QHS Best Implementor, Brigada Eskwela 2014 Itinanghal na Best Implementor ang Mataas na Paaralang Quirino (QHS) nang makiisa sa matagumpay na taunang pagsa-sagawa ng Brigada Eskwela sa pangunguna ng Supreme Student Government (SSG) at Departamento ng Ara-ling Panlipunan sa pa-mumuno ni Bb. Lory Perjes, Mayo 19-23, 2014.
Ang Brigada ay alinsunod sa DepEd Memorandum No. 32, s. 2014. Ayon dito, mas kilala ang Bayanihan sa Paaralan bilang Brigada Eskwela na taunang aktibidad ng ahensya na nagsimula pa noong 2003. Nilahukan ito ng iba’t ibang mga paaralan na may layuning tipunin ang mga nagboluntaryo na linisin ang mga silid-aralan, mga palikuran at maging ang paligid ng paaralan.
Ngayong taon , may tema itong “ Disaster Preparedness Measures for School” Dagdag pa rito, tinawag na National Schools Maintenance Week ang Mayo 1924 para sa pagsasagawa ng Brigada. Bilang pagbubukas , nagsagawa ng parada na dinaluhan ng mga mag-aaral, magulang, mga guro, iba’t ibang organisasyon at mga kawani ng ilang barangay. Umawit ng Lupang Hinirang
ang QHS Glee Club sa patnubay ni Gng. Benilda Bartilad at panalanging mula kay Christian Mae Ocampo, 9 -1.
Nagbigay ng pambungad na pananalita si Dr. Levita Ramos, punongguro ng (Sundan sa pahina 2)
Mga Nilalaman: • Ang PAG-ASA - The Leadon, umarangkada • Ika-57 taon ng Pagkakatatag • Krimen sa Klasrum • Pagbisita ni Pope Francis Taon XLIII
Blg. 1
TAONG PANURUAN 2014-2015
Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Paaralang Sekundarya ng Quirino
• Most Outstanding Teacher in QC
QHS Makakalikasan
G.,Bb. Kalikasan 2014, Tree Planting Activity, isinabuhay! ni: James Patrick Dala
Ibinandera nina Esteban M. Fulay Jr. at Frances Marie S. Nangan, pawang mga IV-1, ang pangalan ng Quirino High School (QHS) nang makamit nito ang titulo bilang Ginoo at Binibining Kalikasan 2014 na isinagawa sa QHS Multi-purposed Covered Court, Agosto 26. Nakamit ni Nangan ang Best in Festive Attire, Best in Talent, at ang korona bilang Bb. Kalikasan Universe. Naiuwi naman ni Fulay ang Best
in Formal Wear at ang korona bilang Ginoong Kalikasan Universe. Kaugnay nito, umani rin ng parangal sina Fulay at Nangan sa ginanap na Division Science Fair 2014 sa Don Alejandro Roces Sr. Science and Technology High School (DARSSTHS), Setyembre 5. Napagwagian ni Nangan ang Bb. Kalikasan 1st runner-up samantalang hinakot ni Fulay ang Best in Sports Wear, Best in Casual Wear,
Tree Planting Activity
Best in School Uniform, at Ginoong Kalikasan 2014. Rumampa ang dalawa suot-suot ang magagara at nagkikinangang kasuotan na gawa sa tistis at “recyclable materials”. “To be honest, our Mother Earth is destroyed. And as
a student leader, I influence my fellow students to participate in activities that can help restoring and preserving our environment. And as a saying goes, If you want a year of prosperity, work hard. But if you want a thousand years of prosperity, plant a tree,”
Bilang pakikibahagi sa National Greening Program, nanguna sa pagsasagawa ng Tree Planting Activity ang Quirino High School sa pamumuno ni Gng. Carolyn C. Simon, puno ng Kagawaran ng Agham, sa San Mateo Landfill Area, Rizal, Setyembre 27. Nakiisa sa programa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), General Parent-Teachers Association (GPTA), Youth for Environment in Schools Organization (YES-O), at Schlumberger Excellence in Education Development (SEED). Isang makabuluhang mensahe nina Gng. Simon at Gng. Baby Frayco, kinatawan ng DENR, ang ipinahayag sa mya miyembro. Sabay-sabay na nanumpa ang mga nagsidalo sa buong suporta nito sa programa sa pangunguna ni Gng. Helen P. Torres, Overall Chairman.
buong-husay na sagot ni Fulay sa Question & Answer Portion. Nakatakdang lumaban si Fulay sa National Level ng naturang kompetisyon sa Rizal High School, Pasig City ngayong Pebrero 2015.
Samantala, itinuro nina Gng. Helen M. Bacho, guro sa Agham at Bb. Marjorie C. Almoete, Forester II, ang tamang paraan ng pagtatanim. Nauna rito, nagtanim ng mahigit 200 punlang Guyabano sa tulong nina Dave Galarpe at Joralyne Macabago, pinuno ng YES-O at SEED ng QHS. Samantala, muling isinagawa ang Tree Planting Activity na pinangunahan ng Science Club Advisers Association of the Philippines (SCAAP) Quezon City Chapter sa La Mesa Dam Watershed, Nobyembre 29. Naging kinatawan ng QHS sina Bb. Janine M. Lanot, guro sa Agham, SCAAP Treasurer at James Patrick Dala, IV-1. Sa tulong ni G. Maximo C. Landrito, DENR National Greening Program Coordinator, sabay-sabay na itinanim ang mahigit 100 punla ng puno ng Apitong.
2
B alita
TAONG PANURUAN 2014-2015
Ang PAG-ASA – The LEADON, umarangkada
EQ125: Guro to Pangulo
Pagdiriwang sa ika-125 kaarawan ni Quirino, kasado na!; QHS, makikisaya!
ni: Ian Andrew A. Justo
Umarangkada ang staffers ng Ang Pag-Asa at The Leadon ng Mataas na Paaralang Quirino sa ginanap na District III Schools Press Conference sa Paaralang Sekundarya ng Jose P. Laurel, ikalawa ng Setyembre 2014. Kumamada ng 218 na kabuuang puntos ang PagAsa at The Leadon sa iba’t ibang kategorya sa pamamahayag, na naging dahilan ng pagkamit ng Overall School Highest Pointer. Nasungkit nina Arra Jane Batin at Mariel Baliza, una at ikasiyam sa Pagsulat ng Balita; Christian Mae Ocampo at Erika Desiree Delfin, una at ikalawa sa Pagsulat ng Editoryal; Delfin at Joana Rodulfo, ikalawa at ikalima sa Pagsulat ng Lathalain; Baliza at Rodulfo, ikalawa at ikaapat sa
Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita, pawang mga Gr.91; John Ian Lemuel Cabizo at Ren-Zandro Aquinde, kapwa IV-1, una at ikalima sa Pagsulat ng Isports; Ocampo at Jason Tillo, IV-1, una at ikatlo sa Pagsulat ng Lathalain sa Agham at Pangkalusugan; Roy Justin Noble, IV-8, una sa Editoryal Kartuning; Ruth Reyes at Russel Bacungan, kapwa IV-1, ikalawa at ikalima sa Pagkuha ng Larawan. Namayagpag din ang patnugutan ng The Leadon na sina Nicole Tibi at April Pecasales, ikatlo at ikaanim sa News Writing; Tibi, ikatlo sa Editorial Wrting; Frances Nangan at Jhasmin Guatno, una at ikaanim sa Feature Writing; Roxanne Balanon at Nangan, ikalawa at ikalima sa Copy Reading and Headlining; Balanon at Andrew
Viernes, ikalawa at ikaapat sa Science Feature, pawing mga IV-1; Jin-Ritchel Arcega, Gr.9-16 at John Bautista, Gr.9-4, una at ikalawa sa Editorial Cartooning; Maria Lizette Ordono, IV-1, ikapito sa Photojournalism. Nagwagi naman ng unang puwesto sa Best Infomercial at tinanghal na ikalawang puwesto sa Overall Best Group ang The Leadon Broadcasting Group. Samantala, nakamit nina Ocampo, una at Delfin, ikalawa sa Overall Highest Individual Pointers sa patnugutan ng Ang Pag-Asa; Tibi at Balanon, ikalawa at Nangan, ikatlo sa Overall Highest Individual Pionters sa patnugutan ng The Leadon.
ni: James Patrick Dala
Araw ng Pagbasa, Hon. Banal bumisita sa QHS ni: Raeselle Campollo
“Nakakatuwang isipin at tingnan na ang mga Quirinians ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng Pagbasa, ibig lamang sabihin nito na pinapahalagahan din ng mga taga-Quirino ang kahalagahan at impor-tansya ng pagbabasa. Sana magpatuloy ang ganitong kagandang simulain.”
Ito ang mensahe ng pasasalamat ni Hon. Jorge “Bolet” Banal sa mga Quirinians sa kanyang pagbisita at pakikiisa sa pagdaraos ng programa ng Araw ng Pagbasa sa pangunguna ng Departamento ng Ingles sa pamumuno ni Bb. Liberty Mangaluz na ginanap sa Mataas na Paaralang Quirino, ika- 27 ng Nobyembre, 2014.
QHS Best Implementor... QHS. Pinangunahan naman ni Gng. Carolyn Simon, QHS Science Dept. Head ang pagpapakilala ng mga panauhing nagsipagdalo. Itinalaga ni G. Juanito Fonacier, Jr., QHS Filipino Dept. Head at Chairman ng Program Implementation Committee ang mga gawain ng bawat isa. Nanumpa ang
Ayon sa Republic Act 10556, idinedeklara ang Nobyembre 27 bilang Araw ng Pagbasa (National Reading Day), bilang pagbibigay pugay din ito kay yumaong Sen. Benigno Aquino Jr. na ang kanyang kaarawan ay Nobyembre 27, 1932. Ayon naman sa DepEd Memo #244, s. 2011, ang Nobyembre ay ipinroklama bilang National Reading Month, base na rin sa nilagdaan ni DepEd Sec. Armin Luistro. Bilang pagsisimula ng programa, pinangunahan ng QHS Glee Club ang Nationalistic Song at Doxology sa pagkumpas ni Gng. Benilda Bartilad. “Ang Araw ng Pagbasa ay hindi lamang araw ng pagbabasa kundi nagpapaalala ng kahalagahan ng pagbabasa, sambit ni G. Juanito Fonacier, Jr., Puno
ng Departameto ng Filipino, sa kanyang pambungad na pananalita. Ipinakilala naman ni Bb. Mutya Vistan, guro sa Ingles ang nasabing programa at maging ang panauhing pandangal na si Hon. Bolet Banal. Inilahad ni Bb. Lucille Dizon, guro sa Ingles ang buhay ni Sen. Ninoy Aquino. Nagboluntaryo naman sina James Patrick Dala, IV-1; Angela Louise Soriano at Christian Salino, IV-1 kasama si Gng. Ginabel Sorrosa General Parent-Teachers Association (GPTA) President na nagsalaysay ng kuwentong “Guess How Much I Love You” sa Video Theater. Nagkaroon din ng Simultaneous Reading ang bawat klase sa pangunguna ng kanilang mga guro sa Ingles.
