Ang Dikotomiya ng Kalungkutan at Pag-asa

Page 1

Ang Dikotomiya ng Kalungkutan at Pag-Asa

1 | cbpe単a

Pitong Tula ni Caloy B Pe単a


Ang Dikotomiya ng Kalungkutan at Pag-asa Mga Tula ni Caloy B Peña, MDS Walang bahagi ng akdang ito ang maaaring kopyahin, sa anumang paraan, nang walang nasusulat na pahintulot mula sa may-akda. Copyright © Caloy B Peña Isinulat at inilathala sa East Coast, Singapore


Minsan, kapag tinamaan tayo ng lungkot, naitatanong natin sa ating mga sarili kung bakit kailangan nating bunuin ang kalungkutan. Sa kaibuturan ng mga katanungang ito, napagtatanto natin ang dahilan kung bakit kailangan–may mga bagay na kailangang pagtagumpayan dahil sa pag-asang nahihimlay sa talulot ng bawat luha: ang pag-asang muli tayong liligaya. Pitong tula, matapos ang pitong araw mula nang sila ay bumalik sa lupang sinilangan. Para sa mga kapwa kong nangingibang-bayan. cbpeùa

3 | cbpeĂąa


para kay grace at carla


Ang Dikotomiya ng Kalungkutan at Pag-Asa

5 | cbpe単a


mga nilalaman

1

basal ang iyak ng aking puso

2

sa kabila nang lahat

3

pagod man ang pusong sawi

4

hindi ako makangiti

5

pinagdaop ng langit ang ating mga palad

6

ngayon ay ikapitong araw

7

pilitin mo akong mabuhay nang wala ka


basal ang iyak ng aking puso humahagulhol sa kalaliman ng magdamag nangungulila sa init ng iyong katawang siyang tanging dahilang ng pagkakakilanlan sa saliw ng bawat talulot ng luha ang iyong mga mata ang nalalabing kanlungan ikaw ang nag-iisa kong moog at hantungan sa kabila ng pakikibaka, walang ibang nais kundi masilayag muli ang iyong ngiti bagamat langit ang nag-utos ito’y ipagkait halika, lamnan mo ng halik ang sugatang kaluluwa, pitang punit-punit nang masilayang muli ang pag-asa nang pusong hanap ay ikaw, sinta.

7 | cbpeĂąa


sa kabila nang lahat

ika’y di natinag di nag-imbot di naging duwag ika’y di nagkait nang anumang bagay nang alinmang hiling ika’y naging mapagtiis naging mapag-alaga naging mapagpalaya ika’y nagmalasakit nanatiling akin at nagpaangkin.


pagod man ang pusong sawi

hindi ito natitinag sa hagupit ng unos bagkus ito’y lalong tumitibay, kumakapit sa bantayog ng kanyang pag-asang muling sisbol ang natitirang binhi ng pag-asang muling magtiyap ang mga damdaming pinaghiwalay ng tadhana subalit piniling manatili sa kanlungan ng isa’t isa. sa darating na panahon, muling susuloy ang ligayang pinagkait ng pagkakataon at pita pagka’t duon, sa parating na bukanliwayway may pag-ibig na naghihintay, kumakaway.

9 | cbpeña


hindi ako makangiti

sapagkat walang dahilan upang ngumiti. hindi ako makapagsaya, ‘pagkat wala ka sa aking tabi. hindi ako makatulog, pagkat sa ‘yo lamang ang kaluluwa ko nahihimbing. hindi ako tumitigil sa pagluha, sapagkat sa ikaw lamang ang aking ligaya. hindi ako susuko, ‘pagkat ikaw ang siyang dahilan ng aking pakikibaka.


pinagdaop ng langit ang ating mga palad

at hindi ko na ninais pang mapaghiwalay ang ating mga sarili mula sa pagkakabuklod ng ating kapalaran. sa saliw ng ritmo ng buwan, angkinin mong muli ng lahat ng aking kalungkutan at palayain mo ang pusong baliw na sa pangungulila at pag-iisa. ikaw ang kadaop ng aking palad, ang natatanging ugat na kabuklod nitong pusong nangungulila sa iyong tugon at pilit tumitibok sa iyong bawat bulong.

11 | cbpe単a


ngayon ay ikapitong araw

ng pangungulila ng pagtitiis ng pakikibaka ngayon ay ikapitong araw ng pagtangis ng pagbalik-tanaw ng paghihirap ngayon ay ikapitong araw ng pag-ibig ng pag-asa ng pangarap.


pilitin mo akong mabuhay nang wala ka

at mas nanaisin ko pang masakluban ng langit at lupa, na mapagkaitan ng hininga, ng liwanag, ng ligaya pilitin mo akong mangarap nang wala ka at mas pipiliin kong mabulag, mabingi at mapipi, na maging inutil sa kabila ng biyaya pilitin mo akong magtiis nang wala ka at mas babalakin kong tuparin ang pangakong ika’y sundan maging sa dulo man ng mga ulap at kalangitan.

13 | cbpeĂąa


Ang Dikotomiya ng Kalungkutan at Pag-asa Mga Tula ni Caloy B Peña, MDS Walang bahagi ng akdang ito ang maaaring kopyahin, sa anumang paraan, nang walang nasusulat na pahintulot mula sa may-akda. Copyright © Caloy B Peña Isinulat at inilathala sa East Coast, Singapore


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.