March 16 - 22, 2015 | Vol. 20, No. 11 | Php 12.00/copy : balikasonline@yahoo.com | 0912.902.7373 | 0926.774.7373
Like us: Read archives at: www.facebook.com/Balikas issuu.com/balikasonline
Follow us: @Balikasonline Sharing Good News.. Bridging Communities.. Towards Development A proud member of:
Philippine Press Institute National Association of Newspapers Since 1964
JOENALD MEDINA RAYOS
MAY pag-asa pang masolusyunan ang lumalalang suliranin sa iligal na droga sa lalawigan ng Batangas at maging sa iba pang lokalidad, kung magiging desidido lamang ang namumuno dito. Ito ang buod ng pahayag ni Mayor Antonio Halili sa isinagawang press conference sa Lunsod Tanauan nitong nakalipas na Lunes kaalinsabay ng pagdiriwang ng ika-14 na taong pagiging lunsod ng Tanauan. “Ang problema sa droga ay masosolusyunan kung gugustuhin at kung magiging seryoso sa kampanya laban dito. Nasa namumuno yan. Parang sa isang tahanan, kung gusto mong maging maaayos ang pamamahay mo, kikilos ka upang matiyak ang kalinisan at kaligtasan ng mga nakatira rito,” pahayag pa ni Mayor Halili. Aniya pa, mahirap man ay kinakailangang aksyunan ang suliranin sa droga dahil ito ang ugat ng kasamaan at kriminalidad sa isang lugar. Ito aniya at ang iba pang suliranin sa lunsod ang dahilan ng pagbuo niya ng Mayor’s AntiCrime Group (MAC) na siyang pangunahing ahensya laban sa kriminalidad sa lunsod.
>>>POLITICAL WILL... sundan sa P/3
........................................................................................................................................................
BSU, nangunguna pa ring ME school sa buong bansa MULING kuminang ang pangalan ng Batangas State University (BSU) sa larangan ng inhenyeriya matapos muling manguna ang nasabing dalubhasaan sa katatapos na Mechanical Engineering Board Examination.
Muling naitala ng dalubhasaan ang 100% passing rate matapos maswerteng nakapasa ang 84 na examinees nito at apat (4) sa Top 10 Board Passers ay mula rin sa BSU. Kabilang dito sina
>>>TOP SCHOOL... sundan sa P/2
Searching for Causes and Solutions. Key department heads of the the city government of Batangas join officials of SM City Batangas in verifying the causes of foul odor at the Calumpang outfall and finding solution to address it.| JEFFREY MARANAN
Ang Batangas Una sa Mechanical Engineering Board Exams. Congressman Raneo Abu congratulates Batangas State U (BSU) for being the Top Performer in the recent Mechanical Engineering Board Exams- Four (4) topnotchers including the 1st Placer & 100% passing rate (84 of 84). There are about eight hundred (800) ABU scholars in BSU. (TA)
Clean-up drive sa Calumpang outfall, itinakda sa Marso 17
What is the present Public hearing series held state of CARP? for proposed real property p. 3 assessment revision .............................................................................................. PPA strengthens port p. 4 development in Batangas p. 6
SA gitna ng mga reklamo hinggil sa masangsang na amoy na nalalanghap ng mga taong tumatawid sa Calumpang Foot Bridge, inimbitahan ng pangasiwaan ng SM City Batangas ang mga kinatawan ng mga konsernadong ahensya ng pamahalaan nitong Martes, Marso 10. Sa presentasyon ng ulat nina Engr. Ysmael Martinez at Julius Carlos L. Beo na may petsang ika22 ng Hunyo, 2014, anila sa Gate 3 ng SM papuntang
>>>BASAHIN ANG BUONG ISTORYA SA P/2