(Mula sa pahina 1)
mga lumahok na tumulong sa paglilinis ng paligid ng paaralan sa pamumuno ng mga opisyales ng SSG. Nakiisa rin ang mga opisyales ng Brgy. Duyan Duyan sa programa nang unang araw, Mayo 20. Samantala, sa ikalawang araw, nanguna sa paglilinis ang Brgy. Claro,
Parents and Teachers Association (PTA), Kagawaran ng Matematika, Technology and Livelihood Education (TLE) at ang Departamento ng MAPEH. Pinangunahan naman ng Brgy. Amihan, Faculty Club, Kagawaran ng Ingles, Edukasyon sa Pagpapakatao, at SPED ang huling
araw ng pagsasagawa ng Brigada.
Naging matagumpay ang programa sa pangunguna nina James Patrick Dala, IV -1, Secretary ng SSG at Katherine Roselle Baltazar, 9 - 1, Bise Presidente.
Upang ipagdiwang ang ika-125 kaarawan ni Quirino, inilatag ng President Elpidio Quirino Foundation ang mga aktibidades para sa year-long celebration sa mga paaralang Quirino kabilang ang Quirino High School, sa QHS E-Library, Enero 21. Nanguna sa presen-tasyon ng palatuntunan sina Bb. Cory Quirino, apo ni Quirino at Bb. Isabella Quirino, apo sa tuhod. Ka i s a s a m g a n a g taguyod ng programa sina G. Juanito G. Fonacier Jr. at Bb. Lory Perjes, puno ng Kagawaran ng Filipino at Araling Panlipunan; G. Rodel R. Rivera, Supreme Student Government (SSG) Adviser; Bb. Janine M. Lanot, guro sa Agham; Gng. Amy Andales, guro sa MAPEH at Bb. Pinky Balinas, guro sa AP. Bilang pakikisaya ng QHS, dumalo sa nasabing pulong ang mga kinatawan ng SSG sa pangunguna nina Katherine Roselle Baltazar, Bise-Pangulo; James Patrick Dala, Kalihim, Christian Mae Ocampo, Ingat-yaman at Russel M. Bacungan, Awditor. Nakiisa rin ang mga kinatawan ng Quirino Elementary School (QES) Student Douncil na sina Giane Buhion; Eriel Martinez; Erica Mariano; Paolo Soriano, at Elvin Joseph Annang. “Para po sa mga grades 1-3 na hindi po gaanong marunong mag-surf, pwede pong ang mga teachers nila ang mag-browse at magkwento ng stories about Quirino,” pahayag ni Annang. Nabigo namang makapunta ang mga kinatawang mag-aaral mula sa Elpidio Quirino High School ng Maynila. “Let’s do it, the Quirino way!” makabuluhang mensahe ni Bb. Cory. Ilan sa mga programang inihain ay quiz bee ukol sa buhay ni Quirino, raffle promos, poster and slogan making contest, essay writing contest, fun run, at concert ng live band. Ay o n s a s a m a h a n , ang kanilang pangunahing layunin ay nakasentro sa edukasyon. Dahil maaari raw umanong makamit ang pinakamataas na posisyon sa bansa tulad ni Quirino na nagmula sa pagiging guro kung taglay natin ang dunong.
B alita
TAONG PANURUAN 2014-2015
3
Buwan ng Wika 2014
Kagawaran ng Filipino, nagkaisa ni: Mariel U. Baliza
Muling nagkaisa ang Kagawaran ng Filipino ng Mataas na Paaralan ng Quirino sa paglunsad ng mga aktibidades kaugnay sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika na may temang “Filipino: Wika ng Pagkakaisa,” buwan ng Agosto. Kabilang sa mga ito ang pagsulat ng Sanaysay, Jingle Making at Poster/Slogan Making Contest para sa pampaaralang patimpalak. Nilahukan ito ng mga piling mag-aaral mula sa ikapitong baitang hanggang ikaapat na taon. Nanguna si Joanna Rudolfo, Christian Mae Ocampo, ikalawa at Trisha Mae Marquez, ikatlo, mga G9-1 sa pagsulat ng Sanaysay. Nasungkit ng IV-3 ang unang gantimpala at grupo ng G7-1, ikalawa sa Jingle Making Contest; Kim Luna,
G8-1, una, Abba Salarda at Marvin Galero, G9-8, ikalawa at Mark Lester Aguilar at Robert Gregory Elardo, mga G9-3, ikatlo sa Poster/Slogan Making. Kauganay nito, humakot ng parangal ang mga mag-aaral ng QHS matapos magwagi sa isinagawang Pandistritong Patimpalak na ginanap sa iba’t ibang paaralan sa ikatlong distrito. Nakamit nina Joralyne Macabago, IV-1, Ocampo, Hazel Joy de Luna, G8-1 at Jahziel Felizardo, G7-1 ang unang karangalan sa Tagisan ng Talino at James Patrick Dala, IV-1, ikalawa sa Masining na Pagku-kuwento. Napagwagian din ng QHS ang ikalawang pwesto sa Balagtasan na nilahukan nina Leziel Faith Bagasbas at Mark Ryan Calvan, mga G8-1 at Mae-nard Isma, G71. Gayundin sa kategoryang
Reader’s Theater na sinalihan ng sampung mag-aaral ng G9-1 ng QHS. Kabilang dito sina Katherine Roselle Baltazar, Evine Joy Turpias at Jamie Ubarro. Tinanghal naman na kampeon ang mga piling mag-aaral ng IV-1 sa Sabayang Pagbigkas para sa
4th year level na pinangunahan nina Frances Marie Nangan, Esteban Fulay Jr. at Russel Bacungan. Bukod pa rito, kinilala na ikalawang pwesto sa Sabayang Pagbigkas ang mga piling mag-aaral ng G9 na kinabibilangan nina Charlotte Fajardo, Jamie Santil-lan at
Monica Yaneza. Tumanggap ng medalya, sertipiko at tropeyo ang mga nagsipagwagi. Nagsilbing tagapagsanay ang mga guro sa Filipino sa pamumuno ni G. Juanito Fonacier, Jr., Puno ng Kagawaran.
Leadership Training Seminar, dinaluhan nina: Desiree Claire Fabregas at Karl Christian Torrejano
Gearing Up To Excellence
Ika-57 Taon ng Pagkakatatag ng QHS, ginunita! ni: Venerando C. Sera Jose, Jr.
Muling nagkaisa ang mga mag-aaral, guro at alumni ng Mataas na Paaralang Quirino sa paggunita ng ika-57 taon ng pagkakatatag nito, Nobyembre 14. Isang Banal na Misa ang isinagawa bandang ika-7 ng umaga sa pamumuno ni Rev. Fr. Sonny Bernabe na agad namang ipinagpatuloy ng pag-aalay ng bulaklak ng mga Puno ng Kagawaran katuwang ang ilang mga alumni sa bantayog ni Pres. Elpidio Quirino. “Nagpapasalamat ako dahil naimbitahan ako sa pagdiriwang ng Foundation Day ng paaralang ito. I wish na sana ay patuloy na mag-develop ang school na ito ng marami pang mga mahuhusay at magagaling na estudyante para sa hinaharap.” Ito ay bahagi ng pahayag ni Hon. Jorge “Bolet” Banal sa pagsisimula ng programa. “Ilang dekada na rin simula nang itatag ang paaralang ito. Ilang dekada na ring humuhubog ng mga mag-aaral
na naging matagumpay sa buhay. Ipinapanalangin ko na sana’y patnubayan tayo ng Panginooon para humubog pa ng mas maraming matagumpay na mag-aaral,” pagbibigay diin naman ni G. Juanito G. Fonacier, Jr. sa kanyang maikling talumpati. Samantala, binigyang buhay ni Jason P. Tillo, ang katauhan ni yumaong Pres. Quirino sa isang maikling palatuntunan na “Aquino and Abunda Today” na pinangunahan nina James Patrick Dala at Raeselle Campollo bilang sina Tito Boy at Krissy. Isang madamdaming kanta naman ang inihandog ni Alea Sarmiento, 9-Sapphire. Nagpakitang gilas din sa pagsayaw ang mga piling mag-aaral ng Mandarin, IV-1 at IV-8, Baldomeros, Quirino Jetsetters, at mga opisyales ng SSG. Sa pagtatapos, naghand o g a n g Ka g awa ra n n g MAPEH ng sayaw sa pangunguna ni G. Allen Pagaduan. Nagbigay ng mensahe si Bb. Emeren-ciana Vargas, Puno ng Kagawaran ng MAPEH.
Dinaluhan ng mga piling magaral ng Mataas na Paaralang Quirino ang iba’t ibang leadership training seminar sa magkakaibang petsa at lugar sa lungsod Quezon. Youlead: Regional Leadership Training Seminar “Your primary task is to find solutions, if you can’t find solutions, you’re not effective leader.” Ito ang pahayag ni G. Percival Cendana, National Youth Commisioner (NYC) sa ginanap na “Youlead: Regional Training Seminar” sa University of the Philippines National College for Public Administration and Governance (UP-NCPAG), Hunyo 30. Nilahukan ito ng mga opisyales ng Supreme Student Government mula sa iba’t ibang paaralan, Bilang kinatawan ng Mataas na Paaralang Quirino nakibahagi sina Frances Marie S. Nangan, pangulo; Katherine Baltazar; pangalawang pangulo; Ritz Renee Caba, 4th yr representative; Jamie Santillan, 3rd yr. Representative at G. Rodel Rivera, tagapayo. Layunin ng nasabing seminar na mapaghandaan ng mga kabataan ang pamamahala at pamumuno sa paaralan. Kaugnay nito, nagkaroon ng paligsahan ang mga estudyante sa paggawa ng epektibong “project proposal” para sa mga paaralan sa buong bansa. Napagtagumpayan ng mga opisyales ng QHS-SSG, dahil sila ang namayagpag sa nabanggit na project proposal. Core Leadership Training Seminar “To be a good leader, we should be a good follower. Ang leadership at responsibility ay laging magkaugnay iyan.” Ito ang wika ni G. Juanito Fonacier, Puno ng kagawaran ng Filipino sa idinaos na
“Core Leadership Training Seminar” na may temang “Student leaders today, leaders of tomorrow” sa Mataas na Paaralang Quirino, Hulyo 23-25. Dinaluhan ito ng mga opisyales ng bawat organisasyon ng paaralan. Nahati sa tatlong araw ang seminar na pinamahalaan ng Supreme Student Government (SSG). Sa unang araw tinalakay ni John Bernard Caasi, speaker, ang “Anatomy of Leadership.” Ikalawang araw,itinuro naman ang “Laws and Constitution at the votes of SSG Members” ni G. Rodel Rivera, SSG Adviser at sa huling araw pinag-usapan ang “Self-Awareness: Key to Effective Leadership” at nagsilbing tagapagsalita si Paolo M. Velasquez, NU skin executive. Namuno sa palatuntunan sina Katherine Baltazar, IX- Diamond at James Dala, IV-1 pawang mga opisyales ng SSG. SAMANDAD Leadership training and Workshop Seminar Nagsagawa ng Leadership training and workshop seminar ang Campus Integrity Crusaders (CIC) sa temang “Akayin si Juan tungo sa tapat at epektibong lipunan,” Disyembre 3, na dinaluhan ng mga piling mag-aral ng Quirino High School. Nakiisa si Gng. Marlene S. Ismil, Assistant Graft Information Officer II-Office of the Ombudsman upang magbaliktanaw sa mga naganap sa CIC. Nagsilbi naman speaker si John Bernard O. Caasi at nagtalakay patungkol sa “Integridad.” Layunin ng seminar na buksan ang isipan ng mga kabataan sa korapsyon at palawakin ang integridad sa paaralan.
