LIFTOFF
value
Mga Guhit sa Bahaghari TEKSTO NI
Francis Mathew Gappe MGA RETRATO NI
Rachel Beatizula
Likas sa ating mga Pinoy ang magkaroon ng kayumangging balat. Kadalasang maituturing na naiipit tayo sa kalagitnaan ng pagiging maputi at pagiging maitim. Itinuturing pa nga ito ng iba na pagiging moreno o morena. Ngunit, ganoon na lang siguro tayo ka malikhain na nagkaroon ng iba’t ibang kulay ang pagiging kayumanggi. Naranasan mo na rin sigurong makumparahan ng kulay ng balat. May magsasabing ‘Uy mas maputi ako’ o di kaya ‘Ay parang umitim ka.’ Dahil likas sayo ang pagiging palaban, bigla mo na lang hahanapin ang pinakamaputing parte ng iyong balat. Iaangat ng bahagya ang damit, ipapakita ang hindi nasisikatan ng araw na balat na malapit sa braso at muli na namang ikukumpara upang malaman kung sino ang tunay na maputi. Nakakatawa dahil nagpapakita ito kung gaano tayo ka mabusisi upang matukoy ang iba’t-ibang kulay ng kayumanggi. Ngunit sa kasamaang palad, tayo-tayo ding mga Pilipino ang naghahanapan ng mga bagay na ikakasama ng ating loob at ng ating kapwa. Ang mga Ulap sa Bahaghari “Colorism”- isang uri ng diskriminasyon na pawang sa kulay ng balat, hindi kabilang kung saan at anong lahi siya nagmula. Kadalasan, makakarinig tayo ng mga salitang ‘nognog’, ‘kasing-itim ng uling’ ‘negro’ o ‘negra’ o di kaya’y ‘taga-bundok,’ iilan lamang sa mga ginagamit na pangungutya na maririnig natin sa ating kapwa. Hindi rin ligtas ang mga mapuputi, minsan ay nasasabihan din sila na parang sobrang putla, parang mayroong sakit at ang pinaka-karaniwang sinasambit ay ‘Hindi naman maganda, sadyang maputi lang, kung iitim ‘yan, mas maganda pa ako diyan.’ Ngunit ang kadalasang biktima ay ang may mga maiitim na balat. Mabilis matukoy ng iyong kapwa Pinoy ang pagababago ng kulay ng iyong balat. Tulad na lamang kung ikaw ay madalas nabibilad sa araw, tulad ng mga atleta o mga manggagawa, malamang ay narinig mo na ang mga karaniwang salita ng madla. May magsasabi na ‘Uy, parang umitim ka ata,’ o ‘Nagswimming ka?’ Pero may mga pagkakataon na nagiging personal na ang bagay na ito na nalilimitahan ang iyong mga kilos at ang mga taong gusto makihalubilo sa iyo. Hindi rin natatapos ang ganitong mga biro, dahil kahit sa ating mga tahanan ay nagaganap ito. Baka isa ka rin sa mga biktima na nasabihan na ampon ng iyong mga nakatatandang kapatid dahil naiiba ang iyong kulay. Madalas kang sinasabihan na kamag-anak ng mga ‘Ati’ o ‘Badjao.’ Kahit sabihin pa natin na biro
38
THE
CENTRAL
ECHO
MAGAZINE