1 minute read

PAMPUBLIKONG OSPITAL SA SURSUR SINUBUKAN NANG GAMITIN ANG DE-MANONG MAKINA SA ITINAYONG MOLECULAR LAB

By Greg Tataro, Jr. Sinubukan nang gamitin ang de-manong makina sa itinayong molecular laboratory sa Adela SerraTy Memorial Medical Center (ASTMMC) sa lungsod nitong nagdaang linggo. Ayon kay Recklyn Ruaza, tagapagsalita ng pinakamalaking pampublikong pagamutan ng Department of Health (DOH) dito, malalaman ngayong araw mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang resulta ng isinumiting limang samples sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) proficiency test (PT) noong Biyernes. Ayon pa kay Ruaza, sakaling pumasa ay saka pa mapagkakalooban ng license to operate (LTO) ang naturang molecular lab. Mangangahulugan dito itong matutuldukan na ang pagiging nakadepende higit sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa Davao City. Dumating din sana ang nakalaang automated machine dito higit isang buwan na ang nakakaraan. Subali’t ang masaklap lang ay nagkataong may hindi umano nagtugmang piyesa bagay na pansamantalang ipinahiram muna ang de-manong makina galing Department of Health-Caraga, ayon kay Medical Center Chief Dr. Janice Pagaran-Alcordo. (DXJS RP-Tandag/PIASurigao del Sur)

Advertisement

This article is from: