Agosto 2013

Page 1

LATHALAIN

Agosto 2013

Tomo XVII Blg. 3

FILIPINO

PANITIKAN

www.feuadvocate.org

THROUGH THE LENS

Sampaloc, Maynila

Panangga sa baha, pinagtibay Mas pinagtibay na sistemang pagsuspinde ng klase sa tuwing may kalamidad at mas pinaigting na sistemang pipigil sa labis na pagbaha sa loob at labas ng kampus ang isinasagawa para sa kahandaan ng Pamantasan sa sakuna. Ayon kay Student Development and Leadership Director Joeven Castro, may iba’t ibang salik na isinasaalangalang ang administrasyon bago magkansela ng klase. Isa na raw dito ay ang mga anunsyo ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila, Commission on Higher Education at Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration. Isinasaalang-alang din ang kalagayan ng mga kalye na nakapaligid sa Far Eastern University (FEU) at mga posibleng daanan ng mga estudyante pauwi. “Unang una, kapag kanselado na ang klase, sinasabihan ang lahat na umuwi na. Sa pagsusuri ng mga opisyal ng Unibersidad, dalawang oras ang ginugugol bago tuluyang mapauwi ang mga estudyante,” ani ni Castro. Dagdag pa niya, pinauuwi kaagad ang mga

FEU Channel, tigil-operasyon Itinigil na ang pag-ere ng Far Eastern University (FEU) Channel sa Cablelink TV dahil umano sa kawalan ng makabuluhang activity sa nasabing channel.

Banta ng baha. Sa kabila ng pagsasaayos ng mga kalsada at drenahe, binaha pa rin ang kalye ng Nicanor Reyes na dulot ng saglit na pag-ulan noong ika-3 ng Agosto. (Kuha ni John Armen T. Bongao)

estudyante upang maiwasan ang pag-aalala ng kanilang mga magulang. Ngunit sa panahon na mataas na ang tubig-baha at hindi na kumikilos ang daloy ng trapiko, mayroon nang nakahandang pagkain, tubig, kumot at iba pa sa loob ng FEU kapag may mga nastranded na estudyante. “Maaaring manatili ang mga stranded na estudyante sa loob ng FEU at may nakahandang tulong [na] pampalipas ng gabi,”

pahayag ni Castro. D a g d a g p a niya, kasalukuyang pinagaaralang muli ang sistema ng pamamahala sa sakuna ng FEU upang mapabuti ang serbisyo nito para sa mga estudyante at staff ng Pamanatasan. Food Court bilang command center K abi l ang pa sa mga panukal a ay ang pagpapaigting ng panangga

sa baha gayundin ang pagtatalaga sa FEU Food Court sa Technology Building bilang command center sa tuwing tataas ang tubig-baha sa Pamantasan. Binigyang diin ni Facilities and Technical Services Office (FTSO)-Civil Engineering Department Head Marcial Edillon na ang FEU Food Court ay ang Itutuloy sa...pahina 4

Kalidad ng mga guro, sisiyasatin

Dekalidad na edukasyon. Susuriing mabuti ng FEU ang husay sa research ng mga propesor upang mapaigting ang kalidad ng edukasyon ng Pamantasan. (Kuha ni Angelica C. Fernandez)

Alinsunod sa pagpapalakas ng kalidad ng research sa Far Eastern University (FEU), isang bagong sistema ng pagraranggo ng mga propesor ang ipatutupad ngayong semestre. Ang ranking instrument ay mas bibigyang-halaga ang abilidad ng mga propesor sa larangan ng research at ang mga naging ambag at iaambag nila rito, ayon kay Institute of Arts and Sciences Dean Myrna Quinto na siya ring pinuno ng ranking committee. “’Yung dati kasing

instrument na ginagamit namin, hindi masyadong malaki ‘yung puntos na ibinibigay sa mga research. So since ang thrust ng University ngayon ay maging research university in the future… inuumpisahan natin ngayon sa bagong ranking instrument,” ani Quinto. Kasama sa mga pagbabasehan ng pag-angat ng ranggo ng mga propesor ay ang kalidad ng research upang mailimbag gayundin ang kanilang degree na dapat ay naaayon sa kursong kanilang tinuturo.

Sinigurado rin niya na mas mahirap na ngayon ang makapunta sa susunod na ranggo. “ N o o n k a s i , kailangan [dumalo] ka lang ng konperensya, may points ka na. Ngayon, hindi p’wedeng [dumalo] ka lang; kailangan ikaw ay nakapag-present ng [research] paper. Tapos noon, kailangan miyembro ka ng isang professional organization [para] may puntos na; ngayon, kailangan officer ka para may puntos,” paliwanag ni Quinto. Aniya, may plano ang FEU para sa mga guro na matagal nang nagtuturo ngunit hindi naaayon ang kanilang degree sa kursong tinuturo nila. “…Ina-advice namin na... in preparation for K-12 (kindergarten-to-12 basic education reform program), mag-LET (Licensure for Teachers Examination) sila para kung sakaling mag-senior high school tayo, p’wedeng [doon sila] malagay. P’wede rin silang ilipat sa Institute of Education, p’wede rin sila sa new ranking instrument para mayroon silang second degree na nire-record,” ani Quinto. Ayon sa datos ng University Research Center na ipinadala sa FEU Advocate, mayroong 937 na propesor sa anim na undergraduate institutes ng FEU ngayong akademikong taon at 12.49 porsyento o 117 sa mga ito ang may Doctor of Philosophy at Doctor of Education degrees. Higit pa rito, 70.33 porsyento o 659 na propesor ang may Master of Arts at Master of Science degrees at 17.18 porsyento

o 161 naman ang mga may undergraduate degrees pa lamang. “Gusto natin na ang ating mga guro ay maging kagaya ng iba o mas higitan ang ibang guro sa ibang unibersidad,” saad ni Quinto.

-Ma. Karlota S. Jamoralin at Janice C. Rodriguez

“Considering the FEU Channel has been running for more than a year without any significant act ivit y, not wit hst anding t he absence of an agr eem ent on t he t er m s t her eof as pr ovided in t he M em or andum of Understanding between the company and FEU, the company has decided to cease the airing of the FEU Channel effective June 20, 2013,” saad sa liham na ipinadala ng Cablelink TV kay FEU President Michael Alba. Ipinadala rin ang kopya ng nasabing liham sa FEU Advocate. Bukod pa sa kawalan ng “significant activity” sa FEU Channel, isa pa raw sa mga dahilan ng pagpapasara nito ay ang paglunsad ng Cablelink TV ng proyektong full digital CATV (community antenna television) service noong Hulyo kung saan kinailangan ang kapasidad ng buong Cablelink TV upang mailatag ang lahat ng iminumungkahing programa. “Although we still believe that showing y o u r students’ talents and highlighting the university’s activities through a dedicated CATV channel will help promote the values by which the university stands for to the community, the same may be discussed in the future,” dagdag pa ng liham.

Ang Cablelink TV ay ang cable television system provider sa Metro Manila na naging tagapagtustos ng FEU Channel at siyang nagpasyang ipatigil a n g pag-ere nito. Ang FEU Channel, inilunsad noong nakaraang taon, ay nagpalabas ng mga programang gawa ng mga estudyante ng FEU gaya ng culture at news programs. Ipinakita rin dito ang iba’t ibang impormasyon ukol sa mga opisina ng Pamantasan gaya ng Office of Admissions and Financial Assistance at University Career and Counseling Office. Ayon kay Departament of Communication Task Force Babsie Morabe na siya ring namahala sa pagpapatakbo ng FEU Channel, isa pa umano sa mga posibleng dahilan ng pagpapasara ay ang mahal na gastusin sa operasyon nito. “Ang FEU Channel sana ay isa sa mga malalaking bala ng departamento para po makamit ang Center of Development (COD) status sa accreditation. Ngayong sarado na ang FEU Channel, nabawasan na ang malalaking bala para sa COD,” dagdag niya. Sa kasalukuyan ay wala pang panibagong proyekto ang napipintong ipalit sa nasabing programa. - Danielle Mae J. Lao

Pangongopya, uniform violations, madalas na offenses

Upang madisiplina. Masusing binabantayan ang mga estudyanteng hindi sumusunod sa patakaran lalunglalo na sa hindi pagsusuot ng ID at tamang uniporme. (Kuha ni Angelica C. Fernandez)

Pangongopya at hindi pagsusuot ng wastong uniporme ang mga madalas na nagagawang major at minor offenses ng mga estudyante. A n i S t u d e n t nakatataas, panggugulo at nakagagawa ng major at Discipline Director Rosalie pang-aaway. minor offenses ngayong Dela Cruz-Cada, ang major Ang madadalas na semestre; mula anim hanggang offenses na madalas magawa minor offenses naman daw walong nagagawang major ay ang pangongopya, ay hindi pagsuot ng wastong offenses kada-linggo noong pagdadala ng nakasusugat uniporme at iba pang simple Akademikong Taon 2012-2013, na bagay, at pagdadala ng misconducts tulad ng pag- isa hanggang dalawa na lang pornographic materials. iingay, pagkakalat at pagkain daw kada-linggo ngayong Dagdag p a sa loob ng mga silid-aralan. akademikong taon. rito ay ang serious Sa kabila nito, napagmisconducts gaya ng alaman din na bumaba ang Itutuloy sa...pahina 13 kawalang respeto sa mga bilang ng mga estudyanteng


2

Agosto 2013

B E AT S

MassComm alumna, tumanggap ng award sa Cinemalaya Pinarangalan si Nica Santiago ng Short Film Special Citation Award s a kat at ap o s l am a n g na Ci n emal aya 2 0 1 3 noong ika-4 ng Agosto sa Tanghalang Nicanor Abelardo ng Cultural Center of the Philippines. Tu m a n g g a p n g nasabing parangal si Santiago para sa maikli niyang pelikulang ‘Sa Wakas’ dahil sa pagtalakay nito sa isyu ng aborsyon. Si Santiago ay gradweyt ng AB Mass Communication sa Far Eastern University (FEU). Bukod kay Santiago, karamihan sa miyembro ng produksyon ng nasabing pelikula ay mga gradweyt din ng FEU. Tu m a n g g a p n a rin ang nasabing pelikula ng ilang pagkilala sa iba’t ibang film festivals tulad ng ACTIVE VISTA Film Festival noong 2012 at napili rin bilang isa sa mga kalahok sa Golden Anteaters Poland at Auburn International Film Festival sa Sydney, Australia.

‘Advo’ editor wagi sa NAPOLCOM art contest

Hinirang si Far Eastern University (FEU) Advocate Art Director Aaron Cedrick Manaloto bilang kampeon sa National Police Commission poster making contest na may temang “Serbisyong makatotohanan at matatag na ugnayan ng pambansang pulisya at mamamayan tungo sa tuwid na daan” noong ika-25 ng Hulyo sa Camp Crame, Quezon City. Ang ginawang paskil ni Manaloto ay isang jeep na puno ng mga mamamayan at pulis na papunta sa isang lungsod na may nakasulat na “Kapayapaan, Kaunlaran at Pagkakaisa. “ Ayon kay Manalato, ninais niyang ipakita ang kanyang galing bilang isang estudyante ng FEU. “Una, inisip ko na taga-FEU ako kaya kailangan mapakita kong magaling ako, na kaya kong matalo ang mga kalaban ko. At inisip ko ‘yung mga taong nagtitiwala sa akin lalo na ‘yung dean namin na ako pa ang inirekomenda at ‘yung isa kong professor.”

BALITA

Patnugot ng Balita

‘Activity period,’ ipinatupad Mas makabuluhang proyekto, isinusulong U p a n g m a k a s u nod sa memorandum ng Commission on Higher Education na iminumungkahi ang pagiwas sa madalas na pagliban ng mga estudyante sa klase, ipinatupad ng opisina ng Student Development and Leadership (SDL) ang sistemang activity period (AP) ngayong akademikong taon. Ang AP ay mga oras na itinakda sa mga piling araw kada-buwan upang maging tsansa ng mga organisasyong pang-magaaral na magsagawa ng kanilang mga proyekto. Suspendido ang lahat ng klase sa bawat AP upang makasali ang mga estudyante sa mga proyekto ng iba’t ibang organisasyon. “Noon, ang mga estudyante ay kailangan pang

Epektibong pakikisangkot. Naging instrumento ang ‘activity period’ sa pakikiisa ng mga estudyante sa mga aktibidad na idinaos sa pagbubukas ng Buwan ng Wika. (Kuha ni Kevin Victor J. Torres)

lumiban sa klase para tugunan ang pangangailangang logistical ng isang proyekto o para makadalo rito. Sa AP, hindi na kailangan ng excuse

Social networking site ng FEU, ilulunsad Dahil sa mabilis na pag-usad ng teknolohiya, patuloy ang Office of Education Technology (EduTech) sa pagpapakilala ng mga makabagong pamamaraan ng serbisyong pangakademiko, partikular na ang TamBoard. Ang TamBoard ay enrolled in Math 1. All the ang pinakabagong social quizzes can be taken there. networking site sa Far So once the teacher posted Eastern University (FEU) something, it will appear as na nagsimula bilang “e-mail a notification to you. It is blast” ng mga guro, ani really a social media.” EduTech Director Harold Ayon sa kanya, ito John Culala. rin ay magsisilbing bulletin Dito raw mababasa, kung saan ay maipo-post maririnig at malalaman ang at mababasa ng mga iba’t ibang balita tungkol estudyante ang mga balita sa Pamantasan at sa mga tungkol sa Pamantasan. paksang pinag-aaralan ng Ang pangunahing layunin mga estudyante. daw kasi ng TamBoard ay Sa pamamagitan magsilbi bilang learning din daw ng TamBoard ay management. maaari na nilang maipahatid “I am confident since sa mga kapwa-Tamaraw ang this is a social media site and mga impormasyong nais the first thing that we open in nilang ipakalat. our browser is Facebook. In A n g Ta m B o a r d , fact, if you know the history ayon kay Culala, ay parang of Facebook, it started as a Facebook dahil maaaring social media in a university. makipag-usap ang mga I am hoping that students estudyante sa kanilang mga and faculty members use propesor at mga kapwa- this social media in learning Tamaraw kaya’t madali management.” itong magagamit. Magiging bahagi “[In TamBoard], ang TamBoard ng FEU you can post statuses, you Student Portal at ang can post pictures, you can bawat departamento ng add your friends, you can Pamantasan ay magkakaroon chat with your teacher… ng kani-kaniyang pahina. [It is] basically a social Sa pagpasok ng media. But the nicest pangalawang semestre ay thing about this is that the inaasahang magaganap e-learning courseware of ang pilot testing ng the students is embedded nasabing website. there,” paliwanag ni Culala. “For example, Student A -Nicole Emellie L. Yu

Dami ng banyagang Ta m a r a w s , b u m a b a Muling bumaba ang bilang ng mga banyagang estudyante sa Pamantasan. Bumaba sa 414 ang bilang ng mga banyagang estudyante sa Far Eastern University (FEU) ngayong taon mula sa bilang na 550 noong nakaraang akademikong taon, ayon kay Office of Admissions and Financial Assistance Director Albert Cabasada III. Ito ang pangatlo sa sunud-sunod na pagbaba ng bilang ng mga banyagang estudyante magmula 2011; may 671 na banyagang estudyante sa FEU noong 2010 at 587 noong 2011. Isang salik daw sa pagbaba ng bilang ay ang selective retention policy ng FEU kung saan nakasaad ang mga penalty sa pagkakaroon ng mababang marka sa Pamantasan.

Justin Royce Z. Baluyot

“Bumaba [ang bilang ng mga banyagang estudyante ngayong taon] dahil tayo ay naghigpit. Gusto natin, kung sino man ang international students sa FEU ay ‘yung talagang gustong mag-aral,” ani Cabasada. Isang salik din ang paghihigpit ng Bureau of Immigration sa proseso ng pagbabago ng student visa. “Kung ang estudyante ay maraming bagsak, hindi na tinatanggap ng Bureau of Immigration ang kanyang visa,” paliwanag ni Cabasada. Ngunit ayon naman kay Chukuebuka Oguejlofo, auditor ng FEU International Students Organization, umaalis ang mga banyagang estudyante dahil sa kagustuhan nilang humanap ng pamantasan na mayroong mga kursong pumapantay

sa mga kailangan nila. Ang halimbawa raw nito ay ang Dentistry, isang programang hindi inaalok sa FEU. Gayunpaman, nilinaw ni Cabasada na ang pagdating ng mga banyagang estudyante sa FEU ay dulot lamang ng “word of mouth.” “Hindi tayo nagmamarket sa ibang bansa, pinili nila (mga banyagang estudyante) na pumunta at mag-aral dito kasi may kakilala sila na nag-aaral dito sa FEU,” ani Cabasada. Dinagdag pa niya na sa pagmamasid ng “word of mouth,” malalaman ang positibo at negatibong opiniyon ng mga banyagang estudyante ukol sa FEU.

-Jastine Joshua G. Reyes May ulat ni Jesserene D. Miranda

letter dahil sa oras at araw na itinalaga, walang pasok sa klasrum ang mga estudyante,” ani SDL Director Joeven Castro sa kanyang liham sa FEU Advocate. Ipinahihiwatig din raw nito na dapat maging mas mapanuri ang mga opisyal ng mga organisasyong pang-magaaral sa pagkonsepto ng kanilang mga proyekto dahil limitado lamang ang mga oras at araw na nakatalaga para sa mga ito. “Mapipilitan silang bigyang-prayoridad ang mga proyektong mas makabuluhan. Kalidad [at] hindi na sa dami ng proyekto ang magiging gabay ng mga student organizations,” dagdag ni Castro. Nabanggit pa niya na malilinang ang “collaborative skills” ng mga opisyal ng mga organisasyong pang-

mag-aaral dahil mapipilitan silang magpatupad ng “collaborative projects” upang sila ay makagamit ng isang malaking lugar gaya ng FEU Auditorium at University Conference Center. “Hindi na ito paramihan kung hindi pagalingan [na] ng konsepto.” Mga posibleng ‘problema’ Dagdag pa ni Castro, ilan sa mga problemang maaaring kaharapin ng AP ay ang posibilidad na walang participants ang ilang proyekto, ang pakikipagunahan ng student leaders sa paggamit ng malalaking venues at ang pagturing sa kanila ng ilang mga estudyante na hindi aktibo sa mga ekstrakurikular na aktibidad. Ayon naman kay Aira Yatco, bise-presidente

ng Far Eastern University Central Student Organization (FEUCSO), “One of the problems kasi sa students kapag events or activities ang pinag-uusapan ay awareness and apathy. Ang problema naman ng mga organizers or officers ay attendance. So I think this is the solution na naisip nila para mag-meet halfway ‘yung concerns.” “Well, somehow, hassle din for us officers kasi kapag na-miss mo ‘yung isang activity period ng wala kang project, parang ang laking sayang,” dagdag pa niya. Ani pa ni FEUCSO Auditor Hurjae Lubag, “There are disadvantages din. For example, those students na member ng two orgs tapos parehas may event that day, mahihirapan siya kung saan siya magko-commit.” Subalit may hinaing naman ang BS Psychology junior na si Daniel Balazon. “Nasasayang ang oras para sana sa mas mahalagang bagay, ang matuto sa bawat asignatura... Nagdudulot ito ng tuwa sa karamihang estudyanteng tinatamaan ng activity period. Epekto nito ang katamaran sa pagpasok lalo na’t kung putul-putol ang schedule n’yang tatamaan sa activity period. Mabago sana ang activity period hours.” -Jesserene D. Miranda

Stude discount sa weekends, holidays, ipinanukala Ni Ma. Karlota S. Jamoralin

Pagaan sa bulsa. Magiging isang malaking tulong sa problemang pang-pinansyal ng mga estudyante ang diskwento sa pasahe ng mga pampublikong transportasyon kung sakaling maaprubahan. (Kuha ni Angelica C. Fernandez)

Palawigin sa weekends at holidays ang 20-porsyentong bawas sa pamasahe ng mga estudyante. Ito ang nakasaad sa House Bill 1096 na inihain ni Bulacan 1st District Representative Ma. Victoria Sy-Alvarado sa Kongreso. "During such days and periods, students return to their respective communities to assist their parents and, at the same time, to get their allowances for the succeeding school week," ani Alvarado sa isang pahayag sa Kongreso. Dagdag pa niya, kinakailangan ng batas na gawing legal ang pagbibigay ng diskuwento sa mga estudyante. Ang kasalukuyang diskuwento ay itinatakda lamang ng isang memorandum mula sa Land Transportation and Franchising Regulatory Board.

A n i y a , a n g kaloob na diskuwento ay inaasahang makababawas sa nararanasang kahirapang pinansiyal ng mga estudyante’t mga magulang lalo pa at may patuloy na pagtaas sa gastusing pang-edukasyon. Subalit ang panukala ay agad na sinalubong ng kritisismo mula sa ilang transport groups tulad ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide. “Magiging mainam lamang ang panukala kung may pansagot ang gobyerno sa mga magiging kawalan sa mga drivers dahil sa discount,” saad ng grupo sa panayam nito sa programang State of the Nation ng GMA News TV noong ika-16 ng Hulyo. Sang-ayon naman si Far Eastern University Central Student Organization President Andrea Maxine Sarile na dapat munang alalahanin ang epekto ng diskuwento sa mga drayber. “I know they do not get a lot of income. Yes,

we should think about the students but we should also consider that (transport groups) sector. Weekends, that could still work. But holidays, I do not think so… it would elicit quite a reaction from that sector,” paliwanag ni Sarile. Para naman kay AB International Studies sophomore Michelle Trimidal, malaki ang maitutulong ng 20-porsyentong diskwento sa pamasahe bilang umuuwi siya sa Bulacan mula sa kanyang mga klase sa Pamantasan araw-araw. “Malayo ang Bulacan so mas malaki ang pamasahe… So ‘pag nabawasan ng 20 percent, medyo malaki rin ang nasave ko; dagdag-budget sa food and school stuff. Nagmahal na ang tuition at bilihin so, at least, kahit kaunti ay nakakatulong din ang 20 percent na discount,” aniya.


