Vol 20, No. 12 - March 23 - 29, 2015

Page 1

March 23 - 29, 2015 | Vol. 20, No. 12 | Php 12.00/copy : balikasonline@yahoo.com |  0912.902.7373 | 0926.774.7373

Like us: Read archives at: www.facebook.com/Balikas issuu.com/balikasonline

Follow us: @Balikasonline Sharing Good News.. Bridging Communities.. Towards Development A proud member of:

Philippine Press Institute National Association of Newspapers Since 1964

LIPA City -- “NANINIWALA po kami na ito’y politically motivated at isa lamang itong istratehiya na naglalayong iligaw ang mga mamamayang Lipeño at mawala kami sa focus ng paglilingkod sa aming mga constituents.” Ito ang mariing pahayag ni Mrs. Bernadette Sabili, Chief of Staff at maybahay ni Lipa City Mayor Meynard Sabili sa panayam ng Batangas press noong Lunes. Ang tinutukoy ni mayora ay ang umano ay kasong graft na isinampa sa Ombudsman laban kay Mayor Sabili kaugnay ng itinuturong land grabbing incident umano na kinasasangkutan ng alkalde.

Ayon kay Mrs. Sabili, hindi tamang sampahan ng kasong graft ang alkalder ng Lipa City dahil pag sinabing graft, ito ay may kinalaman sa malversation of public funds o sa pangangasiwa ng pamahalaan. Ang tinutukoy umano sa kaso ay ang limang (5) ektaryang lupa sa Lunsod ng Muntinlupa na umano’y ibinigay ng mga tenants kay Mayor Sabili bilang konsiderasyon sa pagtulong nito para sa pagkakaayos ng problema ng lupa. Malinaw umano itong nakasaad sa 6-pahinang notaryadong Agreement na nilagdaan ng mga tenants at ng isang nagngangalang Mariano Nocom. >>>PAMAMAHALA... sundan sa P/3

.......................................................................................................

Diversion Road widening at port zone access road, prayoridad ng DPWH

BATANGAS City -- Kabilang ang pagpapatuloy ng road widening sa Batangas Port Diversion Road at ang konstruksiyon ng Tabangao Port Zone Access Road (TPZAR) na isang diversion road along the shoreline sa mga pangunahing proyektong prayoridad ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Ikalawang Distrito ng Batangas. Ito ang inilahad ng Batagas 2 nd Engineering District sa isinagawang clustered Budget Partnership Agreements (BPA) at Budget Consultations with Civil Society Organizations (CSO’s) ng DPWH-Batangas noong Martes. Ayon kay Batangas 1 st Engineering District chief Juliana Vergara, ang konsultasyon ay alinsunod sa National Budget

>>>IMPRASTRAKTURA... sundan sa P/3 Local Governance. Seryosong nagpupulong sina Mayor Meynardo Sabili at Congressman Mark Llandro Mendoza sa huling pagdinig ng Senate Committee on Local Government sa panukalang paghihiwalay ng Lunsod ng Lipa mula sa Ikaapat na Distrito bilang isang Lone Congressional District.| CONTRIBUTED PHOTO

......................................................................

Visa application, atbp., nasa Tanauan City na TANAUAN City – Pinalakas pa ng Bureau of Immigration (BI) Batangas Field Office ang kanilang serbisyo makaraang pormal na umpisahan ang kanilang lingguhang “Service Day” sa city hall ng Tanauan kamakailan. Tuwing araw ng Huwebes, magtatalaga ang ahensya ng mga tauhan sa naturang lunsod upang ilapit ang kanilang serbisyo sa mga mamamayan lalo’t higit sa mga dayuhang turista at mga manggagawa (expatriates) sa Tanauan at mga kalapit lugar. Kabilang dito ang pagtanggap ng mga aplikasyon para sa renewal ng immigrant at non-immigrant visa, aplikasyon para sa dual citizenship, at iba pang transaksiyon o serbisyo na ibinibigay ng ahensya. Ayon kay Roseo Isabelo Manguiat, Field Office Chief ng BIBatangas, napili nila ang Tanauan sa kadahilanang karamihan sa mga nagtutungo sa kanilang opisina sa Brgy. Bolbok, Batangas

>>>IMMIGRATION... sundan sa P/2

Pag-aaral para sa mga Guro. Upang mas lalo pang mapag ibayo ang kaalaman ng mga heads ng bawat pampublikong paaralan sa lungsod ng Batangas, isang Implementation and Development of Modules for School Heads Foundational Training Course ang isinagawa sa Bahay Pag-asa Bldg. noong ika 6 Marso. Ito ay sa pagtataguyod ng Department of Education.| ALVIN M. REMO


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.