Bagwis AY 2023-2024 1st Sem AUGUST

Page 6

bagwis.

official student publication of Mindanao State University General Santos City

the irony of gold VOLUME 43 | ISSUE 01 AUGUST 2023 the

bagwis 02

editorialboard

editor-in-chief

associate editor

managing editor

circulation manager

jefferson quipit

herkurt tamba

jasmine panes

adrian joven

kimbian lim

departmentheads

news editor

opinion editor

feature editor

sports editor

head cartoonist

layout director

photo editor

lynxter leaño

leonard tucjayao

mia dorothy marcos

niel zsun vega

louise abing

kevin asombrado

krishtine rivera

trainees

news writers

opinion writers

feature writers

lourenz loregas

ian villacencio

guia rebollido

daniella doce

aljim kudarat

cathylene bulado

keziah cariño

krystel lubaton

leslie payongayong

sports writers

cartoonists

joseph carl estrera

vaness villafuerte

ma. angelica pio

micha pancho

jezrah gamutin

jewel tapel

head videographer

clarenz caballero

publicationstaff

news writers

opinion writers

feature writers

sports writers

cartoonists

layout artists

photojournalists

mark negro

maria silva

herkurt tamba

jasmine joy panes

ronajean lavado

jefferson quipit

berjan pagadatan

kimbian lim

lyle jome dela madrid

sharif ryan beldia

krisczer dave david

tycoon james flores

adrian joven

katrina elises

ashley loyloy

hidden avila

john ross sambanan

layout artists

photojournalists

videographers

muhamad miras

denzel jade caluyong

ylen criz balanon

john russel camia

rayjie carillo

jibrylle mohammad

christian alburo

jared adlawan

alsimar ibrahim

editor’s note

The focus of Bagwis this semester is to revile the best and worst facade of MSU - empowering callout mechanisms while keeping the best branding and publicity for our university.

videographers

gwyneth lubaton

krizza maningding

louise jordan

rhynchielyne melgar

miles uchi

Every write-up and output is angled to touch urgent MSJuan narratives. May this be a whistle to perk the ears of the admin - encouraging to keep up with the excellence we all try to achieve.

03 table of contents

TABLE OF CONTENTS ABOUT THE COVER

BALITA

Anomalya sa ‘admission process’, ikinadismaya ng mga mag-aaral sa ‘waitlisted’, CBP

EDITORYAL

May tainga ang lupa ngunit mabagal at mali ang balita

COVER STORY

The IRONy of the GOLDen Year

about the cover

The story of King Midas instilled fear on one of the most loved and valued mineral in the world - gold

In line with the university’s golden anniversary, the cover is a play with the fear of gold. Perhaps, the clamor for luxury had instead turned into a curse.

From BBM’s hands turning everything into a lustrous disaster, it trickles down to the daily MSUan life. We are now in the golden era, as we literally turn to gold.

COVER EDITORIAL BOARD EDITOR’S NOTE
MSULOGY LATHALAIN Kwentong DUrMItoryo SPORTS Enthusiasm Knows No Gender MSU-Gensan’s first-ever Sepak Takraw Open Tourney highlights Sporting Aid 01 02 03 04-05 06-07 08-09 10-11 12-13 14-15

Umugong mula sa iba’t ibang Facebook post ang mga reklamo at pagkadismaya sa MSU-Gensan ng mga aplikanteng mag-aaral at kanilang magulang dahil sa anunsyong wala ng “slot” sa mga kurso para sa “waitlisted” at mga College Bound Program (CBP) na estudyante na nakakuha ng kursong hindi nila gusto.

Dagdagan pa riyan ang mga problemang bigla-bigla na lamang nawawala ang pangalan sa listahan o kaya may “backer” na tinatawag na kung saan nakakapasok ang isang mag-aaral kahit mababa ang iskor nito sa System Admission and Scholarship Examination (SASE) o sa CBP na grado.

