30 sais mga piling script ni caloy pe単a, mds
1
30SAIS Š All rights reserved 2015 Walang bahagi ng akdang ito ang maaaring kopyahin o ilathalang muli, sa alin mang uri ng paglalathala nang walang kasulatan ng pagpapaubaya mula sa may-akda. Layout mula sa HappyHourProductions Litrato mula sa CBPhotography Isinulat at nilathala para sa internet sa East Coast, Singapore * * * 30-6 Š All rights reserved 2015 No part of this book may be reproduced, printed/reprinted or re-distributed, in print or otherwise, without written consent from the author Layout by HappyHourProductions Photo by CBPhotography Written in East Coast, Singapore
Para sa ating malapit nang mag-kuarenta. Ayos pa naman ang trenta y sais.
3
30
sais
mga piling script ni caloy pe単a
SA SALIW NG ORKESTRA NG HUBAD NA LANGIT
1
LINGGO 8 KWARTO 16 FRANTIC 19 BUKANLIWAYWAY 24 KUNG SAAN PAYAPA ANG MUNDO
28
SA SALIW NG ORKESTRA NG HUBAD NA LANGIT Panulat at Direksyon: Caloy Pe単a, MDS
TAUHAN: LALAKI : mahigit sa 20-anyos ngunit hindi tatanda sa 30 anyos; katamtaman ang pangangatawan; maayos na buhok; may palangiting mukha BABAE : mahigit sa 20-anyos ngunit hindi tatanda sa 30 anyos; katamtaman ang pangangatawan; hindi kahabaan na buhok; may palangiting mukha EXT. DAMUHAN. HAPON, PALAPIT SA TAKIPSILIM. Musika sa saliw ng isang dalampasigan. Makikitang nakahiga sa dalampasigan ang isang lalaki, tila nakikinig sa musikang hindi naman naririnig ng nakapaligid sa kanya. Mataman siyang nakangiti sa kawalan habang namamalikmata sa mga imahe ng isang dalaga na panaka-nakang nakikita ng manunood. Makikita ang dalagang naglalakad sa damuhan, habang hinahayaan ang kanyang mga kamay na marahang hahaplusin ang dulo ng mga talahib, bulaklak at damuhan. VOICE-OVER Sa saliw ng orkestra ng hubad na langit Ngingiti ang mga tala sa bawat halik, sa halimuyak ng iyong labi, Sa tamis ng iyong ngiti. Maya-maya ay makikita siyang tila ngumingiti sa binata, tila nakikipaghabulan. Ilang sandali pa, makikita ang dalaga na nakaupo sa damuhan habang ginigisnan ang isang bulaklak, titingin siya sa binata, na tila inaabot ang kanyang kamay. 5
VOICE-OVER Hindi mabibilang ang mga pagkakataong nais kong ikaw ay mayakap, makaniig, malapatan ng dampi, kahit sa noo, sa braso, sa batok man lamang. Makikita ang binata at dalaga na magkahawak ang kamay, habang nakaupo sa damuhan, nagtitinginan pero hindi nag-uusap. Malilipat muli ang atensyon ng manunuod sa damuhan, sa babaeng naglalakad sa damuhan, sa parating na takipsilim. VOICE-OVER Sa saliw ng orkestra ng hubad na langit Bibihagin ko pasumandali ang lahat ng iyong hilahil Ang lahat nang hindi nararapat, lahat ng nawawala sa iyo. Lahat ng bagay na hindi ko maibigay, ngunit naibibigay nya. Pasumandali pa, makikita ang dalagang naglalakad palayo, habang unti-unting nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Tatakbo siya ng mabilis, hanggang sa mawala ang babae sa paningin ng lalaki, at ng manunood. VOICE-OVER Sa saliw ng orkestra ng hubad na langit Sa ilalim ng mga bituing sumasayaw sa indayog ng ating mga kaluluwa,Babalutin kita ng aking pagmamahal, hanggang sa mawala ang lahat ng ating isipin. Tatayo ang lalaki sa pagkakahiga sa dalampasigan, ang kanyang mga kamay parang ayaw mawalay sa buhanging nagbigay sa kanya ng mga imahe ng dalaga. Sa di kalayuan, isang dalaga ang tatayo mula sa pagkakahiga nya sa dalampasigan. Hindi sila magkakatinginan, bagkus maglalakad palayo mula sa isa’t isa.
VOICE-OVER At matira ang mga bagay na pinkamahalaga sa ating dalawa– Ang ating mga pangarap, na binuo natin ng makailang ulit, Para lamang basagin ng iilan taong hindi naman naiintindihan Na tanging sa saliw ng orkestra ng hubad na langit tayo maaaring magkatagpo. Exit frame. Credit Roll.
