ANG PAHAYAGANG PLARIDEL: A.Y: 2017-2018- PEBRERO ISYU

Page 1

A N G PA H AYA G A N G

PLARIDEL

ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANG-MAG-AARAL NG PAMANTASANG DE LA SALLE

MARSO 9, 2018

TOMO XXXIII BLG. 4 BAYAN

BUHAY AT KULTUR A

ISPORTS

Patuloy na pagpalya:

Mga alaala ng matamis at mapait na pag-iibigan:

K AL AGAYAN NG MRT, K ATANGGAP-TANGGAP PA BA?

BULK ANG MAYON SA PUSO NG MGA BIKOL ANO

Pag-ukit ng sariling pangalan: TAANE SAMUEL, HANDA NANG SIMULAN ANG SARILING LEGASIYA

PEOPLE WERPA. Nagtipon ang mga rallyista sa paggunita ng ika-32 anibersaryo ng People Power Revolution, Pebrero 25 sa People Power Monument, EDSA. Pinangunahan ng grupong Tindig Pilipinas ang pagtitipon para pagnilayan ang lagim na sinapit ng mga Pilipino sa ilalim ng diktaduryang Marcos.| Kuha ni Vina Camela Mendoza

PAKIKIBAKA PARA SA BUHAY NG WIKA:

TANGGOL WIKA, tuloy ang laban para sa Filipino sa kolehiyo JUAN MIGUEL CANJA AT JOYCE ANN DANIELES

HINDI PATITINAG ang Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wika (TANGGOL WIKA) na ipaglaban ang pananatili ng wikang Filipino sa kolehiyo kaugnay ng CHED Memorandum (CMO) No. 20 series of 2013 kahit wala pang inilalabas na desisyon ang Korte Suprema. Naglalayong palitan ng CMO No. 20 ang asignaturang Filipino para sa

iba pang asignaturang nakasentro sa kurso ng estudyante. Matatandaang noong 2015, naglabas ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Order (TRO) isang linggo matapos ang implementasyon ng CMO No. 20 bilang tugon sa petisyong ipinasa ng grupo ng mga propesor, estudyante, at mambabatas na tumutuligsa sa naturang memo. Bagamat nananatili ang TRO, nagkakaroon pa rin ng isyu sa implementasyon nito sa mga unibersidad.

Mga hadlang sa pagpapanatili ng Filipino Isa sa mga problemang kinaharap ng TANGGOL WIKA ang pagkakaroon ng mga misinterpretasyon sa kaibahan ng asignaturang Filipino at Panitikan sa mga pamatansan. Ayon kay Filipino Department Professor Dr. David Michael San Juan, mayroong ibang pamantasang itinuturing na magkapareho lamang ang Filipino at Panitikan. “So yung 6 to 9 units na Filipino, akala nila na kasama na dun

Kasalukuyang ugnayan ng PUSO at admin, muling siniyasat CAMILLE BILLONES, ROBERT JAO DIOKNO, HANNAH GABRIELLE MALLORCA, AT CHELCEED VIERNES

MATATANDAANG inihayag ng admin ang hindi pagkilala sa Parents of University Student Organization (PUSO) matapos ang naging gusot sa relasyon ng dalawang panig noong Nobyembre 19, sa pamamagitan ng liham. Kabilang sa naging epekto ng hindi pagkilala sa PUSO ang pagtanggal sa mga benebisyong natatanggap nito, partikular ang paggamit ng “De La Salle University” o “DLSU” sa pangalan nito, paggamit ng opisina sa Br. John Hall, pangongolekta ng PUSO fees, at pagiging bahagi ng Multi-

Sectoral Committee for Tuition fee Increase. Kaugnay nito, ibinahagi ni PUSO President Atty. Dionisio Donato Garcianon na muling nagkaroon ng pagkakataon na magpulong ang dalawang panig upang ayusin ang mga problemang kanilang kinaharap. Sinubukang kunin ng Ang Pahayagang Plaridel ang panig ni Chancellor Robert Roleda kaugnay sa isyu ngunit hindi pa siya nakatutugon sa pagkakalathala ng artikulo Pinag-ugatan ng di-pagkakasundo Inilahad ni Garciano na nagsimula ang gusot sa ugnayan ng PUSO at admin matapos magsagawa ng emergency general assembly (GA) si dating DLSU Chancellor Gerardo Janairo upang siyasatin ang

facebook.com/plaridel.dlsu

nangyaring pagpapakamatay ng isang estudyante noong Oktubre 25, 2016. Sa nangyaring GA, inihayag diumano ni Office of Counseling and Career Services (OCCS) Director Aime Guarino ang naitalang 124 na kaso ng muntikang pagpapakamatay ng ilang Lasalyano. Kaugnay nito, ipinarating ng PUSO ang hinaing ng sektor ng mga magulang hinggil sa hindi epektibong paghawak ng OCCS sa ganitong uri ng kaso. Dawit din umano rito ang opisina ni dating Dean of Student Affairs Aimee Galang dahil nasa ilalim ng pangangasiwa ng opisina niya ang OCCS. Isinalaysay ni Garciano na hindi sangPUSO >> p.9

plaridel.ph

ang Panitikan […][kaya] ang iniisip nila na kung may Filipino, wala nang panitikan. Kung may Panitikan, wala nang Filipino,” saad ni San Juan. Dagdag pa rito, may ibang paaralan naman na 3 units lamang ang inilalaan para sa asignaturang Filipino o Panitikan habang may iba namang inilalagay ang asignatura sa ika-3 o ika-4 taon ng kolehiyo. Ani San Juan, ginagawa umano ito ng mga dekano ng kolehiyo dahil maaaring maglabas ng desisyon anomang oras ang

Korte na alisin ang Filipino. Pagbibigaydiin ni San Juan, “Hindi pwede yun kasi ito ay general education, foundation yan. Dapat first year o second year eh tapos na ang pagkuha niyan.” Paglilinaw pa niya, maraming ganitong problema dahil naguugat ito sa malabong hakbang ng CHED. Laban para sa sariling wika Upang matugunan ang mga nabanggit TANGGOL WIKA >> p.3

IMBENSYON PARA SA BAYAN:

Water filter gawa sa niyog, itinaguyod ng DLSU researchers JOSEE’ YSABELLA ABRIOL, CAMILLE JOYCE BILLONES, AT JUAN MIGUEL CANJA

NAKAMTAN ng DLSU ang pinakauna nitong invention patent mula sa Intellectual Property Office of the Philippines noong 2016 para sa proyektong biodegradable water filter na gawa sa bao ng niyog. Pinamunuan ni University Fellow Dr. Susan Gallardo ang nasabing imbensyon na ginawa ng kanyang grupo sa loob ng tatlong taon. Nilalayon ng proyektong makabuo ng murang water purification system na makatutulong sa mahihirap na

twitter.com/plaridel_dlsu

komunidad sa bansa. Pahayag pa ni Gallardo, “We can use this personal water purification device sa disaster stricken areas that lack a potable water.” Pagbuo ng proyekto Sa pagsisimula ng makakalikasang proyekto, naisipan nilang gumamit ng katutubong likas na yaman na manggagaling mismo sa mga komunidad sa Nagcarlan, Laguna. Ibinahagi ng University Fellow ang prosesong kanilang pinagdaanan sa paggawa ng water filter. “So 2009 WATER FILTER >> p.3


2

PATNUGOT NG BALITA: Robert Jao Diokno LAYOUT ARTIST: Justine Klyne Ramirez

BALITA

ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

MARSO 2018

PAGTATAGUYOD NG DISIPLINA:

Mga tungkulin ng SDFO, binigyang-linaw HANNAH GABRIELLE MALLORCA, CLARIZ MENDOZA, AT CHELCEED VIERNES

PA G H U B O G n g d i s i p l i n a n g pamayanang Lasalyano — ito ang pangunahing layunin ng Student Discipline Formation Office (SDFO) sa pamumuno ni SDFO Director Michael Millanes. Dagdag pa rito, tungkulin ng

kanyang opisina na maghain ng mga hakbang na makatutulong para mas mapaigting ang pagiging responsable ng mga estudyante. Na n i n i w a l a s i M i l l a n e s n a maisasakatuparan ang mga layuning ito sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga discipline orientation, formative programs,

at mga adbokasiyang nakasentro sa pagpapatibay ng disiplina. “Ang pag-aaral ay hindi lang paghuhubog ng isip [...] paghuhubog din [ito] ng pagkatao,” pahiwatig niya. Mga polisiyang nalalabag Sa kabila ng pagsasakatuparan ng mga programang makatutulong sa

disiplina ng pamayanang Lasalyano, malaking bilang pa rin ng mga estudyante ang lumalabag sa mga itinakdang patakaran ng Pamantasan. Isa sa mga polisiyang kadalasang nalalabag ang pag-iiwan ng ID na nagreresulta sa hindi pagpasok sa loob ng kampus. Bilang paglilinaw, inilahad ni Millanes ang limitasyon sa pagsuway nito batay sa kanyang opisina at student handbook. “May pagkakataon na yung simpleng pagkaiwan ng ID, magiging major offense na,” wika ni Millanes. Batay sa student handbook, nagiging major offense ang ID-related violations kapag naulit nang maraming beses sa akademikong taon. Paliwanag pa niya, kadalasang nalilimutan ng mga estudyante na bantayan kung ilang beses nilang nagagawa ang nasabing violation kaya ito nagiging major offense. Nagbigay ang SDFO director ng halimbawa ng prosesong ginagamit ng kanyang opisina para malaman kailan magiging minor o major offense ang isang violation. Para sa mga paglabag na nagawa sa parehong akademikong taon, kinakailangan ng tatlong violations sa kaparehong kategorya para maging minor offense. Sa susunod na tatlong

violations ulit sa parehong kategorya, mabibigyan ng pangalawang minor offense ang estudyante. Sa pangatlong minor offense ng parehong kategorya, mapapalitan na ng major offense ang isang minor offense. Mayroon namang karagdagang dami ng violations sa panahon ng pagiging estudyante sa loob ng Pamantasan. Kapag umabot sa anim ang kabuuang bilang ng violations ng estudyante sa pag-aaral niya sa Pamantasan, magkakaroon siya ng unang minor offense. Mabibigyan siya ng pangalawang minor offense kapag umabot sa walo at unang major offense naman sa pangsampu. Bukod naman sa ID-related offenses, susunod na pinakamadalas na offense ang academics-related o academic dishonesty, ayon kay Millanes. Hakbang ng kinauukulan Ibinahagi ni Millanes na nakabatay sa student handbook ang pagproseso ng mga reklamong dumadaan sa kanilang opisina. Dagdag pa niya, “Sinusunod namin yun, we strictly follow it by sequence making it sure that we don’t actually skip the required provisions or steps mandated by the SDFO >> p.9

Dibuho ni Aramina Batiquin

PAGKILALA SA GALING NG LASALYANO:

Chemical Engineering alumni, wagi sa nagdaang MFET 2017 CAMILLE BILLONES AT CLARIZ MENDOZA

INIUWI ni Janne Pauline Ngo, BS Chemical Engineering alumni ng DLSU, ang unang gantimpala sa 2017 Magsaysay Future Engineers/Technologists (MFET) Award para sa kanyang pananaliksik na naglalayong mapakinabangan ang mga ibinabasurang abaca fibers. Sa gabay ng tagapayong si Dr. Michael Promentilla, nakamit ni Ngo ang karangalan sa kanyang proyektong pinamagatang “Chemical Treatment of Waste Abaca for Natural Fiber-Reinforced Geopolymer Composite”. Pinamunuan ng National Academy of Science and Technology (NAST) at Department of Science and Technology (DOST) ang seremonya na nagkaloob kay Ngo ng prestihiyosong parangal. Karanasan sa MFET Idinaraos ang MFET taon-taon upang kilalanin ang pinakamahuhusay na pananaliksik na may kaugnayan sa engineering at teknolohiya. Bukas ang paligsahang ito sa mga estudyanteng nasa undergraduate level. Ilan sa mga pamantasang lumahok sa MFET 2017 ang University of the Philippines (UP) Diliman, UP Los Baños, University of Sto. Thomas, at Mapua Insitute of Technology. Inamin ni Ngo na may alinlangan siyang sumali noon sa MFET 2017 dahil sa kaakibat nitong dagdag na responsibilidad. Pagpapatuloy niya, “[N]oong panahong iyon, hindi ko naisip na isang oportunidad ito […] [i]nisip

ko […] dagdag lamang ‘to sa trabaho at responsibilidad ko.” Gayunpaman, ipinagpatuloy ni Ngo ang pagharap sa hamon ng kompetisyon sa kadahilanang may bahagi sa kanyang isipan na nais tumuloy rito. Proyektong makakalikasan Dahil sa isyu hinggil sa lumalalang pagkasira ng kapaligiran, nahimok sina Ngo na manaliksik upang mapatibay ang geopolymer composite, mas kilala bilang cement alternatives, sa mas ligtas na paraan. Natuklasan nilang nagtataglay ang abaca (Manila hemp) ng mga katangiang magpapatibay sa komposisyon ng sementong kanilang pinag-aaralan. Dagdag pa rito, mas mababa ang inilalabas na carbon dioxide sa produksyon ng cement alternatives na malaki ang itinutulong sa paggamot sa climate change. Bukod sa mura ang abaca, sagana rin ito sa bansa. Sa pamamagitan ng proyekto, inaasahang mas mapakikinabangan ang mga ibinasurang abaca fiber sa paggawa ng cement alternatives. Inspirasyon sa likod ng tagumpay Inilahad ni Ngo na malaki ang naging kontribusyon ng kanyang tagapayo sapagkat siya ang umanyaya sa kanya na sumali sa nasabing patimpalak. “Ang aking adviser na si Dr. Michael Promentilla ang mastermind sa likod ng buong proyekto. Naalok lamang ako na maging bahagi nito,” pahayag ni Ngo.

Nagpapasalamat din si Ngo sa DLSU na nagbigay sa kanya ng pagsasanay upang mahasa ang kanyang kakayahan sa larangan ng chemical engineering at pananaliksik. Ani Ngo, “Suportado rin ako ng aking mga propesor.” Dahil dito, nais niyang ialay ang pagkapanalo sa kanyang propesor at sa pamantasan. Binigyang-diin ni Ngo na utang niya ang kanyang proyekto sa bayan upang makatulong sa pagpapabuti ng kalagayan nito. Ikinatuwa rin niya ang pagbibigay-tiwala at pagkilala ng ibang tao sa kanilang ginawang pananaliksik. Kaugnay nito, napagtanto niya ang personal na adbokasiyang protektahan ang kalikasan at kapaligiran sa pamamagitan ng pagdadalubhasa sa larangan ng pananaliksik. Plano matapos ang kompetisyon Kasalukuyang pinaghahandaan ni Ngo ang nalalapit na licensure exam para maging ganap na licensed chemical engineer. Pagkatapos nito, plano niyang bumalik sa DLSU upang ipagpatuloy ang pananaliksik at magsimula ng panibagong proyekto na magtataguyod sa agham at teknolohiya ng bansa. Bilang payo sa mga nagsisimulang mananaliksik, nais iparating ni Ngo na isantabi ang takot at mga alinlangan upang mas maging bukas sa mga darating na oportunidad. Pagtatapos niya, “Work out of purpose, not out of pride. Hangarin niyo lang na maitaguyod ang pinaniniwalaan niyo at makapagdagdag-halaga sa bayan at sa mundo.”

KINILALA si Janne Pauline Ngo bilang 2017 Magsaysay Future Engineer at Technologist Awardee dahil sa kanyang pananaliksik sa abaca fibers, Disyembre 14 sa Acacia Hotel, Alabang. |Kuha ni Vina Camela Mendoza

| Kuha ni Rovih Herrera


3

BALITA

TANGGOL WIK A | Mula sa p.1 na isyu, patuloy na sinusubukan ng TANGGOL WIKA na magkipag-ugnayan kay bagong CHED Commissioner Prospero De Vera III upang maayos pa ang maraming gusot sa polisiyang ito. Patuloy na isinusulong ng TANGGOL WIKA na magkaraoon ng status quo ang CHED na nagbibigay-obligasyon sa mga pamantasan na magkaroon ng 6-9 units ng parehong Filipino at Panitikan. Inamin ni San Juan na marami pa ring pamantasan ang hindi sumusunod rito. Pagpapatuloy niya, ”Sinusunod lang nila na flat na 6 units regardless of the course samantalang 9 units kapag ikaw ay kumukuha ng kursong sakop ng humanities o communication like

Philippine Studies, Political Science, International Studies.” Maliban dito, naglilibot ang organisasyon sa mga paaralan upang ipaliwanag ang mga dapat na ituro sa Filipino at ibigay ang mga syllabus. Nagsasagawa rin sila ng pagsasanay sa mga guro sa Filipino bilang pampuno sa pagkukulang ng CHED sa pagbibigayensayo sa kanila. Wala umano ang Filipino sa mga pagsasanay ng CHED dahil pinagtutuonan lamang sa ensayo ang paggamit ng nasabing wika bilang midyum sa pagtuturo at hindi bilang isang ‘core subject’. Ani San Juan, nadismaya siya sa CHED dahil hindi niya naramdaman ang

pagsisikap nito sa pagsasakatuparan ng CMO No. 20. Sariling sikap na lamang ang mga eswkelahan at guro sa pagtataguyod at pagpapanatili ng buhay ng Filipino, giit ni San Juan. Estado ng Filipino sa DLSU Inilahad ni San Juan na kinikilala ng Pamantasan ang paninindigan na ginagawa ng Tanggol Wika upang mapanatili ang asignaturang Filipino sa kolehiyo. Gayunpaman, kasalukuyang nirerebisa ang syllabus ng mga asignaturang Filipino upang masigurong hindi magkatulad ang mga itinuturo sa kolehiyo at senior high school (SHS). Samantala, ipinagmalaki ni San Juan na

Dibuho ni Carl Corilla

nananatiling matatag ang Departamento ng Filipino sa Pamantasan kahit pa marami nang krisis ang dinaanan nito. Ilan sa mga ito ang pagsasara ng kursong ABPhilippine Studies sa loob ng 2 taon na dulot ng lean years. Dagdag pa niya, malaki ang epekto nito sa programa dahil dalawang tao ring hindi makikita ng estudyante sa DLSU Guide Book ang Philippine Studies. Sa kabila nito, patuloy pa rin ang operasyon ng mga asignaturang Filipino sa iba’t ibang kolehiyo at kasalukuyan pa ring may mga kumukuha ng kursong Philippine Studies. Pagdating naman sa mga guro sa Filipino, tinitiyak ni San Juan na hindi sila mawawalan ng trabaho sapagkat makapagtuturo pa rin sila sa SHS. “I think sa pagdating ng 2018-2019 magnonormalize na yung sitwasyon,” saad ni San Juan. Kahalagahan ng sariling wika Ibinahagi ni San Juan na mahalaga umanong mapanatiling buhay ang Filipino sa kolehiyo dahil unang una, kulang umano ang kakayahan sa Filipino ng mga estudyante. “Kahit sa mga senior high school sigurado kami, pakunin natin ng exam ang mga iyan, maraming babagsak sa Filipino,” pagpapatunay niya. Pangalawa, napakahalaga umano ng Filipino sa pag-unlad ng Pilipinas dahil ito ang wikang sinasalita ng karamihan kaya ito rin ang wikang makakapag-isa sa mga rehiyon ng bansa. Ayon pa kay San Juan, malaki ang magiging epekto ng pagkawala ng Filipino sa kolehiyo, partikular sa DLSU, dahil hindi matutupad ang missionvision ng Pamantasan kung wala ito. Paliwanag niya, “[…] karamihan sa kanila ay middle class to elites economically, [a]ng Filipino ang nagiging […] tulay nila sa ordinaryong tao. Ito ang wika

para sa effective communication [at] [h]indi tayo makakapag-community engagement kung hindi Filipino ang pag-aaralan natin.” Binigyang-diin din ni San Juan na hindi makikinabang ang Pilipinas kung tatanggalin ang Filipino sa pag-aaral ng mga estudyante. Aniya, “Ang mga banyaga lamang ang makikinabang sa pakikipagkomunikasyon ng mga Pilipino sa ibang wika at wala tayong maambag sa globalisasyon ng bansa.” Dahil dito, hinihikayat ni San Juan na sumama ang mga estudyante sa mga aktibidad at pagtitipon na may kinalaman sa pagtataguyod ng wikang Filipino. Dagdag pa niya, marami ring alternatibong pamamaraan ang maaaring gawin ng mga estudyante tulad ng pagpost o pagbabahagi ng kamalayan sa social media upang makatulong sa sariling wika. Hinihimok din ni San Juan ang mga Lasalyano na gamitin ang Filipino sa paggawa ng mga pananaliksik o tesis. Sa ngayon, wala pa umanong opisyal na polisya ang Pamantasan sa paggamit ng wikang Filipino sa tesis. Kaugnay nito, inihayag ni San Juan na dapat payagan ng ibang departamento ang paggamit ng Filipino sa tesis. Saad niya, “[…] paano papayagan ang paggamit kung walang namang manggigiit na gamitin [ito]. Ito sana ang pinakamaganda, ang magamit ang wikang Filipino sa pananaliksik.” Hinihiling ni San Juan na tumulong ang mga Lasalyano sa pagtataguyod ng Filipino sa iba’t ibang paraan upang mapanatili ang buhay ng wika. “Gamitin natin hindi lang sa pangaraw-araw na komunikasyon kundi pati rin sa pananaliksik at higit sa lahat, gamitin natin sa pagtalakay sa mga isyung makakaapekto sa buhay natin ,” pagtatapos niya.

