RUMOR BULLETIN ISSUE NO.5
Papalapit na ang halalan ngayong 2022, kaya naman parami na rin nang parami ang mga kumakalat na tsismis o sabi-sabi sa ating paligid. Para masigurong malinis at matagumpay ang halalan, laging tandaan: importanteng tama ang nakukuha nating kaalaman! Sa pamamagitan ng rumor bulletin na ito, ating sagutin ang mga talamak na tsismis at itama ang mga maling kaalamang maaaring magdulot ng kapahamakan sa ating halalan.
Mga Marka: Hindi Totoo Ang sabi-sabi ay napatunayang HINDI TOTOO sa pamamagitan ng pag factcheck gamit ang mga kilala at kagalang-galang na sources.
Sabi-sabi #1:
Comelec, na-hack; Bise-Presidente Robredo, kasabwat daw
Totoo Ang sabi-sabi ay napatunayang TOTOO sa pamamagitan ng pag fact-check gamit ang mga kilala at kagalang-galang na sources. Halo Ang sabi-sabi ay natagpuang may halong katotohanan at kasinungalingan.
Marka: Hindi Totoo
Walang Basehan Walang mahanap na kilala at kagalang - galang na sources para makumpirma kung may katotohanan ang sinasabi.
Nitong Enero, ibinalita ng Manila Bulletin na diumano’y nakompromiso raw ng hackers ang servers ng Commission on Elections na naglalaman ng mga sensitibong impormasyon kaugnay ng eleksyon. Kaugnay nito, kumalat naman sa social media ang ilang posts na nagsasabing kasabwat daw si Bise-Presidente Robredo sa insidente para masiguro ang pagkapanalo niya sa darating na halalan. Pinabulaanan ng Comelec ang alegasyon ng pangha-hack sa kanilang sistema. Ayon sa kanila, wala pa raw sa kanilang sistema ang mga impormasyong diumano’y nakompromiso. Sa pagkakasulat ng bulletin na ito, nasa kalagitnaan pa ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) at National Privacy Commission (NPC) ukol sa nasabing alegasyon ng pangha-hack. Wala pang inilalabas na opisyal na ulat ang dalawang ahensya ukol dito.