- F I N -
7
LINGGO Panulat at Direksyon: Caloy Pe単a, MDS
TAUHAN: LALAKI : Matipuno, may bilugang mukha. Magiliw makipag-usap. May palangiting mukha. Nasa 20-30 anyos. Katamtaman ang pusyaw ng balat. BABAE : Katamtamang pangangatawan. Katamtamang haba ng buhok. Malamlam na mata na tila palagiang may iniisip ngunit palangiti. Nasa 20-25 anyos. Kayumanggi. PANGALAWANG LALAKI bilang ekstra. EXT. KALSADA SA GITNA NG LUNSOD. KATANGHALIAN. Uupo ang isang lalaki sa tabi ng daan. Mataman nyang hahawakan ang kanyang dalang bag. Maraming ibang mga tao sa paligid; maiingay sila. Ang ilan ay nagsisigawan, naghahalakhakan. Ang iba ay kumakain habang nag-uusap at nangungumusta. Tatabi sa kanya ang isang babae. Ngingitian sya nito. BABAE May yosi ka ba jan? Baka naman pwedeng makahingi ng isa. LALAKI Yosi? Meron. (Kukuha ng sigarilyo sa dala nyang bag) Eto. (Iaabot ang sigarilyo sa babae at matatawa sa sarili dahil binigyan nya ito ng sigarilyo). BABAE Salamat. (Aabutin ang sigarilyo) Lighter, meron ka? Iaabot ng lalaki ang lighter at tititigan ang dalaga
mula ulo hanggang paa, habang nagsisindi sya ng sigarilyo. Makikitang parang naaliw sya sa babae habang naninigarilyo ito sa tabi nya. Ilang sandali din silang magkatabi habang naninigarilyo ang babae. Maya-maya pa ay magsisindi din ng sigarilyo ang lalaki, at sabay silang maninigarilyo habang patuloy ang mga kaganapan sa paligid. Ilang hithit pa, naubos na ang sigarilyo ng babae. Tatayo ito at magpapagpag ng suot na pantalon. BABAE Salamat (habang patayo mula sa pagkakaupo). LALAKI (hahawakan ang bisig ng dalaga) Teka lang. Ganun na lang yun? BABAE Ang alin? LALAKI Binigyan kita ng yosi, hindi mo man lang ako kinausap tapos aalis ka na agad? BABAE Bakit ano pa bang dapat kong gawin? Nagpasalamat ako hindi ba? LALAKI Oo nga, kaya lang... BABAE Kuya, sigarilyo lang hiningi ko. Hindi ako nagpabili ng bag o ng softdrinks sa ‘yo. LALAKI (Maiinis) Hindi naman yun ang ibig kong sabihin.
9
BABAE (Ngingisi na parang naiinis) E ano ba ang gusto mong gawin ko sa ‘yo? Salamat sa sigarilyo. Mawawala ang ngiti sa labi ng lalaki at ng babae. Hihilahin ng lalaki ang babae paupo sa tabing-daan. LALAKI Dito ka muna. Wag ka munang umalis. BABAE (tahimik lamang ang babae pasumandali) Pauupuin mo ako dito tapos wala ka naman iaalok. Sayang ang linggo ko. LALAKI Bakit, hindi ba sayang ang sigarilyo ko? BABAE Para sigarilyo mo lang hiningi ko, an-demanding mo naman. (Titigil) Pahingi pa nga ng isa. LALAKI (Mapapaumis at pagkatapos ay bibigyan ang dalaga ng isa pang stick ng sigarilyo) Ano’ng pangalan mo? BABAE Pahiram ng lighter. (Kukuhanin ang lighter sa lalaki at magsisindi ng sigarilyo. Hihithit sya ng ilang beses) Kailangan pa bang malaman yun? LALAKI Bakit nga ba kailangan pang malaman. Pare-pareho lang naman ang tawag sa atin dito, di ba? BABAE Mismo. (Hihithit)
LALAKI (Papatayin ang sigarilyo nya at magsisindi ng panibago) Ilang taon ka na dito? BABAE Mag-iisang taon pa lang. Ikaw ba? LALAKI Apat na taon na. BABAE Talaga? Apat na taon? Hindi halata. LALAKI (Matatawa) Bakit, ano bang itsura ng apat na taon na dito? BABAE Wala kasi sa hilatsa mo ang apat na taon. Ang tahimik mo kasi, tapos parang takot na takot ka sa nakikita mo. Para kang bagong salta. LALAKI Ganito talaga ako. BABAE Parati ka ba dito? San ka dito nakatira? LALAKI Ako? Sa may Sembawang. Ikaw ba? BABAE At talagang sinabi mo? (matatawa) Ganun ka kabilis magtiwala? LALAKI Paano ka naman nakakasigurong nagsasabi ako ng totoo? (Uumis) 11
BABAE Sabi ko nga. (hihithit; mawawala ang ngiti sa mukha) May paaral ka sa atin? LALAKI Meron isa. Kapatid ko. Bunso namin. BABAE May paaral din ako. Panganay ko. Sa pagkadalaga. LALAKI Talagang sinabi mo? BABAE Paano ka naman nakakasigurong nagsasabi ako ng totoo? LALAKI Kasi nangangatal ka habang sinasabi mo. BABAE Hindi naman importante yang mga ganyang bagay dito. Wala namang pipigil sa yo na magputa dito. Pera-pera lang naman lahat yan. LALAKI Yan ba ang lagi mong sinasabi sa sarili mo? BABAE Hindi. Hindi naman ako nagpuputa dito. LALAKI Wala akong ibig sabihin sa tanong ko. BABAE Alam ko. Katahimikan ang maghahari sa ilang sandali habang nakaupo sila sa tabi ng daan.
