LIFTOFF
value
Gantimpala sa Nananampalataya
Nakatitig siya sa kanyang reviewer habang inihahanda ang sarili para sa gaganaping pagsusulit. Isang mataimtim na panalangin ang kanyang binulong habang papasok ang gurong magsisilbing proctor sa araw na iyon. Hawak-hawak ang bolpen, nakangiti niyang sinagot ang mga tanong na pinaghandaan niyang sagutin ilang araw na ang nakalipas. “Magiging RMT rin ako,” bulong niya sa sarili. Lingid sa kanyang kaalaman na may dalawang malalaking gantimpala palang nag-aabang para sa kanya. Isang bagong tala sa makulay na kasaysayan ng Central Philippine University ang pagkakaroon ng College of Medical Laboratory Sciences ng kanilang kauna-unahang Summa Cum Laude at, kasama nito, ang pagsungkit ng pang-apat na pwesto sa Medical Technologist Board Examination noong Marso. Lahat ng ito ay naisakatuparan ni Daryl Jasyl Lim Cañon. Si Daryl ay 21 taong gulang na residente ng Oton, Iloilo. Siya ay nagtapos sa kursong BS-MLS bilang Summa Cum Laude noong Hunyo 24, 2018 at nakakuha rin ng 1.23 na General Weighted Average (GWA) at markang 90.40% sa board exam. Panganay sa dalawang anak ng isang nars at isang taxi driver, hindi naging madali ang kanilang pamumuhay. Ayon kay Daryl, ang lahat ng sakripisyo ng kanyang mga magulang ang nag-udyok sa kanya upang lalong maganyak sa pagsulong. Ang suporta ng kanyang pamilya at ng kanyang mga kaibigan ang naging inspirasyon niya para bumangon tuwing siya ay pinanghihinaan ng loob. Wala daw mapagsidlan ang tuwa at saya ni Daryl
26
TEKSTO NI
Jiselle Yanson DIBUHO NI
John Pel Bañares
Daryl Jasyl Lim Cañon R EGISTER ED MEDI C AL TEC HN OL OGIST
noong inihayag ng kanilang dean ang mga pangalan ng mga mag-aaral na mabibigyan ng parangal. Halos hindi raw siya makapagsalita o ni makagalaw man lang sa mga sandaling iyon. Tuwing babalik ang alaala niya ng araw na iyon ay napapangiti na raw lamang siya at muling nabubuhayan ng loob. Habang hinihintay ang paglabas ng resulta ng board exam, ang paglalaro ng Mobile Legends ay naging isang paraan upang mawala ang kanyang kaba. Paglabas mismo ng resulta't natagpuan ang pangalang niyang napabilang sa mga nangunguna sa listahan, halos hindi siya makahinga ng maayos sa sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso at hindi napigilang mapahiyaw sa kagalakan. Ayon sa kanya, wala siyang maibibigay na tips o life hacks o maibubunyag na sikreto kung paano niya naabot ang mga karangalang natanggap kundi pawang pananalig sa Maykapal ang kanyang baon. Itinuturing niya ang lahat ng mga pangyayaring ito bilang biyaya, THE
CENTRAL
ECHO
MAGAZINE