Berdeng Parola Online Newsletter Tomo IV Bilang VI

Page 1

NILALAMAN

shiftED ipinakilala sa Lasalyanong Komunidad

EDUKASYON SA BAGONG HENERASYON. Ibinahagi ni Br. Francisco “Sockie” V. de la Rosa VI, FSC, ang kanyang mensahe sa mga mag-aaral tungkol sa “shiftEd: School-Home Integration for Flexible and Tech-Enhanced Education.” -KUHA NI EUGENE EARL DRUA

BEA MARIE TABLIGAN

Sa mga hindi inaasahang panahon, kailangang mag-isip ng mga solusyong angkop o babagay sa nangyayaring pagbabago. Ito ang tila naging basehan ng Liceo de La Salle sa pagpalit ng mga klase mula tradisyonal hanggang sa ‘online’ ngayong akademikong taon na tinawag na “shiftED” upang maipagpatuloy lamang ang edukasyon kahit nasa gitna ng pandemya.

Ayon sa punongguro sa ‘Basic Education’ na si Br. Francisco de la Rosa VI, FSC, nabuo ang pangalan na “shift” habang naguusap sila ni Hector Gloria, ang direktor ng Center for Marketing and Communications (CMC), kung paano ihahatid ang ‘online education’ ngayong taong 2020. Ipinahihiwatig ng salitang “shift” sa “shiftED” ang pagbago ng pamamaraan sa pagtuturo at pagkatuto habang

nangangahulugang edukasyon naman ang salitang “ED.” Bilang karagdagan, makikita rin sa sagisag o disenyo ng nasabing konsepto ang isang “wi-fi logo” na nais ipabatid ang mahalagang gampanin ng ‘internet’ at saklaw din dito ang unti-unting pagbago ng kulay luntian at ang kapal at espasyo ng mga letra. Marami ring mga hamon o hadlang sa proseso ng pagbuo ng nasabing konsepto at ani pa ni Br.

de la Rosa, “Ang unang hadlang ay ang teknolohiya. Alam namin na mahihirapan ang mga estudyante at guro rito kaya minabuti namin na mag-aral ang lahat ng mga guro kung paano gumamit ng Canvas.” Inanunsiyo na nang maaga ng administrasyon ng unibersidad sa mga mag-aaral ang patungkol sa bagong pamamaraan ng edukasyon upang mas lalong silang makapaghanda at iginiit din ang gagamiting plataporma

na “Canvas,” isang ‘learning management system’ na gawa ng kompanyang “Instructure” sa Estados Unidos. Naghabilin rin ng isang mensahe si Br. de la Rosa para sa buong Lasalyanong komunidad na sana maging bukas ang lahat sa mga sitwasyong tulad nito, maging pasensyoso sa isa’t isa, at magtulungan na lamang na ayusin at pagandahin ang programa.


BALITA

02

Paghubog ng Pagkakaisa sa Buwan ng Wika JOHN ROSH MACASERO

Inihanda ng Student Activities Council (SAC) at publikasyong Berdeng Parola ang “Humaling sa Sining: Pista ng Kulturang Pilipino 2020” na may temang “Wikang Filipino, Sandata ng Kinabukasan sa Gitna ng Pandemya” na isang linggong kompetisyon para sa iba’t-ibang strand at koponan ng Liceo de La Salle mula ika-17 hanggang ika-21 ng Agosto gamit ang platapormang Facebook. Sa loob ng isang linggo, nagpamalas ng galing ang mga kalahok mula sa mga strand na Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM); Accountancy, Business, and Management (ABM); Humanities and Social Sciences (HUMSS); Technical Vocational Livelihood (TVL); at Arts and Design (A&D) sa mga patimpalak ng Paggawa ng Likhang Sining, Pagsulat ng Sanaysay, at Paggawa ng Tula habang nagpasiklaban naman ang mga miyembro ng Koponan ng Paris, Parmenie, Rheims, at Rouen sa mga Patimpalak sa Spoken Word Poetry, Photography Competition, at Musical Composition Competition. Nasungkit ni Ysabella Wuthrich, ika-12 baitang mula sa A&D, ang unang puwesto sa Patimpalak sa Paggawa ng Likhang Sining na may temang “Wikang Filipino: Imbakan ng Kultura’t Tradisyon”;

pumangalawa rito si Ferlie Lall, ika-12 baitang mula sa TVL, at nasa pangatlong puwesto naman ang ika-11 baitang sa STEM na si Jeptha Bayoneta. Nagwagi naman si Heart Yapoyco, ika-11 baitang sa HUMSS, sa Patimpalak sa Pagsulat ng Sanaysay na umiikot sa temang “Wikang Kinagisnan bilang Daluyan ng Kaalaman”; sumunod si Rholen Candaba, ika-12 baitang mula sa ABM, at si Denielle Orsua naman, ika-12 baitang mula sa STEM, ang tumanggap ng ikatlong gantimpala. Nakuha ni Avegale Santos, ika12 baitang ng HUMSS, ang unang puwesto sa Patimpalak sa Paggawa ng Tula na may temang “Wika sa Pakikibaka tungo sa Pagkakaisa”; nasungkit din ng ika-12 baitang mula sa STEM na si Shealtiel Jamoles ang pangalawang puwesto habang nasa pangatlong puwesto naman si Nicole Sazon, ika-11 baitang mula sa HUMSS. “Nakakapanibago dahil online na ang mga aktibidad sa Buwan ng Wika. Kahit nagbago ang pagtataguyod ng mga aktibidad dahil sa pandemya, kami ay magpapatuloy pa rin sa paggawa ng mga proyekto upang magsisilbing aliw at tulong sa mga estudyante sa panahong ito,” ani ni John Kemuel Semillano, ang tumatayong presidente ng SAC. Hinirang naman na kampeon si Evann Villanueva mula sa Koponan ng Rheims para sa Patimpalak

LIKOM. Ibinida ng mga kandidato ang kani-kanilang mga produkto bilang bahagi ng ‘fundraising activity’ sa Mr. and Ms. Vanguard 2020 - MULA SA STUDENT ACTIVITIES COUNCIL FACEBOOK PAGE

Mga Kinatawan sa Mr. and Ms. Vanguard binandera ang mga adbokasiya JAVIE BRYANT REDIL Tatlong buwan na ang nakalipas nang sinimulan ang kompetisyong tinawag na “Mr. and Ms. Vanguard” na inorganisa ng Student Activities Council (SAC) noong ika-15 ng Hulyo na kasalukuyan ngayong pinagkakaabalahan ng Koponan ng Paris, Rheims, at Rouen sa kani-kanilang mga opisyal na Facebook page. Naghanda ng mga samu’t saring proyekto tulad ng pangangalap ng pondo ang mga kinatawan sa nasabing kompetisyon na nauugnay din sa kani-kanilang mga adbokasiya. Ayon kay Stacy Caña, ang Vice President ng SAC, ginanap ang kompetisyon bilang pagtugon sa ‘Nutrition Month’ na kung saan sentro nito ang iba-ibang mga adbokasiyang kaugnay sa pangkalusugan.