BABAE Kelan ka huling umuwi sa atin? (mauupos ang sigarilyo sa kanyang kamay at papatayin nya ito) LALAKI Apat na taon na akong hindi umuuwi sa atin. BABAE Antagal mo na palang hindi umuuwi. May iniiwasan ka? LALAKI Wala naman akong babalikan, maliban sa mga pinaaral ko. BABAE Yang gwapo mong yan, wala kang girlfriend? Walang asawa? LALAKI Wala. Hindi ko naisip magnobya. BABAE Eh magnobyo kaya? (tatawa) Andami kasi ng gwapong pilipino dito, pero gwapo din ang hanap. LALAKI (matatawa) Hindi ako bakla. BABAE Hindi ko naman sinabing bakla ka. LALAKI Alam ko. (matatawa sa sarili) Ikaw ba, wala kang babalikan sa atin? BABAE Bakit pa? Nabuntis na ako ng minsan, uulit pa ba ako? (matatawa) Ang bobo ko naman yata.
13
LALAKI Wala ako ng ibang ibig sabihin. BABAE Ganun naman lahat ng tao dito. Lahat walang ibig sabihin. Basta lang nagsasalita. LALAKI Lahat tayo kailangan ng kausap minsan. BABAE Pero hindi naman lahat iniintindi ang sinasabi mo. Yung iba, nakikinig lang. Kasi kailangan. Kasi nakakahiyang hindi makinig. LALAKI Anlalim naman nun. (matatawa) BABAE (matatawa sa sarili) Nakakainis di ba? Hindi ko nga alam kung saan nanggaling yung sinabi ko. LALAKI Sa puso. BABAE Meron pa ba tayo nun dito? Para naman kasing hindi na natin kailangan sa trabaho. Basta trabaho lang. Kayod lang ng kayod. LALAKI Nakakatawa ano? BABAE Alin? LALAKI Trabaho tayo ng trabaho pero wala namang nakikinig sa atin kapag kailangan nating tumigil at makipag-usap.
BABAE Wala naman kasing kahihinatnan ng pakikipag-usap dito. Maaalala mo lang kung bakit ka napadpad dito. Tapos maiiyak ka lang. Nakakapagod nang umiyak. LALAKI Siguro, pero hindi ba kailangan nating umiyak? BABAE Bakit naman? LALAKI Kasi kailangan nating maalala kung bakit tayo nandito. Mapapatingin sa kawalan ang babae. Isang lalaki ang lalapit sa dalawa at uupo sa gitna nilang dalawa. LALAKI 2 Pare, may lighter ka? Exit frame. Credit Roll.
- F I N -
15
KWARTO Panulat at Direksyon: Caloy Pe単a, MDS
TAUHAN: BABAE : Nasa 20-30 anyos; katamtaman ang pangangatawan; morena; may malamlam na mata; mahaba ang buhok LALAKI : Nasa 20-30 anyos; malaki ang pangangatawan; mapusyaw ang kutis; katamtaman ang haba ng buhok SEQ 1. INT. KWARTO. GABI. Bubungad sa manunood ang isang madilim na kwarto na walang halos laman. Isang malamlam na ilaw lamang ang tanging nagbibigay ng liwanag sa kwartong ito. Isang babaeng nakakamison ang nakasiksik sa isang sulok, tila nag-iisip ngunit nakatingin ng diretso sa manunuod, matamang nakatitig sa kawalan. Sa kabilang sulok ng silid ay isang lalaki na nakahubad ng pang-itaas ang nakatingin sa babae, na tila gusto nyang lumapit, pero nag-aalinlangan. Mananatili sila sa ganitong estado habang namumutawi ang mga paunang kataga ng kwento. Walang maririnig na umuusal sa labi ng mga tauhan; musika lamang ang maririnig. VOICE-OVER Ikaw ang dahilan ng hilahil ng langit Ang kasagutan sa katanungan ng pag-iisip. Ikaw ang tanging gamot sa pusong malamlam, At ang moog ng aking pananampalataya. Makikita ang dalaga na dahan-dahang umuusad palapit ng manunuod, at hahawakan ang lente ng kamera. Sa kanyang likuran, ang lalaki ay marahang gagapang palapit, at hahawakan ang dalaga sa balikat, upang dahan-dahang ilayo mula sa kamera. Hindi papayag ang dalaga at
siya ay magpupumiglas. Magbabago ang mukha ng lalaki; magiging itong marahas at pipilitin nito ang dalaga na ilayo mula sa manunuod. Gagamitin niya ang lahat ng kanyang lakas, hanggang mahantong sa hihilahin nya ang dalaga sa buhok. Gagapang ang babae pabalik sa kanyang sulok, at maririnig ang mga kataga habang siya ay umiiyak ng tahimik. VOICE-OVER Sa kanlungan ng langit maiiwan natin Ang lahat ng kung ano ka at ako Duon mananahan habambuhay ang kasarinlan Ng ating mga pangarap, pag-ibig at alaala. Makikita ang lalaki na lalakad palapit sa dalaga. Iaabot nito ang kanyang kamay na tila gusto nya itong itayo. Titingnan sya ng dalaga at tatapikin palayo ang kamay ng lalaki. Luluhod ang lalaki sa harap ng dalaga. Makikita sa mukha niya ang bangis ng kanyang paghihiganti. Hahawakan nya ang magkabilang bahagi ng ulo nya at ihahampas ang dalaga sa dingding, ngunit hindi matitinag ang dalaga. Nakatingin lamang ito sa lalaki; wala siya emosyon sa kanyang mukha. Ilang luha ang pipilitin niyang hindi pumatak. VOICE-OVER Sa pakikibaka ng ating mga pagkukulang Makikita natin ang liwanag ng pag-ibig; Duon tayo ay hahagkan ng mga bituin At makikihalakhak ang hangin. Babalik ang babae at ang lalaki sa kanilang kinatatayuan, na tila sumuko na sa mga nagaganap sa kanila. Isang larawan ang papatak mula sa itaas, at dadampi sa sahig. Titingnan ito ng lalaki at tatangkain nyang lapitan ang larawan, subalit magiging mabilis ang dalaga at mauuna siyang kunin ito; pupunitin nya ito ng maraming beses at itatapon sa hangin ang punitpunit na larawan. Tititigan sya ng lalaki, subalit babalik lamang ang dalaga sa kanyang sulok.