WATER FILTER | Mula sa p.1 pa namin siya nasimulan kasi may kasamang assessment (ng tubig) at environmental education sa [komunidad]. Dahil ang gagamitin namin [para sa water filter] is something indigenous, [...] sa Nagcarlan na rin kami kumuha ng coconut shell [na gagamitin] for the activated carbon,” paglalahad niya. Matapos nito, nangolekta na ng bao ang grupo nila Gallardo at prinoseso ang mga ito gamit ang ITDI-designed reactor para maging activated carbon. Inabot hanggang 2011 ang hakbang na ito dahil sa mga laboratory investigation bago sila tuluyang nakapagdisenyo ng water filter. Dumaan pa sa maraming proseso ang proyekto gaya ng iba’t ibang testing para mabatid paano ito mas mapamumura at magiging epektibo. Matapos nito, iprinesenta nila ito sa USETA National Sustainability Expo sa Washington D.C. gayong galing sa United States Environmental Protection Agency ang kanilang pondo. Noong 2011, inilunsad na nila ang purifying system sa Laguna kung saan tinuruan nila ang mga residente paano ito gamitin. Sa paglulunsad nito, nakita nila ang ilang gusot sa proyekto na nag-udyok sa kanilang manaliksik ng ibang paraan para lalo itong mapabuti. Naging kaagapay nila Gallardo ang ilang graduate students sa pagsasakatuparan ng mga imbestigasyon at pananaliksik. “Nakatulong din yung lab kasi kailangan mo ang facilities ng DLSU. Tumulong sila sa patenting,” dagdag pa niya. Nakipagtulungan din sila sa

Intellectual Property Office ng DLSU para sa aplikasyon ng patent. Inspirasyon sa paggawa “ Yu n y u n g a m i n g n a g i n g inspirasyon [sa paggawa ng proyekto] ay yung [possible] contamination ng E.coli, pesticides, at heavy metals [sa bukal],” ani Gallardo. Sa kabila ng kontaminasyong ito, pinakukuluan lamang umano ng mga residente ang tubig mula sa bukal gayong wala silang kapasidad na makabili ng bottled water. Dahil dito, sinuri ng grupo ni Gallardo ang tubig sa mga komunidad ng Nagcarlan at nabatid na mayroon silang kakulangan sa supply ng malinis na tubig. Paglalarawan niya, “Ito kasi sa Nagcarlan, [...] along the slope of Mt. Banahaw [...], may piggeries. Wala naman silang proper waste disposal kaya yung mga dumi nalalagay sa kanilang springs [kaya nacontaminate na ng E.coli yung tubig].

pangangalaga sa kalikasan sa mga komunidad sa Nagcarlan. Dito umano nila ipinaliwanag ang kanilang proyekto na bumuhay at nagbigay ng pag-asa sa mga residente. Sa umpisa ng proyekto, kinaharap ng kanilang grup o ang s amo’t saring pagsubok gaya na lamang ng pangongolekta ng mga niyog. Paliwanag niya, “Tatanggalin mo yung husk at lilipunin mo [pa] kaya nagpatulong kami sa farmers [...] dinala namin sa ITDI DOST [...] naprocess na siya, sinunog, and out of 642, nakakuha kami ng 95 kilos ng activated carbon [na gagamitin sa laboratoryo],“ paglalahad

niya.“Pinatent na namin ang proseso ng activated carbon, citricidal, at bamboo [matapos ang proyekto],” dagdag ni Gallardo. Gayunpaman, matapos ang anim na buwan, nakaranas umano ng problema ang mga residente gayong maaari pa ring magkaroon ng kontaminasyon ng tubig sa inisyal nilang disensyo. Tulong sa mga Pilipino Kasalukuyan pa ring dinidisenyo ng grupo ang water filter na kanilang sinimulan para mas maging epektibo ito at makapaghatid-tulong sa mga m a m a m a y a n . “ Na g h a h a n a p n a

rin ang DLSU ng investors kaya naman tinatawag ako ng DLSU from time to time para i-explain kung paano gamitin,” paliwanag pa ni Gallardo. Na n i n i w a l a s i G a l l a r d o n a matatalino at may kakayahang gumawa ng mga kahalintulad na pananaliksik ang mga Lasalyano kung gugustuhin at pagtitiyagaan nila. Inaaanyayahan niya silang magsagawa ng mga pag-aaral na makatutulong sa mga komunidad gayong kabilang pa rin ang Pilipinas sa third-world countries s a m u n d o.

Dagdag pa rito, napag-alaman nilang posibleng nahahalo at nagdudulot-kontaminasyon sa bukal ang pesticides na ginagamit ng mga magsasaka sa mga pananim. Bukod pa rito, pagsasaad ni Gallardo, sinuri rin nila ang mga metal gaya ng arsenic na isang komposisyon ng ibang uri ng pesticide. Gayunpaman, pagkumpirma niya, “Nakita lang naming [contaminant ng tubig] is E.coli. Yun yung results ng biological test ng tubig.” Pagsubok na kinaharap Kabilang sa pagsasakatuparan ng proyekto ang pagtuturo ng wastong

Nakamit ng DLSU ang kauna-unahang patent para sa biodegradable water filter noong nakaraang Marso 2016. Naitaguyod ang patent sa tulong ng DLSU Intellectual Property Office at DLSU Innoation and Technology Office. | Kuha ni Phoebe Joco


4

ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

LAYOUT ARTIST: Angelo Edora

OPINYON

MARSO 2018

Bakuna para sa sistema, minamadali rin ba? KASALUKUYANG humaharap sa isang graft complaint sina dating Pangulong Benigno Aquino III, mga dating opisyal ng Department of Health, at ang French Pharmaceutical Giant na Sanofi Pasteur bunsod ng isyu kaugnay ng kontrobersyal na Dengvaxia. Matatandaang ilang kaso ng pagkasawi ang naitala matapos masimulan ang implementasyon ng bakuna sa dengue noong Abril 2016. Sa kasamaang palad, Nobyembre noong nakaraang taon lamang idineklara ng Sanofi na nagdudulot ang bakuna ng masamang epekto sa mga hindi pa nagkakaroon ng nasabing sakit. Sa pagkakataong inanunsyo ito ng kompanya, 837,000 mag-aaral na ang naturukan ng bakuna. Kataka-taka ang naging hakbang ng gobyerno sa madalian nitong pagbili ng mga bakuna kontra dengue mula sa Sanofi. Tunay ng a na ma n g n a ka m a m a n g h a n g makapag-iwan ng legasiya bilang unang administrasyong nakapagdala ng Dengvaxia sa bansa. Gayunpaman, hindi ba’t mas kapuri-puri kung napag-aralan munang maigi ang hakbang para maiwasan ang kapalpakan? Hindi naman hayop ang mga Pilipino na pinag-eeksperimentuhan at itinuturing na mangmang. Hindi na maibabalik ang buhay ng mga estudyanteng nasawi dulot ng bakuna. Tiyak, wala na ring pag-asang makuha muli ang milyon-milyong

pondong ginastos ng gobyerno para rito. Gayunpaman, hindi dapat dito magtatapos ang buong kwento. Mahalagang mapag-aralan maigi ang sanhi ng pagkakamali at alamin ang motibo ng madaliang transaksyon. Nararapat lamang na panagutan ng mga sangkot ang kanilang ginawang pagkakamali. Marahil, malaki ang epekto ng isyu sa Dengvaxia sa mga susunod na programang hatid ng gobyerno. Tiyak na tuluyan nang mawawalan ng tiwala ang mga mamamayan dahil posibleng buhay nila ang maging kapalit ng palpak na hakbang ng mga kinauukulan. Hindi ito ang unang pagkakataong apektado ang mga Pilipino sa ginawang hakbang ng gobyerno. Kaya naman, hindi natin masisisi ang taumbayan kung may mga pagkakataong hindi na nila mapagtanto ang pakay ng mga opisyal sa kanilang mga aksyon. Malaking hamon para sa gobyerno ipanumbalik ang nawaglit na tiwala ng mga mamamayan. Magagawa nila ito kung uunahin nilang ayusin ang sistema ng kanilang pamamalakad gayong nanggagaling mula rito ang mga gusot na kailangan pang plantsahin. Bakuna para sa kasalukuyang sistema ang dapat nilang madaliin, at hindi ang ibang bagay na kailangan ng masusing paghahanda.

ANG PAHAYAGANG

PLARIDEL

M A H I R A P M A G B I N G I - B I N G I H A N S A K AT O T O H A N A N . M A H I R A P M A G S U L AT N G U N I T K I N A K A I L A N G A N .

LUPONG PATNUGUTAN PUNONG PATNUGOT PANGALAWANG PATNUGOT - OIC TAGAPAMAHALANG PATNUGOT PATNUGOT NG BALITA PATNUGOT NG ISPORTS PATNUGOT NG BAYAN PATNUGOT NG BUHAY AT KULTURA PATNUGOT NG RETRATO PATNUGOT NG SINING - OIC TAGAPAMAHALA NG OPISINA AT SIRKULASYON

Josee' Ysabella Abriol Jhuneth Dominguez Jaymee Lou Abedania Robert Jao Diokno Justine Earl Taboso Samirah Janine Tamayo Ezekiel Enric Andres Arah Josmin Reguyal Justine Klyne Ramirez Fhery Ahn Adajar

BALITA Juan Miguel Canja, Joyce Ann Danieles, Jenny Mendizabal, Clariz Mendoza, Chelceed Viernes ISPORTS Christen Delos Santos, Mark Guillermo, Miguel Paredes Leonardo, Lee Diongzon Martinez, Alexander Isaiah Mendoza, Jea Rhycar Molina, Zyra Joy Parafina, Raezel Louise Velayo BAYAN Raphael Antonio Amparo, Roselle Dumada-ug, Luis Bienvenido Foronda, Chriselle Leanne Gonzaga, Nicolle Bien Madrid, Claremont Mercado, Jeanne Veronica Tan, Aaron Lester Tee BUHAY AT KULTURA Claire Ann Alfajardo, Nia Marie Cervantes, Janine Espiritu, Kimberly Joyce Manalang, John Emer Patacsil, Roselle Sacorum, Donnelle Santos, Aireen Sebastian, Rexielyn Tan RETRATO Justin Ray Aliman, Judely Ann Cabador, Juan Paulo Carlos, Ludivie Faith Dagmil, Kinlon Fan, Jeld Gregor Manalo, Vina Camela Mendoza SINING Nesreen Adrada, Pavlo Aguilos, Robilyn Alemania, Aramina Batiquin, Patricia Cometa, Angelo Edora, Kelcey Loreno, Jerry Pornelos, Leon John Reyes, Danica Santos, Patricia Sy, Jeremiah Teope, Ricka Valino

Benepisyo o Kalbaryo? "Kung nais nating umunlad ang ating bansa, hindi lamang isa o dalawa ang dapat kumilos kundi ang lahat ng Pilipino na nasa lupaing ito." Masakit para sa bulsa ng ating mga kababayan ang mahigit-kumulang 30% awas na kinakain ng buwis. Wala pa rito ang ibang kontribusyon sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno tulad ng Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS) na lalong nagpapaliit sa naiuuwing pera na para sa kanilang pamilya. Bunsod nito, halos 50% na lamang ang kanilang ipinambabayad para sa pang-araw-araw na gastusin. Gayunpaman, hindi ito kailangang panghinayang ng mga tao dahil napupunta rin naman ito sa ikabubuti ng bansa. Ginagamit ang buwis na nakokolekta para sa mga proyekto na ikauunlad ng ating estado. Dagdag pa rito, ang mga kontribusyon ding iyon ay kinokolekta para sa benepisyo ng mga Pilipino sa panahon ng pangangailangan. Dulot

ng mga pagbabago at iba’t ibang implementasyon na inilalatag ng gobyerno, isinusulong ngayon sa Senado ang pagtaas sa contribution fee sa SSS ng mga Pilipino. Naging malaki ang epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law hindi lamang sa income tax kundi pati sa buwis na indirektang binabayaran ng ating mga kababayan. Dahil sa mga pagbabagong ito, malaki na ang maiuuwing sweldo ng mga indibidwal na mayroong P250,000 sweldo kada taon. Nangangahulugan lamang ito na mas malaki ang maitatabi at magagamit ng mga Pilipino sa iba pang bayarin. Noong nakaraang taon, nag-ulat ang ahensya ng 9 bilyong kita; mas mababa nang 71.85 porsiyento sa 2016 (32 bilyon). Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Emmanuel Dooc, nais nilang

SENYOR NA KASAPI Hannah Gabrielle Mallorca, Mikhail Padilla, Syyidah Shah SENYOR NA PATNUGOT Michelle Dianne Arellano, Lalaine Reyes Tagapayo: Dr. Dolores Taylan Direktor, Student Media Office: David Leaño Sekretarya, Student Media Office: Ma. Manuela Soriano-Agdeppa Para sa anomang komento o katanungan ukol sa mga isyung inilathala, magpadala lamang na liham sa 5F Br. Gabriel Connon Hall, Pamantasang De La Salle o sa APP@dlsu. edu.ph. Walang bahagi ng publikasyong ito ang maaring mailathala o gamitin sa anomang paraan nang walang pahintulot ng Lupong Patnugutan.

ANG

DAKILANG

LAYUNIN

maipatupad ang tatlong porysentong (11%-14%) dagdag sa kontribusyon. Makalilikom ng dagdag na 45 billion sa koleksyon kapag naipatupad ito. Dagdag pa rito, mas malaki ang mapagkukunan sa pension fund ng estado. Dulot na rin ng dagdag na kontribusyon, hinahangad ng ahensya na maitaas ang minimum salary credit at maximum salary credit ng mga miyembro mula P1000 papuntang P4000; P16000 papuntang P20000, ayon sa pagkakasunod-sunod. Ako ay sumasang-ayon na malaking ambag ito para sa mga Pilipino dahil mas malaki ang maiuuwi at magagamit nila tulad na lamang ng benepisyo at sustento mula sa gobyerno. Makatutulong din ito sa satispaksyon, pagiging produktibo, at kalidad ng trabaho na kanilang maibibigay. Gayunpaman, hindi rin ito magiging epektibo kung ang pagiging gahaman muli ang paiiralin ng mga opisyal ng gobyerno. Hindi lingid sa kaalaman ng mga Pilipino na talamak ang kaso ng korupsyon sa ating bansa kaya hindi malayong mangyari ito sa loob ng ahensiya. Sa kabuuan, maganda ang maidudulot ng mga pagbabagong ito, kailangan lamang na maging disiplinado ng lahat - hindi lamang ang mga indibidwal sa pagbabayad ng kontribusyon, kundi lalo na ang mga nakaluklok na opisyal na mamamahala sa pangongolekta nito. Kung nais nating umunlad ang ating bansa, hindi lamang isa o dalawa ang dapat kumilos kundi ang lahat ng Pilipino na nasa lupaing ito.

Ang Ang Pahayagang Plaridel ay naglalayong itaas ang antas ng kamalayan ng mga Lasalyano sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga usaping pangkampus at panlipunan. Naniniwala itong may konsensya at mapanuring pag-iisip ang mga Lasalyano, kinakailangan lamang na mailantad sa kanila ang katotohanan. Inaasahan ng Plaridel na makatutulong ito sa unti-unting pagpapalaya ng kaisipan ng mga mag-aaral tungo sa pagiging isang mapagmalasakit na mamamayan. Sa pamamagitan ng paggamit ng sariling wika, nananalig ang Plaridel na maikintal sa puso at isipan ng mga Lasalyano ang tunay na diwa ng pagiging Pilipino.


5

OPINYON

Bayan na parang hindi atin "Nakalulungkot isipin na mas pinapaboran ng ating gobyerno ang mga banyaga kaysa sa sariling atin. Kung tutuusin, kulang lang tayo sa pondo at hindi sa talento." Malawak ang dibersidad sa yamang lupa at yamang tubig ng Pilipinas. Tahanan ito ng mapagkukunang likas na yaman na maaaring magkalahaga ng ilang bilyon. Kaya naman, hindi palaisipan ang pagkakaroon ng interes ng ibang bansa, tulad ng Tsina, sa ating mga teritoryo. Ayon kay University of the Philippines Director for Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea Jay Batongbacal, “Benham Rise is potentially a rich source of natural gas and other resources such as heavy metals. It is about 2,000 to 5,000 meters deep, but remains largely unexplored.” Mas malawak pa umano ito sa Luzon at tiyak na parte ito ng Philippine Continental Shelf. Matapos ang debate ng Tsina at Pilipinas sa Scarborough Shoal, naging mainit namang usapin ang karapatang manaliksik sa Benham Rise ng naturang banyagang bansa. Nitong Enero 23, naging matunog ang pahayag ni Presidential Spokeperson Harry

Roque ukol sa pagbibigay-pahintulot sa Tsina na magsagawa ng pananaliksik sa rehiyon ng Philippine Sea. Aniya, ang Tsina lamang ang bansa na may kakayahan at pondong magsagawa ng pag-aaral at wala naman umanong nag-apply na mga Pilipino upang magsagawa ng pananaliksik. Lingid sa kaalaman ng nakakarami, ayon kay Batongbacal, taong 2004 pa lang nagsasagawa na ng iba’t ibang pag-aaral ang Pilipinas sa Benham Rise. Inihayag din niyang mahigit isang dekada na ang halaga ng datos na nalikom na ating mga espesyalista ukol dito. Ito rin umano ang opisyal na datos na ginagamit ng United Nations sa kanilang database. Sa katunayan, kulang ang pondong inilaan ng gobyerno para maisagawa ang mga pag-aaral ngunit naisakatuparan pa rin ito dahil sa dugo at pawis ng mga mamamayan. Pebrero 6, naglabas naman ng pahayag si Agriculture Secretary Manny Piñol na kinakansela lahat

PUVMP: ‘PARA’ nga ba sa bayan? “Dahil sa hirap ng buhay, likas na sa kapwa nating mga Pilipino ang mamuhay ng isang kahig, isang tuka.“ Hindi naman masama ang pag-unlad, siguruhin lamang nila ang ikabubuti ng nakararami. Sa hirap ng buhay na tinatamasa ng ating bansa, malawak ang sakop ng bawat maliit na pagbabago. Bata pa lamang ako, tinuruan na ako ng aking mga magulang kung paano sumakay sa iba’t ibang sasakyang pampubliko. Noon pa man, labis na akong namamangha sa nararating ng kakarampot na baryang aking ipinaaabot sa mga kapwa kong pasahero sa loob ng jeep. Bagamat hindi man ito ganon kalaki, daan-daang pamilya ang nabubuhay nito sa ating bansa. Kamakailan lamang, ipinatupad ng pamahalaan ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) sa bansa. Isa sa mga layunin ng proyektong ito ang mapalitan ang mga lumang jeep ng mga mas modernisadong E-jeep. Ilan sa mga inobasyong makikita rito ang pagkakaroon ng mga beep card tulad ng ginagamit natin sa pagsakay ng MRT at LRT, at maging ng Wifi, CCTV, aircon, at iba pa. Tinatayang mahigit kumulang 1.6 milyong piso ang magiging halaga ng bawat isa nito kapag ibinenta na sa publiko. Nang nailunsad ang naturang programa, ipinagbawal ng Land Transportation Office (LTO) ang pagbiyahe ng mga lumang jeep na tinatayang may edad na labinlimang

taon o higit pa. Ayon sa mga kinauukulan, sinisiguro lamang nila ang ikabubuti ng mga pasahero upang mas maging ligtas ang pagbiyahe nila patungo sa kanilang mga paroroonan. Bagamat maganda ang hangarin ng pamahalaan, hindi sang-ayon dito ang publiko lalo na ang mga tsuper. Dahil sa hirap ng buhay, likas na sa kapwa nating mga Pilipino ang mamuhay ng isang kahig, isang tuka. Wala mang mahanap na permanenteng trabaho, gumagawa sila ng paraan upang magkaroon ikabubuhay ang kani-kanilang pamilya at isa na rito ang pamamasada ng jeep. Dahil dito, karamihan sa mga tsuper ang nababaon sa utang para lamang maipundar ang jeep na kanilang minamaneho. Inaabot ng ilang taon upang mabayaran lamang nila ng buo ang kanilang hinuhulugan. Marami sa mga tsuper ang nag-alsa matapos ang pagpapatupad ng naturang programa. Dala nila ang hinagpis ng ilang taon nilang pagpupundar na siyang ikinabubuhay ng kani-kanilang mga pamilya. Bukod pa rito, hindi nila kakayaning mabaong muli sa pagkakautang dahil sa mataas na halaga ng mga modernisadong jeep. Sa kabilang dako naman, apektado rin ang mga pasahero. Nahihirapan sila sa pagsakay lalo na kapag may pag-

ng banyagang pananaliksik sa Benham Rise. Sa kabila nito, binigyan ng 33-day permit ng gobyerno ang Institute of Oceanology of Chinese Academy of Sciences (IO-CAS) noong Pebrero 25. Nakasaad sa permit na magkakaroon ng “joint exploration” ang IO-CAS at University of the Philippines Marine Science Institute (UP-MSI), at lahat ng datos na malilikom ng IO-CAS isusuko sa Pilipinas. Tumitindig akong patuloy lamang na lalaki ang bilang ng mga dinapakikinabangang propesyonal sa ating bansa dahil sa pagpapahintulot sa Tsina. Sa katunayan, hindi na bago sa Pilipinas ang pagluwas ng mga dalubhasa sa ibang bansa dulot ng mas malaking sweldo at mas maraming oportunidad. Sa naging pahayag ni Roque, napakalaking sampal ito hindi lamang sa mga kababayan nating dalubhasa kundi pati na rin sa tulad kong kabataan na nais maging inhinyero o mananaliksik. Bilang isang estudyanteng nangagarap na maging inhinyero, naniniwala akong teknolohiya ang magiging solusyon sa mga problema na kinaharap ng mundo at hindi ko maitatangi ang kapasidad ng Tsina sa larangang ito. Gayunpaman, pinatunayan ng aking pananatili sa Pamantasan ang kakayahan ng mga Pilipino na makipagsabayan sa iba’t ibang bansa sa larangan ng pananaliksik at teknolohiya sa kabila ng kakarampot na pondong binibigay ng ating gobyerno. Nakalulungkot isipin na mas pinapaboran ng ating gobyerno ang mga banyaga kaysa sa sariling atin. Kung tutuusin, kulang lang tayo sa pondo at hindi sa talento.

aalsang nagaganap. Bilang isa sa mga pasahero, ilang beses ko nang naranasang mahuli sa klase sapagkat walang jeep na namamasada dahil sa takot na mahuli ng LTO. Nananatili na lamang kaming naghihintay sa pagkahaba-haba ng pila sa ilalim ng init ng araw habang lahat ng jeep ay nakaparada lamang. Matapos ang ilang oras, bigla na lamang may sisigaw ng “wala nang LTO! Larga na!” at doon pa lamang kami makasasakay. Naniniwala akong mabuti ang hangarin ng ating gobyerno at nais lamang nilang mapaunlad ang uri ng transportasyon sa ating bansa ngunit sa aking palagay, masyado nila itong minamadali. Hindi pa man handa ang mga ipapalit sa mga lumang jeep, nagsisimula na nilang ipagbawal ang mga ito. Mawawala na rin ang imahe ng natatangi nating mga jeep sapagkat magiging kamukha na ito ng mga nasa ibang bansa. Dagdag pa rito, maaagrabyado din ang ating mga tsuper sapagkat maliit lamang ang subsidy na ibibigay ng gobyerno sa bawat isa sa kanila. Hindi maiiwasang mabaon silang muli sa utang at makaramdam ng labis na panghihinayang sa ilang taon nilang pagpupundar. Sa panig naman ng mga pasahero, siguradong magmamahal na naman ang pamasahe kapag napalitan na ang mga lumang jeep. Sa aking tingin, mas maganda kung tinulungan na lamang nilang ipagawa ang mga lumang jeep para mas masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan. Mas nararapat ding ilaan na lamang ang iba pang bahagi ng pondo sa pagpapagawa iba pang pampublikong transportasyon. Isa na lamang halimbawa nito ang MRT at LRT sapagkat marami na rin itong sira at karamihan din sa mga mamamayan ang sumasakay dito. Hindi naman masama ang pag-unlad, siguruhin lamang nila ang ikabubuti ng nakararami. Sa hirap ng buhay na tinatamasa ng ating bansa, malawak ang sako

Kulturang patayan ang landas kung ipapasakamay ang hustisya sa dahas "Bago pa man mahuli ang lahat, marapat na ipagsanggalang ng taumbayan ang pagprotekta sa kapakanan ng bawat kababayan." Karahasan na yata ang natatanging solusyon na maihahandog ng pamahalaan sa tuwing may kinahaharap itong problema. Magmula nang manungkulan si Rodrigo Duterte bilang pangulo, kinilala ang Pilipinas sa mundo dahil sa malawakang paglabag niya sa karapatang pantao ng m g a P i l i p i n o. P i n a n i n i w a l a a n na sa bisa ng pagiging mapusok ng administrasyon, masusugpo umano ang nakasisindak na bilang ng krimen sa bansa. Sa kabila nito, dapat mabatid ng sambayanan ang patuloy na pagtindi ng paglabag sa karapatang pantao ng adminisrasyong Duterte at ang pinsala nito: mula sa giyera kontra droga hanggang sa pananakot sa mga komunidad ng mga magsasaka at katutubong tinuturo ng militar na nakiisa sa New People’s Army (NPA). Nitong Pebrero 4, nasawi ang dalawang Lumad na kaanib ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) o mga sibilyang kaagapay ng militar sakaling may g a g a w i n g p a g - a t a k e a n g N PA . Nasawi sina Banadjao Mampaundag at Jhonard sa engkwentro nila sa mga myembro ng NPA matapos nilang dumalo sa Indigenous Peoples' Summit sa Davao City. Batid ni NPA Southern Mindanao Regional Command spokesperson Rigoberto Sanchez, pinatay nila si Mampaundag dahil nilapastangan niya ang ninunong lupa ng ibang katribo. “He was responsible for crimes against the people such as land grabbing, theft and extortion, grave abuse, and a host of other human rights atrocities,” paliwanag ni Sanchez. Tinugunan naman ito ng pangulo sa pamamagitan ng pag-alok sa mga Lumad na makibahagi sa CAFGU. Wika ni Duterte, tinatayang aabot sa ilang bilyong piso at mahigit apat na taon kung magsasagawa ang kasalukuyang administrasyon ng kampanya laban sa mga komunista. “So I made a counter-offer. If you’re a CAFGU [..], you kill one NPA and I will pay you P25,000. I calculated it, I would be saving money.” Dagdag pa niya, “Why should I be afraid of them? I have a Navy, I have an Air Force, I have soldiers, I have CAFGU, I have an Army.” Na k a k a l u n g k o t i s i p i n n a matapos ang mga kasong pagpatay sa mga Lumad at pagbomba ng kanilang mga eskwelahan, hahalinahin sila ng administrasyon na maging mamamatay tao. “Many of the Lumad leaders, who were previously offered large sums of money to allow private corporations into their ancestral lands, were killed by CAFGUs or paramilitary groups after they refused the offer,”

pagbabahagi ni Jerome Succor Aba, Co-Chairperson ng Movement of Moro and Indigenous Peoples for Self-Determination. Tinutulan din ng pahayag ng Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development ang alok ni Duterte. "To even ask us to kill, as if killing is the way to peace in our communities, shows ignorance of our plight and our struggle. We ' v e n e v e r a s k e d y o u t o k i l l anyone; all we've ever asked for is justice,” paliwanag nila. Para sa akin, hindi akmang lagyan ng presyo ang buhay ng isang indibidwal sapagkat hindi ito matutumbasan ng kahit anong halaga ng salapi. “Maaring naghihirap ang mga Lumad, pero hindi nila kultura ang maging bayaran, lalo’t hindi ang pumatay,” tindig ni Aba. Kailanman, hindi makatuwiran na panghawakan ng isang tao ang buhay ng kapwa. Hindi pribilehiyo ang kapangyarihan sa estado upang idespatsa ang karapatan ng ibang mamuhay n a n g m a y d i g n i d a d a t r e s p e t o. Pamahalaan ang dapat manguna sa pagiging mapagmalasakit sa mga nasasakupan o mga m a m a m a y a n n i t o. Nakalulumbay isipin na sinusukuan ng ating administrasyon ang kakayahan ng bawat Pilipino na nagkamali upang magbago. Mahalaga ang papel ng gobyer n o sa pagiging ehemplo sa mga mamamayan. Tulad na l a m a n g s a Ja p a n , i t i n a t a g u y o d ng kanilang pamahalaan ang kahalagahan ng pakikipagkapwa a t p a g m a m a l a s a k i t s a i s a’ t i s a kung kaya naging mapayapa ang kanilang bansa. Kaya naman sa Pilipinas, bunga ng marahas na katangian ng administrasyong Duterte, masasalamin na rin sa mga myembro ng lipunan ang kaugaliang ito. Mapapansin na dahil sa kalupitan ng pamahalaan sa mga nagtutulak ng droga, hindi na nagiging bukas ang ilang mamamayan sa rehabilitasyon o p a g b a b a g o. P i n a n i n i w a l a a n na ng ilan na mas mainam o kinakailangan nang kitilin ang kanilang mga buhay upang umunlad ang bansa. Tumitindig akong walang maidudulot na mabuti ang paggamit ng dahas ng administrasyon. Bagkus, ipinapalaganap o ikinikintal lamang nito sa sambayanan ang pagsasawalangbahala ng kahalagahan ng buhay. Bago pa man mahuli ang lahat, marapat na ipagsanggalang ng taumbayan ang pagprotekta sa kapakanan ng bawat kababayan.


6

PATNUGOT NG BAYAN: Samirah Janine Tamayo LAYOUT ARTIST: Angelo Edora

BAYAN

ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

MARSO 2018

Dibuho ni Syyidah Shah

Reporma sa ilalim ng federalismo, huwad na pagbabago LUIS BIENVENIDO FORONDA AT CLAREMONT MERCADO

Kasalukuyang umaani ng batikos ang isyu ng Charter Change (ChaCha) at mga usaping bicameral ukol sa federalismo. Noong Enero, ipinakilala ni Senador Panfilo Lacson ang Senate Resolution No. 180 na nagpapatawag sa Senado na bumuo ng Constituent Assembly na magmumungkahi sa mga rebisyon ng Konstitusyon. Ipinasa na rin sa Kamara ang House Concurrent Resolution No. 9 na nananawagan na italaga ang Kongreso bilang isang Constituent Assembly upang magbalangkas ng bagong Konstitusyon. Wika ni House Speaker Pantaleon Alvarez, magiging pokus ang paglilipat ng gobyerno mula unitary tungo sa federal na pamamalakad. Hindi na bago ang pagmungkahi sa Cha-Cha magmula pa nang matapos ang administrasyong Commonwealth at maging nang italaga ang 1987 Constitution. Sa katunayan, nagsimula muli ang mga deliberasyon hinggil dito noong 2004, sa ilalim ni dating Pangulong Gloria Arroyo. Nakita umano ni Arroyo na maaaring daan tungo sa

pag-unlad ang federal-parliamentary na pamamahala. Sa pamamagitan ng Cha-Cha, maaaring magtalaga ng mga rebisyon sa Konstitusyon na itinatag noong 1987 at sa istraktura ng pagpapatakbo ng gobyerno. Sinasabi ng Kamara na solusyon ang Cha-Cha sa mga kasalukuyang suliranin ng lipunan. Gayunpaman, masusuri na hindi binibigyangsolusyon ng Cha-Cha ang ugat ng mga problema sa kasalukuyang sambayanan. Hindi rin makaPilipino ang ipinapanukalang Konstitusyon, at hindi rin ito maka-demokrasya. Hindi pagtugon sa ugat ng suliranin Kinikilala ang Pilipinas bilang agrikultural na bansa. Gayunpaman, maliit pa rin ang kontribusyon ng agrikulturang sektor kompara sa ibang sektor sa bansa. Batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority, “Recent labor force data shows total job losses of 134,000 and 148,000 more unemployed in October 2017 compared to the same period i​ n the previous year. This was primarily due to job losses of 1.4 million in the agriculture sector.” Kaugnay nito, bumaba mula 11.5% patungong

9.5% ang gross domestic product (GDP) share ng sektor ng agrikultura samantalang wala masyadong pagbabago sa manufacturing sector. Kasalukuyang ginagamit ng Kongreso ang problema sa sektor ng agrikultura bilang mukha sa pagtatalaga ng Cha-Cha sa bansa. Sa kabila nito, imbis na paunlarin ang industriya ng pagsasaka, binubuksan ng Cha-Cha ang usapin tungkol sa foreign ownership. Maaari nang mapunta ang kalakhan ng pagmamayari sa lupa sa mga banyaga. Bagamat maaari itong makabuti sa ekonomiya sa madaling panahon, hindi nito lubusang mabibigyang-solusyon ang problema sa agrikultura na nag-uugat sa kawalan ng lupa ng mga magsasaka. Saad ng IBON Foundation Inc., mas makikinabang ang mga dayuhang investor sa maluwag na polisiyang pang-ekonomiya ng Pilipinas. Ayon sa pag-aaral ng World Bank, makabubuti lamang ang foreign direct investments kung mayroong mga polisiyang magtitiyak na makikinabang ang bansa sa mga ito. Mahalaga ang mga polisiyang humihigpit sa pagpasok ng foreign investors sapagkat titiyakin nitong

Hindi binibigyang-solusyon ng Cha-Cha ang ugat ng mga problema sa kasalukuyang suliranin ng sambayanan. Hindi rin maka-Pilipino ang ipinapanukalang Konstitusyon, at hindi rin ito mademokrasya.

malilinang ng bansa ang sariling kakayahang tumayo sa pamamagitan ng pagpapaunlad sa mga lokal na sektor. Subalit sa ilalim ng Cha-Cha, sa halip na parehong makikinabang ang bansa at ang foreign investors, mas makikinabang ang mga banyaga. Ayon sa IBON, “[Cha Cha] give[s] greater rights to foreign capital to profit from Filipino labor and natural resources.” Sa pagtatanggal ng r estr iksyon ng gobyer n o sa mga pang-ekonomiyang polisiya, maaaring bumagsak ang mga lokal na industriya gayong mas lalakas ang kakompetensya. Hindi maka-Pilipino Mas binibigyang-pansin ng ChaCha ang panandaliang takbo ng ekonomiya kaysa sa kapakanan ng mga Pilipino. Bunsod nito, maaaring panandalian lamang ang pagbuti ng takbo ng ekonomiya. Pahayag nga ni National Anti-Poverty Commission (NAPC) Secretary Liza Masa sa press release mula sa Office of the President of the Philippines, “the economy should serve the people not the other way around.” Gayong mas pagtutuonan ng pansin ng Cha-Cha ang ekonomiya imbis na masa, mabibigyan ang bagong gobyerno ng mas malaking kapangyarihan na magtalaga ng mga polisiyang laban sa mga manggagawa, magsasaka, at mahihirap. Mula sa oryentasyong makamanggagawa, mas bibigyang-diin ng mga regulasyon ang “economic expansion towards employment and growth”. Kaugnay nito, mababago o di kaya tatanggalin ang ilang probisyong tumutukoy sa karapatan

ng mga mangagawa. Sa pamamagitan ng maliliit na pagbabago sa wikang nakasaad sa Konstitusyon, lalaki ang posibilidad na mapagsamantalahan ang mga manggagawa. Ipinapanukala rin na tanggalin ang mga palugit o pagiging makatao sa proseso ng relokasyon ng urban poor sa mga lupang hindi nila pinag-aarian. Kaugnay nito, maaaring lumala ang karahasan sa pagpapalayas sakanila. Ipinapanukala rin na bawasan ang responsibilidad ng gobyerno na magpatayo ng mga pabahay para sa mga nasalanta ng kalamidad at urban poor upang matugunan umano ang pagkakulang ang kanilang pondo at materyales para tugunan ito. Isinusulong din ng Cha-Cha ang pribatisasyon ng health care. Maaari itong isagawa sa pamamagitan ng paglilipat ng pagmamay-ari ng mga pampublikong ospital sa mga pr ibadon g institusyon. Sa pamamagitan nito, mas lalaki ang bayaran sa mga ospital at mas magiging mahirap para sa masa ang mapangalagaan ang kanilang kalusugan gayong limitado na ang pampublikong health care. Bukod dito, inihain na tanggalin ang ilang probisyon sa Konstitusyon na tumutukoy sa Agrarian Reform at Comprehensive R u r a l D e v e l o p m e n t . Na i s d i n g baguhin ang mga probisyon na dapat protektahan ang mga pambansang minorya sa pandarahas ng militar at paramilitar na kalimitang naiuugnay sa mga korporasyon ng mining at mga CHA-CHA >> p.8


7

BAYAN

PARA SA LARGARDONG PAGSISIWALAT:

Supresyon sa kalayaang mamahayag, siniyasat SAMIRAH JANINE TAMAYO

M

ay dalang kapangyarihan ang pamamahayag. Nagsisilbi itong tulay na naghahatidimpormasyon at nagsisilbing tulay ng komunikasyon sa mga pinaglayo ng lupa at tubig. Ipinababatid nito ang mga lumipas, nangyayari, o maaaring mangyari sa isang mambabasa. Bunsod nito, mahalaga sa manunulat na maging responsable sa kanyang pagsusulat dahil may dala itong mensahe na maaring pumukaw sa kaisipan ng isang indibidwal. Sa katunayan, unang tinanggal ang karapatang maglathala ng balita nang

sumailalim ang Pilipinas sa Martial Law. Nang tanggalin ang karapatang magpahayag, naging mangmang ang mga Pilipino sa mga kababalaghang nangyayari sa bansa noong panahong iyon. Dala ng paghadlang sa malayang midya, naging watak-watak ang bansa at nakontrol ng nakaupong diktador ang sambayanan. Ngayong umusbong ang teknolohiya, maituturing na pribilehiyo ang kakayahan ng karamihang Pilipino na ihayag ang kanilang mga pananaw sa isang mas malawak na plataporma. Gayunpaman, dala ng kalayaang ito, dumarami ang bilang ng mga balitang may inklinasyon, kababawan, at

idiyotismo na nagdudulot sa paglathala ng maling balita. Pamamahayag sa makabagong panahon Hindi makakaila na umusbong ang paraan ng pakikipag-ugnayan ng sambayanan nang naging mas abot-kaya ang paggamit ng internet. Dumami na ang naghahayag at nagbabasa ng balita sa pamamagitan ng mga social media platform. Naging lunsaran ang cyberspace ng iba’t ibang impormasyon na bumabalot sa lipunan. Malaking bilang ng mga gumamit ng cyberspace ang nagsusulat lamang dahil sa simbuyo ng damdamin.

