Nilagdaan noong 13 Abril 2022, layunin ng Republic Act 11696 o Marawi Siege Victims Compensation Act of 2022 na mabigyan ng wastong kabayaran o monetary compensation ang mga biktima ng digmaan sa Marawi na nagsimula noong 23 May 2017.
Ayon sa batas, partikular na magiging benepisyaryo nito ang mga tagapagmana ng mga namatay o ipinapalagay na namatay, at mga nawalan o nasiraan ng mga ari-arian sa main affected areas (MAA) at other affected areas (OAA) noong kasagsagan ng bakbakan.
Anim na taon matapos ideklara ang liberasyon ng Marawi mula sa digmaan at mahigit isang tao mula ng lagdaan ang RA 11696, kaisa pa rin ng libu-libong mga biktima ng Marawi Siege ang IDEALS sa lahat ng aspetong nararapat upang sila’y tuluyang makabangong muli. Buo ang loob naming naninindigan para sa inyong #SyudadNgMagiting!