Campus Cuisine Cook-off sa QHS
Piling Guro’t Mag-aaral, sinubok ang kakayahan nina: DOMINIC ISLA AT JAYSON TORRES
Sinubok ang kakayahan sa pagluluto ng mga guro at mag-aaral sa isang Campus Cuisine Cook-off kaugnay sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon na may temang “Gutom at Malnutrisyon, Sama-sama Nating Wakasan” na ginanap sa Mataas na Paaralang Quirino, Hulyo 29-30, 2013. Nagpakitang gilas sa pagluluto ang mga piling mag-aaral ng iba’t ibang putahe gaya ng Malunggay Fish Pesto ng III-3; Seafood Pasta with Cream, III-7; Pepperomia Taon XLII Blg. 1 Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Shanghai Pasta, III-8; Pararalang Sekudarya ng Quirino Pasta Putanessa, IV-4 at Creamy Tuyo and Alamang Pesto, IV-11. Sa huli, naiuwi nina Hanah Blanco, John Arjay Carlos at Jimuel Agdan, pawang mga III-7 ang unang pwesto; Mary Joy Ucol, Erica Mae Suarez at Lorie Mae Basiya, pawang mga III-3, ikalawa at Kristine Tutanes, Marjorie ni: RANNIE M. RAYMUNDO Barbasina at Josielyn Manjares, pawang mga IV-8, ikatlo. Samantala, hindi rin nagpahuli ang mga guro mula sa iba’ t ibang departamento at ang ilan sa pamunuan ng QHS sa pasiklaban sa kusina. Itinampok sa patimpalak ang mga pagkaing makikita sa loob at labas ng bansa kabilang na ang Baked Veggie Mix with Seafood Galoe ng Kagawaran ng Edukasyon sa Pagpapahalaga; Creamy Squashsoup, Filipino; Kursunada na Diningding la Sabali, Agham; Grand prize winner: Hurjae Arcilla Malunggay Pesto with Vegetable Cracklings, Kinilala ang mag-aaral na si France ng mga empleyado mula Araling Panlipunan; Hurjae Arcilla, IV-7, bilang sa La Rue Saint Dominique. Northern Vegetable Samantala, ang artwork ng International Grand Prize Winner Delight, Ingles; Squash nasabing kampeon kasama ang laban sa mahigit 70 na mag-aaral Kangkong Balls, mga napiling gawa ng ibang bansa mula sa 11 na bansa. Kabilang dito Matematika; Vietnamese Finalist: Rannie Raymundo na nakasungkit ng runner-up ay ang Pilipinas na kinakatawan ng Cuisine, MAPEH; Mixed gagamitin bilang opisyal na nasabing paaralan kung saan Pinatunayan ng mga piling mag-aaral ng Veggies, SPED at Poke disenyo ng SEED sa gagawing nakuha bilang international finalist Poke, Administration Mataas na Paaralang Quirino ang husay “Greeting Card” na ilalabas si Rannie Raymundo, IV-1 sa Office. sa pagguhit matapos itanghal bilang ngayong taon kaugnay sa layunin pagsasanay nina Bb. Rosalina Nanguna sa Teacher’s nitong imulat ang kabataan sa Molina, guro sa Kagawaran ng kampeon sa ginanap na International Cook-off sina Gng. Elvira bawat paaralan sa buong mundo Matematika ; Gng. Lucila V. Dizon Bitancor at Gng. Nilda Schlumberger Excellence in Education maging malikhain at ng Ingles at G. Rolando Barcelon na Fernandez ng Kagawaran Development (SEED) Artwork Contest responsable sa pag-iisip ukol sa ng Agham. ng Filipino; Gng. Marites 2013 na may temang “The Earth: Above Dagdag pa rito, hinusgahan ang usaping kapaligiran. Cabanero at Gng. Adellin mga nasabing artwork sa Paris, and Below”, ika-18 ng Oktubre. Lumiguen, Matematika,
International SEED Artwork Contest ginanap; QHS, kampeon
ikalawa at sina Gng. Rosaura Hipolito at Gng. Elenita Apalisoc, ikatlo, Edukasyon sa Pagpapahalaga. Sinala nina G. Robert Torres, Gng. Fe Lustre at Gng. Ella Badilla, mga guro sa Departamento ng Technology and Livelihood Education ang mga lumahok sa patimpalak.
Mga nilalaman ... p.2
QHS, naghandog ng tulong sa mga biktima ng Yolanda
p.6
p.9
p.10
Juan for All, All for Juan
Negosyo Online
Astronoy
2
B A L I T A
Press Conference Ang PAG-ASA – The LEADON,
umani ng parangal Ni: HONEY T. ARRIOLA
Umani ng parangal ang Mataas na Paaralang Quirino nang makamit ang Overall Highest Pointer School sa ginanap na District III Secondary Schools Press Conference sa Carlos P. Garcia High School, ika4 ng Setyembre 2013. Kumamada ng 268 na kabuuang puntos ang PagAsa at The Leadon sa iba’t ibang kategorya sa pamamahayag sa Filipino at Ingles. Nasungkit ni Christian Jay De Vera, IV-1 ang unang pwesto sa Pagsulat ng Lathalain at Mickey Catherine Maquiraya, VIII1, ikalawang pwesto; Mary Grace Ajero at Honey Arriola, kapwa IV-1, ikalawa at ikatlo sa Pagsulat ng Balita; Christian Mae Ocampo, VIII-1 at Ajero, ikatlo at ikaanim sa Pagsulat ng Editoryal; Mariel Baliza, VIII-1 at Joanna Mae Toledo, IV1,una at ikaapat sa Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita; Isabelle Aira Fernando, IV-6 at Russel Bacungan, III-1, ikaapat at ikasampu sa Pagsulat ng Isports; Arra Jane Batin, VIII-1 at Rannie Raymundo, IV-1, una at ikaapat sa Kartuning at Dominic Isla, IV-2 at Fernando, ikawalo at ikasampu sa Pagkuha ng Larawan. Hinakot ng Ang PagAsa Broadcasting Group ang unang pwesto bilang Best News Presenter, Best Anchor, Best Infomercial, Best Script at best Technical Application. Itinanghal ito bilang Overall Best Group. Namayagpag din ang mga patnugutan ng The
Unang karangalan sa RSSPC: Mary Grace Ajero
Leadon na sina Samuel Pepito, IV-1, unang pwesto sa Feature Writing; Erica Claire Yamog, IV-1, ikalima sa News Writing; Charles Costan at Michelle Ann Lofamia, kapwa IV-1, ikaapat at ikasampu sa Editorial Writing; Lorenz Grace Gutierrez at Jainmey Cologna, IV-1, ikaanim at ika-siyam sa Copyreading and Headlining; Joshua Medina at John Benedict Maculada, IV-1, ikapito at ikasampu sa Sports Writing; Jen Ritchel Arcega, VIII-13, ikalawa sa Cartooning at Jetter Alexis Domingo, IV-2 at Rustin Kiel Galvez, VIII7, ikalawa at ikalima sa Photojournalism. Nagwagi naman ng unang pwesto sa Best Anchor, Best News Presenter at Best Technical Application ang The Leadon Broadcasting Group at itinanghal na ikalawang pwesto sa Best Group. Division Press Conference “Maaring hindi lahat ng
balita ay may pakialam saiyo, pero maraming mga balita na makakatulong sa inyo. Ang mga balita na ito, ang kumukunekta sa mga tao na gustong tumulong sa mga nangangailangan.” Ito ang binigyang diin ni Bb. Mariz Umali, News Anchor, GMA7 News and Currrent Affairs sa ginanap na Division Secondary Schools Press Conference na may temang “The Role of Campus Journalism and Transformational Leadership” sa Ramon Magsaysay (Cubao) High School, ika25, 26 at 27 ng Setyembre. Nilahukan ng lahat ng pampubliko at pribadong paaralang sekondarya mula sa Quezon City ang patimpalak. Kaugnay dito, nakamit ni Honey Arriola ng Ang Pag-Asa at John Benedict Maculada, The Leadon, kapwa IV-1 ang ikasiyam na pwesto sa Pagsulat ng Balita at Sports Writing. Regional Press Con Namayagpag sa Regional Secondary Schools Press Conference na ginanap sa P. Bernardo Elementary School ang patnugot Ang Pag-Asa na si Mary Grace Ajero, IV-1, Nobyembre 16, 23 at 30, 2013. Ipinakita ni Ajero ang angking galing sa pagsulat ng Editorial nang humataw ang kanyang artikulong “Social Media sa Panahon ng Trahedya” bilang unang pwesto sa kabila ng mahigit 200 delegadong kalahok na mula sa iba’ t ibang paaralan sa NCR. Nakatakdang lalaban sa National Secondary Schools Press Conference 2014 (NSSPC) sa darating na Abril.
Buwan ng Nagkakaisang Nasyon, ipinagdiwang Ni: MARY GRACE AJERO
Ginunita ang Buwan ng Nagkakaisang Nasyon sa pangunguna ng kagawaran ng Araling Panlipunan (AP) na may temang “International Year of Water Cooperation” sa pamamagitan ng iba’t ibang patimpalak sa Mataas na Paaralang Quirino, Oktubre 2013. Inalala ang mahalagang kontribusyon ng mga kilalang personalidad sa mundo sa Cosplay Contest, kultura ng mga bansa sa Dance Festival of the World at pagkakatatag ng United Nations (UN) sa Poster-Making Contest. Ang mga patimpalak na ito ay nilahukan ng mga mag-aaral mula sa ikapitong baiting hanggang ikaapat na taon. Nagsimula ang palatuntunan sa pananalita ni Gng. Nely Bautista na sinundan ni Bb. Milagros Pacot sa pagpapakilala ng mga hurado na binubuo nina G. Juanito Fonacier Jr., Gng. Amalia Andales, Bb. Carolyn Simon at Gng. Rhodita Rivera. Nagwagi sa cosplay Contest si Lorenz Grace
Gutierrez, IV-1, unang karangalan, bilang Queen Elizabeth; Esteban Fulay Jr., III-1, ikalawang karangalan, Jose Rizal at Jyle Gijan Barbasa, IV-1, ikatlong karangalan, Adolf Hitler. Nagkamit ng sertipiko ang mga nanalo at Php1,500para sa una, Php1,000, ikalawa at Php500, ikatlo. Nanguna naman sa Dance Festival of the World ang IV-7 na kumatawan sa Brazil at tumanggap ng Php2,000; VIII-1, Japan, Php1,500 at III-2, Egypt, Php1,000. Nauna ng pumili ng walo sa 44 mag-aaral na lumahok sa Elimination Round ng Cosplay Contest at lima sa Dance Festival na siyang naglaban para sa titulo. Samantala, nanalo si John Cuago, III-5, unang karangalan sa Poster - Making Contest, Hurjae Arcilla, IV-7, ikalawang karangalan at John Francis Cañas, IV-13, ikatlong karangalan. Nagtapos ang palatuntunan sa pangwakas na pananalita G. Rodel Rivera, guro sa AP.