PRESS FREEDOM. Isinasanggalang ng mga mamahayag ang karapatan nilang magsiwalat ng mga balita para sa kapakanan ng sambayanan. Dumadaan umano sa matinding pagsisiyasat ang mga artikulo na isinusulat upang pangalagaan at iwasan ang pagpapakalat ng fake news. | Kuha ni Juan Paulo Carlos

Pagdating naman sa telebisyon, may ilang nagpapahayag ng kulang na impormasyong nagreresulta sa miskomunikasyon at pagkalito ng mga manonood. Ilan lamang ang mga ito sa maraming halimbawa ng pamamahayag na walang pananagutan. Sa kabila nito, hindi maikukubling mayroon ding pagkukulang sa panig ng ilang mambabasa at manonood sapagkat hindi sapat ang kanilang pagsusuri sa impormasyong nakakalap sa mga balita. Umani ng samo’t saring reaksyon ang naging pagsuspinde ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa lisensya ng Rappler na magsiwalat ng mga balita. Ayon sa pahayag ng SEC, nilabag ng Rappler ang pamantayan ng Konstitusyon na 60% ang dapat pagmamay-ari ng lokal o mamamayang Pilipino sa mga media outfit. Nanggagaling umano ang kalakhan ng pondo ng Rappler sa Omidyar Network, isang pondo ni eBay Founder Pierre Omidyar. Paliwanag naman ni Rappler CEO Maria Ressa, wala silang nilabag na probisyon ng SEC simula pa nang mabigyan ng incorporation license ang Rappler noong 2012. “We have dutifully complied with all SEC regulations and submitted [..]. The [SEC] focused [only] on one […] clause of our contracts which we submitted to– and was accepted by– the SEC in 2015.” Nakagigimbal umano na isinagawa lamang ang imbestigasyon sa loob ng limang buwan. Higit pa rito, nangyari umano ang naging pagbuwag ng lisensya ng Rappler matapos ang banta ni pangulong Duterte sa Rappler

sa kanyang ikalawang State of the Nation Address. Wika nga ng National Union of Journalists of the Philippines, "The SEC has apparently decided to reject Rappler's contention that its foreign investors merely placed money in the outfit but do not own it, which it issued after President Rodrigo Duterte, in his state of the nation address last year, threatened to have its ownership investigated.” Hindi naman nagkakaiba ang tindig ng United Nations (UN) sa isyung ito. Ayon kina UN Special Rapporteur on Extrajudicial Agnes Callamard, UN Special Rapporteur on the Right to Freedom of Opinion and Expression David Kaye, at Special Rapporteur on Human Rights Michel Forst, nangangamba sila sa maaaring maging kahihitnatnan ng kalayaan ng mga Pilipino. “We are especially concerned that this move against Rappler comes at a time of rising rhetoric against independent voices in the country,” pahayag ng UN. Sa kabilang dako, ayon naman kay Presidential Sokesperson Harry Roque, “That’s a decision of the SEC [which] is manned by Aquino appointees. [It’s] a money-making scheme [which] SEC said violated the [Constitution].” Paliwanag ni Roque, nararapat lamang ang naging pagtanggal sa lisensya ng Rappler sapagkat hindi sila sumunod sa batas. Hindi umano maaaring ikatwiran na nilalabag ng gobyerno ang kalayaan ng midya na magpahayag. PRESS FREEDOM >> p.9

PATULOY NA PAGPALYA:

Kalagayan ng MRT, katanggap-tanggap pa ba? RAPHAEL ANTONIO AMPARO, NICOLLE BIEN MADRID, JEANNE VERONICA TAN

L

umulubha ang lagay ng Manila Metro Rail Transit System (MRT) sapagkat hindi na ito naaalagaan at napapanatili sa maayos na kalagayan. Simula pa noong nakaraang taon, marami nang nagrereklamo sa kalagayan ng MRT dahil sa sunod-sunod na pagpalya nito. Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang mga engine breakdown ng MRT ngunit hindi pa rin ito binibigyang-pansin ng administrasyong Duterte. Dahil sa mga kabiguan, malaki ang pasanin sa takbo ng pamumuhay ng mga commuter na araw-araw gumagamit nito. Maraming pagkakataon na ang ibinigay sa gobyerno upang malutas ang mga problemang umaapekto sa MRT ngunit wala pa rin silang naibibigay na permanenteng solusyon upang maisaayos ito. Nakalulungkot isipin na palpak na serbisyo lang ang kayang ibigay ng pamahalaan sa naghihirap na pasahero. Bunsod nito, palaisipan para sa mga Pilipino kung katanggap-tanggap pa ba ang bulok na sistema ng tren na kada araw may pagpalya? Balangkas ng pagpalya Hindi naging biglaan ang paglala ng operasyon ng MRT. Araw-araw ito nagkakaroon ng pagkasira sa motor o pagkawala ng kuryente, ayon sa mga ulat. Marahil, mababatid mula rito ang epekto ng mga naging aksyon ng nakaraang administrasyon. Matatandaangnoong2013,nagkaroonng isyu ang pamunuan ng MRT tungkol sa mga panunuhol umano sa maintenance contract

ng tren na naging sanhi ng pagkatanggal sa pwesto ni Al Vitangcol, General Manager ng MRT, noong 2014. Simula nito, patuloy nang bumaba ang kalidad ng serbisyo ng MRT sa mga pasahero. Sinisisi naman ni Vitangcol si dating DOTC Secretary Mar Roxas at Joseph Abaya sa pagsama ng kalidad ng serbisyo ng MRT3. Ayon sa panayam ng Rappler kay Vitangcol, patuloy ang pakikipagugnayan niya sa DOTC ukol sa pagtapos ng kontrata ng maintenance provider at sa mga maaaring susunod na hakbang ng ahensya. Dagdag pa ni Vitangcol, pangmatagalang maintenance provider ang nais niya para sa MRT 3, ngunit panandaliang kontrata lamang ang nais ng DOTC. Sa datos na nakalap ng Rappler, 441 na aberya ang naitala sa MRT 3 noong 2016. Lumalabas na araw-araw nagkakaroon ng problema sa operasyon ng tren. Nadagdagan pa ang bilang ng aberya sa taong 2017 kung saan 516 breakdowns ang naitala o halos 10 aberya kada linggo. Sa kasalukuyang taon, patuloy pa rin ang pagpalya ng MRT at halos araw-araw pa rin ito nangyayari. Habang patuloy ang bangayan ng magkabilang kampo ng nakaraang administrasyon ukol sa mga palyadong tren, patuloy rin ang pagbaba ng kalidad nito hanggang sa naupo na si Pangulo Duterte noong 2016. Sa kasamaang palad, tanging paninisi ng kasalukuyang administrasyon at puro pansamantalang solusyon lamang ang naibibigay ng mga ahensya. Pagsisikap ng administrasyon Mahalagang maging agresibo ang pamahalaan sa pagsasaayos ng MRT upang maibalik sa normal na operasyon ang linya. Sa katunayan, ipinatupad ng Department of

Transportation (DoTr), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Land Transportation Office (LTO), at Metro Manila Development Authority (MMDA) ang programang “Alalay sa MRT”. Ginawa ito ng pamahalaan upang maging isa sa pansamantalang lunas sa madalas na pagpalya ng MRT. Nagtala rin ang DOTr ng mga Point to Point bus na maghahatid ng mga pasahero sa kahabaan ng linya ng MRT. Buhat nito, magkaroon ng alternatibong paraan ang mga pasahero sakaling maaaberya muli ang MRT. Maganda man ang naging epekto ng programa ngunit hindi dapat umasa ang

pamahalaan sa programang ito sapagkat hindi nito matutugunan ang problema sa transportasyon sa hinaharap. Kasalukuyan pang hinihintay ng pamahalaan ang mga darating na bagong parte ng MRT3 na manggagaling mula sa Bombardier Transportation sa Canada. “Sa Pebrero, inaasahang darating na ang unang batch ng mga binili nating spare parts. Napakabilis nito kung ihahambing sa regular na proseso ng pagbili ng spare parts na inaabot ng hanggang anim na buwan,” pahayag ng DOTr-MRT3. Nakipag-usapan din umano ang pamahalaan sa Japan, Sumitomo, at

Mitshubishi Heavy Industries upang mas mapaganda ang serbisyo ng MRT. Matatandaang ang Sumitomo at Mitshubishi Heavy Industries ang nagpatayo at nagpanatili sa MRT hanggang 2012. Ayon sa DOTR, “The joint venture of Sumitomo Corp. and Mitsubishi Heavy Industries is being closely considered due to their background and experience with the MRT-3.” Sa panayam ng Manila Bulletin kay Sen. Sherwin Gatchalian, inihayag niya ang kagustuhan niya sa kumpletong privatization ng MRT3. Ayon kay Gatchalian, MRT >> p.14

Dibuho ni Elena Salazar


8

PAGPUKSA SA DISKRIMINASYON:

ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

MARSO 2018

Mental Health Act, daan sa kamalayan at kaunlaran ng lipunan CHRISELLE LEANNE GONZAGA, ROSELLE DUMADA-UG, AT AARON LESTER TEE

H

indi kaduda-duda na walang kumontra sa Senado at Kongreso sa pag-apruba ng Mental Health Act of 2017 sapagkat wala pang batas na nagbibigayproteksyon sa kalagayang pag-iisip ng mga mamamayan. Kalimitan umanong nahuhusgahan ang mga taong may problema sa kanilang mental health dahilan upang kimkimin na lamang nila ang kanilang pinagdadaanan. Kasalukuyang iwinawasiwas ng mga sikolohista sa bansa ang pangagailangan sa pagpapanitili ng kalusugang pangkaisipan. Sa kabutihang palad, inaprubahan ng Senate of the Philippines ang “Mental Health Act of 2017” o Senate Bill 1354. Isa itong bagong panukala sa pangunguna ni Senador Risa Hontiveros na naglalayong palawakin ang adbokasiya ng mental health, lalo na para sa mga mamamayang nakadarama ng mental issues. Matatandaang Mayo noong nakaraang taon, 19 sa mga senador ang sumang-ayon sa pag-apruba ng Mental Health Act at walang kumontra rito. Hindi rin nag-atubiling pumayag sa pagpasa ng nasabing panukalang batas ang lahat ng dumalo sa pagpupulong ng House of Representatives noong Nobyembre 2017. Ipinanukala ang naturang panukalang batas upang palawakin ang mga serbisyo ng mental health sa sistema ng pampublikong kalusugan at gawing abot-kaya ito sa bawat antas ng komunidad. Nilalayon ng Senate Bill 1354 na magpapatupad ng isang panukalang pagtutuonan ng pansin ang paksang mental health at tutugon sa mga mamamayang gumagamit ng serbisyong kaugnay nito. Bukod dito, nakasaad sa panukalang batas ang pagpapatupad ng mga serbisyong psychiatric, psychosocial, at neurologic na makukuha sa mga ospital sa bansa. MH Act para sa sambayanan Bago maisakatuparan, dumaan sa maraming bersyon at pagbabalangkas ang Senate Bill 1354. Sa kasalukuyan, marami na ang sumang-ayon sa nilalaman ng pinakabagong bersyon ng bill. Isa sa mga bersyong ito ang House Bill 6452 na pinamagatang, “Comprehensive Mental Health Act” na nakapaloob ang mga layunin mula sa mga naunang house bill para sa mental health advocacy. Mula sa mga nakaraang house bill, binago ang nakatakdang layunin at ginawang

sakop ang mga karaniwang problema sa mental health tulad ng “psychiatric, neurological, at psychosocial”. Sa panayam ng Ang Pahayagang Plaridel kay Dr. Ed Tolentino, dating presidente ng Philippine Psychiatric Association (PPA), iminungkahi niyang lalawak ang pagtugon sa mga may problema sa kaisipan sa oras na maipatupad ang nasabing panukala. Ani Tolentino, “[The Mental Health Bill] will provide more services and programs all over the country from the regions all the way to the barangay level. [...] it will involve other government agencies in the promotion and protection of the mental.” Wika naman ni Dr. Maribel Dominguez, health psychologist mula DLSU, “May awareness naman ang sambyaanan sa kahalagahan ng mental health pero malaking hadlang [sa] awareness na ito [ang] STIGMA na naka-attach sa mental illness.” Tunay na maraming Pilipino ang nakararanas ng diskriminasyon sa kanilang kalagayang mental. Bunsod nito, nakapaloob sa Senate Bill 1354 ang iba’t ibang karapatan ng mga mamamayan kaugnay ng mental health. Dagdag pa ni Dominguez, “May diskriminasyon sa pagtatrabaho sa mental health tulad ng (1) assigning work based on “issues” of mental health and (2) cutting back on work hours assigned.” Bukod pa sa suliraning diskriminasyon sa trabaho, makikita sa mga balita sa bansa ang maraming kasong may kinalaman sa isyung mental. Ulat ng World Health Organization, 5.8% ang suicide rate ng Pilipinas para sa mga kalalakihan, 1.9% para naman sa mga kababaihan, at 3.8% sa kabuuan. Ayon naman sa artikulo ni Chrisha Ane Magtubo ng MIMS Today, sinasabing isa sa limang tao sa Pilipinas ang dumaranas ng problema sa kaisipan. Sa isang bansang aabot sa 100 milyon ang populasyon, kasalukuyang mayroon lamang pitong daang psychiatrist at isang libong psychiatric nurse na kulang na kulang talaga upang matugunan ang pangangailangan ng mga may mental illness.

problems you know like stress, [...] even yung mga nagkakaroon ng substance abuse problems like alcohol even smoking or even the harder drugs.” Dagdag naman ni Tarroja, “With the mental health law, siguro mas magiging accessible ang serbisyo.” Sa tingin ni Tarroja, makatutulong sa mahihirap ang pagpasa ng Mental Health Act sa pamamagitan ng mura at abotkayang serbisyo. Nakapaloob sa Mental Health Act na makasasama ang mga mga mamamayang may mental health issues sa Persons with Disabilities (PWD) privileges. Makatatanggap na sila ng mga benepisyong nakukuha ng mga PWD para mas mabigyan sila ng tulong. Isa pa sa mga benepisyong tinalakay sa panukalang batas ang pagdadagdag ng isyung mental sa mga sakit na sakop ng health insurance. Sa kasalukuyan, mga psychotic disorder lamang tulad ng schizophrenia ang kasama sa insurance. “Coordinate with the Philippine Health Insurance Corporation to ensure that insurance packages equivalent to those covering physical disorders of comparable impact to the patient,” batay sa Senate Bill 1354, Article VII, Section 22. Mahahanap sa panukalang batas na ito na kinakailangan ng lahat ng institusyon na magkaroon ng mga programang nakatuon sa mental health. Nakasaad na kailangang makasama ang mga paksang psychiatry at neurology sa mga kursong pangmedisina at

pangkalusugan. Dapat din umanong maisama ang pagtuturo ng mental health sa kurikulum ng lahat na antas ng paaralan simula elementarya hanggang kolehiyo, mapa-pribado o pampubliko mang paaralan sa Pilipinas. Mahahagilap din sa Senate Bill 1354 ang tulong psychosocial sa mga pamilya ng pasyenteng nakararanas ng isyung mental. Maaari umano silang makinabang sa treatment plan ng mga kadalasang gumagamit ng serbisyong pangmental. Kontra diskriminasyon, malayang lipunan Hindi makakaila na marami ang nangangailangan ng mental at emosyonal na tulong sa ating bansa. Marami ang umaasa at naniniwalang ang panukalang batas na ito ang tutulong sa pagresolba ng pagkabahala sa suliraning kanilang iniinda. “Sa tingin ko, kung magiging ganap na batas na ito, maraming benepisyo ang makukuha, [...] ibig sabihin nito, pinapahalagahan ng ating lipunan at ng gobyerno yung mental health na aspeto,” ika ni Dr. Caridad Tarroja, dating pangulo ng Psychological Association of the Philippines (PAP). Para naman kay Dominguez, “[...] pinakamalaking benepisyo ay ang pagbabawas sa diskriminasyon sa mga indibidwal na may mental illness.” Naniniwala siyang makatuwirang magkaroon ng pagliban sa trabaho dahil sa mental health issues. Batid niyang mahalaga ang pagkalahatang

Paglalaan ng karampatang benepisyo Pinaniniwalaan ni Tolentino na sa pamamagitan ng Mental Health Act, matutugunan ang mga isyung mental ng mga manggagawa na maaaring makasagabal sa kanilang pagtatrabaho. Ani Tolentino, “Mabibigyan ng programs sa workplaces ang mga taong nagkakaroon ng temporary

kalusugan o holistic health ng isang indibidwal at hindi lang umano physical health ang dapat tugunan. Malawakan ang pakinabang ng Mental Health Act sapagkat matitiyak ng gobyerno na kikilalanin ng sambayanan ang pangangalaga sa mental health. Sa pamamagitan nito, hindi na matatakot ang mga mamamayang may isyung mental na magpatingin sa mga propesyonal. Upang magkaroon ng kamalayan ang mga Pilipino ukol sa mental health, naniniwala si Dominguez na kinakailangang maalis ang stigma na nakasampin sa pagkakaunawa ng mental illness. Makikita ang epekto ng stigma sa aspeto ng pagtatrabaho at edukasyon. Inaasahan ng PAP at PPA na sa pagpasa ng Mental Health Act of 2017, mabibigyang-tulong ang mga Pilipino na nagdudusa mula sa isyung mental, lalo na ang kabataan. Ayon sa ulat ng WHO 2017, suicide ang pumapangalawang sanhi ng pagkamatay sa kabuuan sa mga taong gulang 15 hanggang 29. Higit na makikinabang ang kabataan dito sapagkat malulunasan agad ang kanilang karamdaman sa pag-iisip habang maaga pa. Isinusulong ng administrasyong Duterte ang daan patungo sa pagbabago at pag-unlad sa lipunan. Sa bisa ng MH Act, magsisilbi itong daan sa pagbukas ng kamalayan ng sambayanan at kaunlaran sa pagiging makatao ng lipunan.

Dibuho ni Elena Salazar

CHA-CHA | Mula sa p.6 plantasyon sa mga ninunong lupa ng pambansang minorya. Hindi-makademokrasya Imbis na bigyang-solusyon ng ChaCha ang mga suliraning panlipunan, maaari pang mapalala ng Cha-Cha ang mga ito. Maaari nitong ibigay sa pangulo ang kapangyarihan na magtalaga ng mga pinuno ng kamara at mga mahistrado ng Federal Supreme Court. Kaugnay nito, daan ang Cha-Cha patungo sa malawakang pagkakamal ng mga pulitiko ng kapangyarihan. Ayon sa Anti-Charter Change Coalition, “Maaaring pamamaraan ang

Cha-Cha upang magbigay magbibigay ng mala-Marcos na kapangyarihan sa rehimeng Duterte. Iilan dito ang pagpapahaba ng termino at pagbibigay-oportunidad sa mga nakaupong opisyal na tumakbo muli.” Sa pamamagitan ng federalismo, mas mabibigyang-kapangyarihan ang local government. Bagamat makatutulong umano ito sa mas mabisang paggamit ng pondo ng bayan para sa pag-unlad ng bawat rehiyon, mapapansin na hindi maayos ang kasalukuyang pagpapalakad ng mga namumuno sa lokal na pamahalaan gayong laganap pa rin ang korupsyon at political dynasties.

Batay sa pag-aaral ng Asia Times, 75% ng mga mambabatas ang nabibilang sa political dynasties. Mapapansin na sa bawat rehiyon o lalawigan, nakakasa ang kalakhan ng mga pwesto sa gobyerno sa iilang pamilya lamang. Ilang halimbawa na rito ang pamilyang Aquino sa Tarlac, pamilyang Ampatuan sa Maguindanao, at pamilyang Marcos sa Ilocos Norte. Sa ilaim ng federalismo, lalala ang suliranin kaugnay ng mga political dynasty sapagkat lalawak ang saklaw na kapangyarihan ng mga lokal na mamumuno. Kaugnay ng paglakas ng mga political dynasty,

maaaring lalong matipon ang pamunuan ng rehiyon sa iilang angkan na nakaupo sa gobyerno. Bukod sa paglabag nito sa konsepto ng demokrasya, hindi ito nakabubuti sa sambayanan. Sa pag-aaral ng Asian Institute of Management Policy Center, sinasabing mas mababa ang pag-unlad at mas mataas ang pananamantala sa mga komunidad na pinamumunuan ng mga miyembro ng mga political dynasty. Pasya ng hurado? Marami pang pagkukulang ang kasalukuyang istraktura ng g o b y e r n o. M a i t u t u r o n g s a n h i

ng mga suliranin sa bansa ang mapanamantalang sistemang pangekonomiya, pampulitika, at pangkultura ng pamahalaan. Mahalaga ang wastong pagbabago hindi lamang para sa pamahalaan ngunit pati sa sambayanan. Hindi masosolusyonan ng Cha-Cha ang mga problema tulad ng kawalan ng lupa ng mga magsasaka, maliit na sahod ng mga manggagawa, at paglabag sa karapatan ng mga pambansang minorya. Buhat nito, hindi lamang pagbabago ang dapat asamin ng mga Pilipino kundi ang pagtukoy rin sa mga sanhi ng mga kasalukuyang problema.


9

WATER|FILTER SDFO Mula sa | Mula p.2 sa p.1 student handbook.” Gumagawa ng initial investigation report ang SDFO mula sa nakolektang panig ng complainant at respondent, ani Millanes. Pagkatapos nito, iaakyat na ito sa University of Legal Counsel para mapagpasiyahan kung magiging offense ang isinampang reklamo. Sa pagkakataong napagdesisyunang offense ang reklamo, maituturing na itong kaso na idadaan sa Panel for Case Conference. Para lalong maipaunawa ang proseso, ibinahagi at ipinaliwanag ni Millanes ang dalawang klase ng panel na ipinapatupad ng SDFO. “All cases with full admission, lahat yun mapupunta sa UPCC. So ibig sabihan, you are no longer establishing

whether the student is guilty or not kasi may admission na. Now you’re trying to establish what can be the formative intervention”. Ibinahagi niya rin ang pangalawang panel na tinatawag na Student Di s c i p l i n a r y Fo rmatio n Bo ard. “Napupunta [dito] yung cases na full denial or with partial admission [...] kapag sinabi ng estudyante [ang mga katagang] ‘hindi ko alam yan’ [at] ‘I did not do that’, [ang ibig sabihin noon ay] full denial”. Maaari din umanong isama ang mga magulang sa mga pagdinig at maging ang mga legal counselor. Inamin ni Millanes na hindi natatapos ang pagdinig sa isang upuan lamang. Aniya,

“Pagkatapos ma-establish yung fact, magdedeliberate pa sila. Sometimes, they will spend the last session for formative intervention na. And then ibababa yung resolution. So medyo mahaba-haba yung process.”

ng SDFO para sa DAM ngayong taon. Ayon kay Millanes, dalawang aral ang nais bigyang-pansin ng kanyang opisina sa tema ng DAM ngayong taon. Una, pinaalala nito sa mga estudyante ang kahalagahan sa pagkakaroon ng kamalayan sa mga polisiya ng Pamantasan. Ani Millanes, “The first level of discipline formation is being informed [...] it cannot be formed not unless you are informed”. Binibigyang-diin din ng DAM ang salitang “form” dahil kailangang isabuhay ang nakuhang impormasyon upang maging disiplinado ang mga estudyante. Dagdag pa niya, “The goal and vision of the university and SDFO

is discipline formation, the goal is that this being informed would lead you to a level of formation [...] and what kind of formation, discipline formation”. Kaugnay nito, para masiguro ang patuloy na pagpapatibay sa disiplina ng pamayanang Lasalyano, ipinangako ni Millanes na patuloy na magbibigay-serbisyo ang kanyang opisina maliban pa sa pagpapatupad ng DAM. “We will continue to work hard to make sure we fulfill this kind of commitment to the university [...] rest assured that [...] we enforce and we uphold what is written in the handbook,” pagwawakas ng SDFO director.

nagbabadyang propaganda. Dapat na mayroong pananagutan, katarungan, at pinatutunguhan ang mga nagpapahayag.

Panganib sa pamamahayag Hindi na bago sa kasalukuyan ang paggamit sa pamamahayag bilang instrumento ng propaganda. Sa paglalabas ng isang propagandista ng mga “balita” na sumasang-ayon sa mga pinaniniwalaan ng nakakarami o napapanahon sa lipunan, susubukin nitong kuhanin ang interes ng mga mambabasa at gawing kapital ang kanilang pagkawili. Sa bisa nito, mahihikayat ng propaganda ang mga mambabasa na maging kasapi ng isang paksyon o grupo na may masama o personal na motibo.

Malakas ang epekto ng mga salita sa tao, lalong-lalo na kung tugma ito sa kanilang mga pinaniniwalaan. Bilang mambabasa, dapat maging mapagmatyag sa kredibilidad ng ating mga nababasa o naririnig. Senyales ang basta-bastang paniniwala sa anomang balita na naririnig o nababasa online na madaling maimpluwensiyahan ng propaganda ang isang tao. Hindi natatapos ang malayang pamamahayag sa matapang na pagsisiwalat ng balita. Nararapat din na walang kinikilingan at pinoprotektahan na sinoman ang mga impormasyong inilalabas. Ika nga Lanuza, “Ang isang lipunang walang malayang pamamahayag ay isang lipunang madaling mapasailalim at makontrol ng mapang-aping uri.” Hindi madali ang tungkuling isiwalat ang katotohanan sa kabila ng maraming

mga isinasagawang rebisyon sa bylaws ng PUSO. Aniya, “Walang pakialam ang DLSU pagdating sa aming internal na usapin. Amendments of the bylaws is a power of the corporation.” Iminungkahi ni Garciano na tanungin ng admin ang iba’t ibang sektor sa Pamantasan, partikular ang mga nakaraang dekano, mga myembrongUniversityStudentGovernment Executive Board, at mga empleyado ukol sa naging takbo ng PUSO. Para sa kanya, hindi tumigil ang PUSO sa pagtupad ng kanilang tungkulin para magbigay-serbisyo sa pamayanang Lasalyano. Pagbabahagi ni Garciano, kanilang sinuportahan ang mga aktibidad at proyekto ng mga dekano sa walong kolehiyo sa Pamantasan maging ang mga proyekto ng ilang student organization sa DLSU. Pagpapatuloy niya, “We funded intervention scholarship programs of students in need in all of the colleges. We sponsored parents’ forum of all the colleges. And we fought for the rights of the employees of the university.” Umalma rin si Garciano sa plano ng admin na itigil ang pangongolekta ng PUSO fees mula sa mga estudyante.

Depensiya niya, mayroong approval ng Commission on Higher Education (CHED) ang pangongolekta nito. Pagsasaad niya, “Pinapatay niya (Roleda) ang PUSO. Pinapatay niya kami. Bakit niya kami pinapatay? Sa anong kadahilanan niya kami pinapatay? Anong ginawa namin sa La Salle?” Kaugnay naman sa pagpapaalis ng admin sa PUSO sa opisina nito, lubos na ikinagalit ni Garciano ang desisyong ito dahil iginiit niyang gumastos ang PUSO sa pagpapatayo ng Br. John Hall.Pagsusumamo niya, “Amin ito (Br. John Hall). Binayaran [namin] ng tatlong [milyong piso] ito. [...] Mayroon kaming Memorandum of Agreement dito na we can stay here perpetually, may papeles lahat yan.” Hindi rin ikinatuwa ng PUSO ang pagtanggal sa kanila ni Roleda sa Multisectoral Committee for Tuition Fee Increase dahil tila nawalan ng representasyon ang mga magulang sa usapin ng pagtaas ng matrikula sa Pamantasan. Tindig ni Garciano, “Actually ngayon mag-implement sila ng 5.25[%] increase sa tuition fee next year na Dibuho ni Elena Salazar babayaran ng mga magulang niyo (mga

estudyante), na yung mga magulang niyo ay hindi manlang nakaupo doon sa nagdeliberate nun (tuition fee increase).”

Para sa mas disiplinadong Lasalyano Para mahikayat ang mga Lasalyano na iwasan ang paglabag sa mga patakaran ng Pamantasan, inihandog ng SDFO ang Discipline Awareness Month (DAM) sa buwan ng Pebrero. Kabilang ito sa mga programa ng SDFO Discipline Education, Advocacy, and Programs Section (SDFO DEAPS) na nagtataguyod ng kahalagahan ng disiplina ng pamayanang Lasalyano. “Be inFORMEd” ang napiling tema

PRESS FREEDOM | Mula sa p.7 Kalagayan ng pahayagang pangkampus Maliban sa mainstream media, nakokompromiso rin ang kalayaang mamahayag ng mga alternative media at publikasyong mag-aaral. Sa panayam ng Ang Pahayagang Plaridel kay Lorenzo Lanuza, chairperson ng College Editor’s Guild of the Philippines - Metro Manila, napakarami nang mga publikasyon ang ginipit ng mga awtoridad bago pa man mangyari ang naging pagsuspinde sa Rappler, Ayon sa Campus Journalism Act (CJA) of 1991, hindi maaaring gamitin laban sa isang estudyante ang nilalaman ng kanyang mga isinusulat sa pahayagan. Gayunpaman, batid ni Lanuza, kalimitang nangyayari ang mga paglabag sa kalayaan ng pamamahayag sa tuwing may inuulat ang mga publikasyon na sumasalungat sa

interes ng iba, partikular na sa gobyerno o administrasyon ng pamantasan. “Upang [matikom ang bibig ng mga publikasyon], gumagawa ng iba't ibang pamamaraan ng pag-filter/censor ang naghaharing-uri tulad ng pagkontrol sa pondo ng publikasyon, pagmanipula ng legalidad upang ipasara ang publikasyon, atbp,” paliwanag niya. Batay sa panayam ng Rappler kay Danilo Arao, propesor ng Journalism sa University of the Philippines, hindi natitiyak ng CJA ang malayang pamamahayag sa mga publikasyon sa loob ng kampus. Ani Arao, “Nakapaloob sa panukala na hindi mandato ng pamantasan ang mangolekta ng pondo para sa mga publikasyon.” Kung nais umano ng administrasyon na gipitin ang mga publikasyon, maaari nila itong gawin sa pagbawas ng inilalaan na pondo para rito. Saad pa ni Lanuz, hindi malinaw

ang limitasyon ng pakikialam ng admin sa ilalim ng CJA. “Wala itong ibinibigay na mainam na proteksyon sa mga publikasyon laban sa anomang uri ng panghihimasok, pagkontrol, at pag-censor ng pamantasan o advisers nito,” paliwag niya.

Karampatang aksyon Sa pag-usbong ng fake news, higit na kinakailangan magkaroon ng mga media outfit na maaasahan ng sambayanan. Imbis na magsagawa ng supresyon ang administrasyon sa mga mamamahayag, mahalagang magabayan at matulungan nila ang midya ipagpatuloy ang layunin nitong maghatid ng mga balitang patas at walang kinikilingan.Nilabag man ng Rappler ang ilang probisyon ng batas, hindi dapat minadali ng SEC ang pagbuo ng desisyon kaugnay ng isyu. Hindi dapat binibigyan ng kakaibang pagtrato ang isang news organization dahil kilala ito sa pagpapahayag ng matatapang na balita.

PUSO | Mula sa p.1 ayon sina Galang at Guarino na magkaroon ng emergency GA dahil ayaw umano nilang makarating ang kapalpakan ng OCCS sa mga magulang. Aniya, “Kaya ayaw nilang (Galang at Guarino) magkaroon ng emergency general assembly dahil mabibisto ng mga magulang ang kanilang ineffectiveness at ang kanilang kapabayaan sa kanilang trabaho.” Dahil dito, napagpasyahan ng PUSO na hilingin kay DLSU President Br. Raymundo Suplido FSC noong Enero 2017 na sibakin sa pwesto si Galang dahil umano sa hindi maayos na pagsasagawa ng kanyang trabaho. Dagdag pa rito, nais din nilang mapatalsik si Guarino dahil hindi umano naging epektibo ang OCCS sa tungkulin nito sa ilalim ng kanyang pamamahala. Pagdating ng Setyembre 2017, inamin ni Garciano na nagkaroon ng pagbabago sa sistema ng eleksyon para sa mga susunod na opisyal ng PUSO. Isa sa mga pagbabagong ito ang hindi pagsasagawa ng breakout session para sa halalan ng trustees sa bawat kolehiyo. Bagkus, sa Br. John Hall na lamang umano sama-samang isinagawa ang botohan para rito. Depensa ni Garciano, ginawa nila ito dahil mas kakaunti ang bilang ng dumalong mga magulang dala ng lean years. Nanindigan din siyang hindi nito nilabag ang election code ng PUSO. Binigyang-diindinniGarciano na walang nilabag sa eleksyon code ang ginawa niyang pagrerekomendasailangmyembrongPUSO noong halalan. Pagpapatuloy niya, binuksan ang nominasyon sa lahat ng kolehiyo ngunit walang ibang lumaban maliban sa mga taong kanyang nirekomenda. Ani Garciano, “Wala namang bawal na ipakilala ko ang mga gusto kong makasama sa trabaho. Siyempre ang gusto mong makasama sa trabaho ay yung makakatrabaho mo.” Hinala ni Garciano, ito ang isinumbong na reklamo ni Galang kay Vice Chancellor for Lasallian Mission Br. Michael Broughton, na nakarating din diumano sa presidente ng

Pamantasan. Nagresulta umano ito sa hindi pagpunta ni Suplido sa induction ng mga bagong halal na opisyal ng PUSO kahit pa nagkumpirma na siya noon. Pagbabahagi pa ni Garciano, nagpadala ng sulat si DLSU President na hindi siya dadalo sa naturang pagtitipon dahil sa paniniwalang naging kwestiyonable ang nangyaring eleksyon. Dagdag pa rito, hindi rin pinayagan na isagawa ang oath taking ng bagong PUSO officers sa loob ng Pamantasan kaya sa Securities and Exchange Commission (SEC) na lamang nila ito ginawa. Liham mula sa Chancellor Inilarawan ni Garciano na nakatanggap ng liham ang kanilang opisina mula kay Chancellor Roleda na nagpatawag ng pagpupulong para mapag-usapan ang nangyaringeleksyonngPUSO.Gayunpaman, tinanggihan niya ang naturang imbitasyon dahil wala umanong hurisdiksyon ang Pamantasan na imbestigahan ang internal activities ng organisasyon. Aniya, maaaring magresulta lamang sa intra-corporate controversy kung manghihimasok ang Pamantasan. Nais din ng PUSO na malaman sinong indibdwal ang nagrereklamo sa isinagawa nilang eleksyon, ngunit ayaw umano itong pangalanan ni Roleda. Matapos nito, ipinarating ng Chancellor na may pinirmahang sensitibong dokumento si Garciano kaya nagkaroon ang admin ng pagdududa sa naging eleksyon ng PUSO. Depensa ni Garciano, “Ni hindi nga namin alam kung anong sensitibong dokumento ‘yun.” Pagharap sa akusasyon Lubos na ikinadismaya ni Garciano ang pahayag ni Roleda ukol sa hindi pagiging epektibo ng PUSO bilang kinatawan ng mga magulang maging ang hindi maayos na ugnayan ng dalawa. Suspetya niya, may kinalaman dito ang pagtanggi ng kanilang opisina na manghimasok ang admin sa

Pagsasaayos ng naputol na relasyon Sa inilabas na press release ng PUSO noong Pebrero 7, inihayag ni Garciano na bukas ang kanilang opisina na makipagdiyalogosaadminupangmaisaayos ang naging problema sa kanilang relasyon. Pagbibigay-diin niya, “We emphasize that our mission and commitment to the DLSU community is not contingen to the present administration, but is built on our more than 30 years of partnership, cooperation, and collaboration with the DLSU educational community.” Ayon kay Garciano, nagkaroon muli ng pagpupulong ang PUSO at admin ukol sa isyu noong Pebrero 20. Tumanggi muna silang magbigay ng mahahalagang impormasyon tungkol dito dahil nasa proseso pa umano sila ng pagpirma ng Memorandum of Agreement. Asahang maglalabas ng artikulo ang Ang Pahayagang Plaridel na magbibigay-linaw sa tindig ng parehong partido kaugnay ng isyu.