BALITA

Agosto 2013

3

Gadgets, isinusulong sa pagtuturo

Inirerekomenda ng Office of Education Technology (EduTech) ang paggamit ng gadgets sa pagtuturo ng mga propesor simula ngayong semestre upang sumabay sa mabilis na pagtakbo ng teknolohiya. “I have to correct the idea first; we are not asking [but] we are recommending the use of other means in teaching. It is not just limited to tablets but we are open to different kinds of technology,” ani EduTech Director Harold John Culala. Aniya, ang mga estudyante sa panahong ito ay maituturing na “digital natives” sapagkat halos lahat ng gawain ay gumagamit na ng teknolohiya. Dahil pa raw dito kaya nararapat lamang na sumabay rin ang mga propesor ng Far Eastern University (FEU) para sa isang mas mabisang pagkatuto ng mga estudyante. “The EduTech is catering [to] the development, therefore encouraging the faculty to migrate to that

Modernong pagtuturo. Kaakibat ng pag-usbong ng teknolohiya ang paggamit ng gadgets para sa epektibong pagpapayaman ng kaalaman ng mga estudyante. (Kuha ni Kevin Victor J. Torres)

strategy... Strategy should also be changed for learning,” dagdag niya. Wika pa ni Culala, ang desisyon ng Pamantasan ay masusing pinag-isipan at pinag-aralan. Nag-ugat daw ito sa isang sarbey na isinagawa ng EduTech kung saan lumabas sa datos na 80 porsyento ng

mga propesor sa FEU ang nagmamay-ari ng gadgets tulad ng laptops, netbooks at notebooks. Samantal a, 63 porsyento naman ang mayroong “basic phones” at 61 porsyento naman ang mayroong Apple gadgets. Napag-alaman din na dalawang porsyento lang

Wikang Filipino, itinataguyod na paigtingin

Mayamang Kultura. Lumahok ang mga estudyante sa pagdiriwang ng iba’t ibang programa ukol sa mayamang kultura ng ating bansa. (Kuha ni Kevin Victor J. Torres)

Kaalinsabay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, ang Tanggapan ng Larangan ng Filipino ay nagdaos ng forum kung saan tinalakay ang kahalagahan ng pambansang wika sa henerasyong ito sa Science Building Room 201 noong ika-7 ng Agosto. Halaw sa temang ng isang tao, ani Corazon raw sa isang Pilipino na “Wika Natin Ang Daang Lalu-Santos, propesor sa tuklasin ang iba’t ibang Matuwid,” ipinahayag ng F i l i p i n o s a A t e n e o d e kahulugan ng bawat salita forum ang kahalagahan Manila University at ang para mas epektibong ng pagiging pamilyar panauhing tagapahayag. magamit sa komunikasyon. sa wikang Filipino at “Natatawid ang “Ang pagkatuto paano mas maiintindihan ano mang karunungan sa ay na sa talas at lalim ng ito sa panahon kung pamamagitan ng wika...” pagkakaintindi sa konsepto,” saan ang pagkatuto ng aniya. dagdag pa niya. wikang Ingles ay nagiging Dagdag pa ni Ang nasabing forum, pangangailangan na sa Santos, hindi sapat na kaal i nsabay ng acti vi ty mga pamantasan at maging alam lang ng isang Pilipino period noong araw na sa mga opisina. kung paano bigkasin ang iyon, ay dinaluhan ng mga Bukod pa rito, isang salitang Filipino para estudyante at propesor sa ang pagkatuto sa sariling lamang siya ay matawag na asignaturang Filipino. wika ay mainam rin upang may alam hinggil sa sariling mapaigting ang kaalaman wika; nararapat lang din -LJC

Bagama’t tumanggap ng 90 palakpak mula sa mga dumalo sa aktwal na pagdinig, nagtamo pa rin ng samu’t saring batikos ang ulat-bayan ng pangulo. Umani ng magk ahalong r ea k s y o n ang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III sa Session Hall of the House of Representatives, Batasang Pambansa Complex, Quezon City noong ika-22 ng Hulyo. Tampok nito ang mga ulat hinggil sa paggawa, kapakanang panlipunan, edukasyon, agrikultura, reporma sa lupa, benepisyo, maayos na pamamahala at turismo na siyang umani ng palakpakan. Magkagayunman, nagpahayag pa rin ng pagsalungat at pagbatikos ang iilan. Isa sa mga nasabing batikos ay ang paghahalintulad ni Senator Miriam DefensorSantiago ng SONA ng

sa lahat ng mga propesor ang hindi nagmamay-ari ng kahit na anong gadget. Bunsod nito, nagsagawa ang EduTech ng isang trade fair noong nakaraang bakasyon para maipakilala

sa mga propesor ang mga makabagong gadgets na maaari nilang gamitin sa pagtuturo. Bukod pa rito ay tinulungan din sila ng mga naimbitahang eksperto para makapili ng gadgets

na babagay sa kanilang pangangailangan. Ang mga ito ay makukuha nila ng installment basis sa loob ng isang taon. “We do not purchase for them. But we are giving them opportunity to have their own [gadgets] at zeropercent interest... At the end of the day, we would like the faculty members to use gadgets they are comfortable with,” ani Culala. Suportado naman ng mga propesor ang paggamit ng gadgets sa pagtuturo. “S’yempre in favor ako… Ang students kasi ngayon, hindi masaya na sinabi mo lang, hindi satisfied sa oral discussion. They could retain the lectures more through visual instructions or materials,” ani Department of Biological Sciences Professor Roberlyn Cabrera. -Lovely Joy Calisterio

FEU, handa sa maaaring pagbabalik ng ROTC

Nina Justin Royce Z. Baluyot at Lovely Joy Calisterio

Hinahain ng Department of National Defense sa Kongreso ang muling pag-alok ng Reserved Officers’ Training Corps (ROTC) sa kolehiyo, na kung maisabatas muli ay ito namang susundin ng Far Eastern University (FEU). Sa isang maikling na pag-ulan sa bansa, ayon ng Maynila, Jose Cari ng panayam kay Office of kay Defense Secretary Voltaire Leyte at Winston Castelo ng C o m m u n i t y E x t e n s i o n Gazmin sa isang artikulong Quezon City. Services (OCES) Director napaskil sa www.sunstar.com. Para kay Castelo, M a r i l o u C a o , h i n d i ph noong ika-29 ng Hunyo. kinakailangan na ng bansa ng maaaring lumabag at Nakasaad sa Republic pagbabago pagdating sa mga kakailanganing sumunod Act 9163 o ang batas sa NSTP programang pambansang ng FEU kung maisasabatas na ang mga estudyante ay seguridad kung kaya’t muli ang pagsali ng ROTC maaaring pumili kung anong nararapat lamang na sanayin sa kurikulum ng National uri ng pambansang serbisyo na sa mga gawaing pangService Training Program ang kanilang gugugulin sa militar ang mga lalake’t babae (NSTP). loob ng dalawang semestre; na 18 anyos na o pataas. Dagdag pa ni Cao, maaaring ROTC, Civic Welfare “As a national kapag umabot daw sa isang Training Service o Literacy security doctrine, we have partikular na bilang ang mga Training Service. to develop the capability estudyanteng mage-enroll sa Ngunit ang ROTC ay to inflict lethal blows to ROTC ay tuluyan nila itong ibinasura noong 2001 matapos the enemy,” aniya sa www. ipatutupad bilang bahagi ng ang pambansang protesta inquirer.net news article NSTP. ng mga estudyante dahil sa na napaskil noong ika-17 Subalit, hindi niya pagkamatay ng isang ROTC ng Hunyo. sinabi ang partikular na cadet officer ng University Iginiit naman ni bilang na ito. of Santo Tomas na si Mark Mendoza na kinakailangang Sa kasalukuyan, Chua matapos makaranas ng siguraduhin ang kapakanan OCES ang humahawak sa pagmamalabis mula sa mga ng mga estudyante sa mga operasyon ng NSTP sa opisyal ng ROTC ng nasabing pagbabalik ng ROTC. Pamantasan. pamantasan. “For starters, Ang muling pag- Sa kabila nito, there should be stricter alok ng ROTC sa kolehiyo ay sinusuportahan pa rin ng mga rules to stop hazing and naghahangad na paigtingin kongresista ng mga kagawaran extortion that were among ang pambansang seguridad sa pambansang seguridad the reasons why ROTC dahil ito raw ay magkakaroon at mataas na edukasyon ang training was abolished,” na ng mga pagsasanay muling pag-alok ng ROTC. Ilan aniya sa parehong artikulo sa pag-responde sa sa mga kongresistang ito ay kung saan tinutukoy niya mga kalamidad lalo pa’t sina Mark Llandro Mendoza ng ang pagkamatay ni Chua napadadalas ang malalakas Batangas, Amado Bagatsing noong 2001.

SONA, inulan pa rin ng kritisismo

pangulo sa isang walang masabing “college paper.” Inilahad ni Santiago na hindi nabigyang-diin ng pangulo ang mga bagay na direktang nakaaapekto sa isang ordinaryong Pilipino tulad ng kahirapan at kawalan ng trabaho. "Kulang ang trabaho. Unemployment rate is very high. 'Yan ang pinaka-importanteng problema na nakaharap ngayon sa taong-bayan. Hindi problema sa foreign affairs kung hindi problema kung saan kukuha ng kakainin nila," ani Santiago sa panayam ng News To Go ng GMA News TV noong ika-24 ng Hulyo. S a m a n t a l a , pinabulaanan naman ito ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda at sinabing “[Aquino] was ‘very emphatic’ about addressing poverty, unemployment and inclusive growth” sa isang news article sa www.inquirer. net noong ika-25 ng Hulyo. “The president began with ‘We are not happy with the trickle-down.’ What does that mean? Does that mean we

(Kuha mula sa www.google.com)

are not addressing poverty? Does that mean we are not addressing unemployment? When you say inclusive growth, it is going to identify, it is going to say, it’s going to enumerate what we are doing,” dagdag pa niya. ‘Palakasin ang labor force’ Samantala, binato rin ng mga negatibong puna ng ilang personalidad ang SONA ni

Aquino sa ginanap na Forum on National Situation sa Far Eastern University (FEU) Auditorium noong ika-30 ng Hulyo. Binigyang-diin ni Herman Laurel ng The Daily Tribune na nararapat na maging nasyonalisado ang Bangko Sentral ng Pilipinas. “Our money should not be for private banking or profit… Bangko Sentral should be nationalized.

[Kasi sa ngayon,] wala tayong kontrol sa pera natin. Nakadepende tayo sa foreign currency,” dagdag pa ni Laurel. Inilahad naman ng propesor at manunulat na si Father Romeo Intengan, S.J. ang kanyang pagtutol sa sinasabing “pamamahalang walang korupsyon” ni Aquino sapagkat ipinahiwatig ‘di umano ng pangulo sa kanyang SONA ang pagtaas ng pondo para sa

pork barrel ng mga senador at kongresista gayundin ang pagtaas ng singil sa pasahe sa Light Railway Transit (LRT). “Gusto niya bigyan ang mga senador pero ‘yung one-billion subsidy, ayaw niyang ibigay para sa pamasahe [ng mga sumasakay sa LRT],” pahayag ni Intengan. Samantala, tinalakay naman ni Pete Pinlac, presidente ng Manggagawa Para sa Kalayaan ng Bayan ang neoliberalisasyon kung saan ang mga naglalakihang kumpanya ay nagiging pribadong pag-aari ng mga kilalang tao sa larangan ng negosyo habang untiunting nawawala ang mga pampublikong kumpanya o ‘yung mga pagmamayari ng taumbayan. “L a b o r i s t h e primary economic unit of this country. Nagsasalita ang pangulo ng bansa pero wala siyang sinasabi tungkol sa primary economic force of the land,” ani Pinlac.

-Norelyn M. Villaruel


4

Agosto 2013

BALITA

Students’ Code of Conduct, nirerebisa

Upang mapaigting ang pagpapatupad at mapagtibay ang mga panukala, binabago ng opisina ng Student Discipline (SD) ang Students’ Code of Conduct ngayong akademikong taon. Ani Rosalie Dela Cruz-Cada, direktor ng SD, isa sa mga layunin ng bagong Students’ Code ay gawing mas ispisipiko ang mga probisyon na nangangailangan ng paglilinaw. “Magfo-focus lang tayo du’n sa mga bagay na dapat i-focus. We will consider if this one is a major offense or a minor offense. Titignan din natin what are those things na hindi natin nakita noon kasi hindi pa nage-exist noon,” aniya.

Mas ‘mahigpit’ Sinimulan ang pagrerebisa ng nasabing Students’ Code noong Mayo at kasalukuyan pang sumasailalim sa pagsisiyasat. Ayon kay Cada, ipatutupad ang bagong Students’ Code of Conduct sa pangalawang semestre ng Akademikong Taon 2013- 2014. “Kasi hopefully, we try to finalize it ng mga hanggang second week of August para mailabas na. Then it will be presented to the stakeholders, ‘di ba? [Para malaman] kung acceptable sa kanila ‘yung bagong Students’ Code of Conduct,” ani Cada. Dagdag pa niya, ang mga kumite na sumusuri at

Ni Janice C. Rodriguez

Pinahigpit na patakaran. Mas pagtitibayin ng Student Discipline ang mga panukala kaalinsabay sa pagbabago ng Students’ Code of Conduct na inaasahang maipatutupad sa susunod na semestre ngayong taon. (Kuha ni Angelica C. Fernandez)

nagrerebisa ng mga pagbabago sa bagong Students’ Code ay ang SD, academic group

CHEd inihain ang mga bagong kursong GE Ni Justin Royce Z. Baluyot

Nilabas na ng Commission on Higher Education (CHEd) ang mga titulo ng mga bagong kursong general education (GE) na iaalok sa kolehiyo matapos ang malawakang implementasyon ng sistemang pang-edukasyon na kindergarten-to-12 (K-12). “This CMO (CHEd memorandum order) provides the framework and rationale of the revised GE [curriculum] as a paradigm shift and in the context of the [K-12] curriculum based on college readiness standards,” saad ng CMO Blg. 20, taong 2013. Ang pagpapangalan ng mga bagong kursong GE ay dahil sa paglipat sa hayskul ng ilan sa mga kursong GE na kasalukuyang iniaalok sa kolehiyo bunsod ng K-12. Ayon sa ikatlong seksyon ng nasabing memorandum, ang bagong kurikulum ng GE ay mayroon nang 24 na yunit ng core courses, siyam na yunit ng elective courses at tatlong yunit ng kursong tumatalakay sa buhay ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Pinangalanan ng CHEd ang walong core courses na nararapat isali sa lahat ng kurikulum sa kolehiyo. Ito ay ang Understanding the Self, Readings in Philippine History, The Contemporary World, Mathematics in the

Modern World, Purposive Communication, Art Appreciation, Ethics at Science-Technology and Society. “The core courses are interdisciplinary and are stated broadly enough to accommodate a range of perspectives and approaches. Starting with the self, the courses expand to cover the nation and the world and various ways of comprehending social and natural realities,” paliwanag ng CHEd. Mayroon namang 12 na elective courses na pinangalanan ang CHEd kahit na tatlo lamang sa mga ito ang maaaring ihain sa bawat kurikulum. Ang 12 na ito ay Environmental Science, People and the Earth’s Ecosystems, Human Reproduction, Living in the IT Era, Religious Experiences and Spirituality, Philippine Indigenous Communities, Gender and Society, The Entrepreneurial Mind, Great Books, Philippine Popular Culture, Indigenous Creative Crafts, at Reading Visual Art. Sa pangkalahatan, mayroon na lamang 36 na

yunit ng GE sa bagong kurikulum; higit na mas mababa kung ikukumpara sa lumang kurikulum kung saan nakasaad na 63 o 51 ang pinakamababang bilang ng yunit ng mga kursong GE sa bawat kurikulum, depende sa programa. “The [new GE curriculum] strips away remedial courses, those that duplicate subjects in [senior high school], and introductory courses to the disciplines,” dagdag pa ng CHEd. Saad pa ng memorandum, “The Commission approved the New General Education Program and its appended Brief Explanations of the GE Core Courses… as revised in response to the suggestions articulated stakeholders in zonal public consultations.” Nilinaw ng CHEd na sa Akademikong Taong 2018-2019 magiging epektibo ang bagong kurikulum ng GE, kasabay ng pagtatapos ng unang pangkat ng mga estudyante ng Grade 12.

Magandang layunin. Naglunsad ng bagong kurso ang CHED upang iangkop ang kurikulum sa pagbabagong dulot ng K-12. (Kuha ni Marione Paul G. Infantado) Panangga sa baha... mula sa pahina 1

magsisilbing tuluyan ng mga estudyanteng stranded dahil sa baha. “Ito ay para may iisa tayong pupuntahan in case na mataas na talaga ang tubig and it is already impossible for us, especially sa students, na umuwi pa, ‘di ba? Hindi ‘yung pakalat-kalat tayo sa iba’t ibang building. At least, hindi na tayo maghahanap pa whenever magrarasyon ng, for example, pagkain… pwedeng ‘yung pagkain na nandu’n sa food court, ayun na rin ang ipakakain sa mga stranded,” pahayag ni Edillon. Dagdag pa sa mga aksyong napapaloob sa panukala ay ang pagkakabit ng dalawang pump sa labas ng Gate 4 at paglalagay ng backflow valve sa Gate 3.

“Kasi mababa nga tayo, ngayon may tendency na pumasok ang tubig sa Morayta especially if there is strong typhoon. So to avoid that, naginstall tayo ng dalawang pump du’n sa may Gate 4 to pump the water outside [kung sakaling bumaha],” saad ni Edillon. Ipinaliwanag din niya na ang pagkakabit ng backflow valve sa Gate 3 ay ang siyang pipigil sa pag-agos ng tubigbaha patungo sa Pamantasan. “Mayro’n tayong manhole du’n sa Gate 3 para paglagyan ng backflow valve. ‘Yung backflow valve, it will prevent water to flow towards FEU’s gates’ pag tumaas yung tubig,” aniya. Sa kasalukuyan, nakikipag-ugnayan ang FTSO sa Department of Public Works and Highways (DPWH) upang maisaayos ang mga pasilidad

sa kahabaan ng kalye ng Nicanor Reyes, Sr. para maiwasan ang pagkakaroon ng mga baradong estero na isa sa mga pangunahing dahilan ng pagbaha. Katulong ang DPWH, MMDA Isinaad ng DPWHNorth Manila Engineering District sa liham na ipinadala sa FEU Advocate na ang kalsada ng Nicanor Reyes, Sr. ay isa sa mga kalsadang may “poor rating” o ‘yung mga kalyeng may mga depektibong manholes o aspalto. “Wala kaming ibang ginagawang pagsasaayos sa nabanggit na ‘drainage main.’ Inangat at pinalitan [lamang namin] ang mga may sirang manhole covers upang ito ay hindi matabunan ng isasakatuparang pag-aaspalto ng naturang lansangan,” tugon ni Officer-in-

na kinabibilangan ng mga propesor, at ang Far Eastern University Central Student Organization na magrerepresenta sa mga estudyante. Giit niya na malaki ang parte ng mga propesor sa pagrerebisa at pag-implementa ng bagong Students’ Code of Conduct dahil na rin sa iba’t ibang pangangailangan ng bawat estudyante sa iba’t ibang institute. “Kunwari ‘yung Institute of Nursing, iba ang

uniform nila eh so iku-consider namin. Ang ITHM (Institute of Tourism and Hospitality Management), may iba ring uniform ‘yan. Ang IARFA (Institute of Architecture and Fine Arts), iba rin ang grooming standards nila, ‘di ba? So we have to take into consideration din ang physicality ng bawat institute,” ani Cada. “We cannot simply state na dapat lahat kayo nakaganito... We respect kung ano ‘yung gusto ng

bawat institute para sa mga estudyante nila,” aniya. Dagdag pa ni Cada ay maglalagay rin ang kumite ng isang probisyon na naggigiit sa responsableng paggamit ng teknolohiya. “Kasama na rin dito ngayon ‘yung tungkol sa social media, ‘yung responsible use of social media. Mayroon naman tayong provision before sa Students’ Code of Conduct which is ‘yung maligning, insulting other people. Pero dito sa Students’ Code of Conduct na ilalabas natin, mas malinaw ‘yun,” paliwanag niya. Kailangan din daw magkaroon muna ng ideya ang mga estudyante tungkol sa bagong Students’ Code bago ang opisyal na implementasyon nito. “Kasi before we implement, ite-testing mo rin naman ‘di ba how the students will react to it. Ang pinakamahalaga kasi rito ay bawat ginagawa ng Pamantasan. There is a good reason behind that. Kailangan lang na malaman ng mga estudyante at mga stakeholders involved ano ‘yung purpose kung bakit ganoon,” aniya.

Isyu sa biodiversity, climate change, tinalakay

Kaalamang pangkalikasan. Binigyan ng karagdagang impormasyon ng WWF ang mga estudyante ng FEU kung paano mapaiigting ang pangangalaga sa ating kalikasan. (Kuha ni Ronalyn B. Pordan)

Lahat ng nabubuhay sa mundo ay may bayolohikal na koneksyon. Mawala o masira lang ang isa sa mga ito ay mangangahulugan ng pagkawala ng balanse ng life cycle. Ito ang sentro ng climate change ang walang matugunan ang kanyang mga ng seminar na nabuo sa humpay na pagsunog ng fossil pangangailangan araw-araw. pagtutulungan ng Far fuels na siyang naglalabas Isa pa sa mga Eastern University (FEU) ng greenhouse gases sa mahahalagang usapin sa at World Wide Fund for kalangitan at unti-unting nasabing seminar ay ang Nature-Philippines (WWF- nagdudulot ng greenhouse biodiversity ng Pilipinas. Philippines) na dinaluhan ng effect o ang pagkakakulong Ang tamaraw na mga estudyante ng National ng greenhouse gases gaya endemic o matatagpuan Service Training Program ng carbon dioxide sa ating lamang sa isla ng Mindoro (NSTP) noong ika-17 ng atmospera na nagiging sanhi ay isa sa mga endangered Hulyo sa FEU Auditorium. ng pagtaas ng temperatura species o nanganganib Tinalakay ni Obel ng mundo. maubos kapag hindi Resurreccion, pinuno ng Tinatayang kapag n a a g a p a n . Environmental Education umangat pa ng dalawang Sa kasalukuyan ay Program ng WWF-Philippines, degrees centigrade ang nakikipagtulungan ang FEU ang iba’t ibang isyu sa temperatura ng mundo ay sa WWF-Philippines upang kalikasan gaya ng climate aabot na ito sa “point of paramihin ang populasyon change at konserbasyon ng no return” at hindi na ito ng mga Tamaraw sa Mindoro ating mga likas na yaman. maaaring maibalik sa dati. na kasalukuyan ay na sa Ayon sa WWF- Dagdag pa ng humigit-kumulang 345. Philippines, ang climate WWF-Philippines, naitala ang Sabi ni Joel c h a n g e o b i g l a a n g pinakamainit na temperatura P a l m a , b i s e - p r e s i d e n t e pagbabago ng klima ng ng mundo sa pagpasok ng n g WWF-Philippines mundo ang siyang sanhi ika-21 siglo. Conservation Programmes, ng pagtaas ng temperatura Nagkaroon din ng “Sa pamamagitan ng ng daigdig na tinatawag mga gawain gaya ng water NSTP, nabibigyan kami ng na global warming, pag- footprinting upang malaman pagkakataong ipaabot sa angat ng lebel ng tubig- kung gaano karaming litro mas nakararami ang aming dagat, paglakas ng hagupit ng tubig ang nagagamit ng mensahe at gamitin ang ng bagyo, pagkalat ng bawat isa araw-araw. mga estudyanteng ito sa iba’t ibang sakit gaya ng Ayon sa World pagtaguyod ng isang mas leptospirosis at dengue, at Health Organization (WHO), magandang kinabukasan.” pagbaba ng populasyon ng humigit-kumulang 7,000 litro ilan sa mga hayop sa bansa. ng tubig ang nagagamit ng -Danielle Mae J. Lao Itinuturong dahilan bawat isa kada-taon para Charge District Engineer Medel Chua nang tanungin tungkol sa mga proyekto ng DPWH para masolusyunan ang mga problema sa mga kalsada sa paligid ng FEU. Paliwanag pa niya, ang kanal sa Morayta ay isang “drainage main” o isa sa malalaking kanal, may sukat na 3.0 metrong lapad at 2.40 metrong haba, na karugtong ng Estero de Quiapo. Kasalukuyan nilang nililinis ang Estero de Quiapo upang maiwasan ang labis na pagbaha sa karugtong na kanal sa Morayta. Sa kabilang banda

ay nagbukas naman ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ng bagong tanggapan na matatagpuan sa kalye ng España, Manila upang mas maging mabilis na maihatid ang tulong sa mga taong na-i-stranded sa baha lalo na sa mga estudyante, ani MMDA Chairman Francis Tolentino sa isang panayam sa FEU Advocate. “Kaya kami lumipat dito [sa España ay] para in case na katulad n’yan, bahain ‘tong lugar na ‘to, madali kaming makakapagresponde sa mga stranded especially mga estudyante,” ani Tolentino.

Nilahad din niya ang pagiging miyembro ng FEU sa Flood Control Bayanihan Zone Alliance na itinatatag noong 2011. “Ito ay naglalayong paigtingin ang pagkakaisa ng bawat establishment na miyembro nito; for example, mga universities dito sa may Sampaloc area like UST (University of Sto. Tomas) at FEU na mas maging responsable at magkaroon ng pagtutulungan sa tuwing may sakuna tulad ng bagyo o pagbaha,” paliwanag ni Tolentino. -Janice C. Rodriguez at Norelyn M. Villaruel


LATHALAIN

Shereen Nicole B. Rivera Patnugot ng Lathalain

Agosto 2013

5

Ni Christelle Ann S. Jimenez

Kung mayroong Republic Act of Love no. 143 na magbibigay anyo sa Batas ng isang tunay na pag-ibig, marahil marami na ang nagdurusa sa mga bilangguan dahil sa salang bawal na pag-ibig.

Sa mundong nababalot ng batas, nasusulat man o hindi, nagkaroon ang tao ng batayan sa pagitan ng tama at mali. At sa laban ng pag-ibig, hindi nakaligtas ang Far Eastern University sa mga magigiting na taong ipinaglalaban ang puso sa kabila ng mapanghusgang lipunan. Mga nasasakdal Maraming tipo ang bawal na pag-ibig. Ang isa ay ang premarital sex, o ang pagkikipagtalik ng mga taong hindi pa kasal. Ayon kay St. Thomas Aquinas, ang pagtatalik raw ay ginagawa lamang dapat ng tao para magpakarami. Ngunit sa panahon ngayon, tila ang mga kabataan ay nae-engganyo sa prinsipyong ito na ibinabalot na lamang nila sa mga ibang pangangatwiran. Tulad ng 3rd year Tourism Management student na si *Bebs (‘di niya tunay na pangalan), na maagang namulat sa mundo ng pre-marital sex. “At the age of (sa edad na) 17, sa ganung edad, mainit talaga ang katawan,” pagsasalarawan n’ya sa una n’yang naging karanasan. Ngunit ang tila pagpuno sa tawag ng laman ay nagkaroon ng hindi inaasahang bunga. “ Sembreak kasi noon, so inom dito, inom diyan. Nagsusuka ako sa tuwing iinom ako at tuwing gabi. Eh ‘di ba, ‘pag buntis, may morning sickness ? So pinabayaan ko na lang. Days passed by, napansin ko na two months na ako ‘di nagkakaroon, So sinabi ko du’n sa friend ko na open ako tapos nagpabili ako ng PT (pregnancy test) kasama ‘yung pinsan ko. Tapos ayun, nag- positive ako,” aniya. Sa kabila ng pagsubok, pinanindigan nina Bebs at ng kanyang kasintahan ang bunga ng kanilang mapusok na pag-ibig. Subalit hindi lamang ang pagtatalik nang hindi kasal ang hinuhusgahan ng marami, isa pa ang pakikipagrelasyon sa kapwa babae o lalake. Kagaya na lamang ng kwentong pag-ibig ng 3rd year Mass Communication student na si Jhanzel Villarojas. “Noong debut ko, may part kasi doon na 18 roses, pero ako ‘yung magbibigay sa babae. Tapos siya ‘yung last dance ko, siya lang ‘yung naiiba ‘yung kanta sa lahat. Habang sumasayaw kame, tinanong ko siya, ‘Girlfriend na ba kita?’ Tapos sabi niya, ‘I love you.’ Tapos sabi ko, ‘I love you too.’ Tapos tinanong ko siya ‘Will you be my girl?’ Tapos she said yes that night. Sobrang saya ko lang.” Para kay Jhanzel, “There is no such thing as bawal na pagibig, as long as pinaninindigan niyo ang isa’t isa at mahal niyo ang isa’t isa.” Marahil sa tingin ng madla, ang kanilang pag-iibigan ay lumalagpas sa linya ng katanggap-tanggap, ngunit para sa kanila, ang salitang ‘bawal’ ay hindi angkop na depinisyon ng kanilang pagmamahalan. Sa kabilang banda, maraming haka-haka sa bawat institusyon ukol sa student-professor relationship. Subalit paano nga ba nabubuhay ang mga taong napapaloob sa realidad na ito? Halos lahat ng pag-iibigan ay nagsisimula sa unang tinginan, sa mga patagong sulyap at mahinahong pag-uusap, “High school pa lang ako noong magkakilala kami. High school

teacher ko siya. Kasi ganito ‘yan ha? Crush ko kasi ‘yun. Actually madaming may crush sa kanya. Tapos ako ‘yung inaasar, kasi tulala lang ako ‘pag ‘andyan na siya sa harap namin. Cool niya kasi. There is this time na gagawa kami ng play , so isa ako sa mga leader , kahit anong gawin ko, sasabihin niya, ‘Sipag mo, gusto ko ng ganyang girlfriend ’,” ibinihagi ni Chari, 2 nd year Communication. Ayon kay Chari, magkahalong takot at kilig ang idinulot ng mga mapanuksong pag-uusap, “One time, sabay kami na palabas ng gate, then he approached me and asked, ‘Gusto mo bang maging girlfriend ko?’ and I was frozen.” Talagang ‘di ko alam kung kikiligin ako eh. Ang nasabi ko na lang, ‘Sir bawal ‘yun’. And you know what he said? ‘Walang bawal-bawal ‘pag nagmamahal ka’. ‘Di ko alam kung nagjo-joke siya o ano. So kahit kinikilig ako, sinet aside ko ‘yun. And then he kept on asking na ganun. Wala akong sinagot. Pero malinaw na sa aming dalawa na yes ‘yun.” Sa relasyong binuo ni Chari at ng kanyang guro, maraming suliranin at pagsubok ang tila pumipilit na buwagin ang kanilang pagmamahalan. Isinilid nila sa kanilang mga sarili ang pagsasamang mali sa mata ng lipunan, “In fact, we did everything to work things out. Nag-resign siya sa school namin, tapos nag-work siya sa iba. Para kahit papaano maging tama.” “He told me na ‘’Yung akala naming tama, magiging mali din pala kung mali ‘yung nag ing ugat,’ and we decided to end things,” dagdag pa ni Chari. Hindi maiiwasan ang mga pagsubok sa isang relasyon, ngunit kung ang buong lipunan ang sumusubok at naglalayo, marahil isang aral ang nais iparating sa mga ganitong karanasan. Marami nga ang nagsasabi na ang pag-ibig ay tama ngunit ang lipunan ay may sariling batas ukol sa pag-ibig na hindi man pormal na nakatatag sa Saligang Batas, ang mata ng bawat isa ay tinititigan ang bawat paglabag sa Batas ng Pag-ibig. Mga saksi Sa mundo kung saan hindi maiiwasan ang pagtitig sa kumpas ng kamalian, sinasalamin ng iba’t ibang tao ang mga tulad nina Bebs, Jhanzel at Chari. Mayroong mga tao na pilit silang iintindihan at bibigyan ng pagkakataon na ikatwiran ang labang nasimulan, ngunit mayroon din namang pilit na mamatahin ang paraiso na kanilang natagpuan. “Tingin ko ‘yung mga taong nage-engage sa pre-marital sex is nadadala sila ng bandwagon ng society kase parang ‘yung society ngayon, ginagawa nilang acceptable ‘yung sex na nangyayari before ng marriage,” ika ni April Oviedo, 3rd year BS Psychology. Ngunit sa kabilang banda, mayroon din naming mga nakakaintindi. “Sa aking pananaw, okay lang siya kaso hindi siya tama. Dati taboo lang siya, pero ngayon naging acceptable na siya, kasi parang mainstream na tapos naaapektuhan pa tayo ng multimedia, siyempre nababasa natin, nadidinig, napapanuod, multimedia greatly affects our perception of love,” Itutuloy sa...pahina 13

Pamagat: She’s Dating the Gangster May akda: Bianca B. Bernardino Nailimbag sa: Summit Books “Hindi man ito ang pinakamagandang ideya para mahulog ang loob ko sa kanya, pero sabi nga nila ang pag-ibig, nakikita ang di-perpektong tao sa perpektong paraan.” –Bianca B. Bernardino, ‘She’s Dating the Gangster’

Ang pag-ibig ay salitang mabilis makita sa diksyunaryo, ngunit kung ano ang ikinadali sa paghanap nito ay siya namang ikinahirap ng pagpapakahulugan. Kabalintunaan man kung uunawain, mayroong aral na nakapaloob sa bawat kwentong nakatiklop sa isip at puso ng dalawang taong nagmamahalan—aral na sila ang may pinaka-kakayanang magbunyag sa kanilang mga sarili. Nailimbag na obra Nagtapos ng BS Psychology sa Southville International School and Colleges at nakatira sa Maynila ang may akda ng libro na si Bianca B.Bernardino o mas kilala rin sa mundo ng internet bilang “SGwannabe.” Nagsimula ang kanyang hilig sa pagsulat bilang isang libangan hanggang sa hindi na niya namalayan na mayroon na siyang kakaibang dedikasyon para rito. Nagmula sa pansariling karanasan ang naging takbo at agos ng istorya. Ayon sa librong nailimbag, naging paraan ng manunulat ang pagsulat ng She’s Dating the Gangster sa pagpapagaan ng kanyang mga problema at pagpapalaya ng kanyang mga kabiguan sa buhay. Samantala, nagsimula ang aklat sa mundo ng Wattpad, isang klase ng online application na nada-download at nababawa ng libre sa mga cellphones ang mga aklat na nailathala. Dahil sa

angking kakayahan nitong bigyan ng kurot sa puso ang mga mambabasa, kinalauna’y nilimbag rin ito bilang isang libro na patuloy na tinatangkilik ng madla. Sa katunayan nga, ito ay nagging numero unong bestselling book nitong nakaraang Abril ayon sa National Bookstore at Powerbooks sa kategoryang Best-sellers for Philippine Publication. Pagbuklat ng pahina Umiikot ang istorya sa dalawang pangunahing karakter na si Kenji at Athena. Si Kenji ay naturingan bilang isang “gangster” – basagulero, mabisyo, madalang pumasok sa iskwela at tila walang direksyon ang buhay. Si Athena naman, sa kabilang dako, ay 17 taong gulang, isang simpleng Pilipina na nagmula sa Korea at pinagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa Pilipinas. Nagsimula ang kwentong pag-ibig ng dalawa nang magpanggap si Athena bilang kasintahan ni Kenji (na may naunang kasintahan na nagkataong Athena Abigail din ang pangalan o “Bee” bilang kanilang tawagan) upang pagselosin si “Bee”. Tila walang makapipigil kay Kenji na gumawa ng paraan upang magkabalikan silang muli at handa niyang tahakin ano mang kapamahakan ang idulot nito. Tila isang Marian Rivera-Richard Gutierrez sa kanilang 2008 na pelikula na My Bestfriend’s Girlfriend na kung saan sila rin ay nagpanggap bilang magkasintahan upang pagselosin ang naunang nobya ni Richard at sa dulo’y nahulog din ang loob nila para sa isa’t-isa at inamin ito sa kinalaunan. Buong pusong iniwasan ni Kenji ang kanyang mga dating masamang naka-ugalian para kay Athena. Ang magandang pagbabago na ipinakita ni Kenji ay nagbigay daan para mahulog din ang loob ni Athena sa binata. Naging isang malaking dagok para kay Kenji ang hindi sinasadyang sabay na pagkakaospital ng dalawang taong hindi maikakailang

mahalaga sa kanyang buhay. Si Athena na may hypertrophic cardiomyopathy o sakit sa puso at si Bee na may kanser ang nag-iwan kay Kenji ng malaking kaguluhan sa kanyang isip at puso kung sino nga ba ang mas matimbang – si Bee na kanyang una ng minahal o si Athena na kasulukuyang nagbibigay kurot sa kanyang puso? Sa kaninong katauhan nga ba mahahanap ni Kenji ang tunay na magpapaligaya sa kanya? Kinapulutang aral Ika nga ng may-akda, sa kabila ng lahat ng kamalian at kapintasan na mayroon sa pagkatao ng isang indibidwal, ang pag-ibig ay may kakayahan na tagos sa pusong maiparamdam at maipakita sa ang pagiging perpekto ng dalawang taong tunay na nagmamahalan para sa isa’t isa. Humantong ang mensaheng gustong iparating ng libro sa mambabasa sa importansya ng buong pusong pagtanggap sa pagkatao ng bawat isa upang mahanap ang tunay na kaligayahan na sa sarili lang mahahanap, sa pagtahak maging sa matitinik na daan at pagsasakripisyo para sa taong minamahal. Ngunit hindi lahat ng inaasahang pangyayari ay maaring mangyari at hindi lahat ng ginusto ay makukuha – ang pag-ibig, tulad ng isang laro na kung saan ay walang kasiguraduhan ang pagkapanalo sa kabila ng hindi mabilang na sakripisyo at walang katapusang pagtitiis. Masakit man isipin ngunit may katotohanan sa kasabihan na hindi lahat ng kwentong pag-ibig ay “happy ending” ang kinahihinatnan. Ngunit sa bawat kwentong ating naririnig ay nakapaloob ang sariling kaligayahan na hatid ng pakiramdam ng isang taong umiibig. -Katrina C. Surla

Mga dibuho ni Ralph Michael R. Nochete; Kuha nina Marione Paul G. Infantado at Monica Gail Gallardo Latag nina Johanna Alexandria Marie G. De Jesus at Kimberly M. Bondoc


6

Agosto 2013

OPINYON

EDITO RYA L

Huwag manghinayang

Ang paghusayin ang mga magagaling na guro at tanggalin ang mga hindi naman lubos na kapakipakinabang. Dito nararapat na mag-pokus ang Far Eastern University (FEU). Tunay ngang isa sa mga itinuturing na dakilang gawain ang pagtuturo. Sabi nga nila, ito lang raw ang kaisa-isang propesyon na lumilikha ng iba pang mga propesyon. Dahil dito kung kaya’t ganoon na lamang ang paghanga ng lipunan sa mga maestro at maestra. Hindi kasi linggid sa kaalaman ng lahat na hindi biro ang kanilang ginagampanang tungkulin. Sa kanilang mga balikat lang naman kasi nakaatang ang mabigat na responsibilidad na pandayin ang isip, linangin ang kakayahan at pagningasin ang diwa ng mga mag-aaral. Ngunit dahil nga mabigat ang trabahong ito, hindi lahat ay kwalipikado at may kakayahan upang gampanan nang mabuti ang nasabing responsibilidad. Mahirap itanggi ang katotohanang ilan sa mga titser natin ay hindi naman epektibo sa kanilang mga tinanggap na gawain. Marahil ay mangilan-ngilang beses na rin tayong nakarinig ng mga estudyanteng dumudulog ng problema tungkol sa kanilang mga propesor. Ang ilan sa kanila’y nirereklamo ang kanilang titser na pala-liban sa klase, na-memersonal at hindi sapat ang kaalaman sa kursong itinuturo. Sa kabilang banda naman ay mayroon ding mga propesor na sadyang kabaligtaran nang nauna. Mas madalang nga lang tayong makarinig mula sa kanila. Ngunit paano nga ba tamang mabe-beripika kung may basehan ang mga punang ito? At kung napatunayang totoo, paano ito ginagawan ng karampatang aksyon? Ang ilan sa mga naging sagot dito ay ang pagkakaroon ng faculty evaluation program kung saan ang mga estudyante ay may tyansa na bigyan ng ‘grado’ ang kanilang mga propesor batay sa mga ilang nakalatag na criteria. Sa pamamagitan nito ay maipaparating raw ang mga hinaing ng estudyante sa kanilang mga guro at isa ring basehan ito ng pag-angat o pagbaba ng rango ng mga nasabing propesor. Ngunit gaano nga ba ka-epektibo ang ganitong pamamaraan? Tunay nga bang nabibigyan ng aksyon ang mga daing ng estudyante? Kung ganun pala ay bakit halos walang makitang resulta ang karamihan sa aming mga mag-aaral? Patuloy pa ring nagtuturo sa nakasanayang maling gawi ang mga propesor kahit na makailang beses na silang na-reklamo. Parang halos immune na nga ang ilan sa mga mababang marka sa faculty evaluation. Sa madaling salita, hindi sapat ang programang ito upang sukatin ang gawa ng mga propesor. Nangangailangan pa ng isang mas matibay at komprehensibong proyektong laan para sa ebalwasyon ng tamang pagtuturo. Sana ay mabigyan pa ng kaukulan at kapapansinpansing pokus ng administrasyon ang mga guro sa ating unibersidad. Huwag sanang paghinayangan ng FEU ang pagtatanggal sa mga gurong hindi naman kaisa sa hangarin na mapalago ang kaalaman sa kampus. Dito ay lubos na makatutulong ang mga estudyante dahil kami ang mga unang humaharap at nakatatanggap ng kaalaman (kung mayroon man) mula sa kanila. Sa kaparehong paraan naman ay bigyan pa sana ng pondo, oras at atensyon ang mga gurong may potensyal at talento upang mapaghusay pa lalo ang kanilang pagtuturo. Huwag sana ring panghinayangan ang perang gagastahin upang suportahan ang kanilang mga research, dagdagan ang kanilang suweldo at taasan ang kanilang mga natatanggap na benepisyo. Sa paraang ito’y nakakasiguradong aangat pa ang kalidad ng edukasyon sa FEU. Ibuhos ang lahat ng atensyon sa pagpapayabong ng kakayahan ng mga propesor, at hindi malayong kasunod na nito ang pagyabong rin ng kakayahan ng mga estudyante.