Ni: ARRA JANE BATIN
Naging makabuluhan ang paggunita sa ika-56 na Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Mataas na Paaralang Quirino (QHS) na may temang “A Glimpse from the Past Towards a Better Future – Discovering… Challenging… Transforming…” na pinamunuan ng Supreme Student Government (SSG) kasama ang ibang organisasyon, Nobyembre 15.
Pinangunahan ni Rev. Fr. Lawrence Tiu ang misa ng pasasalamat sa na sinundan ng paghahandog ng bulaklak ng iba’t ibang puno ng kagawaran sa bantayog ni Elpidio Quirino. Nagtanghal ang mga organisasyon ng mga mag-aaral sa programang idinaos.
3
B A L I T A
National Teachers’ Day, ipinagdiwang Mga patimpalak idinaos Ni: HONEY T. ARRIOLA
“Ang pagiging guro ay dakilang propesyon. Kung tayo ay isang guro, tayo ang humuhubog ng kapalaran at kasaysayan ng ating bansa. Basta laging tatandaan, A teacher loves you and also corrects you for the right paths of your lives,” Ito ang mga katagang binitiwan ni Dr. Levita U. Ramos, punongguro ng Quirino High School (QHS) kaugnay ng selebrasyon ng World Teachers’ Day at National Teachers’ Month na may temang “My Teacher, My Hero” sa QHS multipurpose court, ika-4 ng Oktubre, 2013.
Pinangasiwaan ni Bb. LoryPerjes, punong kagawaran ng Araling Panlipunan (AP) ang naturang palatuntunan, katuwang ang Supreme Student Government (SSG), Social Studies Club (SSC) at Campus Integrity Crusaders (CIC). Nagsimula ang pagdiriwang sa pamamagitan ng misa na pinamunuan ni Rev. Fr. Sonny Bernabe na sinundan ng pagbebendisyon sa bagong gawang AP department. Nagbahagi naman ng panimula ng mensahe si Krisanta S. Agdan, IV-1,
pangulong SSG. Samantala, nagpakitang gilas ang mga magaaralmula Grade VII-1 hanggang ikaapat na taon na naghandog ng mga awitin at sayaw para sa mga kaguruan. Hindi rin nagpahuli ang mga guro na nagpamalas ng kanilang dance aerobics. Bahagi rin ng palatuntunan ang pagbibigay ng parangal sa mga nagwaging mag-aaral tulad nina Zsarina Dalisay, III-3, unang pwesto sa Art Making Contest. Sinundan nina RegineRegonia, IV-9, ikalawa at Frederico Flores Jr., IV-1, ikatlo.
Nanalo naman sa Poem Making Contest sina Vanessa Marie Tintero, VIII-1, unang pwesto; Leah Mhie Villaluz, III-1, ikalawa at Flores, ikatlo. Nagkamit din ng
unang karangalan si Dale John Galarosa, IV-4, sa Song Writing Contest. Tumanggap ng mga sertipiko at cash prize ang mga nagsipagwagi.
Overdrive Seminar 2013 SSG, nakilahok Ni: HONEY T. ARRIOLA
Seguridad ng mga Quirinian, pinaigting! Nina: LYKA ASILO AT ARLENE ELLE
“Mas mabuti kung kaming mga leaders ay hands-on. Hindi dapat puro opisina kaya’ t ginagawa ko ang pagtatrapiko para mapangalagaan ang mga estudyante.” Ito ang binigyang diin ni Kapitan Caloy De Mesa matapos kapanayamin nina Lyka Asilo at Arlene Elle, mga staffers ng Ang Pag-asa. Ayon kay Kap. De Mesa, malaki ang pagbabago na nagaganap bawat taon partikular na sa nasabing paaralan kaugnay sa seguridad na pinaigting. Patuloy pa rin ang kapitan sa paghahandog ng
serbisyo partikular sa serbisyong pangkaligtasan ng mga mag-aaral at kaguruan sa pagtawid sa Molave Street. S a m a n t a l a , binabantayan din ngayon ng awtoridad ang away at Gang Wars sa Aurora Road, Anonas kung saan kasangkot at maaaring mapag-initan ang mga Quirinians na higit na iniiwasan. Kasabay nito, mas pinaigting ang pagtugis sa mga mag-aaral na mahuhuling naglalaro sa Computer Shops sa oras ng klase gayundin sa mga mayari ng shop.
Inaasahan din ngayong 2014 ang mga programang pangseguridad katulad ng paglalagay ng CCTV Camera sa nasabing paaralan. Samantala, patuloy pa rin ang serbisyong ispiritwal ni Kapitan sa QHS bilang Lay Minister ng St. Joseph. Dagdag pa rito, ipinagmamalaki rin niya ang Response Team ng baranggay sa mabilis na pagtugon sa trahedya na nagaganap sa QHS. Mas hinigpitan naman ng pamunuan ng QHS ang pagsuot ng ID ng mga estudyante sa loob ng campus para sa kanilang Identidad.
Lumahok sa Overdrive Seminar 2013 ang mga opisyales ng Supreme Student Government (SSG) ng Quirino High School na ginanap sa Ateneo de Manila University-Grade School, ika-26 ng Oktubre, 2013. Malayang nakibahagi anglahat ng student leaders mula sa iba’ tibang paaralang sekondarya. Kabilang sa mga dumalo sina Krisanta S. Agdan, pangulong SSG at Honey T. Arriola, ingat-yaman, kapwa mga IV-1; Russel M. Bacungan, III-1, ikalawang pangulo; Ivanne Luis I. Velasco, IV-14, kinatawan ng ikaapat na taon; Katherine Roselle Baltazar, awditor; Arra Jane V. Batin, Sgt.-at-arms; Jaimie A. Santillan, kinatawan ng Grade VIII, kapwa VIII-1; Jerome Sabino, III-9,
kinatawan ng ikatlong taon; Mary Frances Nangan at James Patrick Dala, mga kinatawan mula III-1. Naging panauhing pandangal si former Senator Risa Hontiveros na naghandog ng inspirasyonal na mensahe para sa mga mag-aaral. Layunin ng seminar na ito na linangin ang potensyal at kakayahan ng mga kabataang lider sa pamamagitan ng mga aktibidades na gagamitan ng isip, diskarte at pisikal na lakas. Nagkaroon din ng mga palaro at nagpamalas ng mga espesyal na bilang ang mga mag-aaral ng Ateneo. Samantala, ang naturang seminar ay isang proyekto ng Ateneo CODE na pinangasiwaan nina G. Iking Corpus, project head at Bb. Gayle Quiwa.
4
B A L I T A
QHS, naghandog ng tulong sa mga biktima ni Yolanda Ni: Christian Jay De Vera
Naghandog ng mga donasyon ang Mataas na Paaralang Quirino (QHS) para sa mga biktima ng Bagyong Yolanda, sa pangunguna ng Kagawaran ng Araling Panlipunan, Nobyembre 14. Nagmula ang mga donasyon sa lahat ng mga mag-aaral mula sa ikapitong baitang hanggang sa ikaapat na taon, mga iba't ibang kagawaran at organisasyon ng paaralan. Dahil dito, nagsamasama ang lahat ng opisyales ng Supreme Student Government (SSG) at Campus Integrity Crusaders (CIC) sa pamumuno ni G. Rodel Rivera, tagapayo ng SSG, sa pagrerepack ng saku-sakong mga donasyon, tulad ng mga damit, pagkaing de lata, tubig at iba pa. Maliban sa mga idinonate ng mga pagkain at damit, mayroon ding mga magaaral at guro ang nagbigay ng salapi bilang tulong sa mga nasalanta. Ipinaaalam sa lahat ng mag-aaral at guro ang
Ni: MARIA RITA S. BAROY
Namayagpag ang Quirino High School Dance Ensemble (QHSDE) matapos makamit ang Overall Champion sa iba’t ibang kategorya sa Sayaw Batang Quezon City na ginanap sa Area 5, Tomas Morato, ika-17 ng Oktubre. Nilahukan ito ng 15 paaralan mula sa QC kung saan naglaban ang mga kalahok sa kategoryang Hiphop, Folk Dance at Ballroom. Kaugnay rito, nanguna ang QHSDE sa Hiphop, ikaapat naman sa Folk Dance, Best in Chacha sa Ballroom at itinanghal bilang People’s Choice Award. Tumanggap ng Magic Sing, sertipiko, medalya, tropeo at cash prize ang mga nagwagi sa tulong paggabay ni G. Allen Pagaduan.
kabuuan ng mga nalikom na salapi at in-kind na donasyon sa pagtatapos ng programang ika-54 na Araw ng Pagkakatatag ng QHS, Nobyembre 15, sa pangunguna ni Krisanta Agdan, Pangulo ng SSG. Matapos nito, pinangunahan din ni Agdan at ilang opisyales ng SSG at CIC angmga piling guro ng Araling Panlipunan ang pagpapadala ng mga nalikom na tulong sa ABSCBN Sagip Kapamilya Foundation.