Dahil diyan, umalingawngaw ang mga hinaing ng mga aplikante sa pamantasan kung gayon ay dinumog nila ang iba’t ibang tanggapan ng unibersidad upang dinggin at bigyang solusyon na sila ay dapat makapasok sa MSU-Gensan.

Damdamin ng mga Estudyante

Karamihan sa mga nagpaenrol na CBP na nakunan ng interbyu, dismayado ang kanilang nararamdaman dahil hindi patas sa kanilang pananaw ang proseso upang makapasok sa unibersidad.

Isa si Steel Bustria sa nakaranas ng anomalya sa pag-eenrol dahil ang nakuha niyang kurso ay Bachelor of Arts in Islamic Studies major in Shariah na kung saan hindi niya gusto.

Aminado naman si Bustria bilang

CBP na hindi talaga niya makukuha ang gustong kurso ngunit sana raw ay patas ang lahat sa pagpasok ng pamantasan dahil sa naririnig niyang mayroong “backer” ang iba.

Parehong sentimyento rin ang inilahad ni Dan Meñoz Jr. na kung saan hindi niya rin nakuha ang gustong kurso sapagkat CBP din siya.

“Take the risk nalang jud gani daw kung magsulod sa CBP. Dili na lang daw mag-assume na at the end makuha nimo imong desired na course,” giit pa ni Meñoz.

Kaya ngayon tinanggap na lang niya ang kanyang kurso dahil kahit papaano makakapasok siya sa pamantasan at may tsansang makuha ang inaasam-asam na kurso sa pamamagitan ng pag-shift.

Sentimyento ng isang Magulang

Hindi napigilan ang pagkadismaya ng isang magulang para sa kanyang anak na gustong makapag-aral sa MSU-Gensan matapos magbigay komento sa post ng MSU Gensan Admission na binigyan ng maling pag-asa ang mga kagaya nilang naghihirap sa buhay para makapasok sa naturang pamantansan dahil nakapasa naman daw ang anak niya sa SASE.

“Sana hindi nalang gi declared na SASE passer kung dili kaya ni MSU na mapapasok nila ang student. Iyon lang sana ang sentiment ko para hindi talaga umasa ang student and parents,” tugon ni Gng. Marcel Ortillano sa naging panayam ng

Bagwis. Dagdag pa niyang alam na ng opisyales sa MSU na maraming nakapasa kaya tinaasan na lang dapat ang cut-off score.

Kukunin sana ng kanyang anak ang kursong Bachelor of Arts in Political Science o ang Bachelor of Arts in English Language Studies subalit Bachelor of Arts in Sociology ang kanyang napasukan.

“At first, sad kaayo kay naabutan ng 0 slot akong anak sa online reservation sa batch niya. But thankful kay akong anak naningkamot og stay sa ilang araw sa labas ng admission office. May nagback-out na student kaya isa siya sa naka-avail sa vacant slots,” paliwanag pa niya.

Nagpapasalamat naman si Gng. Ortillano na kahit papaano ay opisyal nang nakapasok ang kanyang anak sa naturang pamantasan sa kursong AB Sociology.

Tugon ng Kinauukulan

Hiningan naman agad ng pahayag ang panig ng Admission Office dahil sa mga sunod-sunod na mga anomalyang nagaganap sa proseso ng enrolment.

“It’s so happened this year na mayroong pinakamaraming nagprefer sa gensan, marami ang nakaabot sa cut-off. We decided the cut-off with the higher officials tapos by trend, hindi naman lahat nagpapareserve or hindi tumutuloy,” giit pa ni Prop. Jerry Dela Cruz, Admission Director.

Anomalya sa ‘admission process’, ikinadismaya ng mga mag-aaral sa ‘waitlisted’, CBP
4 BALITA BAGWIS
LYNXTER GYBRIEL LEAÑO, MARK NEGRO, MARIA NICOLE SILVA

Gugustuhin man niyang papasukin lahat ngunit limitado ang slots na nakalaan na kung saan prayoridad din nila ang mga CBP na mga estudyante.