4
TAONG PANURUAN 2014-2015
e d i t o ryal
Organisasyon: Solusyon o
Editoryal
Konsumisyon?
Patnugutan 2014-2015
ni: Jason P. Tillo
Patnugot Jason P. Tillo Ka-Patnugot Ruth Giselle L. Reyes Tagapamahala James Patrick Dala Mga Kontribyutor Balita Venerando C. Sera Jose Jr. Desiree Claire D. Fabregas Karl Christian Torrejano Raeselle G. Campollo Mariel U. Baliza Morgianna Lachica Ian Andrew Justo Christian Mae Ocampo Lathalain Christian Salino Erika Desiree Delfin Agham/Pangkalusugan James Patrick Dala Jason Tillo Pampalakasan John Ian Lemuel N. Cabizo Ren Zandro V. Aquinde Jaimie Santillan Tagaguhit Arra Jane V. Batin Potograpo Ruth Giselle Reyes Russel M. Bacungan Tagapayo Gng. Bessie Maggay Puno ng Kagawaran ng Filipino G. Juanito G. Fonacier Jr. Superbisor sa Pamamahayag Dr. Ligaya A. Regis Tagapangulo sa Filipino Gng. Florian Ruiz Punongguro Dr. Levita U. Ramos
Kaliwanagan at Pag-asa, nakasalalay sa Santo Papa? ni: Erika Desiree B. Delfin
Inabangan ang pagbisita ng isa sa mga pinakamahalagang tao sa buong mundo lalo na sa kasaysayan ng Simbahang Katoliko na si Pope Francis na dumating sa bansa noong Enero ng taong 2015. Samu’t saring paghahanda ang inilatag ng pamahalaan para sa pagdating ng Santo Papa. Sinasabing hangad ng pagbisita ang pagdalaw sa mga nasalanta ng mga kalamidad lalong-lalo na sa mga biktima ng Yolanda. Pagbibigay pag-asa ang isa sa nais itulong ng Papa sa mga tao sa Leyte dahil hindi pa tuluyang nakakabangon ang buong probinsya sa pananalasa ng bagyo. Ang pagbisita ni Pope Francis ay lalong nagpasidhi sa damdamin ng tao upang makita at masilayan ito. Matatandaang bumisita na rin sa Pilipinas si Pope John Paul II para sa pagdiriwang ng World Youth Day. Ang kanyang pagbisita ay hindi lamang dinaluhan ng mga matatanda kundi pati na rin ng mga kabataan na deboto. Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), sinasabing nagkaroon ng single trip ang Santo Papa hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa Sri Lanka. Bilang paghahanda sa pagdating, inayos ang probinsya ng Leyte na isa sa mga dinalawin ni Pope Francis. Ngunit ito ba ay paghahanda o pagpapakitang tao ng pamahalaan? Matatandaang hindi pa tuluyang nakakabangon ang mga nasalanta ng Bagyong Yolanda. Napakaraming imprastraktura,
Estudyante o eSTUPIDyante na nga ba? ni: Russel M. Bacungan
Tunay na nakaba-bahala ang mabilis na pagbabagong nagaganap sa isipan at pananaw sa buhay ng mga kabataang Pilipino ngayon na pati ang ka-butihang asal ay kanila na ring nakalilimutan. Sino nga ba ang may-roong pananagutan dito?
Nagsisilbing pangala-wang tahanan ng mga estudyante ang paaralan at mga guro ang siyang panga-lawang magulang nito. Gaya ng isang magulang, hangad din ng mga guro ang mabuting iaasal ng kanyang mga estudyante sa loob man o labas ng paaralan. Ang guro ang siyang nagtuturo sa bawat mag-aaral ng panibagong kaalaman at mahubog
kabahayan at kabuhayan pa ang dapat isaayos upang manumbalik sa dating sigla ang Leyte. Nananatiling palaisipan pa rin ang mga donasyon ng galing sa iba’t ibang bansa at mga organisasyon sa buong mundo. Hindi pa rin tuluyang naisasaayos ang mga nasira. Malaki ang nalikom na pondo ng gobyerno na galing sa mga donasyon na ito ngunit hindi pa rin ito nakikita at nararamdaman ng marami sa ating mga kababayan. Ang pagbisita ng Santo Papa ang nag-udyok upang muli itong bigyang pansin kung kaya’t samu’t saring batikos ang natanggap ng pamahalan. Paano kung hindi natuloy at hindi dumating ang Santo Papa? Mananatili na lang ba sa kinasasadlakang hirap ang buong probinsya? Napakaraming nagsasabing pakitang-tao lamang ang ating pamahalaan. Kung kailan lamang may bibisita at makakakita ng kalagayan ng mga nasalanta ay doon pa lamang ito bibigyan ng pansin. Tinatago ba ng gobyerno ang kawalan nila ng aksyon sa buong mundo? Tungkulin ng gobyerno na ipakita ang tunay na kalagayan ng mga tao sa Tacloban upang mas mabigyan pa ito ng pansin. Tungkulin ng ating pamahalaan na tulungan ang kanilang nasasakupan. Hindi lamang dapat bigyang prayoridad ang isang bagay dahil kailangang magpakitang-gilas. Sana sa pagbisita ng Santo Papa ay hindi lamang ang mga biktima ang mabigyan ng kaliwanagan kundi pati na rin ang lahat ng Pilipino, gobyerno at ang ating buong bansa.
pa ang kanilang kakayahan. Isang malaking pagta-taka kung bakit sa panahon ngayon ay nagkalat na ang mga kabataang Pinoy na nawawalan na ng pag-respeto at paggalang sa kanilang mga guro. Ang kawalan ng modo ng ibang mga estudyante ang nagiging dahilan para mapuno at maubos ang pasensya ng mga guro kaya humahantong minsan sa pananakit nito sa mag-aaral. Hindi natin masisisi ang mga guro kung bakit nila ito nagagawa. Sino ba naman ang matutuwa sa mga kabulastugan at kawalang-hiyaan na pinaggagawa ng mga
estudyante sa kanilang mga guro sa loob ng paaralan. Tila wala ng kahabag-habag kung ganun na lamang itrato ang mga mas nakatatanda sa kanila. Sino ba ang talagang nagkulang, may kasalanan at responsable sa mga ito? Siguro nga’y nakaaapekto ang modernong teknolohiya sa pagbabago ng ugali, pag-iisip, at pananaw ng mga kabataan ngayon. Naka-ligtaan na ang limitasyon sa mga bagay-bagay. Ngunit kung tutuusin, nasa magulang pa rin ang puno’t dulo ng lahat ng pag-aasal ng kanilang mga anak. Ang maling pagpapalaki
Isang malaking responsibilidad sa mga estudyante ang pag-anib sa mga organisasyon na umiiral sa paaralang gaya na Quirino High School. Ilan sa mga ito ang Supreme Student Government (SSG) na isang National Organization na may layuning paigtingin ang “leadership skills” ng mga mag-aaral, at isa sila sa mga makapang-yarihang samahan ng mga estudyanteng kabataan sa paaralan na nangunguna sa pagtulong ng mga aktibidades ng paaralan. Nang hagupitin ng bagyong Yolanda ang Kabisayaan, agarang umak-syon ang QHSSSG para makatulong sa mga biktima. Nakalikom ng humigit kumulang P30,000.00, “relief goods” at mga lumang damit na mapapakinabangan mula sa mga Quirinians at mga kaguruan. Ibinigay ito sa ABS-CBN Foundation bilang pakikiisa. Nakiisa ang Youth for Environment in Schools Organization (YES-O) sa pagpapanatili ng kalinisan sa paaralan at paggawa ng proyektong makakalikasan at makabansa. Unang inilunsad ng YES-O ang “Tulong Galing Program” (TGPro) para sa mga mag-aaral upang maging malusog at matibay ang samahan.
Hindi lingid sa mga magaaral na kabilang sa mga organisasyon ang mga benepisyo na kanilang makukuha. Kung “running for honor” ang isang opisyal, malaking “advantage” ito sa kanila na magkaroon ng malaking puntos sa grado. Sa kabilang banda, kung hindi kayang harapin ang lahat ng ito kasabay ang pag-aaral, talagang magiging konsumisyon ito para sa isang mag-aaral. Maaaring hadlang ito sa pagaaral at hindi nakapagpo-pokus sa “academics.” Samakatuwid, ang pag-anib at pagsali sa isang organisasyon ay hindi basta-basta. Mainam na marunong tayong magbalanse ng oras at alam natin kung ano ang “ipaprioritize.”
at paghubog sa kanilang buong pagkatao ang naging dahilan para magawa nila ang mga ito. Samakatuwid, mahalaga na bata pa lamang ang mga anak ay maibigay at maiparamdam na ang pagkalinga, pag-aaruga’t pagmamahal ng mga magulang nang sa ganoon hanggang sa paglaki ay taglay na ang kabutihang asal na dapat bitbit ng isang mabuting tao. Ang mabuti at tamang pag-uugali ay siyang magdadala sa atin sa rurok ng tagumpay.
e d i t o ryal
TAONG PANURUAN 2014-2015
5
PANAWAGAN
HAYAGAN
Krimen sa klasrum: paano maiiwasan?
