RUMOR BULLETIN ISSUE NO.6
Papalapit na ang halalan ngayong 2022, kaya naman parami na rin nang parami ang mga kumakalat na tsismis o sabi-sabi sa ating paligid. Para masigurong malinis at matagumpay ang halalan, laging tandaan: importanteng tama ang nakukuha nating kaalaman! Sa pamamagitan ng rumor bulletin na ito, ating sagutin ang mga talamak na tsismis at itama ang mga maling kaalamang maaaring magdulot ng kapahamakan sa ating halalan.
Mga Marka: Hindi Totoo Ang sabi-sabi ay napatunayang HINDI TOTOO sa pamamagitan ng pag factcheck gamit ang mga kilala at kagalang-galang na sources.
Sabi-sabi #1:
Marcos Jr., nagsumite raw ng maling resibo para patunayan ang pagbabayad ng tax liabilities
Totoo Ang sabi-sabi ay napatunayang TOTOO sa pamamagitan ng pag fact-check gamit ang mga kilala at kagalang-galang na sources. Halo Ang sabi-sabi ay natagpuang may halong katotohanan at kasinungalingan.
Marka: Totoo
Walang Basehan Walang mahanap na kilala at kagalang - galang na sources para makumpirma kung may katotohanan ang sinasabi.
Ipinaratang ni retiradong Commission on Elections (Comelec) commissioner Rowena Guanzon na “pineke” raw ng panig ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang isinumite nilang resibo bilang ebidensya sa pagbabayad ng kanyang tax liabilities sa Bureau of Internal Revenue (BIR). Sa pagsusuri sa isinumiteng resibo, ang ipinadala ng kampo ni Marcos Jr. ay para sa pagbabayad ng upa, hindi ng tax deficiencies. Hindi rin matukoy ang katunayan ng isinumiteng resibo, na photocopy lamang at hindi
ang mismong orihinal na dokumento. May social media users din na nagsasabing ang numerong “0605” na nakasulat sa isinumiteng resibo ay tumutukoy sa form 0605 ng BIR (ang opisyal na form para sa pagbabayad ng buwis). Mapanlinlang ito dahil iba ang “account symbol” sa resibo sa numero ng mga opisyal na form. Ang nasabing resibo ay isinumite sa gitna ng mga hinaharap ni Marcos Jr. na petisyon sa Comelec para idiskalipika ang pagtakbo niya bilang pangulo. Naka-angkla ang mga petisyon sa pagkakahatol ng kasong tax evasion sa kanya noong 1995.