Caraga InFocus – January 23-29, 2021

Page 38

PAMPUBLIKONG OSPITAL SA SURSUR SINUBUKAN NANG GAMITIN ANG DE-MANONG MAKINA SA ITINAYONG MOLECULAR LAB By Greg Tataro, Jr. Sinubukan nang gamitin ang de-manong makina sa itinayong molecular laboratory sa Adela SerraTy Memorial Medical Center (ASTMMC) sa lungsod nitong nagdaang linggo. Ayon kay Recklyn Ruaza, tagapagsalita ng pinakamalaking p a m p u b l i k o n g pagamutan ng Department of Health (DOH) dito, malalaman ngayong araw mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM)

38

| January 23-29, 2021

ang resulta ng isinumiting limang samples sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) proficiency test (PT) noong Biyernes. Ayon pa kay Ruaza, sakaling pumasa ay saka pa mapagkakalooban ng license to operate (LTO) ang naturang molecular lab. Mangangahulugan dito itong matutuldukan na ang pagiging nakadepende higit sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa Davao City. Dumating din

sana ang nakalaang automated machine dito higit isang buwan na ang nakakaraan. Subali’t ang masaklap lang ay nagkataong may hindi umano nagtugmang piyesa bagay na pansamantalang ipinahiram muna ang de-manong makina galing Department of Health-Caraga, ayon kay Medical Center Chief Dr. Janice Pagaran-Alcordo. (DXJS RP-Tandag/PIASurigao del Sur) Caraga INFOCUS


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.