Proyekto sa Paaralan: Hindi isang uri ng Negosyo
ni: Ren-Zandro V. Aquinde
Maituturing natin na ikalawang tahanan ang paaralan. Dito nakakasalamuha tayo ng iba’t ibang personalidad na makakaim-pluwensya ng masama at mabuti sa atin. Isa na rito ang ating mga kamag-aral na kasa-kasama natin sa loob ng silid. Hindi nawawala ang mga mahuhusay, responsable, masipag at may respeto sa kapwa estudyante. Subalit sa likod nito ay ang mga pasaway na mag-aaral na nakakagawa ng simpleng krimen sa loob ng silid-aralan. Napapansin ba nin’yo na may nagaganap na krimen sa loob ng klasrum? Isang halimbawa nito ay ang paghingi ng papel, pagnanakaw ng ballpen, paghingi ng piso, pagdikit sa matalino upang mangopya. Karaniwan na nating napapa-kinggan ang katagang “Mayroon ba tayong test ngayon? Pakopya ako.” “Pahingi akong piso, babayaran ko mamaya.” “Birthday ng tropa natin, inuman tayo!” “Laro tayo ng DOTA, wala namang klase eh.” Tipikal na itong naririnig sa mga estudyanteng walang iniisip kundi ang sariling kaluhuan sa buhay. Ang mga ganitong gawain ay nagpapakita ng hindi magandang kaugalian ng isang kamag-aral. Gawaing naging karaniwan na sa panahong ito. Sa mga simpleng bagay na iyon ay nakakalikha tayo ng
ni: Christian Mae Ocampo
krimen at maaaring magdala sa atin sa kapahamakan. Nilalamangan at ninanakawan natin ang ating kapwa mag-aaral na dito nagsisimula ang korapsyon at katiwalian sa pamahalaan? Paano magiging pag-asa ng bayan si Batang Juan? Dagdag pa rito, lubhang naaapektuhan ang taong inaabuso sa ganitong gawain. Malaki ang maidudulot nito sa kanyang asal at kilos sa loob ng paaralan. Samantala, paano maiiwasan ang krimen sa loob ng klasrum? Kailangan magsimula sa pamilya na siyang gumagabay sa pang-arawaraw nating buhay. Pakikisalamuha sa mga mabubuting tao sa komunidad na nagiging huwaran sa atin. Ang pagiging relihiyoso at pagkakaroon ng takot sa Diyos ang nagsisilbing paraan upang tahakin natin ang tuwid na landas. Maging ang pagsunod sa mga patakaran, alituntunin at mga batas ng paaralan ay magbibigay rin ng kaayusan sa ating buhay nasa silid-aralan man o labas ng eskwelahan. Higit sa lahat, isabuhay natin ang itinurong tamang asal ng magulang at guro na ating naman itinuturing na pangalawang magulang na siyang maghahatid sa atin sa tuwid na landas. Ikaw, naging saksi ka ba sa krimeng ito?
Maaari kaming matawag na matigas ang ulo, iresponsable, tamad at tuso sa hindi namin paggawa ng mga proyekto at iba pang school works sa mahusay na paraan at pagpapasa sa itinakdang oras at kung minsan ay hindi na talaga gumagawa. May mga pagkakataon na namomroblema kami dahil sa kakapusan ng pangtustos sa pag-aaral. Mga minamahal naming guro kaunting paunawa lamang ang hinihingi ng bawat mag-aaral sa paglagay namin sa ganitong usapin. Una, ika’y bihasa sa pagbibigay ng malalaking proyekto, takdang-aralin at iba pang school works sa loob ng napakaikling oras. Ang mas malala pa rito, nangangailangan pa ng lima hanggang sampung outputs na dadagdagan pa ng malaking proyekto. Pagkatapos, ibang guro naman ang magbibigay ng sari-saring gawain. Dumarating sa puntong hindi na namin alam kung paano kami magsisimula at kung ano ang uunahing gawain. Ito ang pangunahing nagtutulak sa amin upang hindi na matapos ang mga gawain. Pangalawa, kadalasa’y binibigyan kami ng mga proyektong walang kinalaman sa paksa at mamahalin pa, na talaga namang kinukwestiyon ng karamihan. Hindi ko inilalahat ang lahat ng guro ngunit aminin ko man o sa hindi, mayroon talagang guro na namumwersang bumili kami ng proyekto sa mataas na halaga. Para lamang makasunod sa alituntunin, wala kaming magagawa kundi sundin at gawin na lamang ito lalo sa mga magaaral na nasa “Achievers.” Ang iba’y
maglalagay na lamang ng kanilang mga pirma sa proyekto at may instant grado ka na! Kung wala namang pirma halos mapagsakluban na nang langit at lupa. Pangatlo, hindi praktikal ang pagbibigay ng iskedyul sa pagpapasa ng mga proyekto. Maaari namang bigyan kami ng mahaba-habang panahon bago ang markahang pagsusulit para magkaroon ng sapat na oras para matapos at makapaghanda sa exams. Panigurado namang papayuhan niyo kaming gamitin ang oras ng tama. Ginagawa naman ito ngunit ayon na rin sa karanasan naming hindi madaling gumawa nang madalian lalo na’t mataas ang ekspektasyon sa amin. Hindi ba’t ang paaralan ay sinasabing lugar na maghahanda sa kabataan upang harapin ang mga suliranin sa lipunan? Hindi ba’t ang paaralan ang sinasabing magbibigay sa atin ng mga kaalaman upang ang mga kabataan ay magkaroon ng makabuluhang pakikilahok sa mga gawain sa lipunan? Eh ano ang nakikita natin? Ang pagbibigay ng napakalaking proyekto at maraming requirements ay talagang nakabubuti lalo na kung naihahatid nito ang mabuting layunin. Hinahayaan n’yo kaming gumawa ng ganitong gawain upang sukatin ang aming natutunan sa inyong asignatura. Ngunit, ang mga proyektong ito ay dapat kaugnay sa ating mga paksa. Dapat ito ay nasa mababang halaga lamang ngunit edukasyonal at mapapakinabangan, hindi isang uri ng negosyo.
PULSO NG BAYAN ni: Mariel U. Baliza
House Bill 6052: Kalutasan o kahigpitan?
Isang pinakamalaking problema ng bansang Pilipinas ang samu’t saring krimen nagaganap na halos kabataan ang sangkot, edad kinse pababa. Hindi na rin mapigilan ng gobyerno ang paglaganap ng ganitong gawain. Kung kaya’t ipinanukala ni Sen. Tito Sotto na muling buhayin ang House Bill 6052 sa Pilipinas. Ikaw, sang-ayon ka ba sa panukalang ito?
“Sa panahon ngayon, marami ng mga bata sa lansangan ang gumagawa ng krimen mula 12-anyos. Marahil hindi sila nakakatanggap na sapat na suplikasyon ng gabay mula sa kanilang mga magulang, ngunit para sa akin, hindi ito dahilan upang makalusot sila sa ating batas. Marapat lamang na ibaba ang edad nang dapat ikulong upang matuwid sila habang bata pa. Dapat lamang din na mahigpit ang mga nanunungkulan upang maipatupad ang disiplina.” Katherine Roselle Baltazar, Supreme Student Government Officer in Charge “Sa usaping pagkakakulong, ito’y depende sa kung anong uri nito. Mayroon kasing pagkakulong kagaya ng boystown. Ito’y rehab hindi ito totally isang kulungan. Sang-ayon ako sa ganitong pamamaraan. Pero hindi sila dapat isama sa mga matatanda
sapagkat maaabuso ang kanilang pagiging bata. Kung magkaganito, tataliwas tayo sa Child Protection Policy. Hindi rin naman kasi kaya ng mga magulang kung sila lang ang kikilos. Maganda ang panukalang ito para mapaayos sila at mabago ang kanilang buhay.” Gng. Madonna Tabin Guro sa Edukasyon sa Pagkakatao “Dapat matagal nang ipinatupad ang batas para mapigilan ang pagdami ng mga batang kriminal.” Gng. Bessie Maggay Magulang “Sa ngayon, malaya nang nagagawa ng mga kabataan ang mga bagay na masama at labag sa batas sapagkat alam nilang hindi sila makukulong o mapaparusahan kaya’t mararapat lamang na sila ay magtanda.” Grecelle De Guzman Empleyado, edad 19
“Katoliko kasi tayo, wala tayong karapatan na kuhanin ang buhay ng iba. Kung ako’y mayroong paniniwalaan, iyon ay ang paigtingin ang pagpapatupad ng batas, mas magandang pamumuno, maayos na pagpapatupad at mas maayos na ekonomiya. Naniniwala kasi ako na kaya lamang sila nakakagawa ng ganoon ay dulot ng matinding kahirapan. Mauubos lamang ang tao sa mundo kung sa tuwing makakagawa sila ng mali ay hahatulan sila ng kamatayan.” Bb. Lory Perjes Puno ng Kagawaran ng Araling Panlipunan ”Ang Death Penalty ay hindi magandang solusyon sa paglobo ng krimen sa Pilipinas. Dahil kung sa isasagawa ito, parang ginawa mong Diyos ang sarili dahil ikaw mismo ang pumapatay sa tao. Kahit nakagawa ito ng krimen, hindi ito basehan para kumitil ng buhay ng isang tao.” PO3 Elizabeth Benosa Quezon City Police District “Hindi mapipigil ng bitay ang mga karumal dumal na krimen. Maaaring akong pabor sa bitay ngunit mayroong reserbasyon dahil sa epekto sa implementasyon ng ating hustisya. Marami kasi ang napaprusahan na sa totoo’y wala talagang kasalanan.” Al G. Pedroch Journalist
“Upang mabawasan ang mga masasamang tao dapat lamang na Death Penalty ang ipataw. Dahil sa akin pananaw bilang pulis, lalong dadami ang bilang ng taong gagawa ng masasama at mga taong maaapektuhan nito. Dahil dito, hindi mababawasan ang suliranin sa lipunan. Mas lalong lalaki ang bilang ng mga krimen sa atin dahil hindi matatakot ang mga masasamang tao na gumawa ng karumal dumal na krimen kung hindi mabigat ang parusa. Hindi rin naman sapat ang panghabambuhay na pagkakakulong dahil maaari pa silang makaranas ng magandang buhay sa kulungan lalo’t higit kung may pera sila.” SPO2 Francis Fajardo Quezon City Police District “Sa aking palagay, panahon na siguro na ibalik ito dahil aminin man natin o hindi na talagang dumarami na ang krimen sa ating bansa lalo na sa mga kababaihan maging sa mga kabataang babae, Oo nga’t wala tayong karapatang pumatay subalit dahil dito ay parang lalong lumalakas ang loob ng mga gumagawa nito dahil nga sa walang “Death Penalty”. Kung babalik ito tiyak na maiiwasan o mabawasan ang paglaganap ng mga nasabing krimen dahil matatakot na sila sa tiyak na kamatayan.” Thelma Valdez Filipino Teacher, QHS
6
TAONG PANURUAN 2014-2015
L A T H A L A I N
ni: Jason Tillo
Sa mga nagdaang taon, naharap sa nakapan-lulumong pagsubok ang mga Pilipino dulot ng iba’t ibang trahedya at sakuna. Maraming buhay ang nawala dulot ng storm surge ng bagyong Yolanda, mga imprastrakturang nasayang dahil sa malakas na lindol sa Bohol at pag-aalboroto ng Bulkang Mayon sa Albay. Ang mga kalunos-lunos na pangyaring ito sa mga Pilipino ay nagdulot ng pagkatakot, pangamba at pagkawala ng pag-asa. Mararamdaman sa kanilang puso ang pagdadalamhati sa pagpanaw ng kanilang mahal sa buhay at ang hirap na kanilang naranasan sa araw-araw na pagkalam ng kanilang mga sikmura. Tanging pag-unawa, suporta, trabaho, edukasyon at negosyo ang kanilang
kailangan upang bumangon muli sa pagkalugmok sa trahedya at magkaroon muli ng pag-asa. “Mercy and Compassion” Dalawang salita na makabuluhan sa buhay ng mga Pilipino. Dalawang salita na ginamit ng ating Santo Papa sa kanyang Pastoral Visit sa Pilipinas. Dalawang salitang may malaking epekto sa buhay ng bawat isa. Higit sa lahat, ang mga ito’y naging sandata ni Pope Francis para makabangong muli ang mga Pilipino at maipahayag ang kanyang mensahe sa sambayanan. Naging makasaysayan ang ginanap na Papal Visit ni Pope Francis sa Pilipinas. Sa limang araw na pamamalagi ng Santo Papa rito, kasama ang kanyang misyon, adbokasiya at layunin, kusang ibin-
igay ang sarili bilang kinatawan ng Diyos upang makabangon tayo sa matinding problema ng ating buhay. Nais ng pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katoliko na ipagpatuloy muli ang buhay ng mga nawalan ng pag-asa sa atin. Nasaksihan natin ang bawat tagpong isinagawa ng Santo Papa sa iba’t ibang dako ng Pilipinas. Ang kanyang countdown mula Sri Lanka hanggang Pilipinas, ang State Visit sa Malacañang Palace, ang kanyang unang misa sa Manila Cathedral at ang “Encounter with the families” sa Mall of Asia Arena. Bahagi rin ng kanyang Pastoral Visit, ang pagdalaw sa Palo, Leyte para makiramay at mabigyan ng bagong pag-asa ang mga kababayan natin. Isang makabuluhang misa sa gitna ng pananalasa ng bagyong Amang. Inabangan din ang “Encounter with the youth” sa Unibersidad ng Santo Tomas kung saan napaking-
gan ang mga kinakaharap na problema ng mga kabataan sa pangunguna nina G l y z e l l e Pa l o mar at Jun Chura. Higit sa lahat, nasilayan din ang pinakaina-abangang concluding mass na ginanap sa Quirino Grand Stand. Sa ginanap na pagbisita ng Santo Papa, tanging hangad lamang niya na matamasa ang katatagan sa bawat Pilipino para sa panibagong bukas at matibay na sandigan sa pananam-palataya sa ating Poong Maykapal. Pananampalataya na nagpapaliwanag sa lakas ng loob at hindi madaling pagsuko sa anumang laban sa buhay. Nais din naman ng mga Pilipino na masilayan nang malapitan ang Santo Papa upang madama ang kanyang presensya. Ito ang magsisilbing inspirasyon natin upang kumilos, lumaban at baguhin ang pananaw sa buhay. Masasabi ngayon na magsisimula ang hamong ibinigay ni Pope Francis sa atin. Maraming mga Pilipino ang umasa na ang pagbisita niya ay magdudulot ng positibong epekto sa moralidad lalo na sa buhay-ispiritwal ng mga Katolikong Pilipino. Dahil dito, malaki ang tiwala ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na magdudulot na ito ng “Spiritual Typhoon” sa mga Pilipino. Magsisilbing hamon sa mga Pilipino na baguhin ang maling kaugalian kung paano itutuwid ang kanilang mga
katiwalian sa buhay maging ito man ay malaki o maliit at pag-ahon sa kahirapan na isa sa mga dahilan kung bakit nagkakasala o nasisira ang moralidad ng isang tao. Idagdag pa rito ang lumalalang kriminalidad sa ating bansa tulad ng pagnanakaw, pang-aabuso, panghahalay at maging ang banta ng terorismo sa bansa. Maaari itong maging hamon sa mga kabataan upang magbago ng pananaw sa buhay. Sa halip na inuubos ang oras sa mga bagay na walang kabuluhan, maaari nilang pagbutihin ang kanilang pag-aaral bilang paghahanda sa kinabukasan. Umaasa rin ang mga taong biktima ng karahasan na maimpluwesyahan ng Papa upang mapuno ang kanilang naghihinanakit na puso ng tuwa at bagong pag-asa na bumangon at magsimula muling patatagin ang kanillang moralidad. Sa pamamagitan ng Santo Papa ay mabubuhay ang pagnanais ng tao na matamo ang tunay na kaligayahan, kalayaan, kaligtasan at katarungan para sa kanilang sarili at sa kanilang pamilya. Samakatuwid, ang makasaysayang pagdalaw ng Papa sa Pilipinas ay makakapag-impluwensya sa bawat Pilipino na magbago at magbigay inspirasyon upang bumangon at lumaban upang itaguyod ang sarili.
L A T H A L A I N
TAONG PANURUAN 2014-2015
7
Pangarap na hindi matitibag ni: Christian Salino
“Sa likod ng matinding unos ay mayroong bagong araw na sisikat.” Ang bawat bata sa ating mundo ay mayroong sariling pangarap. Katulad ng karamihang bata, ako ay mayroong pangarap. Pangarap na nais makamit bago dumating ang takipsilim. Sapagkat ako’y naniniwala sa kasabihang “hindi kasalanan ang ipinanganak na mahirap ngunit ang mamatay ng nananatiling naghihirap. Tama, ang pagiging dukha ang isa sa mga mapapalit na kabanata ng karamihang tao. Walang sino man ang nagnanais nito ngunit sa mga maling desisyon ay humantong sa kapighatian ang kanilang buhay. Ang kahirapa’y nagdudulot ng matinding unos sa sinuman humamak na abutin ang kanilang tagumpay. Naniniwala ako na ang unos ng buhay ay panan-da-
lian lamang. Ganoon pa man, kinakailangan itong paghandaan upang maiwasang magdulot ng matinding pinsala sa ating buhay. Sa likod ng matinding unos ay may bagong pag-asang sisikat at gigising sa ating mithiin. Ako si Christian Salino, 17 gulang, nakatira sa kamaynilaan ngunit dugong Surigaonon at kasalukuyang nakatira sa bayan ng lungsod Quezon. Ako’y nagaaral sa ika-apat na taon ng sekundarya’t malapit ko nang makamtan ang tanda ng pagod at hirap at maging ang bunga ng aking pagsisikap. Ito’y walang iba kundi ang aking diploma. Ganoon pa man, bago ko maabot ang tagumpay, ay maraming matinding hamon ang dumating sa aking buhay. At ito ang aking kwento.
Dumako ako sa Metro Manila na tangan-tangan ang katotohanang kami’y mahirap lamang. Ayon sa aking ina’y sanggol pa lang ako nang lumipat kami sa Maynila upang makipag-sapalaran sa buhay. Dahil sa kulang ang kinikita ng aking ama sa pamamasada ay naranasan namin ang matulog sa mga dyip at maging sa car wash. Pitong taong gulang ako nang nagsimula akong magaral sa elementarya ng Antipolo. Sa ikatlong baitang ay umuwi kami sa probinsya ng aking ama upang magpagaling mula sa kanyang operasyon sa Appendicitis. Napakasakit isiping nasaktan ako dahil hindi ko nagagawang bumasa, bumilang at sumulat nang maayos. Mistula akong isang taong mangmang na walang pag-asa. Dito ko rin nara-
ranasang sumuko sa pagaaral dahil sa paghihiwalay ng aking mga magulang. Sa pagka-kataong iyo’y dumanas ako ng matinding kalungkutan sa bawat araw ng aking buhay. Gayunpaman, napagtanto ko sa aking sarili na sa halip na malumbay at magtanim ng galit ay mas makakabuti na pagbutihin ang aking pagaaral at magsumikap. Mula noon ay napansin ng aking mga guro ang natatangi kong galing at sumabak sa iba’t ibang patimpalak. Nakamit ko ang iba’t ibang karangalan sa aking pagtatapos. Sa hayskul ay naging iskolar ako ng paaralan namin sa probinsya. Mahirap man ang sistemang naranasan ko kung saan nakatanggap ako ng pangungutya, panghuhusga at pagpapahiya ngunit hindi
ito naging hadlang upang patunayan ang aking kakayahan. Sa unang tao’y nakamit ko ang ika-11 at ikalawang karangalan sa ikalawang taon. Ngunit sa ‘di maipaliwanag na dahilan, kinakailangan kong iwanan ang aking buhay probinsya at muling nakipagsapalaran sa Metro Manila. Wala man akong natanggap na karangalan sa ikatlo’t ikaapat na taon ay napatunayan ko na sa bawat pagsisikap ay may tagumpay na matatanggap. Dahil dito’y naitampok din ang aking galing sa iba’t ibang paligsahan ng utak at galing.
ilog araw-araw upang makapagturo lamang sa ating mga kababayan na hindi abot ng kabihasnan. Dahil sa paghihirap na ito, ang tanging hiling nila ay mapansin sila ng gobyerno’t taasan ang kanilang mumunting sweldo. Kamakailan lang ay nakiisa ang Pilipinas sa pagdiriwang ng World Teachers’ Day at nakiisa ang QHS sa pagdiriwang ng Teachers’
Day sa temang “My Teacher, My Hero” bilang pagbibigay pugay sa kadakilaan ng ating mga guro. Kaya marapat lang na pahalagahan at igalang ang mga guro, dahil sila ang humuhubog sa ating pagkatao. Hindi man sila mapansin ng pamahalaan, sila pa rin ang mga Unsung Hereos na mamamayani sa ating puso kailanman.
Naniniwala ako na ang edukasyon ang susi sa kahirapan. Kinakailangan na hindi lang tayo mahusay sa nakaraan, maging sa pangangarap sa hinaharap. Pagsusumikap, inspirasyon, pagpapahalaga at pagma-mahal ang kailangan sa magandang kinabukasan.
Guro ng Buhay, hangad ay tagumpay! nina: Christian Salino at Raeselle Campollo
“Walang propesyonal sa mundo kung walang guro” Pamilyar ka ba sa pangungusap na ito? Lahat tayo ay nagnanais na magtagumpay sa buhay. Marahil, gusto natin umasenso o ‘di kaya’y maiahon ang ating pamilya sa hirap. At dahil sa hangad nating guminhawa sa buhay, nagsusumikap tayong mag-aral upang magkamit ng batsilyer na susi sa pagiging propesyunal. Marahil, ninais mong maging pulitiko, inhinyero, doktor, negosyante, kapitan, pulis, sundalo o di kaya’y maging sepultorero. Ngunit, bago natin maabot ang propesyong ito, mayroong mga dakilang tao na tutulong sa atin na hubugin at pagyamanin ang ating mga angking kakayahan, sila ang mga dakilang guro. Ang pagiging guro ang isa sa pinakamahirap na trabaho. Dahil aabot sa dalawang daang estudyante ang tuturuan, kinakailangan ng pawang tiyaga at buong
pasensya para lang makapagturo nang maayos. Mahirap maging isang guro dahil kinakailangang maglaan ng mahabang oras sa pagtuturo at paghahanda ng leksyon kahit na mababa lamang ang sweldo. Sila ang mga taong tumatayong pangalawang magulang, dahil nababatid nila ang bawat kalakasan, kahinaan at kakulangan ng kanilang mga mag-aaral. Sila ang mga tipo ng mga tao na hindi nabibigyan ng mga kaukulang pansin sa kabila ng kanilang paghihirap at pagsasakripisyo. Sa panahon ngayon, kaunti na lamang ang kumukuha ng kursong pagtuturo dahil sa hirap ng mga gawain at liit ng sweldo. Subalit, may mga tao pa ring pinipiling magturo upang makatulong na guminhawa ang buhay ng iba. Sila ang buong pusong nagtuturo at naglilingkod sa kanilang mag-aaral. Gayunpaman, ang pagig-
ing guro ay nangangailangan ng sapat na karanasan sa pakikipagkapwa-tao, may positibong pananaw sa sarili at sa kanyang tinuturuan, may disiplina, bukas ang isip at may mahabang pasensya. Nakararamdam din sila ng pagod sa buong maghapong pagtuturo, kalungkutan kapag walang nais na makinig. Subalit, kahit maraming pagsubok ang dumarating sa kanilang buhay, hindi sila sumusuko dahil alam nila kung gaano kahalaga ang edukasyon para sa kanilang mag-aaral.Tunay ngang hindi matatawaran ang pagmamahal ng mga guro sa kanilang mga mag-aaral at sa kanilang tungkulin. Sa kabila ng kanilang kadakilaan, marami pa ring pangangailangan ang mga guro na hindi natutugunan ng pamahalaan. Hindi nabibigyang pansin ang mga gurong buong tiyagang umaakya’t baba sa mga kabundukan at tumatawid sa rumaragasang
8
TAONG PANURUAN 2014-2015
AGHAM / PANGKALUSUGAN
Pilipinas, Ebolafree! sinaliksik ni: Jason Tillo
Upos ng Sigarilyo + Acetone = Pandikit sinaliksik ni: Christian A. Salino
Ang kondisyon ng ekonomiya ng bansa ay hindi lang nakadepende sa mga likas na yaman kundi mula rin sa mga mura’t patapong mga bagay na muling ginagamit upang maging produkto. Ang mga produkto mula sa mga patapong bagay ay inaasahang magbibigay kontribusyon sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa. Isa sa mga halimbawa ng ay ang upos ng sigarilyo. Dahil sa dami ng mga taong naninigarilyo ay nagiging malaki ang kontribusyon ng sigarilyo sa polusyon ng hangin at lupa. Ang pandikit ang isa sa mga kagamitang kinakailangan ng mga tao sa kanilang mga gawain lalo na ang mga estudyante. Mahalaga ito, subalit marami pa ring mga bata ay hindi nakakabili nito. Ganunpaman, marami sa ating mga kababayan ang naghahanap ng paraan upang makagawa ng pandikit na gawang-bahay, kaya naman ang estudyante ng Quirino High School na si Christian Salino ng IV-1 Rizal kasama ng kanyang maga
kamag-aral ay nagsasagawa ng pag-aaral kung paano makakagawa ng pandikit hango sa kombinasyon ng gamit na sigarilyo’t acetone. Ang pag-aaral na ito’y isinagawa upang makagawa ng bagong produkto ngunit alternatibong pandikit na makatutulong sa ating mga kababayang walang kakayahang bumili ng mga komersyal na pandikit. Naglalayon din itong mapatunayan kung ang kombinasyon ng sigarilyo’t acetone ay maaring gawing pandikit. Ang pagaaral na ito’y ginagabayan ng negatibong haypotasiya na ang kombinasyon ng sigarilyo’t acetone ay hindi makakabuo ng bagong kemikal upang maging pandikit. Mahalaga ang pag-aaral na ito dahil hinihikayat nito ang mga tao lalo na ang mga naninigarilyo na sa halip itapon ang upos ng sigarilyo’y itabi na lang ito para gawing pandikit. Upang sa ganitong paraan ay nababawasan ng bahagya ang mga kalat sa ating kapaligiran dulot ng sigarilyo. Narito ang mga materyales sa paggawa: • Upos ng sigarilyo
Eco-friendly bayong! ni: Ruth Giselle Reyes
Bilang pagtugon sa pandaigdigang panawagan sa proteksyon ng kapaligiran upang mapigilan ang pagkasira ng Inang Kalikasan ang pagpapatupad ng Anti-Plastic Law sa Pilipinas ay matindi ng isinakatuparan. Dahil hindi nabubulok ang plastik, higit itong nakakaapekto sa ating kalikasan maging sa ozone layer na patuloy ang pagkabutas dahil sa paggamit nito.
Ka u g n a y s a p a g p a pa-tupad ng Anti-Plastic Law, marami na ang mga pakulo ang iba’t-ibang lugar. Ang una na dito ang mga Supermarket na hinikayat ang mga mamimili na gumamit ng “ecobag” o “green bags” na maari pa nilang ulit magamit. Mahigit 1.33 trilyong plastik ang maiiwasan nating magamit sa ating buong buhay, dahil dito masusolusyunan na ang lumalalang polusyon sa lansan-
• • • • • • •
Acetone Guwantes Salaan Apat na testube Graduated Cylinder Garapon Mortal at Pestle
Paraan ng paggawa: 1. Kumulekta ng mga upos ng sigarilyo gamit ang guwantes. 2. Balatan ang sigarilyo at pagkatapos hugasan ito sa pamamagitan ng pagtapat nito sa bukas na gripo. 3. Pagkatapos hugasan ay ibabad ito sa araw hanggang sa matuyo. 4. Maghanda ng apat na testube at sukatan ito ng mga leybel:
Sampol Sampol Sampol Sampol
1: 2: 3: 4:
15 mL ng Acetone 12 mL ng Acetone 10 mL ng Acetone 8 mL ng Acetone
5. Pagtakapos ay lagyan ito ng tigpipitong upos ng sigarilyo bawat test tube. 6. Hayaang mababad ang sigarilyo ng tatlong araw. 7. Matapos nito’y ikumpres ang laman ng testube gamit ang mortar at pestle.
gan, tambakan at karagatan na siyang magdudulot ng malinis na hangin para sa ikakabuti ng kalusugan at kalikasan. A n g p a g b a b a l i k n g “Bayong” na ginagamit sa pamimili ay muling isinabuhay ng ilang mga lalawigan sa bansa. Ang bayong ay isang natural at isang ‘renewable resources’ tulad ng pandan, buri, sabutan, romblon at abaka na makikita sa Pilipinas. Dagdag pa rito, ang paggawa ng bayong ay parte na ng ating kultura. Hindi lamang ‘environmental friendly’ ang bayong ngunit nakakatulong din sa pangkabuhayan ng maraming Pilipino sa bansa lalo na sa mga ‘rural areas,’ na mas marami ang nagpoprudyus nito maging ang mga magsasaka na nagtatanim ng ganitong uri ng mapagkukunan.
8. At pagkatapos makuha ang likido ng solusyon ay isalin ito sa kanya-kanyang garapon. Paraan ng paggamit: 1. Isa-isang pahiran ang papel ng limang sampol gamit ang istik pangpahid. 2. Sunod ay marahang diinan ang pagkakadikit. 3. Obserbahan ito sa loob ng tatlong minuto. Sa pagpapatuloy ng pagaaral ay nadiskubreng ang ikaapat na sampol ang tiyak na humalo sa solusyon ng acetone. Napatunayan na ang proporsyon na pitong sigarilyo sa 8mL ng acetone ang tanging epektibong gawing pandikit. Inirerekomenda ng pagaaral na ito’y magkakagay ng mga pabangong pormula upang mabawasan ang amoy sigarilyo ng pandikit. Ganon pa man, kinakai-lanagan na magsagawa pa rin ng masusing pagsisiyasat at pag-aanalisa ng mga eksperto sa agham upang mapatunayan at mapag-tibay ang kombinasyon ng sigarilyo’t acetone upang maging pandikit.
Sa Compostela Valley, naging matagumpay sila sa kanilang Oil Palm plantation venture, na kanilang pinaghusay upang magawa ng mga native basket o bayong. Ang ginamit nila sa paggawa nito ay ang ‘palm leaf’ na kanilang naaani. Nakakagawa sila ng mahigit 20 pirasong bayong kada buwan na kanilang binibenta sa presyong 100 kada-piraso. Hindi lamang mga rural na lugar ang mayroong benepisyo sa paggawa o paggamit ng bayong, nakakatulong din ito sa mga urban na lugar katulad ng Metro Manila. Dahil sa modernong teknolohiya, nakakatulong ito upang pabilisin ang produksyon ng bayong. Sa pamamagitan nito mas napapaunlad pa ang mga
bayong, nakakagawa na sila ng iba’t ibang hugis, desensyo
Nakakabahala pa rin hanggang ngayon ang patuloy na bagsik ng Ebola Virus disease sa kontinente ng Aprika. Patuloy pa ring tumataas ang bilang ng mga namamatay at naapektuhan dahil sa sakit na ito sa mga nasabing bansa. Sa pagdaan ng mga araw ay dumarami na ang kaso ng Ebola sa mga bansang sangkot at mga biktima nito. Hanggang ngayon pinag-aaralan pa rin ang posibleng panlunas ng epidemyang ito kaya nababahala pa rin ang mga Pilipino dahil sa maaaring pagpasok ng Ebola sa Pilipinas. Pinapaigting pa rin ng Department of Health (DOH) ang pagsulpot ng Ebola sa ating bansa. Ayon pa sa DOH, ang Pilipinas ay Ebola-free country. Wala pang isang kaso ng Ebola sa Pilipinas. Kahit sa mga paliparan ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) at mga dayuhan ay binabantayan pa rin ng mga opisyales. Gayundin sa UN peaceskeepers na mula sa kontinente ng Aprika. Sa tulong ng makabagong teknolohiya mas napapadali ang gawain natin sa pagpapaigting ng seguridad sa Ebola. Mas mabilis nating malalaman kung sino ang mga makakitaan ng sintomas ng Ebola. Ngunit higit pa riyan mas kailangan ang ibayong pag-iingat sa Ebola at iba pang sakit. Dahil dito, masasabi talaga nating Ebola-free ang Pilipinas.
at kulay na siyang nakakahikayat sa mga tao upang magamit ito sa maraming paraan hindi lang sa pamamalengke. Ang pagbabalik sa ‘ o l d - f a s h i o n ’ a t g ra n d comeback ng Bayong sa maraming lugar para sa pakikiisa sa Anti-Plastic Law sa bansa ay natutugunan na ng ilang mga lalawigan sa ating bansa. Unting-unting bumabalik at nahihikayat ang maraming Pilipino na gumamit na produktong Pilipino. Hindi lamang sa kalikasan nakakatulong ngunit pati na rin sa kabuhayan ng maraming Pilipino sa probinsya. Ibalik nating muli, tangkilikin at salubungin ang pagbabagong hatid sa ating bansa ng bayong. Welcome back, bayong!
B alita
TAONG PANURUAN 2014-2015
9
Hon. Belmonte: Ang guro ay hindi nagtatrabaho para sa kanyang sarili ni: Morgianna Lachica
“Ang guro ay hindi nagtatrabaho para sa kanyang sarili kundi nagtatrabaho para sa inyong kinabukasan.” Ito ang binigyang-diin ni Hon. Vice Mayor Josefina “Joy” Belmonte sa kanyang pagbisita sa Mataas na Paaralang Quirino kaugnay sa selebrasyon ng World Teachers’ Day, buwan ng Oktubre 2014.