17
VOICE-OVER Ikaw na aking tanggulan, moog at lakas Ang siyang dahilan ng kawalan ng pagkakataong Magbago nang hugis ang aking pagkatao, At tumunghay sa langit habang naglalaho Ang natitira kong pag-ibig sa kaluluwa. Lalayo ang kamera sa dalawang tauhan, hanggang sa maglaho ang liwanag sa kanilang dalawa. Exit frame. Credit Roll.
- F I N -
FRANTIC Panulat at Direksyon ni Caloy PeĂąa, MDS
TAUHAN ADAN : 20-30 anyos; may malaki o matipunong katawan; maaari din namang payat o bilugan. Mayroon siyang malamlam na mga matang iisa lamang ang nais – ang mahalin at magmahal. BOSES : Ang taong mahal ni Adan. SEQ. 1 LOOB. GABI. KWARTO Mula sa kadiliman, makikita ang isang maliit na silid. Umaandap ang ilaw (maaaring ang ilaw ay sumasalindayaw). Kabilang sa mga makikita sa loob ng silid na ipakikita ng isa-isa ay isang aklat, mga pira-pirasong papel, isang bolpen, mga laruan, isang sombrero, at mga larawan ng ilang mga tao sa buhay ni Adan. Mayroong mga tshirt at maong na pantalon na nakasabit sa likod ng pinto. Ilang pabalat ng condom ang makikita sa katabing mesa ng kama. Iikot ang kamera at makikitang nakaupo sa isang sulok si Adan, saplot lamang ng kanyang pang-ilalim, subalit sa muling pag-ikot ng kamera, makikitang naglaho na siyang parang bula. Makailang beses iikot ang kamera at makikita ang binata na nakaupo, nakahiga at nakasalampak kung saan-saan sa loob ng silid. Ilang saglit pa ay titigil ang lente sa isang Adan na nagsusulat ng kung anu-anong letra. ADAN Alam mo ba kung bakit magulo ang mundo? Kasi lahat tayo sira-ulo. Pera, posisyon, babae, alak. Putang ina. Lahat ng tao sira ulo. Akala mo lang matino. But the truth of the matter is, lahat
19
tayo nabubuhay sa isang mundong punung-puno ng gaguhan. Ng pagkukunwari. Ng takot. Kasi yun naman talaga tayo. Takot, walang mapuntahan. Naghahabol ng oras. Nagpapakagago sa pagod para sa pera, at pagkatapos ay walang maisip gawin kundi ipagpatuloy ang pagpapakahirap. Kasi gago tayo. We’re all just fucked up. Makailang beses na hahablutin ni Adan ang papel, gugusutin at itatapon kung saan-saan. Maya-maya pa ay puro guri ang kanyang isusulat sa papel. Magsisimula siya sa parahang pagguguri, subalit magiging bayolente ang kanyang pagguri at sa huli ay halos magkabutas-butas na ang papel na kanyang sinusulatan. Titingin sya sa kisame, habang patuloy ang pag-andap ng ilaw. Tatayo ang binata at mahihiga sa kama. Duon, palilipasin niya ang gabi. SEQ.2 LOOB. GABI. SILID/PALIKURAN. Babangon mula sa pagkakaidlip si ADAN. Mauupo siya sa kama at tila nakatingin sa kawalan. Tatayo siya mula sa kama at marahang tatahakin ang daan patungo sa palikuran. Habang naglalakad, unti-unti niyang inaalis ang kanyang saplot pang-ilalim na tila ba may pag-aalinlangan sa kanyang gagawin. Mararating niya ang palikuran matapos ang ilang sandali. Sa loob ng palikuran, marahas ang lagaslas ng tubig mula sa gripo. Ilang sandali pa ay aapaw ang balde at dadaloy ang tubig patungo sa paanan ni Adan. Marahan siyang magsasabon. Pupunuin nya ng bula ang kanyang katawan; makikitang dadaloy ang sabon mula sa kanyang leeg patungo sa kanyang tadyang at likuran. Tutuon siya sa pader at tila mayroong malalim na iniisip. Ilang sandali pa ay kukuhanin niya ang tabo at paliliguan ang sarili–habang ninanamnam ang bawat lagaslas ng tubig sa kanyang katawan. Magsasabon siyang muli ng ulo at tainga, at hahagudin ang kanyang mga balikat,
baywang at tiyan. Hahawakan niya ang kanyang sugat at tititig sa kawalan ng palikuran. ADAN Nung bata pa ako, sabi ng mga tao, gwapo daw ako. Marami daw akong babaeng paiiyakin. Tama sila. Nakakailang puta na rin akong pinaiyak. Ilan sa kanila tinira ko lang, tapos iniwan. Yung iba, minahal ko. Ewan, hindi ko rin sigurado kung minahal ko nga sila. Pare-pareho din naman kasi ang mga babae. Lahat iisa ang gusto. Kunwari magpapakarinyo. Kunwari pa-virgin. Pero pare-pareho din naman ang gusto nila. Ako. They all want me. My body. My soul. Ang buo kong pagkatao. I hate them for that. Ilang mga kamay ang magsisimulang humagod sa katawan ni Adan. Hindi ito alintana ng binata na patuloy na naliligo. Ilang sandali pa ay tapos na siyang maligo. Hindi na niya tutuyuin ang sarili, bagkus ay lalabas ng palikuran ng nakahubad at tumutulo ang tubig mula sa katawan. Patutungo siyang muli sa banyo. SEQ. 3 INT. NIGHT. ROOM Sa loob ng silid, makikitang naghahanap ang binata ng maisusuot na pang-ilalim. Sa wakas, makatatagpo siya ng isang brief na nakasabit sa may bintana. Isusuot nya ito, at babalik na sana sa kanyang kinahihigaan nang may imahe ng isang lalaki siyang makikita sa pintuan. Sa ilalim ng umaandap na liwanag, makikitang may kayakap si Adan sa kama. Makalipas ang ilang andap, nakapaimbabaw ang lalaki kay Adan at hinahagod ang kanyang dibdib. Ilang andap pa, makikitang yakap-yakap ni Adan ang kanyang sarili at pagulung-gulong sa kama. Mamamatay ang ilaw, at sa muling pagbalik ng liwanag, makikitang nakaupo sa isang sulok ng silid si Adan, habang habang ang hindi pa nasisindihang sigarilyo.
21
Tila may hinihintay siyang makipag-usap sa kanya. Sa wakas, mababasag ang katahimikan. BOSES Kailan mo sasabihin sa kanila? ADAN Ang alin? (habang pinaglalaruan ang sigarilyo) Kailangan pa bang ipaalam sa kanila? BOSES Hindi ba’t yun naman ang gusto mo? Ang ipakilala ako sa kanila? ADAN Para ano? Kutyain ako? BOSES Ikinahihiya mo ako? ADAN (titingin sa pinanggagalingan ng boses) Mahal kita. Hindi kita ikinahihiya. BOSES Kung ganun, kelan mo ako ipapakilala sa kanila? Hindi makakasagot si Adan. Bagkus ay babalik ito sa higaan at hihiga sa isang sulok. Makikitang lulubog ang kabilang bahagi ng kama na tila may humiga. Haharap si Adan sa katabi. ADAN Hindi pa sila handa. BOSES Sila... o ikaw? Magbabago ang itsura ni Adan na tila nag-aalimpuyo ang kalooban. Tatalikuran nya ang kausap at matutulog sa
ilalim ng umaandap na liwanag. SEQ. 4 LOOB. GABI. PALIKURAN. Makikita sa loob ng palikuran si Adan. Basang-basa siya subalit nakatitig lamang sya sa pader at walang ginagawa. Isang kamay ang dadantay sa kanyang balikat. ADAN Hindi ka na dapat nagpunta dito ngayon. BOSES Hindi mo pwedeng diktahan ang maaari at hindi ko maaaring gawin. ADAN Hindi pa ako handa. BOSES Handa na ako. Mamamatay ang ilaw. Sa pagbalik ng liwanag, makikita ang nakahandusay na si Adan sa sahig, sa harap ng isang salamin. Isang pares ng mga paa ang maglalakad palapit sa kanyang kinahihigaan. Sisilip ang lalaki sa salamin at makikita ang mukha ni Adan, at ngingitian ang sarili. ADAN Patawad, Adan. Subalit ngayon, mas kailangan ko ang katawan mo kaysa mahina mong pagkatao. Exit frame. Credit Roll.
