracay sa loob ng anim na buwan. Pinuna niya ang naging mabahong tubig ng dagat at tinawag din niya itong tapunan ng basura. Nagbanta rin ang pangulo na ipaaaresto ang lahat ng mga opisyal na ipinasawalangbahala ang pagsasaayos ng Boracay. Nitong Pebrero, sinita ng pangulo ang mga naging paglabag ng mga negosyo sa batas pangkalikasan na humantong sa pagkasira ng isla. Ayon kay Duterte, pinabayaan ng lokal na gobyerno ang pag-asikaso sa pagtayo ng mga gusali malapit sa baybayin ng karagatan. Bunsod nito, malaki ang ambag ng mga poso ng mga negosyo sa pagdumi ng tubig. Itinigil muna ng Department of Tourism (DOT) ang paglathala ng accreditation sa mga resort dahil sa lumalalang kondisyon ng isla. Ayon kay Department of Tourism (DOT) S e c r e t a r y Wa n d a C o r a z o n T e o, binigyan ng anim na buwan ang mga establisyimento para ayusin ang kanilang water-treatment facilities at sewage system.

Hamak sa kalikasan Ayon sa DENR, libo-libong turista ang dumadayo sa Boracay tuwing bakasyon at mahigit P56 milyong piso ang kinikita nito taon-taon. Bagamat malaki ang pinapasok na kita ng turismo sa isla, walang kapantay ang hindi nasisirang y a m a n g k a l i k a s a n . A n i T e o, nakahihiyang makita ang dinaranas ng Boracay habang kinikilala ito ng mga pretihiyosong pahayagan bilang isa sa mga pinakamalinis na isla sa mundo. Sa panamayam ng Ang Pa h aya g a n g P l a r i d el kay Melody Clerigo, isang Environmental Chemistry professor mula DLSU, maraming mga negosyo sa Boracay ang hindi sumusunod sa batas. “Based on news and reports from authorized government agencies, there are resorts and other establishments who are not accredited or are not even registered,” paglalahad ni Clerigo. Wala na ngang lisensya ang ibang negosyo, lumalabag pa ang mga ito sa mga palatuntunin patungkol sa tamang pamamahala ng basura. Mas malala, nakatayo pa ang mga ito sa mga ipinagbabawal na lugar. Sapat na umano ang mga katwirang ito upang ipasara ang mga lumalabag na negosyo. Pinagungunahan ni Senador Cynthia Villar ang probe sa pagsiyasat sa mga suliranin at batas pangkalikasan sa Boracay. Pabor si Villar sa pagpapasara ng mga lokal na negosyong sumusuway sa mga regulasyon. Sa kasamaang palad, tinatayang P9.5 milyong piso umano

ang aabutin ng DENR sa paghahabol sa mga lumalabag na negosyo. Batay naman kay Tourism Spokesperson Ricky Alegre, mayroong mga lisensyadong negosyo malapit sa karagatan na sumusuway sa mga palatuntunin. Tinatayang ang mga posong nakadirekta sa karagatan ang sanhi ng pagkarumi ng tubig kasabay ng umuusbong na populasyon ng algae.

Dagdag pa ni Alegre, magagamit din ito para sa paglilinis ng Boracay. Ibig ipatanggal ng gobyerno ang mga ilegal na istraktura,

Pagtupad ng ‘State of Calamity’ Inirekomenda ni Department of Internal and Local Government (DILG) OIC-Secretary Eduardo Año ang pagdedeklara ng state of calamity sa Boracay nitong Marso. Saad naman ni DILG Assistant Secretary Epimaco Densing III, “Magpapadala po kami ng sulat to be signed by Secretary Año sa NDRRMC kasi sila po magrerekomenda kay Presidente kung kailangan ideklara ang isang lugar under a state of calamity.” Dineklara naman ni Cimatu ang kanyang rekomendasyon para sa pagsasara ng isla. Aniya, “I recommend to the President the closure of the Boracay Island as a tourist destination, effective one month after its declaration. This is to give ample time for the undisrupted implementation of the following nations to restore and eventually sustain Boracay Island as a prime tourism destination.” Kapag natuloy ang pagdeklara ng state of calamity sa isla, magagamit ang pondo ng gobyerno at lokal na pamahalaan para sa pag-aayos nito.

palawakin ang mga kalsada, at makapagsulong ng makabagong BORACAY >> p.8

Dibuho ni Patricia Sy

RESERVIST EMPLOYMENT ACT:

Pagbibigay-protekyon sa mga mamamayang lumalaban RAPHAEL ANTONIO AMPARO AT ROSELLE DUMADA-UG

B

inubuo ng mga pangkaraniwang sibilyan sa lipunan ang mga army reservist. Sa tawag ng pangangailangan, isinasalang sila sa sandatahang lakas ng Pilipinas bilang mga regular na sundalo upang manguna sa pagsugpo ng krisis sa bansa. Nagsisilbi silang kaagapay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa tuwing mayroong nagbabadya o nagaganap na kalamidad, terorismo, o giyera. Nitong Marso lamang, inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang Senate Bill 1698 o ang Reservist Employment Rights Act. Nilalayon ng naturang panukala na pangalagaan ang kapakanan ng military reservists bilang pagkilala sa kanilang serbisyo sa bansa. “Ito’y pagkilala natin sa malaking tulong ng ating reservists sa militar, lalo na kapag may kalamidad at sa paglaban sa terorismo,” saad ni Senador Bam Aquino. Sa kabila ng serbisyo na ibinibigay ng mga reservist para sa bansa, hindi umano nila nakukuha ang katumbas na benepisyo na nararapat na makuha nila. Malaking bilang sa mga isinasalang na reservist ang nagtratrabaho bilang guro, technical specialist, negosyante o empleyado sa local government units. “While they risk their lives for the country, they are at risk

of losing their livelihood, which should not be the case,” giit ni Aquino. Bagamat para sa bayan ang kanilang ginagawa, nararapat pa rin umanong mabigyang-halaga ang kani-kanilang indibidwal na buhay.

Kaagapay ng militar Nakasaad sa Artikulo II, Seksyon 4 ng Saligang Batas na mayroong tungkulin ang gobyerno na paglingkuran at protektahan ang mga mamamayan. Kabilang dito

ang tungkuling tumawag ng mga Pilipino upang ipagtanggol ang estado. Sa bisa ng nasabing batas, boluntaryong makapagbibigay ng serbisyong personal, military, o sibil ang mga mamamayang nagnanais.

TINALAKAY ni Sen. Bam Aquino sa kaniyang co-sponsorship speech ang kahalagahan ng Employment Reservist Act na binibigyang-pugay ang mga army reservist na boluntaryong naghahatid-serbisyo para sa bayan. |Kuha ni Rovih Bryan Herrera

Hindi basta-basta ang pagpili sa mga army reservist dahil kakailanganin nilang pumasa sa mga kwalipikasyong inihain ng Philippine Army. Ilan sa mga ito ang pagiging isang Filipino citizen; hindi dapat bababa sa 21 taon o hihigit sa 64 taong gulang sa panahon na maitatalaga sila sa kanilang misyon; at pagtataglay ng malakas na pangangatawan. Mahalagang kwalipikasyon din ang pagtatapos ng kolehiyo kasama ng basic o advance training sa ROTC at ang pagiging isang Basic Citizen Military Training (BCMT) graduate. Sa panayam ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) kay Colonel Ferdinand Dela Cruz ng Philippine Army, binigyang-linaw niya ang tungkulin ng mga reservist sa bansa. Binanggit niyang ipinatatawag ang mga reservist sa panahon ng digmaan at national disaster. Maaari din umano silang magbigay-serbisyo sa bansa kasama ng regular troops sa pamamagitan ng medical missions, training, humanitarian assistance, at iba pang gawain na nagsusulong ng kapayapaan sa bansa. Hindi maikakailang mayroong libo-libong myembro ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police. Ayon kay Lieutenant Colonel Jaime Roberto Almario,“ I think we have about almost 200,000 active reservist. Mga volunteers ito that report every weekend and RESERVIST >> p.8


8

ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

PASANIN SA PANGKARANIWANG PILIPINO:

MARSO-ABRIL 2018

Nawawalang cellphone load, saan nga ba napupunta? CHRISELLE LEANNE GONZAGA AT NICOLLE BIEN MADRID

N

abuksan ang mata ng mga Pilipino sa nangyayaring load scam sa kasalukuyan. Matagal na itong talamak subalit ngayon pa lamang ito binibigyangsolusyon ng pamahalaan. Hindi maikakailang isa ang cellphone load sa mga pangunahing gastusin ng mga Pilipino. Mas nakatitipid sila sa paggamit ng prepaid load, kung saan magbabayad muna bago magamit ang load. Sa kasamaang palad, prepaid load subscribers din ang kadalasang nagiging biktima ng “nakaw load” scam sa bansa. Batay sa datos na inilahad ni Senator Bam Aquino, 97% ng mga Pilipino ang gumagamit ng prepaid load. Sa mga nagtitipid na mamamayan, mas mainam na gamitin ang prepaid load sapagkat m a s a b o t - k a y a i t o. S a m a n t a l a , postpaid plan naman ang ginagamit ng mga may kaya o may mataas na estado sa buhay sapagkat buwanbuwan ang pagbabayad nito at hindi sila nawawalan ng load kapag kinakailangan. Sapagkat masang Pilipino ang apektado, nararapat na ikabahala ng pamahalaan ang mga kasalukuyang kaso ng “nakaw load”. Hindi na nga sapat ang kanilang kinikita arawaraw, dadayaiin pa ang kanilang ginagastos para sa load. Masasalamin dito na mahihirap ang tunay na nalulugi sa suliraning ito.

Noong 2009, naging biktima ng pagnanakaw sa load si dating Senador Juan Ponce Enrile. Ani Enrile, “I used my prepaid unit to make a call. A voice recorder intoned that my prepaid unit had no load, that it had a zero balance. I was amazed because at seven o’clock in the morning of that day my prepaid unit had a balance of P389.” Dagdag pa niya, marami pang naging biktima at nagrereklamo rito maliban sa kanya. Paglalahad ni Aquino, taong 2009 nang ipatawag ni Enrile ang mga telecommunications company dahil sa mga kaso ng nawawalang load. Natuklasan umano na nawawala ang load dahil nag-eexpire ito kapag hindi ginamit sa loob ng ilang araw. Dulot ng pangyayari, ipinahayag ni Aquino, “by July of 2018, magiging one

year na ang validity ng load natin.” Bilang tugon, inihain ni House R e p r e s e n t a t i v e L o r d A l l a n Ja y Velasco ang House Bill 6335 noong 2012. Layunin ng panukalang batas na paigtingin ang karapatan ng konsyumer sa telecommunication companies sa pamamagitan ng pagbibigay ng access sa sariling transaksyon. Nais din umano nito bigyan ng billing report ang lahat ng konsyumer sa kani-kanilang prepaid load. Sa kasamaang palad, hindi lumagpas ang panukalang batas sa committee level. Bagamat load expiration ang sinasabing dahilan ng pagkawala ng load, napatunayan sa huling pandinig na ang value-added service ang pangunahing kumukuha ng load sa mga prepaid subscriber. Ito ang mga

serbisyong naniningil ng load kapalit ng mga promo, raffle, at iba pang serbisyong hindi saklaw ng telecommunications company. Dagdag ng senador, mayroong testigong nakaranas ng panlilinlang galing sa mga value-added service ng mga telecommunications company. Aniya, pinipindot niya ang “x” button, hudyat ng kanyang pagtanggi sa value-added service. Subalit, biglang nagrehistro ang value-added service at nakalatasan ang kanyang load. Layon ni Aquino na hindi na mangyari ulit ang ganitong mga pangyayari. Hangad din ng senador na managot ang mga sangkot sa panlilinlang na ito upang matuto at maghigpit ang mga telecommunications company sa mga value-added service.