QHS, nakiisa sa Brigada Eskwela 2013 Ni: CHRISTIAN JAY S. DE VERA
Muling nakiisa ang Mataas na Paaralang Quirino (QHS) sa tradisyon ng pampaaralang bayanihan sa isang linggong Brigada Eskwela 2013, Mayo 20-24. Dahil dito, maagang nagtipun-tipon sa QHS MultiPurpose Covered Court ang
mga magulang, mga magaaral, mga alumni, mga guro mula sa iba’t ibang taon at ang Supreme Student Government (SSG) ng naturang paaralan bilang paghahanda sa motorcade, ganap na ikawalo ng umaga. Hindi alintana ang mainit na panahon upang gawing malinis ang paligid ng paaralan, dala ang kanikanilang mga walis tingting at tambo, dustpan, pintura at iba pang gamit panlinis. Kaugnay rito, mahigit isandaang mga kabataan ang nakiisa hindi lamang ang mga estudyante ng QHS kundi maging iba pang magaaral mula sa iba’t ibang paaralan na ikinatuwa ni Dr. Levita U. Ramos, punongguro ng QHS. “Kayo ay kabalikat naming sa pag-aayos ng edukasyon n gating mga mag-aaral, kaya maraming maraming salamat po.” Ani Ramos. Sa isinagawang Brigada
Eskwela, nilinis at pininturahan ang mga pader, isinaayos ang mga water system sa mga palikuran, kinumpuni ang mga nasirang upuan at mesa at inalis ang mga nakakalat na campaign flyers ng mga kumandidato noong nakaraang Eleksyon 2013. Nabatid na nakasentro ang Brigada Eskwela ngayong taon sa kalinisan upang matiyak ang kalusugan ng mga mag-aaral at maiwasan ang pagliban ng mga ito dahil sa pagkakasakit. Ang taunang Brigada Eskwela o “Bayanihan Para sa Eskwelahan” ay isang pambansang proyektong inilulunsad ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) na naglalayong maibalik ang diwa ng pagkakaisa at pagbabayanihan sa pamamagitan ng buong Pilipinas bilang paghahanda sa umpisa ng klase noong Hunyo 3.
5
EDITORYAL
Pagtutulungan ang Magpapabangon sa Sambayanang Pilipino Ni: MARY GRACE AJERO
Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Pararalang Sekudarya ng Quirino Taon XLII Blg. I
PATNUGUTAN 2013-2014 PATNUGOT Mary Grace D. Ajero KA-PATNUGOT Christian Jay S. De Vera TAGAPAMAHALA Honey T. Arriola Mga Kontribyutor sa Bawat Seksyon: BALITA Honey T. Arriola Mary Grace D. Ajero Maria Rita S. Baroy Amiel Jay M. Lee Arlene Joy V. Elle LATHALAIN Christian Jay S. De Vera Charmaine Q. Mogro AGHAM/PANGKALUSUGAN Lyka V. Asilo Jochebed T. Casas Joanna Mae S. Toledo PAMPALAKASAN Jayson P. Torres Isabelle Aira E. Fernando TAGAGUHIT Rannie M. Raymundo POTOGRAPO Dominic B. Isla Tagapayo: Gng. Bessie T. Maggay Puno ng Kagawaran sa Filipino: G. Juanito G. Fonacier Jr. Punongguro: Dr. Levita U. Ramos Superbisor sa Filipino: Gng. Estrelita M. Marasigan Superbisor sa Pamamahayag: Dr. Ligaya A. Regis
Social Media sa Panahon ng Trahedya Ni: MARY GRACE D. AJERO (Unang karangalan RSSPC)
Bilyun-bilyong ari-arian ang nawasak, milyunmilyong kabuhayan ang nawala, libu-libong buhay ang nakitil at hindi mabilang na pangarap ang inagos ng tubig at tinangay ng hangin. Lahat ng iyan ay dahil sa Bagyong Yolanda na may dalang napakalakas na hangin na nagtulak sa dagat patungo sa dalampasigan ng Samar at Leyte. Sa gitna ng kawalan ng pag-asa, takot at gutom na bumabalot sa biktima, dumaragsa ang tulong at mas bumuhos pa sa tulong ng media. Matapos ang kalagimlagim na pananalasa ng Bagyong Yolanda, tinutukan ng buong mundo ang sitwasyon sa buong kabisayaan. Hindi lamang local networks ang sumubaybay sa trahedyang ito kundi maging ang international television tulad ng CNN at BBC. Sa pamamagitan nito, nasaksihan ng lahat ang lawak ng pinsala na dala ng pinakamalakas na bagyong naitala sa kasaysayan ng mundo. Iba’t ibang tulong ang agad na naipaabot mula sa mga international organizations tulad ng relief goods, reconstruction materials, serbisyong medikal at iba pa ang nakarating sa mga nasalanta. Ginamit naman nang
matalino ng ilan nating mga kababayan ang social media networks upang makatulong Ang Facebook, Twitter at Instagram na dati ay daan upang maipahayag ang mga saloobin at makipagkomunikasyon sa mga nasa malayong lugar, ngayon ay tulay na rin ng pagkakaisa at pagtutulungan. Sarisaring litrato ng kaawaawang kalagayan sa Leyte ang nagkalat sa social media. Dahil dito, maging mga ordinaryong tao ay nagkaroon ng pagkakataong na tumulong kahit sa maliit na paraan. Hindi rin nagpahuli ang mga artista gaya nila Vice Ganda at Anne Curtis sa pagtulong. Ginamit nila ag Twitter upang mahikayat ang kanilang milyun-milyong followers na tangkilikin ang kanilang bazaar. Ipinagbibili nila ang mga lumang gamit upang makalikom ng pondo para pa rin sa mga biktima ng bagyo. Tulay rin ang media sa paghahanap ng mga nakaligtas, nawawala at binawian ng buhay sa trahedya. Sa dami ng probinsyang nadaanan ng bagyo, napakaraming tao ang naapektuhan. Malaking ginhawa ang paggamit ng media upang mapawi ang kaba at pag-aalala ng mga kamag-anak na nasa
Matapos masangkot ang mga mambabatas sa mga nakaraang isyu ukol sa maling paggamit ng pondo ng bayan, ngayon ay nagsama-sama ang ilang kongresistang Metro Manila upang ‘yakapin’ ang mga biktima ng Supertyphoon Yolanda. Inilunsad ng Metro Manila Development Committee ng Mababang Kapulungan sa pamumuno ng chairman na Si Quezon City Rep. Winston Casteloang Project yakap na n a g l a l a y o n g pansamantalang kupkupin sa mga distrito ng kongresista ang libo-libong nasalanta na tumungo sa Maynila. Sa ilalim ng proyekto, bubuong tent cities bilang pansamatalang tirahan sa mga covered courts, barangay halls at malawak na bakanteng lote sa iba’tibang lungsod sa Maynila habangi binabalik sa dati ang mga bahay nila sa Visayas. Sa pagdagsa ng tulong, mas bumubuhos pa ang mga ito at dumarami ang mga nakikiisa. Ngayong nasa Maynila na ang marami sa pinakanabiktima, mas madali nang maipapaabot ang mga p a n g u n a h i n g pangangailangan nang direkta at wala nang maraming dinaraanan pa. Magiging maayos na rin ang pagbibigay ng atensyong medikal ngayong hindi na suliranin ang kawalan ng volunteers. Bukod sa pisikal na pangangailangan, tinutukan din ang mental na kalusugan ng mga nasalanta sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga counseling. Isang mahalagang hakbang ang mailayo pansamantala sila sa malagim na sinapit ng kanilang lugar. Makakatulong ito upang malimot panandalian ang kawalang kasiguraduhang mabuhay sa gitna ng kalamidad at pighati matapos makita na ang dati nilang langit, ngayon ay libingan na. Ngayong hindi problema ang transportasyon at linya ng komunikasyon sa Maynila,
malayong lugar. Bukod sa mga tulong na naipahatid sa pamamagitan ng media, kritisismo rin tungkol sa pagkilos ng gobyerno ang naging laman nito. Iba’t ibang pananaw at opinion ang nagtatalo sa hakbang ng pamahalaan para resolbahin ang problema. Sa kabila nito, naging positibo pa rin ang gobyerno at ginamit ang mga negatibong puna upang mas mapabuti pa ang
nakakapaghatid ng balita ang mga biktima sa kanilang kamag-anak. Ang mga walang kapamilya ang magiging benepisyarong Project yakap. Mahaba pa angl alakbayin ng problemang hatid ng bagsik ng kalikasan. Magiging mabuti kung mabibigyang oprtunidad ang mga biktima na makapagbanat ng buto habang tumutuloy sa mga tent cities. Hindi naman maganda kung patuloy sa pagsubo ng solusyon ang pamahalaan habang ngumunguya lamang ang tinutulungan. Pagkatapos maibalik ang lahat sa dati, inaasahang babalik na ang mga nasalanta sa kanilang tirahan. Ngunit paano na lamang kung walang bumalik sa takot na maulit ang trahedya? Paano kung manatili sila saMaynila at dumagdag sa mga palaboy o kaya naman sa mga informal settlers? Ang kasagutan dito na isang palaisipan ngayon ang dapat buuin ng pamhalaan. Dapat na manindigan na kung babalik, talagang babalik. Hindi makakabuti na mawalan ng lilinang sa mga likas na yaman ng Leyte at Samar habang mas dumarami naman ang overpopulated na Metro Manila. Kung hindi madaan sa pakiusap, marahil panahon na para pairalin angbatas. Maaga at puspusang paghahanda ang kailangan ng pamahalaan kung kalaban ang kalikasan. Ipakita nila ito at hindi na tayo pa magdadalawang-isip sa ating kaligatsan. Ngunit hindi ibig sabihin nito na pamahalaan lamang ang kikilos. Ang pakikiisang mga mamamayan ay malaking tulong lalo na sa mga pangyayari matapos ang sakuna. Ngayon, tunay na ipinakita nating buo ang Pilipinas, anupaman ang mangyari. Kaya kahit hampasin man tayo ng ilang bagyo, basta may nagkakaisa at nagtutulungang Pilipino, babangon at babangon tayo.
serbisyo. Sa panahon ng trahedya at pagdurusa, walang ibang mas medaling solusyon kundi ang pagkakaisa kaya naman matuto tayong lumingon sa mga nabiktima, makisimpatya at mag-abot ng anumang ating makakaya tulad ng iba na gumagamit ng media. Tumulong tayo sapagkat kung tayo naman ang nagdurusa, nariyan ang iba para dumamay sa atin.