- F I N 23
BUKANLIWAYWAY Panulat at Direksyon ni Caloy PeĂąa, MDS
TAUHAN: MARTIN : Nasa 20-30 anyos; katamtaman ang pangangatawan; moreno; may malamlam na mata; may balbas, mabalahibo LUCAS : Nasa 20-30 anyos; malaki ang pangangatawan; mapusyaw ang kutis; katamtaman ang haba ng buhok SEQ 1. INT. KWARTO. MADALING-ARAW. Sa loob ng isang maliit na silid, dalawang lalaki ang magkatabi sa isang maliit na kama. Parehong saplot lamang ay kanilang pang-ilalim, tahimik silang nakatitig sa kisame. Sa labas ng bahay, samu’t saring mga ingay ang maririnig subalit hindi nila ito alintana. Mananatiling tahimik ang dalawa hanggang sa magdesisyong basagin ng una ang katahimikan. MARTIN Kelan ka ulit pwede? Bukas? Sa makalawa? Mananatiling tahimik si Lucas, habang nakangiti at nakatitig sa kisame. MARTIN Gusto mong kumain? May natira pa akong giniling dyan. Hahawakan ni Lucas ang kamay ng kasama niya, pipisilin ito at ilalagay sa kanyang dibdib. LUCAS Hindi ako nagugutom.
MARTIN Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, Lucas. LUCAS Pwede naman ako sa makalawa. Pero alas-diyes pa ang labas ko; kapag nagkataon, mga alas-onse na ako makakarating dito. Kaya mo ba akong hintayin? MARTIN Oo naman. (haharap kay Lucas) Pwede din naman kitang sunduin sa trabaho. LUCAS Wag na. Hindi naman kailangan. Madali lang naman ang byahe papunta dito. MARTIN Kumusta na ang mag-ina mo sa Nasugbu? Yung panganay mo, magaling na? LUCAS Okey na si Mon. Nilagnat lang ng ilang araw. Nagkasipon kasi. MARTIN Mabuti naman. Akala ko kung napano na ang bata. (hihiga siya sa dibdib ni Lucas) Si Carmen, kumusta? (nakatitig na ang lalaki sa mga mata ni Lucas) Nakahanap na ba siya ng trabaho? LUCAS Wala pa. Naghahanap pa din. (Dadampian ng isang halik si Martin sa noo) Hindi ko naman siya pinagmamadali. Tahimik silang magkayapos habang patuloy ang ingay sa labas. Maya-maya pa ay babalik si Martin sa kanyang bahagi ng kama. 25
LUCAS Si Manuel, kumusta? MARTIN Ayun, hindi ko pa din makumbinsi na pumunta dito. (matatawa sa sarili) Masyado nya kasing mahal ang pagtuturo nya. Hindi nya maiwan-iwan. Parang ako na yata ang iiwan. (matatawa) LUCAS Saan ba’t makukumbinsi mo din syang sumunod sa iyo dito. May makikita namang siyang trabaho dito. MARTIN Alam ko. Pero parang wala na kasing pupuntahang direksyon ang buhay nya kundi ang magturo lang nang magturo habambuhay. Minsan nga naitanong ko sa kanya, hindi ba sya napapagod? LUCAS Ano’ng sabi nya sa iyo? MARTIN Hindi daw. Yayakap si Lucas kay Martin, na nagdesisyong tumalikod muna pasumandali. Malalalim na buntong-hinnga ang maririnig kay Martin; susubukan siyang aluin ni Lucas. Ilang sandali pa, animo’y nakatulog na si Martin. LUCAS Martin? MARTIN (animo’y tulog) Hmm? LUCAS Mapapatawad kaya tayo ng langit?
MARTIN Patawarin saan? LUCAS Sa lahat-lahat. MARTIN Wala tayong kasalanan, Lucas. Sa palagay mo ba, may kasalanan tayo? LUCAS Wala akong nakikitang mali. MARTIN Bakit ka nagtatanong? Magdidilim ang kwarto sa pagpatay ni Martin ng lampara sa kanilang tabihan. Exit frame. Credit Roll.
- F I N -
27
KUNG SAAN PAYAPA ANG DAIGDIG Panulat at direksyon ni Caloy Peña, MDS
TAUHAN PAOLO : Ang may-ari. mga 20-25 taong gulang. Matangkad. Matipuno at may bilugang mukha. Katamtamang haba ng buhok. SANCHO : Ang maloko. mga 25-30 taong gulang. Mukhang basagulero. May mas malaking katawan, kumpara sa tatlo. May kaitiman at magulong buhok. Siya ang pinakamatanda sa apat. ALEX : Ang pinakabata sa kanilang apat. Mga 18 taong gulang. Katamtamang pangangatawan at tangkad. RUSTY : Ang tahimik sa apat. Mga 25-30 taong gulang. May katabaan, subalit kasing gilas ng natitirang tatlo. SA LABAS AT LOOB NG KOTSE. BAKANTENG LOTE. HAPON. Makikitang umiihi sa labas ng kotse si Sancho, habang nasa loob naman ng kotse si Paolo na siyang nasa harapan ng manibela. Halatang balisa si Paolo, at naiinis dahil masyadong matagal si Sancho. Sa background, maririnig ang tunog ng radyong nagpapatugtog ng isang lumang awitin. MNahimbing na natutulog si Alex sa likod, katabi ni Rusty na may kung anong pinagkakaabalahan sa kanyang telepono. PAOLO (Mula sa kotse; halatang inis) ‘Tang ina, matagal pa ba yan? Isang balde ba’ng ininom mo kagabi? Ni hindi ka nga naka-apat na bote, tinulugan mo pa kami!
Pinatatagal ni Sancho ang pag-ihi. Makikitang hinubo nya ang kanyang pantalon at pinagegewang ang beywang upang paglaruan ang pag-ihi. Titingnan ni Paolo ang dalawang kabarkada na nakaupo sa backseat, gamit ang rear view mirror. Magkakatingnan sila ni Rusty. Ilalayo ni Paolo ang kanyang tingin. SANCHO (Mula sa labas ng kotse) Malapit na ‘to! Yahoo! (Hihiyaw sa katuwaan sa ginagawa) Nakatitig sa kawalan si Paolo na tila malalim ang iniisip. Paandarin na niya ang makina at lalakasan ang volume ng radyo. PAOLO (Kay Sancho) Kupal ka, iiwan kita dyan pag hindi ka pa natapos! Inaantok na ‘ko! Sa kabila ng sigawang ito, hindi magigising si Alex, bagkus lalo lang syang sisiksik sa kinatatayuan. Si Rusty naman, makailang beses titingin sa labas ng bintana. Maya-maya, magsisindi ito ng sigarilyo. Makikitang lahat ito ni Paolo gamit ang side mirror, subalit wala pa ding magsasalita sa loob ng kotse. SANCHO (Habang palapit sa kotse) Nariyan na! Eto naman, para umiihi lang yung tao. (Papasok si Sancho sa kotse at uupo sa tabi ni Paolo) Oh, tara na! (Tatapikin ng malakas ang dashboard ng kotse) Rakenrol! PAOLO (Mapapailing) Tarantado ka talaga.
29
SANCHO (Titingnan ng paloko si Paolo) Ikaw naman… Labyu, Papa Paolo! (Hahagalpak ng tawa. Babaling sya sa likuran at papansinin ang dalawa) O nakatulog na yung beybi! RUSTY Gago, hayaan mong makatulog, Sancho, at hindi naman sanay uminom yan. (magbubuga ng usok sa labas ng bintana) Papatayin ni Paolo ang makina ng sasakyan. SANCHO (Kay Paolo) O, akala ko ba nagmamadali ka? (Kay Rusty) Sya naman naghanap ng inom kagabi. Siya pa nga itong nangumbida, di ba? Mahina pala sa inuman ‘tong bata natin eh (tatawa) Kahit ata gahasain ‘to hindi magigising! Mapapatingin si Paolo kay Rusty. Hindi ito papansinin ng huli. Mapapansin ni Sancho ang katahimikan sa loob ng sasakyan. SANCHO ‘Tang ina nyo, ang aarte nyo. (Lalakasan ang radyo) Makapag-music na nga lang. (Ililipat nya ang istasyon hanggang makahanap ng rock music) Lalakasan ni Sancho ang radyo at animoý kinakanta ang tugtugin. Mananatiling tahimik si Paolo at Rusty. Maya-maya paý babasagin ni Paolo ang katahimikan nilang dalawa. PAOLO May yosi ka pa ba dyan, Rusty? Tatango ang isa, at iaabot ang stick ng sigarilyo at lighter kay Paolo. Kukunin nya ito, sisindihan gamit ang lighter at ibabalik ang pansindi kay Rusty.
Katahimikan, sa kabila ng maingay na pagkanta ni Sancho. RUSTY Pahangin lang ako saglit. (Akmang bubuksan ang pinto ng kotse) Naiihi na din ako. PAOLO Sama na din ako sa ‘yo. Nadyi-jingle na din ako. Titingnan sila ni Sancho. Matatawa ang nakatatandang binata. SANCHO Kanina lang pinagmamadali nyo ‘ko. Tapos ngayon naman kayo pala magpapatagal? (Tatawa-tawa) Puta, ang sweet nyo naman. Sabay pa kayo iihi!? (Iiling-iling pagdakaý patuloy na kakantahin ang pinapatugtog sa radyo) Hindi siya papansinin ng dalawa na maglalakad palayo mula sa kotse. Ilang hakbang palayo sa kotse, maririnig ang boses ni Sancho na kumakanta. Magsisimulang magusap ang dalawa habang humihithit-buga ng sigarilyo. PAOLO Ano’ng gagawin natin? RUSTY Wala. Wala naman tayong dapat gawin. PAOLO Hindi tama ‘to. RUSTY Ngayon pa ba tayo magsisisihan? PAOLO Hindi naman ako naninisi. Ginusto natin ‘to. 31
RUSTY Ginusto mo. PAOLO Nakisali ka. RUSTY Pinasali mo ‘ko. PAOLO Hindi kita nagpapilit. Ginusto mo. RUSTY (Malalim na hininga) Mauubos ang sigarilyo ni Rusty. Magsisindi sya ng isa pa. Katahimikan. Babasagin ito ni Paolo. PAOLO Pa’no na ngayon? RUSTY Ano’ng pa’no? PAOLO Pa’no natin aayusin ‘to? RUSTY ‘Wag na lang nating pag-usapan. PAOLO ‘Tang ina, Rusty, pwede ba yun? (Halatang inis) RUSTY (Nakatingin sa kawalan) Pwede yon. Mauunang bumalik si Paolo sa kotse. Maiiwan si Rusty sa kinatatayuan nya. Uubusin nya ang kanyang hinihithit na sigarilyo. Magbubukas ito ng zipper at iihi. Pagkatapos ay babalik na din sa kotse.