Sa Koponan ng Paris, inilaban ni Angelo Apuhin, ang kinatawan sa ‘Mr. Vanguard,’ ang adbokasiyang tinawag na “Big Boys Don’t Cry” na may hangaring matuldukan ang ‘toxic masculinity’ sa lipunan at kanyang inilabas ang “Unmasked Merch” na kung saan nagbebenta sila ng mga ‘pins’ at pitaka para sa benepisyaryong Social Development Center. Isinulong naman ni Azalea Carmona bilang ‘Ms. Vanguard’ ng nasabing koponan ang “Empowered Women, Empower Women” na layong makapagbigay alam ukol sa ‘sexual harrasment’ o maging boses ng mga kababaihan at upang makalikom ng pera para sa Bacolod Girls’ Home, naghanda o nagbenta siya ng mga ‘pins,’ ‘tote bags,’ at pagkain. Sa Koponan ng Rheims, inihanda ni Nathan Briones, ang kinatawan sa ‘Mr. Vanguard,’ ang adbokasiyang “A Piece of Peace” na naglalayong

sa Spoken Word Poetry na may temang “Wika sa Pakikibaka tungo sa Pagkakaisa”; sumunod naman sina Cristine Joy Agabon mula Koponan ng Rouen sa pangalawang puwesto, Marianne Louise Tequison mula Koponan ng Parmenie sa pangatlong puwesto, at Romriel Soguilon mula Koponan ng Paris sa panghuling puwesto. Nagkaroon din ng Photography Competition na may temang “Pamilya at Kalsadang Pilipino sa Pandemya” na napanalunan ni Mel Joshua Apacible ng Koponan ng Parmenie; pumangalawa si Giles Gelvoleo ng Koponan ng Rheims, John Brainard Uberas ng Koponan ng Paris sa pangatlong puwesto, at si Kaye Figueroa naman ang nasa panghuling puwesto. Tinapos ang selebrasyon o pista sa kompetisyong Musical Composition na may temang “Wikang Filipino: Imbakan ng Kultura’t Tradisyon” na kung saan natamo ng Koponan ng Paris ang unang puwesto, sinundan ng Koponan ng Rheims sa pangalawang puwesto, Koponan ng Rouen sa pangatlong puwesto, at ang Koponan ng Parmenie ang nakakuha ng panghuling puwesto. Dagdag pa ni Semillano, nais niyang magtulungan ang lahat upang labanan ang COVID-19 at nang sa panahong ito, mapili ng mga mag-aaral ang magkaroon ng positibong pananaw sa buhay at maging isang tiyak na Pilipinong Lasalyano. maghatid ng kaalaman ukol sa kahalagahan ng isipning karamdaman habang “Educaution” naman ang adbokasiyang hatid ng kinatawan sa ‘Ms. Vanguard’ na si Zerrah Angel Severino patungkol sa ‘sex education.’ Inorganisa naman ng mga nasabing kinatawan ang “Retrospectrum,” isang ‘online benefit concert’ na sinalihan ng mga samu’t saring panauhin para sa mga benepisyaryong Kalipay Negrense Foundation, Bacolod Girls’ Home, at Bahay Pag-asa Youth Center. Sa Koponan ng Rouen, inilunsad ng kinatawan sa ‘Mr. Vanguard’ na si Andrei Elizalde ang “Plant at Home Project” na may layuning magbigay kamalayan ukol sa ‘respiratory health’ at kanyang ibinebenta ang mga ‘face masks’ na may iba-ibang disenyo upang makalikom ng sapat na pera para pambili ng mga ‘surgical masks’ sa Barangay Banago. Ipinakilala naman ang adbokasiyang “In August We Wear Pink Project” na tungkol sa ‘breast cancer’ na hatid ng kinatawan sa ‘Ms. Vanguard’ ng nasabing koponan na si Cassandra Matugas at nagbebenta rin siya ng mga ‘tote bags’ sa proyekto niyang “TOTE-ally Empowered” upang makapagbigay ng pondo sa Kadughan Breast Cancer Foundation Bacolod. Ani pa ni Caña, “Vanguard by definition is a group of people leading the way in new developments and this competition will hone student advocates and nurture their passion to raise awareness in their respective health advocacies or provide opportunities to share and take part in the community.”

TANGHAL. Ipinamalas ng mga mag-aaral mula sa iba-ibang strands at koponan ang kanilang husay at galing sa Buwan ng Wika 2020 - MULA SA STUDENT ACTIVITIES COUNCIL FACEBOOK PAGE

Online Acquaintance Celebration idinaos

LEEIANE JADE ESTACION

Inilunsad ng Student Activities Council (SAC) ang ‘Online Acquaintance Celebration’ na may layuning makabuo ng malalim na pagsasama sa mga ika-11 at ika-12 baitang noong ika-17 ng Oktubre gamit ang mga samu’t saring plataporma. Naghanda rito ng iba-ibang mga programa o laro ang bawat strand na Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM); Accountancy, Business, and Management (ABM); Humanities and Social Sciences (HUMSS); Technical Vocational Livelihood (TVL); at Arts and Design (A&D). Inorganisa ang programang “Synergy” sa STEM kung saan nagkaroon ang mga mag-aaral ng isang “ZOOMustahan,” ‘Give Me What I Want,’ at mga patimpalak sa larong ‘Mobile Legends’ at ‘Call of Duty Mobile’ gamit ang platapormang Zoom at ang opisyal na Facebook page ng nasabing strand. Inihanda naman ng ABM Council sa kanilang opisyal na Facebook page ang “collAB-M: Building Stronger Bonds through the Virtual World” na binuo ng mga aktibidad na ‘ABM Signature Hunt,’ ‘Intermission Activity,’ ‘Afternoon Activity,’ at ‘Interclass Activity’ na may layuning magbuo nang mas malalim na ugnayan at pagkakaisa sa mga mag-aaral. Inilunsad din ng HUMSS Council ang “Generation Zensored”

KUHA NI JASIEL SEMILLANO

kung saan nabibigyang-diin ang mga kontemporaryang isyu sa mundo at malayang naibabahagi ng mga napiling mag-aaral ang kanilang mga opinyon o saloobin patungkol dito gamit lamang ang platapormang Zoom. Nagsagawa naman ang TVL ng isang “Virtual Dinner” kung saan binuo ito ng mga iba-ibang laro at isang maikling pelikula para magsilbing libangan sa mga magaaral gamit ang platapormang Google Meet. Inihandog na rin ng A&D Council ang kanilang inihandang “Virtual Slumber Party” na kung saan nagkaroon ng isang ‘Online Game Exhibition’ at ‘Virtual Watch Party’ sa platapormang Google Meet at Discord. Ayon pa kay John Kemuel Semillano, ang presidente ng SAC, ginawa ang ‘acquaintance’ upang maging instrumento sa pakikipagkaibigan, maibahagi ng mga mag-aaral ang kanilang talento, at bilang pagsalubong sa mga ika-11 baitang sa bago na nilang paaralan. Nahirapan din ang mga kasapi ng SAC sa paghahanap ng mga kalahok sa mga naihandang aktibidad at sa pag-organisa nito sa ‘online’ na mga plataporma. “Ito ang unang acquaintance activity na ginawa sa online, kaya naman nakakapanibago kung paano ito gagawin. Kahit mahirap, kami ay nagpunyagi at nagtulungan upang maging matagumpay ang acquaintance activity ng Liceo sa taong ito,” pagtatapos ni Semillano sa naisagawang pakikipanayam.


OPINYON

03

EDITORYAL: c.c GUHIT NI CHRISTOPHER CABALATUNGAN

Pondo para sa Mamamayan, hindi sa“White Sand” Matatandaang kamakailan lamang sinimulan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang “White Sand Project” na layong mapalinis at mapaganda ang Manila Bay. Inaprubahan ito noong taong 2019 at nagmula ang naturang ‘white sand’ sa dinurog na ‘dolomite rocks’ na sinasabing masasakop ang buong ‘coastline’ ng Manila Bay. Nagmula pa ito sa bayan ng Alcoy sa lungsod ng Cebu at binigyang pahintulot naman ng Bureau of Mines. Ipinahayag pa ng mga opisyales doon na ang nangyaring pagmimina para rito ay naging dahilan din ng pagkasira ng mga ‘coral reefs’ sa paligid ng minahan. Marahil ginawa man ang proyektong ito sa mabuting intensyon, ito nama’y dumating sa maling pagkakataon sapagkat may laban pang dapat ipanalo at iyon ay ang pagsugpo ng pandemya. Higit sa lahat, inilalagay nito sa peligro ang kalusugan ng mga tao pati na rin ang ‘ecosystem’ ng lugar. Tila alam na ng lahat ang pondong ginamit para sa proyektong ito na 389 na milyong piso. Hindi lamang mawari na bagaman inaprubahan ngang ilalaan ang perang iyon para sa nasabing rehabilitasyon, hindi nila magawang magbigay ng tulong lalo na sa ngayong laganap ang kawalan ng trabaho at malawakang pagsasara ng mga negosyo. Maraming tao rin lalong lalo ang mga ‘jeepney drivers’ na nanlilimos ng ‘cash aid’ at mga pamilyang hindi pa nabibigyan ng Social Amelioration Program (SAP). Bukod pa rito, umabot na ng 85.8 bilyong piso ang utang ng Pilipinas mula sa World Bank kaya kung napag-isipan ang malaking pondong inilaan para rito, bakit hindi sapat ang perang

makatutulong sa mga Pilipinong gipit sa kasalukuyang sitwasyon? Bilang karagdagan, tinapos ang rehabilitasyon sa gitna ng pandemya marahil dahil ito ang nakasaad na petsa ng implementasyon. Subalit, makikita namang naghihirap ang lahat kaya tila isang malaking pabor ba ang pagiging makatao na ipagpaliban na lamang muna? Inuna pa mismo ang rehabilitasyon kahit ang mga mamamayan ay nalulunod na sa gutom; mga walang matirhan at ni-pisong kita para sa ikabubuhay ng pamilya. Mapapanatili at maisasaayos pa naman ang Manila Bay sa tamang paglilinis at paghigpit ng mga regulasyon ukol dito. Hindi rin dapat isinapubliko sa gitna ng pandemya ang pagpapaganda ng baybayin sapagkat maaari pang kumalat ang ‘virus’ at mas lalong lumala ang sitwasyon ng bansa sa kasalukuyan. Sa kabilang banda, ang proyektong ito ay hindi rin bahagi ng natural na ‘ecosystem’ ng lugar; dahil dito, maaaring masira lamang ang ‘dolomite sand’ na itinambak lalo na’t may tropikong klima ang bansa at madalas ang pag-ulan kung kaya’t ang mga ginamit na artipisyal na materyales ay biglang mawawala rin. Ani ni Environment Undersecretary Benny Antiporda, “Napag-aralan ito na wala siyang hazard, lalo na sa health.” Ngunit ayon naman sa pag-aaral ng grupong Infrawatch Philippines, sinabing ang dinurog na ‘dolomite rocks’ ay nagdudulot

ng iritasyon sa mata at sakit sa baga na maaaring humantong sa sakit na kanser. Kung kaya, bukod sa malaking posibilidad na ang yamang-dagat sa paligid ng Manila Bay ay masisira kaagad, nakakaapekto pa ito sa kalusugan ng mga tao. Hindi naman masama ang pagpapaganda at pangangalaga sa kalikasan, pero tila bingi at walang imik lamang ang palasyo sa mga isinisigaw ng taumbayan. Hindi naman sagot ang buhangin sa kasalukuyang problema o ang naging tanging hiling ng mga mamamayan. Hindi naman ito kailangan para pag-aksayahin ang pondo at nakasisira lamang ng yaman ng kalikasan. Ang mga paraan sana lamang upang mapanatili ang kalinisan at kagandahan ng baybayin ay ang tamang pagtapon ng basura, malinis na estero ng mga pabrika, at pagtanim ng mga halaman sa paligid ng baybayin upang mabalanse ang yamangkalikasan. Kung nakalaan din ng pondo para sa mga proyekto, dapat may pondo rin para sa bawat tao lalo na’t may sakunang kinakaharap ang mundo. Napaganda nga ang Manila Bay pero ikinasira naman ng mga yamang-dagat sa lungsod ng Cebu at sa buong paligid ng baybayin. Napalagay din sa panganib ang kalusugan ng mga tao at maging ang kalikasan, ang mismong tahanan ng mga mamamayan, nang dahil lamang sa proyektong ito. Higit sa lahat, hindi rin naman natugonan ng pawang buhangin ang inaasam na pagkain ng nakararami dahil sa pandemyang kinakaharap.


04

OPINYON

Ang Natitirang Pag-asa

adsdaSa mga nagdaang buwan, marami na ang tila hindi makatuwirang mungkahi o pagpapanukala ng mga batas para sa bansa at isa na rito ang nais na pagkansela ng halalan sa taong 2022. Marahil hangad lamang nilang ipagpaliban ito dahil sa kasalukuyang pandemya, ngunit sa likod ng dahilang iyon mahihinuha na tila kinikitil nila ang natitirang pag-asa ng bayan na makaranas o makawala sa mapanlinlang at kabilaning gobyerno. Hindi na lingid sa ating kaalaman na ang pagpapaliban o pagkakansela man ng halalan ay labag sa konstitusyon dahil mas napapahaba ang termino ng mga politiko. Malinaw na nakasaad sa konstitusyon na kailangang isagawa ang mga regular na halalan para sa mga miyembro ng kongreso o lokal na posisyon sa ikalawang Lunes kada tatlong taon habang ikalawang Lunes kada anim na taon naman ang para sa presidente’t bise

presidente. Mula rito, lubos na mauunawaan na ang konstitusyon ang mismong gumagabay sa karapatang pantao, mga batas at parusa, o tila ang bawat galaw ng ating lipunan, kung kaya’t bakit kailangan may pagbubukod? Iyon ang pundasyon ng demokrasya sa bansa kaya dapat itigil ang ideyang ipagpapaliban marahil sa sariling intensyon na mapatagal ang kapangyarihang nakukuha sa puwesto. Iginiit din ng iba na isaalangalang ang desisyong ito dahil takot daw tayo sa pandemya kung kaya’t hindi ganoong kadali ang pagboto, ngunit tanungin natin ang ating mga sarili, saan ba tayo mas natatakot? Maaari naman kasing sugpuin ang pandemya kung nararapat ang mga taong binibigyan ng kapangyarihan at aminin man natin o hindi, kung hindi dahil sa pandemya, hindi rin mailalantad ang kalupitan ng mga taong minsan nating inakalang makakapagbago sa ating bayan. Nagawa na rin naman ng ibang mga bansa ang pagboto; kung kaya nila, bakit hindi rin natin kayanin? Dalawang taon pa ang nasabing halalan kung kaya’t mayroon ding dalawang taon upang pag-isipan nang mabuti ang mga aksyong

makakasugpo sa pandemya o gumawa na lamang ng mga solusyon upang maging mainam ang pagsasagawa ng mga halalan. Karapatan nating mga tao ang bumoto at pumili ng mga taong sa tingin natin ay makakatulong sa ating pagahon; maraming mga bagay na ang ipinagkait sa pagsimula ng pandemya kaya kung maaari man lang, huwag nang ipagkait ang pagbabagong bumunga sa isang boto man lamang. Mahalaga ang isang halalan sa bansa at sa panahong ito, kailangan iyon upang matigil na ang ating pagiging inutil. Hindi iyon kailangan ipagpaliban bagkus kumuha na lamang sana ang gobyerno ng inspirasyon sa ibang mga bansa kung paano nila nagawa ang pagboto kahit nasa gitna man ng pandemya. Huwag sana nilang itago sa intensyong pahabain ang kanilang termino dahil ang pagboto ay isa sa mga paraan upang maiparinig nating mga mamamayan, ang ating mga hiyaw sa pagkawala sa mga posas o kulungan na minsan nilang nilikha. Iyon na lamang ang natitira nating pag-asa kaya kumapit tayo upang iyon ay huwag mawala at ipaglaban natin iyon upang sabay-sabay tayong umangat sa hinaharap.

Pilipinas: Isang Bansa, Hindi Tuta Sa kauna-unahang panahon, matuwid na pinanindigan ni Presidente Rodrigo Duterte ang kanyang saloobin ukol sa kontrobersyal na ‘arbitral ruling’ ng West Philippine Sea (WPS) sa ginanap na ‘United Nations General Assembly’ gamit ang mga ‘online’ na plataporma noong ika-22 ng Setyembre, isang ganap na taliwas sa kanyang katahimikan ukol sa isyu laban sa Tsina. Hulyo ng taong 2016 nang inanunsyo ang desisyon ng ‘arbitral panel’ ng Permanent Court of Arbitration (PCA) na pagtanggi sa ‘Nine-Dash Line’ na pahayag ng Tsina kung saan sakop nito ang WPS, at kinilala ang mga karapatan ng Pilipinas sa pinagtatalunang karagatan sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Ano ang Nangyari sa City of Smiles?

Kilala sa buong bansa ang lungsod ng Bacolod bilang “City of Smiles” at dahil na rin sa katatagan ng mga tao rito, ngunit dahil sa hindi inaasahang pagsiklab ng isang pandemya, napilitang magsara ang mga nagnenegosyo rito. Sino nga ba ang mag-aakalang magkakaroon ng isang pandemya? Masigabong pa naman ang ating pagsalubong sa 2020, ngunit isang trahedya lang pala ang hatid nito na susubok sa ating kalusugan at imumulat tayo sa katotohanan na hindi lahat ng mga politikong nakaupo sa ating bayan ay may busilak na loob. Hindi na bago ang mahina’t matagal na aksyon ng Local Government Unit (LGU) sa mga problemang kinakaharap ng ating lungsod. Ilan sa mga ito ay ang patuloy na pagbaha, mga sira-sirang daan, at ang malalang trapiko. Nakakabahala na

talaga ang mga kaganapang ito kaya para sa mga namumuno sa lungsod, totoo ba talaga ang inyong serbisyo para sa publiko? Kung ating matatandaan, anim na buwan na ang nakalipas noong nag-anunsyo ang alkalde ng lungsod na si Evelio Leonardia ng isang ‘memorandum’ patungkol sa pagsasailalim ng Bacolod sa ‘lockdown’ at ang naging dahilan upang mag ‘panic buying’ ang mga tao. Ikinabahala rin ito ng Inter-Agency Task Force (IATF) kaya pinayuhan nila si Leonardia na gawin itong “no movement” sa halip na isang lockdown. Sa buong akala natin nang ipatupad ito, makakabalik na tayo sa ‘normal’ na buhay, subalit sa kasalukuyan, nangunguna pa rin ang ating lungsod sa buong Western Visayas na may pinakamaraming kaso ng COVID-19. Bagamat matinding ipinatupad ng pamahalaang lungsod ang paggamit ng mga Home Quarantine Pass (HQP), patuloy pa ring lumaganap ang mga ‘local transmission’ at dahil dito, humiling na ang Medical Doctors Society ng isang “time-out” o muling pagbalik ng lungsod sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine

(MECQ) kahit dalawang linggo lamang. Ngunit ang mga naunang ‘community quarantine status’ ay nagdala ng pasakit sa mga nagtatrabaho at sa may mga negosyo kaya hindi ito sinang-ayunan ng pamahalaang lungsod at mga negosyante dahil sa epekto nito sa ekonomiya. Isang malaking dagok din ang pagsara ng mga ‘outpatient centers’ sa mga ospital dahil nagkakapunuan na at dahil sa mga kaganapang ito, tila walang patutunguhan ang lungsod kung hindi pag-iisipan nang mabuti kung ano ang dapat gawin. Nabulabog din tayong lahat noong inanunsyo ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque na muling ibabalik ang Bacolod sa MECQ. Higit na ikinabigla rin ito ng mga trabahente dahil ilang linggo na naman na hindi sila makakapagtrabaho. Saan naman sila kukuha ng pera para pangkain at ano na ngayon ang susunod na mga hakbang? Masisigurado ba ng pamahalaang lungsod na mabibigyan ang lahat ng mga mahihirap ng ayuda? Hindi naman tayo bulag sa mga sinusubukan nilang paraan ngunit ang tanging pamamahagi na lamang ng mga ‘relief goods’ ay tila isang kabiguan pa. Ang

mga naibigay na pagkain ng Department of Social Services and Development (DSSD) ng lungsod sa mga jeepney drivers ay ‘expired’ na pala. Hindi ba lubusang sinusuri ang mga ipinamamahagi? Milyon-milyong pondo ang inilalaan dito pero bakit tinitipid ang mga tao? Nakakadismayang isipin na ganito ang mga nangyayari sa isang lungsod na kinamamanghaan ng iba-ibang lahi. Sa mga nailahad na problema, nararapat lamang na may maiging pagpaplano at nang agarang maaksyunan ito ng mga politiko. Alam kong hindi na natin maipagkakailang tanungin kung ano na nga ba ang nangyari sa City of Smiles, ngunit sa kabila ng lahat ng ito, hindi sana tayo mawalan ng pag-asa at nang mahanap pa rin natin ang kakayahang ipagmalaki ang ating lungsod. Nawa’y gawin na ng mga opisyales kung ano ang tama o mabuti at nang magsilbi itong isang pagmumulat hinggil sa katotohanan na upang tayo ay umahon, huwag nating ihalal ang mga puro salita lamang. May mga boses tayo at isip na pwedeng gamitin sa paglaban at hangad kong muling dumating ang oras na masisilayan na ang ngiting taglay ng mga Bacoleño.

Ngunit, hindi lingid sa ating kaalaman ang harap-harapang pagtutol ng Tsina sa pasyang ito. Nakakalungkot isipin ang kawalan ng aksyon ng gobyerno upang ipaglaban ang soberanya ng bansa. May batayan man mula sa desisyon ng United Nations, taon lamang ang lumipas at patuloy pa rin ang pang-aalipusta ng bansang Tsina sa karagatang nararapat sa atin. Hindi ba sapat na dahilan ang ating pagkamakabayan at naagrabyadong mga mangingisda upang ipaglaban ito? Tayo, bilang mga nagmamahal sa ating bansa at katuwang ang mga lider ng Pilipinas, ang nararapat na magpatupad nito. Ilan lamang sa mga naibalitang pang-aapi ng Tsina sa bansa ay ang mga sinapit ng ating mga mangingisda sa Recto Bank noong Hunyo 9, 2019, kung saan binangga umano ng isang ‘Chinese vessel’ ang bangka ng 22 Pilipinong mangingisda. Ang higit na nakagagalit sa pangyayaring ito ay ang pagduda ng palasyo sa mga naging pahayag ng mga kapwa Pilipino, at iginiit na aksidente lamang ito. Nararapat lamang na imbestigahan at tigilan ang mga pangyayaring ito, lalo na sa sitwasyong nalalagay sa kapahamakan ang ating mga mangingisda at ang kanilang kabuhayan ay humihina. Ang pagdalo ni Duterte sa United Nations General Assembly ay ang unang beses makalipas ang apat na taong pag-upo sa posisyon. Ikinagulat ng marami ang pagtalakay nito sa WPS, sapagkat ang inasahang paksang kanyang pag-uusapan ay ang pandemyang ‘Coronavirus Disease 2019’ o COVID-19. Matagal na panahon man bago natin ito marinig mula kay Duterte, patunay pa rin ito na hindi tama ang pagbubulagbulagan at pagbibingi-bingihan sa pang-aalipusta ng Tsina sa soberanya ng Pilipinas. Sa kabila ng hidwaang ito, layunin pa rin na mapagyaman ang relasyon ng Pilipinas sa Tsina sa mapayapang paraan na hindi nagdudulot ng tensyon sa dalawang rehiyon. Hindi namin hangad ang magkaroon ng isang marahas na solusyon sa suliraning ito, sa katunayan, hiling lamang naming panindigan ng gobyerno ang karapatan ng Pilipinas sa sariling karagatan. Bilang isang malayang bansa, hindi dapat katahimikan at pagpapakatuta ang sagot ng Pilipinas.


05

LATHALAIN Plataporma ng Pagbabayanihan sa Gitna ng Pandemya

JOANNE ROSE GANOY

Pagtutulungan. Pagmamalasakit. Pagdadamayan sa isa’t-isa. Sa kasagsagan ng pandemya, ang mayoryang populasyon ay naging lubos na maagap sa banta ng COVID-19 na nagresulta sa pagsasara ng mga maraming pamilihan. Dito naging alanganin ang sapi ng isang bagay o pagkain, tumaas ang presyo ng mga bilihin, at nagkaroon pa ng iba-ibang uri ng ‘quarantine’ at ‘lockdown.’ Sa mga oras na ito, naging mahirap din para sa mga tao ang pagbili sa mga pangunahing pangangailangan ng kanikanilang pamilya pero nabago ito nang inilunsad ang programang tiyak na makakaagaw ng pansin sa mga taong nangangailangan at nais na may matulungan–ang “Online Barter” na panibagong paraan ng pagbabayanihan. Nauso ito habang ang lahat ay nakakulong sa kani-kanilang mga tahanan. Buhat ng krisis, kawalan ng trabaho, at patuloy na pagtaas ng presyo sa mga bagay na

JOANNE ROSE GANOY

Matindi. Nakakabalisa. Nakakalito. Kadalasan ay mapapaisip ka na lang na mas maigi pa rin pala kapag natututo sa mismong paaralan. Hindi maitatanggi na lubos na mahirap ang makabagong sistemang dinulot ng pandemya. Lahat tayo ay nangangapa sa dilim sapagkat malayong malayo ang nakasanayan nating pagkaklase at pagtuto. Ngunit sa kabila ng bawat pagsubok, nagagawa at magagawa mong bumangon at lumaban — gaya ng isang iska sa makabagong sistema, si Mary Crystal Kate Mosquera mula sa Science,Technology, Engineering, Mathematics (STEM) na strand 12E. Hindi na lingid sa ating kaalaman na ang mga mag-aaral ang lubos na naapektuhan sa galaw ng ‘online class.’ Isa rin si Mosquera sa mga mag-aaral na naninibago pa at hinahanap ang daan upang makaraos sa ganitong sistema. Ayon sa kanya, nakakapanibago raw ang kaibahan ng pakikinig sa mga leksyon ng guro at tawa ng kaklase sa realidad, na kamakailan ay humantong sa mga tunog na nakakulong sa mga gadyet. “Ika nga nila, hindi kailanman naging komportable ang pagbabago,” iyan ang naging pangkabuuang sentimento ni Mosquera nang tinanong ukol

