7 minute read

May tainga ang lupa ngunit mabagal at mali ang balita

Editoryal

Tila hindi natututo ang administrasyon ng Pamantasang Mindanao - Lungsod ng Heneral Santos sapagkat hanggang ngayon ay palagi pa rin itong nahuhuli sa pagpapakalat ng mga mahahalagang impormasyon na syang naglalagay sa mga estudyante sa alanganin.

Noong mga nakaraang linggo ay palaging laman ng FB page na ‘BUHAY MSUAN - Gensan’ at FB group na ‘Mindanao State University - General Santos City (MSU-GenSan)’ ang mga katanungan patungkol sa enrolment para sa A.T. 2023-2024. Dahil diyan, sarisaring pagkalito at mga pekeng balita na ang kumalat kagaya na lamang ng kung kailan ang tunay na iskedyul ng enrolment. Dagdag pa, maging ang mga student leaders ay nagpa-panik na sa paghahanda dahil maging sila mismo ay pinapaulanan ng tanong ng kanilang mga nasasakupan. Dahil umaabot din ng ilang libo ang mga bayarin, ikinababahala rin ng mga mag-aaral kung saan sila kukuha ng pambayad sapagkat hindi sila nabigyan ng sapat na mga araw upang makapaghanda. Kahit ang mga estudyanteng nasa On-the-Job Training (OJT) sa iba’t ibang probinsya ay nangangamba na rin dahil wala pa ring paramdam ang administrasyon.

Sa katunayan, naglabas ang Bagwis, opisyal na pahayagan ng MSU-GSC, ng Kartung Pang-editoryal patungkol rito upang kahit papaano ay makarating sa administrasyon ang isyung ito.

Sa isang panayam ng Bagwis sa Direktor ng Office of the Student Affairs (OSA) na si Sir Rhumer Lañojan, iginiit nito na ilang linggo na ang nakakaraan nang una itong nagpatawag ng pagpupulong sa mga lideres ng bawat kolehiyo at departamento ng institusyon. Ayon pa sa kanya, ilang beses daw siyang nag-adjust sa iskedyul ng mga lideres. Subalit, pinabulaanan naman ito ng mga student-leaders dahil ayon dito ay noong Hulyo 31 lamang ito nagbigay ng mensahe sa kanilang group chat na nais niyang magpatawag ng face-to-face meeting sa susunod na araw, Agosto 1. Hindi ito makatarungan para sa mga student-leaders dahil karamihan ay umuwi sa kanilang mga probinsya at ang

iba ay nasa OJT. Dagdag pa, sa panayam rin kay Vice Chancellor of Academic Affairs (VCAA) Gng. Mishell D. Lawas, naglabas na ng iskedyul ng enrolment noong panahon pa lamang ng huling pagsusulit noong nakaraang semestre. Kung noon pa lamang ay kumpirmado na ang iskedyul ng enrolment, hindi maitatanggi na ito ay pagkukulang ng OSA dahil hindi nito maayos na naipamahagi ang impormasyon habang maaga pa.

Kahit mismong sa prosesong admisyon pa lamang ay hindi na maayos ang pagpapalaganap ng mahahalagang impormasyon. Una pa lang, hindi maayos ang sistema ng paunahan sa pagrereserba ng kurso. Ito ay hindi patas para sa mga estudyanteng may mataas na iskor sa System Admission and Scholarship Examination (SASE) dahil ang mismong website ay nagkakaroon ng high traffic sa sobrang

dami ng mga uma-access. Sa huli, nauunahan ang mga ito sa kanilang preferred course. Wala naman silang agarang mapagtatanungan sapagkat hindi tumutugon ang helpdesk ng institusyon, mapa-email man o ang impormal na FB account ng Office of Admissions (OA). Dahil diyan, napipilitan ang mga mag-aaral na tumungo sa FB group kung saan ay kamakailan lang umingay dahil sa isang insidente kung saan nagkasagutan ang isang MSUan at isang empleyado ng opisina. Dagdag pa, tinawag namang ‘paasa’ ng iba ang institusyon dahil ang iilang nagpalagay sa waitlist ay hindi nakatanggap ng anumang balita mula rito. Para naman sa ibang nakakuha ng slot, hindi rin makatarungang hindi nila nakuha ang kanilang kursong nais dahil inilipat ito ng empleyado nang walang pahintulot.

