ALERTayo Eleksyon 2022 Rumor Bulletin Issue No. 3

Page 1

RUMOR BULLETIN ISSUE NO.3

Papalapit na ang halalan sa 2022, kaya naman parami na rin nang parami ang mga kumakalat na tsismis o sabi-sabi sa ating paligid. Para masigurong malinis at matagumpay ang halalan, laging tandaan: importanteng tama ang nakukuha nating kaalaman! Sa pamamagitan ng rumor bulletin na ito, ating sagutin ang mga talamak na tsismis at itama ang mga maling kaalamang maaaring magdulot ng kapahamakan sa ating halalan.

Mga Marka: Hindi Totoo Ang sabi-sabi ay napatunayang HINDI TOTOO sa pamamagitan ng pag factcheck gamit ang mga kilala at kagalang-galang na sources. Totoo Ang sabi-sabi ay napatunayang TOTOO sa pamamagitan ng pag fact-check gamit ang mga kilala at kagalang-galang na sources. Halo Ang sabi-sabi ay natagpuang may halong katotohanan at kasinungalingan.

Sabi-sabi #1:

Kayamanan ng pamilya Marcos, nagmula raw sa ginto ng pamilya Tallano; Marcos Sr., tumulong na ibalik ito sa Pilipinas

Marka: Hindi Totoo

Walang Basehan Walang mahanap na kilala at kagalang - galang na sources para makumpirma kung may katotohanan ang sinasabi.

Link na pinagmulan: https://bit.ly/3HOVJZD

May iba-ibang kwentong sinusubukang bigyan ng paliwanag ang pinagmulan ng kayamanan ng pamilya Marcos. Isa sa mga ito ang sabi-sabing nakatanggap si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ng ginto bilang kabayaran sa kanyang pagtulong sa pamilyang dating namuno at nagmay-ari sa Pilipinas. Sa kwentong ito, isang pamilya Tallano raw ang sinasabing namuno sa Maharlika, ang kahariang diumano’y binubuo ng Pilipinas at ilang karatig na bansa, hanggang sa kalagitnaan ng ika-18 siglo. Mayroon daw silang mahigit 640,000 metric tons ng ginto na ipinahiram sa Vatican City, at si Marcos Sr. daw ang nagsilbing abogado nila na tumulong sa pagpapabalik ng ginto sa bansa noong 1949. Bilang kabayaran, ipinagkaloob daw ng pamilya kay Marcos Sr. ang 192,000 metric tons ng ginto, na ayon din sa kwento ay nagkakahalagang $4 trilyon noong 2006. Walang dokumentong nagpapatunay na may pamilya Tallano na namuno sa kaharian ng Maharlika.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
ALERTayo Eleksyon 2022 Rumor Bulletin Issue No. 3 by IDEALS Inc. - Issuu