sa kanyang pananaw sa ‘online class’ na nagsimula noong Agosto 22. Mula noong opisyal na inumpisahan ang mga klase ay kaliwa’t kanan na ang mga reklamo at isyu na sumalungat rito. Mapamag-aaral man, magulang o guro ay may hinaing ukol sa bagong sistema, hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng mag-aaral at propesor, mahinang signal o mabagal na koneksyon, at pagtaas ng kaso ng mga mag-aaral na nagpapatiwakal. “Kahit sa alinmang pamamaraan ng pag-aaral ay hindi malilipol ang mga hamon. Subalit, mas pinaigting ito ng bigat dulot ng pandemya. Kaakibat ng kaba at pagod sa pagsusumikap na makamtan ang ninanais na marka ay ang pangamba para sa ating mga buhay sa gitna ng pangkalusugang krisis na ito,” giit ni Mosquera. Bagamat, ayon pa sa kanya, mas mainam pa rin talaga ang tradisyunal na paraan kaysa sa makabagong sistema sapagkat nagpapagaan sa ating mga pasan ang ating mga koneksyon at interaksyon sa iba. Marahil tulad ng ating Iska, karamihan din sa mga mag-aaral ngayon ay taliwas sa takbo ng ‘online class’ dahil sa lakad ng panahon at sa malubhang epekto ng pandemya. Gunita ni Mosquera, “Hindi mabisa ang online classes sapagkat kung titingnan natin ito sa

lubhang kailangan, napagtanto na ng mga mamamayan na ibalik sa uso ang pag-oonline barter na naging tulay upang maipakita ang pagmamalasakit, pagdadamayan, at paigtingin ang konsepto ng bayanihan. Nagsimula ito bilang inisyatibo ni Atty. Jocelle Batapa-Sigue at ito’y kanyang tinawag na “Bacolod Barter Community.” Katuwang ang kanyang asawa’t kaibigan, pinapangalagaan nila ang seguridad at kalidad ng kanilang programa habang nakikipagpalitan ang mga miyembro ng mga samu’t saring bagay. Isa itong programang na bukod pa sa nakakaaliw at nakakatulong, nakakapukaw din ito ng damdamin sapagkat maraming tao ang natulungan ng komunidad. Layunin ng ‘online barter’ ang magkaroon ng wastong negosasyon ang mga tao at makuha nila ang mga ninanais nila nang walang matatapakang batas at walang perang isasangkot. May nakalakip ding mga alituntunin na dapat sundin at halimbawa na lamang ay ang paglahad ng mga dahilan kung bakit ibabarter ang

mas malawak na perspektibo ay mas malaking porsyento sa mga magaaral ang nahihirapan o hindi talaga nakakaintindi ng mga leksyon.” Depensa pa niya hindi raw talaga umaakma ang ganitong paraan para sa mga kursong nakahanay sa kasanayan, na may malaking papel na ginagampanan sa paghahanas ng mga mag-aaral ng Senior High School para sa kolehiyo. Dagdag pa rito ang mga namumuong kaso ng hindi kanais-nais na epekto sa kalusugan ng bawat mag-aaral dulot ng magdamagang pagbabad sa kani-kanilang mga gadyet. Gayunpaman, sinusubukan ni Mosquera na lampasan ang bawat hamon at suliraning nakakaharap sa ‘online class’ sa pamamagitan ng paglalaan ng panahon ng pahinga at pagtuto ng sariling pag-aaral. Sa naturang panayam, malugod namang kinilala ni Mosquera ang mga guro at pinahalagahan ang kanilang pagsisikap sa pag-angkop sa bagong normal na sistemang pang edukasyon, lalo na ang kanilang ginagawang pamamaraan upang mas maging epektibo ang pag-aaral ng bawat mag-aaral. Datapwa’t nabanggit din niya na may ilang mga pagkakataong labis-labis ang pagdawat ng mga takdang-aralin ng mga guro hanggang umaabot sa punto na tila hindi na ito naaangkop sa nilalaang

naturang gamit at kung ano-ano ang mga depekto nito. Bagamat naging maluwag at mas madali ang lahat sa pag-usbong ng ‘online barter,’ unti-unting nahanap ng karamihan ang solusyon sa kani-kanilang mga problema. Sa katunayan, ang iilan sa mga magaaral ay nagbabarter din ng mga gamit kapalit sa cellphone o laptop na maaari nilang magamit sa mga ‘online classes.’ Hindi kalauna’y naging tampok na sa buong lungsod ang proseso ng pagbabarter. Naging bukambibig na rin ng halos lahat ang mga katagang, “Ibarter na lang natin!” o “Makipagbarter na tayo!” Mapapagkain, gamit sa bahay, gadyets, damit, at kahit ang iba-ibang serbisyo gaya ng pag-aayos ng sirang gamit o pagugupit ay maaari nang ibarter o matanggap man mula sa pagbabarter. Gayunpaman, kahit naging mabisa ito, hindi pa rin maiiwasan na minsan ay may mga reklamo talaga ang mga tao sa mga natatanggap nila kaya naman marapat lang na maging mabusisi o mainam sa mga

bagay na balak tanggapin o kunin. Huwag basta-bastang gumawa ng desisyon kapag hindi pa sapat ang mga detalyeng nalalaman. Maging matapat din sa taong nais bumarter upang hindi magkaroon ng kaalitan at nang tuluyang masayang ang oras. Sa kabuuan, naging kapakipakinabang ang inilunsad na ‘online barter’ at isa nga talaga itong simbolo ng pagbabayanihan sapagkat natugunan ang mga pangangailangan ng ibang mamamayan nang hindi pa nagpapalabas ng pera. Subukan mo na ring isantabi o ibarter ang mga bagay na iyong pinagsawaan o hindi na lubusang magamit dahil ika nga nila, ang mga patapong bagay ay ginto na pala para sa iba.

oras ng paggawa. Kadalasan pa raw hindi naman tumutugma at hindi nakaaambag ang mga ito sa pagunawa sa naturang leksyon lalo pa at nagiging sagabal din ang isyu sa internet sa pagiging epektibo ng pamaraang ito sa parehong panig ng mga guro at mag-aaral. Gayunpaman, sa kabila ng lahat ng ito ang maiiwang payo lamang sa ating lahat ng Iska sa makabagong sistema ay, “Kaakibat ng pagsusumikap para sa kinabukasan, lagi ring isaalang-alang ang sariling kabutihan. Kumapit lang nang mahigpit, sapagkat may hangganan din ang pagdurusa.”

KUHA NI ALEX PRIETOS



GUHIT NI MA. FAME FRANCISCO DISENYO NI CHRISTOPHER CABALATUNGAN


lathalain

08

BRIAN PAUL MESADA

Mapagkumbaba. Matulungin. Mapagmahal.

Mga katagang maiuugnay sa katangian ng bawat Lasalyano kahit na sa panahon ng paghihirap dulot ng isang kalabang hindi nakikita ng pawang mga mata. Dulot ng prinsipyong ating isinasabuhay mula sa tagapagtatag na si San Juan Bautista de La Salle, patuloy nating isinasaugat sa layunin ng paaralan ang ating mga gawain na makabubuti sa kapwa at sa lipunan, kahit na tayo mismo ay may hinaharap ding unos. Ang mumunting tulong na ating nagagawa para sa pagtaguyod ng buhay ng iba ay siyang maituturing na tatak ng isang tunay na Lasalyano. Sa kasalukuyang pandemya, maraming buhay ang nakitil at pamilyang naghihirap dahil sa masasamang epektong dala nito, ngunit hindi lamang ang katatagan ng bawat isa ang makatutulong upang ito ay malagpasan, kailangan din nila ng suporta upang ipagpatuloy ang daloy ng buhay sa pang araw-araw. Ang kadahilanang ito ang siyang nagsisilbing ugat kung bakit tayong mga Lasalyano ay maituturing instrumento ng pagbabago sapagkat ang pagtulong sa kapwa ay isang kilos na hinding hindi maitatanggal sa atin. Tayo man ay may kinakaharap na pagsubok, naghahanap tayo ng mga paraan upang makatulong para sabay-sabay nating tapusin ang kahirapang nararanasan. Labis na makikita ang mga prinsipyong iyon sa Liceo de La Salle, isa sa mga yunit ng institusyon, kung saan ang layunin nito ay nakasentro rin sa pagtulong. Hindi na ngayon maipagkakaila na may mga kapwa tayong mag-aaral na nagsumikap upang makatulong sa kapwa.