Paglaganap ng #NakawLoad Hindi na bago ang problema ng “nakaw load” dahil patuloy na nararanasan ng mga Pilipino ang pagkawala ng load sa hindi malamang dahilan. Nagkaroon na ng ilang pagdinig ang Senado hinggil dito at patuloy na nagbibigay ng solusyon ang telecommunications providers ukol sa isyung ito.

Pangmatagalang benepisyo Kapit-bisig ang kapangyarihan ng DILG, DENR, at DOT upang solusyonan ang problema sa Boracay. Pahayag ni Año, dapat managot ang lokal na gobyerno sa krisis na kinahaharap sa B o r a c a y. N a r a r a p a t u m a n o striktong ipatupad ng mga awtoridad ang mga batas at mga ordinansya para sundin n g p u b l i k o. S a p a m a m a g i t a n n g m g a i t o, u m a a s a s i A ñ o n a mamumulat sa katotohanan ang mga LGU sa kasalukuyang sitwasyon ng Boracay para mapanatili ang natural na k a g a n d a h a n n i t o. Mahalaga ring isakatuparan ng mga mamamayan ang kanilang mga responsibildad at obligasyon sa bayan, kasama na ang pangangalaga sa kalikasan.

LOAD >> p.9

Dibuho ni Leon John Reyes

BOR AC AY | Mula sa p.7 sistema ng transportasyon. Iginiit pa ni Cimatu na gagamitin ang panahon na nakalaan para mas mapabuti ang sistema ng mga linya ng poso. Plano rin ng DENR na dagdagan ang mga probisyon ng Ecological Solid Waste Management Act of 2000 (R.A. 9003) para lalo itong mapaigting.

Aksyon ng NTC Itinuturo ang Got Deals Mobile, Inc., isa sa mga nangungunang content provider ng mga telecommunication company, bilang ugat ng mga promo at pop-up sa mga cellphone. Sa artikulo ni Julius Leonen, manunulat mula sa Inquirer, ipinatawag ng Na t i o n a l T e l e c o m m u n i c a t i o n s Commission (NTC) ang Globe Telecom, Inc. at Got Deals Mobile, Inc. na sinasabing pinagmulan ng load scam ang kanilang mga promo. Kinuha ang kanilang panig sa isyung “nakaw load” na inihabla ni Ms. Feanne Mauricio, isang subscriber ng Globe na nagsampa ng kaso laban sa Globe at Got Deals Mobile. Ipinamahagi ni Mauricio sa social media ang mga ebidensya ng bawas

Saad ni Año, “Kailangan pa bang masita bago umayos? Kailangan pa ba ng ultimatum galing pa sa Pangulo bago umaksyon?” Bagamat mabuti ang intensyon s a p a g p a p a s a r a s a B o r a c a y, maraming residente ng Boracay ang mawawalan ng trabaho. “I would expect that most of them will negate the idea of rehabilitation since this will affect their income and employment,” paliwanag ni Clerigo. Hindi pabor ang mga stakeholder n g “ t o u r i s m a n d r e s o r t s” s a Boracay sa pagpapasara ng isa. Ayon sa panayam nila sa ABS-CBN, tinatayang 36,000 katao ang mawawalan ng trabaho at P56 bilyong kita ang mawawala. Dagdag pa n i C l e r i g o, “ T h e g o v e r n m e n t , scientific community and the private sectors have already considered the possible effects of this action. There would later be seminars and trainings on alternative income generating activities being implemented i n B o r a c a y t o h e l p t h e l o c a l s .” Sa huli, nasa kamay ng lokal na gobyerno ang pagpapabuti n g e s t a d o n g B o r a c a y.

RESERVIST | Mula sa p.7 undergo training”. Gayunpaman, marami man ang regular na sundalo sa ating bansa, kakailanganin pa rin umano ng AFP na tumawag ng mga reservist upang magsilbing dagdagpwersa sa panahon ng kapahamakan. Pahayag pa ni Almario, “Reservists are volunteers. They are always ready. They are trained all year round. Part siya ng whole course concept ng Armed Forces of the Philippines.” Diskriminasyon sa trabaho Naniniwala si Aquino na malaki ang ginagampanang papel ng mga reservist upang maipagtanggol ang bansa sa mga rebelde gaya ng Maute Group. Masasalamin sa botong 16-0 ang buong pagsuporta ng Senado sa panukalang magbibigay-seguridad sa trabaho at iba pang benepisyo para sa military reservists. Maliban sa hindi pagtanggap ng karampatang benepisyo, minamaliit umano ng ibang tao ang mga reservist sa kadahilanang hindi pa batid at nadarama ng kapwa nila Pilipino ang kanilang kakayahang iligtas ang bansa sa kasalukuyan. Ani Colonel Dela Cruz, “Sa aking karanasan, mayroon diskriminasyon sapagkat hindi pa natin ganap na ramdam ang serbisyo ng reservists gawa ng

hindi pa talaga nagkakaroon ng malakihang digmaan.” Higit na makakatulong ang panukalang ito sa mga reservist na naghahanap-buhay. Sa panahong kakailanganin ng sandatahang lakas ang kanilang pagserbisyo, magagamit na nila ang pribilehiyong Leave of Absence sa kanilang pinagtatrabahuhan. Liliit na rin ang posibilidad na matanggalan ng trabaho ang mga reservist sapagkat titiyakin ng panukala na mayroon silang mababalikan. Ngayong aprubado n a i t o s a S e n a d o, l a b a g n a s a batas ang pagtanggi ng mga employer sa mga empleyadong may katungkulan sa militar. Karapatan bilang reservist Sa ilalim ng panukalang-batas, dapat pahintulutan muli ng mga employer ang mga reservist na bumalik sa kani-kanilang trabaho sa kabila ng kanilang mga pinagdaanan habang isinasagawa ang kanilang misyon. Kung sakaling nagtamo ng pinsala, hindi sila maaring pagbawalang magtrabaho maliban na lamang kung magiging sagabal ang kanilang natamong pinsala. Kapag hindi mapahintulutang magbalik-serbisyo,

makatatanggap sila ng kompensasyon mula sa kanilang pinagtatrabahuhan habang pagmumultahin naman ang kompanyang pinapasukan. Bilang isang reservist, kakarampot lamang umano ang benepisyong maaari nilang matamo. Ani Almario, “’Pag reservist volunteer yan. Wala talaga tayong nakukuha. ‘Pag di tayo naca-call to active duty, binibigyan tayo ng gobyerno ng training [ng iba’tibang special skills]. Once na i-call to active duty, lahat ng nakukuhang benefits ng regular soldiers nakuha namin. [...] ang mga reservist, hindi sineswelduhan ng gobyerno. May nakukuha [mang] benefits tulad ng hospitailization pero financial benefits such as salary, wala.” Sa pagpapatupad ng batas, inaasahang mahihikayat ang mga mamamayan na maging bahagi ng army reservist at maiibsan ang negatibong pananaw sa mga kaanib nito. Hindi lamang seguridad sa trabaho ang layunin ng panukalang batas, kundi proteksyong kaagapay rin laban sa diskriminasyon at pagtanggi ng mga kompanya. Sa hatid nilang serbisyo sa ating bansa, nararapat lamang na protektahan din ang kanilang mga karapatan bilang manggagawa.


9

LOAD | Mula sa p.9 sa kanyang load kasama ang petsa ng mga ito at iba pang detalye. Aniya, maraming beses sa isang araw siyang binabawasan ng limang pisong load sa loob ng ilang buwan. Dulot ng hindi makatarungang pagbawas ng load ng Got Deals Mobile, Inc. sa mga Globe subscriber, pinuputol na ng Globe Telecom, Inc. ang ugnayan nila sa kanila. Bukod pa rito, gumawa ang Globe ng prepaid load notification service na tinatawag na “Load Watch.” Sa pamamagitan nito, maaari nang tingnan ng mga konsyumer ang balanse nila sa kasalukuyan at mga pinaggagamitan nila ng load. Pagharap sa suliranin Nararapat lang na pinanindigan ng mga kompanyang sangkot ang kasong ito at pinanagot ang nagsimula ng scam. Kung kakayanin, kinakailangan maibalik ang nakaltas na load mula sa mga nabiktima ng scam na ito. Malinaw sa mga imbestigasyon ng NTC at Senado ang mga solusyon na maaaring gawin ng mga telecommunications company. Isa na rito ang load notification system na naglalayong magbigay-abiso sa mga

prepaid subscriber kapag nabawasan ang kanilang load. Mahalaga ring maisabatas ang mandatory notification system para sa mga prepaid subscriber upang mas maging responsable ang mga telecommunications company sa pamamahala nila sa mga value-added service. Nakaakibat ang pananagutan sa mga nawawalang load sa mga telecommunications company at pamahalaan. Nararapat lang na gumawa ng hustong aksyon ang magkabilang panig dahil karaniwan sa mga nagiging biktima ng problemang ito ang mga konsyumer na sapat lamang ang kinikita araw-araw. Dagdag pasanin ito sa bawat Pilipino dahil kaysa magamit ito upang makausap ang kanilang mga minamahal, nawawala lang ang load at iba ang nakikinabang. Mahalaga na maging mapagmatyag ang NTC sa mga telecommunication company na patuloy na nagbabawas ng load ng mga konsyumer. Kinakailangan na maging mahigpit ang ahensya sa pagpapataw ng parusa sa mga napatunayang may sala sa mga kaso ng “nakaw load.”

SERENO | Mula sa p.6 ng Philippine Star, “Many are out for her (Sereno’s) blood […] [It] is very political, not based on evidence alone [and] not based on specific violations of whatever rules they are citing.” Kinakailangang tingnan ang mga kaso laban kay Sereno sa mas malawak na persepektiba. Bagamat mayroong pagkukulang si Sereno,

mainam pa ring isaalang-alang ng sambayanan na ginagamit lamang ang impeachment ng kasalukuyang rehimen upang matiyak na walang lalaban sa nagbabadyang diktadurya. Mahalagang maging mapagmatyag ang taumbayan sa manipestasyon ng monopolisasyon sa kapangyarihan ng kasalukuyang administrasyon.

OCCS | Mula sa p.2 Sakaling dumaan sa isang krisis ang isang estudyante, inihayag ng OCCS director na nakikipagugnayan ang kanilang opisina sa mga partner psychiatric clinic nito, tulad ng The Medical City Psychiatric Department, para s a m a s m a s u s i n g p a g g a b a y. Gayunpaman, patuloy pa rin umanong tinututukan ng OCCS ang kalagayan ng isang estudyante sakaling mangailangan pa ito ng counseling mula sa kanila. Sa kabila ng mga ito, ikinadismaya ni Guarino ang ilang estudyanteng hindi bumabalik matapos ang unang sesyon sa counseling. Pagpapatuloy niya, bumabalik lamang sila kapag muli silang nakaranas ng krisis o p r o b l e m a . G i i t n i G u a r i n o, “Ayaw namin kayo (estudyante) na ganyan, you have to commit series of sessions so that we will really reach the goal you wanted.” Kasabay ng pag-usbong ng mental health issues sa Pamantasan, ibinahagi ni Guarino na may ilang estudyante at organisasyong nais makipag-ugnayan sa OCCS tungkol sa mga programang may kinalaman sa mental health. Kaugnay nito, iginiit niyang strikto ang kanilang opisina sa pag-apruba ng mga naturang programa dahil maaari umano itong mas makasama kaysa makatulong. Ani Guarino, “They are not trained to handle that, may mga plans sila kung ano gagawin like somebody will do [a] testimony about their mental health condition tapos baka makat r i g g e r t u l o y s i y a .” D a h i l d i t o,

nakikipagtulungan ang OCCS sa Student Leadership Involvement, Formation and Empowerment (SLIFE) upang siyasatin ang mga activity proposal ng ilang estudyante o organisasyon bago ito aprubahan. Na n i n i w a l a s i G u a r i n o n a mahalaga ang pagsasagawa ng mental health programs sa loob at maging sa labas ng Pamantasan. Pagbibigay-diin niya, “Itong mental health, hindi lang siya nakikita natin dito sa university […] nakita din siya talaga ng gobyerno ng Pilipinas […], hindi l a n g n a t i n c o n c e r n i t o, i t i s a n a t i o n a l c o n c e r n .” K a u g n a y n g Mental Health Act of 2017, mas naging pursigido umano ang kanilang opisina na bantayan ang estado ng kalusugang pangkaisipan ng pamayanang Lasalyano. Mga planong pagbabago sa hinaharap Bilang bahagi ng Mental Health Literacy and Career Development Program ng OCCS, isinalaysay ni Guarino na mayroon silang plano na dagdagan ang SAS1000 ng dalawa pang serye: SAS2000 at SAS3000. Nakatuon umano ang mga ito sa pagsasama ng career at mental health programs sa loob ng Pamantasan. Wika ni Guarino, “Mental health literacy, nagsimula ‘yan sa isang research on mental health […] pagkatapos ng research, gumawa tayo ng program that will now be integrated with SAS1000.” Balak din umano ng OCCS na turuan ang mga Lasalyano

para matukoy ang mga senyales na nakararanas ng problemang pangkaisipan ang isang indibidwal. Ani Guarino, “Like training on spotting, responding, referring, and accommodation of students with problems.” Katuwang ang University Student Government, nais din isulong ng OCCS ang programang Mental Health Screening. Gayunpaman, inilahad ni Guarino na kinakausap pa nila ang kanilang partner psychiatrist tungkol sa posibilidad ng pagsasagawa nito. Para sa mas masayang Lasalyano Inilahad ni Guarino na tinutulungan din ng OCCS ang mga estudyante pagdating sa paghahanap ng trabahong papasukan. Ilan sa mga ito ang pagbibigay ng payo ukol sa paggawa ng maayos na resume maging ang tamang pamamaraan ng pagsagot sa j o b i n t e r v i e w. D a g d a g p a r i t o, mayroon ding inihahandog na job expo ang OCCS na dinadaluhan ng mga kilalang kompanyang nagnanais tumanggap ng mga Lasalyano na naghahanap ng t r a b a h o o i n t e r n s h i p. Sa huli, hangad ng OCCS na makatutulong ang kanilang mga inisyatibo at serbisyo para maging m a s a y a a n g m g a L a s a l y a n o, malaya mula sa masamang epekto ng mental illness. Pagtatapos niya, “Happiness is a choice, you really have a choice, and y o u c a n b e h a p p y.”


10

PATNUGOT NG BUHAY AT KULTURA: Ezekiel Enric Andres LAYOUT ARTIST: Justine Klyne Ramirez

ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

MARSO-ABRIL 2018

BUHAY AT KULTURA

GUMUHONG PAG-ASA. Patuloy pa rin sa pagkayod ang mga nawalan ng hanapbuhay dala ng mapinsalang sunog na tumupok sa lahat ng tindahan sa UP Diliman Shopping Center. | Kuha ni Vina Camela Mendoza

DAGITAB NG UP SHOPPING CENTER:

Pagbuo ng kislap para sa panibagong kanlungan NIA MARIE CERVANTES, JOHN EMER PATACSIL, AT REXIELYN TAN

Paano na ang mga estudyante? ‘ Yu n g m g a t h e s i s n i l a ? K a w a w a n a m a n s i l a .” I t o ang unang sumagi sa kanyang isip habang nasa kalagitnaan ng pagkabigla. Wari wala na siyang magawa kundi tumitig sa nagliliyab na gusali. Saksi ang kanyang mga mata sa unti-unting paglamon ng apoy sa mga sulok ng bawat silid. Sa bilis ng pangyayari, hindi niya namalayang unti-unti na palang nagiging abo ang kanyang mga kagamitan. Pinagmasdan niya ang kanyang paligid - may mga hiyaw ng pag-iyak at nakabibinging sirena mula sa mga sasakyan ng bumbero at ambulansya. Sa puntong iyon, hindi niya magawang igalaw ang sarili sa kinatatayuan. Isa siya sa mga stall owner ng UP Shopping Center (SC) na nasunog noong ika-8 ng Marso ngayong taon lamang. Ika niya, mala-pelikula ang nakita niyang insidente at sa pagtanto niya sa realidad, hindi niya na alam paano magsisimulang muli. May kasabihan nga ang matatanda na mas mabuti pa ang manakawan ng sampung beses kaysa masunugan ng ari-arian. Hindi matututulan ang mga katagang ito sapagkat sa pagningas ng apoy sa isang lugar, ganoon din naman ang dahan-dahang pagguho ng pagsisikap at pagpupundar ng mga may-ari at mga nananatili rito. Sa isang kisapmata, madadatnan na lamang ng mga biktima ang kanilang sarili na walang masisilungan, at tila naglahong parang bula ang lahat ng mga ari-ariang pinaghirapan. Kasabay

ng pagtupok sa mga kahoy ng gusali ang siyang pagpawi ng mga alaalang nabuo rito. Isa ito sa mga masasakit na pangyayari sa buhay na maaaring maranasan ng kahit na sinong tao. Bahagi ito ng ating mundong walang katiyakan. Wala tayong magagawa kundi ang kumapit laban sa malakas na agos ng buhay. Naabong puhunan ng dugo’t pawis Bago pa man makapagtayo ng sarisariling kabuhayan, oras, dugo, at pawis ang ipinupundar ng mga negosyante. Kasama na rito ang mga sakripisyo sa iba’t ibang aspeto ng buhay upang makapagbigay ng mahusay na serbisyo sa kanilang mga mamimili. Ganito rin nagsimula ang may ari ng stall sa UP Shopping Center katulad na lamang ni Mang Norly*. Hindi gaanong malayo ang pinaroroonan ng bagong lugar kung saan inilipat ang mga stall ng Shopping Center. Ibinahagi ni Mother*, isa sa mga tagapamahala ng stall ni Mang Norly, na halos wala pa sa kalahati ng kanilang itinitinda sa kasalukuyan ang dami ng kanilang ibinebenta noong sa Shopping Center pa sila nakapuwesto. Kita sa kanyang mga mata ang panghihinayang sa mga naabong mga gamit na maaari pa sanang mapakinabangan. Madalas na pinapakyaw ang kanilang mga paninda ng mga mag-aaral ng UP Diliman na sanay na ring tumakbo sa gusaling ito kapag may mga biglaang pangangailangan. Bukod sa mga estudyante at mga stall owner na naapektuhan, nadamay rin sa sunog na ito ang mga tagapamahala gaya ni Mother*. Nabanggit niyang hindi na regular

ang kanilang nagiging pagbabantay sa mga stall dahil sa ‘di hamak na mas maliit na ang kanilang mga puwesto. Bunga nito, hindi na nila kailangan ng mas maraming tauhan na tiyak nakatutulong sa pagbawas ng gastos para sa mga may-ari ng mga stall. Ani pa ni Mother*, hindi naman ito nakaapekto sa kanyang pakikipagkilala sa iba pang tagabantay sa loob ng Shopping Center. Matapos ang kalunos-lunod na insidente, masaya naman niyang ipinagmalaki ang nabuo niyang mga pagkakaibigan sa kanyang pamamalagi sa gusaling ito. Pamamaalam sa hindi matatawarang mga alaala Hindi maikakailang maraming mga estudyante ang nagiging suki sa mga kainan o pamilihan sa kani-kanilang mga paaralan. Bunsod nito, isa sa mga lubos na naaapektuhan sa insidente ang mga estudyante ngk UP Diliman. Pagsasalaysay ni Angelo Alberto, nagtapos sa UP Diliman at kasalukuyang Statistics professor ng De La Salle University, maraming mga estudyanteng mahihirap ang nakapagaral dahil sa mas mababang matrikula ng UP. Kaya naman, ang Shopping Center na ang naging takbuhan ng mga estudyante dahil sa mumurahing produkto at serbisyo ng mga stall sa loob. Paglalahad ni Alberto, tila napakaraming di-malilimutang alaala ang nabuo sa nasabing gusali. “Nako, marami [nabuong alaala]! Hindi lang tungkol sa academics, maraming mga pagkain na nakain, maraming mga academics, thesis na napabind, readings na napaxerox, mga pagkakaibigang namuo at nahinto,” giit pa niya.

Pagbabahagi naman ni Joshua Miranda, 3rd year Mining Engineering student ng UP Diliman, naging takbuhan talaga ito ng mga estudyante dahil napaliligiran ang SC ng mga dormitoryo tulad ng Acacia at Molave. Samakatuwid, naging tambayan na rin ng barkada ni Joshua ang SC para sa kanilang mga pang-akademikong gawain. Nalumbay si Miranda nang marinig ang insidenteng ito dahil, aniya, malaki ang tulong ng gusaling ito sa pagkilala niya sa kultura ng unibersidad. Ayon kina Miranda at Alberto, wala pa silang nababalitaang tulong mula sa administrasyon ng UP ukol sa insidenteng ito. Sa kabilang banda, may kaalaman sila sa #BANGONSC Foundation na pinamumunuan ng University Student Council (USC). Layunin ng programang ito ang pagbibigay ng mga donasyon, pati na rin ang pagkonsulta at pagtulong sa mga manininda. Naniniwala pa rin si Alberto na makatutulong ang administrasyon sa muling pagbangon ng SC kahit isa pa ang UP sa mga underfunded na unibersidad sa buong bansa. Ayon sa aming mga nakapanayam, kitang-kita ang kalumaan ng gusali at pangangailangan ng pagkukumpuni nito noon pa man. Kung magpapatayo man ng panibagong gusali, suhestyon nina Miranda at Alberto, gawin sanang makabago ang istruktura nito. Dagdag pa ni Alberto, upang mas lalo pang maiwasan ang mga trahedyang tulad ng nangyari sa SC, mahalagang magkaroon na ng sariling mga bumbero ang UP upang maiwasan ang nasabing insidente. “Kahit anong gawin mong pagpapaganda sa lugar para hindi siya maging fire hazard or prone sa sunog, kung wala kang fire department to

begin with at nasunog yung place, mahirap talaga ma-prevent,” aniya. Muling pagbangon ng mga naulila Nagkakaisa ang aming mga nakapanayam sa ideyang sa UP Shopping Center nabuo ang kanilang una at huling alaala sa unibersidad. Nagsilbi ang lugar na ito bilang unang mga hakbang sa pagtapak nila sa unang taon, at ang huli rin sa kanilang pag-alis. Dito sinuri ang kanilang kalusugan bago pormal na tanggapin sa unibersidad at dito rin napaimprenta ang kanilang mga thesis na naghudyat ng kanilang pamamaalam. Dahil sa sunog na nangyari, ang Shopping center naman ang tuluyang nawala sa buhay ng mga estudyante. Anomang paghihinagpis ang ibato sa kanila ng buhay, walang duda na habang buhay mananatili ang mga di-malilimutang alaalang nabuo ng bawat indibidwal. Hindi agaran at madali ang pagbangon mula sa mga aksidente lalo na kapag nasunugan. Maaabo ang lahat ng ipinundar at hindi malaman kung saan magsisimulang muli. Mahirap mang kalimutan ang kabiguang ito, mahalagang maikintal sa isipan ng bawat isa na oportunidad ito upang magkaisa ang buong komunidad ng UP sa paghilom ng mga natamong galos sa bawat balat at alaala. Marahil, hinding-hindi mapapalitan ang turing ng mga nasunugan sa nasabing lugar. Ngunit ang iniwang mga mamahaling alala nito ang marapat nilang gawing motibasyon upang matulungan ang isa’t isa para makapagsimulang muli. Sa pamamagitan ng mga mumunting pagsukli, hindi nila mamamalayang untiunti na palang naisisilang ang kanilang panibagong kanlungan. * Hindi tunay na pangalan


BUHAY AT KULTURA

11

ANINO SA LIKOD NG MASIDHING LAGABLAB:

Pagtuklas sa sining ng fire dancing KIMBERLY JOYCE MANALANG, DONNELLE SANTOS, AT FRANCES TIMOG

Malamig ang simoy ng hangin ngunit nag-iinit ang buong katawan ni Eva. Kasabay ng bawat paggalaw ng kanyang poi, ang siya ring paglakas ng kumakabog niyang dibdib. Dumarami na ang mga taong nanonood. Untiunti na niyang napapansin ang bawat presensyang nakapaligid sa entablado. Kaba at tuwa ang bumabalot sa kanyang diwa. Muli na namang matutunghayan ang pagpapamalas ng kanyang talento. May bitbit na bagong kwento ang bawat indayog ng kanyang katawan. Sa paghampas ng kanyang baywang, dala nito ang nakaraang pilit na binabalikan. Sa pagpadyak ng kanyang mga binti, pasan nito ang pagod at mga paso na pilit na iniinda ng sarili. Sa kumpas ng kanyang mga kamay, hatid nito ang natatanging kuwento ng kanyang buhay. Heto na ang pinakahihintay ng lahat— ang kasukdulan ng pagtatanghal na ito. Ilalapit ni Eva ang apoy sa kanyang mga labi at bubuga ng panibagong alab. Maalinsangan ang gas sa kanyang bibig, tila hinihintay ang apoy na muling magpapaliyab dito. Damang-dama ni Eva sa kanyang balat ang init ng siklab nito. Uulitulitin niya ito hanggang sa maubos na ang gas sa kanyang bibig, at tanging ngiti na lamang ang muling dadampi sa kanyang mga labi. Hudyat na ito ng pagtatapos. Palakpak at hiyawan ang siyang nangingibabaw sa paligid. Lumalakas muli ang tibok ng kanyang puso at bumibilis ang kanyang paghinga. Mahapdi ang mga daplis

ng nag-aalab na apoy sa kanyang balat, ngunit mas nakapapaso ang lagablab ng pag-ibig niya sa sining. Liyab ng hindi mapapantayang sakripisyo Karaniwang agaw-atensyon ang fire dancing kaya naman nagsisilbi itong paraan upang mapataas ang turismo sa mga lugar sa ating bansa kagaya ng Boracay. Dagdag dito, itinuturing din itong talento ng ilang Pilipino kaya naman madalas makikita sa mga kompetisyon ang mga kalahok na nagpapamalas ng sining na ito. Kung si Resley Abraham ng grupong ‘The Exodus’ ang tatanungin, ang fire dancing ang nagsisilbing haling niya sa buhay. Nagsimula ang pagtahak niya sa landas na ito taong 2008. Lima hanggang anim na buwan ang panahong kanyang inilaan bago niya nagamay ang partikular na sayaw na ito. Gaya ng karamihan, nag-umpisa siya nang walang kaalaman tungkol dito. Tanging sa Youtube lamang siya dumepende noong bago-bago pa lamang siya. Binuo ni Abraham ang ‘The E x o d u s’ d a h i l s a k a g u s t u h a n niyang makilala ang fire dancing sa kanilang barangay. Nag-umpisa lamang ang kanilang grupo ng may labindalawang kasapi, ngunit sa nag-aalab na pagpupursigi at matinding suporta, umabot na sa tatlumpung katao ang mga miyembro nila. Madalas silang makuha sa iba’t ibang kaganapan at kompetisyon sa Las Piñas, Laguna, at Cavite. Minsan na rin silang naimbitahan sa mga tanyag na morning shows tulad ng Umagang Kay Ganda at Unang Hirit.

Hindi maitatanggi ang panganib na tila kaakibat na ng propesyon nila. Dahil apoy ang pangunahing materyal nito, tiyak na laging may peligrong nagaabang sa kanila. “Sa lahat ng member ko, lahat kami nakalunok na ng gas[...] kahit na may lunas kami, andun pa rin ‘yung pakiramdam na ma-oospital ka,” aniya. Ibinahagi niyang matatamis na inumin kagaya ng gatas at softdrinks ang nagsisilbing “lunas” nila tuwing makalulunok ng gas. Nakatutulong daw ito upang maisuka ang gas sa

loob ng katawan. Sa tinagal-tagal ng kanilang pagtatanghal, tila nasanay na ang kanilang mga katawan sa ganitong klaseng mga aksidenteng hinaharap nila. “‘Andun ‘yun, ‘yung delikado...pero dedma na lang ‘pag napaso,” biro niya. D a g d a g p a r i t o, k a n y a r i n g kinuwento ang kanilang kakulangan sa mga kagamitan. Kadalasang mababang uri lamang na materyal ang kanilang ginagamit, mairaos lamang ang pagtatanghal. Sapat lang kasi ang kanilang kinikita nila

para sa kanilang mga sarili, kaya ganoon na lang ang pagtityaga nila sa kagamitang ‘pwede na’. Gayunpaman, hindi ito naging hadlang sa kanilang pagsisikap at pagpupursigi. Pinipili pa rin nilang makipagsapalaran sa kabila ng mga hirap na hinaharap nila. “Masaya kami kasi nakakapagpasaya kami ng tao. ‘Yun lang. Kahit hindi kami magkapera, basta nakakapagpasaya kami, masaya na kami,” pagbabahagi niya. LAGABLAB >> p.12

TULOY-TULOY pa rin sa pagtatanghal ang mga fire dancer mula Las Pinas na tila walang panganib na dala sa kanila ang paglalaro ng apoy. | Kuha ni Phoebe Joco

SERBISYONG WALANG PINIPILING KASARIAN:

Mitya sa nagliliyab na hangarin ni Maria RAINE ROSELLE GAGAN, ROSELLE SACORUM, AT AIREEN SEBASTIAN

I

sa na namang nakaririnding alarma ang gumulantang sa kanya habang humihigop ng k a p e a t n a g b a b a s a n g d y a r y o. Napabuntong hininga siya. Saan na naman kaya may kaawaawang mga tahanang tinutupok n g a p o y ? Na g s a s a p a t o s n a a n g ilan sa kalalakihang kasama niya at nagbibihis naman ang iba ng kanilang uniporme. Nagmadali na rin siya at inayos ang sarili. Nagsapatos, nagsuot ng uniporme, at itinali ang kanyang buhok sa mahigpit na puyod dahil muli na naman siyang sasabak sa digmaan kontra apoy. Makalalanghap na naman siya ng usok at abo na galing sa mga tahanang untiu n t i n g s i n i s i r a n g a p o y. H a l o s memoryado na niya ang sunodsunod na gagawin tuwing tutunog ang kanilang alarma - ingay na kumakatawan sa dalawang maaaring maging mensahe. Una, isang trahedya na naman ang naganap. Pangalawa, isa na naman itong pagkakataon upang mailigtas ang mga nanganganib sa sunog. Katulad ng mga doktor, nakasalalay ang buhay ng nakararami sa mga kamay ng mga bumbero. Maliksing kilos, malaka s n a pa n ga n g a t a w a n , a t alertong isipan - ilan lamang ito sa mga puhunan nila. Isa ito sa

pinakakomplikadong hanapbuhay at isa rin sa mga trabahong lalaki ang kadalasang gumagawa sa isip ng nakararami. Hindi maiiwasan ang ganitong “stereotyping” dahil bahagi na ito ng ating nakagisnan. Kaugnay nito, tuwing buwan ng Marso, binibigyang-pansin ang mga bumbero para na rin maitaguyod ang ligtas na komunidad mula sa s u n o g . S a k t o n g - s a k t o, k a s a b a y nito ang pagdiriwang ng Araw ng Kababaihan tuwing ika-8 ng Marso. Hindi maikakailang sa modernong panahon, ang mga babaeng bumbero ang isa sa mga patunay na hindi naging, at magiging hadlang ang kasarian upang makatulong at magsilbing inspirasyon sa bawat mamamayang Pilipino. Puso para sa nagbabagang tungkulin Isa sa mga babaeng bumbero si FO2 Richelle Fernandez, na nakatalaga sa Sampaloc Fire Station sa Maynila. Sa isang tawag lamang sa kanila ng mga nasusunugan, masasaksihan ang paraan ng paghahanda at pagresponde ng mga bumbero sa naturang istasyon. Sadyang mabilis at nagmamadali ang pagkilos; wala pang limang minuto bago tuluyang makaalis ang trak ng bumbero. Palaisipan sa iba kung paano mailalarawan ang buhay ng isang babaeng bumbero sa nasabing larangan. Sa pagpapaliwanag ni

FO2 Fernandez, “Mahirap kasi babae ka tapos ang mga katrabaho mo puro lalaki. Pero sa kabila ng g a n u n g p a n a n a w, k i n a k a y a k o naman.” Handang makipagsabayan ang mga babaeng fire officer sa kapwa bumbero dala ng nananaig na tapang at dedikasyon sa kanilang tungkulin. Dagdag pa ni FO2 Fernandez, isang kagandahan ng pagiging bumbero ang katiyakan na hindi sila mawawalan ng trabaho, mula sa pagpasok hanggang sa retirement age na 56. Sunod na nabigyang-pansin ang samahan ng kanilang grupo, na nagmamadali ngunit bakas ang ngiti sa labi dulot ng kanilang nakawiwiling kuwentuhan. Sa mga ngiti ring iyon sumasalamin ang pagmamahal sa kanilang trabahong kaisa ng paniniwala sa isa’t isa. Pinatunayan ni FO2 Fernandez ang tibay ng pagsasamahan ng kanilang grupo kung saan may tatlong babaeng fire officer sa k a n i l a n g h a n a y. P a n t a y a n g pagtingin sa kanilang lahat; malaya sa diskriminasyon at espesyal na pagtrato sa kababaihan. Sa tahanan, hinihirang ding makabagong bayani ang mga b a b a e n g f i r e o f f i c e r. A y o n kay FO2 Fernandez, isang ina, pinaghuhugutan niya ng lakas ng loob ang kanyang mga anak. Kahit pa aminado siyang kulang MARIA >> p.12

Dibuho ni Ricka Valino


12

ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

MARSO-ABRIL 2018

KAKAIBANG MUNDO NG TANGHALAN:

Nag-aalab na pagmamahal sa larangang tinahak EZEKIEL ENRIC ANDRES AT LALAINE REYES

Tila isang maaliwalas na tanawin kung ituring tuwing pinagmamasdan ang mga ibong malayang ipinapagaspas ang kanilang mga bagwis sa himpapawid. Tunay na isang obra kung tingnan ang bawat hampas ng kanilang pakpak na para bang sumasabay sa malamig na ihip ng hangin. Ito ang nagiging sandigan ng bawat ibon upang tuluyang makalipad nang malaya at marating ang paroroonang nais nitong puntahan. Katulad ng isang ibong pundasyon ang turing sa kanyang mga bagwis, iisa lamang ang layuning nais makamtan ng bawat indibidwal na nangangarap; ang matagumpay na mahagkan ang kanyang patutunguhan. Para sa isang simpleng taong may nais abutin sa buhay, natural lamang na mayroon tayong pinanghahawakang inspirasyon o pundasyon kung tawagin ng karamihan. Kung pakpak ang sandigan ng bawat ibon, nagbabagang pagmamahal sa larangan naman ang kadalasang sandalan ng bawat isa sa atin. Kagaya ng mga nagtatanghal sa teatro, upang tuluyang mapagtagumpayang mapangiti ang bawat manonood, kinakailangan muna ng buong kaluluwang pag-ibig sa kanilang ginagawa.

tagumpay na natatamasa sa loob ng tanghalan, mayroong istorya at kanya-kanyang dahilan para magpursigi ang bawat isa. Lingid sa kaalaman ng karamihan, hindi lamang basta pagkita ng salapi ang pangunahing dahilan ng mga grupong nagtatanghal. Katulad na lamang ng Philippine Stagers Foundation o mas kilala bilang PSF, iniaalay nila ang karamihan sa kanilang mga pagtatanghal sa mga mag-aaral ng hayskul at kolehiyo.

Sa pamamagitan ng kuwento ng mga bayani at maimpluwensiyang tao, layon nilang hikayatin ang kabataang mas bigyang-pansin ang mga isyu sa lipunan. “Ang teatro ay magiging buhay na saksi at midyum ng pagpapaalala sa kasaysayan, tigapagtibay ng kasalukuyan at tigahula ng hinaharap,” paglalahad ni Chrisopher San Ramon, isang aktor ng PSF. Natutuwa siyang patuloy pa ring tinatangkilik ng mga Pilipino ang ganitong uri ng mga

Kuwento sa likod ng entablado Sa Pilipinas, hindi maitatangging laganap at sikat na ang mundo ng pagtatanghal. Hindi man pansin ng karamihan, ngunit hindi maitatangging kinikilala na ng mga tao ang talento’t pagpupursigi ng mga aktor at aktres. Gayunpaman, sa likod ng bawat

Dibuho ni Jeremiah Teope

L AGABL AB | Mula sa p.11 Indak ng laman, alab ng puso Sa likod ng bawat matagumpay na pagtatanghal ang masusing paghahanda para dito. Para sa grupo ni Abraham na The Exodus, binibigyangoras nila ang pag-iisip ng kuwento o istorya na maipakikita sa kanilang sayaw. Nais nilang magkaroon ng isang konseptong nag-uugnay sa bawat galaw na kanilang gagawin kapag sumasayaw upang mas maging kahali-halina ito para sa ibang tao. Aniya, may nakatakdang steps at blockings para sa bawat materyal na kanilang gagamitin kagaya ng hula hoop at baton. “Hindi lang kami sumasayaw nang may apoy...may kwento rin (ito),” banggit niya. Walang duda na umiikot ang kanilang pagtatanghal sa mga apoy na nililikha nila. Wika ni Abraham, iminumumog muna nila ang gas o kerosene sa kanilang mga bibig bago pa man magsimula ang kanilang eksibisyon. Hinahayaan nilang manatili ito sa kanilang bibig upang mas maging madali ang pagbubuga nila ng apoy. Bukod pa rito, binibigyang-pansin din nila ang mga anyo at hubog ng apoy na kanilang ipinakikita. Ipinagmalaki niya na bahagi ng kanilang pag-eensayo ang pag-aralan paano makabuo ng iba’t ibang hugis at pigura mula sa apoy na kanilang nililikha. Bukod sa fire dancing, mayroon ding iba pang pinagkakaabalahan ang kanilang grupo. Para kay Abraham, kilala rin daw siya sa kanilang barangay bilang isang singer, makeup artist, at designer. Gayunpaman, hindi raw nito mapapantayan ang

pagtatanghal. Aniya, ginagamit na rin itong paraan ng pagtuturo ng kasaysayan at kagandahang asal sa malikhaing paraan. Bagamat hindi madali ang karanasan bilang aktor at aktres sa mga dulang ipinalalabas, pinanghahawakan ni Jerica Ramos, isa ring aktres sa PSF, ang galak na natatamasa tuwing matagumpay na naisabubuhay ng mga manonood ang mensahe ng kanilang palabas. “Matutuwa ka na lang minsan may lalapit sa’yo magtatanong

pagmamahal niya sa pagsasayaw. Ayon sa kanya, kahit magkaroon siya ng mas permanenteng trabaho, hindi niya magagawang iwan ang fire dancing sapagkat dito na siya nag-umpisa at nakilala. Silakbong hatid ng kakaibang sining May kanya-kanyang talento at kakayahan ang bawat isa sa atin. Mayroong mga taong tila biniyayaan na ng husay at angking-galing mula pagkabata. Gayunpaman, hindi pa rin mawawala ang mga indibidwal na taon-taong paghihirap ang pinagdaanan bago nakamit ang pagkabihasa sa isang bagay. Isa ang fire dancing sa mga talentong hindi natututunan sa pamamagitan lamang ng iilang ensayo. Buwan, at kung minsan, taon ang bibilangin bago tuluyang makabuo ng pagtatanghal nang hindi napapaso at nadidisgrasya habang ginagawa ito. Ibang bansa man ang pinagmulan ng sining ng fire dancing, naging bahagi pa rin ito ng ating kultura, lalo na tuwing may espesyal na okasyon. Madalas ginagawa ang mga alternatibo nito sa mga selebrasyon gaya ng piyesta, kaarawan, at pati na rin sa ilang patimpalak. Kadalasang hatid nito ang pagkamangha at aliw sa mga manonood sapagkat isa itong bagay na hindi kayang gawin ng lahat. Hindi alintana ng mga fire dancer na tulad ni Abraham ang lapnos sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan. Para sa kanila, hindi matutumbasan ng anomang lamat na natatamo ang ligayang nadarama nila tuwing nagtatanghal sa harap ng madla.

paano pwedeng sumali sa PSF eh,” pagbabahagi niya. Naniniwala siyang isang indikasyon ng pagkakaroon nila ng impluwensya sa kabataan ang pagnanais nilang maging bahagi ng mga pagtatanghal. Tungo sa minimithing layunin Kung bubusisiin ang kalaliman ng layunin ng teatro, matutuklasan na maaaring matawag na instrumento ng pagbabago ang mga nagtatanghal dito. Dahil pangunahing misyon nito ang makapag-antig ng damdamin, maraming mga isipan ang nabubuksan at pusong natatamaan. Ayon nga kay San Ramon, maaaring pampersonal ang pakay ng pagsali sa teatro kung paghubog ng kanilang mga talento ang pag-uusapan. Gayunpaman, dagdag niya, “Alam kong may mas malalim pang dahilan at maaaring ito ay ang lubos na pagmamahal sa sining, sa kultura at higit sa lahat sa mga mamamayan at sa ating bansa”. Sa dinami-rami ng mga paksang sakop ng mga kuwento ng dula, hinding-hindi mawawala ang mga isyung tumatalakay sa usaping panlipunan. Teatro ang malikhaing paraan ng mga nagtatanghal upang makialam sa mga paksang may kinalaman sa bansa. Mariing pagbabahagi ni San Ramon, “Naniniwala akong susi ang mga kabataan na sumasali sa teatro upang mabago ang mga hindi kanais-nais na nangyayari sa lipunan”. Para naman kay Ramos, daan ang teatro upang ipamalas ang kultura’t paniniwala ng isang bansa. TANGHALAN >> p.14

M ARIA | Mula sa p.11 ang kanyang oras kasama sila bunsod ng bente kwatro oras na trabaho, tinitiyak niya pa rin ang kapakanan nila. Bumabawi siya sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagsama sa panonood ng sine at pagkain sa labas. Bukod pa rito, sinisiguro niyang maisasakatuparan niya ang mga ipinangako sa mga a n a k . Na b a n g g i t d i n n i F O 2 Fernandez ang lubos na suporta at pagtanggap ng kanyang mga magulang sa kanyang napiling propesyon, bagay na nagpagaan sa araw-araw niyang tungkulin. Tunay na hindi hadlang ang pagiging isang babae para magampanan ang isang tungkulin lalo pa kung nakalakip ito sa isang trabaho na mistulang panglalaki lamang. Magiging mahirap ang araw-araw na gawain pero sa dulo nito, nariyan ang pagnanais na magawa ang gampanin para sa pamilya at bayan. Kwento sa likod ng mga magigiting na sugo Bukod kay FO2 Fernandez, nagbahagi rin si FO2 Argel Joseph P. D a c u l l o, 3 0 t a o n g g u l a n g a t halos limang taon na sa serbisyo, ng kaniyang kaalaman. Ayon kay FO2 Dacullo, may kanya-kanyang natatanging gampanin ang bawat isa sa kanilang pangkat. Sa isang a r a w, b i n u b u o a n g k a n i l a n g pangkat ng isang officer in c h a r g e , d r i v e r p u m p o p e r a t o r, apat na crew, isang floor watch, at isang night watch.

Bilang senior ni FO2 Fernandez, nagkwento si FO2 Dacullo ng ilan sa mga karanasan niyang kasama ang naturang babaeng bumbero sa loob ng opisina at maging sa tuwing reresponde sa sunog. “Hindi naman malaki yung gap sa trabaho ng babae at lalaki. Kumbaga, kaya rin nila kasi sa training namin, parepareho lang naman kami ng m g a p i n a g d a a n a n .” T a l a g a n g makikita rito ang lubos na pagtanggap at pantay-pantay na pagtingin para sa hanay ng kababaihan sa kanilang pangkat. Inilahad ni FO2 Dacullo na ang gender sensitivity ang tanging umiiral sa kanilang trabaho. Ika nga niya “Ikaw na lalaki, hindi ka pwedeng nakatayo lang samantalang yung babae umaakyat ng b u b o n g a t p a g o d n a p a g o d .” Hindi ito maituturing na diskriminasyon bagkus isang huwad na pagtanggap sa estado ng kanilang trabaho lalo pa at nangangailangan ito ng ibayong lakas. Marahil, kaakibat ng tungkulin nilang mga lalaki ang pangalagaan at magbigayproteksyon ang mga kababaihan. Sa larangan ng pagiging i s a n g b u m b e r o, k i n a k a i l a n g a n ang lakas ng loob hindi lamang para suungin ang nakaambang sunog kundi para magampanan ang tungkulin na iniatang sa kanila ng bayan. Tungkulin ng

bawat isa sa kanila na maging sugo na siyang pipigil sa pinsalang dulot ng sunog. Sila ang mga bayaning sasagip ng buhay at ari-arian, at patuloy na magtatanggol sa bayan ano pa man ang kanilang kasarian. Tatak ng kababaihan, lakas ng dugong Pilipina Tunay ngang kahanga-hanga ang kababaihang tumatalima sa tawag ng tungkulin. Katulad na lamang nito ang trabaho ng magigiting na babaeng fire officer dahil buong tapang nilang hinaharap ang peligro magampanan lamang ang kanilang responsibilidad. Hindi maitatangging napakahirap n g k a n i l a n g t r a b a h o; n a r i y a n ang init mula sa nagbabagang sunog, bigat ng kargadong uniporme’t hose at ang bigat ng nakaatang na gawin. Sa hudyat ng pagtunog ng alarma, walang takot na susugod ang mga babaeng bumbero kargado ng kanilang pagnanais na proteksiyonan ang kanilang bayan. Bitbit din nila ang lakas ng loob na nagmumula sa kanilang pamilya. Patunay ito na hindi lamang umiikot ang tungkulin ng kababaihan sa pangangalaga ng mag-anak at pagiging ilaw ng tahanan. Bagkus, kumakatawan din sila sa mga aktibong Pilipina na maaaring tawagan at sandalan sa oras ng pangangailangan.


PATNUGOT NG SINING - OIC: Justine Klyne Ramirez

KARTOONAN

Nanlalaking Ilong

Atbp

Napapanahon

Jeremiah Teope

Superwoman

Elena Salazar

Patricia Sy

Trisha Cometa

Syyida Shah

Heroine

Pavlo Aguilos

Babae ka lang

Kilalanin Natin

Angelo Edora

Hanapin Natin

Danica Santos


14

ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

TANGHAL AN | Mula sa p.12 Sa pamamagitan ng iba’t ibang konsepto at kuwento, mas naaaliw ang mga manonood kung kaya’t mas madali nilang nauunawaan ang mensaheng nais iparating. Ibinahagi rin niyang mayroong kakayahang mapalago ang kultura ng Pilipinas sa pamamagitan ng paggamit ng kasaysayan bilang konsepto. Kapag mas nabibigyan umano ang kabataan ng pagkakataong mailantad ang mga nangyari sa nakaraan, nabubuksan din ang kanilang isipan sa mga pangyayari noon. Inilahad din ni Ramos na ang pagtatanghal ang nagsisilbing daan upang makaambag ang kabataan sa pagbabago sa lipunan. Habang untiunti nilang natutuklasan ang mga istorya sa likod ng mga nakaraang pangyayari, mas nahuhubog ang kanilang abilidad upang malutas

ang anomang kahalintulad na isyu sa kasalukuyang panahon. Sa ganitong paraan, napepreserba ang kultura ng bansa, kasabay na rin ng pagbibigay-pagkakataon sa kabataan na maging bahagi ng kampanya tungo sa pagbabago ng lipunan. Bayani sa sariling paraan Lakas ng loob, luha, emosyon, at determinasyon – ilan lamang ito sa mga buong-pusong isinasaalang-alang tuwing itinatapak ng mga magtatanghal ang kanilang mga paa sa entablado. Ito ang mga bagay na hinding-hindi matutumbasan ng kahit gaano pa karaming salapi. Bagamat limitado sa ngiti, husay, at buwis-buhay na pagganap ang nakikita ng mata ng mga manonood, paniguradong mayroong masidhing pag-aasam na ipaintindi sa kanila ang mensahe ng bawat palabas.

MARSO-ABRIL 2018

GESMUDO | Mula sa p.16 Hangad ng mga nagtatanghal na magsilbing inspirasyon sa karamihan lalo na sa kabataan ng ating lipunan. Para sa kanila, ang pasasabuhay at pagsasapuso ng mga aral at mensaheng ipinakita sa kanilang palabas ang pinakamataas na uri ng pagkilala’t parangal na tangi nilang inaasam. Sa huli, hindi ang mga nagtatanghal ang may nakukuha mula sa mga manonood; bagkus, tayo bilang mga manonood ang tunay na instrumento upang lalong magalab ang apoy ng pagpupursigi mula sa kahanga-hangang pagkatao. Nais ding ipabatid sa atin na hindi nalilimita sa iisang aktibidad ang maaaring gawin para sa bansa. Bilang kabataan, napakaraming mga paraan ang maaaring gawin upang makapagbigay ng kontribusyon sa ikauunlad at pagiging progresibo ng ating lipunan.

PAPALAPIT SA GINTONG KORONA:

DLSU Lady Spikers, dinagit ang semi-finals ticket kontra Lady Warriors! MARIA JOSE ELUMBA AT JEA RHYCAR MOLINA

KINANDADO ng DLSU Lady Spikers ang semi-finals spot matapos lampasuhin ang University of the East (UE) Lady Warriors sa magkakasunod na set, 25-8, 25-14, 25-12, sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 80 Women's Volleyball Tournament, Marso 24 sa FilOil Flying V Centre. Buong pusong pinangunahan ni Ms. Everywhere Dawn Macandili ang kampo ng mga arkero tangan ang 5 excellent reception at 19 excellent digs. Maagang naglunsad ng pundasyon ang Taft mainstays sa unang yugto ng bakbakan. Ipinakita ni Captain Mary Joy Baron ang veteran prowess sa mga mandirigma sa simula ng sagupaan, 1-0. Gayunpaman, nagagawa pa ring makipagsabayan ng UE sa pangunguna ni Shaya Adorador, 3-2. Makailang ball-out ang naitala ng kampo ng Silangan na nagbigaybentahe sa Green and White team, 5-2. Binuwag din ng Taft mainstays ang opensang ipinamalas ni Lady Warrior Judith Abil na nagdulot ng wide attacks at unforced errors, 7-3. Tuluyan nang lumaki ang agwat sa scoreboard matapos umariba ng great wall of defense si Aduke Ogunsanya, 16-5. Malaki rin ang naging papel sa double digit lead ni Asia’s Finest Macandili mula sa kanyang airtight

floor defense at impeccable saves. Sa kabilang banda, napako na sa single digit ang scoring output ng Sampaloc mainstays dulot ng crafty drop shot ni Kim Dy at laser-like kill ni Ernestine Tiamzon para sa unang set, 25-8. Sa ikalawang yugto, nagpatuloy ang momentum na dala-dala ng Lady Spikers. Inasinta ng berdeng kampo ang defensive coverage ng kalabang koponan na tuluyang nagpaariba sa kanilang on-court efficiency. Binuksan ng Lady Spikers ang ikalawang yugto sa isang Michelle Cobb-Baron execution na sinundan ng scoring hit ni Dy, 2-0. Pansamantalang nahinto ang momentum ng Lady Spikers matapos umalpas sa ere ni Mary Anne Mendrez para sa isang through the block attack, 118. Naging malaking kontribusyon naman sina Cobb at Ogunsanya sa depensa ng DLSU na nagresulta ng puntos mula sa blocking department, 13-8. Samantala, sunod-sunod na attack at service errors ang itinala ng Lady Warriors upang tuluyang umarangkada ang Taft mainstays, 1810. Pumalo ng 8-1 run ang defending champions na nagpalubog sa Silangan Warriors, 21-11. Binagsak ng UE ang ikalawang bahagi ng sagupaan matapos ang service error ni Seth Rodriguez, 25-14.