“P’wede po bang i-reimburse ‘yung miscellaneous fee naming hindi nagagamit?” Siguro ay sadyang nakakatawa lang talaga ang paraan ng aking pagtatanong, o ‘di kaya’y ang aking tanong mismo, kung kaya’t saglit pang napangisi si ma’am bago n’ya napansin na pokerface akong naghihintay sa sagot n’ya. “Hindi.” Matipid n’yang tugon sa halos maka-ubos hininga kong tanong. “Ay. Bakit naman po ganun?” ‘Yan ang naisip ko agad pagkatapos n’yang sabihin iyon. Ngunit sa takot na mapilosopo, mapahiya o ‘di kaya’y maging lalong katawa-tawa, pinili ko na lang mag-thank you (kunwari mabait) bago tuluyang mag-walk-out. Pero hindi naman siguro kayo nagtaka kung bakit ko ‘yun naisipang itanong, ‘di ba? Nakapanlulumo kasing tunay ang taglay na ‘kamahalan’ ng ating miscellaneous fee kaya’t gusto ko sanang humanap ng paraan kung paano iyon masusulit o hindi kaya’y maibabalik sa akin. Kung hindi ka isa sa mga nagkalat na patay na bata sa ating Pamantasan, marahil ay nalaman mo na ang FEU ay isa sa may mga pinakamataas na tuition at miscellaneous fee sa mga eskwelahan dito sa U-Belt. Aba’y 1,354 pesos per unit lang naman ang kailangan waldasin upang malasap ang quality education. Dagdag pa riyan ang 7,497 pesos na Ang Pilipinas, lumaya para maging isang bansa. Hindi para maging bakasyunan, parausan, pagkakitaan o kung ano pa man ng mga banyaga. Hindi lingid sa kaalaman ninuman na ang mga Pinoy ay pakalatkalat sa iba’t ibang panig at magkabilang sulok ng mundo para maging alipin ng ibang nasyonalismo. Dumating pa sa puntong napakahulugan ang salitang “Filipino” bilang domestic helper sa diksyunaryo ng Oxford. Ngunit ang pinakamasaklap sa lahat ay ang pagpapaalila natin sa mga dayuhan maging sa sarili nating bayan. Smart, Globe, SM, McDonalds – ilan lamang ito sa mga establisyimentong kilala ‘di lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang bansa. Ang mga nasabing kompanya ang siyang nangunguna sa paggawad ng mapagtatrabuhan nating mga Pilipino. Subalit alam niyo ba na ang lahat ng ito ay pag-aari ng mga dayuhan? Higit pa riyan, ang nasabing mall at fast food chain ay isinasagawa ang kontraktwal hiring kung saan matapos ang ilang buwan, papalitan na ang mga emplayado. Ang mahirap pa nito, bukod sa pansamantala at walang kasiguruhan, wala ring benepisyo o insurance na matatanggap ang mga manggagawa kahit pa madisgrasya o magkasakit habang nasa trabaho. Ayon sa aking propesor sa Ekonomika, ang

Ako si kuripot

halaga ng miscellaneous fee at humigit kumulang 250 pesos na binabayaran para sa iba’t ibang student organizations. Ngayon, masisisi mo ba ang mga magulang mo kung halos isumpa ka nila kapag nakita ang kasuklam-suklam mong grades? Tama ‘yan, enjoyin mo na lang. Sa seryosong usapan naman, nakalulungkot mapansin kung paano ang karamihan sa atin ay hindi binibigyang halaga ang perang inilalaan upang makapag-aral. Marami pa nga sa atin ang mas interesadong malaman ang tungkol sa lovelife ni Terrence Romeo kaysa magtanong kung para saan nga ba ang ating binabayarang energy fee, students affairs fee, registration fee, audiovisual fee at computerization fee. Alam n’yo ba na kapag pinagsama-sama ang mga iyon ay sapat nang makabili ng 50 chicken fillets at 35 hot fudge

sundaes? May sukli ka pa. Hindi ka pa ba mauumay n’yan? Palagay ko ay kakaunti lang din ang may alam na may binabayaran tayong e-mail fee sa halagang 406 pesos. Katumbas na nito ang higit 27 hours sa computer shop, wala pang promo-promo. Sapat na ring makabili ng 10 general admission tickets sa MOA Arena ang 750 pesos na nilaan para sa athletics fee. O kung medyo rich kid ka talaga, tatlong patron seat tickets. Hindi ko sinasabing walang saysay ang binabayaran nating ito o hindi dapat ito sinisingil sa atin. Ang akin lang, sana ay alam natin kung saan ito napupunta para naman magamit natin ng mabuti at hindi lang basta-basta nasasayang. Kaya imbis na makipag-usap sa kaibigan mong wala namang masabing matino tuwing heartbroken ka, mas mainam siguro na magtungo na lang sa guidance office at doon

Nag-iisip ka ba?

mga bilyonaryong gaya nina Henry Sy at Lucio Tan ay walang stocks dito sa market ng Pilipinas. Kumbaga, anumang kitain nila, walang napupunta sa ating gobyerno pagkat lahat ng shares nila ay nasa abroad, liban na lamang sa mga buwis na kanilang binabayaran. S u b a l i t nakapagtatakang wala sila sa top ten taxpayers ng Philstar.com. Ayon sa website, si Henry Sy Sr. na kinilala ng Forbes Magazine bilang pinakamayamang Pinoy para sa taong 2012, ay nasa ika-15 ranggo; samantalang si Lucio Tan, ang ikalawang pinakamayang Pinoy ayon rin sa Forbes, ay nasa ika35 na ranggo. Nanguna pa ang kanyang abogado na si Estelito Mendoza na nasa ika14 na ranggo. Dumako naman tayo sa mga katangian nating mga Pinoy. Alam ko, kinikilala at ipinagmamalaki natin ang ating pagiging hospitable. Sa katunayan, ayon kay Alexander Lacson , manunulat ng 12 Little Things Every Filipino Can Do For His Country, ang bansa natin ang kaisa-isang

nasyon na tumanggap sa mga Hudyo noong panahon nang Holocaust kung saan walang kahit anong bansa ang tumanggap sa kanila nang sila’y naghangad ng asilo. Kahit kapuri-puri ang katangian nating ito, ika nga nila, lahat ng sobra, masama. Halimbawa na lamang sa aming klase kung saan may nag-iisang foreign student na bukod sa nananahan na rito ng anim na taon ay rito pa nag-aral ng sekundaryang edukasyon at sa kabila nito, hindi pa rin marunong managalog. Sa halip na isaisip ang mahigit apatnapung estudyanteng Pinoy sa naturang seksyon, pinili ng aming propesor na i-accommodate ang dayuhang mag-aaral kaya imbis na gamitin ang Pambansang Wika bilang midyum sa pagtuturo na naaayon sa kursong iyon, naging Ingles na lamang ang siya niyang gamit. Sa tingin niyo ba kapag tayo ang pumaroon sa bansa nila – Amerika, Tsina, Korea o kung saan pa man – gagawaran din nila tayo ng ganoong pakikitungo at

ibuhos ang iyong drama dahil sa binayaran mong 350 pesos. Sa halip na laging manghingi sa iyong katabi ng barya tuwing exams, mas mabuting kausapin na lang ang iyong propesor tungkol sa 252 pesos na siningil para sa photocopy fee. Bawasan na rin ang pagpunta sa sinehan at ugaliin na lang manood ng mga pagtatanghal sa auditorium dahil hindi biro ang 209 pesos para sa cultural fee. Paratian na rin magpalamig, mag-aral at manghiram ng libro sa library dahil nakalulula naman talaga ang 1,617 pesos na ginagasta para rito. Dahil kahit nga ang 32 pesos na student insurance ay aabot sa higit kumulang 928,000 pesos kapag tinipon-tipon at hindi nagamit. Saan mapupunta ito kung gayon? Haay.. Iyan ang isa sa mga bagay na gusto ko sanang itanong kay ma’am noon kung hindi n’ya lang ako sinungitan. Sa huli, hindi man siguro natin maaaring i-reimburse ang mga miscellaneous fee na ito, p’wede naman itong mabawi kung susulitin nating mabuti ang mga serbisyong atin namang binayaran. Mmhh… Saan kaya pwedeng magsimula? Tara, makapagpa-dental! Sayang kasi ‘yung 500 pesos natin doon. Kuripot ka ba kagaya ko? Buti na lang at wala kang babayarang e-mail fee sa jeromes. deguzman@gmail.com. pakikisama? Hindi! Kaya nga lahat ng nangingibang bansa, mapa-exchange student o manggagawa, sumasailalim muna sa nararapat na training at pag-aaral ng lenggwahe at kultura ng dadayuhing bansa bago sila tumungo roon. Siguro likas na mabuti tayong mga Pilipino pero ika nga ni Aristotle, you cannot give something that you do not have. At aminado naman ang kahit sino, mapakanluran man o silangan, tayo’y namumuhay sa mundo kung saan ‘matira ang matibay.’ Kaya sana, bago natin gawing “truly it’s more fun in the Philippines” at kaaya-aya ang ating mga likas na yaman para sa mga turista at mangangalakal na banyaga na siya ring sisira at aabuso sa mga ito o isaalangalang ang sasabihin ng ibang lahi at kapakanan ng mga foreign exchange students na sa katunaya’y kaya naman nag-aaral dito sa Pilipinas ay dahil lamang sa kadahilanang mas mura ang edukasyon, unahin muna natin ang ating sariling kapakanan, ang mga katutubong mamamayan. Ang Pilipinas lumaya para maging tahanan nating mga Pilipino, hindi para maging kasangkapang pupuno sa pangangailangan ng kung sinu-sino. Hindi pa ba sapat ang mahigit apat na daang taong panunupil sa’tin ng mga dayuhan? Patunayan mong ginagamit mo pa rin ang iyong kolonyal na pag-iisip at mangatwiran sa cue_kcfc@ymail.com.


OPINYON Cheesy mang pakinggan pero parati kong naririnig sina papa at mama na sinasabihan ang isa’t isa, “Masama ang pagkain ng sobrang baboy. Nakaka-high cholesterol.” Kahit na ba signs of aging lang, sweet pa rin ‘d ba? Pero hindi ko alam kung bakit ang pagbabawal ng baboy sa gobyerno ay hindi kasingsweet ng pag-uusap nina papa at mama. Hinding hindi talaga. Noong nakaraang buwan ay naging mainit na balita ang mga anomalya tungkol sa Priority Development Assistance Fund o mas kilala bilang pork barrel ninyo. Tinatayang 10 bilyong piso mula sa pork barrel ng hindi bababa sa pitong senador at 23 kongresista ang sinasabing napupunta lang sa “ghost” nongovernment organizations at hindi makatotohanang proyekto. At kung hindi pa ‘to sapat para sabihing hindi ninyo kasing-sweet sina papa at mama, ipaaalala ko na inihain pa ng magaling na Pangulong Benigno Aquino III ang pagbigay sa pork barrel ng 27 bilyong piso mula sa national budget para sa susunod na taon. Kahit na ba matagal nang inuudyok ng taong-bayan ang pagbabasura ng pork barrel ay hindi pa rin talaga natitinag ang gobyerno sa pagsali nito sa pambansang pondo. Napakahusay talaga. Alam ko namang lumang usapin na ang kademonyohang

Nung minsang pumunta sa restoran, hindi ko malaman kung ano nga ba ang hinahanap ng aking dila. At nung tinanong na sa counter, “What’s your order ma’am,” para bang gusto kong sabihing, “Isang tray nga ng kapayapaan, paki-upsize na rin pala ‘yung malasakit sa kapwa. At saka magkano nga pala ‘pag may add-ons na pagtutulungan para sa kaunlaran?” At dahil katatapos pa lang no’n ipalabas sa sinehan, inaadvertise pa ng kainan na aking pinuntahan ang Superman. Habang nakatitig sa baso kong may tatak “S” tulad nung nasa dibdib ni Superman, bilang naturingan siyang tagapagligtas, siya marahil ang naisip kong makasasagot sa problema ng ating lipunan. Sino ba siya? Kailan ba siya darating? Kung totoo man siya, bakit hindi pa rin niya tayo pinagtatanggol sa masasama? Kailangan ka namin. Nand’yan ka ba sa tronong ipinagkaloob at ipinagkatiwala sa’yo ng sambayanan? Habang ang karamiha’y tagaktak ang pawis sa paghihirap, ikaw ba to’ng nakataas ang parehong paa sa ibabaw ng lamesa at nakangiting nagbibilang ng pera mula sa kaban ng bayan? Nag-aatubili kung ito ba’y ilalaan mo para sa pagpapagawa ng maayos na kalsada o ipambibili ng pandagdag sa mga kotse mong tila palamuti sa garahe ng iyong Kahit gaano pa katanyag ang mga Pilipino, hindi lang tayo ang mga tao sa mundo. Sa mga unibersidad, may mga estudyanteng nagmula pa sa ibang bansa o mga foreign students. Pinili nila sigurong magaral sa Pilipinas upang makakuha ng hustong edukasyon. Ngunit, sa pamamalagi dito sa Pilipinas nang ilang taon ay nakikilala ba nila tayong mga Pilipino? Alam ba nila na kakambit sa Pinoy ang mga iba’t ibang klase ng tradisyon. ‘Yung mga pagkakataon na maliligo ka sa buhos ng tubig na nagmumula sa sasakyan ng bumbero, kumakanta sa iisang tono kapag pasyon at kinukumpleto ang simbang gabi. Isa pa na kaparis din ng kasiyahan natin ay ang pagkalugmok sa mga kasawian. Kahit nga ‘yung pagpanaw ng alagang salagubang, naluluha pa ang ilang mga Pinoy. Pagkatapos n’un, ililibing nang may kasamang krus. Aba’y relihosyo pala ‘yung alaga, Pinoy din kaya siya? ‘Yung mga nakaiintindi ng Tagalog d’yan, naransan mo ba ‘to kahit sa pusa, aso, kuneho o isdang alaga man lang? Sana naman walang may alagang ipis diyan. Pero, naniniwala ako na isa sa mga katangian ng karamihan ng Pilipino ay nagmamatapang kapag may dumadaang ipis,

Ang ‘baboy’ ninyo

idinudulot ng pork barrel sa inyo pero ang katotohanang matagal na itong paksa ng mga usapin ay ang mismong nagpapataas ng presyon ng dugo ko; na para bang ako mismo ay nasobrahan na sa pagkain ng baboy. Tinatayang 40 porsyento raw ng pork barrel ninyo ay nawawala lang sanhi ng laganap na korupsiyon at 60 porsyento lang ang napupunta sa mga proyekto mismo. At tumpak! ‘Yun na nga mismo ang dahilan kung bakit nakaaawa ang kalidad ng mga proyekto ninyo; pinagkakasya kasi ang maliit na halaga para maisakatuparan ang mga proyektong inyong minumungkahi. Pero minsan ba sa buhay ninyo ay sinubukan niyo nang alamin ang mga sentimyento ng mga taong pinagsisilbihan ninyo? Minsan ba ay na kasabay ninyo na silang maglakad-lakad sa bayan?

Minsan ba ay nakasabay niyo nang tumambay sa isang sari-sari store ang isa o dalawang grupo ng mga nanay sa bayan ninyo, pinaguusapan ang kakulangan sa libro ng mga anak nila? Minsan ba ay nakasabay ninyo nang maglakad sa mga kalsadang pinapagawa ninyo (pero hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil kulang pa raw sa pondo) kasabay ang mga tricycle drivers, pinag-uusapan ang mahirap na pagdaan sa mga naturang kalsada tuwing sila ay pumapasada dahil lubaklubak at madali itong bahain? Minsan ba ay nakapasok na kayo sa barangay health centers at nakatabi sa waiting sheds ang mga residente; pinag-uusapan ang kani-kanilang mga sakit na hindi pa magamut-gamot dahil sa kakulangan ng pasilidad sa mga naturang health centers?

Nasaan ka, Superman?

mala-mansyong bahay. Kabilang ka sa mga makapangyarihan na nanggigigil sa pagkakaroon ng higit pang kapangyarihan. Ikaw raw ang lulutas sa problema ng sambayanan. Ikaw ba si Superman? Nand’yan ka ba sa likod ng altar at ipinahahayag ang “mabuting balita”? Ikaw ba ‘tong magkadikit ang parehong kamay at nakapikit habang tinuturuan ang sanlibutan ng tamang pananampalataya ngunit pagkatapos mong ituro ang salita ng Diyos sa misa, dumeretso ka sa pa-piging at nagpapaalila sa salita ng mga trapong mambabatas? Ang iba’y matindi ang pananampalataya sa’yo ngunit sila’y binigo mo. Ikinukubli ng iyong mahahalimuyak na salita ang marurumi mong gawaing hindi rin naman naaayon sa bibliyang sinasabi mong dapat naming sundin.

Ikaw raw ang dakilang tagapamahayag ng tama. Ikaw ba si Superman? Nandyan ka ba sa bansang banyaga, kumikita ng malaking halaga ngunit sinasarili lamang ang benepisyong iyong tinatamasa? Nasilaw sa kakaibang kultura at tuluyan nang inabanduna ang sarili mong bansa. Ang kahabag-habag mong bayang kinagisnan na tinulungan at hinulma ka upang maging matagumpay ay tuluyan mong inulila at hindi man lang tumanaw ng utang na loob. Ikaw raw ang bago naming bayani. Ikaw nga ba si Superman? Totoo ka nga ba? Ikaw ba’y naglalakbay sa alapaap, nagmumuni-muni at lumilipad habang tinatanaw ang iyong bayan? Kung kami’y iyong nakikita, maaari bang kami’y iyong tulungan?

Para sa nakaiintindi ng Tagalog

pero, kapag natuto itong lumipad na mistulang paruparo, karipas ang takbo. Tapos, alam ba nilang madaling maantig ang mga Pilipino? Pusong mamon kumbaga, ngunit, mahihilig sa mga kantang tulad ng ‘Pusong Bato’. Sa mga palabas lang nga sa telebisyon ay humahagulgol ang ilan. Tapos, kapag may malungkot sa grupo, kaibigan, o pamilya, madaling nadadala ang damdamin. Sa mga sakuna, hindi maantala ang pagiging makabayan at makatao. Nakikita ba nila na ang mga Pilipino ay lubos na masagana sa mga nakatutuwang kilos na masarap balik-balikan? Tulad lang nga ng kaisipan sa kinakaing tinapay, kahit ano ang palaman, ay hindi pa rin sapat na tawagin itong isang meal. O kaya, ‘yung pagtawag natin sa brand imbis na ‘yung bagay. Halimbawa, colgate sa toothpaste o skechers

sa sapatos at iba pa. Ugaling Pinoy lang meron niyan. Sa kabilang banda, tayo ba kinikilala natin sila? O nahihiya tayong lumapit at makipagkaibigan sapagkat pumipilipit ang ating dila at takot tayong pagtawanan ang ating Ingles? Ang mga banyagang estudyante ay kaparis din natin. Kung nahihiya ka, mas malaki ang tyansa na nahihiya rin sila sapagkat nasa loob sila ng bansa at malalayo sa pamilya’t mga kabigan nila. Dahil tahanan natin ang Pilipinas, ang ilan naman sa atin ay gumawa ng paraan upang ibsan ang kanilang hindi pagiging komportable. Hindi naman mahirap na lapitan sila, malay mo, nag-aantay lang sila ng pagkakataon na tayo ang gumawa ng unang hakbang. Hindi ka ba nagkakainteres sa pinagmulan nitong mga foreign students? Sa kani-kanilang mga tradisyon, kinaugalian, at kultura? Ayaw

Malakas ang vibes ko, ramdam na ramdam ng katawang lupa ko na ang karamihan sa inyo ay hindi pa ‘to nagawa. Marahil na ang katotohanang karamihan sa inyo ay nagmula sa mararangyang pamumuhay ay isa sa mga dahilan kung bakit patuloy ang kababuyang nangyayari sa pork barrel. Ano kaya kung sa mga pampublikong paaralan nag-aaral ang mga anak ninyo? Baka tuwing uuwi sila ay ikukwento nila sa inyo kung gaano kaawa-awa ang kalagayan ng public schools. Ano kaya kung imbis na hatid-sundo kayo ni Manong Driver araw-araw ay sumasakay kayo sa pampublikong sasakyan gaya ng tren at bus? Baka mula pa lang sa pagsakay ninyo sa North Avenue station hanggang sa pagbaba ninyo sa Taft Avenue station ay napagtanto na ninyong totoo nga palang nakaaawa ang kalagayan ng transportasyon sa Pilipinas. Observe-observe rin naman kasi ‘pag may time. At oo, kayo ang kausap ko, mga mambabatas na sangkot sa iba’t ibang uri ng anomalyang hindi maka-tao, aminado man o hindi. Kayo nga ang kinakausap ko. Kayo at ang mga baboy ninyo. ‘Wag niyo namang ipagdamot ‘yang baboy ninyo. Gusto rin naman namin ‘yan eh. Share niyo sa’kin ‘yan sa jujubaluyot@ yahoo.com. Kung hindi lingid sa ating kaalaman na ganito ang estado ng ating bayan, marahil tayo ang dapat kumilos para sa ikauunlad ng bansa. Sa tinagal ng paghihintay natin para sa hinirang nating tagapagligtas, sa bandang huli, tayo rin naman ang may kayang isalba ang ating sarili. Huwag na nating asahan ang ibang tao ang magligtas sa atin, sapagkat sa sarili rin naman natin mag-uumpisa ang pagbabago. Ika nga ni Mahatma Gandhi, “Be the change that you wish to see in the world.” Isang hamon lamang ang nakalakip sa akdang ito: ang gampanan ang tungkuling magbago para sa ikabubuti at maging superhero sa sarili nating paraan. Ang tunay na hero natin ay hindi yung nagsa-stun sa DOTA, sapagkat nandito siya sa loob ng pagkatao natin. Huwag na rin nating hanapin sa pahina ng mga comic books si Superman. Subukin mo’ng lumingon muli sa salamin, hindi mo ba natatanaw ang nakamarkang “S” sa sarili mong dibdib? Umiiyak ang nanay ng batang hinayaan mong masagasaan na lang ng sasakyan. Magpakita ka na, Superman. Ikuwento mo sa ‘kin kung bakit ikaw ang superhero namin sa thenikkyrivera@ymail.com. niyo ba silang interbyuhin at alamin bakit Pilipinas ang pinili nila? Ano ba ang paborito nilang lutong Pinoy? Teka, nakatikim na nga ba sila ng lutong Pinoy? Ano ba tingin natin sa kanila o kaya, kung ano ang tingin nila sa ating mga Pilipino? Sa isang perspektibo, tinatrato ba natin ng tama ang ating mga bisita? Pantay ba ang paghusga natin sa mga banyagang hindi nakasusunod sa pambansang batas na walang labis, walang kulang? Lahat naman madadaan sa maaayos na pakikipag-usap, ‘di ba? At sa tingin ng unibersal na moralidad ay pantay-pantay naman ang mga Pilipino at ang ibang banyaga kahit na paminsan-minsan hindi natin maiwasan na mas kumampi sa ating mga kababayan. Pilipino kasi tayo, at mataas ang ating pagka-nasyonalismo. Sa mga nakaiintindi nito, ipaintindi ninyo sa mga hindi maalam sa Tagalog. Hindi mahalaga ang mga barrikadang tinayo ng mga lenguwahe kundi ang ating pakikisama, lalo na sa ibang mga lahi, upang sa kapayapaan ng daigdig na magsismula sa bawat indibidwal—magsisimula sa’yo. Nakakaintindi ka ba ng Tagalog? Patunayan kung oo man, pwede na rin, o hindi talaga sa maryhicellerenacido1314@ gmail.com

Agosto 2013

7

Hindi mo kaya

Sa panahon ngayon, malalaman mo ang iba’t ibang mga bagay tungkol sa isang tao kahit hindi mo siya kausapin o makita nang personal. Tingnan mo lang ang kanyang accounts sa mga social networking sites gaya ng Facebook o Twitter at tiyak na malalaman mo na ang halos lahat tungkol sa taong ‘yon. Iba’t ibang impormasyon ang iyong makukuha, gaya ng tungkol sa kanyang edukasyon, trabaho at mga kaganapan sa kanyang buhay. Halimbawa ay ang mga student leaders na ibinabandera ang kani-kanilang posisyon sa kani-kanilang profile. Maaari mong makita ang hindi mo pa alam na impormasyon sa kanila gayun din ang bagay-bagay sa kanilang buhay. Hindi lamang ‘yan, nagsisilbi rin ang kanilang mga social networking sites account bilang kasangkapan sa pagpapakalat ng impormasyon at anunsyo sa kanya-kanyang nasasakupan. Batid ko rin ang mga student leaders na nagbabahagi ng mga inspirasyonal na kataga na siya ring nagsisilbing motibasyon sa mga kapwa nila estudyante. Pero kung iyong titingnan, may ilang hindi yata ‘tama’ ang paggamit sa mga social networking sites. Una, may mga student leaders na nag-ala Papa Jack dahil puro tungkol sa pag-ibig ang laman. Ang kamakailang heartbreak o di kaya’y mga payo nila hinggil sa pag-ibig, ang ilan sa halimbawa. ‘Di lamang ‘yan, parang Maalala Mo Kaya na rin ang dating ng mga social networking sites para sa ilan. Mayroong nagkukwento pa ng kanilang buhay, mga dagok at problema na kanilang pinagdaanan at hinaharap. Bilang mga mag-aaral na aktibo sa internet ang mga estudyante ng Far Eastern University, hindi maikakaila na nagiging usapan ng mga Tamaraw ang buhay ng mga student leaders na nabanggit–isang senaryo na hindi nalalayo sa diskusyon ng fans sa buhay ng mga artista na kanilang iniidolo. Kung ako ang inyong tatanungin, nagmumukha na yatang stepping stone ng ilang mga student leaders ang kanilang posisyon sa pagiging artista. Mga kapwa ko Tamaraw, kung ating titingnan, hindi kaya maling mga tao ang ating iniluklok dahil sa kanilang hidden agenda? O namali lamang sila ng institusyon na inaniban? Dahil kung pag-aartista pala ang nais nila, e dapat sa artist development centers sila nagtungo. Itutuloy sa...pahina 14