6
LATHALAIN
Juan for All f
sa Diwa ng Pagkakaisa, Pa
Nina: CHRISTIAN DE VER
“Isang bayan, tayo’y aahon... Walang maiiwan sa pagbangon,” sa mga lirikong mga awiting ito mapapatunayan lamang na sa bawat unos, may liwanag tayong masisilayan na magtutulak sa atin na muling tumindig. Nakagigimbal isiping sa isang iglap lamang, halos sunodsunod na mga suliranin ang dumating sa ating bansa. Nariyan ang madugong bakbakan sa Mindanao, pagyanig ng lupa at malakas na pagbayo ng ulan at bugso ng hangin. Sa kabila ng lahat ng ito, biglang nangingibabaw ang iba’t ibang inspirasyon sa gitna ng unos at dahil sa diwa ng pagtutulungan at pagkakaisa ng 98, 499, 741 Pilipino, muling aahon ang lupang hinirang. KRISIS SA ZAMBOANGA Marahas, madugo at mapanganib.Ganyan ilarawan ng libu-libo nating mga kababayang naipit sa giyera sa pagitan ng Moro National Liberation Front (MNLF) – Nur Misuari Faction at ng mga pwersa ng gobyerno sa Lungsod ng Zamboanga ang kanilang nasaksihang trahedya. Tila nagging isang bangungot ang kanilang mapayapang pamumuhay matapos maipit sa giyerang wala silang kinalaman. “Ito ay giyera para sa kasarinlan!”Patunay lamang sa pahayag na itong MNLF sa media na giyera at hindi isang Peace Caravan ang dahilan ng pagsugod nila sa Zamboanga City. Dahil sa aksyong ito ng armadong grupo, napakaraming buhay ang naglaho. Walang sinumang Zamboangueños sa mga bayang pinasok ng MNLF ang nakaligtas sa peligrong digmaan. Kamatayan ang sinapit ng ilan dahil sa walang humpay na pagpapaulan ng bala at
pagpapasabog ng mga bomba. May iba namang bagaman hindi binawian ng buhay ay daig pa ang namatay dahil sa takot ang pangamba sa kanilang seguridad. Napabalita kasing minsang nagsilbing human shield ang ilan para protektahan ang mga mapagbantang MNLF. Huminto ang buhay ng marami sa kalagitnaan ng giyera. Marami ang nakulong sa kanilang tirahan at napilitang tiisin ang gutom sa takot na makita ang mga MNLF. Masuwerte nang maituturing kung may bahay pang tutuluyan sapagkat ang iba, ,ginawang kuta ng mga rebelde at halos mawasak na sa dami ng balang tumagos. Nasira rin ang ilang paaralan, pamilihan at establisyemento kaya natigil na rin ang maraming kabuhayan ng mga Zamboangueños. Sa ngayon, nagtiis ang mga biktima ng giyera sa Zamboanga sa pakikipagsiksikan sa evacuation centers. BAGSIK NI YOLANDA Nobyembre 8, 2013, binayo ng itinuturing na pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan ang buong mundo ang pulo ng Visayas. Malalakas na bugso ng hangin at walang tigil na pagragasa ng malalaking patak ng ulan na sinabayan pa ng storm surge ang idinulot nito sa mga lalawigan ng Leyte partikular na sa mga lungsod ng Tacloban at Palo. Sari-saring mga imprastruktura ang napinsala, sandamakmak na puno ang nabuwal, milyun-
LATHALAIN
r All, for Juan
agtutulungan at Bayanihan
RA at CHARMAINE MOGRO
milyong halaga ng agrikultura ang hindi na mapapakinabangan at libulibong ang pagluluksa, paghihinagpis at pagtangis ng lahat ng mga kababayan nating biktima ni Yolanda. Mula pa noong matapos ang kalamidad hanggang sa mga oras na ito, iisa lamang ang kanilang dinadaingTULONG. Ito na ang tamang oras upang ipakita natin ang ating pagdamay at sinseridad sa kapwa nating Pilipinong nagdurusa hanggang ngayon. Panahon na upang ganap nating isakatuparan muli at lalo pang pagtibayin ang tunay na diwa ng pagkakaisa, pagtutulungan at pagbabayanihan para kay Juan na sinubok ni Yolanda. PAGYANIG SA VISAYAS Oktubre 15, 2013. Niyanig ng magnitude 7.2 ang ilang lalawigan sa Visayas partickular na ang Bohol at Cebu. Dulot nito ay pagguho ng mga gusali, sambahayan at iba pang mga imprastruktura, dahilan kung kaya’t nawala ng tirahang matutuluyan ang mga kababayan natin sa naturang lugar. Ang dating naggagandahang mga gusali noong sinaunang panahon, sa isang kisap mata lamang, naglaho na kabilang dito ang mga tnitingalang mga simbahan na ginawa pa ng mga daan-daang mamamayan na namatay na hindi man lang naipaglaban ang sariling buhay at ang karanasan na nag-iwan ng sugat sa maraming Pilipino. INSPIRASYON SA GITNA NG UNOS “May liwanag pagkatapos ng ulan”, “May pag-asa sa bawat trahedya”, tunay na sa
bawat unos na nararanasan ng bansa, namamayani pa rin ang magandang balita na nagbibigay sa bawat isang inspirasyon na muling ipagpatuloy angbuhay. Sa kauna-unahang pagkakataon, matapos ang mahigit anim na dekada, nakamit na rin ng ating kababayang si Megan Lynne Young ang titulong Miss World 2013, isang prestihiyosong beauty pageant na ginanap sa Bali, Indonesia nito lamang Setyembre kung saan nagtunggali ang 126 kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Bukod sa pagkapanalo ni Young, nagbigay inspirasyon din sina Mutya Johanna Datul na kinoronahang Miss Supranatural 2013. Nakipagtunggali siya sa 83 kandidata mula sa iba’t ibang bansa. Siya ngayon ay itinuturing na kauna-unahang Asyanong kinoronahan matapos ang limang taon. Nagbigay karangalan din si Ariella Arida na itinanghal na 3rd Runner Up sa naganap na Miss Universe 2013 laban sa 86 kandidata. Dagdag pa rito si Bea Rose Santiago na kinoronahang Miss International 2013, Angeli Dione Gomez, Miss Tourism International, Annalie Forbes, 3rd place sa Miss Grand International at Angelee Delos Reyes, ikawalo sa Miss Earth. Ipinapakita lamang nina Young, Datul, Arida, Santiago, Gomez, Forbes at Delos Reyes na sa kabila ng pagsubok sa buhay ng mga Pilipino, masisilayan pa rin ang pag-asa na muling mapapabangon sa mga Pilipino. Sila ang magiging inspirasyon ng bawat isa sa pagharap ng bagong umaga. Sa kanila tayo kukuha ng panibagong lakas, ang lakas ng bansang Pilipinas.
7
8
O P I N Y O N
DIRETSAHAN
PUNTO POR PUNTO
Thumbs Up, Thumbs Down
Pagtanaw at Pananaw
Ni: MARY GRACE D. AJERO
Bawat taon, hindi lamang panahon ang lumilipas at nagbabago kundi maging ang mga guro at mag-aaral. Sa pag-alis ng ilan ay ang pagdating ng iba. Bawat isa ay may natatanging positibo at negatibong katangian. Kaya nagiging hamon ang paulit-ulit na pagpunla ng respeto, disiplina at pagpapahalaga ngunit nakakataba naman ng puso kapang natutunan nila ito at naisagawa. Simula Hunyo ng 2013, napakarami nang naitalang magagandang kaganapang dapat na ipagpatuloy at hindi kaaya-aya na dapat itama. Nararapat na kilalanin ang lahat ng nakibahagi upang matamo ang magandang pangyayari sa paaralan at paalalahanan naman ang mga kasama sa masasamang gawain. Kaya sa lahat ng mabuti, THUMBS UP kayo at sa mga hindi, THUMBS DOWN! Sa bawat taon sa paaralan, hindi mawawala ang mga mag-aaral na walang kaseryosohan sa pag-aaral at itinuturing na laro lamang ang bawat araw. Sa lahat ng lumalabas sa klase nang wala sa oras upang maglaro o kaya ay tumambay sa labas ng silid, THUMBS DOWN kayo. Ngunit kung may mga tinatamad, may mga magaaral din na hindi nauubusan ng kasipagan. Sa lahat ng naging aktibo sa klase at ibinibigay ang kanilang makakaya sa bawat pagsusulit, proyekto, pagtatanghal at iba pa, THUMBS UP kayo! Sa lahat ng nahuhuli at nagpapahuli sa klase at sa mga programang idinadaos sa paaralan, THUMBS DOWN kayo! Sa mga
Ni: JOCHEBED T. CASAS
estudyante naming pinipilit na magising nang maaga kahit malayo pa ang bahay sa paaralan, THUMBS UP kayo! Hindi lamang bago magsimula ng klase may mga mag-aaral na nananamantala, maging ilang oras bago matapos ito, may mga nagiging ‘artista’. Luma na ang istilong magsakit-sakitan upang makalabas sa paaralan pero patok na patok pa rin ito. Sa lahat ng gumagawa ng kung anu-anong masama para lamang makalabas nang maaga, THUMBS DOWN kayo! Dapat niyong gayahin ang dedikasyon sa pag-aaral ng mga modelong estudyanteng nahuhuli sa pag-uwi upang mag-ensayo sa iba’t ibang patimpalak. Sa lahat ng ginagabi sa pag-uwi upang mag-ensayo nang mabigyan ng karangalan ang paaralan at maipakita sa iba ang natatanging talento at talinong Quirinian, THUMBS UP kayo! Dapat lamang na bigyan ng saludo at hangaan ang mga mag-aaral na nagsisikap at hindi sumusuko sa dami at bigat ng gawain sa paaralan. Sila ang dapat tularan ng mga estudyanteng walang ibang ginawa kundi maglaro at makipagbarkada. Ngayon pa lamang ay dapat na nilang isaayos ang kanilang sarili para sa mas malaking mundong papasukin at mas malaking responsibilidad na haharapin sa kolehiyo. Dapat nila itong gawin hindi lamang para sa kanilang sarili kundi para sa bayang tumulong sa pag-aaral nila at nagtiwalang sila ang magiging “pag-asa”.