Dibuho ni Pavlo Aguilos


10

ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

PATNUGOT NG BUHAY AT KULTURA: Ezekiel Enric Andres LAYOUT ARTIST: Robilyn Alemania

MARSO 2018

BUHAY AT KULTURA

INALAM ng aming mga manunulat ang kwento ng bawat aso't pusa sa PAWS (Philippine Animal Welfare Society) Animal Rehabilitation Center upang mamulat ang mata ng bawat tao sa karahasang dinadanas ng ating mga alagang hayop. | Kuha ni Rovih Bryan Herrera

ISANG ROMANTIKONG PAGTATAGPO:

Unti-unting paghilom nina Bantay at Tagpi na kapwa nagtiwala ngunit sinaktan NIA CERVANTES, ROSELLE SACORUM, AT FRANCES TIMOG

A

las diyes na ng umaga nang tumunog ang aking orasan. Magtatanghali na at ramdam ko ang sikat ng araw na tumatama sa aking pisngi. Napaisip ako na tila nakangiti ito dahil sa Araw ng Pag-ibig, marahil nasasabik din sa mga pangyayaring paparating. Sa aking kwaderno, iniisa-isa ko ang mga pahina upang basahin ang naka-iskedyul na gawain. Ipinaalala nito ang tipanan, at hindi maiwasang mamuo sa dibdib ang kaba at saya sa ideyang maisasakatuparan na ang matagal nang pinaplano. Napagkasunduannamingmagkakasama na magkita sa paaralan nang ala una treinta y media. Hindi ko mapigilang pansinin ang maliliit na bagay tungkol sa sarili na dati namang ipinagwawalang bahala. Habang naghihintay, patuloy ang pagkilatis ng aking utak, mula sa napiling kasuotan hanggang sa dapat ipakitang pag-aasal. Mapalad na lamang ako at naistorbo ito nang dumating ang aming sundo. Napalundag ang aking puso sa pagtapak sa aming tagpuan. Mabagal ang aming paglalakad upang masdan ang malawak at magandang kapaligirang tiyak na sumasalamin sa kalooban nila. Pagkatapos noon, hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at sinambit ang mga salitang “Reservation po for two.” Doon lang namin napagtantong masyado kaming maaga para sa tipan, mabuti na lamang at mayroong kawani na nag-alok na ilibot kami sa lugar. Biglaan kaming nakaramdam ng hiya habang naglilibot, na tila may pagkakasala sa nasasaksihan. Bakas sa mga mata nila ang kuwento sa bawat galos na nakatanim sa kanilang balat. “Nakapili ka na ba ng iyong gustong

makasama sa araw na ito?” tanong sa akin ng isang volunteer mula sa isang animal rehabilitation center. Mapait na nakaraan Laganap na ang mga karahasan sa mundong ating ginagalawan partikular na sa ating bansa. Halimbawa na lamang ang maiinit na isyung tulad ng extrajudicial killings, OFW slay, child abuse, at iba pa. Marapat lamang na bigyan natin ng sapat na atensyon at kinauukulang parusa ang mga taong lumalabag sa karapatang pantao ng mga indibidwal. Ngunit habang abala tayo sa mga isyung ito, nakalilimutan nating pagtuunan ng pansin ang mga nilalang na nasa ilalim ng ating herarkiya. Napadpad kami sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS) Animal Rehabilitation Center, isang non-profit na organisasyon sa Quezon City, para sa kanilang pinakaunang Valentine’s Special na tinatawag na “PAWS FURst DATE”. Sa date na ito, maaaring libutin ang PAWS at malaman ang kuwento ng bawat aso at pusa. Pagkatapos nito, pipili ang mga bisita ng napupusuan nilang aso at pusa na maaari nilang makadaupangpalad, mapakain, at mailakad. Dito namin nakilala si Manila Santos, ang masiglang PAWS volunteer na naglibot sa amin sa kanilang munting palasyo. Unang mapapansin ang pagiging luntian, malinis, at malawak ng rehabilitation center, kung kaya’t panatag ang mga taong ligtas ang mga aso’t pusa rito. Hindi naman maiiwasang magkaroon ng malansang amoy sa ibang parte ng lugar sapagkat mahirap alagaan ang bagong sagip na alaga. Matatanaw rin sa loob nito ang iba’t ibang uri ng hawla para sa mga aso’t pusa. Sa paglilinaw ni Ate Manila, hiwa-hiwalay ang mga hawla para sa

mga aso at pusa na nakaayon sa kanilang kalusugan, pakikitungo sa tao, at antas ng pagkaaktibo. Habang naglilibot, binigyan kami ng pagkakataong pumili ng dalawang aso at pusa na makakasama namin. Hindi maiwasang maghinagpis sa galit habang pinagmamasdan ang kalunos-lunos nilang kalagayan dala ng mapait na nakaraan. Marami sa kanila ang bulag, pilay, kalbo at emotionally unstable. Nangyari ang lahat ng ito dulot ng kakulangan sa oras at maling pag-aalaga ng kanilang mga amo. Napili naming alaga para sa araw na iyo ang mga aso na sina Ruff at Morgan, at mga pusa na sina Jamie at Chino. Tumatak sa aming isipan ang kuwento ni Ate Manila tungkol kay Ruff na iniwang nasusunog sa kalsada kaya nangingitim ang ilang bahagi ng balat. Mas nakalulungkot pang isipin na wala pang nagnanais na umampon sa kanya sa kabila ng halos apat na taong pamamalagi nito. Marami sa kanila ang tumanda nang naninirahan sa center gaya ni Ruff. Pinanganak namang walang isang mata si Chino, na nailigtas sa kalsada kagaya nina Morgan at Jamie. Sa kabila ng kanilang mga natamong kaibahan, hindi ito naging hadlang sa amin na piliin sila. Tulad ng ginagawa ng mga PAWS volunteer, pinakain at inilakad namin ang mga aso at pusa sa paligid ng lugar. Mas mailap sa simula si Chino kompara kay Jamie, dahil bata pa ito at sadyang mataas pa ang enerhiya. Halata ring nahihiya pa sina Morgan at Ruff sa amin dahil sa kanilang may pagkamatamlay na pakikitungo. Sa kinalaunan, nakuha na namin ang kanilang tiwala. Nakakabagbag-damdamin ang aming pakikihalubilo sa mga aso at pusa kaya hindi namin maiwasang makaramdam ng awa sa bawat segundo na nasa piling namin

sila. Kaya naman, mahalagang ipaalam sa lahat na hindi ari-arian ang mga hayop na puwede nating pag-eksperimentuhan o gawan ng kung ano-anong kababalaghan. Pagmamay-ari man natin sila, mahalagang tratuhin sila tulad ng pagpapahalaga natin sa isang yayamaning alahas. Iibig nang muli Mula sa mga pusang napabayaan sa kalsada hanggang sa mga asong naging biktima ng pang-aabuso, hindi maikakailang malalim ang sugat na natamo sa kanilang kalooban. Nahihirapan ang karamihang magtiwala muli sa tao dulot ng bigat ng kanilang pinagdaanan. Dahil dito, tapang at agresyon ang nananaig sa kanilang damdamin tuwing may bumibisita upang takpan ang takot na hindi matanggal-tanggal. Ngunit sa patuloy na pagsisikap ng mga volunteer, unti-unting nabubuksan ang puso ng mga alaga tungo sa pakikisalamuha sa atin. Higit pa kaming nabigyan ng inspirasyon nang malaman naming ang mga nilalang na minsang inalipusta, gaya nila Ruff at Morgan, ang ilan sa mga nagbigay ng masayang pagsalubong sa aming pagbisita sa rehabilitation center. Pagkatapos ng aming pagpunta, napagtanto naming kagaya nating mga tao, isa sa mga hangarin ng mga aso’t pusa ang mapabilang sa isang mabuting pamilya. Musika sa pandinig natin ang ideyang mayroong magmamahal sa atin nang walang kondisyon sa mahabang panahon. Marapat lamang na magkaroon ang mga iniligtas na hayop ng maayos na tahanan, kung saan matatanggap nila ang tamang pag-aalaga habang nagbibigaykasiyahan sila sa kanilang mga amo. Pinalalawak ng PAWS Animal Rehabilitation Center ang kanilang

adbokasiya upang maisakatuparan ang mumunting hiling ng mga iniligtas na aso’t pusa. Maliban sa pagtataguyod ng epektibong proseso sa animal adoption, may sari-sari rin silang mga programa upang maengganyo ang madla na mag-alaga ng mga hayop na may mapait na nakaraan. Kurot ng pag-asa Pangamba, pagkabigo at pagkamuhi. Ilan lamang ito sa aming mga naramdaman sa pag-alis namin ng institusyon. Pangamba na baka mangyari pa ito sa iba pang inosenteng hayop; pagkabigo na wala kami sa tabi nila noong mangyari ang mga insidenteng iyon; at pagkamuhi dahil hindi sila karapat dapat na makaranas ng pang-aapi mula sa kanilang may-ari. Sa kabila ng matitinding mga emosyong ito, marapat lamang na mag-iwan tayo ng kaunting puwang para sa pag-asa. Hindi imposibleng makamit ang pagpapakatao dahil mayroon pa ring mga taong nagmamalasakit. Isang nabubuhay na halimbawa na lamang nito ang mga tao sa likod ng tagumpay ng animal welfare institutions na tulad ng PAWS Animal Rehabilitation Center. Bagamat masakit makitang hirap ang mga inosenteng hayop, tunay kaming nagpapasalamat na mayroon pa ring mga taong nagmamalasakit. Mahalagang maikintal sa ating isipan na iniligtas ang mga inosenteng hayop mula sa panganib, at sa kabutihang-palad, binigyan muli ng pangalawang pagkakataong bumangon. Malagim man ang nakaraan ng karamihan sa kanila, unti-unti nilang natutuhang umamo at magtiwalang muli - simbolo ng bagong umagang parating, at higit sa lahat, pag-asang umiigting para sa sangkatauhan.


11

BUHAY AT KULTURA

OBRANG HINULMA NG WASAK NA PUSO:

Lihim na pakikibaka sa likod ng Spoken Word RAINE ROSELLE GAGAN, DONNELLE SANTOS, AT REXIELYN TAN

"

Ang sining ay katotohanan,” ito ang pahayag ni Jonel Revistual, artist ng WordAnonymous. Sa simpleng mga obra nakakubli ang realidad na pilit nating itinataboy, kaya ganoon na lamang ang pagtagos ng bawat salita sa ating mga puso. Isang beses nga lamang umano iibig nang totoo at makararanas ng “true love” ang isang tao sa buong buhay niya. Ayon naman sa agham, apat na minuto lamang o mas mabilis pa para mahatulan ng isang tao kung may nararamdaman siya sa taong kakikilala pa lamang niya. Kaya naman hindi maiiwasang panghawakan ang ideya na maaaring wagas na pag-ibig na ang ating nararamdaman. Kadalasan, pagkabigo at pagkawasak ng ating mga puso ang kinahahantungan nito. Gayunpaman, tao lamang tayo na may damdamin. Hindi natin kayang diktahan ang ating puso sa pag-iingat sa ating damdamin upang huwag masaktan. Isa na sa parte ng buhay ang pagkabigo, ngunit isa rin itong daan sa pagbubukas ng panibagong

pagkakataon upang bumangon at mas mapabuti pa ang sarili. Totoong mahirap ang proseso ng paghihilom. Payo nga ng ilan, ibaling na lamang ang sarili sa ibang mga bagay upang makalimot. Kaya naman, marami ang nagsasabi na ang kasawian ang nagtutulak sa isang tao na gumawa ng isang bukodtanging obra. Ilang kilalang pintor at manunulat na ang nagpatunay rito dahil sa kanilang mga kontribusiyong nanatili pa ring buhay sa paglipas ng panahon. Madalas nilang nababanggit na ang kirot sa kanilang mga puso ang siyang nagbibigay ng diwa sa kanilang mga piyesa. Kaya naman, hindi kataka-takang ang mga obrang isinulat, ipininta, o inilapat sa panahon ng kalungkutan at kasawian, ang siyang nagiiwan ng pinakamalaking marka sa atin. Kagandahang bunga ng kasawian Hindi na bago sa atin ang mga panitikang pasalita. Noon pa man, madalas nang itinatanghal ng ating mga ninuno ang mga tula at epikong tumamatalakay sa iba’t ibang tema ng buhay. Subalit sa paglipas ng panahon, tila nabawasan ang pagkilala sa pamamaraang ito. Mas tinangkilik na ng nakararami ang mga tulang inilalathala

kaysa sa itinatanghal. Gayunpaman, hindi tuluyang namatay ang tradisyong ito. May ilan pa ring mga manunulat na patuloy na sumusuporta at nagtataguyod ng tradisyong atin nang naitatag. “Ito na ang huling tula na isusulat ko para sayo. Mali. Ito na ang huling tula na isinulat ko tungkol sa'yo.” Ilan lamang ito sa mga katagang binitiwan ni Ginoong Juan Miguel Severo sa isa sa kanyang pinakasikat na spoken poetry na pinamagatang “Ang Huling Tula Na Isusulat ko Para Sa’yo”. Isa si Severo sa matatagumpay na spoken word artists sa bansa sa kasalukuyan. Hindi kaduda-duda ang katanyagang natamo ng kanyang mga piyesa dahil punong-puno ang mga ito ng emosyon. Sa bawat sakit ng mga katagang kanyang binibigkas, at sa kirot ng mga salitang kanyang binibitiwan, tila tumatagos ito sa bawat puso ng mga manonood. Isa lamang ito sa mga patunay na totoong may kakayahang makagawa ng obra maestra ang pagkawasak at pagkasawi ng puso ng isang manunulat. Para kay Severo, makapangyarihan ang sining ng spoken word. Ayon sa kanya, hindi lamang niya ipinakikilala ang kanyang sarili sa mga manonood bilang manunulat, bagkus, kasabay nito,

PATULOY ang paglalahad ng mga makakata ng spoken word upang maihayag ang kanilang saloobin dala ng masidhing karanasan sa buhay. | Kuha ni Kinlon Fan

isa ring artist o performer ang kanilang inaasahang mapanood. Maituturing na isa itong pambihirang anyo ng panitikan sapagkat nangangailangang maibunyag sa mgamanonoodangbuongkatauhanngartist sa paghahatid ng kanyang piyesa. Batid pa ni Severo, upang maisagawa ito, iniisip na lamang niya na kailangan niyang maiugnay ang sarili sa kanyang manonood at isipin na may kaniya-kaniyang nagpapalambot sa kanilang mga puso. Layunin ng kanyang sining na iparamdam at ipabatid sa lahat na hindi masamang ihayag ang tunay na nararamdaman paminsan. Sa katunayan, nagiging tulay pa ito upang mailabas ang sakit na ating kinikimkim. Sining alay para sa bayan “Iba-iba tayo ng depinisyon ng wasak na puso, eh, alam mo yun? Depende sa kung anong minamahal mo,” salaysay ni Revistual. Naniniwala siyang ang isang nasaktang puso ang nagbibigay-inspirasyon upang makalikha ng magandang obra. May iba’t ibang pinanggagalingan ang pagmamahal sa puso ng bawat tao. Maaaring nagmumula ito sa kasintahan, pamliya, kaibigan, at pati na rin sa ating lipunan. Isa si Revistual sa mga taong sumusulat at tumutula para sa ating bayan. Mga isyung panlipunan na tumatalakay sa opresyon at kawalan ng hustisya ang kadalasang nilalaman ng kanyang mga piyesa. Naging malaking impluwensya ang pinanggalingan niyang pamantasan, Polytechnic University of the Philippines Manila o PUP, sa kanyang pagsusulat. Bukod pa rito, malaki rin ang naitulong ngkanyangkapwamanunulasapagpapabuti ng kanyang mga isinusulat na piyesa. Nabanggit niyang nagsimula ang interes niya sa grupo ng spoken word artists na WordsAnonymous nang mapanood niya ito sa isang fund-raising event na ‘Piso para kay Toto.’ Matapos siyang humanga sa mga piyesa ng mga manunulang ito, sumali na siya sa open-mic events at doon na nagsimula ang kanilang samahan. “Makinig, magbasa, at magsulat.... ‘Huwag matakot magsulat ng mga topics na foreign sa’yo. Magbasa ka ng mga bagay na will make you uncomfortable. Ilagay mo ang sarili mo sa mga bagay na hindi

mo kilala,” ito ang mga katagang iniwan ni Revistual. Unti-unti nang pinapasok ng sining ng Spoken Word ang ating modernong kultura. Sa bawat pagtatanghal ng mga manunulang ito, makikita ang suporta ng mga taong patuloy na nahuhumaling sa sining na ito. Tila nagsisilbi ang kanilang mga piyesa bilang paalala sa atin na may paraan ng paghilom ang pusong nasugatan. Sa ating pagdapa at pagbagsak, ipinahihiwatig nitong mayroon tayong pagkakataon upang bumangon muli. Pagkinang ng mga puso sa silangan Tunay ngang iba’t ibang uri ng sining at panitikan ang bumubuhay sa ating kultura. Mismong sa ating mga sinaunang larawan, tula, at musika muling naitatag ang ating identidad bilang mga Pilipino. Gayunpaman, kasabay ng pagbabago ng mundo ang paglago ng ating sariling kultura. Hindi na tayo nakakahon lang sa karaniwang pagpapamalas ng ating mga obra, kundi buong loob na rin nating sinusuportahan ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag nito. Hin di n atin maikakaila ang hirap na dinaranas ng mga tao sa paglikha ng kanilang sining. Sa bawat emosyong inihahayag ng mga manlilikha, sa bawat katotohanang kanilang inhahandog, kaakibat nito ang buwan-buwang paghahanda at pag-eensayo. Ngunit sa kabila ng lahat, hindi pa rin matatawaran ang katangitangi nilang mga obra na produkto ng paghihirap na pinagdaanan nila. Sa simpleng pagtangkilik sa sining ng Spoken Word, talagang nakikita ang natural na pagka-romantiko nating mga Pilipino. Kapansin-pansin ang ating pagkahumaling sa mga bagay na tila nagpapasiklab ng ating mga damdamin. Ayaw nating pinipigilan ang silakbo ng ating mga puso. Ano man ang mangyari, laging mananaig sa atin ang pag-ibig— sa pamilya man ito, sa kaibigan, sa lipunan, at kahit mismo sa ating mga sarili. Paglubog n g a r a w, a l a m n a t i n g pagmamahal pa rin ang mananatili sa puso ng bawat isa.

MAG-ISANG SAKSI SA KUMUKULUBOT NA PAG-IBIG:

Pasilip sa kuwento ng pusong busog JOHN EMER PATACSIL AT AIREEN SEBASTIAN

M

aging kabiyak ng iyong puso sa habang buhay - mga kataga ng panata at walang hanggang katapatan. Sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan - paglalarawan ng isang matatag na pagsasama na dapat pagsaluhan. At mamahalinmosahabangbuhay-isangbuhay na pangako na laging panghahawakan. Sa gitna ng seremonya kung kailan malinaw na tinatanong, “Tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si…..,”, ngunit tila walang masabing tiyak na ngalan. Paulit-ulit lamang naglalaro ang mga katagang habang buhay - kabiyak ng puso - mamahalin sa habangbuhay - habang buhay - kabiyak ng puso - mamahalin sa habang buhay. “Opo, mamahalin ko ang aking sarili sa habang buhay. ” Sa tuwing tampok ang salitang pagibig, madalas itong ikabit sa istorya ng dalawang taong nagmamahalan. Mas lalo pa itong pinagtitibay ng kasal na siya ring simula ng buhay mag-asawa. Sa kabila nito,

hindi na rin maiiwasan ang mga tagpo ng matatandang binata o dalaga sa ating lipunan. Sila ang mga taong hindi iniinda kung wala man silang asawa o katuwang sa buhay. Lingid sa ating kaalaman ang tunay nilang istorya kung saan makikitaan ng kakaibang pakahulugan ng pagmamahal ang kanilang mga buhay. Dalaga at binata hanggang pagtanda Ayon kay Bella DePaulo (2015), eksperto sa Sikolohiya, may matatandang dalaga o binata na kontento na sa buhay nila at mayroon namang iba na malaki ang pagsisisi sa kanilang pag-iisa. May mga taong pinili nila ang pagiging mag-isa hanggang sa pagtanda o iyong mga single by choice. Mayroon ding ibang hindi pinili ang pagtandang walang katuwang sa buhay na tinatawag ding single by constraint. Isinaad ni DePaulo na tinatawag din ng iba pang eksperto ang mga taong single by choice na “freedom-focused” dahil mas gusto nilang mamuhay batay lamang sa kanilang mga desisyon. Naniniwala

silang tila kinukulong ang sarili kapag may kasintahan ang isang tao. Ibinabaling na lamang nila ang atensyon sa kani-kanilang mga kamag-anak lalo na sa mga magulang. Sa ganitong sistema ng pamumuhay, mas nakikilala at minamahal nila ang kanilang sarili dahil sapat na ito upang matamo ang kasiyahang kinakailangan nila. Sa kabilang banda, may dalawang pangunahing dahilan kung bakit may mga taong single by constraint. Una, tila nakalilimutan na ng iba ang kanilang sarili habang inuuna ang mga kapamilyang higit na nangangailangan ng tulong at atensyon. Pangalawa, nakakaapekto rin ang masyadong pagkahumaling sa kanilang trabaho para hindi nila maisip ang pagkakaroon ng asawa o maging ang buhay pag-ibig. Sinasabing nagkaroon ng kasintahan ang mga single by constraint ngunit hindi umayon ang sitwasyon dahil sa iba ang kanilang prayoridad o tila hindi nila nakita ang tamang tao para sa kanila. Dagdag pa rito, iginiit ni DePaulo na may mga pagsisisi sila ukol sa pagtanda nilang mag-isa.

