A N G PA H AYA G A N G
PLARIDEL
ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANG-MAG-AARAL NG PAMANTASANG DE LA SALLE
PEBRERO 2, 2018
TOMO XXXIII BLG. 1 BAYAN
BUHAY AT KULTUR A
ISPORTS
Kapalit ng pinataas na bilihin: PANGAKONG PAG-UNL AD AT GINHAWA SA BISA NG TR AIN L AW
Aliw na walang maliw: ISANG GABI SA MAKUL AY AT MALIKHAING MUNDO NG COMEDY BAR PERFORMING
Tindig ng mga magulang: PASILIP SA PANIBAGONG SULIR ANIN SA PAG - ARIBA NG DEFENDING QUEENS
TRASLACION 2018. Dinagsa ng milyon-milyong deboto ang Traslacion ng Itim na Nazareno na umabot ng mahigit dalawampu’t dalawang oras, Enero 9 sa Lungsod ng Maynila. | Kuha ni Kinlon Fan
PAGTULDOK SA REPRESENTASYON NG MGA MAGULANG:
Admin, hindi na kinikilala ang PUSO
JOYCE ANN DANIELES, HANNAH GABRIELLE MALLORCA, AT CLARIZ MENDOZA
PINUTOL ng Pamantasan ang koneksyon nito sa Parents of University Students Organization (PUSO) sa pagtatapos ng unang termino ng akademikong taon 2017-2018 matapos ang mabusising pag-aaral sa isyung kinaharap diumano ng naturang organisasyon.
Ayon sa ipinadalang sulat ni University Chancellor Dr. Robert Roleda kay PUSO President Atty. Dionisio Donato Garciano noong Nobyembre 29, kasabay ng di-pagkilala sa organisasyon ang posibleng pagtanggal sa mga benepisyong ipinagkaloob ng Pamantasan dito. Kabilang sa mga epekto nito ang hindi pangongolekta sa membership fees ng PUSO at hindi pagsali ng
organisasyon sa mga pagtitipon ng komite. Hindi na rin mabibigyan ng parking spaces ang mga kasapi nito at hindi magiging kabilang ang mga opisyal sa libreng group insurance na ibinabahagi ng Pamantasan. Maliban sa mga nabanggit, pinapatanggal na rin ng admin ang mga terminong “DLSU” at “De La Salle University” sa trademark ng PUSO. Hiniling din sa mga kasapi
SA PAGBUBUKAS NG IKALAWANG TERMINO:
ng organisasyon na ibakante ang opisina nito sa Br. John Celba Hall mula Disyembre 22, 2017. Kasabay rin nito ang pagsasauli ng mga identification card ng trustees sa kaparehong petsa. Pinag-ugatan ng alitan Nagsimula ang di-pagkakaunawaan ng admin at PUSO nang may nakarating na ulat sa opisina ng Chancellor at Vice President for Lasallian Mission
hinggil sa diumano pagbago ng bylaws at paglabag sa proseso ng eleksyon. Gayunpaman, ani Roleda, nagsimula ang paghihinala sa organisasyon nang makita ang pirma ni Garciano sa isang dokumentong naglalaman ng sensitibong impormasyon. Dahil dito, ipinatawag ni Roleda si Garciano sa pamamagitan ng e-mail PUSO >> p.3
PARA SA PAG-ASANG MULING MAKAGALAW:
USG, patuloy ang pagbibigay- Exoskeleton Project, handang umagapay sa mga pasyente serbisyo sa mga Lasalyano JUAN MIGUEL CANJA AT ALYSSA GERVACIO
PAMUMUNONG bukas at may malasakit sa mga estudyante – ito ang sinikap na isakatuparan noong unang termino ng University Student Government (USG) sa pamumuno ni Mikee De Vega bilang pinakamataas na opisyal. Bagamat napagtagumpayan nila ang kanilang mga plano para sa mga Lasalyano, kinaharap pa rin nila ang ilang suliraning nakaapekto sa kanilang pamamalakad. Bunsod nito, inihayag ni De Vega ang iba’t ibang planong inilatag ng student government sa ikalawang termino ng
kanilang panunungkulan. Ipinaliwanag niya ang magiging hakbang nila para mahikayat ang mas maraming Lasalyano na makilahok sa kanilang mga proyekto. Proyektong maka-Lasalyano Ayon kay De Vega, “ang opisina ng USG President ay nagbibigay-diin sa isang pamumunong bukas at may malasakit sa mga estudyante.” Umiikot ang kanilang mga proyekto sa pagrerepresenta sa mga Lasalyano, tulad ng programang ‘State of the Student Body Address’ na naglalayong magbigay-balita sa estado ng USG. Nagsagawa rin ang USG ng ‘Convention of Leaders’ na pinagtipon-tipon ang facebook.com/plaridel.dlsu
mga student leader para makuha ang kanilang tindig tungkol sa mga nais nilang maisaayos at maisakatuparan sa Pamantasan. Inilatag din nila ang Cross College Petition Assistance at Student Course Projection na hangad bumuo ng sistemang epektibong tutugon sa pangangailangan ng mga estudyante ukol sa kanilang mga klase. Kaugnay ng usaping University Break (Ubreak), sinubukan din ng USG ang pagkontra sa pagbabago sa pamamagitan ng paghingi ng lagda ng mga estudyante. Tumutulong din umano sila sa pagrerebisa USG >> p.3
plaridel.ph
ANDRE LEOPOLD NIDOY AT JOYCE ANN DANIELES
K I N I K I L A L A a n g A G A PAY: Exoskeleton Project ng DLSU Biomedical Devices Innovation and E-Health Research Group mula sa DOST – Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD) bilang kauna-unahang robotic arm sa Pilipinas. Nilalayon ng proyektong tumulong sa rehabilitasyon ng mga pasyenteng nakaranas ng stroke at iba pang malulubhang kapansanan. Kasama sa mga nagtaguyod ng AGAPAY sina twitter.com/plaridel_dlsu
Dr. Nilo Bugtai (project leader), Dr. Jade Dungao, Engr. Akexander Abad, Engr. Michael Manguerra, Paul Dominique Baniqued, Aira Patrice Ong, Winny Paredes, Arlyn Rascano, Maria Annyssa Perez, Eldrich Bong Valencerina, Carlos Matthew Cases, at Hanz Emmanuel Timbre. Pagbalik-tanaw sa pagsibol ng tagumpay Na b a n g g i t n i B a n i q u e d n a matagal nang nagsimula ang EXOSKELETION >> p.9
2
PATNUGOT NG BALITA: Robert Jao Diokno LAYOUT ARTIST: Robilyn Alemania
BALITA
ANG PAHAYAGANG PLARIDEL
ENERO 2018
LARONG GAWA NG LASALYANO:
Shots Fired, kinilala sa loob at labas ng bansa MIKHAIL PADILLA AT CHELCEED BENETTE VIERNES
PINAGKALOOBAN ng mga parangal sina William Dionio, III-BSCS, at Paolo De Jesus, III-BSCS, para sa kanilang nilikhang larong tinatawag na Shots Fired na nagwagi ng Best Overseas
Award sa WePlay 2017 noong Oktubre 27, 2017 sa Shanghai, China. Kabilang pa sa nasungkit ng laro ang Most Improved Game Award sa Geekend Galdiators, Electronic Sports and Gaming Summit 2017, Nobyembre 27, 2017 sa SMX Convention Center. Kwento ni Dionio, nagsimula ang produksyon ng larong Shots Fired
matapos niyang sumali sa isang uri ng hackathon na tinatawag na Game Jam. Magplano, magdisenyo, at gumawa ng isa o higit pang laro sa loob ng maikling panahon – ito ang mga layunin ng kompetisyong hackathon. Bunsod ng maraming positibong komento mula sa kompetisyon, naisipan ng grupong ituloy ang nasabing produksyon.
NAGSIMULA sa simpleng kasiyahan at katuwaan ang naging tagumpay ng mga Lasalyano na gumawa ng larong “Shots Fired” na nagwagi ng Best Overseas Award sa WePlay 2017(Shanghai, China) at Most Improved Game Award sa Geekend Gadiators, Electronic Sports and Gaming Summit 2017 (SMX Convention Center). | Kuha ni Danish Fernandez
Makalipas ng ilang buwan matapos sumama si Dionio sa Game Jam, kanilang tinanggap sa grupo si De Jesus na agad tumulong sa pagsasaayos ng disenyo ng laro. Ayon sa kanya, naging patok ang laro sa paligsahan dahil sa pixel art at game play nito. Pagkilala sa nagawang laro “A n g r e a s o n t a l a g a [ a y ] f o r fun,” sagot ni Dionio sa dahilan ng pagsali nila sa mga kompetisyon. Wika niya, mga katrabaho niya mula sa kanyang On-the-job training (OJT) ang nag-udyok sa kanyang sumabak sa Game Jam. Paglilinaw ni De Jesus, “We didn't exactly join competitions, we joined conventions where we were able to showcase our game to the public.” Dagdag pa niya, sumali sila sa mga convention para makakuha ng mga komento mula sa mga dumadalo at maipakilala ang kanilang laro. Sa kabuuan ng laro, hinahamon nito ang mga manlalaro na maging imbestigador sa mga pagpatay at pagnanakaw na bumabalot sa t a g p o. P a g l a l a h a d n i D e Je s u s , ang guhit at disenyo ng Shots Fired ang isa sa pinakaunang
napupuring katangian ng kanilang l a r o. P a r a n a m a n s a p a r e h o n g estudyante, sumasang-ayon sila na ang pop culture references na nasa loob ng laro ang tunay na n a g b i b i g a y - p e r s o n a l i d a d d i t o. Pagdidiin ni De Jesus, “The pop culture references and witty text in the game never fails to get a laugh out of the players.” Pagkatapos mabuo ang Shots Fired, plano ng parehong estudyante na maglabas pa ng m a r a m i n g l a r o s a h i n a h a r a p. Inaasahan nilang makagawa ng mga larong ikatutuwa ng mas marami pang manlalaro. Suliraning kinaharap A y o n k a y D i o n i o, i n a b o t n g halos dalawang taon ang paglikha ng kanilang laro at kasalukuyan pa rin itong tinatapos. Sa tagal ng panahong iyon, aminado ang parehong game developer na ang pinakamalaking problema nilang naranasan ang pagbabalanse ng pag-aaral, pagtrabaho sa kanilang laro, at ang paggawa ng kanilang thesis. Pagbabalik-tanaw ni D i o n i o, “ L a s t t e r m i t o, c r u n c h SHOTS FIRED >> p.9
PANUKALANG MAKA-LASALYANO:
Pagsilip sa ginagampanang tungkulin ng Legislative Assembly JUAN MIGUEL CANJA AT CHELCEED VIERNES
INILALATAG ng Legislative Assembly (LA) ang mga manifesto at resolusyong naglalayong makatulong para mailahok ang mga Lasalyano sa mga isyu sa loob at labas ng Pamantasan. Bilang pangunahing sektor ng University Student Government (USG) na gumagawa ng polisya para sa mga estudyante, hangad nitong makapagtaguyod ng mga panukalang nakatuon sa kapakanan at karapatan ng mga Lasalyano. Ng a y o n g t e r m i n o , n a i s n i Chief legislator Pia Ramin na mas magsilbing kinatawan ng mga estudyante ang LA. Titiyakin nilang mas mararamdaman ng mga estudyante ang pagtupad nila sa kanilang mga tungkulin bilang student leaders sa Pamantasan. Tungkulin sa mga Lasalyano Paliwanag ni Ramin, “Gumagawa kami ng mga resolusyon at manifesto upang tugunan ang isyu about anything that concerns the students and not only that, but yung mga stand ng USG regarding national issues and also the stands of the students or USG regarding the issues inside the university.” Bunsod nito, ipinarating niyang maaaring maikompara ang LA sa senado ng Pilipinas dahil sa pagkakahawig ng kanilang ginagampanang tungkulin.
Ibinahagi ni Ramin na may i b a’ t i b a n g s a n g a y a n g L A n a namamahala sa mga pananaliksik na kanilang isinasagawa. Kabilang sa mga komite ng assembly ang National Affairs (NatAff), Ethics Committee, Resolutions Monitoring and Management (RMM), Rules and Policies (RnP), at Students' Rights and Welfare (STRAW). Pagsasagawa ng mga pahayag ng LA tungkol sa mga pambansang isyu ang trabaho ng NatAff habang tungkulin naman ng Ethics Committee, RMM, RnP, at STRAW ang manaliksik sa mga isyung hinaharap sa loob ng Pamantasan. Patuloy rin ang pakikipagugnayan ng LA sa admin tungkol sa iba’t ibang usapin sa Pamantasan tulad ng student handbook revision. Bukod dito, kasama rin sa kanilang responsibilidad ang pakikipagtulungan kay University Student Government President M i k e e D e Ve g a p a r a m a g i n g boses ng mga estudyante sa mga napapanahong isyu sa loob at labas ng kampus. Pagproseso ng mga resolusyon at manifesto Paglalahad ni Ramin, pananaliksik ang unang aksyong ginagawa ng LA upang makabuo ng resolusyon o manifesto na tumutugon sa isang partikular na problema o isyu.
Sunod naman nilang ginagawa ang pangongolekta ng mahahalagang impormasyon m u l a s a i b a’ t i b a n g o p i s i n a s a P amantas an up ang s up o rtahan ang kanilang resolusyon. Aniya, “Kung related siya sa enrollment, pupuntahan ng LA’s yung OUR or yung academics council or Vice Chancellor for A c a d e m i c s ( V C A) a n d t h e y ’ r e going to get an interview para malaman kung bakit ganito yung process or yung rationale sa process and ipropose yung solutions na gusto nilang gawin for the students.” Mula sa mga nakuhang sagot ng LA sa mga nakapanayam, magsisimula silang
magpanukala ng mga solusyong naaayon para sa mga estudyante. Dagdag ng Chief Legislator, matapos maipasa ang isang panukala, ang Executive Branch ng USG ang bahalang magpatupad nito. Pagsubok sa trabaho Inilahad ni Ramin na ang kakulangan sa oras ang pinakamalaking problemang h i n a h a r a p n g L A . D a h i l d i t o, nahihirapan silang magsagawa ng pananaliksik sa mga paksang gusto nilang bigyan ng tindig. Nagkakaroon din ng problema ang LA sa mga papeles dahil mas mahigpit na ang mga opisina ng
Pamantasan, tulad ng Office of Career and Counseling Services (OCCS), sa pagbigay ng mahahalagang datos. Kinakailangan pa umanong gumawa ng liham sa Chancellor upang makapagpaalam tungkol sa pagkuha ng impormasyon sa bawat opisina. Kontribusyon sa Pamantasan A n i C h i e f L e g i s l a t o r, k a h i t na naging matagumpatay sila sa pagpapatupad ng ilang panukala noong unang termino, ipagpapatuloy pa rin nilang dinggin at ipaglaban ang karapatan ng mga Lasalyano. LA >> p.9
INILAHAD ni Pia Ramin, Chief Legislator ng Legislative Assembly (LA), ang iba’t ibang tungkuling ginagampanan ng LA. Hinikayat niya ang mga estudyante na maging mas aktibo sa mga gawain at usapin sa loob at labas ng Pamantasan. | Kuha ni Rovih Herrera
3
BALITA
PUSO | Mula sa p.1 noong Oktubre 12 para sa isang pagpupulong. Ayon sa Chancellor, layon nitong humingi ng pagkakataon na mapag-usapan at mabigyang-linaw ang isyung diumano kinasasangkutan ng PUSO. Nais din sanang maliwanagan ang admin kung nakalinya pa rin sa transparency, accountability, at inclusiveness ang mga pagbabago ng PUSO sa kanilang polisiya. Sa kabila nito, hindi pinaunlakan ni Garciano ang paanyaya ni Roleda. Batay sa sulat sa kanya noong Oktubre 25, nadismaya ang PUSO matapos hindi imbitahan ni University President Br. Raymundo Suplido FSC ang organisasyon sa panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng Pamantasan. Nakikita niyang tila may pinili nang kampo ang Office of the President at mas pinapaburan ang kabilang panig. Ipinaliwanag ni Garciano sa ipinadalang sulat noong Nobyembre 7 na hindi niya tinanggihan ang pagpupulong ngunit hindi niya nakikita ang katuturan sa pagsasailalim ng PUSO sa isang pagsusuri. Aniya, naniniwala siya sa kahalagahan ng pagiging "internal" ng mga ganitong klaseng usapin at kailangang ilagay sa maayos na pagpupulong sa pagitan ng organisasyon at ng admin. Katwiran ng admin Ayon kay Roleda, kumonsulta siya sa ilang sektor ng Pamantasan hinggil sa pagdinig ng isyu ng admin at PUSO bago ito maiparating sa President’s Council. Pagdepensa pa niya, “Dati maganda ang komunikasyon (sa PUSO) pero itong panahon na ito, hindi namin sila makausap eh [...] palitan lang ng sulat (ang komunikasyon) sa kanila [...] hindi ba kailangan talaga mag-usap (ngunit) hindi sila humaharap sa akin.”
Inilahad ni Roleda ang pagnanais niyang mapag-aralan ng kanyang opisina ang isyu dahil naniniwala siya sa kahalagahan ng pagiging bukas ng mga sektor ng Pamantasan sa isa’t isa. Dagdag pa niya, maaari namang maibalik ang dating samahan ng admin at PUSO ngunit kailangang magkaroon ng bukas na komunikasyon ang naturang organisasyon. Nakikita ni Roleda na hindi magiging hadlang ang pagputol ng samahan sa PUSO sa pagseserbisyo ng Pamantasan bunga ng pagiging bukas pa rin nito sa pakikipag-ugnayan sa sektor ng mga magulang. Paliwanag niya, “Ang pamamalakad naman ng unibersidad ay may proseso tayong sinusunod [...] dahil ang isyu lang dito ay ang PUSO ba ang nagrerepresenta sa mga magulang?” Bagaman nagsisilbing boses ng mga magulang ang PUSO, naniniwala si Roleda na may paraan pa rin para makipag-ugnayan sa mga magulang kahit wala na ang organisasyon. Aniya, maaari namang direktang makipagugnayan sa mga magulang mula sa talaan na hawak ng Pamantasan.
si Roleda hinggil sa isyu dahil maayos ang samahan ng organisasyon sa mga dekano ng Pamantasan. Ipinahayag pa ni Garciano na ihahatid ng PUSO ang isyu sa Commission on Higher Education (C H E D ) d a h i l u m a n o s a h i n d i pagpapatunay sa mga inilabas na paratang ni Roleda. Aniya, hihingi ang kanilang mga kasapi ng state order mula sa CHED. Sa kabila ng pagputol ng samahan sa PUSO, naniniwala si Garciano na mapapawalang-bisa ang mga akusasyon ni Roleda sa organisasyon. Dagdag niya, “PUSO is a 35-year-old organization [...] this is a form of harassment against us [...] we did not have these kinds of
problems with Dr. Ganairo before since he was in good terms with PUSO.” Estado ng dalawang panig Kasalukuyang pinoproseso ng admin ang mga susunod na hakbang matapos ng pagputol ng koneksyon sa PUSO. Sa kabilang banda, naniniwala ang PUSO na hindi matitigil ang pagsisilbi nito bilang boses ng mga magulang. Bagaman aminado si Roleda na nakatatanggap siya ng pagbatikos bunga ng isyu, naninindigan siya sa mga isinagawang hakbang ng admin. Pagtanggol niya, “Kailangan kasing tingnan mo rin ang sitwasyon at yung sistema mo ba ay naaayon pa sa sitwasyon [...] kailangan gumalaw ang
Depensa ng PUSO Matapos ang idinaos na Town Hall meeting hinggil sa pagbabago ng UBreak, nakatanggap ng sulat ang PUSO mula sa Chancellor hinggil sa pagputol ng ugnayan nila sa Pamantasan. Pagtanggol ni Garciano, “We have been asking as early as the first letter (about what DLSU-PUSO has done) [...] we have not received any response from them and what we got is this, our withdrawal of recognition.” Paglalahad ni Garciano, hindi nilinaw ng Office of the Chancellor ang mga isyu sa PUSO na kailangang mapagaralan. Naniniwala rin siyang walang matibay na ebidensya na maibibigay
(Pamantasan), hindi naman pwedeng maghintay na lang kami.” Sa kabilang banda, patuloy na patitibayin ng PUSO ang mga tungkulin nito bilang kinatawan ng mga magulang sa Pamantasan. Tindig ni Garciano, “That’s why we are not recognizing the letter, we question the letter [...] for us, this is just a mere scrap of paper [...] This is nothing, it does not affect us at all.” Sa pagkakalathala ng artikulong ito, hindi pa nakapagbigay ng tugon ang PUSO hinggil sa kinalabasan ng kanilang aksyon. Bunsod nito, asahang maglalabas ng artikulo ang Ang Pahayagang Plaridel na magbibigay-linaw sa naging pagtugon ng dalawang panig.
