Dignidad Issue 2 Election Edition

Page 1

ISSUE 2 ELECTION EDITION APRIL - MAY 2019

EDITORYAL

HATOL SA BALOTA: SA NGALAN NG BAYAN PAPALAPIT NA ANG ARAW NG HALALAN. Sa Mayo 13, nakapusta sa hatol sa balota ang ating magiging kinabukasan. Mahaba na ang kasaysayan ng pag-boto sa ating bansa. Ang panahon ng halalan ay tinuturing na ring ritwal ng demokrasyang panlipunan na tinatamasa nating mga Pilipino. Iba’tibang pakulo ang nakasanayang paraan ng mga kandidato para ipalaganap ang kanilang mga pangako. Ito na rin ang nakasanayang paniwalaan natin. Ngunit, pagkatapos ng halalan, lagi pa rin tayong bigo sa resulta ng boto. Sa pagkaluklok nila sa pwesto, burado at limot na ang mga mayayabang na pangako sa entablado ng kampanya. Hindi pala totoo ang pinangakong pagbabago.

Isang siklo muli ng pangako at pagkabigo. Wala nang iba pang mas dehado sa ganitong mapanlinlang at mapang-aping siklo kundi ang mga nasa laylayan ng ating bayan. Kaya naman, karamihan sa mga mamamayan ay nawalan na ng tiwala at kumpyansa sa halaga at dulot ng eleksyon. Pero kung malulugmok tayo at magpapadaig, mas lalong magiging suntok sa buwan ang ginhawa na pangarap natin. Isa pa ulit na pagkakataon ang hatid ng eleksyon. Isa pang pag-asa ulit na huwag na nating sayangin. Simulan sa tamang pagpili ng pinuno. Kaharap natin ang tunay na hamon na makaalpas sa bulok na siklo nang huwad na pangangampanya at tumungo na

sa mas matalinong pagboto para sa kinabukasan ng ating bayan. Ayon sa Commission on Elections o COMELEC, tinatayang nasa 60 milyong Pilipino ang boboto ngayong Midterm elections. Pipili ang sambayanan ng gagawa ng mga batas at tunay na reporma sa bayan. Isang malaking oportunidad ang halalang ito para suriin at husgahan ang mga pinuno natin. Panahon na para maningil ng dapat para sa mga mamamayan. Sa halalang ito, kinukumpronta tayo ng isang malaking patlang, sagot na sino ang dapat iboto. Ano ba ang tamang boto? Sino ang dapat maluklok sa pwesto? Maging kritikal sa pagpili sa susunod nating mga pinuno. Tinatalakay sa pahinang nakapaloob ang iba’t ibang isyung apektado ang milyong Pilipino. Ngayong halalan, lawakan ang pagtingin sa mga isyung kinakaharap natin at suriin

ang mga nilatag na plano ng mga kandidato patungkol sa mga isyung ito. Matuto na tayo at huwag na nating bigyang pagkakataong mamuno ang pulitikong sikat lamang sa pangalan pero isang magnanakaw at taksil sa mamamayan. Huwag na iboto ang makasarili at mapang-abuso sa kapangyarihan at yaman. Ang mamamayan ang tunay na may hawak ng kapangyarihan sa pagreporma ng ating bansa, sa pamamagitan ng tamang pagboto. Makakaalpas lamang tayo sa tanikala ng kahirapan, kung iboboto natin ang pinunong dapat Tayo ang tunay na lakas ng bayan. Tayo ang magdidikta ng mas maaliwalas na direksyon para sa ating bayan. Tayo ang magbubuo ng bagong pag-asa.


2 | DIGNIDAD

ISSUE 2 | APRIL - MAY 2019

EKONOMIYA NG PARA PILIPINAS KANINO?

RUMARAGASANG EPEKTO NG T.R.A.I.N ANONG NAGBAGO?

NOON

ang tumataas at hindi makontrol na inflation rate. Noong January 2018 ang inflation rate ay 3.4%, noong Oktobre 2018 ay tumaas sa 6.7%, nitong January 2019 ay bumagal na ito sa 4.4%. Ayon sa IBON Foundation, nawawalan ng P2,500 hanggang P6,800 ang 60 million na pinakamahihirap na Pilipino dahil sa inflation rate na ito. Sagot naman ng gobyerno sa dagdag na gastos at at epekto ng TRAIN ay ang P200 na cash transfer kada buwan para sa mga mahihirap na pamilya. Dismayado ang ilang mga mambabatas at grupo dito dahil kahit na ilan ang bilang ng bata sa pamilya ay pare-pareho ang kanilang matatanggap. Bati naman ng gobyerno na umuunlad raw ang ekonomiya ng bansa dahil sa 7% na pagtaas ng GDP noong 2017 bago maging 6.2% na lamang noong 2018. Dagdag pa dito ay ang pangako ng mga imprastraktura na ipinangutang rin sa Tsina. Sapat na ba ang pag-unlad at mga pangako upang masagasaan ang malaking porsyento ng mamamayang Pilipino?

ANSABEH NG MGA KANDIDATO?

Wala na ring personal na buwis sa kita ang sumusweldo ng P250,000 kada taon.

Ang mga minimum wage earners ay walang personal na buwis sa kita.

Lapat at Saliksik ni Mikhaela Dimpas ANG TAX REFORM FOR ACCELERATION AND Inclusion (TRAIN) Law ay isang programa ng gobyerno na naglalayong pasimplehin ang sistema ng buwis sa bansa. Sa ilalim ng TRAIN, bababa ang income tax o personal na buwis sa kita upang tumaas ang nauuwing sweldo ng mga manggagawa. Ngunit babawiin rin ito sa pagtaas ng buwis sa ilang bilihin at produktong petrolyo. Sa loob ng limang taon, ang kita na makukuha sa TRAIN Law ay gagamitin upang pondohan ang mga proyektong gaya ng Build, Build, Build, pag-upgrade ng imprastraktura ng militar, at pag-sagot sa targeted cash transfer na subsidiya para sa mahihirap na pamilya. Ang proyekto ay nakatanggap ng batikos mula sa iba’t-ibang panig dahil sa diumano’y pagsagasa nito sa mga mahihirap. Naramdaman ng malaking porsyento ng populasyon ang pagmahal ng bilihin gaya ng bigas, sardinas, mantika, at iba pa. Mula Enero 2018, tumaas naman ang presyo ng bigas. Dagdag pa sa tumataas na presyo ng bilihin ay

NGAYON

Tataas ang presyo ng mga bilihin dahil sa pagtaas ng iba't-ibang buwis kagaya ng sa produktong petrolyo. Lahat ng Pilipino ay makakaranas nitong pagtaas na ito. EH, ANO NGAYON? Ang mga mahihirap na pamilya ang makararamdam ng matinding epekto ng TRAIN Law dahil noon pa man ay hindi na nababawasan ang kanilang sweldo dahil wala silang income tax. Ngayon, kahit na walang dagdag sa kanilang mauuwing sweldo ay parte na sila ng magbabayad ng mas mataas na presyo ng bilihin.

MAGKANO NA SA TINDAHAN NI ALING NENA? DIESEL

GAS

P43.40

P52.69

Noon: P38.40 Noon: P48.60

KEROSENE: P51.09 ANO RAW? Dahil sa TRAIN, tumaas ng P5.04 ang isang litro ng diesel, P4.09 ang isang litro ng gas, at P4.48 kada litro ng kerosene. Ang pagtaas nito ang isa sa mga malaking dahilan kung bakit tumaas rin ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

P44.00

SAAN AABOT ANG P300.00 MO? P300.00 kada buwan ngayon 2019 ang sagot ng gobyerno sa dagdag na gastusin ng mahihirap na pamilya dahil sa TRAIN Law. MULA NOON HANGGANG NGAYON. Sa mukha ng tumataas na bilihin, kakulangan sa trabaho, at kawalan ng suporta sa mga social services, tangan parin ng mga tao ang panawagan para sa libre at abot-kayang serbisyong panlipunan.

P537.00 Nakabubuhay P1,196.00na sweldo Daily minimum wage

para sa pamilyang may 6 na miyembro

P60.00

kada kilo

BIGAS

Noon: P40.00

ASUKAL

P160.00

P240.00

kada kilo

ISDA

Noon: P140.00

Noon: P50.00

kada kilo

LIEMPO

Noon: P235.00

(Datos mula sa IBON Foundation at Rappler)


3 | ELECTION EDITION

ISSUE 2 | APRIL - MAY 2019

KARAPATAN NG MGA PILIPINO

Pinasa noong 2006 ang Republic Act (RA) 9344 o ang Juvenile Justice and Welfare na nagtatanggol sa karapatan ng mga “children in conflict with the law (CICL).” Naka-saad dito na edad 15 pataas lamang ang maaring ikulong o magkaroon ng criminal liability. Kaakibat ng batas na ito ay ang pagbigay sa mga CICL ng “intervention program.”

Lapat ni Chrixy Paguirigan, Saliksik nina Atty. Melisa Comafay at Tricia Buendia

TUNAY NA BILANG NG BIKTIMA SA GIYERA KONTRA DROGA, HINDI PADIN MALINAW pagpatay ay may kinalaman sa ipinagbabawal na droga. Bagamat ang naging epekto ng drug war ay ang pagbaba ng bilang ng gumagamit ng ipinagbabawal na droga, madami namang mamamayang Pilipino ang ngayo’y natatakot dahil sa pamamaraang ginamit ng gobyerno. Sa palagay ng mga sumagot sa survey ng Social Weather Stations, kadalasan ang mga nagiging target ay mga mahihirap lamang.

81,919

ANG BILANG NG NAMATAY SA GIYERA kontra droga simula noong 2016 na pag upo nang Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi padin malinaw. Ayon sa 2018 #RealNumbersPH report ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency: 4,075 na ang drug-linked killings at 2,467 drug related homicide incidents sa 81,919 antiillegal drug operations na naisagawa. Ngunit sa pinaka bagong salaysay ngayong 2019, isinaad na nasa 5,281 lamang ang naging biktima ng mga operasyon. Ilan sa mga human rights groups ay umapila sa hindi nagtutugmang mga datos at sinasabing kung tutuusin, aabot na sa higit kumulang 12,000 na ang biktima ng ‘War on Drugs’ ayon sa datos na nailabas ng mga ahensya ng gobyerno. Nalalapit na ang eleksyon ngunit wala pading opisyal na bilang ng mga taong nabikitma o na-apektuhan ng ‘War on Drugs.’ Hindi padin nag tu-tugma ang mga datos na ipini-prisinta ng iba’t ibang grupo o ahensya. Sa isa namang pag-aaral na lumabas noong Hulyo ng 2018, lumabas na “kung bibilangin ang mga kaso ng namamatay na may kinalaman sa ipinagbabawal na droga araw araw mula noong umupo ang kasalukuyang Presidente, umaabot ng halos 33 ang namamatay sa isang araw.” Sa kabila nito, idinidiin padin ng kapulisan na hindi naman daw lahat ng kaso ng

2019 ANTI-DRUG OPERATIONS

6,222

5, 281

DRUG PERSONALITIES/HOMICIDES

HOUSE BILL 8858 MINIMUM AGE OF CRIMINAL RESPONSIBILITY 24

127,041

2018 ANTI-DRUG OPERATIONS

DRUG RELATED KILLINGS

Ngunit nito lamang Enero 2019, pinasa ng mga mambabatas sa mababang kapulungan ang House Bill 8858 sa botong 146-34. Hangad nito na baba-an ang ‘minimum age of responsibility of children in conflict with the law na mula 15 ay maging 12.

DRUG RELATED KILLINGS DRUG PERSONALITIES/HOMICIDES

REFORMATION CENTERS

12,000

BILANG NG NAMATAY SA WAR ON DRUGS AYON SA HUMAN RIGHTS DEFENDERS

150

ANG NAKAPAG TAPOS

11,080

CLEARED BARANGAYS

21,974 UNCLEARED BARANGAYS

DEATH PENALTY: KASAYSAYAN AT POSIBLENG PAGBALIK Sya Buendia Ang pagbigay parusa sa paraan ng kamatayan o “bitay” ay isinasagawa na sa Pilipinas bago pa man tayo masakop ng mga banyaga. Nag-patuloy ito hanggang sa pagdating ng mga Kastila at nahinto lamang noong taong 2006. Noong administrasyon ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo naihinto ang parusang bitay dahil sa pagsang-ayon ng Pilipinas sa usapan ng United Nations patungkol sa “Second Optional Protocol to the International Covenant on Civil and Political Rights” na nag-tatangka na alisin ang death penalty. Ang usapang pagbalik sa kaparusahang bitay ay muling umugong sa panahon ni Pangulong Benigno Aquino III. Ngunit ang nasabing pangulo ay tumutol at umaming “kailangan muna ayusin ang ating justice system.” Mas pinagtuunan nang pansin ang nasabing reporma dahil hindi naniniwala ang administrasyong Aquino na bitay ang

solusyon sa pagbaba ng krimen. Sa ilalim ng kasalukuyang Presidente Rodrigo Roa Duterte, kaugnay sa ‘War on Drugs’ pilit ibinibalik a n g sintensyang bitay. Nasa huling pagbasa na sa House of Representatives ang panukalang-batas patungkol sa bitay para sa mga krimen dahil sa droga. Sa Senado naman, nakikita na ang panukalangbatas ay hindi ipapasa ng karamihan sa mga senador. Ang pagtutol ay mas lalong pinalakas ng Commission on Human Rights dahil ang parusang kamatayan ay laban sa mga mahihirap; idagdag pa dito ang pag-aaral na may 71.77% ng mga maling hatol sa korte. Sa papalapit na senatorial eleksyon, hati ang posisyon ng mga kandidato

sa usapang ito. Lahat ng nasa partido ng Otso Diretso, kabilang sila Diokno, Gutoc, Alejano, at Aquino ay tutol sa muling pagbalik nang nasabing parusa. Ang partido ng administrasyon kabilang sila Dela Rosa, Tolentino, at Ejercito ay bumoto na sangayon dito.


2 | APRIL ISSUE ISSUE 2 | APRIL - MAY 2019

4 | DIGNIDAD

HALALAN 2019 Party Senatorial Term

SINO ANG DAPAT IBOTO?

GARY ALEJANO

SONNY ANGARA

BAM AQUINO

NANCY BINAY

PIA CAYETANO

Magdalo

Laban ng Demokratikong Pilipino 1st term, running for 2nd term

Liberal Party

United Nationalist Alliance (UNA) 1st term, running for 2nd term

Nacionalista Party

N/A

1st term, running for 2nd term

1st term, running for 2nd term

War on Drugs Womens Rights TRAIN Law

Review called China to respect arbitral ruling

Territorial Dispute

passed bills to improve K-12

K-12 Death Penalty Sin Tax

N/A

N/A

Political Dynasty

NERI COLMENARES BATO DELA ROSA Makabayan Bloc

Hugpo ng Pagbabago

N/A

N/A

JV EJERCITO

JINGGOY ESTRADA

LARRY GADON

Nationalist People’s Coalition 1st term, running for 2nd term

Pwersa ng Masang Pilipino

Kilusang Bagong Lipunan

Running for 3nd term

N/A

Party Senatorial Term War on Drugs Womens Rights TRAIN Law Territorial Dispute K-12 Death Penalty Sin Tax Political Dynasty


5 | ELECTION EDITION

ISSUE 2 | APRIL - MAY 2019

Lapat ni Hannah Nera


6 | DIGNIDAD

DIGNIDAD

ISSUE 2 | APRIL - MAY 2019

ESTADO NG TRABAHADOR

Lapat ni Amanda Lingao, Saliksik nina Benjie Aquino at Atty. Lorenz Dantes

Gobyerno, bigong wakasin “The moment I ang kontraktwalisasyon assume the presidency,

Ang pagwakas sa kontraktwalisasyon ay kabilang sa mga repormang ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte habang nangangampanya sa pagka-Presidente noong 2016. Tatlong taon makalipas ang kaniyang pagkahalal, wala pa ring batas na napapasa upang ipagbawal ito. Sa halip, naglabas lamang ang Department of Labor and Employment (DOLE) noong Marso 2017 ng isang department order (D.O.) na ipinagbabawal ang labor-only contractualization o 5-5-5. Ito ay isang porma ng kontraktwalisasyon kung saan ang mga emplayado ay nabibigyan ng kontratang tig-limang buwan upang maiwasan ang pag-regularize sa kanila. Sinundan ito ng isang executive order (E.O.) mula sa Presidente na idinidiin ang laman sa D.O. Base sa datos ng Philippine Statistics Authority mula 2017, mahigit kalahati o 54.7% ng mga

establisamiyento ang kumukuha ng mga emplayado mula sa ahensya. Dahil kontraktwal, ang mga trabahador na ito, madalas ay di sila nakakatanggap ng benipsyo, tulad ng SSS registration, holiday pay, at 13th month pay. Bukod pa rito, walang seguridad ng trabaho ang mga kontraktwal na trabahador dahil kahit kailan ay maaaring hindi i-renew ang kanilang kontrata. Kaya’t bagamat itinuturing ng Malacañang ang E.O. na katuparan ng pangako ng Presidente, marami ang nagpahayag ng pagka-dismaya dahil inuulit lang raw nito ang nakalagay sa Labor Code. Ayon sa mga grupo ng mga manggagawa, hindi ito sapat upang solusyunan ang isyu, lalo na’t dahil hindi nito ipinagbabawal ang lahat ng porma ng kontraktwalisasyon. Iba rin raw ang E.O. na pinirmahan ng Pangulo sa bersyon na napagkasunduan nila kasama ang DOLE. Sa kasalukuyan lampas 400,000

contractualization will stop” Pangako ni Duterte habang nangangampanya sa pagkapangulo nuong 2016

na empleyado na raw ang naregularize noong 2018, ayon sa DOLE. Sa kabila nito, nauna nang ihinayag ni DOLE Sec. Silvestre Bello III na hindi raw possible ang tuluyang pagbawal ng lahat ng porma ng kontraktwalisasyon, lalo na’t may mga kaso kung saan ito ay legal. Upang sanggain ang mga kritiko, inirason na lamang ng administrasyon na may Security of Tenure Bill na nakahain sa Kongreso, na naglalayong bawasan pa lalo ang kontraktwalisasyon. Aamyendahan ng panukala ang ilang parte ng Labor Code upang baguhin ang mga probisyon na pinapayagan ang kontraktwalisasyon.

ALAM MO BA: MGA INFORMAL WORKER Informal sector worker ka ba? Tinatayang 38% o halos dalawa sa limang trabahador na Pinoy ay informal sector worker. Sila ang mga indipendiyente at hindi namamasukan na trabahador, o maliit na distribyutor ng mga paninda o serbisyo. Kasama dito ang mga manginigsda, tricycle driver, maninida sa kalye, at iba pa. Ano ang isyu? Dahil hindi kabilang sa pormal na ekonomiya, karamihan sa mga trabahador sa impormal na sektor ay di sakop ng mga batas o polisiya na prinoprotektahan ang karapatan ng karaniwang trabahador. Hindi rin sila nakakatanggap ng mga benepisyo na nakukuha ng mga regular na emplayado sa kompanya. Bukod pa dito, madalas mas mababa ang kanilang kita at wala silang seguradid sa trabaho. May solusyon ba dito? May iba’t ibang bersyon ng panukalang Magna Carta for Workers in the Informal Economy na naglalayong protektahan ang karapatan nga mga trabahador sa impormal na ekonomiya. Ano ang laman ng Magna Carta? Kabilang sa mga probisyon nito ay ang paglikha ng mga ahensya na tutugon sa pangangailangan ng mga informal sector worker. Inuutos rin nito ang pakikipagtulungan ng ahensya sa lokal na gobyerno upang magtalaga ng mga lugar kung saan maaring magtrabaho ang mga informal sector workers. Napasa na ba ito? Maraming bersyon na ng Magna Carta ang nakasalang sa ika-17 na Kongreso, ngunit wala pa sa mga ito ang naipapasa.


DIGNIDAD

7 | NEWS / COLUMN / COMICS ELECTION EDITION

ISSUE 2 | APRIL - MAY 2019

SIPAT

PAGHILOM Ni Bishop Pablo Virgilio “Ambo” David

KAGITINGAN AT MALASAKIT BRENDA GRIFON This year’s Day of Valor is not only for the courageous and the martyrs. It is also for the compassionate. MISEREOR, meaning compassion, joined IDEALS and partner organizations to celebrate the Day of Valor with communities. These women, men, and children may have lost their loved ones, but the Church, advocates, and organizations are working together to provide a ray of hope as they help restore the lives of the disadvantaged. True heroism doesn’t just reside in the crossfires. It is in giving the simplest joy through selfless service and the arts. It is more evident in loving one’s neighbor and standing together to fight for justice and a life of dignity.

DIYAMANTE O PUWET NG BASO? ANG MAHUSAY NA PAGPILI NG MGA bagong pinuno para sa ating bayan ay walang ipinagkaiba sa pagkilatis sa bato ng alahas. Kung minsan, ang sa tingin mo'y makislap at napakamahal, ang akala mo'y namumukod-tangi at kamangha-mangha, ang binayaran mo ng napakalaking halaga, ay puwet lang pala ng baso. Kaiingat, kabayan. Maraming nang manggagantso ngayon. At kung nagpaloko ka at nagbayad nang mahal para sa alahas na huwad pala, e di... magdusa ka. Hindi ako nagbibiro. Marami na tayong pagdurusang naranasan bilang isang bayan dahil sa ating mga pagkakamali ng pagkilatis. Kung naloko ka man ng mga manggagantso, kung nagbayad ka nang mahal para sa puwet ng baso, ang aral na natutunan, iyon ay diyamante rin naman. Paandarin natin ang mga diyamanteng natutunan mula sa kasaysayan.

May mga nais ka bang itanong kay attorney? mag-text lang sa 0966 760 9397 o mag-pm sa ideals inc. facebook page. EDITOR-IN-CHIEF Dada Grifon LAYOUT Mikhaela Dimpas WRITERS AND RESEARCHERS Amanda Lingao, Chrixy Paguirigan, Tricia Buendia, Mikhaela Dimpas, Atty. Melisa Comafay, Atty. Lorenz Dantes, Benjie Aquino CARTOON Vladimir Usi, Luke Perry Saycon EDITORIAL STAFF


8 | DIGNIDAD

ISSUE 2 | ELECTION EDITION | APRIL - MAY 2019


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.