Lolo Romantiko, bida ng sawing pag-ibig Malungkot at masalimuot ang buhay kung nag-iisa, masyadong tahimik at masasabing kulang talaga sa sigla. Ganito madalas ilarawan ang buhay ng mga taong tumandang nag-iisa na taliwas sa naging buhay ni Mang Ding Zuniga, 53 taong gulang - isang matandang binata. Sa isang panayam, inilahad ni Mang Ding ang kwento ng kanyang hindi pinalad na pag-ibig at ang kanyang masiglang buhay kahit nag-iisa. “Hindi ko naging desisyon ang pagiging walang-asawa, siguro hindi lang naging swerte o binwenas sa pag-aasawa,” ayon kay Mang Ding. Kasunod niyang inilarawan ang kanyang naging buhay kung saan pamilya talaga ang kanyang unang prayoridad. Dumating sa punto na siya na ang nangangalaga sa kanyang magulang at maging mga kapatid kaya hindi na sumagi sa isipan niya ang paghahanap ng makakasama sa buhay. Nang sinabi niya ang linyang, “Kaya siguro kung nakapag-asawa ako, baka 'di ko naman maalagaan ang pamilya ko,” umapaw

ang napakaraming kwento. Nariyan ang imahe ng matinding sakripisyo, tapang, responsibilidad, at pagmamahal para sa pamilya. Naging masaya ang kabuuan ng panayam, kahit pa sabihing mahirap pag-usapan ang isang paksang sensitibo at naging tampulan ng maraming isyu. Kasalukuyang mayroong isang sari-sari store si Mang Ding na pinaglalaanan niya ng kanyang oras at panahon. Isa rin siyang lolo sa kanyang mga pamangkin, tapat na kaibigan sa kanyang mga kapitbahay, at aminado kaming isa siya sa mga masasayang tao sa baranggay. Kung tutuusin, napakahirap panatilihin ang isang masiglang pamumuhay lalo kung nag-iisa lamang. Ibinahagi ni Mang Ding ang magaganda at hindi magagandang karanasan na idinulot ng kanyang pagiging isang binata. Inilarawan niya ang kaibahan ng tulong na galing sa mga kapatid at kamag-anak kung ihahambing sa pagaalaga at pagmamahal ng isang asawa. PUSONG BUSOG >> p.12


12

ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

MARSO 2018

MGA ALAALA NG MATAMIS AT MAPAIT NA PAG-IIBIGAN:

Bulkang Mayon sa puso ng mga Bikolano CLAIRE ANN ALFAJARDO AT KIMBERLY JOYCE MANALANG

K

ung titingnang muli ang kasaysayan ng Pilipinas, hindi maikakailang mayaman ang mga Pilipino sa mga kuwento ng ating mga ninunong namuhay sa bansa bago pa man ito yakapin ng teknolohiya. Mula sa kolonisasyon ng mga Espanyol sa Pilipinas hanggang sa People Power Revolution laban sa diktador, makikita ang mga kuwentong ito sa mga libro ng kasaysayan na paulit-ulit na inaaral ng bagong henerasyon. Kung kasaysayan ang mga kuwentong nakagisnan ng mga Pilipino, mayroon namang mga istoryang tila bilang lamang sa kamay ang nakaaalam - ang mga alamat. Ito ang mga kuwentong bayang nagsasalaysay kung paano nabuo ang mga bagay na makikita sa mundo. Isa ang alamat ng Bulkang Mayon sa mga istoryang kakaunti lamang ang

nakabasa o nakarinig. Kung ilalarawan ng isang lokal ang Bikol, paniguradong masasambit niya ang Bulkang Mayon dahil ito na sentro ng lalawigan mula pa noon. Gayunpaman, iilan lamang ang nakaaalam ng alamat nito at kung paano nito hinugis ang buhay ng mga Bikolano. Alamat bunga ng sakuna Noong nakaraang Enero 13, kumalat ang balitang nag-aalburoto ang Bulkang Mayon matapos ang maraming taon nitong pag-idlip. Nagsimula itong magbuga ng abo at ‘di nagtagal, naglabas na rin ng lava. Dahil dito, maraming tao sa Albay ang lumikas sa banta ng mas katakottakot na pagsabog ng bulkan. Maraming lugar namang malapit sa lalawigan ang naaapektuhan ng abong ibinubuga nito. Paano nga ba nabuo ang sakunang ito na naging parte na ng pagkakakilanlan ng mga Bikolano?

Ayon sa isang website na nagngangalang “Gintong Aral”, nagmula ang Bulkang Mayon sa katauhan ni Daragang Magayon. Si Daragang Magayon ang anak ng pinuno ng mga Bikolano na si Raja Makusog. Maraming nagsasabing walang tutumbas sa kagandahan ni Magayon kaya naman maraming nanliligaw sa kanya at kilala siya kahit sa malalayong lugar. Isa sa mga manliligaw ni Magayon si Pagtuga, kilalang magiting na mandirigma sa Bikol. Magaling man sa pakikipaglaban si Pagtuga, lubos naman ang kasamaan ng kanyang ugali. Dahil nga sa bukambibig ng tao ang kagandahan ni Magayon, umani siya ng isa pang tagahanga. Siya si Alapaap, isang matalino at magalang na anak ng isang lakan. Nais niyang makita ng sarili niyang mga mata ang kagandahan ni Magayon kaya naman dumayo siya sa Bikol. Nagabang siya sa ilog kung saan naliligo si Magayon. Sa kasamaang palad, naaksidente

Dibuho ni Patricia Sy

si Magayon at napunta sa malalim na bahagi ng ilog. Sinagip naman siya ng binata, at doon nagsimula ang matamis na pagtitinginan ng dalawa. Mula sa puntong iyon, mas lumalim ang kanilang pag-iibigan. Matapos ang pagliligawan sa loob ng maiksing panahon, nagpasyang magpakasal ang dalawa. Gayunpaman, mayroong nais humadlang sa kaligayahan nina Magayan at Alapaap. Dinakip ni Pagtuga ang ama ni Magayon at ginawa iyong dahilan upang hindi matuloy ang pagpapakasal ng magkasintahan. Nabalitaan ito ni Alapaap at sinugod niya at ng kanyang mga tauhan si Pagtuga bago pa man magsimula ang kasal. Napatay ni Alapaap si Pagtuga, ngunit natamaan din ng espada ni Alapaap si Magayon. Sa kasamaang palad, napatay ng tauhan ni Pagtuga si Alapaap, at sa huli, sabay-sabay silang namatay. Inilibing ng mga tao sa bukid ang labi ng tatlo. Sa gabing iyon, nagkaroon ng malakas na lindol. Kinabukasan, nakita ng mga taong tumaas ang puntod nila Magayon. Patuloy itong tumaas hanggang sa naging kasing laki ng bundok. Naging maganda ang hugis ng bulkan. Ayon sa pari ng bayang iyon, si Magayon ang bulkan na pumuputok at nag-aapoy dahil sa kasakimaan at kasamaan ni Pagtuga. Ngunit, pumapayapa naman ito tuwing nararamdaman ni Magayon ang pagmamahal sa kanya ni Alapaap. Sa huli, tinawag ang bulkan bilang Mayon at ipinangalan ang bayang iyon bilang Daraga upang alalahanin ang kuwento ni Daragang Magayon.

Sa kabila ng panganib na dala ng Mayong Bulkan, malaki naman daw ang naitutulong nito sa pag-unlad ng ekonomiya ng Bikol, lalong lalo na ng Daraga. Dinadayo raw talaga ng mga turistang dayuhan at lokal ang Bulkang Mayon, kaya naman may maliliit na tindahan malapit sa bulkan para sa mga turista. Dagdag pa niya, tunay na ipinagmamalaki nila ang Bulkang Mayon dahil doon nakilala ang kanilang lugar. Tila sa Mayon umiikot halos ang buong buhay ng karamihan sa kanila dati. Aniya, may mga hotel at resort na itinayo para lamang sa mga turista na bumibisita sa Mayon. Ayon kay Beverly, pamilyar daw siya sa alamat ng Mayon ngunit hindi niya alam ang detalye. Para sa kanya, ipinakikita ng alamat ng Mayon ang pagmamahalan ng dalawang magkasintahang umaabot hanggang kamatayan. Inilahad niya ring makikita ito sa kung paano mamuhay ang mga Bikolano. “Passionate kaming mga Bikolano, eh. Kapag mahal namin yung ginagawa namin, talagang gagawin namin yung lahat para makuha yung best result. Ito sa tingin ko yung koneksyon doon sa alamat,” pagtatapos ni Beverly.

Ngiti at luhang hatid ng Mayon Hindi maikakailang malaki ang bahagi ng Bulkang Mayon sa buhay ng mga Bikolano. Kung dati, sentro lamang ito ng turismo, ngayon naging tampulan na rin ito ng kabuhayan ng maraming lokal. Sa kasamaang palad, hindi lamang magandang tanawin at malakas na turismo ang hatid ng Bulkang Mayon. Matagal man itong natutulog, sumasabog pa rin ito na animo’y galit, gaya ng ibang bulkan. Ayon kay Beverly Cruzillo, lumaki at nanirahan sa Daraga, Albay, isang beses pa lamang niyang naranasan ang pagsabog ng bulkan. Bata pa lamang daw siya noon kaya hindi niya masyadong maalala ang mga detalye. Isinalaysay niya kung paano siya naapektuhan at ang kanyang pamilya ng pagsabog ng bulkan. “Kumalat na yung abo kaya pinagmadali kami ni mama noon, wala kasi si papa, nasa Maynila. Siyam kaming magkakapatid kaya hirap na hirap si mama. Kumakapal na kasi yung abo kaya kailangan na namin umalis,” paglalahad ni Beverly.

Kuwento ng pagmamahal at pagbangon Malaki nga naman talaga ang papel ng Bulkang Mayon sa buhay ng mga Bikolano, lalong lalo na sa mga taong naninirahan malapit dito. Sa bawat paggising nila sa umaga at pagtulog nila sa gabi, Bulkang Mayon ang kanilang naaaninag. Karamihan sa kanila, nabuhay at namatay nang nasisilayan ang Mayon araw-araw. Ipinakikita lamang nito kung gaano kahalaga ang bulkan sa pang araw-araw na buhay ng mga taong naninirahan malapit dito. Kung tutuusin, hindi patas na alalahanin lamang ang bulkan sa pagputok nito dahil higit pa rito, binibigyan nito ng buhay at pag-asa ang mga taong nakapaligid sa lugar. Sa alamat, hindi ikinasal si Magayon at Alapaap. Sa kabila ng lakas ng kanilang pag-iibigan, pareho silang namatay sa huli. Tulad ng alamat, hindi lamang puro ganda ang hatid ng bulkan sa buhay ng mga Bikolano. Ngunit sa bawat sakunang idinudulot ng bulkan, ipinaaalala nito sa mga tao ang halaga ng pagmamahal nila sa mga taong malapit say kanilang puso tuwing panahon ng trahedya. Dagdag pa rito, ipinaaalala nito na muling babangon ang mga Bikolano at mamumuhay nang masaya’t mapayapa, tulad ng pagtaas ng puntod nila Magayon at Alapaap.

Bakas ang matinding pag-aasam sa tono ng boses ni Mang Ding at aminado rin naman siyang minsan niyang hinangad na magkaroon ng sariling pamilya. Sa kabilang banda, sumilay pa rin ang kasiyahan nang pabiro niyang ilahad na maganda ang pagtanda ng mag-isa dahil lubos na mararamdaman ang diwa ng kalayaan. Walang taong kailangan pagpaalamanan, walang tututol, at wala ring sakit ng ulo, ika nga.Sa naging panayam namin, dito napatunayan na hindi lang umiikot sa dalawang taong nagmamahalan ang konsepto ng pag-ibig. Naipamalas ni Mang Ding ang iba’t ibang bersyon ng pag-ibig mula sa pamilya hanggang sa mga kaibigan at maging sa kapitbahay. Napatunayan ding hindi dahilan ang pagiging mag-isa para ituring ang sarili na malungkot. Tunay na nababatay sa pansariling pananaw at desisyon ang pagiging masaya.

Iisang anyo ng pagmamahal Kilala ang mga Pilipino bilang isa sa pinakamasiyahing tao sa mundo. Tila hindi natin iniinda ang mga hamong dumarating sa ating buhay. Hinaharap natin ito nang may ngiti sa ating mga mukha sa tulong na rin ng ating mga pamilya. Ito na rin marahil ang dahilan kung bakit hindi naging pasakit ang tingin ni Mang Ding sa pagtanda niya nang walang katuwang sa buhay. Nagawa niyang mahalin ang kanyang responsibilidad at ipinagpasawalang bahala na ang lungkot na dulot ng pag-iisa. Tila maituturing na aspekto ng pagmamahal ang pagsasakripisyo. Dito makikita paano pahalagahan ng isang tao ang kanyang minamahal - pag-aalay ng oras at parating nariyan sa hirap at ginhawa. Hindi lamang para sa dalawang nagmamahalan ang buhay na pangako dahil nabiyayaan tayo ng pamilya, kaibigan, at kapwa para alayan ng habang buhay na panata.

PUSONG BUSOG| Mula sa p. 11

IBINAHAGI ni Mang Ding Zuniga ang kanyang pinagdaanan upang harapin ang buhay nang may ngiti pa rin sa kanyang mga labi sa kabila ng pagiging isang matandang binata. | Kuha ni Jeld Gregor Manalo


PAGSALUBONG SA BAGONG SIMULA:

13

CHINESE NEW YEAR 2018

Mga kuha nina Justin Ray Aliman, Juan Paulo Carlos, Kinlon Fan, Danish Fernandez, Marvin Gonzales, at Arah Josmin Reguyal DINAGSA ng libo-libong tao ang Manila Chinatown upang ipagdiwang ang Chinese New Year, Pebrero 16 sa Binondo, Lungsod ng Maynila. Sabay-sabay nilang sinalubong ang Year of the Dog sa pamamagitan ng pagdasal sa mga templo upang humingi ng biyaya, pagsayaw ng dragon at lion dance upang magtanggal ng kamalasan, at pagsuot ng pula upang maging swerte para sa panibagong taon.


14

ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

MARSO 2018

MRT | Mula sa p.7 “Government is a poor operations manager. Time and time again, we have seen how poorly government operates a business endeavor.” Positibo naman ang reaksyon ni Senador Grace Poe sa pagdating ng mga bagong parte para sa MRT. Umaasa si Poe na matatapos na rin ang paghihirap ng mga pasahero pagdating ng unang batch. Wika niya, “Nagpapasalamat tayo sa DOTr sa pagkakaroon ng puso para sa daanlibong pasahero ng MRT-3, lalo na sa mga may kapansanan, matatanda, buntis

at ang mga pasaherong umuuwi sa kanikanilang mga probinsya sa kagustuhang mapabilis ang kanilang biyahe dahil sa tindi ng trapik sa Metro Manila.” Kinakailangang hakbang Imbis na magbangayan at magturuan ang mga opisyal ng gobyerno, dapat magkaroon na ng malaking hakbang ang kasalukuyang administrasyon na reresolba sa kalagayan ng transportasyon sa ating bansa. Kinakailangan magsimula na ang pamahalaan sa

mga pangmatagalang solusyon sa mga problemang kinakaharap ng MRT sapagkat ito ang isa sa pangunahing uri ng transportasyon na ginagamit ng mga mananakay sa kalakhang Maynila. Dapat maging malinaw sa pamahalaan kung anong konkretong solusyon ang dapat gamitin. Marahil, maaaring gawin ng pamahalaan ang rekomendasyon ni Sen. Gatchalian na complete privatization. Ani nga ni Gatchalian,“The privatization of the MRT remains to be the most viable long-term option to improve its

quality of service. A short-term contract with Sumitomo would be best, so that potential private buyers will be able to have a free hand regarding future maintenance operations.” Malaki ang pangangailangan na ipagpatuloy ang pagpapahaba ng mga kasalukuyang linya ng tren at ang mga pagpapatayo ng mga bagong linya. Sa kasalukuyan, nakikita natin na higit sa kapasidad ng MRT ang isinasakay nito sa araw-araw. Ibig sabihin, maaaring kulang talaga ang mga pampublikong

transportasyon na mayroon ang ating bansa. Matagal nang pinagtitiis ang mamamayang Pilipino sa mababang kalidad na pampublikong transportasyon. Nararapat na ito ang maging prayoridad ng kasalukuyang administrasyon dahil ilang taon nang hindi maayos ang kalidad ng serbisyo ng tren. Hindi na katanggaptanggap sa mga commuter ang pumila sa ilalim ng init ng araw habang ang mga opisyal ng gobyerno ang nakaupo sa kanilang malalamig na sasakyan.

TENNISTER| Mula sa p. 16 Tennisters sa panahon ng bakbakan. Sa edad na limang taong gulang, namulat na agad si Parpan sa mundo ng lawn tennis sa pag-agapay ng kanyang ama. Nagtapos siya sa La Salle Greenhills noong hayskul, kaya naman buong-buo ang determinasyon ng green-blooded athlete na pasukin ang karera ng lawn tennis sa De La Salle University (DLSU). Sa unang dalawang taon ni Parpan sa DLSU, nagsilbi siya bilang role player ng koponan. Gayunpaman, hindi ito naging hadlang para pagigihan pa ng atleta ang kasanayan at kalakasan. Bilang isang student athlete, mistulang dumaraan siya sa butas ng karayom sapagkat bitbit na niya ang dalawang mundo – akademiko at koponan. “The usual, balancing acads and training pero as the years went on naman in my undergrad, nasanay na [rin ako]. So, I think that helped me a lot din ngayon in my master’s degree,” ani Parpan. Hindi madali ang naging simula ng kanyang trabaho bilang kapitan sapagkat nagtapos ang koponan sa isang winless season noong UAAP ‘78. Bukod sa gameplay at mental toughness, aminado si Parpan na nagkulang din siya bilang lider. Nagsilbing inspirasyon para sa koponan ang lumipas na torneo para bumalik nang mas malakas sa podium. Para

naman sa team captain, naging daan ito upang mas maging palaban pa siya sa buhay hindi lamang bilang atleta. Dagdag pa niya, “I wanted to prove that I can do more, and that my team can do more.” Wa l a n g b a k a s n g k a h i n a a n at pagkukulang ang isang prominenteng team captain na tulad ni Kyle Parpan. Sa likod ng isang matatag at matikas na kapitan, nagkukubli ang atletang walang ibang hinangad kundi ang tagumpay para sa koponan at buong Pamantasan. Berdeng selyo, tatak Lasalyano Klasiko kung maituturing ang kamisetang may tatak na DLSU ngunit hindi rito nagtatapos ang kahalagahan at kahulugan ng isang La Salle jersey lalo na para sa isang team captain. Bitbit ang pangalan ng De La Salle, may tatlong kwalipikasyong dapat taglayin ang isang atleta, ayon kay Parpan. “Patience, hardworking, [at] ability to bounce back right away. Yung tipong hindi mo hahayaang maglinger yung isang loss in your head,” pahayag ng manlalaro. Ang mga ito umano ang tatlong bagay na nahahasa at napayayabong sa kurso ng karera. Ngunit, para sa team captain, nararapat lamang na

pangatawanan na ito ng kapitan sa simula pa lamang dahil ito ang pundasyon ng koponan. Ani Parpan, “As much as possible, dapat I set an example to my teammates na hindi ako unang titiklop.” Mas matibay ang koponang may pundasyon. Sa labas ng kort, ito ang isa sa mga gampanin ng isang kapitan – pagiging poste n g g r u p o. K a p i t a n n g k o p o n a n ang pangunahing sandalan at tagapagbigay-solusyon at pagganyak na kinakailangan. K as ama rin s a gaw ain ni Te am Captain Parpan ang pagpapaalala ng mga kailangang gawin sa kanyang koponan at pagbibigay ng motibasyon bawat ensayo at laro. Madaling isipin, ngunit mahirap itong gawin sapagkat hindi pareparehas ang lahat ng miyembro. Bagamat may natatanging stratehiya ang bawat isa, lagi niyang sinusubukang lumapit sa paraang aakma at komportable para sa lahat. Hindi mapapantayan ang determinasyon ng isang team captain tulad ni Kyle Parpan. Sa kanyang natitirang eligibility year sa UAAP, marami pang nais maabot ang atleta hindi lamang para sa sarili kundi para rin sa Pamantasang De La Salle.