Dibuho ni Pavlo Aguilos
USG | Mula sa p.1 ng nilalaman ng student handbook upang mas matugunan ang pangangailangan ng mga estudyante. Kwento ni De Vega, nagkakaroon din sila ng konsultasyon sa mga estudyante gayong naniniwala silang nararapat unahin ang kanilang karapatan bilang pangunahing stakeholder sa Pamantasan. Tinitiyak din nilang mayroong sapat na pananaliksik ang bawat plano ng USG bago ito tuluyang ipatupad. Inamin ni De Vega na nagmumula ang ilan sa mga suliraning kinaharap ng student government sa ilang desisyon ng admin, tulad ng paglilipat ng Ubreak. Dahil dito, mas pinatatatag pa ng USG ang ‘lobbying culture’ o pagkuha ng mga opinyon mula sa iba’t ibang sektor bago bumuo ng desisyon. Hamong kinaharap Kwento ni De Vega, hindi naging madali para sa USG ang pagbuo ng isang matatag na ugnayan sa mga Lasalyano. Buhat nito, kinakailangan pa nilang pagsikapan ang pagkuha sa tiwala ng mga Lasalyano sa pamamagitan ng pagtupad ng mga tungkuling nakasaad sa konstitusyon. Pananalig niya, maaaring bumuti pa ang paghahatid-serbisyo ng USG kapag nagtulungan ang lahat para sa kapakanan ng mga estudyante. Isang malaking tulong ang pakikiisa ng mga Lasalyano sa mga proyektong inihahain para sa kanila. Ani USG President, hindi kaya ng mga opisyal ang lahat ng ito kung wala ang suporta at tiwala ng mga estudyante. Nananalig siyang mahihikayat ang mga estudyante sa pakikilahok sa mga plano ng student government kapag nakita nilang tunay na para sa kanila ang mga proyektong nakalaan.
Patutunguhan ng student government Saad ni De Vega, “Isa sa mga dapat abangan ng pamayanang Lasalyano ay ang full implementation ng Mental Health Act ng Legislative Assembly sa mga opisina ng Pamantasan tulad ng OCCS.” Aniya, ipinagsisigawan ng mga Lasalyano na magkaroon ng mga tinatawag na ‘safe spaces’ sa Pamantasan na naglalayong ipabatid sa mga estudyante ang kahalagaan ng mental health. Kaugnay naman ng akademiko, nais nilang paigtingin ang implementasyon ng course projection system na tutulong makakuha ng mga kinakailangang klase ng mga estudyante sa tuwing
panahon ng enlistment. Magpapatuloy rin ang paghingi nila ng opinyon sa mga estudyante para matukoy ang mga pangangailangan ng mga organisasyon sa DLSU. Bukod dito, dapat ding abangan ang ibang proyektong naglalayong patibayin ang kamalayan ng mga Lasalyano sa iba’t ibang isyung pambansa. Pananaw ng mga estudyante Kinuha ng Ang Pahayagang Plaridel ang opinyon ng mga Lasalyano ukol sa naging pamamalakad ng USG noong nakaraang termino. Bagamat nakapaghandog sila ng mga proyektong maka-estudyante, samu’t sari pa rin ang pananaw ng mga estudyante kaugnay ng kanilang pamamalakad.
Para kay Roselle Enriquez (113, AEFFIN), naging kapansin-pansin ang ilang proyekto ng USG tulad ng pagpapaskil ng mga anunsyo sa social media ukol sa enrollment, programa para sa mga scholarship, at iba pa. Nakatutulong, aniya, ito dahil naaabisuhan ang mga estudyante tungkol sa mga kasalukuyang nangyayari sa Pamantasan maging mga aksyong ginagawa ng USG para matugunan ang problema ng mga Lasalyano. Naniniwala naman si Allan Leo Illagan (113, BS-ISE) na naging aktibo ang student government sa paghingi ng mga opinyon at hinaing ng mga estudyante sa paggawa ng iba’t ibang panukala. Punto naman ni Danielle Cayabyab (115, BS-LGL), bagamat nahihirapan siya
UMIKOT sa mga proyektong isinasaalang-alang ang pagrepresenta sa sektor ng mga estudyante ang pangunahing isinagawa ng USG noong unang termino ng kanilang panunungkulan. | Kuha ni Venizze Co
sa pagbabago ng Ubreak, batid niyang ginawa naman ng USG ang lahat upang ipagtanggol ang karapatan ng mga Lasalyano. Sa kasamaang palad, hindi lang, aniya, napakinggan ng admin ang kanilang tindig ukol sa usapin. Hangad ni Cayabyab na pagbutihin ng student government ang kanilang transparency para sa ikabubuti ng mga estudyante. Pahayag naman ni Winona Dela Cruz (114, BS-ADV), hindi niya personal na kilala ang mga miyembro ng USG ngunit marami siyang naririnig na hindi magagandang komento tungkol sa kanilang pamamalakad. Dahil dito, nais niyang mas maging bukas pa ang mga opisyal ng student government sa mga isyung bumabalot sa kanilang unit. Nakulangan din si John Paul Verbo (115, BSA) sa pamamalakad ng USG noong nakaraang termino dahil hindi niya naramdaman ang kanilang presensya. Iminumungkahi niyang kailangang mas mailahok ang mga estudyante sa mga plano ng government unit sa hinaharap. Mensahe sa mga Lasalyano Pangako ni De Vega, patuloy silang gagawa ng paraan upang mas maging inklusibo sa mga estudyante ang USG. Naniniwala siyang kahit anong hamon man ang harapin ng student government, magagawa pa rin nilang magampanan ang kanilang mga tungkulin sa pakikiisa ng mga Lasalyano. “Gumagawa tayo ng isang USG na handang panindigan ang kanilang gawain at handang tuparin ang kanilang tungkulin ng walang kapalit, ngunit lahat ng tagumpay nito ay hindi magiging posible kung wala ang pakikilahok ng mga mag-aaral,” pagtatapos ni De Vega.
4
LAYOUT ARTIST: Danica Santos
ANG PAHAYAGANG PLARIDEL
OPINYON
ENERO 2018
Sistematikong pagbubuwis ang solusyon Kasabay ng bagong taon ang implementasyon ng Republic Act No. 10963 o mas kilala sa Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law. Alinsunod sa batas, tataas ang maiuuwi ng isang ordinaryong manggagawa dulot ng mas mababang personal income tax. Hindi na rin bubuwisan pa ang mga Pilipino na sumasahod nang hindi tataas sa P250,000 kada taon. Sa kabilang dako, aangat ang excise tax sa mga karaniwang kinokonsumo ng mga mamamayan gaya ng produktong petrolyo, inuming maaasukal, tabako, at iba pa. Kung susukatin, wala masyadong maidudulot ang TRAIN sa mga ordinaryong Pilipino na hindi nakatatanggap ng sahod. Mistula naghahain lamang ito ng bagong perspektiba sa paraan ng pagbubuwis sa bansa. Tiyak na apektado nito ang mga mamamayang may sariling negosyo, lalo na ang mga kabilang sa informal sector gaya ng mga magsasaka, mangingisda, tindero, tsuper, at iba pa. Kung papansinin, kabilang sila sa malaking bahagdan ng populasyon ng Pilipinas na nangangailangan ng pag-agapay mula sa mga kinauukulan. Hindi maikukubling ipinatupad ang batas dala ng mabuting hangarin – ang gawing “simple” at “mas patas” ang sistema ng pagbubuwis at makalikom ng malaking pondo para sa social at infrastructure drive ng administrasyon. Sa kabila nito, isang malaking hamon
para sa pamahalaan na ipaunawa ang layunin nila sa pagpapatupad ng TRAIN, lalo sa mahihirap. Tunay ngang responsibilidad ng gobyerno na matugunan ang mga pangangailangan ng apektado. Marahil, isang hakbang nila ang pagpapalawig ng Pantawid Pamilya Program para mahandugan ng cash transfers ang mahihirap. Tiyak na marami pa silang nakapilang proyekto para sa mga pamilyang hikahos sa buhay. Gayunpaman, hindi maituturing na epektibo ang pagpapatupad ng batas sa simpleng paghahatid ng tulong, marahil sa isa sa sampung Pilipino na apektado. Bunsod nito, kinakailangan magbalangkas ng plano ang gobyerno para mas maging sistematiko ang pagbubuwis. Tiyak namang mauunuwaan ng mga Pilipino ang mga layunin sa pagpapatupad ng TRAIN kung mag-uumpisa sa positibong pagbabago sa sistema. Nararapat maging mapagmatyag ang mga kinauukulan pagdating sa bayaran ng buwis. Wala dapat silang kinikilingan gayong salapi ng taumbayan ang sangkot sa usapin. Mahalaga ring kitilin na ang korupsyon sa iba’t ibang ahensya para mas mabatid ng mga mamamayan ang magandang epekto ng inihaing batas. Mahalagang isaisip ng administrasyon na walang patutunguhan ang TRAIN kung walang pinagbago sa kasalukuyang bulok at hindi matapat na sistema.
Asal, asal, nasaan ka? ANG PAHAYAGANG
PLARIDEL
M A H I R A P M A G B I N G I - B I N G I H A N S A K AT O T O H A N A N . M A H I R A P M A G S U L AT N G U N I T K I N A K A I L A N G A N .
LUPONG PATNUGUTAN PUNONG PATNUGOT PANGALAWANG PATNUGOT - OIC TAGAPAMAHALANG PATNUGOT PATNUGOT NG BALITA PATNUGOT NG ISPORTS PATNUGOT NG BAYAN PATNUGOT NG BUHAY AT KULTURA PATNUGOT NG RETRATO PATNUGOT NG SINING - OIC TAGAPAMAHALA NG OPISINA AT SIRKULASYON
Josee' Ysabella Abriol Jhuneth Dominguez Jaymee Lou Abedania Robert Jao Diokno Justine Earl Taboso Samirah Janine Tamayo Ezekiel Enric Andres Arah Josmin Reguyal Justine Klyne Ramirez Fhery Ahn Adajar
BALITA Juan Miguel Canja, Joyce Ann Danieles, Jenny Mendizabal, Clariz Mendoza, Chelceed Viernes ISPORTS Christen Delos Santos, Mark Guillermo, Miguel Paredes Leonardo, Lee Diongzon Martinez, Alexander Isaiah Mendoza, Jea Rhycar Molina, Zyra Joy Parafina, Raezel Louise Velayo BAYAN Raphael Antonio Amparo, Roselle Dumada-ug, Luis Bienvenido Foronda, Chriselle Leanne Gonzaga, Nicolle Bien Madrid, Claremont Mercado, Jeanne Veronica Tan, Aaron Lester Tee BUHAY AT KULTURA Claire Ann Alfajardo, Nia Marie Cervantes, Janine Espiritu, Kimberly Joyce Manalang, John Emer Patacsil, Roselle Sacorum, Donnelle Santos, Aireen Sebastian, Rexielyn Tan RETRATO Justin Ray Aliman, Judely Ann Cabador, Juan Paulo Carlos, Ludivie Faith Dagmil, Kinlon Fan, Jeld Gregor Manalo, Vina Camela Mendoza, Nicole Venice Rey SINING Nesreen Adrada, Pavlo Aguilos, Robilyn Alemania, Aramina Batiquin, Patricia Cometa, Angelo Edora, Kelcey Loreno, Jerry Pornelos, Leon John Reyes, Danica Santos, Syyidah Shah, Patricia Sy, Jeremiah Teope, Ricka Valino
"Nararapat lamang na maging akma sa iyong paligid ang iyong ikinikilos— respeto, ika nga nila." Hindi akma at hindi nakatutuwa ang pagbahid ng kalaswaan sa isang banal na pagdiriwang. Tradisyon na kung ituring sa Pilipinas ang pagsalubong sa iba’t ibang Pista sa pamamagitan ng sari-saring masasayang mga gimik. Hindi na lamang limitado sa karaniwang selebrasyon ang pagdaraos ng mga mahahalagang pagdiriwang na ito. Katulad ng Sto. Niño Ati-Atihan Festival sa Kalibo, Aklan, hindi natapos ang kasiyahan sa maiingay na tambol at makukulay na damit ng mga nakiisa sa parada. Nagdaos din ng Mr. and Ms. Bikini Ati-atihan upang makapagbigay ng dagdag na aliw para sa madla. Umani ng batikos mula sa mga tao ang nasabing patimpalak matapos kumalat ang video clip ng isang lalaking rumarampa at sumasayaw habang nakasuot ng
malaswang pambaba. Bagamat hindi intensyong babuyin ng mga organizer ang Pista ng Sto. Niño, nagmistulang bar ang lugar ng selebrasyon. Kahit saang anggulo mo tingnan ang nangyaring e s k a n d a l o, w a l a n g m a b u t i n g naidulot ang pangyayari lalo pa’t may mga kabataan sa patimpalak na pinagdausan. Hindi man ako lumaking relihiyoso tulad ng iba, alam kong lubhang taliwas sa paniniwala at moralidad ng isang Katolikong Pilipino ang nangyari sa nasabing pageant na bahagi ng pagdiriwang sa pagbibigaypugay sa batang Hesukristo. Maugong sa bansa ang transpormasyon mula sa konserbatibong lipunan patungo sa lantarang kaisipan ng mga Pilipino sa kasalukuyan. Ayon sa karamihan, nakabubuti ang ganitong pagkakaroon ng malawak
SENYOR NA KASAPI Hannah Gabrielle Mallorca, Mikhail Padilla SENYOR NA PATNUGOT Michelle Dianne Arellano, Lalaine Reyes Tagapayo: Dr. Dolores Taylan Direktor, Student Media Office: David Leaño Sekretarya, Student Media Office: Ma. Manuela Soriano-Agdeppa Para sa anomang komento o katanungan ukol sa mga isyung inilathala, magpadala lamang na liham sa 5F Br. Gabriel Connon Hall, Pamantasang De La Salle o sa APP@dlsu. edu.ph. Walang bahagi ng publikasyong ito ang maaring mailathala o gamitin sa anomang paraan nang walang pahintulot ng Lupong Patnugutan.
ANG
DAKILANG
LAYUNIN
at bukas na kaisipan ng mga Pilipino s a m g a b a g a y - b a g a y. K a u g n a y n i t o, o n t i - o n t i n a n g n a g i g i n g karaniwan para sa atin ang mga usaping sekswal. Aminin man natin o hindi, madalas, ito ang sentro ng mga katatawanang kwentuhan ng mga magkakaibigan. Hindi ko sinasabing negatibong transpormasyon ito para sa bansa. Sa katunayan, pabor at hindi ako tutol sa ganitong klase ng kaisipan. Gayunpaman, katulad ng paulit-ulit na inilalahad ng isang kasabihan, ang lahat ng sobra, may idudulot na hindi maganda. Nararapat lamang na maging akma sa iyong paligid a n g i y o n g i k i n i k i l o s — r e s p e t o, ika nga nila. Sa madaling salita, sa isang pagdiriwang na katulad ng Atiatihan, bigyang pakahulugan natin ang totoong esensya ng selebrasyon bago magsagawa ng gawaing pagsisisihan natin. Hindi naman mahirap pag-isipan ang isang malaking hakbang bago ito tuluyang iapak sa sahig. Magsaya, gumiling, at maglumpisay ka kung nasa tamang lugar ka. Marahil, nasa demokratikong bansa tayo at walang pipigil sa’yo sa pagtamo mo sa sarili mong depinisyon ng kasiyahan. Sa kabilang dako, huwag dapat nating kalimutang hindi nagtatapos sa salitang “ako” ang tunay na kaligayahan. Mas ramdam ang pagiging masaya kung walang tinatapakang paniniwala, katauhan, at relihiyon.
Ang Ang Pahayagang Plaridel ay naglalayong itaas ang antas ng kamalayan ng mga Lasalyano sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga usaping pangkampus at panlipunan. Naniniwala itong may konsensya at mapanuring pag-iisip ang mga Lasalyano, kinakailangan lamang na mailantad sa kanila ang katotohanan. Inaasahan ng Plaridel na makatutulong ito sa unti-unting pagpapalaya ng kaisipan ng mga mag-aaral tungo sa pagiging isang mapagmalasakit na mamamayan. Sa pamamagitan ng paggamit ng sariling wika, nananalig ang Plaridel na maikintal sa puso at isipan ng mga Lasalyano ang tunay na diwa ng pagiging Pilipino.
5
OPINYON
Magic in numbers: Mabuti o hindi? "Hindi numero ang susukat sa kakayahan bilang indibidwal." Tangkad, bigat, at grado sa eskwelahan. Iilan lamang ito sa mga bagay na pinaggagamitan ng numero — simpleng numero ngunit nakapaghahatid ng ligaya o lumbay sa isang tao. Ginagawa nang sentro ng karamihan sa mga tao ngayon ang mga bagay na dulot ng mga simpleng numerong ito. Sa panahon ngayon, lubos na pinahahalagahan ang pisikal na hitsura lalo na ng mga kabataan. Patunay rito ang lubos na pamamayagpag ng mga produkto tulad ng makeup. Nais ng halos lahat na maging singganda, singgwapo, singseksi, at singkisig ng kanilang mga iiniidolong artista. Naglipana ang mga imahe sa ibaibang social networking sites ng mga sikat na personalidad. Bunsod nito, marami ang nahahalina sa kanila at pilit na pinagtatrabahuhan ang minimithing katawan. Isa sa mga isyung pinagtutuonan ng pansin ng isang indibidwal ang kanyang katangkaran. Hindi
na bago para sa mga Pilipino ang mga komentong, “Grabe buti ka pa, umabot ng 5ft. Ako nga 4’11 lang eh.” Nasa lahi nating mga Pilipino ang hindi gaanong katangkaran. Gayunpaman, marami ang nagnanais na tumangkad upang maging “kaayaaya” para sa iba. Sikat na sikat sa Pilipinas ang l a r o n g b a s k e t b o l . B u h a t n i t o, marami ang umiidolo sa mga nagtatangkarang atleta mula National B a s k e t b a l l A s s o c i a t i o n ( N B A) , Philippine Basketball Association (PBA), National Collegiate Athletic Association (NCAA), University Athletic Association of the Philippines (UAAP), at iba pa. Para sa kanila, malaking ambag ang katangkaran upang maging singgaling ng kanilang mga hinahangaan. Kaugnay nito, hindi na rin bago ang mga istoryang tulad ng hindi pagsunod sa pangarap bilang stewardess o flight attendant at iba pang mga trabaho na kinakailangan ng height requirement.
Pagmamadali tungo sa kapahamakan "Hindi lahat ng bagong likhang produkto ay dapat agadagad na gamitin lalo na kung kulang pa ang mga pagaaral tungkol sa masamang epekto nito." Habang tinatalakay ng aking propesor ang paksang virus sa asignatura naming Cell Biology, napukaw ng aking atensyon ang salitang “Dengvaxia” nang mapunta ang diskusyon sa bakuna. Pagpapatuloy niya, ito ang kaunaunahang bakuna laban sa dengue virus. Sa kasamaang palad, mayroon pala itong masamang epekto sa mga taong hindi pa nagkaroon ng dengue noon. Nabahala rin siya na baka magkaroon ng masamang impresyon ang ilang Pilipino sa pagpapabakuna ng kanilang mga anak. Lubos kong ikinagulat nang makapagbasa ako ng mga artikulo patungkol sa isyu ng Dengvaxia sa Pilipinas. Disyembre 2015 nang aprubahan ng gobyerno ang pagbebenta ng naturang bakuna sa bansa habang Enero 2016 naman nang maglaan ng mahigit 3 bilyong piso ang pamahalaan para sa programang Dengvaxia Immunization. Layon ng naturang programa na bawasan ang tumataas na bilang ng kaso ng dengue sa pamamagitan ng pagbibigay ng bakuna sa mga batang edad siyam hanggang sampu sa mga pampublikong paaralan.