PULSO NG QUIRINIAN Ni: MARY GRACE D. AJERO
Bully: Parusahan o Pagmalasakitan?
Paaralan ang itinuturing na ikalawang tahanan ng mga magaaral. Dito mas napapaunlad ang kanilang kaisipan at dito nagmumula ang kanilang maraming karanasan na nagbibigay aral. Malaki ang ginagampanan ng paaralan sa paghubog sa mga ugali at asal ng mga kabataang pag-asa ng bayan. Paano na lamang kung nabubully ang estudyanteng walang kalaban-laban sa paaralan?
Binigyang solusyon na ng pamahalaan ang problemang ito matapos lagdaan ni Pang. Benigno S. Aquino III ang Republic Act No. 10627 o mas kilala sa tawag na Antibullying Act of 2013. Sa ilalim nito, kinakailangang bumuo ng polisiya ang lahat ng elementarya at sekondaryang paaralan na naglalayong maiwasan ang bullying sa kanilang institusyon. Isinusulong din nito na sumailalim ang isang bully sa rehabilitation program na pamumunuan ng paaralan. Sa mga kaso ng bullying na labis ang pananakit na nauuwi sa pagkaratay at minsan pa ay pagkamatay, sapat ba ang rehabilitation program o mas nararapat ang pagkakakulong? Narito ang pulso ng mga Quirinian: Para sa akin, nararapat ang rehabilitation program para sa mga bully,
Mainit na usapin ngayon ang paglipat ng pagbubukas ng klase ng mga estudyante sa elementarya hanggang kolehiyo sa Agosto o Setyembre sa halip na Hunyo. Inihain ni Cavite Representative Lani Mercado Revilla ang House Bill 104 na nagpapanukala na simulan ang pasukan sa Setyembre sa halip na Hunyo upang makaiwas sa panahon ng tag-ulan at mailalayo sa disgrasya ang mga guro, mag-aaral at kanilang guardian. Mabuti ang layunin ng panukalang ito, dahil sa tingin ko’y mas maraming mag-aaral ang gaganahang pumasok at maiiwasan ang mga suspensiyon at iregularidad ng mga araw na itinataya sa paaralan ng mga estudyante. Maiiwasan din ang pagkakaroon ng mga make-up classes, dahil mas kaunting bagyo na lamang ang dumarating sa bansa tuwing buwan ng Setyembre. Sang-ayon din sa pagbabagong ito ang ilan sa mga unibersidad ng bansa tulad ng University of the Philippines, Ateneo de Manila University, University of Sto. Thomas at De La Salle University, dahil mas makakatulong ito para sa kanilang mag-aaral kung kasabay ng kanilang semester ang sa karatig bansa lalo’t sila ay may program exchange student. Kung sakaling maipapatupad man ang panukalang ito, sa aking pananaw ay mas tataas ang antas ng edukasyon sa bansa, mas mapapabilis ang ating pag-unlad dahil sa mga kasanayan na nakuha ng ating mga kababayan mula sa karatig bansa. Bukas din ang pamahalaan sa pag-
aaral ng panukalang ito bilang parte ng preparasyon para sa ASEAN Integration na magsisimula sa 2015. Ang ASEAN Integration ay naglalayong magbigay daan sa ASEAN mobility, kung saan pahihintulutan ang mga mamamamayang kabilang sa estado na malayang maglakbay at ipagpatuloy ang pag-aaral o makapagtrabaho sa ibang bansa. Kung mabibigyan ng ganitong oportunidad ang mga mamamayang nagnanais na mangibang bansa upang mag-aral at magtrabaho, mas mataas ang employment rate at bababa unemployed na mga tao sa ating bansa na magreresulta sa mas mabilis na pag-unlad ng ating ekonomiya. Maiiwasan din ang pagkakaroon ng mga underemployed o ‘yung mga taong nagtatrabaho ng hindi angkop sa kursong kanilang kinuha. Nasimulan na natin ang pagpapabuti ng ating edukasyon sa K12, bakit hindi natin subukan ang panibagong pagbabago mula sa simpleng paglipat ng pasukan sa Setyembre. Hindi man ito magiging madali para sa ilan, magkakaroon man ng ilang diskusyon at panibagong pagsasaayos, isipin natin ang magiging magandang bunga nito. Kung aangat ang antas ng karunungan sa bansa, mas uunlad ang ating ekonomiya, at mas maraming oportunidad na trabaho ang maibibigay sa mga tao, ano pa ba ang maari nating isugal upang makamit ang mga ito? Hindi man natin kaagad makikita ang magandang resulta nito, naniniwala ako na balang araw ito’y magdudulot ng isang malaking pagbabago sa ating bansa.
mas maganda kasi ang counseling dahil napapatnubayan sila ng mga guro na mas nakakakilala sa kanila at nakakaalam ng kanilang kaso. Dahil kung ikukulong, maaaring mas maging bayolente ang mga bata. - Hazel Joy De Luna, VII-1
makukuha na magagamit tungo sa pagbabago ng kanilang sarili. - Gng. Winna Mesa
Dahil sa menor de edad pa ang mga estudyante, dapat muna silang sumailalim sa rehabilitation program. Dapat alamin muna kung bakit nila nagagawa ang mga gayong bagay. Bilang bahagi ng Child Protection Committee ng QHS, nakikita ko na marami sa mga bully ang may pinagdadaanang problema. Sa iba kong karanasan, nalaman kong nabully sila dati kaya nambubully sila ngayon. Sa pamamagitan ng rehab, may pagkakataon silang magbago at matuto. - Krisanta Agdan, SSG President
Siguro depende iyon sa kaso. Pero mas nakakabuti ang rehab. Minsan kasi, nahahawa lang ang ibang estudyante sa mga kabarkada nila. Para iyang ilang sariwang kamatis na kapag naitabi sa mga bulok, magiging bulok na rin. Pero minsan naman, depende pa rin sa bata ang ikikilos niya. Kung ikukulong, may posibilidad na maging salbahe pa ang bata. Kung iri-rehab, may aral silang
magulang ng grade 7
Rehabilitation program ang nararapat dahil menor de edad pa ang karamihan sa mga estudyante maliban na lamang doon sa mga nasa 18 taong gulang pataas. Pang-unawa ang kanilang unang kailangan dahil baka may mga problema sila sa bahay o kaya sa sarili mismo na nagbubunga ng kanilang pagiging bully. Kailangang iproseso muna ang problema pero kung dala ito ng pagpapalaki ng pamilya, mabuting isama sa counseling ang magulang. - Gng. Madonna Tabin guro sa Edukasyon sa Pagpapahalaga
Ang pagkakakulong ay hindi nangangahulugang pagpasok ng bully sa kulungan. Ito ay ang pagsasailalim sa counseling sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Kung physical bullying, minamabuti naming dito sa paaralan na lamang. Nagkakaroon ng conference kung saan inaalam ang ugat ng problema at ipinagkakasundo na lamang na hindi na muling uulitin pa.
- Gng. Ruby Lantan Guidance Counselor
9
PANGKAUNLARAN
Negosyo Online! Ni: JOCHEBED CASAS
Maraming mga paraan upang tayo ay kumita, ngunit mas masaya yata kung kumikita ka na, relax ka pa! Dahil ngayon, nauuso na ang mga online market place o shopping malls online kung saan hindi ka lang makakabili online, makakapagbenta ka pa online! Online buy and sell na maari mong gawin sa iba’t ibang sites na nagkalat sa internet. Kung saan maaari kang magbenta ng mga gamit, kahit pa yung mga gamit na gamit na o yung
mga hindi mo na ginagamit. Siguradong kikita ka ditto dahil maraming tao ang ayaw nang umalis sa kanilang mga tahanan upang humanap at bumili ng kanilang mga kailangan. Lalo na sa panahon ngayon na halos lahat ng tao ay gumagamit na ng computer na may internet. Hindi lamang pagbebenta ng mga produkto at serbisyo ang magagawa mo online, dahil ngayon, maaari ka na ring humanap ng trabaho online! Maraming mga sites na online classified ads tulad ng job.db, kung saan maaari kang humanap ng trabaho. Hindi ba’t magandang pagkakitaan ang mga ganitong bagay? Nakapagrelax ka na, kumikita ka pa. Iwas stress pa dahil dito, ikaw ang boss! Kaya para sa mga walang regular na trabaho, maaari
ninyo itong subukan. Madali na, libre pa! Kahit nasaan ka pa, basta’t may internet ka lang! Paalala lamang na lagging mag-ingat, dahil hindi natin maipagkakaila na marami ngayon ang mga nagkalat na mga mapanlamang. Siguraduhin na ang site na iyong pupuntahan ay subok na. Maaaring magtanong sa mga kaibigan o mga kamag-anak, magsearch sa internet kung anu-anong mga sites ang mapagkakatiwalaan at subok na. Huwag din natin itong gagamitin upang tayo naman ang manloko o manlamang sa ating mga kapwa. Upang mas lalo tayong biyayaan ng mas maraming regular na costumers at mairekomenda tayo sa kanilang mga kaibigan. Sa ganitong paraan, mas lalo tayong kikita at sa mabuting paraan pa.