PINAGSUSUMIKAPAN ni Team Captain Kyle Parpan na makasungkit ng pwesto ang DLSU Green Tennisters sa nalalapit na pagtatapos ng UAAP Season 80 Lawn Tennis Tournament.| Kuha ni Ludivie Faith Dagmil

LEGASIYA | Mula sa p. 16

Tubong New Zealand ang six-foot-eight power forward na si Taane Samuel. Bilang bagong manlalaro ng DLSU Green Archers, pinaghahandaan na niya ang pagsabak sa susunod na taon. | Kuha ni Danish Fernandez

Pinag-ugatan ng lakas T u b o n g We l l i n g t o n , N e w Zealand si Taane Samuel na tumitindig sa taas na anim na talampakan at walong pulgada. Pagbabahagi niya, malaki ang naging impluwensya ng kanyang ama upang tahakin niya ang mundo ng basketball. Pitong taon na ang nakalipas magmula nang magumpisa ang kanyang karera sa larangang ito. Bagamat labingwalong taong gulang pa lamang, nahubog na siya ng kasanayan na nakamit mula sa international court. Naglaro siya bilang power forward para sa Kiwis sa 2017 International Basketball F e d e r a t i o n ( F I B A) U n d e r - 1 9 World Championship na ginanap s a C a i r o, E g y p t n o o n g Hu l y o. Pangalawa ang six-foot-eight New Zealander sa pinakamataas na nakapagtala ng puntos para sa koponan na may tangan na 12.1 points average per game. Dagdag pa rito, nakapagtakda rin siya ng humigit-kumulang 11.8 puntos at 7.2 rebounds sa 2015 FIBA Oceania Under-18 Championship. Sumabak na rin siya sa ilang torneo kasama ang DLSU Green Archers Team B sa Milcu Got Skills at Fr. Martin’s Cup. Ilan lamang ito sa mga patunay na malaki ang maaari niyang maiambag sa koponan sa mga susunod na taon.

Maaasahan siya pagdating sa puso at determinasyon sa paglalaro. Dagdag pa niya, “I put the team before myself.” Pagbubukas ng alamat Mabigat ang ekspektasyong nakapatong sa balikat ni Samuel buhat ng markang iniwan ni back-toback MVP Ben Mbala. Gayunpaman, hindi niya hinahayaang lamunin siya ng takot. Bagkus, nagsisilbi itong inspirasyon para pagbutihin pa ang paglalaro upang hindi madismaya ang buong pamayanang Lasalyano. Bagamat sinasabing siya ang susunod sa mga yapak ni Mbala, nais ni Samuel lumikha ng sariling tatahaking daan. Hangad niyang makilala bilang unang Taane Samuel at hindi bilang susunod na Mbala. “I don’t wanna be known as the next Ben Mbala. I want to start my own legacy,” sambit niya. Pagbubukas ng bagong kabanata Buhat ng pagiging bago sa bansa, sumailalim sa maraming pagbabago ang New Zealander tulad ng pagangkop sa kulturang Pilipino at p a g k a t u t o n g w i k a n g F i l i p i n o. Dagdag pa rito, ibinahagi niyang mas matagal ang training time niya sa Pilipinas kaysa sa New Zealand. Malaking bagay umano na lagi niyang kasangga ang kapwa Green Archers sa kanyang paglalakbay

bilang manlalaro. Pagbabahagi niya, “They just try to get to know me more. I’m just always open to hang out with them. [I’m] just trying to get more family vibe from the team.” Nagsisilbi ring ama-amahan si Coach Gonzales para kay Samuel. Sinisigurado ng coach na naipararamdam sa manlalaro na bukas ang pinto ng Green Archers para sa kanya. “He’s always in contact with me, always telling me what I need to improve, what I need to do to help the team,” ani Samuel. Sa bawat pag-alis, may bagong darating. Hindi ito ang katapusan ng Green Archers, bagkus, pagwawakas lamang ng isang kabanata sa kanilang aklat. Buhat nito, muling magbubukas ng panibagong yugto ang kampo upang magsulat ng bagong kasaysayan. Bagamat mga bagong mukha ang itatampok sa istorya, gayon pa rin ang nananalaytay na dugong berde at pusong Lasalyano. Magsisilbi rin itong pagsubok na maaaring mas magpaigting sa nag-aalab na hangarin ng crowd favorite na maipatong muli sa kanilang ulo ang korona. Tunay na kapanapanabik ang magiging kampanya ng crowd favorite sa kanilang pagsabak sa UAAP Season 81. “Just wait and see,” pagtatapos ni Samuel.


15

ISPORTS

Pagtuklas sa mga patakaran sa mundo ng atletang Lasalyano MARK PAULO GUILLERMO AT RAEZEL LOUISE VELAYO

KASIKATAN. Marahil ito na ang isa sa pinakamagagandang natatanggap ng mga atleta kapalit ng dugo, pagod, at pawis na kanilang iniaalay sa Pamantasan. Bukod dito, nakakukuha rin sila ng iba pang benepisyo kagaya na lamang ng pagkita ng sariling pera dulot ng mga endorsement offer na kanilang natatanggap. Isa sa mga simpleng gantimpala na maaaring makamit ng isang student athlete maliban sa pagiging manlalaro ng Pamantasan ang oportunidad na dala ng endorsements, gaya na lamang ng pagiging modelo at pagkakataong makapasok sa mundo ng showbiz. Gayunpaman, may limitasyon pa rin ang pagtanggap ng endorsements ng mga student athlete na naaayon sa mga patakaran at kondisyon na nakasaad sa kontratang napagkasunduan sa Pamantasan. Alituntunin sa endorsement offers Kaakibat ng pagiging sikat ng mga atleta sa kanilang larangan ang kanilang pagiging impluwensyal. Bunsod nito, kaliwa’t kanang mga kompanya ang nanghihingi ng kanilang suporta upang lalong mas makilala ng madla ang kanilang mga produkto. Ngunit, bago pa man sila tumanggap o pumirma ng kontrata sa mga nais magpaendorso sa kanila, kailangan muna nila itong ipagpaalam sa Office of Sports Development (OSD). “Yung patakaran natin [ay] simple, kailangan nilang isangguni sa opisina, bago sila tumanggap ng anomang endorsement,” ani Emmanuel Calanog, direktor ng OSD. Sinusuri rin ng OSD kung makasasagabal sa pag-aaral at pageensayo ng atleta ang posibleng

pagtanggap ng endorsement. Dagdag pa rito, kinakailangan nilang suriin ang mga endorsement para maiwasan ang hindi pagkakasundo sa ibang produkto at kompanyang kakontrata ng pamantasan sa kabuuan. Limitasyon sa pagiging student athlete Maaaring sabihing tunay na maswerte ang mga atleta ng DLSU dahil sa mga benepisyo gaya nalang ng scholarship, living allowance, at food allowance na ipinagkakaloob ng paaralan. Bunsod nito, sinusuklian ito ng mga atleta sa pamamagitan ng pagrerepresenta sa ngalan ng Pamantasan sa iba’t ibang liga at torneo gaya ng University Athletic Association of the Phlippines (UAAP). Isa sa mga tungkulin na dapat gampanan ng mga student athlete alinsunod sa kontratang kanilang pinirmahan ang pagsunod sa 12 minimum units na kailangan nila i-enroll sa loob ng isang termino. Bagaman walang grade requirements sa mga atleta, limitado lamang ang bilang ng mga subject na maaari nilang maibagsak. “Pero sa UAAP, ang minimum grade sa eligibility term is 60:40. [Kung] 12 units ka, pass 9 units out of 12. ‘Yun yung basic for UAAP eligibility,” paliwanag ni Calanog. Dagdag pa rito, may alituntuning sinusunod ang bawat atleta ng Pamantasang De La Salle upang manatiling opisyal na manlalaro. Kinakailangan ng lahat na pagigihin ang kanilang pag-aaral at maibalanse ang kanilang paglalaro sa ngalan ng unibersidad. Bilang mga student athlete, ang unang bagay na inaasahan sa kanila ang maipasa ang mga rekisito sa pagiging isang estudyante at hindi mapabayaan ang kanilang pinangakong tungkulin sa

pagrepresenta sa unibersidad. Dahilan nito, nililimitahan ng OSD ang pagkuha ng mga atleta ng endorsement na taliwas sa responsibilidad ng estudyante sa kanilang pag-aaral at paglalaro.

Gampanin ng isang atleta Isang malaking responsibilidad ng mga atletang Lasalyano ang pagsunod sa mga patakarang nakasaad sa kontrata. Hinggil sa pagkuha ng endorsement, ipinagbabawal ng OSD ang pagpasok ng mga student athlete sa mga kontrata na hindi akma sa palatuntunan

ng unibersidad. Dagdag pa rito, hindi pinahihintulutan ang mga atleta na sumali sa ibang torneo na walang basbas ng coach dahil maaaring mapabayaan ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral at responsibilidad sa koponan. Magreresulta sa pagkakatanggal ng benepisyo at pribilehiyo gaya ng scholarship, living allowance, food allowance, at iba pa ang paglabag sa mga palatuntuning nakasaad sa kontrata. Maaari ding matuloy ang paglabag sa pagkatalsik ng manlalaro sa koponan.

Maghigpit mang ipinapatupad ng OSD ang kanilang mga patakaran, gaya na lamang sa pagtanggap ng endorsements ng mga atleta, nag-iingat lamang ang opisina sa pagkilatis at pagapruba para hindi maapektuhan ang kalagayan ng atleta at ng buong koponan. Dahil dito, buo pa rin ang suportang ibinibigay ng OSD at wala silang ibang ninanais kundi ang masigurong natutugunang mabuti ng mga manlalaro ang kanilang mga responsibilidad bilang estudyante at atleta.

Dibuho ni Jeremiah Teope

L ADY SPIKERS | Mula sa p. 16 Dy matapos magpakawala ng daggerlike attack na sinundan ng isang majestic block kay Lady Eagle Kat Tolentino, 12-10. Pabor ang dalawang Technical Time Out (TTO) sa Taft-based squad sa huling yugto ng sagupaan. Siniguro na nilang hindi na aabutin pa ng ikalimang set ang laro at tuluyan nang kinuha ang panalo mula sa archrivals, 25-20.

Sa pagtatapos ng unang round ng torneo, dala ng Green and White team ang 5-2 panalo-talo kartada kasunod ng Lady Tamarraws. Marami pang laro ang aabangan sa defending champions gayong naniniwala ang koponan na kailangan pa nila ng sapat na ensayo upang mas mapatindi ang kanilang on-court performance. S a k a b i l a n g p a g k a p a n a l o, mapapansin pa rin ang ilang

pagkakataong nagingkompyansa ang Lady Spikers, dahilan upang makaabante ang kabilang koponan. “Sakit namin ‘yun e h . ‘ Yu n g a n d u n t a’ s b i g l a n g b i b i t a w. I t h i n k t h a t ’ s o n e o f the adjustments that we need t o w o r k o n ,” p a h a y a g n i D y. B u k o d p a r i t o, k a a b a n g abang din ang ipakikita ni Lady Spiker Setter Michelle

Cobb sapagkat bilang isa sa mga nangungunang best setter ng torneo. Sa katunayan, binanggit n i D e Je s u s n a k i n a u s a p n i y a ang manlalaro. “Magiging relax ‘yung team kung halimbawa relax [si Cobb] ‘yung piloto kung may direksyon at alam nung team. Kung relax ka, relax ang mga pasahero mo pero kung magpapanic ka, magpapanic

y u n g t e a m ,” p a g b a b a h a g i n i y a . Bilang mga manlalaro ni De Je s u s , s a n a y n a u m a n o s i l a s a personalidad niyang strikto tuwing may laban. “Hindi kasi ako mahilig pumuri ng player eh. Palagi ‘yung mistakes ang pinapansin k o s a k a n i l a . ‘ Yu n g m a l i y u n g s i n a s a b i k o ,” p a g t a t a p o s n g veteran coach.


16 PATNUGOT NG ISPORTS:

ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

Justine Earl Taboso LAYOUT ARTIST: Jerry Pornelos

ISPORTS

MARSO 2018

TINIBAG ng DLSU Lady Spikers ang depensa ng Ateneo Lady Eagles, 25-20, 25-17, 24-26, 25-20, sa una nilang pagkikita sa UAAP Season 80 Women's Volleyball Competition, Marso 3 sa Mall of Asia Arena. Bunsod ng pagkapanalo, lumapag ang koponan sa ikatlong pwesto tangan ang 5-2 panalo-talo kartada | Kuha ni Lyann Cabador

PANUNUMBALIK NG NATUTULOG NA ANGAS:

Lady Spikers, inasinta ang third seed ng first round; Lady Eagles, pinana! FHERY AHN ADAJAR AT MARIA JOSE ELUMBA

NIYANIG ng lagpas 18,500 katao ang Mall of Asia (MOA) Arena sa sagupaan ng makasaysayang Pamantasang De La Salle at Ateneo. Nagwagi ang DLSU Lady Spikers sa kanilang unang paghaharap ng Ateneo de Manila University (ADMU) Lady Eagles sa UAAP Season 80 Women’s Volleyball Tournament. Nakuha ng koponan ang panalo matapos ang apat na taong panunuyot sa arena, sa loob ng apat na set: 25-20, 25-17, 24-26, at 25-20. Pinangunahan ni Kim Dy ang koponan sa nalikom na 21 puntos mula sa 11 attacks, 7 blocks, at 3 aces.

Naglalagablab ang opensa ng L a d y S p i k e r s s a u n a n g y u g t o. Binuksan ni Captain Majoy Baron ang bakbakan at sinundan agad ni Michelle Cobb ng isang alas, 2-0. Hindi naman nagpahuli si Desiree Cheng na nagpakita ng angking galing sa service line, 4-1. Patuloy na nagpakita ng magandang floor defense at aggressive offense ang Green and White team na naging dahilan ng 8-point lead, 17-9. Sa kabila nito, sinubukan pa rin ng Lady Eagles na idikit ang laban ngunit hindi na nila kinaya ang lakas ng momentum ng defending champions, 24-19.

Tuluyang sinelyuhan ni Team Captain Baron ang yugto, 25-19. Ipinagpatuloy ng mga manlalaro n i H e a d C o a c h R a m i l D e Je s u s ang nasimulan sa unang yugto. Na g i n g d i k d i k a n a n g u n a n g bahagi ng laban nang magsagutan ng kill blocks at power attacks ang dalaw ang ko p o nan, 13-all. Sa sumunod na mga sequence, nagpaulan ng rumaragasang mga alas si Cheng mula sa service line, 20-13. Tuluyan nang umarangkada ang DLSU bunsod ng mas asintadong mga atake at airtight floor defense, 25-17. Sinubukang tuldukan ng Taft-

PAG-UKIT NG SARILING PANGALAN:

Taane Samuel, handa nang simulan ang sariling legasiya JEA RHYCAR MOLINA

PANGAMBA ang sumambulat sa pamayanang Lasalyano matapos ang sunod-sunod na balita tungkol sa pagkalagas ng mga miyembro ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 79 Champions DLSU Green Archers. Unang nag-anunsyo si UAAP Season 80 Most Valuable Player Ben Mbala ng kanyang pag-alis upang maglaro sa Mexican professional basketball team Fuerza Regia de Monterrey na kasalukuyang nakikilahok sa Liga Nacional de Baloncesto Profesional.

Kasunod nito ang paglitaw ng balita tungkol sa paglipat ni Mayhem Coach Aldin Ayo sa University of Santo Thomas. Matatandaang muling naghari ang berde at puti sa loob ng kort noong Season 79 matapos ang tatlong taong tagtuyot. Nagsilbing isa sa mga susi si Coach Ayo upang mabuksan ang Mayhem potential ng green-blooded players. Kamakailan lang, lumabas din ang opisyal na anunsyo ng Pamantasan tungkol sa pagkawala ng tatlong DLSU stars na sina Prince Rivero, Ricci Rivero, at Brent Paraiso buhat ng bagong patakaran hinggil sa advertisements. Lalong binalot ng takot ang mga tagasuporta

sa maaaring kahitnan ng Taft mainstays sa pagkalaho ng key players. Isang malaking dagok na kailangan harapin ng koponan ang paglisan ng mga nabanggit. Bagamat maaaring mapilayan ang Green and White squad, mananatiling nakatayo ang koponan sapagkat hahalili si Coach Louie Gonzales bilang bagong head coach habang pupunan naman ni Taane Samuel ang butas na dulot ng pag-alis ni Mbala. Magagampanan kaya ng power forward ang papel sa loob ng kort upang matiyak na nasa mabuting kamay ang Green Archers? LEGASIYA >> p.14

based squad ang bakbakan sa ikatlong yugto ngunit hindi pumayag ang Katipunan-based squad at ibinulsa ito. Bumangon ang Green and White team mula sa 10 puntos na bentahe ng kalaban, 11-21. Halos nanatili na si Lady Spiker Cheng sa service line buhat ng sunod-sunod na pagpuntos ng koponan at tatlong magkakasunod na service aces. Bunsod nito, napako ang iskor ng Ateneo samantalang nagpatuloy ang momentum ng La Salle, 21-all. Mas pinaigting pa ng DLSU ang kanilang depensa ngunit kinapos pa rin ang koponan na tapusin ang

laban. Ayon kay De Jesus, “Siguro mistakes ko ‘yun dahil nandun na ‘yung momentum, nagpalit ako ng setter, hindi nakapag-deliver ‘yung setter.” Dala nito, napilit ng Lady Eagles na sungkitin ang nasabing set, 24-26. Desido ang Lady Spikers na tapusin na ang laban sa ikaapat n a y u g t o. M a h i g p i t p a r i n a n g sumunod na mga aksyon sapagkat walang gustong magpalamang sa parehong koponan, 10-9. Mas lalo pang sumiklab ang galing ni Lady Spiker Kianna LADY SPIKERS >> p.15

HINDI TUMITIKLOP, LAGING PALABAN:

Pagsaludo kay Green Tennister Kyle Parpan MARIA JOSE ELUMBA AT KATHLEEN JHOANNE MARTINEZ

PAGBABABAD sa ilalim ng matirik na araw at pagsakop sa half alley– ilan lamang ito sa mga tinatahak ng mga pambato ng lawn tennis. Maliban sa pagiging atleta, isang lubak din sa kanilang karera ang pagiging estudyante. Sa bigat ng parehong responsibilidad, tibay ng galanggalangan ang kailangan. Nadapa man noong nakaraang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 79 Lawn Tennis Tournament ang Green Tennisters, ibang klaseng pag-arangkada naman

ang ipinapamalas ng Taft mainstays sa kasalukuyang Season 80 Tournament. Matapos ang dalawang taong tagtuyot, puso at determinasyon ang nagsilbing puhunan ng menin-green dahilan para muli silang magbalik sa momentum. “Minor setback, major comeback,” ika nga. Naging posible ang progresong ito sa pangunguna ni Green Tennister Team Captain Kyle Parpan. Sa likod ng isang spearheaded frontman Frontliner, match starter. Kilala siya sa pangalang Kyle Parpan, isa sa mga tagapagtaguyod ng Green TENNISTER >> p.14


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.