MGA MAGSASAKA SA CARAGA REGION, TUMAAS ANG ANI DAHIL SA PROGRAMA NG PHILRICE Habang patuloy ang kampanya ng gobyerno laban sa pagkalat at pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa rehiyon, patuloy din ang tulong na ibinibigay nito sa mga apektadong sektor lalo na sa mga magsasaka. Isa ang magsasakang si Edwin Aluag, chairman ng Barangay Baan Integrated Farmers Association sa mga nakakuha ng benepisyo sa programang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ng Philippine Rice (PhilRice) Research Institute na layong masiguro ang food security ng bansa at matugunan ang kanilang pangangailangan para mapaunlad ang sektor ng agrikultura. “Sa ngayon, malaking tulong ang naibigay ng ating gobyerno dahil dito Caraga INFOCUS
sa RCEF. Marami kaming nabenepisyo na mga mechanism/ mechanization, punla at ibat-ibang variety ng seeds,” ani ni Aluag. Tiniyak naman ni PhilRice Agusan branch director Caesar Joventino Tado, na libre ang RCEF seeds na nakalaan sa mga magsasaka sa rehiyon. Nanawagan din ang opisyal sa mga local government units na bigyang prayoridad ang kapakanan ng sektor at ibigay sa kanila ang kanilang mga benepisyo, at tumulong din sa agarang paghatid ng mga binhi at punla para sa kanilang sakahan. “Gusto po naming ipanawagan sa mga partner local government units kasi mahalaga po ang kanilang tungkulin lalo na sa pagsiguro sa distribusyon ng ating binhi na pinapadala po
sa kanila, at tulungan po ang PhilRice at ating national government na maiparating po agad sa mga magsasaka ang mga serbisyo at benepisyo para sa kanila,” banggit ni Tado. Samantala, mas lumaki man ang kanilang ani dahil sa programang ito ng PhilRice, hiniling naman ng mga magsasaka na matugunan din ang mababang presyo ng palay. “Umaasa ako na sa susunod na cropping o pagtatanim, tataas na rin ang presyo ng palay,” pahayag ni Aluag. Ang PhilRice ang siyang nangunguna sa implementasyon ng RCEFSeed Program sa ilalim ng Republic Act 11203 o ang Rice Tarrification Law, na may P10-billion kada taon para sa mga rice farmers. (JPG/PIA-Caraga) January 16-22, 2021 |
17