Hanapbuhay, Anytime, Anywhere! Ni: JOANNA TOLEDO
Kape mula sa dumi ng Alamid, Keri mo? Ni: JOCHEBED T. CASAS
Maraming mga Pilipino ang mahilig sa kape. Tila kasama na nga sa ating kultura ang pag-inom ng kape lalo na tuwing umaga. Kung minsan, umiinom tayo ng kape upang bagayan ang pagkaing ating kinakain tulad ng pandesal, tinapa, ake at marami pang iba. Minsan ba sumagi na sa ating isipan kung ano nga ba ang pinakamahal na kape sa buong mundo? Alam ba natin kung saan gawa ang mga kapeng ating iniinom? At ano nga ba ang ipinagkaiba ng pinakamahal na kape sa normal na kapeng ating natitikman? Kopi Luwak, ‘yan ang pinakamahal na kape sa buong mundo, na hindi alam ng karamihan kung saan gawa at bakit ganoon kamahal. Ang Kopi Luwak ay nagmula sa dumi ng isang Civet o mas kilala bilang Alamid na uri ng isang pusa, na kumakain lamang ng hinog na coffee cherries. Matapos kumain, magbabawas ito at kasama sa dumi nito ang hindi na-digest na buto ng kape na ginagawang Kopi Luwak. Ang isang pound ng kapeng ito ay umaabot sa $600 o mahigit kumulang Php24,000. Samantala, ang isang tasa naman nito ay nagkakahalaga ng $50 o mahigit Php2,000. Nagsimula ang Kopi Luwak sa bansang Indonesia. Kung saan ang “Kopi” ay kape sa Indonesia at “Luwak” naman ang local na pangalan ng hayop na Civet sa bansa. Dahil sa kakaiba at mahirap na proseso ng paggawa at pagkuha ng kapeng ito, kaya naman tumaas ang presyo at itinuring bilang pinakamahal na kape sa buong mundo.
Sa panahon ngayon ay napakahirap kumita ng pera. Kaya naman upang mabuhay ay kailangan maging wais, gumawa ng mga patok na negosyo. Likas na sa mga Pilipino ang pagiging malikhain, masipag at madiskarte kung saan kanya-kanya o iba’t ibang pakulo ang ginagawa ng mga kababayan nating Pilipino at dahil sa mga pakulong ito, pwede na tayong umasenso. Narito ang ilang mga kakaibang hanapbuhay na pwede nating pagkakitaan at libreng serbisyo para sa mga kababayan nating kapuspalad. Kakaiba nga ito dahil pawang mga de-motor at de-kuryente ang ginagamit sa pagpapatakbo ng mga negosyong ito at mismong ANYTIME, ANYWHERE silang maghahatid ng serbisyo. E-Mobile Barbershop Anuman ang inyong pangangailangan sa buhay ay mayroon pa ring handang magbigay ng serbisyo, Anytime, Anywhere! Anytime, Anywhere ang serbisyo ng mobile barbershop na ito sa Dumaguete City. Ang motor na ginagamit ay pinormang parang kwarto sa likuran. Mayroon din itong Close Circuit Television (CCTV) Camera sa likod para naman masiguro ang kaligtasan ng mga customer. Para nga talagang normal na barbershop, ang kaiba
lang nito ay maaaring maglibot ang motor at maghatid ng serbisyo, Anytime, Anywhere! Talaga ngang high-tech ito. Mobile Hospital Anytime, Anywhere talaga ang Mobile Hospital na ito dahil sa mababang presyo lang ay maaari nang gumaling ang inyong mga sakit. Kung ikaw naman ay kapuspalad ay libre nang maghahatid ng serbisyo ang ospital na ito. Ipinapadala ang ganitong klaseng ospital sa mga lugar na hindi naabot ng doktor, nagkatrahedya o aksidente. Mga bukol, bingot, prenya at iba pang sakit ay maari nang ipagamot dito. Noong taong 2007, binuo ang ospital na ito ni Dr. Juan Sanchez. Sa loob nito ay may mga nebulizers para sa mga pasyenteng hindi makahinga, anaesthesia at electrocy machine na pampatigil ng mga pagdurugo. Ang kabuuang halaga ng mobile hospital na ito kasama na ang mga kagamitang laman nito ay umabot sa walong milyong piso.
Mobile Bar and Grill Wala ka bang mapupuntahan? Kung ikaw ay nakabihis na at hindi sigurado sa iyong destinasyon, Anytime, Anywhere pwede ka nang magparty sa kalsada. Kahit anong mixed drinks ang gusto niyong inumin ay pwede rito at may cocktail pa. Beterano na ang may-ari sa kanyang mobile at bar grill sa serbisyong ito. Hindi lang iyan sa inumin, kundi sa pagkaing paborito niyo ring kainin ay on-the-spot lulutuin, dahil kung may inumin ay kailangang may pulutan. Ang mobile bar at grill na ito ay mayroon pang stroke lights para mayroon din namang kaunting kasiyahan at sayawan. At kung hindi pa sapat sa inyo ang pagkain, inumin at sayawan ay mayroon din namang maliit na T.V. na ginagamit pang-videoke para naman maging swak ang kasiyahan. Muling pinatunayan dito ang pagiging kakaiba at malikhain nating mga Pilipino na talagang papatok sa panlasa ng Pinoy.
10
AGHAM / PANGKALUSUGAN
TOMATOgal ang Buhay
Sinaliksik ni: CHARMAINE MOGRO
Ang kamatis ay isang prutas, sapagkat isa itong beri na may mga buto, ngunit iniisip ng karamihan na ito ay gulay, yamang ito ay karaniwang kinakaing kasama ng pangunahing putahe at madalas na ihain sa hapagkainan ng mga tao sa iba't ibang panig ng mundo. Bukod sa ito'y ginagawang pampalasa, ito rin ay nakapagbibigay ng benepisyo upang humaba ang buhay ng tao. Mabuti para sa ating kalusugan ang kamatis. Naglalaman ito ng bitamina A, na nakakatulong sa pagpapalinaw ng mga mata; C, na nakakatulong sa paglakas ng resistensya at E na nagpoprotekta sa selula mula sa masamang dulot ng free radicals na siyang sumisira dito at naghahatid ng cardiovascular diseases at kanser, gayundin ng potasyum, kalsyum at mineral na asin. Natuklasan din ng mga mananaliksik na ang mga ito ay saganang pinagmumulan ng lycopene, isang mabisang antioxidant, na sinasabing nakababawas sa panganib ng ilang karamdaman, gaya ng kanser at sakit sa puso. Ang kamatis ay 93 hanggang 95 porsiyentong tubig at matutuwa ang mga ayaw tumaba dahil sa
Astronoy Sinaliksik ni: LYKA V. ASILO
napakababang kalori nito. Bilang karagdagan, natuklasan na ang pag-inom ng tomato juice o pagkain ng kamatis ay maaaring makatulong upang mabawasan ang clots ng dugo at pamamaga. Ang mataas na antas ng Beta Karotina at Bitamina C sa mga organic na kamatis ay makakatulong sa pag-aalis ng anumang sanhi ng masakit na pamamaga o kundisyon na maaaring humantong sa kanser. Maliban dito, nagbibigay din ito ng benepisyo sa pagpapaganda at pagpapabata ng balat. Inaayos nito ang clogged pores sa ating mga mukha, pampalinis at pampaalis ng tagiyawat. Nakakatulong din ito sa pagpapagaling sa sun-
burn at isa sa mga nirerekomenda ng mga doktor na pampaputi at pampakinis ng kutis. Ito rin ay mabisang solusyon sa pagpapalago at pagpapalambot ng buhok. Marami tayong mga alternatibong gamot pero ang pinakamabisa pa rin sa lahat ay ang pag-iwas sa masamang "habits" o "lifestyle" at maging ang pagdarasal sa Poong Maykapal upang magkaroon ng malusog na pamumuhay. Subukang gumamit ng mga organic na gamot na bahagi ng kultura't tradisyong Pilipino dahil makasisiguro tayong ligtas ito sapagkat ito ay likas na produkto. "Dahil sa Tomato, ang buhay ay TOMATOgal".
Hindi ba’t nangarap kang abutin ang mga bituin, maglakad sa buwan, lumutang sa kalawakan o di kaya’y maglibot sa ibang planeta? Pero isa kang Pinoy at ang bansang kinabibilangan mo, walang sapat na teknolohiya para dito. Wala pa ngang Pilipino na napabalitang nagsuot ng puti at mabigat na suit na may helmet na ang tawag ay isang Astronaut. Pero ang imposibleng pagkakataong ito para sa atin, sinusubukan nang mahakbangan. Nakabalik nang bansa si Chino Roque matapos mapili na maging kaunaunahang Pinoy na pupunta sa kalawakan. Ang pagkakapili sa isang 23 anyos na marketing manager ng isang fitness firm sa Maynila bilang unang astronaut na Pilipino ay napakahalagang bagay para sa atin. Kakatawanin ni Chino Roque ang Pilipinas sa isang space expedition sa susunod na taon. Kasama niya sa
pagbibiyaheng ito ang 23 pang mga tao mula sa iba’t ibang bansa sa mundo na dumaan sa matinding pagsasanay at pagsubok bago napiling sumakay sa shuttle ng pribadong kumpanyang Space Expedition Corp. na lilipad sa orbit ng mundo. Iniulat pa umano ng Philippine News Agency na sa isang seremonya sa Kennedy Space Center sa Orlando, Florida sa United States, idineklara ni Buzz Aldrin si Roque bilang unang astronaut na Pilipino. May dalawa pang Pilipino ang nakasama ni Roque sa mga dumaan sa pagsubok at pagsasanay pero siya lang ang nakapasa sa kanilang tatlo sa hanay ng mga Pilipino. Nawa’y ang pagkakasama niya sa gagawing space expedition sa 2014 ay makatulong para mas maraming Pilipino ang mamulat at mahikayat na sumubok na pag-aralan ang larangan ng space exploration.
Benepisyo ng Itlog, Inside and Out Sinaliksik ni: JOANNA TOLEDO
Mahilig ka bang kumain ng itlog? Lagi mo bang itinatapon ang balat nito sa tuwing magluluto ka? Alam mo ba na hindi lang ang loob ang may pakinabang dito kundi pati na rin ang labas? Ito ay dahil Inside and Out, may hatid itong sangkaterbang benepisyo! Bilang pagkain ay mayaman ang itlog sa protina at iba’ t ibang bitamina. Kung balat ng itlog naman ang pag-uusapan ay samu’t saring pakinabang pa rin ang hatid nito. Ang itlog ay pwedeng
ipanghilamos sa mukha kung mayroon itong tigyawat sapagkat sinsabi ng eksperto na nakakatanggal ito ng mga bacteria dala ng dumi mula sa polusyon. Kung balat naman ng itlog ang pag-uusapan ay nakakatutulong upang maiwasan ang pagbabara ng lababo dulot ng mantika, tira-tirang rekados at kanin. Ang kailangan lang gawin ay durugin ang eggshell at ibudbod sa drain ng lababo dahil ito ang magsisilbing pansala at kapag naipon ang mga dumi ay pwede nang
itapon ang shell. Echofriendly din ito sapagkat biodegradable. Kung sakaling malaglag ang mga shells ay huwag mag-alala sapagkat nakakatutulong naman ito sa paglilinis ng lagusan ng tubig. Ang balat na ito may magsisilbing magnet dahil doon didikit ang mga mantika at iba pang dumi. Nakakatutulong din ang balat ng itlog sa mga mantsa ng tasa o mga pinaginumang kape o dili kaya’y mga kaldero. Dapat lang gawin ay ilagay ang eggshell sa bagay na may mansta at
lagyan ito ng kaunting tubig. Nakatatanggal ito ng dumi dahil mayroon itong Calcium carbonate. Ang Calcium carbonate ay may bleaching property na nakatutulong ng pagtanggal ng mantas. Kung kayo naman ay natamisan masyado sa inyong inuming kape o iba pa, mula sa dinurog na shell ay isala lang ito sa strainer at parang magic na mababawasan ang tamis nito. Ang dahilan ng pagtanggal ng tamis ay binabawasan ng eggshell ang acidity na nakakapagpait
sa kanya. Maaari ring gawing lotion o pamahid ang pinaghalong pinong eggshell at suka dahil ito ay nakakapag produce ng anti-bacterial property na gaya ng epekto ng Calicylic acid na nakakapagtanggal ng kati-kati sa balat. Ilan lamang iyan sa mga nagagawa ng itlog Inside and Out. Kaya sa susunod na magluto ka ng itlog, huwag nang mag-atubiling ipunin ang balat nito upang maranasan ang mga pambihirang benepisyo, Inside ang Out!
11
P A M P A L A K A S A N
Hamon sa Estudyanteng Atleta
May Liwanag sa Dilim Ni HONEY T. ARRIOLA
Ni: MARY GRACE AJERO
Libreng pag-aaral kapalit ng karangalan. Ito ang sistema ng mga paaralang nagkakaloob ng scholarships para sa mga kabataang biniyayaan ng malaking talento sa isports ngunit may maliit na bulsang mapagkukuhanan ng pangmatrikula. Kasabay ng pagpasok araw-araw sa klase at pagpasa sa lahat ng pagsusulit ay ang pageensayo upang makapaguwi ng medalya. Kaya ang resulta, hindi lang katawan ng mga atleta ang bugbog, pati isip pa. Isang malaking hamon para sa mga mahihirap na mag-aaral ang makatapos sa pag-aaral kaya naman biyayang maituturing ng marami ang pagiging miyembro ng varsity. Tinatayang limang taon ang pinakamahabang pananatili ng isang atleta sa kanyang paaralan. Sa loob ng panahong ito, wala nang iisipin pa kundi ang panlaman-tiyan sa eskwela. Dagdag kumpiyansa rin ang pagiging kinatawan ng paaralan sa mga patimpalak lalo na kung tropeyo ang maiuuwi. Marami ang nabubulag sa ganitong pag-iisip kung kaya madaling kinakagat ang scholarships. Hindi nila alam na kapalit nito ay ang posibilidad ng unti-unting pagrupok ng pundasyon ng
kinabukasang kanilang binubuo. Hindi mawawala ang impresyon na kapag atleta, laging wala sa klase. May katotohanan ngang pinagbabasehan ito dahil madalas, nasa court para mag-ensayo o kaya naman ay nasa kama at bumabawi pa ng lakas. Kung hindi maisasaayos ang paggamit ng oras, maaaring magkasakit dahil sa labis na kapaguran at kakulangan ng oras sa pagpapahinga. Hindi lang kalusugan ang naisasawalang bahala kung hindi pati na rin ang mga kinabukasan ng atleta. Marami sa kanilang mga klase ang hindi nila napapasukan kung kaya marami ring aralin ang hindi natututunan. Maliit man ito kung titignan, malaki pa rin ang epekto nito kung paulitulit itong gagawin at magiging bahagi ng buhayeskwela ng mga atleta. Wala na silang matututuan pa. Tila, papasok nalang sila para bigyan karangalan ang paaralan at hindi upang bigyang kaalaman ang kanilang mga sarili. Kung hindi pagiging atleta ang pinapangarap nilang karera sa buhay, paano na lamang ang kanilang kinabukasan kung kulang ang kanilang kaalaman at kasanayan sa paaralan? Isang malaking “foul”
talaga sa mga atleta ang masabihang kulang sila sa kaalaman at pawang Physical Education lamang ang naipapasa. Kaya bilang depensa sa kanilang kakayahan, nararapat nilang patunayang hindi lang laro ang kaya nilang pagtagumpayan kung hindi pati na rin ang takbo ng kanilang buhay. Magagawa ito kung matalino sila sa paggamit ng oras upang mabalanse ang pag-eensayo at pag-aaral. Maging matiyaga lamang sa pagpapanatili ng interes sa araw-araw na talakayan, tiyak na walang puwang ang pagliban sa klase. Higit sa lahat, huwag kalimutang mahalin at pangalagaan ang katawan. Iyan ay hindi lamang puhunan sa pagpapanalo ng mga laban o pag-aaral, kundi puhunan ng ating buhay. Edukasyon ang solusyon. Ito a ng daan sa pagresolba sa kahirapan ng buhay. Kaya, huwag hayaang lumipas ang panahon nang hindi nakakatanggap ng diploma. Maging matalino sa paggawa ng mabuting paraan upang makatapos ng pag-aaral. Ngunit huwag isantabi ang maliit na depekto ng paraang napili sapagkat kung papanatilihin ito, maaaring lumaki at tuluyang makasira ng pangarap.
QHS, nakilahok sa One Run, One Philippines
Ni: Dominic B. Isla
Nakilahok ang mga piling mag-aaral ng Mataas na Paaralang Quirino (QHS) sa naganap na One Run, One Philippines, “A Run For A Cause” katuwang ang kagawaran ng MAPEH na ginanap sa Quezon City Memorial Circle, Oktubre 6, 2013. Pinangunahan ang naturang palatuntunan ng ABS-CBN bilang selebrasyon ng ika-60 taon ng kanilang anibersaryo at
pagtataguyod ng kalinisan ng Ilog Pasig. Dagdag pa rito, nilahukan din ito ng mga paaralan mula elementarya at sekundarya at maging ng mga iba’t ibang organisasyon tulad na lamang ng Philippine National Police (PNP), Philippine Military Academy (PMA), Philippine National Red Cross (PNRC) at mga indibidwal mula sa Metro Manila. Binuo ang naturang programa ng limang sangay
mula sa iba’t ibang panig ng bansa partikular na sa Quezon City, Cebu, Davao, Bacolod at Burbank na may iba’t ibang pangkalikasang layunin.
Kaugnay rito, ginanap din ang naturang palatuntunan sa iba’t ibang panig ng bansa. Nagkaroon din ng mga karagdagang programa’ t palatuntunan ang ABS-CBN kung saan itinampok nila ang kanilang mga piling programa at mga workshop para sa kabataan.