Dahil mahal kita

Hindi ko alam kung may saysay pa ba ang bawat salitang aking bibitiwan. Mahalaga man ito sa akin, maaaring kabaligtaran ang iyong nararamdaman. Isa lamang ito sa aking mga naitatagong mensaheng ibig iparating sa mahabang panahon ng ating pagsasama. Mula nang tayo’y nagkakilala ay tinanggap na kita ng buong puso. Sa iyong anyo hanggang sa makailang beses mong pagsambit ng masasakit na salita sa akin. Minahal ko ang lahat ng ito, kabilang na ang mga pasaning pilit mong ipinabuhat sa akin dahil mahal kita. Malugod kitang ipinatuloy sa aking tahanan; madalas alukin ng masasarap na pagkaing ako ang naghanda o ang pagdadala ko sa’yo sa mga lugar na noon mo lang nakita. Hindi naman sa sinusumbatan kita, ngunit batid kong minsa’y hinahanap mo rin ang mga ito sa mga panahong ika’y wala sa aking piling. Hinayaan kitang magpakalayo at pinili kong maghintay na lamang sa iyong pagbabalik dahil mahal kita. Ilang taon na nga ba ang lumipas ngunit hindi ka pa rin bumabalik. Naaalala mo pa kaya ako? Matagal na rin akong naghihintay. Wala naman akong magagawa dahil pagmamay-ari man kita’y mas pinili mong iba ang iyong makasama. Hindi naman kita masisisi, sapagkat tunay na maganda ang mga dayuhang tulad niya. Hindi maikakailang ibinigay ko ang aking sarili nang buong-buo upang patunayang talagang mahal kita. Bagaman minsa’y sumagi sa aking isipang na iyon lamang ang habol mo sa akin. Ngunit kahit pa ako’y iyong ilang ulit na paglaruan at gamitin, hindi ko kayang magtanim ng poot sapagkat mula nang makilala ka’y kinalimutan ko na ang aking sarili upang makapaglingkod nang buong puso at paglingkuran kang parang isang alipin dahil mahal kita. Oo, hindi ko naman nalilimutan ang mga bagay na naibigay mo sa akin. Sa katunayan, kasabay ng mga galos na iyong iniwan ay lubos kong pinasasalamatan ang mga alaalang itinatanim mo sa damdamin ko. Sa pagmamahal na sa una’y busilak at puro at sa mga materyal na bagay na iyong ibinahagi sa akin. Walang halong pagsisisi ang ilang taong minahal kita at mamahalin pa. Siguro nga tama ang sabi nila, isa akong dakilang tanga sa pag-aakalang mayroong habambuhay sa ating dalawa. Umasa ako na sa paglilingkod ko at pagbibigay ng lahat ay magiging iba ka sa mga dating nang-iwan sa akin at isinantabi ang aking pagmamahal. Ngunit habang mahal kita ay patatawarin kita sa makailang ulit na kasalanang iyong magagawa. Malakas ang aking paniniwalang hindi pa huli ang lahat para sa atin. Isang malaking tinik ang natanggal sa aking dibdib sa pagsusulat nito, ngunit sana ang tinik na ito ang tumusok sa iyong manhid na puso. Sana’y naaalala mo pa ako, ang tatanggap at magmamahal sa’yo ng taos puso’t buong buo nang siyang sasalubong sa pagbabalik mo. Pilipinas ang pangalan ko. Gaano mo kamahal ang Pilipinas? Sukatin natin sa azellelee@ gmail.com


8

FILIP

Agosto 2013

Nina Carlo P. Gulapa, Daniel V. Miaga, Emric Salven B. Rejano at Joy Q. Batang

Ilang daang taon na rin ang nakakaraan mula noong madiskubre ang ating kapuluan. Napakaraming pangyayari at mga bagay ang naganap at natuklasan ang naiukit na sa kasaysayan at magpasa-hanggang ngayon ay dala pa rin natin at pilit na hinahamon ng nagbabagong mundo. Gaano nga ba kahirap ang mabago ang nakagisnan? Mula sa nakasanayang Pilipinas ay papalitan ng Filipinas. Isang pagbabagong maaaring magbalik ng nakaraan o maglunsad ng panibagong rebolusyong pangwika kung susumahin ang reaksyon ng dalawang panig—ang nagpanukala at ang mga mamamayan. Pagbabago sa nakagisnan Mula sa mga paaralan, mga gusali at mga pangunahing lansangan, nakasanayan na nating makasalamuha ang letrang “P” bilang unahang titik ng katawagan para sa ating bansa. Kaya nama’y naging maugong at naging usap-usapan sa buong bansa ang naging panukala ng KWF (Komisyon sa Wikang Filipino) na palitan ng “F” ang “P” sa Pilipinas. “Meron na kaming bagong ortograpiyang pambansa; nakalagay na roon ang walong dagdag na letra. ‘Yung “F” na kailangan gamitin na… na ipalalaganap sa buong Pilipinas at ‘yun ang makasasagot sa paggamit ng “Filipinas” na “F” … ‘di ba nga ang wikang pambansa natin is ‘yung Filipino? So dapat magtugma sila sa tawag sa bansa natin na Filipinas,” paliwanag ni Ginang Sandor Abad, Linguistic Specialist ng KWF. Kung sakaling maaamyendahan ng pamahalaan ay siguradong magkakaroon ng malawakang pagbabago sa mga nakalimbag na mga kasulatan, mga sangay ng gobyerno, larangan ng edukasyon, medisina at industriya at lalung-lalo na sa araw-araw na pamumuhay ng bawat indibidwal. Tulad ng mga ibang panukala, ang KWF ay naghanda ng mga programa tulad ng mga pantas-aral o seminars at pakikipag-ugnay sa mga mga institusyon at kagawaran upang maalalayan ang paglaganap ng pagbabago sa buong bansa. Isa sa mga programang ito ay ang “Sulong: Dangal ng Filipino 2013” na itinaguyod ng KWF kasama ang iba pang mga samahan noong ika-26 hanggang 28 ng Hunyo, sa Bicol University, Legazpi, Albay. Ang layunin ng pambansang pantas-aral na ito ay ang malawakang pagpapalaganap ng mga napapanahong kaalaman sa wika at kulturang Filipino sa buong bansa. Inanyayahan, sa pamamagitan ng Commission on Higher Education at Department of Education, ang mga mananaliksik, propesor, superbisor, guro at mag-aaral na dumalo at makilahok sa naturang programa. Simpatya ng nakararami Bawat titik sa isang salita ay mahalaga lalo na kung matagal na itong nakatatak sa isipan ng maraming tao. Iba’t ibang pananaw ang mahihinuha mula sa mga propesyonal at maging sa pangkaraniwang mamamayan ukol sa pagbabagong nais isagawa. Isa sa mga nagbigay ng saloobin tungkol dito ay si Noel Riofaco, isang drayber. Ayon sa kanya, “Hindi dapat baguhin kasi iyon na ‘yung dati kasi parang ang lumalabas nagiging dayuhan pa rin tayo ‘di ba? At saka uunlad ba ang ating ekonomiya kung papalitan ‘yan? Kahit na gusto nila itong itama, e ‘yun na ‘yung nakalakihan natin, kaya ‘yun na lang dapat,” dagdag pa niya. Hindi rin nalalayo ang opinyon ni Dr. Emmanuel Gonzales, Koordineytor ng Tanggapan ng Larangan ng Filipino. Ayon sa kanya, ang paggamit ng titik ‘F’ sa halip na ‘P’

ay ang pagyakap pa rin sa kultura ng mga mananakop na mayroon ding epekto sa pagkakakilanlan natin bilang isang Pilipino. “Kung gagamitin natin ang ‘Filipinas,’ parang sinasabi nating hindi pa rin tayo nakakaalis d’un sa anino ng ating mananakop kaya dapat manatili siyang ‘P’ para makita natin ‘yung talagang purong Pilipino na pinaghirapan ng mga lengguwista natin na buuin,” tugon niya. Sinangayunan naman ito ni Dr. Lakandupil Garcia ng Pambansang Samahan ng Linggwistika at Literaturang Filipino sa panayam ni Prof. Solita Monsod sa kanyang TV show na “Bawal ang Pasaway Kay Mareng Winnie”. “Lahat ng umuunlad na bansa ay pasulong. Bakit tayo paurong gayong ‘di na tayo sakop ng Espanya?” Isang napakalaking palaisipan ngayon sa ating lipunan, lalung-lalo na sa mga may malawak na kamalayan ukol dito ang isinusulong na plano ng KWF. Sinasabing nagtatalo naman ang mga propesor sa Unibersidad ng Pilipinas ukol rito, ayon na rin sa isang artikulo mula sa website ng GMA Network na pinamagatang “Switch to ‘Filipinas’ unconstitutional, UP prof says” Saad sa artikulo na ang paglilipat ng ‘Pilipinas’ sa ‘Filipinas’ ay walang batayan sa wika kung kaya’t hindi ito sumasang-ayon na ang pagsasama ng ‘F’ sa alpabetong Pilipino ay dapat kinikilala, hindi ito sapat na batayan upang baguhin ang ‘Pilipinas’ sa ‘Filipinas’. Nagpalitan din sa nasabing artikulo ng saloobin o ideya patungkol sa papapalit ng pangalan ng ating bansa. Samakat’wid, ang nais na pagbabago ay hindi lamang patungkol sa pagpapalit ng letra, bagkus ito ay tungkol sa identidad at pagkakakilanlan ng bawat isa. “Kadikit ng identidad ng Pilipino ang ‘Pilipinas’ samantalang hindi kilala at kolonyal ang ‘Filipinas.’ Kaya, mahalagang maisaalang-alang ang sensitibong pagtingin sa pangkalahatang damdamin ng taumbayan upang mapag-isa ang bansa,” saad sa nasabing artikulo. Kabilang panig Nakatanggap man ng maraming negatibong komento ang panig ng KWF ukol sa nangyari, mas pinili nilang manatiling tahimik upang maiwasan ang mga bagong maaaring umalab na mga damdamin. Ayon sa kanila, ginagawang katatawanan na siyang, sinasabing Finas na ang itatawag sa halip na Pinas. Para sa KWF, ginawang biro ng ilang Pilipino ang panukalang patungkol sa isang seryosong bagay. Sa pagbibigay ng mga reaksyong balbal at hindi kanais-nais ay pinili ng KWF na itikom na lamang ang bibig. “Hindi praktikal ang mga comment nila, parang nagpapatawa lang sila. So hindi namin sinasagot iyon, kasi parang irrelevant na yun, eh,” dagdag pa nito. Maaaring mahalaga o hindi, na marinig ang reaksyon ng mga mamamayan ukol sa isinasagawang batas, sapagkat sa bandang huli, gobyerno pa rin ang magbibigay ng huling detalye sa pagtanggap o pagbasura sa nasabing panukala. Nasa bawat isa ang desisyon kung aling daan ang tatahakin, kung ito ba ay magpapatuloy sa nasimulan na o tatanggapin ang mga pagbabagong maaaring makabuti o makasama sa nakararami. Bagaman hindi mabilis mapapansin ang komente ng iisa, tiyak na may magagawa ang mga boses kapag nagsama-sama.

Ni Carlo P. Gulapa

Mayroong iba’t ibang paraan ang maaaring gawin sa pagpapahayag ng sarili. Sa tulong na rin ng samu’t saring imbensyon ay nailalathala ang ipinupulso ng isang nais magsulat. Noon pa ma’y mayroon nang ilang mga gawaing maaaring makapagpahayag ng bugso ng sari-saring damdamin. Ngunit sa patuloy na pag-unlad at mabilis na pagbabago ng panahon ay natutong tangkilikin ang makabagong teknolohiyang kasabay ng pag-usbong ng modernong panahon. Istilong Walang Kupas Kasabay ng takbo ng oras ang mabilis na paglago ng teknolohiya sa bansa. Ito ang maaaring nagudyok sa marami upang subukin ang kakayahan ng social media. Isa sa mga nausong ito ang pagkakaroon ng online blogs o journal na itinuturing na diary ng ilan. Ayon sa weblogs.about.com, isang online resource site, isa ang blog sa mga makabagong paraan ng pagpapahayag ng mga nais ng isang tao. Una itong tinawag na “weblog” sa Estados Unidos noong dekada ‘90 na kalauna’y kumalat at nakilala sa iba’t ibang bahagi ng mundo bilang isang online diary na mabentang-mabenta ngayon sa mga kabataan. “…sharing is a trend, people don’t hide their feelings anymore, they share it out loud,” ganito inilarawan ni Wilson Esguerra, isang rehistradong guro, social media manager at certified blogger, ang dahilan kung bakit in-demand na ang online diary o blogging sa panahon ngayon. Sa kasalukuyang henerasyon, halos abot-kamay na ang pakikipagkapwa sa modernong teknolohiya. Ayon kay Esguerra, nagkakaroon ng “better access” ang isang indibidwal gamit ang mga ito kumpara sa mga written diaries. Dagdag pa niya na sa dahilang limitado ang maaaring ipahayag sa tradisyunal na pagsusulat ng journal ay mas pinapaboran ng nakararami ang blogging. “It’s not just about blogging but all about sharing, you can only see few people using a journal as hiding place of their thoughts, they rather be heard than to hide. It’s [blogging] the generation epidemic”, ani Esguerra. Certified Blogger Isa ang sophomore student ng Far Eastern University na si Dianne Salazar sa mga kabataan na aminadong nahuhumaling sa mundo ng blogging. Ayon sa kanya, inaabot siya ng isa hanggang apat na oras sa harap ng kompyuter at kung minsa’y inuumaga kaka-blog sa kanyang Tumblr account, isa sa mga kilalang online blogging site sa buong mundo. Dahil sa kagustuhang makilala at dala na rin ng impluwensiya ng kanyang kamag-aral noong high school ay napasok siya sa mundo ng blogging. “Dahil sa kaklase ko kasi medyo famous siya sa Tumblr, so naging interested din ako sa pagbablog,” k’wento niya. “Sa Tumblr kasi pwede mo i-express lahat ng thoughts mo or about yourself, about fashion din. Iba-iba pwede mo i-blog kasi sarili mong blog ‘yun eh; may mga bloggers din na nagbabasa ng mga blogs mo. Pwede ring para sa mga artistang gusto mo, basta kahit ano pwede mo i-express d’un,” ani niya. Sa halos tatlong taon na kanyang pagba-blog ay inamin niya na medyo nahirapan siya sa una sapagkat hindi umano naging madali ang pagkakaroon ng mga followers na siyang maaaring makabasa at

makapag-promote ng kanyang mga nailalathala. “…S’yempre sa una mahirap kasi mahirap makahanap ng mga magfo-follow sa’yo kasi ‘di pa sikat Tumblr noon. Pero ngayon na may mga followers na rin ako d’un, mas na-e-express ko pa ‘yung sarili ko, d’un mas masarap sa feeling,” saad ni Salazar. Para sa kanya, wala namang mga requirements na kailangan bago matawag na blogger ang isang tao; pasensiya at bukas na isip lamang umano ang kailangan upang maging isa sa kanila. Paliwanag nga niya, “Blogging is not to impress but to express”. Anuman ang mangyari o problema ang dumating, inaamin ni Salazar na hindi niya kakayanin kung sakaling mawala ang blogging sa buhay niya. Nagsilbi na rin itong parte at mahalagang aspeto ng kanyang pang-araw-araw na pamumuhay at nais niyang maging parte pa ito ng kanyang buhay sa hinaharap. “…Kasi sa pagba-blog na nga lang ako nagsasabi ng damdamin ko tapos mawawala pa ‘yun. Parang wala nang matitira sa ’kin kung hindi ‘yung tiwala ko lang sa sarili ko. Syempre kailangan ko ring ilabas ‘yun para kahit papa’no gumaan ‘yung pakiramdam ko. Hindi naman para sa kaawaan nila ako kundi para malaman lang nila kung ano ‘yung nararamdaman ko,” sambit ni Salazar. Pulso ng Masa Iba-iba ang impresyon ng mga tao pagdating sa blogging. Maaaring para sa mga kabataa’y isa itong magandang bagay na makatutulong sa pamumuhay ng tao at maaari namang para sa mga matatanda’y isa lang itong walang kabuluhang bagay na maglalaho at malilimutan din ng tao pagdating ng panahon. Para kay Charissa Nadine Gonzales, estudyante ng Medical Laboratory Science sa Saint Louis University sa Lungsod ng Baguio, ang pagbabasa ng mga blogs, partikular na ang mga personal blogs na sumasalamin sa mga buhay ng iba’t ibang uri ng tao ay isang bagay para sa kanya na maaari niyang paghugutan ng inspirasyon sa buhay, o maging impluwensya ng mga tama o maling desisyon na maaari niyang gawin sa hinaharap. “Usually po mga personal blogs, ‘yung mga blog po na kinukwento lang kung anong nangyayari sa araw-araw nila. Minsan din po mga blogs ng mga writings nila ganon…Benefits? Para po sa ‘kin parang inspiration na rin po. Pati parang mas nagiging clear po ‘yung mga gusto kong mangyari sa buhay ko,” paliwanag nito. Dagdag pa niya, mabisang paraan din ang blogging sa pagpapalabas ng mga abilidad na paminsa’y kahit ang nagsulat ay hindi batid na mayroon siyang ganoong talento. “…sa pag e-express po ng sarili? Kasi may mga tao po na hindi marunong i-put into words ‘yung mga nasa isip nila; tingin ko po, through blogging, mapa-practice po ‘yun,” tugon ni Gonzales. Kung para kay Gonzales, ang blogging ay isang mahalaga at kapaki-pakinabang na Ituloy sa...pahina 13


PINO

Andrezell U. Lee

Patnugot ng Filipino

9

Nina Andrezell U. Lee, Charisse L. Vitto at Frances Marie Tenerife

Sa bawat pagkakataon na lumilipas ay may alaala itong iniiwan sa atin. At sa patuloy na pagtakbo ng oras, hindi maitatangging nanaisin nating balikan ang mga magagandang pangyayaring kumupas na. Ang mga panahong iginuhit na sa araw-araw na gastusin. nakalipas ay kailanman hindi na mababalikan. “Naranasan ko na mga five shots. Ang binigay lang sa Ngunit sa tulong ng ilang taong ginagawang ‘kin pambili lang ng kendi,” pagbabahagi ni Arencio. “’Pag holiday, pangkabuhayan ang propesyon ng potograpiya, naipe- Sabado, Linggo, New Year swertihan lang din. Minsan isang libo o preserba sa mga piraso ng papel ang nakaraang ito. limang daan,” dagdag nito. Noon ay maituturing na patok sa mga mamamayan ang Masusing pamamaraan pagpapakuha ng litrato, ngunit sa pag-usbong ng teknolohiya ay Iba’t ibang hamon ng buhay ang siyang kinakaharap ng kasabay na napawi ang dating lakas ng kita. bawat isa sa atin. At upang maitawid lamang ang pang-araw-araw “Dati rati bigayan pa kami pero ngayon, nag-aaway na sa na buhay, iba’t ibang klase na ng trabaho ang sinusubukan ng ilan. isang customer. Paunahan, agawan.” Sa kaparehong kalagayan, isang asosasyon ng mga litratista Sa kabila nito ay laking pasalamat pa rin ng mga litratista na tinatawag na Flower Clock Photographers Inc., sa Luneta Park, sa nasabing asosasyon sapagkat naituring itong kanilang proteksyon Maynila ang matiyagang nakaantabay sa mga turista na bumibisita at tagapag-alaga dahil sila ay binibigyan ng mga libreng seminars at namamasyal sa nasabing pasyalan. upang lalong mahasa ang kanilang mga talento. Bitbit ang kanilang sariling kamera, inaalok nila ang mga Naiiba man ang persepsyon ng iba sa potograpiya, natatangi taong sila kuhanan ng mga litrato sa nasabing lugar. Ngunit kung dati pa rin ang pagtingin ng mga litratistang ito. Bukod sa pangunahing rati ay nakukuha pa ng mabilisan ang limang-daang piso kada araw, pagkakakitaan nila, ang potograpiya para sa kanila ay isang pribilehiyo hirap naman ang dinaranas ng mga litratista sa ngayon upang mairaos na masaksihan ang mga natatanging sandali ng kanilang mga kliyente. lang ang hanapbuhay. Winika rin niya na ito ay isang ebidensya na kahit sinuman ay hindi ito Kasabay ng paglipas ng panahon ay unti-unti ang paghina maaaring lumain. ng kanilang kabuhayan. Talamak na ang mga iba’t ibang uri ng camera at maging ang mga karaniwang mamamayan ay mayroon Tinig ng Panahon nito maging sa kanilang mga cellphones. Kadikit ng pagbabago ang pagbabalik-tanaw sa nakaraan. Sa Ngunit dahil may katandaan na rin ang ilan sa mga litratista, bawat pag-unlad na nagaganap sa lipunan ay maaari itong magdulot ng karamihan ay mas pinili nang ipagpatuloy ang ganitong propesyon sa dalawang bagay- maaaring magpadali ito ng mga gawain o ‘di kaya’y kabila ng naglipanang makabagong teknolohiya. makapinsala sa ibang paraan. “May mga edad na kami hindi na po kami p’wedeng mag- Ngunit tinatawag na nga ba tayo ng modernong panahon para apply kung saan-saan, Over-age na kami, kaya pumupunta na kaligtaan ang nakaraan? lang kami dito para bigyan kami ng [pagkakakitaan],” ani ni Eden Ilan sa nagpahayag ng saloobin ay ang mag-asawang Lorna Arencio, pangulo ng Flower Clock Photographers Inc. at Roberto Caayao, na mula sa Tondo ay sinadya ang Luneta upang Naniniwala rin si Arencio na bagaman samu’t sari na ang mamasyal kasama ang kanilang pitong-taong gulang na anak. Ibinahagi makabagong teknolohiyang nagbibigay kakayahan sa isang taong niyang maaaring napag-iiwanan na ang ating mga litratista sa Luneta. kumuha ng larawan, masasabi nitong wala ito sa laki o mahal ng “Pero iba na kasi ang panahon ngayon eh, parang ang baduy camera ngunit sa galing ng kumukuha. na ‘pag magpapakuha ka sa kanila, kasi ‘di ba.. ang dami nang bagong “S’yempre gustuhin man naming magkagan’on [DSLR] camera,” saad ng ginang. kami eh mahal ‘yun mga nasa 30 o 35 plus [libong piso]. Gusto ko Naniniwala ang mag-asawa na moderno na masyado ang panahon rin naman ‘yung DSLR kung kayang bumili,” dagdag pa niya. para magpakuha pa ng litrato sa mga photographers sa pasyalan. Itinuturing Sa ngayon ay pinili ng ilan sa kanilang gumamit na lang ng nilang wala na sa tinatawag na uso ang nasabing propesyon. digital camera sa halip na ang mga film cameras na ginagamit noon. “Siguro dati, noon.. n’ung panahon ng nanay at tatay namin pwede Ngunit kahit ganito, naniniwala pa rin sila na ang mga larawan pa.. eh pero kasi ngayon.. iba na talaga eh.” ani Caayao. ay hindi base sa klase ng camera ngunit sa talento ng kumukuha. Taliwas naman ang naging reaksyon ng labing-walong taong gulang “Kahit po maliit [digital cameras] parehas din yun basta na si Jan Paul Salas, 2nd year Industrial Engineering student ng Pamantasan ng kailangan marunong ka,” paliwanag ni Arencio. Lungsod ng Maynila. “Kung ako po, gusto ko pong magpakuha sa kanila kung mabibigyan Sa lente at anggulo ng pagkakataon talaga.. kasi para sa’kin iba pa rin ‘yung traditional,” Saad ng binata. Sa likod ng larawan ng masayang pasyalan ay may mga “Saka parang tulong na rin siguro sa kanila, kasi ang dami na ring may sariling camera taong nagtitiis sa sikat ng araw, maging sa mga pagbugso ng ngayon eh, parang wala na sila masyadong customer,” pahabol nito. ulan. Ilan sa mga taong ito ay ang mga kababayan nating hindi Para sa mga litratistang ito, hindi mabilis bitawan ang ganitong propesyon sapagkat iniinda ang init maging ang hirap at pagod ng kanilang propesyon ito na ang kanilang nakagawian ng maraming taon. May mga taong nakikita pa rin ang magkaroon lang ng marangal at maayos na pagkakakitaan. kahalagahan ng tradisyunal na pagkuha ng litrato ngunit marami ring nadala na ng patuloy Mahal man nila ang napiling propesyon ay hindi maitatangging na pag-unlad. paminsa’y hindi sapat ang kinikita upang sustentuhan ang pang- Tunay ngang mahalaga ang bawat iniiwanan nating alaala sa mundo, maging masaya man o malungkot, mabuti man o masama sapagkat ito ang humubog sa ating pagkatao. Mga alaalang nagsilbing pagkakakilanlan natin sa kung paano natin ginugol ang ating oras sa lupa.

Bukod sa regalong buhay, tayo rin ay nabiyayaan ng isang natatanging ginto. Hindi man ito kumikinang na halintulad ng dyamante, batid naman nito ang samu’t saring kwentong naghahatid ng sariling ningning sa buhay. Binigyan tayo ng dalawampu’t apat na oras sa isang araw upang ilaan sa mga makabuluhang bagay. Ngunit paano kaya ito magagamit sa wastong paraan kung hindi naiintindihan ang tunay nitong kahalagahan?

Juan dela Oras y Tamad Sa ating mga alamat, kilala ang isang tauhan na hindi marunong magbigay ng halaga sa oras gayun din sa kanyang mga gawain. Kinilala ang mapagmaliban na tauhang ito bilang si “Juan Tamad”. Kilala ang pangalang Juan bilang simbolo ng mga Pilipino sa iba’t ibang kwentong-bayan. Sa kabilang banda, ukol rin sa mga aklat na ito na likas sa mga Pilipino ang maraming magagandang katangian gaya ng mabuting pakikitungo sa mga bisita at pagiging maabilidad sa maraming bagay. Ngunit gaya ng lahat ng pangyayari sa mundo, hindi maiiwasang masapawan ng masamang impresyon sa katangian ni Juan ang mga katangi-tanging kaugalian na nabanggit. Bunga nito, umusbong ang konseptong “Filipino time.” Ayon sa urbandictionary.com, ang Filipino time ay isang palusot na binuo nating mga Pilipino upang maging dahilan sa tuwing mahuhuli tayo ng trenta minutos hanggang tatlong oras sa mga pagpupulong o ‘di kaya’y mga lakad. Ito rin daw ay isa nang nakagawiang kustumbre at nagsisilbi nang repleksyon sa konsepto ng oras nating mga Pilipino. Gayun man ang naging pagtingin sa atin, ito ay hindi sinang-ayunan ni John Blas, isang guro sa Filipino ng Immaculate Heart of Mary College Parañaque. Ayon sa kanya, ang Filipino Time ay hindi naman talaga nagmula sa ating mga Pilipino bagkus ay isa sa mga naging impluwensya ng pananakop ng Kastila. Ayon sa kanya, noong panahon daw ng Kastila ay mas pinahahalagahan ang posisyon, importansya at estado sa buhay ng isang tao na siyang basehan sa pagkunsinti sa pagiging huli sa oras. It ay katulad na lamang ng mga ibang tauhan sa nobela ni Jose Rizal na El Filibusterismo. “Maraming Kastila ang opisyal ng pamahalaan. Sila ay laging imbitado sa mga palabas sa teatro, piging at iba pa. Upang makita na sila ay importante, sila ay nagpapahuli para sila ay mapansin. Dito nakita ng mga Pinoy na kapag nahuhuli ay nagiging importanteng tao, dito umusbong ang Filipino Time,” paliwanag ni Blas. Sa kadahilanan na ang Filipino Time ay isa nang kapansin-pansin na problemang panglipunan, nilagdaan ni Pangulong Aquino ang Republic Act No. 10535 na nagsasad ng Philippine Standard Time. Kasama ang Department of Science and Techonology at PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services), ipinatupad ang batas na ito mula noong Hunyo 1 ngayong taon upang magkaroon ng kongkretong pamantayan ng oras sa lahat ng pampublikong lugar. Ngunit masasabi bang sapat itong solusyon sa unti-unting pagbabago ng nakasanayang Filipino Time?

Huli na nga ba? Hindi man pansin, ang Filipino Time ay isa sa mga problemang panlipunan na maaaring makasama hindi lamang sa katauhan ngunit gayon din sa mga gawain. Sa patuloy na paglipas ng panahon, ang gawaing ito ay tila naging sakit na nang nakararami. Isa ito sa mga napansin ni Jovy Mangadlao, 3rd year Psychology student sa FEU (Far Eastern University) na kung saan ay ibinahagi niya na ang pagiging huli sa mga gawain ay nagiging natural na para sa ating mga Pilipino. “Late? It’s Filipino Time! Natural na ‘ata sa ’ting mga Pilipino ang pagiging huli sa mga bagay-bagay. Either appointments, school, scheduled meetings or simple events lang. We even make up stories makapag-reason lang,” saad ni Mangadlao Iba naman ang naging opinyon dito ng manunulat at kolumnistang si Dr. Philip S. Chua. Ayon sa kanyang kolum na “Perspective” na nalathala sa Megascene, isang pahayagan ng mga FilipinoAmerican na manggagamot sa Amerika, ang paglalahat sa mga Pilipino bilang laging huli sa oras ay kadalasang nauuwi sa katatawanan at tila pagtanggap na sa nakagawian. “To accept the insinuation that tardiness is a natural birth trait of the Filipino is to malign our people and irresponsibly admit that we are not cultured enough, and that we are socially uncouth, ill-mannered and uncivilized. This is no laughing matter and I do not find this funny. And I vehemently object to this unfair characterization,” saad ni Chua. Dinagdag pa niya na ang pagkakahawaan ng gawing ito ay hindi maaaring isisi sa genetics bagkus ay sa mga taong nagtataglay na ng ganitong klaseng katangian. “And I thought, kaya nga siguro late din ang pag-unlad ng Pilipinas eh. But seriously, time matters a lot. If we Filipinos value our time, maybe hindi magiging late ang pag-unlad natin,” wika ni Mangadlao tungkol sa maaaring masamang epekto ng kultura ng pagiging huli sa oras. “Let us set a good example for our children by showing them how we value and manage time, how time lost can never be recovered, and how we respect other people’s agenda. It’s about time we lost that bad reputation,” wika ni Chua. Katumbas na marahil ng takbo ng oras ang buhay natin. Ang oras na patuloy sa pagtakbo ay kadikit na rin ang karamihan sa kwento ng ating buhay. Maraming maaaring magawa sa isang minuto, ano pa kaya ang binigay sa ating isang buong araw? Nariyan lang lagi ang oras patuloy na tatakbo’t lilipas ngunit nasa kamay natin sa kung paanong paraan natin ito gagamitin sa makabuluhang paraan. - Emric Salven B. Rejano at Frances Marie Tenerife

Mga dibuho nina Ralph Michael R. Nochete at Johnry Heinz C. Laban; Kuha nina Angelica C. Fernandez at Darlene S. Padilla Latag ni Aicel Marie V. De Guzman


10

Agosto 2013

“A

PANITIKAN

Mary Hicelle B. Renacido Patnugot ng Panitikan

By Marra Yoshabel B. Mien

te. Palimos po. Parang awa niyo na.” Pang isang daang beses ko na ‘atang nasabi ‘to kahit tanghaling tapat pa lang. Hindi kaya madali maging pulubi. Hay. Naglalakad-lakad ako sa labas ng Quiapo. Pinagmamasdan ang mga taong nasa loob hindi para nakawan kundi para mamili ng taong mukhang mabait na pwedeng limusan. May kunwaring nagdadasal na mga tao sa loob ng Quiapo. Pinagmamasdan nila ako hindi para bigyan ng limos kundi para iwasan mamaya dahil mukha akong magnanakaw. Sana may x-ray vision na lang ang ibang tao nang makita nila ang tunay na ako. Ayun. May lalaking naglalakad nang paluhod vnakaluhod patungo sa altar ng simbahan. Mukhang humihingi ng tawad at taimtim na nagdarasal. Mahingian nga ng pera. Palabas na si Kuyang nagdarasal na nakapolo pa. Mukhang mayaman. Lumapit ako at kinalabit ko siya. “Kuya, pahingi - .” Pagkadamping pagkadampi ng mga kamay ko sa braso niya ay agad nagbago ang maamo niyang mukha at napalitan ‘to ng pagkasuklam. “’Wag mo nga akong hinahawakan! Ang dungis-dungis mo ta’s hahawakan mo ang malinis kong polo! Indio!” Nagmamadali siyang umalis habang nilalagyan ng alcohol ang parte ng damit niyang hinawakan ko. Sana may mahiwagang alcohol na kayang linisin ang budhi ng ibang tao. Nagsimula na ang misa. Nag tayuan na ang mga tao at taimtim na nakikinig sa pari. May iba na totoo ang pakikinig. ‘Yung iba naman, halatang umaarte lamang. May iba na kasama ang pamilya, kaibigan o kaya nobyo para magdasal. ‘Yung iba, pumunta para magharutan lamang. May iba na kung magdasal, wagas. Akala mo para sa ikabubuti ng ibang tao. Yung iba, para sa ikasasama ng kapwa nila. Sana anghel na lang ako para matulungan ko ang Diyos na namimili ng tutulungang tao. Pumasok ako ng simbahan upang magmasid. Tumugtog ang unang awit nang pagsamba. Gusto ko sanang sumabay ngunit hindi ko marinig ang musika. Sana may supersonic na pandinig na lang ang ibang tao. Para marinig din nila ang musika ng pagkalam ng tiyan ko. Umupo muna ako sa isang bakanteng bangko. Alam ko naman na walang tatabi sa katulad kong pulubi. Nagsisimula na ang mga pagbasa. Nagsisimula na ring dumami ang mga tao. Kahit ba sa pagsamba, nagpapahuli pa rin ang mga tao? Tapos kapag nahuhuli ang Diyos sa pagtugon sa mga dasal nila, panay ang reklamo. Sana sa bawat pagwaldas ng oras ng mga tao ay may mabawas din sa pera nila. Tingnan natin kung magpapahuli pa sila. Pera. Oo nga pala. Kelangan ko ng perang maibibigay kay Itay. Madaragdagan na naman ang pasa ko sa katawan nito. Makapagpalimos na nga lang ulit. Lumabas ako sa simbahan at nagtungo sa bilihan ng mga kandila. Iba’t ibang kulay pa. Dati pinangguhit ko sa papel yung tirang kandila na nahulog sa daan. Kasama ba talaga ang kulay sa pagdarasal? Naaayon ba sa kulay ang pagtugun ng Diyos sa ating mga dasal? Sana puro puti na lang ang kulay sa mundo, nang maging pantaypantay ang hiling ng mga tao. Tumambay ako sa bilihan ng kandila. Madalas kasing magbigay ng barya ang mga tao du’n. Piso at singko ang madalas na iaabot sa’kin. S’werte na ‘ko kapag may sampung naiabot. Minsan akala nila piso lang ‘yun. Alam niyo ba kung pa’no ko malalaman na Pasko? Kapag may papel na perang naiabot sa mga kamay ko. Bumili ako ng tinapay at buko

juice galing sa nailimos sa’kin. Walong piso at tatlong singko na lang ang natitira. Makabili kaya ito ng gamot at gatas ni junior? Umupo muna ako at pinagmamasdan ang mga pugot na ulo sa baryang hawak ko. Sino kaya sila? Bakit sila nasa pera? Sila ba ang may-ari ng lahat ng barya? Baka sila rin ‘yung may-ari ng mga malaking pamilihan. Ano bang tawag du’n? SM ba ‘yun? Sana yumaman ako at mailagay ang mukha ko sa mga barya. Para kapag namukhaan ako ng ibang tao, ibabalik nila ang pera ko. “Magnanakaw! Tulungan niyo ko! Magnanakaw!” Hindi na ‘ko napalingon sa narinig kong sigaw. Musika na ‘yan sa mga tenga ng mga taga Quiapo. Noong bagong salta pa lamang ako rito, nagtangka akong tumulong. Nang dumating ang mga tanod, ako pa ang pinagbintangang magnanakaw. Sana may higanteng salamin na dala ang lahat ng tao. Para kapag nagbintang sila, makita muna nila ang mali sa mga sarili nila. Tumayo ako at nagpasyang umalis. Baka mapagbintangan na naman ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa. Hindi porke’t mahirap ako eh apilyido ko na ang salitang magnanakaw. Mahirap kami, oo, pero tinuruan ako ng mga magulang ko na pangalagaan ang dignidad ko. Ayokong maging katulad ng ibang mga estudyante na naturingang matalino tapos nangongopya naman. Ayokong maging politiko na pinagkakatiwalaan ng mga tao tapos magnanakaw lang pala. Ayokong maging artista na naturingang maganda tapos nagparetoke naman pala. Dignidad na lang nga ang meron ako, ipagpapalit ko pa ba? Sana may recycle sa mga bagay na tinatapon ng mga mayayaman nang magamit ulit naming mahihirap. Sa lalim ng aking pag-iisip ay napunta ako sa bilihan ng kung anu-anong produkto ng mga manghuhula at albularyo. Gayuma, pampaganda, pampapangit at kung anu-ano pa. Sana mayroon akong mahika, nang matupad ko lahat ng hiling ko kanina. “Mag-ingat ka sa mga hihilingin mo, dahil baka makuha mo talaga ang mga ito.” Napalingon ako kung saan man nanggaling ang boses. May isang matandang babaeng nakatitig sa ’kin. Kung anong kinatanda niya ay siya namang binata ng itim na itim niyang mga mata. Sa isang tingin niya pa lamang ay parang nabasa niya na ang buong kaluluwa mo. Nag tayuan ang mga balahibo ko. “Gusto mo ba talaga ng mahika?” Muli siyang nagsalita, sabay ngiti. Isang masama at napakalaking ngiti. Nanlamig ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung bakit ngunit naglalakad na ‘ko patungo sa kanya. Isa. Dalawa. Tatlo. Tatlong hakbang patungo sakanya. “Gusto mo ba talaga ng mahika?” Tinanong niya sa pangalawang pagkakataon. Sa ‘di malamang kadahilanan, tumango ako. Mahika. Marami akong magagawa sa mahika. Maititigil ko na ang bisyo ni Itay, mapapayaman ko na si Inay, mapagaaral ko na ang aking walong kapatid at makabibili na rin kami sa wakas ng prayd tsiken. Paghihiganti. Oo nga pala. Paghihiganti pa sa lahat ng taong nagpahirap at umalipusta sa’min. Hinawakan ng matanda ang kamay ko at ako’y pumikit. Noong una ay may kakaibang lakas na dumaloy sa mga ugat ko hanggang may kirot akong nararamdaman. Kirot na naging hapdi. Hapdi na naging sakit. Idinilat ko ang aking mga mata at nakita ko nangitim lalo yung kanya. Muli siyang ngumiti at humalakhak nang napakalakas. Tumakbo ako nang napakatulin. Marami akong nabunggong tao. Sigaw at mura ang naririnig ko ngunit kelangan kong makalayo sa kanya. Takbo! Takbo! Takbo! Nakarating ako sa simbahan. Nakita ko ang mga rebulto ng mga santo at ang kanilang maamong mukha mula sa pintuan ng simbahan. Papasok na sana ako ng nakaramdam ako ng init. Init na naging nakapapaso. Nakapapaso na naging nag-aalab. Humakbang ako nang patalikod, nawala ang init. Humakbang ako pabalik, bumalik ang init. Nakakita ako ng isa ring batang palaboy. Madapa ka. Nadapa nga siya. Nakakita ako ng pusang palaboy. Mamatay ka. Namatay naman siya. Tapos na ang misa. Tapos na ang pagpapanggap ng ibang tao. Tapos na rin ang panahon ko bilang normal na tao. Kasabay ng pagtunog ng kampana ang muli kong pag-alala sa sinabi ng matanda, “Mag-ingat ka sa mga hihilingin mo, dahil baka makuha mo talaga ang mga ito.”


PANITIKAN

Ano ang iyong dala ikaw na iba? Ano ang iyong dala ikaw na may puwersa? Puwersang dagli Mali, oo, hindi Epekto ay pili Bitbit ay binhi Saan ba'y nakaparoon Puwersang, laging may tugon Lalim na tila balon Lakas, tulad ng ambon Gamot na wala Sapagkat 'di mo makita Ngunit, lamang, ay nandiyan Bigla'y maramdaman Mahiwaga, ito'y ganoon Suwerte kung magkaroon Salamangkang daig ang panahon Pag-ibig na tagom

-Patrick Hakeem A. Rones

Agosto 2013

11

Mahikang itinuring Pag-ibig na mapanlansing Sa alab ng puso’y Na sa pag-tama ng lihim na itim

Hindi mo pansin Kanyang angking galing Sa kanya, panaho’y gawain Bigyan mo ng tingin

Itim na lihim sa aki’y tumambad Sa likod ng salamin bakit hawak mo’y patalim Patalim sa dilim na sa aki’y kumitil Tila lahat ay nakakubli sa’yong titig at tingin

Tahana’y, kay laki Basa’t tuyo, supling na bahaghari Babae at lalaki Alay ay sarili

Mahikang itinuring Sa pag-ibig mo’y nangatal Ang dating pag-ibig na halal Ngayon ay pag-ibig ng hangal

Tubig, lupa, hangin Para sa tao’y anihin Hayop para kainin? Huwag sana maliitin!

Mahika kung ituring Ang iyong pag-ibig Sa kawala ng katotohanan Bakit pilit pa ring pinaniniwalaan?

Kanyang katawan Nagsilbing ating tahanan Taglay ang kapangyarihan Wagas na kariktan

Mahika kung ituring Ang iyong pag-ibig Sa kabilang hapdi Ikaw pa rin ang nais makihati

Siya na nagmahal Siya na magimbal Salamangkang kalikasan Huwag kaligtaan

Mahikang itinuring Pag-ibig na mapanlansing Sa likod ng bistadong salamin Bakit ikaw pa rin ang gustong mahalin?