SACsyon: Ang Pakikibaka ng SAC sa Pagtulong sa Kapwa

Unang-una na rito ang mga hakbang ng pangunahing organisasyon sa Liceo de La Salle na Student Activities Council (SAC) na gumagawa ng mga samu’t saring proyektong makabubuti sa mga mag-aaral, institusyon, at lipunan. Ang SAC para sa taong pampaaralan ay naglatag ng mga plataporma na siyang makatutulong sa kapwa, lalong lalo na ang mga naghihirap upang maipagpatuloy ang pag-aaral kahit nasa gitna ng pandemya. Inilunsad ng nasabing organisasyon ang “Project SignedIn!” na layong mabigyan ng munting tulong ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng ‘load allowance’ upang patuloy ang kanilang paghakbang sa pag-abot ng kanilang pangarap. Ito ay isang sama-samang pagsisikap sa bawat ‘strand council’ na siya pa ring nakaugnay sa pangunahin nitong layunin. Dagdag pa rito, inilatag din ang “Papel Mo, Pangarap Ko” na proyekto ng Department of Advocacies na siyang hangad makapagbigay ng sapat na papel sa mga guro ng pampublikong paaralan para sa paghahanda ng modyuls. Pinatunayan din ng nasabing samahan na ang pag-iiba ng sistema sa edukasyon ay hindi magiging hadlang upang makapaglunsad ng mga proyektong makakatulong sa kapwa.

Padayon sa Pag-ahon

Kasabay din nito ay ang paglunsad ng “Padayon” na siyang pinamumunuan ng pamilya ng isang mag-aaral sa Liceo de La Salle na siyang may layuning makatulong at magbigay suporta sa ating mga ‘frontliners,’ ang mga tinuturing huling pagasa sa pagpuksa sa nasabing sakit. Ang nasabing proyekto ay nagbebenta ng mga ‘printed t-shirts’ at ang nalilikom na pera sa bawat naibebentang produkto ay napupunta sa mga nasabing benepisyaryo. Isa sa kanilang makabagbag-damdaming kilos ay ang pagbibigay ng 1500 piraso ng ‘face masks’ at 150 ‘face shields’ sa mga ‘healthcare workers.’ Isang natatanging gawain ng tunay na Lasalyano at Pilipino ang ipinamalas ng “Padayon” sapagkat kanilang pinatunayan na walang sakit ang makakahadlang sa pagtulong sa kapwa. Sa munting tulong na kanilang naibigay, naisiguro nila ang kaligtasan ng bawat isa, kahit na ito ay nagtaas ng kanilang pagkakalantad sa nasabing sakit. Ika nga ni Dave Andrew Baga mula sa Accountancy, Business, and Management (ABM) 12C, isa sa mga tagapagtatag ng nasabing proyekto, “Ang mapagbigay na puso na nais lamang maghatid ng pagmamahal at kabutihan ay makakaapekto na sa mundong puno ng kasamaan.”

Ang Kasalukuyang Bayanihan sa Bayonihan Panghuli sa iilang pinakamatagumpay na proyektong inilunsad ng mga mag-aaral ay ang “Project Bayonihan” na siyang may pangunahing layunin na makatulong sa mga frontliners at pampublikong paaralan na matatagpuan sa probinsya. Umiikot ang nasabing proyekto sa pagbebenta ng mga damit na siyang dinesenyo ng mga namamahala sa “Project Bayonihan” at ang perang malilikom nila ay ipagkakaloob sa mga nangangailangan at benepisyaryong kanilang nailatag. Naitampok na rin sila sa ibang mga balita sapagkat naghandog sila kay Governor Bong Lacson ng tulong para sa mga ‘frontliners.’ Ang mga kasapi ng proyektong ito ang nagpatunay na walang edad ang kinakailangan upang makatulong sa kapwa dahil puso ang mahalaga at paninindigan sa kagustuhang makapagbigay sa iba.

Tayong mga Lasalyano ay kilala bilang mga taong matulungin at nakasentro ang paniniwala sa kahalagahan ng pagbibigay suporta sa mga taong mas mababa ang estado sa buhay. Ang paninindigang ito ay napatunayan ng iilang mga samahan ng mag-aaral na nakapag-isip ng paraan upang makalikom ng munting tulong at suporta sa mga nangangailangan, lalong lalo na ang nakaranas ng mabigat na epekto ng pandemya. Ang mga simpleng gawain ng mga mag-aaral na ito ang nagpapakita ng isang tiyak na katangian ng mga Lasalyano. Sila ang nagsisilbing mabuting halimbawa at ehemplo na walang mas mahalaga pa sa pusong may pagmamalasakit sa iba.


agham at teknolohiya

PABLITO FERRER III

BEA THERESE LEGAYADA

09


panitikan

10


panitikan

11


PAMPALAKASAN

JULIANA STACY CAÑA

Ipinalasap ng Koponang “8210 Gaming” at Koponang “Synergy” ang kanilang lakas at talento laban sa kanilang katunggalian sa “Call of Duty Battle Royale Mobile” (CODM) Tournament at “Mobile Legends” (ML) Tournament, ayon sa pagkakabanggit, sa kauna-unahang Synergy, isang ‘acquaintance activity’ na pinamunuan ng Science, Technology, Mathematics, and Enginering (STEM) Council noong Oktubre 17 sa kanilang opisyal na Facebook page. Nagpakitang gilas na ang mga koponan o bawat manlalarong nagpapaligsahan upang makuha ang posisyon sa pangwakasang labanan, ngunit dalawa lamang sa walo ang nagtagumpay ditoang koponang “Synergy” at “Bren Esports” na siyang tutuloy at lalaban para sa kampeonato sa ML Tournament. Mainit na nakikipagdigmaan ang dalawang koponan, na siyang isinaisip ang pagpili ng kanilang pinakamahusay na bayani upang