Aminado naman ang VCAA na mayroon silang pagkukulang patungkol sa proseso ng admisyon. Sa kanilang depensa, hindi nila inasahan na maraming mag-aaral ang magpapaenrol sa institusyon ngayong taon sapagkat base sa mga nakaraang datos, nasa tinatantyang 1,500 lamang sa 2,300 na slot sa mga ito na nakapasok sa itinalagang cut-off score ang tuluyang pumapasok sa institusyon. Kung kaya’t sa kasalukuyan, isinadya nilang babaan ang cut-off scores kaya pinag-agawan nang husto ng mahigit 7,000 ka-tao ang mga quota courses, na siyang nagresulta sa maraming ‘pinaasang’ waitlisted. Patungkol naman sa sistema ng admisyon, ipinangako ng VCAA na magsisilbi itong aral upang pagbutihin nila ang kanilang serbisyo. Ayon sa kanya, “If there needs to benchmark from other universities with better admission process, then it is our commitment to better our services.” Sa kabilang banda, aminado naman si G. Lañojan na pagkakamali ng empleyado ng OA sapagkat sinagot nito sa impormal na paraan ang estudyanteng nagtanong sa FB page. Subalit, kung sanang una pa lamang ay mayroon nang maayos na help desk ay maiiwasan ang mga ganitong insidente.

stop daw ni Chancy ang collection.” at “Sali na man daw sa budget ang insurance. Nganong gabayad paman ta?”. Sa panayam, inilinaw ni G. Lañojan na ang ganitong sistema ay iminana lamang nila mula pa sa nakaraang administrasyon ng namayapang Chancellor Anshari Ali kung saan hindi naisama ang insurance sa 5-taong moratorium ng aprubadong budget ng Department of Budget and Management (DBM) noong 2017 para sa institusyon. Dagdag pa niya, kasalukuyan ay ginawan ito ng panukala subalit aabot pa ng ilang taon bago pa ito tuluyang maisama sa budget. Nang amin namang tanungin kung bakit hindi pa ito naisipan noong mga nakaraang taon pa bago natapos ang 5-taong epektibity, isinagot ng direktor na kami ay tumugon sa Vice Chancellor for Administration and Finance.

Mababagal at maling pagkakalat ng impormasyon ang bumungad sa mga MSUan para sa panibagong akademikong taon. Isang kabalintunaan na ang MSU-GSC ay itinuturing na isa sa mga prestihiyosong institusyon subalit sa admisyon pa lamang ay madami na ang kapalpakan at walang konkretong mapagkukunan ng mahahalagang impormasyon. Nawa ito ay magsilbing hamon sa nakatataas upang kanilang pagbutihin ang kanilang serbisyo, lalo pa at sa panahon ngayon ay madaling kumalat ang mga pekeng balita. Hanggang palpak ang sistema, marami pang mga pusong nangangarap ang mapagkakaitan ng pagkakataon upang maging iskolar ng bayan. Hanggang hindi maayos ang mapagkukunan ng mahahalagang impormasyon sa kabila ng labis na pag-unlad ng teknolohiya sa kasalukuyan, tuluyan pa ring magkakalituhan ang lahat dahil sa kaliwa’t kanang di-beripikadong balita. At lalong hanggang hindi nagiging konkretong aksyon ang mga salitang ipinangako ng VCAA at ng administrasyon, magiging kabilang lamang ang mga ito sa mga nakaririnding salitang nakakalat sa hangin na bunga rin ng kanilang kapabayaan, at mga balitang naririnig ng lupa ngunit hindi naman pala tama.

Nagkalituhan naman sa pagitan ng mga mag-aaral noong unang araw ng enrolment dahil sa walang klarong impormasyon patungkol sa insurance fee. Kumalat ang mga balitang “Gipa-

Hanggang palpak ang sistema, marami pang mga pusong nangangarap and mapagkakaitan ng pagkakataon upang maging iskolar ng bayan
This article is from: