10 minute read
Kumpas ng Pinsel sa Pader na Kupas
sulat ni: MDPN. JAN CHRISTIAN L. CATILO mga larawan ni: MDPN. JOHN FRANCIS M. BABIERA
Lumang Iloilo, Sentro ng Komersyo
Advertisement
Habang binabaybay ang Calle Real ng Downtown Iloilo (Dalan JM Basa) at masiglang Socorro Pharmacy, batid ng mga dumadaan ang kanluraning arkitektura na nagpapahiwatig ng malakas na pagkahumaling, pagkakaugnay at tapat na debusyon ng Metro Iloilo sa kanyang hitik na kasaysayang kolonyal. Isang matatag na port city, ang lungsod ng Iloilo ay lumago sa pamamagitan ng export ng tela at kalaunan bilang isang shipment hub para sa asukal.
Ang karamihan sa mga gusaling pang komersyal sa panahong kolonyal ng mga Amerikano ay nakaligtas sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nasaksihan ng mga pundasyon ng konkretong pader ang paglaki nito bilang isang Cosmopolitan Hub at ang hindi maiiwasang paghina nito nang lumaon.
ARTIVISM Abala ang lahat, hilihilerang kariton at mga mesa sa gilid ng daanan, mga nagtitindang nanghihikayat sa mga bumibili, at abot kayang mga presyo – ito ang sitwasyon sa pang araw-araw na Calle Real. Dinadayo pa rin ang lugar na ito ng mga tao dahil sa bagsak presyong kalakal. Hindi alintana na ang nakaligtaang Downtown ay unti-unting nagiging makulay hindi lamang dahil sa pagbabalik ng komersyo at tao kundi dahil narin sa bukal na puso ng mga alagad ng sining na pagpipinta sa mga punas na pader ng mga lumang estruktura ng Calle Real. Artivism: Sining ng Pagbabago Kilala ang pangkat bilang Artivism, isang komunidad na mula sa mga lokal na grupo ng sining sa lungsod ng Iloilo na ang layunin ay magdala ng nakaka-enganyo at collaborative na sining sa puso ng lokal na komunidad. Ang art initiative na ito ay alinsunod sa pagdiriwang ng Iloilo Arts Festival kung saan kasama ng Artivism ang lokal na Pamahalaang Lungsod ARTIVISM ng Iloilo sa pag promote ng street art sa mga Ilonggo. Nakaangkla ang Iloilo Arts Festival sa temang, “Ang Kan-on Mapilit,” na nagbibigay-diin sa diwa ng pagtutulungan, pagtulay sa kasaysayan at kontemporaryong lipunan sa pamamagitan ng pagbibigay halaga sa kalakhang lungsod. “Dinanadala namin ang sining palapit sa masa, malayo sa sining ng mga mayayaman na kakaunti lamang ang makakaappreciate. Organic ang aming tagasuporta, walang bayad o binabayaran, mula sa puso ang aming alok na libangan na sining para sa karaniwang Ilonggo,” sabi ni Ginoong Mar, isa sa mga nagpatukod ng Artivism na layon ng grupo na buhayin ang pagbabago sa puso ng Pilipino gamit ang sining. 32
Hamungaya – Tayo ay Pinagpala!
Pinarangalan ni Luke$, isang graffiti artist, at Kyle Francis Dile, isang muralist, ang mga nagtitinda, maglalako at mga maliliit na negosyante sa Downtown Iloilo. Binigyan nila ng puri ang pagsisikap ng mga nagtitinda sa araw-araw nilang trabaho. “Hamungaya” dahil ang Iloilo mula sa simula ay likas na masagana; dumating man ang pandemya, nawalan ng hanapbuhay ang mga tao ngunit pinagpala parin ang Iloilo dahil dahan-dahang bumabalik ang sigla ng komersyo.
“Sumabay tayo sa agos ng panahon. Unang-una, manalangin tayo. Nasaan ka man, mayroong Diyos na kasama at nasa loob mo,” sabi ng isang nagtitindang si Tiyay Erlinda, isang tindera ng mga prutas, isa sa daan-daang nagbebenta ng samu’t saring kalakal sa Downtown Iloilo.
ivi sm art
Padayon sa Pag-ahon
Kinikilala at pinarangalan ni 3PM (Graffiti artist) at Noel Epalan Jr. (muralist) ang kahalagahan ng mga kasanayan at serbisyo sa paggawa ng kamay; mga mano-manong kabuhayan katulad ng pag-aayos ng sapatos, pagdodoble ng susi, paggawa ng rubber stamp, at marami pang iba. “Dati, ang tatay ng lolo ko ay nagkukumpuni na ng mga sapatos. Ang gawaing ito ay nakaukit sa kaloob-looban ko mula pagkabata hanggang sa ako ay tumanda. Ito ang aking trabaho mula pa noong ang aking mga anak ay nasa paaralan pa lamang. Sana bumalik dito ang mga kasama kong nagkukumpuni ng mga sapatos” saad ni Mang Migo, isang repair man sa Downtown Iloilo na bihasa sa sapatos, zipper, at iba pa. ARTIVISM Kulayan ang Haligi ng Bukas Sa mga hindi alintanang lugar tulad ng mga lokal na komunidad kung saan ang mga ordinaryong tao ay humaharap at sagad sa realidad ng lipunan makikita ang tunay na bayanihan. Mga katotohanan na pinalalakas hindi KYLE FRANCIS DILE muralist
LUKE$ graffiti artist 3PM NOEL EPALAN graffiti artist muralist
RED GICO installation artist larawan mula sa: Artivism Iloilo Facebook Page
ng mga tinig o ng mga pwersa, ngunit sa pamamagitan ng Ang Magtanim ay Di Biro Sino kaya ang hindi magtataka na ang mga panakot, o tawo tawo sa Hiligaynon, na karaniwang matatagpuan sa gitna ng palayan, ay biglang nagsilipana sa Sunburst Park? Ang Tawo tawo ay tradisyunal na ginagamit upang panangagala mula mga ibon at mga peste. Ito ang naging inspirasyon ni Red Gico sa kanyang installation art. Nagsisilbi itong paalala ng mga hamon sa agrikultura ng ating mga magsasaka. Isang representasyon ng mga paghihirap na kanilang kinakaharap bilang resulta ng mga pagbabago sa klima at iba pang salik na hindi maiiwasan. ARTIVISM mga radikal na paggalaw upang gumawa ng isang pahayag at pagsama-samahin ang mga tao sa isang mas malaking layunin. Ang pagkakaiba-iba at pagsasama-sama ay nasa ating mga puso. May inspirasyon ng makulay na pagbabalik ng Downtown Iloilo City; pagkilala ng iba’t ibang realidad ng buhay, pagpupursige, pagsulong, kahirapan, at praktikal na karunungan mula sa ating mga ninuno. Mula ngayon ay ipapakita na ng iba’t ibang komunidad tulad ng Artivism ang pagsulong sa pagbabago– kinakatawan ang kadakilaan upang parangalan ang nakaraan, pahalagahan ang kasalukuyan at ipinta ang hinaharap. 33 Volume 62 Number 1
PRODUKTO
Pinas, Kape ‘Kita’
sulat at larawan ni: MDPN. JAN CHRISTIAN L. CATILO ilustrasyon ni: MDPN. FRANCIS C. BALDEMOR
Ikaw, para kanino ka bumabangon?
Para kay Mang Toni Colacion, gumigising siya para sa kanyang pamilya, nagsisikap para sa kanyang dalawang anak na nasa kolehiyo, lumalaban sa hindi mapagkakailang mapait na kapalaran ng kanyang buhay. Isa siya sa mga padre de pamilyang araw-araw ay nasa ilalim ng sikat ng araw, palaging nasa madamo at masukal na bukirin, kumakayod at nagbabanat ng buto para may pangtustos lang sa kanyang mag-anak.
Isang magsasaka ng kape mula sa Brgy. Kabatangan Lambunao, Iloilo si Mang Toni. Kagaya niya ang milyon-milyong Pilipinong mahilig sa kape, sabay sawsaw ng pandesal na nagsisilbing agahan na nakatatak na sa kulturang Pilipino. Kape ang kanyang nagsisilbing pampalakas bago harapin ang realidad ng buhay. Isang masipag lahi, palaging maagang gumising kahit pa takipsilim, bitbit ang kanyang tasa, dakma ang kanyang mga mithiin.
Aniya ni Mang Toni na sumasalamin sa saloobin ng bawat Pilipinong manggagawa, “Kape lang, sapat na sa bukang liwayway”.
Subalit masarap nga ba talaga ang kapeng Pilipino? Hindi maipagkakaila na halos lahat ng kapeng iniinom ng karaniwang mamamayang Pilipino ay deistik o 3in1 na nabibili sa mga tyangge, naka-pakete at handa nang itimpla sa mainit na tubig - instant kumbaga, madaling hanapin at higit sa lahat, mura. Nakaugalian natin ito dahil sa mabilis na takbo ng buhay sa makabagong panahon, wala na tayong oras tumikim at mahumaling sa awtentik na kape dahil sa nakakalungkot na katotohanan na ito ay mahal at pili lamang ang makakabili nito. Katunayan ito ng realidad kung saan nangingibabaw ang murang produkto ng mga malalaking kumpanya katulad ng Nestle at Starbucks.
Malakas ang demand ngunit unti-unting lumiliit ang bilang ng mga magsasakang nagtatanim at umaani ng kape dahil mahirap mag-alaga ng puno ng kape. Sa sitwasyon ng mga maliliit at local na magsasaka, isaisang pinipitas ang prutas sa matataas na mga sanga, hindi pa banggit and masukal at matarik na taniman. Malayo kung kukumparahin mo sa mga malalaking kumpanya o pabrika ng kape na may malawak na lupain kung saan mapanatili nila ang saktong haba ng sanga. Sagana pa ito sa mga pataba at may mga makinaryang ginagamit upang mapadali ang trabaho.
Kung susuriin ang kasaysayan, ang unang puno ng kape ay dinala sa Lipa, Batangas noong 1740 ng dalawang Pransiskong prayle, kung saan ang dalawang Pilipino ay tumulong na palaguin at paramihin ang mga buto ng Liberica, mas kilala sa pangalang Barako. Kumalat ang Liberica sa mga karatig-bayan kasama na ang iba pang uri ng kape katulad ng Arabica at Robusta at nang tumagal ay buong Pilipinas. Ang Liberica ay kilala sa tawag na ‘kapeng barako’ o ‘kapeng pangmacho o pang-matapang’ dahil matapang at mapait nitong lasa at Datapwat na wastuhin na ang tipikal na tinatawag na puno na kape na “native” sa mga lokalidad ay napasailalim sa uri ng Robusta dahil sa mas marami at pulupong ito kung mamunga kung ikukumpara mas maikli ang butil nito sa Arabica na karaniwan namang nakatanim at makikita sa matataas na lugar katulad ng Benguet at Baguio, ito ay mas mahal at kadalasan itong ginagamit ng mga barista.
Kung tatanungin ang tunay at dalubhasa sa masarap na kape, taliwas ang kapeng de-istik o 3in1 sa pagkakakilanlan at pinanggalingan ng kapeng Makabayan, kapeng tumatangkilik sa sariling atin, kapeng mula sa ating mga magsasaka at tunay na
may kalidad na kape. Ibinahagi ni Ginoong Ariel Lastica, isang miyembro ng PHILCAFE (Philippine Coffee Advancement and Farm Enterprise), isang nongovernmental organization kung napapasailaim niya bilang tagapangasiwa ang buong Western Visayas na may layon na pataasin ang kalidad ng kape gamit ang nararapat at wastong pamamaraan sa pag-produce ng kalidad ng kape upang madagdagan ang kita ng malaking margin ng mga lokal na Pilipinong magsasaka ng kape. Nagbibigay daan ang PHILCAFE sa mga magsasaka upang pagdugtungin sila bilang supplier sa target market ng kalidad na kape kung saan makabawi at wasto ang kalakalan sa pagitan ng dalawa nang libre at kanila lamang .
Proseso sa Kalidad na Kape
Batay sa kaalaman na binabahagi nina Ginoong Ariel sa PHILCAFE, nagsisimula ang paggawa ng kalidad ng kape sa pagtatanim ng puno pa lamang, kailangan kalidad ang pinanggalingan ng buto ng kape hanggang sa ito ay lumaki. Inaalagaan ang puno hanggang sa ito ay mamunga, pinuputol ang sanga kung ito ay mataas at hindi na abot kamay ng magsasaka. Sa papitas ng prutas, kailangan na ang pula at hinog na bunga lamang ang kinukuha, dahil ito ang naglalaman ng matamis sangkap na kailangan sa masarap na pagtimpla ng kape. Mula pagpitas ay kailangan itong ilublob sa tubig upang llumutang ang mga rejects na bunga at ang mga lumubog ay agarang patuyuin sa elevated waste bed at hindi kung saan saan na ari itong pamahayan ng fungus o mold na labis na nakakaapekto sa lasa ng kape. Halos dalawang linggo itong ibibilad habang kada dalawang oras inuukay upang pantay ang pagkakatuyo.
“Ano ang kinabukasan ng Kape? May malaking prospect ang Pilipinas sa tatlong produkto: sa niyog, kakaw at kape. Ang niyog at kakaw sa ngayon ay may malakas at magandang lagay na sa produksyon dahil natututo na ang mga tao at magsasaka sa magandang pagpapalaki at pag-aalaga nito. Ngunit ang kape ay nakakaligtaan. Malaki ang future prospect pero dominated tayo ng mga banyaga sa market. Ang mga pira-piraso na quality coffee dito satin ay iniexport natin sa labas. Pero, ang mga nasa sachet na kapeng ating iniinom ay commercial low quality na nirereject ng ibang bansa. Kaya ang lasa ng kape na ito ay puro pait na lang at wala nang masarap na lasa, kalimitan itong kinukubli gamit ang mga pampatamis o paghalo ng gatas” sabi ni Ginoong Ariel.
Isinusulong ng PHILCAFE ang tama at makabagong klasipikasyon ng kalidad ng butil ng kape. Tiwali sa nakasanayang class A, B, C ng Nestle. Sila ay ang una, commercial coffee na pinakamura sa lahat, ikalawa ay ang Premium Robusta/Arabica na malakas ang demand sa kasalukuyang market, at ang panghuli na ang pinakamahal na Fine Robusta at Specialty Arabica. Host din ang PHILCAFE ng Philippine Coffee Quality Competition na nag iimbita ng mga banyagang at lokal na bihasa sa kalidad at lasa ng kape kung saan ino-auction ang mga produktong kape ng iba’t ibang lokal at maliliit na Pilipinong Magsasaka.
Patuloy din silang nakikipag-ugnayan sa Department of Trade and Industry para sa market integration at Department of Environment Natural Resources sa pagtatanim at mga lokal na kooperatiba na kinabibilangan ng mga maliliit na magsasaka.
Kapit kamay ng PHILCAFE bilang isang NGO ang pamahalaan sa pagsulong ng kalidad na kape sa mga nagtatanim at kumukonsumo rito. Mula sa isang hitik na kasaysayan na naghahalo ang pait at tamis ng pag-asa, alam ng mga tao na katulad ni Ginoong Ariel na makakamit ang bago at mas maliwanag na bukas para sa mga magsasaka tulad ni Mang Toni gamit ang wastong proseso ng pag-aalaga at paggawa ng produktong kape.
ROBUSTA Tumutubo sa mga kapatagan o mga mabababang lugar at may mapait na lasa. ARABICA
Tumutubo sa mga bundok at may bahagyang matamis na lasa.