Ang paglalaro ng Chess ay hindi basta-bastang laro lamang. Kung tutuusin, itinuturing pa nga itong “Game of Intellectuals” sapagkat hindi ito madaling laruin. Nangangailangan ito ng matalas na pag-iisip, matalinong diskarte at pagiging bukas ng isipan. Ang mga pawn ay maaaring gumalaw ng isang hakbang paharap, ang mga knight ay maaaring gumalaw ng apat na bloke sa pamamagitan ng pormang-L, at ang Queen naman ay pwedeng gumalaw sa kahit anong pormang gusto nito hanggat walang nakaharang na kahit anong piyesa. Ito ay ilan lamang sa mga batayang galaw sa Chess ngunit kung susumahin ang lahat ng ito ay hindi ito isang madaling hamon lamang. Ngunit… Paano nga ba pagagalawin ang mga piyesang ito kung hindi silanakikita ng mga mata? ‘Yan naman ang kahanga-hangang talento ni Novo Nicart pagdating sa mga galawan sa “checkered board”, isa siyang visually impaired student ng Mataas na Paaralang Quirino (QHS). Ang kapatid ni Novo na si Nerlyn Nicart na isang call center agent ang siya ngayong nagtataguyod sa kanilang pamilya at tumatayo rin bilang guro ni Novo. Si Novo ay 14 taong gulang pa lamang nang tuluyang mawala ang kanyang paningin. Ngunit sa halip na ang pagkabulag na ito ay ituring bilang hadlang, tinanggap na
lamang niya ito bilang isang pagsubok upang mas lalo pang mag ibayo ang kagustuhan ng kanyang puso na tuparin ang mga pangarap lalo na ang pagiging isang “chess wizard”. Sumasali siya sa iba’t ibang patimpalak upang mahubog pa nang husto ang angking kakayahan. Ayon kay Novo, natutunan niya ang paglalaro ng Chess sa tulong ng kanyang Ate Nerlyn. Nakaugalian na rin niyang makipaglaro sa iba pa niyang mga makapatid. Noong una, isa lamang itong pampalipas oras ngunit sa paglipas ng panahon, nakitaan at napatunayan niya ang galing sa paglalaro nito. Hinasa niya ang kakayahan sa pamamagitan ng pakikipaglaro ng Chess sa kalye at hindi inuurungan kahit ang mga nakakalaban ay mas matanda pa sa kanya. Pinalad rin siyang manalo nang maraming beses lalo na sa pagsali niya sa isang On-Air Chess Tournament sa DZSR Sports Radio. Kaya rin niyang maglaro kahit na wala ang “chessboard”. Kagaya ng ilang mga kabataang lalaki, pangarap din ni Novo na maging isang PBA player, Chess Master at Billiard Champion. Naniniwala siya na ang kapansanan o kakulangan ng isang tao ay hindi hadlang upang mawalan na lamang ng pag-asa kundi isang hamon. Isang hamon upang mas maging matatag pa at patuloy na gawin ang lahat tungo sa mga pangarap sa buhay.
Nina: MARY GRACE AJERO AT LYKA ASILO
Masasabing naging matagumpay ang Intramurals 2013 sa muli nitong pagbabalik makalipas ang ilang taong pamamahinga, ngayong Disyembre 2013. Nagpamalas ng kakayahan, talento at katalinuhan hindi lamang ang daan-daang mag-aaral na lumahok sa Volleyball, Badminton, Basketball, Chess, Ms.Intramurals at Cheerdance Competition kundi pati na rin ang mga guro na nagsilbing gabay upang maging matagumpay ang bawat laro. Badminton Nasungkit ni Rey Christian Sabado, IV-2, ang unang pwesto para sa Men’s Singles habang ikalawa naman si Emmanuel Luke Imbang, VII-16. Nanguna si Roselyn Anciano, VIII-8 at pangalawa si Lyca Mae Singson, VII-3 sa Women’s Singles . Samantala, nakuha nina Kenn Arcena at Joshua Araga, kapwa IV-14 ang gintong medalya sa Men’s Doubles habang naiuwi nina Edward Joseph Anaban at Danilo Enero, kapwa IV-11 ang pilak. Nasungkit nina Grace Anne Santos at Erica Pena ang unang pwesto at Geli Anne Pena at Stephanie Fabricante, kapwa VII-12 ang ikalawang pwesto sa Women’s Doubles. Nagwagi sina John Daryll Valiente at Keyth Carmona, parehong IV- 11 ng unang parangal habang ikalawa naman ang nakuha nina Emerson Rosario at Allysa Mae Canchelas, kapwa IV12 sa Badminton Mix. Volleyball Tinalo ng grupo ng mga mag-aaral mula sa ikaapat na taon na binubuo nina Jyle Gijan Barbasa, Mark Julius Galban at Federico Flores pawang IV-1, Jovan Dadacay,John Michael Ominga,Jetter Alexis Domingo at Brandon Balatbat, pawang IV-2, Vince Matthew Cabanero at Jharvee Ramos ang iba pang lumahok sa Men’s Volleyball matapos maiuwi ang kampyonato. Mahigpit ang naging palitan ng bola ng mga magaaral sa ikaapat na taon at ng mga mag-aaral mula sa Grade 8 na siyang nakakuha
ng ikalawang pwesto na binubuo nina Aerone Clyde Dacasin at Carlito Luceno, kapwa VIII-17, Marvin Galero,VIII-7, Joseph Dwane Buhmon,VIII-14, Anso Camas, VIII-8 at Menard Ungson, VIII-11. Nasungkit naman nina Cloud Cabanero, VII-2, Erol John Andrada,VII-1, Sean Cloune Sta.Maria,VII- 4, Mar Escalora at John Joseph Saga, pawang VII-14, John Joseph Castaneda, VII-6 at Venz Magtangob, VII-3 ang ikatlong pwesto. Humakot ng medalya si Barbasa matapos parangalan na Most Valuable Player (MVP), Best Spiker, Best Receiver at Best Blocker. Naiuwi naman nina Dacasin ang Best Digger, Rommer Brugada, Best Setter, Luceno, Sta.Maria at Dacasin, Best Server. Samantala sa Women’s Volleyball, bumawi ang mga mag-aaral sa ikatlong taon matapos padapain ang iba pang lumahok at maiuwi ang gintong medalya. Nagwagi sina Alhia Shaira Paningbatan, III-2, Desiree Fabregas, Frances Nangan at Nicole Tibi, pawang III-1, Annalyn Hebron,Charice Balubal at Michelle Padua, pawang III-9. Nasungkit naman nina Johannah Ramirez, Avelyn Ordono at Karen Diaz,pawang VII-3, Kyla Macaranas,VII-1 at Jessica Yakit, VII-2 ang ikalawang pwesto habang nakuha nina ng koponan nina Kristine Tutanes at Keyth Carmona, kapwa IV-11, Louvina Munar, IV-12, Annaliza Cabiles, IV-10, Angelica Penesa, Ilyssa Barbasina at Marivic Galero, pawang IV-14 at Hanalyn Najera, IV-2. Dagdag pa rito, humakot ng parangal si Paningbatan matapos tanghalin bilang MVP ,Best Spiker at Best Server. Nanalo rin sina Hebron, Best Setter, Nangan, Best Receiver at Digger, Ramirez,Best Server at Fabregas, Best Digger. Chess Palakasan ng isip ang naging labanan sa Chess kung saan naiuwi nina Novo Nicart, III-7 at John Vasilly Datu, VII-2 ang gintong medalya habang nakuha nina Edward Anabar, IV-11 at Albert Bautista, IV-6 ang pilak na medalya.
Mga Atleta ng QHS, humataw Nina: CHRISTIAN JAY S. DE VERA, MARIA RITA S. BAROY, JAYSON P. TORRES, AIRA FERNANDO
Kasinliwanag ng mga nagniningning na mga bituin sa langit ang nalasap ng mga atleta ng Mataas na Paaralang Quirino (QHS) matapos humataw sa mga isinakatuparang Interschool Unit Meet 2013 at Division Athletic Meet. Pinatunayan ng mga atleta ng QHS ang kanilang determinasyon sa kanilang hangaring manalo sa bawat kategoryang kanilang mga nilalahukan at ibandila ang paaralan tungo sa tugatog ng tagumpay. INTERSCHOOL UNIT MEET ‘13 Nagpakitang-gilas ang QHS Basketball Team sa isinagawang Intereschool Unit Meet 2013 matapos payukuin ang Jose P. Laurel Sr. High School (JPLSHS), 71-46, na ginanap sa QHS Covered Court, Agosto 21. Tila dumipensa ang star player na si Joseph San Juan sa kanilang huling tatlong laban matapos makatikim ng pagkabigo sa unang kwarter, 18 puntos, 9 rebounds, at 5 blocks, gayundin si Arnold Bejar na nasungkit ng 15 pts., 4 rebs., at 2 blks. “Di ko talaga akalaing mananalo kami,. Salamat talaga kay coach (Marisol Mabazza),” ani San Juan matapos ang kanilang laban. Agad sumiklab ang koponan ng QHS sa unang kwarter pa lamang, 7-0. Bukod pa rito, kumamada rin ang shooting guard ng JPLSHS na si Ricardo Mactal ng tatlong sunud-sunod na puntos dahilan para maungusan sila ng QHS ng isang puntos.
Miss Intramurals Nagpamalas ng kagandahan at talento ang mga rumampang mag-aaral kasama ang kanilang mga escorts na nagwagi sa Miss intramurals 2013. Pinili ang mga nagsipagwagi batay sa dami ng pisong barya na nakolekta na siyang gagamitin bilang pondo ng MAPEH Club. Nagkaroon ng dalawang magkahiwalay na canvassing na sinaksihan ng bawat kandidata, opisyales ng MAPEH Club at mga guro.
Sa mga sumunod na kwarter, nakasalba ang QHS dahil sa kanilang mga inside shots at penetration upang matablahan at tuluyang padapain ang katunggali. DIVISION ATHLETIC MEET Pumangalawa ang QHS Women’s Basketball Team sa Division Athletic Meet sa pagsasanay ni Bb. Marisol Mabazza, guro sa MAPEH, na gio Nobyembre 22.
Itinanghal bilang Miss Intramurals 2013 si Marian De Guzman, VII- 9 habang pinarangalan sina Kyla Mica Edulian, VIII-10 bilang Miss Music,Joanna Ramirez, VII-3, Miss Art, Karla Joyce Naguid, IV-14, Miss Physical Education, Gretchen Ivy Calanza, III-3, Miss Health, Hannavie Calbunero, VII8,Miss Grade 7, Almaida Hernan,VIII-2, Miss Grade 8, Myla Elyka Ochoco, III-1, Miss Junior at Sarah Issa, IV-11, Miss Senior. Rumampa rin ang mga piling guro bilang mga muse ng
bawat taon. Cheerdance Competition Nagpatalbugan sa galaw, liftings at exhibitions ang bawat grupo ng cheerdancers mula grade7 hanggang sa ikaapat na taon sa ginanap na Cheerdance Competition 2013. Naiuwi ng Grade 7 ang unang pwesto; Ikatlong taon, ikalawang pwesto; Grade 8, ikatlong pwesto at ikaapat na taon,ikaapat na pwesto. Pinarangalan ang lahat ng nanalo ng medalya at tropeyo.