“Napasok lahat ng CBP students. Yung CBP natin is na block na lahat ang slots. Hindi ko kontrolado lahat ng nangyari sa ground. I communicated to VCAA, who is in-charge of enrolment na hindi dapat pakialaman or else maubos yun. We are frequently monitoring sa mga slots. Gina try namin na hindi malagay sa alanganin ang CBP students,” paliwanag pa ni Prop. Dela Cruz.

Malaking tsansang makapasok ang mga CBP ngunit hindi niya rin masisigurado na makukuha nila ang gustong kurso.

“Gina-emphasize ko sa kanila during orientation na your choices are limited. Let’s accept the fact, kasi basis sa ating course selection ay yung SASE. We cannot please everybody, and we cannot give everybody what they want as well,” aniya pa.

Samantala, naitanong rin sa kanya na kung posible bang maibabalik sa tradisyonal na pila ang sistema ng pag-eenrol.

“Yung traditional na dating, okay yun pero kong for pro tayo, internet na lang dahil maliit lang ang gastos sa pamasahe. We even do mapping, alam na ng estudyante kung saan ang place na malakas ang internet connection. This is just a minute transaction. Sa akin lang to ah, I

would be bias sa stand kasi nasa admission kami. Sa palagay ninyo, wala silang initiative na maghanap ng internet connection knowing na trained tayo for the last two years by utilizing technologies,” ani pa niya. Para sa kanya, kung papipilahin pa ang mga estudyante, maaaring malagay sila sa alanganin sapagkat mula sila sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas at hindi naman natatapos sa isang araw ang pag-eenrol.

“There is always room for improvement, anyway hindi pa natin machange ang system kung hindi pa nasubukan yung mas magandang alternative solution. Wala namang perfect na system, it is always a work of progress. I think everything can be given attention and further evaluation maybe assessment for the betterment of the system,” pagdiin pa ng direktor.

Payo ng Kinauukulan

Inihayag naman ng Office of Student Affairs Director, Rhumer S. Lañojan na hindi rin niya inasahan na maraming estudyante ang pipili sa MSU-Gensan bilang kampus na papasukan kaya agad naubos ang slot ng mga kurso.

“We only have limited slots. That’s the reality. We are only accommodating 2500 students. That’s one consideration we should look onto next time,” giit pa niya. Inamin naman niya na mayroong pagkakataon na may hindipagkauunawaang nagaganap na nagresulta sa mga hindi malinaw na instruksyon o direksyon hinggil sa proseso ng admission.

Ngunit, hinikayat pa rin ni Lañojan sa mga mag-aaral na naghihintay ng pag-asang makakuha ng isang slot na huwag nang tanggihan ang kahit anong kursong maibibigay sa kanila dahil iyan ang paraan upang makapasok sa pamantasan.

“Do not lose the opportunity. Dili sa mamili ug kurso, importante nakapasok ka,” diin ng Director.

Subalit, aniya pa na hindi rin niya mapipilit ang kanilang sarili na kunin ang kursong hindi nila gusto kaya naging payo niya lang sa mga papasok ng kolehiyo sa ibang paaralan na dapat maging mapagkumbaba, may tamang asal, at masunurin sa lahat ng pagkakataon.

Pahirapan man ang pagpasok sa pamantasan dahil sa libo-libong estudyante na nag-aagawan sa limitadong puwesto ng kurso, datapwat pinatunayan lamang nito ng mga iilang estudyante ang pagpupursigedo sa gitna ng mga anomalya sa hindi pagsuko sa kahit anomang hamon ng buhay para lang maipagpatuloy ang kani-kanilang mga pangarap para sa sarili.

Scan the code to CONNECT WITH US ON OUR SOCIALS! BAGWIS BALITA 5
Photo by Katrina Elises

Editoryal

May tainga ang lupa ngunit mabagal at mali ang balita

Tila hindi natututo ang administrasyon ng Pamantasang Mindanao - Lungsod ng Heneral Santos sapagkat hanggang ngayon ay palagi pa rin itong nahuhuli sa pagpapakalat ng mga mahahalagang impormasyon na syang naglalagay sa mga estudyante sa alanganin.

Noong mga nakaraang linggo ay palaging laman ng FB page na ‘BUHAY MSUAN - Gensan’ at FB group na ‘Mindanao State University - General Santos City (MSU-GenSan)’ ang mga katanungan patungkol sa enrolment para sa A.T. 2023-2024. Dahil diyan, sarisaring pagkalito at mga pekeng balita na ang kumalat kagaya na lamang ng kung kailan ang tunay na iskedyul ng enrolment. Dagdag pa, maging ang mga student leaders ay nagpa-panik na sa paghahanda dahil maging sila mismo ay pinapaulanan ng tanong ng kanilang mga nasasakupan. Dahil umaabot din ng ilang libo ang mga bayarin, ikinababahala rin ng mga mag-aaral kung saan sila kukuha ng pambayad sapagkat hindi sila nabigyan ng sapat na mga araw upang makapaghanda. Kahit ang mga estudyanteng nasa On-the-Job Training (OJT) sa iba’t ibang probinsya ay nangangamba na rin dahil wala pa ring paramdam ang administrasyon.

Sa katunayan, naglabas ang Bagwis, opisyal na pahayagan ng MSU-GSC, ng Kartung Pang-editoryal patungkol rito upang kahit papaano ay makarating sa administrasyon ang isyung ito.

Sa isang panayam ng Bagwis sa Direktor ng Office of the Student Affairs (OSA) na si Sir Rhumer Lañojan, iginiit nito na ilang linggo na ang nakakaraan nang una itong nagpatawag ng pagpupulong sa mga lideres ng bawat kolehiyo at departamento ng institusyon. Ayon pa sa kanya, ilang beses daw siyang nag-adjust sa iskedyul ng mga lideres. Subalit, pinabulaanan naman ito ng mga student-leaders dahil ayon dito ay noong Hulyo 31 lamang ito nagbigay ng mensahe sa kanilang group chat na nais niyang magpatawag ng face-to-face meeting sa susunod na araw, Agosto 1. Hindi ito makatarungan para sa mga student-leaders dahil karamihan ay umuwi sa kanilang mga probinsya at ang

iba ay nasa OJT. Dagdag pa, sa panayam rin kay Vice Chancellor of Academic Affairs (VCAA) Gng. Mishell D. Lawas, naglabas na ng iskedyul ng enrolment noong panahon pa lamang ng huling pagsusulit noong nakaraang semestre. Kung noon pa lamang ay kumpirmado na ang iskedyul ng enrolment, hindi maitatanggi na ito ay pagkukulang ng OSA dahil hindi nito maayos na naipamahagi ang impormasyon habang maaga pa.

Kahit mismong sa prosesong admisyon pa lamang ay hindi na maayos ang pagpapalaganap ng mahahalagang impormasyon. Una pa lang, hindi maayos ang sistema ng paunahan sa pagrereserba ng kurso. Ito ay hindi patas para sa mga estudyanteng may mataas na iskor sa System Admission and Scholarship Examination (SASE) dahil ang mismong website ay nagkakaroon ng high traffic sa sobrang

6 BAGWIS
Guhit ni Sharif Ryan Beldia

dami ng mga uma-access. Sa huli, nauunahan ang mga ito sa kanilang preferred course. Wala naman silang agarang mapagtatanungan sapagkat hindi tumutugon ang helpdesk ng institusyon, mapa-email man o ang impormal na FB account ng Office of Admissions (OA). Dahil diyan, napipilitan ang mga mag-aaral na tumungo sa FB group kung saan ay kamakailan lang umingay dahil sa isang insidente kung saan nagkasagutan ang isang MSUan at isang empleyado ng opisina. Dagdag pa, tinawag namang ‘paasa’ ng iba ang institusyon dahil ang iilang nagpalagay sa waitlist ay hindi nakatanggap ng anumang balita mula rito. Para naman sa ibang nakakuha ng slot, hindi rin makatarungang hindi nila nakuha ang kanilang kursong nais dahil inilipat ito ng empleyado nang walang pahintulot.