Nagkaroon ng First Friday Mass sa unang parte at sa ikalawa ay pinakilala ang mga panauhin na pinamahalaan ni G. Juanito Fonacier Jr., Head Teacher VI. Pinangasiwaan naman ni G. Ramil S. De Guzman, tagapayo ng Campus Integrity Crusaders (CIC) ang Awarding of Certificates. Kaugnay nito, nagsagawa ng iba’t ibang patimpalak na nilahukan ng mga mag-aaral. Nanguna sa Art Making Contest si Lea Nartea; Vanessa Marie Tintero, ikalawa; Anne Beatriz Sioson, ikatlo. Nakamit ni Julinar Dorado ang unang karangalan sa Poem Writing Contest, Harlene Baculinao, ikalawa; at Tintero, ikatlo, pawang mga Gr. 9-1. Nagpakitang-gilas ang QHS Glee Club sa pag-awit sa kanilang Special Chorale Presentation sa pagkumpas ni Gng. Benilda Bartilad pati na rin ang QHS Dancers. Samantala, namahala si
Bb. Milagros Pacot sa pagpaparangal sa mga nagwagi sa Video Making Contest. Kabilang dito si Jemima Mabansag, IV-5, una; at ikalawa ang mga piling magaaral ng IV-6. Nasungkit naman ng Gr.9-1 ni G. Cesar Baltazar ang karangalan bilang “Most Liked Selfie.” Dagdag pa rito, nagtanghal ang YES-O Officers at mga piling guro sa kani-kanilang natatanging bilang. Pinangunahan ng mga opisyales ng SSG, SSC
at CIC ang National Prayer for Teachers sa pakikilahok ng mga mag-aaral ng QHS. Nagbigay karangalan si Dr. Levita U. Ramos, Principal IV ng QHS para sa Recognition of Teachers. Humataw din ang Baldomero Brothers at umawit ang mga estudyante’t kaguruan ng “Wind Beneath My Wings” habang nakaporma ng puso bilang community song. Upang mapasaya ang mga guro, nagsagawa ng mga palaro na sinalihan
ng mga kaguruan mula sa iba’t ibang departamento. Nanalo sa Bounce Ball si G. Noly Cabañero; Balloon Pop, Kagawaran ng TLE; Shake shake shake, G. Fonacier, Gng. Bessie Maggay, G. Roland Barcelon, at Bb. Madeline Cuevas; Shoot O’ Mentos, G. Donny Talactac na nasungkit rin ang Awards Groovy. Samantala, pinamahalaan ang programa ng SSG katuwang ang SSC at CIC.
SSG Secretary, nagkamit ng iba’t ibang parangal! ni: James Patrick Dala
Most Outstanding Head Teacher, QC Paguia, hinirang ni: Jason Tillo
“Ngayon nagkaroon ako ng inspirasyon para mas pag-ibayuhin pang muli ang trabaho ko. Gagawin ko itong isang malaking challenge para sa akin.” Binigyang-diin ito ni Bb. Cecilia H. Paguia, Puno ng Kagawaran ng Matematika bilang Most Outstanding Head Teacher in Mathematics sa buong Quezon City. “Ang pagiging Head Teacher ay isang mahirap na trabaho. At dahil sa nakatanggap ako ng parangal na ito, mas paghuhusayan ko pa at pagagagandahin ang trabaho ko para maging hu-
waran sa buong kaguruan hindi lamang sa Mataas na Paaralang Quirino kung hindi sa buong Quezon City.” Dagdag pa niya sa kaniyang panayam. Kaalinsabay ng kaniya n g p a g k a k a h i ra n g , ginanap ang Christmas Party na dinaluhan ng mga Master Teachers at buong kaguruan ng Matematika sa Quezon City High School. Kinilala naman si Gng. Thelma Villaluna, Mathematics Supervisor ng Quezon City bilang panauhing pandangal ng kanilang Christmas Party.
Humakot ng mga karangalan mula sa iba’t ibang patimpalak si James Patrick Dala, IV-1, Supreme Student Government (SSG) Secretary ng Mataas na Paaralang Quirino, Agosto-Oktubre, 2014. Nakamit ni Dala ang ikalawang karangalan sa Masining na Pagkukwento sa Jose P. Laurel Sr. High School kaugnay sa Buwan ng Wika, Agosto 13. Samantala, inangkin din ni Dala ang unang karangalan sa Pagsulat ng Sanaysay sa ginanap na District Science Fair 2014 sa Juan Sumulong High School, Agosto 20. Dagdag pa rito, nakuha niya ang ikalimang pwesto sa kaparehong patimpalak na inilunsad na Division Science Fair 2014 sa Don Alejandro Roces Sr. Science & Technology High School, Setyempre 5. Napagtagumpayan ni Dala ang unang karangalan sa taunang Division Popu-
lation Education Quiz Bee 2014 na may temang “Investing in Young People” sa SB Science Interactive Center, Setyembre 13. Nasungkit din niya ang ikapitong pwesto sa Regional PopEd Quiz Bee 2014 na isinagawa
sa Valenzuela City Auditorium, Oktubre 3. Naiuwi rin niya ang ikaapat na pwesto sa Colors of the World: The Flag Identification Quiz Bee na inilunsad sa SM Marikina, Oktubre 15.
10
TAONG PANURUAN 2014-2015
B alita
Earthquake drill, pinaigting ang pagsasanay
SSC President, pasok sa National Science Essay Writing ni: Arra Jane V. Batin
“The greatest glory never comes from winning, but from rising each time you fall. So, never stop moving ‘till you stop breathing, this is the secret of winning.” Ito ang tinuran ng Social Studies Club President na si Dianne Petallar, G9-1, nang makapasok sa National Essay Writing Contest na may temang “Environmental Protection and Conservation of the Ecosystem,” na gaganapin sa Lungsod ng Pasay, Pebrero 2015.
Nauna rito, humigit-kumulang pito at 16 ang naglaban-laban sa pandistrito at pandibisyong patimpalak kung saan nasungkit niya ang unang karangalan na ginanap sa Mataas na Paaralan ng Juan Sumulongat Don Alejandro Roces Senior Science and Technology High School noong Agosto 20 at Setyembre 5, 2014. Samantala, nag-uwi ng sertipiko, medalya at tropeyo si Petallar sa pagsasanay ni Bb. Madeline Cuevas, guro sa Agham.
Jessica Soho, bumisita sa QHS ni: Ruth Giselle Reyes
Lalo pang pinaigting ang pagsasanay ng Earthquake drill sa Mataas na Paaralang Quirino sa pangunguna ng Batang Emergency Response Team (BERT), ika9, 11 at 30 ng Hulyo. Alinsunod sa Republic Act 911-Department of Education Memorandum No. 55 ang nasabing pagsasanay ay isinagawa upang makapaghanda ang bawat paaralan sa pagdating ng kalamidad. Inihahanda ang mga mag-aaral sa dapat nilang gawin sakaling magkalindol. Kaugnay nito, dumalo
sa pagsasanay sina SPO3 Pepito Supertran, Public Relation Officer ng Station 9, Kagawad Generoso Cabrega ng Barangay Amihan. Ayon kay SPO3 Supertran, nararapat isagawa ang drill isang beses kada buwan. Kapansin-pansin ang hindi pagseseryoso ng mga estudyante ngunit hindi ito maiiwasan kaya dapat gawin ang tama sa susunod. “Mas maraming madidisgrasya kung hindi ito maagapan,” ani pa ni Bb. Emerenciana Vargas, puno ng Kagawaran ng MAPEH. Dagdag pa rito, nag-
sagawa ng First Aid Demonstration si Kagawad Cabrega, In-service training of Teachers noong Oktubre 2014, kasama ang ilang mag-aaral mula sa G9-1; Ivan Husto, Emmanuel Tuazon at John Christian Baysa. Samantala, nakiisa ang QHS sa naganap na ‘Nationwide Earthquake drill’ noong Nobyembre 14, 2014 sa pamamahala nina Kapitan Caloy de Mesa at ilang mga kagawad at pulis ng Station 9 kasama ang mga tagapayo ng BERT na sina Bb. Marisol Mabasa at G. Donny Talactac.
Indakan sa QC Libu-libong estudyante nakiisa;
QHS, nakisabay ni: Ruth Giselle Reyes
Libu-libong estudyante ng iba’t ibang paaralan mula sa Quezon City ang nakiisa sa ‘Indakan sa QC’ noong Oktubre 19, 2014. Alinsunod sa Department Education Memorandum ang nasabing palatuntunan ay bahagi ng Pagdiriwang ng 75th Diamond Jubilee Anniversary ng QC. Inasahang 75, 000 estudyante ang nagsayaw ng ‘Street dance.’ Nakiisa ang Mataas na Paaralan ng Qurino ng District III na naatasan sa Kalayaan Avenue para mag-martsa patungong Amoranto Sports Complex. Kaugnay sa pagdiriwang ng Diamond Jubilee ng QC, noong Oktubre 11 nagdaos ng Lechon Festi-
val sa La Loma District na may 75 lechon na inihanda sa isang boodle fight. Sa Maginhawa Street, Diliman naman naganap ang Food Festival, inihanda rito ang mga sikat na pagkain na matatagpuan sa Maginhawa. Maraming mga ‘food stalls,’ mga libreng ‘beer’ mula sa San Miguel, at free Wifi sa pamamahala ng Smart Communications. Naudlot naman ang Zumba Party dahil sa masamang panahon noong Oktubre 12. Tinangka ito sa Guinness World of Records na mayroong 9,000 kataong nakilahok. Layunin din ng Zumba ay para matalo ang World Records ng India na may 6,671 katao. “Everyone in Quezon City moving and
growing as one, as they aim to make new history for our beloved country,” dagdag pa ni Mayor Herbert Bautista. Kaugnay nito, nai-
sa-katuparan din ang Grand Diamond Salubong, kung saan ang Quezon Memorial Circle ay nagdaos ng ‘pyrotechnic show’ sa pagsapit ng madaling araw. Dito naganap ang sabay-sabay na ‘Fireworks Display’ mula sa anim na distrito ng QC; Roosevelt-Del Monte, Sandigangbayan, Araneta at Anonas, Maginhawa at Tomas Morato Streets, Quirino Highway at Tandang Sora Avenue. Matagumpay din naidaos ang Misang Bayan at Grand Float Parade mula sa iba’t ibang organization ng QC.
Kinapanayam ni Vice President for GMA News Programs, Jessica Soho si Bb. Cecille Paguia, Puno ng Kagawaran ng Matematika ng Mataas na Paaralang Quirino bilang pagpaparangal sa kanyang pagiging “Most Outstanding Head Teacher in QC,” Enero 30, 2015.