Matapos lamang ng isang taon nang masimulan ang programa, naglabas ng babala ang kompanyang gumawa ng Dengvaxia, Sanofi, na nakasasama ito sa mga taong hindi pa nagkaroon ng dengue noon. Tinatayang aabot sa halos 800,000 kabataan mula sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, at Cebu ang naturukan nito. Sa kasalukuyan, patuloy rin ang imbestigasyon sa 14 na kabataan na hinihinalang namatay dahil sa Dengvaxia. Pinagmulta rin ang kompanya ng 100 libong piso at nasuspinde rin ang sertipiko ng rehistro nito sa bansa. Bilang tugon ng pamahalaan, agad na itinigil ang programang Dengvaxia Immunization. Nakipag-ugnayan na rin ang Department of Health (DOH) sa mga kinatawan ng Sanofi at nagkasundo na ibabalik nito ang halos 1.18 bilyong piso kapalit ng lagpas 1.8 milyong vials ng Dengvaxia. Sa tingin ko, parehas na mayroong pagkakamali ang Sanofi at ang gobyerno sa insidenteng ito. May kasalanan ang Sanofi dahil sa paglalabas ng Dengvaxia nang walang
Dati pa lamang, problema na ring maituturing ang timbang ng mga tao. Bukod sa dahilang gusto nilang maging malusog, maaaring ibig sabihin din nito ang pagiging fit at seksi gaya ng mga iniidilong artista. Sari-saring aktibidad at ehersisyo ang ginagawa nila upang makamit ang kanilang “body goals”. Dahil dito, agad na makikita sa ngiti nila ang kasiyahan sa bawat pagbaba ng numerong nakikita nila sa timbangan. Bilang mga mag-aaral, hindi maiiwasan na damdamin ang mga markang nakukuha sa paaaralan. Gayunpaman, malungkot isipin na marami sa kanila ang nakalilimot sa tunay na esensya ng pag-aaral. Sinesentro ng karamihan ang kagustuhang makakuha ng mataas na marka at kinaliligtaan na ang mas importanteng bagay ang matuto. Mas mabuti na ang 75% na marka nang mayroong 6/8 na natutunan kaysa sa 99% na marka sa 1/8 na natutunan, mapa-akademiko man ito o emosyonal na aspeto. Muli, mga simpleng bagay tulad ng numero, kayang kaya magbigay ng poot at ligaya sa tao. Sa kabila nito, hindi sapat ang kongkretong bagay na ito upang idikta kung sino ka. Sa dami ng taong pumapaligid sa iyo, walang sinoman ang mas nakakikilala sa sarili mo kung hindi ikaw lamang. Hindi numero ang sumusukat sa kakayahan bilang indibidwal. Maaaring maging batayan ito ng karamihan sapagkat ito ang nakagisnan. Sa huli, dapat salaain ang mga bagay na makaaapkekto sa iyo. Dapat alalahanin na isinasantabi ang mga negatibo para sa iyo nang sa gayon, makita ang bawat bukas bilang pagkakataon para sa pagbabago sa mas mabuting ikaw. kasiguraduhan kung ligtas ito sa mga taong hindi pa nagkakaroon ng dengue. Sa kabilang banda, may kasalanan din ang gobyerno dahil sa pagsasagwa ng Dengvaxia Immunization Program kahit hindi pa lubusang sinusuportahan ng World Health Organization (WHO) ang pagsasagawa ng national immunization program gamit ang nasabing bakuna. Samakatuwid, ang pagmamadali sa proseso ang puno’t dulo ng problemang ito. Tila, nangyari na nga ang nangyari at dapat na lamang gawin ng ating gobyerno at ng Sanofi ang mga hakbang upang ayusin ang problemang naidulot ng Dengvaxia. Sang-ayon ako sa suhestiyon ni Representative Arnolfo Teves Jr., kinatawan mula Negros Occidental, na dapat magbigay ng tulong ang Sanofi upang sagutin ang pagpapaospital ng mga kabataan na biktima ng naturang bakuna. At dahil napag-alaman naman na epektibo ang Dengvaxia sa mga nagkaroon na ng dengue, sang-ayon rin ako sa rekomendasyon ni health secretary Francisco Duque III at mga eksperto mula sa Philippine General Hospital na ipagpatuloy ang bakuna sa mga estudyanteng nagkaroon na noon ng dengue at nabigyan ng Dengvaxia. Na w a’ y m a g i n g a r a l i t o s a bawat isa sa atin na hindi lahat ng bagong likhang produkto ay dapat agad-agad na gamitin lalo na kung kulang pa ang mga pagaaral tungkol sa masamang epekto nito sa katawan ng tao. Um a a s a r i n a k o n a m a g i n g kritikal ang mga Pilipino na hindi lahat ng bakuna ay masama. Bagkus, epektibo at ligtas pa rin ang ibang bakunang aprubado ng WHO at ng DOH.
Alipin sa sariling lupa "Nakalulungkot isipin na hindi nakaiintindi ng wikang Filipino ang ilang banyaga sa bansa kahit na matagal na silang naninirahan dito." Masyado nating tinitignan ang pagkakamali ng iba habang tayo mismo, may pagkukulang din. Binuhay ng insidenteng nangyari sa isang patimpalak sa telebisyon ang isipan ng mga Pilipino tungkol sa hindi pagsasalita sa wikang Filipino ng mga banyagang naninirahan o namamalagi sa bansa. Dulot nito, nagkaroon ng samo’t saring reaksyon ang mga Pilipino sa pangyayari. Sa sitwasyong ito, sino nga ba ang may pagkakamali? Nakalulungkot isipin na hindi nakaiintindi ng wikang Filipino ang ilang banyaga sa bansa kahit na matagal na silang naninirahan dito. Tila ba binibigyan ako nito ng ideya na hindi sila interesadong mas makilala pa ang Pilipinas at ang kultura nito. Kung ikokompara ang mga Pilipino na dumarayo sa ibang bansa, kalimitang mapapansin na lagi silang may baong mga salitang banyaga. Ihinahanda nila ang kanilang sarili dahil alam nilang hindi sila magkakaintindihan ng mga lokal sa ibang bansa. Dito sa Pinas, may mga dayuhan naman na kakikitaan talaga ng pagsusumikap na makapagsalita ng wikang Filipino kahit nahihirapan. Gayunpaman, may iilan ding tila ba hindi na ito binibigyang-importansya dahil alam nilang kayang magsalita ng karamihan sa Ingles. Masisisi nga ba natin silang mga dahuyan kung hindi sila nakapagsasalita ng wikang Filipino? Masisisi nga ba natin sila kung masyado nilang pinahahalagahan ang kanilang sariling wika – na kahit saan sila magpunta, iyon pa rin ang ginagamit nila? Naaabuso na raw tayong mga Pilipino dahil tayo parati ang kumikilos upang mas mapagaan ang buhay ng mga dayo sa ating b a n s a . Na k a t a t a k n a m a r a h i l sa ating pagka-Pilipino ang pagiging mapagbigay sa kapwa at pagkakaroon ng maayos na pakikitungo sa ating mga bisita. Maihahalintulad ito sa tuwing may darating na kamag-anak mula sa ibang bansa at pinatitira sa kanilang munting tahanan. Karaniwang mapapansin na ang bisita ang pinatutuloy sa kwarto at nakatutulog nang mas mahimbing kaysa sa may-ari. Sila ang nagkakaroon ng mas komportableng buhay samantalang hindi na magkanda-aligaga ang may-ari sa paghahanda ng mga pangangailangan ng kanilang mga bisita. G aniton g-gan ito tayong mga Pilipino. Kahit sa pakikipagusap, sila pa rin ang prayoridad. Pinababayaan natin silang magkaroon ng komportableng buhay sa pamamagitan ng pagsasalita ng Ingles samantalang nakapagbibitiw naman ng mga
k a t a g a n g , “ n o s e b l e e d n a a k o” , “wow, speaking dollars,” at iba pa ang karaniwang Pilipino na hindi sanay sa pagsasalita ng Ingles. Kasalanan ba ang pagiging masyadong mapag-aruga ng mga Pilipino sa mga dayuhan? Kasalanan bang maituturing ang kulturang dumadaloy na sa ating mga dugo? Matinding impluwensya ang naiwan sa atin ng mga dayuhan, lalong-lalo na ang mga sumakop sa atin sa nakaraan. Nakaligtaan na natin ang ilang tradisyon at mas tinatangkilik na rin natin ang mga gawang-abroad. Umabot pa ito sa punto na kung saan nawawalan na rin ng pagmamahal ang mga Pilipino sa kanilang sariling wika dahil sila mismo, hindi sinasalita ang wikang atin; sila mismo may mababang pagtingin sa sariling atin. Bakit nga ba magsasalita ang mga dayuhan ng Filipino kung tayo mismo, hindi ito ginagamit? Kung nakamamangha ang mga banyaga na nananatili pa ring nagsasalita gamit ang kanilang sariling wika, nakapanlulumo namang tumataas ang bilang ng mga Pilipino na pinalalaki ng kanilang mga magulang na Ingles ang pangunahing lengwahe dahil sa paniniwalang nandito ang magandang kinabukasan. Kung babalikan ang insidenteng nangyari sa banyagang kinondena sa h indi pagsasalita sa wikan g Filipino kahit na naninirahan na sa bansa ng halos sampung taon, masasabi kong may punto ang kanilang mga argumento na may pagkukulang din ang dayuhan. Nakatulong ang iba’t ibang pananaw ng mga Pilipino upang magising ang isyu sa pagsasalita ng sariling wika. Ng u n i t h u w a g d i n s a n a n a t i n g kalimutan na may sariling kultura ang nasabing banyaga. Katulad ng sinabi kanina, nakalulungkot na hindi nila lubusang mararanasan ang ating kultura kung hindi nila susubukang salitain ang wikang atin. Tayo mismo, may pagkukulang din. Noon pa lamang, pinababayaan na nating gawin nila iyon kung kaya’t nakatatak na sa kanilang isipan na ayos lamang na hindi na nila kailangang matuto mag-Filipino. Kailan nga ba natin magiging prayoridad ang ating mga sarili? Hindi masama na mag-Ingles tayo para sa kanila ngunit mas maganda na hikayatin natin silang matutong magsalita sa Filipino. Tumulong tayo sa pagpapalaganap ng wikang sarili. Isaisip din na kung sakali mang may dapat kondenahin sa insidente, hindi ang banyagang nabanggit kundi tayo mismong mga Pilipino na hindi sinasalita ang wikang dapat minamahal natin.
6
PATNUGOT NG BAYAN: Samirah Janine Tamayo LAYOUT ARTIST: Jerry Pornelos
BAYAN
ANG PAHAYAGANG PLARIDEL
ENERO 2018
NAGNANAIS ang China Telecom na buwagin ang ilang taong pamamayagpag ng duopolyong Huawei at PLDT sa pamamagitan ng pagtatatag ng ikatlong mobile telecommunications provider sa Pilipinas. |Kuha ni Jeld Gregor Manalo
Usad pagong na internet, may kinabukasan pa ba? NICOLLE BIEN MADRID AT JEANNE VERONICA TAN
M
abubuwag na ang duopoly ng Globe Telecom at Smart Communications matapos buksan ang pinto sa mga nagnanais humamon sa mga higanteng kompanya. Binigay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakataong ito sa China matapos ang bilateral talks nila ni Chinese Premier Li Keqiang. Na p i l i n g p a n g u l o a n g C h i n a dahil sa paniniwalang mayroon silang kapital at teknolohiya upang magawa ang tungkuling ito. Ayon sa tagubilin ng Pangulo sa National Telecommunications Commission (NTC) at sa Department of Information and Communications Technology (DICT), dapat magkaroon na ng ikatlong telco player sa unang bahagi ng 2018. “If it is not approved within seven days, it is deemed approved. That’s how serious the President is in the entry of a third telecoms player,”ani Presidential Spokesperson Harry Roque sa Palace Briefing noong December 19, 2017.
Inihayag ni Acting Information and Communication Secretary Eliseo Rio, sa isang cabinet meeting noong Disyembre 2017, na pinili ng China na ipasok sa Pilipinas ang China Telecom, isang kompanya sa ilalim ng state-owned China Telecommunications Corporation. B u h a t n i t o, k i n a k a i l a n g a n p a rin nito maghanap ng kasosyo sa isang lokal na kompanya sa Pilipinas upang masunod ang 60-40 ownership requirement ng Saligang Batas. Kalidad ng internet sa bansa Hindi ito ang unang pagkakataon na may sumubok sa duopoly ng Globe at PLDT telecom. Noong 2007, tinangka ng ZTE Corporation na magtayo ng national broadband network ngunit hindi ito natuloy dahil sa mga paratang ng katiwalian laban sa kanila. Hindi rin natuloy ang plano ng San Miguel na pumasok sa industriya matapos mabigo ang sosyohan nila sa Telstra, isang telcom carrier mula sa Australia. Nararapat lamang na magkaroon ng bagong telecommunications company sa ating bansa upang
mapunan ang demand na hindi naibibigay ng mga kasalukuyang telecommunications provider. Ayon sa datos ng DICT, 59% ng Pilipino, 72% ng mga kabahayan, at 74% ng mga pampublikong paaralan ang walang access sa internet. Ibig sabihin, malaki pa rin ang market ng telecommunication sa ating bansa. Sa patuloy na pag-unlad ng mundo, naging pangangailangan na ang telecommunication sa pang a r a w- a r a w n a p a m u m u h a y n g mamamayang Pilipino. Sa huling tala ng OpenSignal, isang mobile network research firm, pang 74 sa 77 na bansa ang Pilipinas sa pinakamabagal na internet sa m u n d o. S a p a n a y a m n a m a n n g CNN Philippines sa OpenSignal, hindi lamang bilis ng internet ang problema sa ating bansa kundi pati na rin availability o kasalatan ng internet sa ibang rural na lugar. Lalago ang ekonomiya ng Pilipinas kung mapabibilis ang internet. Kung mananatili ang kasalukuyang mabagal na internet sa bansa, hindi magiging episyente ang pagtakbo ng mga negosyo. Ayon sa artikulo ni Nick Hastreiter,
Darating ang panahong hindi na ikahihiya ng mga Pilipino ang serbisyo ng internet sa bansa kompara sa ibang bansa sa Asya.
manunulat ng Huffington Post, maraming oras ng mga empleyado ang nasasayang at lumiliit ang kita ng mga negosyo dahil sa mabagal na internet. Kasalukuyang hakbang ng mga telco Ngayong 2018, nagkaroon ng partnership ang Huawei sa Smart Communications, ang mobile u n i t n g P L D T. Na g k a k a h a l a g a ang partnership na ito ng P1.4 billion. Ito ang unang hakbang sa programa ng PLDT para mapabuti at maisaayos ang kanilang fixed at wireless infrastructures. Ayon sa napagkasunduan ng dalawang telcom, aayusin ng Huawei ang online charging at electronic loading ng prepaid subscribers. Pagtiyak ni PLDT Chairman at CEO Manuel Pangilinan sa panayam niya sa Inquirer, “This partnership will e n a b l e P L D T G r o u p’ s w i r e l e s s services under the brands PLDT, Smart, Sun and TNT to become much mor e agile, ef f icient and resilient in developing and delivering a growing array of digital services.” Mayroon ding mga kompanyang interesadong buwagin ang duopoly ng PLDT at Globe. Isa na rito ang National Transmission Corporation ( T r a n s C o) n a p i n a t a t a k b o n g gobyerno ng Pilipinas. Ayon sa TransCo, may mga kompanyang nagnanais na makisosyo sa kanila, subalit magagawa lamang nila ito kung papayag ang Kongreso na baguhin ang kanilang charter.
Interesado rin ang Philippine Telegraph & Telephone Corporation (PT&T), isang maliit na internet provider sa NCR at k a l a p i t n a l u g a r, n a k u n i n a n g posisyon ng pagiging ikatlong major telco sa bansa. May 500 kilometrong redundant fiber optic r o u t e s a n g P T & T s a i b a’ t i b a n g bahagi ng Metro Manila at sa p a l i g i d n i t o. K a p a g n a k a k u h a sila ng partner, mamumuhunan sila sa sa bagong fifth generation t e c h n o l o g y o 5 G t e c h n o l o g y. Angkop na solusyon ng pamahalaan Hindi maikakaila ang halaga ng komunikasyon sa lahat ng tao sa modernong panahon. Mapapansing nakasalalay sa internet ang karamihan ng mga negosyo sa daigdig dahil sa patuloy na paglaganap at pagbubuti ng teknolohiya. Gayunpaman, nakalulungkot isipin na isa ang Pilipinas sa pinakamabagal na internet sa Asya. Kailangan humabol ng ating bansa upang hindi mapag-iwanan ng ibang rehiyon sa mundo sa pag-unlad. Ilan sa mga rekomendasyong inihayag ni Mary Grace MirandillaSantos, independent ICT researcher at consultant, sa 1st Philippine Telecoms Summit, na kailangan maglaan ng gobyerno ng pondo para sa pagpapatayo ng passive infrastructure para sa komunikasyon. Makakatulong ang mga passive infrastructure TELECOM >> p.9
7
BAYAN
PAGKUBLI SA NATATAGONG PANGANIB:
Legalisasyon ng Medical Marijuana, sinaliksik ROSELLE DUMADA-UG AT LUIS BIENVENIDO FORONDA
M
atapos ang tatlong taon, nahahati pa rin sa dalawang panig ang sambayanan sa legalisasyon ng medical marijuana. Bagamat napatunayan na ng World Health Organization (WHO) ang benepisyo sa paggamit nito, tinitimbang ng House of Representatives ang kaukulang pakinabang at kahinaan ng pagmamando ng nasabing gamot sa bansa. Matatandaang ipinanukala ni Honorable Rodolfo Albano III ang House Bill No. 180 o Philippine Compassionate Medical Cannabis Act noong nakaraang
Hunyo 2016. Layunin ng nasabing batas na isakatuparan ang paggamit ng Cannabis bilang lunas sa iba’t ibang karamdaman. Nagkaisa ang House Committee on Health sa pag-endorso ng kontrobersyal na panukala matapos makonsulta ang mga pasyente at practitioner sa nararapat na pangangalagang pangkalusugan. Sa kasalukuyan, 29 na estado sa Amerika ang nagmando ng cannabis bilang isang gamot pangmedikal. Pinagtibay nila ang legalisasyon batay sa mga ebidensya na nagpapatunay ng kakayahan ng Cannabis bilang panggamot sa Parkinson’s disease, PTSD, epilepsy, at iba pang mga sakit at kondisyon.
Lunas sa karamdaman Naglabas ang WHO ng ulat noong Disyembre na hindi nakakapagdulot ng implikasyon sa hayop at tao ang paggamit ng marijuana. Anila, isang alternatibong gamot sa larangan ng propesyonal na medisina ang medical marijuana o pharmaceutical na cannabidiol. Hindi pa gaano kinikilala ang paggamit nito sa bansa dahil umano sa limitadong pananaliksik sa paggamit nito. Nakapanayam ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) si Dr. Jerome Navarro, M.D., isang otolarygytologist na dalubhasa sa Internal Medicine at paggamit ng medical marijuana sa panggagamot. Ayon kay Navarro, “Kadalasan sa mga matatanda, [mayroong] chronic limber pain [kung saan]
NAGPAPATULOY ang diskurso ng pamahalaan at mga dalubhasa ukol sa pagpapatupad ng House Bill No. 280 o “Philippine Compassionate Medical Cannabis Act” na pinahihintulutan ang paggamit ng medical marijuana sa bansa. | Kuha ni Vina Camela Mendoza
sumasakit ang kanilang mga likuran at nahihirapan sila maglakad.” Makakatulong din umano ang marijuana sa mga taong may epilepsy, osteoarthritis, at pananakit sa katawan. Paliwanag ni Navarro, sa paggamit ngmarijuana,“Silaaymare-relax,mabawasan ang pagsusuka at tsaka [makakatulong para hindi sila maging] agitated.” Binanggit ni Dr. Leonor CabralLim, head ng Health Sciences Center University of the Philippines (UP) ang pagtutol ng institusyon sa paggamit ng nasabing gamot. Naglabas naman ng pahayag ang Health Sciences Center ng UP na tinututulan nila ang legalisasyon ng medical marijuana sa bansa noong nakaraang Nobyembre 15. Ani Cabral-Lim, “Walang sapat na ebidensya na nagpapatunay na mabisa ang marijuana bilang lunas sa anomang sakit. May mga lumilitaw na datos tungkol sa pagiging mabisa ng medical marijuana sa ilang kondisyon, subalit hindi pa rin sapat ang kasalukuyang ebidensiya upang matugunan ang mga hinihingi sa pagkuha ng regulatory approval.” Pahayag pa ng karatula ng UP Health Sciences Institute, “Makialam sa mga benepisyo at pinsala ng cannabis! Tutulan ang medical cannabis legalization!” Sa panayam ng APP kay Dr. Luis Sy, Jr., M.D., isang epidemiologist, “Should marijuana be legalized, it should only be permitted for use for those people who are prescribed to use it. These would range from people suffering from neurological disorders, seizures, PTSD, psychological disorders and others, but as the drug can be abused, it should be regulated strictly and should only allowed to be prescribed by licensed doctors.”
Para kay Sy, hindi sapat ang pahayag ng WHO para makumbinsi ang gobyerno na ipatupad ang paggamit ng marijuana. “I have read articles claiming that marijuana is successfullyusedintreatingsomeneurological disorders and PTSD. But as an employee of DOH and a citizen of a government that doesn’t allow it, I don’t support the use of marijuana as medicine for any disorder,” depensa niya. Pangkat na makagagamit Sakaling maipasa ang House Bill No. 180 o ang Medical Marijuana Compassion Bill, kinakailangan magkaroon ng mga pamantayan upang panatilihin ang responsableng paggamit nito. Suhestiyon ni Sandra Fernando, engineering student mula sa DLSU, “Siguro [maganda yung sistema tulad nang ginagawa] ng Mercury Drug ngayon [na gamitin ng gobyerno]. Kasi parang one time may pinapabili sa akin si mommy na antibiotics e diba kailangan ng prescription? [...] Kailangan ng mga prescription para maibigay talaga at hindi siya mapunta sa maling kamay.” Hindi naman nagkakalayo ang opinyon ni Fernando kay Talaguit. Ani Talaguit, “I would say yung mga pasyente [na may kailangan lang talaga ang] pinapayagan lang. Yun ang pwede kong sabihin na responsable. Kasi minsan kasi meron yung mga nagooverdose. Pag walang prescription baka magoverdose ka ng gamot diba kaya ganun.” Ayon kay Navarro, dapat mayroon lamangdemograpiyangtaonamakagagamit ng gamot kung sakaling maging legal ang medical marijuana. Paliwanag ni Navarro “Kailangan ang paggamit nila [mayroong] MEDICAL MARIJUANA >> p.8
PAGBABALIK-TANAW SA MGA NAGDAANG TRAHEDYA:
Mga panukala hinggil sa kaligtasan ng mga manggagawa, sapat na ba? CLAREMONT MERCADO AT RAPHAEL ANTONIO AMPARO
N
akamamatay na ang trabaho. Ito ang naging tindig ng Kilusang Mayo Uno (KMU) matapos ang naging pagsunog sa NCCC Davao Mall noong nakaraang Disyembre 23. Kapansin-pansin na sa kabila ng iba’t ibang programa ng administrasyon, hindi pa rin nawawaksi ang malubhang kalagayan ng mga empleyado sa mga pagawaan. Bukod sa pagiging kontraktwal ang karamihan, hindi pa rin lubusang nabibigyan ng solusyon ang mga problemang kaakibat ng kaligtasan sa paggawa. Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority, mahigit 47,400 ang nasawing mga manggagawa sa trabaho noong 2013. Tumaas umano ng 0.3% ang bilang ng mga namatay sa trabaho kompara sa bilang ng mga namatay noong 2011. Ayon pa sa mga labor group, kulang pa rin ang mga patakaran upang matiyak ang kaligtasan ng mga manggagawa. Bukod dito, hindi maikakailang hindi pa rin nabibigyang-hustisya ang mga trahedyang nangyari sa mga pagawaan. Bagamat taon na ang lumipas, wala pa ring hustisya para sa mga nasawing manggagawa ng Kentex at HTI. Trahedya ng NCCC “Katarungan sa mga biktima ng sunog sa NCCC Mall! Katarungan sa mga manggagawang Pilipino!” tindig ng KMU.
Hindi lamang pakikiramay kundi patuloy na paghingi ng hustisya ang inialay ng mga manggagawa at mga unyon para mga nasawi sa sunog sa NCCC mall. Noong nakaraang Disyembre 23, naitalang 38 katao ang namatay sa sunog sa nasabing mall. Ayon sa Bureau of Fire Protection, hindi na naabot ng mga bumbero ang ikaapat na palapag ng gusali sapagkat hindi kinaya ng kanilang protective gear ang init ng temperatura. Tinataya namang P1.6 bilyon ang naitalang pinsala ng sunog. Sa panayam ng Rappler sa mga awtoridad, nagsimula umano ang sunog sa ikatlong palapag ng gusali. Dahil dito, nakulong sa nasusunog na gusali ang karamihan sa mga manggagawa ng Survey Systems International (SSI), isang business process outsourcing (BPO) sa ikaapat na palapag ng gusali. Binubuo naman ng mga manggagawa ng Survey Systems International (SSI), isang American business process outsourcing (BPO), ang kalakhan ng mga nasawi matapos makulong sa nasusunog na gusali. Ayon sa KMU, nabuklat sa pagsisiyasat ng gobyerno at labor groups na hindi pasado ang SSI sa safety standards. Nagdulot ng pinsala sa mga manggagawa ang negosyo dahil hindi umano ito sumunod sa fire code at occupaional safety and health standards ng bansa SSI: Wala sa ilalim ng DOLE Matapos ang trahedya sa NCCC, ikinasa ang mga imbestigasyon upang mabigyang-linaw ang mga naging salik sa pagkamatay ng mga manggagawa. Ayon
sa Business Process Outsourcing Industry Emlpoyees Network (BIEN), nararapat siyasatin ang pagsunod ng NCCC at SSI sa occuational safety standards gayong hindi dapat napakaraming manggagawa ang makukulong sa nasusunog na gusali kung mayroong early warning system at sapat na fire exits. Sa panayam ng Ang Pahayagang Plaridel kay Silvestre Bello, kalihim ng Department of Labor and Employment (DOLE),inaminniyanghinditalagamadaling
harapin ang sitwasyon. “It’s a complicated issue,” aniya. Ayon pa kay Bello, wala sa ilalim ng DOLE ang mga kompanya na nasangkot sa trahedya. Nasa ilalim umano ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang pagsasagawa ng occupational safety standard inspections sa SSI. Bagamat hindi pumasa ang SSI sa mga patakaran ng PEZA, hindi pa rin natigil ang operasyon nito. Nakita sa imbestigasyon ng Interagency Task Force at ng mga labor rights group na wala
ring fire safety and inspection certificate ang kompanya. Bilang tugon sa nangyaring krisis sa NCCC, naglabas ng utos ang DOLE na maipawalang-bisa ang Memorandum of Agreement (MOA) na ibinibigay ng PEZA sa awtoridad ng SSI. “The call center is out of jurisdiction of DOLE. The previous administration allowed a Memorandum of Agreement to be issued MANGGAGAWA >> p.8
Dibuho ni Ricka Valino
8
ANG PAHAYAGANG PLARIDEL
ENERO 2018
KAPALIT NG PINATAAS NA BILIHIN:
Pangakong pag-unlad at ginhawa sa bisa ng TRAIN Law CHRISELLE LEANNE GONZAGA AT AARON LESTER TEE
K
inakailangan ng pagbabago upang magkaroon ng progreso ang bansa. Pinaniniwalaang pagbabago bilang solusyon sa kahirapan ang nagpanalo kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa kanyang mga adhikain. Isa sa kaniyang adhikain ang mapabuti ang impastraktura ng bansa, na makikita sa kanyang 10-point socioeconomic agenda. Buhat nito, para matupad ng administrasyong Duterte ang pangakong “Ginuntuang Taon ng Imprastaktura” sa ilalim ng Build! Build! Build! (BBB) Project, nirebisa nila ang sistema ng pagbubuwis sa bansa. Matatandaang inilatag ni House Representative Dakila Carlo Cua ang House Bill No. 4774 o ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law noong Enero 2017. Pahayag ni Cua, sa ilalim ng TRAIN, magiging mas payak, patas, at mabisa ang sistemang pagbubuwis. Ayon kay Senator Sonny Angara noong Abril 2017, matagal nang panawagan ng sambayanan na babaan ang porsyento ng pagbubuwis at padaliin ang proseso nito. Buhat nito, pinasimple ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagkuwenta ng buwis sa pamamagitan ng paghati ng tax table sa anim na kategorya. Kinakailangan na lamang hanapin ng mga taxpayer ang kanilang kabuuang suweldo kada taon sa pinadaling bahagdan ng tax table. Gayunpaman, kapalit nito, tinanggal sa pagkalkula ng buwis ang tax exemption tulad ng dami ng dependents, o marital status ng isang indibidwal. Kapalit naman ng pagrebisa sa tax tables ang pagtaas ng mga pangkaraniwang bilihin tulad ng gasolina, tabako, asukal, at Value Added Tax (VAT). Sa usaping gasolina, kapag mas marami ang gasolinang nakokonsume, mas malaki ang buwis na ipapataw rito. Mawawala rin ang ilang tax exemption katulad ng upa sa mga residential unit, domestic shipping importation, mga boy scout at girl scout, at mga nabibilang sa mga kooperatiba maliban sa nagbebenta ng mga agrikultural na produkto. Ayuda sa pangangailangan Sa ilalim ng TRAIN, hindi na papatawan ng income tax ang mga empleyadong kumikita ng P250,000 pababa kada taon habang may iba’t ibang porsiyento naman ng
income tax ang mga empleyadong kumikita ng P250,000 pataas. Bagamat bumaba ang income tax, sa pagtaas ng buwis ng ilang bilihin, mas marami ang maiipong pondo ng gobyerno sa bagong tax reform kaysa sa nakaraang sistema. Inaasahan ng rehimeng Duterte na sa pamamagitan nito, makalilikom sila ng P134 bilyong piso ngayong taon. Ayon sa panayam ng A n g Pahayagang Plaridel kay Tereso Tullao, Direktor ng Angelo King Institute, mekanismoangnagingpagbabagosasistema ng buwis upang matagumpay na makamit ng administrasyong Duterte ang malalaking proyekto nito. Pagtiyak ni Tullao, “Ang makokolektang buwis ay para tugunan ang mga proyekto ng pamahalaan tulad ng kakulangan sa imprastraktura, magandang daan, paliparan, at daungan. Kung ito’y mapabubuti, mas magiging kaaya-aya ang Pilipinas ‘di lamang sa mga dayuhang negosyante ngunit kahit sa mga lokal na negosyante.” Ibinahagi naman sa Rappler ni Mon Abrea, founder ng Abrea Consulting Group and Center for Strategic Reforms of the Philippines, na mapupunta ang 70% ng makokolektang buwis sa mga proyektong imprastraktura ng gobyerno. Samantala, “The remaining 30% will be used to fund social mitigating measures like the additional P200 unconditional cash transfer for the poorest 10 million households, and other social welfare benefits and programs,” ani Abrea. Implikasyon sa sambayanan Matamis na pangako ng kasalukuyang administrasyon ang pinaginhawang kinabukasan sa ilalim ng TRAIN. Para kay Delos Santos, propesor ng Political Science Departament sa DLSU, hindi umano makatuwiran ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin kahit pa tumaas ang kita ng mga manggagawa. Aniya, dinaan lang ng pamahalaan sa pagtaas ng buwis ng ibang pangkaraniwang bilihin ang dapat na makukuha sa income tax. Dagdag niya, mahihirapan maramdaman ng mga manggagawa ang pagbabagong sinasabi ng gobyerno kung hindi mag-iimpok. Diin ni Delos Santos, “Anti-poor [ang TRAIN] dahil maapektuhan pati na rin ang mga taong hindi naman apektado ng tax exemption.” Paglalarawan pa niya, “Katulad ni manong fishball na wala namang income tax. Sa pagtaas
MEDIC AL M ARIJUANA | Mula sa p. 7 limitasyon. Hindi siya [dapat] magiging over-the-counter, at [...] dapat hindi ito accessible sa lahat ng tao.” Dagdag pa niya, tanging doktor lamang ang dapat ang maaaring magbigay ng riseta at sa tawag lamang ng pangangailangan ito gagamitin. Pahayag naman ni Sy, “I think that one way it can be regulated is if there would be major legal producers and that they would strictly provide only for hospitals or clinics where patients are prescribed to use marijuana.” Pagsulyap sa hinaharap Sa kasalukuyan, hindi pa alintana sa sambayanan kung mayroong pangangailangan para sa legalisasyon ng marijuana. Dala na rin ng War on Drugs ng administrasyong Duterte, nag-aalinlangan ang malaking bahagi ng bansa sa pagsasabatas ng Philippine Compassionate Medical Cannabis Act. Sakaling maisabatas ang paggamit ng medical marijuana, pahihintulutan ng gobyerno ang pag-angkat at pagpasok ng cannabis sa bansa at makapag-
aambag ito sa pagpapalawak ng pag-aaral sa kasalukuyang gamot ng bansa. Gayunpaman, taliwas sa adbokasiya ng rehimeng Duterte ang pagsasabatas ng marijuana. Maaaring malagay sa peligro ang mga Pilipino buhat ng malaking suplay ng droga. Mainam na bago pag-usapan ang pagmando ng Cannabis sa panggagamot, busisihin muna ng gobyerno ang mga ebidensya at pag-aaral na mayroon ukol dito. Kinakailangan na masiguro muna kung makatutulong ba ito sa sakit na pinapasan ng maraming Pilipino. Tulad na lamang sa kaso ng Dengvaxia, nararapat na matiyak muna ng pamahalaan ang paglehitimo ng isang gamot. Ayon nga sa pahayag ng UP Health Sciences Institute, “Hindi kailangan ang bagong batas para sa legal na paggamit ng marijuana. Pinatutunayan ng mga pagaaral sa ibang bansa na ang legalisasyon ay humahantong sa mas mataas na maling paggamit nito...] Matibay ang ebidensya mula sa mga pag-aaral na ang marijuana ay nakakapinsala sa kalusugan.”
Dibuho ni Jeremiah Teope ng mga bilihin, bumababa ang kanyang buying power.” Samo’t saring reaksyon mula sa mga mamamayan ang naging bunga ng pagtanggal ng tax exemption sa ilalim ng TRAIN. Ayon kay Delos Santos, maraming pamilya sa bansa ang mapeperwisyo sapagkat mawawala na ang proteksyon sa kanila ng gobyerno laban sa labis na pagbubuwis na dulot ng pag-alis ng dami ng dependents sa tax exemption. Depensa ni Tullao, pinasimple ng BIR ang imposisyon ng buwis upang maiwasan ang malimit na isyu ng korupsyon at pandaraya. “May ibang mga taxpayers na hindi nagaupdate ng kanilang [kasalukuyang] status. Halimbawa, yun pala mga anak nila ay bente-singko anyos na, dini-declare pa rin nilang dependent. Nalulugi doon ang pamahalaan kaya puwede pang ma-audit yung mga mamamayan sa pagbayad ng tax.” Batid pa ni Tullao, dahil naging payak na ang sistema, hindi na mabibigyan ng pagkakataon ang mga kawani ng BIR na gumawa umano ng katiwalian. “Kasi nga, maaaring gamitin ng mga tagaloob ang kanilangmgakapangyarihanparamakakuha ng anoman sa mga taxpayers. Magkakaroon kasi ng interaksyon sa pagitan ng reviewer at magbabayad ng buwis. Kung malinaw lamang na ito lang ang babayaran mo, wala silang maano sa’yo,” paliwanag niya.
Pakikipagkalakalan ng bansa Dulotngpababagosapresyongmerkado, tinatayang magbabago ang antas ng Gross Domestic Product at Gross National Product ng bansa ngayong taon. Ani Delos Santos, mas mainam na maging mabusisi sa presyo ng mga bilihin ang mamamayan upang makapili ng pinakamura at magandang kalidad ng mga produkto. Sa panayam niya, naniniwala siyang mas bababa ang demand ng mga produktong lokal na may kamahalan ang presyo. Pangamba niya, “Pwedeng bumaba din ang ekonomiya dahil bumaba rin ang consumption ng mga tao.” Sa kabilang banda, wala namang nakikitang problema si Tullao sa kabuuang bilang ng dayuhang aangkat ng cheap labor sa hinahaharap. “Ang mga foreign investors tinitignan nila hindi yung presyo ng bilihin kundi ang presyo ng paggawa o presyo ng mga manggagawa,” paliwanag niya. Benepisyal sa mga manggagawang Pilipino ang pinalaking taripa sa pag-angkat. Saad ni Tullao, lalaki ang malilikom na kita ng mga producer sa pag-aangkat sa bisa ng TRAIN Law. “Halimbawa, kung magiging mahal ang mga produkto sa loob ng bansa dahil sa buwis o sales tax, maeenganyo ang mga tao umangkat. Kasi nga kung ang isang produktong gawa sa Pilipinasay nagkakahaga ng isang daan tapos
papatawan mo ng 12% tax, ang magiging halaga ay P112,” paglalarawan pa niya. Buhat ng pagbabago sa alokasyon ng buwis, lalo na sa pagbaba ng income tax, mas magmumura ang labor fee ng mga manggagawa. Magkakaroon ng interes ang mga dayuhang kumuha ng mga manggagawang mula sa ating bansa at magkakaroonngoportunidadangmaraming Pilipino na makakuha ng trabaho. Kahihinatnan ng mga Pilipino Sa tulong ng TRAIN, mapadadali ang pag-iimpok ng gobyerno. Wika nga ni Tullao, “Malawak ang tinatawag nating multiplier effect.” Bagamat nagmahal ang presyo ng mga bilihin, tumaas naman ang kita ng mga manggagawa. Magkakaroon din umano ng paglago sa ekonomiya ng bansa dulot ng mga proyekto ng pamahalaan sa hinaharap. Paramatamasaangtunaynabenepisyong hatid ng TRAIN Law, kinakailangan ng epektibongpaggamitngmalilikomnapondo. Kungmapagtatagumpayannggobyernoang mga plano nito sa BBB, hindi lamang lalawak ang bilang ng mga trabahong mailalaan sa sambayanan kundi mapaparami rin ang mga dayuhan na mamumuhunan sa bansa. Gayunpaman, kung mabigo ito, hindi mapupunan ng gobyerno ang porsyento ng mga Pilipino na maghihirap dulot ng mababa nilang buying power.
M ANGGAGAWA | Mula sa p. 7 so that SSI was under PEZA,” wika ni Bello. Bukod sa pagpapawalang-bisa sa MOA, sinuspinde na rin ang operasyon ng SSI at NCCC. Gayunpaman, batid ni Bello na hindi agad-agad mawawakasan ang problema ng bansa sa labor safety. Aniya, nahihirapan mismo ang DOLE sa implementasyon pa lamang ng mga kasalukuyang patakaran nito. Kakulangan ng gobyerno Batay sa mga patakaran ng Business Cessation and Closure ng DOLE, dapat ipasara o ipatigil ang operasyon ng mga negosyong hindi sumusunod sa labor safety standards. Bukod dito, inaasahan din ng DOLE na susunod ang mga nagmamayari ng mga negosyo sa safety standards at labor law standards. Sa kabila nito, ayon kay Bello, hindi madali ang proseso sapagkat kulang ang mga labor law compliance office sa bansa. “There are less than 900,000 business establishments but only 570 labor law compliance offices,” ani Bello. Bunsod nito, kadalasang hindi nasusunod ang mga patakaran ng DOLE sapagkat hindi
nahuhuli ang mga negosyo na lumalabag sa batas. Dagdag pa ni Bello, maraming mga negosyo ang patuloy na tumatakbo kahit na dapat maipasara na ang mga ito. Upang matugunan ang kakulangan ng tao at labor law compliance offices sa DOLE, iminungkahi umano ng DOLE na madagdagananglaborlawcomplianceoffices sa ilalim ng 2017 budget. Gayunpaman, pahayag ni Bello, “Humingi kami ng 200 more but it wasn’t granted.” Pagtugon sa problema “Heads must roll over the NCCC-SSI tragedy. It is enraging that workplace infernos that result in workers’ deaths continue to happen with impunity,” wika ni Lito Ustarez, KMU Vice President. KinondenarinngKMUangnagingtugon ng gobyerno sa trahedya. “No wonder this tough talking President remains mum over his crony’s responsibility for SSI workers’ deaths. All he could do was shed crocodile tearsandhypocriticallycallforaninvestigation which actually only aims to free Lim Tian Siu, the Davao LGU, the DOLE, the PEZA and
his administration from any accountability,” ani Ustarez. Patuloy na nananawagan ang mga mangagagawa ng hustisya para sa mga manggagawa ng SSI pati na rin sa lahat ng mga nasawi sa pagawaan. Ayon kay Ustarez, hindi pa rin nabibigyan ng hustisya ang mga manggagawang namatay sa sunog sa HTI at Kentex. Bunsod nito, nakiusap na sila sa gobyerno para magtaguyod ng mga batas na pananatilihin ang kaligtasan ng mga Pilipino sa mga pagawaan. Nagsumamo rin ang KMU sa pagpasa ng Occupational Safety and Health Bill para sa kapanan ng mga manggagawa. Bagamat epektibo na ang labor orders na nagbibigay ng sitting break at nagbabawal ng mandatory high heels, binanggit ni Bello na marami pang maaaring gawin para sa kapakanan ng mga manggagawa. Dagdag pa niya, dapat hindi lamang ligtas ang mga manggagawa; dapat nakagagalaw rin sila ng maayos sa trabaho. “Wewillnotremainsilentwhileemployers and the government connive to put our lives in peril for the sake of bigger profits,” pagtatapos ni Ustarez.
9 L A | Mula sa p.2
EXOSKELETON | Mula sa p.1
BAGONG PAG-ASA ang hatid ng mga inhinyero, doktor, biologists, at estudyanteng kabilang sa Exoskeleton Project ng DLSU Biomedical Devices Innovation and E-health research group na gumawa ng kauna-unahang bionic arm sa bansa. | Kuha ni Juan Paulo Carlos pananaliksik ng Manufacturing Engineering and Management (MEM) tungkol sa rehabilitation project ng DLSU Biomedical Devices Innovation and E-Health Research Group. Ani Baniqued, “Nagreach out ako kay Dr. Nilo […] tapos may pinabasa siyang project tungkol sa rehabilitation robot na ginawa nung 2010, so matagal na talagang may research tungkol dito. Pero joystick lang ‘yun. So dun nagsimula. “ Isinalaysay ni Baniqued na nahahati sa dalawa ang exoskeleton project. Una, ang AGAPAY Arm na kanyang kinabibilangan, at ikalawa ang “Automated Portable Rehabilitation Orthosis for Hands” o APRO Hand nina Ong, BS-MS MEM graduate, at ang ECE undergraduate thesis group nina Perez, Valencerina, Cases, at Timbre. Para matiyak na magiging ligtas at epektibo ang exoskeleton, nakikipag-ugnayan din ang k o p o n a n n g A G A PAY P r o j e c t sa ilang doktor ng Department of Rehabilitation Medicine ng Philippine General Hospital (PGH) na sina Dr. Jose Alvin Mojica, Dr. Christopher Constantino, at Dr. Jeremy Flordelis. Matapos ipakita ng koponan nina Baniqued ang kanilang proposal, nakatanggap sila ng funding mula sa DOST – Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD). Sa kasalukuyan, nasa phase 2 o safety testing na ang proyekto at sisimulan ang ikalawang bahagi sa Disyembre. Matapos nito, agad namang gagawin ang kanilang phase 3 o clinical trials na ipasusubok sa mga aktwal na nakaranas ng stroke. Ayon kay
Baniqued, ₱6,630,390 ang naging badyet ng koponan para sa paggawa ng prototype. Mga kinaharap na balakid sa daan “A n g p i n a k a m a b i g a t n a pagsubok sa paggawa ng device ay kung papaano ito maging ligtas at epektibo sa mga pasyente,” wika ni Baniqued kaugnay ng mga pagsubok na kanilang kinaharap sa pagbuo ng exoskeleton. Sa pakikipagugnayan sa mga doktor ng PGH at sa Center for Device Regulation, Radiation, and Health Research ng Food and Drug Administration (C D R R H R - F DA) , n a s o l u s y o n a n nila ang problemang ito. Naging balakid din ng koponan ang kakulangan ng materyales na kakailangin sa pagbuo ng prototype, at nakaranas pa umano sila ng problema sa Customs. Pagsasalaysay ni Baniqued, “Of c o u r s e k a p a g gumagaw a ka ng device na bago, hindi nila alam tatanungin nila para saan to? Akala nila gagawa ka ng weapon. Kulang sa awareness, kumbaga.” Na k a t a n g g a p d i n n g m g a puna sina Baniqued mula sa mga physical therapist kaugnay ng kaligtasan at pagiging epektibo ng kanilang instrumento. Paglilinaw ni Baniqued, “Baka kasi may perception na nirereplace namin yung mga physical therapist; in fact, gusto natin tulungan ang mga therapist hindi naman naming aim na ma-replace sila.” Estado ng pananaliksik sa Pamantasan Sa kasalukuyan, marami umanong interesado sa larangan ng biomedical devices, ngunit
kulang sa motibasyon ang mga inhinyero upang gumawa ng mga p r o y e k t o k a t u l a d n g A G A PAY, ani Baniqued. Paglalahad niya, “Binibigyan ng [PCHRD] priority ang topic ng research tungkol dito [k]as i malaki yung tulo ng niyo sa mga kababayan natin so na-propromote siya.” Ayon kay Ong, sa pagbibigay ng suporta ng gobyerno sa paggawa biomedical devices, mas nagiging epektibo at kapaki-pakinabang ang mga pananaliksik sa paksang ito. Inihalad naman ni Bugtai na sinusuportahan sila ng Pamantasan sa pamamagitan ng Center for Engineering and Sustainable Development Research (CESDR) at University Research Coordination O f f i c e ( U RC O ) . B i n i b i y a n g proteksyon naman ng DLSU Intellectual Property Office (DIPO) ang mga ideya ng koponan. “Magpahinga nang naaayon” Sa pag-aaral ni Baniqued sa Pamantasan, natutunan niyang palawigin ang kanyang kaalaman tungkol sa biomedical devices. Dagdag pa rito, binigyang-diin niya na magandang sumali sa mga technical symposia at conference bilang paghahanda ng kakahayan sa pagpresenta at pakikipag-usap sa kapwa mananaliksik. Pagsasalaysay ni Baniqued, may mga pagkakataong mawawalan ng ganang magpatuloy sa proyektong ginagawa lalo na kung taliwas ang mga datos sa mga inaasahang mangyayari. Gayunpaman, mungkahi niya, “Ang aking payo ay matutong magpahinga ng naaayon upang maibalik ang pagganyak sa pag-research.”
Kw e n t o n i R a m i n , m a y m g a panukala na kinakailangang pakawalan dahil maaaring negatibong maapektuhan ang ilang stakeholder ng Pamantasan, tulad ng ID Lace Policy. Pinunto ng LA na hindi kinakailangang magsuot palagi ng ID Lace sa loob ng Pamantasan ngunit hindi pa rin ito ipinatupad ng admin. Balak din ng LA ipagpatuloy at suriin ang student handbook revisions na hindi pa naipapasa sa kasalukuyan. Paglalahad ni Ramin, isa sa mga nais nilang bigyangpansin ang pagbabago ng dress code policy na hangad ibagay sa ‘fashion sense’ ng mga Lasalyano. Plano rin ng LA na magsagawa ang OCCS ng taontaong psychological exam na magbibigay kamalayan sa mga estudyante tungkol sa estado n g k a n i l a n g p a g - i i s i p.
Nais din nilang talakayin ang i b a’ t i b a n g p l e b i s i t o n g a y o n g termino upang handa na ito para sa susunod na termino. Bukas na komunikasyon Para mapabuti ng LA ang kanilang tungkulin, nais ni Ramin na hingin ang pakikiisa ng mga estudyante sa mga manifesto at resolusyong kanilang ihinahain. Iminungkahi ni Ramin na maaaring lumapit ang mga estudyante sa kanilang batch representative upang ihayag ang kanilang isyu kahit panloob o panlabas ng Pamantasan. Paniniwala niya, ang komunikasyon ang isa sa pinakamahalagang aspeto sa kaunlaran ng Pamantasan. “I want them to be more vocal about the changes they want in the University or if they’re experiencing any issue kahit ano man yan kahit elevator o classroom lang yan.” pagwawakas ni Ramin.
SHOTS FIRED | Mula sa p.2 time namin sa work. May mga deadlines kami during that week tapos pinagsabay sa midterms, may dalawang midterms exam ako nung week na 'yun, at may thesis pa at the same time.” Pagdating sa paglutas ng mga problema, magkaibang paraan ang ginamit ng dalawang estudyante. Para kay De Jesus, “I found that having a good daily routine helped a lot. I allotted specific hours in certain days where I would help with the g a m e .” W i k a n a m a n n i D i o n i o, natural lamang ang mga araw na walang ganang magtrabaho a n g i s a n g t a o. P a l i w a n a g n i y a , “Kung maging unproductive ka man, you spend the time doing something na ma-enjoy mo pa para at least pagbalik mo sa work recharged ka na and ready ka nang magtackle n g t a s k s” . Hamon ng mundo, k aya ng Lasalyano Isa sa mga bagay na natutunan ni De Jesus sa pag-aaral sa loob ng Pamantasan ang mabilis na pagkatuto sa mga bagay-bagay. Pahiwatig niya, “I needed to learn how to use the tools and software given to me quickly so I can help with the game i m m e d i a t e l y.” Na k a t u l o n g d i n umano ang mga group project dahil natuto siyang makipagusap sa kanyang mga katrabaho. P a r a n a m a n k a y D i o n i o, nakatulong ang mga naituro ng kanyang mga propesor sa paggawa
niya ng Shots Fired. Ayon sa kanya, kahit wala pa silang asignaturang game development, naturuan naman na sila ng mga bagay na kailangan para makapagdisenyo ng magagandang software o computer program. Pagbibigaydiin ni Dionio, “Kasi yung game [development] skills, kaya mo naman yan na self-study pero yung mga basic fundamentals, mas important 'yun kasi its makes you more versatile and naiapply ko talaga sa game [development].” M e n s a h e n i D e Je s u s s a pamayanang Lasalyano, “Don’t be afraid to pursue an opportunity w h i l e i n c o l l e g e .” Na n i n i w a l a siyang malaking benepisyo ang nabibigay ng edukasyong nakukuha ng mga estudyante mula sa Pamantasan. Bahagi sa edukasyong ito ang paghahanda ng mga estudyante sa matagumpay na pagharap sa kahit anong problemang mararanasan nila. Payo naman ni Dionio para sa mga estudyante ng College of Computer Studies (CCS), sumali sa mga kompetisyon tulad ng hackathons at game jams na kanila ring sinalihan. Para sa kanya, paraan ito upang matutunan ang industriya at mapagbuti ang sariling kakayahan. “Always try to challenge yourself kasi baka biglang magulat ka na l a n g n a , ‘A y, k a y a k o p a l a i t o, galing ko pala, ganyan’. So always challenge yourself, be confident,” pagtatapos ni Dionio.
TELECOM | Mula sa p. 6 upang mabigyan ng koneksyon ang mga Pilipino na walang internet at mapababa ang presyo ng telecommunication. Sa tulong n i t o, m a s m a p a p a d a l i s a m g a telecommunications company ang pagbibigay ng internet sa mga lugar na wala pa ring internet hanggang ngayon. Kapaki-pakinabang ang China Telecom bilang kompetisyon sa ekonomiya at pagpapabilis ng internet sa ating bansa. Kung may international company na nagnanais pumasok sa telecom industry ng Pilipinas, tiyak na malaking pera ang ilalabas nito
upang kalabanin ang duopoly sa industriya ngayon. Ayon sa Infocomm Media Development Authority ng Singapore, nakatulong sa ekonomiya ng Singapore ang kompetisyon ng t e l e c o m m u n i c a t i o n s c o m p a n y. B u h a t n i t o, m a k a t u t u l o n g a n g pagpasok ng China Telco sa ating bansa kung tatapatan rin sila ng ating kasalukuyang industriya. Kinakailangan ang pakikipagtulungan ng gobyerno at pribadong sektor upang mas maging maayos ang internet sa Pilipinas. Hindi lang dapat tayo umaasa sa ibang bansa upang
masolusyunan ang problema s a i n t e r n e t . Na r a r a p a t d i n g gumawa ng sariling hakbang ang pamahalaan upang maisaayos a n g p r o b l e m a n g i t o. M a a r i n g muling pag-aralan ng pamahalaan ang mga batas na nauukol sa telecommunication at tulungan ang mga maliliit na firm na nagnanais pagbutihin ito. Kinabukasan ng telecom industry Malaki ang tiwala ng pangulo na uunlad ang telecommunications sa ating bansa kung magkakaroon ito ng kompetisyon. Sa panayam ng Reuters sa Globe Telecom,
handa sila sa kompetisyon na dadalhin ng panibagong telecommunications firm sa Pilipinas. Pagtatapos ng Globe Telecom, “[...] this would pave the way for more active participation i n d e v e l o p i n g t h e i n d u s t r y.” Maraming positibong epekto ang pagbubukas ng kompetisyon ng mga telecom sa Pilipinas. Inaasahan din ang pagbabago sa bilis ng internet sa pagdating ng China Telecom. Darating ang panahong hindi na ikahihiya ng mga Pilipino ang serbisyo ng internet sa bansa kompara s a i b a n g b a n s a s a A s y a . No o n g
nakaraang taon, nagbigay n g t a l u m p a t i s i Ja c k M a s a Pamantasang De La Salle at nagbigay siya ng komento ukol sa internet ng Pilipinas. Ayon sa kanya, mayroong oportunidad na makukuha sa mabagal na internet ng bansa. Ani Ma, “[...] it’s a great opportunity for telcos to invest [in providing more bandwidth to users]. This is an investment where I guarantee you will get your r e t u r n b a c k .” D a g d a g p a n i y a “Faster internet, be it 4G or the future 5G, Is an opportunity f o r e v e r y b o d y.”
10 PATNUGOT NG BUHAY AT KULTURA:
Ezekiel Enric Andres LAYOUT ARTIST: Jerry Pornelos
ANG PAHAYAGANG PLARIDEL
ENERO 2018
BUHAY AT KULTURA
SINUBOK ng aming mga manunulat na maging social workers sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga bata sa Alternative Learning System, Lungsod ng Caloocan. | Kuha ni Kinlon Fan
BAYANI NG KABATAAN, SANDATA NG KASALUKUYAN:
Pagkilala sa mga tagapaglingkod ng bayan MICHELLE DIANNE ARELLANO AT DONNELLE SANTOS
W
alang biyaya ang basta-basta na lamang nahuhulog mula sa langit. Sa pagbabago ng halaga ng mga bagay na ating minimithi, patuloy tayong nagsasakripisyo upang makamit ang mga ito. Hindi madaling nakukuha ang ginto sa kaunting paghukay ng lupa. Hindi rin bastang nabubuo ang dyamante mula sa isang ordinaryong bato. Hindi nakakamit ang isang pangarap kung hindi ito paghihirapan. Gaya ng dyamante at ginto, isang bagay rin na pilit na kinakamit ng mga tao ang pagiging edukado. Marami ang naniniwalang edukasyon ang susi upang makawala sa tanikala ng opresyon at kahirapan. Sa ating lipunan, higit na pinahahalagahan ang mga taong nakapagtapos ng kanilang pag-aaral. Karapatan ng bawat isa ang pagkakaroon ng kalidad na edukasyon. Gayunpaman, hindi pinapalad ang lahat na magkaroon ng pagkakataong makapag-aral dahil sa hirap ng buhay. Marahil, tunay ngang ginto rin ang kapalit ng isang ginto. Sa kabila nito, may mga organisasyong naglalayong tumulong at magturo sa mga batang kapos-palad upang magkaroon din sila ng pagkakataong makapag-aral. Isa sa mga organisasyong ito ang Building Hope Philippines na tumutulong sa mga bata ng Caloocan sa pamamagitan ng mga tutorial sa Matematika at Ingles. Hindi biro ang ginagawang trabaho ng volunteers ng organisasyon kaya naman walang pagaalinlangan namin silang sinamahan
upang maranasan ang buhay ng isang social worker. Pagsilip sa mundong naglilingkod Sa nakalipas na 8 buwan, naging pangalawang paaralan na ng iba’t ibang kabataan ang isang gusali sa siyudad ng Caloocan. Mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon, ang simpleng espasyo na iyon ang nagsisilbi nilang munting silid-aralan. Bandang alas-tres ng hapon nang aming maabutan ang pagdating ng mga batang tila sabik na makahawak muli ng lapis at papel. Bitbit ang kanilang mga bag, agad silang dumiretso kay Ma’am Grace, ang tumatayong facilitator ng lugar, upang kunin ang kanilang mga kagamitan. Noong simula, nag-aalinlangan pa kami sa pagkilos sapagkat hindi rin namin sigurado ang proseso ng tutorials. Marahil, bakas ito sa aming mga mukha kaya nilapitan kami ni Ma’am Grace at sinabing kinakailangan lamang namin sundan ang materyales na mayroon sila. Nakahati na ito depende sa hirap ng bawat paksa. Itinalaga niya kami sa isang grupo ng mga batang nasa ikatlo hanggang ikalimang baitang. Sinabihan kami ni Ma’am Grace na magagaling ang mga batang kasama namin kaya naman gabay na lamang ang kailangan nila. Bagamat sinabi niyang hindi kami mahihirapan sa pagtuturo, tila hindi nawala ang kaba sa aming mga dibdib. Sa kaunting saglit, nagkaroon kami ng ideya sa araw-araw na kabang nararamdaman ng mga nagtuturong naroroon --- kabang nag-uugat sa posibilidad na hindi kami maging epektibong guro. Tahimik naming
sinubaybayan ang biruan at kumustahan ng mga bata, at ng mga naunang volunteer. Matapos ang aming maikling pagpapakilala, agad na ring nagsimula ang aming sesyon. Masayang ipinagmalaki sa amin ng mga bata ang nagtataasan nilang mga grado at perpektong marka. Batid sa kanilang mga mukha ang kasiyahan at ang kagustuhan nilang muling matuto. Mula sa mata ng isang bata Nagsimula ang unang bahagi ng aming sesyon sa pagtuturo sa mga bata ng kanilang aralin sa Matematika. Tila ito ang paborito ng karamihan sa mga bata sa aming pangkat. Mabilis nilang nasagutan ang kanilang mga takda. Nang makita namin ito, hindi kami nakapagpigil na ngumiti dahil sa pagpupursigi ng mga bata upang matuto. Sa pagkakataong iyon, tila mas nauna pa nila kaming bigyan ng inspirasyon, hindi lamang upang tulungan sila, ngunit para na rin sa amin bilang mga mag-aaral gaya nila. Sa mga paksang bago sa kanila, walang alinlangan silang nanghingi ng aming paggabay. Sa panahong ito, kaba at takot ang aming nadama sapagkat matagal na rin ang panahong nakalipas nang magsagot kami ng mga tanong sa Matematika na walang gamit na calculator. Tunay ngang isang paraan din ng patuloy na pag-aaral ang pagtuturo sa iba. Isa sa mga batang agad humingi ng aming tulong si Chrizia, nasa ikalimang baitang. Ibinahagi namin sa kanya ang lahat ng nalalaman naming diskarte sa paksang aritmetika. Sa kalagitnaan ng aming pagsasalita, naramdaman naming hindi na siya tumutugon. Bagamat
nakatingin, walang bakas ng pag-unawa ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Agad namin siyang tinanong kung naiintindihan niya ba ang aming tinuturo. Yumuko lamang siya at umiling. Ayon sa kanya, hindi pa sila natuturuan ng mas komplikadong aritmetika. Bigla kaming napatigil at napaisip, tila naghahanap ng tamang mga salitang makapagbubuod sa paksang tinuturing naming aralin lamang. Sa sandaling panahong iyon, muling nangibabaw ang katotohanang hindi kami nagmula sa iisang pinanggalingan. May mga pagkakaiba sa aming kinagisnan at kailangan namin siyang maunawaan. Nagpatuloy ang sesyon namin nang may mas mahabang pang-unawa at bukas na kaisipan. Sa aming pagtalakay ng mga paksa sa Ingles, mas naging masusing proseso ang pagpapaliwanag at pagsasalin sa mga banyagang salita sa kanila. Makikita mo sa mga bata ang kanilang pagpupursiging mabasa ang mga teksto sa kabila ng paninibago sa mga salita. Muli sa aming ipinaalala ni Ma’am Grace na hindi lamang dapat sa bokabularyo nakatuon ang pansin ang mga bata; importante ring nauunawaan nila ang mga istoryang kanilang binabasa. Ilan sa mga bata sa aming grupo ang ayaw pag-aralan ang Ingles. Ayon sa kanila, sakit lamang ito sa ulo at wala naman sa pamilya nila ang kayang makipag-usap nang diretso sa wikang ito. Sa pagkakataong ito, naging mahirap silang kumbinsihin na madaling matutunan ang Ingles dahil hawig din naman nito ang ating wika. Kaya naman, aming hinimay-himay ang konteksto sa mga pangungusap na
makakayang intindihin ng mga bata. Sa bawat katanungan nila, mahalagang nabibigyan namin sila ng pagsasalin sa wikang Filipino. Napansin naming mas napadadali ang pagnguya nila sa mga bagong impormasyon na ito kung nabibigyan namin sila ng mga halimbawang maaari nilang ilapat sa kanilang sariling buhay. Tatlumpong minuto bago matapos ang sesyon, ipinaligpit na ni Ma’am Grace ang mga kagamitan ng mga bata at nagsimula na siyang kumuha ng mga kopya ng Bibliya. Bahagi ng adbokasiya ng kanilang organisasyon ang palapitin ang kabataan sa ating Panginoon. Ayon sa kanya, hindi lamang ang pangkaraniwang edukasyon ang isinusulong ng kanilang organisasyon. Nais din nilang mabigyan ng espiritwal na edukasyon ang mga batang nagiging bahagi ng kanilang grupo. Hindi lamang pagpapalawak ng kaalaman ang kanilang pinagtutuonan ng pansin; batid din nilang mapatatag ang pananampalataya ng kabataang nakasasalamuha nila. Sa buong hapon na aming inilagi roon, tila hindi nawala ang dikit ng ngiti sa aming mga mukha. Bagamat hindi sila kasing palad ng mga batang mayroong pormal na edukasyon, nakamamangha ang positibo nilang pagtingin sa buhay at walang sawa nilang pagnanais na matuto at makapag-aral. Pinto ng bagong pag-asa Tunay ngang mayroong mga bagay sa mundo na hindi matutumbasan ng kahit anomang materyal na bagay. Makakamtan ang tunay na kaligayahan sa mumunting SOCIAL WORKER >> p.12
11
BUHAY AT KULTURA
LARAWAN SA MAGKABILANG DULO NG SALAMIN:
Kwento sa likod ng maamong mukha ng isang retokada CLAIRE ALFAJARDO, NIA CERVANTES AT JHUNETH DOMINGUEZ
“
Ayan na si Ilongganisa!” patuloy ang paghiyaw ng mga batang naglalaro sa kalye nang mapadaan ang isang babaeng pilit na tinatakpan ang kanyang mukha gamit ang itim na panyo. Habang lumalaki si Anna, patuloy ang pangungutya sa kanya ng mga taong nasa paligid niya. Binansagan siyang Ilongganisa ng mga kalaro niya at madalas siyang iwasan ng mga kamag-aral sa eskwelahan. Nang nakapagtapos na siya ng pag-aaral, inakala niyang mawawakasan na ang lahat ng panghuhusga. Nagkamali siya. Nagpatuloy ang lahat ng ito hanggang sa kanyang pagtatrabaho. Lumipas ang mga taon, palala nang palala ang pambabatikos sa kanya. Pagdating ng isang araw, iminulat niya ang kanyang mga mata at kanyang napagtantong hindi na niya kayang tiisin ang lahat ng masasakit na salitang ibinabato sa kanya. Nais na niyang magkaroon ng pagbabago.
“Miss Anna Dimayuga, pasok na po kayo sabi ni doc,” batid ng babaeng nakaputi sa front desk. Bumilis ang pagtibok ng puso ni Anna. Hindi niya alam kung anong pinasok niya. Ang tanging hiling lamang niya, magwakas ang lahat ng masalimuot na alaala sa puntong iyon. Hindi maikakailang may mga pamantayan ang ating lipunan tungkol sa kung ano ba ang maituturing na maganda at kaakit-akit. Dahil dito, maraming babae at lalaki ang hindi masaya sa kanilang likas na ganda. Ano nga ba ang pakiramdam ng mga taong sumailalim sa pagpaparetoke at ano nga ba ang implikasyon nito sa kahulugan ng kagandahan sa ating lipunan? Kirot dulot ng mapanghusgang lipunan Sa bawat bansang ginagalawan ng mga mamamayan, iba’t iba ang kanilang kaugaliang nakasanayan. Maaaring sanhi ng pagkakaiba ng mga pananaw ang paraan ng pagpapalaki ng mga magulang, estado ng pamumuhay, at paniniwalang
Dibuho ni Trisha Cometa
nagmumula sa nakasanayang relihiyon. Dagdag pa rito, malaking impluwensiya ang sinomang gumagabay habang lumalaki ang isang bata dahil siya ang nagsisilbing unang guro niya. Anomang balakid ang ibato ng buhay sa isang tao, mananaig pa rin ang mga halaga at prinisipyong ikinintal ng kanyang mga tagapag-alaga noong kanyang pagkabata. Sumalungat naman sa kinalakihang pangaral sa lipunan ang 21 taong gulang na estudyanteng si Antonina*. Ninais niyang baguhin ang isang parte ng kanyang katawan dahil hindi siya kumportable sa itsura nito. “Pinaayos ko ang aking ilong dahil insecurity ko siya. ‘Pag nakikita ko ang sarili ko sa salamin o pictures, naiinis ako kasi ang pangit ng ilong ko. At sinasabi rin ng ibang tao na maganda raw sana ako except sa ilong ko,” paglalahad niya. Palabang iginiit naman ni Antonina na sapat nang tumaas ang kanyang pagpapahalaga sa sarili sa pagpapaayos miski ano pang batikos ang ibato sa kanya. Inilahad ni Antonina ang kanyang karanasan noong nagparetoke siya. Ayon sa kanya, sa buong tagal ng kanyang operasyon, wala siyang naramdamang sakit o kirot sa tulong ng anesthesia. Suportado ng mga taong nasa paligid ni Antonina ang kanyang pagpapaayos kung kaya’t hindi rin naging mahirap sa kanya ang pagdedesisyon nito. Subalit pagkatapos niyang magparetoke, biglang nagbago ang pananaw niya sa kanyang sarili. “Nung mga una, di ko makilala sarili ko sa pictures at sa salamin. Kakaibang feeling siya. Hindi siya masaya pero ‘di rin siya malungkot,” aniya. Sa paglipas ng mga araw, nasanay rin si Antonina at tumaas ang kanyang kompiyansa sa sarili. Lumakas ang kanyang loob dahil nakikilala ulit niya ang kanyang sariling mukha. Sa huli, walang bahid ng pagsisisi sa sarili si Antonina. Masaya siya sa ginawa
niya sa kanyang katawan at kanyang ipinagmamalaking nagparetoke siya. Mayroon mang mga bumabatikos sa kanyang ginawa, iniisip na lamang niyang walang masama sa pagpaparetoke kung iyon ang sariling desisyon ng tao. Hindi dapat pinapakialaman ng ibang tao ang mga bagay na hindi naman sa kanila at tumuon na lamang sa mas mahahalaga’t nakababahalang isyu sa lipunan ngayon. Bagabag sa likod ng maamong mukha Tunay ngang matagal nang nakasanayan ng mga Pilipino ang konsepto ng pagpaparetoke. Ayon sa isang Psychology graduate na si Gng. Davee Maligaya, malaki ang naging impluwensiya ng teknolohiya sa ganitong uri ng pagpapaganda. Nauso ang mga makabagong gawi ng pagpapaayos ng iba’t ibang bahagi ng katawan ng isang tao. Pagbabahagi ni Maligaya, ginagawa nila ito upang mas maging komportable sila sa sarili nila o sa itsura nila. Gayong likas sa mga tao ang ikompara ang kanilang sarili sa iba, nakatutulong ang pagpaparetoke upang mas mapanatag ang kanilang loob sa kanilang itsura. Dagdag pa rito, naniniwala rin siyang hindi pangmatagalan ang nagiging epekto nito sa tao sapagkat mayroong perpektong imaheng naglalagi sa isipan nila. “They are never fully satisfied,” ani Maligaya. Bukod sa pag-aasam ng kaaya-ayang itsura, mayroon pang pinag-uugatang mga isyu na nagdudulot ng mga problema sa kanila at tila pagpaparetoke lamang ang tanging nakikita nilang solusyon. Binigyang-diin din ni Maligaya na nagsisimula ang lahat sa tahanan ng isang musmos. Kung pinalaki sila ng kanilang mga magulang na hindi nakatuon sa pisikal na aspeto, lalaki silang may pagpapahalaga sa sarili at hindi sa pisikal na kaanyuan. Ayon kay Maligaya, “They should like you for who you are, not for the way that you look.”
Nais iparating ni Maligaya sa sinomang nagbabalak na magparetoke na pag-isipan nila ito nang mabuti. Kung kumbinsido na sila sa kanilang desisyong magparetoke, marapat lamang na pagnilayan nilang muli ang tunay na dahilan sa likod ng transpormasyong ito. Katulad na lamang ng sinasabi ng karamihan, bukod sa hindi praktikal ang pagpaparetoke, napakarami ring komplikasyon ang maaari nitong idulot. “People do it because they think they are being judged, half the people really judge them, the other half, wala namang pake,” pagtatapos ni Maligaya. Sari-saring konsepto ng kagandahan Maputi, makinis, matangos na ilong, makapal na labi, at marami pang iba. Sa modernong panahon ngayon, mayroon pa ring mga mentalidad na hindi maalis-alis sa isipan ng mga Pilipino. Kinikilala rin ng nakararami sa atin ang pagtangkilik sa mga produktong nagreresulta sa kutisbanyaga. Salamat sa mataas na kalidad ng teknolohiyang mayroon tayo ngayon, madali na nating makukuha ang mga bagay na hindi ipinagkaloob sa atin. Gayunpaman, dahil sa konserbatibong kultura ng mga Pilipino, tinatawag na “peke” ang mga taong sumasailalim sa retoke. Kung tutuusin, nalilimutan ng mga tao ang totoong salarin sa isyu ng pagpaparetoke. Maaari mang ibaling ng karamihan sa teknolohiya ang rason kung bakit nagnanais ang marami na baguhin ang kanilang anyo, hindi pa rin maiaalis ang katotohanang malaking aspeto ang mapanghusgang pag-iisip ng lipunan. Mahalagang tandaan na likas sa atin bilang tao ang pagkakaroon ng magkakaibang opinyon ukol sa anomang isyu. Gayunman, tunay na nananaig pa rin sa huli ang buo nating pagkatao at hindi lamang ang ating panlabas na anyo. *hindi tunay na pangalan
ALIW NA WALANG MALIW:
Isang gabi sa makulay at malikhaing mundo ng comedy bar performing ROSELLE SACORUM, AIREEN SEBASTIAN, AT FRANCES TIMOG
“
Actually, ayoko nang may bigote…” ani ng komedyanteng pumukaw ng atensyon ng mga manonood. “Dahil for some reason, nagkaka-rashes ako sa pwet,” bakas na ang pagtataka sa mata ng madla. “Hindi kasi maiwasang dumikit, hindi ko alam kung bakit,” halakhakan at palakpakan ang tugon ng bawat manonood. Bahagi na ng buhay ng mga Pilipino ang pagtangkilik sa iba’t ibang uri ng katatawanan. Mula sa mga noon time TV show, mga programa sa radyo, at hanggang sa social media, hindi kailanman nawala ang mga palabas na makapagpapagaan ng araw ng bawat tagasubaybay. Sa unti-unting paghahari ng mass media entertainment sa larangan ng pagpapatawa, hindi maikakailang lingid na sa kaalaman ng bagong henerasyon ang pinagmulan ng iilan sa mga komedyanteng tulad nina Vice Ganda, Allan K, at Chokoleit – ang comedy bar performing. Para matunghayan ang sining na patuloy na nagpapasakit ng panga at tiyan ng bawat manonood, nagtungo ang Ang
Pahayagang Plaridel sa Mosibaba Food Park, Quezon Avenue, noong Enero 20. Dito namin napanood ang stand-up performances ng mga comedy bar performer na sina Beki Belo, isang stand-up comedian at impersonator, at Anna Karenina Tereshkova, isang singer. Postura ang puhunan, utak ang labanan Umakyat sa entablado sina Beki Belo at Aekaye. Sa unang tingin pa lamang sa kanila, alam na ng madla na magtatanghal sila. Sa unang bukas pa lamang ng kanilang bibig, hindi na nag-atubiling magbigay ng oras at makinig ang mga taong abala sa kani-kanilang mga kinakain. Iyon na pala ang hudyat ng isang gabing puno ng katatawanan at kantahan. Bihis na bihis ang dalawang tampok na persona – si Beki Belo na naka-vest at shorts at si Aekaye na naka-bistida. Ayon kay Aekaye, marami na rin ang nagbago sa pamamaraan ng pagharap nila sa madla. Kung katanggap-tanggap raw noon ang simpleng shirt at sneakers, inaadornohan na ng mga pulseras ang sarili ngayon. Ani Aekaye, “Pag haharap ka sa COMEDY >> p.12
Dalawang mundong ginagalawan ng mga komedyanteng simpleng tao sa umaga at raketero sa gabi ang nasulyapan ng aming manunulat sa Mosibaba Food Park, Quezon City. | Kuha ni Lyann Cabador
12
ANG PAHAYAGANG PLARIDEL
ENERO 2018
TIRANG UPOS NG INIWANG BISYO:
Pagbangon mula sa mga lapnos ng sigarilyo JANINE ESPIRITU, KIMBERLY MANALANG, AT REXIELYN TAN
“
Isang stick lang,” - ito ang kanilang paanyaya. Agad mo itong kinuha sa takot sa mga matang mapanghusga. Sa bilis ng pag-utas ng sigarilyo sa iyong mga kamay, ganito rin ang pagkahumaling mo nangwalangkamalay-malay. Hindi nagtagal, itinuring mo na itong iyong matalik na kaibigan at kadalasang hinahanap-hanap. Sa bawat pagtawag ng pangangailangan at pagbuhos ng mga problema, inilulubog mo na lamang ang iyong sarili sa dose-dosenang mga paketa. Umaasa kang maglalaho ang mga suliraning iniinda katulad ng paglabo ng tanawin sa mga usok ng iyong pagbuga. Hindi mo namamalayan, nilalamon na ng sigarilyo ang iyong sistema at alipin na ng nakaaadik na kemikal ang iyong katawan. Tila hinahanap-hanap ng iyong bibig ang lasa nito at hindi alintana ang bagang marahang sumusuko. Sa walang
tigil mong paghithit, ganito rin kadaling kumalat ang pipinsala sa’yong karamdaman. Pilit mong ipinagwawalang-kibo ang bawat pangaral ng mga mahal mo sa buhay. Hindi mo rin malirip ang panganib sa pagsagap ng usok na kanilang nalalanghap. Sa iyong muling paninigarilyo, ito ang iyong pagmunimunihan: Dito mo lamang ba iaalay ang pinakatatangi mong buhay? Nagsimula sa patikim-tikim, naiuwi sa pagiging sakim Isa sa mga karaniwang bisyo ng mga Pilipino ang paninigarilyo. Sa oras ng pahinga o maging sa panahon ng pakikipagkwentuhan, isa ito sa maaaring hawak-hawak, kasama ang isang baso ng kapeo bagong bilingdyaryo. Dahilmakabibili ng isang stick nito gamit ang kaunting barya, marami ang hindi maiwasang malulong sa nasabing bisyong. Mahirap labanan ang temptasyon lalo na kung nasa paligid lamang ito, tulad ng mga
taong malalapit sa atin. Para kay Ginoong Emerito Rojas, nagtaguyod ng New Vois Association of the Philippines, una niyang natikman ang yosi dahil sa impluwensiya ng mga kamag-aral noong 17 taong gulang pa lamang siya. Sa mga magbabarkada, walang sinoman ang may gustong mapagiwanan. Ganito ang naging pakiramdam ni G. Rojas nang malaman niyang nagyoyosi ang karamihan sa kanyang mga kaibigan. Iyon na rin ang naging mitsa ng bisyong kanyang pinagsisihan. Mula sa unang pagsindi ng sigarilyo, tuluyan nang naging pang-araw-araw na bisyo ang dating patikim-tikim lamang. Maliban sa kawalan ng kontrol sa sarili, naging malaking kalaban ni G. Rojas ang nicotine na hinahanap-hanap na noon ng kanyang katawan. Sa loob ng 27 taon, humantong sa puntong halos 40 sticks ng sigarilyo ang kanyang nauubos kada araw. Dumoble, trumiple, at higit pa ang dating paisa-isang stick lamang.
Dibuho ni Jeremiah Teope
SOCIAL WORKER| Mula sa p. 10 aksyong nagdudulot ng malaking epekto hindi lamang sa ating kanya-kanyang buhay, ngunit lalo na sa buhay ng iba. Sa aming naging karanasan, saludo kami sa mga organisasyong gaya ng Building Hope Philippines at sa mga taong gaya nila Ma’am Grace. Patuloy silang naglilingkod sa lipunan upang maging instrumento ng pag-asa sa kabataan. Hindi biro ang ginagawang paglilingkod ng mga social worker
upang magsilbing ilaw sa ating lipunan, lalo na sa mga taong hindi kasing palad ng iba. Sa kanilang arawaraw na gawain, kaakibat nito ang pagod at hirap na kanilang nararanasan upang makapaglingkod lamang sa lipunang kanilang ginagalawan. Patunay ang karanasang ito na napakaraming paraan upang mas makatulong tayo sa ating kapwa. Hindi sapat ang payak na pagmamalasakit
lamang kung wala rin naman itong kaakibat na aksyon. Sana patuloy na dumami pa ang mga taong walang pag-aalinlangang tumutugon sa pagtawag ng mga Pilipino na higit na nangangailangan ng tulong. Sa ating maliliit na paraan, nawa’y makapagbahagi tayo ng tulong sa ating kapwa na higit pa sa halaga ng lahat ng ginto, dyamante, at perlas sa mundo.
Kagaya ni G. Rojas, mabilis lamang ang pag-impluwensya sa isang estudyanteng mula sa DLSU na si *Michelle. Sinubukan ni *Michelle, 19 taong gulang, ang pagyoyosi dahil matatagpuan lamang ang mga ito sa kanyang sariling tahanan. Aniya, madalas niyang makitang naninigarilyo ang kanyang mga magulang sa kanilang bakanteng oras. Dahil sa paulit-ulit niyang nakikita ang ganitong gawain, naisipan na rin niyang subukan ito. Hindi na niya namamamalayang limang taong na niya pala itong bisyo hanggang sa kasalukuyan. Tila nagiging kaibigan niya ang yosi sa tuwing nais niyang makalimutan ang pagod na nadarama. “Minsan, gusto mo nalang magsigarilyo imbis na maghanap ng kausap,” ani *Michelle. Pagtataboy sa mga usok ng lason Karaniwang sinasabi ng mga lulong sa yosi na mabisa itong pantanggal-stress, kaya marami ang naaadik dito. Gayunpaman, ayon kay G. Rojas, “Yosi mismo ang maaaring nagdudulot ng stress sa katawan ng isang tao. Hinahanap ng kanyang katawan ang nicotine, at kapag naninigarilyo siya, nagagampanan ang “giyang” o paghahanap sa yosi,” paliwanag ni G. Rojas. Dagdag dito, hindi pa napatutunayan ng siyensiya na may makukuhang benepisyo mula sa sigarilyo. Isa lamang itong produktong maayos na binalot, ngunit matinding polusyon sa katawan pa rin ang maaaring idulot. Kapag nasanay na ang tao sa isang bagay o gawain, mahirap nang alisin ito mula sa kanyang mga gawi. Kung minsan, isang hindi magandang bagay pa ang kinakailangang mangyari upang magising siya sa katotohanang dapat na niyang itigil ito. Umabot sa 27 taon bago tuluyang napagdesisyonang itigil ni G. Rojas ang paninigarilyo. Noong 2002, kinailangan niyang sumailalim sa isang operasyon dahil sa sakit na kanser sa lalamunan dulot ng pagyoyosi. Ayon kay G. Rojas, mayroong 7,000 na kemikal ang sigarilyo, at cancerous and 70 dito. Kanya ring nabanggit na malaki ang posibilidad na mamatay ang isang tao sa bawat dalawang taong naninigarilyo dahil sa mga sakit na naidudulot nito katulad ng kanser, atake sa puso, stroke, emphysema, at iba pa. Malaking pagbabago ang maaaring idulot ng bawat stick ng sigarilyo sa buhay ng tao. Sa kaso ni G. Rojas, ang pagkabutas ng kanyang leeg ang naging kapalit nito. Sabi nga ng marami, nasa huli ang pagsisisi. Sa kabila nito, maaari pa ring magbago ang isang tao, lalo na kung para
ito sa kanyang ikabubuti. Hindi naging madali para kay G. Rojas na pigilan ang sariling magyosi dahil lubhang nakaaadik ito. Kung hindi naman niya ito itinigil, baka mas malala pa sa butas sa leeg ang maidulot nito sa kanya. Dagdag dito, malaki rin ang epekto nito sa mga tao sa kanyang paligid, kasama na ang mga mahal niya sa buhay. Sa bawat usok na kanyang inilalabas, isang walang kamalay-malay na kapwa niya ang maaaring makalanghap. Hindi man sila direktang humihithit ng sigarilyo, higit na masama rin ang maaaring maging epekto ng usok na dulot nito. Pagbitaw sa bisyo at pagyakap sa pagpapabuti ng sarili Isang hamon ang pag-iwan sa mga bagay na atin nang nakasanayan. Minsan, hindi natin nakikita ang masamang dulot ng isang bagay dahil sa mga sandaling panahong napasasaya at napakakalma tayo nito. Sa pagsubok dulot ng pagbabago, malaking tulong ang pagkakaroon ng malinaw na pangarap at tunguhin para sa sarili. Mahirap magpatuloy sa paglalakbay kung hindi naman natin alam ang ating patutunguhan. Kung si G. Rojas ang tatanungin, ang kapakanan at magandang kinabukasan ng kanyang pamilya ang naging inspirasyon niya upang tuluyan nang ihinto ang pagyoyosi. “Papaano na ang pag-aaral ng mga anak? Papaano na ang pangarap na makapamasyal sa ibang bansa, makabili ng kotseng bago [...]?” tanong niya sa kanyang sarili. Bukod sa isang stick ng sigarilyo, mas higit na kalaban ng mga gumagamit nito ang kanilang sarili. Hindi hahantong sa pagiging bisyo ang isang gawain kung hindi na susundan pa ang unang pagtikim nito. Sa mga ganitong sitwasyon, napakahalaga ng disiplina at pag-iwas sa mga hindi makabubuting impluwensya. Mahirap panatilihin ang kontrol sa sarili, ngunit mas mahirap harapin ang kapalit ng mga bisyo sa pagtagal ng panahon. Tila kaibigang matatakbuhan sa oras ng kapaguran, kalungkutan, at kawalan ng pag-asa ang mga bisyo gaya ng paninigarilyo. Sa likod nito, may mga bagay na iba ang pinakikitang mukha kaysa sa tunay na intensyon at kalooban. Hindi sagot ang panandaliang ginhawa para sa isang panghabambuhay na problema. Hindi pa huli ang lahat upang imulat ang mata at tuparin ang pagbabagong hinahangad para sa sarili. *hindi tunay na pangalan
COMEDY| Mula sa p. 11 tao, hindi lang presentable eh. You have to look regal, you have to look classy… [and] you have to look different. [This is] for people to look up to you and say sa unang tingin pa lang, “ah tagapalabas to.” Bukod sa kakayahan ng mga nasabing komedyante na manamit nang naaayon sa gabi ng kanilang pagtatanghal, mahalaga rin daw ang patuloy na paghasa nila sa kanilang kaalaman at kakayahan. Ibinahagi sa amin ni Beki Belo ang ilan sa mga sikreto niya sa likod ng matagumpay niyang pagtatanghal at paggaya sa ilang mga karakter. Paglalahad ni Beki Belo, "When we say impersonating, kailangan copycat mo especially sa itsura. Sa galaw kung ano yung ginagawa niya minsan na kahit pati personal na buhay dapat sinusundan mo, so inaaral ko yun." Mahalaga rin sa mga komedyanteng kagaya nila ang pagiging multi-talented. Bukod sa paggaya ni Beki Belo kay Dra. Vicky Belo, kilala rin siya bilang “Rihanna of the Philippines”. Bagamat pinangangatawanan ang iba’t ibang sikat na mga personalidad, hindi nakalilimutan ni Beki Belo na lagyan
ng sarili niyang tatak ang kanyang mga pagtatanghal. Mapapansing bumabanat din si Beki Belo tungkol sa kanyang buhay pag-ibig at pagtatalik. Ligaya at salimuot Puhunan ng mga comedy bar performer ang kanilang boses, mukha, at higit sa lahat, ang kanilang kakayahang magpatawa. May mga pagkakataong nahahaluan na nila ng mga personal na tagpo sa buhay ang kanilang bawat litanya. Maaaring patama sa isang manonood ngunit maaari ding repleksyon ng kanilang mga buhay. Tunay ngang hindi mawari ang tumatakbo sa isip ng isang komikero tuwing nasa entablado - masalimuot pero masaya, nakalulungkot ngunit nakatatawa. Hindi naging madali ang takbo ng buhay ni Dok Beki. Nariyan ang mga pagkakataong raket pa lamang ang turing niya sa kanyang propesyon ngayon. Ito ang maliliit na pagkakataong hindi puwedeng palagpasin lalo na sa tulad niyang baguhan at hindi kilala. Sumusuyod sa reality shows, dumadayo sa mga probinsya
- tipong gandang ‘pamerya lamang’ kung ilarawan ni Dok Beki. Noong mga panahong kinakapanayam namin siya, alam naming dala pa rin ni Dok Beki ang kanyang mga naging karanasan. Mahirap gawing katatawanan ang sariling buhay ngunit ito ang naisip na mabisang paraan upang maibsan ang lungkot at matinding pangangailangan. Katuwang din namin sa pagbibigaysaya sa madla si Aekaye, dating pediatric nurse na naglakas-loob na sumubok sa industriya ng comedic entertainment. Nakilala siya bilang isang doble cara singer na nabigyan ng malaking pagkilala ni Allan K., isa ring sikat na komedyante. Ibang hirap ang kanyang naranasan dahil kapuri-puri man ang talino niya sa pagaaral, alam niyang malayo sa puso niya ang propesyong kanyang tinahak. Mas nangibabaw ang kanyang pagnanais na maging isang mang-aawit kung kaya’t pinili niyang sumulong sa nasabing landas. Sa dalawang magkaibang personalidad na pinagbuklod ng kanilang trabaho, makikitang puhunan nila ang kanilang mga
buhay. Pamilya at sarili ang mga ideyang nagtulak sa kanila para lakas-loob na tumayo sa entablado ng katatawanan. Malayo ito sa umaga na puno ng responsibilidad: isang ama, ina, kapatid, anak, at higit sa lahat ang pagiging Gerald at Charlie sa labas ng entablado. Ngunit sa pagpatak ng bawat gabi, isa silang nagniningning na tagpo; pagiging komedyante, singer, Dok Beki Belo, at Anna Karenina Tereshkova. Higit sa isang gabi ng pagkilala at papuri “[Hindi mawawala] ‘yong seryosong buhay. Tumatayo rin ako bilang kuya, tatay, nanay [na] ilaw ng tahanan. Nagluluto at naglilinis din ako at the same time, ‘yon ‘yong mga bagay na ginagawa ko sa [umaga],” ani Dok Beki na naging emosyonal nang kaunti habang ibinabahagi ang gulong ng palad ng kanyang buhay. Isa lamang si Dok Beki sa libo-libongPilipinonapatuloynasumusuong sa hamon ng buhay. Bagamat gabi-gabing nagpapatawa, hindi laging katatawanan ang mga pagsubok na dinaranas nila.Masigla at puno ng kompyansa sa sarili, hindi mahahalata ng sinoman na dumaan sa
lusak ang karera ni Dok Beki. Ibinahagi ni Dok Beki sa amin na muntikan na ring mawalan ng liwanag ang bituing tulad niya. Paglalahad niya, “[Dumaan ako sa] hirap tulad ng pag-audition ko sa mga game shows on television. Hindi ako natanggap sa mga reality shows at parang dumating sa buhay ko yung depression. Hindi ata ako para sa ganitong klaseng trabaho.“ Minsan mang nawalan ng pag-asa ang performer na tulad ni Dok Beki, hindi pa rin siya nawalan ng motibasyon upang unti-unting bumangon muli sa kanyang pagkakadapa. Pagsasaad ng komedyante,, “Narealize ko na baka hindi pa ‘to yung oras para sa akin hintay na lang ako or work hard.” Hindi nagtagal, nakalalabas na rin si Dok Beki ng bansa upang magtanghal sa harap ng iba pang lahi na nais masilayan ang kanyang talento sa pagpapatawa. Tulad ng tala na pinagkukuhanan ng pag-asa, nagsisilbing inspirasyon sina Dok Beki at Aekaye hindi lamang sa mga komedyanteatcomedybarperformers,kundi pati na rin sa bawat taong naghahangad ng maligaya’t matagumpay na buhay.
KARTOONAN PAGBABAGO
KWENTONG KUTSERO
ni Atbp.
ni Aramina Batiquin
NAIIBANG PAGBABAGO
BAGONG TAON, BAGONG AKO!
ni Ricka Valino
MAKABAGONG PANANAMIT
NAPAPANAHON
BAGONG TAON
13
ni Pavlo Aguilos
ni Syydia Shah
ni Jerry Pornelos
ni Danica Santos
STUDENT M ANAGERS | Mula sa p. 16 Bagamat pamilya na ang turingan ng mga atleta at student managers, may namamagitan pa rin sa ugnayang ito. “Kailangan nandoon yung thin line between yung professional life namin and yung personal matters with them so kailangan [kahit na] andoon ka both as a friend and as a student manager, kailangan maestablish mo na may limit yung pagiging kaibigan mo sa kanila,” saad ni Francis Concepcion, student manager ng Green Spikers. Walang katumbas na landas Hindi lamang ang kanilang sariling pag-aaral ang kailangang intindihin kundi pati na rin ang pagaaral ng mga atletang hinahawakan nila. Malaking oras ang hinihingi nito mula sa kanila kaya matinding pangangasiwa sa kanilang oras ang kailangan. Maagap na pagpplano umano ang susi upang maiwasan ang pagpalya sa mga deadline na kailangan habulin. Naniniwala sila
sa kasabihang,“If you fail to plan, you plan to fail.” Gayunpaman, naniniwala si Almonte na higit pa sa pagbabalanse ng oras ang kinakailangan upang hindi mapabayaan ang kanilang pag-aaral at tungkulin bilang student managers. Marapat lamang na madiskarte rin ang isang student manager sapagkat kinakailangang mabilis gumawa ng aksyon kapag dumanas ng isang pagsubok. Dagdag pa niya, “[You] never get to manage time, you only manage your actions.” Hindi matutumbasan ng kahit gaano kalaking halaga ang kasanayan, mga kaibigan, at kaalamang natatamo sa pagiging isang student manager. Maaaring hindi sa kanila nakatapat ang spotlight tuwing magsisimula ang bakbakan sa loob ng kort, ngunit lumalaban din sila sa labas ng kort kasama ang mga atletang Lasalyano. “Alam namin yung pinapasukan namin. It’s fun even if it’s stressful,” pagtatapos ni Almonte.
Dibuho ni Jeremiah Teope
14
ANG PAHAYAGANG PLARIDEL
ENERO 2018
TR ACKSTERS | Mula sa p. 16 training camp ako for SEA Games.” Ganyak para sa hangarin Maayos na samahan at komunikasyon ng buong koponan ang isa sa mga paraan upang magkaroon ng iisang hangaring magdadala sa tagumpay. Pahayag ni Hernandez, “Mas okay yung team (Lady Tracksters) [ngayon]. Nabawasan [man] kami pero mas okay [ang] bonding namin compared to the past years.” Salungat naman ito para sa Green Tracksters dahil hindi umano ganoon kahigpit ang samahan ng buong koponan. Sa k a b i l a n i t o, m a l a k i p a r i n a n g
pasasalamat ng team captain dahil walang nabubuong isyu sa bawat manlalaro. Bukod sa pagkakaroon ng maayos na samahan ng mga manlalaro, isa sa madalas na mithiin ng kahit sino ang makapagbigay ng karangalan para sa unibersidad o bansa. Upang makamit ito, pinanghuhugutan nila ng lakas at inspirasyon ang mga t a o n g p a t u l o y na s umus up o rta sa kanila. Ayon kay Hernandez, “Of course, they [Lady Tracksters] really wanted to reach their goals which is to reach the podium and ,of course, our coach’s goals for us. For sure they wanted their
f a m i l y, f r i e n d s a n d L a S a l l i a n community to be proud of them too.” Ganito rin ang saad ng kapitan ng Green Tracksters para sa kanilang karagdagang inspirasyon. Para sa kapitan, motibasyon nila sa paglalaro ang seniors ng koponan na nasa huling playing year na dahil sila ang tumayong kaagapay at gabay nila sa bawat ensayo at laro noon pa man. Dahil sa mga inspirasyon at motibasyong ito, tunay na makikita ang dedikasyon ng Green and White Team upang makuha ang kanilang inaasam na resulta para sa darating na torneo. Asintado hanggang dulo
G a y a n g i b a n g m a n l a l a r o, nangangailangan ng suporta ang mga atletang Lasalyano mula sa mga taong nagbibigay sa kanila ng lakas ng loob upang maabot a n g k a n i l a n g p a n g a r a p. “ T h e y [Lady Tracksters] will give out their best, and run their hearts out to make all of you (s u p p o r t e r s) p r o u d . No m a t t e r what the result will be, one thing that they can assure you is that they will fight until [ t h e y r e a c h ] t h e f i n i s h l i n e ,” saad ni Hernandez. P a r a n a m a n k a y D e l P r a d o, hindi madaling malaman ang
mga dehado at lyamado sa mga lalahok sa kompetisyon ngunit kailangang abangan ng lahat ang koponan ng Green Tracksters dahil sa kahusayang ipamamalas nito. “ M a h i r a p magbitaw ng salita para sa team pero ang abangan niyo na lang yung rookie namin na si Francis Obiena, baguhan siya sa collegiate level pero alam ko at may tiwala ang team sa kanyang kakayahan. Please pray for us sa darating na season 80 ng track and field. Animo La Salle!” pagtatapos niya.
iwanan ni Cobb sa mga tagahanga at mga indibidwal na nagnanais magkaroon ng matibay at malusog na pangangatawan. Kaugnay nito, ibinahagi niya ang naging karanasan niya noong nagsimula siyang maging maingat sa kanyang kinakain. “May mga times na nagdadiet ako before tapos sobrang unhappy ko, [pero] kailangan [kasi] happy ka,” tugon ni
Cobb. “Don’t limit yourself so much na parang [pinarurusahan] mo na sarili mo. Love yourself,” pagtatapos niya. Isipin muna ang sariling kasiyahan upang hindi maging mabigat ang paglalakbay tungo sa pinapangarap na pangangatawan, ani Cobb. Hindi umano kinakailangang madaliin ang mga bagay na tulad ng pagkakaroon
ng magandang hubog ng katawan sapagkat dedikasyon at disiplina ang kailangan upang makamit ang magandang resulta. Tulad ni Cobb at ng mga atleta sa Pamantasan, makakamtan ang anomang layunin sa kahit na anong larangan kung umiiral ang kaligayahan dahil ito ang unang hakbang patungo sa tagumpay.
DIET | Mula sa p. 16 na kompetisyon, pinahahalagahan niya ang kanyang mga kinakain lalo pa at mayroon silang surprise weighins. “Usually may mga surprise kami na weigh-ins. Chinecheck din yung body fat, [sasabihin nila sa’yo]kapag tumaas body fat mo,” paliwanag niya. Hindi nag-iisa ang mga manlalaro upang makamit ang natatanging layunin para sa kanilang sarili. Marami ang tumutulong sa kanila bilang atleta upang panatalihin ang lakas at lusog ng katawan. “[Mayroon] kaming conditioning coach, tapos minsan humihingi kami ng tips sa diet,” pagbabahagi ni Cobb. Nakasalalay man sa sariling disiplina ang hinahanap ng manlalaro para sa sarili, hindi nagkukulang sa paggabay ang kanilang coach sa ganitong usapin. “[Kapag] tumaba ka tataba ka talaga [pero] madami kang madidinig kay coach, so nasa sa’yo na yun kung paano mo i-tuturn yung table,” pahayag ni Cobb. Hindi lamang nakakatulong sa pagbuo ng pagkakaisa ang manirahan sa isang dormitoryo kasama ang buong koponan ng Lady Spikers; dito rin hinahain ang pagkaing kinakailangan nila para manatiling malakas. “Halos every meal, may sineserve na gulay. Usually meat at gulay, tapos staple talaga sa dorm namin yung rice,” wika ng setter. Nakabubuti sa katawan
ang pagkakaroon ng tamang balanse ng nutrisyon na makukuha mula sa mga pagkaing karaniwang kinakain ng mga manlalaro. Kahalagahan ng kalusugan Sa pamamagitan ng masusustansyang pagkain, kakayanin ng indibidwal na makamit ang kanyang inaasam na pangangatawan. Kaugnay nito, hindi lamang umano sa loob ng volleyball court mapakikinabangan ang pagiging malusog. Pagbabahagi ni Cobb, “[Food] gives you energy. Sa kinakain mo rin siguro lumalabas kung gaano ka ‘well’ yung performance mo [sa anomang bagay]. Kung ano yung kinakain mo, basehan siya ng performance mo.” A y o n s a L a d y S p i k e r, h i n d i kailangang gutumin ang sarili dahil maaaring mabawi ang mga kinain sa pamamagitan ng ehersisyo. “Mahilig kami magsnack kasi nabuburn din naman namin ‘pag training.” aniya. Marapat ding hindi pabayaan ang sarili kahit na nagpapapayat sapagkat resulta ng mga kinakain ang lakas na ibinubuga ng katawan. “Kunwari hindi ka kumain, parang lantaylantay ka sa training,” dagdag ng manlalaro. Payo para sa mga nangangarap Magandang mensahe ang nais
Dibuho ni Syyidah Shah
WOODPUSHERS | Mula sa p. 16 ng La Salle. “Siguro ako masasabi ko [na] magaling ako sa ‘ikutan’; yung iba naman magaling sa tactics; may iba [rin] na magaling sa end game at iba sa opening,” dagdag ni Denzel John Amar, isa sa mga miyembro ng Green Woodpushers. Para sa atleta, isa sa mga matitinik nilang kalaban ang koponan ng National University (NU) dahil mata sa mata, bagang sa bagang kung ituring ang labanan. Bagamat hindi masyadong kinakailangan ang pisikal na abilidad sa laro, mahalaga pa rin ang physical endurance para sa mga atleta. Ayon sa Green Woodpusher, “Kailangan din namin yun kasi napapagod din talaga kami over the board; kahit walang physical contact, nag-iisip lang.” Dahilan niya pa, “Minimum kasi noon three hours na nag-iisip, then maximum ko is six hours.” Taliwas sa kuro-kuro ng karamihan, kinakailangan din magpakondisyon at magpapawis ng chess players upang makahinga at magpapresko mula sa mental stress. Pagtugis sa hari Makabagong karanasan ang pagsali sa chess kasama ang isang Woodpusher. Higit na nakulayan ng matingkad na
berde ang dating board na itim at puti lamang. Hindi naging madali ang matuto ng chess lalo na para sa isang first timer at sa panandaliang oras lamang. Isang pagsubok ang makipagsabayan sa bilis ng pag-atake ng Green Woodpusher sapagkat ibang lebel na ang kanyang critical thinking at decision making skills bilang isang bihasang manlalaro. Bukod sa diskarte, kinakailangan din dito ang visualization at pagsusuri sa bawat galaw at tira. Malaking kalaban din ang pagpapasindak sa sariling katunggali sapagkat wala itong mabuting maidudulot sa labanan kundi pagkawala ng pokus. Na g i n g k a p a n a p a n a b i k a n g paghaharap dahil sa buong pasyensang paggabay at pakikipaglaro na ibinigay sa amin ng Woodpusher. Para sa madalas na tagapanood lamang ng larong chess, mas naengganyo kaming sumali dahil sa mga bagong kaalamang ibinahagi ni Green Woodpusher Amar. Katahimikan, binabasag sa isipan Hindi man kasing-tunog ng pep squad o kasing ingay ng basketball, nakababasag naman ng katahimikan ang bawat hinga at galaw ng Green and White chess team. Humihiyaw ng Animo pride ang Woodpushers sa kanilang bawat
tira at atake. Patunay rito ang pagiging mahigpit na kalaban ng koponan kada UAAP season at ng mga pambansang pambato tulad ni Bernadette Galas, isang Woman International Master.
Walang duda na isang karangalan at kamanghaan ang mapasama sa DLSU Woodpushers. Maging sa labas ng apat na sulok ng chess board, maraming mabuting
epekto ang naidudulot ng paglalaro ng chess. Bukod sa nalilinang nito ang pag-iisip ng manlalaro, naituturo rin ng paglalaro ng chess ang pagiging madiskarte at matinik.
SINUBOK ng aming mga manunulat na maglaro ng chess sa gabay ni Denzel Amar, isa sa mga Green Woodpushers na sasabak sa UAAP Season 80 Chess Tournament sa Pebrero. | Kuha ni Danish Fernandez
15
ISPORTS
TINIK SA KORONA NG LADY SPIKERS:
Pasilip sa panibagong suliranin sa pag-ariba ng defending queens MARIA JOSE ELUMBA AT MARK PAULO GUILLERMO
HUMATAW ang DLSU Lady Spikers sa nakaraang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 79 nang manguna at daigin ang archrival Ateneo De Manila University (ADMU) Lady Eagles sa isang finals series, Mayo 6 sa SMART Araneta Coliseum. Naging madali para sa Lady Spikers na depensahan ang korona matapos maiuwi ng koponan ni Coach Ramil De Jesus ang kampeonato sa Game 2 ng finals. Matatandaang isa sa mga winning formula ni Coach Ramil sa mga nagdaang season ang matinding depensa ng Taftbased squad sa loob ng taraflex court na naging daan para makamit ng koponan ang ika-10 na kampeonato at madepensahan ang korona kontra Lady Eagles.
Pinangunahan ng 3-time UAAP best setter at graduating player na si Kim Fajardo at UAAP Season MVP Majoy Baron ang panalo upang selyuhan ang ika-10 na UAAP Championship ng Lady Spikers. Bagamat nagpasiklab ng galing, dumaan pa rin sa iba’t ibang hamon ang Lady Spikers dahilan upang magtapos ang Taft-based squad sa pangalawang pwesto sa elimination round tangan ang 11-3 panalo - talo kartada. Sa pagpasok ng panibagong season, hindi magiging madali para sa Taft mainstays ang kahaharaping pagsubok na dala ng bawat koponan. Hindi nagpahuli sa paghahanda ang mga katunggali upang masungkit ang korona kontra sa defending queens na Lady Spikers. Ilan sa mga koponang inaasahang magpapahirap sa Taft-based squad ang Lady Falcons, Golden Tigresses, Lady Bulldogs, at Lady Tamaraws.
Matayog na paglipad ng Lady Falcons Maalalang kinapos ang San Marcelinobased squad noong Season 79 nang malaglag sa 7th place at bigong makapasok sa semi-finals spot. Subalit, sa paparating na season, susubukan ng Lady Falcons na sungkitin ang kauna-unahang korona ng kanilang koponan. Pangungunahan nina Jema Galanza at Joy Dacoron ang San Marcelino mainstays kasama ang returning players, Mylene Paat at Fhen Emnas. Kasabay nito, inaabangan na rin ng lahat ang pagbabalik sa taraflex court ni Eli Soyud matapos ang kanyang oneyear residency sa unibersidad. Makikita sa nagdaang liga na naging malaking pasabog si Soyud para sa koponan dahilan upang maging kapanapanabik ang kanyang pagbabalik sa UAAP sa pugad ng Lady Falcons. Hindi man nangunguna sa attacking
Dibuho ni Leon John Reyes
at blocking department, kilala ang Lady Falcons sa tatag ng kanilang floor defense sa nagdaang mga season. Bunsod nito, kailangang siguraduhin na mas asintado ang bawat palong pakawawalan ng Lady Spikers upang malusutan ang matatag na floor defense ng Lady Falcons. Paglusob ng mababangis na Tigre Nakamit ng Golden Tigresses ang tansongmedalyamataposbigongmakapasok sa finals series noong nakaraang taon. Asahan na magiging mas agresibo ang Gold and Black team sa pag-angkin ng titulo. Gayunpaman, dadaan sa butas ng karayom ang koponan ni Coach Kung Fu Reyes para muling makapasok sa semifinals.dahil sa pagkawala ni Ria Meneses at pansamantalang pagliban ni EJ Laure sa volleyball scene. Isang mabigat na tungkulin ang nakapasan sa bagong team captain at scoring machine na si Cherry Rondina. Dahil dito, kakailanganin niya ang tulong nina Dimdim Pacres at Carla Sandoval nang mapatatag ang opensa ng grupo. Dagdag pa rito, dapat pagtibayin ng koponan ang kanilang on-court chemistry at teamwork upang mas mahirap basahin ang bawat galaw ng España-based squad sa parating na season. Kaabang-abang din ang mahigpit na pagbabantay ng University of Santo Tomas (UST) sa kanilang floor defense lalo na sa tindi ng offensive prowess ng Lady Spikers. Upang maisahan ng defending champions, kailangan nilang kargahan ang mga palo mula sa service area para masira ang game plan ng koponan at maselyuhan ang panalo. Pagpiglas sa laban ng Lady Bulldogs Hahampas muli ang Lady Bulldogs sa kanilang kampanya upang maibalik sa final four ang koponan ng Sampalocbased squad. Pangungunahan ni Jaja Santiago ang pagkuha sa unang korona ng National University. Magiging kabalikat niya sa pagsungkit ng gintong medalya ang nagbabalik libero na si Bia General upang pagtibayin ang floor defense ng Blue and Gold team. Magiging key weapon din ng koponan ang pagpasok ng kanilang new head coach na si Raymond “Babes” Castillo na magbibigay ng bagong pag-asa para
sa Lady Bulldogs. Inaasahan na magiging mabangis ang attacking department ng Lady Bulldogs sa darating na season dahil sa talentadong young setter Jasmine Nabor. Buhat nito, magiging tinik para sa Lady Spikers na patumbahin ang koponan ng Blue and Gold team upang madepensahan muli ang korona sa Taft. Kakailanganin ng Lady Spikers na patibayin ang kanilang blocking department na pangungunahan nina Majoy Baron at Aduke Ogunsanya upang magbigay-daan sa panalo kontra sa palaban na Lady Bulldogs. Pagsuwag ng Tamaraw sa korona Hindi rin magpapahuli ang Lady Tamaraws sa pagsungkit ng kanilang 30th Championship sa parating na season. Ibabandera ng Morayta-based squad ang kanilang complete line up sa pangunguna nina Bernadette Pons at Toni Rose Basas. Inaabangan din ang pagbabalik ng Season 74 Best Scorer na si Rose Mary Vargas na magbibigay ng dagdag lakas sa opensa ng Green and Gold team. Gaya ng inaasahan, aabangan din ang nagbabalik na head coach na si George Pascua na nagbigay ng apat na championship titles para sa Far Eastern University. Sa pagdating ni Coach Pascua, aabangan ang mas pinatinding attacking at blocking department ng Morayta-based squad dahilan upang maging isa sila sa mga dapat katakutan sa laban ng Lady Spikers. Dahilan nito, marapat lamang na pag-igihan ng Taft-based squad ang kanilang floor defense para masigurado ang panalo kontra sa Lady Tamaraw. “Thirst for third” Sa kabila ng mas pinalakas na mga koponan, tiyak na hindi magiging madali para sa Taft mainstays na maibulsa ang malinis na panalo-talo na kartada sa pagtatapos ng elimination round. Susubukan ng Lady Spikers na madaig ang apat na banta sa kanilang trono para makamtan ang ikatlong 3-peat bid ng koponan sa UAAP. Bunsod nito, mas magiging kapanapanabik ang salpukan na mangyayari sa pagbubukas ng volleyball season para sa Lady Spikers na makikipagtunggali kontra UST Golden Tigresses, Pebrero 3 sa Mall of Asia Arena.
KAAGAPAY NG MGA ATLETANG LASALYANO:
Pagtuklas sa mundo ng student managers JEA RHYCAR MOLINA AT RAEZEL LOUISE VELAYO
HINDI LINGID sa kaalaman ng nakararami na higit pa sa taktika at pisikal na kondisyon ang kinakailangan panatilihin ng mga manlalaro. Mas malaking responsibilidad ang nakapatong sa kanilang balikat paglabas ng kort sapagkat kinakailangan din nilang isaalang-alang ang kanilang pag-aaral. Katulong nila ang coaching staff sa bakbakan sa loob ng kort habang student managers naman ang kanilang kasangga sa pakikipaglaban sa hirap ng pag-aaral. Kaakibat sa pag-aaral, kaibigan sa problema Mahahati sa apat na bahagi ang pangunahing responsibilidad ng isang student manager: (1) subaybayan ang academic performance ng mga atleta; (2) magsulat at magpasa ng report sa koordineytor; (3) maglathala ng mga suhestyon at rekomendasyon;
(4) at maghatid ng tulong sa pagsasakatuparan ng mga proyekto ng Office of Sports Development (OSD). Hindi lamang nila tinitiyak na naipapasa ng mga atleta ang kanilang proyekto kundi sumasangguni rin sila sa propesor upang tiyaking maganda ang marka ng mga manlalaro. Matapos makalap ang mga impormasyon, kinakailangan nilang magpasa ng report sa kanilang koordineytor na magsisilbing ebalwasyon at batayan para sa mga susunod na hakbang. Pagbibigay ng suhestyon at rekomendasyon naman ang sumunod na gampanin ng student managers. Maging ang paghihikayat sa kanilang sumailalim sa counseling kung kinakailangan. Panghuli, kinakailangan nilang tumulong bilang man-power sa mga proyekto ng OSD tulad ng PEP Rally at Animo Year-end. Wala sa bokabularyo ng mga student manager ang salitang pagsuko sapagkat gaano man kahirap o kabigat ang kanilang gampanin, kinakailangan
nila itong gawan ng paraan. Hindi lamang ang pag-aaral ng atletang hawak nila ang kanilang tungkulin; bagkus, higit pa rito ang mga gawaing nakaatas sa kanila. Pagbabahagi ng student manager ng Green Booters na si Kamille Almonte, “A student manager should be able to adjust well to situations given. You also have to be mautak, madiskarte, matapang ka rin dapat pero yung tapang nasa tamang lugar.” Nakakubli sa likod ng mga takdangaralin na dapat tapusin, mga pagsusulit na dapat lutasin, at mga pananaliksik na dapat pasanin ang mga personal na problema ng mga manlalaro na dapat bigyang-pansin. Buhat nito, hindi lamang sa larangan ng akademiko ng mga atleta ang dapat tugunan ng student managers kundi pati na rin ang mga suliraning bumabagabag sa kanilang isipan. “Nagiging role na rin siya for student managers to help the student athletes cope up with their personal lives. If may kailangan sila, if they need advice, nandoon lang kami palagi. Nandoon din kami to be their
friend and family,” pagsisiwalat ni Sofia Cruz, student manager ng Green Batters. Matarik na daan tungo sa posisyon Malubak ang daang kailangang tahakin upang maging isang student manager sapagkat mabusisi at mahigpit na proseso ang kailangang pagdaanan. Hindi rin biro ang pagsumite ng aplikasyon dahil isinasagawa lamang ang kanilang recruitment sa ikatlong termino ng bawat akademikong taon. Kinakailangan nilang ipasa sa OSD ang mga gradong nakamit sa nakalipas na termino, certificate of good moral character mula sa Pamantasan, at cover letter at resume. Sakaling makalusot sa unang bahagi, kinakailangang sumailalim ang aplikante sa screening at orientation. Matapos palaring makapasa sa pangalawang bahagi, sasabak ang aplikante sa isang interview na pinamumunuan ng koordineytor at mga nagdaang student manager. Ayon kay Almonte, kadalasang kinakailangang higit pa sa tatlong termino ang natitirang pamamalagi ng aplikante sa unibersidad. Hindi maisasakatuparan
sa isang bagsakan ang tungkulin ng isang student manager sapagkat humihingi ito ng matagal na panahon. Bagamat walang limitasyon ang termino ng isang student manager, maaari siyang bumitiw sa kanyang trabaho anomang oras niya gustuhin; nararapat lamang niyang ilahad ang kanyang mga kadahilanan. “Our boss [won’t] take it against you if you quit kasi naiintindihan naman niya [na] as a student, you have your own responsibilities,” pagsasaad ng dating student manager ng Green Archers na si Penny Recto. Pagbuwag ng pader, pagbuo ng tulay Iba-iba ang diskarteng ibinahagi ng mga student manager upang makisalamuha sa mga atleta at maitatag ang mabuting relasyon sa kanila. Gayunpaman, masasabing iisa lamang ang pinag-ugatan nito - sinimulan nilang buksan ang kanilang sarili para sa mga atleta. Pagbabahagi ni Recto, “It’s not about me, it’s about all of us.” STUDENT MANAGERS >> p.13
16 PATNUGOT NG ISPORTS:
ANG PAHAYAGANG PLARIDEL
Justine Earl Taboso LAYOUT ARTIST: Jerry Pornelos
ISPORTS
ENERO 2018
PINAGHAHANDAAN ng DLSU Green at Lady Tracksters and kanilang pagsabak sa Track and Field Tournament, Pebrero 7-11 sa PhilSports Arena. Inaasam ng koponan na maiuwi ang ginto para sa taong ito. (Back L-R: John Kenneth Nodos, Jan Coronel, John Rey Moreno, Alvin Vergel, Michael Del Prado, Shaira Hernandez, Francis Obiena, Emilio Roxas, Jvee Patalud, Roland Malate. Front L-R: Erwin Parcon, Judy Ann Rendora, Elrica Anne Guro, Melissa Escoton, Angeli Din, Angel Cariño, Jewel Manaig, Mary Anthony Diesto, Manolo Maralit). | Kuha ni Ludivie Faith Dagmil
KARERA’T LUKSUHAN PARA SA GINTO:
DLSU Tracksters, kakaripas na tungo sa tagumpay!
ALEXANDER ISAIAH MENDOZA AT ZYRA JOY PARAFINA
HAHARUROT na sa stadium upang muling magpakita ng lakas at bilis ang DLSU Green at Lady Tracksters sa second round ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 80. Matatandaang lumapag lamang sa ikatlong pwesto ang Green Tracksters noong nakaraang torneo samantalang nabitin naman ang Lady Tracksters na makatungtong sa podium finish matapos bumagsak s a i k a a p a t n a p w e s t o. B u n s o d nito, doble kayod na ang koponan
upang mabigyan ng mas mataas na karangalan ang minamahal na Pamantasan. Patungo sa pangarap na hinahangad Hindi naging madali ang pakikipagpalakasan ng DLSU Tracksters team sa nakalipas na season. Sa kabila nito, hindi ganoon kalaki ang pagkakaiba ng pageensayo ng Taft mainstays para sa kanilang paghahanda sa darating na season ng UAAP. Ayon kay Shaira Hernandez, team captain ng Lady Tracksters, wala namang malaking pagkakaiba
sa paghahanda nila para sa darating na season. Saad niya, “Wala naman [pagkakaiba ang routine namin], it’s the same. Medyo may pagkakaiba lang sa training schedules and programs [because] we got to do strengthening with Coach Sonny and PTs [physical therapists]. [Other members also] got the chance to t r a i n w i t h t h e n a t i o n a l t e a m” . Pagpapatuloy pa niya, “Everyday training lang, [and] as much as possible even over the holidays. Also, they joined the PATAFA (Philippine Athletics Track and Field Association) Weekly Relays every weekend as part of their preparation na rin.”
SHAH MAT!
Mesa ng itim at puti sa kamay ng isang Woodpusher ALEXANDER ISAIAH MENDOZA AT ZYRA JOY PARAFINA
LABANAN ng utak at talas ng mata - walang duda na naiiba ang chess sa ibang larangan ng pampalakasan. Hindi ito tulad ng ibang laro na aktibo para sa pisikal na katawan subalit isang malaking hamon para sa intelektuwal at kritikal na pag-iisip ng manlalaro. Sa Pilipinas, itinuturing na pangkalahatan ang larong chess. Tumingin man sa kanan o kaliwa, mapabata man o matanda, pinag-iisa ng nabanggit na laro ang buong masa. Pambihirang tunay ang pamayanang Lasalyano dahil hindi lamang kilala ang Taft mainstays sa pisikal na palakasan
bagkus gumagawa rin ng pangalan maging sa palarong pangkatalinuhan. Podium residents kung maituturing, Lady Woodpushers, nagkampeon noong Season 78 at silver medalists naman noong nakaraang Season 79 ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP). Samantala, tumuntong naman sa pangatlo at panglimang pwesto ang Green Woodpushers, ayon sa pagkakasunod-sunod. Lisik ng paningin, talas ng pag-iisip Malaking katanungan sa maraming tao ang training routine ng De La Salle University (DLSU) Woodpushers. Matatagpuang nag-eensayo ang koponan sa kanilang study hall, ika-siyam na palapag ng Enrique Razon Sports Center
tuwing ika-6 hanggang 9 ng gabi. Sa pagtitipon-tipon ng mga manlalaro, kasama sa kanilang pag-eensayo ang patuloy na paglinang pa sa kanilang pansariling estilo sa bakbakan. Samantala, bukod sa tatlong araw kada linggo sa Razon, nag-eensayo rin ang Taft-based squad sa sarili nilang oras upang mas mahasa ang kanilang pag-iisip. Binubuo ang kompetisyon ng apat na chess board kada mesa na pinaglalabanan ng apat na pares. Nakadepende sa lineup ng katunggaling koponan ang pambato ng Green and White. Bukod dito, may kanya-kanyang angking galing at diskarte ang bawat miyembro ng four man team WOODPUSHERS >> p.14
Tulad ng Lady Tracksters, walan g bago sa pagsasanay n g Green Tracksters para sa Season 80. Gayunpaman, tinitiyak nilang mas matinding dedikasyon ang kanilang iaalay para makamit ang inaasam na kampeonato. Para sa team captain ng koponan na s i M i c h a e l D e l P r a d o, h i n d i n a bago sa kanila ang pag-eensayo araw-araw lalo para sa nalalapit n a t o r n e o. “ Na t u r a l n a m a n s a amin na mag-training everyday pero ang pinaghahandaan namin ngayon is yung bagong schedule ng competition. Before kasi afternoon and evening yung game pero this
coming season is morning and afternoon, so kailangan namin masanay sa ganoon para naman h i n d i n a n a m i n i s i p i n s a l a r o,” wika ni Del Prado. Dagdag pa rito, mas mataas na ang intensity level ng Green Tracksters pagdating sa strength-power skills para sa kanilang paghahanda sa Season 80. Aniya, “Sa ngayon, masasabi ko na mas pursigido kami sa training pero noong mga panahon ng June to August, medyo hindi pa ganoon kasi wala ako noong mga panahon na iyon [dahil] kasalukuyang nasa TRACKSTER >> p.15
BAGONG TAON, BAGONG PAGKAKATAON:
Inaasam na pangangatawan sa tulong ng atleta FHERY AHN ADAJAR AT MIGUEL LEONARDO
PINAAANDAR ng pagkain ang bawat tao upang maging malusog at produktibo. Kinakailangan ng katawan ng tao ang protein, carbohydrates, fat, vitamins, at minerals para mahubog ang isang malusog na pangangatawan. Gayunpaman, tuwing sumasapit ang buwan ng Disyembre, hindi maiiwasan ang paglamon ng mga hindi masusustansyang pagkain dahil sa samo’t saring handaan sa panahong ito. Bunsod nito, marami ang nagnanais na maibalik ang kani-kanilang pangangatawan sa pagbubukas ng bagong taon. Kagaya ng karaniwang tao, hindi rin madali para sa mga atleta ang magbawas ng timbang at mapanatili ang kanilang
pinangangalagaang katawan. Pahirapan ang pagpapapayat ngunit maaabot ang pangarap na ito ng taong mayroong determinasyon at dedikasyon tulad na lamang ni Lady Spiker Michelle Cobb. Karanasan bilang atleta Isa si Lady Spiker Michelle Cobb sa mga sikat na manlalaro ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP). Bukod sa kanyang galing sa paglalaro, dala niya ang balingkinitang katawan at magandang mukha na talaga namang kabigha-bighani sa mata ng kanyang mga tagasuporta. Bilang manlalaro sa mataas na antas DIET >> p.14