Pagbalik ni Rusty sa kotse, nakaupo na si Paolo sa harap ng manibela. Nagsisigarilyo si Sancho. Tulog pa din si Alex sa likuran. Papasok si Rusty sa loob ng kotse. Katahimikan. Babasagin ito ni Sancho. SANCHO ‘Wag kayong mag-alala. Hindi ko naman kayo ilalaglag. Mapapatingin si Rusty kay Sancho. Ngingitian siya nito. SANCHO Akala nyo lang lasing ako kagabi. Alam ko lahat nang nangyari. Nakita ko kayong dalawa... Kayong tatlo. Ayos lang yan. Part of growing up! (Matatawa sa sarili) Kaya lang kawawa sa inyo yung bata. Umiiyak na, nagmamakaawa na, hindi pa kayo tumigil. (Hihithit ng sigarilyo) Sabagay, kanya-kanyang trip yan. Mukhang ginusto din naman nya nung pahuli na. Katahimikan. SANCHO Tang ina, si Rusty may pag-ungol pang nalalaman (Tatawa) Hindi siya papansinin ni Rusty. PAOLO Lasing ka lang, Sancho. Di mo alam sinasabi mo. SANCHO (Matatawa) Ikaw na din nagsabi. Wala pang apat na bote ang nainom ko kagabi. (Hihithit) Baka nga hindi ko alam ang sinasabi ko, pero alam ko ang nakita ko. Pero ‘wag kayong mag-alala. Atin-atin na lang ‘to. 33
Tatapikin ni Sancho si Paolo sa balikat. Iiiwas naman ng huli ang balikat nya. Sa likuran, halatang balisa na si Rusty. Babasagin nito ang katahimikan. RUSTY Ginusto nya naman. S’ya nauna. SANCHO (Tatawa-tawa) Wat eber, pare! (Tatawa) Wat eber. RUSTY (Kay Paolo) Tara na. Gumagabi na. Baka hinahanap na ‘tong si Alex sa kanila. Akmang paaandarin na ni Paolo ang kotse ng maalimpungatan si Alex. Mag-iinat ito ng kaunti at titingnan ang tatlong kasama. Matitigilan ito. Halatang hindi ito kumportable, at aayos ng pagkakaupo, subalit magdadahan-dahan sa pag-aayos ng upo na animoý may nararamdamang sakit. SANCHO Sanayan lang yan, bata. Titingnan ni Paolo si Sancho ng matalim na titig, subalit hindi sya papansinin ng huli. Titingin sa labas ng bintana si Alex. Aalukin sya ng sigarilyo ni Rusty. Kukuha ang binata, magsisindi at magsisimulang humithit. ALEX Ilang oras akong nakatulog? RUSTY Maghapon. ALEX Ano’ng oras na?
RUSTY Alas-singko. ALEX (Kay Paolo) Baka pwede na tayong umuwi. PAOLO (Tatango at aakmang paandarin ang kotse) SANCHO (Babaling kay Alex nang nakaumis at tatapikin siya sa hita ng malakas) Masakit pa ba, bata!? Hindi na makakatimpi si Rusty, at iipitin ang leeg ni Sancho gamit ang kanyang bisig. RUSTY Tarantado ka talaga, Sancho! Magkakagulo sa loob ng kotse. Pipigilan ni Paolo si Rusty, habang sinasakal si Sancho na hindi na halos makahinga. Sa gitna ng kaguluhan, magsasalita si Alex. ALEX Tama na yan! Matitigilan ang tatlo. Bibitawan ni Rusty si Sancho na mag-aayos naman ng kanyang suot at magbabanat ng leeg. ALEX Umuwi na tayo. Tapos na. Nangyari na. (Hihithit) Umuwi na tayo. PAOLO Pag-usapan natin (mapuputol ang pagsasalita)
35
ALEX Parang awa mo na, pare. Umuwi na tayo. (Titingin sa kalayuan, at magsisimulang tumulo ang luha) Dahan-dahang uusad ang kotse paalis ng bakanteng lote. Aalingawngaw sa background ang lumang awitin na kaninaĂ˝ nasa radyo, at ang huni ng mga kuliglig. Magdadapit hapon na. Exit frame. Credit Roll.
- F I N -
30
sais ANG MANUNULAT
Kasalukuyang kumukuha ng kanyang doctorate sa Educational Management, nakatapos si Carlo ng kanyang master’s degree sa kursong pangkaunlarang pag-aaral. Sya ay may-asawa at isang anak na ipinangalan sa kanya. A facilitator by training, Carlo is pursuing a doctorate in Educational Administration, and has finished a master’s degree in development studies. He is married with one daughter named after him. http://www.issuu.com/carlovenson/docs All rights reserved © Written in East Coast, Singapore
37
happyhoursproductions
Š
2015