Vol. XIX, No. 20 | May 19 - 25, 2014

Page 1

>>Kaso ng HIV-AIDs sa Batangas, patuloy na tumataas > News. ...P/2 Vol. 19, No. 20 | May 19 - 25, 2014 E-mail: balikasonline@yahoo.com Telephone: (043) 417.1662 Smart/TNT: 0912.902.7373 Globe/TM: 0917.512.9477 Php 12.00/copy

Sharing Good News.. Bridging Communities.. Towards Development

A proud member of:

Philippine Press Institute National Association of Newspapers Since 1964

UMAASA ang Malacañang na agad aaksyunan ng Kongreso ang limang priority legislative measures na sinertipikahan nito kamakailan. Sinabi ni Presidential Communications Sec. Sonny Coloma, kabilang dito ang Tax Incentives Management and Transparency Act, Fiscal Incentives Rationalization Plan, Customs Modernization and Tariff Act, Rationalization of the Mining Fiscal Regime at renewal ng Philippine National Railways franchise.

GOOD JOB, CONGRESSMAN ABU!” Binabati ni House Speaker Sonny Belmonte si Batangas Congressman Raneo Abu matapos mapasama ang dalawang bills nito sa Priority Measures ng Malacañang.| TITO AGUIRRE ................................................................................................

‘Brigada Eskwela’ na sa mga pampublikong paaralan ISANG linggong magiging abala ang mga magulang, opisyales ng paaralan, mga estudyante at maging ang mga taga barangay sa panimula ng Brigada Eskwela ngayong taong ito. Itinalaga ng Department Education ang May 19-24 bilang panahon kung saan ihahanda na ng mga pampublikong paraalan ang mga gusali, kapaligiran at mga

kagamitan bago sumapit ang pasukan. Sa Batangas City, inumpisahan sa pamamagitan ng isang motorcade ang pagdiriwang na sinundan ng isang programa sa Pallocan Elementary School. Ayon kay Ethel Lualhati, punungguro, Enero pa lamang ay nagpupulong na sila kasama ng mga magulang kung

paano isasagawa ang proyektong nabanggit. Mas dumami rin aniya ang mga magulang na nakiisa sa Brigade Eskwela ngayong taon. Hinikayat naman ni Adela F. Aguila, OIC Assistant Schools Division Superintendent ang mga magulang na lalo pang makiisa sa proyektong ito.

>>>EDUKASYON..sundan sa P/7

Ang Customs Modernization and Tariff Act at renewal ng Philippine National Railways franchise ay kapwa inakda o principally authored ni Batangas Congressman Raneo Abu. Ikinatuwa ni Congressman Abu ang naging aksyon ng Malacañang na makakapagpabilis ng approval nito. “Ang Customs Modernization and Tariff Act at renewal ng Philippine National Railways franchise ay parehong makakapagpataas ng antas ng ating Batangas International Port. Ito ang susi sa higit na paglago ng ekonomiya at hanapbuhay ng ating mga kababayan sa lalawigan ng Batangas.” Ang House Bill 3333 (Philippine National Railways franchise renewal) at House Bill 3339 (Customs Modernization and Tariff Act) ay kapwa isinumite ni Congressman Abu sa Kongreso noong Nobyembre 2013.| TMA

On lovers and mistresses Food loss and hunger Calabarzon fashion crafts at the Sikat Pinoy fair, opens May 21 p. 2 .......................................................................................................................

S. Luzon business conference p. 6 p. 4 cites vital role of LGUs in ASEAN

p. 5


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
Vol. XIX, No. 20 | May 19 - 25, 2014 by Pahayagang BALIKAS - Issuu