- PHAR

Mahikang itinuring Sa tamis at pait ay nalasing Dulot ng iyong mahika sa akin ay iba Binulag ng tuluyan ng binasag na salamin - Sarah Christine H. Barbado

Hindi ka ba nagtataka kung bakit hanggang ngayon tuwang-tuwa ka pa rin sa mga salamangkero kahit, sa totoo lang, gasgas na gasgas na ang mga pakanang ginagawa nila? Bata pa lamang tayo’y naipakilala na sa’tin ang mga payaso, salamangkero, mago, at iba’t ibang mga tao na may mga nagagawang hindi kapani-paniwala. Sa aing pagtanda, unti-unti nating natututunan na napamamangha lamang nila tayo sapagkat hindi nagawang makita ng ating mga mata ang mga ginagawa nila sa loob ng isang segundo. Marahil tingin natin na mabibilis ang mga kamay ng salamangkero dahil mababagal ang ating mga mata. Malamang aakalain ng karamihan na ito ay nakatutuwang panlilinlang nila, pero hindi ito ‘yung kaso. Trabaho lang, walang personalan sa panlolokong pampasaya. Bukod sa pagpapamangha at pagpapataka ay may isa pang bagay na nagagawa ang mga salamangkero para sa atin—pinasasaya nila tayo. Ito marahil ang pinakamahirap, ngunit pinakamahalagang bahagi ng kanilang trabaho. Mahirap, dahil hindi basta-basta napipilit ang taong maging masaya, dahil dito tuon ang hanap-buhay nila. Kung susuriin nga’y hindi naman talaga sa mga magic tricks makikita ang tunay na mahika, kung hindi sa kapasidad ng mga taong ito na pasayahin ang bawat taong nakasasaksi sa mga ginagawa nila. Ang mga tricks na nagagawa nila ay pinag-aaralan, pero ang pagpapasaya ng kapwa tao nila ay likas na talentong nagmula sa kauna-unahan at pinakamagaling na salamangkero sa kasaysayan: ang Panginoong Diyos. Sino nga namang makatututol? Sino ba sa panahon ngayon ang kayang lumikha ng mundo sa pamamagitan ng salita lamang? At sino sa ating mga mortal ngayon ang kayang lumalang nang isa pang tao mula sa putik at hininga? Pero hindi madamot sa mahika ang Tagapaglikha. Binigyan Niya ng kakayahan ang tao na magbahagi ng ngiti sa lahat. Siguro ngayon, alam niyo na ang halaga ng ligaya. Umaabot tayo sa puntong kailangan

pa nating umupa ng palabas o gawain ng tuwing may pagdiriwang para lamang mas mapasaya natin ang mga bisita. Para sabihin ko sa inyo, hindi lamang mga salamangkero ang may kakayahang gumawa niyan! Alam niyo bang lahat tayo ay may hawak na mahika? Hindi mo man kayang gawin ang nagawa ni Harry Houdini na pagtakas sa mga kadena’y kaya mo namang maging masaya kahit pa marami kang problema. Kung ang pagpapalutang sa sarili mo’t pagpapalubog sa tubig ng halos buong araw gaya ni David Blaine ay imposible mong magawa, kaya mo namang pagaanin ang kalooban ng iba, at ibabad ang lahat ng tao sa paligid mo sa kaluguran na nagmula sa puso. Wala ka mang magic wand ni Harry Potter, meron ka namang nakahahawang kaugalian na pinaghuhugutan ng maraming tao ng saya, ligaya, pagkalugod at kagalakan. Hindi mo kailangang mag-aral ng mga magic tricks para lamang makapagdulot ng aliw sa mga taong nakapaligid sa iyo. Lalong hindi mo kailangan na umupa ng isang salamangkero o ‘di kaya’y payaso para lamang mabuo ang araw ng mga mahal mo sa buhay. Nasa iyo na ang lahat ng kailangan mo para magawa ito. Ngingiti ka lang, magbibiro, tatawa at makikihalubilo sa kanila. Gan’un lang kasimple. Sa susunod na may makita kang tao na hindi maipinta ang mukha, nakasimangot, nakabusangot, nakapangalumbaba, malungkot at iba pa, tandaan mo lamang ang mga simpleng pangungusap na ito: Lahat tayo’y salamangkero. May kapangyarihan kang magpasaya ng tao. - Riza Camille F. Talan

Mga dibuho nina Ralph Michael R. Nochete, Mhar Melvion I. Choi, Robert M. Faustino at Johnry Heinz C. Laban Latag nina Johanna Alexandra Marie G. de Jesus at Julie Anne S. Diaz


12

Agosto 2013

THROUGH THE LENS

Kuha nina John Armen T. Bongao, Marione Paul G. Infantado, Ronalyn B. Pordan, Angelica C. Fernandez at Darlene S. Padilla; (FEU Advocate stock photos) Latag ni John Armen T. Bongao

John Armen T. Bongao Punong Litratista

9


TAMARTS

Aaron Cedrick S. Manaloto Direktor ng Sining

Aaron Cedrick S. Manaloto

Mhar Melvin I. Choi

Agosto 2013

DUE DATE

Johnry Heinz C. Laban

TOTS

Robert M. Faustino

Mimi & Momo

Department of love... mula sa pahina 5

ibinahagi ni Joshua Moneda, 3rd year BS Psychology. Ayon naman sa Psychology professor na si Nestor Lee, “Well, ‘di naman bawal ‘yan as long as single parehas. If single ‘yung professor and student why not ‘di ba? Basta hindi niya estudyante talaga sa subject niya. It is not bawal na pag-ibig.” Ang hatol Sa bawat pagdinig, pag-atake at depensa, darating ang lahat sa isang desisyon, sa isang hatol. Ayon kay Lenore delos Santos, Coordinator ng Office of Student Development and Leadership at isang prope Psychology, ang lipunan ay naglikha ng mga paniniwala gaya ng bawal na pag-ibig upang maiwasan ang kaguluhan dahil ang ating lipunan ay kailangan ng kaayusan. “Premarital sex, homosexual relationships and student-teacher relationships are all considered bawal na pag-ibig because these three have not been our (Filipino) practice. People are not used to it,” paliwanag ni delos Santos kung bakit marami ang salungat dito. Ngunit sa likod ng kultura, maraming salik ang lumilingid sa mga rason kung bakit patuloy pa ring mayroong sumusuong sa mga hindi tanggap na relasyon. “People still engage though they are aware that it is unacceptable because of the thrill, curiosity, and maybe peer pressure. But we also have to consider the non-conformist people. Those who do not follow the norms set by the society. They usually do what makes them happy. What makes them comfortable.” Kaya sa bandang huli, kung mayroong ngang Departamento ng Pag-ibig, may karapatan ba ang mga hukom na hatulan ang mga may sala kung ang kanilang ipinaglalaban ay ang sariling kaligayahan?

13

Gwendell G. Aranda

Pangongopya... mula sa pahina 1

Ani Cada sa kanyang liham na ipinadala sa FEU Advocate, dahilan daw ito ng pagiging epektibo ng pagpapatupad ng Students’ Code of Conduct kung saan nagiging “aware” ang mga estudyante sa kanilang tungkulin bilang mabubuting mag-aaral. “Nagsisimula ito sa isang makabuluhan at thorough na student orientation tungkol sa Students’ Code of Conduct,” pagbabahagi ni Cada. Malaking bagay rin daw ang bisibilidad ng discipline officers sa FEU. Isa rin sa mga nabanggit na dahilan ay ang pagtulong ng mga propesor sa pagpapatupad ng Students’ Code of Conduct at ang pagsisilbing “huwaran” ng mga organisasyong pang-magaaral sa pagpapatupad nito. Sinabi ni Cada na ang paglapat ng kaukulang parusa sa mga estudyante ay “just and fair” o naaayon lamang sa bigat ng kanilang nagawang mali. “Ang paraan ng pagparusa sa mga magaaral [ay] hindi sa paraang punitive. Bagkus ay formative ang approach ng Student Discipline; pinapaunawa sa mga lumalabag [na estudyante] ang ginawa nila

at kung bakit hindi ito tama at binibigyan sila ng pagkakataon na magbago,” dagdag pa niya. Reaskyon hinggil sa pagbaba Komento ni Aldrin Montano, second year representative ng Mass Communication Society, “Ako’y natutuwa sa pagbaba ng mga kaso ng mga offenses sa ating Pamantasan [dahil] senyales ito na epektibo ang paghihigpit ng administrasyon nitong [akademikong] taon. Natutuwa rin ako dahil unti-unti na naibabalik ang disiplina ng iba.” Subalit nagpahayag naman ng hindi pagsang-ayon ang BS Psychology junior na si Marlowe Sarabia. “Hindi ko pa rin ramdam [ang pagbaba ng minor offenses]. Palagay ko, marami pa ring nagbaviolate especially sa uniform.” Nang tanungin naman hinggil sa major offenses, sabi niya, “Palagay ko [ay] nabawasan na since hindi na ako nakababalita ng mga may kinalaman sa mga ito. Siguro ay dahil humigpit na ang security. Sana magtuloytuloy lang,” sabi niya. Samantala,isang propesor na nag-request ng anonymity ang nagpahayag na hindi niya napapansin ang sinasabing pagbaba ng bilang ng mga estudyanteng lumalabag sa mga batas sa FEU.

“Kung titignan mo ang mga mag-aaral, parang ganoon pa rin naman. Nabalitaan ko sa faculty room na may mga magaaral na nakapapasok na hindi naka-uniform.” Tinutukoy ng propesor ang mga estudyante na pinapayagan pa ring pumasok ng mga gwardya sa loob ng kampus kahit na hindi wasto ang kanilang uniporme; kinakailangan lamang ng mga estudyanteng ito na ilista ang kanilang student number bago pumasok ng kampus na siya namang maipadadala sa database ng SD. A n g m g a estudyanteng makalilikom ng bilang ng offenses sa pamamagitan ng paglista ng student number ay nagkakaroon ng karampatang “community service” o mga trabahong clerical sa iba’t ibang opisina sa FEU pagkatapos ng semestre. Dagdag pa ng propesor na may mga magaaral na “pakalat-kalat” sa corridors at nag-iingay. “Halos wala nang madaanan ang mga guro at mga mag-aaral. Dapat may polisiya na nagdidisiplina sa mga estudyante na nakakaabala sa daraanan,” saad niya. -Jesserene D. Miranda

Buhay Blogger.. mula sa pahina 8

bagay, taliwas naman dito ang paniniwala ni Kim Aquino, isang BS Dentistry student sa University of the East, Manila. “I don’t find other people’s life interesting. Tsaka I don’t think that’s necessary. ‘Di kasi ako nakikialam ng buhay ng may buhay, …I don’t read, I just look,” paliwanag ni Aquino. Bagamat para sa kanya’y hindi ito ganun kahalaga ay ‘di pa rin niya inaalis sa kanyang sarili ang posibilidad na isang araw ay maaari rin niyang magustuhan ang blogging at magamit ito para mas mahubog pa ang kanyang pagiging tao. Lahat tayo ay may karapatang magpahayag ng ating sarili at damdamin sa kahit paanong paraan man na gustuhin natin ngunit kaakibat din nito ang tungkulin natin na maging bukas ang isip sa anumang uri ng kritisismo na maaaring matanggap natin mula sa ibang tao. Kasama rin nito ang tungkuling maging maingat hindi lang sa kapakanan ng sarili kundi pati na rin sa ikabubuti ng nakararami. Marahil ay iba na nga ang uri ng pagpapahayag o pagpapakilala sa ating mga sarili. Ngunit luma man o bago ang istilong gagamitin ay huwag nating kalimutan na hindi lamang ang mga salitang sinasambit ng ating dila ang maaaring makaapekto at makaimpluwensiya sa buhay at damdamin ng iba.


10 14

Agosot 2013

TAMARTS

T

amPalaisipan

Ralph Michael R. Nochete

Crossword Puzzle

FAR EASTERN SIDE

Robert M. Faustino

Hirap ba? Magbasa ka kasi ng dyaryo para masagutan mo! Pagkatapos, Takbo na agad sa EB 103 'pagkat ang unang tatlo lang ang may super 'special prize' mula sa'min (Hug na lang 'yung pang 4) Goodluck! FEU Paddlers... mula sa pahina 16

Pagbangon Huling nahawakan ng Male Paddlers ang titulo noong UAAP Season 72 at magmula noon madami nang kinaharap ang koponan na sumubok sa kanilang kakayahan. Ang makuhang muli ang kampeonato ay isa sa mga nais na makamit muli ni Gonzales para sa FEU at para sa koponan. “Walang pinaka masayang moment kundi yung mag-champion at makapagbigay karangalan,” aniya. Sa kanilang pagbawi ngayong taon, mas matibay nang maituturing ang Male Paddlers dahil halos lahat ay magkakakilala at nagmula sa Mindanao. Kabilang dito ang bagito na sina Christian Villanuava ng Tacurong, Sultan Kudarat at Junior National Team Member na si Kenth Caballero na mula sa Iligan. Ang beteranong hukbo naman nina Francis Igno, Ronald Donaire, Kyle Antenor, Kevin Hilado, Victor Dalut, Remy Dacut ay pamumunuan ni Team Captain Mk Doneal Yap. Sisigundahan naman nina Abner Osorno, Rodriguez at Bustamante ang pagkubkob sa iba pang koponan. Malaking bagay na ka-isa ng kanilang coaches ang team captains sa pagsilip sa di kalayuang tagumpay. “Tutulong ako sa Tindig, tikas... mula sa pahina 16

muling pagpapakitang gilas at pagpaparamdam ng bangis para sa ginintuang korona. “Hindi man kami mag-champion, papasok kami sa best three. Hindi kami mawawala dun sa best three,” buong tapang na pagsaad ni Glindo. Para naman kay Bartolome, kaba lamang ang kanilang kalaban ngunit buong puso ang kanilang ibibigay sa bawat digmaang sasabakan. “Sinasabi namin sa isa’t isa na kaya ‘yan, kahit magaling, labanan mo para tumibay ‘yung loob ‘pag dating sa court para maipakita kung ano ‘yung meron kami,” aniya.

pagpayo sa kanila, mag-lead lalo na sa training. Para kung anong ginagawa namin sa training mailabas sa game” ani Yap. Paglaban Huli namang naiuwi ng Lady Paddlers ang korona noong UAAP Season 73 dahil nabigo silang depensahan ito sa paglusob ng University of the Philippines (UP) Fighting Maroons sa sumunod na season. Bumaba naman sila sa ikatlong pwesto pagdating ng Season 75. Sa Pangunguna ni Team Captain Fatima Grace Soya sa Lady Paddlers, handa ng suwagin nina Jasmin Jaro, Shobie Siachua, Mechelle Hayagan, Lyndel Sellado, Shamine Siachua at Gretel Gonzales ang kanilang katunggali. Magpapakilala na rin ang grupo nina Fadol, Pineda, Airah Alzado, Jandra Sacay at Eloise Petilla para angkinin ang korona. May ilang taon na rin ang nakalipas at isa pa rin sa mga problemang kinahaharap ng koponan ay ang kakulangan ng lakas ng mga beterano dahil matapos nilang grumadweyt, ay hindi agad sila napapalitan. “Graduate na ‘yung senior nawalan ng malakas, s’yempre panibagong build na naman, mahirap din in terms of recruitment. Ganun pa man, nakatataba ng puso na pinili pa din ng mga bago dito maglaro” ani Gonzales. Sa pagkawala nina National Team player Karla Jane Alava at Season 75 Team Captain at Bantamweight Silver Medalist Crizobelle Vargas bunga ng pagtatapos, sina Season 72 ROY Winlove dela Cerna, Geena Mae Gadit, Cecilia Viray at Ronnielette Balancio na ang magbabaon para sa Lady Jins ng pinakamabibigat na responsibilidad, ngunit tangan ang kani-kanialng karanasan, sisiguraduhin nilang hindi sila magpapadaig sa mga kalaban. Para naman sa Men’s Team, asahan pa rin ang matinding bakbakan ngayong taon dahil sa husay nina Ralph Martinez at Jude Solis na maglalaro sa Pinweight at Welterweight divison, ayon

Apat sa kanyang mga rookies ay pumasok sa rankings at ito ay nadedetermina base sa kanilang paglalaro sa tatlong round-robin basis. Malaking bagay ang pagdagdag ng mga bagong manlalaro dahil apat sa mga beterano ang graduate na mula sa line-up ng koponan sina Maricar Jarme, Krech Lamayan, at Jhinno Selma na pawang pambato ng Tamaraws sa kategorya ng Men’s at Women’s Singles. Ngunit ganun pa man, tiniyak ni Gonzales na lalaban ang lahat. Pero ang pangarap ay magiging realidad lamang kung kanila itong pagtutulungang abutin. “As a coach, dapat open ka din sa suggestion nila, pero walang imposible sa dedication sa training, hardwork at focus ‘di lang players, pati coaches,” wika ni Gonzales. Nakikita nila bilang mahigpit na katunggali ng Lady Paddlers ang UP at De La Salle University (DLSU) samantalang sa Male Paddlers naman ay ang DLSU at University of Santo Tomas. Sa paulit-ulit na paalala ng coaches, mas malaking lugar para sa mgaimprovement ito na marahil ang susi upang magwagi ang kahit ano mang samahan. Bawat tantyadong paghampas taglay ang karanasan ng beterano at husay ng mga bagito tila bagyo silang hahagupit upang angkinin ang mailap na titulo. - Stephanie Ruth D. Navarro

sa pagkakasunod. Taglay naman nina Nimrod Blas at Elijah Marcelino ang mga kaalaman sa halos isang taon na paghahanda. ‘Puso lang’ Ayon kay Bartolome, ang isa sa mga lamang nila ngayong taon ay ang mas matibay na samahan ng bawat isa. “Mas intact, maganda ‘yung pakikisama ng isa’t isa sa team. Walang kanya-kanya.” Sinangayunan at pinatunayan pa ito ni Hernandez. “Napakalaking bagay ng teamwork upang maipanalo ang laban. Secondary na lang ‘yung skills. Very important kasi ‘yun para mag-blend mabuti ‘yung team para pagdating ng UAAP,

Talento sa... mula sa pahina 16

“At saka lahat kami, minomotivate namin ang isa’tisa para maging maayos kami,” kanyang idinagdag, nang tanungin kung paano nila tinutulungan ang kanilang mga sarili Hindi mo kaya... mula sa pahina 7

Higit pa rito, hindi na sila mga pangkaraniwang estudyante. Kinakatawan at dinadala nila ang pangalan ng ating Pamantasan. Ano na lamang ang iisipin ng mga taga-ibang pamantasan sa uri ng mga student leaders na meron tayo? Mga papansin at immature ang mga student leaders ng FEU? Hindi kaya tayo maging kahiya-hiya? Huwag naman sana. Hindi ko naman sinasabing huwag na silang magbahagi o di kaya’y gumamit ng Facebook o Twitter. Ang sa akin lang, mas maging makabuluhan ang mga ito sa paggawa ng kani-kanilang trabaho bilang student leaders at maging responsable sa paghahayag ito na ‘yung strongest na panghahawakan natin during the game.” Sasabak na rin ngayon ang mga bagitong sina Fila Saberon, Mary Ann Blas at Zaira Marquez para sa Women’s Team. Kasama sina Ariel Bacud, Jayson Samson at Jerome Raagas, kinakikitaan naman ng malaking potensiyal ni Hernandez ang rookie na si Mark Manacho bagamat injured. Ngayon pa lamang ay pinoproblema na ng FEU ang iba’t ibang injury na natatamo ng mga manlalaro, ngunit hindi nito maaalis ang kagustuhan ng bawat isa na manalo. “Halos lahat may injury sa tuhod. Pero pagdating ng UAAP, sinasabi namin sa bawat isa na walang susuko.

para sa magandang laro ngayong Agosto. Para naman sa kanyang inaabangang resulta ng kanilang kampanya, mataas ang kanilang ibinabalak na makuha. “Ngayong UAAP, base sa laro namin, tingin ko kaya naming makapasok sa Final Four.”

Siguro nga siya ay baguhan pa lamang, pero sa kanyang angking talento sa paglalaro ng badminton, maaaring mas mataas pa sa kanyang inaasahan ang kanyang makamit.

ng kanilang mga kalooban. Hindi kaya mas magandang makita sa mga profile ng student leaders ang kanilang paninindigan sa mga isyu sa ating lipunan? O di kaya’y mga post na makatutulong sa pangagailangan ng mga Tamaraw– mga impormasyon at balita na kailangan natin. Kung pag-uusapan naman ang selfie, diskresyon na nila ‘yan. Hindi rin naman masamang mag-post ng tungkol sa sarili, pero ‘ika nga, lahat ng labis ay masama. Ilagay rin sana ng mga student leaders sa kanilang mga isipan na ang ating henerasyon ang mga susunod na mamumuno sa ating bansa. Isipin na lamang natin kung ano ang mangyayari

kung ang mga namumuno sa senado, kongreso o estado ay puro sa sarili nakasentro. At sa huli, baka magsisi sila na hindi nila nagamit ang mga ‘regalo’ sa ating henerasyon sa makabuluhang bagay, bilang mga student leader. Huwag sana nilang masamain ang aking mensahe. Bagkus, ito ay magsilbing hamon sa Tamaraw community, lalo na sa mga student leaders, upang higit pang itaas ang antas ng student leadership na meron ang ating Pamantasan.

Hangga’t kayang tapusin ang laban, tatapusin,” sabi ni Glindo. “Nasa-puso lang talaga ‘yan, t’saka never give up talaga ‘pag sa laban. Kung kaya namin makipagpatayan, makikipagpatayan kami hanggang sa court makuha lang talaga namin ‘yung gusto namin,” dagdag pa niya. Ngayon ay nakikita pa rin nilang magiging mahigpit na katunggali ang De La Salle University at University of Santo Tomas.

sa isang demonstrasyon, bagkus, magiging isang ganap na kompetisyon na rin ito sa pagitan ng lahat ng kabilang na pamantasan sa UAAP kaya naman lubos ang paghahanda ng FEU para rito. “ B e f o r e , pinagbibigyan ko sila na relax-relax pang konti. Pero ngayon, sobrang nagdodouble time talaga kami kasi iba ‘yung pressure eh. Before maging official ‘yung Poomsae sa UAAP, twice rin nag-champion ang girls sa demo event. So ngayon, kailangan nilang alisin ‘yung title ng girls. Mas nakakapressure pero mas okay kasi mas exciting kasi malalakas talaga yung teams,” wika ni Head Coach Bea Ventura.

Opisyal na Ngayong taon, opisyal na ring magiging bahagi ng Taekwondo Championships ang Poomsae. Hindi na lam ang poporma ang mga kalahok para

- Eryl Justine L. Bacnis

Hindi mo kayang mas maging desenteng student leader. Pero hindi pa naman huli ang lahat. Magsimula ka na! Tapos, ik’wento mo sa pagong at sa butsagustin@gmail.com.


Leonard I. Agustin

Tumatayong Patnugot ng Pampalakasan

Agosto 20131115

PAMPALAKASAN

Patuloy ang tagumpay

Tams winalis ang unang round Ni Robert Jon L. Garcia

Buslo para sa panalo. Nangibabaw ang FEU Cagers sa unang round ng UAAP matapos magtala ng malinis na rekord na pinagbidahan ni Terrence Romeo na kasalukuyang nangunguna sa pagka-MVP ngayong season. (Kuha ni Jocas D. Lozada)

Hindi lamang nakakuha ng atensyon ang Far Eastern University (FEU) Tamaraws, kung hindi pinahanga rin nila ang marami pagkatapos nilang makumpleto ang first round sweep sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 76. Pinayuko ng FEU ang Adamson University (AdU) Soaring Falcons sa kanilang huling laban sa unang round, 74-71, noong ika-28 ng Hulyo sa Smart Araneta Coliseum.

Sa panalong ito, nanatili sa tuktok ng standings ang Tams na mayroon ng 7-0 panalo-talo kartada. Sa dulo ng ikaapat na yugto, dalawa lang ang naidagdag ng AdU sa kanilang puntos na parehong free throw shots sa loob ng apat na minuto. Ang FEU naman ay nakakuha ng tatlong baskets at ang pinakahuli ay isang tres mula kay Terrence Romeo. Sa pagkakataong ito, nakuha na ng Tamaraws ang kalamangan, 6964, sa huling 2:18 ng laban.