Na g p a t u l o y a n g A n i m o s a pagsapit ng ikatlo at huling set ng bakbakan. Agarang naglunsad ng 9-to-nothing run ang Taft-based squad sa pangunguna ng blocks ni Baron at service ace ni Michelle Cobb. Dagdag pa rito, sunod-sunod na errors ang itinala ng Lady Warriors na nagbigay ng garbage points sa DLSU, 12-1. Patuloy pa ring lumaban ang Lady Warriors ngunit nahirapan pa rin sila pumuntos dahil sa mahigpit na pagbabantay ni Macandili sa bawat sulok ng kort. Sa kalagitnaan ng set, hindi nagpahuli si Desiree Cheng na pinaigting ang offensive stability ng Green and White team. Makailang animo spikes at greenblooded down-the-line hits ang ipinamalas ni Cheng upang umusad ang scoring output ng koponan, 17-11. Hanggang sa huli, hindi na mapigilan ang momentum ni Cheng at humirit pa ng back-to-back aces. Sinubukang pang umangat ng Lady Warriors ngunit sinelyuhan na ni Baron ang laro upang maiuwi ang panalo, 25-12. Pansamantalang ipinagpaliban ang torneo upang magbigay-daan s a M a h a l n a A r a w. S u n o d n a kahaharapin ng DLSU Lady Spikers ang University of Sto. Tomas (UST) Growling Tigresses, Abril 8 sa FilOil Flying V Centre.

WINASAK ng DLSU Lady Spikers ang UE Lady Warriors sa isang 3-setter game, 25-8, 25-14, 25-12, sa ikalawang yugto ng UAAP Season 80 Women's Volleyball Tournament, Marso 24 sa FilOil Flying V Center. | Kuha ni Kinlon Fan

ITINANGHAL si Kiko Gesmundo bilang Most Valuable Player ng UAAP Season 80 Baseball Tournament. Matapos mabigo laban sa Adamson University, nais ng manlalaro na maiuwi ang kampeonato sa kanyang huling playing year sa susunod na torneo. | Kuha ni Ludivie Faith Dagmil [and] dad ko [naglaro rin] para sa Adamson,” ani Gesmundo. Naging matunog ang kanyang pangalan sa larangan ng baseball dahil bata pa lamang nang magsimula siyang maglaro ng nasabing isport. “Simula bata pa lang, naglalaro na ako, mga 10,” ayon kay Gesmundo. Nakitaan ng potensyal si Gesmundo nang minsan siyang sumali sa isang kompetisyon dito sa Pilipinas. Dala nito, nasundan na ang kanyang pagpapakitang-gilas hindi lamang sa loob ng bansa kundi pati sa international scene. Pagmamahal sa larangan Naging parte na ng buhay ni Gesmundo ang baseball dahil sa nabuong pagmamahal para rito. Sa kadahilanang dati ring manlalaro ng nabanggit na isport ang kanyang lolo at ama, hindi na nakapagtatakang nahilig na rin sa laro ang binata. Nagsisilbing oras ito para magkasama-sama sila ng kanyang pamilya na lalong nagpaalab ng kanyang pagmamahal sa larangan. Dagdag pa rito, nagsilbing inspirasyon ang kanyang kapatid upang lalo niyang pagbutihin ang paglalaro. P a g l a l a h a d n i G e s m u n d o, “Nagustuhan ko siya kasi [noong] bata pa [ako], nainggit lang talaga ko sa kuya ko [dahil] sobrang galing niya. Umaalis sila ng daddy ko lagi [papuntang] Japan, Singapore, at U.S. Tapos ako [sinasabi ko na] kaya ko rin ‘yun, gusto ko rin umalis tulad nila." Sa kabila ng motibasyon, mabigat na hamon ang pasan niya bago makamit ang mga pagkilalang natamo. Bilang atleta at estudyante, marami ring hirap na dinaranas

si Gesmundo kabilang na ang pagbabalanse ng kanyang oras. Hindi na bago sa kanya ang pagaar al sa umaga at pag-een sayo hanggang gabi ngunit mahirap pa rin ito dahil sa pagod na kanyang nararanasan. Malaki ang pasasalamat ng atleta sa mga student manager ng kanilang koponan na palaging nasa kanilang tabi upang tumulong sa kanila. “Buti na lang, tinutulungan kami ng student manager namin. Gina-guide niya kami kung ano bang kailangang gawin tapos sasamahan niya kami na magpuuyat [para tapusin ang mga rekisito at takdang aralin.]” ani Gesmundo. Sa mata ng isang MVP Sa apat na taon niyang paglalaro para sa Pamantasan, isa sa mga hindi maliliimutang pangyayari sa kanyang buhay-atleta ang pagwawagi nila ng kampeonato noong kanyang sophomore year. Dito niya umano napagtanto ang laki ng potensyal niya bilang i s a n g b a s e b a l l p l a y e r. S a d a m i ng mga parangal na kanyang n a t a m o, m a y m a h i h i l i n g p a r i n si Gesmundo – ang inaasam n a g i n t o. Kakaibang determinasyon ang kanyang ipinakikita para makamit ang kanyang minimithing ginto. Wala na siyang sinasayang na oras at puspusang nang pinaghahandaan ang mga susunod na laban. “Last chance mo na magperform sa UAAP so paghihirapan talaga naming lahat lalo na last year namin, sobrang dami kong batchmates na mawawala. So mas magiging hungry kami para makuha yung championship na yon,” pagtatapos niya.


15

ISPORTS

DOBLE KAYOD PARA SA PANGARAP:

Pagsuong sa panibagong hamon dala ng pagnenegosyo FHERY AHN ADAJAR AT MARK PAULO GUILLERMO

DISIPLINA- isa na ito marahil sa mga bagay na kahanga-hanga sa mga atletang Lasalyano na nagbibigaykarangalan para sa Pamantasan. Hindi maikakaila na ang ugaling ito ang nangingibabaw sa mga student athlete na nagtitiyaga upang pagsabay-sabayin ang kanilang pag-aaral at pag-eensayo sa pang-araw-araw. Sa kabila ng hirap, may mga atleta pa ring nagsisipag kumayod upang maabot ang matayog na pangarap at magandang kinabukasan. Pumapasok ang ilan sa mundo ng pagnenegosyo upang ipamalas na hindi lamang sila magaling sa loob ng kort kundi pati na rin sa pagpapalago ng pera. Kabilang na rito ang atletang Lasalyano na si Alec Villavicencio na namamahala ng kanyang sariling barbershop habang nananatili sa larangan ng taekwondo. Munting gabay sa pag-unlad Bata pa lamang, mulat na si Villavicencio sa realidad ng mundo pagdating sa negosyo. Dahil dito, nais niyang makipagsabayan sa iba pang negosyante upang subukin na rin ang kanyang kapalaran dit o. A n i ya , “ [ I h a d i n t e r e s t i n business] when I realized that I had to step-up my game in the overly competitive world [that] we live in.” Bagamat mahirap ang pamamalakad ng kanyang negosyong paggupitan, nagsilbing gabay ang kanyang ama sa bawat hakbang na kanyang ginagawa.

“Primarily, my dad [has been the one who has been helping me s i n c e d a y 1 ] ,” t u g o n n g G r e e n Jin. Dagdag pa rito, huwaran at inspirasyon para sa kanya ang ama dahil sa dami ng nakamtan niyang pangarap sa buhay. Aniya, “I got inspired by my dad who is very successful in pretty much all aspects in life. He is selfless and humble that’s why I admire him so much.” | Kuha ni Ludivie Faith Dagmil Pagbabalanse ng responsibilidad Sa gulang na 21, tunay ngang kagila-gilalas ang abilidad ni Villavicencio na isa sa mga miyembro ng DLSU Green Jins. Bukod sa pagiging student athlete, isang mahusay na negosyante ang atleta dahil sa kanyang kamangha-manghang abilidad sa pamamalakad ng sariling negosyo. Aniya, “I just allocate my time wisely [on] each day.” Bagamat dalawang magkaibang larangan ang kanyang tinahak, nagagamit pa rin ng Green Jin ang pagiging disiplinado sa larangan sa isports sa pagpasok sa mundo ng pagiging negosyante. “The overall discipline the sport gives [me an idea on how to manage my business]. It molded me to take care of my overall wellness. May it be physical, mental, emotional and spiritual,” saad ng manlalaro. Subalit, hindi umano naging madali para sa manlalaro ang tuluyang balansehin ang mundo ng pagnenegosyo at pagiging student athlete. Bagamat kinakain ng negosyo ang kanyang oras, hindi ito sagabal sa kanya dahil mahal umano niya ang kanyang

ginagawa. “If you really love what y o u’ r e d o i n g n a m a n , i t ’ s n o t a problem,” ani Villavicencio. Pagharap sa suliranin K a t u l a d n g i b a n g n e g o s y o, hindi sigurado ang paglago ng salapi dahil na rin sa iba-ibang pagsubok. Hindi nakaliligtas ang manlalaro dito ngunit, aniya, handa siya sa pagharap ng ganitong uri ng problema. Pagbabahagi ni Villavicencio, “It’s all about cash flow. If my sales are going down, I would probably cut down my expenses.” Bukod dito, humihingi siya ng tulong mula sa mga taong kanyang pinagkatitiwalaan. Aniya, “A l o n g w i t h t h i s , I w i l l s e e k a mentor or a financial advisor which is of course my dad.” Payo ni Villavicencio sa mga tulad niyang mayroong pinalalakad na negosyo, parating panatilihin ang kagustuhang magtagumpay para sa sarili sa kabila ng mga suliranin. “Expect a lot of breakdowns and failures because it is necessary to learn.” Na k i k i t a n i y a a n g p o s i t i b o n g dulot ng mga pagsubok kahit pa mahirap lagpasan. “I’m very far away from being successful but at least I’m gaining wisdom from experiences and the people around me,” pagkumbaba niya. Sa kabila ng pagiging baguhan s a m u n d o n g p a g n e n e g o s y o, nananatiling puhunan ng binata ang puso at pangarap upang ipagpatuloy ang nasimulan. Ayon sa Marketing undergraduate, “I really had to have the grit and dedication to be consistent since I am naive about these stuff

[pagnenegosyo].” Dagdag pa niya, dapat lamang isipin na walang mahirap sa taong pursigido at nais matuto kung nais talaga maabot a n g n a i s t a h a k i n s a b u h a y. “ I

always thought that it would be a simple task to do [so that I can overcome the difficulty and be successful eventually],” pagtatapos ni Villavicencio.

Dibuho ni Trisha Cometa

ATLETA | Mula sa p.16 Sa labas ng oval Bilang anak ng isang former track and field player, sinubukan ding sumabak ni DLSU Green Trackster M a l a t e s a p a g t a k b o. Na g t u l o y tuloy ang kanyang pag-eensayo sa larangan hanggang sa naging matibay na rin ang kanyang katawan at nasiyahan na rin sa laro. Pagsapit ng 2013, kinuha siya ng Green Tracksters bilang manlalaro nila at lumaban sa kanyang unang UAAP. Ngunit bago pa man sumabak sa oval, basketball din ang unang napusuang laro ni Green Trackster Malate. Tinukoy niya ito bilang kanyang unang pag-ibig. “Mas angat yung paglalaro ko ng basketball kasi doon talaga ako nagsimula at doon din ako naging sikat. Nagustuhan ko talaga siya kasi gusto ko maglaro ng intense [lalo na] kapag dikit lang yung score.” Para sa kanya, isang paraan ng pagbuo ng mabuting personalidad ang paglalaro ng basketball sapagkat kanyang natutuhan ang pagiging mapagkumbaba at pagkakaroon ng disiplina.