AIA DANIELA VILLARINO

Mula sa pagsipa ng bola sa lapag ng luntiang talahiban hanggang sa paghagis ng bola sa bunganga ng ‘rim,’ ang modernong makinarya’y nakalikha nang mas nakakaaninag at hindi pabagobagong atake sa pagbihag ng kanyang puso at atensyon sa paglalaro ng Esports bilang libangan. Nagsimula lamang bilang pampalipas oras at pagaanyaya ng mga kaibigan, hindi kalauna’y umabot na ng halos tatlong taon ang paglalaro ng “Mobile Legends: Bang Bang” ang 17 taong gulang na si John Mark Arado ng Humanities and Social Sciences (HUMSS) na strand 12D. Tinaguriang “Cyan Finch” si Arado katumbas ng katawagang akma sa kinagigiliwang “hero” na si Ling, buhat ng taglay na

katangiang bilis at mapinong galawan na minsa’y binalewala o hindi man lang binigyan ng atensyon ng mga nakatataas. Sariwa pa sa alaala ni Arado ang hindi malilimutang pangyayari nang siya ay nakatanggap ng imbitasyon na maging parte ng isang grupo, ngunit namataang ito pala ay naglalayong punan niya ang bakanteng posisyon na nararapat sa isang partikular na tao na nagkataon lamang na hindi nakatuloy sa sandaling iyon. Ang karanasang ito ang pinaghugutan ni Arado ng lakas sa walang humpay na pagsasanay at hustong pagpapatatag ng kanyang kakayahan upang makabuo ng kanyang sariling pangalan sa industriya ng Esports. Patuloy ang pag-angat ni Arado sa larangan ng Esports nang makalikom ng tila hindi mabilang na karangalan matapos sumabak sa ibaibang patimpalak. Kasama

subukang ipanalo ang laro kung saan 1-3-1 na pormasyon ang “Bren Esports” na may “Helcurt” ‘funnel’ “Uranus,” at “Hylos” tanke at suporta, depensa naman para kay “Pharsa” at ‘offlane’ “Yu Zhong.” Nanatiling depensa ang laro ng “Bren Esports” habang kita naman ang pagka-agresibo ng “Synergy” sa kontra na may 1-2-2 na pormasyon kung saan ang “Chang’e” at “Esmeralda” ang nagsilbing ‘mage support,’ “Khufra” tanke, “Jawhead” ‘offlane,’ at ‘funnel marksman’ na si “Yi Sun-Shin.” Sumabak na ang Synergy kung saan maswerte nitong nakuha ang unang dugo ng laban, 2:51, ni “Butterbolt” (Esmeralda) kontra “Sry im david” (Helcurt), ngunit agad nitong sinundan ni “Yu Zhong” ng Bren Esports na naka ‘maniac.’ Ipinamalas na ng bawat koponan ang kanilang galing, ngunit hindi nakayang suklian ng “Bren Esports” ang walang-awang atake ng “Synergy” kung kaya’t nakuha nito ang panalo sa unang set, 18-4, at tinaguriang Most Valuable Player (MVP) si “SeanTzy” (Yi Sun-Shin)

ang koponang “TMZ Warriors,” nasungkit ni Arado ang kampeonato sa idinaraos na “Mobile Legends Tournament” kung saan ang Koponan ng Rheims ang punong-abala noong nakaraang ika-12 hanggang ika13 ng Setyembre taong 2019 sa pagdiriwang ng Lasallian Week Celebration. Pasok din sa ‘Top 3’ si Arado matapos magpakitang gilas sa ginanap na “Siklab Saya” sa lungsod ng Silay na kabilang sa “The Biggest Mobile Legends Event in PH,” “Mambulac Fiesta Tournament,” at “Immortal Gaming’s Online Tournament Season 3.” Sa paglaon ng panahon at sa tagal na halos tatlong taon na pakikipagsapalaran, napagtanto ni Arado na hindi lamang siya nakabuo ng koneksyon sa mga nakasalamuhang indibidwal, kundi nakapagtatag din ito nang mas malalim na relasyon sa bawat isa bilang isang ganap na magkakaibigan bunga na

ng “Synergy,” 8/1/6 (10.9 Kills/ Deaths/Assists o KDA). Hindi na rin nagpatumpik ang “Synergy” pagkatapos nitong ulit makuha ang unang dugo, 2:35, gamit ng “Gusion” kontra “Khufra” at sinundan din ng “Chang E” laban “Miya,” ngunit hindi nakapalag si “Gusion” kay “Hilda” ng “Bren Esports,” 2-1. Winakasan na ng Koponang “Synergy,” na binubuo nina Niel Saballa, Joshua Magbanua, Sean Tan, Niel Basa, at Lucky Java, ang laban pagkatapos naisagawa ang matalinong estratehiya at nangibabaw ang ‘clash’ na siyang nagtamo ng titulong kampeon sa ML Tournament na may iskor na 23-7, 2-0 panalo, habang MVP si “Chaos” (Chang E), 6/1/10 (9.8 KDA). Sumunod dito ang ikalawang kompetisyon na may 13 koponan na binuo ng apat na manlalaro, ang CODM Battle Royale Tournament, na siyang pinangunahan ng ika-7 koponan pagkatapos makuha ng “ESQ BlueNeid” ang ‘first kill’ at sinundan ng dalawa pang ‘kills’ na siyang nangibabaw ang ‘clash’ at lipulin ang ika-6 na koponan sa ‘early game.’

Nagkasukatan naman ng lakas ang ikalawa at ikatlong koponan, kung saan naging matagumpay at natamong ibura ng pangatlong koponan ang kalaban sa laro, habang ‘nakipagclash’ naman ang ikawalong koponan sa ika-13, ngunit hindi ito nakuhang burahin ang kalaban. Nanatiling matatag ang mga manlalaro na may natitirang 10 koponan at 29 na manlalaro sa 15 minuto ng laro habang patuloy naman ang pagliit ng ‘safe zone.’ Tuluyang naubusan na ang mga manlalaro kung saan nangibabaw ang ikasampung koponan sa laro dahil sila ang nag-iisang koponang kompleto habang paubos na ang mga kalaban nito sa natitirang apat na mga kaaway ng tatlong koponan. Dinaig na ng ikasampung koponan ang nag-iisang player ng ikaapat na koponan sa isang napakatinding laban at nang naiwan sila bilang kampeon sa nasabing CODM Tournament na binubuo nina Jethro Maravilla (2 kills), Dane Juesna (2 kills ) , Vyen Paduano (3 kills), at Dennrie Bustillo, ang tinaguriang MVP (7 kills).

rin ng mabuting pakikitungo at mabisang komunikasyon sa bawat miyembro ng koponan. Bilang mag-aaral, hindi maitatangging may hidwaan sa oras na ginugugol sa pagitan ng pag-aaral at paglalaro, ngunit kailanman hindi raw ito naging hadlang o sagabal. Maaaring mas nailalatag niya ang oras sa paglalaro ng mga ‘online games’ upang malibang, pero hindi raw ito sapat na dahilan upang mapabayaan ang kanyang pagaaral. Ika nga ni Arado, “It’s just a matter of how well you can manage your time and predicting how quick you are at getting your tasks done.”

JOHN MARK ARADO KUHA NI JAY VALLADAREZ


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.