Aminado naman ang VCAA na mayroon silang pagkukulang patungkol sa proseso ng admisyon. Sa kanilang depensa, hindi nila inasahan na maraming mag-aaral ang magpapaenrol sa institusyon ngayong taon sapagkat base sa mga nakaraang datos, nasa tinatantyang 1,500 lamang sa 2,300 na slot sa mga ito na nakapasok sa itinalagang cut-off score ang tuluyang pumapasok sa institusyon. Kung kaya’t sa kasalukuyan, isinadya nilang babaan ang cut-off scores kaya pinag-agawan nang husto ng mahigit 7,000 ka-tao ang mga quota courses, na siyang nagresulta sa maraming ‘pinaasang’ waitlisted. Patungkol naman sa sistema ng admisyon, ipinangako ng VCAA na magsisilbi itong aral upang pagbutihin nila ang kanilang serbisyo. Ayon sa kanya, “If there needs to benchmark from other universities with better admission process, then it is our commitment to better our services.” Sa kabilang banda, aminado naman si G. Lañojan na pagkakamali ng empleyado ng OA sapagkat sinagot nito sa impormal na paraan ang estudyanteng nagtanong sa FB page. Subalit, kung sanang una pa lamang ay mayroon nang maayos na help desk ay maiiwasan ang mga ganitong insidente.

Nagkalituhan naman sa pagitan ng mga mag-aaral noong unang araw ng enrolment dahil sa walang klarong impormasyon patungkol sa insurance fee. Kumalat ang mga balitang “Gipa-

stop daw ni Chancy ang collection.” at “Sali na man daw sa budget ang insurance. Nganong gabayad paman ta?”. Sa panayam, inilinaw ni G. Lañojan na ang ganitong sistema ay iminana lamang nila mula pa sa nakaraang administrasyon ng namayapang Chancellor Anshari Ali kung saan hindi naisama ang insurance sa 5-taong moratorium ng aprubadong budget ng Department of Budget and Management (DBM) noong 2017 para sa institusyon. Dagdag pa niya, kasalukuyan ay ginawan ito ng panukala subalit aabot pa ng ilang taon bago pa ito tuluyang maisama sa budget. Nang amin namang tanungin kung bakit hindi pa ito naisipan noong mga nakaraang taon pa bago natapos ang 5-taong epektibity, isinagot ng direktor na kami ay tumugon sa Vice Chancellor for Administration and Finance.

Mababagal at maling pagkakalat ng impormasyon ang bumungad sa mga MSUan para sa panibagong akademikong taon. Isang kabalintunaan na ang MSU-GSC ay itinuturing na isa sa mga prestihiyosong institusyon subalit sa admisyon pa lamang ay madami na ang kapalpakan at walang konkretong mapagkukunan ng mahahalagang impormasyon. Nawa ito ay magsilbing hamon sa nakatataas upang kanilang pagbutihin ang kanilang serbisyo, lalo pa at sa panahon ngayon ay madaling kumalat ang mga pekeng balita. Hanggang palpak ang sistema, marami pang mga pusong nangangarap ang mapagkakaitan ng pagkakataon upang maging iskolar ng bayan. Hanggang hindi maayos ang mapagkukunan ng mahahalagang impormasyon sa kabila ng labis na pag-unlad ng teknolohiya sa kasalukuyan, tuluyan pa ring magkakalituhan ang lahat dahil sa kaliwa’t kanang di-beripikadong balita. At lalong hanggang hindi nagiging konkretong aksyon ang mga salitang ipinangako ng VCAA at ng administrasyon, magiging kabilang lamang ang mga ito sa mga nakaririnding salitang nakakalat sa hangin na bunga rin ng kanilang kapabayaan, at mga balitang naririnig ng lupa ngunit hindi naman pala tama.

Hanggang palpak ang sistema, marami

pang mga pusong

nangagarap ang

mapagkakaitan ng

pagkakataon upang

maging iskolar ng

bayan

BAGWIS EDITORYAL 7 Scan the code to CONNECT WITH US ON OUR SOCIALS!
‘‘

cover story

The156-hectare field of Mindanao State University - General Santos City was greeted by the genesis of yet a golden era, as the institution is set to welcome its 50th anniversary this academic year. However, every MSUan was delighted not when such of a news bomb exploded at the brink of a combination of a ‘golden’ economic state in the country where

commodities are its maximum towering prices, and the unhurried information dissemination of the the Office of the Students’ Affairs (OSA) of the enrolment period and opening of classes. Seemingly, the anticipation of a golden era that of PBBM’s and the 50th founding anniversary of MSU-GSC’s is akin to the tale of King Midas and his magic (curse).

LEONARD TUCJAYAO & HERKURT TAMBA

Kwentong DUrMItoryo

Photos by Katrina Elises Gng. Laureana Emnace
Scan the code to CONNECT WITH US ON OUR SOCIALS!
Dorm Manager I, Ladies Dorm Annex

Enthusiasm Knows No Gender

From a female weightlifter, boxer, skateboarder, and now a football team, for young girls wishing to explore their passions in sports that might not be ‘in line’ with their gender, signify the beginning of endless horizons. Underrated, you may call it but in a world of sport where He dominates, She consistently takes control in order to achieve triumphs and even break down boundaries between both genders. Olympic medalists Hidilyn Diaz and Nesthy Petecio advanced over their storied outcomes when they took titles in stereotypically masculine sports. These victories coming from our Filipina Olympians in the 2020 Tokyo Olympics proved that women don’t have to let society dictate what’s right for them.

To indulge in a male-dominated event, passion and drive might not be enough– you must have a strong call to fight distinction and inclusion. The first step in challenging socially imposed gender norms and binary ideas of masculinity and femininity may be to recognize the female athlete paradox and the challenges that sportswomen face. By developing new conceptions of what gender-

appropriate actions might entail, female participation in athletics offers a chance to reevaluate the implications of masculinity and femininity in society. Margielyn Didal, a Filipina skateboarder, won fans’ hearts, and the Philippine women’s football team, also known as ‘Malditas’, recently experienced their first taste of FIFA World Cup. In both cases, a woman was present in a traditionally masculine event. These athletes used their time in the spotlight to take pride in their identities rather than letting conventional gendered notions of sports stop them from following their passions and delivering everything they had for their country.

Meanwhile, our institution, Mindanao State University –General Santos City (MSU-GSC) takes pride in the presence of sportswomen in varsity teams and the equal support they have from the Sports Development Office (SDO) in accordance with the male athletes. While some people are utilizing the sustenance they have, SDO should take action as others yearn for facilities and equipment that are paramount to their development as this institution’s

athletes. Only if their requirements are met will these exploits result in more triumphs and awards for our athletes at subsequent events, regardless of their gender.

The seal of approval towards female athletes can only be attained if their conditions are also met by the institution they are in, by participating in sports which provides them the chance to test themselves in a sphere from which they may feel excluded, women might gain a feeling of security and confidence that they had never before experienced.

As more women attempt to define their roles in athletics, they may actually experience a sense of liberation rather than oppression by seeing themselves and their bodies as strong and free from male dominance. Filipina sporting icons in Hidilyn, Nesthy, Margielyn, and Malditas, continue to conquer obstacles related to their gender and redefine what it means to be a sportswoman, which is a first step in challenging hegemonic femininity. Their contribution in reforming the views towards women athletes is vital to the respect they have embodied in today’s modern world.

14 SPORTS EDITORIAL BAGWIS
Cartoon by Louise Gabrielle Abing

MSU-GSC Sepak Takraw lauds ‘supportive’ community on hosting first-ever tourney

“Gusto naming ipakita na ang MSU - Gensan ay may malakas na Sports Development Office – sinisikap namin mas mabigyan ng importansya ang sports, lalo na ang sepak takraw.”

Expressed Prof. Christofferson Del Sol, together with the MSUGSC Sepak Takraw Club and Sports Development Office (SDO), after successfully organizing the 1st Mindanao State University – General Santos City (MSU – GSC) Sepak Takraw Open Tournament at the University Gymnasium on August 26.

A total of 25 teams participated in the open tournament, demonstrating their honed spikes and kicks from various Mindanao towns, municipalities, and cities.

Yet, among these teams, Holy Trinity College (HTC) – B emerged prevailing, led by Aldren Jimenez Reando’s impressive spikes and solid blocks, securing the gold by defeating their team A, 21-13, 21-14, and leaving HTC – A with the silver medal.

Reando, a former PRISAA and Palaro athlete, expressed his delight with the tournament. “Masarap sa pakiramdam lalo na’t unang beses kong maglaro rito. Patuloy lang nating tangkilikin ang sport na ating kinahihiligan,” he added.

In the meantime, the Exhibition displayed exceptional prowess as they swept OG in two sets, 21-17, 21-14, nabbing the bronze title and pushing OG to settle for 4th place.

Despite tougher and more experienced competitors, MSU’s Erron Rozz De Padua felt blessed to secure a top-eight finish. “Masarap sa pakiramdam kasi maraming kang makakalabang malalakas, at matututo ka rin sa kanilang mga skills.” he shared. “Kailangan pa ng practice, kasi first time namin mag-meet magkakateammates kaya need talaga ng practice, communication, at trainings,” sharing his takeaway from the takraw open.

Even though MSU’s teams fell short of podium finishes, Prof. Del Sol was pleased with the success of the open tournament and the performance of the MSU Varsity team.

Prof. Del Sol was particularly pleased as the tournament marked MSU-GSC’s first and included participation from teams in Sarangani and South Cotabato. “Kahit na hindi kalakihan ang premyo, pero for the sake sa game, sumali pa rin sila para magsupport,” he added.

“Challenging ang gym lalo na’t ‘di pa siya nagamit for official tournament. Pero sa pagsisimula ng torneyo, nakita

2023

nako na okay na, safe ang gym. Players kasi ang pinaka-top priority natin. At lalo naman yung ang paglalaruan nila. Siguro sa financial aspect rin, but nahahanapan naman ng paraan,” as he reminisced about the challenges they faced during the tournament.

He also commended the MSU Varsity team for their top-eight placement. Coach Del Sol observed the team’s dedication to training and efforts to provide an exciting match for the audience and fellow competitors.

Prof. Del Sol expressed gratitude for the support of fellow alumni. “Isa rin siguro sa support ng alumni. Lagi silang nand’yan para sumuporta, willing silang tumulong. Kasi kung ako lang, ‘di ko talaga kakayanin.”

“Mainam ito at magpatuloy lang lalo na’t papalapit na ang MSUSAA,” Prof. Del Sol noted. “Bahala matalo kami, basta makuha namin ang aming objective na makalahok, natural lang ‘yan.”

Currently, Prof. Del Sol and SDO Chairperson Prof. Sammielyn Lavente are eyeing to make the Sepak Takraw event an annual affair. They also have their sights set on gaining official accreditation and organizing regional training and coaching sessions.

BAGWIS SPORTS 15
FIRST STEP TAKEN. A takraw athlete delivers verocious inside kick at the 1st Sepak Takraw Open Tournament held August 26, BERJAN PAGADATAN Photo by Ashley Louisa Loyloy

golden midas touch

The clown is an allegory of the golden anniversary of our university as well as the golden era of BBM. It is a play with the juxtaposed desire to be lustrous and desireable - the fervent need to be golden had instead literally turned us into gold.

The clownery of the first month of our supposed golden millenium is discussed in the August 2023 issue of Bagwis. It is quite ironic how the revered gold had turned into a tragedy - a tieback on the infamous golden touch of the tale of King (Clown) Midas.

bagwis. AUGUST 2023

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.