M a r a m i - r a m i r i n g pagkakahawig ang paglalaro ng basketball at track and field. Ayon sa Green Trackster, speed at stamina ang isa sa mahalagang kinakailangan ng isang manlalaro ng track and field, at malaking tulong din ito sa kanya sa loob n g k o r t . D a g d a g p a r i t o, l a l o pa niyang nahahasa ang bilis s a p a g k t a b o. Hindi madali ang maging isang estudyanteng atleta lalo na para kina Green Trackster Malate at G r e e n Wo o d p u s h e r A m a r n a hindi lang iisa kundi dalawa ang binabalanseng aktibidad. “Sa totoo lang, hindi ko siya masyadong nababalanse. Minsan after ng training ng track, pupunta kaagad ako sa court kaso pagod na ako,” ani ni Malate. Gayunpaman, tunay na malaking kontribusyon ang leksyong kanilang nakuha sa paglalaro ng iba't ibang sport. Paniguradong makatutulong ito hindi lamang sa tuwing sasabak sa mga kompetisyon kundi pati sa kanilang pangkabuuang pagkatao.

Dibuho ni Leon John Reyes

L ADY BOOTERS | Mula sa p.16 hiningang tira ng UST Growling Tigresses. Sa dinami-rami ng goal attempts ng kalabang koponan, nanaig pa rin ang depensa ng Taft mainstays na bumuwag sa pagkasabik ng mga tigre na makabawi.

Bilang nag-iisang goalkeeper ng koponan ngayon season, hindi naging madali ang kurso ng torneo para kay Lacson. “When they [UST] scored a goal, it definitely woke me up to keep pushing,”

ani Lacson. Dagdag pa ng goalkeeper, “I can see my team doing their best out there in the field, so I want to do the same.” Dalawang beses man natalo ng UST Growling Tigresses ang berdeng koponan

sa una at ikalawang kabuuang round ng torneo, pinatunayan naman ng DLSU Lady Booters na nasa huli pa rin ang tunay na tagumpay. Ika nga ni Best Goalkeeper Lacson, “It was a hard road and there

were definitely a lot of struggles, but we fought until the last minute.” Matamis na kampeonato ang dala-dala pauwi ng back-to-back UAAP Season 80 Women’s Football Tournament Champion.


16

PATNUGOT NG ISPORTS: Justine Earl Taboso LAYOUT ARTIST: Jerry Pornelos

ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

ISPORTS

MARSO-ABRIL 2018

BACK-TO-BACK DEFENDING CHAMPIONS. Pinataob ng DLSU Lady Booters ang pwersa ng UST Lady Tigresses, 2-1, sa UAAP Season 80 Women's Football Tournament Finals, Abril 5 sa Rizal Memorial Football Stadium. | Kuha ni Kinlon Fan

BACK-TO-BACK CHAMPIONS:

Matamis na tagumpay, handog ng DLSU Lady Booters!

CHRISTEN DELOS SANTOS AT KATHLEEN JHOANNE MARTINEZ

BINAKURAN ng DLSU Lady Booters ang kanilang korona matapos ang kanilang paghaharap kontra University of Santo Tomas (UST) Growling Tigresses, Abril 5 sa Rizal Memorial Stadium. Bukod sa back-to-back championship title, kinilala rin si Lady Booter Kyla Inquig bilang Most Valuable Player. Pinarangalan din sa torneo sina Lady Booters Anna Delos Reyes (Rookie of the Year), Tashka Lacson (Best Goalkeeper), at Shannon Arthur (Best Mildfielder).

Mahigpit na press-defense ang bumungad sa torneo dahilan ng pagdodoble-kayod nina Lady Booters Nicole Andaya, Team Captain Kyra Dimaandal, at Irish Navaja. Sa ika-12 minuto ng unang round, nalusutan ng free kick ni MVP Inquig ang pader ng UST, 1-0 pabor sa La Salle. Kakaibang comeback ang ipinamalas ng España-based squad matapos ang unang goal ng Lady Booters. Limang minutong pagmamatigasan ng parehong koponan ang mas nagpainit sa lab`an. Nanatili ang bola kay Goalkeeper Lacson sapagkat walang tigre ang

nangahas lumapit. Ika nga nila, tila nagkaroon ng unofficial timeout sa gitna ng bakbakan. Hindi naglaon, naglista ng puntos si UST Growling Tigress Shela Cadag sa ika-22 minuto, 1-1. Sinubukang ibalik ng Ladies in Green ang momentum subalit kinulang ito dulot ng mahigpit na field presence ng UST. Poste ang sumalo ng oportunidad sana para kina Arthur at Navaja. Samantala, sumobra naman sa lipad ang tira ni Andaya dahilan ng pagbubunyi ng kabilang kampo. Hindi man nakapukol ng puntos, tiniyak naman ni Lacson na hindi rin makaiiskor ang UST matapos sunggaban ang kabilaang

pagkakataon ni Hazel Lustan. Gitgitan sa kartadang 1-1 ang parehong grupo matapos ang unang yugto. Tumamlay ang kabuuang prowess ng DLSU Lady Booters sa pagsisimula ng ikalawang bahagi ng laro. Kompara sa unang round, naging slow-paced ang daloy kasunod ng sunod-sunod na injuries ng mga manlalaro. Unang inilabas si Arthur na pinalitan naman ni Janna Barcemo. Si Lady Booter Carmen Castellanos naman ang sumalo sa pwesto ng sugatang team captain. Hindi nagtagal, ipinasok naman si Arantxa Del Mundo para kay Barcemo. Naputol ang kaba ng Green and White

nang magpalas ng hindi matatawarang kick si Inquig mula sa labas ng kahon na nagbigay kalamangan para sa DLSU sa 80-minute mark, 2-1. Apat na minuto ang idinagdag sa oras na nagbigay pag-asa naman sa black and gold team. Pinaigting na opensa ng UST ang kinaharap ng Lady Booters ngunit hindi ito naging sagabal upang dominahin ang football field. Pinatunayan ni Lacson ang kanyang titulong Best Goalkeeper nang matagumpay niyang saluhin ang sunod-sunod na makapigilLADY BOOTERS >> p.15

PAGBIBIGAY-PUGAY SA IBA’T IBANG TALENTONG TAGLAY:

PAGKILALA SA ATLETANG LASALYANO:

CHRISTEN DELOS SANTOS AT ALEXANDER ISAIAH MENDOZA

RAEZEL LOUISE VELAYO

Pagsilip sa karanasan ng atleta sa Pagsilip sa buhay at karera ni Francis Gesmundo mundong hindi kinagisnan TINITINGALA ang mga atleta bunsod ng kanilang angking galing sa napiling larangan pati na ang mga naiuuwing medalya at tropeo para sa pamantansang kanilang kinakatawan. Bukod sa isport na nilalahokan, sumusubok din sila ng ibang larangan na nagsisilbing libangan sa buong araw na pagbababad sa training. Kabilang na rito ang DLSU athletes na sina Denzel Amar at Roland Malate na talaga namang kabilibbilib dahil kanila na ring pinasok ang mundo ng basketball maliban sa pagiging manlalaro ng chess at track and field Pagbabanat ng utak at buto Kasalukuyang miyembro ng De La Salle University (DLSU) Green

Woodpushers si Amar. Nagsimulang mahasa ang kanyang talento sa paglalaro ng chess noong limang taong gulang pa lamang gayong ito ang kanyang pampalipas-oras. Kalaunan, nagsimula na siyang magseryoso at sumali sa iba't ibang kompetisyon sa tulong ng kanyang ama at kapatid. Kanyang ipinagpatuloy ang paglalaro hanggang sa maging kabilang siya sa chess varsity team noong hayskul. Bukod sa chess, kinahiligan din ni Amar ang paglalaro ng basketball. Aniya, “Hindi ko alam kung bakit ko nagustuhan ang basketball. Siguro [dahil] sa tingin ko naimpluwensyahan nalang ng kultura at ng mga tao sa paligid dahil ang ating bansa ay mahilig sa basketball at karamihan sa mga kaibigan ko ay mahilig din maglaro ng basketball.” Bagamat hindi man

pisikal na laro ang chess, nagagamit niya pa rin ang kanyang mabilis na decision making skills at mental stability na malaking tulong sa tuwing sasabak sa basketball. Ayon sa Green Woodpusher, magkaiba ang saya na nararamdaman niya kapag naglalaro ng parehong isport. “Sa chess, nag-eenjoy ako sa paglalaro dahil nagagamit ko ang aking skills. Sa basketball naman, natutuwa ako kapag nakapaglalaro d a h i l h a b a n g n a g - e e n j o y a k o, nakakapagpapawis din ako,” saad ng manlalaro. Sa kasalukuyan, walang pinaghahandaan na malaking torneo ang manlalaro bukod sa University Athletics Association of the Philippines (UAAP) kaya’t nakapaglalaan siya ng oras sa paglalaro ng basketball. ATLETA >> p.15

MATAGUMPAY na nakamit ng DLSU Green Batters ang ikalawang pwesto sa katatapos lamang na University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 80 Baseball Tournament noong Marso 16. Kaugnay nito, naging malaking kontribusyon si Francis “Kiko” Gesmundo na tinaguriang Most Valuable Player (MVP) ng season. Bukod sa pagkakatanghal na MVP sa kanyang ikaapat na taon ng paglalaro, pinarangalan din siya bilang Best Slugger, Home Run leader, at Best Third Baseman. Gayunpaman, sa kabila ng mga parangal na kanyang natamo, hindi biro ang mga pinagdaanan niya upang tumuntong sa tagumpay na kanyang tinatamasa. Pagkamit sa pangarap Hayskul pa lamang, kinakitaan na ng angking galing at talento

sa paglalaro ng baseball si G e s m u n d o. B u n s o d n i t o, a g a d siyang naimbitahan upang maglaro para sa De La Salle University. Sa kanyang pagpasok sa kolehiyo, malugod siyang tinanggap ng koponan sa tulong ni Coach Joseph Orellana na kasalukuyang kabilang sa DLSU Green Batters. Isang mahirap na desisyon para sa kanya ang pagpili na maglaro para sa DLSU sapagkat sa ibang unibersidad naging manlalaro ng baseball ang kanyang pamilya. Ayon sa kanya, ninais niyang tumahak ng landas na iba sa kanyang pamilya dahil sa pagnanais na umukit ng sariling legasiya. “Kasi dito ko nakita na [tumahak ng] ibang path kasi yung kuya ko naglaro [para] sa Adamson. Tapos, yung mom GESMUDO >> p.14


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.