Vol. XIX, No. 21 | May 26 - June 1, 2014

Page 1

>>>DOST releases hazard maps for a safer country

> News. ...P/2

Vol. 19, No. 21 | May 26 - June 1, 2014 E-mail: balikasonline@yahoo.com Telephone: (043) 417.1662 Smart/TNT: 0912.902.7373 Globe/TM: 0917.512.9477 Php 12.00/copy

Sharing Good News.. Bridging Communities.. Towards Development

A proud member of:

Philippine Press Institute National Association of Newspapers Since 1964

DALAWANG sunog ang bumulaga sa kainitan ng hapon ng Mayo 13, 2014 sa Lunsod Batangas kung saan isang buhay ang nabuwis. Unang sumiklab ang sunog sa isang bahay sa Sitio Duluhan, Brgy. Cuta, pasado ala-una ng hapon. Hindi pa man lubusang naapula ang apoy, bagaman at deklarado nang under control na ng kawa-nihan ng pamatay sunog, sumiklab naman ang ikalwang sunog sa Barangay Sta. Clara. Nagmula ang sunog sa isang bahay na kaagad kumalat sa mga kalapit na kabahayan hanggang sa maabot nito at tupukin ang isang gusali ng mga silidaralan sa Sta. Clara Elementary School. Nabuwis ang buhay ng isang Nestor Bautista ng makulong siya sa mga natutupok na kabahayan. Hindi pa man matiyak kung magkano ang kabuuang pinsala ng sunog, tiyak namang malaki ang magiging epekto nito sa pagbubukas ng klase sa Sta. Clara Elementary School. Nabatid na hindi kaagad naapula ng Batangas City Fire Department at Batangas City Filipino Chinese Chamber of Commerce Fire Brigade ang apoy dahil sa kakulangan ng maayos na fire hydrant sa naturang lugar.|

..........................................................................................................................

Mga opisyal ng barangay, pwedeng mabigyan ng eligibility ng CSC

PASS THE FOI! NUJP chair Rowena Carranza Paraan and PPI chairman-president Jess Dureza sign the petition for the immediate passage of the Freedom of Information bill at the petition launch this morning at the University of the Philippines. | PPI PHOTO

MAAARI nang mag-aaply para sa Barangay Official Eligibility (BOE) na iiisyu ng Civil Service Commission (CSC) ang lahat ng mga halal at hinirang na mga opsiyal ng mga barangay. Ang BOE ay isang pribilehiyo na ibinibigay sa mga opisyal ng barangay, kabilang ang mga tagapangulo ng Sangguniang Kabataan (SK), na nakapaglingkod kahit isang termino man lamang sa isang barangay. Ang naturang eligibility ay katumbas ng Career Service Subprofessional eligibility na hinihingi sa mga first level positions sa pamahalaan o sa mga posisyong nauukol sa clerical, trades, crafts, and custodial service. Ayon sa CSC, angpagkakaloob ng BOE ay istriktong ipatutupad sa mga nakatapos man lamang kahit isang termino. Maaari lamang bigyan ng konsiderasyon ang mga hindi nakakumpleto ng termino kung ang kakulangan ng panahong ipinagsilbi ay wala pang 15 araw.

Weak child protection Twin bills to expand PhilHealth

coverage up for Senate action

p. 2

Ang mga opisyal ng barangay na nakatapos n ng kanilang termino bago sumapit ang Agosto 1, 2012 ay maaaring mag-file ng aplikasyon para sa BOE hanggang Agosto 1, 2014. Pagkalipas nito ay hindina maaaring magbigay ng BOE ang CSC para sa mga nakatapos na ng termino bago mag-Agosto 1, 2012. Samantala, iyon namang natapos ang termino makalipas ang Agosto 1, 2012 ay maaaring magapply ng tuluy-tuloy. Ang mga hinirang (appointed) na opisyal gaya ng Kalihim at Ingat Yaman ng barangay na nasa fourth degree of consanguinity or affinity ng punumbarangay ay hindi kwalipikado sa BOE. Ang aplikante ay kailangang magsumite ng notaryadong saysay na hindi siya related up to the fourth degree of consanguinity or affinity sa nag-appoint na punumbarangay.

>>>SERBISYO SIBIL..sundan sa P/3

‘I don’t want to go to jail!’

.......................................................................................................................

Batangas, naghahanda na para p. 3 p. 4 sa ASEAN integration sa 2015

p. 5


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.