13 ARBOS TINULUNGAN NG DAR SA AGUSAN DEL NORTE Bilang tugon sa epekto ng pagbabago ng klima sa mga magsasaka sa probinsya ng Agusan del Norte, nasa 13 agrarian reform beneficiaries organizations o ARBOs ang nakatanggap ng mga farm equipment at farm inputs. Laking pasalamat ni Welito Mante, ang chairperson ng Basag Irrigators’ Association sa suporta galing sa Department of Agrarian Reform o DAR dahil mas napadali ang kanilang trabaho sa pagsasaka at Caraga INFOCUS
By Nora C. Lanuza natugonan ang epekto ng climate change sa kanilang mga sakahan. Dagdag din ni Raul Hermoso, ang provincial coordinator ng Climate Resilient Farm Productivity Support Project o CRFPSP ng Agusan del Norte, ang mga farm equipment ay nakatulong upang maging mas matatag ang mga magsasaka sa ano mang epekto ng pagbabago ng klima. Kahit paman sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19)
pandemic, patuloy pa rin ang DAR sa pamamahagi ng mga farm eqipment at farm inputs sa mga ARBOs upang malabanan ang mga epekto ng climate change at matulongan sila sa kanilang mga pangangailangan sa panahon nga pandemya. Sa taong ito nakapag-allocate ang DAR ng P3.5 million para sa CRFPSP project para sa makinaryas at farm inputs. (NCLM/PIA Agusan del Norte) December 12-18, 2020 |
15