1 minute read
AFP CHIEF OF STAFF DINALAW ANG 36IB SA GITNA NG MASUNGIT NA PANAHON SA SURSUR
Sa kabila ng masungit na panahon ay hindi nagpasindak ang mismong chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na si Gen. Gilbert Gapay para dalawin ang kanyang dating kinasapiang batalyon panahon ng tenyente pa lamang ganundin ang mga nasasakopang kasundaluhan sa Surigao del Sur kahapon. Ito ang malugod na sinabi ni Lt. Col. Jezreel Diagmel, kasalukuyang commander ng 36IB ng Philippine Army (PA) na nakakasakop bilang area of operations sa hilagang bahagi ng Surigao del Sur mula Tandag City hanggang bayan ng Carrascal. Ayon kay Lt. Col. Diagmel, sakay ng eroplano, sinuong ng pinakamataas na opisyal ng sandataang lakas ng bansa ang lalawigan na lumapag sa Tandag Airport. Hindi maikakailang kahapon ay matindi ang naranasang mga pagulan buong araw. Sa
By Greg Tataro, Jr.
Advertisement
At Tandag City Airport (Photo credit to PGO)
katunayan, umabot pa ang babala na inilabas ng NDRRMC sa “orange warning.” Naghinhintay naman kay Gen. Gapay ang isang simpleng seremonya na dinaluhan kapwa nina 401st at 402nd Bde Commanders Gen. Allan Hambala at Gen. Maurito Licudine na pawang nakabase sa Caraga. Bukod aniya ito sa presensiya ng Deputy Commander ng 4th Infantry Division na nakabase sa Cagayan de Oro City. Kasama rin ni Gen. Gapay si Lt. Gen. Franco Nemesio Gacal, ani Diagmel. Sa isinagawang programa na tinampokan nang paggawad ng parangal kay Surigao del Sur Gobernador Alexander Pimentel ng AFP Kapayapaan 2020 ay hinikayat aniya ni Gen. Gapay ang kasundaluhan na ipagpatuloy ang mabuting paggampan ng mga ito sa tungkulin. (Greg Tataro, Jr. - DXJS RP-Tandag/PIA-Surigao del Sur)