ISPORTS
TAONG PANURUAN 2014-2015
11
Field Demo 2014
Isports Editoryal
Quirinians, nagpasiklaban! ni: Jaimie Santillan
Boxing-ball sa Basketball, sukatan ng lakas? nina: Ren-Zandro Aquinde at John Ian Lemuel Cabizo
Alam naman natin na ang larong Basketball ay isa sa pinakakilalang isports dito sa Pilipinas. Mapa-babae o lalaki ay hindi umuurong sa larong ito. Sukatan ito ng lakas ng bisig at katawan. Masasabi ba natin na “No blood, no foul” sa larong ito? Ayon sa ilang sports analysts, hindi lamang sa amateur games na nagkakaroon ng pisikalan kundi sa Professional Basketball Association (PBA) ay nagkakaroon ng ganitong insidente sa loob ng court. Isa sa mga halimbawa nito ay ang naganap na laban ng PBA Governor’s Cup na kinasangkutan nina Kelly Nabong, Global Port at Marc Pingris ng San Mig Coffee Mixers. Nagkainitan ang dalawang manlalaro na naging pisikalan ang laban hanggang nagresulta sa sapakan. Hindi magandang mapanood ito ng mga tagasubaybay ng ligang ito pati na rin sa mga kabataan na karamihan ay iniidolo pa ang mga manlalarong iyon. Kung nakikita nila ang ganitong klaseng laro, maaaring matularan ito at hindi magdulot ng magandang resulta.
Sa pangyayaring naganap sa PBA, ipinapakita nito ang kawalan ng disiplina sa bawat manlalaro na tinatawag na Sportsmanship. Isang kaugalian ito na dapat taglayin ng isang manlalaro upang makapagbigay ng isang malinis na laban ngunit hindi lamang ang mga manlalaro ng basketball ang dapat may ganitong kaugalian kundi pati rin sa iba pang mga isports. Alam naman natin na ang larong Basketball ay ginagamitan ng lakas ng katawan at kung isa kang manlalaro nito, marapat lamang na handa ka talagang masaktan at makipagsukatan ng galing at tibay ng pangangatawan. Tulad nga ng sabi ni dating senador at PBA Legend Robert Jaworski, “Kung ayaw mong masaktan mag-chess ka na lang”. Hindi nawawala ang mga kaganapang ito sa loob ng court subalit mainam na iwasan ang magkapikunan sa pagitan ng dalawang koponan at pairalin ang “Sportsmanship” upang hindi na umabot pa sa suntukan. Marapat lamang siguro na higpitan ng mga namamahala ng laro ang sistema na kanilang pinapairal upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.
Taglay ang angking galing sa pagsayaw, nagpasiklaban sa paghataw ang iba’t ibang mag-aaral mula sa bawat taon kaugnay sa pag-daraos ng Field Demo 2014 bilang bahagi sa pangwakas na palatun-tunan ng MAPEH sa pamamahala ng mga opisyales at ilang kaguruan, Disyembre 17. Bilang bahagi ng programa, naghandog ng natatanging bilang ang QHS Glee Club sa pag-awit ng ‘Dumbele’ at ‘Diwa ng Pasko’ gayundin sina Emmanuel Lazo at Romeo Cabelin, magaaral mula Gr.7 sa pag-awit ng ‘Let it go’. Samantala, nagpakitang gilas naman sina John Christian Baysa at Mariah Vargas sa pagsayaw ng Latin Dance bilang kinatawan ng QHS Dance Troupe.
Naging sentro ng pala-tuntunan ang pagpapamalas ng bawat taon ang angking galing sa pagsayaw, Dances of 70’s and 80’s ang ipinakita ng mga mag-aaral mula sa Gr.7 at Asian Dance ng mga Gr.8. Humataw rin sa pagsayaw ng mga festivals ang mga piling mag-aaral mula sa Gr.9 at Ballroom naman ang para sa mga 4th year. Tinaguyod nina Bb. Marisol Mabaza, Gng. Jennny Taguchi, Bb. Rhina Villaluz at Gng. Whil Lagitao ang pagsasanay sa mga Gr.7; G. Donnie Talactac at Gng. Amy Andales sang para sa mga Gr.8. Pinamahalaan naman nina Gng. Joy Wang, Gng. Grace Gaballes at G. Allen Pagaduan ang pagsasanay sa mga Gr.9; Gng. Benilda Bartilad at Gng. Elenita Ballon ang grupo ng mga 4th year.
Adalla umarangkada, dinomina ang oposisyon ni: Ren-Zandro Aquinde
Hindi man lang pinagpawisan si QHS Chesswizard Marvilyn Adalla matapos walisin ang kalaban nito, 2-0,sa kanilang best-of-3 championship match para sa Unit-III Girls Chess Competition, Setyembre 23,2014 sa Juan Sumulong HS Library. Simula’t sapul palang ay agresibo na ang pag-atake ni Adalla kontra Aubrey Timado ng Camp General Emilio Agu-
inaldo HS kung kaya’t di pa nagawang makaporma nito sa dalawang laro. Sa unang laban, naipit ng Queen at Rook ni Adalla ang king ni Timado matapos lamang ang 18 moves upang mailista ng Quirinian ang una sa dalawang panalong kailangan upang makopo ang kampeonato. Ngunit, mukhang nagpapainit pa lang si Adalla matapos ang game 1 at nilamon na nang buo ang kalaban
pagkatapos lamang ang 10 moves gamit ang finishing shift ng kanyang pawn. Natapos sa loob lang ng 2:52 ang championship game. “Magaling naman siya, kaso naiinip ako kasi matagal tumira,” pahayag ni Adalla. Haharap sa ibang chess prodigy si Adalla sa darating na Division Athletic Meet upang kumatawan sa District III.
QHS Maroons, pinatumba ang CGEAHS Generals ni: Ian Cabizo
Gamit ang matinding ‘shooting skills’ ng Maroons, napataob ang Generals sa iskor na 71-61 sa ginanap na Unit Meet sa Mataas na Paaralang Quirino, Setyembre 25. Nanguna si J.J Color sa pagpuntos ng Maroons na nakapagtala ng 19 puntos, at 3 assists at tinanghal na Best Player ng laro. “Natutuwa ako sa ipinakita ng aking mga bata,” binigyang-diin ni Coach Marisol Mabazza matapos magwagi ang Maroons. Naging maaksyon ang
Basketbelles, nakalusot sa Lady Generals
ni: Ren Zandro Aquinde
Nakalusot ang QHS Basketbelles mula sa winning free throw ni Bernadette Cabonita upang iposte ang kanilang panalo kontra CGEAHS Lady Generals sa iskor na 50-47 na ginanap sa Mataas na Paaralang Quirino, Setyembre 24. Kumamada ang Best Player na si Cabonita ng 15 puntos, 6 assists, 5 rebounds at 5-of-6 sa free throw line. Naging mainit ang unang yugto nang maungusan
ng Basketbelles ang Lady Generals, 13-8. Isang 7-0 atake ang pinakawalan ng Basketbelles sa second quarter upang talunin ang kabilang koponan sa ilalim ni Bb. Mabazza. Dagdag pa rito, nahirapan ang Lady Generals sa first half ng laro at sa homecourt advantage ng Basketbelles. Samantala, tinabunan ng siyam na puntos ang Lady Generals sa pangunguna ni Cabonita sa 3rd QT, 37-26. Hindi nagpatinag ang Lady Generals nang bumawi
sila ng puntos at tumabla ang laro sa iskor na 45-45. Nagpakawala ng tres si Cabonita at balik sa Basketbelles ang kalamangan subalit agad pumuntos ang Lady Generals, 48-47. Mahigpit ang depensa ng Lady Generals at sa huling labinlimang segundo ay na-foul ito at pasok ang dalawang freethrow ni Cabonita, 50-47. Kaugnay nito, nagtangkang pumuntos muli ang Lady Generals subalit naputukan sila ng oras, wagi ang Basketbelles.
naging labanan ng dalawang koponan sa first half pa lamang ng laro. Nagpakawala agad ng 6-0 run ang Generals upang makalayo ng bahagya sa Maroons sa 1st quarter na nagtapos sa iskor na 19-14 lamang ang Generals. Biglang bumawi ang Maroons sa pagpapakawala ni Color sa 2nd quarter ng tatlong sunod na 3-points sa 15-2 atake ng Maroons na naging dahilan upang maiposte ang kanilang double-digit na kalamangan sa first half, 41-27.
Patuloy pa rin ang mainit na shooting ng Maroons sa second half at tumaas pa ang kanilang kalamangan na umabot sa 15 sa pagtatapos ng 3rd quarter, 56-41. Nagpakawala ng 9-0 atake ang Generals sa huling minuto ng laro upang maibaba sa 6 ang kalamangan ng Maroons ngunit pinaulanan muli ng Maroons ng dalawang sunod na 3-points upang maselyuhan ang kanilang pagkapanalo sa iskor na 71-61.
Maroons, pinataob ang Balara Tigers, 65-41 ni: Ren Zandro Aquinde Nilampaso ng QHS Giants ang koponan ng Balara Heavy spikers matapos manalo sa Women’s Volleyball Caterogy sa dalawang magkasunod na sets 2-0 na ginanap sa Mataas na Paaralang Quirino, Setyembre 25. Nagpamalas agad ng lakas ang Giants sa tulong ni Nicole Tibi, IV-1 para makuha ang unang set sa iskor na 2516. Nalimitahan naman ng Giants ang pag-iskor ng heavy spikers sa walo sa ikalawang set ng laro na nagresulta ng pagkapanalo ng Giants, 25-8. Samantala nawala naman ang teamwork ng Heavy Spikers laro kaya naging madali lang para sa Giants na makuha ang panalo. “Syempre proud ako sa QHS,” binigyang diin ni Coach Elenita Ballon.
GIANTS, nilampaso ang Heavy Spikers Pinataob ng QHS Maroons ang Balara Tigers sa tulong ni Jay-jay Color na nakapagtala ng 20 puntos kasama si Arnold Bejer na nakapag-ambag naman ng 14 puntos upang maselyuhan ang pagkapanalo ng Maroons sa iskor na 65-41 kontra sa Tigers na ginanap sa Mataas na Paaralang Quirino, Setyembre 25. Sa pagsisimula ng laro, nagpakawala agad ng 8-0
atake ang Maroons upang makalayo agad sa Tigers sa 1st quarter sa iskor na 22-8. Patuloy pa rin ang pagatake ng Maroons sa 2nd quarter na naging dahilan ng pag-akyat sa 16 ng kalamangan, 37-21. Nilimitahan ng Maroons ang pagpuntos ng Tigers at patuloy na nagmimintis ang mga tira sa ikatlong yugto ng laro. Kasabay nito ang 17-0 bomba ng Maroons at nagresulta sa iskor na 59-28.
Nagpakawala ng 10-0 atake ang Tigers sa simula ng ikaapat ng yugto ngunit di parin umubra ang Tigers sa mala-pader na dipensa ng Maroons hanggang sa matapos ang laro, 65-41. “Worth it ang training at pagod,” winika ni Ma’am Mirasol Mabaza, Coach ng Maroons matapos magwagi sa laban.