Nang tila matatalo na ang Falcons, nakuha ni Roider Cabrera ang kaniyang kaisaisang basket sa laro na isang tres upang maibaba ang lamang sa dalawa, 71-69, sa nalalabing 48.2 segundo. Ngunit nang paubos na ang oras ng FEU, nakashoot si Romeo mula sa rainbow country upang maibalik ang lamang sa lima at ibasura ang pag-asa ng AdU upang humabol, 74-69, habang may 24.6 segundo na lang na natira. Pinangunahang muli ni Romeo ang Tamaraws matapos niyang magtala ng kaniyang season-best na 26 puntos, apat na rebound at dalawang assist. Bumandera naman si Jericho Cruz para sa Falcons nang makapag-ambag siya ng 21 puntos at tig-apat na rebound at assist. Nagtala rin siya ng siyam na turnovers. Samantala, si Ingrid Sewa, na nagtala ng 5-of-13 sa free throw line, ay mayroong 13 puntos at 10 rebounds. Sa pagpasok ng ikatlong kanto, lumamang agad ang FEU nang makapagtala sila ng 7-1 run, upang lumamang ng limang puntos, 49-44. Sumagot naman kaagad ang Falcons sa pamamagitan ng 6-0 run upang maitabla ang laro, 4949, sa huling 2:02 ng yugto. Sa pagtatapos ng yugtong ito, lamang ang Falcons sa iskor na 56-54. May hawak na pitong puntos na kalamangan ang FEU, sa kalagitaan ng ikalawang yugto, 32-25. Ngunit naglaho ito na parang bula matapos gumawa ang Falcons ng 12-4 run sa pagtatapos ng second quarter upang manakaw ang kalamangan sa FEU, 36-37. Sa pagbubukas ng laro, maagang lumamang ang FEU ng anim na puntos, 9-3, matapos makakuha si Tolomia

ang magkasunod na fastbreak layup (6:13, 5:40). Tinapos ng Tamaraws ang pambungad na yugto na may pitong puntos na kalamangan, 20-13. Sa rebounding department dinomina ng Falcons ang Tamaraws, 46:37, sa pangunguna nina Sewa at Rodney Brondial na kumuha ng 25 rebounds kung pagsasamahin. Samantala, ang nagdulot naman na pahamak ng Falcons sa free throws matapos silang magtala ng 8-of-22 (36.4 percent) na masyadong mababa kung ikukumpara sa 15-of-17 (88.2 percent) ng Tamaraws. Tuloy ang laban Ayon kay Head Coach Nash Racela, patuloy ang tagumpay na nakakamit ng Tams dahil sa pagsasaayos ng mga ibang koponan sa kanilang mga problema. Katulad na lamang ng mga injuries na natamo ng mga atleta bago magsimula o

habang nasa kalagitnaan ng season. “We were fortunate that we didn’t have that problem. All we did was to take advantage while other teams were struggling,” pahayag ni Racela. Sa madaling sabi, ang tunay na pagsubok sa FEU ay magsisimula pa lamang sa ikalawang round, kung saan ang ibang koponan ay naisayos na ang kani-kanilang problema dahil sa dalawang linggong pagtigil ng torneyo. Isa rin sa dahilan kung bakit wala pang talo ang FEU ay ang mala-dakilang laro ni Romeo. Sa kasalukuyan, nangunguna siya sa labanan ng pagiging Most Valuable Player dahil sa kanyang game average na 22.6 puntos, 1.4 steals, 6.3 rebounds, at 4.1 assists. Masasabi rin na ang tagumpay ng Tams ay bunga ng team effort. Bilang isang koponan, nangunguna sila sa points per game (ppg) na

Pagbawi sa huling taon

S a n d S p i k e r, p u n t i r y a ang dalawang korona ay umabot sila sa isang regional tournament sa Batangas na nagbunsod sa kanya upang makakuha ng mga college scholarships sa iba’t ibang mga kolehiyo sa Metro Manila. “Para sa ’kin, gusto ko rin kasi mag-champion so ‘yung mga sinasabi ng mga coaches ko na ‘kung gusto mo mag-champion, sa FEU ka pumunta,” saad ng 20 taong gulang na si Faytaren kung bakit FEU ang napili niyang pamantasan. Hindi naman siya nabigo na makamit ang kanyang minimithi matapos nilang talunin ang University of Santo Tomas Growling Tigers sa Finals noong UAAP Season 74.

Tindig, tikas pananatilihin ng FEU Jins Nina Stephanie Ruth D. Navarro at Rogie R. Sabado

Panibagong laban. Handa na ang beteranong spiker na si Alexis Faytaren sa pagsabak sa buhangin at iuwi ang tropeo sa UAAP Men’s Beach Volleyball. (Kuha ni Darlene S. Padilla)

Ginintuang pagsipa. Puspusang paghahanda ang isinasagawa ng FEU Taekwondo Teams upang makamit ang rurok ng tagumpay. (Kuha ni Marione Paul G. Infantado)

Sipang ‘sing bilis ng kidlat, mga hiyaw na animo’y kulog at pag-iisip na mas matalas pa sa mga pangil at pana ng mga tigre at arkero. Ito ang mga katangiang lubos pang hinahasa at pinagtutuunan ng pansin ng Far Eastern University (FEU) Taekwondo Teams sa muling pagbubukas ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Taekwondo Championships. Hindi man naging matagumpay ang kanilang kampanya sa nakalipas na season, patuloy na nagsusumikap ang lahat upang makabawi. Sa bawat sipa ng panahon at tadyak ng mga pagsubok, kalakip nito ang tagumpay na magdadala sa buong

koponan sa minimithing ginto at rurok ng tagumpay na hindi magtatagal ay abot-kamay na. Mga pagbabago Sa mga pagbabagong naihatid ng 2012 London Olympics, ang pinakaimportante ay ang paggamit ng makabagong teknolohiya sa paggawad ng puntos sa bawat manlalaro. Kaya naman lubos pang nililinang ni Head Coach Ian Hernandez ang buong koponan upang mabilis na makasabay sa mga pagbabago. “Pinaghahandaan namin by watching videos [from Youtube] especially the movements na bago ngayon,” pahayag ni Hernandez. Sa pagkakasadlak ng dalawang koponan, ang Lady Jins mula sa unang pwesto patungo sa ikatlong pwesto

habang ang Male Jins mula pangatlo ay bumaba sa ikalima, pilit ngayong binibigyan ng halaga ni Hernandez ang mga bagay na maaaring muling maging hadlang sa kanilang mithiing maibalik ang korona sa Morayta. “‘Yung last year ranking, siguro nagkaroon ng konting failure dahil sa mga injuries. Hindi natin maiiwasan ang injury during the game, siguro ‘yung preparation na lang namin is for strengthening ulit para ‘yung mga nangyari last year eh hindi na maulit,” aniya. Pangungunahan nina UAAP Season 73 Rookie of the Year (ROY) Virhanna Laica Glindo at Raymar Bartolome ang Ituloy sa...pahina 14

nagtatala ng 80.6 ppg. Hindi lang sa opensa, ang FEU rin ay may mabagsik na depensa dahil sa pangunguna sa field goals percentage allowed na 34.9 porsyento. “Every time we go on and play any team that’s an expectation that we have. That all of these teams are gonna be hard every single game regardless of who we face. That’s why, kami, we keep on reminding them to never think we’re better than the other team,” saad ni Racela tungkol sa pagsubok na ibinigay sa FEU. Dagdag pa niya, “Pagdating sa second round, well, we will be a target for all the teams. So, importante sa’min is to be ready.” Isang malaking tagumpay na ang nakamit ng Tamaraws sa unang round. Ngunit, ang pagsubok na ito ay wala pa sa kalahati ng kanilang orihinal na layunin: ang makuha ang ika-20 korona.

Ang pangunahing dahilan kung bakit siya sumali sa Far Eastern University (FEU) Men’s Volleyball Team ay ang tradisyon ng koponan na manalo. Kaya naman nang sila’y mabigo na depensahan ang kanilang korona noong nakaraang season, napagdesisyunan niyang maging isang Sand Spiker upang makabawi. Noong University at badminton noong siya Athletic Association of the ay nasa hayskul pa lamang Philippines (UAAP) Season sa Batangas National High 75, ang Sand Spikers School. ay hindi nagtagumpay Nagsimula lamang na makuha ang kanilang siyang maglaro ng volleyball ikatlong sunod na titulo nang siya ay makatapak sa matapos silang talunin ikaapat na taon. ng National University Ang kanyang kapatid Bulldogs. Nabigo rin ang na si Loryvel Faytaren, dating FEU Spikers na makamit FEU Beach Volleybelle, ang ang kanilang ika-26 na naging inspirasyon niya upang kampeonato matapos silang maglaro ng volleyball. Si taluning muli ng Bulldogs. Loryvel ay isa ring manlalaro Ito ang nagging ng table tennis noong siya ay pangunahing dahilan ni nasa ikatlong taon ng hayskul. Alexis Faytaren kung bakit At nang nag-ibang laro si siya maglalaro para sa Loryvel, nainggit si Alexis at FEU sa darating na Beach sinubukan din ang nasabing Volleyball Tournament ng laro. UAAP. “Nainggit ako sa “Siyempre, last kapatid ko e, kasi parehas playing year ko na kaya kami ng event na table tennis gin-rab ko na lang din ‘yun noong third year. Tapos, para siguro makabawi sa lumipat siya ng volleyball, so pagakatalo last season,” ako parang gusto ko magsabi ng Batangueñong si volleyball din, hanggang sa Fatyaren. nagustuhan ko na,” ani ng mag-aaral sa ikalimang taon Simula ng lahat ng Bachelor of Secondary B a g o s i y a Education in Music, Arts and m a p a m a h a l s a l a r o n g Physical Education. volleyball, si Faytaren ay Nang magsimula na manlalaro ng table tennis siyang maglaro ng volleyball

Pagsabak sa buhangin Kahit parehong may salitang ‘volleyball’ ang laro ni Faytaren, batid niya ang malaking pagkakaiba ng indoor volleyball sa beach volleyball. “ A c t u a l l y , ‘ y u n g indoor, six players ang nasa loob; ang beach volley dalawa lang, kailangan talaga gumalaw ‘dun. Ang dami din mga ‘di ko dapat gawin pagdating sa beach volley e,” aniya. Sa kabila nito, hindi alintana ni Faytaren ang pagbabago sa galawan at ang hirap ng paglalaro sa buhangin at initan. Dahil kahit ito ang una at huling pagkakataon niyang maglalaro ng beach volleyball sa UAAP, isang taon na siyang nag-eensayo kasama ang kanyang partner na si Karl Ian dela Calzada at ang dating Sand Spiker na si Arvin Avila. Buo rin ang tiwala ng binata sa kakayahan ng kanyang kasamahan na si dela Calzada. “Si Karl naman sobrang laki ng tulong niya kasi siya ‘yung nag-guide sa ’kin kasi siya ‘yung talagang naglalaro ng Beach Volley so gi-na-guide niya ko kung paano ‘yung tamang gagawin,” saad ni Faytaren. Kahit ito na ang huling taon ni Faytaren sa UAAP, paniguradong isa itong mahabang taon para sa kanya dahil hindi lang isa, kung hindi dalawang laro ang susubukan niyang pagtagumpayang makuha ang korona para sa FEU. -RJLG


Para sa ika-25 sunod na panalo

Cagebelles pinulbos ang Archers Pinatunayan ng Far Eastern University (FEU) L a d y Ta m a r a w s k u n g bakit sila ang defending champion ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) matapos nilang hiyain ang De La Salle University (DLSU) Lady Archers, 70-49, sa unang round ng eliminasyon noong Agosto 4 sa FilOil Flying V Arena, San Juan City. Sa panalong ito, matagumpay ang FEU sa pagpapanatili ng kanilang malinis na 7-0 panalo-talo kartada at pagtala nila sa ika-25 sunod na panalo sa UAAP mula sa dalawang nakaraan pang mga season. Hindi nakaporma ang koponan mula sa Taft dahil sa dominasyon ng defending champions laban

sa redempsyon ng kabilang koponan. Sa pagpasok ng ikaapat na yugto, taglay na ng Lady Tamaraws ang 24 puntos na kalamangan, bago pa bumato ng isang tres si Marites Albano, habang may 9:35 natitirang oras. Hindi naman nagpatalo ang DLSU na nagbuslo rin ng dalawang magkasunod na puntos, 6135, habang may natitira pang 7:51. Sa pagpapatuloy ng ikaapat na kanto, ipinasok na ng dalawang koponan ang kani-kanilang mga tore, upang tapatan ang bawat isa. Hindi naman nabigo ang Lady Archers ng maka-iskor si Fretzie Oyao ng dalawang madaling puntos, 39-67, sa huling apat na minuto ng laro. Sa palitan ng puntos, may 20 segundo pa sa shot

clock, nagbuslo si Jaimee Chan ng FEU ng isang tres at tatlo pang puntos mula sa kanyang gift shots upang i-angat sa 28 ang kalamangan, 70-42. Mula sa mga fouls at penalty nadagdagan ng pitong puntos ang Lady Archers upang isara sa 49-70 ang regulasyon. Sa ikatlong yugto, pinamunuan ni C a m i l l e S a m b i l e a n g ratsada ng puntos sa tulong nina April Siat at Vangie Soriano. Umalagwang muli ang Lady Tams sa puntos mula sa putback ni Sambile, 49-24, sa huling limang minuto ng yugto. Gumanti naman si Cass Santos ng DLSU na ipinasok ang dalawang free throw, 4926. Nagawa pang palawigin ng ginto’t berde ang kanilang

Lady Spikers, kampeon sa Petron Beach Volley Itinanghal na kampeon ang Far Eastern University Women’s Beach Volleyball Team sa katatapos lamang na ikatlong leg ng 2013 Petron Ladies’ Beach Volleyball Tournament na ginanap sa sand courts ng University of the East (UE)-Caloocan. Nagtagumpay ang pares nina Samantha Dawson at Bernadeth Pons sa finals sa loob ng dalawang magkasunod na set, 21-17 at 21-16, kontra sa pambato ng De La Salle University (DLSU)-Dasmariñas na sina Iari Yongco at substitute na si Mariel Desengano noong ika-27 ng Hulyo. Bago nila kaharapin ang pares mula sa DLSUDasmariñas sa finals ay tinalo muna nila ang UE Team 2 sa semifinals sa dalawang set, 21-17 at 21-18. Umusad ang Beach Volleybelles sa semifinals matapos nilang magtangan ng 3-1 kartada sa eliminasyon pagkatapos talunin ang mga spikers mula sa UE Team 1, DLSU-Dasmariñas Team 1 at Trinity University of Asia.

Ni Leonard I. Agustin

Para sa kampeonato. Sinubukang i-block ni FEU Beach Volleybelle Samantha Dawson ang isang spike mula kay Iari Yongco ng DLSU-Dasmariñas sa finals ng 2013 Petron Ladies’ Beach Volleyball Tournament. (Kuha mula sa www.philstar.com)

Ayon kay Pons, isang rookie mula sa Talisay sa Negros Occidental, ang naging dahilan ng kanilang tagumpay ay ang kanilang komunikasyon. Lumahok din ang FEU Beach Volleybelles, na noon ay binubuo ni Dawson at Mari Toni Basas, sa ikalawang leg ng torneyo noong bakasyon ngunit nabigo silang maging kampeon. Para kay Dawson, ang naging

kalamangan nila ngayon sa ibang koponan ay ang kanilang pagsasanay. “Every day, every week, nagte-training kami sa buhangin, kaya mas gamay na namin ngayon,” ani Dawson. Ang mga kampeon at runners-up ng tatlong leg ng torneyo ay maglalabanlaban sa Battle of the Champions na gaganapin sa Boracay sa dulo ng taon.

kalamangan nang umiskor sina Soriano at Albano sa nalalabing 2:16 ng yugto. Samantala, ang Lady Archers naman ay pinilit labanan ang pag-agaw sa bola, para tumakbo pa ng apat na puntos mula sa charity lane at tapusin ang yugto sa iskor na 54-30. P a g k a t a p o s n g malamyang pagbubukas ng laro, kinapitalisa ng Lady Tams ang mga magagandang pasa at mahusay na paglusot ng bola sa open spots, nang nagpaulan ng three pointers sa huling walong minuto ng yugto sina Soriano at Jackie Tanaman. Hindi agad nakasunod ang DLSU, ngunit gumawa naman sila ng 8-0 run kontra Lady Tams sa natitirang 3:12. Mula sa jumper ni Ara Abaca at two pointer ni Inna Corcueera nakabawi ang Archers, 38-20. Samantala, tinapos naman ni Tanaman ang ikalawang yugto sa paghulog ng tres para magbigay ng maingay na 21 na kalamangan, 41-20. Bricks at air balls ang sumalubong sa mga unang minuto ng laro, mula kay Trisha Piatos ng DLSU ang unang puntos (9:31), na nagbigay sa kanila ng 4-0 run. Tila nagpainit pa lamang ang Tamaraws dahil pagkalipas ng dalawang minuto, saka sila nakapuntos, 2-4 (7:31). Nakalusot mula sa ilalalim ng ring ang puntos mula kay April Siat (6:14) na sinundan pa ni Soriano upang lumamang ng tatlo, 9-6, (4:12). Ito ang tanging lead change ng laro na pabor sa Lady Tams. Huling dikit ng DLSU sa scoreboard ay sa pagtarak ng tres ni Alynna Vergara sa mga huling nalalabing segundo sa

University Athletic Association of the Philippines (UAAP), ibabandera ng Far Eastern University (FEU) Men’s Badminton Team ang isa sa kanilang bagong manlalaro, si Josh Mark Maquelabit.

FEU Paddlers, kasado na

Katulad ng metal na pinapanday sa tamang hugis, talas at tibay, pumuporma na ang Far Eastern University (FEU) Men’s and Women’s Table Tennis Teams para salagin ang malalakas na hagupit ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 76 Table Tennis Tournament at maiuwi ang mailap na ginto.

Maagang tagumpay Para sa maagang pag-amba sa korona, tangan nila ang panalo mula sa dalawang torneyong nilahukan nila noong bakasyon. Nakamit ng Lady Paddlers and unang pwesto sa sa Andrew’s Cup

Non Rank and College Open Championship samantala ang Male Paddlers ay kinilalang kampero sa College and High School Open. Pangalawa naman sa College and High School Open ang Lady Paddlers. Nagtala ng magkakahiwalay na panalo sina Alexander Rodriguez, 17 and under champion; Shamiela Pineda, 3rd Place Womens Single non-rank at Rose Jean Fadol sa pangalawang p’westo sa women’s single non-rank sa ginanap na Binay Cup. Ayon kay Head Coach Noel Gonzales, kailangan ng koponan na sumali sa

mga torneyo upang mahasa at masanay ang mga bagito n’yang manlalaro. “ K a i l a n g a n n i l a ng exposure dahil dun sila masasanay. Sa mga skills, nakita ko na nag-iimprove na din sila” aniya. Inaasinta nila na malampasan pa ang ikatlong pwestong naitala nila noong nakalipas na season. Pinaghahandaan nila ito ng mabuti kasabay ng pagsali nila sa mga torneyo noong bakasyon kabilang na ang pagbibigay atensyon nila sa physical training. Ituloy sa...pahina 14

unang yugto, 12 -11. Pinagbidahan ni Sambile ang panalo ng FEU pagkatapos mag-ambag ng 19 puntos, siyam na rebound, isang block at isang steal. Sinundan naman ito ni Albano na may 14 puntos, limang board at isang steal. Bagama’t hindi maganda ang naging umpisa ng laro, sumandal ang koponan sa kanilang mindset na dumepensa, ayon kay Head Coach Allan Albano.

“Hindi nakapag-adjust agad. Nabulaga rin kasi kami, pero habang tumatagal, naaral din namin kung ano ‘yung gagawin at itatapat,” aniya. Nang tanungin sa pagbabago ng koponan pagkatapos ng unang round ng eliminasyon, “Nagiging smarter players na sila, ‘yun lang naman ang bilin ko: maging wiser sa kalaban. Double effort lagi kasi naghahanda din sila,” - Stephanie Ruth D. Navarro

Talento sa likod ng raketa

Pag-asinta sa korona

Noong nakaraang taon, muling naiuwi ng Lady Paddlers ang ikatlong pwesto, samantala ang Male Paddlers naman ay bumaba mula sa ikalawa papuntang ikatlo. Ngayong UAAP Season 76, handa na silang lumaban bitbit ang kalibre ng mga kampeon at mata para sa aksyon.

Patuloy na dominasyon. Hindi napigilan ng DLSU Lady Archers ang malakas na pwersa ng FEU Cagebelles na kasalukuyang nangunguna sa liga ng UAAP. (Kuha ni Marione Paul G. Infantado)

Matayog na layunin. Matinding pageensayo ang isinasagawa ng determinadong rookie na si Josh Mark Maquelabit para maiuwi ang inaasam na panalo. (Kuha ni Angelica C. Fernandez)

Bagaman siya ay baguhan sa kanyang koponan, dahil sa kanyang determinasyon at angking talento, itinuturing siyang mahalagang kasangkapan sa kanilang planong makamit ang kampeonato ngayong taon. Sa pagbubukas ng ika-76 na season ng

Unang pagtahak Ang tubong Maasin City, Southern Leyte na si Maquelabit ay nagsimulang maglaro ng badminton sa murang edad. “Nagsimula akong maglaro nung Grade 1 pa ‘ko… Nagsimula ‘yun nung nakita ko ‘yung ate ko na naglalaro. Sinubukan ko rin, tapos nakahiligan na rin,” aniya. Nagtapos siya ng hayskul sa St. Joseph’s College sa siyudad ng Maasin, kung saan nakahiligan rin niya ang paglalaro ng iba pang mga isport ngunit sa badminton talaga natuon ang kanyang atensyon. “Volleyball, table tennis, sipa, swimming ‘yung [ibang] mga nilalaro ko [noon]. Pero nag-focus talaga ako sa Badminton, nakasanayan at nakahiligan na rin kasi,” saad ng 17 taong gulang na binata. Sa ngayon, ang pinakamataas na kanyang narating sa paglalaro ng badminton ay ang kanyang pagkapanalo sa 2012 Batang Pinoy Games kung saan inuwi niya ang pilak.

Panibagong karera Dahil sa kanyang husay sa paglalaro, mapalad siyang nagkaroon ng pagkakataon na makapaglaro para sa FEU. “Yung coach namin sa training camp nung summer, si Coach Lloyd Escoses, nirecruit ako para maglaro rito,” hayag ni Maquelabit, na kasalukuyang nasa unang taon sa kolehiyo at kumukuha ng kursong BS Internal Auditing. Nang matanong kung ano ang pagkakaiba ng paglalaro sa hayskul at kolehiyo, “Ang layo,” saad ni Maquelabit. “Nung hayskul kasi parang laro lang, pero ngayong college, iba na. Training namin, patayan, t’yaka ‘yung kumpetisyon, iba na rin,” paliwanag niya. Pagdating naman sa kanilang koponan, nakadarama raw siya ng kaba mula sa kanyang mga kasamahan. “Pressure talaga para sa’kin… Pressure kasi medyo malaki ang expectation nila sa akin,” aniya. Sa paparating na torneyo ngayong Agosto, ayon kay Maquelabit, ibinubuhos na niya ang kanyang makakaya sa pag-eensayo. “Sa training, all-out na kami. Buhos na talaga,” kanyang sinabi,

Ituloy sa...pahina 14


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.